Suriin
Nagtutulungang pamilya, nagmamahalan, sama-samang nanampalataya rin
ba ang iyong naobserbahan sa mga larawan? Tama ka!
Ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya ay mga birtud na
dapat taglayin at papairalin ng mga kasapi ng isang pamilya. Kung ang mga
nabanggit ay naranasan sa isang pamilya, magdadala ito ng positibong
impluwensiya sa sarili na makatutulong upang mas mapaunlad pa ang tao at
maibahagi niya rin ito sa kapuwa. Ngunit paano nga ba masasabing umiiral ang
pagmamahalan, pagtutulungan at matibay na pananampalataya sa isang pamilya?
Malawak ang saklaw ng salitang pamilya. Hindi lamang ito tumutukoy sa
pamilyang nakagisnan at nakasama. Itinuturing din natin na pamilya ang mga
kaibigang nagbibigay halaga at sumusuporta sa anumang aspeto ng ating pagkatao.
Walang sukatan ang pagmamahal sa pamilya. Nagkakabangayan at hindi
nagkakaintindihan dahil sa magkaibang pananaw at prinsipyo ng bawat isa, ngunit
sa bandang huli ang pamilya ay mananatiling pamilya.
Sa katangi-tanging ugnayan ng bawat isa, napapanatili pa rin ang kaayusan
at pagmamahal sa pagpapairal ng sumusunod:
 Pagrespeto
Naipapakita ang pagrespeto hindi lamang sa salita maging sa kilos. Ang
pagmamano at pagsasabi ng po at opo kung nakikipag-usap sa mga
nakatatanda ay isang halimbawa ng kilos na nagpapakita ng paggalang.
Naipapakita rin ang pagrespeto sa pamamagitan ng paggalang sa desisyon o
kagustuhan ng bawat kasapi.
 Pagsuporta
Kaakibat ng pagmamahal ay ang pagbibigay at pagpapakita ng suporta sa
mga kasapi ng pamilya. Maaaring sa hilig o interes, desisyon at kanilang
plano sa buhay. Magiging masaya ang tao kung nararamdaman nito ang
suporta mula sa mga mahal sa buhay.
Napakahiwaga ng salitang pagmamahal dahil kung napapanatili at umiiral ito
sa tahanan, nagiging buo, may malasakit at pagmamahalan ang bawat pamilya.
Pinapairal din sa pamilya ang pagtutulungan sa anumang gawain. Sa totoong
buhay, bawat kasapi ay may tungkulin na ginagampanan sa loob ng tahanan. Kung
minsan naman ay nakaatang sa nakatatanda ang mga mabibigat na responsibilidad
habang ang mga simpleng gawain ay inaasa sa mga nakababatang kapatid.
Maraming paraan upang mapairal ang pagtulong gaya ng sumusunod:
 Bayanihan sa gawaing bahay
Kung mapapansin, nakatalaga ang mga gawain sa bawat kasapi sa
tahanan. Ang pagluluto ay maaring ginagawa ni ate habang ang paghugas ng
pinggan ay ginagawa ni bunso.
 Pagsasakripisyo
Napabilang itong isa sa pinakamataas na uri ng pagtulong sapagkat
nagpapaubaya ang isang kasapi para sa ikabubuti ng pamilya. Halimbawa,
kung minsan ay isinasakripisyo ng magulang ang pansariling
pangangailangan upang matugunan ang pangangailangan ng anak sa pag-
aaral.
Ang tahanan ay unang paaralan. Kung kaya, bata pa lamang ay itinuro na ng
mga magulang ang respeto, pagmamahal at ang mga bagay na kailangang
matutunan upang maihanda ang anak sa pagpasok sa paaralan. Itinuro din sa mga
anak ang iba’t ibang paraan ng paghubog sa pananampalataya. Halimbawa, ang
pag-aalay at pagsambit ng panalangin ay walang pinipiling oras, lugar at panahon,
ang mahalaga ay bukal sa kalooban ng tao ang pakikipag-usap sa Panginoon.
Kapansin-pansin din na ang pamilyang malapit ang kalooban sa Panginoon
ay may matiwasay at maligayang pakikitungo sa bawat kasapi. Ang pakikinig at
pagsasabuhay sa mga salita ng Panginoon ay nakahuhubog sa mabuting katangian
at asal ng bawat kasapi ng pamilya. Maraming paraan at gawi ang ginagawa ng isang
pamilya upang mapairal at mahubog ang pananampalataya tulad ng:
 Pagpapahinga sa araw ng pagsamba sa Panginoon
 Pag-aalay ng panalangin bago at pagkatapos kumain
 Pakikiisa sa pagbabahagi ng salita ng Panginoon sa tahanan
 Pagpapasalamat sa Panginoon
 Sama-samang pagsamba sa Panginoon
 Sama-samang pagsasagawa ng devotional prayer araw-araw
 Pagtuturo sa mga anak sa pagsangguni sa Panginoon ng kanilang mga
plano at desisyon sa pamamagitan ng panalangin
Bawat tahanan ay may iba’t-ibang paraan ng pamamahala ng pamilya. Ito ay
nakabatay sa kanilang nakagisnang kaugalian. Maaaring iba-iba rin ang paraan ng
pagpapairal ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa pamilya
ngunit ang lahat ay may iisang tunguhin—ito ay ang mapalago, mapatatag,
makadulot ng positibong impluwensya at mapaunlad ang pamilya sa kabila ng mga
hamon sa buhay.

