3. 3
BAITANG 4 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 16
Pagtangkilik sa Sariling Produkto ng
Bansa
Maraming produkto ang
nagagawa sa ating bansa.
Dapat nating ipagmalaki
ang mga produktong ito.
Mahalaga ang pagtangkilik
sa mga sariling produkto
ng bansa. Malaki ang
maitutulong nito sa
pagpapasigla ng
ekonomiya. Kung sisigla
ang ekonomiya, uunlad
din ang pamumuhay sa
bansa. Sisigla ang mga negosyo at magkakaroon ng mas maraming trabaho.
• Ano-ano ang produkto ng Pilipinas?
• Paano natin maipakikita ang pagtangkilik sa mga produkto ng ating
bansa?
• Bakit mahalaga ang pagtangkilik sa mga produkto ng Pilipinas?
Saklaw ng yunit na ito ang pag-aaral ng mga ipinagmamalaking produkto ng
Pilipinas, mga paraan ng pagpapakita ng pagtangkilik, at ang kahalagahan ng
pagtangkilik sa mga produktong ito.
Pindutin ang Home button para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman
Sagana ang Bohol sa mga produktong gawang kamay.
4. 4
Aralin 1
Mga Ipinagmamalaking Produkto ng Bansa
Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay isang malaking dahilan o salik ng
pagkakaroon nito ng iba’t ibang natatanging produkto na kilala sa buong
mundo. Sagana ang Pilipinas sa mga produktong nagmumula sa karagatan,
kapatagan, kabundukan, at iba pa. Ang mga rehiyon ng bansa ay may kani-
kaniyang natatanging produkto na naipagmamalaki sa mundo.
• Ano ang mga pangunahing produkto ng Luzon, Visayas, at Mindanao?
• Bakit maituturing na natatangi ang mga produktong Pilipino?
• Paano mo maipagmamalaki ang sariling produkto?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naibibigay
ang ilan sa pangunahing produkto ng bansa.
Isa sa mga ipinagmamalaking produktong Pilipino ay
ang pinatuyong mangga.
5. 5
Tukuyin ang lugar na pinagmumulan ng produkto: LUZON, VISAYAS, o
MINDANAO. Isulat ang sagot sa patlang.
1.
2.
3.
4.
5.
Subukan Natin
6. 6
Ang Pilipinas ay isang kapuluan.
Ibig sabihin, napalilibutan ito ng
malalaking anyong tubig. Ang mga
ito ay sagana sa iba’t ibang uri ng
isda at lamang dagat. Dahil dito,
pangingisda ang pangunahing
kabuhayan ng mga Pilipinong
malalapit sa mga anyong-tubig.
Mayroon ding malalawak na
kapatagan at lupang sakahan ang
Pilipinas. Maganda at malusog ang
lupa sa bansa kaya mainam
pagtaniman. Pagsasaka naman ang
kabuhayan ng mga Pilipino sa mga kapatagan at talampas.
Ang mga rehiyon ng bansa ay may kani-kaniyang natatanging produkto na
maipagmamalaki sa mundo. Halimbawa, ang Lungsod ng Baguio sa Luzon ay
kilala sa kanilang ube. Ang Guimaras sa Visayas ay kilala naman sa kanilang
napakatamis na mangga. Sikat naman ang durian sa Davao sa Mindanao.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• mainam – angkop; mabuti
• talampas – patag sa tuktok ng
bundok
• abel Iloko – lokal na tela na
yari sa pinagtagpi-tagping
sinulid
• basi – alak mula sa tubo
7. 7
Ang mapa ng mga produkto ay nagpapakita ng mga produkto na
mabibili sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Pag-aralan ang mapa sa kasunod na
pahina. Matutukoy mo ba ang mga produktong makukuha sa inyong
lalawigan at rehiyon?
Mapa ng mga
Produkto ng Pilipinas
8. 8
Mga Pangunahing Produkto ng Luzon
Bawat rehiyon ng bansa ay may natatanging produkto. Bunga ito ng
masaganang likas na yaman ng bansa. Ang Luzon ay binubuo ng pitong
rehiyon. Malaking bahagi nito ay malalawak na lupang sakahan at matataas
na bundok. Dahil dito, mayaman ang rehiyon sa mga produktong agrikultural.
