SlideShare a Scribd company logo
KABANATA 1
Panimula
Ang pagtuturo ng wika ay isang mahalagang bahagi ng anumang antas at sistema
ng edukasyon sapagkat ang wika ang siyang nagiging behikulo at pamantayan ng isang
mahusay na edukasyon. Simula sa pagtuntong ng isang batang mag-aaral sa paaralan,
nagsisimula na ang kanyang pagtatamo ng wika o mga wikang makatutulong sa kanya
sa kanyang personal at propesyunal na pag-unlad.
Sa larangan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa antas tersyarya sa Pilipinas, iniatas
ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED Memo Order no. 30, 2004) na
isulong ang pagtuturo ng Filipino, hindi lamang bilang isang sining ng komunikasyon na
lumilinang sa apat na makrong kasanayan, kundi upang magamit rin ang wikang Filipino
bilang isang akademikong wika. Ito ay bilang tugon sa nakitang pangangailangang
rebisahin ang mga naunang kurikulum sa Filipino na maituon ang pokus ng pag-aaral ng
Filipino hindi lamang bilang asignatura/kurso kundi bilang isang instrumento upang
matuto ang mga magaaral ng higit na matatayog na kaalaman at magamit ang wikang ito
sa mga iskolarling talakayan. Dagdag pa rito ni Espiritu (2005) , ―kailangang makalaya
ang Filipino sa limitadong tungkulin (nito) bilang wika ng nasyonalismo (upang) magamit
ito sa iba pang intelektwal na (mga) Gawain.
Ang kalagayang pang-akademiko ng Asignaturang Filipino ay patuloy na
umiigting at tinatangkilik ng maraming mag-aaral dahil sa midyum ng wikang
ginagamit sa pagtuturo nito. Mas madali para sa mga mag-aaral na unawain ang
konteksto at ideya ng mga aralin gaya ng mga teksto at gramatika. Para sa
maraming mag-aaral ang asignaturang Filipino ay tunay madaling maunawaan
hindi gaya ng ibang sabdyek dahil sa adbentaheng dulot ng wikang ginagamit dito,
sapagkat natural na lamang sa kanila ang paggamit ng wikang Filipino sa paraan
ng pakikipagtalastasan.
Ang kumpyansa sa sarili ang pangunahing dahilan kung bakit nagiging aktibo at
partisipatibo ang estudyante sa klase. Ito rin ang dahilan kung bakit mas mapapahusay
ng estudyante ang kaniyang kakayahan lalo na sa akademikong Filipino Ang
pagpapahalaga o ang pagpapaunlad sa sarili ay apektado kapag may masamang
pangyayari na nagaganap sa ating pag-iisip o kahit na sa ating parte ng utak. Sariling
kompyansa, ang kadalasang nangyayari ay ang pagtatalo ng isip sa kagustuhang
sumagot at ang pag-iwas sa pagkakapahiya kapag namali ang sagot. Ang kumpyansa sa
sarili ay ang pagkakaroon ng tiwala na magagawa mo ang isang bagay na higit pa sa
iyong nalalaman na kapasidadng sarili. Ito ang dahilan kung bakit mo nagagawa ang mga
bagay-bagay ng maayos, gaya na lamang ng pagpapahayag sa sarili, pakikipaghalubilo,
at ang pakikipag-usap na sang pangnahing dahilan ng pagkakaintindihan sa kapwa.
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang galugarin ang kahusayan sa
paggamit ng wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng Bachelor of Secondary Education
major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Sa pamamagitan ng
pakikipanayam, tinuklas rin ng mga mananaliksik ang antas ng kumpyansa sa sarili ng
Bachelor of Secondary Education major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa
pagtuturo gamit ang wikang Filipino.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito na may paksang “Kahusayan sa Wikang Filipino at
Kumpyansa sa sarili ng mga BSED Filipino sa Pagsasanay sa Pagtuturo” ay
naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano ang lebel ng kahusayan sa wikang Filipino ng mga BSED major in
Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo?
2. Ano ang lebel ng kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa BSED major in
Filipino sa pagsasanay sa pagtuturo?
3. Mayroon bang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kahusayan sa wikang
Filipino at kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa BSED major in Filipino
sa pagsasanay sa pagtuturo?
Balangkas ng Teoretikal
Pangunahing pinagbatayan ng pag-aaral na ito ang konsepto ni Cummins (2009)
hinggil sa uri ng katatasan sa wikang maaaring taglayin ng isang mag-aaral. Ayon sa
kanya, may dalawang uri ng wikang maaaring matutuhan ang mga magaaral: ang pang-
araw-araw na wika (conversational language) at ang akademikong wika. Pinaniniwalaan
ni Cummins at sinang-ayunan rin ng iba pang mga pag-aaral na maliban sa pagtatamo
ng indibidwal ng katatasan sa wikang ginagamit niya sa kanyang pang-araw-araw na
pakikisalamuha, mayroon pang isang uri ng wikang kailangang malinang sa kanya upang
higit na matiyak ang kanyang tagumpay sa larangan ng edukasyon gayundin sa kanyang
inaaasam na propesyon. Ang Cognitive Academic Language Proficiency (CALP), batay
na rin sa pagpapakahulugan ni Cummins ay tumutukoy sa pagtatamo ng kahusayan
wikang may tiyak na konteksto at kadalasang matatagpuan sa mga pasulat na
komunikasyon partikular sa larangan ng matematika, siyensya at agham panlipunan.
Kung kaya’t sa pagtuturo nito, mahalagang ang guro ng wika ay maging guro rin ng
nilalaman (content). At upang matugunan ito, kinakailangang maipasok ang paksang
aralin at pagkatuto ng wika sa pamamagitan ng Content-Based Instruction o ang
pagtuturo batay sa nilalaman.
Mula rin sa pananaw na ito ay umusbong ang pamamaraang nakadirekta sa
pagtatamo ng nabanggit na layunin. Pinakakilala ang Cognitive Academic Language
Learning Approach (CALLA) na nadebelop nina Chamot ang O’Malley (2005).
Sa mga pamamaraang nabanggit, makikita na ang tuon ng pagtuturo ng wika ay
nasa pagtatamo ng mga mag-aaral ng wikang magagamit niya sa pagtalakay ng mga
matatayog na kaisipan. Sa ganang ito, malaking papel ang ginagampanan ng guro ng
wika. Mapanghamon ang gampanin ng guro sapagkat maliban pa sa kailangang maging
bihasa siya sa kanyang pagtuturo ng balarila at iba pang istruktura ng wika, mahalagang
may malawak rin siyang kaalaman sa mga paksa sa iba’t ibang larangan.