More Related Content

DOCX
Esp 8 lesson plan
PPTX
PPTX
Edukasyon Sa Pagpapakatao 8 Q1 - Wk. 2.pptx
PPTX
3p's umiiral sa pamilya, ang pagmamahalan , pagtutulungan, pananampalatay
PPTX
Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon.pptx
PPTX
gmrc101111111111113335555666622222222222
PPTX
g8.pptx
DOCX
DLL MATATAG _GMRC 4ghgfhgfhbhnhghngfhbgf

Similar to EsP 8 Concepts 8 (20)

PDF
EsP-SLM-1.2.pdf
PPTX
Pagbuo-ng-Walang-Hanggang-Pamilya,para sa bayan ng Dios kailangan ito.pptx
PPTX
7ESP VALUES PPT Q2 WEEK 3 DAY 2 to 4.pptx
PDF
EsP 8 Concepts 6
PPTX
GMRC_Q1W2.EGQERGRGEGRGRRGRGQEGQEDEQRGREG
PPTX
GMRC4_PPT_Q2_Week 5 .pptx?......?.........
PPTX
GMRC4_PPT_Q2_Week 4 .pptx llllllllllllll
PDF
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
PPTX
VALUES EDUCATION 7 PARA LANG MAKAPAGDONLOAD
PDF
EsP 8 Concepts 5
PPTX
Mgmamahal sa kasapi ng pamilya-pamily institution ng pagmamahalan.pptx
PPTX
Aralin : Ang Pamilya- Mapagmahal ( Loving)
PPTX
Kwarter 2, Aralin 1: Ang Pamilya Bilang Sandigan ng mga Pagpapahalaga
PPTX
Panalangin Bilang Matibay na Pundasyon ng Pamilya Edukasyon sa Pagpapakatao 7
PPTX
QII Week 1 Values Education 7(Pamilya Bilang Sandigan ng Pagpapahalaga).pptx
PPTX
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7.pptx
PPTX
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
PPTX
ESP 8 LESSON 3 MISYON NG PAMILYA SA PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA.pptx
PPTX
EDUKASYON-sa-PAGPAPAKATAO-8-q1-ppt.pptx.
DOCX
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan

Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
PPTX
FILIPINO 10 ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA.pptx
PPTX
Malikhaing pagsulat sa filipino senior high
DOCX
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
DOCX
nabdhjahdbajbdjkabadaaadaddadaasdsadsadada
PPTX
Filipino 8 Unang Markahan Unang Linggo Panahon ng Himagsikan at Propaganda
DOCX
First Quarter PERIODICAL TEST IN AP 4.docx
PPTX
G6 - Lesson 1.3 Likas na Yaman ng Pilipinas
PDF
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
PPTX
Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
PPTX
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
PPTX
Salitang_Magkatugma_PPT.pptx............
PPTX
Araling Panlipunan 6 - Aralin 1, Quarter 1
PPTX
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
DOCX
DAILY LOG LESSON FILIPINO 8 QUARTR1WEEK5
PPTX
Wnejjdndjrjekekjeirnfj rjfifidoowEEK 6.2.2.pptx
PPTX
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
PPTX
MGA URI NG TEKSTO MODYUL 1 PAGBASA AT PAGSUSURI.pptx
PPTX
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
PPTX
PROGRAM BUWAN NG WIKA sunday [Autosaved].pptx

EsP 8 Concepts 8

  • 1. Suriin Nagtutulungang pamilya, nagmamahalan, sama-samang nanampalataya rin ba ang iyong naobserbahan sa mga larawan? Tama ka! Ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya ay mga birtud na dapat taglayin at papairalin ng mga kasapi ng isang pamilya. Kung ang mga nabanggit ay naranasan sa isang pamilya, magdadala ito ng positibong impluwensiya sa sarili na makatutulong upang mas mapaunlad pa ang tao at maibahagi niya rin ito sa kapuwa. Ngunit paano nga ba masasabing umiiral ang pagmamahalan, pagtutulungan at matibay na pananampalataya sa isang pamilya? Malawak ang saklaw ng salitang pamilya. Hindi lamang ito tumutukoy sa pamilyang nakagisnan at nakasama. Itinuturing din natin na pamilya ang mga kaibigang nagbibigay halaga at sumusuporta sa anumang aspeto ng ating pagkatao. Walang sukatan ang pagmamahal sa pamilya. Nagkakabangayan at hindi nagkakaintindihan dahil sa magkaibang pananaw at prinsipyo ng bawat isa, ngunit sa bandang huli ang pamilya ay mananatiling pamilya. Sa katangi-tanging ugnayan ng bawat isa, napapanatili pa rin ang kaayusan at pagmamahal sa pagpapairal ng sumusunod:  Pagrespeto Naipapakita ang pagrespeto hindi lamang sa salita maging sa kilos. Ang pagmamano at pagsasabi ng po at opo kung nakikipag-usap sa mga nakatatanda ay isang halimbawa ng kilos na nagpapakita ng paggalang. Naipapakita rin ang pagrespeto sa pamamagitan ng paggalang sa desisyon o kagustuhan ng bawat kasapi.  Pagsuporta Kaakibat ng pagmamahal ay ang pagbibigay at pagpapakita ng suporta sa mga kasapi ng pamilya. Maaaring sa hilig o interes, desisyon at kanilang plano sa buhay. Magiging masaya ang tao kung nararamdaman nito ang suporta mula sa mga mahal sa buhay. Napakahiwaga ng salitang pagmamahal dahil kung napapanatili at umiiral ito sa tahanan, nagiging buo, may malasakit at pagmamahalan ang bawat pamilya. Pinapairal din sa pamilya ang pagtutulungan sa anumang gawain. Sa totoong buhay, bawat kasapi ay may tungkulin na ginagampanan sa loob ng tahanan. Kung minsan naman ay nakaatang sa nakatatanda ang mga mabibigat na responsibilidad habang ang mga simpleng gawain ay inaasa sa mga nakababatang kapatid. Maraming paraan upang mapairal ang pagtulong gaya ng sumusunod:
  • 2.  Bayanihan sa gawaing bahay Kung mapapansin, nakatalaga ang mga gawain sa bawat kasapi sa tahanan. Ang pagluluto ay maaring ginagawa ni ate habang ang paghugas ng pinggan ay ginagawa ni bunso.  Pagsasakripisyo Napabilang itong isa sa pinakamataas na uri ng pagtulong sapagkat nagpapaubaya ang isang kasapi para sa ikabubuti ng pamilya. Halimbawa, kung minsan ay isinasakripisyo ng magulang ang pansariling pangangailangan upang matugunan ang pangangailangan ng anak sa pag- aaral. Ang tahanan ay unang paaralan. Kung kaya, bata pa lamang ay itinuro na ng mga magulang ang respeto, pagmamahal at ang mga bagay na kailangang matutunan upang maihanda ang anak sa pagpasok sa paaralan. Itinuro din sa mga anak ang iba’t ibang paraan ng paghubog sa pananampalataya. Halimbawa, ang pag-aalay at pagsambit ng panalangin ay walang pinipiling oras, lugar at panahon, ang mahalaga ay bukal sa kalooban ng tao ang pakikipag-usap sa Panginoon. Kapansin-pansin din na ang pamilyang malapit ang kalooban sa Panginoon ay may matiwasay at maligayang pakikitungo sa bawat kasapi. Ang pakikinig at pagsasabuhay sa mga salita ng Panginoon ay nakahuhubog sa mabuting katangian at asal ng bawat kasapi ng pamilya. Maraming paraan at gawi ang ginagawa ng isang pamilya upang mapairal at mahubog ang pananampalataya tulad ng:  Pagpapahinga sa araw ng pagsamba sa Panginoon  Pag-aalay ng panalangin bago at pagkatapos kumain  Pakikiisa sa pagbabahagi ng salita ng Panginoon sa tahanan  Pagpapasalamat sa Panginoon  Sama-samang pagsamba sa Panginoon  Sama-samang pagsasagawa ng devotional prayer araw-araw  Pagtuturo sa mga anak sa pagsangguni sa Panginoon ng kanilang mga plano at desisyon sa pamamagitan ng panalangin Bawat tahanan ay may iba’t-ibang paraan ng pamamahala ng pamilya. Ito ay nakabatay sa kanilang nakagisnang kaugalian. Maaaring iba-iba rin ang paraan ng pagpapairal ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa pamilya ngunit ang lahat ay may iisang tunguhin—ito ay ang mapalago, mapatatag, makadulot ng positibong impluwensya at mapaunlad ang pamilya sa kabila ng mga hamon sa buhay.