2. PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN
1.TULUYAN O PROSA
Maraming mga akda ang nasa ilalim ng akdang tulayan.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang nobela o kathambuhay,
maikling katha o maikling kwento, dula, alamat, pabula,
parabula, anekdota, sanaysay, talambuhay, balita at talumpati.
3. A. Nobela =ay isang mahabang salaysayin ng mga
kawing-kawing na pangyayarina naganap sa mahabang
saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming
tauhan at nahahati sa mga kabanata.
1. nobela ng pangyayari = kung ang binibigyang-din ay
ang mga pangyayari tulad ng Luksang Tagumpay ni
Teofilo Sauco
4. 2. nobela ng tauhan = kung ang binibigyang-diin ay ang Katauhan
o personalidad ng pangunahing tauhan tulad ng Nena at Neneng ni
Valeriano H. Peña
3. nobela ng romansa kung ang nobela ay nakatuon sa pag-
iibigan tulad ng Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos
4. nobela ng pagbabago= kung ang diin ng akda ay ang
paghahangad ng may-akda ng mga pagbabago sa lipunan at
pamahalaan tulad ng Noli me Tangere at El Fikbusterismo ni Dr.
Jose P. Rizal
5. nobela ng kasaysayan= kung nagsasalaysay ng mga
pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang bayan tulad ng
Paghibimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo.
5. B.Maikling kwento = salaysay ng isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
isang kat'alan o impresyon. Katulad ng nobela, ang maikling
kwento ay maaaring mauri batay sa sangkap na binigyang din
sa salaysay. Kung gayon, ang isang maikling kwento ay
maaaring:
1. pangkatauhan =kung ang binibigyang-diin ay ang
katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan tulad ng
Kwento mi Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute;
6. 2. makabanghay =kung ang binibigyang-din ay ang pagkakawing kawing ng
mgapangyayari sa katha tulad ng Babay na Bato ni B.L. Rosales
3. pangkapalgiran= kung ang kuwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera
ng akda tulad ng Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza-Matute.
4. pangkatutubong-kulay =kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang
panlabas at kakanyahang pampook ng isang lugar o komunidad tulad ng
Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
5. pangkaisipan kung ang binibigyang-diin sa katha ay ang kaisipan o ang
makabuluhang diwang taglay nito tulad ng Pag-uwi ni Genoveva Edroza-
Matute
6. sikolohikal = kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag-iisip ng
pangunahing tauhan tulad ng Dugo at Utak ni Cornelio Reyes.
7. C. Dula = isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o
tangnalan. Karaniwang nahahati ang isang dula sa tatlo o higit pang yugto
Bagama’t marami rin ang mga dulang iisahing-yugto. Ang dula ay naaaring mauri
batay sa paksa. Kung gayon, ang isang dula ay maaaring:
1. komedya = kung ang paksa ay katawa-tawa tulad ng Ang Piso ni Anita ni
Julian Cruz Balmaceda
2. trahedya =kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing
tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan tulad ng Lakambini ni
Patricio Mariano
3. melodrama =kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng
mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay tulad ng Minda Mora ni
Severino Reyes.
8. D.Alamat = mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito y mga likhang-isip
lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan
ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang
mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibiya. Isang
mahusay na halimbawa nito ay ang Alamat ng Pinya
E. Pabula = mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging
ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba'y tunay na
mga tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kwentong ito ngunit may layuning
pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na makahuhubog sa kanilang kilos at
pag-uugali. Ang Ang Pagong at ang Matsing ay isang mahusay na halimbawa nito.
F. Parabula = naman ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan. Tulad ng
pabula, may layunin din itong mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay. Isa
sa pinakapopular na halimbawa nito ay ang Parabula ng Alibughang Anak.
9. G. anekdota = ay maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa. Maaari
ring ito ay kasangkutan ng mga hayop o ng mga bata. Isang mahusay na halimbawa nito ay ang Isang
Gamugamo at ang Munting llawan.
H. Sanaysay = Isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa isang suliranin
o paksa. Ang sanaysay ay maaaring magıng pormal kung ang paksa nito y hindi karaniwan at kung gayo’y
nangangailangan ng matiyagang pag-aaral o pananaliksik. Maaari rin naman itong maging impormal kung
ang paksa ay karaniwan lamang at kung gayo'y hindi na nangangailangan ng pag-aaral opananaliksik.
Karaniwang hugot sa sarling karanasan lamang ng isang may-akda ang paksa ng isang impormal na
sanaysay o di kaya'y pagpapahayag lamang ng kanyang pansariling obserbasyon o pananaw. Ang mga
editoryal na inilalathala så mga pahayagan at iba pang babasahin ay mga mahuhusay na halimbawa ng
sanaysay.
