SlideShare a Scribd company logo
Kanais-nais na
Kaugaliang Pilipino
WEEK 1-DAY 1
Noong pasko, paano
niyo naipakita ang
pagmamahal sa
kapwa?
Obserbahan ang larawan
Anong masasabi
mo sa larawan?
Kaaya-aya ba na
pag-uugali ang
ipinakita ng bata?
Ang mga Pilipino ay may likas na
natatanging mga kaugalian na ipinagkaiba
niya sa ibang mga lahi. Ilan sa mga
katangiang nagpakilala sa mga Pilipino ay
ang pagtulong sa kapwa o
pagbabayanihan, magiliw na na
pagtanggap sa mga panauhin, pagiging
masayahin, pagmamahal sa pamilya, at
marami pang ibang mabubuting kaugalian.
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at tuklasin ang
hiwaga ng bayanihan.
Bayanihan sa Panahon ng Pandemya
Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong ang mga
opisyales ng barangay sa pangunguna ng kanilang
kapitan na si G. Rhalp Vea. Isang proyekto ang
kanilang napagkasunduang gawin upang
matulungan ang mga pamilya na nawalan ng
hanapbuhay dahil sa pandemya.
Naisipan ng kapitan na lumapit sa
mga may kayang mamamayan ng
barangay upang humingi ng
donasyon na makatutulong sa mga
pamilyang naapektuhan ng
pandemya.
Marami ang tumugon sa naging proyekto ng
barangay, isa na rito ang pamilyang Mabunga
na nagbigay ng mga donasyon tulad ng bigas,
de lata at hygiene kit. Maliban sa kanila
marami pang may-kayang pamilya ang
nakilahok at nagbigay ng tulong sa nasabing
proyekto dahil sa magandang adhikain nito.
Ipinapakita lamang nito na ang
pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat
isa ay tanda ng pagmamahalan at
pagmamalasakit sa kapwa.
Naunawaan mo ba ang maikling kuwento?
Kung gayon, iyong sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Sino ang nanguna sa pagpupulong?
2. Tungkol saan ang ginanap na
pagpupulong?
3. Sino-sino ang mga naghandog ng
donasyon para sa proyekto?
4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita
ng mga mamamayang nagbigay ng
donasyon para sa proyekto ng kanilang
barangay?
5. Ano ang gagawin mo sa ganitong
sitwasyon kung ang pamilya niyo ay
nakaluluwag din sa buhay? Bakit?
Lagyan ng (/) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng
kanais-nais na kaugaliang Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa
kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot.
__________ 1. Laging nakikiisa sa
programa ng pamahalaan.
__________ 2. Tumutulong lamang
kung may kapalit.
__________ 3. Tumulong nang kusang-
loob.
__________ 4. Tumulong lang minsan at
hindi na umuulit pa.
__________ 5. Isinasapuso lagi ang
pakikipagtulungan sa kapwa.
Paano mo maipapakita ang
pakikisama sa iyong kapwa?
Anong kaugalian ang dapat
mong taglayin upang maging
maayos ang pakikisama mo sa
iyong kapwa?
Panuto: Basahin mo ang mga sumusunod na
sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel o kuwaderno.
1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng
Jollibee habang kayo ay kumakain. Maraming
pagkain ang nasa inyong mesa sapagkat
natanggap na ng iyong ina ang kaniyang sahod.
Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng ito.
Ano ang iyong gagawin?
A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng
sobrang pagkain ang bata.
B. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng
hamburger.
C. Hahayaan lamang siya na parang walang
nakita.
D. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi
mo siya makita.
2. May nakita kang matandang babae na naglalakad.
May dala siyang mabigat na bayong. Hirap na hirap siya
sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip. Ano ang
iyong gagawin?
A. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang
makauwi agad sa bahay.
B. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo.
C. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang
magbubuhat ng dala niyang bayong hanggang sa
sakayan.
D. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng
anak nilang si Josh. May batang babae na naliligo malapit sa
kanila. Maya-maya, nakarinig sila ng tinig na humihingi ng tulong.
Namumulikat ang paa ng batang babae kaya nahihirapan siyang
lumangoy. Ano ang posibleng gagawin ng pamilyang Santos?
A. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil
hindi naman nila kaano-ano iyon.
B. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila
kaano-ano.
C. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa
kaniya.
D. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain.
4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo.
Ikaw lamang ang nakakita sa kaniya dahil hindi matao
ang lugar na iyon. May dala kang first aid kit sa iyong
bag. Ano ang gagawin mo?
A. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang
umuwi sa bahay ninyo.
B. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo.
C. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang
sugat na natamo sa kaniyang pagkakadapa.
D. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.
5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na
lutuan o kalan. Ang bahay ng iyong kaibigan ay nadamay sa
sunog samantalang hindi naman nadamay ang inyong bahay.
Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung maaaring
makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang
inyong magiging tugon ukol dito?
A. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng
pamilya ng iyong kaibigan.
B. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
C. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong
bahay.
D. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila
sa buhay.
WEEK 1-DAY 2
Kanais-nais na
Kaugaliang Pilipino
Balik-aral:
Lagyan ng (/) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng
kanais-nais na kaugaliang Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa
kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot.
__________ 1. Laging nakikiisa sa
programa ng pamahalaan.
__________ 2. Tumutulong lamang
kung may kapalit.
__________ 3. Tumulong nang kusang-
loob.
__________ 4. Tumulong lang minsan at
hindi na umuulit pa.
__________ 5. Isinasapuso lagi ang
pakikipagtulungan sa kapwa.
Suriin ang mga larawan.
Nagpapakita ba ang
mga ito ng mga
kaugalian na
mayroon ang isang
Filipino?
Ano-ano ang mga
katangian na
ipinakikita sa bawat
larawan?
Tingnan ang larawan;
Ano ang masasabi mo sa larawan?
Nagpapakita ba ito ng pakikilahok o pagtulong sa
kapwa?
May mga katangian at kaugalian
tayong mga Pilipino na
magpahanggang ngayon ay
naipakikita at nagagawa pa rin natin.
Kilala tayo dahil sa ating mga
kaugaliang ito. Karamihan sa mga
kaugaliang ito ay nagpapakita ng
ating pagiging mabubuting
mamamayang Pilipino.
Bata pa lang tayo ay tinuturuan na
tayo ng ating mga magulang ng
kahalagahan ng pagkakaroon ng
mabubuting kaugaliang Pilipino na
nagdudulot ng kabutihan at
magandang pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
Ilan sa halimbawa ng mga kanais-nais na
kaugaliang Pilipino na naituturo sa atin ay ang
mga sumusunod:
Ang pagbabayanihan o pagtutulungan sa
oras ng pangangailangan lalo na sa
panahon ng kalamidad at sakuna. Sa mga
ganitong pagkakataon, ibinibigay natin ang
kahit anong tulong na maaari nating
maipaabot sa kapwa.
Ang malugod na pagtanggap sa kapwa at
sa mga panauhin kung saan ipinapakita
natin ang pagiging magiliw sa iba. Marami
ang natutuwa sa ating mga Pilipino dahil sa
maganda tayong makitungo sa mga bisita.
Ipinamamalas natin sa ating mga bisita ang
kaginhawahang kaya nating ibigay habang
sila ay nasa ating tahanan.
Ang pagiging magalang sa lahat ng
pagkakataon lalo na sa ating magulang,
kamag-anak, at nakatatanda.
Ipinapakita ito sa pamamagitan ng
pagmamano at pagsasabi ng
magagalang na salita tulad ng po at
opo. Kilala rin ang mga Pilipino sa
pagiging malapit sa pamilya.
Panuto: Basahin at piliin kung alin ang kaya mong gawin. Lagyan
ng tsek (/) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay
kaya mong isagawa bilang pagpapakita ng magagandang
kaugalian ng mga Pilipino at pagmamahal sa bayan. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
__________1. Sinusunod ko ang mga batas trapiko.
__________2. Nakikinig ako sa payo ng nakatatanda sa
akin.
__________3. Nagbabasa ako ng diyaryo araw-araw.
__________4. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.
__________5. Hindi ako nakikipag-away.
__________6. Inaalalayan ko ang mga nakatatanda
sa pagsakay ng bus.
__________7. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala
sa mga tao kapag may parating na bagyo.
__________8. Tinatangkilik ko ang mga produktong
Pilipino.
__________9. Nakikiisa ako sa programa ng mga
kabataan sa aming lugar.
__________10. Pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga
basurang nabubulok at basurang di-nabubulok.
Si Mark ay nakikiisa sa proyekto ng “Tree
Planting”. Ano ang masasabi mo tungkol
sa pakikiisa ni Mark sa proyekto?
Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipagmamalaki ang mga natatanging
kaugalian nating mga Pilipino?
Panuto: Kilala tayong mga Pilipino sa ating
magagandang kaugalian.
Nagpapakita ng pagiging mabuting
mamamayan ang karamihan sa
kaugaliang ito. Tingnan ang mga larawan.
Isulat sa sagutang papel ang titik ng
larawan na may kaugnayan sa mga
kaugaliang nakalista sa bawat bilang.
