SlideShare a Scribd company logo
MODYUL SA
    FILIPINO 3
   MASINING NA
  PAGPAPAHAYAG

Ginawa ni:
Bb. Rosalyn V. De la Cruz
MODyul 3


    MGA
BATAYANG URI
 NG DISKORS
LAYUNIN
Pagkaraang matapos ang aralin, ikaw ay inaasahan na:
 Natutukoy ang mga batayang uri ng
  diskors
 Nalalaman ang pagkakaiba ng mga
  uri ng diskors.
 Nakasusulat at nagagawa ng mga
  iba’t ibang gawain ng sulatin
 Nakalilikha ng sariling sulatin ayon
  sa mga uri ng diskors
Aralin i

  ANG
DESKRIPTIV
Paunang Pagsubok
Basahing mabuti ang mga pangungusap.
 Kung ito’y tama, lagyan ng tsek. At kung
 ito’y mali, lagyan ng ekis.
____1. Pang-abay at pandiwa ang karaniwang gamitin ng
  sulating deskriptiv.
____2. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay
  ng mga pilik-matang malantik at mahahaba na lalong
  nakatutulong upang ikaw ay mahalina; ang
  pangungusap na ito ay isang halimbawa ng deskriptiv.
____3. Ang pagpili ng paksa ay isa sa mga
  pangangailangan ng deskriptiv na sulatin.
____4. Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa
  pagpili ng malalaking bahaging maaaring makita
  lamang sa pananaw ng naglalarawan.
____5. Pumupukaw ng guni-guni ang karaniwang
  deskripsyon.
Tama ba ang mga sagot mo?
•   1./
•   2./
•   3. /
•   4. x
•   5. x
ANG DESKRIPTIV

•Ang deskriptiv na diskors o paglalarawan
ay naglalayong bumuo ng malinaw na
larawan sa isip o imahinasyon ng mga
mambabasa o tagapakinig.
•Ang mga pang-uri at pang-abay ay
karaniwang ginagamit sa isangn deskriptiv
na diskors
•Maliwanag at mabisang nailalarawan ng
mga pang-uri at pang-abay ang anumang
DESKRIPTIV:
          Inihahalintulad sa isang pintor ang
     sumusulat ng talatang naglalarawan.


 Sa tingin mo, bakit inihahalintulad
 sa isang pintor ang isang sumusulat
 ng talatang naglalarawan?

Subukan mong sagutan:
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
______________________________.
DESKRIPTIV:

        Inihahalintulad sa isang pintor ang nagsusulat ng
         Inihahalintulad sa isang pintor ang nagsusulat ng
isang deskriptiv oo naglalarawan sapagkat ang isang pintor
 isang deskriptiv naglalarawan sapagkat ang isang pintor
ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit upang
 ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit upang
makalikha ng isang buhay na larawan. Gayundin ang
 makalikha ng isang buhay na larawan. Gayundin ang
nagsusulat ng naglalarawan, pumupili siya ng mga salita
 nagsusulat ng naglalarawan, pumupili siya ng mga salita
at iba pang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa
 at iba pang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa
pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa.
 pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa.
Mga Pangangailangan sa Efektiv
                                na
                           Deskripsyon :


                    Pagpili ng paksa




Piliin ang isang bagay na nais ilarawan.
Lalong mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at
hindi bago sa iyong paningin ang paksang pipiliin.
Ang mga bagay na nakikita sa araw-araw tulad ng ina,
kapatid, guro, punong-kahoy, gusali, palengke, hayop na alaga ay
Maaaring maging paksa ng mabisang paglalarawan.
Mga Pangangailangan sa Efektiv na
                                Deskripsyon :


           Pagbuo ng isang Pangunahing
                    Larawan




Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao o pangyayaring
Inilalarawan sa nakikinig o bumabasa.
Ang kabuuan muna ang unang nakikintal sa isipan, bago ang
Bahaging maliliit na nasasangkap sa kabuuan.
May kanya-kanyang katangian ang bawat bagay, tao, pook o
Anumang namamasid ng mga tao.
Kung magmamasid ka sa isang silid, ang unang kakintalang
Nabubuo’y ang kaayusang, karangyaan, kaguluhan,
Katahimikan o kalinisan.
Ito ang pangunahin o batayang larawan.
Mga Pangangailangan sa Efektiv
                                    na
                               Deskripsyon :

             Pagpili ng sariling pananaw
                     O perspektiv




Nakikita ang pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw.
May sariling pananaw ang bawat naglalarawan mula sa kanyang
Kinaroroonan na iba kaysa taong nasa ibang panig naman.
Dapat pumili ang sumulat ng sariling pananaw at mula lamang
Doon niya ilalarawan ang bagay, pook, tao o ang pangyayaring
Kanyang tinatalakay.
Maaaring isaalang-alang ang inilalarawan ayon sa agwat o layo sa
Bagay.
Halimbawa: ang larawan ng isang gusali ay magkaiba mula sa loob
Hanggang sa labas nito.
Mga Pangangailangan sa
                        Efektiv na
                      Deskripsyon :


                 kaisahan




Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan
sa pagpili ng maliliit na bahaging
maaaring makita lamang mula
sa pananaw na napili ng naglalarawan
Mga Pangangailangan sa
                           Efektiv na
                         Deskripsyon :


           Pagpili ng mga sangkap na
                    isasama




Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo ng
pangunahing larawan ang dapat isama.
Dapat ding isama ang mga bahaging
ikinaiiba ng bagay, tao, pook,o pangyayaring
inilalarawan sa iba pang uri nito.
Mga Pangangailangan sa
                            Efektiv na
                          Deskripsyon :


            Batayan sa paglalarawan




Sa pagbuo ng malinaw na larawan ay may mahalagang
Tungkuling ginagampanan ang ankop at tamang pagpili
Ng mga salita.
Samakatuwid, ang kalinawan ng ginagawang paglala-
rawan ay nababatay sa mayamang talasalitaan.
Bukod sa mayamang talasalitaan, kailangan ding
Maging matalas ang pandama (5 senses) upang makita
At maibigay ng taong naglalarawan ang lahat ng mga
Katangian ng kanyang inilalarawan.
Mga Pagsasanay:
      A. Basahin ang mga sumusunod at subukin kung sa
          anong pandama ang bawat isa nauugnay;
1.Nagkalat na mga basura at basyong lata ang karaniwang masasagasaan sa
masikip na daang papasok sa loobang kanyang pinanggalingan.
2.Maanghang na ginatang laing, malinamnam na tinapang kabasi, labanos
na sawsawan, tamang-tama sa asim na sinampalukang manok at matamis na
kundol ang aming dinatnang nakaahin sa mesa.
3.Nakatutulig at sunud-sunod na putok ang narinig na pumailanlang at
kasunod noon ay tilian ng mga kababaihan.
4.Nadama ko ang di pangkaraniwang inot ng kanyang palad at pananamlay
ng kanyang tinig. Idiniit ko ang aking kamay sa kanyang noo at
napatunayan kong sisya ay nilalagnat.
5.Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa pinaghalong sangsang ng
umaalingasaw sa labas at sa nakasusukang amoy na nanggaling sa isang
malapit na kanal…
Sagot:


1.   Paningin
2.   Panlasa
3.   Pandinig
4.   Pandama
5.   Pang-amoy
Mga Pagsasanay:
           B. Piliin ang angkop na pang-uri sa bawat
                          pangungusap.
1.Ang matiyaga sa paggawa ay taong (masipag, masikap, mabait,
masunurin).
2.(Masipag, Masikap, Mabait, Masunurin) ang mga sundalong sinanay na
gumawa nang hindi nag-uusisa.
3.Hindi makalakad nang mabilis si Dory dahil sa (masikip, makipot,
mahigpit) ang suot niyang palda.
4.(Masikip, Makipot, Mahigpit) ang daang patungo sa langit, ayon sa Banal
na Kasulatan.
5. (Magiting, Matapang, Mapusok) ang lalaking sumusugod sa ano mang
away o basag-ulo.
6.(Magiting, Matapang, Mapusok) ang lider na matapat na tumutupad sa
kanyang tungkulin sa gitna ng ano mang panganib.
Sagot:



