SlideShare a Scribd company logo
MODYUL 1:
ANG KATANGIAN NG
PAGPAPAKATAO
“Madaling maging tao, mahirap
magpakatao”
Ang una ay sumasagot sa pagka-
ano ng tao
at ang ikalawa naman ay nakatuon
sa pagka-sino ng tao
“Mahirap magpakatao”
tumutukoy sa persona (person) ng
tao. Binubuo ito ng mga
katangiang nagpapabukod-tangi
sa kaniya sa kapuwa niya tao.
sa kaniyang pag-iisip,
pagpapasya, at pagkilos
nagiging bukod tangi ang bawat
tao.
Ang pagiging bukod tangi sa iba
ay unti unting nilikha habang
ang tao ay nagkakaedad.
Tatlong yugto ng pagka-sino
1. Ang tao bilang indibidwal.
Ito ay tumutukoy sa pagiging
hiwalay niya sa ibang tao.
dahil sa kanyang kamalayan at
kalayaan, nasa kanyang mga
kamay ang pagbuo ng
kanyang pagka-sino.
Ang kaniyang pagka-indibidwal
ay isang proyektong kaniyang
bubuuin habang buhay bilang
nilalang na hindi tapos
(unfinished).
2.Ang tao bilang persona.
Ang persona ay isang proseso
ng pagpupunyagi tungo sa
pagiging ganap na siya.
Ang persona ay tumutukoy sa
paglikha ng pagka-sino ng tao.
Napakahalaga ang pagtuklas at
pagpapaunlad niya ng kaniyang
mga talento, hilig, at kakayahan
upang mabuo niya ang kaniyang
pagiging sino.
3. Ang tao bilang
personalidad.
Pagkamit ng tao sa kanyang
kabuuan, ang resulta ng
pagpupunyagi sa pagbuo ng
kanyang pagka-sino.
 May matibay na pagpapahalaga at paniniwala.
 Totoo sa kanyang sarili.
 Tapat sa kanyang misyon.
 Hindi nagpapadala o naiimpluwensiyahan ng
pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang
matibay na paninindigan
 Mataas ang antas ng kanyang pagka-persona
Ang pagkamit ng personalidad ay
nangangailangan ng pabuo (integration) ng
kanyang pag-iisip, pagkagusto (wilingness),
pananalita, at pagkilos tungo sa isang
pagpapahalagang nagbibigkis sa lahat ng
tao.
Mabubuo lamang ang kaniyang sarili kung
itatalaga niya ang kanyang pagkasino sa
paglilingkod sa kaniyang kapuwa.
Tatlong Katangian ng Tao Bilang
Persona
(Max Scheler)
1. May kamalayan sa Sarili
may kakayahan ang tao na magnilay o
gawing obheto ng kaniyang isip ang
kaniyang sarili. Dahil dito, alam niya na
alam niya o hindi niya alam.
Paliwanag: May kakayahan ang tao na pag-isipan ang
kanyang sarili, suriin ang kanyang damdamin, iniisip, at
kilos.
Halimbawa:
Si Anna ay napagalitan ng kanyang guro dahil sa hindi
pagpasa ng proyekto. Sa halip na magalit o isisi sa iba,
naisip niya na siya mismo ang may pagkukulang.
Napagtanto niya na naging pabaya siya sa oras kaya
hindi niya natapos ang proyekto. Dahil dito, nagpasiya
siyang maging mas responsable sa susunod.
Ang kakayahan ni Anna na kilalanin ang kanyang
pagkukulang at magbago ay halimbawa ng kamalayan sa
sarili.
2. May kakayahang kumuha ng buod o
esensiya ng mga umiiral
• may kakayahan siyang bumuo ng
konklusyon mula sa isang pangyayari.
2. May kakayahang kumuha ng buod o
esensiya ng mga umiiral
• may kakayahan siyang bumuo ng
konklusyon mula sa isang pangyayari.
Paliwanag: Nakikita ng tao ang mas malalim
na kahulugan sa mga bagay o karanasan, hindi
lang ang panlabas na anyo.
Halimbawa:
Habang nanonood si Carlo ng balita tungkol sa
mga nasalanta ng bagyo, napagtanto niya na
ang buhay ay maikli at puno ng hindi
inaasahan. Sa halip na magreklamo sa mga
simpleng bagay, pinili niyang maging mas
mapagpasalamat sa kung anong meron siya at
tumulong sa mga nangangailangan.