Sa pag-aaral ni Chamot (2015), binigyang-diin niya ang halaga ng pagiging
dalubhasa ng guro ng akademikong wika. Magiging posible lamang ito kung ang mga
guro ay patuloy sa kanyang pagsusulong ng propesyunal na pag-unlad. Malaking salik rin
ang kahusayan ng guro sa mga estratehiya ng pagtuturo at pagpapanatili ng motibasyon
ng mga mag-aaral upang matuto. Hindi hinihikayat ng mga konseptong ito ang paggamit
ng mga tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo na lagi na lamang nakabatay sa mga
imahinatibong sitwasyong ginagamitan ng mga modelong pangwika. Bagkus, higit na
hinihikayat ang paggamit sa talakayan ng mga awtentikong materyal mula sa iba’t ibang
larangan. Nangangahulugan na ang pagtuturo ng akademikong wika ay isang pag -igpaw
sa nakagawiang paraan ng pagtuturo ng wika na nakatuon lamang sa istruktura at salat
sa mga paglalapat sa higit na mga komplikadong kaisipang maaaring paggamitan ng
wika.
Balangkas Konseptuwal
Ang balangkas na ito ay nagbubuod ng mga paksa tungkol kahusayan sa paggamit
ng wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng Bachelor of Secondary Education major in
Filipino na mag-aaral sa pagtuturo. Nakalahad din dito sa figure 1 ang makabuluhang
ugnayan sa pagitan ng kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng mga mag-
aaral sa BSED major in Filipino sa pagtuturo.
Independent Variable Dependent Variable
Figure 1. Conceptual Framework
Kumpyansa sa Sarili
Kahusayan sa
paggamit ng Wikang
Filipino
Kaugnay na Pag-Aaral at Literatura
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga panitikan at literatura na may kaugnayan
sa pananaliksik. Naglalaman ito ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa paksang
“Kahusayan sa Wikang Filipino at Kumpyansa sa sarili ng mga BSED Filipino sa
Pagsasanay sa Pagtuturo”, upang ito ay mas lalong maunawaan ng mga mambabasa.
Ang anumang impormasyong paghahanguan ng mga datos na kakailanganin ay
titiyaking magiging mga basehan sa lalo pang malalim at malawak na pagtalakay ng
pananaliksik na ito bilang pagsasakatuparan ng kurso.
Konsepto ng Wikang Filipino
Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan pero
ang pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, PhilippineDailyInquirer
2016). Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa panahon
ngayon ang pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga
propesyong may kinalaman dito. Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o
patuloy na nagbabago sa katagalan ng panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o
hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa
nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag usbong ng mga
makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes, 2016)
Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng PhilippineConstitution sinasabing ang paggamit
ng wikang pambansa ay dapat pagyamanin at paunlarin habang tumatagal ang panahon.
Nakasaad din na kailangan mapanatili ang paggamit ng wika bilang paraan ng pakikipag
talastasan sa Pilipinas at bilang parte ng sistema ng edukasyon. Mula noon ang paggamit
ng Tagalog ay lumawak hindi na lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao
na rin lumawak ang paggamit ng Tagalog atpaggamit ng makrong kasanayan lalo na sa
sistema ng pananalita o pakikipag talastasan. Maraming bihasa sa ating wika lalo na ang
mga dalubwika at mga nag aaral o mananaliksik ng linguisticsat mga guro sa asignturang
Filipino naging dalubhasa sila sa wika bilang requirements nila para makakuha ng digri o
kaya naman makapasa. Hindi required ang mga tao na gumamit ng purong Tagalog dahil
hanggat naiintindihan ayos lang ito. Pero dahil dito tuluyang nababon o unti-unting
nalilimot ang nakagisnang wika napapalitan ng mga terminolohiyang mas maikli o mas
madali bigkasin (Baldon et.al 2014).
Sa larangan ng pagtuturo ng wika, isang makatwirang panukatan ang pagtatamo
ng akademikong wika ng mag-aaral. Marami nang eksperto sa larangan ng pagtuturo ng
wika ang nagbigay ng kani-kaniyang mga pananaw rito maliban pa sa kahulugang ibinigay
ni Jimm Cummins na nagpasimula ng mga hakbang at prinsipyo sa likod nito. Binigyang-
kahulugan ang akademikong wika bilang wikang may higit na mataas na antas na
maaaring matutuhan ng bata maliban pa sa pang-araw-araw na wikang kanyang
ginagamit sa pakikisalamuha sa labas ng paaralan. Sa artikulo ni Zwiers (2005), nilinaw
niya na ang akademikong wika ay ang mga set ng salita at parirala na naglalarawan ng
mga kompleks at malawak na pag-iisipat abstraktong konsepto na lumilikha ng kalinawan
at kaugnayan sa mga diskursong pasalita at pasulat. Nagkakaisa rin ang mga eksperto
(Brown, 2004; Zwiers, 2005; Cummins, 2005; Fillmore at Wilkinson, 2009) sa pagsasabi
na ang pagtataglay ng akademikong wika ng mag-aaral ang magsisilbing pamantayan ng
kanyang tagumpay sa kanyang pag-aaral sa akademya. Dagdag pa ni Brown (2004), ang
matibay na pundasyon ng akademikong wika ay makatutulong sa pag-unawa ng mag-
aaral sa kanyang mga araling pangnilalaman (content course). Gayundin ay sinabi nina
Fillmore at Wilkinson (2009) na ang pamantayan ng kahusayang pangakademiko ng mag-
aaral ay ang kakayahan nilang magkaroon ng masteri ng kasanayang pasalita at ang
mag-isip at magsulat nang tulad ng mga aklat. Higit na naging malinaw ang mukha ng
pagtuturo ng akademikong wika matapos ang masusing mga pag-aaral ni Jimm Cummins
dito. Bagamat mayroon nang mga naunang pag-aaral, higit na pinaigting ni Cummins ang
pagbibigayanyo sa kaibhan ng akademikong wika na dapat na malinang sa mga mag-
aaral upang maging higit na produktibo ang kanyang pagkatuto. Unang nakita niya na
kailangang malinawan ang isyung ito sa pag-aaral nina Skutnabb-Kangas at Toukomaa,
2006 (Cummins, 2009) hinggil sa mga mag-aaral na mula sa Finland na nasa bansang
Sweden. Nakita rito ang magkaibang kakayahan ng mga magaaral sa dalawang wikang
kanilang ginagamit. Sa kabila ng kakayahan nila sa dalawang magkaibang wika, hindi pa
rin sila nakapagtatamo ng mataas na grado sa mga gawaing pang-akademiko.
Ang Paggamit sa Wikang Filipino sa Pagsasanay sa Pagtuturo
Ang isang guro ay alagad ng agham at sining. Agham sapagkat ang pagtuturo ay
sangay ng karununungang umaalinsunod sa mga simulain at prinsipyo. May maayos at
sistematikong hakbang na sinusunod ng guro sa kanyang pagtuturo na nakasalig sa
pilosopikal, sikolohikal, at sosyolohikal na batayan. Nauukol ito sa mga Gawain ng
pagkikintal ng kaalaman sa maayos at kaaya-ayang pamamaraan. Bukal ng masisining
na teknik ng guro upang maging epektibo ang kanyang pagtuturo.
Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga tsinoy na mag-aaral. Binibigyang diin
ni Dingaosen, (ni Adan 2010), na ang guro ay may malaking papel sa paglilinang ng
kaisipan ng mga kabataan. Hinihikayat nito ang mga mag-aaral na maabot ang kanilang
mga pangarap sa buhay. Kinakailangan ding ang guro ay malikhain at umisip ng
pagbabago o inobasyon. Kailangan makipagsabayan siya sa mabilis na pag-unlad,
kaalinsabay sa pagsulputan ng mga makabagong teknolohiya.
