4
Most read
8
Most read
9
Most read
VII. Kalagayan ng Kaisipan (Aspetong Sikolohikal)Pangkalahatang Anyo, Ugali, at Asal: - (Simulan ang pagsusuri sa kalagayan ng kaisipan sa pamamagitan ng paglalarawan ng kaanyuan,at iba pa..)
Kaanyuan ng Pasyente:
Sa unang pagkikita mula sa pasyente, ilarawan ang kanyang kalinisan, kasuotan, palamuti sa katawan, buhok, kuko, at ang kanyang amoy (kahit na malinis, maayos, marumi, madungis, walang pakialam, atbp.) kahit na naglalakad siya o dala-dala niya ang mga ito.
Kaugalian ng Pasyente:
Ilarawan ang reaksyon ng pasyente sa pagpunta nito sa silid kung saan isasagawa ang konsultasyon, sa pagpasok sa klinika, o sa ospital (Kung kusa siyang pumunta, sapilitan, dumadaing o hindi dumadaing na siya ay may karamdaman).
Ilarawan ang pag-uugali sa pakikisalamuha sa iba pang pasyente; sa mga tagapaglingkod; sa mga nars; sa mga duktor, at sa iba pang mga tao (Magalang, palakaibigan, magagalitin, pala-away, mapaghinala, mabalasik, mapagwalang-bahala o hindi umuunawa, nahihibang,atbp.)
Kaasalan ng Pasyente:
Ilarawan ang asal ng pasyente sa isang deretsahang pagsusuri at kapag naisip ng pasyente na siya ay hindi inoobserbahan (sa pagpunta sa unang pakikipanayam at kapag hindi nakapanayam) (tahimik, mahinahon, nababahala, natatakot, atbp.)
Ilarawan ang reaksyon ng damdamin (sobra-sobrang kasiyahan, malumbay, madaldal, hindi umiimik, alisto, nagwawalang-bahala, matamlay, palaban, ibinababa ang sarili, matatakutin, tuwang-tuwa, nagugulilat, mapagsugod, palakaibigan, matulungin, napopoot, mapagpatigas, masunurin,  at iba pa.)
Ilarawan ang kanyang pangkalahatang galaw at ang ayos ng buong katawan o tindig (tuwid, naninigas, pabago-bago ng posisyon ng katawan at walang pahinga; napuwersa, nakalundo, pahiga, napilitan, matigas, at iba pa; at mga uri at pagkumpas ng kamay, pagkimbot ng laman, kinagawian hilab, pag-uulit sa mga galaw at sinasabi, pangagaya sa galaw ng iba, magaslaw na pagbaluktot sa isang bahagi ng katawan, di mapakali sa pinagkakaabalahan, mapakay o mapaglaro, naguguluhan sa pagkilos ng katawan, at iba pa.)
Ang pasyente ba ay mulat pa rin sa katotohanan o nawalan na ng kaugnayan sa katotohanan? Ilarawan.

More Related Content

PPTX
Student well being-revised 3-13-14 (2)
PDF
Rational Emotive Behavior Therapy
PPTX
Assertive Training
PPTX
Existential Therapy: Introduction and key Concepts
PPTX
Psychiatry Case Presentation
PPTX
Types of Bullying
PPTX
Dissociative disorders and somatic symptom disorder
PPTX
Crucial conversations deadwood presentation
Student well being-revised 3-13-14 (2)
Rational Emotive Behavior Therapy
Assertive Training
Existential Therapy: Introduction and key Concepts
Psychiatry Case Presentation
Types of Bullying
Dissociative disorders and somatic symptom disorder
Crucial conversations deadwood presentation

What's hot (20)

PPTX
Trauma and stressor related disorders
PDF
Non-Binary Transition
PPTX
Dependent personality disorder
PPT
Digital Media and Mental Health
PDF
Trauma and Stress related disorders
PPTX
Interpersonal theory or sullivan theory
PPTX
Bullying
PPT
Adult Personality Disorders.ppt
PPTX
Cognitive distortions
PPTX
Confidentiality
PPT
Interpersonal psychotherapy
PPTX
Self Esteem
PPT
Conduct disorder (1)
PPTX
Cognitive Distortions New.pptx
PPTX
Emotional Intelligence (Comprehensive) PowerPoint Presentation 150 slides wit...
