SlideShare a Scribd company logo
Nang VS Ng
Nang VS Ng
1. Ginagamit bilang pang-ukol
(preposition) sa pagpapahayag ng
pag-aari.
–Ang salitang ng ay isinusulat sa pagitan ng
dalawang pangngalan (noun).
–Ang pangngalan na sinusundan ng salitang ng
ang nagmamay-ari ng unang pangngalan na
binanggit.
Halimbawa:
• pagkain ng aso
• magulang ng mga bata
• kalabaw ng magsasaka
• presyo ng karne
• karapatan ng mamamayan
• bisperas ng Pasko
• ambulansya ng ospital
• kabesera ng lalawigan
2. Ang ng ay ginagamit bilang
pang-ukol (preposition) na
pananda ng layon ng pandiwa
(direct object of the verb).
Halimbawa:
• Si Ate April ay nagluto ng empanada.
–(Si Ate April ay nagluto ng ano?/Ano ang
iniluto ni Ate April?)
• Magtatanim ng palay ang mga
magsasaka.
• (Ang mga magsasaka ay magtatanim ng
ano?/Ano ang itatanim ng mga magsasaka?)
3. Ginagamit bilang pang-ukol
(preposition) na pananda ng
tagaganap ng pandiwa (doer of
the action verb).
Halimbawa:
• Ibinigay ng guro ang sulat kay
Mario.
–(Ibinigay nino kay Mario ang sulat?)
• Ang matanda ay tinulungan ng
pulis.
–(Ang matanda ay tinulungan nino?)
NANG
1. Ginagamit bilang
pananda na
sinusundan ng
pang-abay (adverb).
Halimbawa:
• Tumakbo nang mabilis ang aso.
–(Paano tumakbo ang aso?)
• Nagkita kami nang alas-otso.
–(Kailan kayo nagkita?)
• Nag-aaral nang tahimik ang mga
estudyante.
–(Paano nag-aaral ang mga estudyante?)
2. Ginagamit bilang
pangatnig (conjunction)
katumbas ng salitang
noon sa pagtukoy sa
nakalipas na aksiyon.
Halimbawa:
• Tumigil ang iyak ng sanggol nang
bumalik ang nanay.
• Nang umalis ang guro, nagpulong ang
mga mag-aaral.
• Ikinuwento ni Juan ang tungkol kay Maria
nang isinulat niya ang kanyang huling
liham.
3. Ang nang ay ginagamit
bilang pangatnig
(conjunction) katumbas ng
mga salitang upang o para sa
pagtukoy ng dahilan o resulta
ng nabanggit na aksiyon.
Halimbawa:
• Manood tayo ng balita nang malaman
natin kung ano ang nangyari sa Bohol.
• Tulungan mo ako sa mga gawain
nang makaalis tayo kaagad.
• Kausapin mo si Lorna nang malaman
mo ang buong katotohanan.
4. Ang nang ay ginagamit bilang
pang-angkop (ligature/linker)
kapag inuulit ang pandiwa o mala-
pandiwa upang magpahayag ng
matindi o patuloy na aksiyon.
Halimbawa:
• Sigaw nang sigaw ang babaeng
ninakawan.
• Ang tamad na guwardiya ay tulog
nang tulog.
• Aral nang aral si Bea para sa
kanyang board exam.
5. Ang nang ay
ginagamit bilang
pinagsamang na at na.
Halimbawa:
• Aalis ka nang hindi nagpapaalam?
(Aalis ka na, na hindi
nagpapaalam?)
• (b) Gawin mo nang hindi
nagrereklamo. (Gawin mo na, na
hindi nagrereklamo.)
6. Ang nang ay
ginagamit bilang
pinagsamang na at
ng.
Halimbawa:
• Bigyan nang libreng pagkain ang mga
pamilya sa evacuation center.
– (Bigyan na ng libreng pagkain ang mga pamilya
sa evacuation center.)
• Isinarado nang tindera ang kanyang
tindahan.
