4. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
alalaong baga
baka sakali
bagaman
kung
kaya nga
sa bagay na ito
sa halip na
kung hindi
sa katagang sabi
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
5. Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang
tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang
mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.
Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng
pangungusap.
FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANGATNIG
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
6. 1.Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.
2.Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.
3.Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?
4.Gusto kong bumait pero di ko magawa.
5.Bibigyan kita ng lobo kung bibigyan mo rin ako ng
laruan.
FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
MGAHALIMBAWANG
PANGATNIGSAPANGUNGUSAP
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
7. 6. Pag-usapan natin ang bukas habang tayo’y namamasyal.
7. Magtanim ka ng puno upang di bumaha.
8. Magdala ka ng pala saka walis.
9. Pupunta ka lang kina Myla kapag kasama ako.
10. Kinagigiliwan ng lahat si Aira dahil masayahin siyang
dalaga.
FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
MGAHALIMBAWANG
PANGATNIGSAPANGUNGUSAP
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
9. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANLINAW
Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit. Maaari itong gamitan ng
mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
10. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANLINAW
• Nag-usap na kami sa baranggay kung kaya ang
kasong ito ay tapos na.
• Umamin na si Mando kaya makakalaya na ang
napagbintangang si Rico.
• Ang prinsipal ay umuwi na, kung gayon ay maaari na
rin tayong umuwi.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
11. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANUBALI
Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung, sakali, disin sana,
kapag, o pag.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
12. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANUBALI
• Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw
mong mapalo.
• Sakaling hindi ako makapunta bukas, sabihin mo na
lang sa akin ang mapag-uusapan sa pulong.
• Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho,
disin sana‘y may maiipon ka bago mag-pasko.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
13. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANINSAY
Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang
bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi
nito.
Maaari itong gamitan ng mga salitang ngunit,
datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, o
kahit.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
14. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANINSAY
• Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay
pinagalitan ako ni Nanay.
• Yumaman si Arriane kahit galing siya sa hirap.
• Nakakuha ako ng mataas na marka sa pagsusulit
bagaman hindi ako nakapag-review.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
15. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PAMUKOD
Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang
isa o ilang bagay o kaisipan. Maaari itong gamitan
ng mga salitang o, ni, maging, at man.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
16. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PAMUKOD
• Ni tumawag ni mangumusta ay di man lang nya
ginawa.
• Ako man ay ayaw rin sa liderato niya.
• Mahal kita maging sino ka man.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
17. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANANHI
Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o
katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong
gamitan ng mga salitang dahil sa, sanhi sa, sapagkat,
o mangyari.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
18. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANANHI
• Nagkasira-sira ang bahay ni Ka Pilo dahil sa bagyo.
• Sanhi sa pabago-bagong panahon kaya siya
nagkasakit.
• Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy ay
walang disiplina.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
19. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANAPOS
Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng
pagsasalita. Maaari itong gamitan ng mga salitang
sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, o sa bagay na
ito.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
20. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANAPOS
• Sa wakas ay makakauwi na rin tayo.
• Sa di-kawasa, ang klase ngayong araw ay tapos na.
• Sa bagay na ito, hayaan nating ang Diyos ang
magpasya.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
21. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANIMBANG
Ito ay ginagamit sa paghahayag ng karagdagang
impormasyon o kaisipan. Maaari itong gamitan ng
mga salitang at, saka, pati, kaya, o anupa’t.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
22. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANIMBANG
• Ikaw at ako ay mahilig kumain.
• Pati tindahan ng matanda ay kanyang ninakawan.
• Singkamas at saka talong ang mga paborito kong
gulay.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
23. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PAMANGGIT
Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw
ng iba. Maaari itong gamitan ng mga salitang daw,
raw, sa ganang akin/iyo, o di umano.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
24. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PAMANGGIT
• Ako raw ang dahilan ng kanyang pagbagsak.
• Sa ganang akin, ikaw ang pinakagwapo sa lahat.
• Si Jessica di umano ang unang bumato sa puno ng
bayabas.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
25. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANULAD
Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
Maaari itong gamitan ng mga salitang kung sino…
siyang, kung ano… siya rin, o kung gaano… siya rin.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
26. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANULAD
• Kung sino ang may sala, siyang dapat managot.
• Kung gaano kalaki ang inumit, siya ring dapat
bayaran.
• Kung ano ang puno, siya ring bunga.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
27. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANTULONG
Nag-uugnay ito ng nakapag-iisa at hindi nakapag-
iisang mga salita, parirala o sugnay. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung, kapag, upang, para,
nang, sapagkat, o dahil sa.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
28. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANTULONG
• Ginagalingan niya sa klase para mataas ang gradong
makuha niya.
• Makakapaglaro lang ako kapag natapos ko ang aking
takdang aralin.
• Nag-aaral siyang mabuti upang matuwa ang
kanyang mga magulang.
HALIMBAWA:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
30. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANGATNIGNA
NAG-UUGNAYSAMAGKATIMBANGNAYUNIT
Sa pangkat na ito pinagbubuklod ang kaisipang
pinag-uugnay. Ginagamitan ito ng mga salitang o,
ni, maging, at, ‘t, at kundi.
Ang pangkat ding ito ng pangatnig ay maaaring
pasalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang
ipinahahayag ng nauuna.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
33. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
PANGATNIGNA
NAG-UUGNAYSADI-MAGKATIMBANGNAYUNIT
Ang pangkat na ito ay maaaring nagpapakilala ng
sanhi o dahilan gaya ng mga salitang dahil sa,
sapagkat, o palibhasa. Maaari ring gumamit ng mga
salitang kung, kapag, pag, at mga pangatnig na
panlinaw gaya ng kaya, kung gayon, o sana.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
37. FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
GAMITBILANG
PAG-UGNAYSADALAWANGPARIRALA
• Ang pag-awit sa entablado at paglalaro ng
basketbol ang paborito kong libangan.
• Mayroon akong mga alagang hayop at mga
tanim na halaman sa aming bakuran.
• Ayaw kumain saka nagkasakit ng malubha ang
aso kaya namatay.
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
HALIMBAWA:
38. Ang mga transitional devices ay mga insturmento na
ating ginagamit sa pagsusulat. Ito ay mga salita o
parilala na nagbibigay sa mga manunulat ng paraan
upang magdala ng kaisipan mula sa isang
pangungusap patungo sa isa pa.
FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
TRANSITIONALDEVICES
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
39. • Sumunod
• Sa positibong panig.
• Pagkatapos
• Una
• Sa katunayan
FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
TRANSITIONALDEVICES
• Sa kabilang banda.
• Gayunpaman
• Pagkatapos
• Sa wakas
• Sa negatibong panig
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
HALIMBAWA:
40. • Bago
• Bukod sa
• Bilang karagdagan.
• Bagaman
• Lalo na
FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO
TRANSITIONALDEVICES
• Partikular sa
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
HALIMBAWA:
41. MGASANGGUNIAN:
DAMULAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
303366 - ALBUERA, LEYTE
FILIPINO 9 SY 2025-2026
PANITIKANG ASYANO
https://noypi.com.ph/pangatnig/
Kinuhanoongika23ngHunyo,2025.
https://philnews.ph/2021/08/25/transitional-devices-
in-tagalog-halimbawa-at-kahulugan/
Kinuhanoongika23ngHunyo,2025.