Makatutulong nang malaki ang mga kagamitang pampagtuturo lalong lalo na ang
mga makabagong teknolohiya sa pagdebelop ng interes ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino. Ito’y mga bagay na nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang
malinang at mapalawak ang kanilang kaisipan. Dahilan kung bakit kapos sa suplay ng
mga kagamitang panturo kaya’t nahihirapan ang mga guro kung paano simulan ang
paksa. Bunsod narin sa midyum ng wikang ginagamit ng mga mag-aaral ay nagkakaroon
ng suliranin sa komunikasyon sa proseso ng pagtuturo.
Ang Kumpyansa sa Sarili sa Pagtuturo ng Wikang Filipino
Binibigyang-diin nina Dannels at Housley-Gaffney (2009) na ang komunikasyon at
pagkatuto ay nararapat na magkaroon ng matatag na ugnayan upang ang kahirapan sa
pag-aaral sa anumang larangan o asignatura ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan
ng maayos at epektibong paraan ng pagbabanggit ng mga ideya at mga suliranin. Hindi
mapasusubaliang napakahalaga ng paggamit ng wika sa pagkatuto at pagpapahayag ng
anumang tugon o reaksyon ng bawat magaaral sa interaksyong pangklasrum. Isa sa
malaking hamon ay kung aling wika ang gagamiting midyum sa pagpapahayag. Alinsunod
sa mga pananaliksik at mungkahi ng UNESCO 2003 at Summer Institute of Linguistics
(SIL) (2007), praktikal na gamitin ang alinmang wikang higit na gamay ng mga magaaral,
kung saan sila higit na bihasa. Mahalaga ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga
magaaral na magamit ang wikang Ingles at Filipino sa kanilang pagkatuto. Kung
pagtutuunan ng pansin ang asignaturang Matematika, higit na nakatutulong sa pag-
unawa ng mga konsepto at pagsagot ng pasalitang suliranin ang pagpoproseso ng mga
mag-aaral gamit ang pormula o solusyong natutuhan nila sa pagtalakay ng guro. Sa
kanilang pagpoproseso, kailangang isaalang-alang ang wikang komportableng gamitin
upang ito ay mapagaan. Ilan sa hamon at suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa
asignaturang Matematika ay kung paano sila magpapahayag ng kanilang sagot. Sa
katunayan, sanhi ng katotohanang napakahirap na asignatura ang Matematika para sa
maraming mag-aaral, binigyang-turing ni Moschkovich (2013) na higit itong nagiging
hamon lalo pa at kung dumaragdag na balakid ang mga suliraning pangwika. Kaugnay
nito, ang patakarang pangwika sa paaralang pinagtuturuan ng mananaliksik ay mayroong
pagkiling sa wikang Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng larangan maliban sa Filipino.
Ayon naman kay Zwiers (2005), yamang ang mga guro ang pinagkatiwalaang
mamahala sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng wika – lalo pa ng akademikong wika,
mahalaga na mataya rin ang kakayahan nila sa antas ng wikang ito na ginagamit sa
akademya. Sa pananaw naman ni Troncale (2002), kailangang maituro ng mga guro sa
mag-aaral ang maging “independent learner” o ang kakayahang matuto na hindi
nakadepende sa iba. Dapat ding rebyuhin ng guro ang kanyang tungkulin sa kanyang
mga mag-aaral at kapwa guro upang matiyak ang pagtatamo ng tiyak at angkop na
pagtuturo at pagkatuto ng wika. Binigyang diin din ni Zwiers ang sinabi ni Cummins na
―ang guro ng wika ay guro ng nilalaman.‖ Ganito rin ang pananaw ni Ragan (2005), sa
pagsasabing kailangang malinaw sa guro kung anong klase ng akademikong wika ang
kailangang maituro.
KABANATA 2
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-
aaral, mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang isasagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibo o palarawang disenyo.
Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin
ang Descriptive Correlation Research Design, na gumagamit ng talatanungan o survey
questionnaires para makalikom ng mga datos na magdedetermina sa lebel ng
kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga BSED major in Filipino
na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Naniniwala ang mananaliksik na angkop
ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng
datos mula sa maraming respondente. Limitado lamang ang bilang ng mga taga sagot sa
mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami
ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik
na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari-ring magsagawa ng pakikipanayam at
obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. Ang mga
datos na makakalap ay maaaring makatulong sa pagpapatunay na mahalaga ang
wastong paggamit ng wika sa BSED major in Filipino.
Seting ng Pag-aaral
Isa sa pangangailangan ang magamit ang wika bilang isang kakayahang
komunikatibo na tumutugon sa isa sa mga tunguhin ng K to 12 kurikulum. Sa
pamamagitan ng pagtatala o kaya naman ay pagbibidyo. Kaugnay nito, isinagawa ang
pag-aaral na ito sa BSED major in Filipino na mag-aaral na ginagamit ng wasto ang
wikang Filipino sa Central Mindanao Colleges sa pagsasanay sa pagtuturo.
Pagpili ng Kalahok
Ang mga mananaliksik ay pumili ng respondente mula sa BSED major in Filipino
na mag-aaral na may bilang na 60 kung saan nakuha namin ang sa Slovin's Formula sa
stratified sampling.
Instrumento ng Pag-aaral
Ang aming grupo ay kakalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagbibigayng mga
talatanungan na may mga malalalim na salita o termino. Binabalak namin ito hatiin sa ibat
ibang klase ng lebel. Sa una hindi masyadong malalim ang mga termino at may
pagpipilian sila. Ikalawang lebel ay may medyo malalalim na salita at termino may
pagpipilian at ikatlo ang pinaka mahirap nag lalaman ng mahihirap na termino at salita
walang pagpipilian. Gagawa kami ng pamantayan na dapat aprubahan ng guro sa
pananaliksik. Ang pamantayang ito ang magsasabi o mag dedeklara kung ano ang
karaniwang lebel ng kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga BSED
major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Ito ay ang aming napili,
dahil ang impormasyong kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw
ng bawat respondante, at ang tanging paraan upang malaman ito ay sa pamamagitan
lamang ng interbyu.
Paglalarawan sa kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga BSED major
in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo.
Mean Bilang
Paglalarawan
Pasalitang
Paglalarawan
Pakahulugang Paglalarawan
4.21-5.00 5 Lagi Ibig sabihin ang antas ng estilo
ng pagtuturo ay laging
naipapakita ng guro sa bawat
aralin.
3.41-4.20 4 Madalas Ibig sabihin ang antas ng estilo
ng pagtuturo ay madalas na
naipapakita ng guro sa bawat
aralin.
2.61-3.40 3 Minsan Ibig sabihin ang antas ng estilo
ng pagtuturo ay minsan
lamang naipapakita ng guro sa
bawat aralin.
3 1.81-2.60 2 Bihira Ibig sabihin ang antas ng estilo
ng pagtuturo ay bihira lamang
naipapakita ng guro sa bawat
aralin.