1.   Masikap
2.   Masunurin
3.   Masikip
4.   Makipot
5.   Matapang
6.   Magiting
Dalawang uri ng
            Deskripsyon:
    KARANIWANG                          MASINING NA
    DESKRIPSYON                         DESKRIPSYON
-Pagbubuo ito ng malinaw na         -Pumupukaw ng guni-guni ang
larawan sa isipan ng mambabasa      masining na deskripsyon.
sa tulong ng mga katangiang         -Higit sa nakikita ng paningin ang
ating napag-aralan na.              maaaring ilarawan ng salita sa
-Ang layunin nito ay                tulong ng deskripsyong masining.
makapagbigay lamang ng              -Gumagamit ng mga salitang
kabatiran tungkol sa katangian ng   nagbibigay-kulay, tunog, galaw,
isang paksa, at walang kinalaman    at matinding damdamin.
dito ang kuru-kuro at damdamin
ng naglalarawan.
Halimbawa ng
             Karaniwang
            Deskripsyon:
        Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang impresyon ng
sinumang makakaharap ni Linda. Dala marahil iyon ng kanyang mapang-
akit na mga mata na nakahahalina sa sinumang makakakita nito. Ang
kanyang namumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy ay lalong
nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay tumatawa.
        Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-
matang malantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay
mahalina ng kanyang mga mata. Sa kanyang pagtawa, mapapansin mo
ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Ayon sa marami, ang
mahaba at maitim niyang buhok ay nagsisilbing pang-akit ni
Linda sa mga kalalakihan.
        Si Linda ay may matatag na paninindigan sa buhay.
Halimbawa ng
              Karaniwang
Karugtong:   Deskripsyon:
Ginagawa niya ang anumang kanyang sabihin. Makabago si
Linda at sosyal pero matapat na nagpapahalaga at nag-iingat
sa kanyang puri at pagbabago.
       Relihiyosa at may takot sa Diyos si Linda. Lagi
siyang nagsisimba, mababa ang loob at handang tumulong sa
sinumang nangangailangan. Mapagpasensya rin siya kaya
napakarami niyang kaibigan.
Halimbawa ng Masining
    na Deskripsyon:
         Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay
higit pang malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong
pagkawalay nila sa nayon niyang ito. Halos lahat ng nakikita niyang
kabaguhan ay likha ng nakapag-aalimpuyong hangin at ulan. Gaya ng
dati, ang malumot nang munting simbahan ni Aling Barang ay ibinagsak
ng hangin, ngunit nakatayo pa sa harapan ng luklukang kawayang
mahahabang oras ding pinagpag-init niya samantalang nakikipag-inuman
siya ng tuba, nakikipagtayugan ng mga pangarap sa kanyang mga kapwa
bata.
                                  Mula sa Bahay na Bato
                                  ni Antonio B.L. Rosales
Isa pang halimbawa ng
     Masining na
     Deskripsyon:
          Ikaw ang pinakamahalagang paksa ng anumang usapan. Maliban
sa iyo at lahat ng iyo, lahat ng iba pa ay kailangang isantabi. Ngunit, sino
ka nga ba?
        Ikaw, oo, nakakamukha mo ang marami sa maraming bagay,
ngunit wala kang katulad. Ikaw ay nag-iisa sa iyong individwalidad. Libo
man ang superfisyal na gawain ay hindi makapagbabago sa iyo, sapagkat
saan man, sa ano mang lugar, ang iyong hitsura, pag-uugali, kilos, ang
paraan mo ng paggawa ng mga bagay, ang iyong paraan ng pagsasalita –
lahat ng bagay tungkol sa iyo – hindi mo man namamalayan, ang
kumbinasyon ng lahat ng iyon ay naglalahad ng tunay na ikaw.
Maaari kang magkunwari, o di kaya’y
manahimik, ngunit ang tunay na ikaw ay hindi mo maitatago sa iba.
         Ang iyong individwalidad ay may higit na kahulugan
Isa pang halimbawa ng
       Masining na
       Deskripsyon:
karugtong


Kaysa sa iyong akala. Ikaw ang pinakamatalik na kaibigan o
pinakamatinding kaaway ng iyong sarili. Ang ibang tao,
taliwas sa mga lumang paniniwala, ay hindi makatutulong o
makasasakit sa iyo, bagama’t maaaring madalas mo silang
sinisisi sa iyong mga kakulangan. Lahat ng nangyayari sa iyo
ay nagsisimula at nagtatapos sa iyo. Ang ibang tao ay mga
paraan lamang sa pagkakamit ng anumang iyong sinimulan
tungkol sa iyong sarili.
                     mula sa Ika ni E.Y. Cunanan
                     sarili ni RAB
#1 Interaktibong
            gawain:
     Subukang sumulat ng isang talatang
     naglalarawan:
            maaaring tungkol sa kaibigan, kapatid,
     kamag-anak, pamilya, kapaligiran o kaht ano
     pa man.




Pagkatapos mong sumulat ng talatang
naglalarawan batay sa napili mong paksa.
Subukang ito naman ay iyong iguhit.
Interaktibong gawain:
     Naiguhit mo ba ito ng maayos?


                 Naisulat mo ba nang tama ang mga salitang
                 nagpapalarawan sa iyong talata?




Kung oo ang iyong sagot, ipabasa at ipakita ito sa
iyong kamag-aral.
At hayaan ang inyong kamag-aral ang humusga
sa iyong ginawa.
Aralin 2

ANG NARATIV
Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon


             ANG NARATIV
•Ay may layuning magsalaysay o magkuwento ng mga
magkakaugnay-ugnay na pangyayari.
•Ang batayan nito’y maaaring mga sariling
karanasan, mga pangyayaring napakinggan/narinig,
nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan o
nabalitaan.
•Maaari ring magkuwento ng mga pangyayaring
likhang-isip lamang.
Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

      Mga Katangian Mabuting Narasyon
                   •Mabuting Pamagat–               ang panawag pansin ng
                   isang pasulat na narasyon
                   •Upang maging mabuti ang iyong pamagat, kailangang
                   taglayin niyon ang mga sumusunod na katangian:
                       • Maikli
                       • Kawili-wili o kapana-panabik
                       • Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas
                       • Orihinal o hindi palasak
                       • Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala
                         namang layuning magpatawa
                       • May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng
                         komposisyon
Dapat din tandaan na maaaring maging pamagat ay pangalan ng
tauhan, pook, panahon, mahahalagang pangyayari, paksang diwa at iba
pa.
Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

Mga Katangian Mabuting Narasyon

       •Mahalagang Paksa– kung gaano
       kahalaga ang isang narativ na diskors,
       gayundin naman ang paksa niyon.
       •Tandang ang isang akdang nauukol sa
       isang walang-kwentong paksa ay nagiging
       walang-kwentang akda.
       •Nasa sa istilo at orihinalidad ang buhay
       ng isang narasyon.
       •Kung mahusay ang isang manunulat, ang
       isang lumang paksa ay maaari niyang
       gawing bago.
Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors
Mga Katangian Mabuting Narasyon
     •Wastong Pagkasunod-sunod ng mga
     Pangyayari
     •Iba-ibang ayos ng pagkakasunud-sunod ng isang narasyon:
     •Karaniwang anyo:
         •   Simula-Gitna-Wakas
     •Gumagamit ng Flashback o paraang pabalik:
         •   Gitna o dakong wakas
         •   Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag-
             aalala
         •   Wakas
     •O kaya’y may ganitong pagkakasunud-sunod:
         •   Nagsimula sa wakas
         •   Nagbabalik sa tunay na simula
         •   Nagtatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula ng
             sumulat
Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

Mga Katangian Mabuting Narasyon
        •Mabuting Simula–           upang maging mabuti
        kailangang maging kawili-wili.
        •Ito ay nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa
        •Nagsisilbi itong pwersang tumutulak sa mga mambabasa
        upang ipagpatuloy ang pagbabasa.
        •Ito ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran
        •“Magsimula sa simula” ang payo ng maraming manunulat.
        •Hindi kailangan ng mga maliligoy na introduksyon gaya
        ng:
            • Noong unang panahon…..
            • Isang araw, habang….
            • Minsan, may isang…..
            • Ang kwentong ito ay tungkol sa….
Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors

Mga Katangian Mabuting Narasyon

        •Mabuting Wakas–              may mga audience na nabibigo sa
        pagbabasa dahil sa hindi mabuting pagwawakas ng isang
        narasyon.
        •Tulad ng simula, kung gayon, ang wakas ay kinakailangang
        maging kawili-wili upang maikintal ang bisa ng narasyon sa
        mambabasa.
        •Iwasan kung gayon ang mga prediktabol na wakas.
        •Hangga’t magagawa, lagyan ng twist na makatwiran ang
        narasyon.
        •Iwasan din ang maligoy na wakas, pagkatapus na pagkatapos ng
        kasukdulan o klaymaks, kailangang isunod na agad ang wakas.
        •Hindi na rin kailangan ng paliwanag sa pagwawakas.
        •Iwasan din ang pangangaral sa wakas, hindi na napapanahon ang
        ganitong istilo.
        •Makabubuti kung ipinahihiwatig ng matalino at maingat na
        paggamit ang mga simbolismo at pagpapahiwatig.
Pansinin ang kasunod na seleksyon, basahin at
suriin kung taglay nito ang mga katangian ng
          isang mabuting narasyon:
                      Huwag Po, Itay…

          Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay
 isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas
 ang ulan noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin.
          Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa
 lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumatok si
 Itay sa pinto ng aking kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi
 niyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko
 siya.
          May pag-aalangang binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na
 pumasok sa aking silid. Laking gulat ko nang ipinid niya at susian ang
 pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis
 na hinawakan ni Itay ang aking mga kamay. Hinaplus-haplos niya ang
 aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang kanyang mga daliri
 sa aking kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.
Karugtong..