– (Isinarado na ng tindera ang kanyang tindahan.)
7. Ang nang ay ginagamit
bilang pinagsamang na
at ang.
Halimbawa:
• Sobra nang pang-aabuso na ginagawa ng
opisyal ng pamahalaan.
– (Sobra na ang pang-aabuso na ginagawa ng
opisyal ng pamahalaan.)
• Malapit nang pagdiriwang ng anibersaryo
ng paaralan.
–(Malapit na ang pagdiriwang ng anibersaryo
ng paaralan.)
PANG- UGNAY
mga salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng dalawang
sugnay.
GAMIT KOHESIBO
(CONNECTIVES/COHESIVE
DEVICES)
1. Pang-angkop (ligature) – ginagamit
upang pag-ugnayin ang salitang
nagbibigay-turing at sa salitang
tinuturingan nito.
• Ang pang-angkop na “na” – ginagamit ito kapag
ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n.
Hal:
malakas na ulan
mababait na tao
mababaw na dahilan
• Pang-angkop na “ng” – ginagamit kapag ang
unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa
patinig.
Hal:
tuyong damit buong bahay
matandang pulubi mababang puno
Ginagamit din ito kapag ang salitang iniuugnay ay
nagtatapos sa katinig na “n”. Sapagsulat, kinakaltas ang n
at ikinakabit ang pang-angkop na ng.
Hal:
niyugan ng malawak  niyugang malawak
taon ng masagana  taong masagana
2. Pang-ukol (preposition) – ang tawag sa mga kataga,
salita, o pariralang iniuugnay sa iba pang bahagi ng
pangungusap upang ipakita ang pinag-uukulan,
pinanggalingan, pinaglalaanan ng kilos o layon. Narito ang
ilang halimbawa ng pang-ukol.
 alinsunod sa/ sa mga/ kay /
kina
 labag sa/ sa mga/ kay/ kina
 sang-ayon sa/ sa mga/ kay /
kina
 ayon sa/ sa mga/ kay/ kina
 laban sa/ sa mga/ kay/ kina
 ukol sa/ sa mga/ kay/ kina
 tungkol sa/ sa mga/ kay/ kina
 hinggil sa/ sa mga/ kay/kina
 batay sa/ sa mga/ kay/ kina
 tungo sa/ sa mga/ kay/ kina
 dahil sa/ sa mga/ kay/ kina
 para sa/ sa mga/ kay/ kina
 ni/nina
* Ayon kay G. Santos, napakasarap pag-aralan ang asignaturang
Filipino.
* Ang ikinuwento ng lola ko ay tungkol sa mapagmataas na
matsing.
* May panalangin ang klase para sa mga nasalanta ng Bagyong
Vinta.
Pangatnig (conjunction) – mga kataga o
salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala, o sugnay. Ito ay may iba’t ibang uri
ayon sa gamit.
1. Paninsay – ginagamit sa mga pangungusap na may
dalawang kaisipan na magkasalungat. Binubuo ito ng
pangatnig na: bagaman, habang, kahit, subalit, ngunit,
pero.
Hal:
• Natapos ni Isko ang kaniyang proyekto ngunit nahuli
naman siya sa pagpasok sa paaralan.
• Kumakain si Gino habang nag-aaral naman si Kyle.
2. Pananhi – nag-uugnay ng mga salita, parirala o sugnay na
nagsasaad ng kadahilanan at kinalabasan ng pangyayari tulad ng
sapagkat, palibhasa, kasi, dahil, upang , at kaya naman.
• Hal: Maagang natulog si Dennis dahil siya ang magluluto ng
kanilang agahan bukas.
• Nag-aral nang mabuti si Frank kaya naman mataas ang
nakuha niyang marka sa pagsusulit.
3. Pamukod – ginagamit kung may paghihiwalay, pagtatangi, o
pagtatakwil sa ilang bagay o isipan. Halimbawa nito ay mga
pangatnig na o, ni , man, at maging.