2 1.00-1.80 1 Hindi kailanman Ibig sabihin ang antas ng estilo
ng pagtuturo ay hindi
kailanman naipapakita ng guro
sa bawat aralin.
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Uumpisahan namin sa pag-gawa ng mga tanong na ilalagay namin sa sarbey,
ikalawa, pag-gawa ng liham na ipapakita namin sa aming mga repondents upang sa
gayon ay maunawaan nila kung ano ba ang aming ipapasagot sakanila at ang aming
topic, ikatlo, habang silay sumasagot sa aming interview/survey. Aming pinagmamasdan
ang mga kanilang reaksyon sa pag sagot sa aming binigay na talatanungan/survey form.
At huli, pagtapos nila sagutan ang sarbey, ang mga mananaliksik ay gagawa ng
interpretasyong berbal bilang tritment.
Tritment ng Datos
Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na
tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally at bibigyan ng berbal na
interpretasyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga
katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba
ng mga kasagutan. Ang mga datos ay iaanalisang mabuti at magiging gabay sa resultang
ninanais ng mga mananaliksik. Mula sa mga sarbey at pakikipagpanayam ang mga
makakalap na datos ito ay sasalain at pipiliin ang mga makakatulong o benepisyunal sa
pag-aaral. Sa pagsusuri ng nalikom na datos, ginamit ang mga sumusunod na istadiska.
Mean ay ginamit upang alamin ang antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at
ang aktibong motibasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng natamong iskor sa
batayan ng mga mananaliksik na kanilang katanungan.
Pearson r. Ito ay ginamit upang mapatunayan ang relasyon o pagkakaroon ng
ugnayan sa pagitan ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at aktibong motibasyon ng mga
mag-aaral.
Bibliograpiya
Chamot, A. (2015). Language learning strategy instruction: Current issues and research. Annual
Review of Applied Linguistics, 25(1), 112-130.
Chamot, A. at O’Malley. (1997). CALLA Handbook: Implementing the cognitive academic
language proficiency. TESL-Ej, 2(3), R5.
Crandall, J. (2014). Content-centered language learning. ERIC Digest. ED 367142.
Cruz, M.(2014). Mga suliranin ng mga instruktor sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyaryo:
Isang pag-aaral. Tuguegarao: St. Louis College.
Cummins, J. (2009). BICS and CALP. Cummins, J. Bilingual children‟s mother tongue: Why is it
important to education?
Cummins, J. et al. (2005). Affirming identity in language classrooms. The Whole Child, 63(1).
Cummins, J. Putting language proficiency in its place: Responding to critiques of the
conversation/academic language distinction.
Department of Education (2020) DepEd Order No. 012, Series 2020, “Adoptionof the Basic
Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for school year 2020-2021
content/uploads/2020/10/DO_s2020_032-1-1.pdf, retrieved 10/10/2021, 8:28 p.m.
Espiritu, C. (2005). Ang panukalang bagong kurikulum ng Filipino sa antas tersyarya. Papel na
tinalakay sa Pambansang Seminar-worksyap sa Filipino. PNU, Maynila.
Fillmore, L. at Snow, C. (2000). What teachers should know about language?. ERIC Clearing
House on Languages and Linguistics (Special Report). 101.1.92.9117. 861
Finch, A. (2002). The language clinic: The teacher as an agent of change. Karen’s Linguistic
Issues. Finch, A. The post-modern language teacher: The future of task-based teaching.
Fortunato, T. (2007). Sistema ng paghahatid ng karunungan sa klasrum. Banwa. Jornal sa
Filipinolohiya. 3(1), 26-40.
Fraenkel, J. at Wallen, N. (2007). How to design and evaluate research in education. (6th ed). Mc
Graw Hill International Edition. Gabriel, K at Rose, K. Pragmatics in language
teaching.Cambridge University Press.
Haworth, P. (2008). Crossingborders to teach English language learners. Teachers and Teaching:
Theory and Practice. 14 (5-6), 411-430.
Ianziti, J.R. & Varshney, R. (2008). Students’ views regarding the use of the first language: An
exploratory study in a tertiary context maximizing target language use. The Modern
Canadian Language Review, 65(2), 249-273.
Ibrahim, A. (2010). ESP at the tertiary level: Current situation, application and expectation. English
Language Teaching, 8(1), 200-206.
Ibrahim, Z. (2005). Ang kahandaan ng mga guro ng Filipino sa mga paaralang tersyarya sa
lungsod ng Cotabato. Cotabato City: Notre Dame University.
Jones, D. (2007). Speaking, listening, planning and assessing: The teacher’s roles in developing
metacognition awareness. Early Child Development
Mayor, A. (2007). Pagtuturo ng Filipino sa Antas Kolehiyo ng mga paaralang Dominikano sa
Kalakhang Maynila. Manila: Arellano University.
Mendoza, R. (2004). Mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga magaaral sa Filipino:
Debelopmental na modelo. Baguio City: University of the Cordilleras.
Zwiers, J. (2005). The third language of academic English. Educating Language Learners, 62(4).

More Related Content

PPTX
Pamatnubay at mga uri nito
PPTX
Mga napapanahong teknolohiya at kagamitan sa pagtuturo ng
PPTX
Mga panuntunan ng pagtataya
PPTX
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
PDF
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...
PPTX
Bahagi ng pamahayagan
PDF
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
PPTX
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptx
Pamatnubay at mga uri nito
Mga napapanahong teknolohiya at kagamitan sa pagtuturo ng
Mga panuntunan ng pagtataya
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
MGA HAMON SA PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PANAHON NG NEW...
Bahagi ng pamahayagan
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptx

What's hot (20)

PDF
Panahon ng bagong lipunan
PPTX
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
PPTX
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
PPTX
Filipino 9 Etimolohiya
PDF
Grade 8 Filipino Module
PPTX
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
DOC
Likas na yaman
PDF
Panitikang bayan
PPT
Ponema
PPTX
Pagsasalin report
DOC
Pagsusuri sa tulang ang guryon
PPTX
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
PPTX
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
PPTX
Fil8 Q1 Week 2-EUPEMISTIKONG PAHAYAG.pptx
PPTX
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
PPTX
5 -Differentiated Activities.pptx
DOCX
Una hanggang ikalimang araw.
PPTX
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
PPSX
Lathalain
DOCX
Rubric sa pagsulat ng tula
Panahon ng bagong lipunan
Mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo
Filipino 10 - Pagsasaling-Wika
Filipino 9 Etimolohiya
Grade 8 Filipino Module
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Likas na yaman
Panitikang bayan
Ponema
Pagsasalin report
Pagsusuri sa tulang ang guryon
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Fil8 Q1 Week 2-EUPEMISTIKONG PAHAYAG.pptx
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
5 -Differentiated Activities.pptx
Una hanggang ikalimang araw.
Filipino 7 Curriculum Guide rev.2016
Lathalain
Rubric sa pagsulat ng tula
Ad

Similar to chapter 1-2.docx (20)

PDF
Mga Salik Na Nakakaimpluwensiya Sa Pagsasalita Ng Wikang Filipino Ng Mga Cebu...