PPTX
history taking final presentation.pptx
PPTX
Tutorial de instalacion de windows xp
PPT
Rebt Albert Ellis
PPTX
Confidentiality
Trauma and stressor related disorders
Non-Binary Transition
Dependent personality disorder
Digital Media and Mental Health
Trauma and Stress related disorders
Interpersonal theory or sullivan theory
Bullying
Adult Personality Disorders.ppt
Cognitive distortions
Confidentiality
Interpersonal psychotherapy
Self Esteem
Conduct disorder (1)
Cognitive Distortions New.pptx
Emotional Intelligence (Comprehensive) PowerPoint Presentation 150 slides wit...
history taking final presentation.pptx
Tutorial de instalacion de windows xp
Rebt Albert Ellis
Confidentiality
Ad

Viewers also liked (20)

PPTX
How to confess tagalog version
PPTX
How to make a good confession
PPTX
A guide for confession
PPT
5 Steps in Preparation for a Good Confession
PPTX
Confession
PPTX
Pitong nakamamatay na kasalanan
PPTX
Sacrament of reconciliation
PPTX
Sacrament of penance and reconciliation
PPTX
Ang pagbabalik ni cristo
PPTX
PPTX
Tagumpay sa pagsubok
PPTX
The divine mercy chaplet
PPTX
Book5 part1
PPTX
The Four Marks of the Church
PDF
Misa ng Sambayanan
PPTX
Together in Mission
PPTX
The Life in Christ Salt of the earth
PPTX
Elements
DOC
2 ap lm tag u4
PPTX
Liturgical ministry training
How to confess tagalog version
How to make a good confession
A guide for confession
5 Steps in Preparation for a Good Confession
Confession
Pitong nakamamatay na kasalanan
Sacrament of reconciliation
Sacrament of penance and reconciliation
Ang pagbabalik ni cristo
Tagumpay sa pagsubok
The divine mercy chaplet
Book5 part1
The Four Marks of the Church
Misa ng Sambayanan
Together in Mission
The Life in Christ Salt of the earth
Elements
2 ap lm tag u4
Liturgical ministry training
Ad

Similar to Mse (Tagalog Version) (20)

PPTX
Emosyon- Eduk. sa Pagpapakato 8 _Ikatlong Kwarter
PPTX
2. Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob.pptx
PPTX
Edukasyon Sa Pagpapakatao 8_Ano ang Emosyon?
PDF
Pastel Blue Pastel Green Pastel Purple Playful Scrapbook About Me for School ...
PDF
ESP-8-SECOND-QUARTER-WEEK5.pdf
PPTX
ESP-MODYUL-6. Mga salik na nakakaapekto sa makataong kilospptx
PPTX
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
PPTX
EPEKTO NG MGA ALINTANA SA MENTAL NA KALUSUGAN
PPTX
ESP 8 - EMOSYON.pptx....................
PPTX
EMOSYON --CO2.pptx............................
PPTX
EMOSYON ESP 8--- CO.pptx.......................
PPTX
Modyul 2.3
PDF
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddf
PPTX
Emosyon esp 8
PPTX
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
PPTX
ESP 8 EMOSYON.pptx
PPTX
Seksuwalidad.pptx edukasyon sa pagpapahalagaagkatao
PPTX
GRADE 8 ESP ABOUT SEXUALIDAD ... PPT.pptx
PPTX
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
PPTX
2ND Q MODYUL 6.pptx
Emosyon- Eduk. sa Pagpapakato 8 _Ikatlong Kwarter
2. Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob.pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao 8_Ano ang Emosyon?
Pastel Blue Pastel Green Pastel Purple Playful Scrapbook About Me for School ...
ESP-8-SECOND-QUARTER-WEEK5.pdf
ESP-MODYUL-6. Mga salik na nakakaapekto sa makataong kilospptx
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
EPEKTO NG MGA ALINTANA SA MENTAL NA KALUSUGAN
ESP 8 - EMOSYON.pptx....................
EMOSYON --CO2.pptx............................
EMOSYON ESP 8--- CO.pptx.......................
Modyul 2.3
emosyonesp8-210209170806.pdsdsdsdsdsdsddf
Emosyon esp 8
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
ESP 8 EMOSYON.pptx
Seksuwalidad.pptx edukasyon sa pagpapahalagaagkatao
GRADE 8 ESP ABOUT SEXUALIDAD ... PPT.pptx
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
2ND Q MODYUL 6.pptx

More from Polytechnic University of the Philippines (20)

DOCX
Advance figure intelligence scale (almost done)
DOCX
Advance figure intelligence test (answer sheet)
DOCX
Advance figure intelligence scale (final edit)
DOCX
PDF
DOC
PDF
DOCX
Psychometrics 2 introduction
DOC
Psychometrics 2 introduction
PDF
Culture fair intelligence test
PDF
Spatial intelligence test for children
DOCX
Standard progressive matrices

Mse (Tagalog Version)

  • 1. VII. Kalagayan ng Kaisipan (Aspetong Sikolohikal)Pangkalahatang Anyo, Ugali, at Asal: - (Simulan ang pagsusuri sa kalagayan ng kaisipan sa pamamagitan ng paglalarawan ng kaanyuan,at iba pa..)
  • 3. Sa unang pagkikita mula sa pasyente, ilarawan ang kanyang kalinisan, kasuotan, palamuti sa katawan, buhok, kuko, at ang kanyang amoy (kahit na malinis, maayos, marumi, madungis, walang pakialam, atbp.) kahit na naglalakad siya o dala-dala niya ang mga ito.