Pag-aralan natin ang mga produktong matatagpuan dito.
Rehiyon Pangunahing Produkto
Rehiyon I (Ilocos) • palay, tabako, bulak, maguey, mais, kamatis,
saging, tubo, mangga, niyog, mga gulay
• bangus, bagoong, asin
• abel Iloko, burnay, basi
Nasa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales ang
pinakamalalawak na taniman ng palay sa Pilipinas.
9. 9
Rehiyon II
(Cagayan)
• tabako
• matitigas na kahoy (apitong, bitaog, dao, ipil,
kalantas, kamagong, mulawin, at nara)
• rattan at handicrafts
• mga punong namumunga
Rehiyon III
(Gitnang Luzon)
• palay/bigas
• tubo, tabako, mga gulay
• karneng baboy, itlog ng manok
• processed meat (tocino, hamon, at longganisa),
sisig
• bangus, tilapia, alimango, sugpo, tinapa
• chromite, tanso, bakal, marmol, batong-apog o
limestone, manganese, buhangin, bato, luwad
Rehiyon IV-A
(CALABARZON)
• palay/bigas, niyog, kape
• saging, kalamansi, pinya, lanzones, rambutan,
dalanghita
• barong Tagalog, binurdahang saya
• nilalang sambalilo at bag
• inukit na kahoy, papier mache o taka
• mga gawang tsinelas at sapatos
• mga kakanin (puto, kutsinta, suman, at biko)
Rehiyon IV-B
(MIMAROPA)
• niyog at kopra
• mais, mangga, saging, kalamansi, iba pang
prutas
• sitaw, kalabasa, ampalaya
• buto ng kasoy
• asin
• bangus, tilapia, karpa, alimango, sugpo
• marmol
• tanso, nickel, chromite
10. 10
Rehiyon V (Bikol) • abaka (lubid, bag, tsinelas, mga dekorasyon)
• niyog, pili
• troso, nito, rattan (basket, upuan, lampara)
• ginto, chromite, zinc, tingga, tanso, pilak
Cordillera
Autonomous
Region (CAR)
• gulay, strawberry, dayap
• ginto, tanso, pilak
• muwebles at gamit pandekorasyon
National Capital
Region (NCR)
• sapatos
• balut
• iba’t ibang kasangkapan at kagamitan
Mga Pangunahing Produkto ng Visayas
Ang Visayas ay binubuo ng mga pulo.
Napalilibutan ito ng malalaking anyong
tubig. Dahil dito, pangingisda ang
pangunahing hanapbuhay sa mga rehiyon
nito. Tingnan ang mga pangunahing
produktong matatagpuan sa bawat
rehiyon.
Rehiyon Pangunahing Produkto
Rehiyon VI
(Kanlurang
Visayas)
• palay
• tubo at asukal
• mangga (puree, kendi, jam o dried mangoes)
• isda at mga lamang-dagat
• hablon (patadyong), piña at jusi (barong)
• pancit Molo, La Paz batchoy, piaya
Lechong Cebu
11. 11
Rehiyon VII
(Gitnang Visayas)
• tubo at asukal
• kapok
• niyog, tabako, mga gulay
• isda at lamang-dagat
• danggit, dried mangoes, otap, lechon
• gitara
• seramika
• tanso, mangenese, uranium
Rehiyon VIII
(Silangang
Visayas)
• niyog, palay, tabako
• kamote, saging, pinya, papaya
• abaka, tubo
• tanso, batong-apog, phosphate, aspalto
• mga muwebles, basket na rattan
• isda at mga lamang-dagat
• banig
Mga Pangunahing Produkto ng Mindanao
Ang Mindanao ang ikalawang pinakamalaking pulo sa bansa. Mayroon ditong
malalawak na lupain na mainam para sa pagsasaka. Sagana rin sa isda at mga
lamang dagat ang katubigang nakapalibot dito. Pag-aralan ang mga
produktong makukuha sa mga rehiyon ng Mindanao.
Rehiyon Pangunahing Produkto
Rehiyon IX
(Tangway ng
Zamboanga)
• kabibe at isda (sardinas, mackerel, at tuna
• kape, niyog, cacao, tubo, African palm
• durian, marang, citrus, mangosteen
• goma
12. 12
Rehiyon X
(Hilagang
Mindanao)
• pinya, saging, lanzones, mangga
• palay, niyog, mais, abaka, kape, sibuyas, langka,
saging
• tangile, mayapis, mulaein, apitong, yantok,
kawayan
Rehiyon XI (Davao) • palay/bigas, mais, niyog, kape, mga gulay
• mangosteen, saging, pomelo, papaya, marang,
durian, rambutan, dalanghita
• mga halamang namumulaklak, orkidyas,
walingwaling
• ginto, chromite, nickel, manganese, tanso
• tuna, kabibe, mga halamang-dagat
Rehiyon XII
(SOCCSKSARGEN)
• palay, mais, niyog, mga gulay
• pinya, durian, marang, saging
• goma
• abaka, rami
• tuna, mackerel
• tanso
Rehiyon XIII
(Caraga)
• palay, mais, niyog, saging, mga gulay
• papel
• tuna, sugpo, hipon, alimango
• ginto, pilak, tanso, bakal, chromite, manganese,
nickel
Autonomous
Region of Muslim
Mindanao (ARMM)
• palay, durian, mga prutas
• niyog at kopra
• goma
• kamoteng kahoy
• perlas
• agar-agar, gulaman
13. 13
• mga kasangkapang tanso
• malong at mga hinabing tela
• makukulay na banig
• bangka
Napakaraming produkto ng bansa ang dapat ipagmalaki ng mga Pilipino.
Katunayan, marami sa produktong ito ay iniluluwas o inie-export sa ibang
bansa. Ilan dito ang woodcrafts at furniture, food products kagaya ng asukal,
saging, at buko; marine products katulad ng asin, seaweed, isda, at shell fish;
household items o mga kagamitang pambahay, mga damit, bag at fashion
accessories, at marami pang iba.
Ang saging ay isa sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas.
14. 14
Tukuyin kung saan (LUZON, VISAYAS, o MINDANAO) nagmumula o
ginagawa ang sumusunod na mga produkto.
___________ 1. processed meat kagaya ng tocino, hamon, at longganisa
___________ 2. palay, durian, mga prutas
___________ 3. danggit, dried mangoes, otap, lechon
___________ 4. abaka na ginawang lubid, bag, tsinelas, at mga dekorasyon
___________ 5. sapatos
___________ 6. pancit Molo, La Paz batchoy, piaya
___________ 7. malong at mga hinabing tela
___________ 8. kabibe at isda (sardinas, mackerel, at tuna)
___________ 9. hablon (patadyong), piña at jusi (barong)
__________ 10. bigas, niyog, kap
Suriin Natin
15. 15
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Saan maaaring sumangguni upang malaman ang iba’t ibang produkto
ng bawat rehiyon ng bansa?
2. Ano ang karaniwang kabuhayan ng mga tao sa bansa?
3. Ano-ano ang lokal na produktong na ini-export at ipinagmamalaki ng
Pilipinas sa mundo?
Ano ang pinakamahalagang natutuhan mo tungkol sa pagtangkilk sa mga
produktong Pilipino?
Sa isang malinis na papel, gumuhit ng sariling product map ng mga
natatanging lokal na produkto na nagmumula, ginagawa, o mabibili sa inyong
lalawigan o bayan. Ipinapayo ang pananaliksik o pagtatanong sa mas
nakatatanda.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Nilalaman Mula sa
inaasahan,
mas mababa
kaysa sa
Mula sa
inaasahan,
kalahati
lamang ang
Detalyado
ang
nilalaman ng
product map,
Kumpleto,
detalyado, at
tama ang
nilalaman ng
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
16. 16
kalahati
lamang ang
nilalaman ng
product map,
maraming
produkto ang
kulang at ang
iba ay hindi
kasali
nilalaman ng
product map,
maraming
produkto ang
kulang at ang
iba ay hindi
kasali
subalit may
ilang
produktong
hindi kasali;
nakapagtala
ng inaasahan
product map;
nakapagtala
ng higit sa
inaasahan
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng mapa;
napakaraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
mapa;
maraming
nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
mapa; may
ilang
nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos
at napakalinis
ng mapa;
walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng gawain sa
loob ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng gawain sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng gawain sa
itinakdang
minuto/oras/
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng gawain
bago pa ang
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
17. 17
Aralin 2
Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagtangkilik sa
mga Produkto ng Bansa
Sa pamamagitan ng
pagtangkilik ng sariling
produkto ay naipakikita
natin ang pagmamahal sa
ating bansa. Ito ay
malaking ambag para sa
ikauunlad ng kabuhayan
ng Pilipinas. Bukod rito,
sa simpleng pagtangkilik,
naipadarama rin natin ang
diwa o damdaming
makabayan.