PDF
Research paper in filipino
DOCX
DLL sa Komunikasyon
PPTX
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
DOCX
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
PDF
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
PPTX
PPTX
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
PDF
Pangkat-2-Presenthesis.pdf
PDF
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
PDF
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
PDF
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
PPTX
Pagpag Group 3 pananaliksik sa Filipino.pptx
PPTX
Pagpag-g3 grade 11 senior high school.pptx
PPTX
Pagpag-g3 Humanities and social sciences.pptx
PDF
Impluwensiya ng Banyagang Wika sa Pagkatuto ng Wikang Filipino: Isang Mixed M...
DOCX
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
DOCX
Banghay-aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik
PDF
Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
PPTX
lesson 7.pptx
Mga Salik Na Nakakaimpluwensiya Sa Pagsasalita Ng Wikang Filipino Ng Mga Cebu...
Research paper in filipino
DLL sa Komunikasyon
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
Pangkat-2-Presenthesis.pdf
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagpag Group 3 pananaliksik sa Filipino.pptx
Pagpag-g3 grade 11 senior high school.pptx
Pagpag-g3 Humanities and social sciences.pptx
Impluwensiya ng Banyagang Wika sa Pagkatuto ng Wikang Filipino: Isang Mixed M...
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
Banghay-aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik
Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
lesson 7.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
FSPL Aralin 2 - Pagsulat ng Iba't ibang Uri ng Paglalagom.pptx
PPTX
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 3 ESTRUKTURANG PANLIPUNAN SA IBA'T IBANG BAHAG...
PPTX
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
PPTX
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
PPTX
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-2.pptxhahhahbbbhs
PDF
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
PPTX
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
PPTX
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
PPTX
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
PPTX
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-3.pptxbhaghgsshkhi
PPTX
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
PPTX
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
PPT
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
PPTX
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
PPTX
Grade 11 KPWKP Panahon ng Amerikano.pptx
PPTX
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
PPTX
ARALING PANLIPUNAN_Q1 _WEEK 7-DAY 1.pptx
FSPL Aralin 2 - Pagsulat ng Iba't ibang Uri ng Paglalagom.pptx
ARALING PANLIPUNAN 8 - ARALIN 3 ESTRUKTURANG PANLIPUNAN SA IBA'T IBANG BAHAG...
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K HALLIDAYGRADE-11.pptx
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-2.pptxhahhahbbbhs
Ang Pantayong Pananaw _Bilang Diskursong _Pangkabihasnan_ by Zeus Salazar.pdf
Week 1 Kahulugan ng Ekonomiks.pptxxxxxxx
tsa-171010002222.pptxpowerpoint presentation
AP7 Q1 Week 7-1 MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-3.pptxbhaghgsshkhi
FSPL Aralin 3 - Talumpati at mga Uri nito
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
GMRC 3 Sariling Hilig at Kakayahan Quarter 1 Week 1
Grade 11 KPWKP Panahon ng Amerikano.pptx
KASAYASAYAN PPTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
ARALING PANLIPUNAN_Q1 _WEEK 7-DAY 1.pptx

chapter 1-2.docx

  • 1. KABANATA 1 Panimula Ang pagtuturo ng wika ay isang mahalagang bahagi ng anumang antas at sistema ng edukasyon sapagkat ang wika ang siyang nagiging behikulo at pamantayan ng isang mahusay na edukasyon. Simula sa pagtuntong ng isang batang mag-aaral sa paaralan, nagsisimula na ang kanyang pagtatamo ng wika o mga wikang makatutulong sa kanya sa kanyang personal at propesyunal na pag-unlad. Sa larangan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa antas tersyarya sa Pilipinas, iniatas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED Memo Order no. 30, 2004) na isulong ang pagtuturo ng Filipino, hindi lamang bilang isang sining ng komunikasyon na lumilinang sa apat na makrong kasanayan, kundi upang magamit rin ang wikang Filipino bilang isang akademikong wika. Ito ay bilang tugon sa nakitang pangangailangang rebisahin ang mga naunang kurikulum sa Filipino na maituon ang pokus ng pag-aaral ng Filipino hindi lamang bilang asignatura/kurso kundi bilang isang instrumento upang matuto ang mga magaaral ng higit na matatayog na kaalaman at magamit ang wikang ito sa mga iskolarling talakayan. Dagdag pa rito ni Espiritu (2005) , ―kailangang makalaya ang Filipino sa limitadong tungkulin (nito) bilang wika ng nasyonalismo (upang) magamit ito sa iba pang intelektwal na (mga) Gawain. Ang kalagayang pang-akademiko ng Asignaturang Filipino ay patuloy na umiigting at tinatangkilik ng maraming mag-aaral dahil sa midyum ng wikang ginagamit sa pagtuturo nito. Mas madali para sa mga mag-aaral na unawain ang
  • 2. konteksto at ideya ng mga aralin gaya ng mga teksto at gramatika. Para sa maraming mag-aaral ang asignaturang Filipino ay tunay madaling maunawaan hindi gaya ng ibang sabdyek dahil sa adbentaheng dulot ng wikang ginagamit dito, sapagkat natural na lamang sa kanila ang paggamit ng wikang Filipino sa paraan ng pakikipagtalastasan. Ang kumpyansa sa sarili ang pangunahing dahilan kung bakit nagiging aktibo at partisipatibo ang estudyante sa klase. Ito rin ang dahilan kung bakit mas mapapahusay ng estudyante ang kaniyang kakayahan lalo na sa akademikong Filipino Ang pagpapahalaga o ang pagpapaunlad sa sarili ay apektado kapag may masamang pangyayari na nagaganap sa ating pag-iisip o kahit na sa ating parte ng utak. Sariling kompyansa, ang kadalasang nangyayari ay ang pagtatalo ng isip sa kagustuhang sumagot at ang pag-iwas sa pagkakapahiya kapag namali ang sagot. Ang kumpyansa sa sarili ay ang pagkakaroon ng tiwala na magagawa mo ang isang bagay na higit pa sa iyong nalalaman na kapasidadng sarili. Ito ang dahilan kung bakit mo nagagawa ang mga bagay-bagay ng maayos, gaya na lamang ng pagpapahayag sa sarili, pakikipaghalubilo, at ang pakikipag-usap na sang pangnahing dahilan ng pagkakaintindihan sa kapwa. Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang galugarin ang kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Sa pamamagitan ng pakikipanayam, tinuklas rin ng mga mananaliksik ang antas ng kumpyansa sa sarili ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo gamit ang wikang Filipino.
