SlideShare a Scribd company logo
Ang Tula ay isa ring pagpapahayag ng damdamin, pagbibigay ng mensahe batay sa kanyang
nakikita, naririnig, nararamdaman at karanasan. Malaya nitong nasasabi ang nilalaman ng
puso't isipan ng isang manunulat at binibigkas ito ng may malambing at maamong pananalita.
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay
binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining
ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa
ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at
naaayon sa mabuting panlasa.
Mga Uri ng Tula
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan,
kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng
ibang tao. Ito ay maikli at payak.
Uri ng Tulang Liriko
Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan,
pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay
tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla
ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang
tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at
kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga
kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at
maituturing na kababalaghan.
b. Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng
mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba
pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido
ay dala rito ng mga Kastila.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa
araw-araw na buhay.
3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
4. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa
uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
Mga Sangkap ng Tula
1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod
ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig.
2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. May
dalawang uri ng tugma:
a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at
maragsa ay magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang
tugma.
b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay
nagtatapos sa isang tunog.
3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin
ditto ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang
ipinahahayag ng mga taludtod.
4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang
tinutukoy. Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig” ay
ang magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona
Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang
pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at
matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa
paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at
maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang
kahoy na malabay
Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

More Related Content

PPTX
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
PPTX
SABAYANG-PAGBIGKAS.pptx
PPT
Aralin 1.1 Ang Ama ni Mauro R. Avena
PDF
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
PPTX
Filipino 8 Epiko
PPTX
Retorikal na pag uugnay
PPTX
Grade 8. Sarsuwela
PPTX
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
SABAYANG-PAGBIGKAS.pptx
Aralin 1.1 Ang Ama ni Mauro R. Avena
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
Filipino 8 Epiko
Retorikal na pag uugnay
Grade 8. Sarsuwela

What's hot (20)

PPTX
PPTX
PPTX
ANG MGA DALIT KAY MARIA.pptx
PPTX
KAALAMANG BAYAN
DOCX
Uri ng tula
PPTX
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
PPTX
Epiko
PPTX
Epiko grade 8
PPTX
Mga ponemang suprasegmental
PPTX
Aralin 1.1: Cupid at Psyche
PPTX
Ponemang suprasegmental
PDF
Kultura pamana-reaglo-buhay
PPTX
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
PPTX
pagpapahayag ng sariling damdamin
PPTX
PANUNURING PAMPANITIKAN PPT.pptx
PPTX
Ang tugmang de gulong
PPTX
Isang punongkahoy
PPTX
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
PPTX
Kasaysayan ng Sanaysay
ANG MGA DALIT KAY MARIA.pptx
KAALAMANG BAYAN
Uri ng tula
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Epiko
Epiko grade 8
Mga ponemang suprasegmental
Aralin 1.1: Cupid at Psyche
Ponemang suprasegmental
Kultura pamana-reaglo-buhay
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
pagpapahayag ng sariling damdamin
PANUNURING PAMPANITIKAN PPT.pptx
Ang tugmang de gulong
Isang punongkahoy
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
Kasaysayan ng Sanaysay
Ad

Similar to Tula elemento uri atbp (20)

PPTX
Kahulugan at mga katangian ng isang tula
PPT
ARALIN SA filipino-tula AT MGA URI NG TULA
PPTX
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya IITula at Bugtong_013029.pptx
PPTX
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 2 Tula at Bugtong_013029.pptx
PPTX
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya Tula at Bugtong_013029.pptx
PPT
256246049-ang-tula-ppt.powerpointpresentation
PPTX
Anyo at kahalagahan ng panitikan
PPT
Filipino tula-compatible
PPTX
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
PPTX
Brown Beige Vintage Group Project Presentation.pptx
PPTX
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
PPTX
filipino-tula-compatible-151216101857.pptx
PDF
jhcbsksjhsbsiTinig-ng-Ligaw-na-Gansa.pdf
PPTX
PPTX
Uri ng tula o tulang tagalog
PPTX
KABANATA-1 2.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
PPT
maam leng _ tila _ ppt 3rd yr.ppt1231347
PPTX
Beige Dark Grey Vintage Victorian Project History Presentation.pptx
PPT
Tulang Di Piksyon
PPT
Tula
Kahulugan at mga katangian ng isang tula
ARALIN SA filipino-tula AT MGA URI NG TULA
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya IITula at Bugtong_013029.pptx
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 2 Tula at Bugtong_013029.pptx
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya Tula at Bugtong_013029.pptx
256246049-ang-tula-ppt.powerpointpresentation
Anyo at kahalagahan ng panitikan
Filipino tula-compatible
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Brown Beige Vintage Group Project Presentation.pptx
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
filipino-tula-compatible-151216101857.pptx
jhcbsksjhsbsiTinig-ng-Ligaw-na-Gansa.pdf
Uri ng tula o tulang tagalog
KABANATA-1 2.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
maam leng _ tila _ ppt 3rd yr.ppt1231347
Beige Dark Grey Vintage Victorian Project History Presentation.pptx
Tulang Di Piksyon
Tula
Ad