• Ano ang mga paraan para maipakita ang pagtangkilik sa mga
produktong Pilipino?
• Bakit kailangang tangkilikin ang mga produktong Pilipino? Paano mo ito
maipakikita?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy
ang mga paraan sa pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.
Ugaliing bumili, tumangkilik, at ipagmalaki
ang sariling produkto.
18. 18
Sagutin nang buong katapatan ang bawat tanong sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek sa katapat na kahon.
Tanong
Sagot
Opo Hindi po
1. Bumili ka ba ng mga produktong gawa sa
Pilipinas?
2. Ipino-promote mo ba ang produktong
Pilipino sa iyong mga kaibigan sa labas ng
bansa?
3. Mas pinipili mo ba ang mga produktong
Pilipino kaysa sa mga produktong imported?
4. Kung may pagkakataon, gusto mo bang
dumalo sa mga trade fair at bumili ng mga
produktong gawa ng mga Pilipino?
5. May pagmamalaki mo bang ipino-post
ang mga produktong Pilipino sa mga social
networking site?
Subukan Natin
19. 19
Ang Pilipinas ay maraming
natatanging produkto na
maipagmamalaki sa buong mundo.
Ilan sa mga ito ay matatagpuan sa
sarili nating rehiyon o komunidad.
Ngunit minsan ay nababalewala
natin ang mga produktong ito.
Marahil ay dahil karaniwan na natin
itong nakikita sa mga tindahan o
pamilihan. Gayunpaman,
magaganda ang kalidad ng mga
produktong Pilipino. Kinikilala sa ibang bansa at ganda ng kalidad ng mga ito.
Kung gayon, dapat nating ipagmalaki at tangkilikin ang ating mga sariling
produkto.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• kalidad – kagalingan;
katangian; husay ng
pagkakagawa
• tangkilikin – suportahan
20. 20
May iba’t ibang paraan para maipakita ang pagtangkilik sa mga
produktong Pilipino.
1. Bumili ng mga produktong gawa sa
Pilipinas.
2. I-promote ang produktong Pilipino sa
iyong mga kaibigan sa labas ng bansa.
3. Piliin ang mga produktong Pilipino sa
halip na mga produktong imported.
4. Dumalo sa mga trade fair at bumili ng
mga produktong gawa sa bansa.
5. Itampok ang mga produktong Pilipino
sa internet sa pamamagitan
ng pagpapakita ng larawan at
pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lokal na produkto.
Maiaangat natin ang bansang Pilipinas
kung tayo ay magtutulungan at
magkakaisa. Sa pamamagitang ng
simpleng pagbili ng mga produktong
gawa natin ay matutulungan natin ang
ating kababayan at ang ating ekonomiya
sa paglago. Tangkilikin natin ang sariling
atin sapagkat ito ang mabisang susi para
sa ikauunlad ng bansa.
21. 21
A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pangungusap.
_________________ 1. Maipagmamalaki sa buong mundo ang mga produkto
ng mga Pilipino.
_________________ 2. Bawat lalawigan at rehiyon ng Pilipinas ay may
natatanging produkto.
_________________ 3. Dahil sa lakas ng suporta ng mga Pilipino, walang
isang produktong Pilipino ang nawawalang halaga.
_________________ 4. Tunay na kinikilala ng ibang lahi ang kalidad ng mga
produktong Pilipino.
_________________ 5. Sa pamamagitang ng pagbili ng produkto natin ay
matutulungan natin ang kababayan.
B. Isa-isahin ang hinihingi.
Paano mo maipakikita ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino?
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________
Suriin Natin
22. 22
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang dapat nating gawin sa mga produktong Pilipino?
2. Bakit natin ito nababalewala?
3. Paano maipakikita ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino gamit
ang internet?
Sa iyong palagay, totoo bang ang mga Pilipino ay may colonial mentality?
May direktang kinalaman ba ito sa paraan ng pagtangkilik ng sariling
produkto? Ipaliwanag.
Humanap ng isang produktong Pilipino sa inyong bahay at kunin o itala ang
sumusunod na impormasyon tungkol dito.
Produkto:
Pangalan ng Gumawa:
Lugar kung saan
Ginawa:
Mga Sangkap/
Materyales na Ginamit
sa Paggawa:
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
23. 23
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas
Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Nilalaman Halos walang
laman ang
tsart
Nakapagbigay
ng dalawang
impormasyon
lamang
Detalyado ang
nilalaman ng
tsart, subalit
may ilang
maling
impormasyon
Kumpleto,
detalyado, at
tama ang
nilalaman ng
tsart
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng tsart;
napakaramin
g nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
tsart;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
tsart; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos
at napakalinis
ng tsart;
walang
nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpas
a ng gawain
sa loob ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng gawain sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng gawain sa
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng gawain
bago pa ang
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
24. 24
Aralin 3
Kahalagahan ng Pagtangkilik sa Produkto ng
Bansa
Kagaya ng napag-aralan na,
mahalaga ang pagtangkilik sa
sariling mga produkto ng
bansa. Malaki ang maitutulong
nito sa pagpapasigla ng
kabuhayan. Kung sisigla ang
ekonomiya, tiyak na uunlad rin
ang pamumuhay ng mga
Pilipino. Sisigla ang mga
negosyo at magkakaroon ng
mas maraming hanapbuhay.
Bakit mahalaga ang
pagtangkilik sa sariling
produkto?
Ano ang kaugnayan nito sa pag-unlad at pagsulong ng bansa?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa
pag-unlad at pagsulong ng bansa.
Ang pagtangkilik ng sariling atin ay
nangangahulugan ng pag-unlad ng bansa.
25. 25
Nakikita ang tatlong larawan: ikaw, (na kumakatawan sa iyo), laruang
dyip, at ang mapa ng Pilipinas. Sa tatlong pangungusap, ipaliwanag ang
kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag-unlad at
pagsulong ng bansa. Kailangang mabanggit ang mga salitang AKO,
LARUANG DYIP, at PILIPINAS.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Subukan Natin
26. 26
Ang pagtangkilik sa sariling produkto ng
bansa ay mahalaga. Ito ay upang
patuloy na lumago ang mga lokal na
industriya at negosyo. Kapag nangyari
ito, magkakaroon ng mas maraming
trabaho para sa mga Pilipino. Sisigla rin
ang ating ekonomiya at uunlad ang
bansa.
Alam na natin na may mga natatanging
produkto sa iba’t ibang lalawigan at
rehiyon ng bansa. Gayunpaman, ang
mga produktong ito ay ginagamit din sa
paggawa ng iba pang produkto o
serbisyo.
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• lokal na industriya –
kabuhayan o produksiyon
sa loob ng bansa
• mapagkakakitaan –
mapagkukunan ng
kabuhayan
• mamumuhunan –
negosyante
Pag-aralan Natin
Larawan ng Isang Masigla at Maunlad na Ekonomiya
27. 27
Ang pagtangkilik sa mga ito ay hindi lamang nakatutulong sa mga lokal
na negosyo. Natutulungan din nito ang pagpapaunlad ng kaalaman sa
pagpapabuti ng mga produkto at serbisyo.