  • 3. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito na may paksang “Kahusayan sa Wikang Filipino at Kumpyansa sa sarili ng mga BSED Filipino sa Pagsasanay sa Pagtuturo” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano ang lebel ng kahusayan sa wikang Filipino ng mga BSED major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo? 2. Ano ang lebel ng kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa BSED major in Filipino sa pagsasanay sa pagtuturo? 3. Mayroon bang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng mga mag-aaral sa BSED major in Filipino sa pagsasanay sa pagtuturo? Balangkas ng Teoretikal Pangunahing pinagbatayan ng pag-aaral na ito ang konsepto ni Cummins (2009) hinggil sa uri ng katatasan sa wikang maaaring taglayin ng isang mag-aaral. Ayon sa kanya, may dalawang uri ng wikang maaaring matutuhan ang mga magaaral: ang pang- araw-araw na wika (conversational language) at ang akademikong wika. Pinaniniwalaan ni Cummins at sinang-ayunan rin ng iba pang mga pag-aaral na maliban sa pagtatamo ng indibidwal ng katatasan sa wikang ginagamit niya sa kanyang pang-araw-araw na pakikisalamuha, mayroon pang isang uri ng wikang kailangang malinang sa kanya upang higit na matiyak ang kanyang tagumpay sa larangan ng edukasyon gayundin sa kanyang
  • 4. inaaasam na propesyon. Ang Cognitive Academic Language Proficiency (CALP), batay na rin sa pagpapakahulugan ni Cummins ay tumutukoy sa pagtatamo ng kahusayan wikang may tiyak na konteksto at kadalasang matatagpuan sa mga pasulat na komunikasyon partikular sa larangan ng matematika, siyensya at agham panlipunan. Kung kaya’t sa pagtuturo nito, mahalagang ang guro ng wika ay maging guro rin ng nilalaman (content). At upang matugunan ito, kinakailangang maipasok ang paksang aralin at pagkatuto ng wika sa pamamagitan ng Content-Based Instruction o ang pagtuturo batay sa nilalaman. Mula rin sa pananaw na ito ay umusbong ang pamamaraang nakadirekta sa pagtatamo ng nabanggit na layunin. Pinakakilala ang Cognitive Academic Language Learning Approach (CALLA) na nadebelop nina Chamot ang O’Malley (2005). Sa mga pamamaraang nabanggit, makikita na ang tuon ng pagtuturo ng wika ay nasa pagtatamo ng mga mag-aaral ng wikang magagamit niya sa pagtalakay ng mga matatayog na kaisipan. Sa ganang ito, malaking papel ang ginagampanan ng guro ng wika. Mapanghamon ang gampanin ng guro sapagkat maliban pa sa kailangang maging bihasa siya sa kanyang pagtuturo ng balarila at iba pang istruktura ng wika, mahalagang may malawak rin siyang kaalaman sa mga paksa sa iba’t ibang larangan. Sa pag-aaral ni Chamot (2015), binigyang-diin niya ang halaga ng pagiging dalubhasa ng guro ng akademikong wika. Magiging posible lamang ito kung ang mga guro ay patuloy sa kanyang pagsusulong ng propesyunal na pag-unlad. Malaking salik rin ang kahusayan ng guro sa mga estratehiya ng pagtuturo at pagpapanatili ng motibasyon ng mga mag-aaral upang matuto. Hindi hinihikayat ng mga konseptong ito ang paggamit ng mga tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo na lagi na lamang nakabatay sa mga imahinatibong sitwasyong ginagamitan ng mga modelong pangwika. Bagkus, higit na
  • 5. hinihikayat ang paggamit sa talakayan ng mga awtentikong materyal mula sa iba’t ibang larangan. Nangangahulugan na ang pagtuturo ng akademikong wika ay isang pag -igpaw sa nakagawiang paraan ng pagtuturo ng wika na nakatuon lamang sa istruktura at salat sa mga paglalapat sa higit na mga komplikadong kaisipang maaaring paggamitan ng wika. Balangkas Konseptuwal Ang balangkas na ito ay nagbubuod ng mga paksa tungkol kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino na mag-aaral sa pagtuturo. Nakalahad din dito sa figure 1 ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sa sarili ng mga mag- aaral sa BSED major in Filipino sa pagtuturo. Independent Variable Dependent Variable Figure 1. Conceptual Framework Kumpyansa sa Sarili Kahusayan sa paggamit ng Wikang Filipino
  • 6. Kaugnay na Pag-Aaral at Literatura Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga panitikan at literatura na may kaugnayan sa pananaliksik. Naglalaman ito ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa paksang “Kahusayan sa Wikang Filipino at Kumpyansa sa sarili ng mga BSED Filipino sa Pagsasanay sa Pagtuturo”, upang ito ay mas lalong maunawaan ng mga mambabasa. Ang anumang impormasyong paghahanguan ng mga datos na kakailanganin ay titiyaking magiging mga basehan sa lalo pang malalim at malawak na pagtalakay ng pananaliksik na ito bilang pagsasakatuparan ng kurso. Konsepto ng Wikang Filipino Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan pero ang pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, PhilippineDailyInquirer 2016). Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa panahon ngayon ang pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga propesyong may kinalaman dito. Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o patuloy na nagbabago sa katagalan ng panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag usbong ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes, 2016) Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng PhilippineConstitution sinasabing ang paggamit ng wikang pambansa ay dapat pagyamanin at paunlarin habang tumatagal ang panahon. Nakasaad din na kailangan mapanatili ang paggamit ng wika bilang paraan ng pakikipag
  • 7. talastasan sa Pilipinas at bilang parte ng sistema ng edukasyon. Mula noon ang paggamit ng Tagalog ay lumawak hindi na lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao na rin lumawak ang paggamit ng Tagalog atpaggamit ng makrong kasanayan lalo na sa sistema ng pananalita o pakikipag talastasan. Maraming bihasa sa ating wika lalo na ang mga dalubwika at mga nag aaral o mananaliksik ng linguisticsat mga guro sa asignturang Filipino naging dalubhasa sila sa wika bilang requirements nila para makakuha ng digri o kaya naman makapasa. Hindi required ang mga tao na gumamit ng purong Tagalog dahil hanggat naiintindihan ayos lang ito. Pero dahil dito tuluyang nababon o unti-unting nalilimot ang nakagisnang wika napapalitan ng mga terminolohiyang mas maikli o mas madali bigkasin (Baldon et.al 2014). Sa larangan ng pagtuturo ng wika, isang makatwirang panukatan ang pagtatamo ng akademikong wika ng mag-aaral. Marami nang eksperto sa larangan ng pagtuturo ng wika ang nagbigay ng kani-kaniyang mga pananaw rito maliban pa sa kahulugang ibinigay ni Jimm Cummins na nagpasimula ng mga hakbang at prinsipyo sa likod nito. Binigyang- kahulugan ang akademikong wika bilang wikang may higit na mataas na antas na maaaring matutuhan ng bata maliban pa sa pang-araw-araw na wikang kanyang ginagamit sa pakikisalamuha sa labas ng paaralan. Sa artikulo ni Zwiers (2005), nilinaw niya na ang akademikong wika ay ang mga set ng salita at parirala na naglalarawan ng mga kompleks at malawak na pag-iisipat abstraktong konsepto na lumilikha ng kalinawan at kaugnayan sa mga diskursong pasalita at pasulat. Nagkakaisa rin ang mga eksperto (Brown, 2004; Zwiers, 2005; Cummins, 2005; Fillmore at Wilkinson, 2009) sa pagsasabi na ang pagtataglay ng akademikong wika ng mag-aaral ang magsisilbing pamantayan ng kanyang tagumpay sa kanyang pag-aaral sa akademya. Dagdag pa ni Brown (2004), ang matibay na pundasyon ng akademikong wika ay makatutulong sa pag-unawa ng mag-
