•Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
1.Ayon kina_____at __(1985)sa aklat na Becoming a Nation of
Readers,ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
a. Anderson at Gustave c. Gustave at Al
b.Anderson at Al d. Flaubert at Anderson
2. Ang pagbasa ay isang________ na kognitibong
proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat
simbolo upang makakuha at makabuo ng
kahulugan.
a. Komprehensibo c.kompleks
b. proseso d.Intensibo
3. Ito ay may kinalaman sa masinsin at
malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto.
a. Intensibo c.Kompleks
b. Ekstensibo d.narrow reading
4.Ito ay may kinalaman sa pagbasa ng
masaklaw at maramihang materyales.
a. Kompleks c.Intensibo
b. Ekstensibo d. Narrow reading
5. Ang ___________ at__________ ay madalas na tinatawag
na uri ng pagbasa ngunit maaari ding ikategorya ang mga ito
bilang kakayahan sa pagbasa.
a.Scanning at Skimming c.Kompleks at ekstensibo
b. Intensibo at ekstensibo d.Skimming at Intensibo
Mga layunin:
.Natutukoy ang paksang tinalakay
sa iba’t ibang tekstong
binasa(F11PB-IIIa98)
.Natutukoy ang kahulugan at
katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang
Uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-
88)
mapanuring
Pagbasa
•Anderson at Al.(1985)sa
aklat na Becoming A
Nation of Readers,ang
pagbasa ay isang
proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga
nakasulat na teksto.
• Tiniyak nina Wixson at AL(1987)sa artikulong
“New Directions in Statewide Reading
Assessment”na nailathala sa pahayagang The
reading Teachers ang mga pinagmumulan ng
kaalaman sa pagbasa.Sa kanilang
pagpapakahulugan sa pagbasa,tinukoy nila ito
bilang isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa
pamamagitan ng interaksyon ng:
• imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa
• impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa
• Kontekstong kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa
•
PAGBASA
•Ang pagbasa ay isang
kompleks na
kognitibong proseso ng
pagtuklas sa kahulugan
ng bawat simbolo
upang makakuha at
makabuo ng kahulugan.
Nahahati sa
dalawang
pangkalahatang
kategorya ang
mapanuring
pagbasa
Intensibong pagbasa-ito ay may
kinalaman sa masinsin at malalim na
pagbasa ng isang tiyak na teksto.Ang
uri ng intensibong pagbasa ay
itinuturing na pinakahuli o dulong
bahagi sa proseso.
Ekstensibong Pagbasa-ito ay may
kinalaman sa pagbasa sa masaklaw at
maramihang materyales.Maghahatid
sa mambabasa tungo sa
pinakadulong proseso.
Intensibo
• Douglas Brown(1994)sa kanyang aklat na
TEACHING BY PRINCIPLES:AN INTERACTIVE
APPROACH TO LANGUAGE PEDAGOGY na
ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa
kaanyuang gramatikal,panandang diskurso at
iba pang detalye sa estruktura upang
maunawaan ang literal na
kahulugan,implikasyon at retorikal na
ugnayan ng isang akda.Inilalarawan niya ang
intensibong pagbasa bilang isang gawaing
gumagamit ng estratehiyang zoom lens o ng
malapitan at malalimang pagbasa sa isang
akda.
INTENSIBO
•Ang uri ng pagbasang ito ay
kinapapalooban ng malalimang
pagsusuri sa pagkakaugnay
ugnay,estruktura,at uri ng
diskurso sa loob ng
teksto,pagtukoy sa
mahahalagang bokabularyong
ginamit ng manunulat at paulit
ulit at maingat na paghahanap
ng kahulugan.
EKSTENSIBO
• Brown(1994) ito ay isinasagawa upang
makakuha ng pangkalahatang pagunawa sa
maramihang bilang ng teksto.Dagdag pa nina
LONG AT RICHARD (1987)nagaganap ang
ekstensibong pagbabasa kapag ang isang
mambabasa ay nagbabasa ng maramihang
babasahin na ayon sa kanyang interes,mga
babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob
ng klase o itinatakda sa anomang asignatura.