Ang kakayahan ni Carlo na makita ang mas
malalim na aral sa isang sitwasyon ay halimbawa
ng pagkuha ng buod o esensiya ng umiiral.
3. Umiiral nanagmamahal
• Umiiral na Nagmamahal (ens amans)-
Ang umiiral na nagmamahal ang
pinakamahalagang katangian ng tao
bilang persona. Ang tao ay may
kakayahang magmahal dahil ang puso
niya ay nakalaang magmahal. Lahat ng
mabuting kilos ay kilos ng
pagmamahal. Kumikilos ang tao para
sa kabutihan dahil siya ay umiiral na
nagmamahal.
Paliwanag: Ang pinakamataas na
katangian ng tao ay ang magmahal. Ang
tunay na pagkatao ay nahahayag sa
kanyang pagmamahal sa kapwa at sa
kabutihan.
Si Aling Rosa ay nagtatrabaho bilang
labandera buong araw para lamang
mapag-aral ang kanyang mga anak.
Kahit pagod, hindi siya nagrereklamo.
Ang tanging hangad niya ay
makapagtapos ang kanyang mga anak
upang magkaroon ng magandang
kinabukasan.
Ito ay pagmamahal na nagsasakripisyo
para sa ikabubuti ng mahal sa buhay.
Si Ginoong Dela Cruz ay nananatili
sa paaralan kahit tapos na ang
klase para tulungan ang mga
estudyanteng nahihirapan sa
aralin. Hindi siya binabayaran para
rito, ngunit ginagawa niya ito dahil
mahal niya ang kanyang tungkulin
at ang mga bata.
Ipinapakita nito na ang tunay na
pagmamahal ay nagbibigay, hindi
lang nagtuturo.
Si Mark ay laging handang makinig
at tumulong sa kaibigang dumaraan
sa depresyon. Kahit may sarili rin
siyang problema, inuuna niya ang
pakikinig at pagbibigay-lakas sa
kanyang kaibigan.
Ang pagkalinga sa kaibigan sa gitna
ng sariling pagsubok ay kilos ng tunay
na pagmamahal.
MODYUL 1 ESP 10 with Quiz and video presentation
MODYUL 1 ESP 10 with Quiz and video presentation
MODYUL 1 ESP 10 with Quiz and video presentation
Sagutin ang mga tanong
1. Ano ang pagkakatulad ng
hayop at tao?
2. Ano ang pagkakaiba ng hayop
at tao?
3. Paano kumikilos ang hayop?
Ang tao?
4. Paano naipakita ni Kesz Valdez
ang kamalayan sa sarili?
ESP Grade 10 –
Modyul 1 Quiz
1. Ano ang ibig sabihin ng “madaling
maging tao, mahirap magpakatao”?
A. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang talento
B. Madaling isilang bilang tao, mahirap
isabuhay ang tunay na katauhan
C. Mahirap sumunod sa utos ng magulang
D. Madaling pumasok sa paaralan
2. Ano ang nagtatangi sa tao kumpara sa
hayop?
A. Pagkakaroon ng maraming kaibigan
B. Kakayahang mag-isip at magpasya para
sa kabutihan
C. Kakayahang maglaro
D. Pagkakaroon ng emosyon
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng “pagka-sino” ng tao?
A. Ang timbang at taas ng isang tao
B. Ang lugar kung saan siya ipinanganak
C. Ang kanyang pag-iisip, pagpapasya, at
pagkilos
D. Ang bilang ng kanyang magkakapatid
4. Ang pagkakaroon ng isip at kilos-loob
ay nagpapakita ng anong katangian ng
tao?
A. Emosyonal
B. Reaktibo
C. Rasyonal
D. Makasarili
5. Ano ang unang yugto ng pag-unlad ng
pagka-sino ng tao?
A. Persona
B. Personalidad
C. Indibidwal
D. Komunidad
6. Ano ang bunga ng pagpupunyagi ng tao
sa pagbuo ng kaniyang pagka-sino?
A. Pagkakaroon ng kayamanan
B. Pagkakaroon ng mataas na posisyon
C. Pagkamit ng personalidad
D. Pagkakaroon ng maraming kaibigan
7. Ano ang ibig sabihin ng pagiging
“persona”?
A. Pagkakatulad ng lahat ng tao
B. Pagkakaroon ng sariling katangian at
halaga
C. Pagiging miyembro ng isang grupo
D. Pagkakaroon ng mataas na grado
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapakita ng pagiging personalidad?
A. May matibay na pagpapahalaga
B. Tapat sa sarili at sa misyon
C. Mahilig sumunod sa uso kahit salungat
sa prinsipyo
D. Pinagbubuklod ang isip, damdamin,
salita, at kilos
9. Ayon kay Scheler, ano ang isang
katangian ng taong may kamalayan sa
sarili?
A. Palaging malungkot
B. Marunong makipagkaibigan
C. Alam niya kung ano ang alam o hindi
niya alam
D. Marunong magtago ng damdamin
10. Ang kamalayan sa sarili ay
nakatutulong sa tao upang...?
A. Maging mas sikat
B. Makabuo ng mas maraming problema
C. Magkaroon ng positibong pagtingin sa
sarili
D. Makalimutan ang mga pagkakamali
11. Anong kakayahan ang tumutukoy sa
pagkuha ng buod o esensiya ng mga
umiiral?
A. Kakayahang magtago ng damdamin
B. Kakayahang tumawa sa problema
C. Kakayahang bumuo ng konklusyon
mula sa karanasan
D. Kakayahang makalimot
12. Ayon sa halimbawa ni Buddha, ano
ang buod na kanyang nakuha sa nakita
niyang apat na lalaki?
A. Ang buhay ay puno ng saya
B. Ang buhay ay isang pagdurusa
C. Ang buhay ay para sa mayayaman
D. Ang buhay ay walang katapusan
13. Ano ang tawag sa taong
nakakakita ng esensiya ng mga
bagay sa paligid?
A. Walang pakialam
B. Mapanagutan at malikhain
C. Laging abala
D. Masayahin lamang
14. Ano ang dapat isaalang-alang sa
pagtugon sa mga sitwasyong nakaantig sa
damdamin?
A. Gawaing masaya
B. Solusyong mababaw
C. Mabisang solusyon para sa kabutihan
D. Hindi pagtugon sa problema
15. Ano ang kahulugan ng "ens amans"?
A. Tao na masaya
B. Umiiral na nagmamahal
C. Laging nagagalit
D. Walang damdamin
16. Bakit ang pagmamahal ay hindi
bulag?
A. Dahil may salamin ang nagmamahal
B. Dahil nakikita ng nagmamahal ang tunay
na halaga ng minamahal
C. Dahil walang nakakaalam ng pag-ibig
D. Dahil uso lang ito
17. Sitwasyon: Si Carla ay tinanong kung
ano ang gusto niyang kuning kurso sa
kolehiyo. Sa halip na sumunod sa gusto ng
barkada, pinili niya ang kursong tugma sa
kanyang talento. Anong katangian ang
ipinakita ni Carla?
A. Pagkamapili
B. Kamalayan sa sarili
C. Pagtatakwil sa kaibigan
D. Pagkamasayahin
18. Sitwasyon: Sa kabila ng kahirapan
sa buhay, natutong magbahagi si Bryan
ng kanyang kaalaman sa iba. Anong
katangian ito ng tao bilang persona?
A. Pagseselos
B. Umiiral na nagmamahal
C. Pagiging matipid
D. Pagiging tahimik
19. Sitwasyon: Tuwing may problema sa
paaralan, hindi agad nagagalit si Maria
kundi iniisip muna ang buod ng sitwasyon.
Anong kakayahan ang ipinapakita niya?
A. Pagkamadali
B. Pagtitimpi
C. Pagkuha ng esensiya ng mga umiiral
D. Pagwawalang-bahala
20. Sitwasyon: Si Andrei ay may matibay
na prinsipyo, tapat sa sarili, at
nagsisilbing inspirasyon sa kanyang klase.
Ano ang tawag sa ganitong tao?
A. Indibidwal
B. Personalidad
C. Tagahanga
D. Tagamasid
Answer Key:
1. B – Madaling isilang bilang tao, mahirap isabuhay ang
tunay na katauhan
2. B – Kakayahang mag-isip at magpasya para sa kabutihan
3. C – Ang kanyang pag-iisip, pagpapasya, at pagkilos
4. C – Rasyonal
5. C – Indibidwal
6. C – Pagkamit ng personalidad
7. B – Pagkakaroon ng sariling katangian at halaga
8. C – Mahilig sumunod sa uso kahit salungat sa prinsipyo
9. C – Alam niya kung ano ang alam o hindi niya alam
11. C – Kakayahang bumuo ng konklusyon mula sa karanasan
12. B – Ang buhay ay isang pagdurusa
13.B – Mapanagutan at malikhain
14. C – Mabisang solusyon para sa kabutihan
15. B – Umiiral na nagmamahal
16. B – Nakikita ng nagmamahal ang tunay na halaga ng
minamahal
17. B – Kamalayan sa sarili
18. B – Umiiral na nagmamahal
19. C – Pagkuha ng esensiya ng mga umiiral
20. B – Personalidad
1.Paano mo masasabing ikaw ay
nagsisikap na “magpakatao” sa araw-araw
mong buhay?
(Isalaysay ang isang sitwasyon kung
saan pinili mong gawin ang tama kahit
mahirap.)
2. Sa anong paraan mo pinauunlad ang
iyong pagka-sino bilang isang persona?
(Ibigay ang halimbawa ng isang talento o
kakayahan na patuloy mong hinuhubog.)
3. Paano mo naipapakita ang
tunay na pagmamahal (ens
amans) sa iyong kapwa?
(Magbahagi ng karanasan kung
kailan ka tumugon sa isang
sitwasyon dahil sa
pagmamalasakit.)

More Related Content

PPTX
Esp10 modyul 1
PPTX
ESP 10 Day 1 (1st Quarter).pptx
PPTX
_esp10-modyul-1 ppt.pptx
PPTX
local_media7267649556583331055.pptx
DOCX
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10-Q1 summative test 1.docx
PPTX
Pre-Test and Post in Test EsP Grade10.pptx
PPTX
2ND SUM Edukasyon sa pagpapakatao...pptx
DOCX
esp 10 q1 w1.docx
Esp10 modyul 1
ESP 10 Day 1 (1st Quarter).pptx
_esp10-modyul-1 ppt.pptx
local_media7267649556583331055.pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10-Q1 summative test 1.docx
Pre-Test and Post in Test EsP Grade10.pptx
2ND SUM Edukasyon sa pagpapakatao...pptx
esp 10 q1 w1.docx

Similar to MODYUL 1 ESP 10 with Quiz and video presentation (20)

PPTX
ESP7-Q4-WEEK-1 GRADE 10 LESSON FOR THE QUARTER
DOCX
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
PPT
Modyul-1-Ang-katangian-ng-pagpapakatao.ppt
PPTX
Powerpoint_Week_1_Mapagmalasakit.pptx esp
PPTX
EDUCATION SA PAGPAPAKATAO.POWERPOINT PRESENTATION
PPTX
esp10day11stquarter-230918134030-0ddbc04f (1).pptx
PPTX
GMRC 7 Q4 W1 D1.pptxGMRC 7 Q4 W1 D1.pptxGMRC 7 Q4 W1 D1.pptx
PPTX
EsP 10 Modyul 1
PPTX
ESP-10-Diagnostic-Test.pptx
PPS
EsP Modyul 1 Grade 10 ni Gng. Alona P. Beltran QCHS
PPTX
ESP 10_Aralin 1-2.pptx
PPTX
esp modyul 1 edukasyon swaw pagpapakatao.pptx
PPTX
Q1_W1_SUMMATIVE TEST in GMRC GRADE FOUR.pptx
PPT
Masci esp10 module1
PPTX
ESP Q4 W1 Values Eduvation 7 Mga Katangian sa Pagpapakatao
PPTX
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
PPTX
ESP 7 QUIZ.pptx
PPTX
Edukasyon sa Pagpapakatao - LESSON 2- ESP 10.pptx
PPTX
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
PDF
ESP Module Grade 10
ESP7-Q4-WEEK-1 GRADE 10 LESSON FOR THE QUARTER
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
Modyul-1-Ang-katangian-ng-pagpapakatao.ppt
Powerpoint_Week_1_Mapagmalasakit.pptx esp
EDUCATION SA PAGPAPAKATAO.POWERPOINT PRESENTATION
esp10day11stquarter-230918134030-0ddbc04f (1).pptx
GMRC 7 Q4 W1 D1.pptxGMRC 7 Q4 W1 D1.pptxGMRC 7 Q4 W1 D1.pptx
EsP 10 Modyul 1
ESP-10-Diagnostic-Test.pptx
EsP Modyul 1 Grade 10 ni Gng. Alona P. Beltran QCHS
ESP 10_Aralin 1-2.pptx
esp modyul 1 edukasyon swaw pagpapakatao.pptx
Q1_W1_SUMMATIVE TEST in GMRC GRADE FOUR.pptx
Masci esp10 module1
ESP Q4 W1 Values Eduvation 7 Mga Katangian sa Pagpapakatao
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
ESP 7 QUIZ.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao - LESSON 2- ESP 10.pptx
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
ESP Module Grade 10
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
PPTX
grade 8 sunflower power VAL-ED Q1 L2.pptx
PPTX
Kabihasnang_Tsino_Buo Kabihasnang_Tsino_Buo.pptx
DOCX
DLL MATATAG _FILIPINO 5 Q1 W3.docx jul1 print.docx
PPT
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
PPTX
GRADE _ 5 _ Q 1 _ W 4 _ A P _ TEST.pptx
PPTX
Q1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 G...
PPTX
Good manners and right conduct grade three
PPTX
Panahon ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PPTX
Q1 Edukasyon sa PP ICT 5 WEEK 7 DAY 5.pptx
PPTX
Ang Sinaunang Lipunan sa Pagkakamag-anak, Pamilya, - Copy.pptx
PPTX
QUIZZ BEEbuwanngwikangpambansaagosto2025.pptx
PPTX
Q1 FILIPINO 5 WEEK 6 DAY 2.pptx presentt
PPTX
Quarter 1_Economics_Gr-9_Pagkonsumo.pptx
PPTX
Tekstongbiswal.pptx sasdasdasdasdasadasdasd
PPTX
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
PPTX
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
PDF
south korea kasaysayan , pamahalaan, kaugalian at tradisyon Brochure
PPT
Paano sumulat ng sanaysay-campus journalism
PPTX
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
grade 8 sunflower power VAL-ED Q1 L2.pptx
Kabihasnang_Tsino_Buo Kabihasnang_Tsino_Buo.pptx
DLL MATATAG _FILIPINO 5 Q1 W3.docx jul1 print.docx
MAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxxxxxxtMAKABANSA G1 Q1 W7 Matatag PPT.ppxxx...
GRADE _ 5 _ Q 1 _ W 4 _ A P _ TEST.pptx
Q1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 Gregorio Del Pilar.pptxQ1 Week 7 G...
Good manners and right conduct grade three
Panahon ng Propaganda at Himagsikan.pptx
Q1 Edukasyon sa PP ICT 5 WEEK 7 DAY 5.pptx
Ang Sinaunang Lipunan sa Pagkakamag-anak, Pamilya, - Copy.pptx
QUIZZ BEEbuwanngwikangpambansaagosto2025.pptx
Q1 FILIPINO 5 WEEK 6 DAY 2.pptx presentt
Quarter 1_Economics_Gr-9_Pagkonsumo.pptx
Tekstongbiswal.pptx sasdasdasdasdasadasdasd
Q1-FILIPINO-5-WEEK-6-DAY-4.pptxgsgyabagx
WEEK 1 ARALIN 1: PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA
south korea kasaysayan , pamahalaan, kaugalian at tradisyon Brochure
Paano sumulat ng sanaysay-campus journalism
Aralin 4 - Indarapatra at Sulayman; Tekstong Biswal; Kasaysayan ng Epiko
Ad

MODYUL 1 ESP 10 with Quiz and video presentation

  • 1. MODYUL 1: ANG KATANGIAN NG PAGPAPAKATAO
  • 2. “Madaling maging tao, mahirap magpakatao”
  • 3. Ang una ay sumasagot sa pagka- ano ng tao at ang ikalawa naman ay nakatuon sa pagka-sino ng tao
  • 4. “Mahirap magpakatao” tumutukoy sa persona (person) ng tao. Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa kapuwa niya tao.
  • 5. sa kaniyang pag-iisip, pagpapasya, at pagkilos nagiging bukod tangi ang bawat tao.
  • 6. Ang pagiging bukod tangi sa iba ay unti unting nilikha habang ang tao ay nagkakaedad.
  • 7. Tatlong yugto ng pagka-sino 1. Ang tao bilang indibidwal. Ito ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. dahil sa kanyang kamalayan at kalayaan, nasa kanyang mga kamay ang pagbuo ng kanyang pagka-sino.
  • 8. Ang kaniyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kaniyang bubuuin habang buhay bilang nilalang na hindi tapos (unfinished).
  • 9. 2.Ang tao bilang persona. Ang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Ang persona ay tumutukoy sa paglikha ng pagka-sino ng tao.
  • 10. Napakahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad niya ng kaniyang mga talento, hilig, at kakayahan upang mabuo niya ang kaniyang pagiging sino.
  • 11. 3. Ang tao bilang personalidad. Pagkamit ng tao sa kanyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kanyang pagka-sino.
  • 12.  May matibay na pagpapahalaga at paniniwala.  Totoo sa kanyang sarili.  Tapat sa kanyang misyon.  Hindi nagpapadala o naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan  Mataas ang antas ng kanyang pagka-persona
  • 13. Ang pagkamit ng personalidad ay nangangailangan ng pabuo (integration) ng kanyang pag-iisip, pagkagusto (wilingness), pananalita, at pagkilos tungo sa isang pagpapahalagang nagbibigkis sa lahat ng tao.
  • 14. Mabubuo lamang ang kaniyang sarili kung itatalaga niya ang kanyang pagkasino sa paglilingkod sa kaniyang kapuwa.
  • 15. Tatlong Katangian ng Tao Bilang Persona (Max Scheler) 1. May kamalayan sa Sarili may kakayahan ang tao na magnilay o gawing obheto ng kaniyang isip ang kaniyang sarili. Dahil dito, alam niya na alam niya o hindi niya alam.
  • 16. Paliwanag: May kakayahan ang tao na pag-isipan ang kanyang sarili, suriin ang kanyang damdamin, iniisip, at kilos. Halimbawa: Si Anna ay napagalitan ng kanyang guro dahil sa hindi pagpasa ng proyekto. Sa halip na magalit o isisi sa iba, naisip niya na siya mismo ang may pagkukulang. Napagtanto niya na naging pabaya siya sa oras kaya hindi niya natapos ang proyekto. Dahil dito, nagpasiya siyang maging mas responsable sa susunod. Ang kakayahan ni Anna na kilalanin ang kanyang pagkukulang at magbago ay halimbawa ng kamalayan sa sarili.
  • 17. 2. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral • may kakayahan siyang bumuo ng konklusyon mula sa isang pangyayari.
  • 18. 2. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral • may kakayahan siyang bumuo ng konklusyon mula sa isang pangyayari.
  • 19. Paliwanag: Nakikita ng tao ang mas malalim na kahulugan sa mga bagay o karanasan, hindi lang ang panlabas na anyo. Halimbawa: Habang nanonood si Carlo ng balita tungkol sa mga nasalanta ng bagyo, napagtanto niya na ang buhay ay maikli at puno ng hindi inaasahan. Sa halip na magreklamo sa mga simpleng bagay, pinili niyang maging mas mapagpasalamat sa kung anong meron siya at tumulong sa mga nangangailangan. Ang kakayahan ni Carlo na makita ang mas malalim na aral sa isang sitwasyon ay halimbawa ng pagkuha ng buod o esensiya ng umiiral.
  • 20. 3. Umiiral nanagmamahal • Umiiral na Nagmamahal (ens amans)- Ang umiiral na nagmamahal ang pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona. Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. Kumikilos ang tao para sa kabutihan dahil siya ay umiiral na nagmamahal.
  • 21. Paliwanag: Ang pinakamataas na katangian ng tao ay ang magmahal. Ang tunay na pagkatao ay nahahayag sa kanyang pagmamahal sa kapwa at sa kabutihan.
  • 22. Si Aling Rosa ay nagtatrabaho bilang labandera buong araw para lamang mapag-aral ang kanyang mga anak. Kahit pagod, hindi siya nagrereklamo. Ang tanging hangad niya ay makapagtapos ang kanyang mga anak upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Ito ay pagmamahal na nagsasakripisyo para sa ikabubuti ng mahal sa buhay.
  • 23. Si Ginoong Dela Cruz ay nananatili sa paaralan kahit tapos na ang klase para tulungan ang mga estudyanteng nahihirapan sa aralin. Hindi siya binabayaran para rito, ngunit ginagawa niya ito dahil mahal niya ang kanyang tungkulin at ang mga bata. Ipinapakita nito na ang tunay na pagmamahal ay nagbibigay, hindi lang nagtuturo.
  • 24. Si Mark ay laging handang makinig at tumulong sa kaibigang dumaraan sa depresyon. Kahit may sarili rin siyang problema, inuuna niya ang pakikinig at pagbibigay-lakas sa kanyang kaibigan. Ang pagkalinga sa kaibigan sa gitna ng sariling pagsubok ay kilos ng tunay na pagmamahal.
  • 28. Sagutin ang mga tanong 1. Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao? 2. Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao? 3. Paano kumikilos ang hayop? Ang tao? 4. Paano naipakita ni Kesz Valdez ang kamalayan sa sarili?
  • 29. ESP Grade 10 – Modyul 1 Quiz
  • 30. 1. Ano ang ibig sabihin ng “madaling maging tao, mahirap magpakatao”? A. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang talento B. Madaling isilang bilang tao, mahirap isabuhay ang tunay na katauhan C. Mahirap sumunod sa utos ng magulang D. Madaling pumasok sa paaralan
  • 31. 2. Ano ang nagtatangi sa tao kumpara sa hayop? A. Pagkakaroon ng maraming kaibigan B. Kakayahang mag-isip at magpasya para sa kabutihan C. Kakayahang maglaro D. Pagkakaroon ng emosyon
  • 32. 3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng “pagka-sino” ng tao? A. Ang timbang at taas ng isang tao B. Ang lugar kung saan siya ipinanganak C. Ang kanyang pag-iisip, pagpapasya, at pagkilos D. Ang bilang ng kanyang magkakapatid
  • 33. 4. Ang pagkakaroon ng isip at kilos-loob ay nagpapakita ng anong katangian ng tao? A. Emosyonal B. Reaktibo C. Rasyonal D. Makasarili
  • 34. 5. Ano ang unang yugto ng pag-unlad ng pagka-sino ng tao? A. Persona B. Personalidad C. Indibidwal D. Komunidad
  • 35. 6. Ano ang bunga ng pagpupunyagi ng tao sa pagbuo ng kaniyang pagka-sino? A. Pagkakaroon ng kayamanan B. Pagkakaroon ng mataas na posisyon C. Pagkamit ng personalidad D. Pagkakaroon ng maraming kaibigan
  • 36. 7. Ano ang ibig sabihin ng pagiging “persona”? A. Pagkakatulad ng lahat ng tao B. Pagkakaroon ng sariling katangian at halaga C. Pagiging miyembro ng isang grupo D. Pagkakaroon ng mataas na grado
  • 37. 8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging personalidad? A. May matibay na pagpapahalaga B. Tapat sa sarili at sa misyon C. Mahilig sumunod sa uso kahit salungat sa prinsipyo D. Pinagbubuklod ang isip, damdamin, salita, at kilos
  • 38. 9. Ayon kay Scheler, ano ang isang katangian ng taong may kamalayan sa sarili? A. Palaging malungkot B. Marunong makipagkaibigan C. Alam niya kung ano ang alam o hindi niya alam D. Marunong magtago ng damdamin
  • 39. 10. Ang kamalayan sa sarili ay nakatutulong sa tao upang...? A. Maging mas sikat B. Makabuo ng mas maraming problema C. Magkaroon ng positibong pagtingin sa sarili D. Makalimutan ang mga pagkakamali
  • 40. 11. Anong kakayahan ang tumutukoy sa pagkuha ng buod o esensiya ng mga umiiral? A. Kakayahang magtago ng damdamin B. Kakayahang tumawa sa problema C. Kakayahang bumuo ng konklusyon mula sa karanasan D. Kakayahang makalimot
  • 41. 12. Ayon sa halimbawa ni Buddha, ano ang buod na kanyang nakuha sa nakita niyang apat na lalaki? A. Ang buhay ay puno ng saya B. Ang buhay ay isang pagdurusa C. Ang buhay ay para sa mayayaman D. Ang buhay ay walang katapusan
  • 42. 13. Ano ang tawag sa taong nakakakita ng esensiya ng mga bagay sa paligid? A. Walang pakialam B. Mapanagutan at malikhain C. Laging abala D. Masayahin lamang
  • 43. 14. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagtugon sa mga sitwasyong nakaantig sa damdamin? A. Gawaing masaya B. Solusyong mababaw C. Mabisang solusyon para sa kabutihan D. Hindi pagtugon sa problema
  • 44. 15. Ano ang kahulugan ng "ens amans"? A. Tao na masaya B. Umiiral na nagmamahal C. Laging nagagalit D. Walang damdamin
  • 45. 16. Bakit ang pagmamahal ay hindi bulag? A. Dahil may salamin ang nagmamahal B. Dahil nakikita ng nagmamahal ang tunay na halaga ng minamahal C. Dahil walang nakakaalam ng pag-ibig D. Dahil uso lang ito
  • 46. 17. Sitwasyon: Si Carla ay tinanong kung ano ang gusto niyang kuning kurso sa kolehiyo. Sa halip na sumunod sa gusto ng barkada, pinili niya ang kursong tugma sa kanyang talento. Anong katangian ang ipinakita ni Carla? A. Pagkamapili B. Kamalayan sa sarili C. Pagtatakwil sa kaibigan D. Pagkamasayahin
  • 47. 18. Sitwasyon: Sa kabila ng kahirapan sa buhay, natutong magbahagi si Bryan ng kanyang kaalaman sa iba. Anong katangian ito ng tao bilang persona? A. Pagseselos B. Umiiral na nagmamahal C. Pagiging matipid D. Pagiging tahimik
  • 48. 19. Sitwasyon: Tuwing may problema sa paaralan, hindi agad nagagalit si Maria kundi iniisip muna ang buod ng sitwasyon. Anong kakayahan ang ipinapakita niya? A. Pagkamadali B. Pagtitimpi C. Pagkuha ng esensiya ng mga umiiral D. Pagwawalang-bahala
  • 49. 20. Sitwasyon: Si Andrei ay may matibay na prinsipyo, tapat sa sarili, at nagsisilbing inspirasyon sa kanyang klase. Ano ang tawag sa ganitong tao? A. Indibidwal B. Personalidad C. Tagahanga D. Tagamasid
  • 50. Answer Key: 1. B – Madaling isilang bilang tao, mahirap isabuhay ang tunay na katauhan 2. B – Kakayahang mag-isip at magpasya para sa kabutihan 3. C – Ang kanyang pag-iisip, pagpapasya, at pagkilos 4. C – Rasyonal 5. C – Indibidwal 6. C – Pagkamit ng personalidad 7. B – Pagkakaroon ng sariling katangian at halaga 8. C – Mahilig sumunod sa uso kahit salungat sa prinsipyo 9. C – Alam niya kung ano ang alam o hindi niya alam
  • 51. 11. C – Kakayahang bumuo ng konklusyon mula sa karanasan 12. B – Ang buhay ay isang pagdurusa 13.B – Mapanagutan at malikhain 14. C – Mabisang solusyon para sa kabutihan 15. B – Umiiral na nagmamahal 16. B – Nakikita ng nagmamahal ang tunay na halaga ng minamahal 17. B – Kamalayan sa sarili 18. B – Umiiral na nagmamahal 19. C – Pagkuha ng esensiya ng mga umiiral 20. B – Personalidad
  • 52. 1.Paano mo masasabing ikaw ay nagsisikap na “magpakatao” sa araw-araw mong buhay? (Isalaysay ang isang sitwasyon kung saan pinili mong gawin ang tama kahit mahirap.) 2. Sa anong paraan mo pinauunlad ang iyong pagka-sino bilang isang persona? (Ibigay ang halimbawa ng isang talento o kakayahan na patuloy mong hinuhubog.)
  • 53. 3. Paano mo naipapakita ang tunay na pagmamahal (ens amans) sa iyong kapwa? (Magbahagi ng karanasan kung kailan ka tumugon sa isang sitwasyon dahil sa pagmamalasakit.)