SlideShare a Scribd company logo
Wastong Gamit ng mga Salita
EMEGELINE ARGULLA-VELARDE
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
WASTONG GAMIT
NG MGA SALITA
DISIPLINA SA PAGBIGKAS NG E/I AT O/U
7. PALITANG E/I at O/U
Bahagi sa pagdidisiplina sa ating dila ang tuntunin
upang maibukod ang E sa I at O sa U . Pahihintuin ng naturang
disiplina ang balbal na ugaling gawing I ang E sa umpisa ng
mga salita gaya ng mga sumusunod:
iskandalo sa halip na eskandalo
istasyon sa halip na estasyon
istilo sa halip na estilo
iskandalo sa halip na eskandalo
iskandalo sa halip na eskandalo
* mapipigil din ang ugaling palitan ng U sa O
kuryente sa halip na koryente
dunasyon sa halip na donasyon
kumpanya sa halip na kompanya
sumbrero sa halip na sombrero
pulitiko sa halip na politiko
TANDAAN: Ang tamang baybay ang ang
salitang nakalimbag sa itim na titik
Mga Karagdagang Kaalaman:
babae at hindi babai
sampu at hindi sampo
buhos at hindi buhus
opisina at hindi upisina
tradisyonal at hindi tradisyunal
tornilyo at hindi turnilyo
dayalogo at hindi dialogue
Mga Karagdagang Kaalaman:
mga painting at hindi mga paintings
mga opisyal at hindi mga opisyales
mga kompyuter at hindi mga kompyuters
Kalalakihan/kababaihan at hindi
mga kalalakihan/kababaihan at mas
lalong hindi limang
kalalakihan/kababaihan. Mas tamang
gamitin ang limang lalaki/babae
Sa kaso ng E/I, magiging senyas ang E sa mga salitang
Espanyol na nagsisimula sa ES upang ibukod sa mga
salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S
gaya ng mga sumusunod
ESPANYOL / FILIPINO
escandalo - eskandalo
estacion – estasyon
especial – espesyal
esmarte – esmarte
escuela – eskuwela
estandarte – estandarte
estilo – estilo
escolar - eskolar
INGLES /FILIPINO
scandal - iskandal
station – isteysiyon
special – ispesyal
smart – ismart
school – iskul
standard – istandard
style – istayl
scholar - iskolar
Sa kaso ng O/U, ipinapahintulot ang pagpapalit ng O sa U
kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig.
Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag nag-uumpisa
ang kasunod na pantig sa B/V at sa P/F.
ESPANYOL / FILIPINO
convencion konbensiyon kumbensiyon
convento konbento kumbento
confortable konfortable kumportable
confeti konpeti kumpeti
Hindi sakop ng tuntuning ito ang KOMPANYA at KOMPLETO dahil
ang COMPANA at COMPLETO ang orihinal sa Espanyol. Malinaw
rin na ang mga salitang MONUMENTO ( monumento), KONTRATA
(contrata ) , KONTROBERSIYA ( controversia ), at KONSUMO ( consumo )
ay mananatili sa O at hindi U.
HUWAG BAGUHIN ANG OO AT UO
Iminumungkahi ang paggalang sa ilang salita na may dobleng O
o UO kahit sinusundan ng hulapi. Narito ang mga halimbawa:
poot – kapootan
Buo-kabuoan
Salimuot - kasalimuotan
Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang ugat
TANDAAN
ano-ano, alon-alon, taon-taon
ngunit nagaganap ang pagpapalit ng I sa E at O sa U
kapag walang gitling ang inuulit na salita at nagdudulot ito
ng bagong kahulugan
salo – salo - magkakasama at magkasabay na kumain
salusalo – isang pagtitipon o piging
halo – halo - pagsasama-sama ng mga bagay-bagay o sangkap
haluhalo – pagkaing pampalamig na may yelo
Isa’t isa – tumutukoy sa pariralang isa at isa. Hindi ito
inuulit na salita na dapat lagyan ng gitling sa pagitan dahil
may katagang AT sa pagitan ng inuulit na salitang isa.
Inilalagay ang kudlit upang mapasama sa unang salita ang
at.
* Napakasaya ko dahil isa’t isa ay may regalo.
Iba’t iba – Tumutukoy sa pariralang iba at iba. Tulad
ng isa’t isa hindi na ito ginigitlingan
* Iba’t iba ang regalong natanggap ko
Ibang-iba – Nilalagyan ng gitling dahil inuulit ang
salitang iba. Batay sa tuntunin, kung may kahulugan ang
kaputol sa salita dapat na itong gitlingan sa pagitan ng
dalawang magkaparehong salita kung paghihiwalayin.
* Ibang-iba siya sa kaniyang nakababatang kapatid.
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad
malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang
pangungusap dahil halos magkasintunog ang dalawang
salita. Nguni't sa pormal na pagsusulat, nararapat na
malaman ang tamang gamit ng "nang" at "ng".
NANG
1. Ginagamit sa unahan ng pangungusap
a. Nang dumating ang guro, nagtakbuhan ang mga bata sa loob ng klasrum.
b. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.
2. Gamit sa pang-abay na pamaraan
a. Lumakad siya nang dahan-dahan.
b. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
3. Gamit kapag ang pandiwa ay inuulit
a. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
b. Kanina pa siya ikot nang ikot
4. Katumbas ng WHEN sa Ingles
a. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting
b. Tapos na ang palabas nang pumasok si Tiyo Berting sa tanghalan.
5. Panghalili sa PARA o UPANG
a. Magsumikap ka nang umasenso ang buhay mo.
b. Ipasa mo ang iyong mga proyekto sa tamang oras nang matuwa naman
ang iyong guro.
NG
1. Katumbas ng OF sa Ingles
a. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
b. Isa siya sa magagaling na mananayaw ng aming paaralan.
2. Ginagamit sa kaganapang layon ng pandiwa
a. Umiinom ako ng gatas bago matulog.
b. Naglalaro ng chess ang mga bata sa plaza.
3. Nagsasaad ng pagmamay-ari
b. Ang palad ng mayayaman ay napakanipis.
a. Napakagara ng bahay ng mga Dela Cruz .
4. Ginagamit sa kaganapang tagaganap ng pandiwa
a. Ikinalungkot ng mga Pilipino ang pagkatalo ni Pacman.
b. Ikinagalit ng matanda ang maingay na videoke.
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali sa
hugnayang pangungusap. Katumbas ito ng if sa Ingles.
a. Matutulog ako kung tatahimik na ang mga tao sa labas.
b. Papasok ako bukas kung hindi uulan.
Ginagamit ang kong bilang panghalip na panao sa
kaukulang paari. Buhat ito sa panghalip na KO na
inangkupan ng pang-angkop na NG.
a. Nabasa ang binili kong aklat.
b. Nais kong makatapos ng pag-aaral.
a. Mag-ingat ka kung ikaw ay
magmamaneho ng kotse.
a. Hindi niya masabi kung Sabado
o Linggo ang dating ng mga bisita.
b. Mag-ingat ka naman kapag
ikaw ay nagmamaneho ng kotse.
b. Dumarating ang mga bisita
kapag araw ng Sabado.
Ginagamit ang may kapag ito’y sinusundan ng mga
sumusunod na bahagi ng panalita:
PANGNGALANG PAMBALANA, PANDIWA, PANG-
URI, PANGHALIP NA PAARI, PANTUKOY na MGA,
PANG-ABAY
a. May tao akong nakita sa dilim.
b. May kumakatok sa pinto.
d. May kaniya-kaniya tayong ambisyon sa buhay.
c. May matalino siyang anak.
e. May mga mananayaw sa plaza.
f. May bukas pa.
Ginagamit ang mayroon kapag ito’y sinusundan
ng mga KATAGA o INGKLITIK, PANGHALIP NA
PANAO at kapag ito ay nangangahulugang ng pagiging
“ MAYAMAN”
a. Mayroon ba siyang talento sa pagsayaw?
b. Mayroon akong bagong kotse..
c. Ang pamilya ko ay mayroon sa aming probinsiya.
Ang KUNG ‘DI ay galing sa salitang kung hindi o if not sa Ingles
a. Hindi ako aalis kung ‘di tayo magsasabay.
b. Hindi ka makakapasa kung ‘di dahil sa tulong ko.
c. Kung ‘di ka dumating, malamang kanina pa sila nagsuntukan.
Ang KUNDI ay nangangahulugang maliban sa o except sa Ingles
a. Walang sinoman ang puwedeng pumasok sa sinehan kundi iyong
mga may tiket lamang.
b. Walang ibang puwedeng sumama kundi ako lang.
HABANG/ SAMANTALANG
Ginagamit ang HABANG kung ang isang kalagayan ay mahaba o walang
tiyak na hangganan
a. Kailangang matutong makibagay sa iba habang nabubuhay.
b. Habang may buhay may pag-asa.
Ginagamit ang SAMANTALA kung ang isang kalagayan ay may taning o
pansamantala lamang
a. Nakikitira ako sa bahay ng aking mga magulang samantalang wala pa
akong trabaho.
b. Mainit ang kanyang ulo samantalang hinihintay na magsiuwian ang
kanilang mga bisita.
Ginagamit din ang SAMANTALA sa pagtatambis ng dalawang kalagayan
a. Bakit ko gagawin ang lahat ng mga gawaing iyan samantalang ikaw ay
tila prinsesang nakaupo lamang?
b. Ang iba ay nagpapakasaya sa parti samantalang ang iba ay halatang
nababagot.
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
PAM, MAM,SIM
1. PAMPALO
2. MAMBOLA
3. SIMPUTI
PAN, MAN,SIN
1. PANLIMA
2. MANDAYA
3. SINTIGAS
PANG, MANG,SING
1. PANG-ALIS
2. MANGHAKOT
3. SINGKAPAL
Kalilinis lang namin ng bahay
nang siya ay dumating.
Sa’yo ko natutunan kung papaano
magmahal.
Ang bag na iyan ay sa’kin.
Nakasusulat ng talumpati ayon
sa paksang ibinigay.
Sa iyo ko natutunan kung papaano
magmahal.
Ang bag na iyan ay sa akin.
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Tanggapin ninyo ang regalong ito.
Tanggapin n’yo ang regalong ito.
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Huwag n’yo na lang akong isama mamaya.
Nais na naman niyang kumain.
Kumakain pa rin siya hanggang ngayon.
Nais nilang kumain sa labas.
Ang bahay na iyan ay pagmamay-
ari nina Ana at Maria.
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Kila at Kina
Walang salita na KILA.
Ang KINA ay maramihan ng kay
1. Pakidala ang laruang ito kina Anne at Brylle.
2. Mag-uusap tayo kina Vic at Mona mamaya.
IKIT at IKOT
Ginagamit ang IKIT para maipakita ang kilos
mula labas patungo sa loob.
Nakakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa
loob ng kuweba.
Ginagamit ang IKOT para maipakita ang kilos
mula loob patungo sa labas.
Paikot-ikot sila sa loob ng tunnel bago sila tuluyang nakalabas.
ang DAHIL ay ginagamit bilang pangatnig
a. Hindi ako nakapasok dahil sumakit ang aking ulo.
b. Masaya ako dahil may nagpapasaya sa akin.
c. Umiiyak ang bata dahil pinagalitan siya ng kanyang ate.
ang DAHILAN ay ginagamit bilang pangngalan
a. Hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
b. May mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
c. Kabiguan ang dahilan ng kanyang kamatayan.
ang DAHIL SA/ DAHIL KAY ay ginagamit bilang
pang-ukol
a. Ang dating magkakaibigan ay nagtatalo dahil sa tsismis.
b. Pinagalitan ako ng guro kanina dahil kay Vina.
c. Sumakit ang aking ulo dahil sa ulan.
IBAYAD/IPAGBAYAD
Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
a. Isandaang piso ang ibabayad ko sa iyo.
b. Dahil ako ay hindi pa kumikita, titulo ng aking lupa ang ibabayad ko
sa iyo.
Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao
a. Ipagbayad mo muna ako sa sine. Babayaran kita bukas.
b. Ipagbayad mo na rin kami. Masyadong mataas ang pila.
SUBUKIN/SUBUKAN
Subukin - pagkilatis, to test , to try sa Ingles
a. Huwag n’yo akong subukin.
b. Susubukin ko ang bagong labas na model ng kompyuter na
kasalukuyang inaanunsyo sa telebisyon.
Subukan - pagtingin nang palihim, to spy sa Ingles
a. Ibig kong subukan ang ginagawa ng mga katulong kapag wala ang
kanilang mga amo.
b. Subukan mo si Ana sa kuwarto na hindi ka nakagagawa ng kahit na
kaunting kaluskos na maaari niyang ikagulat.
HATIIN/HATIAN
Hatiin – to divide , partihin
a. Hatiin mo sa anim ang egg pie.
b. Ang natitirang pagkain ay hatiin ninyong magkakapatid.
Hatian - to share, ibahagi
a. Hatian mo siya ng iyong burger.
b. Hatian mo ng iyong baon ang batang pulubi.
INIWAN/INIWANAN
Iniwan - to leave something or somebody – huwag isali o isama
a. Iniwan ni Ana ang kotse sa garahe.
b. Ang hindi dumating sa tamang oras ay iniwan na nila.
Iniwanan - to leave something to somebody , nagbigay
a. Iniwanan ko na sila ng panggastos habang ako ay wala.
b. Ang batang pulubi ay iniwanan ko ng pagkain.
OPERAHIN/OPERAHAN
Operahin- tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
a. Ooperahin ang tiyan ni Ana sa Lunes.
b. Sira na ang iyong kanang mata kaya marapat lamang na ito ay
operahin.
Operahan - tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis
a. Si Rey ang ooperahan bukas.
b. Kahit labag sa loob ko, pumapayag na akong operahan si Inay.
WALISIN/WALISAN
Walisin - to sweep the dirt
tumutukoy sa mga bagay na aalisin o lilinisin
a. Walisin mo ang mga dahon sa bakuran.
b. Ang mga basura sa kalye ay walisin mo.
Walisan - to sweep the place , tumutukoy sa lugar
a. Walisan mo ang bakuran.
b. Sa dami ng mga basurang dala ng bagyong Yolanda, kinakailangan na
talagang walisan ang mga kalye.
NABASAG/BINASAG
Nabasag - tumutukoy sa kilos na hindi sinadya o hindi ginusto
a. Umiiyak ang bata dahil nabasag niya ang plorera.
b. Nagmamadali siyang maghugas kaya nabasag niya ang mamahaling
baso.
BUMILI/MAGBILI
Bumili - to buy
a. Ang ina ng bata ay bumili ng insurance sa akin.
b. Bumili ng tsokolate ang aking kaklase.
Binasag - tumutukoy sa kilos na sinadya o ginusto
a. Galit na galit na binasag ng lalaki ang salamin ng kotse.
b. Binasag ni Tatay ang mga baso nang nag-away sila ni Nanay.
Magbili - to sell
a. Trabaho ng ina ng bata ang magbili ng insurance.
b. Ang aking kaklase ay mahilig magbili ng tsokolate tuwing tanghalian.
PAHIRIN o PAHIRAN/ PUNASIN o PUNASAN
Pahirin at Punasin – nangangahulugang alisin o tanggalin
a. Pahirin mo ang luha sa iyong mga mata.
b. Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
SUNDIN/SUNDAN
Sundin - to obey , pagsunod sa payo o pangaral
a. Sundin mo ang sinasabi ng iyong mga magulang.
a. Dapat ay lagi mong sundin ang sinasabi ng mga mas nakatatanda
sa’yo.
Sundan - to follow, gayahin o pumunta sa pinupuntahan ng iba
a. Sundan mo siya at baka maligaw.
b. Sundan mo ang kabayanihang ginawa ng ating mga ninuno.
Pahiran at Punasan – nangangahulugang lagyan
a. Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
b. Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
KUMUHA/MANGUHA
Kumuha- to get
a. Kumuha ka ng pera sa aking pitaka.
b. Ang mga bata ay kumuha ng kanin sa kaldero.
AGAWAN/AGAWIN
Agawan - sinusundan ng pang-ukol na NG
a. Huwag mong agawan ng laruan ang bata.
b. Ang bata ay huwag mong agawan ng laruan.
Manguha - to collect, to gather
a. Nanguha ng kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
b. Ang mga bata ay nanguha ng impormasyon sa internet.
Agawin - sinusundan ng pantukoy na ANG
a. Huwag mong agawin ang aking minamahal.
b. Maling agawin ang mga bagay na hindi mo pagmamay-ari.
ABUTAN/ABUTIN
Abutan - sinusundan ng pang-ukol na NG
a. Huwag mong abutan ng pera ang batang namamalimos..
b. Bawal kang abutan ng gabi sa daan.
Abutin - sinusundan ng pantukoy na ANG
a. Magsikap kang abutin ang iyong mga pangarap sa buhay.
b. Hindi madaling abutin ang iyong mga pangarap.
HAGIS /IHAGIS
Hagis - ginagamit bilang pangngalan o noun
a. Ang hagis ng bola ay napakataas.
IHAGIS - ginagamit bilang pandiwa o verb
a. Ihagis mo ang bola.