• Kadalasan ang layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
lamang ang “GIST” o pinakaesensya at
kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan
ng pansin ang mga salitang Malabo o hindi
alam ang kahulugan.
EKSTENSIBO
•Layunin ng
ekstensibong pagbasa
na maunawaan ang
pangkalahatang ideya
ng teksto at hindi ang
mga espesipikong
detalye na nakapaloob
dito.
SCANNING
AT
SKIMMING
Scanning at Skimming ang
madalas na tinatawag na uri
ng pagbasa ngunit maari
ding ikategorya ang mga ito
bilang kakayahan sa
pagbasa.Ayon kay brown
(1994)ang dalawang ito ang
pinakamahalagang
estratehiya sa ekstensibong
pagbasa
Scanning-mabilisang pagbasa ng
isang teksto na ang pokus ay
hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago
bumasa.Kinapapalooban ito ng
bilis at talas ng mata sa
paghahanap hanggang sa
makita ng mambabasa ang tiyak
na kinakailangang impormasyon
Skimming-mabilisang pagbasa na
ang layunin ay alamin ang
kahulugan ng kabuuang
teksto,kung paano inorganisa ang
mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at
layunin ng manunulat.
SKIMMING
• Mas kompleks ang skimming
kaysa scanning dahil
nangangailangan ito ng
mabilisang paraan ng
organisasyon at pag ala-ala sa
panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang
teksto at hindi lamang upang
matagpuan ang isang tiyak na
impormasyon sa loob nito
• Ginagamit ang skimming bilang bahagi ng metodolohiyang
• S-SURVEYING
• Q-QUESTIONING
• R-READING
• R-REVIEWING
• RECITING
• Kung saan mahalaga ang pagbuo ng inisyal na impresyon sa akda.
Antas ng pagbasa
Tinukoy ni Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang
aklat na “How to read a book ang apat na antas ng pagbasa.
Ito ay ang primaryang antas(elementary)mapagsiyasat na
antas(inspectional)analitikal na antas(analytical)at sintopikal na
antas(syntopical) na bumubuo ng isang hakbang na proseso.Hindi
maaaring umusad sa pinakamataas na antas(sintopikal)hanggat hindi
pinagdadaanan ang nauna o mas mabababang antas.
• Primarya-Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong
upang makamit ang literasi sa pagbasa.Ang mga kakayahan sa
pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa
tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng
petsa,setting,lugar o mga tauhan sa isang teksto.Itinuturing na
magkahiwalay ang mga impormasyong na mahirap para sa bagong
mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-unawa sa
teksto.Nauunawaan lamang ang hiwa hiwalay na impormasyon sa
literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
Hal.
sa pagbasa ng maikling kwento ,natutukoy ng mambabasa kung sino
ang mga tauhan,katangian nila,setting at mga pangyayari sa kwento
ngunit hindi niya mabubuo ang kabuuang interpretasyon nito.
Sa antas na ito hindi rin agad nauunawaan ang metapora,imahen,at iba
pang simbolismong ginamit sa akda.
Mapagsiyasat-
Sa antas na ito nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang
teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.Sa
pamamagitan nito ,nakapagbibigay ng mabisa ngunit makabuluhang
paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung
kakailanganin niya ito at kung maaari niya itong basahin ng mas
malaliman.Maaaring gamitin ang SKIMMING sa antas na ito.Tinitingnan
ng mambabasa ang titulo,heading,at subheading.
ANALITIKAL-
Sa antas na ito ng pagbasa,ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-
iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o
pananaw ng manunulat.Bahagi ng antas ang pagtatasa sa
katumpakan,kaangkupan at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto.
