3. A. Pangngalan (Noun) - bahagi ng
pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay,
pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin,
kaisipan o ideya.
Uri ng Pangngalan
1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging
pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking
titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita.
Hal: Tsina, Judy Ann, monggol
2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang
pangalan.
Hal: bansa, artista, lapis
4. Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun)
1. Pambabae
Hal: ate, nanay, Gng. Cruz
2. Panlalaki
Hal: kuya, tatay, G. Santos
3. di-tiyak
Hal: doktor, titser, huwes, punong-
guro,
4. walang kasarian
Hal: silya, lobo, puno
5. B. Panghalip ( pronoun) - ay bahagi ng pananalita na
inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang
mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan
na hindi magandang pakinggan.
Hal: Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa.
(Ibigay mo ang mga ito sa kanya.)
Kay Mila at Maria ang mga rosas na nasa
mesa.
(Sa kanila ang mga iyan.)
6. Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) – ay ipinapalit
sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa
taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na
panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.
Taong Nagsasalita
Isahan: Ako, akin, ko
Dalawahan: kita, kata
Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
7. Taong Kausap
Isahan: Ikaw, ka
Dalawahan: kita, kata
Maramihan: Kayo, inyo, ninyo
Taong Pinag-uusapan
Isahan: Siya, niya, kanya
Dalawahan: kita, kata
Maramihan: Sila, kanila, nila
8. 2. Panghalip na Pananong - inihahalili sa
pangngalan kung nagtatanong.
Hal:
a. pangtao (sino, kanino)
b. bagay, hayop, lugar (ano, alin)
c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
9. 3. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa
itinutulad na bagay.
Hal:
Ganito/Ganire - Malapit sa
nagsasalita
Ganyan - Malapit sa kausap
Ganoon - Malayo sa nag-uusap
10. C. Pang-uri (Adjective) – ay mga salitang
naglalarawan o nagbibigay katangian sa
isang pangngalan o panghalip.
Hal:
1. Matamis ang inihaing mangga ni
Aling Ising.
2. Napakaganda nga ng bistidang iyan!
11. Uri ng Pang-uri
Ang pang-uri ay may dalawang uri:
1. Panlarawan - mga salitang naglalarawan.
Hal:
a. Matamis ang tinda niyang mangga.
b. Rosas at itim ang motif ng kanilang
kasal.
2. Pamilang - mga salitang nagsasaad ng bilang
Hal:
a. Sanlaksa ang mga daga sa tumana.
b. Si Mang Baste ay nag-iisang lumaban sa
asong-ulol.
12. Kaantasan ng Pang-uring Panlarawan
1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na paglalarawan.
Hal:
a. Si Amelia ay maganda.
2.Pahambing – naglalarawan sa dalawang pangngalan o
tinutukoy, maaaring pareho o ang isa ay nakahihigit ang
katangian.
Hal:
a. Si Alma ay higit na maganda kaysa kay
Amelia.
13. D. PANDIWA (VERB)- ay bahagi ng pangungusap na
nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan,
Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan
1. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject).
Hal: Lubos na maghirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.
2. Katawanin - may simuno ito nguni't walang layong tumatanggap.
Hal: Ang mabait at magalang ay pinagpapala.
3. Palipat - may simuno at tuwirang layon (direct object). Ang layong
ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay at kina.
Hal: Nagsampay ng damit si Maria.
14. Mga Aspekto ng Pandiwa
1. Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo (Past Tense) -
nagpapahayag ng kilos o gawang natapos na.
Hal: Nagpirito ng isda si Mang Kulas.
2. Pangkasalukuyan/Imperpektibo (Present Tense) - nagsasaad
ng pagkilos na nasimulan na subali't hindi pa natatapos.
Hal: Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.
3. Panghinaharap/Gaganapin o Kontemplatibo (Future Tense) -
nagpapahayag na ang kilos o gawa ay mangyayari pa lamang.
Hal: Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.
15. KAILANAN NG PANDIWA
1. Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na
anyo.
Hal: Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.
2. Maramihan - marami ang simuno at kilos
na isinasaad.
Hal: Nagsisipalakpakan ang mga
manonood sa programa.
