Ang mga Sumerian mula 3000-2340 B.C.E. ay bumuo ng mga lungsod-estado sa katimugang Mesopotamia na pinamumunuan ng mga hari at may mga templong ziggurat. Sila ang lumikha ng cuneiform, isang sistema ng pagsulat gamit ang mga clay tablet, at nag-ambag sa mga larangan ng matematika, kalendaryo, at teknolohiya. Samantalang ang kabihasnang Indus ay umusbong noong 2700 B.C.E. na may mga makabagong sistema ng alkantarilya at mga produktong mula sa mga materyales tulad ng bronse at perlas.