ARALIN (Unang Linggo)
Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Birtud at
Pagpapahalaga
ARALIN:
Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Birtud at Pagpapahalaga
Mayroon ka bang pinahahalagahan sa buhay? Bakit kailangang taglayin ng tao ang pagpapahalaga? Ano ang
kahulugan ng pagpapahalaga?
KADENA at KORONA ni CADENA
Apat na magkakapatid sina Lloyd, dalawang babae at dalawang lalaki. Laki sa hirap
ang pamilya niya. Parehong OFW sa Middle East ang kanyang mga magulang. Dahil sa
pagsisikap ng kanyang mga magulang, sinikap rin niya na makapagtapos ng kanyang pag-
aaral. Nakilala si Lloyd bilang isang personalidad sa radyo, manunulat, Orehinal Filipino
Vlogger at Youtuber. Ipinanganak siya noong Setyembre 23, 1993 sa Lungsod ng
Paranaque. Kumuha ng kursong Financial Management sa Colegio de San Juan de Letran.
Bilang mag-aaral, siya ay nagtrabaho sa Alyansa Letranista at kabilang sa Letran
Student Coucil. Taong 2011, nang siya’y nagsimulang mag Vlog. Nakatanggap siya ng
unang parangal bilang “Best Comedy on Youtube” taong 2013. Ilang beses na rin siyang
nakita sa telebisyon. Lagi niyang background ay kanyang iconic pink vlog. Umabot sa higit
5. 29 milyon ang kanyang follower at subscriber. Nakilala siya bilang si “Kween LC” Ilan rin
ang kanyang mga natulungan sa larangan ng vlogging.
Marami ang nagulat at nanghihinayang sa pagkawala niya. Ayon sa kanyang mga
nakasama, masayahin, matulungin at totoong tao si Lloyd. Ang kita niya sa pagba vlog ay
ibinahagi niya sa iba. Buwan ng Abril na kasagsagan ng pandemya, namahagi siya ng ayuda
sa kanyang mga kapitbahay sa Paranaque. Namigay rin siya ng tablet para sa online classes
at face mask para sa mga bata sa kanilang komunidad Dahil nagmula sa hirap pilit niyang
ipinararanas sa kanyang mga magulang ang kaginhawaan hanggat sila’y nabubuhay pa.
Pinagretiro na niya ang kanyang nanay sa pagtatrabaho. Ipinagpatayo ng sariling bahay at
naghandog ng regalo bilang pagtanaw sa pagsasakripisyo lalo na ang kanyang nanay.
Sa kabila ng pag-abot niya ng kanyang mga pangarap para sa pamilya, saka
naman siya nawala kaya’t ganun na lamang ang sakit na nararamdaman ng kanyang mga
magulang. Sa edad na 26, binawian ng buhay si Lloyd noong Setyembre 4, 2020 sanhi ng
Cardiac Arrest at positibo sa COVID-19 sa isinagawang pagsusuri.
Ang salitang pagpapahalaga na may katumbas sa Ingles na “value” at hango sa salitang Latin na
valore na ang ibig sabihin ay pagiging malakas o matatag, pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay. Ito
ay pamantayan na itinuturing na mahalaga o kanais-nais. Maaari itong matukoy bilang alituntunin o
pamantayan sa pag-uugali; mga paghuhusga kung ano ang mahalaga sa buhay.
Nangyayari ito dahil ang bawat isa sa atin ay nagbibigay halaga sa iba’t ibang mga bagay.
Maiiwasan ang makagawa ng mga pagkakamali at tinitiyak na ang mga bagay na gagawin ay magreresulta ng
mabuti para sa sarili at sa kapwa. Kadalasan, ito ang nagdidikta at ginagamit na batayan sa pagggawa ng mga
disisyon o pasya.
Batay sa pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, ang pagpapahalaga ay pamantayan sa
paghusga ng tama at maling kilos maging sa ugali at paniniwala ng bawat indibidwal anoman ang lahi at
lipunang kinabibilangan nito. Ito ay dapat mangyari at nararapat gawin sapagkat ito ay magsisilbing
pamantayan para sa kabutihang panlahat. Ayon kay Ayn Rand (Philosopher), ang pagpapahalaga ay ang
pinagsusumikapan ng tao na makamit at may layunin o tunguhin na nagdudulot ng kabutihan na siyang
ninanais na maisakatuparan ng tao. Ito ang umuudyok sa tao at kailangan ng tao para mabuhay.
Ang salitang Birtud (mabuting gawi) na may katumbas sa Ingles na “virtue” at hango sa salitang
Latin na virtus (vir) na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag at malakas ng tao ( sa pagharap sa
mga hamon o mga pagsubok sa buhay). Ito ay katangian na itinuturing na mabuti o kanais-nais sa isang tao. Ito
ay may mataas na antas ng moralidad. Biniyayaan ang tao ng kaalaman subalit magkakaiba ang paggamit nito
sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang birtud ay katangian ng isang mabuting tao na siyang itinanim ng Diyos
sa tao mula ng ito ay kanyang likhain kaya’t natural na ito sa tao. Hindi pa taglay ng tao ang birtud sa kanyang
kapanganakan dahil wala pa itong kakayahan na mag-isip, mangatuwiran at magpasya. Unti-unti lamang niya
itong mapagaaralan at matututunan pagdaan ng mga panahon. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at
pagkilos ng tao.
Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Pagpapahalaga sa Birtud
Ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa birtud ay ang pagpapahalaga ay pagbibigay importansya at
kabuluhan sa isang bagay. Ito ay pansarili o personal dahil ang isang indibidwal ay maaaring magpasya kung
ano ang mahalaga sa kanya samantalang ang birtud ay mga katangian na maituturing na mabuti o kanais-nais
sa isang tao. Ito ay may mataas na pagpapahalagang moral na tinatanggap sa buong mundo at nagpapakita ng
pamantayan o basehan ng kalidad ng moralidad na kaaya-aya sa isang tao. Ang pagpapahalaga at birtud ay
mga makabuluhang konsepto na humuhubog sa paguugali ng tao na makatutulong sa kanya na magpasya
kung ano ang mahalaga sa buhay. Magkaiba man ito subalit magkaugnay ang mga pagpapahalaga at birtud.
Magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud sapagkat ang pagpapahalaga ay isang birtud. Kapwa nagbibigay
importansya sa kabutihan at halagang moral ng isang tao, sa bagay at kapwa tao.