Mayroon din namang mga produkto na mula sa livelihood programs o
programang pangkabuhayan sa mga pamayanan. Sa pamamagitan nito ay
nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na matuto ng gawaing kanilang
mapagkakakitaan. Ang mga produktong ito ay karaniwang gawa sa recycled
materials o mga lokal na materyales. Ang pagtangkilik sa mga produktong ito
ay nakatutulong na isulong ang pagre-recycle. Sa ganitong paraan ay
nakatutulong tayo sa pagbabawas ng basura. Gayundin, natutulungan natin
ang maliliit na mamumuhunan na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Mga Produkto mula sa Livelihood Programs
28. 28
Punan ang bawat patlang ng tamang sagot upang mabuo ang diwa ng
talata.
Kahalagahan ng Pagtangkilik sa Produkto ng Bansa
Napakahalagang suportahan o tangkilikin ng lahat ng Pilipino ang sariling
(1) __________. Sa pamamagitan nito ay lalo pang uunlad ang mga
(2) __________ ng bansa. Kaugnay nito, magkakaroon ng mas maraming
(3) __________ para sa mga Pilipino. Kasabay ng pagsigla ng ekonomiya ay ang
(4) __________ ng bansa. Ang ating mga produkto ay ginagamit din sa paggawa
ng iba pang produkto. Ang (5) _________ sa mga ito ay nakatutulong sa mga
lokal na negosyo. Natutulungan din nito ang pagpapaunlad ng kaalaman sa
pagpapabuti ng mga produkto at serbisyo. Sa pamamagitan ng mga produkto
mula sa mga livelihood program ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao
na (6) __________ ng gawaing kanilang mapagkakakitaan. Kalimitan, ang mga
produktong ito ay gawa sa (7) __________. Ang pagtangkilik sa mga produktong
ito ay nakatutulong na isulong ang pagre-recycle. Sa ganitong paraan ay
nakatutulong tayo sa pagbabawas ng (8) _________. Gayundin, natutulungan
natin ang maliliit na (9) _________ na mapaunlad ang kanilang (10) __________.
Suriin Natin
29. 29
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino?
2. Ano ang naitutulong ng pagtangkilik sa mga produktong gawa sa
recycled materials?
3. Paano nakatutulong ang pagtangkilik sa maliliit na negosyante?
Ano pa ang maaari mong gawin para maipakita ang pagtangkilik sa mga
produktong Pilipino?
Gumawa ng isang poster na nagpo-promote ng isang produktong Pilipino.
Gawin ito sa isang ¼ illustration board. Lagyan ng kulay at disenyo. Ipakita sa
klase at ipaliwanag ang iyong ginawa.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Nilalaman Magulo at
malabo ang
poster; hindi
nakahihikayat
na tangkilikin
ang produkto
Malinaw ang
poster, subalit
may kulang na
elemento para
makahikayat;
Maganda at
malikhain ang
poster; naka-
eengganyo na
suportahan
ang produkto
Napakaganda
at
napakamalikh
ain ng poster;
tunay na
nakahihikayat
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
30. 30
sapat lamang
para tingnan
na tangkilikin
ang produkto
Kaayusan
at Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng gawain;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Kailangang
matutong
maging
maayos at
malinis sa
paggawa;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
gawain; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
ipinasang
gawain;
walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng gawain sa
loob ng ilang
minuto/oras/
araw/linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng gawain sa
loob ng ilang
minuto/oras/
araw/ linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng gawain sa
itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng Gawain
bago pa ang
itinakdang
minuto/oras/
araw/linggo ng
pagpapasa
KABUUAN
31. 31
Ang “Filipino First Policy” ay
ipinatupad ni dating Pangulong
Carlos P. Garcia noong 1957
hanggang 1961. Ito ay isang
polisiya na dapat unahing bilhin
at tangkilikin ang mga
produktong Pilipino bago ang sa
mga dayuhan. Ang pagbuhay sa
patakarang ito ay nakasaad sa
Seksiyon 21 ng natatanging
probisyon o tadhana ng
inaprubahang Php. 781bilyong
pondo. Sinasabi sa Seksiyon 21
na ang lahat ng mga bibilhing
equipment, supplies, at iba pang produkto ay kinakailangang gawa sa bansa.
Magkakaroon lamang ng importasyon ng mga nasabing gamit kung ito ay
hindi ginagawa sa bansa.
