2. Basahin ang sanaysay
Pagmamahal sa bayan
Napansin mo ba ang pagkahilig ng marami sa pagsusuot ng mga damit
na naglalarawan ng pagiging makabayan? O kaya naman ang mga
sasakyan na may mga bandila o mapa ng bansa?
Sa ganitong paraan ba ipinakikita o naisasabuhay ang pagmamahal sa
bayan o ang pagiging makabayan? O, kailangan mong ibuwis ang iyong
buhay tulad ng ating mga bayani upang masabing mahal mo ang iyong
bayan? Tunghayan natin ang isang halimbawa.
1
3. 2
Si Mang Ben ay tanod sa kanilang baranggay. Ang oras ng kaniyang ronda ay mula ikapito ng gabi
hanggang ikalabindalawa ng madaling araw. Ang pasok niya sa trabaho sa kabilang bayan ay mula
ikawalo ng umaga hanggang ikaapat ng hapon.
Walang kapagurang ginagawa ito ni Mang Ben araw-araw. Hindi nagrereklamo ang kaniyang asawa
dahil alam niya na si Mang Ben ay talagang matulungin at masipag. Aktibo rin siya bilang isang lay
minister ng kanilang simbahan. Maganda ang bonding nila ng kaniyang apat na anak. Isang araw,
napili siya ng kanilang munisipalidad bilang natatanging mamamayan ng kanilang bayan. Nang
tanungin ng mga hurado kung hindi ba siya nahihirapan sa kaniyang ginagawa, walang pag-
alinlangan na sinagot niya na "ito ay bunga ng pagmamahal." Hindi nagtatapos sa pamilya ang
pagpapakita ng pagmamahal kundi nagpapatuloy ito sa kapuwa at sa pamayanan. Sa pagsisiyasat at
pagtatanong ng mga hurado sa mga taong malapit at hindi gaanong kilala si Mang Ben, lumitaw na
siya ang huwaran bilang mamamayan.
May pagmamahal ba sa bayan si Mang Ben? Paano ipakikita ang pagmamahal sa ba
yan?
4. 3
Ano ba ang pagmamahal sa bayan?
PILIPINAS
SERGO
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat
mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater na ang
ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang
literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land). Ang pagsasabuhay
nito ay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong
pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat, pagsawata sa mga kilos na di
makatarungan at hindi moral (Institute for Development Education Center for Research and
Communication), Kadalasang iniuugnay ang patriyotismo sa nasyonalismo ngunit hindi
magkasingkahulugan ang dalawang ito. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang
pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong
wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito
ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na kung saan
tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
5. 4
Ikaw, gaano kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa pagmamahal sa bayan?
Ano na ang nagawa mo para masabing mahal mo ang bayan?
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan
Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na
ito, dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan na tayo bilan
tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapuwa
SULONG !!! Pilipinas
Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal, gawin nating halimbawa ang sumusunod: Una
ano ang mangyayari sa isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat miyembro nito?
Maaaring ang mag-asawa ay magkahiwalay, ang mga anak magkaniya-kaniya at sa pagtanda ng mga
magulang, walang kakalinga sa kanila Magulo at nakalulungkot, di ba? Ikalawa, ano ang mangyayari sa grupo
ng manlalaro kung hindi nila ipinamalas ang pagmamahal sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang koponan?
Maipapanalo ba
nila ang grupo? Diba lagi mong naririnig ang salitang puso sa tuwing kinakapanayam ang manlalaro na
nagbigay nang malaking puntos upang ipanalo ang koponan?
6. 5
MAHAL KO ANG BAYAN KO
Kung magbabalik-aral ka at itatanong sa iyo ng iyong guro kung saan unang naituro ang pagmamahal, marahil maaalala
mo ang iyong pagkatututo sa modyul na tungkol sa pamilya. Dito mo natutuhan na ang pamilya ang unang paaralan ng
pagmamahal, pinapalawak ito sa paaralan at pinauunlad ng pakikisalamuha sa kapuwa sa lipunang kinagagalawan, Kung
ang pagmamahal ay nadarama sa bawat miyembro ng pamilya, walang pamilyang magkakawatak-watak Magiging
masaya at makakaya nila ang bawat hamon ng buhay. Para sa isang koponan na nagpamalas ng pagmamahal sa grupo at
miyembro nito, hindi lang pagkapanalo sa mga laro kundi magkakaroon Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan
upang makamit ang layunin. ng sense of pride at mataas na tingin sa sarili. Ang pagmamahal na ito ang siyang magiging
daan upang makamit ang mga layunin na gustong maisakatuparan.
Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan.
Kung isasabuhay natin ang pagmamahal sa bayan; may mangyayari bang patayan? May manloloob at magmamalabis ba
sa kapuwa? May mga negosyante bang magtatago ng kanilang paninda upang lumakas ang demand at tumaas ang
presyo ng bilihin? Uusbong ba ang walang katapusang isyu ng korapsiyon? May mangyayari bang kalamidad na likha ng
tao dahil sa walang pakundangang pagsira ng likas na yaman? Ang mga socio-economic problem na ito ay maiiwasan
kung hindi man mapigilan kung may pagmamahal sa bayan. Ang pagmamahal na ito ang magbubuklod sa mga tao sa
lipunan. PAGNANAKAW NO MENOR DE EDAD NA HULICAM PRESTONG BIGAS AMGELICA DINORAZO 994-41
10 BILLION PORN BARREL SCAM
Ano ang nagiging epekto sa iyo ng mga socio-economic problem na ito? Paano ka magiging kabahagi sa paglutas sa mga
problemang ito?
7. ANG PAGPAPAMALAS NG PAGMAMAHAL SA BAYAN AY PAGSASABUHAY NG PAGKAMAMAMAYAN; ISANG INDIBIDWAL NA IBINABAHAGI
ANG TALINO SA IBA, PINANGANGALAGAAN ANG INTEGRIDAD NG PAGKATAO, PINAHAHALAGAHAN ANG KARANGALAN NG PAMILYA, NA
ANG PAGMAMAHAL AY LIKAS BILANG TAONG MAY MALASAKIT PARA SA ADHIKAING MAPABUTI ANG LAHAT. ANG PAGMAMAHAL NA ITO
AY NAKAUGAT SA KANIYANG PAGKAKAKILANLAN BILANG TAONG MAY PAGMAMAHAL SA BAYAN NA INIINGATAN ANG KARAPATAN AT
DIGNIDAD.
Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at dignidad ng tao.
KATUTUBO
Kulturang
Dito lang ba magtatapos ang lahat? Sabi nga, kapag mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang mahalaga
sa kaniya. Wala itong ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may
pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan. Napansin mo ba sa kasalukuyan kung paano dayuhin ng
mga turista ang mga lugar na mayaman sa kulturang Pilipino? Ikaw, napuntahan mo na ba ang mga ito? O, mas pinipili mo ang
pagiging banyaga sa sariling bayan dahil mas gusto mong pasyalan ang mga lugar na nasa ibang bansa kaysa sa kung ano mayroon
tayo? Interesado ka ba kung ang Lakbay-Aral ng paaralan ay sa mga museo o mas gusto mo ang pagpunta sa mga sikat na mall at mga
amusement park? Kapag ba inaawit ang pambansang awit, ginagawa mo ba ito ng buong puso? Payag ka ba na itayo ang isang gusali
na sisira sa imahe ng isang kilalang parke ng bansa? Ano ang damdaming iiral sa iyo kapag nakikita mo ang mga lugar na tanda ng
iyong pagiging Pilipino ay unti-unting winawasak o binubura sa kasaysayan ng bansa?
Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan.
Anong kilos ang iyong gagawin upang ito ay matigil at mapreserba ang kulturang tanda ng iyong pagka-Pilipino?