More Related Content

PPTX
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
PPTX
Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud ESP 7.pptx
PPTX
VE7 Q1 Week 2-1 Dignidad power point presentation
PDF
530443610-Paggalang-sa-Buhay-ESP-10-week-4-3rd-quarter.pdf
PPTX
ESP 7 WEEKnfhuhfiosodkskdfngvjfdbgh 2 PPT.pptx
DOCX
Ayon kay max scheler
PPTX
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
PPTX
Mga Panloob na Salik Na Nakaiimpluwensya sa mga Pagpapahalaga_NEWEST.pptx
ESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptxESP WEEK 1-2 BIRTUD VIRTUE.pptx
Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud ESP 7.pptx
VE7 Q1 Week 2-1 Dignidad power point presentation
530443610-Paggalang-sa-Buhay-ESP-10-week-4-3rd-quarter.pdf
ESP 7 WEEKnfhuhfiosodkskdfngvjfdbgh 2 PPT.pptx
Ayon kay max scheler
Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik Na Nakaiimpluwensya sa mga Pagpapahalaga_NEWEST.pptx

Similar to ARALIN 1.doc (20)

PPTX
ARALIN 2 DIGNIDADAng Dignidad ng tao. Aralin 2 grade 7 Values Education..pptx
PPTX
pagpapahalaga.pptx
PPTX
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
PDF
MODULE 14-ESP10.ppt.pdf
PPTX
G6 Quarter 1 WEEK 2 ESP PowerPoinT.pptx
PPTX
Katuturan ng moral na pagkatao
PPTX
DSDSDSDSDSDSDSDSDSDSFHSRLTHDGSTEYTHDFGHGFTYRTYTR
DOCX
Las es p7 q3w1_norberto manioang
PPTX
MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
PPTX
Values Education 7 ................................................
PPTX
DIGNIDAD .pptx
PPTX
VEWEEK1VALUES-EDUCATION-7_Q1_WEEK-4.pptx
PPTX
_esp10-modyul-1 ppt.pptx
PPTX
PPT-ESP-8-Q2-Week-1 .pptx
PPTX
PAGPAPAHAYAG NG PERSONAL NA MISYON SA BUHAY.pptx
PPTX
Matatag Curriculum Values Education 7 -Q1-W2.pptx
PPTX
ESP 7 lesson 3.pptxESP 7 lesson 3.pptxESP 7 lesson 3.pptxESP 7 lesson 3.pptx
PPTX
Values Education7-Quarter1-W3-D1-D3.pptx
PPTX
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
PPTX
Panlabas na Salik sa Pagpili ng Kurso na Kukunin sa Hinaharap
ARALIN 2 DIGNIDADAng Dignidad ng tao. Aralin 2 grade 7 Values Education..pptx
pagpapahalaga.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-ESP10.ppt.pdf
G6 Quarter 1 WEEK 2 ESP PowerPoinT.pptx
Katuturan ng moral na pagkatao
DSDSDSDSDSDSDSDSDSDSFHSRLTHDGSTEYTHDFGHGFTYRTYTR
Las es p7 q3w1_norberto manioang
MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
Values Education 7 ................................................
DIGNIDAD .pptx
VEWEEK1VALUES-EDUCATION-7_Q1_WEEK-4.pptx
_esp10-modyul-1 ppt.pptx
PPT-ESP-8-Q2-Week-1 .pptx
PAGPAPAHAYAG NG PERSONAL NA MISYON SA BUHAY.pptx
Matatag Curriculum Values Education 7 -Q1-W2.pptx
ESP 7 lesson 3.pptxESP 7 lesson 3.pptxESP 7 lesson 3.pptxESP 7 lesson 3.pptx
Values Education7-Quarter1-W3-D1-D3.pptx
BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA
Panlabas na Salik sa Pagpili ng Kurso na Kukunin sa Hinaharap