Q3-W1-ESP (1).pptx POWERPOINT PRESENTATION GRADE 5
Q3-W1-ESP (1).pptx POWERPOINT PRESENTATION GRADE 5
Lingguhang
Pagsusulit
WEEK 1-DAY 2
Catch-Up Friday
WEEK 1-DAY 3

More Related Content

PPTX
Q3-W1-Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson/PPT
PPTX
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPTX
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPTX
2. ESP5 W-2.pptx for grade 4 for them to lean
DOCX
DLL WEEK 1-Qhjgjksjgiahsykayys3 ESP.docx
PPTX
ARALIN-15-Q2-Ang-Kultura-at-Pagbubuo-ng-Pagkakakilanlang-Pilipino.pptx
PPTX
PAGMAMAHAL SA KAPWA MOD 1 for Grade 5 learners.pptx
PPTX
Catch Up Friday Grade 3 Week 1, Including
Q3-W1-Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson/PPT
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptx
2. ESP5 W-2.pptx for grade 4 for them to lean
DLL WEEK 1-Qhjgjksjgiahsykayys3 ESP.docx
ARALIN-15-Q2-Ang-Kultura-at-Pagbubuo-ng-Pagkakakilanlang-Pilipino.pptx
PAGMAMAHAL SA KAPWA MOD 1 for Grade 5 learners.pptx
Catch Up Friday Grade 3 Week 1, Including

Similar to Q3-W1-ESP (1).pptx POWERPOINT PRESENTATION GRADE 5 (20)

PPTX
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtst
DOCX
DLL ESP (MELCs) W2.docxbbbbbbbbbbbbbbbbb
PDF
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
PPTX
Q4-W1-ESP-5 Pagmmahal sa Kapwa Lesson sa Edukasyon sa Pagpapakatao.pptx
PPTX
Q4-W1-EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 PAGMAMAHAL SA KAPWATAO 5
PPTX
Q4-W2-ESP-5Quarter 4 week 2 in ESP 5.pptx
PPTX
Q4-W3-ESP-5 QUARTER 4 WEEK 3 IN ESP 5.pptx
PDF
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
DOCX
DLL ESP (MELCs) W3.docxccccccccccccccccc
PPTX
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
PPTX
COT_LEARNING STRAND 5_TATAK NG PAGKA PILIPINO.pptx
DOCX
ESP 5 3RD QUARTER EXAMNIATION.doc for allx
PPTX
FILIPINO 6 SECOND KWARTER WEEK 8 POWER POINT
PPTX
FILIPINO 6 IKALAWANG KWARTER WEEK 8 -POWER POINT
PPTX
edukasyon sa pagpapakatao 5 quarter 3w1.pptx
PPTX
GRADE 5-QUARTER 4-WEEK-1-ESP-PPT.pptx.pptx
PPTX
Week4-ESP.pptx second quarter k-12 lesson
PPTX
ESP 6_WEEK 3.pptx
PPTX
FILIPINO.pptx 33333 GUAVA.POWERPOINT WK 1
PPTX
Q3 W2 ESP POWERPOINT PRESENTATION GRADE 5
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtst
DLL ESP (MELCs) W2.docxbbbbbbbbbbbbbbbbb
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Q4-W1-ESP-5 Pagmmahal sa Kapwa Lesson sa Edukasyon sa Pagpapakatao.pptx
Q4-W1-EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 PAGMAMAHAL SA KAPWATAO 5
Q4-W2-ESP-5Quarter 4 week 2 in ESP 5.pptx
Q4-W3-ESP-5 QUARTER 4 WEEK 3 IN ESP 5.pptx
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
DLL ESP (MELCs) W3.docxccccccccccccccccc
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
COT_LEARNING STRAND 5_TATAK NG PAGKA PILIPINO.pptx
ESP 5 3RD QUARTER EXAMNIATION.doc for allx
FILIPINO 6 SECOND KWARTER WEEK 8 POWER POINT
FILIPINO 6 IKALAWANG KWARTER WEEK 8 -POWER POINT
edukasyon sa pagpapakatao 5 quarter 3w1.pptx
GRADE 5-QUARTER 4-WEEK-1-ESP-PPT.pptx.pptx
Week4-ESP.pptx second quarter k-12 lesson
ESP 6_WEEK 3.pptx
FILIPINO.pptx 33333 GUAVA.POWERPOINT WK 1
Q3 W2 ESP POWERPOINT PRESENTATION GRADE 5
Ad

More from Angeli Lim (8)

PPTX
GR 6 - ENGLISH - WEEK 3 - QUARTER 1.pptx
PPTX
Grade 6 ENGLISH - WEEK 2 -QUARTER 1.pptx
PPTX
PPT Q2 English4 Week4 Using Non-verbal Cues Facial & Gestures (2).pptx
PPTX
PPT Q2 English4 week 3 Using Non-verbal Cues (2).pptx
DOC
Grade 5 NMPjdjsueiwkajnansnjfkitirieokwjejsnsjdieie
PPTX
Presentation8.pptx
PPTX
Presentation8 (1).pptx
DOCX
Mean of grouped data.docx
GR 6 - ENGLISH - WEEK 3 - QUARTER 1.pptx
Grade 6 ENGLISH - WEEK 2 -QUARTER 1.pptx
PPT Q2 English4 Week4 Using Non-verbal Cues Facial & Gestures (2).pptx
PPT Q2 English4 week 3 Using Non-verbal Cues (2).pptx
Grade 5 NMPjdjsueiwkajnansnjfkitirieokwjejsnsjdieie
Presentation8.pptx
Presentation8 (1).pptx
Mean of grouped data.docx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
DOCX
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
PPTX
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
PPTX
Grade 7- Awiting Bayan-Manag Biday at iba pang awit
PPTX
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
PPTX
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
PPTX