6
8. Ano ang pambansang awit ng bansa? Ano ang pambansang prutas, dahon, hayop, o kahit
ang kabisera ng bansa? Mga basic, wika nga sa wikang Ingles kaya lang, marami ang di
nakaaalam. Mas in ba sa iyo kung ang salitang gagamitin mo ay ingles o pamamaraang
jejemon? May sarili kang wika, bakit kaya hindi ito ang iyong ginagamit? Sabi nila, kapag
mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat. Segurado ako, mahal mo ang bayan at
alam ko na may gagawin ka para ito ay maisabuhay. maipakita at maging inspirasyon sa
kapuwa Pilipino. Dahil ang pagmamahal mo sa bayan ay paraan upang pahalagahan ang
kultura, paniniwala, at pagkakakilanlan.
Sa mga kaisipang nabanggit, nakita mo ba kung gaano kahalaga ang pagsasabuhay ng
pagmamahal sa bayan? Ano ang magagawa mo para ibahagi sa iba ang kahalagahan ng
pagpapahalaga sa bayan?
Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan
7
9. 8
Ang Pilipinas bilang lipunan ay naghihikayat
sa mga mamamayan na isabuhay ang mga birtud na makatutulong upang gumawa ng makataong
pagpapasiya at kilos, tungo sa makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapuwa, at sa
kapaligiran. Ito ang kahulugan ng birtud ng kabanalan na inuugnay ni Santo Tomas de Aquino sa
patriyotismo. Ang sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay
ang pagmamahal sa bayan. Nakapaloob ang mga ito sa Panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas.
1. Pagpapahalaga sa buhay. Ang paggalang sa buhay ay isang moral na obligasyon sa Diyos ng bawat isa
dahil ang buhay ay mula sa Kaniya kaya't walang sinuman ang maaaring bumawi o kumuha nito kundi Siya.
Kasama sa pagpapahalagang ito ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at isipan. Mahalagang
gawin ang makakaya upang maprotektahan ang buhay bilang pagkilala sa dignidad ng tao.
2. Katotohanan. Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi mapagkunwari, tumatanggi sa
anumang bagay na di ayon sa katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran at matiyagang paghahanap
ng lahat ng uri ng kaalaman, Ang integridad ay pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon.
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Ang pagpapakita ng malasakit sa kapuwa ay sa pamamagitan
ng pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Kung wala ako at mayroon ka, hati tayo o puwedeng ikaw
muna at sa susunod ako naman, Kasama sa responsibilidad ng isang indibidwal ang tulungan at ipadama sa
iba na sila ay bahagi ng ating pagkatao bilang kapuwa tao
4. Pananampalataya. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos, na ang lahat ay makakaya at posible, Sa
Modyul 12, mapauunlad ang pagkaunawa mo rito at ang kahalagahan nito sa iyong buhay at pagkatao.
10. 9
5. Paggalang. Ang paggalang bilang elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat naipakikita kapag ang
karapatan ng isang mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at
napangangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
6. Katarungan. Sinesegurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay, naibibigay sa
isang tao kung ano ang para sa kaniya at para sa iba, hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.
7. Kapayapaan. Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.
May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay,
indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat.
8. Kaayusan. Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang ugnayan sa
kapuwa, Ang pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi, Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang pangunahing
institusyon ng lipunan na siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng lahat, Binibigyang-
halaga rito ang kasal bilang pundasyon ng pamilya at kumikilos upang mapangalagaan ang pisikal, moral,
ispiritwal, at panlipunang pag-unlad ng bawat miyembro nito lalong lalo na ang mga bata Kasama na rito
ang pagtuturo sa mga bata ng kultura, paniniwalang kinagisnan na kailangang ipagpatuloy na isabuhay
at ang paggalang sa pagkakakilanlan ng bansa.
11. 10
10. Kasipagan. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay at may
pagmamahal. Ginagamit ang talento at kahusayan sa pamamaraang nakatutulong sa kapuwa nang
buong kagalakan.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang pagsasabuhay ng responsibilidad bilang tagapangalaga
ng kalikasan at ng mga bagay na nilikha ng Diyos laban sa anumang uri ng pang-aabuso o pagkawasak
12. Pagkakaisa. Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at saloobin para sa
iisang layunin. Ang kaisipang ikaw, ako, sila, tayo ay magkasama sa pag-unlad bilang isa ay tanda ng
pagiging mabuting mamamayan.