Upang makamit ito kailangang isagawa ng mamababasa ang mga sumusunod:
.Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto
.Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos
ng may akda
• Unawain ang mahahalagang terminong ginamit ng may akda tungo sa
pag-unawa ng kabuuang teksto
• Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang linaw ng may akda
• Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may akda
• Alamin ang argumento ng may akda
• Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may akda
ang suliranin ng teksto
• Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang,nagkamali o naging
ilohikal ang pagpapaliwanag ng may akda
• Sa kabuuan ang mapagsiyasat na antas ng pagbasa ang maghahawi
tungo sa analitikal na pagbasa.Malalim at mapanuri ang antas na
ito,ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng pagbasa
• Sintopikal-
• Ang salitang syntopical ay binuo ni montimer Adler mula sa
salitang syntopican na inimbento at ginamit niya sa aklat na A
Syntopican:An Index to the great ideas(1952) na nangangahulugang
“koleksyon ng mga paksa”.tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na
kinapapalooban ng paghahambing sa ibat ibang teksto at akda na
kadalasang magkakaugnay.
•Ano ang kaibhan ng
sintopikal at analitikal?
• Mula sa analitikal na pagbasa ang limang aklat ay maaari ka ng
maging eksperto sa isang tiyak na paksa batay sa kung ano ang sinabi
ng mga manunulat sa mga aklat na iyong binasa.
• Sa sintopikal na pagbasa,nakabubuo ka ng sariling perspektiba o
pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga
akdang inunawa mo.
5 hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa
• 1.Pagsisiyasat-mahalaga ang pagsisiyasat tungkol sa sintopikal na
pagbasa.kailangan mong tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang
akda hinggil sa isang paksang nais mong pagaralan.Mula sa mga ito
kailangang tukuyin kung ano ang mahahalagang bahagi na may
kinalaman sa pokus ng iyong pag-aaral.
• 2.Asimilasyon-Sa pamamagitan ng paraang ito tinutukoy mo ang uri
ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may akda upang
ipaliwanag ang kanyang kaisipan.Sa asimilasyon,nagdedesisyon ka
kung susuhay sa mga naunang terminolohiya ng may akda o gagawa
ng sariling kategorisasyon.
• 3.Mga Tanong-Sa bahaging ito tinutukoy mo ang mga katanungang
nais mong sagutin na hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng
may akda.Kailangang iba ang mga tanong na ito sa mga suliraning
binuo ng mganaunang eksperto.
• 4.Mga Isyu-lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at
makabuluhan ang nabuo mong tanong tungkol sa isang paksa at may
magkakaibang pananaw ang mga binasang akda tungkol sa particular
na suliraning ito.Kung malalim na naunawaan ang pagpapaliwanag ng
mga binasang akda ,natatalakay mo ng maaayos ang bawat panig at
makapagbigay ka ng sariling kongklusyon.
• 5.kumbersasyon-ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na
pagbasa ay hindi ang pangunahing punto at layunin sapagkat laging
kuwestyonable ang katotohanan.

More Related Content

PPTX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PDF
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdf
PPTX
Module 1 part 2.pptx
PPTX
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
PPTX
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
PPTX
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
DOC
Document (1)
PPTX
2-KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA at PAGSUSURI.pptx
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdf
Module 1 part 2.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
Document (1)
2-KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA at PAGSUSURI.pptx

Similar to SECOND SEM Lesson 1 (Mapanuring Pagbasa) (20)

PPTX
gmam-eve-ppt-tempplate.pptx
PPTX
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
DOCX
Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipino
PPTX
DAY-1-Mga-Kasanayan-sa-Mapanuring-Pagbasa (1).pptx
PPTX
pagbasa-1. kahalagahan at mga paraanpptx
PPTX
kahulugan at kaligiran ng pagbasa at pagsusuri
PPTX
KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, AT LAYUNIN NG PAGBASA (1).pptx
PPTX
Aralin1-Tekstong-Deskriptibo Pagbasa(1).pptx
PPTX
Antas ng Pagbasa
PPTX
Batayang kaalaman sa pagbasagrade 11.pptx
PPTX