          “Itay…huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak. Utang na
loob, Itay!”
         Nguni’t parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy
lamang niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga
mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang
ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Mariin ang aking
pagpikit. Hindi ko magawang lumuha.
         Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang
nakapinid na pinto ng aking kwarto. Nagpupumilit siyang pagbuksan ng
pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw niyang tinig.
        “Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong
anak! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan!”
Karugtong..

         Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay.
Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang
ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.
        Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap
niya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at
pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang make-up si Itay.
         Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit
hindi ako nagalit sa kanya, manapa’y labis akong nagalak sa galing at husay na
ipinamalas niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong
gumanda ngayon.
        Niyakap ko si Itay at kapwa napaluha sa labis na kagalakan.
        Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.
                                                    Lovingly yours,
                                                    Badong
# 2 Isulat dito ang inyong mga napansin
  at obserbasyon at suri sa seleksyong
              inyong nabasa.
               Huwag Po, Itay…


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________________
# 3 PAGSASANAY:


  Pagsulat ng Komposisyon: Isulat ito sa isang papel at idagdag sa
  inyong mga naipong gawain mula sa naunang modyul na ibinigay
  ko sa inyo.
        1. Mag-isip ng isang serye ng mga pangyayari para sa
pagsulat ng isang narativ na komposisyon. Itala muna sa isang
malinis na papel ang sikwens ng mga pangyayari.
       2. Isulat na ang iyong komposisyon nang may
pagsasaalang-alang sa mga katangian ng isang mabuting narasyon
at gamit ang sikwens na iyong itinala.
       3. Ikritik ang iyong sariling komposisyon at pagkaraa’y
ipabasa sa iyong kamag-aral at tanungin ang kanilang reaksyon o
masasabi sa iyong isinulat.
        4. Pagkatapos ipunin ang iyong mga sulatin at ako ang
huling magkikritik sa iyong sinulat.
Aralin 3

   ANG
EKSPOSITORI
Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon


           ANG ekspositori
•Ang diskors na ekspositori ay tinatawag na
paglalahad sa maraming aklat sa Filipino.
•Layunin nitong gumawa ng isang malinaw, sapat at
walang pagkiling na pagpapaliwanag sa ano mang
bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao.
•Katulad ng deskriptiv ito ay maaaring maging
karaniwan o masining.
•May mga iba’t ibang uri ito: pagbibigay-kahulugan o
definisyon, panuto o direksyon, tala o listahan, balita,
pitak o kolum, suring-basa o revyu at sanaysay.
Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon


             ANG ekspositori
•Dahil sa pagiging karaniwan ng ibang uri ng diskors na
ekspositori, hindi na natin tatalakayin sa modyul na ito
ang mga iyon dahil:
•1. Ang pagbibigay-kahulugan o definisyon ay karaniwan nang
matatagpuan sa mga diksyunaryo o ensayklopidya
•2. Ang mga panuto o direksyon ay karaniwan nang
matatagpuan sa mga pagsusulit, sa mga daan, sa mga resipi sa
pagluluto, sa mga tarhetang kasama ng mga gamot o bagong
aplayanses at kung saan-saan pa.
•3. Ang mga tala o listahan ay makikita na kahit saan, gaya ng
mga halimbawa nito na listahan ng mga kakilala at kanilang
Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon


           ANG ekspositori
•Samantala, ang suring-basa o revyu at editoryal o
pangulong-tudling ay matatalakay sa mga susunod na
modyul.
•Mas angkop ang mga itong ilagay sa ilalim ng
malikhaing komposisyon na siyang paksa ng talakayan ng
susunod na modyul.
•Sa modyul na ito, kung gayon, ang pagtutuunan natin ng
higit na pansin ay ang sanaysay bilang isang
pinakamahusay na halimbawa ng diskors na ekspositori.
Ang salitang sanaysay ay nagmula sa
pariralang “salaysay ng isang sanay”, ang
salitang ito ay nilikha ni Alejandro G.
Abadilla.

 May iba-ibang
pagpapakahulugan
ang iba’t ibang mga
  manunulat sa
     sanaysay.

      Sinu-sino nga ba ang
      mga ito?
Ayon kay Rubin, et.al (1989-91) ang sanaysay ay isang
    anyong pampanitikang naglalahad ng mga kontemporaryong usapin
    at paksain sa nababagong mundo.

              Ayon naman kay Belvez, et.al(1985), ang sanaysay ay isang
     komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na
     maikli at formal kaysa alinmang akda.
            Binanggit nina Semorian, et.al.(1999) na ang sanaysay ay
   isang uri ng akdang naglalayong maglahad o maglarawan ng buhay
   sa makatotohanan at masining na paraan. Maaaring talakayin o
   paksain ang anumang tema-karaniwan o di karaniwan, magaan o
   seryoso- sapagkat buhay ang inilalahad dito.
      Kung gayon, dapat isaalang-alang, na ang susulat ng isang
sanaysay ay kailangang mag-angkin ng karampatang
pagmamasid, kaalamang masaklaw at masusing pagsusuri nang
hindi malihis ang mambabasa sa kawastuhan ng tatalakaying
nilalaman.
      Hinihingi ng isang efektivong sanaysay ang sapat na
kakayahan sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin-masinop,
malinaw at mapang-akit.
Dalawang Uri ng Sanaysay

   Formal o Maanyo                        Di-formal o Di-
                                              maanyo
* Formal ang isang sanaysay          * Ito ay may kalayaan sa ayod na
kapag ito’y may lohikal na           paglalahad, may himig ng
paglalahad ng mga kaisipan o may     pakikipag-usap at pagbibiro at
maayos na balangkas.                 higit na kawili-wiling basahin.
* Maingat din ang pagsusuri ng       * Subalit hindi rin dapat na
paksa nito.                          kaligtaan na lakip din nito ang
* Mahigpit ang pagpili at paggamit   katalinuhan ng pag-iisip at
ng mga pananalita                    masusing pagsusuri.
* Masusi ang pag-aaral ng temang     * May pagkaliberal ang paggamit
tatalakayin                          ng salita sa anyong di-formal
* Binibigyang-diin dito ang          * Subalit maging formal man o
katotohanan, tuwirang                hindi, kailangang maging, malinaw
pagpapahayag at seryosong            ang anumang nais ipabatid sa
pagtalakay.                          kabuuan ng sanaysay.
#4 Babasahin:

Basahin mo ng tahimik ang    At pagkatapos, Uriin mo ang bawat
                              At pagkatapos, Uriin mo ang bawat
 Basahin mo ng tahimik ang
dalawang tekstong may
 dalawang tekstong may       isa at tukuyin ang paksang tinatalakay
                              isa at tukuyin ang paksang tinatalakay
pamagat na “ “AIDS
 pamagat na AIDS             sa bawat sanaysay. Ihambing at
Awareness” at Paginhawain     sa bawat sanaysay. Ihambing at
 Awareness” at Paginhawain   ikontrast mo din ang wika, tono, at
naman ang buhay ni
 naman ang buhay ni           ikontrast mo din ang wika, tono, at
Juan”ibinigay sa iyo na
 Juan”ibinigay sa iyo na
                             estilo ng bawat isa.
                              estilo ng bawat isa.
nakaphotocopy.
 nakaphotocopy.
#5 Interaktibong
                               gawain:
                          1. Pumili ng isang awtoridad hinggil sa paksang
                             inyong mapagkakasunduan sa klase.
                          2. Maghanda ng balangkas ng mga tanong kaugnay
                             ng paksang inyong napagkasunduan.
                          3. Intervyuhin ang awtoridad na iyong napili. Irekord
                             ang iyong intervyu hanggat maaari at itranskrayb
                             iyon pagkatapos.