13 Kebayanihan Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapuwa ko?
14 Kalayaan Ang pagiging malaya na gumawa ng mabuti, mga katanggap-tanggap na kilos na ayon sa
batas na ipinapatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
15. Pagsunod sa batas. Ang pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinanang
batas na mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan, Isa ito sa mga sa pangunahing susi sa pag-
unlad ng bansa bilang pagsasabuhay ng makataong lipunan
16 Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ang sama-samang pagkilos upang
mahikayat ang lahat ria lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang ng
sarili, pamilya kundi ng lahat.
12. 12
Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa pitong dimensiyon ng tao
na nakalahad sa Batayang Koriseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
Dimensiyon ng tao. Mga pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
1.Pangkatawan. pagpapahalaga sa buhay
. 2. Pangkaisipan Katotohanan.
3.Moral. pagmamahal at pagmamalasakit sa kapu.
4.Ispintwal. pananampalataya
5 . Panlipunan. Pagalang,katatrngan,kapayapaan,kaayusan at pag ka linga sa
pamilya at pagsalin lahi
6.Pang ekonomiya. Kasipagam pangangalaga sa kapaligiran at pangangasiwa
7.Pampolitikal. pag kakaisa kabayanihan kapayapaan at pagsunod sa batas
8.lahat ng dimensiyo pagsulong ng kabutuhang pan ahat .
13. Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo XXIII (1818-1963), "Ang
dignidad ng persoria ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong
pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa kabutihang panlahat."
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang pangangailangang
maglingkod sa bayan at sa kapuwa. Alam niya kung kailan siya kikilos dahil sa angking karunungan.
Ibibigay ang nararapat para sa iba, kokontrolin
ang sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lamang ang makikinabang at hindi ang lahat. Ang paggawa
ng paghuhusga ay dumaraan sa isang prosesong magdidikta upang gawin ang mabuti para sa
kabutihan ng lahat.
Alin sa mga pagpapahalagang nabanggit ang kailangan mo pang linangin sa iyong sarili? Ano-anong
mga kilos ang iyong gagawin bilang pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang ito? Paano mo
maiimpluwensiyahan ang katulad mong mag-aaral upang linangin at isabuhay ang mga
pagpapahalagang ito?
13
14. Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan.
Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan. Bukod sa mga tungkulin na
dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng
bagay na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa ayon kay Alex Lacson:
DAPAT MABUTI
a. Mag-aral nang mabuti. Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman mag- iisip na gumawa ng anumang
paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng kaniyang bansa, bagkus ang kaniyang natutuhan sa pag-aaral ay gagawin
niyang paraan upang mahanapan ng solusyon at tulungan ang bansa sa problemang kinakaharap at haharapin nito.
Ang kaniyang natutuhan ay gagamitin upang tulungan ang nangangailangan ipakita at ipadama sa iba na hindi nag-
iisa sa kanilang pag-iisa at pangangailangan ng tulong. Kaisa sila sa pag-unlad ng lahat bilang mamamayang
ginagamit ang pinag-aralan sa kapakinabangan ng lahat.
b. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang puwedeng maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng
Filipino Time, ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay hindi nakatutulong sa
pagsulong ng anumang grupo, organisasyon at sa kabuuan ng bansa. Ang pagpasa ng RA 10535 o mas kilala bilang
Philippine Standard Time ay makatutulong upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng tamang oras na susundan.
May batas o wala, kailangang gamitin ang oras ng tama, kailangang isulong ang kultura nang pagiging maagap
(culture of punctuality).