  • 5. Ilarawan ang reaksyon ng pasyente sa pagpunta nito sa silid kung saan isasagawa ang konsultasyon, sa pagpasok sa klinika, o sa ospital (Kung kusa siyang pumunta, sapilitan, dumadaing o hindi dumadaing na siya ay may karamdaman).
  • 6. Ilarawan ang pag-uugali sa pakikisalamuha sa iba pang pasyente; sa mga tagapaglingkod; sa mga nars; sa mga duktor, at sa iba pang mga tao (Magalang, palakaibigan, magagalitin, pala-away, mapaghinala, mabalasik, mapagwalang-bahala o hindi umuunawa, nahihibang,atbp.)
  • 8. Ilarawan ang asal ng pasyente sa isang deretsahang pagsusuri at kapag naisip ng pasyente na siya ay hindi inoobserbahan (sa pagpunta sa unang pakikipanayam at kapag hindi nakapanayam) (tahimik, mahinahon, nababahala, natatakot, atbp.)
  • 9. Ilarawan ang reaksyon ng damdamin (sobra-sobrang kasiyahan, malumbay, madaldal, hindi umiimik, alisto, nagwawalang-bahala, matamlay, palaban, ibinababa ang sarili, matatakutin, tuwang-tuwa, nagugulilat, mapagsugod, palakaibigan, matulungin, napopoot, mapagpatigas, masunurin, at iba pa.)
  • 10. Ilarawan ang kanyang pangkalahatang galaw at ang ayos ng buong katawan o tindig (tuwid, naninigas, pabago-bago ng posisyon ng katawan at walang pahinga; napuwersa, nakalundo, pahiga, napilitan, matigas, at iba pa; at mga uri at pagkumpas ng kamay, pagkimbot ng laman, kinagawian hilab, pag-uulit sa mga galaw at sinasabi, pangagaya sa galaw ng iba, magaslaw na pagbaluktot sa isang bahagi ng katawan, di mapakali sa pinagkakaabalahan, mapakay o mapaglaro, naguguluhan sa pagkilos ng katawan, at iba pa.)
  • 11. Ang pasyente ba ay mulat pa rin sa katotohanan o nawalan na ng kaugnayan sa katotohanan? Ilarawan.
  • 12. Daloy ng Usapan at Gawain ng Pag-iisip: - (Pamamaraan ng kaisipan at kapakinabangan)(Laging ibilang ang nilalaman ng sinasabi ng pasyente sa anumang oras)
  • 13. Ilarawan ang paglapit ng pasyente at paraan ng pagsasalita o kapakinabangan (Kung kulang sa pakikipagpalagayang-loob; malayang pagsasalita at kusang ng nagbabahagi ng kanyang impormasyon; ang mga sinasabi ay may katuturan; magkakatugma; may kinalaman; o walang masabi; nag-aatubili sa pagsasalita dahil sa matinding nerbiyos; walang katuturan; magulo; hindi magkakaugnay ang mga sinasabi at walang kinalaman). Inuugnay ba niya ang kanyang pagsasalaysay ng maayos at sapat upang mahikayat sa gitna ng bugso ng damdamin; naguguluhan o napipilitan sa pagsasalita na halos maluha-luha na kahit walang bahid ng damdamin? Ang pasyente ba ay nagsasalita ng pautal-utal, maligalig, nabubulol, o nasa mababang tono? Ang pasyente ba ay nagsasalita nang nasa mataas na tono o pabulong?
  • 14. Meron bang pag-iiba ng mga ideya, pagkakalat, pagsasalita ng walang katuturan o paghahalu-halo ng mga salita, kakaibang pagpapaikli ng salita, bahagi ng salita o pag-iimbento ng makabagong salita, o pag-iisip ng maramihan o hindi tiyak na pag-iisip, pangigitgit, naguguluhan, nagsasalita ng walang kabuluhan, pagdudugtong ng salitang nasabi na, pagpiyok ng boses, kakulangan sa pananalita, pangagaya sa sinasabi ng iba, pangongopya at pag-uulit sa salita at pagkilos, pananalita, kabutingtingan, at iba pa.
  • 15. Ilarawan ang gawain ng pag-iisip ng pasyente. Meron bang kakulangan sa isip at pagkilos, kahirapan sa pag-iisip, o sobrang pagkahumaling na may paglalakbay o napilitan sa pag-iisip, at iba pa? Ilarawan ang kahit anong pagkilos tulad ng pagkilos ng wala sa lugar, nangingibi, kakaibang gawain, kakaibang kinagawian, ngumingiwi, pag-uulit ng pagkilos, pangagaya sa paggalaw, kapipihan, di-mapigilan ang posisyon ng katawan, pagkawala ng control sa katawan na sinundan ng matinding damdamin, magaslaw na pagbaluktot sa isang parte ng katawan, mailap sa matinding pangyayari, naniningas ang isang parte ng katawan, di-makontrol na pagkagat sa sariling ngipin, atasang automatismo (Kumikilos ngunit wala sa sariling kamalayan), at iba pa.
