3. Mga Layunin:
a. Natutukoy ang mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan sa natutuhan sa
pamilya.
b. Naipahahayag na ang pangangalaga sa
kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga
sa pagpapanatili ng malusog na isip at
katawan upang masanay ng
pagpapahalaga sa sarili.
7. Tignan ang mga larawan sa pisara.
Maaari nyo ba akong tulungan na
idikit sa katawan ni Super Two ang
mga larawan na nagpapakita ng
mga paraan upang kanyang
mapangalagaan ang kanyang
kalusugan?
9. Mga gabay na tanong para sa
mag-aaral:
1. Ayon sa ating mga larawang
pinili mula sa pisara, ano-ano ang
mga paraan na dapat gawin ni
Super Two upang masiguro na
siya ay malakas at malusog?
10. 2. Bilang isang bata sa
ikalawang baitang sino ang
palagiang nagpapa-alala sa
inyo ng mga tamang
pamamaraan upang
mapangalagaan ang inyong
kalusugan?
11. Sa araling ito, inaasahan na kayo ay:
a. Makatutukoy ng mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan sa natutuhan
sa pamilya; at
b. Makapaghahayag na ang
pangangalaga sa kalusugan gabay ang
pamilya ay mahalaga sa pagpapanatili ng
malusog na isip at katawan upang
masanay ang pagpapahalaga sa sarili.
12. Ngayon ay ating tukuyin ang
mga kahulugan ng mga salitang
ating gagamitin sa ating aralin.
Ating iayos ang mga jumbled
letters upang mabuo ang mga
salitang tinutukoy sa
pangungusap.
13. 1. Sila ang ating kasama sa
bahay na siyang gumagabay at
nag-aaruga sa atin
P A I Y A M L
15. 2. Ito ay ang estado ng pagiging
malusog ng katawan at isipan, kung
saan ang isang tao ay malayo sa
sakit at may kakayahang gawin ang
mga pang-araw-araw na gawain
nang walang anumang hadlang.
K L U S U A N A G
21. Ang Malusog na Pamilya
Ni: Krissel B. Quemquem
Ang kambal na sina Leo at Lea na
nasa ikalawang baitang ay mga tunay
na masayahing mga bata. Sila ay maliksi
at mabilis na nakatatapos sa kanilang
mga gawain sa paaralan man o sa
tahanan.
22. Tuwing umaga, bago sila pumasok
sa eskwela ay inihahanda na ng
kanilang ina ang kanilang
pampaligo at masustansiyang
almusal. Paborito nilang dalawa ang
mga pagkain tulad ng prutas at
gulay, gayundin ang pag inom ng
gatas.
23. Bago pumasok ay pina
aalalahanan sila ng kanilang ina
na magsepilyo ng ipin at
magsuklay ng buhok. Araw-
araw sila ay umiinom ng walo
hanggang sampung basong
tubig.
24. Hindi rin nila kinakalimutan
ang paalala ng kanilang
Ama na palagiang
maghuhugas ng mga kamay
upang makaiwas sa mga
sakit.
25. Tuwing pagkagaling sa paaralan
ng magkapatid ay agad silang
nagbibihis ng pambahay at
kumakain ng tanghalian. Maaga
rin nilang tinatapos ang kanilang
takdang aralin upang may oras
pa silang makapag-laro.
26. Pagdating ng hating gabi, sila
any maagang natutulog upang
makumpleto nila ang 8
hanggang 12 oras ng pagtulog.
Tuwing Sabado ay pumupunta
ang kanilang buong pamilya sa
parke upang mag-ehersisyo.
27. Si Leo ay madalas na
sumasama sa kanyang kuya at
tatay upang mag-jogging o
kaya ay mag biking. Si Lea
naman ay kasama ang
kanyang ina sa pagzu-zumba.
28. Pinapanatili din nila ang kalinisan ng
kanilang bahay at kapaligiran upang
makaiwas sa mga sakit na dulot ng
mga lamok, langaw at daga. Kapag
sila naman ay nagkakasakit ay agad
din silang komukunsulta sa doktor
upang mabigyan ng tamang gamot at
agad na gumaling.
29. Sila Leo, Lea, at ang
kanilang buong pamilya
ay laging masaya at
malusog.