16. E. Pang-abay (Adverb ) - ay mga salitang
naglalarawan (words that describe) o
nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective),
pandiwa (verb) at kapwa pang-abay.
Hal:
A. Panturing sa Pang-uri
1. Ang manggang itinitinda ni
Maria ay masyadong maasim.
17. B. Panturing sa Pandiwa
1. Dahan-dahan siyang umakyat ng
hagdan para hindi magising ang
kanyang natutulog na ina.
C. Panturing sa kapwa Pang-abay
1. Talagang mabagal umunlad ang
mga taong tamad.
18. Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan (Adverb of Manner) -
naglalarawan sa pandiwa.
Hal: Mahinahon niyang sinagot ang mga
akusa sa kanya.
2. Pang-abay na Panlunan (Adverb of Place) -
nagsasaad kung SAAN naganap,ginaganap o gaganapin
ang isang pangyayari o kilos. Ito ay kadalasang
pinangungunahan ng katagang SA.
Hal: Tumira siya sa gubat ng labimpitong
taon.
19. 3. Pang-abay na Pamanahon (Adverb of Time) -
nagsasaad kung KAILAN naganap, ginaganap at
gaganapin ang isang pangyayari o kilos.
Hal: Pupunta ako bukas sa palengke.
* Ang pang-abay na pamanahon ay maaaring may
pananda, walang pananda o nagsasaad ng dalas.
May Pananda
(Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, hanggang)
20. Walang pananda
(Kahapon, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atb.)
Nagsasaad ng dalas
(Araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
*Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri:
Payak: bukas, mamaya, ngayon
Maylapi: kagabi, samakalawa
Inuulit: araw-araw, gabi-gabi, taun-taon
Parirala: noong nagdaang buwan, sa darating na
Kuwaresma, sa pagdating ng panahon
21. 8. Pang-abay na Pananong - ginagamit sa
pagtatanong ukol sa panahon, lunan, pook,
bilang o halaga.
a. Ilan taon ka na?
9. Pang-abay na Benepaktibo - nagsasaad ng
kagalingang dulot para sa isang tao - ang
tagatanggap ng kilos.
a. Nagluto ng sopas ang nanay para kay
Celso.
22. F. Pangatnig (conjunction) - ay ang mga
kataga o lipon ng mga salitang nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala sa
kapwa parirala at sugnay sa kapwa
sugnay upang maipakita ang dalawa o
higit pang kaisipan sa loob ng
pangungusap. Ang pangatnig ay
ginagamit din sa mga pangungusap na
tambalan, hugnayan at langkapan.
23. Uri ng Pangatnig
1. Panapos - pangatnig na nagsasaad na
malapit nang matapos ang pagsasalita o
ang nais ipahiwatig ng pangungusap. (sa
wakas, sa lahat ito, di-kawasa, sa bagay na
ito)
Hal:
Makukuha ko na rin sa wakas ang
inaasam kong promosyon sa trabaho.
24. 2. Pananhi - nagsasaad ng
kadahilanan o katuwiran para sa
natapos na kilos. (kasi, dahil,
palibhasa, sapagkat)
Hal:
Sumakit ang kanyang
lalamunan dahil sa kasisigaw.
25. 3. Pamukod - pangatnig na
ginagamit sa pagbukod o
pagtatangi. (o, ni, maging)
Hal:
Kung ikaw o si Liza ang bibigyan
ng parangal ay wala akong tutol.
26. 4. Paninsay - pangatnig na sinasalungat
ng naunang parte ng pangungusap ang
ikalawang bahagi nito. (ngunit, subalit,
datapwat, habang, bagaman)
Hal:
Nakatakda siyang umani ng
tagumpay kahit (kahit na) maraming
naninira sa kanya.
27. 5. Panubali - nagsasaad ito ng pag-
aatubili o pag-aalinlangan o
alternatibong pagpipilian. ( kung, kapag,
pag)
Hal:
Hindi tayo matutuloy sa sine kapag
hindi umuwi nang maaga ang tatay.