PUSPUSAN/PUSPUSIN
Puspusin - pandiwang nangangahulugang pagkalooban
a. Mabait ang mag-asawang iyan. Nawa’y puspusin ang kanilang anak
ng mga biyaya mula sa Maykapal.
Puspusan - ginagamit bilang pang-abay
a. Puspusan ang ginagawang pag-eensayo ng mga guro at batang
mamamahayag para sa gaganaping RSPC 2015.
BILHAN /BILHIN
Bilhan - sinusundan ng pang-ukol na NG
a. Marapat lamang na bilhan mo ng bagong damit ang mga bata.
b. Bilhan mo ng pagkain ang mga mananahi.
Bilhin - sinusundan ng pantukoy na ANG
a. Bilhin mo ang relo na iyon.
b. Huwag mong bilhin ang inilalako ng taong iyan.
HARAPAN /HARAPIN
HARAPAN - pangngalan
tumutukoy sa bahagi ng isang bagay
a. Maaliwalas ang harapan ng kanilang bahay.
b. Mayroon daw itinatayong bagong bahay sa harapan ng plaza.
HARAPIN - pandiwa
tumutukoy sa hindi pagtalikod sa isang sitwasyon
a. Harapin mo ang iyong mga kalaban.
b. Huwag mong talikuran ang iyong mga problema. Harapin mo ito.
NAPATAY /NAMATAY
NAPATAY - may tiyak na tao o hayop na pumaslang / sinadya
a. Napatay nila ang aking alagang aso kagabi.
b. Maraming tao ang napatay dahil sa umaatikabong bakbakan ng mga
rebelde at sundalo.
NAMATAY - kung ang isang tao ay binawian ng buhay dahil sa
sakit, katandaan o anomang dahilang hindi sinasadya
a. Namatay ang aking lolo dahil sa sakit na TB.
b. Ang matandang bangkero daw ay namatay dahil sa masamang
bangungot.
MAGSAKAY /SUMAKAY
MAGSAKAY - to load
a. Ayaw kong magsakay ng karagdagang pasahero ngayon.
b. Magsakay ka ng sampung kahon ng mangga sa kariton.
SUMAKAY - to ride
a. Ayaw kong sumakay sa sasakyan ng kaskasirong drayber.
b. Bilisan nating sumakay dahil malapit na tayong mahuli.
IWAN /EWAN ( pares minimal )
IWAN - nangangahulugang paglisan o pag-alis ng isang tao sa
isang lugar malayo man o malapit
a. Iwan mo na siya kung kinakailangan.
b. Bakit ba nais mo akong iwan tuwina?
EWAN - ekspresyong nangangahulugan ng pagkainis
a. Hay naku! Ewan ko sa iyo.
b. Ewan ! Ang kulit mo talaga.
a. May kumakatok. Buksan mo ang pinto.
b. Bukas ang pinto.Pumasok ka na.
c. Natanggal ang pinto sa pintuan.
d. Tumayo ka sa may pintuan.
a. Nagmamadaling inakyat ni Susan ang hagdan.
b. Mag-ingat ka at baka mahulog ka sa hagdan.
c. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
d. Ang susi ng bahay ay nakatago sa likurang
bahagi ng hagdanan.
KITA /KATA
KITA - Kapag ang isa ay siyang gaganap para sa kausap
a. Ibibili kita ng pagkain bukas.
b. Kakausapin kita.
KATA - Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay
magkasamang gagawa.
a. Kata ay magsisimba bukas.
b. Maghugas kata ng pinggan sa kusina.
SILA, NILA,SINA, NINA
SILA/NILA - Panghalip na panao at hindi na susundan ng noun
a. Sila ay aalis na bukas ng gabi.
b. Nais na nilang umalis bukas ng gabi.
SINA/NINA pantukoy na maramihan na sinusundan ng noun
a. Sina Ana at Maria ay pawang magaganda.
b. Binilisan nina Ana at Maria ang paglalakad.

More Related Content

PPTX
Sumisibol na gramatika sa Filipino
PDF
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
PPTX
Istruktura ng wikang filipino
PPTX
Wastong gamit ng salita
PPT
Wastong Gamit ng Salita
PPTX
Kasanayang Komunikatibo ng mga pilipino.pptx
PPTX
Instruktura ng wika
PPT
Wastong Pagbabantas
Sumisibol na gramatika sa Filipino
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Istruktura ng wikang filipino
Wastong gamit ng salita
Wastong Gamit ng Salita
Kasanayang Komunikatibo ng mga pilipino.pptx
Instruktura ng wika
Wastong Pagbabantas

What's hot (20)

PPTX
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
PPTX
DOCX
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
DOCX
Retorika at gramatika
PDF
Dalawang Uri ng Ponema
PPTX
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
PPTX
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
PPTX
Mga paraan ng pagbubuo ng salita
PPT
Ortograpiya
PPTX
Ponolohiya (FIL 101)
PPTX
Pagbabagong Morpoponemiko
PPTX
Mga tuntunin sa pagbabaybay
PPTX
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
PPTX
Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito
PPTX
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
PPTX
Ortograpiyang pilipino
PPTX
Konsepto ng wika
PPTX
Pagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas
PPTX
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
PPTX
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
Retorika at gramatika
Dalawang Uri ng Ponema
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Mga paraan ng pagbubuo ng salita
Ortograpiya
Ponolohiya (FIL 101)
Pagbabagong Morpoponemiko
Mga tuntunin sa pagbabaybay
Simuno sa karaniwan at di karaniwang ayos
Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Ortograpiyang pilipino
Konsepto ng wika
Pagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Ad

Similar to Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika (20)

DOC
Wastong gamit ng salita
DOC
Wastong gamit ng mga salita
PPTX
WIKA AT GRAMATIKA -filipino para sa mga mag-aaral
PPTX
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
PPTX
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
PPTX
Wastong-gamit-ng-mga-salitang filipino.pptx
PPTX
Wastong Gamit ng Salita - Filipino Powerpoint
PPTX
RETORIKA-2-GRAMATIKA4TH YEAR-UNANG MARKAHAN.pptx
PDF