30. Mga gabay na tanong:
1. Sino ang mga tauhan sa
kwento?
2. Ano-ano ang mga paraan o
gawain ng pamilya nila Leo at
Lea upang mapangalagaan ang
kalusugan ng kanilang pamilya?
31. 3. Sa inyong kanya-kanyang
pamilya. Mayroon din ba kayong
mga gawain o mga paalala mula
inyong mga magulang upang
mapangalagaan ang inyong
kalusugan? Maaari mo ba itong
ibahagi?
32. 4. Mahalaga ba na tayo
ay nagsasagawa ng mga
gawain upang
mapangalagaan ang
ating kalusugan? Bakit?
34. _______1. Naliligo ako araw-araw
at hinuhugasan buong katawan
gamit ang sabon at tubig.
_______2. Madalas hatinggabi
na akong natutulog dahil sa
kabababad sa mga gadgets.
35. _______3. Umiinom ako ng walong
basong tubig araw-araw.
_______4. Kapag may
naramdamang hindi maganda
sa katawan, nagtutungo ako sa
doktor at pinakamalapit na
health center.
44. 1. Habang ikaw ay nanonood
ng iyong paboritong palabas sa
telebisyon ay tinawag ka ng
iyong nanay upang kumain ng
pananghalian. Ano ang iyong
dapat gawin?
45. A. Maupo agad sa lamesa at
simulan nang kumain.
B. Tapusin muna ang pinanonood
bago kumain.
C. Maghugas ng kamay bago
kumain
D. Maglaro habang kumakain
46. 2. Nais mong maging malusog,
alin sa sumusunod ang dapat
mong kainin?
A. kendi at tsokolate
B. prutas at gulay
C. kakanin at sabaw
D. burger at fries
47. 3. Alin sa sumusunod ang
dahilan kung bakit
mahalaga ang palaging
pag-eehersisyo ng isang
batang katulad mo?
48. A. Para makatulog nang
matagal
B. Para maging malusog at
malakas
C. Para makapanood ng TV
D. Para makapaglaro ng video
games
49. 4. Alin sa mga sumusunod ang dapat
gawin upang mapanatiling malinis ang
ngipin?
A. Mag-toothbrush dalawang beses sa
isang araw
B. Kumain ng maraming matatamis
C. Mag-toothbrush isang beses sa isang
linggo
D. Uminom ng soft drinks
50. 5. Bilang isang bata, alin ang
higit na dapat mong iniinom sa
araw-araw?
A. soft drinks
B. juice
C. tubig
D. palamig
51. Karagdagang Gawain
Panuto: Ilista sa iyong
kuwaderno ang mga
masustansiyang pagkain na
kinain at gawaing pisikal na
iyong isinagawa sa araw na ito.
55. Mga Layunin:
a. Naiisa-isa ang mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan na natutuhan sa
pamilya.
b. Nakapaglalarawan ng mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan gabay ang
pamilya ay mahalaga sa pagpapanatili ng
malusog na isip at katawan upang masanay
ng pagpapahalaga sa sarili.
56. SAGOT MO, TAKBO MO
Tingnan ang mga larawan na
nagpapakita ng pangangalaga sa
kalusugan. Kayo ay tatakbo sa tsek
kung ito ay nagpapakita ng tamang
pangangalaga sa kalusugan at sa ekis
naman kung hindi.
62. Sa araling ito, inaasahan na kayo ay:
a. Makapagiisa-isa ng mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan
na natutuhan sa pamilya; at
b. Makapaglalarawan ng mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan gabay ang
pamilya ay mahalaga sa pagpapanatili ng
malusog na isip at katawan upang
masanay ang pagpapahalaga sa sarili.
63. Ating basahin at unawain ang mga
salita:
1. kalusugan - estado ng pagiging
malusog ng katawan at isipan, kung
saan ang isang tao ay malayo sa sakit
at may kakayahang gawin ang mga
pang-araw-araw na gawain nang
walang anumang hadlang
64. 2. kaligtasan - pagiging
ligtas o protektado
laban sa mga panganib
o kapahamakan
65. 3. ehersisyo – gawaing pisikal
na ginagawa upang
mapanatili o mapalakas ang
kalusugan at kahusayan ng
katawan (pagtakbo,
paglakad, pagsayaw)
66. 4. kayamanan – maaaring
tumukoy sa mga bagay na
may mataas na halaga.