  • 8. aaral sa kanyang mga araling pangnilalaman (content course). Gayundin ay sinabi nina Fillmore at Wilkinson (2009) na ang pamantayan ng kahusayang pangakademiko ng mag- aaral ay ang kakayahan nilang magkaroon ng masteri ng kasanayang pasalita at ang mag-isip at magsulat nang tulad ng mga aklat. Higit na naging malinaw ang mukha ng pagtuturo ng akademikong wika matapos ang masusing mga pag-aaral ni Jimm Cummins dito. Bagamat mayroon nang mga naunang pag-aaral, higit na pinaigting ni Cummins ang pagbibigayanyo sa kaibhan ng akademikong wika na dapat na malinang sa mga mag- aaral upang maging higit na produktibo ang kanyang pagkatuto. Unang nakita niya na kailangang malinawan ang isyung ito sa pag-aaral nina Skutnabb-Kangas at Toukomaa, 2006 (Cummins, 2009) hinggil sa mga mag-aaral na mula sa Finland na nasa bansang Sweden. Nakita rito ang magkaibang kakayahan ng mga magaaral sa dalawang wikang kanilang ginagamit. Sa kabila ng kakayahan nila sa dalawang magkaibang wika, hindi pa rin sila nakapagtatamo ng mataas na grado sa mga gawaing pang-akademiko. Ang Paggamit sa Wikang Filipino sa Pagsasanay sa Pagtuturo Ang isang guro ay alagad ng agham at sining. Agham sapagkat ang pagtuturo ay sangay ng karununungang umaalinsunod sa mga simulain at prinsipyo. May maayos at sistematikong hakbang na sinusunod ng guro sa kanyang pagtuturo na nakasalig sa pilosopikal, sikolohikal, at sosyolohikal na batayan. Nauukol ito sa mga Gawain ng pagkikintal ng kaalaman sa maayos at kaaya-ayang pamamaraan. Bukal ng masisining na teknik ng guro upang maging epektibo ang kanyang pagtuturo. Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga tsinoy na mag-aaral. Binibigyang diin ni Dingaosen, (ni Adan 2010), na ang guro ay may malaking papel sa paglilinang ng kaisipan ng mga kabataan. Hinihikayat nito ang mga mag-aaral na maabot ang kanilang
  • 9. mga pangarap sa buhay. Kinakailangan ding ang guro ay malikhain at umisip ng pagbabago o inobasyon. Kailangan makipagsabayan siya sa mabilis na pag-unlad, kaalinsabay sa pagsulputan ng mga makabagong teknolohiya. Makatutulong nang malaki ang mga kagamitang pampagtuturo lalong lalo na ang mga makabagong teknolohiya sa pagdebelop ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ito’y mga bagay na nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang malinang at mapalawak ang kanilang kaisipan. Dahilan kung bakit kapos sa suplay ng mga kagamitang panturo kaya’t nahihirapan ang mga guro kung paano simulan ang paksa. Bunsod narin sa midyum ng wikang ginagamit ng mga mag-aaral ay nagkakaroon ng suliranin sa komunikasyon sa proseso ng pagtuturo. Ang Kumpyansa sa Sarili sa Pagtuturo ng Wikang Filipino Binibigyang-diin nina Dannels at Housley-Gaffney (2009) na ang komunikasyon at pagkatuto ay nararapat na magkaroon ng matatag na ugnayan upang ang kahirapan sa pag-aaral sa anumang larangan o asignatura ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng maayos at epektibong paraan ng pagbabanggit ng mga ideya at mga suliranin. Hindi mapasusubaliang napakahalaga ng paggamit ng wika sa pagkatuto at pagpapahayag ng anumang tugon o reaksyon ng bawat magaaral sa interaksyong pangklasrum. Isa sa malaking hamon ay kung aling wika ang gagamiting midyum sa pagpapahayag. Alinsunod sa mga pananaliksik at mungkahi ng UNESCO 2003 at Summer Institute of Linguistics (SIL) (2007), praktikal na gamitin ang alinmang wikang higit na gamay ng mga magaaral, kung saan sila higit na bihasa. Mahalaga ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga magaaral na magamit ang wikang Ingles at Filipino sa kanilang pagkatuto. Kung pagtutuunan ng pansin ang asignaturang Matematika, higit na nakatutulong sa pag-
  • 10. unawa ng mga konsepto at pagsagot ng pasalitang suliranin ang pagpoproseso ng mga mag-aaral gamit ang pormula o solusyong natutuhan nila sa pagtalakay ng guro. Sa kanilang pagpoproseso, kailangang isaalang-alang ang wikang komportableng gamitin upang ito ay mapagaan. Ilan sa hamon at suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa asignaturang Matematika ay kung paano sila magpapahayag ng kanilang sagot. Sa katunayan, sanhi ng katotohanang napakahirap na asignatura ang Matematika para sa maraming mag-aaral, binigyang-turing ni Moschkovich (2013) na higit itong nagiging hamon lalo pa at kung dumaragdag na balakid ang mga suliraning pangwika. Kaugnay nito, ang patakarang pangwika sa paaralang pinagtuturuan ng mananaliksik ay mayroong pagkiling sa wikang Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng larangan maliban sa Filipino. Ayon naman kay Zwiers (2005), yamang ang mga guro ang pinagkatiwalaang mamahala sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng wika – lalo pa ng akademikong wika, mahalaga na mataya rin ang kakayahan nila sa antas ng wikang ito na ginagamit sa akademya. Sa pananaw naman ni Troncale (2002), kailangang maituro ng mga guro sa mag-aaral ang maging “independent learner” o ang kakayahang matuto na hindi nakadepende sa iba. Dapat ding rebyuhin ng guro ang kanyang tungkulin sa kanyang mga mag-aaral at kapwa guro upang matiyak ang pagtatamo ng tiyak at angkop na pagtuturo at pagkatuto ng wika. Binigyang diin din ni Zwiers ang sinabi ni Cummins na ―ang guro ng wika ay guro ng nilalaman.‖ Ganito rin ang pananaw ni Ragan (2005), sa pagsasabing kailangang malinaw sa guro kung anong klase ng akademikong wika ang kailangang maituro.
  • 11. KABANATA 2 METODOLOHIYA NG PAG-AARAL Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag- aaral, mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos. Disenyo ng Pananaliksik Ang isasagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibo o palarawang disenyo. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Correlation Research Design, na gumagamit ng talatanungan o survey questionnaires para makalikom ng mga datos na magdedetermina sa lebel ng kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga BSED major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Limitado lamang ang bilang ng mga taga sagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari-ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. Ang mga datos na makakalap ay maaaring makatulong sa pagpapatunay na mahalaga ang wastong paggamit ng wika sa BSED major in Filipino.
  • 12. Seting ng Pag-aaral Isa sa pangangailangan ang magamit ang wika bilang isang kakayahang komunikatibo na tumutugon sa isa sa mga tunguhin ng K to 12 kurikulum. Sa pamamagitan ng pagtatala o kaya naman ay pagbibidyo. Kaugnay nito, isinagawa ang pag-aaral na ito sa BSED major in Filipino na mag-aaral na ginagamit ng wasto ang wikang Filipino sa Central Mindanao Colleges sa pagsasanay sa pagtuturo. Pagpili ng Kalahok Ang mga mananaliksik ay pumili ng respondente mula sa BSED major in Filipino na mag-aaral na may bilang na 60 kung saan nakuha namin ang sa Slovin's Formula sa stratified sampling. Instrumento ng Pag-aaral Ang aming grupo ay kakalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagbibigayng mga talatanungan na may mga malalalim na salita o termino. Binabalak namin ito hatiin sa ibat ibang klase ng lebel. Sa una hindi masyadong malalim ang mga termino at may pagpipilian sila. Ikalawang lebel ay may medyo malalalim na salita at termino may pagpipilian at ikatlo ang pinaka mahirap nag lalaman ng mahihirap na termino at salita walang pagpipilian. Gagawa kami ng pamantayan na dapat aprubahan ng guro sa pananaliksik. Ang pamantayang ito ang magsasabi o mag dedeklara kung ano ang karaniwang lebel ng kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga BSED major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Ito ay ang aming napili, dahil ang impormasyong kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw
  • 13. ng bawat respondante, at ang tanging paraan upang malaman ito ay sa pamamagitan lamang ng interbyu. Paglalarawan sa kahusayan sa wikang Filipino at kumpyansa sarili ng mga BSED major in Filipino na mag-aaral sa pagsasanay sa pagtuturo. Mean Bilang Paglalarawan Pasalitang Paglalarawan Pakahulugang Paglalarawan 4.21-5.00 5 Lagi Ibig sabihin ang antas ng estilo ng pagtuturo ay laging naipapakita ng guro sa bawat aralin. 3.41-4.20 4 Madalas Ibig sabihin ang antas ng estilo ng pagtuturo ay madalas na naipapakita ng guro sa bawat aralin. 2.61-3.40 3 Minsan Ibig sabihin ang antas ng estilo ng pagtuturo ay minsan lamang naipapakita ng guro sa bawat aralin. 3 1.81-2.60 2 Bihira Ibig sabihin ang antas ng estilo ng pagtuturo ay bihira lamang naipapakita ng guro sa bawat aralin. 2 1.00-1.80 1 Hindi kailanman Ibig sabihin ang antas ng estilo ng pagtuturo ay hindi kailanman naipapakita ng guro sa bawat aralin. Paraan ng Pangangalap ng Datos Uumpisahan namin sa pag-gawa ng mga tanong na ilalagay namin sa sarbey, ikalawa, pag-gawa ng liham na ipapakita namin sa aming mga repondents upang sa
  • 14. gayon ay maunawaan nila kung ano ba ang aming ipapasagot sakanila at ang aming topic, ikatlo, habang silay sumasagot sa aming interview/survey. Aming pinagmamasdan ang mga kanilang reaksyon sa pag sagot sa aming binigay na talatanungan/survey form. At huli, pagtapos nila sagutan ang sarbey, ang mga mananaliksik ay gagawa ng interpretasyong berbal bilang tritment. Tritment ng Datos Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally at bibigyan ng berbal na interpretasyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan. Ang mga datos ay iaanalisang mabuti at magiging gabay sa resultang ninanais ng mga mananaliksik. Mula sa mga sarbey at pakikipagpanayam ang mga makakalap na datos ito ay sasalain at pipiliin ang mga makakatulong o benepisyunal sa pag-aaral. Sa pagsusuri ng nalikom na datos, ginamit ang mga sumusunod na istadiska. Mean ay ginamit upang alamin ang antas ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at ang aktibong motibasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng natamong iskor sa batayan ng mga mananaliksik na kanilang katanungan. Pearson r. Ito ay ginamit upang mapatunayan ang relasyon o pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng estilo ng pagtuturo ng mga guro at aktibong motibasyon ng mga mag-aaral.
  • 15. Bibliograpiya Chamot, A. (2015). Language learning strategy instruction: Current issues and research. Annual Review of Applied Linguistics, 25(1), 112-130. Chamot, A. at O’Malley. (1997). CALLA Handbook: Implementing the cognitive academic language proficiency. TESL-Ej, 2(3), R5. Crandall, J. (2014). Content-centered language learning. ERIC Digest. ED 367142. Cruz, M.(2014). Mga suliranin ng mga instruktor sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyaryo: Isang pag-aaral. Tuguegarao: St. Louis College. Cummins, J. (2009). BICS and CALP. Cummins, J. Bilingual children‟s mother tongue: Why is it important to education? Cummins, J. et al. (2005). Affirming identity in language classrooms. The Whole Child, 63(1). Cummins, J. Putting language proficiency in its place: Responding to critiques of the conversation/academic language distinction. Department of Education (2020) DepEd Order No. 012, Series 2020, “Adoptionof the Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for school year 2020-2021 content/uploads/2020/10/DO_s2020_032-1-1.pdf, retrieved 10/10/2021, 8:28 p.m. Espiritu, C. (2005). Ang panukalang bagong kurikulum ng Filipino sa antas tersyarya. Papel na tinalakay sa Pambansang Seminar-worksyap sa Filipino. PNU, Maynila. Fillmore, L. at Snow, C. (2000). What teachers should know about language?. ERIC Clearing House on Languages and Linguistics (Special Report). 101.1.92.9117. 861 Finch, A. (2002). The language clinic: The teacher as an agent of change. Karen’s Linguistic Issues. Finch, A. The post-modern language teacher: The future of task-based teaching. Fortunato, T. (2007). Sistema ng paghahatid ng karunungan sa klasrum. Banwa. Jornal sa Filipinolohiya. 3(1), 26-40. Fraenkel, J. at Wallen, N. (2007). How to design and evaluate research in education. (6th ed). Mc Graw Hill International Edition. Gabriel, K at Rose, K. Pragmatics in language teaching.Cambridge University Press. Haworth, P. (2008). Crossingborders to teach English language learners. Teachers and Teaching: Theory and Practice. 14 (5-6), 411-430. Ianziti, J.R. & Varshney, R. (2008). Students’ views regarding the use of the first language: An exploratory study in a tertiary context maximizing target language use. The Modern Canadian Language Review, 65(2), 249-273. Ibrahim, A. (2010). ESP at the tertiary level: Current situation, application and expectation. English Language Teaching, 8(1), 200-206.
  • 16. Ibrahim, Z. (2005). Ang kahandaan ng mga guro ng Filipino sa mga paaralang tersyarya sa lungsod ng Cotabato. Cotabato City: Notre Dame University. Jones, D. (2007). Speaking, listening, planning and assessing: The teacher’s roles in developing metacognition awareness. Early Child Development Mayor, A. (2007). Pagtuturo ng Filipino sa Antas Kolehiyo ng mga paaralang Dominikano sa Kalakhang Maynila. Manila: Arellano University. Mendoza, R. (2004). Mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga magaaral sa Filipino: Debelopmental na modelo. Baguio City: University of the Cordilleras. Zwiers, J. (2005). The third language of academic English. Educating Language Learners, 62(4).