Tinalakay sa aralin ang mga hamon sa kapaligiran at ang mga responsibilidad ng pamahalaan at komunidad sa panahon ng kalamidad. Napakahalaga ng gumagamit ng disaster risk reduction management (DRRM) at community-based disaster risk management (CBDRM) upang mapababa ang mga epekto ng mga kalamidad. Ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan at ang magkasamang pagsisikap ng iba't ibang sektor ng lipunan ay susi sa matagumpay na pagtugon sa mga suliranin sa kapaligiran.