Pagsulat ng Komposisyon:
1. Sumulat ng isang formal na sanaysay batay sa mga datos na
   iyong nakalap sa intervyu. Isaalang-alang muli ang mga
   katangian ng isang mabuting talataan.
2. Ipakritik sa awtoridad na iyong intervyu ang sanaysay na
   iyong isinulat. At hingin ang kanyang reaksyon o masasabi sa
   iyong isinulat.
3. Muli itong idagdag sa mga sulatin at ako ang huling
   magkikritik.
Aralin i

    ANG
ARGUMENTATIV
ANG ARGUMENTATIV
•Ang argumentative o pagmamatuwid ang mapapansing nasa
dakong huli ng mga uri ng diskors.
•May konkretong dahilan ito sa pag-aaral sa kadahilanang hindi
magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang argumento (lalo pa
at pasulat) kung wala munang matibay na kaalaman at
kakayahan sa mga naunang paraan ng pagpapahayag:
pagsasalaysay/narativ, paglalarawan/deskriptiv at maging
paglalahad/ekspositori.
•Kung lubhang kailangan sa narativ ang mahusay na
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, sa deskriptiv ay ang
malinaw na pagbibigay-katangian, sa ekspositori ay wastong
pagpapaliwanag, sa argumentativ ay tiyak na kinakailangan ang
ANG ARGUMENTATIV
•Ang mag-isip ay isang prosesong natural lamang sa isang tao.
•Batay sa katotohanang ito, hindi maiiwasang may mga
pagkakataong ang iniisip ng isa ay salungat sa maaaring isipin
naman ng iba.
•Alam ninuman, hindi lamang ng mga abogado, na ang anumang
argumento ay nananatiling halos opinyon lamang kung
mananatiling pasalita.
•Makabubuting kung isulat muna (sa paraang wasto at mabisa)
bago bigkasin kung kinakailangan.
•Sa mga legal na usapin, hindi mapag-aaralan ang isang panig
kung walang nakasulat na dokumento.
MGa bahagi ng argumentativ
      na komposisyon
•ANG SIMULA:
   •Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at damdamin nila.
•GITNA:
   •Magsisilbi itong dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat
   sila sa iyo matapos ng mabisang simula, at kung papalarin ay
   nakatutok pa rin sila sa bawat mensaheng iyong ipinararating
   hanggang sa iyong mabisang pagwawakas.
   •Ang bawat katwiran ay kailangan ding masuportahan ng mga
   evidensya, datos o istatistika, pahayag ng mga awtoridad o di kaya’y
   mga kolaborativ na pahayag mula sa aklat, sa mga magasin, jaryo at
   iba pang babasahin.
•WAKAS:
   •Ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na magpapabagsak sa
MGa Uri ng Maling
         Pangangatwiran:
1. Argumentum ad hominem
2. Argumentum ad baculum
3. Argumentum ad misericordiam
4. Non sequitur
5. Ignoratio elenchi
6. Maling paglalahat
7. Maling paghahambing
8. Maling Saligan
9. Maling awtoridad
10. Dilemna
Mga Uri ng Maling
                         Pangangatwiran:

Bawat salita n iyong diskors, dahil nga argumentativ
   ay sinusuri ng kabilang panig o ng iyong
   mambabasa.

Makatwiran, samakatuwid, na alalahanin ang mga Uri
   ng Maling Pangangatwiran (Fallacies of Reasoning)
   na madalas gamitin kahit hindi sinasadya ng isang
   nakikipag-argumento upang “makagulat” sa
   kanyang katalo o kaya naman ay “makalusot” sa
   isang isyung mahirap niyang pasinungalingan.
Mga Uri ng Maling
                             Pangangatwiran:

                                         Isang nakahihiyang
                                       pag-atake sa personal na
    Argumentum
     ad hominem                          katangian/katayuan
                                     ng katalo at hindi sa isyung
                                    tinatalakay o pinagtatalunan.

Halimbawa:
        Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking
katunggali gayong ni hinidi siya naging pinuno ng
kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita
ko’y under de saya pa yata!
Mga Uri ng Maling
                                Pangangatwiran:


                                     Pwersa o awtoridad ang gamit
    Argumentum                           upang maiwasan ang
     ad baculum                        isyu at ito ay maipanalo
                                           ang argumento.


Halimbawa:
        Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at
wala kang karapatang magsalita sa akin nang
ganyan! Baka sampalin kita at nang makita mo ang
hinahanap mo!
Mga Uri ng Maling
                                Pangangatwiran:

                                     Upang makamit ang awa at
                                     Pagkampi ng mga nakikinig,
   Argumentum
        ad                            Bumabasa, ginagamit ito
   misericordiam                     Sa paraang pumipili ng mga
                                        Salitang umaatake sa
                                    Damdamin at hindi sa kaisipan.
Halimbawa:
         Limusan natin ang mga kapuspalad na
taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang
marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang
magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom?
Mga Uri ng Maling
                               Pangangatwiran:

                                   Sa ingles ang ibig sabihin nito
                                        ay It doesn’t follow.
    Non sequitur                   Pagbibigay ito ng konklusyon
                                     Sa kabila ng mga walang
                                       Kaugnayang batayan.

Halimbawa:
        Ang santol ay hindi magbubunga ng
mangga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya.
Magulong paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa ang
inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-
hiyaan!
Mga Uri ng Maling
                               Pangangatwiran:

                                    Gamitin ito ng mga Pilipino
                                     Lalo na sa mga usapang
      Ignoratio                        Baberya, wika nga.
       elenchi                        Kilala ito sa ingles na
                                      Circular reasoning o
                                          Paliguy-ligoy.
Halimbawa:
         Anumang bagay na magpapatunay sa aking
pagkatao ay maipaliliwanag ng aking butihing
maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya
pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak,
kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
Mga Uri ng Maling
                              Pangangatwiran:

                                   Dahil lamang sa ilang aytem/
                                    Sitwasyon, nagbibigay na
      Maling
     Paglalahat                    Agad ng isang konklusyong
                                          Sumasaklaw sa
                                          Pangkalahatan.

Halimbawa:
         Ang artistang ito ay naging tiwali sa
kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay
maraming asawa, samantalang bobo naman ang
isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na
nating iboto ang mga artista!
Mga Uri ng Maling
                                 Pangangatwiran:

                                      Karaniwang nang tinatawag
                                        Na usapang lasing ang
      Maling                         Ganitong uri pagkat mayroon
   Paghahambing                        Ngang hambingan ngunit
                                          Sumasala naman sa
                                        Matinong konklusyon.
Halimbawa:
         (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako
patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!
Mga Uri ng Maling
                                Pangangatwiran:
                                         Nagsisimula ito sa maling
                                           Akala na siya namang
       Maling
                                             Naging batayan.
       Saligan                            Ipinapatuloy ang gayon
                                         Hanggang magkaroon ng
                                           Konklusyong wala sa
                                                Katwiran.

Halimbawa:
          Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang
iniisip. Sa pag-aasawa, kailangan ang katapatan at
kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat
lamang na maging tapat at masipag ang mga
kabataan.
Mga Uri ng Maling
                              Pangangatwiran:


                                      Naglalahad ng tao o
     Maling                           Sangguniang walang
    Awtoridad                         Kinalaman sa isyung
                                          kasangkot.


Halimbawa:
        Ang Krsitiyano ay pananampalataya ng mga
mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
Mga Uri ng Maling
                                Pangangatwiran:

                                        Naghahandog lamang ng
                                          Dalawang opsyon/
      Dilemna                           Pagpipilian na para bang
                                       Iyon lamang at wala nang
                                         Iba pang alternativo.

Halimbawa:
         Upang hindi ka mapahiya sa ating debate,
ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang
pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na
nagsasaad ng iyong pag-urong.
#6 Babasahin:

                         At pagkatapos, tukuyin ang istilong
Basahin mo ng
 Basahin mo ng
                          At pagkatapos, tukuyin ang istilong
                         ginamit ng awtor dito. Tukuyin din kung
                          ginamit ng awtor dito. Tukuyin din kung
tahimik ang tekstong
 tahimik ang tekstong    may mga maling pangangatwiran sa teksto
                          may mga maling pangangatwiran sa teksto
may pamagat na ““
 may pamagat na          at kung mayroon, uriin ang bawat isa.
                          at kung mayroon, uriin ang bawat isa.
Abuso sa Karapatan”
 Abuso sa Karapatan”     Isulat mo ito sa isang papel at idagdag sa
                          Isulat mo ito sa isang papel at idagdag sa
na ibinigay sa iyo na
 na ibinigay sa iyo na   inyong mga sulatin na ipapasa sa akin.
                          inyong mga sulatin na ipapasa sa akin.
nakaphotocopy.
 nakaphotocopy.
#7 Interaktibong
                               gawain:
                          1. Magsagawa ng isang informal na pagtatalo sa
                             klase hinggil sa isang napapanahong isyung
                             nakakaafekto sa ating lipunan o sa global na
                             komunidad.
                          2. Suriin ang mga argumentong inilahad sa
                             pagtatalo. Pansinin kung may gumamit ng mga
                             maling pangangatwiran.


Pagsulat ng Komposisyon:
1. Sumulat ng isang komposisyong argumentativ hinggil sa
   paksang pinagtalunan sa klase.
2. Ipakritik sa iyong mga kamag-aral ang komposisyong iyong
   ginawa at alamin ang kanyang reaksyon o masasabi sa iyong
   sinulat. Ipagamit sa kanila ang mga gabay na tanong sa
   pagkikritik ng komposisyon.
3. Muli itong idagdag sa mga sulatin mo at ako ang huling
   magkikritik.

