AP 7 WEEK 5.pptx austrenesian powerpoint presentation
4. ANG AUSTRONESIAN AT TEORYANG
MAINLAND ORIGIN HYPOTHESIS
• Ang pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian
ay tinatawag na Austronesian. Nanirahan sila sa gawing Timog-
Silangang Asya., Polynesia, at Oceana. Ayon sa mga pag-aaral, ang
mga unang dumating na Austronesian ay nanatili sa Hilagang Luzon
at nadatnan ang mga Austral-Melanasian na nauna nang nanirahan
doon. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ulit ng migrasyon
hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan hanggang sa mga
isla ng Celebes, Borneo, at Indonesia.
5. • Ayon sa arkeologong Australian na si Peter
Bellwood, isang dalubhasa sa mga pag aaral ng
populasyon sa Timog-silangang Asya at sa Pacific.
Ipinaliwanag sa kanyang Teorya ng Austranesian
Migration ang dahilan ng pagkakatulad sa kultura,
wika, at pisikal na katangian ng mga bansa sa Asya.
6. • Ang mga Austronesian ang ninuno ng mga Pilipino. Ang mga
taong nagsasalita ng Austronesian ang ninuno ng lahat ng mga
tao sa Timog-silangang Asya. Noong 2500 B.C.E. ang mga
Austronesian ay nakarating sa Pilipinas mula sa Taiwan. Sa Timog
China naman ang orihinal na pinagmulan ng mga taong ito. Ito
ay kinilalang Teoryang Austronesian Migration.
7. • Kilala rin ang teoryang ito bilang, Mainland Origin
Hypothesis, na kung saan binigyang diin na nagmula ang
mga Austronesian sa timog China na naglakbay sa Taiwan at
nagtungo sa hilagang Pilipinas. Mula sa Pilipinas ay nagtungo
naman sa Indonesia. Ang iba ay nagtungo sa Malaysia,
gayundin sa New Guinea, Samoa, Hawaii, Eastern Island
hanggang Madagascar.
8. •Ito rin ang naging batayan ni Bellwood
sa kaniyang teorya sa pagkakatulad
ng wikang gamit sa Timog-silangang
Asya at sa Pacific.
9. IMPERYONG MARITIMA (INSULAR)
PILIPINAS (BAGO ANG 1565)
• Tinawag na Maritima o insular ang bansang Pilipinas dahil ito ay
napaliligiran ng tubig. Sa panahong ito, ang Pilipinas ay binubuo
ng mga barangay sa Luzon at Visayas at tanging Mindanao ang
yumakap sa relihiyong Islam. Nagtatag ng mga Sultanato sa Lanao
at Sulu. Makikita rin ang mga impluwensya ng Tsino sa ating
kultura. Gayun din ang mga impluwensyang Muslim na nakikita
sa pamumuhay ng mga mamamayan sa Mindanao.
10. INTEGRASYON NG MIGRASYON
• Ang migrasyon o pandarayuhan sa loob ng isang bansa at maging sa ibang bansa
ay mahalagang salik sa pagtataya ng kaunlarang pangkabuhayan. Ito ay hindi na
bagong pangyayari sapagkat ang prosesong ito ay bahagi na ng mahabang
kasaysayan ng Asya. Dahil sa migrasyon ay napaunlad ang mga pamayanan dahil
sa paninirahan ng ating mga ninuno na pinagmulan ng ating lahi. Maaari na rin
ituring ang migrasyon bilang salik ng pagpapaunlad ng isang lipunan at estado.
Halimbawa na rito ang kasaysayan ng Timog-silangang Asya, ang pandrayuhan
na isinagawa ng mga Indian at Tsino na nagresulta sa pagdami ng kanilang bilang
sa nabanggit na lugar at sa pagunlad ng ekonomiya ng rehiyon.
12. Gawain: PAGBUBUOD Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na lilinang sa paksang
nakalahad. Pillin sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian ay tinatawag na (1)
_______________. Nanirahan sila sa gawing Timog-Silangang Asya., Polynesia, at Oceana. Ayon
sa mga pag-aaral, ang mga unang dumating na Austronesian ay nanatili sa Hilagang Luzon at
nadatnan ang mga Austral Melanasian na nauna nang nanirahan doon. Sa paglipas ng panahon
nagkaroon ulit ng (2) ________________ hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan
hanggang sa mga isla ng Celebes, Borneo, at Indonesia. Ayon sa arkeologong Australian na si (3)
__________________, isang dalubhasa sa mga pag-aaral ng populasyon sa Timog-silangang Asya
at sa (4)_______________. Ipinaliwanag sa kanyang Teorya ng Austranesian Migration ang dahilan
ng pagkakatulad sa kultura, (5) _____________, at pisikal na katangian ng mga bansa sa Asya. Ang
mga Austronesian ang (6)____________ ng mga Pilipino. Ang mga taong nagsasalita ng
Austronesian ang ninuno ng lahat ng mga tao sa Timog-silangang Asya. Noong 2500 B.C.E. ang
mga Austronesian ay nakarating sa Pilipinas mula sa (7) _______________. Sa Timog
(8)___________ naman ang orihinal na pinagmulan ng mga taong ito. Ito ay kinilalang Teoryang
Austronesian Migration. Kilala rin ang teoryang ito bilang, (9)_______________ Origin Hypothesis,
na kung saan binigyang diin na nagmula ang mga Austronesian sa timog China na naglakbay sa
Taiwan at nagtungo sa hilagang Pilipinas. Mula sa Pilipinas ay nagtungo naman sa (10)
________________. Ang iba ay nagtungo sa Malaysia, gayundin sa New Guinea, Samoa, Hawaii,
Eastern Island hanggang Madagascar. Ito rin ang naging batayan ni Bellwood sa kaniyang teorya sa
pagkakatulad ng wikang gamit sa Timog-silangang Asya at sa Pacific