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
PPTX
630766340-PPT-pagbasa-q3module1-pptx.pptx
PPTX
Ang Iba't Ibang mgaAntas ng Pagbasa.pptx
PPTX
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
DOCX
Kahulugan ng pagbasa
PPTX
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
PPTX
Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik.pptx
PPTX
F11 Pagbasa U1 L1pagbasa at pagsusuri ng telsto tungo sa pananaliksik.pptx
PPTX
Mapanuring pagbasa
PPTX
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
gmam-eve-ppt-tempplate.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipino
DAY-1-Mga-Kasanayan-sa-Mapanuring-Pagbasa (1).pptx
pagbasa-1. kahalagahan at mga paraanpptx
kahulugan at kaligiran ng pagbasa at pagsusuri
KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, AT LAYUNIN NG PAGBASA (1).pptx
Aralin1-Tekstong-Deskriptibo Pagbasa(1).pptx
Antas ng Pagbasa
Batayang kaalaman sa pagbasagrade 11.pptx
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
630766340-PPT-pagbasa-q3module1-pptx.pptx
Ang Iba't Ibang mgaAntas ng Pagbasa.pptx
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
Kahulugan ng pagbasa
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik.pptx
F11 Pagbasa U1 L1pagbasa at pagsusuri ng telsto tungo sa pananaliksik.pptx
Mapanuring pagbasa
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
Ad

More from johnmarkleelimon (9)

PPTX
21st-Century of Lieterature-Thailand-Land-of-Smiles.pptx
PPTX
Introduction to the philosophy of the human nature
PPTX
Introduction to philosophy of the human nature.
PPTX
SECOND SEM Lesson 1 (Tekstong-Deskriptibo)
PPTX
INTRODUCTION-TO-LITERATURE-AND-PRE-COLONIAL
PPTX
Grade 11 Psychoanalysis and Rational Choice Theory
PPTX
Empowerment-Technologies Concept Paper Grade-11
DOCX
RADIO-BROADCASTING PERFORMANCE TASK KOMPAN
PPTX
MGA-SITWASYONG-PANGWIKA-NG-PILIPINAS (1).pptx
21st-Century of Lieterature-Thailand-Land-of-Smiles.pptx
Introduction to the philosophy of the human nature
Introduction to philosophy of the human nature.
SECOND SEM Lesson 1 (Tekstong-Deskriptibo)
INTRODUCTION-TO-LITERATURE-AND-PRE-COLONIAL
Grade 11 Psychoanalysis and Rational Choice Theory
Empowerment-Technologies Concept Paper Grade-11
RADIO-BROADCASTING PERFORMANCE TASK KOMPAN
MGA-SITWASYONG-PANGWIKA-NG-PILIPINAS (1).pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Mga Salik sa Pagpili ng Kurso.powerpoint
PPTX
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
PPTX
FILIPINO 10 ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA.pptx
PPTX
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
PPTX
week 8 BAYOGRAPIKAL na sanaysay day 1.pptx
PPTX
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
PPTX
AP8 Q1 Week 1-5 Implikasyon ng Heograpiya ng Daigdig sa Pamumuhay ng mga Tao....
PDF
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
PPTX
Art Theory and Critique Visual Arts Presentation in a Colorful Hand Drawn Sty...
PPTX
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
DOCX
nabdhjahdbajbdjkabadaaadaddadaasdsadsadada
PDF
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
PPTX
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
PPTX
AP8 Q1 Week 2-1 Kahulugan at Katangian ng Kabihasnan.pptx
PPTX
Salitang_Magkatugma_PPT.pptx............
PPTX
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
PPTX
491976170-Tiyo-Simon.pptx dskfkksfjcskca
PPTX
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
PPTX
Pagsulat Ng Editoryal%202019 - EDITED.pptx
PPTX
Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
Mga Salik sa Pagpili ng Kurso.powerpoint
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
FILIPINO 10 ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA.pptx
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
week 8 BAYOGRAPIKAL na sanaysay day 1.pptx
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
AP8 Q1 Week 1-5 Implikasyon ng Heograpiya ng Daigdig sa Pamumuhay ng mga Tao....
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
Art Theory and Critique Visual Arts Presentation in a Colorful Hand Drawn Sty...
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
nabdhjahdbajbdjkabadaaadaddadaasdsadsadada
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
AP8 Q1 Week 2-1 Kahulugan at Katangian ng Kabihasnan.pptx
Salitang_Magkatugma_PPT.pptx............
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
491976170-Tiyo-Simon.pptx dskfkksfjcskca
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
Pagsulat Ng Editoryal%202019 - EDITED.pptx
Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika

SECOND SEM Lesson 1 (Mapanuring Pagbasa)

  • 1. •Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
  • 2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan 1.Ayon kina_____at __(1985)sa aklat na Becoming a Nation of Readers,ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. a. Anderson at Gustave c. Gustave at Al b.Anderson at Al d. Flaubert at Anderson
  • 3. 2. Ang pagbasa ay isang________ na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. a. Komprehensibo c.kompleks b. proseso d.Intensibo
  • 4. 3. Ito ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto. a. Intensibo c.Kompleks b. Ekstensibo d.narrow reading
  • 5. 4.Ito ay may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales. a. Kompleks c.Intensibo b. Ekstensibo d. Narrow reading
  • 6. 5. Ang ___________ at__________ ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. a.Scanning at Skimming c.Kompleks at ekstensibo b. Intensibo at ekstensibo d.Skimming at Intensibo
  • 7. Mga layunin: .Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa(F11PB-IIIa98) .Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang Uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa- 88)
  • 8. mapanuring Pagbasa •Anderson at Al.(1985)sa aklat na Becoming A Nation of Readers,ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
  • 9. • Tiniyak nina Wixson at AL(1987)sa artikulong “New Directions in Statewide Reading Assessment”na nailathala sa pahayagang The reading Teachers ang mga pinagmumulan ng kaalaman sa pagbasa.Sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa,tinukoy nila ito bilang isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon ng: • imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa • impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa • Kontekstong kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa •
  • 10. PAGBASA •Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
  • 11. Nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbasa Intensibong pagbasa-ito ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto.Ang uri ng intensibong pagbasa ay itinuturing na pinakahuli o dulong bahagi sa proseso. Ekstensibong Pagbasa-ito ay may kinalaman sa pagbasa sa masaklaw at maramihang materyales.Maghahatid sa mambabasa tungo sa pinakadulong proseso.
  • 12. Intensibo • Douglas Brown(1994)sa kanyang aklat na TEACHING BY PRINCIPLES:AN INTERACTIVE APPROACH TO LANGUAGE PEDAGOGY na ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal,panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan,implikasyon at retorikal na ugnayan ng isang akda.Inilalarawan niya ang intensibong pagbasa bilang isang gawaing gumagamit ng estratehiyang zoom lens o ng malapitan at malalimang pagbasa sa isang akda.
  • 13. INTENSIBO •Ang uri ng pagbasang ito ay kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay ugnay,estruktura,at uri ng diskurso sa loob ng teksto,pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat at paulit ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan.
  • 14. EKSTENSIBO • Brown(1994) ito ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pagunawa sa maramihang bilang ng teksto.Dagdag pa nina LONG AT RICHARD (1987)nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kanyang interes,mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura. • Kadalasan ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha lamang ang “GIST” o pinakaesensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang Malabo o hindi alam ang kahulugan.
  • 15. EKSTENSIBO •Layunin ng ekstensibong pagbasa na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga espesipikong detalye na nakapaloob dito.
  • 16. SCANNING AT SKIMMING Scanning at Skimming ang madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maari ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa.Ayon kay brown (1994)ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa
  • 17. Scanning-mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon
  • 18. Skimming-mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
  • 19. SKIMMING • Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag ala-ala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito
  • 20. • Ginagamit ang skimming bilang bahagi ng metodolohiyang • S-SURVEYING • Q-QUESTIONING • R-READING • R-REVIEWING • RECITING • Kung saan mahalaga ang pagbuo ng inisyal na impresyon sa akda.
  • 21. Antas ng pagbasa Tinukoy ni Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang aklat na “How to read a book ang apat na antas ng pagbasa. Ito ay ang primaryang antas(elementary)mapagsiyasat na antas(inspectional)analitikal na antas(analytical)at sintopikal na antas(syntopical) na bumubuo ng isang hakbang na proseso.Hindi maaaring umusad sa pinakamataas na antas(sintopikal)hanggat hindi pinagdadaanan ang nauna o mas mabababang antas.
