Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino at kung paano ito nakaaapekto sa kanilang akademikong performans. Natuklasan na mas paborito ng mga estudyante ang asignaturang Ingles, ngunit mayroong katamtamang ugnayan ang kanilang pagpapahalaga sa Filipino at ang kanilang mga marka. Iminungkahi ng mga mananaliksik ang pagpapabuti sa pagtuturo ng Filipino gamit ang makabagong estratehiya at teknolohiya upang mas mapalawak ang kaalaman at interes ng mga estudyante sa asignaturang ito.