  • 16. Upang alamin ang kalagayan ng pangangatawan at isipan, suriin ang pasyente sa isang pagsusulit kung saan sinusukat ang pagbigkas ng pananalita tulad ng panlabi, ngipin, pangdila, at panglalamunang salita at parirala, pagsusulit na nasusukat ang paglalahad ng sariling karanasan, at iba pa. (Itala ang lahat ng nilalaman ng sinasabi ng pasyente)C.Kalagayan ng EmosyonNaitala na ang pangkalahatang asal na nagpapawatig ng panlabas na pagpapahayag ng sarili ng pasyente tulad ng kanyang kalooban, ekspresyon ng kanyang mukha, at pagkilos. Ngunit sa bahagi ng pag-aaral na ito, ang dahilan ng kanyang kalagayan, ang ipinahihiwatig ng kanyang kinikilos sa pamamagitan ng dinamismo ay kinakailangan malaman (Pangsarili, panglokal, panglipunan, pang-okupasyon, pangkabuhayan, pangrelihiyon, matrimonial, at iba pa)Ang pasyente ba ay kinakabahan; mataas ang tono ng pananalita, galak na galak o nalulumbay na may biglaang pag-indayog ng kalagayan ng loob o ang parehong kalooban ay nagpapatuloy kahit na anong nangyayari sa paligid?Ang pagkaantig ng damdamin ba ay sapat, katimbang, at angkop? Nalaman ba ito o lumaganap lamang?Ang mga sumusunod na salita ay maaaring gamitin sa paglalarawan ngunit ang paggamit ng mga ito ay kailangang patunayan at ipaliwanag ng mabuti sa pamamagitan ng sapat na pagpapahayag upang ipakita ang kalagayan ng pasyente: matatag, sariling kasiyahan, engrande(pagkadakila), malawak, naliligayahan, nasasabik, maunawain, matatakutin, malungkot, nalulumbay, nag-iisa, nagpapakahangal, nababagot, nagwawalang-bahala, aktibo, at kababaang-loob.Ang mga sumusunod na katanungan ay halimbawa upang alamin ang reaksyon ng damdamin ng pasyente:Kamusta ka? Ano ba ang pakiramdam mo ngayon?Ano ang diwa mo ngayon? Ano ang kalagayan at saloobin mo nagyon? Pakiramdam mo ba ay maraming magandang mangyayari ngayon o nawawalan ka bang pag-asa? Wala ka bang balak na gawin ngayon o sa iba pang mga araw? Papaano ito nakaaapekto sa iyo? Meron ka bang hindi karaniwang pakiramdam sa kahit anong kondisyon? Mas maganda ba ang pakiramdam mo tuwing umaga?o kapag gabi?sa anong paraan? Kakaiba ba ito sa iyong dating pakiramdam? Inilalagay ka nito sa kalungkutan? Ang buhay ba para sa iyo ay may kahalagahan? Meron ka bang masaya o malungkot na karanasan? Meron ka bang nararamdaman ngayon tulad ng hindi mapalagay, nababahala sa kung anu-ano, nangangatal, kinakabahan, maunawain, hindi pangkaraniwang pakiramdam, naglalarong kalagayan, natatakot, nagugulilat, naghihinala o kawalan ng pag-asa at nadududuwag? Sa tingin mo ay merong bagay na maaaring mangyari tulad ng pagkati at medaling makadama? Kahit anong pagbabago sa pakiramdam na minsan ay masaya, at masigla? Ano sa palagay mo ang nagbibigay sa iyo nito? Saan galing at nagmumula ang pakiramdam na ito? Papaano mo ito kinukuha? Meron bang kahit anong masakit sa iyo ngayon tulad nang sa dibdbib, lalamunan, ulo, utak, braso, kalamnan, at sa iba pang parte ng katawan at kaakibat ng pakiramdam na ito? (Suriing mabuti ang dinadaing at karamdaman na nagpapamalas na malapit sa pagitan ng somatiko at sikolohikal na penomena) Papaano mo naisasalba ang iyong trabaho? Pakiusap, ipaliwanag.Ang pakiramdam ba na ito ay nakaaapekto sa iyong isipan, pag-iisip, pagpopokus, imahinasyon, memorya, pagbabasa, pag-aaral, pagpaplano, pagdedesisyon, at iba pa? Ang pakiramdam ban a ito ay nakaaapekto sa pakikisalamuha mo sa ibang tao, kaibigan, sa iyong ibang gawain tulad ng pagpunta sa misa, paglilibang, pagtatrabaho, at iba pa?A. Alamin kung ang saloobin ng pasyente ay patuloy na nananatili habang siya ay patuloy na nagsasalaysay ayon sa kanyang damdamin. (Masaya kapag pinag-uusapan ang mga masayang nangyari sa buhay niya at malungkot kapag pinag-uusapan ang