Maaari rin itong tumukoy sa
taglay na karanasan o
kalakasan ng isang tao
67. Kalusugan ay Kayamanan, Kaligtasan ay
Kailangan
Ni: Krissel B. Quemquem
Lagi mong tandaan, kalusuga’y
kayamanan
Kasama ang pamilya, pati na kaibigan
Prutas at gulay laging nating kainin
Tubig na inumin huwag kalimutan man din
68. Sapat na tulog, palaging siguraduhin
Upang sa paggising, ikaw ay handa din
Maglaro, tumakbo, at mag ehersisyo pa
Para sa kalusugan, gawin itong lagi na
69. Kaligtasa’y isipin, kamay ay
hugasang lagi
Mikrobyo’y sugpuin, virus ay pigilin
Sa paligid ay mag-ingat, laging
magmasid
Kaligtasa’y kailangan, mahalaga sa
tuwina
70. Mga gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Sino-sino ang mga dapat
ninyong katulong o kasama
upang mapanatili ang inyong
malusog na isip, katawan at ang
inyong kaligtasan?
71. 3. Maaari nyo bang isa-isahin
ang mga nabanggit sat ula
na pamamaraan ng
pagpapanatili malusog na
isip at katawan, at
kaligtasan?
72. 4. Bilang isang bata sa
ikalawang baitang mahalaga
ba na alam mo ang iba’t ibang
paraan ng pagpapanatili
malusog na isip at katawan, at
iyong kaligtasan?
73. Pagbuo ng Diagram
Panuto: Batay sa ating binasang tula
ay ating buuin ang diagram tungkol
sa “Kalusugan ay Kayamanan,
Kaligtasan ay Kailangan”. Ilagay
ang mga strip ng papel sa kanilang
tamang hanay.
75. Pangkat 1 - Mga katuwang o
katulong sa pangangalaga sa
kalusugan at kaligtasan
Pangkat 2 - Mga paraan sa
pangangalaga sa kalusugan
Pangkat 3 - Mga paraan sa
pangangalaga sa kaligtasan
76. Sagutin.
1. Anong mga pagkain
ang madalas ihanda ng
inyong pamilya na
nakatutulong sa kalusugan
mo?
77. 2. Kapag may maysakit sa
inyong tahanan, ano ang
ginagawa ng inyong
pamilya upang siya'y
gumaling?
78. 3. Bilang bata, ano ang
iyong tungkulin sa
pagpapanatili ng
kalinisan sa inyong
tahanan?
79. •Ano ang inyong natutuhan sa
ating aralin sa araw na ito?
•Magbigay ng dalawa o higit
pang paraan ng
pangangalaga sa inyong
kalusugan/kaligtasan.
80. •Paano mo maisasagawa ang mga
paraan sa pangangalaga ng iyong
kalusugan at kaligtasan na iyong
natutuhan sa iyong pamilya?
•Bilang bata sa ikalawang baitang,
mahalaga ba na alam mo na ang
mga ito? Bakit?
81. Pagtataya
Panuto: Sa isang buong
papel, magtala ng tatlong
paraan ng pangangalaga sa
kalusugan na iyong
natutuhan sa iyong pamilya.
89. Mga Layunin:
a. Naisasakilos ang wastong pangangalaga
sa kalusugan na gabay ang pamilya.
b. Naiuugnay na ang pangangalaga sa
kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga
sa pagpapanatili ng malusog na isip at
katawan upang masanay ng
pagpapahalaga sa sarili.
93. Sa araling ito, inaasahan na kayo ay:
a. Makapagsasakilos ng wastong
pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan na
gabay ang pamilya; at
b.Maka-uugnay na ang pangangalaga sa
kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga
sa pagpapanatili ng malusog na isip at
katawan upang masanay ang
pagpapahalaga sa sarili.
94. Ating basahin at unawain ang
mga salita:
1. kilos – tumutukoy sa aksyon o
galaw ng katawan
2. aktibo - nagpapakita ng
pagiging masigla, mapanlikha,
at laging handa sa aksyon
95. 3. Inisyatibo – pagsisimula ng
isang bagay o gawain
4. bibo - pagpapakita ng
kasiglahan, talino, at kagalingan
5. gawi - regular na asal, kilos, o
ugali na paulit-ulit na ginagawa
ng isang tao
96. Si Vina ang Batang Biba
Ni: Krissel B. Quemquem
Si Vina ay isang batang nasa
ikalawang baitang. Palagi siyang aktibo
sa kanyang mga gawain sa bahay man
o sa paaralan. Siya ay palaging
nasagot sa mga talakayan sa klase.
