Ang Hare-Hawes-Cutting Act, na naipasa noong Enero 17, 1933, ay isang mahalagang batas na isinulong nina Butler Hare, Harry Bartow Hawes, at senador Bronson M. Cutting. Ito ang unang batas ng Estados Unidos na nagtakda ng proseso at petsa para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos, na nagresulta mula sa Osrox Mission ni Sergio Osmeña at Manuel Roxas. Ayon sa batas, ipinangako ng Estados Unidos na makakamit ng Pilipinas ang kalayaan sa loob ng 10 taon.