Isang magandang hakbang ang planong pagbuhay rito ng mga kinatawan sa
Mababang Kapulungan upang maiangat ang humihinang ekonomiya ng
Pilipinas. Bagaman mahirap ito sa umpisa, tiyak namang may positibong
bunga ito para sa bansa. Bakit magiging mahirap ang dating polisiyang ito
para sa mga Pilipino sa kasalukuyan? Isang katotohanan na ang mga Pilipino
ay nasanay nang bumili ng mga gamit o bagay na imported. Para labanan ang
kaisipang kolonyal na ito, dapat may magandang kampanya ang pamahalaan
para matuto ang mga Pilipino na tumangkilik sa sariling produkto. Dapat
simulan ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng halimbawa ng mga pinuno ng
pamahalaan. Unti-unti, iiwasan nang umangkat ng imported products
hanggang masanay na ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling produkto.
Karagdagang Kaalaman
Mataas ang kalidad ng mga sapatos na gawa sa
Marikina. Sa katunayan, maraming bansa ang
umaangkat dito upang tatakan ng kanilang tatak at
ibinibenta sa mas mahal na halaga.
32. 32
Gawin ang inaasahang pagganap (performance task).
Kayo ay mga makabayang Pilipino. Dahil sa malamig o matamlay na
pagtanggap ng mga Pilipino sa sariling produkto, maglulunsad kayo ng isang
pagtatanghal gamit ang iba’t ibang kasanayan at talento. Ang pagtatanghal ay
naglalayong panumbalikin at hikayatin ang kababayan natin na tangkilikin ang
sariling atin.
Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS:
Tunguhin
(Goal)
Maglulunsad ng isang pagtatanghal gamit
ang iba’t ibang kasanayan at talento
Gampanin
(Role)
Makabayang Pilipino
Tagatanggap
(Audience)
Mga Pilipino
Kalagayan
(Situation)
Malamig o matamlay ang pagtanggap ng
mga Pilipino sa sariling produkto
Bunga at
Pagganap
(Product and
Performance)
Pagganap: Pagtatanghal (sayaw, awit, dula,
pagguhit, konsiyerto, at iba pa)
Pamantayan
(Standard)
Rubrik
Pagyamanin Natin
33. 33
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Pagtatanghal Napakagulo
ng ipinamalas
na
pagtatanghal;
nakaaantok
panoorin;
walang
malinaw na
tunguhin at
hindi
napalutang
ang
pangunahing
layunin;
walang
gumanap ng
tamang role
Medyo
magulo ang
ipinakitang
pagtatanghal;
medyo
walang
ganang
panoorin;
hindi
naipakita ang
pangunahing
layunin; hindi
nagampanan
ng ilan ang
kani-kaniyang
role
Nairaos nang
maayos ang
pagtatanghal;
bahagyang
nakahihikayat
; natamo ang
pangunahing
layunin;
nagampanan
ang kani-
kaniyang role
Napakaayos
at
napakalinaw
ng
pagtatanghal;
tunay na
nakahihikayat
; natamo ang
pangunahing
layunin;
nagampanan
ng buong
husay ang
kani-kaniyang
role
Pagpapahalaga Nangailangan
ng paggabay
kahit sa
simpleng
gawain;
madaling
umayaw;
umaasa sa iba
Nakayang
gawin ang
madadaling
bahagi,
nangailangan
ng paggabay;
ginawa muna
ang
mahihirap na
bahagi,
maaaring
umayaw kung
Nakayang
gawin ang
mahihirap na
bahagi,
nangailangan
ng paggabay;
ginawa muna
ang
mahihirap na
bahagi, kaya
pa ring
magpatuloy
Pinaghirapan
at
pinaghandaan
g mabuti ang
gawain, hindi
na
nangailangan
ng paggabay;
madaling
nakaugnay at
natapos sa
oras ang
gawain
34. 34
walang
paggabay
kahit walang
paggabay
Pakikilahok
ng Bawat
Indibiduwal
Hindi
nakilahok at
walang
interes sa
paghahanda
at
pagsasakatup
aran ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
May
naipakitang
kaunting
interes at
pakikilahok sa
paghahanda
at
pagsasakatup
aran ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
Nagpakita ng
interes subalit
hindi gaanong
nakilahok sa
paghahanda
at
pagsasakatup
aran ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
Nagpakita ng
masidhing
interes at
aktibong
pakikilahok sa
buong
paghahanda
at
pagsasakatup
aran ng
inaasahang
pagganap
(performance
task)
KABUUAN
Pagtangkilik sa
Sariling Produto
ng Bansa
Mga Ipinagmamalaking Produkto
Mga Paraan ng Pagpapakita ng
Pagtangkilik sa mga Produkto
Kahalagahan ng Pagtangkilik sa
Produkto
Paglalagom
35. 35
• World-Class Philippine-Made Products ng Kababayan Weekly
(https://www.youtube.com/watch?v=ua8BJeTV5V8)
• Pinoy designs shine at international furniture showcase ng TFC Balitang
Amerika (https://www.youtube.com/watch?v=ThuIIP0ePz4)
DAPAT TANDAAN
• Ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ay may kani-kaniyang
natatanging produkto na maipagmamalaki sa mundo.