I. Talambuhay = kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring maging pansarili ang isang talambuhay
kung ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay tulad ng Ang Mabuting Pakikipaglaban ni
Manuel L.Quezon. Ang mga talambuhay naman na isinulat ng ibang may-akda tulad ng itinadhana sa
Kadakilan ni Anacleto I. Dizon ay tinatawag na talambuhay na paiba.
10. J. Balita = paglalahad ng mga pang-araw-araw na
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa
ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham,
edukasyon, palakasan at pinilakang-tabing.
K. Talumpati =pagpapahayag na binibigkas sa harap ng
mga tagapakinig. Ang talumpati ay nauuri batay sa iba't ibang
layunin. Kung gayon, ang isang talumpati ay maaaring may
layuning humikayat, magbigay -impormasyon, magpaliwanag,
mangatwiran, maglahad ng opinyon o paniniwala o lumibang
11. 2. AKDANG PATULA
A. Ang tulang pasalaysay =ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat
nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at
tauhan. Kung gayon,nasa ilalim nito ang
1. Epiko= ay tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at
pakikpagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala. Dalawa sa pinakakilalang halimbawa
nito ay ang Biag ni Lam-ang ng mga lloco at ang Indarapatra at Sulaynan
ng mga Muslim.
12. 2. Awit at kurido = mga patulang salaysay na paawit kung basahin.
Pawang sa 1bang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga
salaysay nito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag-ibigan,
pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa
karahasan ng katotohanan. Kung gayon, karaniwang kinapapalooban
ang mga ito ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala tulad ng
mahika, kababalaghan at mga kapangyarihang super-natural. Ang
kaibhan ng awit at korido ay nasa anyo, sa sukat. Ang awit ay may
mga taludtod na lalabindalawahing pantig tulad ng sa Florante at
Laura ni Francisco Balagtas at Buhay ni Segismundo ni E. Julian de
Tandiana. Samantala, ang kurido naman ay wawaluhing pantig ang
bawat taludtod tulad ng sa lbong Adarna ni Jose de la Cruz.
13. 2. Awit at kurido = mga patulang salaysay na paawit kung basahin.
Pawang sa Ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga
salaysay nito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag-ibigan,
pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa
karahasan ng katotohanan. Kung gayon, karaniwang kinapapalooban
ang mga ito ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala tulad ng
mahika, kababalaghan at mga kapangyarihang super-natural. Ang
kaibhan ng awit at korido ay nasa anyo, sa sukat. Ang awit ay may
mga taludtod na lalabindalawahing pantig tulad ng sa Florante at
Laura ni Francisco Balagtas at Buhay ni Segismundo ni E. Julian de
Tandiana. Samantala, ang kurido naman ay wawaluhing pantig ang
bawat taludtod tulad ng sa lbong Adarna ni Jose de la Cruz.
14. b. Tulang pandamdamin o liriko ay mga tulang tumatalakay sa marubdob na
damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya ay ng ibang tao. Nasa
kategoryang ito ang mga tulang awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at
oda.
1.awiting-bayan =ay maiikling tulang binibigkas nang may himig
Karanwan itong nagpasalin-sain sa iba't ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi na matukoy kung sino
ang may -akda ng maraming mgaKantahing bayan. Karaniwang
pinapaksa ng mga awiting-bayan ang pag-ibig, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
2.Soneto= tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.
15. 3. elehiya – tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng
isang minamahal.
4. dalit – tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
5. pastoral – tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa bukid.
6. oda – tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay
16. C. TULANG PADULA – itinatanghal sa dulaan at tanghalan.
1. Senakulo – isang dula patungkol sa buhay, pagpapasakit,
kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo.
2. Panunuluyan – paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria
at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang
sabsaban
17. D. TULANG PATNIGAN - mga laro o paligsahang patula na noo’y
isinasagawa sa bakuran ng namatayan
Halimbawa:
1. Karagatan- isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng
isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang
makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
18. 2. Duplo- isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay
3. Tibag- isang pagtatanghal tungkol sa paghahanap ng krus na
pinagpakuan kay Kristo na ginagampanan nina Reyna Elena at
Prinsipe Constantino.
4. Panunuluyan o Pananapatan- Isang uri ito ng prusisyong ginaganap
kung bisperas ng Pasko. Ipinakikita sa dula ang paghahanap ng
bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen na magsisilang kay Hesus.
19. 5. Panubong- Isang dula na kung saan ay isang mahabang tula ang
binibigkas nang paawit. Ang panubong ay kasingkahulugan ng
pamutong na ang kahulugan ay lalagyan ng putong o koronang
bulaklak ang dalagang may kaarawan ng isang binata o manunubong.
6. Cenakulo- dulang nagpapakita ng buong buhay ni Hesukristo. Ang
usapan ng mga tauhan ay patula.Ito ay itinatanghal sa panahon ng
Semana Santa.
7.Sarswela- isang dulang musikal o melodramang may tatlong yugto
na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti atbp.