28. 6. Panimbang - pangatnig na gamit
kung naghahayag ng karagdagang
impormasyon at kaisipan. (pati,
anupa’t, saka)
Hal:
Anupa't pinagbuti niya ang
kanyang pag-aaral para makaahon
sa kahirapan.
29. 7. Pamanggit - pangatnig na
gumagaya o nagsasabi lamang ng
iba. ( raw, sa ganang akin,di
umano)
Hal:
Siya raw ang hari ng sablay
30. 8. Panulad - gumagaya o
tumutulad ng mga pangyayari, kilos
o gawa.
Hal:
Kung ano ang itinanim, siya ring
aanihin.
31. 9. Panlinaw - gamit ang pangatnig
na panlinaw upang ipaliwanag ang
bahagi o kabuuan ng isang banggit.
(kaya, kung gayon, sana)
Hal:
Nahuli na ang tunay na maysala
kaya makakawala na si Berto.
32. G. PANG-ANGKOP (ligature)- ay mga
katagang idinudugtong sa pagitan ng
dalawang salita upang maging kaaya-
aya ang pagbigkas ng mga ito at
magkaroon ng ugnayang
panggramatika. Ito ay maaaring
matagpuan sa pagitan ng pang-uri at
pangngalan. Ang pang-angkop ay ang
mga katagang na, ng at g.
33. * NA – ginagamit kung ang nauunang salita
ay iuugnay sa sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig (consonant) maliban
sa titik na n. Ito rin ang ginagamit sa mga
salitang English na inuulit.
Hal:
malalim – bangin => malalim na
bangin
mataas – tao =>mataas na tao
34. * NG – ginagamit kung ang unang salita ng
iuugnay ay nagtatapos sa patinig (vowel).
Hal:
malaya – isipan ===> malayang isipan
malaki – bahay ===>malaking bahay
35. * G – ginagamit an gang iuugnay na
unang salita sa sinusundan nito ay
nagtatapos sa katinig na n.
Hal:
aliwan – pambata => aliwang
pambata
balon – malalim =>balong malalim
36. H. Pang-ukol (Preposition) ay bahagi ng pananalitang nag-
uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na
pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.
Dalawang Pangkat ng Pang-ukol
1. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common
noun) - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay
para sa lahat o balana.
Hal:
1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng
edukasyon.
2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay
para sa mga nasunug
37. 2. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging
tao - mga pantuloy na ang layon, gawa, kilos o ari
ay para sa tanging ngalan ng tao.
Hal:
1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol
kay Imelda Marcos.
2. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang
pag-asa ng bayan.
38. Iba Pang Uri ng Pang-ukol
1. sa , sa mga
2. ng, ng mga
3. ni, nina
4. kay, kina
5. sa, kay
39. Panuto: Basahin ang pahayag at tukuyin ang
bahagi ng pananalita.
1.Rosie, wag mong kalimutan ang iyong
baon. Anak, mag-aral ka na ng iyong leksyon.
A.Panggalan B.Pangatnig C.Panghalip
D.Pang-ukol
2. Si Linda ay naglilinis ng bahay habang si
Jose ay naglalaro sa bakanteng lote.
A.Pang-uri B.Pandiwa C.Panghalip
D.Pangngalan
40. 3. Inihanda ni Regine ang pagkain kay
Angeline.
A.Pang-angkop B.Pantukoy C.Pangngalan
D.Panghalip
4. Sila ang kumuha ng ball pen ko.
A.Pangngalan B.Pang-ukol C.Pantukoy
D.Panghalip
5. Si Rogen ay naglalaro ng basketball
habang si Jeperson ay naglalaro ng cellphone.
A.Pangatnig B.Pang-angkop C.Pang-abay
D.Pang-ukol
41. Pagsusulat ng Tula o Awit
Gawain:
Bumuo ng simpleng tula o awit gamit nag lahat
ng bahagi ng pananalita
Halimbawa:
Ang mga bituin (pangngalan) ay kumukutitap
(pandiwa) sa lagit na makulay (pang-uri), tahimik
(pang-abay) na naglalakbay“.
Isang saknong na mayroong apat na taludtud,
Malayang tula
Sa 1/4 na bahagi ng papel