More Related Content

PPTX
Pagtuturo at Pagtataya sa Makrokasanayang Pangwika.pptx
PPTX
SPEECH ACT THEORY.pptx
DOC
Pagsasalaysay o Naratibo
PPTX
D. argyumentatibopersweysib
PPTX
Retorika: Pagsulat
PPTX
Gramatika at Retorika
PPTX
MGA-HULWARANG-ORGANISASYON-NG-TEKSTO.pptx
PPTX
MGA METODO NG PANANALIKSIK PANLIPUNAN.pptx
Pagtuturo at Pagtataya sa Makrokasanayang Pangwika.pptx
SPEECH ACT THEORY.pptx
Pagsasalaysay o Naratibo
D. argyumentatibopersweysib
Retorika: Pagsulat
Gramatika at Retorika
MGA-HULWARANG-ORGANISASYON-NG-TEKSTO.pptx
MGA METODO NG PANANALIKSIK PANLIPUNAN.pptx

What's hot (20)

PPT
4 na makrong kasanayan
PPT
Ang Mga Panahon ng Panitikan
PPTX
Pagsasaling wika
PPT
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
PPT
Pananaliksik
PPTX
Pagbabalangkas
PPTX
Mapanuring pagbasa
PPTX
Diskurso sa Filipino
PPTX
Kahalagahan ng Pananaliksik
PPTX
PPTX
Konseptong papel. filipino
PPTX
FIL1
PPTX
Kaugnay na pag aaral at literatura
PPTX
Pananaliksik
PPTX
Haypotesis ng Pananaliksik
PDF
Sulating pananaliksik
PPTX
Paglalarawan
PPT
Kahalagahan ng wika 2
PPTX
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
PPTX
Panitikan sa kasalukuyan
4 na makrong kasanayan
Ang Mga Panahon ng Panitikan
Pagsasaling wika
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pananaliksik
Pagbabalangkas
Mapanuring pagbasa
Diskurso sa Filipino
Kahalagahan ng Pananaliksik
Konseptong papel. filipino
FIL1
Kaugnay na pag aaral at literatura
Pananaliksik
Haypotesis ng Pananaliksik
Sulating pananaliksik
Paglalarawan
Kahalagahan ng wika 2
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Panitikan sa kasalukuyan
Ad

Viewers also liked (18)

PPTX
Tekstong deskriptibo
PPTX
Komposisyon
PPTX
Retorika at Mabisang Pagpapahayag
PPT
Mga batayang uri ng komposisyon
PPTX
Ang mahahalagang bahagi ng sulatin
PPTX
Pagwawakas ng komposisyon
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
PPTX
Pagsulat ng komposition
PPTX
PDF
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
PPTX
Mga proseso sa pagsusulat
PPTX
PPTX
Do's & Don'ts Inside a Computer Lab
PPTX
Pagsulat ng Di-Piksyon na Balita
PPTX
Online Systems, Functions, and Platforms
PPTX
Online Safety, Security, Ethics, and Etiquette (Part 2)
PPT
Proseso sa pagsulat
PPTX
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
Tekstong deskriptibo
Komposisyon
Retorika at Mabisang Pagpapahayag
Mga batayang uri ng komposisyon
Ang mahahalagang bahagi ng sulatin
Pagwawakas ng komposisyon
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
Pagsulat ng komposition
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Mga proseso sa pagsusulat
Do's & Don'ts Inside a Computer Lab
Pagsulat ng Di-Piksyon na Balita
Online Systems, Functions, and Platforms
Online Safety, Security, Ethics, and Etiquette (Part 2)
Proseso sa pagsulat
PAGSUSUNOD-SUNOD (Sekwensyal, Kronolohikal, Prosidyural)
Ad

Similar to Modyul number 3 (20)

DOCX
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
PPTX
Q3-L3 - TEKSTONG DESKRIPTIBooooooooO (1).pptx
PPTX
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
PPTX
Q3-L3 - TEKSTONG DESKRIPTIBO00000000.pptx
PPTX
Discussion.pptx Filipino ajsjsjsjsjsjjsjsjsjs
PPTX
Tekstong Deskriptibo (Makulay na paglalarawan)
PPTX
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
PPTX
filitekstongdeskriptibo-171220011011.pptx
PPTX
TEKSTONG DESKRIPTIBO Kahulugan at Katangian
PPTX
grade 11 module 4.pptx....................
PPTX
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
PDF
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
PPTX
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
PPTX
Morgan and Reajddnfnfnfnfnffnnskkskakakk
PPTX
Grade 11- Humss TEKSTONG-DESKRIPTIBO.pptx
PPTX
Teksto Deskriptibo
PDF
Tekstong-Deskriptibo. Pagbasa at Pagsusuri sa Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pan...
PPTX
DESKRIPTIBONG TEKSTO.pptx
PPTX
ppttekstong deskriptibo.pptx
PPTX
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo
Q3-L3 - TEKSTONG DESKRIPTIBooooooooO (1).pptx
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Q3-L3 - TEKSTONG DESKRIPTIBO00000000.pptx
Discussion.pptx Filipino ajsjsjsjsjsjjsjsjsjs
Tekstong Deskriptibo (Makulay na paglalarawan)
PAgbasa ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik
filitekstongdeskriptibo-171220011011.pptx
TEKSTONG DESKRIPTIBO Kahulugan at Katangian
grade 11 module 4.pptx....................
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
Morgan and Reajddnfnfnfnfnffnnskkskakakk
Grade 11- Humss TEKSTONG-DESKRIPTIBO.pptx
Teksto Deskriptibo
Tekstong-Deskriptibo. Pagbasa at Pagsusuri sa Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pan...
DESKRIPTIBONG TEKSTO.pptx
ppttekstong deskriptibo.pptx
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Modyul number 3