masaklap na nangyari sa kanyang buhay at kung ang pagkakaantig sa damdamin ay sapat at angkop)b. Ilahad ang kanyang kalagayan, kung nagbabago hanggang sa pagiiba-iba o ang kasalukuyang kalagayan ay nananatili kahit anong mangyari sa kapaligiran kung talagang ang pasyente ay hindi nababahala sa kanyang paligid.c. Ang pasyente ba ay madamdamin at pangkaraniwan sa kanyang pagresponde sa pisikal at mental na estimulo na may interes at alam kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid (May kaugnayan sa katotohanan)? O ang interes at atensyon ay nailipat sa kanyang asal at abala sa kanyang ginagawa o walang kinalaman sa nangyayari sa kanyang paligid. (Pagpapantasiya o nawalan ng kaugnayan sa katotohanan)?D. Nilalaman ng Isipan – (Natatanging Pagkaligalig- Ideya at Haka-Haka – Pagsasalaysay ng mapanglaw na pag-iisip at sistema ng damdamin) Itala ang nilalaman ng sinasabi ng pasyente.1. Illusyon – (Maling paghihinuha ng pandama tulad ng paningin, pakiramdam, pang-amoy, at pandinig; Maling pang-unawa).a. Ang mga bagay-bagay ba ay pangkaraniwan (Ang iyong paningin, pandinig, pan-amoy, panlasa at iba pang pandama) sa kasalukuyang nararamdaman mo ngayon? Pakiramdam mo ba na ang mga bulati, langgam, at mga insekto ay unti-unti kang kinakain? Ilarawan.b. Illusyunal na Delusyon- Meron bang pandama (paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at iba pang pandama ng katawan) na pakiramdam mo ay kasalukuyan kang tinitignan na siyang dahilan ng iyong pagkailang, o di mapalagay, nababahala, niloloko ka o tinutukso o iniinis ka? Sa anong paraan? Pakiusap, ilarawan.2. Halusinasyon – (Malinaw na pag-unawa ngunit wala namang kaugnayan sa pandama)Ang pasyente ba ay nakararanas ng somatikong pandama tulad ng paningin, pang-amoy, panlalamunan (Tulad ng nakakakita ng multo, anghel, demonyo, at iba pang mga bagay; nakakaririnig ng mga boses, tunog, ingay, nakalalanghap ng hindi pangkaraniwang amoy, nakakalasa ng hindi pang-karaniwang panlasa, at iba pa?)Halimbawang Katanungan: Nakakakita ka ba ng hindi pangkaraniwang nilalang, nakakalanghap ng kakaibang amoy, nakaririnig ng di kanais-nais, hindi pangkaraniwang pakiramdam? Ilarawan kahit na totoong nakikita mo sila o naiisip lang. Saan ba sila nangagaling? Papaano sila nagpapakita? Ito ba ay lalaki o babae? Siya ba ay nakilala mo na? Iniinis ka ba nila? Tinatawag ka bas a di kanais-nais na pangalan? Inaakusahan ka? (Delusyunal na Halusinasyon)3. Delusyon – (Maling paniniwala o paghihinuha na wala namang pinagmulan)a. Delusyon ng Kaapihan – May mga kaaway ka ba? Sila ba ay tinatrato ka ng maayos o may binabalak sa iyo upang sirain ka? Ang mga tao ba ay pinagtitinginan ka? Pinag-uusapan ka ba nila? May balak ba silang lagyan ng lason ang pagkain mo? Kinukuryente ka ba nila upang patayin ka o ang radio, telebisyon, at radar ay mabisa sa iyo upang kontrollin ang iyong isipan? O ang iyo bang isipan ay sinusubukan ka o iniinis ka ?(Autosaykik na Delusyon) Naniniwala ba ang pasyente na kapag naglakad siya sa kalsada o pumunta sa isang pagdiriwang, ang mga tao ba ay pakiramdam niya ay siya ay pinag-uusapan, pinagtsitsismisan, at pinag-uusapan ang nilalaman ng kanyang isipan?Pakiramdam ba ng pasyente na kung sinu-sino (Demonyong mangkukulam, salamangkero, kaluluwa, at iba pa) ay naglalagay ng uod sa kanyang tiyan na siyang dahilan ng hindi kaaya-ayang pakiramdam, nakayayamot na may somatikong pandama para paslangin siya o nagbibigay ng hindi magandang pakiramdam ?