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
PPTX
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
PPTX
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
PPTX
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PPTX
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
PPTX
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
PPTX
grade5bhjkQ1 FILIPINO 5 WEEK 5 DAY 1.pptx
PPTX
Q1-Araling PANlipunan grade 5-WEEK6.pptx
PPTX
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
DOCX
GMRC 5 Q111111111111111111111111111111111
PPTX
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
PPTX
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
PPTX
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
Grade 7- Awiting Bayan-Manag Biday at iba pang awit
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
grade5bhjkQ1 FILIPINO 5 WEEK 5 DAY 1.pptx
Q1-Araling PANlipunan grade 5-WEEK6.pptx
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
GMRC 5 Q111111111111111111111111111111111
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx

Q3-W1-ESP (1).pptx POWERPOINT PRESENTATION GRADE 5

  • 2. Noong pasko, paano niyo naipakita ang pagmamahal sa kapwa?
  • 3. Obserbahan ang larawan Anong masasabi mo sa larawan? Kaaya-aya ba na pag-uugali ang ipinakita ng bata?
  • 4. Ang mga Pilipino ay may likas na natatanging mga kaugalian na ipinagkaiba niya sa ibang mga lahi. Ilan sa mga katangiang nagpakilala sa mga Pilipino ay ang pagtulong sa kapwa o pagbabayanihan, magiliw na na pagtanggap sa mga panauhin, pagiging masayahin, pagmamahal sa pamilya, at marami pang ibang mabubuting kaugalian.
  • 5. Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at tuklasin ang hiwaga ng bayanihan. Bayanihan sa Panahon ng Pandemya Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ng kanilang kapitan na si G. Rhalp Vea. Isang proyekto ang kanilang napagkasunduang gawin upang matulungan ang mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.
  • 6. Naisipan ng kapitan na lumapit sa mga may kayang mamamayan ng barangay upang humingi ng donasyon na makatutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pandemya.
  • 7. Marami ang tumugon sa naging proyekto ng barangay, isa na rito ang pamilyang Mabunga na nagbigay ng mga donasyon tulad ng bigas, de lata at hygiene kit. Maliban sa kanila marami pang may-kayang pamilya ang nakilahok at nagbigay ng tulong sa nasabing proyekto dahil sa magandang adhikain nito. Ipinapakita lamang nito na ang pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat isa ay tanda ng pagmamahalan at pagmamalasakit sa kapwa.
  • 8. Naunawaan mo ba ang maikling kuwento? Kung gayon, iyong sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Sino ang nanguna sa pagpupulong? 2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong? 3. Sino-sino ang mga naghandog ng donasyon para sa proyekto?
  • 9. 4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng mga mamamayang nagbigay ng donasyon para sa proyekto ng kanilang barangay? 5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon kung ang pamilya niyo ay nakaluluwag din sa buhay? Bakit?
  • 10. Lagyan ng (/) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot. __________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng pamahalaan. __________ 2. Tumutulong lamang kung may kapalit.
  • 11. __________ 3. Tumulong nang kusang- loob. __________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na umuulit pa. __________ 5. Isinasapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa.
  • 12. Paano mo maipapakita ang pakikisama sa iyong kapwa? Anong kaugalian ang dapat mong taglayin upang maging maayos ang pakikisama mo sa iyong kapwa?
  • 13. Panuto: Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel o kuwaderno. 1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng Jollibee habang kayo ay kumakain. Maraming pagkain ang nasa inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng ito. Ano ang iyong gagawin?
  • 14. A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata. B. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger. C. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita. D. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.