  • 22. • Primarya-Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa,setting,lugar o mga tauhan sa isang teksto.Itinuturing na magkahiwalay ang mga impormasyong na mahirap para sa bagong mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto.Nauunawaan lamang ang hiwa hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
  • 23. Hal. sa pagbasa ng maikling kwento ,natutukoy ng mambabasa kung sino ang mga tauhan,katangian nila,setting at mga pangyayari sa kwento ngunit hindi niya mabubuo ang kabuuang interpretasyon nito. Sa antas na ito hindi rin agad nauunawaan ang metapora,imahen,at iba pang simbolismong ginamit sa akda.
  • 24. Mapagsiyasat- Sa antas na ito nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.Sa pamamagitan nito ,nakapagbibigay ng mabisa ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari niya itong basahin ng mas malaliman.Maaaring gamitin ang SKIMMING sa antas na ito.Tinitingnan ng mambabasa ang titulo,heading,at subheading.
  • 25. ANALITIKAL- Sa antas na ito ng pagbasa,ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag- iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.Bahagi ng antas ang pagtatasa sa katumpakan,kaangkupan at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto. Upang makamit ito kailangang isagawa ng mamababasa ang mga sumusunod: .Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto .Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng may akda
  • 26. • Unawain ang mahahalagang terminong ginamit ng may akda tungo sa pag-unawa ng kabuuang teksto • Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang linaw ng may akda • Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may akda • Alamin ang argumento ng may akda • Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may akda ang suliranin ng teksto • Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang,nagkamali o naging ilohikal ang pagpapaliwanag ng may akda
  • 27. • Sa kabuuan ang mapagsiyasat na antas ng pagbasa ang maghahawi tungo sa analitikal na pagbasa.Malalim at mapanuri ang antas na ito,ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng pagbasa
  • 28. • Sintopikal- • Ang salitang syntopical ay binuo ni montimer Adler mula sa salitang syntopican na inimbento at ginamit niya sa aklat na A Syntopican:An Index to the great ideas(1952) na nangangahulugang “koleksyon ng mga paksa”.tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa ibat ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay.
  • 29. •Ano ang kaibhan ng sintopikal at analitikal?
  • 30. • Mula sa analitikal na pagbasa ang limang aklat ay maaari ka ng maging eksperto sa isang tiyak na paksa batay sa kung ano ang sinabi ng mga manunulat sa mga aklat na iyong binasa. • Sa sintopikal na pagbasa,nakabubuo ka ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa mo.
  • 31. 5 hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa • 1.Pagsisiyasat-mahalaga ang pagsisiyasat tungkol sa sintopikal na pagbasa.kailangan mong tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mong pagaralan.Mula sa mga ito kailangang tukuyin kung ano ang mahahalagang bahagi na may kinalaman sa pokus ng iyong pag-aaral. • 2.Asimilasyon-Sa pamamagitan ng paraang ito tinutukoy mo ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may akda upang ipaliwanag ang kanyang kaisipan.Sa asimilasyon,nagdedesisyon ka kung susuhay sa mga naunang terminolohiya ng may akda o gagawa ng sariling kategorisasyon.
  • 32. • 3.Mga Tanong-Sa bahaging ito tinutukoy mo ang mga katanungang nais mong sagutin na hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng may akda.Kailangang iba ang mga tanong na ito sa mga suliraning binuo ng mganaunang eksperto. • 4.Mga Isyu-lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuo mong tanong tungkol sa isang paksa at may magkakaibang pananaw ang mga binasang akda tungkol sa particular na suliraning ito.Kung malalim na naunawaan ang pagpapaliwanag ng mga binasang akda ,natatalakay mo ng maaayos ang bawat panig at makapagbigay ka ng sariling kongklusyon.
  • 33. • 5.kumbersasyon-ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na pagbasa ay hindi ang pangunahing punto at layunin sapagkat laging kuwestyonable ang katotohanan.