Dakilang atas
Mateo
28:16-20
Kabahagi
Ba
Ako Diyan?
Kabahagi
Ako
Diyan!
May hinihiling
ang Diyos na
Katangian
mula ating mga
Kristiyano.
16
Pumunta ....
(Mateo 28:16)
Kristiyano na
Handang
Magpagamit
(Follower)
17...sinamba...
...subalit...
nag-alinlangan.
(Mateo 28:17)
Kristiyano na
Handang
Sumamba
(Worshiper)
...lumapit ...
(Mateo 28:18)
...humahayo...
...alagad ko...
...bansa...
...Bautismuhan...
...Turuan...
(Mateo 28:19-20)
Kristiyano na
Handang
Humayo
(Discipler)
Dakilang atas

More Related Content

PPTX
Paano mamuhay ng dalisay
PPT
Paano pagtatagumpayan ang ating goliat
DOCX
Projekt na podstawy marketingu "Czapla Trenuje"
PDF
Resume_Parthiban_Ranganathan
PPTX
Beautiful feet
PPTX
Ang kuwento ng dalawang asno
PPT
Icbc discipleship curriculum
PPT
Phase 2 discipleship curriculum
Paano mamuhay ng dalisay
Paano pagtatagumpayan ang ating goliat
Projekt na podstawy marketingu "Czapla Trenuje"
Resume_Parthiban_Ranganathan
Beautiful feet
Ang kuwento ng dalawang asno
Icbc discipleship curriculum
Phase 2 discipleship curriculum

Viewers also liked (11)

DOCX
Las leyes de la quinta disciplina
PPTX
Torun-Erasmus+ project meeting-BULGARIA
PPTX
Success maximizers Updated
PPTX
Lesson 6 - Relating to the Holy Spirit
PPTX
Lesson 9 - Abiding Principles
DOCX
Bilogía resumen - imprimir
PDF
Amendments to the Special Pledges Act
PPTX
презентація уроку
PPTX
Toolbars
PDF
imagen
Las leyes de la quinta disciplina
Torun-Erasmus+ project meeting-BULGARIA
Success maximizers Updated
Lesson 6 - Relating to the Holy Spirit
Lesson 9 - Abiding Principles
Bilogía resumen - imprimir
Amendments to the Special Pledges Act
презентація уроку
Toolbars
imagen
Ad

More from Danny Medina (20)

PPTX
The x factor for godly fathers
PPTX
Lesson 4b anxiety
PPTX
Lesson 4a depression
PPTX
Lesson 3d the multicultural issues in christian counseling
PPTX
Lesson 3c the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
PPTX
Lesson 3b the core of counseling
PPTX
Lesson 3a the church and counseling
PPTX
Lesson 2b the counseor's characteristics
PPTX
Lesson 2a changes
PPTX
Lesson 1c understanding the world of counseling
PPTX
Lesson 1a understanding the world of counseling
PPTX
Lesson 1b understanding the world of counseling
PDF
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
PDF
Disiciplship training program
PPTX
Maximizing god’s glory
PPTX
Icbc discipleship curriculum tagalog
PPTX
Lesson 16 - Christian Maturity
PPTX
Lesson 15 - Guideline in Decision Making
PPTX
Lesson 14 - Sovereignty
PPTX
Lesson 13 - Three Phases of Xian Life
The x factor for godly fathers
Lesson 4b anxiety
Lesson 4a depression
Lesson 3d the multicultural issues in christian counseling
Lesson 3c the legal, ethical, and moral issues in christian counseling
Lesson 3b the core of counseling
Lesson 3a the church and counseling
Lesson 2b the counseor's characteristics
Lesson 2a changes
Lesson 1c understanding the world of counseling
Lesson 1a understanding the world of counseling
Lesson 1b understanding the world of counseling
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Disiciplship training program
Maximizing god’s glory
Icbc discipleship curriculum tagalog
Lesson 16 - Christian Maturity
Lesson 15 - Guideline in Decision Making
Lesson 14 - Sovereignty
Lesson 13 - Three Phases of Xian Life
Ad

