SlideShare a Scribd company logo
6
Most read
7
Most read
17
Most read
7
Lingguhang Aralin sa Araling
Panlipunan 7
Aralin
3
Kuwarter 4
Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7
Kuwarter 4: (Aralin 3) Linggo 5
TP 2024-2025
Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum
sa School Year 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng
kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay
mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan.
Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon.
Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong
sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono
(02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa blr.od.@deped.gov.ph.
Mga Tagabuo
Manunulat:
• Joan F. Alim (Saint Louis University)
Tagasuri:
• Portia R. Soriano (Philippine Normal University)
Mga Tagapamahala
Philippine Normal University
Research Institute for Teacher Quality
SiMMER National Research Centre
1
BANGHAY ARALIN
ASIGNATURA, KUWARTER, BAITANG O ANTAS
I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN
A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa papel ng ASEAN sa pagtugon sa mga
hamon at pagkakamit ng likas-kayang pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.
B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong sa pagpapahalaga sa papel ng ASEAN tungo sa
pagkakaisa at pagharap sa hamon ng likas-kayang pag-unlad at karapatang pantao sa
Timog Silangang Asya.
C. Mga Kasanayan at Layuning
Pampagkatuto
Mga Kasanayan
Nasusuri ang mga hamon at tugon ng ASEAN sa pagtamo ng likas-kayang pag-unlad
(sustainable development)
1.Natatalakay ang kahulugan at layunin ng ASEAN Community 2015
2. Naipapaliwanag ang iba’t ibang haligi ng ASEAN Community 2015
3. Nakagagawa ng isang bukas na liham na naghihikayat ng pakikiisa sa pagtugon ng mga
hamon ng likas-kayang pag-unlad.
C. Nilalaman Konsepto ng Likas-kayang Pag-unlad ( sustainable development) sa Konteksto ng
Timog-Silangang Asya
1. Ang ASEAN Community 2015 (ACI15)
2. (ASEAN Economic (AEC)
3. Political-Security (APSC), Socio- cultural (ASCC)
D. Integrasyon • Ugnayang Panrehiyon at Pandaigdig
• Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
• Pagkakapantay-pantay at pagtutulungan ng mga bansa sa Asya
2
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
Abulencia, A. S., Lodronio, R. G., Antonio, E.D., Imperial, C. M., & Soriano, C. D.(2020). Pagbabagong pang-ekonomiya at pangkultura sa
South at Western Asia. In Kayamanan: Araling Asyano (pp. 305-321). Quezon City, Philippines: Rex PrintingCompany, Inc.
Blando, R. C. et.al. (2014). Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City.
Bustamante,E. D. (2016). Sulyap Sa Kasaysayan ng Asya.Muling Nilimbag.St Bernadette Publishing House Corporation.Quezon City.
Nicerio,N. A. (2021). Araling Asyano:Kamalayang Panlipunan.Abiva Publishing House Inc.Araneta Avenue,Quezon City.
Declaration on Establishment of ASEAN Community. (2015). 2015 Kuala Lumpu Declaration on the establishment of ASEAN community.
https://www.asean.org/wp-content/uploads/2015/12/KL-Declaration-on-Establishment-of-ASEAN-Community-2015.pdf
Letchumanan, R. (2015). What is ASEAN community 2015 all about? (2015, February 13). The Diplomat – Asia-Pacific Current Affairs
Magazine. https://thediplomat.com/2015/02/what-is-asean-community-2015-all-about/
Ministry of Foreign Affairs Republic of Indonesia. (2015). Establishment of ASEAN community 2015.
https://kemlu.go.id/portal/en/read/108/halaman_list_lainnya/establishment-of-asean-community-2015
Menon, J. (2014). ASEAN economic community by 2015?. CEPR.https://cepr.org/voxeu/columns/asean-economic-community-2015
Asia Development Bank. (2014). ASEAN Community 2015: Managing Integration for better jobs and shared prosperity.
https://www.adb.org/sites/default/files/publication/42818/asean-community-2015-managing-integration.pdf
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO
A. Pagkuha
ng Dating
Kaalaman
Unang Araw
1. Maikling Balik-aral
TALA-RAWAN:Tukuyin kung anong SDGs ang ipinapakita ng bawat larawan.
1.
Para sa kumpletong listahan ng
SDGs, tingnan ang supplementary
material sa huling bahagi ng
exemplar.
Susi sa Pagwawasto:
Source: Voices of Youth.
https://www.voicesofyouth.org/blog/g
ender-equality-human-right
3
2.
Source: FairPlanet. https://www.fairplanet.support/sustainable-
development-goals/goal-16-peace-justice-and-strong-
institutions/
Source: World Bank Blogs.
3.
https://blogs.worldbank.org/en/education/six-s-quality-
education
4.
5.
B. Paglalaha
d ng
Layunin
1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin
Gawin ang sumusunod na gawain sa interaktibong pamamaraan:
Gawain 1: Think-Pair-Share
Panuto: Gamit ang Think-Pair-Share, ibahagi ng mag-aaral ang kanyang tugon sa
tanong sa ibaba.
Tanungin sa mga mag-aaral ang mga
pamprosesong mga katanungan.
Source: United Nations Development
Programme.
https://www.undp.org/philippines/blog/wh
ere-are-we-achieving-good-health-all-
initial-stocktake
Source: SDG NEDA.
https://sdg.neda.gov.ph/goal-2/
4
1. Para sa iyo, alin sa mga layon ng likas kayang pag-unlad (SDG) ang
nakamit na ng Pilipinas at Asya? Paano mo nasabi?
2. Paano kaya nakatulong ang ASEAN sa pagkamit nito?
Nararapat na ipabatid sa mga mag-aaral na isa sa mga adhikain ng
ASEAN ay matulungan ang mga kasaping bansa na makamit ang likas-
kayang pag-unlad ng mga bansa nang sama-sama.(sustainable
development).
2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
Gawain 2: UGNAY-UNAWA (#Ating Ilapat at Iugnay)
Tukuyin ng mga mag-aaral kung anong ibig sabihin ng mga akronim gamit
ang mga paglalarawan na naibigay.
Gawing gabay ang mga pahayag na makikita sa ibang hanay upang matukoy
ang konsepto.
1. A _ _ _ _
C _ _ _ _ _ _ _
2015
● Isang samahang naglalayong
bumuo ng isang mas malakas
at mas bukas na komunidad sa
rehiyon ng Asya.
2. A _ _ _ _
P _ _ _ _ _ _ _ _
S _ _ _ _ _ _ _
C _ _ _ _ _ _ _ _
● Layunin nitong palakasin ang
political stability sa rehiyon sa
pamamagitan ng pagpapalakas
ng mga institusyon ng
kapayapaan at seguridad.
3. A _ _ _ _
E _ _ _ _ _ _ _
C _ _ _ _ _ _ _ _
● Layunin nitong palakasin ang
intergrasyon ng ekonomiya sa
rehiyon kasama dito ang pag-
alis ng mga pampulitikang
hadlang sa kalakalan at
pagpapalakas ng pagtutulungan
sa larangan ng pananlapi at
industriya.
Tukuyin ng mga mag-aaral kung
anong ibig sabihin ng mga akronim
gamit ang mga paglalarawang
naibigay.
MGA KASAGUTAN
1.ASEAN COMMUNITY
2. ASEAN POLITICAL-SECURITY
COMMUNITY
3. ASEAN ECONOMIC COMMUNITY
(AEC
4. ASEAN SOCIO-CULTURAL
COMMUNITY (ASCC)
5
4. A _ _ _ _
S _ _ _ _
C _ _ _ _ _ _ _
C _ _ _ _ _ _ _ _
● Layunin nitong palakasin ang
pagkakaisa at pagkikila sa mga
kultural sa rehiyon. Kasama
dito ang pagpapalakas at
pagtutulungan sa
edukasyon,kalusugan,
kapakanan ng mga
mamamayan, at kapaligiran
C. Paglinang
at
Pagpapala
lim
Ikalawang Araw
Kaugnay na Paksa 1: ASEAN COMMUNITY 2015
1. Pagproseso ng Pag-unawa
Gawain 3: Suriin at Itala Natin: (#Talaan ng impormasyon)
Katulong ang iyong pangkat, basahin ang mga talatang naglalaman ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa ASEAN Community 2015 .Pagkatapos ay
isulat sa kahon ang mga hinihinging impormasyon ukol dito.