  • 1. MODYUL SA FILIPINO 3 MASINING NA PAGPAPAHAYAG Ginawa ni: Bb. Rosalyn V. De la Cruz
  • 2. MODyul 3 MGA BATAYANG URI NG DISKORS
  • 3. LAYUNIN Pagkaraang matapos ang aralin, ikaw ay inaasahan na:  Natutukoy ang mga batayang uri ng diskors  Nalalaman ang pagkakaiba ng mga uri ng diskors.  Nakasusulat at nagagawa ng mga iba’t ibang gawain ng sulatin  Nakalilikha ng sariling sulatin ayon sa mga uri ng diskors
  • 4. Aralin i ANG DESKRIPTIV
  • 5. Paunang Pagsubok Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kung ito’y tama, lagyan ng tsek. At kung ito’y mali, lagyan ng ekis. ____1. Pang-abay at pandiwa ang karaniwang gamitin ng sulating deskriptiv. ____2. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang malantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina; ang pangungusap na ito ay isang halimbawa ng deskriptiv. ____3. Ang pagpili ng paksa ay isa sa mga pangangailangan ng deskriptiv na sulatin. ____4. Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng malalaking bahaging maaaring makita lamang sa pananaw ng naglalarawan. ____5. Pumupukaw ng guni-guni ang karaniwang deskripsyon.
  • 6. Tama ba ang mga sagot mo? • 1./ • 2./ • 3. / • 4. x • 5. x
  • 7. ANG DESKRIPTIV •Ang deskriptiv na diskors o paglalarawan ay naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip o imahinasyon ng mga mambabasa o tagapakinig. •Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwang ginagamit sa isangn deskriptiv na diskors •Maliwanag at mabisang nailalarawan ng mga pang-uri at pang-abay ang anumang
  • 8. DESKRIPTIV: Inihahalintulad sa isang pintor ang sumusulat ng talatang naglalarawan. Sa tingin mo, bakit inihahalintulad sa isang pintor ang isang sumusulat ng talatang naglalarawan? Subukan mong sagutan: _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ ______________________________.
  • 9. DESKRIPTIV: Inihahalintulad sa isang pintor ang nagsusulat ng Inihahalintulad sa isang pintor ang nagsusulat ng isang deskriptiv oo naglalarawan sapagkat ang isang pintor isang deskriptiv naglalarawan sapagkat ang isang pintor ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit upang ay pumipili ng mga sangkap na isasama sa pagguhit upang makalikha ng isang buhay na larawan. Gayundin ang makalikha ng isang buhay na larawan. Gayundin ang nagsusulat ng naglalarawan, pumupili siya ng mga salita nagsusulat ng naglalarawan, pumupili siya ng mga salita at iba pang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa at iba pang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa. pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa.
  • 10. Mga Pangangailangan sa Efektiv na Deskripsyon : Pagpili ng paksa Piliin ang isang bagay na nais ilarawan. Lalong mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at hindi bago sa iyong paningin ang paksang pipiliin. Ang mga bagay na nakikita sa araw-araw tulad ng ina, kapatid, guro, punong-kahoy, gusali, palengke, hayop na alaga ay Maaaring maging paksa ng mabisang paglalarawan.
  • 11. Mga Pangangailangan sa Efektiv na Deskripsyon : Pagbuo ng isang Pangunahing Larawan Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao o pangyayaring Inilalarawan sa nakikinig o bumabasa. Ang kabuuan muna ang unang nakikintal sa isipan, bago ang Bahaging maliliit na nasasangkap sa kabuuan. May kanya-kanyang katangian ang bawat bagay, tao, pook o Anumang namamasid ng mga tao. Kung magmamasid ka sa isang silid, ang unang kakintalang Nabubuo’y ang kaayusang, karangyaan, kaguluhan, Katahimikan o kalinisan. Ito ang pangunahin o batayang larawan.
  • 12. Mga Pangangailangan sa Efektiv na Deskripsyon : Pagpili ng sariling pananaw O perspektiv Nakikita ang pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw. May sariling pananaw ang bawat naglalarawan mula sa kanyang Kinaroroonan na iba kaysa taong nasa ibang panig naman. Dapat pumili ang sumulat ng sariling pananaw at mula lamang Doon niya ilalarawan ang bagay, pook, tao o ang pangyayaring Kanyang tinatalakay. Maaaring isaalang-alang ang inilalarawan ayon sa agwat o layo sa Bagay. Halimbawa: ang larawan ng isang gusali ay magkaiba mula sa loob Hanggang sa labas nito.
  • 13. Mga Pangangailangan sa Efektiv na Deskripsyon : kaisahan Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng maliliit na bahaging maaaring makita lamang mula sa pananaw na napili ng naglalarawan
  • 14. Mga Pangangailangan sa Efektiv na Deskripsyon : Pagpili ng mga sangkap na isasama Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo ng pangunahing larawan ang dapat isama. Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiiba ng bagay, tao, pook,o pangyayaring inilalarawan sa iba pang uri nito.
  • 15. Mga Pangangailangan sa Efektiv na Deskripsyon : Batayan sa paglalarawan Sa pagbuo ng malinaw na larawan ay may mahalagang Tungkuling ginagampanan ang ankop at tamang pagpili Ng mga salita. Samakatuwid, ang kalinawan ng ginagawang paglala- rawan ay nababatay sa mayamang talasalitaan. Bukod sa mayamang talasalitaan, kailangan ding Maging matalas ang pandama (5 senses) upang makita At maibigay ng taong naglalarawan ang lahat ng mga Katangian ng kanyang inilalarawan.
  • 16. Mga Pagsasanay: A. Basahin ang mga sumusunod at subukin kung sa anong pandama ang bawat isa nauugnay; 1.Nagkalat na mga basura at basyong lata ang karaniwang masasagasaan sa masikip na daang papasok sa loobang kanyang pinanggalingan. 2.Maanghang na ginatang laing, malinamnam na tinapang kabasi, labanos na sawsawan, tamang-tama sa asim na sinampalukang manok at matamis na kundol ang aming dinatnang nakaahin sa mesa. 3.Nakatutulig at sunud-sunod na putok ang narinig na pumailanlang at kasunod noon ay tilian ng mga kababaihan. 4.Nadama ko ang di pangkaraniwang inot ng kanyang palad at pananamlay ng kanyang tinig. Idiniit ko ang aking kamay sa kanyang noo at napatunayan kong sisya ay nilalagnat. 5.Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa pinaghalong sangsang ng umaalingasaw sa labas at sa nakasusukang amoy na nanggaling sa isang malapit na kanal…
  • 17. Sagot: 1. Paningin 2. Panlasa 3. Pandinig 4. Pandama 5. Pang-amoy
  • 18. Mga Pagsasanay: B. Piliin ang angkop na pang-uri sa bawat pangungusap. 1.Ang matiyaga sa paggawa ay taong (masipag, masikap, mabait, masunurin). 2.(Masipag, Masikap, Mabait, Masunurin) ang mga sundalong sinanay na gumawa nang hindi nag-uusisa. 3.Hindi makalakad nang mabilis si Dory dahil sa (masikip, makipot, mahigpit) ang suot niyang palda. 4.(Masikip, Makipot, Mahigpit) ang daang patungo sa langit, ayon sa Banal na Kasulatan. 5. (Magiting, Matapang, Mapusok) ang lalaking sumusugod sa ano mang away o basag-ulo. 6.(Magiting, Matapang, Mapusok) ang lider na matapat na tumutupad sa kanyang tungkulin sa gitna ng ano mang panganib.
  • 19. Sagot: 1. Masikap 2. Masunurin 3. Masikip 4. Makipot 5. Matapang 6. Magiting
  • 20. Dalawang uri ng Deskripsyon: KARANIWANG MASINING NA DESKRIPSYON DESKRIPSYON -Pagbubuo ito ng malinaw na -Pumupukaw ng guni-guni ang larawan sa isipan ng mambabasa masining na deskripsyon. sa tulong ng mga katangiang -Higit sa nakikita ng paningin ang ating napag-aralan na. maaaring ilarawan ng salita sa -Ang layunin nito ay tulong ng deskripsyong masining. makapagbigay lamang ng -Gumagamit ng mga salitang kabatiran tungkol sa katangian ng nagbibigay-kulay, tunog, galaw, isang paksa, at walang kinalaman at matinding damdamin. dito ang kuru-kuro at damdamin ng naglalarawan.
  • 21. Halimbawa ng Karaniwang Deskripsyon: Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang impresyon ng sinumang makakaharap ni Linda. Dala marahil iyon ng kanyang mapang- akit na mga mata na nakahahalina sa sinumang makakakita nito. Ang kanyang namumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy ay lalong nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik- matang malantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina ng kanyang mga mata. Sa kanyang pagtawa, mapapansin mo ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Ayon sa marami, ang mahaba at maitim niyang buhok ay nagsisilbing pang-akit ni Linda sa mga kalalakihan. Si Linda ay may matatag na paninindigan sa buhay.
  • 22. Halimbawa ng Karaniwang Karugtong: Deskripsyon: Ginagawa niya ang anumang kanyang sabihin. Makabago si Linda at sosyal pero matapat na nagpapahalaga at nag-iingat sa kanyang puri at pagbabago. Relihiyosa at may takot sa Diyos si Linda. Lagi siyang nagsisimba, mababa ang loob at handang tumulong sa sinumang nangangailangan. Mapagpasensya rin siya kaya napakarami niyang kaibigan.
  • 23. Halimbawa ng Masining na Deskripsyon: Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay higit pang malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong pagkawalay nila sa nayon niyang ito. Halos lahat ng nakikita niyang kabaguhan ay likha ng nakapag-aalimpuyong hangin at ulan. Gaya ng dati, ang malumot nang munting simbahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng hangin, ngunit nakatayo pa sa harapan ng luklukang kawayang mahahabang oras ding pinagpag-init niya samantalang nakikipag-inuman siya ng tuba, nakikipagtayugan ng mga pangarap sa kanyang mga kapwa bata. Mula sa Bahay na Bato ni Antonio B.L. Rosales