522999603-Kakayahang-Lingguwistiko-Estruktural-o-Gramatika-1.pdf
PPTX
522999603-Kakayahang-Lingguwistiko-Estruktural-o-Gramatika-1.pptx
PPTX
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
PPTX
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
PPTX
Wastong Gamit Seminar.pptx
PPTX
Wastong Gamit ng Salita
PPTX
Wastong Gamit ng mga Salita sa Konteksto ng Filipino.pptx
PPTX
Retorika at Gramatika
DOCX
Wastong gamit ng salita
PPTX
Ortograpiyang-Pilipino_Kayarian ng Wika.pptx
PPTX
pantukoy_at_pangatnig.pptx
DOCX
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng mga salita
WIKA AT GRAMATIKA -filipino para sa mga mag-aaral
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Wastong-gamit-ng-mga-salitang filipino.pptx
Wastong Gamit ng Salita - Filipino Powerpoint
RETORIKA-2-GRAMATIKA4TH YEAR-UNANG MARKAHAN.pptx
522999603-Kakayahang-Lingguwistiko-Estruktural-o-Gramatika-1.pdf
522999603-Kakayahang-Lingguwistiko-Estruktural-o-Gramatika-1.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
Wastong Gamit Seminar.pptx
Wastong Gamit ng Salita
Wastong Gamit ng mga Salita sa Konteksto ng Filipino.pptx
Retorika at Gramatika
Wastong gamit ng salita
Ortograpiyang-Pilipino_Kayarian ng Wika.pptx
pantukoy_at_pangatnig.pptx
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
PPTX
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
PPTX
ANG PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT IN VALUES 8
PPTX
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
PPTX
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PPTX
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
Tatlong Uri ng Pangngalang Pambalana - Tahas, Basal at Lansakan
PPTX
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
PPTX
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
PPTX
MAKABANSA POWERPOINT WEEK 7Q1 day 1.pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
PPTX
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
PPTX
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8
PPTX
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
PPTX
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
DOCX
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
PPTX
grade5bhjkQ1 FILIPINO 5 WEEK 5 DAY 1.pptx
PPTX
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
PPTX
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
ANG PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT IN VALUES 8
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
Tatlong Uri ng Pangngalang Pambalana - Tahas, Basal at Lansakan
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
MAKABANSA POWERPOINT WEEK 7Q1 day 1.pptx
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
grade5bhjkQ1 FILIPINO 5 WEEK 5 DAY 1.pptx
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx

Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika

  • 1. Wastong Gamit ng mga Salita EMEGELINE ARGULLA-VELARDE
  • 4. DISIPLINA SA PAGBIGKAS NG E/I AT O/U 7. PALITANG E/I at O/U Bahagi sa pagdidisiplina sa ating dila ang tuntunin upang maibukod ang E sa I at O sa U . Pahihintuin ng naturang disiplina ang balbal na ugaling gawing I ang E sa umpisa ng mga salita gaya ng mga sumusunod: iskandalo sa halip na eskandalo istasyon sa halip na estasyon istilo sa halip na estilo iskandalo sa halip na eskandalo iskandalo sa halip na eskandalo
  • 5. * mapipigil din ang ugaling palitan ng U sa O kuryente sa halip na koryente dunasyon sa halip na donasyon kumpanya sa halip na kompanya sumbrero sa halip na sombrero pulitiko sa halip na politiko TANDAAN: Ang tamang baybay ang ang salitang nakalimbag sa itim na titik
  • 6. Mga Karagdagang Kaalaman: babae at hindi babai sampu at hindi sampo buhos at hindi buhus opisina at hindi upisina tradisyonal at hindi tradisyunal tornilyo at hindi turnilyo dayalogo at hindi dialogue
  • 7. Mga Karagdagang Kaalaman: mga painting at hindi mga paintings mga opisyal at hindi mga opisyales mga kompyuter at hindi mga kompyuters Kalalakihan/kababaihan at hindi mga kalalakihan/kababaihan at mas lalong hindi limang kalalakihan/kababaihan. Mas tamang gamitin ang limang lalaki/babae
  • 8. Sa kaso ng E/I, magiging senyas ang E sa mga salitang Espanyol na nagsisimula sa ES upang ibukod sa mga salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S gaya ng mga sumusunod ESPANYOL / FILIPINO escandalo - eskandalo estacion – estasyon especial – espesyal esmarte – esmarte escuela – eskuwela estandarte – estandarte estilo – estilo escolar - eskolar INGLES /FILIPINO scandal - iskandal station – isteysiyon special – ispesyal smart – ismart school – iskul standard – istandard style – istayl scholar - iskolar
  • 9. Sa kaso ng O/U, ipinapahintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag nag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at sa P/F. ESPANYOL / FILIPINO convencion konbensiyon kumbensiyon convento konbento kumbento confortable konfortable kumportable confeti konpeti kumpeti Hindi sakop ng tuntuning ito ang KOMPANYA at KOMPLETO dahil ang COMPANA at COMPLETO ang orihinal sa Espanyol. Malinaw rin na ang mga salitang MONUMENTO ( monumento), KONTRATA (contrata ) , KONTROBERSIYA ( controversia ), at KONSUMO ( consumo ) ay mananatili sa O at hindi U.