Editor's Notes

  • #2: Kabuuang populasyon ng mundo = 7 Bilyon Humigit kumulang 11% ng populasyon ay nagsasabi na sila ay “born again Christians”. (770 Milyon) Mayroong 20% adumadalo sa mga simbahan pero hindi pa sila tunay na Kristiyano. (1.4 Bilyon) Humigit kumulang 36% ng pupolasyon ng mundo ang may pagkakataong marinig ang mabuting balita subalit hindi tumutugon kahit maraming simbahan sa lugar. (2.52 Bilyon) May 33% ng populasyon ng mundo ang di pa naabot ng ebanghelyo. (2.31 Bilyon) Bilang ng namamatay: 57.9 milyon kada taon 158,857 ang namamatay bawat araw, humigit kumulang 66,000 sa kanila ay hindi narinig ang ebanghelyo 6619 namamatay kada oras 110 namamatay kada minuto Halos 1.64 namamatay kada segundo. Isang tao ang napupunta sa impiyerno kada sigundo!
  • #5: Mateo 28:16 Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. Kailangan ang 1 wk na paglalakbay mula sa Jerusalem. Kailangang maglaan sila ng oras, lakas, pananalapi, at iba pang mga resources para makarating doon sa bundok ng tagpuan. TS: Malinaw na ipinakikita ng talatang eto ang isang Katangian na hinihiling ng Diyos mula sa atin na mga Kristiyano:
  • #6: Kristiyano na Handang Magpagamit– isang kondisyon na kung saan ang isang Kristiyano o ay agad-agad na nandiyan kung kailan kailangan. Halimbawa: Kung may sunog, pagtawag mo sa bombero at wala pang isang minuto ay nagdatingan na… sila ay “available.” Pero kung dumating sila na walang dalang tubig… di pa rin sila kagamit-gamit! Joke: Pagyayabang ng Amerikano, Hapones, at Pilipino tungkol sa Pulis Americano – Pag may Krimen, isang tawag lang sa 911, mga isang minuto sigurado, darating ang Pulis; Hapon – Wala yan, sa amin, pagdial mo ng 911, mga 30 segundo lang andiyan na ang pulis; Pilipino – Wala yan, sa Pilipinas, isang Linggo bago ang krimen, nandun na ang Pulis! Ang availability ay napakahalagang sa ating pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kahit napakarami mong pera at napaganda ng iyong sasakyan, kung walang mabiling gasolina ay hindi mo rin magagamit yan. O dili kaya nasa iyo na ang pinakamagandang cellphone pero walang available na pang load ay di mo rin eto magagamit hindi ba? Mahilig ako sa mga Rescue Stories: Great Rescue in Alaska - Transporting the Serum Subalit may mas higit pang epidemya o salot na gumagala sa lahat ng dako ng mundo. Hawak natin ang nag-iisang lunas, eto ay ang ebanghelyo! Ibibgay ba natin ang ating mga sarili upang maging kagamit-gamit ng Panginoon sa pagsagip ng mga kaluluwa? TS: Ang unang Katangian na hinihiling ng Diyos ay Kakayahang Magamit; handa na ba kayo para sa ikalawa? eto ay makikita natin sa talatang 17.
  • #7: Matapos maipakita ng mga alagad na sila ay kagamit-gamit para sa Panginoon, ang sumunod sa ginawa nila ay totohanang pagsamba. Mapapansin natin na hindi sila perpekto! Mateo 28:17: Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan. Hindi natin alam kung may mga kasama ang 11 na alagad ng pumunta sila sa Galilea para katagpuin ang Panginoon dun sa lugar na iyon. Maaaring ang tinutukoy na nag-aalinlangan ay kabilag sa 11 o kaya ay pwede ring mga tao na sumama sa kanila. Ang ibig sabihin ng pag-aalinlangan o pagdududa ay pagdadalawang isip kung tutugon ba o hindi, maniniwala ba sa nakikita o hindi. Pero ang magandang nangyari ay ganito, sa kabila ng pag-aalinlangan ng ilan, silang lahat ay sumamba! TS: Malinaw nating nakikita rito ang ikalawang katangian na hinihiling ng Panginoong Hesus:
  • #8: Kristiyano na Handang Sumamba: Ang tunay na pagsamba ay nagagawa lamang ng mga taong tunay na nagmamahal sa Diyos. Ang alagad na handang sumamba ay hindi nangangailangan ng maraming rason para sambahin ang Panginoon. Sapat na ang katotohanang nasa harapan siya ni Kristo upang siya ay magpuri at itaas ang Pangalan ni Jesus. Sino dito ang may alagang aso o kaya ay pusa? Narinig niyo na ba ang pagkakaiba ng aso sa pusa? Ang aso pagdating ng amo ay kaagad sumasalubong, galak na galak, at yumayakap pa! Eh ang pusa? Meow… meow…, kailangan mo pang hanapin, amuin, buhatin, atb. May mga alagad na ang pagsamba ay parang sa aso. Hindi na kailangan ang anumang pasalubong, masaya na kapag nakikita ang amo. Ang iba naman ay parang sa pusa, papansinin lamang ang amo kapag may pasalubong! Di ba may awit tayo: “Mahal na Mahal Kita Panginoon”? Ano kaya ang naririnig ni Jesus kung inaawit ang awiting eto: Mahal na Mahal kita Panginoon o Mahal na mahal kita Pahingi-noon? Kapatid, mahal mo ba talaga ang Panginoon? Kung ikaw ay di sigurado, lumapit ka sa kanya at sumamba. Kaya niyang baguhin ang puso mo, kaya niyang pag-alabin ang pag-ibig sa puso mo para sa kanya. Ikaw naman na nagmamahal sa Diyos, magpatuloy ka dahil nagagalak siya sa iyo. Pansinin niyo ang nangyari ng ang mga alagad ay sumamba….
  • #9: Mateo 28: 18a Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila… Hindi nagkaton lamang na lumapit si Jesus sa mga alagad. Lumapit siya sa kanila dahil tunay ang kanilang pagsamba. Tandaan natin na Panginoon ay laging malapit sa Kristiyano na handang sumamba sa kanya. Ang pakiramdam mo ba ay parang ang layu-layo sa iyo ng Diyos? Sumamba ka! Mararamdaman mo na ang paglapit niya! TS: Nakita natin ang dalawang katangiang hinihiling ng Diyos sa atin dito sa ICBC Barcelona: Kristiyanong handang magpagamit; at Krsitiyanong handang sumamaba. Ang ikatlong katangian ang hinihiling ng Diyos ay makikita sa Mateo 28:19-20…
  • #10: (Mateo 28:19 – 20) v19Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. v20Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Hindi inaasahan ng mga alagad ang ATAS na eto. Kung papansinin natin sa simula ng aklat ng Mga Gawa, ang iniisip ng mga alagad ay mangyayari agad ang pagpapalaya ni Hesus sa bansang Israel. Pansinin ninyo ang sinasabi: Mga Gawa 1:6 Nang muling magkatipon si Jesus at ang mga alagad, nagtanong sila kay Jesus, "Panginoon, itatatag na po ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?“ Umaasa ang mga alagad na sila ay maghahari na na kasama ni Hesus! Pero para sa Panginoon ay hindi pa tapos ang trabaho! Kaya nga ang kailangan niya ay hindi mga alagad na handa ng maghari kundi mga alagad na handang humayo! Sa kasalukuyan ay hindi pa itinatatag ng Panginoong Hesus ang literal niyang kaharian dito sa lupa. Eto ay mangyayari sa panahon ng “Millennium”. At habang hindi pa dumarating ang Millennium, ano klaseng Kristiyano tayo dapat?
  • #11: Ikaw ba ay isang Kristiyano handang humayo? Ano ba ang ginagawa ng Kristiyanong ganito? Ang Misyon: Gawing Alagad – literal – Gumawa ng Alagad mula sa… Alagad – isang tao lubos na binago ng Diyos at sumusunod sa lahat ng aral ni Kristo Ang Sakop: Lahat ng Bansa – literal - bawat lahi Pamamaraan: Humayo – Pag-eebanghelyo Bautismuhan – Isama sa simbahan Turuan – Palaguin at tulungang mamunga ng sagana