Hal:
• Alin ang mas pipiliin mo, ang makatapos ng pag-aaral o
manatiling mamang habambuhay?
• Ang pagtatanghal ni Wesley ang pinakamaganda sa lahat.
4. Panlinaw – ginagamit upang maging mas malinaw ang nasabing
pahayag. Ginagamit dito ang mga pangatnig na : samakatuwid, kung
gayon, kaya, ibig sabihin, at magkagayon.
Hal:
• Nakakuha si Henry ng iskolarsyip, kung gayon, makapag-aaral na siya
sa Maynila sa darating na pasukan.
• Walang pasok ngayon sa paaralan kaya ililipat ng ibang araw ang
programa.
5. Panubali – ginagamit kapag nagsasaad ng pag-aalinlangan o
pagbabakasakali tulad ng mga pangatnig na kung, sana, baka, pagka,
kapag, at sakali.
Hal:
• Baka walang dumalo sa seminar dahil sa hindi magandang lagay ng
panahon.
6. Panapos – nagpapahayag ng pagbabadya ng nalalapit na
pagwawakas ng pagsasalita. Ilang halimbawa ay mga pangatnig na
sa wakas, dahil dito, bunga nito, at sa bandang huli.
Hal:
• Sa wakas, tumigil na rin ang ulan.
• Sa kabuuan, maganda ang ipinakitang pagtatanghal ng lahat ng
pangkat.
7. Panimbang – ginagamit na pang-ugnay ng mga magkatimbang
na salita o magkasingkahulugang parirala o sugnay. Ilan sa mga
halimbawa nito ay mga pangatnig na at, saka, at saka, gaya ng,
pati, katulad, at gayundin.
Hal:
• Kumain si Ning ng mainit na tsamporado at dilis.

More Related Content

PPTX
Pagbuo ng Pangungusap
DOCX
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
DOCX
Bahagi ng pananalita
PPTX
Debate college
PPTX
Pangngatnig || Panlinaw ||Panubali II Paninsay || Pamukod || Pananhi || Panap...
PPTX
Nominal, Pang-uri
PPTX
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang Pangungusap
PPTX
Pagbaybay na pasalita
Pagbuo ng Pangungusap
Masusing banghay aralin-sa_filipino @archieleous
Bahagi ng pananalita
Debate college
Pangngatnig || Panlinaw ||Panubali II Paninsay || Pamukod || Pananhi || Panap...
Nominal, Pang-uri
LS 1 Ang ABC ng mga Hugnayang Pangungusap
Pagbaybay na pasalita

What's hot (20)

PPTX
Pang Ukol
PPTX
Mga tuntunin sa pagbabaybay
PPT
Panghalip panao panuhan
PPTX
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
PPTX
Ang alpabetong filipino power!!
PPTX
Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
DOC
Uri ng pang abay
PPTX
Pang abay
PPTX
Kuwentong Pambata
PDF
Liham pangangalakal
PPTX
Bahagi ng Pananalita
PPTX
Banghay Aralin
PPTX
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
PPTX
Pang- angkop
PPTX
Debate ppt
PPTX
Pangungusap(uri)
PPTX
PPTX
Pangungusa payon sa kayarian
PPTX
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Pang Ukol
Mga tuntunin sa pagbabaybay
Panghalip panao panuhan
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
Ang alpabetong filipino power!!
Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
Uri ng pang abay
Pang abay
Kuwentong Pambata
Liham pangangalakal
Bahagi ng Pananalita
Banghay Aralin
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
Pang- angkop
Debate ppt
Pangungusap(uri)
Pangungusa payon sa kayarian
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Ad

Similar to Nang VS Ng (20)

PPTX
Retorika at Gramatika
PPTX
Grade 10 Filipino 10 Lesson pang-ugnay.pptx
PPTX
Group 6 - Filipino Mga Salitang Pang-kayarian_2.pptx
PPTX
pang-ugnay 1.pptx
PPTX
Ang Mga Pang-ugnay.pptxddddddddddddddddddddddddd
PPTX
PDF
Retorikaatgramatika 180304144111
DOCX
Retorika at gramatika
PPTX
ANG PANG-ANGKOP AT MGA GAMIT NITO-pptxXX
PPTX
gamit ng nang at ng may at mayroon..pptx
PPTX
FILIPINO-10-PPT-WEEK3.pptx
DOCX
Pang ugnay
PPTX
retorikal na pang-ugnay..............pptx
PPTX
Aralin 1.1 ( Pangatnig ).pptx
PPTX
PANG-UGNAY - WK15.pptx May tatlong uri ng ang-ugnay
PPTX
Wastong Gamit ng Salita
PDF
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
PPT
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
PPTX
Pang-ugnay.pptx power point presentation
PPTX
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
Retorika at Gramatika
Grade 10 Filipino 10 Lesson pang-ugnay.pptx
Group 6 - Filipino Mga Salitang Pang-kayarian_2.pptx
pang-ugnay 1.pptx
Ang Mga Pang-ugnay.pptxddddddddddddddddddddddddd
Retorikaatgramatika 180304144111
Retorika at gramatika
ANG PANG-ANGKOP AT MGA GAMIT NITO-pptxXX
gamit ng nang at ng may at mayroon..pptx
FILIPINO-10-PPT-WEEK3.pptx
Pang ugnay
retorikal na pang-ugnay..............pptx
Aralin 1.1 ( Pangatnig ).pptx
PANG-UGNAY - WK15.pptx May tatlong uri ng ang-ugnay
Wastong Gamit ng Salita
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
Pang-ugnay.pptx power point presentation
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
WEEK7-Q1-relihiyon sa sinaunang kabihasnan.pptx
PPTX
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
PPTX
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
PPTX
AP8 Q1 Week 3-5 Kabihasnang Olmec.pptx
DOCX
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
PPTX
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
PPTX
matatagfilipino7tekstongekspositoriCO1.pptx
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
PPTX
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
PPTX
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
PPTX
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
PPTX
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx
PPTX
AP-7-Quarter-1-Lesson-7 Mainland Southeast Asia-kchps1.pptx
PDF
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
PPTX
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
PPTX
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
PPTX
panitikang katutubo matatag filipino seveb
PPTX
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PPTX
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
PPTX
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
WEEK7-Q1-relihiyon sa sinaunang kabihasnan.pptx
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
AP8 Q1 Week 3-5 Kabihasnang Olmec.pptx
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
matatagfilipino7tekstongekspositoriCO1.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx
AP-7-Quarter-1-Lesson-7 Mainland Southeast Asia-kchps1.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
panitikang katutubo matatag filipino seveb
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx

Nang VS Ng

  • 3. 1. Ginagamit bilang pang-ukol (preposition) sa pagpapahayag ng pag-aari. –Ang salitang ng ay isinusulat sa pagitan ng dalawang pangngalan (noun). –Ang pangngalan na sinusundan ng salitang ng ang nagmamay-ari ng unang pangngalan na binanggit.
  • 4. Halimbawa: • pagkain ng aso • magulang ng mga bata • kalabaw ng magsasaka • presyo ng karne • karapatan ng mamamayan • bisperas ng Pasko • ambulansya ng ospital • kabesera ng lalawigan
  • 5. 2. Ang ng ay ginagamit bilang pang-ukol (preposition) na pananda ng layon ng pandiwa (direct object of the verb).
  • 6. Halimbawa: • Si Ate April ay nagluto ng empanada. –(Si Ate April ay nagluto ng ano?/Ano ang iniluto ni Ate April?) • Magtatanim ng palay ang mga magsasaka. • (Ang mga magsasaka ay magtatanim ng ano?/Ano ang itatanim ng mga magsasaka?)