97. Siya ay may inisyatibong
magpahayag sa kanyang pamilya
ng mga iba’t ibang paraan upang
mapangalagaan ang kalusugan at
kaligtasan na kanyang mga
natutuhan sa klase. Palagi niyang
pinipiling ulam ay gulay at isda.
98. Kapag naman sa paaralan ay prutas ang
kanyang madalas na baon para sa
recess. Mayroon din palagi siyang dalang
tumbler para sa kanyang inuming tubig.
Bilang bahagi ng pag eehersisyo ay araw-
araw silang naglalakad ng kanyang ina
sa pagpasok at pag-uwi mula sa
paaralan.
99. Tuwing sabado naman ay
kasama niya ang kaniyang
buong pamilya sa pagjo jogging
at biking. Ito ay ilan sa kaniyang
gawi na siyang dahilan bakit
siya ay bibong bata na may
malusog na katawan at isip.
100. Mga gabay na tanong:
1. Sino ang pangunahing
tauhan sa kwento?
2. Bakit tinawag na bibang
bata si Vina?
101. 3. Ano-ano ang mga paraan ng
pangangalaga ng katawan na
isinasagawa ni Vina at ng
kanyang pamilya?
4. Kung ikaw si Vina, gagayahin
mo rin ba siya? Bakit?
102. Pangkatang Gawain
Bumuo ng maikling dula
ukol sa mga sumusunod na
paraan sa pangangalaga
sa kalusugan at kaligtasan
103. Pangkat 1 – Pagkain ng
masusyansiyang pagkain
Pangkat 2 – Pag-iwas sa sobrang
paglalaro ng online games at
pagtulog sa tamang oras
Pangkat 3 – Pag-eehersisyo
Pangkat 4 – Pagkonsulta sa doktor
kung may sakit
104. Sagutin.
1. Paano ka makakatulong
sa pagbibigay-alala sa iyong
mga kapatid tungkol sa
tamang pangangalaga sa
kalusugan?
105. 2. Ano ang ginagawa
ng iyong pamilya
upang makaiwas sa
sakit gaya ng sipon o
ubo?
106. 3. Bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng
tamang tulog at
pahinga sa kalusugan
ng pamilya?
107. • Ano ang mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan at
kaligtasan na ipinakita sa inyong
maikling dula-dulaan?
• Ano ano ang epekto ng mga ito sa
inyong isip at katawan kung palagi
ninyo itong isinasagawa?
108. Pagtataya
Panuto: Isulat ang TP sa mga
pahayag na nagpapakita sa
tamang pangangalaga sa sarili.
Isulat naman ang HTP kung
nagpapakita ng hindi tamang
pangangalaga sa sarili.
109. ______1. Regular na ginugupit ni
Rodel ang kanyang mga kuko.
______2. Si Nico ay subsob sa
trabaho. Wala na siyang oras
upang magpahinga at
maglibang.
111. ______4. Si Nani ay regular
na nagpapatingin sa
kanyang doktor.
______5. Kumakain si Elsa
ng balanseng diyeta.
112. Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ang patlang
upang mabuo ang diwa ng
pangungusap tungkol sa
pangangalaga sa sarili ng
nagdadalaga at nagbibinata.
Piliin ang tamang sagot sa ibaba.
113. pagputol at paglinis ng mga kuko sa
kamay at paa
malalaman kung ano ang mga dapat
gawin upang mapaunlad ang sarili
pag-eehersisyo
paggamit ng shampoo at
pagsusuklay nito
pagsisipilyo ng mga ngipin
120. Mga Layunin:
a. Nakapagsasanay na ang pangangalaga sa
kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga sa
pagpapanatili ng malusog na isip at katawan
upang masanay ng pagpapahaga sa sarili.
b. Naipaliliwanag na ang pangangalaga sa
kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga sa
pagpapanatili ng malusog na isip at katawan
upang masanay ng pagpapahalaga sa sarili.