• Ang product map o mapa ng mga produkto ay nagtatampok ng
mga produkto na mabibili sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
• May iba’t ibang paraan para maipakita ang pagtangkilik natin sa
mga produktong Pilipino.
• Ang pagtangkilik sa mga produkto ng Pilipinas ay mahalaga para
mapasigla ang ekonomiya at mapaunlad ang bansa.
Dagdag Sanggunian
36. 36
Aralin 1: Mga Ipinagmamalaking Produkto ng Bansa
Subukan Natin
1. Mindanao
2. Visayas
3. Luzon
4. Luzon
5. Mindanao
Suriin Natin
1. Luzon
2. Mindanao
3. Visayas
4. Luzon
5. Luzon
6. Visayas
7. Mindanao
8. Mindanao
9. Visayas
10. Luzon
Aralin 2: Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagtangkilik sa mga
Produkto ng Bansa
Subukan Natin
Malayang sagot
Suriin Natin
A.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
Gabay sa Pagwawasto
37. 37
B.
1. Bumili ng mga produktong gawa sa Pilipinas.
2. I-promote ang produktong Pilipino sa iyong mga kaibigan sa labas ng
bansa.
3. Piliin ang mga produktong Pilipino sa halip ng mga produktong
imported.
4. Dumalo sa mga trade fair at bumili ng mga produktong gawa sa bansa.
5. Itampok ang mga produktong Pilipino sa internet sa pamamagitan ng
pagpapakita ng larawan at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
lokal na produkto.
Aralin 3: Kahalagahan ng Pagtangkilik sa Produkto ng Bansa
Subukan Natin
Malayang sagot
Suriin Natin
1. produkto
2. kabuhayan/negosyo/industriya
3. trabaho/hanapbuhay/Gawain/pagkakakitaan
4. pag-unlad/pag-asenso
5. pagtangkilik/pagsuporta
6. matuto
7. recycled materials o mga lokal na materyales
8. basura/dumi
9. mamumuhunan/negosyante
10. kabuhayan
38. 38
”Choose Philippines Project: Pasalubong Map.” Behance. Nakuha mula sa
https://www.behance.net/gallery/18294729/Choose-Philippines-
Pasalubong-Map-Infographics
“DTI: Patronize local products to help boost economy.” Sunstar Bacolod.
Nakuha mula sa
http://www.sunstar.com.ph/bacolod/business/2015/08/06/dti-patronize-
local-products-help-boost-economy-423065
“Patronizing local products may create jobs.” The Manila Times. Nakuha mula
sa http://www.manilatimes.net/patronizing-local-products-may-create-
jobs/29940/
“Top 10 Philippine Exports for Small to Medium Scale Businesses.” Manila
Trade: Philippine Products, Business, and Trade. Nakuha mula sa
http://www.manilatrade.com/top-10-philippine-exports-for-small-to-
medium-scale-businesses/
Mangahas, Fe at Lars Ubaldo. Bayang Magiliw 4. Quezon City: C&E Publishing,
Inc., 2011.
Sanggunian