15. c. Pumila nang maayos. Unahan sa pila, gitgıtan sa kalsada na kung minsan, dahilan ng pagtatalo na nauuwi
sa aksidente, away, bugbugan hanggang sa patayan. Sabi nga lagi. "Disiplina lang pakiusap." Mababaw kung
tutuusin pero kailangan.
d.Awitin Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Kung may simpleng bagay na maaaring gawin
ang isang mamamayan para sa kaniyang bayan, ito ay ang galang ang kaniyang pagkakakilanlan, pangunahin
na rito ang pambansang awit Awitin ito ng buong puso at may paggalang.
e.Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya, Isa sa pangunahing problema ng bansa sa
kasalukuyan ay ang kawalan ng katapatan lalo ang ilang nasa pamahalaan, ang mga tao na inaasahan na
mangangalaga sa karapatan ng mamamayan, Ang katapatan ay unang tinuturo sa bahay, at pinauunlad at
pinalalawak ito sa paaralan at isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan. Ang pangongopya o pagpapakopya na
kadalasang ginagawa ng isang mag-aaral ay hindi makatutulong upang maging matapat at totoo sa lahat ng
panahon at pagkakataon
f.Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit Saan Ang solusyon sa
lumalalang problema ng bansa o ng mundo sa kapaligiran ay nasa kamay ng mamamayan at ito ay ang
responsableng paggamit ng pinagkukunang yaman nito, kasama na rito ng pagtitipid sa tubig. koryente,
pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at tamang pagtatapon ng
16. g.Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong. Ang kalusugan ng tao ay yaman ng bansa, ang mga gawaing
gaya ng pag-inom, paninigarilyo. pagsusugal, at ang labis na pagkahilig sa paglalaro sa kompiyuter ay tuwirang hindi
makatutulong sa sarili at sa kabuuan sa pag-unlad ng bansa.
h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging
makasarill, paraan ito upang lalo pang matulungang mapalago at malangat ang ekonomiya ng bansa, na sa huli ay ang
mamamayan makikinabang nito. Ang produktong masasabing tunay na gawang Pilipino ay likas na matibay, maganda,
at maayos ang pagkakagawa kaysa sa ibang bansa.
i.Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno
na kakatawan sa mga bagay na nais mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa
kung anong pabor o materyal na bagay.
j. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabing "po" at "opo.
"Ang pangangalaga sa nakatatanda ay isang pananagutan. Ang pananagutang ito ay malsasabuhay sa pamamagitan ng
pagbibigay-galang sa nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi.
k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi matatawaran
kailanman, ang pagtawag sa Kaniya, paghingi ng patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithiin
sa buhay. Napakalaking bagay para sa bansa at kapuwa mamamayan
17. sa buhay. Napakalaking bagay para sa bansa at kapuwa mamamayan kung lagi silang isasama ito sa panalangin. Sabi nga nila, pakikinggan at hindi
pababayaan ng Diyos ang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat.
OFW
Bukod sa mga nabanggit, malaking tulong din ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip. Ang isang taong may tamang pag-uugali ay
gagawa ng paraan upang may maitulong. Gagawin niya kung ano ang sa palagay niya ang makabubuti at pag-aaralan kung ano ang dahilan o sanhi kung
bakit ang isang problema ay nangyayari. Sa ganitong paraan nagagamit niya ang kaniyang kritikal na pag-iisip na karaniwang nakakalimutan ng nakararami.
Marahil, sasagi ito sa iyong isip: Paano ang mga ibang Pilipino na nangibang- bansa upang doon magtrabaho at hindi rito sa bansa lalo na ang mga
nagpasiyang manirahan at piliing matawag na mamamayan na ng ibang bansa (citizen)?
Pag-isipan:
1. Ang aksiyon ba na kanilang ginawa ay lihis o di ayon sa pagiging makabayan?
2. Alin sa mga nabanggit ang naisagawa mo na? Paano mo gagawing instrumento ang iyong sarili upang maging kaisa ang iyong kapuwa kabataan na
isabuhay ang mga kilos na ito?
Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan
alikan natin ang awiting "Ako'y Mabuting Pilipino Tugma ba ang mensahe nito sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Kung ang sumusunod na tanong
ay bahagi ng pagsusulit, maipapasa mo kaya ito o may masasagot ka ba sa mga ito?
. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong kapuwa Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba? Kaya
mo ba, kung ikaw o kayo lang?
2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang sa iyo? Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang naisagawa mo na upang
masabing ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa? Ilang beses mo na bang ipinahiya ang bansa sa iyong mga makasariling mithiin? Ilang beses mo na
bang ikinahiya o itinagong ikaw ay Pilipino?