121. ATRAS – ABANTE
Sa nakaraang talakayan,
natutuhan ninyo ang iba’t ibang
kilos tungkol sa wastong
pangangalaga sa kalusugan na
gabay ang pamilya.
122. Sa pamamagitan ng pagkilos ng
ATRAS - ABANTE, ako ay
magbibigay ng mga sitwasyon
na nagpapakita ng mabuti at
masamang kilos ng
pangangalaga sa kalusugan.
123. Humakbang na paharap o paabante
kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
mabuting kilos ng pangangalaga sa
kalusugan.
At humakbang naman ng patalikod o
paatras kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng masamang kilos ng
pangangalaga sa kalusugan.
126. Masamang kilos ng
pangangalaga sa kalusugan
1. Pag-inom ng softdrinks.
2. Paglalaan ng mahabang
oras sa paggamit ng gadyet.
127. 3. Madalas pagkain ng mga
matatamis.
4. Hindi pagtulog sa tamang
oras.
5. Hindi pagkonsulta sa
doktor kapag may sakit.
128. Sa araling ito, inaasahan na kayo ay:
a. Makapagsasanay na ang pangangalaga sa
kalusugan at kaligtasan gabay ang pamilya ay
mahalaga sa pagpapanatili ng malusog na isip at
katawan upang masanay ng pagpapahalaga sa
sarili; at
b. Maipaliliwanag na ang pangangalaga sa
kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga sa
pagpapanatili ng malusog na isip at katawan
upang masanay ang pagpapahalaga sa sarili.
129. Ating basahin at unawain ang
mga salita:
1. pagsasanay - proseso ng
pagpapahusay ng mga
kakayahan, kasanayan, o
kaalaman sa isang partikular na
larangan o gawain
130. 2. pangangalaga – anumang kilos
o gawi na tungo sa ikabubuti ng
sarili sa gabay ng pamilya
3. pagpapahalaga – pagbibigay
ng halaga sa sarili at sa anumang
bagay na ginagawa tungo sa
ikabubuti.
131. Pangangalaga sa Sarili Katuwang ang
Pamilya
Ni: Krissel B. Quemquem
Ang pamilya'y gabay sa pag-aaruga,
Sa kalusugan at kaligtasan, sila ang
sandigan.
Malusog na isip at katawan, ating hangad,
Kaya't pangangalaga, dapat nating simulan.
132. Sa pagsasanay ng pangangalaga
sa kalusugan,
Sarili ay lubos na mapahahalagahan
Gabay ng pamilya ay hindi
matatawaran
Upang malusog na isip at katawan
ay makamtan
133. Kaya't magsimula na tayo ngayon,
Pagsasanay sa pangangalaga,
ating isabuhay.
Mahalaga na ang pamilya’y ating
katuwang,
Sa kalusugan at kaligtasan, tayo'y
magtulungan.
134. Mga gabay na tanong:
1. Ano ang papel ng pamilya sa
pag-aaruga ng kalusugan at
kaligtasan?
2. Ano ang mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan at
kaligtasan na dapat nating simulan?
135. 3. Sa iyong palagay, ang
pangangalaga ba sa
kalusugan ay isang paraan
ng pagpapahalaga sa sarili?
Bakit?
136. Pangkatang Gawain
Panuto: Gamit ang iyong mga
nailistang masusustansiyang pagkain
at gawaing pisikal na na iyong
isinagawa mula sa Lunes hanggang
Miyerkoles ay kumpletuhin ang
chart. Ibahagi ang kahalagahan ng
ginawang chart sa klase.
139. •Kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataong mamili
kakainin ng inyong pamilya
araw-araw, Ano ang mga
pagkaing iyong ilalagay sa
iyong plato?
140. •Sa inyong palagay, mabuti ba para
sa inyo at sa inyong pamilya ang
pagkain ng masustansiyang
pagkain at gawaing pisikal? Bakit?
•Kailan dapat isinasagawa ang
pagkain ng masustansiyang
pagkain at gawaing pisikal?
144. Karagdagang Gawain
Panuto: Ilista sa iyong
kuwaderno ang mga paraan ng
pangangalaga sa kalusugan na
natutuhan sa pamilya na
lumilinang sa pagpapahalaga
sa sarili.