1. KAHULUGAN
NG
PANITIKAN
ANO ANG PANITIKAN?
“Panitikan” galing sa salitang “ pang
-titik – an ” nakung saan ang unlaping
“pang ” ay ginamit at hulaping “ an ”
Ang salitang “ titik” naman ay
nangangahulugang Literatura mula sa
salitang Latin na “Literana”
Nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan , hangarin
ng mga tao.
2. KAHULUGAN
NG
PANITIKAN
Ano ang PANITIKAN?
Ang panitikan ay galing sa
salitang “pang –titik – an na kung
saan ang unlaping “pang” ay
ginamit at hulaping “an”
Ang salitang “titik” naman ay
nangangahulugang Literatura mula
sa salitang Latin na “Literana”
3. KAHULUGAN
NG
PANITIKAN
Ang panitikan ay nagsasalaysay ng
buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya at
mga karanasang kaugnay ng iba’t
ibang uri ng damdamin tulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.
4. URI
NG
PANITIKAN
1. Piksyon o Kathang -sip
- Ginagamit ng mga manunulat ang
kanilang imahinasyon para sa
pagsulat ng mga akdang bungang
isip lamang.
- Umiimbento sila ng mga kathang-
isip na mga tauhan, pangyayari,
sakuna, at pook na pinangyarihan
ng kuwento para sa kanilang mga
prosang katulad ng mga nobela at
maikling kuwento.
5. URI
NG
PANITIKAN
2. Di-Piksyon o Hindi Kathang-Isip
- Bumabatay ang may-akda sa mga
tunay na balita at iba pang
kaganapan, ayon sa kaniyang mga
kaalaman hinggil sa paksa.
- Pinipili dito ng manunulat na
maging tumpak sa mga detalye ng
mga pangyayari.
- Hindi gawa-gawa lamang ang
nakakainganyang kuwento.
6. ANYO
NG
PANITIKAN
1. Patula
- Nahahati sa mga taludtod o
saknong at ginagamitan ng mga
piling salita na maaring mayroong
sukat, tugma, talinghaga o maari
din namang wala.
- Halimbawa: kasabihan, salawikain,
bugtong, awiting-bayan at bulong.
7. ANYO
NG
PANITIKAN
2. Tuluyan o Prosa
- Ito ay nasusulat nang malaya sa
anyo ng mga atalata na
karaniwang binubuo ng mga
pangungusap.
- Hindi Limitado o pigil ang
paggamit ng mga pangungusap ng
may-akda
- Halimbawa: maikling kuwento,
nobela, dula, alamat, pabula,
talambuhay, sanaysay, balita,
editoryal.
8. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
1. Alamat
- Isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay
sa daigdig.
- Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil
sa tunay na mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan.
- Kaugnay ang alamat ng mga mito
at kuwentong-bayan.
9. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
2. Anekdota
- Isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap
sa buhay ng isang kilala, sikat o
tanyag na tao.
10. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
3. Nobela o Kathambuhay
- Isang mahabang kuwentong piksyon
na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
- Mayroon itong 60,000 – 200,000 salita
o 300-1,300 pahina.
- Mahabang kathang pampanitikan na
naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani
sa dako at ang hangarin ng katunggali
sa kabila.
11. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
4. Pabula
- Isang uri ng kathang-isip na
panitikan kung saan mga hayop o
kaya mga bagay na walang-buhay
ang gumaganap na mga tauhan,
katulad ng leon at daga, pagong,
matsing, lobo at kambing.
- May natatanging kaisipang
mahahango mula sa mga pabula,
sapagkat nagbibigay ng mga moral
na aral para sa mga batang
mambabasa.
12. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
5. Parabula
- Isang maikling kuwentong may
aral na kalimitang hinahango mula
sa Bibliya.
- Isa itong maikling salaysay na
maaaring nasa anyong patula o
prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o
relihiyosong aral.
13. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
6. Maikling Kuwento
- Isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.
- Edgar Allan Poe – ang tinaguriang
“Ama ng Maikling Kuwento”
14. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
7. Dula
- Isang uri ng panitikan na
itinatanghal sa mga teatro.
- Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo.
- Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.
17. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
10. Talumpati
- Ito ay isang uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa
isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
- Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay
ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.
18. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
11. Balita
- Isang uri ng lathalain na tumatalakay
sa mga kasalukuyang kaganapan sa
loob at/o labas ng isang bansa na
nakatutulong sa pagbibigay-alam sa
mga mamamayan.
- Maaari itong ihayag sa pamamagitan
ng paglilimbag,pagsasahimpapawid,
internet, o galing sa bibig at ikalat sa
ikatlong partido o maramihang
mambabasa at nakikinig.
19. MGA
AKDANG
PAMPANITIKAN
12.Kuwentong-Bayan
- Ito ay mga salaysay hinggil sa mga
likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan, katulad ng
matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal
na babae.
20. MGA
AKDANG
PATULA
1. Mga Tulang Pasalaysay
- Pinapaksa nito ang mahahalagang
mga tagpo o pangyayari sa buhay,
ang kagitingan at kabayanihan ng
tauhan.
21. MGA
AKDANG
PATULA
2. Awit at Korido
- Ang awitin ay musika na magandang
pakinggan. Kadalasan itong maganda
kung gusto rin ito ng makikinig.
- Ang Korido ay isang uri ng panitikang
Pilipino, isang uri ng tulang nakuha
natin sa impluwensya ng mga
Espanyol. Ito ay may sukat na walong
pantig bawat linya at may apat na
linya sa isang stanza.
- Ang Korido ay binibigkas sa
pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula.
22. MGA
AKDANG
PATULA
2. Epiko
- Uri ng panitikan na tumatalakay sa
mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil
may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-
paniwala.
- Kuwento ito ng kabayanihan na
punong-puno ng mga kagila –
gilalas na mga pangyayari.
24. MGA
AKDANG
PATULA
4. Sawikain
- Ang mga salawikain, kawikaan,
kasabihan, wikain, o sawikain ay
mga maiiksing pangungusap na
lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay patnubay
sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
- Naglalaman ito ng mga
karunungan.
27. MGA
AKDANG
PATULA
7. Tanaga
- Ang tanaga ay isang maikling
katutubong Pilipino tula na
naglalaman ng pang-aral at payak
na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapagunita sa
mga kabataan
- May estruktura itong apat (4) na
taludtod at pitong (7) pantig.
28. MGA
IMPLUWENSYA
NG
PANITIKAN
1. Nagpapahiwatig sa kahulugan ng
kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng akda.
2. Sa Pamamagitan ng Panitikan ang
mga tao sa daigdig aynagkakatagpo
sa damdamin, kaisipan at
pagkakaunawaan, bukod sa
nagkakahiraman ng ugali at
palakad.
29. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Banal na Kasulatan
- Mula sa Palestina at Gresia na
naging batayan ng pananampalataya
ng mga Kristiyano.
30. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Koran
- Ito ang pinakabibliya ng mga
Mahometano at galing sa Arabic.
- Bibliya ng mga Muslim.
31. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Iliad at Odessey
- Akda ni Homer na kinatutuhan ng
mga alamat at mitolohiya ng Gresia.
32. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Mahabharata
- Ipinapalagay na pinakamahabang
epiko ng India at ang kanilang
pananampalataya.
33. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Divina Comedia
- Akda ni Dante ng Italya na
nagtataglay ng ulat hinggil sa
pananampalataya, moralidad at pag-
uugali ng mga Italyano.
34. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
El Cid Campeador
- Epiko ng Espanya na nagpapahayag
ng katangian panlahi ng mga Kastila
at ng kanilang mga alamat at
kasaysayang pambansa noong
unang panahon.
35. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Awit ni Rolando
- Nagsasalaysay ng panahong ginto
ng Kristiyanismo sa Pransya,
napapaloob dito ang Ronces Valles
Doce Pares ng Pransya.
36. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Aklat ng mga Araw
- Panulat ni Confucius na naging
batayan ng pananampalataya at
kalinangang Intsik.
37. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Aklat ng mga Patay
- Aklat ng Ehipto na kinapapalooban
ng kulto ni Osiris at mitolohiya at
teolohiyang Ehipto.
38. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Isang Libo’t at Isang Gabi
- Naglalarawan ng pamumuhay ng
mga tao sa Arabia at Persia.
39. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Canterburry Tales
- Panulat ni Chaucer ng Inglatera
- Naglalarawan ng pananampalataya
at pag-uugali ng mga Ingles noong
unang panahon.
40. MGA AKDANG
PAMPANITIKAN NA
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA SA
BUONG DAIGDIG
Uncle Tom’s Cabin
- Panulat ni Harriet Beecher Stowe ng
Estados Unidos
- Nagbukas ng kaisipan ng mga
Amerikano sa kaapihan ng mga
lahing itim at pinagsimulan ng
pandaigdig na paglaganap ng
demokrasya.