Recently uploaded (20)

PPTX
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
PDF
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
PPTX
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
PPTX
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
PPTX
MATATAG FILES-FILIPINO 7-QUARTER1-WEEK1.pptx
PPTX
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
PPTX
GMRC Quarter 1 Week 1 ppt ppt.ppt.ppt.pptx
PPTX
EDITED-ARALIN-5-PPT-TEKSTONG-BISWAL-AT-TEKSTONG-PERSWEYSIB.pptx
DOCX
First Quarter PERIODICAL TEST IN AP 4.docx
PPTX
Buwan ng Wikang Pambansa Program Education Presentation in Red, Blue, and Yel...
PPTX
Values Education ang Dignidad esp week 4pptx
PPTX
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
PPTX
Values Education Curriculum Content.pptx
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
PPTX
AP8_Q1_Week_3-2_Sinaunang_Kabihasnang_Mediterraneo.pptx
DOCX
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
PPTX
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PPTX
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
PPTX
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
PPTX
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
MATATAG FILES-FILIPINO 7-QUARTER1-WEEK1.pptx
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
GMRC Quarter 1 Week 1 ppt ppt.ppt.ppt.pptx
EDITED-ARALIN-5-PPT-TEKSTONG-BISWAL-AT-TEKSTONG-PERSWEYSIB.pptx
First Quarter PERIODICAL TEST IN AP 4.docx
Buwan ng Wikang Pambansa Program Education Presentation in Red, Blue, and Yel...
Values Education ang Dignidad esp week 4pptx
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
Values Education Curriculum Content.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
AP8_Q1_Week_3-2_Sinaunang_Kabihasnang_Mediterraneo.pptx
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON

ARALIN 1.doc

  • 1. ARALIN (Unang Linggo) Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Birtud at Pagpapahalaga ARALIN: Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Birtud at Pagpapahalaga Mayroon ka bang pinahahalagahan sa buhay? Bakit kailangang taglayin ng tao ang pagpapahalaga? Ano ang kahulugan ng pagpapahalaga? KADENA at KORONA ni CADENA Apat na magkakapatid sina Lloyd, dalawang babae at dalawang lalaki. Laki sa hirap ang pamilya niya. Parehong OFW sa Middle East ang kanyang mga magulang. Dahil sa pagsisikap ng kanyang mga magulang, sinikap rin niya na makapagtapos ng kanyang pag- aaral. Nakilala si Lloyd bilang isang personalidad sa radyo, manunulat, Orehinal Filipino Vlogger at Youtuber. Ipinanganak siya noong Setyembre 23, 1993 sa Lungsod ng Paranaque. Kumuha ng kursong Financial Management sa Colegio de San Juan de Letran. Bilang mag-aaral, siya ay nagtrabaho sa Alyansa Letranista at kabilang sa Letran Student Coucil. Taong 2011, nang siya’y nagsimulang mag Vlog. Nakatanggap siya ng unang parangal bilang “Best Comedy on Youtube” taong 2013. Ilang beses na rin siyang nakita sa telebisyon. Lagi niyang background ay kanyang iconic pink vlog. Umabot sa higit 5. 29 milyon ang kanyang follower at subscriber. Nakilala siya bilang si “Kween LC” Ilan rin ang kanyang mga natulungan sa larangan ng vlogging. Marami ang nagulat at nanghihinayang sa pagkawala niya. Ayon sa kanyang mga nakasama, masayahin, matulungin at totoong tao si Lloyd. Ang kita niya sa pagba vlog ay ibinahagi niya sa iba. Buwan ng Abril na kasagsagan ng pandemya, namahagi siya ng ayuda sa kanyang mga kapitbahay sa Paranaque. Namigay rin siya ng tablet para sa online classes at face mask para sa mga bata sa kanilang komunidad Dahil nagmula sa hirap pilit niyang ipinararanas sa kanyang mga magulang ang kaginhawaan hanggat sila’y nabubuhay pa. Pinagretiro na niya ang kanyang nanay sa pagtatrabaho. Ipinagpatayo ng sariling bahay at naghandog ng regalo bilang pagtanaw sa pagsasakripisyo lalo na ang kanyang nanay. Sa kabila ng pag-abot niya ng kanyang mga pangarap para sa pamilya, saka naman siya nawala kaya’t ganun na lamang ang sakit na nararamdaman ng kanyang mga magulang. Sa edad na 26, binawian ng buhay si Lloyd noong Setyembre 4, 2020 sanhi ng Cardiac Arrest at positibo sa COVID-19 sa isinagawang pagsusuri. Ang salitang pagpapahalaga na may katumbas sa Ingles na “value” at hango sa salitang Latin na valore na ang ibig sabihin ay pagiging malakas o matatag, pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay. Ito ay pamantayan na itinuturing na mahalaga o kanais-nais. Maaari itong matukoy bilang alituntunin o
  • 2. pamantayan sa pag-uugali; mga paghuhusga kung ano ang mahalaga sa buhay. Nangyayari ito dahil ang bawat isa sa atin ay nagbibigay halaga sa iba’t ibang mga bagay. Maiiwasan ang makagawa ng mga pagkakamali at tinitiyak na ang mga bagay na gagawin ay magreresulta ng mabuti para sa sarili at sa kapwa. Kadalasan, ito ang nagdidikta at ginagamit na batayan sa pagggawa ng mga disisyon o pasya. Batay sa pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, ang pagpapahalaga ay pamantayan sa paghusga ng tama at maling kilos maging sa ugali at paniniwala ng bawat indibidwal anoman ang lahi at lipunang kinabibilangan nito. Ito ay dapat mangyari at nararapat gawin sapagkat ito ay magsisilbing pamantayan para sa kabutihang panlahat. Ayon kay Ayn Rand (Philosopher), ang pagpapahalaga ay ang pinagsusumikapan ng tao na makamit at may layunin o tunguhin na nagdudulot ng kabutihan na siyang ninanais na maisakatuparan ng tao. Ito ang umuudyok sa tao at kailangan ng tao para mabuhay. Ang salitang Birtud (mabuting gawi) na may katumbas sa Ingles na “virtue” at hango sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag at malakas ng tao ( sa pagharap sa mga hamon o mga pagsubok sa buhay). Ito ay katangian na itinuturing na mabuti o kanais-nais sa isang tao. Ito ay may mataas na antas ng moralidad. Biniyayaan ang tao ng kaalaman subalit magkakaiba ang paggamit nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang birtud ay katangian ng isang mabuting tao na siyang itinanim ng Diyos sa tao mula ng ito ay kanyang likhain kaya’t natural na ito sa tao. Hindi pa taglay ng tao ang birtud sa kanyang kapanganakan dahil wala pa itong kakayahan na mag-isip, mangatuwiran at magpasya. Unti-unti lamang niya itong mapagaaralan at matututunan pagdaan ng mga panahon. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao. Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Pagpapahalaga sa Birtud Ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa birtud ay ang pagpapahalaga ay pagbibigay importansya at kabuluhan sa isang bagay. Ito ay pansarili o personal dahil ang isang indibidwal ay maaaring magpasya kung ano ang mahalaga sa kanya samantalang ang birtud ay mga katangian na maituturing na mabuti o kanais-nais sa isang tao. Ito ay may mataas na pagpapahalagang moral na tinatanggap sa buong mundo at nagpapakita ng pamantayan o basehan ng kalidad ng moralidad na kaaya-aya sa isang tao. Ang pagpapahalaga at birtud ay mga makabuluhang konsepto na humuhubog sa paguugali ng tao na makatutulong sa kanya na magpasya kung ano ang mahalaga sa buhay. Magkaiba man ito subalit magkaugnay ang mga pagpapahalaga at birtud. Magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud sapagkat ang pagpapahalaga ay isang birtud. Kapwa nagbibigay importansya sa kabutihan at halagang moral ng isang tao, sa bagay at kapwa tao.