(Somatikong Delusyon)b. Delusyon ng Karangalan – Iniisip ba ng pasyente na siya ay isang Diyos, Reyna, Dr.Jose Rizal, Birheng Maria, at iba pa upang iligtas ang sangkatauhan o ang bansa? Iniisip ba ng pasyente na siya ay isang henyo, imbentor, at iba pa? Ang pasyente ba ay kumpiyansa na magagawa niya ang lahat ng bagay, o bilang isang milyonaryo, pilantropo, at iba pa; at may kakayahang gumasta nang malaking halaga upang bumili ng lupain, pagmamay-ari, at iba pa.Ang delusyon ba ay sistematiko o hindi sistematiko?c. Pagpapababa ng Sarili – Ipinapakita ba ng pasyente ang maling paniniwala sa kamalian, malaking pagkawala ng salapi sa negosyo, kahirapan, na salungat naman sa karaniwang pangyayari? Naniniwala ba na siya ay isang immoral, kamalasan, kalupitan,at iba pa? (Delusyunal na pagkakahumaling na may diperensiya sa pag-iisip na kung saan ang pasyente ay hindi makapagsalita o patunayan ang kanyang kamalian)Halimbawang Katanungan: Sinisisi mo ba ang sarili mo sa lahat ng ito? Ikaw ba ay nakagawa ng immoral na gawain at iba pa? Pakiramdam mo ban a isa kang kawalan sa iba? Iniisip mo ban a ikaw ay walang pag-asa, at iba pa? 4. Obsesyon (Kahumalingan) at Kompulsyon (Pagpuwersa)
  • 17. a. Obsesyon – (Isang kaisipan na di mapigilan at hindi mawalay sa isipan ng pasyente)
  • 18. Ang nerbiyosong pasyente ay alam ang kanyang obsesyon, ngunit hindi niya ito kayang burahin sa kanyang isipan. Ang sikotikong (baliw) pasyente ay naniniwala sa kanyang obsesyon at walang pagpapaliwanag upang patunayan ang kamalian ng kanyang obsesyon.
  • 19. Halimbawang Katanungan: Meron bang bumabalik sa iyong ala-ala na hindi mo maialis-alis sa iyong isipan? Papaano mo ito pinipigilan sa iyong isipan? Nangyayari na ba ito sa kasalukuyang sitwasyon? Gaano kalinaw at organisado ang mga kaisipan na ito?
  • 20. b. Kompulsyon – ( Hindi mapigilang pag-udyok upang gawin ang mga gawain na kung saan ang pasyente ay isinasagawa sa kamalayan ngunit wala siyang kakayahan upang pigilan ito.)
  • 21. Halimbawang Katanungan: Pakiramdam mo ba ay hindi mo mapigilan ang iyong sarili na magsagawa ng mga gawain o mga ritwal? Pakiramdam mo ban a kapag tinatapos mo ang mga gawaing ito ay ninenerbiyos ka? Di mo ba mapigilang maghugas ng kamay sa anumang oras? Meron ka bang hindi pangkaraniwang kakayahan upang magsagawa ng mga bagay-bagay? Maselan ka ba sa mga bagay-bagay? Lagi mo bang isinasagawa ang lahat ang upang maging lubusan at matamo ang sobrang kaayusan?
  • 22. 5. Pobya (Takot) at Alinlangan – (Ang pobya ay mapanglaw na pagkatakot sa isang bagay, lugar, ideya, pangyayari, o sa isang tao kasama ang mapanglaw na pangamba. Ang pagaalinlangan ay kahirapan sa pagpapasiya.)
  • 23. Halimbawang Katanungan: Ikaw ba ay natatakot nang walang dahilan tulad ng takot sa malaking espasyo, masikip na espasyo, dumi, mikrobyo, lugar, sa matataong lugar, at iba pa? Ikaw ba ay nangangamba sa mga bagay-bagay o nahihirapan kang harapin ang mga pagpapasiya? Ikaw ba ay nakararanas ng pagkalito? Ano, paano at ilarawan kung anu-anong pangyayari ang mga ito.
  • 24. 6. Hipokondriya – (Isang sintomas na may kinalaman sa pangangatawan, bahagi ng katawan na kung saan ang pasyente ay dumadaing ng karamdaman kahit wala namang organikong pinagmulan)
  • 25. Halimbawang Katanungan: Meron ka bang kahit anong sakit sa isang bahagi ng iyong katawan? Ilarawan. Kailan at kung papaano ka nababahala ukol dito? Maipapaliwanag mo ba ang kadahilanan nito? Ilarawan.
  • 26. Pagkakakilanlan – (Karanasang “Déjà vu”) at Hindi Pagkakakilanlan na Depersonalisasyon at Wala sa Realidad
  • 27. Papaano mo nararamdaman ang mga bagay-bagay, sa iyong sarili, at sa iyong kapaligiran? Ikaw ba ay gising sa mga pagbabago sa iyong katawan, kapaligiran, at sa mga tao? Nakakita at nakilala mo na ba ang isang tao, bagay, o lugar na hindi mo pa nakikita dati? Ngunit hindi naman ang taong iyon, bagay, at lugar ay nakikilala mo? Pakiusap, pakilarawan kung papaano nangyari ang mga ito at saang lugar?at saan naganap?