  • 7. 3. Ginagamit bilang pang-ukol (preposition) na pananda ng tagaganap ng pandiwa (doer of the action verb).
  • 8. Halimbawa: • Ibinigay ng guro ang sulat kay Mario. –(Ibinigay nino kay Mario ang sulat?) • Ang matanda ay tinulungan ng pulis. –(Ang matanda ay tinulungan nino?)
  • 10. 1. Ginagamit bilang pananda na sinusundan ng pang-abay (adverb).
  • 11. Halimbawa: • Tumakbo nang mabilis ang aso. –(Paano tumakbo ang aso?) • Nagkita kami nang alas-otso. –(Kailan kayo nagkita?) • Nag-aaral nang tahimik ang mga estudyante. –(Paano nag-aaral ang mga estudyante?)
  • 12. 2. Ginagamit bilang pangatnig (conjunction) katumbas ng salitang noon sa pagtukoy sa nakalipas na aksiyon.
  • 13. Halimbawa: • Tumigil ang iyak ng sanggol nang bumalik ang nanay. • Nang umalis ang guro, nagpulong ang mga mag-aaral. • Ikinuwento ni Juan ang tungkol kay Maria nang isinulat niya ang kanyang huling liham.
  • 14. 3. Ang nang ay ginagamit bilang pangatnig (conjunction) katumbas ng mga salitang upang o para sa pagtukoy ng dahilan o resulta ng nabanggit na aksiyon.
  • 15. Halimbawa: • Manood tayo ng balita nang malaman natin kung ano ang nangyari sa Bohol. • Tulungan mo ako sa mga gawain nang makaalis tayo kaagad. • Kausapin mo si Lorna nang malaman mo ang buong katotohanan.
  • 16. 4. Ang nang ay ginagamit bilang pang-angkop (ligature/linker) kapag inuulit ang pandiwa o mala- pandiwa upang magpahayag ng matindi o patuloy na aksiyon.
  • 17. Halimbawa: • Sigaw nang sigaw ang babaeng ninakawan. • Ang tamad na guwardiya ay tulog nang tulog. • Aral nang aral si Bea para sa kanyang board exam.
  • 18. 5. Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.
  • 19. Halimbawa: • Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na, na hindi nagpapaalam?) • (b) Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na, na hindi nagrereklamo.)
  • 20. 6. Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at ng.
  • 21. Halimbawa: • Bigyan nang libreng pagkain ang mga pamilya sa evacuation center. – (Bigyan na ng libreng pagkain ang mga pamilya sa evacuation center.) • Isinarado nang tindera ang kanyang tindahan. – (Isinarado na ng tindera ang kanyang tindahan.)
  • 22. 7. Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at ang.
  • 23. Halimbawa: • Sobra nang pang-aabuso na ginagawa ng opisyal ng pamahalaan. – (Sobra na ang pang-aabuso na ginagawa ng opisyal ng pamahalaan.) • Malapit nang pagdiriwang ng anibersaryo ng paaralan. –(Malapit na ang pagdiriwang ng anibersaryo ng paaralan.)