  • 10. HUWAG BAGUHIN ANG OO AT UO Iminumungkahi ang paggalang sa ilang salita na may dobleng O o UO kahit sinusundan ng hulapi. Narito ang mga halimbawa: poot – kapootan Buo-kabuoan Salimuot - kasalimuotan Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang ugat TANDAAN ano-ano, alon-alon, taon-taon ngunit nagaganap ang pagpapalit ng I sa E at O sa U kapag walang gitling ang inuulit na salita at nagdudulot ito ng bagong kahulugan
  • 11. salo – salo - magkakasama at magkasabay na kumain salusalo – isang pagtitipon o piging halo – halo - pagsasama-sama ng mga bagay-bagay o sangkap haluhalo – pagkaing pampalamig na may yelo
  • 12. Isa’t isa – tumutukoy sa pariralang isa at isa. Hindi ito inuulit na salita na dapat lagyan ng gitling sa pagitan dahil may katagang AT sa pagitan ng inuulit na salitang isa. Inilalagay ang kudlit upang mapasama sa unang salita ang at. * Napakasaya ko dahil isa’t isa ay may regalo. Iba’t iba – Tumutukoy sa pariralang iba at iba. Tulad ng isa’t isa hindi na ito ginigitlingan * Iba’t iba ang regalong natanggap ko Ibang-iba – Nilalagyan ng gitling dahil inuulit ang salitang iba. Batay sa tuntunin, kung may kahulugan ang kaputol sa salita dapat na itong gitlingan sa pagitan ng dalawang magkaparehong salita kung paghihiwalayin. * Ibang-iba siya sa kaniyang nakababatang kapatid.
  • 15. Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang pangungusap dahil halos magkasintunog ang dalawang salita. Nguni't sa pormal na pagsusulat, nararapat na malaman ang tamang gamit ng "nang" at "ng". NANG 1. Ginagamit sa unahan ng pangungusap a. Nang dumating ang guro, nagtakbuhan ang mga bata sa loob ng klasrum. b. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda. 2. Gamit sa pang-abay na pamaraan a. Lumakad siya nang dahan-dahan. b. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim. 3. Gamit kapag ang pandiwa ay inuulit a. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan. b. Kanina pa siya ikot nang ikot
  • 16. 4. Katumbas ng WHEN sa Ingles a. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting b. Tapos na ang palabas nang pumasok si Tiyo Berting sa tanghalan. 5. Panghalili sa PARA o UPANG a. Magsumikap ka nang umasenso ang buhay mo. b. Ipasa mo ang iyong mga proyekto sa tamang oras nang matuwa naman ang iyong guro. NG 1. Katumbas ng OF sa Ingles a. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan. b. Isa siya sa magagaling na mananayaw ng aming paaralan. 2. Ginagamit sa kaganapang layon ng pandiwa a. Umiinom ako ng gatas bago matulog. b. Naglalaro ng chess ang mga bata sa plaza.
  • 17. 3. Nagsasaad ng pagmamay-ari b. Ang palad ng mayayaman ay napakanipis. a. Napakagara ng bahay ng mga Dela Cruz . 4. Ginagamit sa kaganapang tagaganap ng pandiwa a. Ikinalungkot ng mga Pilipino ang pagkatalo ni Pacman. b. Ikinagalit ng matanda ang maingay na videoke.
  • 22. Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap. Katumbas ito ng if sa Ingles. a. Matutulog ako kung tatahimik na ang mga tao sa labas. b. Papasok ako bukas kung hindi uulan. Ginagamit ang kong bilang panghalip na panao sa kaukulang paari. Buhat ito sa panghalip na KO na inangkupan ng pang-angkop na NG. a. Nabasa ang binili kong aklat. b. Nais kong makatapos ng pag-aaral.
  • 23. a. Mag-ingat ka kung ikaw ay magmamaneho ng kotse. a. Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang dating ng mga bisita. b. Mag-ingat ka naman kapag ikaw ay nagmamaneho ng kotse. b. Dumarating ang mga bisita kapag araw ng Sabado.
  • 24. Ginagamit ang may kapag ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng panalita: PANGNGALANG PAMBALANA, PANDIWA, PANG- URI, PANGHALIP NA PAARI, PANTUKOY na MGA, PANG-ABAY a. May tao akong nakita sa dilim. b. May kumakatok sa pinto. d. May kaniya-kaniya tayong ambisyon sa buhay. c. May matalino siyang anak. e. May mga mananayaw sa plaza. f. May bukas pa.
  • 25. Ginagamit ang mayroon kapag ito’y sinusundan ng mga KATAGA o INGKLITIK, PANGHALIP NA PANAO at kapag ito ay nangangahulugang ng pagiging “ MAYAMAN” a. Mayroon ba siyang talento sa pagsayaw? b. Mayroon akong bagong kotse.. c. Ang pamilya ko ay mayroon sa aming probinsiya.
  • 26. Ang KUNG ‘DI ay galing sa salitang kung hindi o if not sa Ingles a. Hindi ako aalis kung ‘di tayo magsasabay. b. Hindi ka makakapasa kung ‘di dahil sa tulong ko. c. Kung ‘di ka dumating, malamang kanina pa sila nagsuntukan. Ang KUNDI ay nangangahulugang maliban sa o except sa Ingles a. Walang sinoman ang puwedeng pumasok sa sinehan kundi iyong mga may tiket lamang. b. Walang ibang puwedeng sumama kundi ako lang.
  • 27. HABANG/ SAMANTALANG Ginagamit ang HABANG kung ang isang kalagayan ay mahaba o walang tiyak na hangganan a. Kailangang matutong makibagay sa iba habang nabubuhay. b. Habang may buhay may pag-asa. Ginagamit ang SAMANTALA kung ang isang kalagayan ay may taning o pansamantala lamang a. Nakikitira ako sa bahay ng aking mga magulang samantalang wala pa akong trabaho. b. Mainit ang kanyang ulo samantalang hinihintay na magsiuwian ang kanilang mga bisita. Ginagamit din ang SAMANTALA sa pagtatambis ng dalawang kalagayan a. Bakit ko gagawin ang lahat ng mga gawaing iyan samantalang ikaw ay tila prinsesang nakaupo lamang? b. Ang iba ay nagpapakasaya sa parti samantalang ang iba ay halatang nababagot.