  • 28. Ikaw ba ay nakaranas na ng pagkakilanlan sa isang tao, bagay, at lugar hanggang sa naging hindi pangkaraniwan sa nakita mo at hindi mo alam kung saan sila nakita? Pakiusap, pakilarawan kung saan ito nagmula at saan lugar? Gaano sila tumagal?
  • 29. Parunggit – (Pagbibigay ng mungkahi at pagsunod sa mungkahi)
  • 30. Meron bang mga bagay-bagay na sinusubukang impluwensiyahan ang iyong galaw at pag-iisip? Ikaw ba ay naimpluwensiyahan na ng pagmumungkahi, pangyayari, insidente, at paano sa kung ano ang iyong nakita? Pakiusap, ipaliwanag/
  • 31. Panaginip – Ang panaginip ay isang matanghal na pagsasadula sa pamamagitan ng saykik na pamamaraan habang natutulog.
  • 33. Katuparan ng mga Pagnanasa at Katartikong pagpapahayag (Mas masalimuot sa mga matatanda)
  • 34. Pagpapatibay ng Sarili sa pamamagitan ng pagkokondisyon
  • 35. Ligtas na Pamamahinga (Bayokohikal na pagbawi na mas kapaki-pakinabang sa unang oras ng pagtulog.
  • 40. Maliwanag na Nilalaman – Ang bahagi ng panaginip na kung saan ay naaalala.
  • 41. Nakatagong Nilalaman – Ang malalim na kahulugan ng panaginip.
  • 43. Pisikal na Bahagi – Di-sinasadyang pisikal na pandama habang natutulog.
  • 45. Pagpapakilos ng mga naiwang ala-ala ng mga nakaraang araw.
  • 46. Kalipunan ng mga bagay at mga kahulugan nang wala sa kamulatan.
  • 49. Ang Gawain ng Panaginip ay isang phenomena ng dinamismo hanggang sa oras ng pag-udyok ng walang kamalayan ay nailagay sa paggalaw hanggang sa oras na ito’y maging maliwanag na nilalaman ng panaginip.Ang simbulisasyon, kondensasyon, pag-aalis, ikalawang paglilinaw, at pagsasadula ay kabilang sa pangunahing dinamismo.Gabay sa Klinikal na Interpretasyon: (Sundin ang nirebisang pamamaraan ayon kay Stekel)
  • 50. Pangangailangan ( Karanasan sa Interpretasyon)
  • 51. Komprehensibong pag-aaral sa buhay at nakaraan ng pasyente
  • 52. Kaalaman sa pagkatao at iba’t-ibang uri ng katangian
  • 53. Kaalaman sa sintomas at pinagmulan ng sakit
  • 54. Kaalaman sa saykodinamiko at sikolohikal na pinagmulan ng kuru-kuro ng pasyente.
  • 55. Alamin ang pinakasentrong ideya at tema ng panaginip
  • 56. Obserbahan ang likas na reaksyon ng pasyente habang inihahalintulad ang panaginip
  • 57. Obserbahan ang reaksyon ng pasyente habang ang panaginip ay sinusuri ng tagapag-analisa
  • 58. Itala pati ang reaksyon ng pasyente sa bahagi ng panaginip na sinusuri ng tagapag-analisa
  • 59. Huwag subukan na alamin ang bahagi ng panaginip na wala sa motibasyon ng kamalayan ng pasyente.
  • 60. Tipunin ang mga pangyayari sa panaginip upang malaman nang mabuti at makuha ang maliwanag na interpretasyon ng panaginip
  • 61. Laging pakatandaan na ang pasyente ay nagsasabi at nagpapaliwanag sa pamamagitan ng simbulismo.
  • 62. Gabay sa Kasalukuyang Pag-Aanalisa
  • 63. Lagumin ang kabuuang panaginip (Pagsasadula)
  • 65. Itala ang salungat na mga pangyayari (Antitesis)
  • 66. Itala ang tungkulin (pangyayari, atbp..) at mga sangkap (tauhan, at mga bagay) ibig ipahiwatig ng mga simbulo (insidente at sinisimbulo ng tauhan)
  • 67. Suriin ang relasyon ng karamdaman ng pasyente sa panaginip
  • 68. Suriin ang relasyon ng panaginip sa implikasyon ng kamatayan at pagsilang
  • 69. Suriin ang implikasyon ng panaginip sa relihiyon
  • 70. Alamin nang tatlong-ulit ang mga pangyayari sa panaginip; aktuwal na sitwasyon (Kasalukuyan), retrospektibo (Nakaraan), at prospektibo (Hinaharap)
  • 71. Alamin ang homoseksuwal, heteroseksuwal, at triseksuwal na kaganapan sa panaginip
  • 72. Alamin ang anagohiko at katagohikong kaganapan sa panaginip
  • 73. Ang panaginip ay pamamaraan ng pasyente upang ilahad niya ang kanyang nangingibabaw na ideya.