  • 24. PANG- UGNAY mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay. GAMIT KOHESIBO (CONNECTIVES/COHESIVE DEVICES)
  • 25. 1. Pang-angkop (ligature) – ginagamit upang pag-ugnayin ang salitang nagbibigay-turing at sa salitang tinuturingan nito. • Ang pang-angkop na “na” – ginagamit ito kapag ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hal: malakas na ulan mababait na tao mababaw na dahilan
  • 26. • Pang-angkop na “ng” – ginagamit kapag ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa patinig. Hal: tuyong damit buong bahay matandang pulubi mababang puno Ginagamit din ito kapag ang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa katinig na “n”. Sapagsulat, kinakaltas ang n at ikinakabit ang pang-angkop na ng. Hal: niyugan ng malawak  niyugang malawak taon ng masagana  taong masagana
  • 27. 2. Pang-ukol (preposition) – ang tawag sa mga kataga, salita, o pariralang iniuugnay sa iba pang bahagi ng pangungusap upang ipakita ang pinag-uukulan, pinanggalingan, pinaglalaanan ng kilos o layon. Narito ang ilang halimbawa ng pang-ukol.  alinsunod sa/ sa mga/ kay / kina  labag sa/ sa mga/ kay/ kina  sang-ayon sa/ sa mga/ kay / kina  ayon sa/ sa mga/ kay/ kina  laban sa/ sa mga/ kay/ kina  ukol sa/ sa mga/ kay/ kina
  • 28.  tungkol sa/ sa mga/ kay/ kina  hinggil sa/ sa mga/ kay/kina  batay sa/ sa mga/ kay/ kina  tungo sa/ sa mga/ kay/ kina  dahil sa/ sa mga/ kay/ kina  para sa/ sa mga/ kay/ kina  ni/nina * Ayon kay G. Santos, napakasarap pag-aralan ang asignaturang Filipino. * Ang ikinuwento ng lola ko ay tungkol sa mapagmataas na matsing. * May panalangin ang klase para sa mga nasalanta ng Bagyong Vinta.
  • 29. Pangatnig (conjunction) – mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay. Ito ay may iba’t ibang uri ayon sa gamit. 1. Paninsay – ginagamit sa mga pangungusap na may dalawang kaisipan na magkasalungat. Binubuo ito ng pangatnig na: bagaman, habang, kahit, subalit, ngunit, pero. Hal: • Natapos ni Isko ang kaniyang proyekto ngunit nahuli naman siya sa pagpasok sa paaralan. • Kumakain si Gino habang nag-aaral naman si Kyle.
  • 30. 2. Pananhi – nag-uugnay ng mga salita, parirala o sugnay na nagsasaad ng kadahilanan at kinalabasan ng pangyayari tulad ng sapagkat, palibhasa, kasi, dahil, upang , at kaya naman. • Hal: Maagang natulog si Dennis dahil siya ang magluluto ng kanilang agahan bukas. • Nag-aral nang mabuti si Frank kaya naman mataas ang nakuha niyang marka sa pagsusulit. 3. Pamukod – ginagamit kung may paghihiwalay, pagtatangi, o pagtatakwil sa ilang bagay o isipan. Halimbawa nito ay mga pangatnig na o, ni , man, at maging. Hal: • Alin ang mas pipiliin mo, ang makatapos ng pag-aaral o manatiling mamang habambuhay? • Ang pagtatanghal ni Wesley ang pinakamaganda sa lahat.
  • 31. 4. Panlinaw – ginagamit upang maging mas malinaw ang nasabing pahayag. Ginagamit dito ang mga pangatnig na : samakatuwid, kung gayon, kaya, ibig sabihin, at magkagayon. Hal: • Nakakuha si Henry ng iskolarsyip, kung gayon, makapag-aaral na siya sa Maynila sa darating na pasukan. • Walang pasok ngayon sa paaralan kaya ililipat ng ibang araw ang programa. 5. Panubali – ginagamit kapag nagsasaad ng pag-aalinlangan o pagbabakasakali tulad ng mga pangatnig na kung, sana, baka, pagka, kapag, at sakali. Hal: • Baka walang dumalo sa seminar dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
  • 32. 6. Panapos – nagpapahayag ng pagbabadya ng nalalapit na pagwawakas ng pagsasalita. Ilang halimbawa ay mga pangatnig na sa wakas, dahil dito, bunga nito, at sa bandang huli. Hal: • Sa wakas, tumigil na rin ang ulan. • Sa kabuuan, maganda ang ipinakitang pagtatanghal ng lahat ng pangkat. 7. Panimbang – ginagamit na pang-ugnay ng mga magkatimbang na salita o magkasingkahulugang parirala o sugnay. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga pangatnig na at, saka, at saka, gaya ng, pati, katulad, at gayundin. Hal: • Kumain si Ning ng mainit na tsamporado at dilis.