  • 31. PAM, MAM,SIM 1. PAMPALO 2. MAMBOLA 3. SIMPUTI PAN, MAN,SIN 1. PANLIMA 2. MANDAYA 3. SINTIGAS PANG, MANG,SING 1. PANG-ALIS 2. MANGHAKOT 3. SINGKAPAL
  • 32. Kalilinis lang namin ng bahay nang siya ay dumating. Sa’yo ko natutunan kung papaano magmahal. Ang bag na iyan ay sa’kin. Nakasusulat ng talumpati ayon sa paksang ibinigay. Sa iyo ko natutunan kung papaano magmahal. Ang bag na iyan ay sa akin.
  • 37. Tanggapin ninyo ang regalong ito. Tanggapin n’yo ang regalong ito.
  • 42. Huwag n’yo na lang akong isama mamaya. Nais na naman niyang kumain. Kumakain pa rin siya hanggang ngayon.
  • 43. Nais nilang kumain sa labas. Ang bahay na iyan ay pagmamay- ari nina Ana at Maria.
  • 47. Kila at Kina Walang salita na KILA. Ang KINA ay maramihan ng kay 1. Pakidala ang laruang ito kina Anne at Brylle. 2. Mag-uusap tayo kina Vic at Mona mamaya. IKIT at IKOT Ginagamit ang IKIT para maipakita ang kilos mula labas patungo sa loob. Nakakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba. Ginagamit ang IKOT para maipakita ang kilos mula loob patungo sa labas. Paikot-ikot sila sa loob ng tunnel bago sila tuluyang nakalabas.
  • 48. ang DAHIL ay ginagamit bilang pangatnig a. Hindi ako nakapasok dahil sumakit ang aking ulo. b. Masaya ako dahil may nagpapasaya sa akin. c. Umiiyak ang bata dahil pinagalitan siya ng kanyang ate. ang DAHILAN ay ginagamit bilang pangngalan a. Hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. b. May mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan. c. Kabiguan ang dahilan ng kanyang kamatayan. ang DAHIL SA/ DAHIL KAY ay ginagamit bilang pang-ukol a. Ang dating magkakaibigan ay nagtatalo dahil sa tsismis. b. Pinagalitan ako ng guro kanina dahil kay Vina. c. Sumakit ang aking ulo dahil sa ulan.
  • 49. IBAYAD/IPAGBAYAD Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran a. Isandaang piso ang ibabayad ko sa iyo. b. Dahil ako ay hindi pa kumikita, titulo ng aking lupa ang ibabayad ko sa iyo. Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao a. Ipagbayad mo muna ako sa sine. Babayaran kita bukas. b. Ipagbayad mo na rin kami. Masyadong mataas ang pila. SUBUKIN/SUBUKAN Subukin - pagkilatis, to test , to try sa Ingles a. Huwag n’yo akong subukin. b. Susubukin ko ang bagong labas na model ng kompyuter na kasalukuyang inaanunsyo sa telebisyon. Subukan - pagtingin nang palihim, to spy sa Ingles a. Ibig kong subukan ang ginagawa ng mga katulong kapag wala ang kanilang mga amo. b. Subukan mo si Ana sa kuwarto na hindi ka nakagagawa ng kahit na kaunting kaluskos na maaari niyang ikagulat.
  • 50. HATIIN/HATIAN Hatiin – to divide , partihin a. Hatiin mo sa anim ang egg pie. b. Ang natitirang pagkain ay hatiin ninyong magkakapatid. Hatian - to share, ibahagi a. Hatian mo siya ng iyong burger. b. Hatian mo ng iyong baon ang batang pulubi. INIWAN/INIWANAN Iniwan - to leave something or somebody – huwag isali o isama a. Iniwan ni Ana ang kotse sa garahe. b. Ang hindi dumating sa tamang oras ay iniwan na nila. Iniwanan - to leave something to somebody , nagbigay a. Iniwanan ko na sila ng panggastos habang ako ay wala. b. Ang batang pulubi ay iniwanan ko ng pagkain.
  • 51. OPERAHIN/OPERAHAN Operahin- tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan na titistisin a. Ooperahin ang tiyan ni Ana sa Lunes. b. Sira na ang iyong kanang mata kaya marapat lamang na ito ay operahin. Operahan - tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis a. Si Rey ang ooperahan bukas. b. Kahit labag sa loob ko, pumapayag na akong operahan si Inay. WALISIN/WALISAN Walisin - to sweep the dirt tumutukoy sa mga bagay na aalisin o lilinisin a. Walisin mo ang mga dahon sa bakuran. b. Ang mga basura sa kalye ay walisin mo. Walisan - to sweep the place , tumutukoy sa lugar a. Walisan mo ang bakuran. b. Sa dami ng mga basurang dala ng bagyong Yolanda, kinakailangan na talagang walisan ang mga kalye.
  • 52. NABASAG/BINASAG Nabasag - tumutukoy sa kilos na hindi sinadya o hindi ginusto a. Umiiyak ang bata dahil nabasag niya ang plorera. b. Nagmamadali siyang maghugas kaya nabasag niya ang mamahaling baso. BUMILI/MAGBILI Bumili - to buy a. Ang ina ng bata ay bumili ng insurance sa akin. b. Bumili ng tsokolate ang aking kaklase. Binasag - tumutukoy sa kilos na sinadya o ginusto a. Galit na galit na binasag ng lalaki ang salamin ng kotse. b. Binasag ni Tatay ang mga baso nang nag-away sila ni Nanay. Magbili - to sell a. Trabaho ng ina ng bata ang magbili ng insurance. b. Ang aking kaklase ay mahilig magbili ng tsokolate tuwing tanghalian.
