3. Layunin :
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at
kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita at
pagpapadama ng kahalagahan ng pagbibigay pag-asa sa iba.
(ESP4PD-IVa-c-10) (ESP5PD-IVe-i-14) (ESP6PD-IVa-i-16
4. Paksa/Pagpapahalaga :Pag-asa
Mga Kagamitan
ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Pentel Pen, Gunting,
Glue, Tasrt, Masking Tape.
Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura
Nakalaang Oras Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto))
5. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, tayong lahat ay
may pananagutan sa isat- isa”, yan ang ayon sa awiting Pananagutan.
Lahat tayo ay may kakayanang tumulong sa nangangailangan, lalo na sa
mga nawawalan ng pag-asa. Kung kayat ang pagkakaroon ng pag-asa ay
repleksyon ng ating pagmamahal sa Diyos. Kapag tayo’y umaasam, tayo’y
nagtitiwala na matutupad ang ating mga ninanais. May mga panahon ding
nawawalan tayo ng pag-asa lalo na kung nakararanas tayo ng mga
kalamidad o kaya naman ay nagkakasakit tayo. Sa ganitong pagkakataon
kailangan nating maging matatag at huwag mawawalan ng pag-asa upang
maging inspirasyon tayo ng iba.
PANIMULA
6. ALAMIN NATIN (30 minuto)
I. Panimulang Gawain Panuto: Paano mo mabibigayn ng pag-asa ang pamilyang nasa
larawan. Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.
7. ALAMIN NATIN (30 minuto)
II. Pagganyak Panoorin ang video clip (Paper Boat)
https://www.youtube.com/watch?v=6dZ7b7Bimrc
III. Pagpapalawig Sinu-sino ang mga tauhan sa napanood
nating video clip?
a. Anu-anong katangian ang masasabi niyo sa kanila?
b. Kung ikaw ang tauhan sa video ano naman ang iyong
gagawin? Tutularan mo ba siya? Bakit?
9. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Panuto: Pag-aralan ang nasa larawan. Paano niyo bibigyang pag-asa
ang mga sumusunod:
ISAGAWA NATIN (30 minuto)
11. ISAPUSO NATIN(30 minuto)
Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer. Punan ng mga nais mong gawin upang pasayahin at bigyan ng pag-asa ang mga
taong nangangailangan. Ibahagi ito sa klase.
12. TANDAAN
Lahat ng tao ay nangangailangan, mayaman man ito o mahirap. Ang mahihirap ay hindi
lang humihingi ng tulong kundi may kakayahan ding nakapagbigay din ng tulong sa
ibang tao, gayundin ang mga mayayaman. Mga halimbawa ito na nakapagbibigay ng
pag-asa ang bawat isa.
Ang pagbibigay pag-asa sa iba di lang sa mga kaibigan at kakilala ay isang
napakahalagang katangian. Paraan ito ng pagpapakita ng ating pagmamahal sa
Panginoon nating Diyos at nabibigyan sila ng isa pang pagkakataon upang muling
maging masaya at magkaroon ng panibagong buhay.
ISAPUSO NATIN(30 minuto)
14. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na salaysay.
_________ 1. Ang iyong kaibigan ay huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay.
Sinabi mo ito sa magulang mo upang matulungan siya.
_________ 2. May kaklase kang may kapansanan na laging tinutukso ng iyong mga
kamag-aral, hinayaan mo lang silang kutyain siya dahil ito ang nararapat.
_________ 3. May sakit na Cancer ang Nanay ng iyong kamag-aral. Kung kayat
nagpasya kang dalawin ito.
_________ 4. Upang gumaan ang kalooban ng iyong kaibigang namatay ang kanyang
Tatay, sinamahan mo siyang uminom ng alak.
_________ 5. Nakita mo ang isa mong kamag-aral na nag-iisa tuwing recess time at
hindi makabili ng merienda dahil wala siyang baon, kaya tinawag mo siya upang
sumabay sa iyo upang ilibre mo siya.
Ipoproseso ng guro ang sagot sa bawat aytem.
ISABUHAY NATIN(30 minuto)
16. SUBUKIN NATIN(30 minuto)
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Mamili kung
ano ang maaari mong gawin:
A. Poster C. Tula
B. Slogan D. Awit
Ang mag-aaral na nasa ika-anim na baitang ay nangalap ng pagkain,
damit, mga groceries para sa nasalanta ng bagyo. Nagpunta sila sa
evacuation center upang maibigay ang kanilang tulong sa mga biktima.
Naramdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa
sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito.