FILIPINO 206:
Panitikan ng Pilipinas
Bb. Reynalyn P. Romales
MAEd - Filipino
I. Batayang Kaalaman
Katuturan ng Panitikan
Uri ng Panitikan
Impluwensiya ng Panitikan
Dahilan kung bakita mahalaga ang
pag-aaral ng ating sariling Panitikan
Katuturan
ng Panitikan
Ito ay ginagamit ng mga tao upang
magpahayag ng kanilang mga
nararamdaman, mga naiisip, mga
karanasan at mga hangarin sa
pamamagitan ng pagsulat.
PANITIKAN
Ang salitang ito ay tinatawag ding
literature. Ito ay nagmula sa salitang
Latin na “litera” na nangangahulugang
“titik”.
PANITIKAN
Ang salitang Tagalog naman na “panitikan”
ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ay nanggaling
sa salitang ugat na “TITIK” na dinagdagan ng
panlaping “pang- at –an”. Samakatuwid, ito ay
pinaikling salita na PANG+TITIK+AN.
PANITIKAN
Sa pagtagal ng panahon, ang konseptong ito ay
nabago. Kung noon ay ang mga nasusulat lamang
na gawa ng tao ang maituturing na literature,
ngayon, kabilang na din dito ang nabibigkas na
mga akda (oral literature).
PANITIKAN
Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda, ito ay
“bungang-isip na isinatitik.” Ito rin ay sumasaklaw sa lahat
ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng
noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin pagpapahayag
ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan sa
masisining at makahuhulugang mga pahayag.
PANITIKAN
Isinasaad ni W.J Long na ang
panitikan ay nasusulat na mga tala ng
pinakamabuting kaisipan at damdamin
ng tao.
PANITIKAN
Batay naman sa Webster Dictionary,
ito ay ang anumang anyo na nasusulat sa
anyo mang patula o tuluyan sa isang
partikular na panahon.
PANITIKAN
Sa panitikang Pilipino nina Gonzales,
Martin at Rubin, ito ay isang paraan ng
pagpapahayag na kinapapalooban ng
katotohanan sa paraang ipinaparanas sa
mambabasa ang kaisipan at damdamin ng
manunulat.
PANITIKAN
Inihayag din ni Ramos na panitikan ding
matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na
kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay
ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan. Isang lakas
itong maaaring maging mahalagang bahagi ng
pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan.
PANITIKAN
Para naman kay Bro. Azarias, ang panitikan
ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa
iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa
pamahalaan, sa Lipunan at sa kaugnayan ng
kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
PANITIKAN
Uri ng
Panitikan
Uri ng Panitikan
 Prosa o Tuluyan
 Patula
Prosa o Tuluyan
Ito ay uri ng panitikan na naglalaman
ng mga pangungusap at mga talata. Wala
itong sinusunod na bilang ng bigkas at
walang sinusunod na tugmaan sa dulo ng
mga salita.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
1. NOBELA – mahabang salaysayin ng mga
kawing-kawing na pangyayari na naganap sa
mahabang saklaw ng panahon,
kinasasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa mga kabanata.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
2. MAIKLING KUWENTO – salaysay ng isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan
o impresyon.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
3. DULA – isinusulat upang itanghal sa
entablado o tanghalan. Karaniwang nahahati
ang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat
marami rin ang mga dulang iisahang yugto.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
4. ALAMAT – salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga
kuwentong ito dahil ito’y mga likhang-isip lamang ng ating
mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang
pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng
kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga
tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibliya.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
5. PABULA – mga salaysaying kinasasangkutan ng hayop,
halaman at maging mga bagay na walang buhay na
kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na tao. Hubad
din sa katotohanan ang mga kuwentong ito ngunit may
layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na
makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
6. PARABULA – kuwentong hinango sa
banal na kasulatan. Tulad ng pabula, may
layunin din itong mag-iwan ng mga aral na
kapaki-pakinabang sa buhay.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
7. ANEKDOTA – maiikling salaysaying may
layuning umaliw o magbigay-aral sa mga
mambabasa.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
8. SANAYSAY – isang pagpapahayag ng
kuro-kuro o opinion ng isang may-akda
hinggil sa isang suliranin o paksa.
9. TALAMBUHAY– kasaysayan ng buhay ng
isang tao.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
10. BALITA – paglalahad ng mga pang-araw-
araw na pangyayari sa Lipunan,
pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong
dagat, maging sa industriya, kalakalan,
agham, edukasyon, palakasan at pinilakang-
tabing.
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
11. TALUMPATI – pahayag na binibigkas sa harap
ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nababatay
sa iba’t ibang layunin. Maaaring ito ay may
layuning humikayat, magbigay-impormasyon,
magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinion
o paniniwala o lumibang.
Patula
Ito ay uri ng panitikan na may masining
na pagpapahayag. May isinasaalang-alang
na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod
at may malikhaing paraan ng paghahatid
ng mga mensahe sa mambabasa.
Mga Akdang Patula
TULANG PASALAYSAY – kuwento ng mga
pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat
at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari
at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang
epiko, awit at korido.
Mga Akdang Patula (Tulang Pasalaysay)
1. EPIKO – tulang nagsasalaysay hinggil sa
kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran
ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala.
Mga Akdang Patula (Tulang Pasalaysay)
2. AWIT AT KORIDO – patulang salaysay na
paawit kung basahin. Kinapapalooban ito ng
romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran,
kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa
karahasan ng katotohanan.
Mga Akdang Patula
TULANG PANDAMDAMIN O LIRIKO – tulang
tumatalakay sa marubdob na damdamin na
maaaring may akda o di kaya’y ng ibang tao.
Nasa kategorya nito ang mga tulang awiting-
bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.
Mga Akdang Patula (Tulang Pandamdamin)
1. AWITING BAYAN – maiikling tulang binibigkas
nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-salin
sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig
ng tao. Karaniwang pinapaksa ang pag-ibig,
kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba,
kaligayahan at kalungkutan.
Mga Akdang Patula (Tulang Pandamdamin)
2. SONETO - tulang may labing-apat na taludtod
hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang
naghahatid ng araw sa mga mambabasa.
3. ELEHIYA – tulang nagpapahayag ng panimdim
dahil sa pagyao ng isang minamahal.
Mga Akdang Patula (Tulang Pandamdamin)
4. DALIT – tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahala
na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
5. PASTORAL – tulang naglalarawan ng paraan ng
pamumuhay sa kabukiran.
6. ODA – tulang paghanga o papuri sa isang bagay.
Mga Akdang Patula
TULANG PADULA – tulang isinasadula sa
entablado o iba pang tanghalan.
1. SENAKULO - ay isang dula patungkol sa Buhay,
Pagpapasakit,Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng
Panginoong Hesukristo. Isa ito sa mga tradisyon ng Semana
Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga
Katoliko.
Mga Akdang Patula
TULANG PATNIGAN – pagtatalo sa paraang
patula.
1. BALAGTASAN – pagtatalo sa paraang patula na binubuo
ng dalawang mambabalagtas at isang lakandiwa o
lakambini.
Impluwensiya
ng Panitikan
Ang panitikan ay may malaking
impluwensiya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig
nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akda
na naghatid ng malaking impluwensiya sa
kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at
kabihasnan ng tao.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 Banal na Kasulatan o Bibliya – ang naging
pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa buong
daigdig.
 Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mga
Muslim.
 Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhanan ng mga
mitolohiya at Alamat sa Gresya.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng
pananampalataya sa India. Ipinagpapalagay itong
pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
 Centerbury Tales ni Chaucer – naglalarawan ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong
unang panahon.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe –nagbukas
sa mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing
itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong
daigdig.
 Divine Comedy ni Dante – nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugalu ng mga Italyano noong
unang panahon.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlipi
ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya.
 Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabia at
Persya. Naglarawan ito ng pamahalaan, kabuhayan at
lipunan ng mga Arabo at Persyano.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
 Aklat ng mga Araw ni Confucius – naging batayan ng
pananampalataya ng mga Intsik.
 Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni
Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
 Awit ni Rolando – kinapapalooban ng Doce Pares at
Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong
panahon ng Kristianismo sa Pransya.
Kahalagahan ng
Pag-aaral ng
Sariling Panitikan
Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa.
Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag-aaral
nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral.
Ilan sa mga kapakinabangang natatamo sa pag-
aaral ng ating sariling panitikan ay ang mga
sumusunod:
 Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino
at matatalos natin ang minana nating yaman at
talinong taglay ng ating lahing pinagmulan.
 Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating
sariling mga tradisyon at kultura, maging ng mga
naging impluwensiya sa atin ng ibang bansa na siyang
naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa
kasalukuyan.
 Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan
ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating
tamasain ang Kalayaan at kapayapaang
pinakikinabangan natin sa kasalukuyang
panahon.
 Mababatid natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating
lahi nang sa gayo’y mapag-ibayo pa ang mga mabubuting
katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga
kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga
pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang
komunidad.
 Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan
na isa sa pinakamahalagang yamang panlipi.
Salamat sa
Pakikinig!
https://www.slideshare.net/slideshow/
panitikan-52237416/52237416
Sanggunian:

More Related Content

PDF
Panitikan: Muling Pagtalakay
PPTX
Panitikan
DOC
Panitikan
PPTX
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
PPTX
panitikan.pptx pagtuturo ng filipino sa elementarya
PPTX
Kahulugan, Mga Halimbawa at uri ng Panitikan.pptx
PPTX
panitikan-150831061003-lva1-app6891.pptx
PPTX
Panitikan
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan
Panitikan
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
panitikan.pptx pagtuturo ng filipino sa elementarya
Kahulugan, Mga Halimbawa at uri ng Panitikan.pptx
panitikan-150831061003-lva1-app6891.pptx
Panitikan

Similar to FILIPINO 206: Batayang Kaalaman sa Panitikan (20)

PPTX
KABANATA-1 2.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
PPTX
Panitikang Filipino
PPTX
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
PPTX
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
PPTX
5. NU GEFIDO1X Panitikan - Kahulugan, Kahalagahan at iba pa(1).pptx
PPTX
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
PDF
gepan1-kabanata1part1-200709000815.pdfepan1-kabanata1part1-200709000815.pdf
PPTX
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
PPTX
PANITIKAN.pptx
PPTX
Ang-panitikan-at-ang-anyo-nito sa may kada.pptx
PPTX
Modyul - 1 Panitikan ng Pilipinas sec. F
PPTX
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
PPTX
Ang Ating Panitikang Filipino
PPTX
Ang panitikan
PPTX
PANITIKAN NG REHIYON - INTRODUKSYON.pptx
PPT
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
PPTX
panitikan, kahulugan, mga uri at mga halimbawa
PPTX
Ang Panitikang Filipino
PPTX
Mga-Uri-Ng-Panitikan mga uri ng panitikan
PPTX
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptx
KABANATA-1 2.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Panitikang Filipino
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
5. NU GEFIDO1X Panitikan - Kahulugan, Kahalagahan at iba pa(1).pptx
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
gepan1-kabanata1part1-200709000815.pdfepan1-kabanata1part1-200709000815.pdf
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
PANITIKAN.pptx
Ang-panitikan-at-ang-anyo-nito sa may kada.pptx
Modyul - 1 Panitikan ng Pilipinas sec. F
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang panitikan
PANITIKAN NG REHIYON - INTRODUKSYON.pptx
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
panitikan, kahulugan, mga uri at mga halimbawa
Ang Panitikang Filipino
Mga-Uri-Ng-Panitikan mga uri ng panitikan
Batayang-kaalaman-sa-pag-aaral-ng-panitikan.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag.pptx n
PPTX
FILIPINO 4 WEEK 8 MATATAG Q1 DAY 1-4.pptx
PPTX
,,,,,,,,,,,,Mitolohiyang_Romano_Quiz.pptx
PPTX
PAGPAPALIT NG MGA SALITA KOHESYONG GRAMATIKAL
PDF
Alternative Learning System - Sanghiyang
PPTX
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
PPTX
Parent's and Teacher's Conference 3.pptx
PPTX
GMRC 2 Quarter 2 Week 1 Matatag Curriculum
PDF
ARALIN 1- KOMUNIKASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG-PILIPINO.pdf
PPTX
pagkonsumo 2 powerpoint present Copy.pptx
PPTX
araling panlipunan kwarter 2 baitang walo
DOCX
Eslava_COT_4.docxmatatag curriculum cot 4 in filipino
PPTX
lesson 2.Ang mga Kalakasan at Limitasyon
PPTX
ANG MGA DULA SA PANAHON NG MGA Kastila.pptx
DOCX
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4
PPTX
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
PDF
769072242-Panitikan-Hinggil-sa-Karapatang-Pantao.pdf
PPTX
Araling panlinuan ikawalong baitang qaurter 2
PDF
panukalang-proyekto powerpoint presentation
PPTX
PPT-GOODMANNERSRIGHC3-Q2-WEEK1-day3.pptx
Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag.pptx n
FILIPINO 4 WEEK 8 MATATAG Q1 DAY 1-4.pptx
,,,,,,,,,,,,Mitolohiyang_Romano_Quiz.pptx
PAGPAPALIT NG MGA SALITA KOHESYONG GRAMATIKAL
Alternative Learning System - Sanghiyang
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
Parent's and Teacher's Conference 3.pptx
GMRC 2 Quarter 2 Week 1 Matatag Curriculum
ARALIN 1- KOMUNIKASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG-PILIPINO.pdf
pagkonsumo 2 powerpoint present Copy.pptx
araling panlipunan kwarter 2 baitang walo
Eslava_COT_4.docxmatatag curriculum cot 4 in filipino
lesson 2.Ang mga Kalakasan at Limitasyon
ANG MGA DULA SA PANAHON NG MGA Kastila.pptx
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
769072242-Panitikan-Hinggil-sa-Karapatang-Pantao.pdf
Araling panlinuan ikawalong baitang qaurter 2
panukalang-proyekto powerpoint presentation
PPT-GOODMANNERSRIGHC3-Q2-WEEK1-day3.pptx
Ad

FILIPINO 206: Batayang Kaalaman sa Panitikan

  • 1. FILIPINO 206: Panitikan ng Pilipinas Bb. Reynalyn P. Romales MAEd - Filipino
  • 2. I. Batayang Kaalaman Katuturan ng Panitikan Uri ng Panitikan Impluwensiya ng Panitikan Dahilan kung bakita mahalaga ang pag-aaral ng ating sariling Panitikan
  • 4. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat. PANITIKAN
  • 5. Ang salitang ito ay tinatawag ding literature. Ito ay nagmula sa salitang Latin na “litera” na nangangahulugang “titik”. PANITIKAN
  • 6. Ang salitang Tagalog naman na “panitikan” ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ay nanggaling sa salitang ugat na “TITIK” na dinagdagan ng panlaping “pang- at –an”. Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN. PANITIKAN
  • 7. Sa pagtagal ng panahon, ang konseptong ito ay nabago. Kung noon ay ang mga nasusulat lamang na gawa ng tao ang maituturing na literature, ngayon, kabilang na din dito ang nabibigkas na mga akda (oral literature). PANITIKAN
  • 8. Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda, ito ay “bungang-isip na isinatitik.” Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan sa masisining at makahuhulugang mga pahayag. PANITIKAN
  • 9. Isinasaad ni W.J Long na ang panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao. PANITIKAN
  • 10. Batay naman sa Webster Dictionary, ito ay ang anumang anyo na nasusulat sa anyo mang patula o tuluyan sa isang partikular na panahon. PANITIKAN
  • 11. Sa panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin, ito ay isang paraan ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat. PANITIKAN
  • 12. Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan. PANITIKAN
  • 13. Para naman kay Bro. Azarias, ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa Lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha. PANITIKAN
  • 15. Uri ng Panitikan  Prosa o Tuluyan  Patula
  • 16. Prosa o Tuluyan Ito ay uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata. Wala itong sinusunod na bilang ng bigkas at walang sinusunod na tugmaan sa dulo ng mga salita.
  • 17. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 1. NOBELA – mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
  • 18. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 2. MAIKLING KUWENTO – salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
  • 19. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 3. DULA – isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Karaniwang nahahati ang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat marami rin ang mga dulang iisahang yugto.
  • 20. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 4. ALAMAT – salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kuwentong ito dahil ito’y mga likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibliya.
  • 21. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 5. PABULA – mga salaysaying kinasasangkutan ng hayop, halaman at maging mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kuwentong ito ngunit may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali.
  • 22. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 6. PARABULA – kuwentong hinango sa banal na kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin din itong mag-iwan ng mga aral na kapaki-pakinabang sa buhay.
  • 23. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 7. ANEKDOTA – maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa.
  • 24. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 8. SANAYSAY – isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinion ng isang may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa. 9. TALAMBUHAY– kasaysayan ng buhay ng isang tao.
  • 25. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 10. BALITA – paglalahad ng mga pang-araw- araw na pangyayari sa Lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang- tabing.
  • 26. Mga Akdang Tuluyan o Prosa 11. TALUMPATI – pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nababatay sa iba’t ibang layunin. Maaaring ito ay may layuning humikayat, magbigay-impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinion o paniniwala o lumibang.
  • 27. Patula Ito ay uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag. May isinasaalang-alang na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa mambabasa.
  • 28. Mga Akdang Patula TULANG PASALAYSAY – kuwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido.
  • 29. Mga Akdang Patula (Tulang Pasalaysay) 1. EPIKO – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
  • 30. Mga Akdang Patula (Tulang Pasalaysay) 2. AWIT AT KORIDO – patulang salaysay na paawit kung basahin. Kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.
  • 31. Mga Akdang Patula TULANG PANDAMDAMIN O LIRIKO – tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring may akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategorya nito ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.
  • 32. Mga Akdang Patula (Tulang Pandamdamin) 1. AWITING BAYAN – maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao. Karaniwang pinapaksa ang pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan at kalungkutan.
  • 33. Mga Akdang Patula (Tulang Pandamdamin) 2. SONETO - tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng araw sa mga mambabasa. 3. ELEHIYA – tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
  • 34. Mga Akdang Patula (Tulang Pandamdamin) 4. DALIT – tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahala na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. 5. PASTORAL – tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran. 6. ODA – tulang paghanga o papuri sa isang bagay.
  • 35. Mga Akdang Patula TULANG PADULA – tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. 1. SENAKULO - ay isang dula patungkol sa Buhay, Pagpapasakit,Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.
  • 36. Mga Akdang Patula TULANG PATNIGAN – pagtatalo sa paraang patula. 1. BALAGTASAN – pagtatalo sa paraang patula na binubuo ng dalawang mambabalagtas at isang lakandiwa o lakambini.
  • 38. Ang panitikan ay may malaking impluwensiya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao.
  • 39. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:  Banal na Kasulatan o Bibliya – ang naging pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa buong daigdig.  Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mga Muslim.  Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhanan ng mga mitolohiya at Alamat sa Gresya.
  • 40. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:  Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa India. Ipinagpapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.  Centerbury Tales ni Chaucer – naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
  • 41. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:  Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe –nagbukas sa mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.  Divine Comedy ni Dante – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugalu ng mga Italyano noong unang panahon.
  • 42. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:  El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlipi ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya.  Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabia at Persya. Naglarawan ito ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
  • 43. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:  Aklat ng mga Araw ni Confucius – naging batayan ng pananampalataya ng mga Intsik.  Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.  Awit ni Rolando – kinapapalooban ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.
  • 45. Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag-aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral. Ilan sa mga kapakinabangang natatamo sa pag- aaral ng ating sariling panitikan ay ang mga sumusunod:
  • 46.  Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan.  Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon at kultura, maging ng mga naging impluwensiya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
  • 47.  Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang Kalayaan at kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.
  • 48.  Mababatid natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag-ibayo pa ang mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad.  Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa pinakamahalagang yamang panlipi.

Editor's Notes

  • #8: Ibig sabihin, ito ay mga ideya, damdamin, karanasan, pangarap, o imahinasyon ng tao na isinulat o isinatinig sa malikhaing paraan. Isa itong anyo ng sining na gumagamit ng wika upang maipahayag ang mga saloobin ng tao sa paraang masining at makahulugan.
  • #9: Ayon kay Long, ang panitikan ay: (William Joseph Long) Nasusulat na tala – Ibig sabihin, ito ay iniingatang nakasulat para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon. Pinakamabuting kaisipan at damdamin – Ang nilalaman ng panitikan ay hindi basta-bastang ideya o emosyon. Ito ay pinakamasining, pinakapino, at pinakamakabuluhan sa lahat ng iniisip at nararamdaman ng tao.
  • #10: Ayon sa depinisyon, ang panitikan ay: ✅ Anumang anyo na nasusulat Ibig sabihin, lahat ng uri ng sinulat—mapa-tula man, kwento, sanaysay, talumpati, o dula—ay itinuturing na bahagi ng panitikan. ✅ Patula o Tuluyan Patula – Gumagamit ng sukat, tugma, at masining na wika gaya ng tula o epiko. Tuluyan – Karaniwang anyo ng pagsulat na tuwiran ang pagpapahayag, gaya ng sanaysay, kwento, at nobela. ✅ Sa isang partikular na panahon Ibig sabihin, ang panitikan ay produkto ng konteksto ng panahon kung kailan ito isinulat. Naipapakita nito ang damdamin, kaisipan, at kalagayan ng tao at lipunan sa panahong iyon.
  • #11: Ayon kina Gonzales, Martin, at Rubin, ang panitikan ay hindi lang basta salita—ito ay makatotohanang salamin ng damdamin at kaisipan ng tao, na ipinadarama sa mambabasa sa paraang malikhain at makabuluhan. Halimbawa: Sa isang tula ng pag-ibig, hindi lamang ito tungkol sa pagmamahal kundi ipinadarama rin sa mambabasa ang lungkot, saya, at pananabik ng makata. Sa isang nobela tungkol sa kahirapan, hindi lang inilalarawan ang hirap kundi nararamdaman ng mambabasa ang hinagpis at pag-asa ng tauhan.
  • #12: Ang panitikan ay salamin ng buhay — ipinapakita nito ang mga karaniwang ginagawa, iniisip, pinoproblema, pinapangarap, at pinaniniwalaan ng tao sa kanyang konteksto sa lipunan. Dito naipapakita ang tunay na kalagayan ng tao sa araw-araw. Halimbawa: Ang mga nobela ni Rizal ay hindi lamang sining kundi sandata ng rebolusyon at pagkamakabayan.
  • #13: Ayon kay Bro. Azarias, ang panitikan ay personal at emosyonal — ito ay nagmumula sa puso at damdamin ng tao. Hindi lamang ito produkto ng isipan kundi mas malalim. Ang saklaw ng panitikan ay malawak. Maaaring ipahayag ang damdamin tungkol sa: Pamumuhay – mga karanasan sa araw-araw, mga pangarap at pakikibaka. Pamahalaan – reaksyon sa pamumuno, batas, at sistema ng hustisya. Lipunan – ugnayan ng tao sa kapwa, kultura, at mga isyung panlipunan. Kaluluwa at Poong Lumikha – pananampalataya, espiritwalidad, at moralidad. Isang mahalagang aspeto ng pananaw ni Bro. Azarias ay ang panitikan bilang paraan ng pagpapahayag ng ugnayan ng tao sa Diyos. Kaya ang panitikan ay hindi lang makatao kundi makadiyos rin. Ipinapakita nito ang paghanap ng kahulugan, kabutihan, at katotohanan.
  • #39: 1. Banal na Kasulatan o Bibliya Impluwensiya: Naging pangunahing batayan ng pananampalatayang Kristiyano. Malaki ang naiambag nito sa pagpapalaganap ng moralidad, espiritwal na pananaw, at etikal na pamumuhay ng mga tao. Naging inspirasyon ito sa sining, batas, panitikan, at kultura ng maraming bansa. 2. Koran (Qur’an) mula sa Arabia Impluwensiya: Itinuturing na pinakabanal na aklat ng mga Muslim. Dito nakabatay ang mga batas panrelihiyon at panlipunan ng Islam. Nakaapekto ito sa pamumuhay, pag-uugali, at pagpapasya ng mga Muslim sa buong mundo. 3. Illiad at Odyssey ni Homer Impluwensiya: Naging saligan ng mitolohiya at alamat ng Gresya. Itinuro nito ang kabayanihan, sakripisyo, katatagan, at pananampalataya sa mga diyos. Hanggang ngayon, ito ay ginagamit sa pag-aaral ng mitolohiyang Griyego at klasikal na panitikan.
  • #40: 4. Mahabharata (India) Impluwensiya: Pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Tinalakay nito ang pananampalataya, tungkulin, karma, at digmaan. Malaking bahagi ito ng Hinduismo at nagsisilbing gabay sa etika at pamumuhay ng mga Indiano. 5. Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer (Inglatera) Impluwensiya: Nagbigay-larawan sa pananampalataya, kaugalian, at panlipunang antas ng mga Ingles noong Gitnang Panahon. Nagbukas ito ng pintuan sa realistikong paglalarawan ng buhay at naging mahalagang bahagi ng pagsisimula ng makabagong panitikang Ingles.
  • #41: 6. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe (Estados Unidos) Impluwensiya: Nagmulat sa mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga aliping itim, kaya’t naging mitsa ng pag-aalsa laban sa diskriminasyon. Isa ito sa mga akdang tumulong sa paglawak ng kaisipang demokratiko at laban sa rasismo. 7. Divine Comedy ni Dante Alighieri (Italya) Impluwensiya: Naglalarawan ng paglalakbay ng kaluluwa sa impiyerno, purgatoryo, at langit. Itinatampok nito ang moralidad, pananampalataya, at pag-uugali ng mga tao sa panahong iyon. Isa ito sa pinakadakilang likha sa panitikang Italyano at pandaigdig.
  • #42: 8. El Cid Campeador (Espanya) Impluwensiya: Isang epikong Kastila na naglalarawan ng katapangan, katapatan, at pagkamakabayan ng mga Kastila. Itinatampok nito ang kanilang kasaysayan ng pakikidigma laban sa mga Muslim at ang pagtatag ng pambansang identidad. 9. Isang Libo at Isang Gabi (Arabia at Persya) Impluwensiya: Koleksyon ng mga kuwento na nagpapakita ng buhay, kultura, relihiyon, at karunungan ng mga Arabo at Persyano. May mga aral sa buhay, pag-ibig, hustisya, at pamumuno. Naging tulay ito sa pagpapalaganap ng karunungan sa Silangan.
  • #43: 10. Aklat ng mga Araw ni Confucius (Tsina) Impluwensiya: Naging batayan ng kaisipang Konpusyanismo na nagtuturo ng kabutihang-asal, respeto sa matatanda, at tamang pakikitungo sa kapwa. Ito ay naging pundasyon ng edukasyon, politika, at pamilya sa kulturang Tsino. 11. Aklat ng mga Patay (Ehipto) Impluwensiya: Nagpapakita ng pananampalataya ng mga sinaunang Ehipsiyo sa buhay matapos ang kamatayan, at sa mga diyos tulad ni Osiris. Nakatulong ito sa pag-unawa ng mitolohiya, ritwal, at paniniwala sa kabilang buhay. 12. Awit ni Rolando (Pransya) Impluwensiya: Tumatalakay sa kabayanihan ng mga Kristiyanong Pranses laban sa mga Muslim sa Roncesvalles. Ipinapakita nito ang pananampalataya, katapangan, at dangal ng mga kabalyero noong Gitnang Panahon. Isa ito sa mga simula ng panitikang epiko sa Pransya.
  • #46: Paliwanag: 1. Sa pag-aaral ng panitikan, naipapakita ang ating pagkakakilanlan bilang lahing Pilipino—ang ating mga paniniwala, pagpapahalaga, at kakayahan. Natutuklasan natin na ang ating mga ninuno ay may sariling karunungan at malikhaing paraan ng pagpapahayag bago pa man tayo nasakop. Ito ay pagkilala sa ating ugat, kakayahan, at dangal bilang mamamayan ng bansang may mayamang kultura. 2. Ang panitikan ay sumasalamin sa tradisyon at kasaysayan ng bansa, pati na rin sa impluwensiya ng mga banyaga tulad ng Kastila, Amerikano, at Hapon. Sa pag-aaral nito, mas naiintindihan natin kung paano nahubog ang ating kasalukuyang kabihasnan at ano ang mga dapat nating ipagmalaki mula sa ating sariling kultura. Natututo tayong magpahalaga sa ating sarili habang bukas sa pag-unawa sa ibang lahi.
  • #47: Ang mga akdang pampanitikan ay hindi lamang kwento kundi buhay na tala ng pakikibaka at tagumpay ng ating mga ninuno. Sa pagbabasa ng mga tula, sanaysay, o nobela tungkol sa rebolusyon, katapangan, at pagmamahal sa bayan, namumulat tayo sa halaga ng ating kasaysayan. Nauunawaan natin kung gaano kalaki ang isinakripisyo upang makamtan ang kalayaan at bakit ito dapat alagaan at ipaglaban.
  • #48: 4. Ang panitikan ay salamin ng ating sarili at lipunan. Dito natin makikita ang mabubuting gawi ng mga Pilipino—pagiging matatag, masayahin, maka-Diyos, at mapagmahal sa pamilya—at gayundin ang ating mga pagkukulang gaya ng kawalan ng disiplina o kawalang-pakialam sa lipunan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon tayo ng kamalayang panlipunan at layunin na ituwid ang mga mali at paunlarin ang ating pagkatao. 5. Ang panitikan ay isang pamana ng karunungan na kailangang alagaan, itaguyod, at ipasa sa susunod na henerasyon. Sa pag-aaral nito, napapanatili natin ang ating katutubong wika, kasaysayan, at karanasan bilang isang bayan. Ang mga kwento, tula, at epiko natin ay hindi lamang aliwan—ito ay kayamanang panlipi na nagsisilbing ugnat ng nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan.