Ang rebolusyong pangkaisipan ay tumutukoy sa mabilis na pagbabago ng institusyon at lipunan sa pamamagitan ng rasyonal na pag-iisip na naglalayong mapaunlad ang buhay ng tao sa iba't ibang aspekto. Kabilang sa mga mahahalagang personalidad ay sina Montesquieu at Voltaire na nagtuligsa sa absolutong monarkiya at nagtaguyod ng mga ideya ng batas at kalayaan. Ang ideya ng social contract ni Rousseau ay naging batayan sa mga rebolusyon sa France, habang ang mga kababaihan ay unti-unting nagprotesta laban sa pangkalahatang pananaw na hindi sila pantay sa kalalakihan.