Noong Setyembre, taong 2000, nagsama-sama ang mga pinuno ng 189 bansa
sa himpilan ng United Nations upang lagdaan ang Millenium Declaration na
kilala rin sa tawag na Millenium Development Goals, kung saan nagkasundo
silang magkaisang makamit ang walong(8) layon o goals pagsapit ng 2015. Ang
mga ito ay ang sumusunod:
1. Sugpuin ang matinding kahirapan at gutom.
2. Ipatupad ang pangkalahatang primaryang edukasyon.
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa karapatan ng bawat kasarian at
pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan.
4. Bawasan ang bilang ng mga batang namamatay.
5. Paunlarin ang kalusugan ng mga inang nagdadalantao.
6. Labanan ang AIDS, tuberkulosis, malarya at ba pang mga sakit.
7. Tiyakin ang pagpapanatili ng yaman at ganda ng kalikasan at kapaligiran.
8. Paunlarin ang pandaigdigang-ugnayan para sa kaunlaran.
Simple at malinaw ang mga layon kaya naman maayos ang pagsasakatuparan
nito. Sa katunayan, sa pagtatapos ng 2015 ay nabawasan ng 50% ang extreme
poverty rate. Gayon pa man, hindi magkakapareho ang naging resulta sa bawat
bansa.
Ang mga pamproseng katanungan ay
maaring dagdagan batay sa lalim ng
talakayan. Ang gawin ay maaring
dalawahan o triad.
Sabihin o talakayin na malaki ang
naging tagumpay ng MDG sa loob ng
15 taon sa pagpapababa ng mortality
rate sa mga bata , ganoon din ang
pagpapabuti ng kalusugan ng mga
nagdadalantao, akses sa tubig at pag-
unlad sa sanitasyon.
6
Dahil malapit nang matapos ang MDG ng 2015, kinakailangang
maipagpatuloy ang mga nasimulan nang pagbabago. Bilang tugon, noong 2012,
idinaos ang United Nations Conference on Sustainable Development sa Rio de
Janeiro sa Brazil kung saan iniluwal ang konsepto ng likas-kayang pag-unlad o
ang Sustainable Development Goals.
Samantala, ang ASEAN bilang tugon sa hamon ng SDG at bilang isa sa mga
organisasyong nasusulong ng pagkakaisang rehiyonal ay matagumpay na
naitatag ang ASEAN Community noong Disyembre 31, 2015. Ang pagtatag ng
ASEAN Community noong 2015 na binubuo ng Brunei Darussalam,
Cambodia,Indonesia, Laos, Malaysia, Myamar (dating tinawag na Burma),
Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam ay nagpapahayag ng isang
mahalagang yugto sa mga pagsisikap ng ASEAN tungo sa rehiyonal na
intergrasyon at kooperasyon. Ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga bansang
kasapi sa ASEAN na magtrabaho nang sama-sama tungo sa pagkamit ng mga
pangunahing layunin na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa
ASEAN sa larangan ng ekonomiya,politika,at kultura.
Ilan sa mga layunin ng ASEAN 2015 ay ang mga sumusunod:
1) Lumikha ng isang lipunang may pagtingin sa hinaharap.
2) Magtaguyod ng lipunan kung saan ang mga mamamayan ay naninirahan sa
isang mapayapa, matatag at maunlad na kapaligiran.
(3) May mga bansang pinagisa sa isang dinamikong relasyon sa pakikipagsosyo.
(4) Lumikha ng isang komunidad na mapagmalasakit.
(5) Palakasin ang integrasyon ng ASEAN sa pagharap sa pag-unlad ng
pandaigdigang konstelasyong politikal.
Sa pamamagitan ng mga layuning ito, maaring matugunan rin ang mga hamon ng
likas kayang pag-unlad sa rehiyon at makapag-ambag ang ASEAN sa mga
pandaigdigang pagsisikap na itaguyod ang pagkakamit ng 17 layon ng likas-kayang
pag-unlad.
Tangagapin ang lahat ng kasagutan
ng mga mag-aaral. Ang gawain ay
maaring isahan,dalawahan o grupo.
Ito ay maaaring pangkatang
pagbabahagi ng mg mag-
aaral.Iproseso ng guro ang mga
karagdagang impormasyon na
maaaring nakaligtaan ng guro.
7
Pamprosesong katanungan Kasagutan
Bakit nabuo ang ASEAN Community
2015?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Anu-ano ang mga layunin ng ASEAN
Community 2015?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Anu-anong bansa ang kasapi sa
ASEAN Community 2015?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Paano makatutulong ang ASEAN
Community ng 2015 sa pagtugon sa
hamon ng likas-kayang pag-unlad?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Gawain 4: TANONG-TUGON, PAMPARUNONG (#Pamprosesong Katanungan):
Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring gawing gabay ng guro sa
pagtatalakay ng aralin.
● Paano nabuo ang MDG at SDGs?
● Ano ang ASEAN Community 2015?
● Bakit mahalaga ang pagkakatatag ng ASEAN Community 2015 para sa
pagsusulong ng 17 SDGs?
3. Paglalapat at Pag-uugnay
Ikatlong araw
Bigyang-diin na bagamat may mga
nakamit nang tagumpay ang ASEAN
Community, may mga dapat pa rin
itong pagtuunan ng pansin.
8
Gawain 5: UGNAY-UNAWA (#Ating Ilapat at Iugnay)
Katulong ang iyong pangkat, ipakita ang sagot sa bawat tanong gamit ang
alinman sa mga pamamaraan sa ibaba:
Bibigyan ang bawat pankat ng 5 minuto para pag-usapan ang kanilang
tugon at ang gagawing presentasyon. Ang presentasyon naman ay
kailangang nasa 1-2 minuto lamang.
Role-Playing
Slogan-Poster
Talumpati
Tableau
1. Sa pagitan ng 1990-2013, tumaas ang migrasyong intra-Asia o sa pagitan
ng mga bansa sa Asya mula 1.5 milyon patungong 6.5 milyon kung saan
ang mga bansang Malaysia, Singapore at Thailand ang 3 sa mga
nangunang bansang destinasyon (ASEAN Community 2015 ADB Report).
Nitong mga nakaraang panahon may mga nababalitaan tayong mga
Pilipino na nare-recruit bilang mga manggagawa ngunit pagdating sa
bansang destinasyon ay nakaranas ng pagmamaltrato. Paano
makakatulong ang ASEAN Community sa pangangalaga ng kaligtasan ng
mga manggagawang mula sa bansang kasapi ng ASEAN?
2. Noong 1994, itinatag ng Brunei-Darussalaam, Indonesia, Malaysia at
Pilipinas ang BIMP-EAGA o ang Brunei-Darussalaam-Indonesia-Malaysia-
Philippines East ASEAN Growth Area. Layunin nitong matulungang
mapataas ang antas ng ekonomiya ng mga hindi gaanong-maunlad at mga
nasa liblib o remote at marginalized na mga lugar sa bawat bansang
kasapi. Sa Piliinas, nakapagtukoy ng 26 na probisya sa Mindanao at isa sa
Palawan (ASEAN Community 2015 ADB Report). Ano’ng proyekto ang
maaring mailunsad ng ASEAN Community upang matulungan ang mga
lugar na ito?
3. Edukasyon ang itinuturing nating hagdan sa pagtatagumpay at pag-unlad
ng kalagayan sa buhay. Bagamat may mga pagsusumikap nang palawigin
ang akses sa edukasyon, nanatiling nahuhuli ang mga kababaihan
pagdating sa basic literacy o kasanayan sa pagbasa at pagsulat. Paano
kaya matitiyak na ang mga kababaihan ay nagkakaroon ng akses sa
edukasyon?
Maraming maaring maisagot ang mga
bata sa mga sitwasyong inilahad.
Halimbawa:
1.Magkaroon ng mga patakarang
pangkaligtasan paara sa mga
manggagawa na lalagdaan ng mga
kasaping bansa ng ASEAN.
2. Turuan sila ng mga bagong
kasanayan na maglalayo sa extractive
na livelihood para hindi masira ang
kanilang kapaligiran. Tulungan
silang magtayo ng kooperatiba.
9
4. Bagamat may batas na para sa itinakdang minimum wage o pasahod, may
malaking disparity o agwat pa rin sa halaga ng pasahod o sweldo sa mga
bansang kasapi ng ASEAN.Sa patuloy na pagtaaas ng bilihin lalong lumiliit
ang tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa. Paano kaya
makakatulong ang ASEAN Community sa sulrianing ito?
Rubrik para sa gawain
Marka Deskripsyon
Nilalaman
(10 puntos)
Nagbigay nang buong husay at detalyadong impormasyon
sa paksa.
Presentasyon
(5 puntos)
Malikhaing naiulat at mahusay na nailahad ang
impormasyon sa klase.