  • 24. Isa pang halimbawa ng Masining na Deskripsyon: Ikaw ang pinakamahalagang paksa ng anumang usapan. Maliban sa iyo at lahat ng iyo, lahat ng iba pa ay kailangang isantabi. Ngunit, sino ka nga ba? Ikaw, oo, nakakamukha mo ang marami sa maraming bagay, ngunit wala kang katulad. Ikaw ay nag-iisa sa iyong individwalidad. Libo man ang superfisyal na gawain ay hindi makapagbabago sa iyo, sapagkat saan man, sa ano mang lugar, ang iyong hitsura, pag-uugali, kilos, ang paraan mo ng paggawa ng mga bagay, ang iyong paraan ng pagsasalita – lahat ng bagay tungkol sa iyo – hindi mo man namamalayan, ang kumbinasyon ng lahat ng iyon ay naglalahad ng tunay na ikaw. Maaari kang magkunwari, o di kaya’y manahimik, ngunit ang tunay na ikaw ay hindi mo maitatago sa iba. Ang iyong individwalidad ay may higit na kahulugan
  • 25. Isa pang halimbawa ng Masining na Deskripsyon: karugtong Kaysa sa iyong akala. Ikaw ang pinakamatalik na kaibigan o pinakamatinding kaaway ng iyong sarili. Ang ibang tao, taliwas sa mga lumang paniniwala, ay hindi makatutulong o makasasakit sa iyo, bagama’t maaaring madalas mo silang sinisisi sa iyong mga kakulangan. Lahat ng nangyayari sa iyo ay nagsisimula at nagtatapos sa iyo. Ang ibang tao ay mga paraan lamang sa pagkakamit ng anumang iyong sinimulan tungkol sa iyong sarili. mula sa Ika ni E.Y. Cunanan sarili ni RAB
  • 26. #1 Interaktibong gawain: Subukang sumulat ng isang talatang naglalarawan: maaaring tungkol sa kaibigan, kapatid, kamag-anak, pamilya, kapaligiran o kaht ano pa man. Pagkatapos mong sumulat ng talatang naglalarawan batay sa napili mong paksa. Subukang ito naman ay iyong iguhit.
  • 27. Interaktibong gawain: Naiguhit mo ba ito ng maayos? Naisulat mo ba nang tama ang mga salitang nagpapalarawan sa iyong talata? Kung oo ang iyong sagot, ipabasa at ipakita ito sa iyong kamag-aral. At hayaan ang inyong kamag-aral ang humusga sa iyong ginawa.
  • 29. Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon ANG NARATIV •Ay may layuning magsalaysay o magkuwento ng mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari. •Ang batayan nito’y maaaring mga sariling karanasan, mga pangyayaring napakinggan/narinig, nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan o nabalitaan. •Maaari ring magkuwento ng mga pangyayaring likhang-isip lamang.
  • 30. Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors Mga Katangian Mabuting Narasyon •Mabuting Pamagat– ang panawag pansin ng isang pasulat na narasyon •Upang maging mabuti ang iyong pamagat, kailangang taglayin niyon ang mga sumusunod na katangian: • Maikli • Kawili-wili o kapana-panabik • Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas • Orihinal o hindi palasak • Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala namang layuning magpatawa • May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng komposisyon Dapat din tandaan na maaaring maging pamagat ay pangalan ng tauhan, pook, panahon, mahahalagang pangyayari, paksang diwa at iba pa.
  • 31. Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors Mga Katangian Mabuting Narasyon •Mahalagang Paksa– kung gaano kahalaga ang isang narativ na diskors, gayundin naman ang paksa niyon. •Tandang ang isang akdang nauukol sa isang walang-kwentong paksa ay nagiging walang-kwentang akda. •Nasa sa istilo at orihinalidad ang buhay ng isang narasyon. •Kung mahusay ang isang manunulat, ang isang lumang paksa ay maaari niyang gawing bago.
  • 32. Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors Mga Katangian Mabuting Narasyon •Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari •Iba-ibang ayos ng pagkakasunud-sunod ng isang narasyon: •Karaniwang anyo: • Simula-Gitna-Wakas •Gumagamit ng Flashback o paraang pabalik: • Gitna o dakong wakas • Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag- aalala • Wakas •O kaya’y may ganitong pagkakasunud-sunod: • Nagsimula sa wakas • Nagbabalik sa tunay na simula • Nagtatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula ng sumulat
  • 33. Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors Mga Katangian Mabuting Narasyon •Mabuting Simula– upang maging mabuti kailangang maging kawili-wili. •Ito ay nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa •Nagsisilbi itong pwersang tumutulak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa. •Ito ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran •“Magsimula sa simula” ang payo ng maraming manunulat. •Hindi kailangan ng mga maliligoy na introduksyon gaya ng: • Noong unang panahon….. • Isang araw, habang…. • Minsan, may isang….. • Ang kwentong ito ay tungkol sa….
  • 34. Modyul 3: Batayang Uri ng Diskors Mga Katangian Mabuting Narasyon •Mabuting Wakas– may mga audience na nabibigo sa pagbabasa dahil sa hindi mabuting pagwawakas ng isang narasyon. •Tulad ng simula, kung gayon, ang wakas ay kinakailangang maging kawili-wili upang maikintal ang bisa ng narasyon sa mambabasa. •Iwasan kung gayon ang mga prediktabol na wakas. •Hangga’t magagawa, lagyan ng twist na makatwiran ang narasyon. •Iwasan din ang maligoy na wakas, pagkatapus na pagkatapos ng kasukdulan o klaymaks, kailangang isunod na agad ang wakas. •Hindi na rin kailangan ng paliwanag sa pagwawakas. •Iwasan din ang pangangaral sa wakas, hindi na napapanahon ang ganitong istilo. •Makabubuti kung ipinahihiwatig ng matalino at maingat na paggamit ang mga simbolismo at pagpapahiwatig.
  • 35. Pansinin ang kasunod na seleksyon, basahin at suriin kung taglay nito ang mga katangian ng isang mabuting narasyon: Huwag Po, Itay… Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin. Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumatok si Itay sa pinto ng aking kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko siya. May pag-aalangang binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking silid. Laking gulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking mga kamay. Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.
  • 36. Karugtong.. “Itay…huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak. Utang na loob, Itay!” Nguni’t parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Mariin ang aking pagpikit. Hindi ko magawang lumuha. Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto ng aking kwarto. Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw niyang tinig. “Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan!”
  • 37. Karugtong.. Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay. Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang make-up si Itay. Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako nagalit sa kanya, manapa’y labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at kapwa napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay. Lovingly yours, Badong
  • 38. # 2 Isulat dito ang inyong mga napansin at obserbasyon at suri sa seleksyong inyong nabasa. Huwag Po, Itay… ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ____________________________________________________
  • 39. # 3 PAGSASANAY: Pagsulat ng Komposisyon: Isulat ito sa isang papel at idagdag sa inyong mga naipong gawain mula sa naunang modyul na ibinigay ko sa inyo. 1. Mag-isip ng isang serye ng mga pangyayari para sa pagsulat ng isang narativ na komposisyon. Itala muna sa isang malinis na papel ang sikwens ng mga pangyayari. 2. Isulat na ang iyong komposisyon nang may pagsasaalang-alang sa mga katangian ng isang mabuting narasyon at gamit ang sikwens na iyong itinala. 3. Ikritik ang iyong sariling komposisyon at pagkaraa’y ipabasa sa iyong kamag-aral at tanungin ang kanilang reaksyon o masasabi sa iyong isinulat. 4. Pagkatapos ipunin ang iyong mga sulatin at ako ang huling magkikritik sa iyong sinulat.
  • 40. Aralin 3 ANG EKSPOSITORI
  • 41. Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon ANG ekspositori •Ang diskors na ekspositori ay tinatawag na paglalahad sa maraming aklat sa Filipino. •Layunin nitong gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao. •Katulad ng deskriptiv ito ay maaaring maging karaniwan o masining. •May mga iba’t ibang uri ito: pagbibigay-kahulugan o definisyon, panuto o direksyon, tala o listahan, balita, pitak o kolum, suring-basa o revyu at sanaysay.
  • 42. Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon ANG ekspositori •Dahil sa pagiging karaniwan ng ibang uri ng diskors na ekspositori, hindi na natin tatalakayin sa modyul na ito ang mga iyon dahil: •1. Ang pagbibigay-kahulugan o definisyon ay karaniwan nang matatagpuan sa mga diksyunaryo o ensayklopidya •2. Ang mga panuto o direksyon ay karaniwan nang matatagpuan sa mga pagsusulit, sa mga daan, sa mga resipi sa pagluluto, sa mga tarhetang kasama ng mga gamot o bagong aplayanses at kung saan-saan pa. •3. Ang mga tala o listahan ay makikita na kahit saan, gaya ng mga halimbawa nito na listahan ng mga kakilala at kanilang
  • 43. Modyul 3: Pagsulat ng Komposisyon ANG ekspositori •Samantala, ang suring-basa o revyu at editoryal o pangulong-tudling ay matatalakay sa mga susunod na modyul. •Mas angkop ang mga itong ilagay sa ilalim ng malikhaing komposisyon na siyang paksa ng talakayan ng susunod na modyul. •Sa modyul na ito, kung gayon, ang pagtutuunan natin ng higit na pansin ay ang sanaysay bilang isang pinakamahusay na halimbawa ng diskors na ekspositori.
  • 44. Ang salitang sanaysay ay nagmula sa pariralang “salaysay ng isang sanay”, ang salitang ito ay nilikha ni Alejandro G. Abadilla. May iba-ibang pagpapakahulugan ang iba’t ibang mga manunulat sa sanaysay. Sinu-sino nga ba ang mga ito?
  • 45. Ayon kay Rubin, et.al (1989-91) ang sanaysay ay isang anyong pampanitikang naglalahad ng mga kontemporaryong usapin at paksain sa nababagong mundo. Ayon naman kay Belvez, et.al(1985), ang sanaysay ay isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at formal kaysa alinmang akda. Binanggit nina Semorian, et.al.(1999) na ang sanaysay ay isang uri ng akdang naglalayong maglahad o maglarawan ng buhay sa makatotohanan at masining na paraan. Maaaring talakayin o paksain ang anumang tema-karaniwan o di karaniwan, magaan o seryoso- sapagkat buhay ang inilalahad dito. Kung gayon, dapat isaalang-alang, na ang susulat ng isang sanaysay ay kailangang mag-angkin ng karampatang pagmamasid, kaalamang masaklaw at masusing pagsusuri nang hindi malihis ang mambabasa sa kawastuhan ng tatalakaying nilalaman. Hinihingi ng isang efektivong sanaysay ang sapat na kakayahan sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin-masinop, malinaw at mapang-akit.
  • 46. Dalawang Uri ng Sanaysay Formal o Maanyo Di-formal o Di- maanyo * Formal ang isang sanaysay * Ito ay may kalayaan sa ayod na kapag ito’y may lohikal na paglalahad, may himig ng paglalahad ng mga kaisipan o may pakikipag-usap at pagbibiro at maayos na balangkas. higit na kawili-wiling basahin. * Maingat din ang pagsusuri ng * Subalit hindi rin dapat na paksa nito. kaligtaan na lakip din nito ang * Mahigpit ang pagpili at paggamit katalinuhan ng pag-iisip at ng mga pananalita masusing pagsusuri. * Masusi ang pag-aaral ng temang * May pagkaliberal ang paggamit tatalakayin ng salita sa anyong di-formal * Binibigyang-diin dito ang * Subalit maging formal man o katotohanan, tuwirang hindi, kailangang maging, malinaw pagpapahayag at seryosong ang anumang nais ipabatid sa pagtalakay. kabuuan ng sanaysay.
  • 47. #4 Babasahin: Basahin mo ng tahimik ang At pagkatapos, Uriin mo ang bawat At pagkatapos, Uriin mo ang bawat Basahin mo ng tahimik ang dalawang tekstong may dalawang tekstong may isa at tukuyin ang paksang tinatalakay isa at tukuyin ang paksang tinatalakay pamagat na “ “AIDS pamagat na AIDS sa bawat sanaysay. Ihambing at Awareness” at Paginhawain sa bawat sanaysay. Ihambing at Awareness” at Paginhawain ikontrast mo din ang wika, tono, at naman ang buhay ni naman ang buhay ni ikontrast mo din ang wika, tono, at Juan”ibinigay sa iyo na Juan”ibinigay sa iyo na estilo ng bawat isa. estilo ng bawat isa. nakaphotocopy. nakaphotocopy.
  • 48. #5 Interaktibong gawain: 1. Pumili ng isang awtoridad hinggil sa paksang inyong mapagkakasunduan sa klase. 2. Maghanda ng balangkas ng mga tanong kaugnay ng paksang inyong napagkasunduan. 3. Intervyuhin ang awtoridad na iyong napili. Irekord ang iyong intervyu hanggat maaari at itranskrayb iyon pagkatapos. Pagsulat ng Komposisyon: 1. Sumulat ng isang formal na sanaysay batay sa mga datos na iyong nakalap sa intervyu. Isaalang-alang muli ang mga katangian ng isang mabuting talataan. 2. Ipakritik sa awtoridad na iyong intervyu ang sanaysay na iyong isinulat. At hingin ang kanyang reaksyon o masasabi sa iyong isinulat. 3. Muli itong idagdag sa mga sulatin at ako ang huling magkikritik.
  • 49. Aralin i ANG ARGUMENTATIV
  • 50. ANG ARGUMENTATIV •Ang argumentative o pagmamatuwid ang mapapansing nasa dakong huli ng mga uri ng diskors. •May konkretong dahilan ito sa pag-aaral sa kadahilanang hindi magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang argumento (lalo pa at pasulat) kung wala munang matibay na kaalaman at kakayahan sa mga naunang paraan ng pagpapahayag: pagsasalaysay/narativ, paglalarawan/deskriptiv at maging paglalahad/ekspositori. •Kung lubhang kailangan sa narativ ang mahusay na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, sa deskriptiv ay ang malinaw na pagbibigay-katangian, sa ekspositori ay wastong pagpapaliwanag, sa argumentativ ay tiyak na kinakailangan ang
  • 51. ANG ARGUMENTATIV •Ang mag-isip ay isang prosesong natural lamang sa isang tao. •Batay sa katotohanang ito, hindi maiiwasang may mga pagkakataong ang iniisip ng isa ay salungat sa maaaring isipin naman ng iba. •Alam ninuman, hindi lamang ng mga abogado, na ang anumang argumento ay nananatiling halos opinyon lamang kung mananatiling pasalita. •Makabubuting kung isulat muna (sa paraang wasto at mabisa) bago bigkasin kung kinakailangan. •Sa mga legal na usapin, hindi mapag-aaralan ang isang panig kung walang nakasulat na dokumento.
  • 52. MGa bahagi ng argumentativ na komposisyon •ANG SIMULA: •Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at damdamin nila. •GITNA: •Magsisilbi itong dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat sila sa iyo matapos ng mabisang simula, at kung papalarin ay nakatutok pa rin sila sa bawat mensaheng iyong ipinararating hanggang sa iyong mabisang pagwawakas. •Ang bawat katwiran ay kailangan ding masuportahan ng mga evidensya, datos o istatistika, pahayag ng mga awtoridad o di kaya’y mga kolaborativ na pahayag mula sa aklat, sa mga magasin, jaryo at iba pang babasahin. •WAKAS: •Ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na magpapabagsak sa
  • 53. MGa Uri ng Maling Pangangatwiran: 1. Argumentum ad hominem 2. Argumentum ad baculum 3. Argumentum ad misericordiam 4. Non sequitur 5. Ignoratio elenchi 6. Maling paglalahat 7. Maling paghahambing 8. Maling Saligan 9. Maling awtoridad 10. Dilemna
  • 54. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Bawat salita n iyong diskors, dahil nga argumentativ ay sinusuri ng kabilang panig o ng iyong mambabasa. Makatwiran, samakatuwid, na alalahanin ang mga Uri ng Maling Pangangatwiran (Fallacies of Reasoning) na madalas gamitin kahit hindi sinasadya ng isang nakikipag-argumento upang “makagulat” sa kanyang katalo o kaya naman ay “makalusot” sa isang isyung mahirap niyang pasinungalingan.
  • 55. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na Argumentum ad hominem katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan. Halimbawa: Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni hinidi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!
  • 56. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Pwersa o awtoridad ang gamit Argumentum upang maiwasan ang ad baculum isyu at ito ay maipanalo ang argumento. Halimbawa: Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang makita mo ang hinahanap mo!
  • 57. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Upang makamit ang awa at Pagkampi ng mga nakikinig, Argumentum ad Bumabasa, ginagamit ito misericordiam Sa paraang pumipili ng mga Salitang umaatake sa Damdamin at hindi sa kaisipan. Halimbawa: Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom?
  • 58. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Sa ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Non sequitur Pagbibigay ito ng konklusyon Sa kabila ng mga walang Kaugnayang batayan. Halimbawa: Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang- hiyaan!
  • 59. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Gamitin ito ng mga Pilipino Lalo na sa mga usapang Ignoratio Baberya, wika nga. elenchi Kilala ito sa ingles na Circular reasoning o Paliguy-ligoy. Halimbawa: Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
  • 60. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Dahil lamang sa ilang aytem/ Sitwasyon, nagbibigay na Maling Paglalahat Agad ng isang konklusyong Sumasaklaw sa Pangkalahatan. Halimbawa: Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!
  • 61. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Karaniwang nang tinatawag Na usapang lasing ang Maling Ganitong uri pagkat mayroon Paghahambing Ngang hambingan ngunit Sumasala naman sa Matinong konklusyon. Halimbawa: (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!
  • 62. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Nagsisimula ito sa maling Akala na siya namang Maling Naging batayan. Saligan Ipinapatuloy ang gayon Hanggang magkaroon ng Konklusyong wala sa Katwiran. Halimbawa: Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-aasawa, kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan.
  • 63. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Naglalahad ng tao o Maling Sangguniang walang Awtoridad Kinalaman sa isyung kasangkot. Halimbawa: Ang Krsitiyano ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
  • 64. Mga Uri ng Maling Pangangatwiran: Naghahandog lamang ng Dalawang opsyon/ Dilemna Pagpipilian na para bang Iyon lamang at wala nang Iba pang alternativo. Halimbawa: Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.
  • 65. #6 Babasahin: At pagkatapos, tukuyin ang istilong Basahin mo ng Basahin mo ng At pagkatapos, tukuyin ang istilong ginamit ng awtor dito. Tukuyin din kung ginamit ng awtor dito. Tukuyin din kung tahimik ang tekstong tahimik ang tekstong may mga maling pangangatwiran sa teksto may mga maling pangangatwiran sa teksto may pamagat na ““ may pamagat na at kung mayroon, uriin ang bawat isa. at kung mayroon, uriin ang bawat isa. Abuso sa Karapatan” Abuso sa Karapatan” Isulat mo ito sa isang papel at idagdag sa Isulat mo ito sa isang papel at idagdag sa na ibinigay sa iyo na na ibinigay sa iyo na inyong mga sulatin na ipapasa sa akin. inyong mga sulatin na ipapasa sa akin. nakaphotocopy. nakaphotocopy.
  • 66. #7 Interaktibong gawain: 1. Magsagawa ng isang informal na pagtatalo sa klase hinggil sa isang napapanahong isyung nakakaafekto sa ating lipunan o sa global na komunidad. 2. Suriin ang mga argumentong inilahad sa pagtatalo. Pansinin kung may gumamit ng mga maling pangangatwiran. Pagsulat ng Komposisyon: 1. Sumulat ng isang komposisyong argumentativ hinggil sa paksang pinagtalunan sa klase. 2. Ipakritik sa iyong mga kamag-aral ang komposisyong iyong ginawa at alamin ang kanyang reaksyon o masasabi sa iyong sinulat. Ipagamit sa kanila ang mga gabay na tanong sa pagkikritik ng komposisyon. 3. Muli itong idagdag sa mga sulatin mo at ako ang huling magkikritik.