  • 15. 2. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat na bayong. Hirap na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip. Ano ang iyong gagawin? A. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang makauwi agad sa bahay. B. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo. C. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang bayong hanggang sa sakayan. D. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
  • 16. 3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si Josh. May batang babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya, nakarinig sila ng tinig na humihingi ng tulong. Namumulikat ang paa ng batang babae kaya nahihirapan siyang lumangoy. Ano ang posibleng gagawin ng pamilyang Santos? A. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil hindi naman nila kaano-ano iyon. B. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano. C. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya. D. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain.
  • 17. 4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo. Ikaw lamang ang nakakita sa kaniya dahil hindi matao ang lugar na iyon. May dala kang first aid kit sa iyong bag. Ano ang gagawin mo? A. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay ninyo. B. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo. C. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo sa kaniyang pagkakadapa. D. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.
  • 18. 5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan. Ang bahay ng iyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantalang hindi naman nadamay ang inyong bahay. Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung maaaring makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong magiging tugon ukol dito? A. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong kaibigan. B. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay. C. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong bahay. D. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.
  • 19. WEEK 1-DAY 2 Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino
  • 20. Balik-aral: Lagyan ng (/) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot. __________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng pamahalaan. __________ 2. Tumutulong lamang kung may kapalit.
  • 21. __________ 3. Tumulong nang kusang- loob. __________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na umuulit pa. __________ 5. Isinasapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa.
  • 22. Suriin ang mga larawan. Nagpapakita ba ang mga ito ng mga kaugalian na mayroon ang isang Filipino? Ano-ano ang mga katangian na ipinakikita sa bawat larawan?
  • 23. Tingnan ang larawan; Ano ang masasabi mo sa larawan? Nagpapakita ba ito ng pakikilahok o pagtulong sa kapwa?
  • 24. May mga katangian at kaugalian tayong mga Pilipino na magpahanggang ngayon ay naipakikita at nagagawa pa rin natin. Kilala tayo dahil sa ating mga kaugaliang ito. Karamihan sa mga kaugaliang ito ay nagpapakita ng ating pagiging mabubuting mamamayang Pilipino.
  • 25. Bata pa lang tayo ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang ng kahalagahan ng pagkakaroon ng mabubuting kaugaliang Pilipino na nagdudulot ng kabutihan at magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
  • 26. Ilan sa halimbawa ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino na naituturo sa atin ay ang mga sumusunod: Ang pagbabayanihan o pagtutulungan sa oras ng pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna. Sa mga ganitong pagkakataon, ibinibigay natin ang kahit anong tulong na maaari nating maipaabot sa kapwa.
  • 27. Ang malugod na pagtanggap sa kapwa at sa mga panauhin kung saan ipinapakita natin ang pagiging magiliw sa iba. Marami ang natutuwa sa ating mga Pilipino dahil sa maganda tayong makitungo sa mga bisita. Ipinamamalas natin sa ating mga bisita ang kaginhawahang kaya nating ibigay habang sila ay nasa ating tahanan.
  • 28. Ang pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon lalo na sa ating magulang, kamag-anak, at nakatatanda. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng pagmamano at pagsasabi ng magagalang na salita tulad ng po at opo. Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging malapit sa pamilya.
  • 29. Panuto: Basahin at piliin kung alin ang kaya mong gawin. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay kaya mong isagawa bilang pagpapakita ng magagandang kaugalian ng mga Pilipino at pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. __________1. Sinusunod ko ang mga batas trapiko. __________2. Nakikinig ako sa payo ng nakatatanda sa akin. __________3. Nagbabasa ako ng diyaryo araw-araw. __________4. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral. __________5. Hindi ako nakikipag-away.
  • 30. __________6. Inaalalayan ko ang mga nakatatanda sa pagsakay ng bus. __________7. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala sa mga tao kapag may parating na bagyo. __________8. Tinatangkilik ko ang mga produktong Pilipino. __________9. Nakikiisa ako sa programa ng mga kabataan sa aming lugar. __________10. Pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga basurang nabubulok at basurang di-nabubulok.
  • 31. Si Mark ay nakikiisa sa proyekto ng “Tree Planting”. Ano ang masasabi mo tungkol sa pakikiisa ni Mark sa proyekto? Bilang isang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki ang mga natatanging kaugalian nating mga Pilipino?
  • 32. Panuto: Kilala tayong mga Pilipino sa ating magagandang kaugalian. Nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan ang karamihan sa kaugaliang ito. Tingnan ang mga larawan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng larawan na may kaugnayan sa mga kaugaliang nakalista sa bawat bilang.