  • 74. Alamin at suriin ang paulit-ulit ang tema sa mga serye ng panaginipPinagkukunang Sensoryum at IntelektuwalAtensyon at Impresyon: Ilarawan ang pagbabago sa atensyon, paglabo, pagkalito, kahibangan, at iba pa.
  • 75. Oryentasyon: (Oras, lugar, tauhan, at pansariling reaksyon)
  • 76. Anong oras na ba sa araw na ito ngayon? Ito ba ay umaga, tanghali, hapon, gabi, o medaling-araw? Anong araw ngayon? Anong buwan at taon?
  • 77. Saan ka na ba ngayon? Saang lugar na ba ito? Saan ka ba nangaling? Saan ang iyong tirahan?
  • 78. Kilala mo ba kung sino ako? Sino, ang mga taong ito?
  • 79. Ano ang pangalan mo? Sino ang iyong ama? Ang iyong ina? Ang iyong kuya?o ate? Ang iyonh kamag-anak at kaibigan? Tignan kung ang pasyente ay may abilidad na alamin ang kanyang pagkakakilanlan (Pansariling Relasyon). Ano ba ang relasyon mo sa mga taong ito atbp?
  • 81. Bahagyang Memorya – Saan at kalian ka ipinanganak? Kailan ka nagsimulang mag-aral,atbp..?
  • 82. Makabagong Memorya – Anong ginawa mo kahapon? Sino ang nakita mo kaninang umaga, atbp.?
  • 83. Pagpapanatili at Paggunita – Ipakita sa pasyente ang mga bagay at pabayaan siyang gunitain ang kanyang ala-ala. Bigyan siya ng mga salita at pangungusap at hayaan siyang kilalanin at ulit-ulitin hanggang sa unti-unting tumagal ang oras.Pag-uulit ng mga NumeroHayaan ang pasyente na ulit-ulitin ang mga sumusunod na numero: (ang edad sa loob ng saklong ay tumutugma sa karaniwang edad na may kakayahang alalahanin at ulitin ang mga numero)PasulongPabalik3 4 5 2 6(Edad 7)8 4 6 9(Edad 9)1 9 2 3 1 8(Edad 10)5 3 2 4 9(Edad 17)2 5 8 1 6 3 9(Edad 14)1 9 2 4 3 8(Edad 16)5 6 3 1 6 4 7 2(Edad 18)Pagkikilala – magpakita ng mga bagay na pamilyar sa pasyente at alamin kung nalaman niya ito.
  • 84. Suliraning Pang-aritmetika: Adisyon (Pagdaragdag), Subtraksyon (Pagbabawas), Multiplikasyon (Pagpaparami), at Dibisyon (Paghahati)
  • 86. Alamin ang kanyang kamag-anakan, pangkabuhayan, pampulitika, at iba pang mga pangyayari at suliranin sa araw. (Kasalukuyang Pangyayari)
  • 87. Alamin ang mga heograpikong lugar na may kaugnayan sa kasaysayan ng pasyente.
  • 88. Pinagmulang bayan, bansa, at internasyunal na kasaysayan
  • 91. Pagkakaiba sa pagitan ng mga prutas, gulay, at bulaklak; lalaki at babae; bakal at kahoy; mabuti at masama; maganda at pangit, atbp.
  • 92. Plano sa araw, sa isang buong linggo, kinabukasan, atbp.
  • 94. May sakit ka ba? Ano ba ang mga suliranin mo? Papaano mo naipapaliwanag ang mga nangyayari sa iyo? Ano sa palagay mo ang kadahilanan ng lahat ng ito, atbp.
  • 97. Pagkukulang Pangkaisipan, Mainam (Kulang-Kulang) – Sa matanda na nag-aasal bata sa edad na 7 hanggang 14 na taong gulang.
  • 98. Pagkukulang Pangkaisipan, Katamtaman (Sira-Sira) – Sa kabataan o matanda na nag-aasal bata sa edad na 3 hanggang 7 na taong gulang.
  • 99. Pagkukulang Pangkaisipan, (Hangal) – Sa matandang indibiduwal na nag-aasal bata sa edad na 3 na taong gulang pababa.
  • 100. Sikolohikal na Pagsusulit – (Saykometrikong Pagsusulit; Pagsusulit sa Pangkalahatang Katalinuhan)Paguuri-uri ng Kabagalan sa KaisipanMainam na Kabagalan69- 54 puntos
  • 103. Masalimuot na Kabagalan20- 0 puntosPolytechnic University of the PhilippinesAnonas St. Sta. Mesa, ManilaCollege of ArtsDepartment of Psychology(Tagalog Version)Submitted by:Perez, Raphael Ray L.BSCP/ 3rd yr.- 3sSubmitted to:Prof. Serafina P. Maxino-Professor in Abnormal Psychology