Organisasyon
(5 puntos)
Nailahad nang may maayos na pagkasunod-sunod ang
nilalamang impormasyon.
Kabuuang Iskor:
Kaugnay na Paksa 2: HALIGI NG ASEAN COMMUNITY 2015
1. Pagproseso ng Pag-unawa
Isang mahalagang bahagi ng ASEAN Community ay ang pagtatatag ng single
market o isang pamilihan sa mga bansang kasapi nito kung saan malayang
makapagpapalitan ng kalakal ang mga bansang kasapi sa mababang taripa
hanggang sa pagtatanggal nito upang matulungan ang bawat isa na mapaunlad
ang kani-kanilang ekonomiya. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng AEC o ng
ASEAN Economic Community.
Ang ASEAN Community 2015 ay naglalayong bumuo ng isang mas malakas
at mas bukas na komunidad sa rehiyon ng Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN). Ang Asean Community 2015 ay binubuo ng tatlong haligi:
10
Haligi
Layunin Pamamaraan upang makamit
ang mga layunin
1. ASEAN
Political-Security
Community
(APSC)
⮚ Palakasin
ang
ugnayang
pampolitika
sa rehiyon
upang
maiwasan
ang mga
tensiyon at
pag-aaway
⮚ Magsagawa
ng
kooperasyon
sa mga isyu
tulad ng
seguridad,
terorismo,
krimen at
pag-resolba
ng mga labis
na tensiyon
sa rehiyon
✔ Pagpapatupad ng
mekanismo para palakasin
ang ugnayan sa pagitan ng
mga bansa sa ASEAN.
✔ Pagpapatupad ng mga
kasunduan at kontrata sa
pagitan ng mga bansa
para sa pakikisangkot sa
seguridad,pagpapalakas
ng mga institusyon tulad
ng ASEAN Reginal Forum
(ARF) at ASEAN Defense
Minister’s Meeting (ADMM)
✔ Pagpapalakas ng
diplomasya sa ugnayan ng
mga bansa sa rehiyon
11
2.ASEAN
Economic
Community (AEC)
⮚ Pagpapalaka
s ng
integrasyon
ng
ekonomiya
sa rehiyon
kasama na
dito ang
pag-alis ng
mga
pampulitika
ng hadlang
sa kalakalan
⮚ Pagpapala-
kas ng
pagtutulu-
ngan sa
larangan ng
pananlapi at
industriya
✔ Pagsulong ng malayang
kalakalan, pamumuhunan
at pagpapalakas ng
kooperasyon sa larangan
ng ekonomiya.
✔ Pag-alis ng taripa at non-
tariff barriers upang
mapadali ang pagpunta ng
mga produkto at serbisyo
sa iba’t ibang bansa sa
ASEAN
✔ Paglikha ng mas malaking
oportunidad para sa mga
Negosyo at mamamayan
sa rehiyon.
3. ASEAN Socio-
Cultural
Community
(ASCC)
⮚ Palakasin ang
pagkakaisa at
kultural sa
rehiyon
⮚ Pagtutulu-
ngan sa
edukasyon,
kalusugan,
kapakanan
ng mga
mamama-yan
at kapaligiran
✔ Pagpapatupad ng mga
programa at proyekto para
sa kapakanan ng mga
mamamayan sa ASEAN
tulad ng serbisyong
pangkalusugan,kultura at
tradisyon ng mga bansa sa
rehiyon.
✔ Paglikha ng isang mas
makatarungan at
magkakapantay na
lipunan sa rehiyon ng
ASEAN
12
3. Pinatnubayang Pagsasanay
Gawain 6 :Matapos mabuo ang ASEAN Community 2015, nagkaroon ng
maraming pagbabago sa komunidad sa rehiyon ng Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN) sa larangan ng politika, ekonomiya, at
lipunan. Suriin ang mga graph sa ibaba at sagutin ang mga kasunod na
tanong:
Graph 1 Graph 2
Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang unang graph? Ang ikalawang graph?
2. Batay sa graph 2 , ano-anong mga bansa ang may mataas na bilang ng
unemployment?
3. Batay sa graph 1, ano-anong mga bansa ang may pinakamababang
bahagdan ng public social security expenditure ayon sa GDP?
4. Ilang bahagdan ng pambansang kita ang nailalaan ng pamahalaan ng
Pilipinas para sa panlipunang seguridad tulad ng proteksyong
pangkalusugan para sa mga mamamayan nito?
5. Paano kaya matutulungan ng ASEAN ang mga bansang kasapi na mataas
ang unemployment rate?
Ikaapat na Araw
4. Paglalapat at Pag-uugnay
13
Gawain 7: Pangarap Ko (#Ating Ilapat at Iugnay)
Ano ang pangarap mo para sa Pilipinas, kaugnay ng 17 Layon ng Likas-Kayang
Pag-unlad? Ihulog sa dream list ang tatlo sa mga pangarap mo para sa Pilipinas.
Rubrik para sa gawain
Iskor Deskripsyon
Napakahusay (15
puntos)
Nakapagtala ng tatlong kasagutan na angkop sa likas-
kayang pag-unlad at nakapagbigay ng katwiran sa
kanyang sagot.
Mahusay (12
puntos)
Nakapagtala ng tatlong kasagutan na angkop sa likas-
kayang pag-unlad ngunit di malinaw na nakapagbigay
ng katwiran sa kanyang sagot
Di-gaanong
mahusay (10
puntos)
Nakapagtala ng dalawang kasagutan na angkop sa
likas-kayang pag-unlad ngunit di malinaw na
nakapagbigay ng katwiran sa kanyang sagot
Nangangailangan
ng tulong (8
puntos)
Nakapagtala ng isang kasagutan na angkop sa likas-
kayang pag-unlad ngunit di malinaw na nakapagbigay
ng katwiran sa kanyang sagot
D. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto Ito ay maaring gawin pagnatapos ng
natalakay ang mga mahahalagang
paksa sa Ikatlong araw.
# Dream
List
14
Gawain 8: 3-2-1 (Numero ng Karunungan): Sa bahaging ito, itatala ng mga
mag-aaral ang mga impormasyon o detalyeng kanilang nakalap o naunawaan
sa aralin. Gawing gabay ang makikitang tsart
3 bagay na natutuhan sa
aralin
2 ideyang nalinawan ka
mula sa dati mong
nalalaman dito
1 bagay na naranasan
mo na may kaugnayan
sa aralin
1. 1. 1.
2.
2.
3.
Tanggapin ang lahat ng kasagutan
ng mga mag-aarl
IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO
A. Pagtataya 1. Pagsusulit
ISIP -HAMUNIN
I:Binagong TAMA o MALI. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at iguhit ang
kung ang pangungusap ay TAMA at kung ang pangungusap ay MALI.
_____1.Ang ASEAN Community 2015 ay naitatag noong Disyembre 31,2015.
_____2. Ang ASEAN Community 2015 ay binubuo ng apat na haligi.
_____3. Ang ASEAN Community 2015 ay naglalayong bumuo ng isang mas malakas at
mas bukas na komunidad sa rehiyon ng Association of Southeast Asian Nation.
_____4.Ang bansang Korea ay kasapi sa ASEAN Community 2015.
_____5. Ang pangunahing layunin ng ASEAN Community 2015 ay palakasin ang
kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa ASEAN sa larangan ng ekonomiya, politika at
kultural.
II.Pagsusuri: Basahin ang sumusunod na paglalarawan at itiman ang letra A -kung ito
ay patungkol sa ASEAN Political-Security Community (APSC) ,letrang B-kung ito ay
Huling araw ng lingo
Gawing batayan ang
mga kasagutan sa
pagwawasto
I.
1.
2.
3.
4.
5.
II:
1. A
2. B
15
patungkol sa ASEAN Economic Community (AEC), at C-kung ito ay patungkol sa
ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC)
A B C
1.Tungkulin nito na isulong at diplomasya at palakasin ang ugnayan
sa pagitan ng mga bansa sa ASEAN upang maiwasan ang tensiyon
at pag-aaway
2. Pagtutulungan sa larangan ng pananalapi at industriya
3.Pagalis ng taripa at non-tariff barriers upang mapadali ang
pagpunta ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang bansa sa
ASEAN
4.Pagkakapantay-pantay sa larangan ng edukasyon,kultura, at
sibika
5.Pagpapalakas ng kooperasyon sa komunidad ng ASEAN sa
serbisyong pangkalusugan.
6. Pagsasagawa ng mas malalim na ugnayan upang maiwasan
ang tensiyon at mga isyu tulad ng terorismo,at krimen sa rehiyon
7.Pagpapatupad ng mga kasunduan at kontrata sa mga bansa sa
rehiyon para sa seguridad
8.Paglikha ng mas malaking oportunidad para sa mga negosyo at
mamamayan sa rehiyon
9.Pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa kultura at
tradisyon ng mga bansa sa rehiyon
10.Pamamahala at maayos na pakikitungo sa mga rehiyon ng ASEAN
2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin
HILING-DINGGIN (#WallWisher): Sa bahaging ito itatala ng mga mag-aaral ang kanilang
mga kahilingan para sa mga bansa sa kasapi sa ASEAN upang mas mapalakas pa ang
pagsulong at pagkakapantay-pantay sa politika,ekonomiya at kultura. Gamit ang mga
sticky notes, kanilang ilalahad at ipapaskil sa #WallWisher ang mga ito.
3. B
4. C
5. C
6. A
7. A
8. B
9. C
10.B
16
https://anorakmagazine.com/pages/bubble-wall-of-wishes
B. Pagbuo ng
Anotasyon
Itala ang naobserhan
sa pagtuturo sa
alinmang sumusunod
na bahagi.
Epektibong Pamamaraan
Problemang Naranasan at Iba
pang Usapin
Estratehiya
Kagamitan
Pakikilahok ng mga
Mag-aaral
At iba pa
C. Pagninilay GABAY NA TANONG SA PAGNINILAY (Para sa mga mag-aaral)
ANO ANG AKING NARANASAN?
ANO ANG AKING NARAMDAMAN?
ANO ANG AKING GAGAWIN?
PARA SA GURO
17
Ang 17 Layon ng Likas-Kayang Pag-unlad (Sustainable Development Goals)
Goal 1: No Poverty - matuldukan ang kahirapan sa anomang anyo nito sa hindi bababa sa kalahati ng populasyon.
Goal 2: Zero Hunger - mawakasan ang gutom at malnutrisyon, higit lalo sa mga kabataan.
Goal 3: Good Health and Well-being - maitaguyod ang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay- akses sa mga serbisyong
pang-medikal sa lahat.
Goal 4: Quality Education - makapagbigay ng libre, inklusibo, at dekalidad na edukasyon sa primarya at sekondaryang antas para sa bawat
kabataan.
Goal 5: Gender Equality - maisulong ang pagkakapantay- pantay at mapuksa ang diskriminasyon at karahasang pangkasarian.
Itala ang mga naging balakid sa pagtuturo ng paksa , mga naging kagalingan at namasdang
epekto.
Balakid
_______________
_______________
_______________
_______________
___
Kagalingan
________________
________________
________________
_______________
Namasdang Epekto
_____________________
___________________
____________________
_____________________
_____________________
_____________________
18
Goal 6: Clean Water and Sanitation - makapagbigay-akses sa malinis, sapat, at abot-kayang tubig na inumin at magarantiya ang wastong
sanitasyon sa mga komunidad.
Goal 7: Affordable and Clean Energy - magkaroon ng sapat, abot-kaya, moderno, at maaasahang serbisyo ng enerhiya.
Goal 8: Decent Work and Economic Growth - maitaguyod ang pang-ekonomiyang pag-unlad sa sektor ng paggawa at makapagbigay-tulong sa
pagkakamit ng disenteng trabaho para sa lahat.
Goal 9: Industry, Innovation, and Infrastructure – makalikha ng dekalidad, maaasahan, at matibay na imprastruktura at maisulong ang
inklusibo at likas-kayang industriyalisasyon.
Goal 10: Reduced Inequalities - mapalakas at maisulong nang progresibo ang panlipunan, pang-ekonomiya, at politikal na pakikisangkot ng
mga mamamayan nang walang pinipiling edad, kasarian, lahi, relihiyon, o estado sa buhay.
Goal 12: Responsible Consumption and Production – magamit nang maayos ang mga likas yaman at maisakatuparan ang maayos na
pamamahala ng mga basura na maaaring makaapekto sa kalusugan.
Goal 13: Climate Action - maihanda at mapalakas ang mga bansa laban sa mga pangkaraniwang sakuna at makapagbigay-kaalaaman sa mga
komunidad tungkol dito
Goal 14: Life below Water - maihinto at mabawasan ang polusyong pandagat lalo na yaong dulot ng mga gawaing panlupa.
Goal 15: Life on Land - masiguro ang konserbasyon at pagpapanumbalik ng sigla sa mga lupain at serbisyong sakop nito gayundin ang
mapangalagaan ang mga buhay ng hayop at halaman, higit ang mga nanganganib nang mawala.
Goal 16: Peace, Justice, and Strong Institutions – mabawasan ang karahasan sa lahat ng anyo at makipag-ugnayan sa pamahalaan at mga
komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at katarungang panlipunan.
Goal 17: Partnership for the Goals - mapalakas ang ugnayang Hilaga-Timog at Timog-Timog sa pamamagitan ng pagbibigay-suporta sa mga
pambansang plano at gawain tungo sa pag-unlad.

More Related Content

PPTX
AP 7 Q1 2 Nasusuri ang heograpiyang pantao ng Timog Silangang Asya batay sa p...
PPT
Ikatlong republika
PPTX
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
PPTX
KABIHASNANG MYCENAEAN AT DORIAN
PPTX
Aralin 1 panahon ng eksplorasyon
DOCX
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
DOCX
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
PPTX
Kabihasnang sa Mesoamerica
AP 7 Q1 2 Nasusuri ang heograpiyang pantao ng Timog Silangang Asya batay sa p...
Ikatlong republika
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KABIHASNANG MYCENAEAN AT DORIAN
Aralin 1 panahon ng eksplorasyon
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kabihasnang sa Mesoamerica

What's hot (20)

PPTX
KOLONYALISMO-AT-IMPERYALISMO-SA-TIMOG-SILANGANG-ASYA.pptx
DOC
AP 7 Lesson no. 30-K: Imperyalismo sa Japan
PPTX
Sistemang Merkantilismo
PPTX
Mga Kabihasnan sa Mesoamerica
PPTX
Kristiyanismo
DOC
Budget of Work Araling Panlipunan 8
PPTX
NASUSURI ANG KABIHASNANG MINOAN, MYCENEAN AT KABIHASNANG.pptx
DOCX
DLL-MATATAG-_ARALING-PANLIPUNAN-7-Q1-W1.docx
PPTX
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA III
PPTX
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
PDF
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya
PPTX
QUIZ KAHULUGAN NG EKONOMIKS sa pang araw araw pptx
DOCX
Araling Panlipunan 7 (1st monthly)
PPTX
Aralin 2: Heograpiya ng Timog Asya
PPT
Aralin 1- Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.ppt
DOCX
Grade 7 to Grade 9 Compilation of Assignments (General Subjects)
PPTX
Katangiang Pisikal ng Daigdig A.P 8.pptx
PPTX
PATAKARANG_PANANALAPI_(1).pptx
PPTX
Sinaunang Kabihasnan ng mga Asyano: Lambak ng Tigris-Euphrates ; Katangian ng...
KOLONYALISMO-AT-IMPERYALISMO-SA-TIMOG-SILANGANG-ASYA.pptx
AP 7 Lesson no. 30-K: Imperyalismo sa Japan
Sistemang Merkantilismo
Mga Kabihasnan sa Mesoamerica
Kristiyanismo
Budget of Work Araling Panlipunan 8
NASUSURI ANG KABIHASNANG MINOAN, MYCENEAN AT KABIHASNANG.pptx
DLL-MATATAG-_ARALING-PANLIPUNAN-7-Q1-W1.docx
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA III
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya
QUIZ KAHULUGAN NG EKONOMIKS sa pang araw araw pptx
Araling Panlipunan 7 (1st monthly)
Aralin 2: Heograpiya ng Timog Asya
Aralin 1- Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.ppt
Grade 7 to Grade 9 Compilation of Assignments (General Subjects)
Katangiang Pisikal ng Daigdig A.P 8.pptx
PATAKARANG_PANANALAPI_(1).pptx
Sinaunang Kabihasnan ng mga Asyano: Lambak ng Tigris-Euphrates ; Katangian ng...
Ad

Similar to Final_-Validated-and-Revised_Q4_LE_AP7_Lesson-5_Week-5.pdf (20)

DOCX
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
PDF
Mga hamon sa pilipinas Likas kayang pag unlad sa pilipinas
PDF
lesson exemplar Araling Panlipunan 7, quarter 4 week 1
PPTX
AP 7 Q4 1302 PS Ang Hinaharap ng ASEAN.pptx
PPTX
Asean Countries Presentation in Green Illustrative Style.pptx
PDF
Q4_LE_AP 7_Lesson 2_Week 2.pdf araling panlipunan
PDF
lesson exemplar Araling Panlipunan 7, quarter 4 week 2
DOCX
ASEAN-Vision-Araling panlipunan2020.docx
PPTX
Grade 7- Matatag- Q4-Week4- Elma Luzon PPT - FINAL-2.pptx
PPTX
Grade 7- Matatag- Q4-Week4- Ejkdkdu duieike PPT - FINAL-1.pptx
PPTX
AP7_Q4_W4.pptxerwewtryhfgdsaew4354e65yrthfgbcxvfsetwyr
PPTX
AP7-Q4-W1-D1.pptxBHGHBHHGHVHKVHVHVHKVHKH
PPTX
Millennium Development Goals at ASEAN Community 2015.pptx
PDF
ARALING PANLIPUNAN 7 LEARNING EXEMPLAR SAMPLE
PDF
Final_Validated_Revised_Q4_LE_AP-7_Lesson-3_Week-3 (1).pdf
PDF
Final_Validated_Revised_Q4_LE_AP-7_Lesson-3_Week-3.pdf
PPTX
AP7-Q4-W1-D3.pptx DEP ED MATATAG GRADEV7
PPTX
AP7-Q4-W1-D2.pptx DEPED MATATAG GRADE 7
PPTX
AP7-Q4-W1-D1.pptx DEP ED 7 MATATAG TOPIC
PDF
2DWEEK2ANGPAGTATAG NG ASEAN_ARALINGPANLIPUNAN
DLL MATATAG _ARALING PANLIPUNAN 7 Q4 W5.docx
Mga hamon sa pilipinas Likas kayang pag unlad sa pilipinas
lesson exemplar Araling Panlipunan 7, quarter 4 week 1
AP 7 Q4 1302 PS Ang Hinaharap ng ASEAN.pptx
Asean Countries Presentation in Green Illustrative Style.pptx
Q4_LE_AP 7_Lesson 2_Week 2.pdf araling panlipunan
lesson exemplar Araling Panlipunan 7, quarter 4 week 2
ASEAN-Vision-Araling panlipunan2020.docx
Grade 7- Matatag- Q4-Week4- Elma Luzon PPT - FINAL-2.pptx
Grade 7- Matatag- Q4-Week4- Ejkdkdu duieike PPT - FINAL-1.pptx
AP7_Q4_W4.pptxerwewtryhfgdsaew4354e65yrthfgbcxvfsetwyr
AP7-Q4-W1-D1.pptxBHGHBHHGHVHKVHVHVHKVHKH
Millennium Development Goals at ASEAN Community 2015.pptx
ARALING PANLIPUNAN 7 LEARNING EXEMPLAR SAMPLE
Final_Validated_Revised_Q4_LE_AP-7_Lesson-3_Week-3 (1).pdf
Final_Validated_Revised_Q4_LE_AP-7_Lesson-3_Week-3.pdf
AP7-Q4-W1-D3.pptx DEP ED MATATAG GRADEV7
AP7-Q4-W1-D2.pptx DEPED MATATAG GRADE 7
AP7-Q4-W1-D1.pptx DEP ED 7 MATATAG TOPIC
2DWEEK2ANGPAGTATAG NG ASEAN_ARALINGPANLIPUNAN
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
matatagfilipino7tekstongekspositoriCO1.pptx
PPTX
Araling Panlipunan 5; Mga Kabuhayan ng Sinaunang Pilipino
PPTX
Aralin 4 Mga Katangiang Pisikal ng Pilipinas.pptx
PPTX
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
PPTX
Ang mga Yugto ng Kasaysayan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
PPTX
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
PPTX
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
PPTX
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
PPTX
AP-7-Quarter-1-Lesson-7 Mainland Southeast Asia-kchps1.pptx
DOCX
first periodical examination in Values Ed 5
PPTX
panitikang katutubo matatag filipino seveb
PPTX
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
PPTX
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
PPTX
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
DOCX
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
PPTX
Kailangang-maisulat-ang-titik-ng-tamang-sagot-sa-papel-sa-loob-ng-itinakdang-...
PPTX
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
PPTX
AP8_Q1_Week_3-2_Sinaunang_Kabihasnang_Mediterraneo.pptx
DOCX
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
PDF
LE_Q3_Aaraling Panlipunan 7_Aralin 2_Linggo 2.pdf
matatagfilipino7tekstongekspositoriCO1.pptx
Araling Panlipunan 5; Mga Kabuhayan ng Sinaunang Pilipino
Aralin 4 Mga Katangiang Pisikal ng Pilipinas.pptx
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
Ang mga Yugto ng Kasaysayan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN GRADE 9.pptx
PAMUMUHAY NG PAYAK BILANG PANSARILING PAGIINGAT SA KALIKASAN
Panitikan sa Panahon ng Katutubo-Tuluyan (Alamat).pptx
AP-7-Quarter-1-Lesson-7 Mainland Southeast Asia-kchps1.pptx
first periodical examination in Values Ed 5
panitikang katutubo matatag filipino seveb
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
AP8 Q1 Week 3-4 Kabihasnang Mycenaean.pptx
t-1690738168-buwan-ng-wika-quiz-bee_ver_2.pptx
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
Kailangang-maisulat-ang-titik-ng-tamang-sagot-sa-papel-sa-loob-ng-itinakdang-...
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
AP8_Q1_Week_3-2_Sinaunang_Kabihasnang_Mediterraneo.pptx
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
LE_Q3_Aaraling Panlipunan 7_Aralin 2_Linggo 2.pdf

Final_-Validated-and-Revised_Q4_LE_AP7_Lesson-5_Week-5.pdf

  • 1. 7 Lingguhang Aralin sa Araling Panlipunan 7 Aralin 3 Kuwarter 4
  • 2. Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 Kuwarter 4: (Aralin 3) Linggo 5 TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa School Year 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan. Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa blr.od.@deped.gov.ph. Mga Tagabuo Manunulat: • Joan F. Alim (Saint Louis University) Tagasuri: • Portia R. Soriano (Philippine Normal University) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre
  • 3. 1 BANGHAY ARALIN ASIGNATURA, KUWARTER, BAITANG O ANTAS I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa papel ng ASEAN sa pagtugon sa mga hamon at pagkakamit ng likas-kayang pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong sa pagpapahalaga sa papel ng ASEAN tungo sa pagkakaisa at pagharap sa hamon ng likas-kayang pag-unlad at karapatang pantao sa Timog Silangang Asya. C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto Mga Kasanayan Nasusuri ang mga hamon at tugon ng ASEAN sa pagtamo ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development) 1.Natatalakay ang kahulugan at layunin ng ASEAN Community 2015 2. Naipapaliwanag ang iba’t ibang haligi ng ASEAN Community 2015 3. Nakagagawa ng isang bukas na liham na naghihikayat ng pakikiisa sa pagtugon ng mga hamon ng likas-kayang pag-unlad. C. Nilalaman Konsepto ng Likas-kayang Pag-unlad ( sustainable development) sa Konteksto ng Timog-Silangang Asya 1. Ang ASEAN Community 2015 (ACI15) 2. (ASEAN Economic (AEC) 3. Political-Security (APSC), Socio- cultural (ASCC) D. Integrasyon • Ugnayang Panrehiyon at Pandaigdig • Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago • Pagkakapantay-pantay at pagtutulungan ng mga bansa sa Asya
  • 4. 2 II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Abulencia, A. S., Lodronio, R. G., Antonio, E.D., Imperial, C. M., & Soriano, C. D.(2020). Pagbabagong pang-ekonomiya at pangkultura sa South at Western Asia. In Kayamanan: Araling Asyano (pp. 305-321). Quezon City, Philippines: Rex PrintingCompany, Inc. Blando, R. C. et.al. (2014). Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City. Bustamante,E. D. (2016). Sulyap Sa Kasaysayan ng Asya.Muling Nilimbag.St Bernadette Publishing House Corporation.Quezon City. Nicerio,N. A. (2021). Araling Asyano:Kamalayang Panlipunan.Abiva Publishing House Inc.Araneta Avenue,Quezon City. Declaration on Establishment of ASEAN Community. (2015). 2015 Kuala Lumpu Declaration on the establishment of ASEAN community. https://www.asean.org/wp-content/uploads/2015/12/KL-Declaration-on-Establishment-of-ASEAN-Community-2015.pdf Letchumanan, R. (2015). What is ASEAN community 2015 all about? (2015, February 13). The Diplomat – Asia-Pacific Current Affairs Magazine. https://thediplomat.com/2015/02/what-is-asean-community-2015-all-about/ Ministry of Foreign Affairs Republic of Indonesia. (2015). Establishment of ASEAN community 2015. https://kemlu.go.id/portal/en/read/108/halaman_list_lainnya/establishment-of-asean-community-2015 Menon, J. (2014). ASEAN economic community by 2015?. CEPR.https://cepr.org/voxeu/columns/asean-economic-community-2015 Asia Development Bank. (2014). ASEAN Community 2015: Managing Integration for better jobs and shared prosperity. https://www.adb.org/sites/default/files/publication/42818/asean-community-2015-managing-integration.pdf III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO A. Pagkuha ng Dating Kaalaman Unang Araw 1. Maikling Balik-aral TALA-RAWAN:Tukuyin kung anong SDGs ang ipinapakita ng bawat larawan. 1. Para sa kumpletong listahan ng SDGs, tingnan ang supplementary material sa huling bahagi ng exemplar. Susi sa Pagwawasto: Source: Voices of Youth. https://www.voicesofyouth.org/blog/g ender-equality-human-right
  • 5. 3 2. Source: FairPlanet. https://www.fairplanet.support/sustainable- development-goals/goal-16-peace-justice-and-strong- institutions/ Source: World Bank Blogs. 3. https://blogs.worldbank.org/en/education/six-s-quality- education 4. 5. B. Paglalaha d ng Layunin 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Gawin ang sumusunod na gawain sa interaktibong pamamaraan: Gawain 1: Think-Pair-Share Panuto: Gamit ang Think-Pair-Share, ibahagi ng mag-aaral ang kanyang tugon sa tanong sa ibaba. Tanungin sa mga mag-aaral ang mga pamprosesong mga katanungan. Source: United Nations Development Programme. https://www.undp.org/philippines/blog/wh ere-are-we-achieving-good-health-all- initial-stocktake Source: SDG NEDA. https://sdg.neda.gov.ph/goal-2/
  • 6. 4 1. Para sa iyo, alin sa mga layon ng likas kayang pag-unlad (SDG) ang nakamit na ng Pilipinas at Asya? Paano mo nasabi? 2. Paano kaya nakatulong ang ASEAN sa pagkamit nito? Nararapat na ipabatid sa mga mag-aaral na isa sa mga adhikain ng ASEAN ay matulungan ang mga kasaping bansa na makamit ang likas- kayang pag-unlad ng mga bansa nang sama-sama.(sustainable development). 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Gawain 2: UGNAY-UNAWA (#Ating Ilapat at Iugnay) Tukuyin ng mga mag-aaral kung anong ibig sabihin ng mga akronim gamit ang mga paglalarawan na naibigay. Gawing gabay ang mga pahayag na makikita sa ibang hanay upang matukoy ang konsepto. 1. A _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ 2015 ● Isang samahang naglalayong bumuo ng isang mas malakas at mas bukas na komunidad sa rehiyon ng Asya. 2. A _ _ _ _ P _ _ _ _ _ _ _ _ S _ _ _ _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ _ ● Layunin nitong palakasin ang political stability sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga institusyon ng kapayapaan at seguridad. 3. A _ _ _ _ E _ _ _ _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ _ ● Layunin nitong palakasin ang intergrasyon ng ekonomiya sa rehiyon kasama dito ang pag- alis ng mga pampulitikang hadlang sa kalakalan at pagpapalakas ng pagtutulungan sa larangan ng pananlapi at industriya. Tukuyin ng mga mag-aaral kung anong ibig sabihin ng mga akronim gamit ang mga paglalarawang naibigay. MGA KASAGUTAN 1.ASEAN COMMUNITY 2. ASEAN POLITICAL-SECURITY COMMUNITY 3. ASEAN ECONOMIC COMMUNITY (AEC 4. ASEAN SOCIO-CULTURAL COMMUNITY (ASCC)
  • 7. 5 4. A _ _ _ _ S _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ _ ● Layunin nitong palakasin ang pagkakaisa at pagkikila sa mga kultural sa rehiyon. Kasama dito ang pagpapalakas at pagtutulungan sa edukasyon,kalusugan, kapakanan ng mga mamamayan, at kapaligiran C. Paglinang at Pagpapala lim Ikalawang Araw Kaugnay na Paksa 1: ASEAN COMMUNITY 2015 1. Pagproseso ng Pag-unawa Gawain 3: Suriin at Itala Natin: (#Talaan ng impormasyon) Katulong ang iyong pangkat, basahin ang mga talatang naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa ASEAN Community 2015 .Pagkatapos ay isulat sa kahon ang mga hinihinging impormasyon ukol dito. Noong Setyembre, taong 2000, nagsama-sama ang mga pinuno ng 189 bansa sa himpilan ng United Nations upang lagdaan ang Millenium Declaration na kilala rin sa tawag na Millenium Development Goals, kung saan nagkasundo silang magkaisang makamit ang walong(8) layon o goals pagsapit ng 2015. Ang mga ito ay ang sumusunod: 1. Sugpuin ang matinding kahirapan at gutom. 2. Ipatupad ang pangkalahatang primaryang edukasyon. 3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa karapatan ng bawat kasarian at pagsasakapangyarihan ng mga kababaihan. 4. Bawasan ang bilang ng mga batang namamatay. 5. Paunlarin ang kalusugan ng mga inang nagdadalantao. 6. Labanan ang AIDS, tuberkulosis, malarya at ba pang mga sakit. 7. Tiyakin ang pagpapanatili ng yaman at ganda ng kalikasan at kapaligiran. 8. Paunlarin ang pandaigdigang-ugnayan para sa kaunlaran. Simple at malinaw ang mga layon kaya naman maayos ang pagsasakatuparan nito. Sa katunayan, sa pagtatapos ng 2015 ay nabawasan ng 50% ang extreme poverty rate. Gayon pa man, hindi magkakapareho ang naging resulta sa bawat bansa. Ang mga pamproseng katanungan ay maaring dagdagan batay sa lalim ng talakayan. Ang gawin ay maaring dalawahan o triad. Sabihin o talakayin na malaki ang naging tagumpay ng MDG sa loob ng 15 taon sa pagpapababa ng mortality rate sa mga bata , ganoon din ang pagpapabuti ng kalusugan ng mga nagdadalantao, akses sa tubig at pag- unlad sa sanitasyon.
  • 8. 6 Dahil malapit nang matapos ang MDG ng 2015, kinakailangang maipagpatuloy ang mga nasimulan nang pagbabago. Bilang tugon, noong 2012, idinaos ang United Nations Conference on Sustainable Development sa Rio de Janeiro sa Brazil kung saan iniluwal ang konsepto ng likas-kayang pag-unlad o ang Sustainable Development Goals. Samantala, ang ASEAN bilang tugon sa hamon ng SDG at bilang isa sa mga organisasyong nasusulong ng pagkakaisang rehiyonal ay matagumpay na naitatag ang ASEAN Community noong Disyembre 31, 2015. Ang pagtatag ng ASEAN Community noong 2015 na binubuo ng Brunei Darussalam, Cambodia,Indonesia, Laos, Malaysia, Myamar (dating tinawag na Burma), Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam ay nagpapahayag ng isang mahalagang yugto sa mga pagsisikap ng ASEAN tungo sa rehiyonal na intergrasyon at kooperasyon. Ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga bansang kasapi sa ASEAN na magtrabaho nang sama-sama tungo sa pagkamit ng mga pangunahing layunin na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa ASEAN sa larangan ng ekonomiya,politika,at kultura. Ilan sa mga layunin ng ASEAN 2015 ay ang mga sumusunod: 1) Lumikha ng isang lipunang may pagtingin sa hinaharap. 2) Magtaguyod ng lipunan kung saan ang mga mamamayan ay naninirahan sa isang mapayapa, matatag at maunlad na kapaligiran. (3) May mga bansang pinagisa sa isang dinamikong relasyon sa pakikipagsosyo. (4) Lumikha ng isang komunidad na mapagmalasakit. (5) Palakasin ang integrasyon ng ASEAN sa pagharap sa pag-unlad ng pandaigdigang konstelasyong politikal. Sa pamamagitan ng mga layuning ito, maaring matugunan rin ang mga hamon ng likas kayang pag-unlad sa rehiyon at makapag-ambag ang ASEAN sa mga pandaigdigang pagsisikap na itaguyod ang pagkakamit ng 17 layon ng likas-kayang pag-unlad. Tangagapin ang lahat ng kasagutan ng mga mag-aaral. Ang gawain ay maaring isahan,dalawahan o grupo. Ito ay maaaring pangkatang pagbabahagi ng mg mag- aaral.Iproseso ng guro ang mga karagdagang impormasyon na maaaring nakaligtaan ng guro.
  • 9. 7 Pamprosesong katanungan Kasagutan Bakit nabuo ang ASEAN Community 2015? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Anu-ano ang mga layunin ng ASEAN Community 2015? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Anu-anong bansa ang kasapi sa ASEAN Community 2015? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ Paano makatutulong ang ASEAN Community ng 2015 sa pagtugon sa hamon ng likas-kayang pag-unlad? ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ 2. Pinatnubayang Pagsasanay Gawain 4: TANONG-TUGON, PAMPARUNONG (#Pamprosesong Katanungan): Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring gawing gabay ng guro sa pagtatalakay ng aralin. ● Paano nabuo ang MDG at SDGs? ● Ano ang ASEAN Community 2015? ● Bakit mahalaga ang pagkakatatag ng ASEAN Community 2015 para sa pagsusulong ng 17 SDGs? 3. Paglalapat at Pag-uugnay Ikatlong araw Bigyang-diin na bagamat may mga nakamit nang tagumpay ang ASEAN Community, may mga dapat pa rin itong pagtuunan ng pansin.
  • 10. 8 Gawain 5: UGNAY-UNAWA (#Ating Ilapat at Iugnay) Katulong ang iyong pangkat, ipakita ang sagot sa bawat tanong gamit ang alinman sa mga pamamaraan sa ibaba: Bibigyan ang bawat pankat ng 5 minuto para pag-usapan ang kanilang tugon at ang gagawing presentasyon. Ang presentasyon naman ay kailangang nasa 1-2 minuto lamang. Role-Playing Slogan-Poster Talumpati Tableau 1. Sa pagitan ng 1990-2013, tumaas ang migrasyong intra-Asia o sa pagitan ng mga bansa sa Asya mula 1.5 milyon patungong 6.5 milyon kung saan ang mga bansang Malaysia, Singapore at Thailand ang 3 sa mga nangunang bansang destinasyon (ASEAN Community 2015 ADB Report). Nitong mga nakaraang panahon may mga nababalitaan tayong mga Pilipino na nare-recruit bilang mga manggagawa ngunit pagdating sa bansang destinasyon ay nakaranas ng pagmamaltrato. Paano makakatulong ang ASEAN Community sa pangangalaga ng kaligtasan ng mga manggagawang mula sa bansang kasapi ng ASEAN? 2. Noong 1994, itinatag ng Brunei-Darussalaam, Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang BIMP-EAGA o ang Brunei-Darussalaam-Indonesia-Malaysia- Philippines East ASEAN Growth Area. Layunin nitong matulungang mapataas ang antas ng ekonomiya ng mga hindi gaanong-maunlad at mga nasa liblib o remote at marginalized na mga lugar sa bawat bansang kasapi. Sa Piliinas, nakapagtukoy ng 26 na probisya sa Mindanao at isa sa Palawan (ASEAN Community 2015 ADB Report). Ano’ng proyekto ang maaring mailunsad ng ASEAN Community upang matulungan ang mga lugar na ito? 3. Edukasyon ang itinuturing nating hagdan sa pagtatagumpay at pag-unlad ng kalagayan sa buhay. Bagamat may mga pagsusumikap nang palawigin ang akses sa edukasyon, nanatiling nahuhuli ang mga kababaihan pagdating sa basic literacy o kasanayan sa pagbasa at pagsulat. Paano kaya matitiyak na ang mga kababaihan ay nagkakaroon ng akses sa edukasyon? Maraming maaring maisagot ang mga bata sa mga sitwasyong inilahad. Halimbawa: 1.Magkaroon ng mga patakarang pangkaligtasan paara sa mga manggagawa na lalagdaan ng mga kasaping bansa ng ASEAN. 2. Turuan sila ng mga bagong kasanayan na maglalayo sa extractive na livelihood para hindi masira ang kanilang kapaligiran. Tulungan silang magtayo ng kooperatiba.
  • 11. 9 4. Bagamat may batas na para sa itinakdang minimum wage o pasahod, may malaking disparity o agwat pa rin sa halaga ng pasahod o sweldo sa mga bansang kasapi ng ASEAN.Sa patuloy na pagtaaas ng bilihin lalong lumiliit ang tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa. Paano kaya makakatulong ang ASEAN Community sa sulrianing ito? Rubrik para sa gawain Marka Deskripsyon Nilalaman (10 puntos) Nagbigay nang buong husay at detalyadong impormasyon sa paksa. Presentasyon (5 puntos) Malikhaing naiulat at mahusay na nailahad ang impormasyon sa klase. Organisasyon (5 puntos) Nailahad nang may maayos na pagkasunod-sunod ang nilalamang impormasyon. Kabuuang Iskor: Kaugnay na Paksa 2: HALIGI NG ASEAN COMMUNITY 2015 1. Pagproseso ng Pag-unawa Isang mahalagang bahagi ng ASEAN Community ay ang pagtatatag ng single market o isang pamilihan sa mga bansang kasapi nito kung saan malayang makapagpapalitan ng kalakal ang mga bansang kasapi sa mababang taripa hanggang sa pagtatanggal nito upang matulungan ang bawat isa na mapaunlad ang kani-kanilang ekonomiya. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng AEC o ng ASEAN Economic Community. Ang ASEAN Community 2015 ay naglalayong bumuo ng isang mas malakas at mas bukas na komunidad sa rehiyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang Asean Community 2015 ay binubuo ng tatlong haligi:
  • 12. 10 Haligi Layunin Pamamaraan upang makamit ang mga layunin 1. ASEAN Political-Security Community (APSC) ⮚ Palakasin ang ugnayang pampolitika sa rehiyon upang maiwasan ang mga tensiyon at pag-aaway ⮚ Magsagawa ng kooperasyon sa mga isyu tulad ng seguridad, terorismo, krimen at pag-resolba ng mga labis na tensiyon sa rehiyon ✔ Pagpapatupad ng mekanismo para palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa ASEAN. ✔ Pagpapatupad ng mga kasunduan at kontrata sa pagitan ng mga bansa para sa pakikisangkot sa seguridad,pagpapalakas ng mga institusyon tulad ng ASEAN Reginal Forum (ARF) at ASEAN Defense Minister’s Meeting (ADMM) ✔ Pagpapalakas ng diplomasya sa ugnayan ng mga bansa sa rehiyon
  • 13. 11 2.ASEAN Economic Community (AEC) ⮚ Pagpapalaka s ng integrasyon ng ekonomiya sa rehiyon kasama na dito ang pag-alis ng mga pampulitika ng hadlang sa kalakalan ⮚ Pagpapala- kas ng pagtutulu- ngan sa larangan ng pananlapi at industriya ✔ Pagsulong ng malayang kalakalan, pamumuhunan at pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng ekonomiya. ✔ Pag-alis ng taripa at non- tariff barriers upang mapadali ang pagpunta ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang bansa sa ASEAN ✔ Paglikha ng mas malaking oportunidad para sa mga Negosyo at mamamayan sa rehiyon. 3. ASEAN Socio- Cultural Community (ASCC) ⮚ Palakasin ang pagkakaisa at kultural sa rehiyon ⮚ Pagtutulu- ngan sa edukasyon, kalusugan, kapakanan ng mga mamama-yan at kapaligiran ✔ Pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga mamamayan sa ASEAN tulad ng serbisyong pangkalusugan,kultura at tradisyon ng mga bansa sa rehiyon. ✔ Paglikha ng isang mas makatarungan at magkakapantay na lipunan sa rehiyon ng ASEAN
  • 14. 12 3. Pinatnubayang Pagsasanay Gawain 6 :Matapos mabuo ang ASEAN Community 2015, nagkaroon ng maraming pagbabago sa komunidad sa rehiyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa larangan ng politika, ekonomiya, at lipunan. Suriin ang mga graph sa ibaba at sagutin ang mga kasunod na tanong: Graph 1 Graph 2 Pamprosesong tanong: 1. Tungkol saan ang unang graph? Ang ikalawang graph? 2. Batay sa graph 2 , ano-anong mga bansa ang may mataas na bilang ng unemployment? 3. Batay sa graph 1, ano-anong mga bansa ang may pinakamababang bahagdan ng public social security expenditure ayon sa GDP? 4. Ilang bahagdan ng pambansang kita ang nailalaan ng pamahalaan ng Pilipinas para sa panlipunang seguridad tulad ng proteksyong pangkalusugan para sa mga mamamayan nito? 5. Paano kaya matutulungan ng ASEAN ang mga bansang kasapi na mataas ang unemployment rate? Ikaapat na Araw 4. Paglalapat at Pag-uugnay
  • 15. 13 Gawain 7: Pangarap Ko (#Ating Ilapat at Iugnay) Ano ang pangarap mo para sa Pilipinas, kaugnay ng 17 Layon ng Likas-Kayang Pag-unlad? Ihulog sa dream list ang tatlo sa mga pangarap mo para sa Pilipinas. Rubrik para sa gawain Iskor Deskripsyon Napakahusay (15 puntos) Nakapagtala ng tatlong kasagutan na angkop sa likas- kayang pag-unlad at nakapagbigay ng katwiran sa kanyang sagot. Mahusay (12 puntos) Nakapagtala ng tatlong kasagutan na angkop sa likas- kayang pag-unlad ngunit di malinaw na nakapagbigay ng katwiran sa kanyang sagot Di-gaanong mahusay (10 puntos) Nakapagtala ng dalawang kasagutan na angkop sa likas-kayang pag-unlad ngunit di malinaw na nakapagbigay ng katwiran sa kanyang sagot Nangangailangan ng tulong (8 puntos) Nakapagtala ng isang kasagutan na angkop sa likas- kayang pag-unlad ngunit di malinaw na nakapagbigay ng katwiran sa kanyang sagot D. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto Ito ay maaring gawin pagnatapos ng natalakay ang mga mahahalagang paksa sa Ikatlong araw. # Dream List
  • 16. 14 Gawain 8: 3-2-1 (Numero ng Karunungan): Sa bahaging ito, itatala ng mga mag-aaral ang mga impormasyon o detalyeng kanilang nakalap o naunawaan sa aralin. Gawing gabay ang makikitang tsart 3 bagay na natutuhan sa aralin 2 ideyang nalinawan ka mula sa dati mong nalalaman dito 1 bagay na naranasan mo na may kaugnayan sa aralin 1. 1. 1. 2. 2. 3. Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga mag-aarl IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO A. Pagtataya 1. Pagsusulit ISIP -HAMUNIN I:Binagong TAMA o MALI. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at iguhit ang kung ang pangungusap ay TAMA at kung ang pangungusap ay MALI. _____1.Ang ASEAN Community 2015 ay naitatag noong Disyembre 31,2015. _____2. Ang ASEAN Community 2015 ay binubuo ng apat na haligi. _____3. Ang ASEAN Community 2015 ay naglalayong bumuo ng isang mas malakas at mas bukas na komunidad sa rehiyon ng Association of Southeast Asian Nation. _____4.Ang bansang Korea ay kasapi sa ASEAN Community 2015. _____5. Ang pangunahing layunin ng ASEAN Community 2015 ay palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa ASEAN sa larangan ng ekonomiya, politika at kultural. II.Pagsusuri: Basahin ang sumusunod na paglalarawan at itiman ang letra A -kung ito ay patungkol sa ASEAN Political-Security Community (APSC) ,letrang B-kung ito ay Huling araw ng lingo Gawing batayan ang mga kasagutan sa pagwawasto I. 1. 2. 3. 4. 5. II: 1. A 2. B
  • 17. 15 patungkol sa ASEAN Economic Community (AEC), at C-kung ito ay patungkol sa ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) A B C 1.Tungkulin nito na isulong at diplomasya at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa ASEAN upang maiwasan ang tensiyon at pag-aaway 2. Pagtutulungan sa larangan ng pananalapi at industriya 3.Pagalis ng taripa at non-tariff barriers upang mapadali ang pagpunta ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang bansa sa ASEAN 4.Pagkakapantay-pantay sa larangan ng edukasyon,kultura, at sibika 5.Pagpapalakas ng kooperasyon sa komunidad ng ASEAN sa serbisyong pangkalusugan. 6. Pagsasagawa ng mas malalim na ugnayan upang maiwasan ang tensiyon at mga isyu tulad ng terorismo,at krimen sa rehiyon 7.Pagpapatupad ng mga kasunduan at kontrata sa mga bansa sa rehiyon para sa seguridad 8.Paglikha ng mas malaking oportunidad para sa mga negosyo at mamamayan sa rehiyon 9.Pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa kultura at tradisyon ng mga bansa sa rehiyon 10.Pamamahala at maayos na pakikitungo sa mga rehiyon ng ASEAN 2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin HILING-DINGGIN (#WallWisher): Sa bahaging ito itatala ng mga mag-aaral ang kanilang mga kahilingan para sa mga bansa sa kasapi sa ASEAN upang mas mapalakas pa ang pagsulong at pagkakapantay-pantay sa politika,ekonomiya at kultura. Gamit ang mga sticky notes, kanilang ilalahad at ipapaskil sa #WallWisher ang mga ito. 3. B 4. C 5. C 6. A 7. A 8. B 9. C 10.B
  • 18. 16 https://anorakmagazine.com/pages/bubble-wall-of-wishes B. Pagbuo ng Anotasyon Itala ang naobserhan sa pagtuturo sa alinmang sumusunod na bahagi. Epektibong Pamamaraan Problemang Naranasan at Iba pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag-aaral At iba pa C. Pagninilay GABAY NA TANONG SA PAGNINILAY (Para sa mga mag-aaral) ANO ANG AKING NARANASAN? ANO ANG AKING NARAMDAMAN? ANO ANG AKING GAGAWIN? PARA SA GURO
  • 19. 17 Ang 17 Layon ng Likas-Kayang Pag-unlad (Sustainable Development Goals) Goal 1: No Poverty - matuldukan ang kahirapan sa anomang anyo nito sa hindi bababa sa kalahati ng populasyon. Goal 2: Zero Hunger - mawakasan ang gutom at malnutrisyon, higit lalo sa mga kabataan. Goal 3: Good Health and Well-being - maitaguyod ang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay- akses sa mga serbisyong pang-medikal sa lahat. Goal 4: Quality Education - makapagbigay ng libre, inklusibo, at dekalidad na edukasyon sa primarya at sekondaryang antas para sa bawat kabataan. Goal 5: Gender Equality - maisulong ang pagkakapantay- pantay at mapuksa ang diskriminasyon at karahasang pangkasarian. Itala ang mga naging balakid sa pagtuturo ng paksa , mga naging kagalingan at namasdang epekto. Balakid _______________ _______________ _______________ _______________ ___ Kagalingan ________________ ________________ ________________ _______________ Namasdang Epekto _____________________ ___________________ ____________________ _____________________ _____________________ _____________________
  • 20. 18 Goal 6: Clean Water and Sanitation - makapagbigay-akses sa malinis, sapat, at abot-kayang tubig na inumin at magarantiya ang wastong sanitasyon sa mga komunidad. Goal 7: Affordable and Clean Energy - magkaroon ng sapat, abot-kaya, moderno, at maaasahang serbisyo ng enerhiya. Goal 8: Decent Work and Economic Growth - maitaguyod ang pang-ekonomiyang pag-unlad sa sektor ng paggawa at makapagbigay-tulong sa pagkakamit ng disenteng trabaho para sa lahat. Goal 9: Industry, Innovation, and Infrastructure – makalikha ng dekalidad, maaasahan, at matibay na imprastruktura at maisulong ang inklusibo at likas-kayang industriyalisasyon. Goal 10: Reduced Inequalities - mapalakas at maisulong nang progresibo ang panlipunan, pang-ekonomiya, at politikal na pakikisangkot ng mga mamamayan nang walang pinipiling edad, kasarian, lahi, relihiyon, o estado sa buhay. Goal 12: Responsible Consumption and Production – magamit nang maayos ang mga likas yaman at maisakatuparan ang maayos na pamamahala ng mga basura na maaaring makaapekto sa kalusugan. Goal 13: Climate Action - maihanda at mapalakas ang mga bansa laban sa mga pangkaraniwang sakuna at makapagbigay-kaalaaman sa mga komunidad tungkol dito Goal 14: Life below Water - maihinto at mabawasan ang polusyong pandagat lalo na yaong dulot ng mga gawaing panlupa. Goal 15: Life on Land - masiguro ang konserbasyon at pagpapanumbalik ng sigla sa mga lupain at serbisyong sakop nito gayundin ang mapangalagaan ang mga buhay ng hayop at halaman, higit ang mga nanganganib nang mawala. Goal 16: Peace, Justice, and Strong Institutions – mabawasan ang karahasan sa lahat ng anyo at makipag-ugnayan sa pamahalaan at mga komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at katarungang panlipunan. Goal 17: Partnership for the Goals - mapalakas ang ugnayang Hilaga-Timog at Timog-Timog sa pamamagitan ng pagbibigay-suporta sa mga pambansang plano at gawain tungo sa pag-unlad.