More from SRG Villafuerte (9)

DOCX
Mga Assignment
DOCX
Pa Search
DOCX
Mga Assignment
DOCX
Ang elastisidad
DOCX
Parts of the microscope
DOCX
Ang pamahalaan at pamilihan
DOCX
Japanese and korean instruments
DOCX
Dishwashing procedure
DOCX
Pamahalaan
Mga Assignment
Pa Search
Mga Assignment
Ang elastisidad
Parts of the microscope
Ang pamahalaan at pamilihan
Japanese and korean instruments
Dishwashing procedure
Pamahalaan

Recently uploaded (20)

PPTX
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 3 ESTRUKTURANG PANLIPUNAN SA IBA'T IBANG BAHAG...
PPTX
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
PPTX
GRADE FIVE, WEEK SEVEN, QUARTER ONE GMRC.pptx
PPTX
Grade 11 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pptx
PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-2.pptxhahhahbbbhs
PPTX
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
PPTX
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
PPTX
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
PPTX
Module-1-Q1-Filipino.KPWKP..Grade11.pptx
PPTX
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
PPTX
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
PDF
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
PPTX
AP 7 Q1-2 mainland at insular NG TIMOG SILANGANG ASYA.pptx
PPTX
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
PPTX
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
PPTX
Q1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 G...
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 3 ESTRUKTURANG PANLIPUNAN SA IBA'T IBANG BAHAG...
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
GRADE FIVE, WEEK SEVEN, QUARTER ONE GMRC.pptx
Grade 11 KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA.pptx
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-2.pptxhahhahbbbhs
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
Module-1-Q1-Filipino.KPWKP..Grade11.pptx
GMRC 4 MATATAG POWERPOINT. PPT Q1 WEEK 1
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
AP 7 Q1-2 mainland at insular NG TIMOG SILANGANG ASYA.pptx
WEEK 8-sanaysay at burador sa filipino 8.pptx
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
Q1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 G...

Tula elemento uri atbp

  • 1. Ang Tula ay isa ring pagpapahayag ng damdamin, pagbibigay ng mensahe batay sa kanyang nakikita, naririnig, nararamdaman at karanasan. Malaya nitong nasasabi ang nilalaman ng puso't isipan ng isang manunulat at binibigkas ito ng may malambing at maamong pananalita. Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Mga Uri ng Tula 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak. Uri ng Tulang Liriko Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay. 2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. Uri ng Tulang Pasalaysay a. Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan. b. Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. 3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan 4. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya. Mga Sangkap ng Tula
  • 2. 1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig. 2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. May dalawang uri ng tugma: a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma. b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay nagtatapos sa isang tunog. 3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng mga taludtod. 4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig” ay ang magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan. Mga Elemento ng Tula 1. Sukat 2. Saknong 3. Tugma 4. Kariktan 5. Talinhaga 6. Anyo 7. Tono/Indayog 8. Persona Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. Halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig Mga uri ng sukat 1. Wawaluhin – Halimbawa: Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis 2. Lalabindalawahin – Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat 3. Lalabing-animin – Halimbawa: Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid 4. Lalabingwaluhin – Halimbawa: Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay Saknong Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya - couplet 3 linya - tercet 4 linya - quatrain 5 linya – quintet 6 linya - sestet 7 linya - septet 8 linya - octave Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.