  • 53. PAHIRIN o PAHIRAN/ PUNASIN o PUNASAN Pahirin at Punasin – nangangahulugang alisin o tanggalin a. Pahirin mo ang luha sa iyong mga mata. b. Punasin mo ang pawis sa iyong likod. SUNDIN/SUNDAN Sundin - to obey , pagsunod sa payo o pangaral a. Sundin mo ang sinasabi ng iyong mga magulang. a. Dapat ay lagi mong sundin ang sinasabi ng mga mas nakatatanda sa’yo. Sundan - to follow, gayahin o pumunta sa pinupuntahan ng iba a. Sundan mo siya at baka maligaw. b. Sundan mo ang kabayanihang ginawa ng ating mga ninuno. Pahiran at Punasan – nangangahulugang lagyan a. Pahiran mo ng palaman ang tinapay. b. Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
  • 54. KUMUHA/MANGUHA Kumuha- to get a. Kumuha ka ng pera sa aking pitaka. b. Ang mga bata ay kumuha ng kanin sa kaldero. AGAWAN/AGAWIN Agawan - sinusundan ng pang-ukol na NG a. Huwag mong agawan ng laruan ang bata. b. Ang bata ay huwag mong agawan ng laruan. Manguha - to collect, to gather a. Nanguha ng kabibe ang mga bata sa dalampasigan. b. Ang mga bata ay nanguha ng impormasyon sa internet. Agawin - sinusundan ng pantukoy na ANG a. Huwag mong agawin ang aking minamahal. b. Maling agawin ang mga bagay na hindi mo pagmamay-ari.
  • 55. ABUTAN/ABUTIN Abutan - sinusundan ng pang-ukol na NG a. Huwag mong abutan ng pera ang batang namamalimos.. b. Bawal kang abutan ng gabi sa daan. Abutin - sinusundan ng pantukoy na ANG a. Magsikap kang abutin ang iyong mga pangarap sa buhay. b. Hindi madaling abutin ang iyong mga pangarap. HAGIS /IHAGIS Hagis - ginagamit bilang pangngalan o noun a. Ang hagis ng bola ay napakataas. IHAGIS - ginagamit bilang pandiwa o verb a. Ihagis mo ang bola.
  • 56. PUSPUSAN/PUSPUSIN Puspusin - pandiwang nangangahulugang pagkalooban a. Mabait ang mag-asawang iyan. Nawa’y puspusin ang kanilang anak ng mga biyaya mula sa Maykapal. Puspusan - ginagamit bilang pang-abay a. Puspusan ang ginagawang pag-eensayo ng mga guro at batang mamamahayag para sa gaganaping RSPC 2015. BILHAN /BILHIN Bilhan - sinusundan ng pang-ukol na NG a. Marapat lamang na bilhan mo ng bagong damit ang mga bata. b. Bilhan mo ng pagkain ang mga mananahi. Bilhin - sinusundan ng pantukoy na ANG a. Bilhin mo ang relo na iyon. b. Huwag mong bilhin ang inilalako ng taong iyan.
  • 57. HARAPAN /HARAPIN HARAPAN - pangngalan tumutukoy sa bahagi ng isang bagay a. Maaliwalas ang harapan ng kanilang bahay. b. Mayroon daw itinatayong bagong bahay sa harapan ng plaza. HARAPIN - pandiwa tumutukoy sa hindi pagtalikod sa isang sitwasyon a. Harapin mo ang iyong mga kalaban. b. Huwag mong talikuran ang iyong mga problema. Harapin mo ito.
  • 58. NAPATAY /NAMATAY NAPATAY - may tiyak na tao o hayop na pumaslang / sinadya a. Napatay nila ang aking alagang aso kagabi. b. Maraming tao ang napatay dahil sa umaatikabong bakbakan ng mga rebelde at sundalo. NAMATAY - kung ang isang tao ay binawian ng buhay dahil sa sakit, katandaan o anomang dahilang hindi sinasadya a. Namatay ang aking lolo dahil sa sakit na TB. b. Ang matandang bangkero daw ay namatay dahil sa masamang bangungot. MAGSAKAY /SUMAKAY MAGSAKAY - to load a. Ayaw kong magsakay ng karagdagang pasahero ngayon. b. Magsakay ka ng sampung kahon ng mangga sa kariton. SUMAKAY - to ride a. Ayaw kong sumakay sa sasakyan ng kaskasirong drayber. b. Bilisan nating sumakay dahil malapit na tayong mahuli.
  • 59. IWAN /EWAN ( pares minimal ) IWAN - nangangahulugang paglisan o pag-alis ng isang tao sa isang lugar malayo man o malapit a. Iwan mo na siya kung kinakailangan. b. Bakit ba nais mo akong iwan tuwina? EWAN - ekspresyong nangangahulugan ng pagkainis a. Hay naku! Ewan ko sa iyo. b. Ewan ! Ang kulit mo talaga.
  • 60. a. May kumakatok. Buksan mo ang pinto. b. Bukas ang pinto.Pumasok ka na. c. Natanggal ang pinto sa pintuan. d. Tumayo ka sa may pintuan.
  • 61. a. Nagmamadaling inakyat ni Susan ang hagdan. b. Mag-ingat ka at baka mahulog ka sa hagdan. c. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana. d. Ang susi ng bahay ay nakatago sa likurang bahagi ng hagdanan.
  • 62. KITA /KATA KITA - Kapag ang isa ay siyang gaganap para sa kausap a. Ibibili kita ng pagkain bukas. b. Kakausapin kita. KATA - Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa. a. Kata ay magsisimba bukas. b. Maghugas kata ng pinggan sa kusina. SILA, NILA,SINA, NINA SILA/NILA - Panghalip na panao at hindi na susundan ng noun a. Sila ay aalis na bukas ng gabi. b. Nais na nilang umalis bukas ng gabi. SINA/NINA pantukoy na maramihan na sinusundan ng noun a. Sina Ana at Maria ay pawang magaganda. b. Binilisan nina Ana at Maria ang paglalakad.