EPP 5
QUARTER 3 WEEK 3
D
A
Y
1
Wastong Paraan ng
Pag-alis ng
Mantsa
Balik-aral:
Suriin ang mga pahayag kung nagpapakita ng
wastong paraan ng paglalaba. Isulat ang Tama
kung ito ay nasa watong paraan ng paglalaba at
Mali naman kung hindi.
1. Ang unang hakbang sa paglalaba ay
ang paghahanda ng lahat ng kagamitan.
2. Ang mga puting damit ay maaaring ihalo
sa mga de-kolor habang nilalabhan.
3. Hindi kinakailangang suriin ang bawat
damit kung may mantsa o sira bago ito
labhan.
4. Ang pagsabon ng mga puting damit ay
maaaring gawin sa anumang bahagi nito
nang sabay-sabay.
5. Ang fabric conditioner ay idinadagdag sa
unang banlaw ng mga damit sa washing
machine.
Suriin ang larawan sa ibaba;
Ano ang
masasabi
niyo sa
larawan?
Nasubukan niyo na bang
maglaba ng damit na may
mantsa?
Anong ginawa niyo para
matanggal ito?
Ang Paglalaba sa Paraan ng Pagkilala at
Pag –aalis ng Mantsa sa Damit
Sa paglalaba ay tinatanggal
natin ang mga dumi na kumapit sa
damit, lalong lalo na ang mantsa. Ang
mantsa na kumapit sa damit ay hindi
magandang tingnan.
Ang hindi pag–alis ng mantsa sa damit ay
nagpapakita ng kapabayaan ng
nagsusuot nito. Dapat tanggalin ang
mantsa habang sariwa pa. Mahirap
kasing alisin ang mantsa kapag ito ay tuyo
na. Ang paglalaba ay isang gawain na
dapat matutunan ng bawat kasapi ng
mag–anak. Pag–aralan ang mga
sumusunod na paraan at pagkilala sa
pagtanggal ng mantsa.
Mga Uri ng Mantsa at Wastong Paraan ng
Pag – alis ng mga Mantsa
1. Dugo - Ibabad ang damit na may
dugo sa palangganang may tubig at
kuskusin nang mabuti. Sabunin ng sabong
panligo upang madaling makuha ang
mantsa.
Banlawang mabuti. Kung
may bahid pa ng mantsa,
sabunin ulit at ibilad ito sa
init ng araw upang
lubusang matanggal ang
mantsa.
2. Tsokolate - Ibabad ang damit na
may tsokolate sa mainit na tubig ng
ilang minuto hanggang sa lumamig
ito. Kuskusin ng sabon ang mantsa at
labhan. Kung hindi matanggal ang
mantsa, gamitan ng katas ng
kalamansi at asin.
3. Tinta – Buhusan ng alkohol ang
sariwang mantsa ng tinta.
Banlawan sa malamig na tubig
bago labhan at sabunin. Kung di
pa matanggal ang mantsa,
maaaring lagyan ng katas ng
kalamansi at asin.
4. Chewing gum – Kuskusin ng yelo ang
kabila ng damit na may chewing gum
upang tumigas. Kaskasin ang tumitigas
na chewing gum ng mga kamay o
likod ng kutsilyo. Kung may naninikit pa
kuskusin ang mantsa ng bulak na may
gaas upang maalis ang paninikit.
5. Putik – Kuskusin ang
putik sa damit gamit ang
eskoba bago ito sabunin
at labhan.
6. Kalawang – Lagyan ng
katas ng kalamansi at asin ang
damit na namantsahan,
kuskusin at ibilad ito sa araw.
Ulitin nang ilang beses kung
kinakailangan hanggang
maalis ang mantsa.
Panuto: Basahing mabuti ang mga
pangungusap at piliin ang mga titik ng
tamang sagot.
Ano ang kahalagahan ng
pagtanggal ng mantsa sa damit?
A. Upang madaling masira ang mga
damit at kaaya–aya itong tingnan.
B. Maging malinis ang kasuotan.
C. Ipagmalaki mo na ang iyong mga
damit ay malinis at magandang tingnan.
D. Upang tumagal ang buhay ng mga
damit.
E. Pabaya sa mga kasuotan.
F. Maging pamantayan o pamarisan sa
iba kung ikaw ay mayroong malinis na
damit.
Ano ang iyong gagawin kung
ang damit mo ay nalagyan ng
mantsa gaya ng dugo?
Bakit mahalaga ang
pagtanggal ng mantsa sa
damit?
Panuto: Kilalanin ang tamang paraan ng pag-
aalis ng mantsa sa damit. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Para sa mantsang may dugo, ano ang
unang hakbang na dapat gawin?
A. Sabunin ng sabon panligo
B. Ibabad sa mainit na tubig
C. Banlawan ng mabuti
2. Ano ang gagawin sa damit na may
mantsang tsokolate?
A. Ibilad sa init ng araw
B. Ibabad sa mainit na tubig, kuskusin
ng sabon, at labhan
C. Gamitan ng katas ng kalamansi at
asin
3. Paano aalisin ang mantsa ng tinta sa
damit?
A. Ibabad sa mainit na tubig at kuskusin ng
sabon
B. Buhusan ng alkohol, banlawan, at
sabunin
C. Kuskusin ng yelo at kaskasin ng kutsilyo
4. Ano ang tamang paraan para
alisin ang chewing gum sa damit?
A. Ibabad sa mainit na tubig
B. Kuskusin ng yelo at kaskasin ng
kutsilyo
C. Sabunin agad ng sabon panligo
5. Paano aalisin ang mantsa ng
kalawang sa damit?
A. Lagyan ng katas ng kalamansi at
asin, kuskusin, at ibilad sa araw
B. Ibabad sa mainit na tubig
C. Kuskusin ng yelo at kaskasin ng
kutsilyo
EPP 5
QUARTER 3 WEEK 3
D
A
Y
2
Wastong Paraan ng
Pag-alis ng
Mantsa
Balik-aral:
Ano anong uri ng mantsa
ang napag-aralan natin
kahapon?
Paano ito aalisin?
Suriin ang larawan sa ibaba;
Ano ang
masasabi
mo sa
larawan?
Isang paraan upang
madaling matanggal
ang mantsa ay ang
paggamit ng sabon
upang mapanatili ang
kalinisan ng damit.
Ang ating mga kasuotan ay
mahalagang mapanatili ang
kalinisan at higit sa lahat
walang bahid ng anumang
mantsa upang ito ay kaaya-
ayang tingnan at maginhawa
sa pakiramdam.
Para sa mga karagdagang
impormasyon at lalong mas
mapalawak ang iyong kaalaman
ukol sa tamang paglalaba at
pagtanggal ng mga mantsa sa
damit, kilalanin pa natin ang iba
pang mga uri ng mantsa at wastong
paraan ng pag-alis ng mga mantsa.
Iba pang mga Uri ng Mantsa at
Wastong Paraan ng Pag – alis ng
mga Mantsa
1. Mantika o langis – Labhan ang damit na may
mantika o langis sa maligamgam na tubig na may
sabon. Wisikan ito ng pulbos ang bahaging may
mantsa ng mantika o langis. Ipagpag ito. Ulitin ng
ilang beses kung kinakailangan. Ipitan ang mantsa sa
pagitan ng blotting paper at diinan ng plantsa.
2. Kandila – Kaskasin ng likod ng
kutsilyo o barya ang bahagi ng damit
na may kandila. Takpan ng mamasa-
masang pirasong papel at plantsahin
ang bahaging may mantsa nang ilang
ulit hanggang masipsip ng papel ang
natunaw na kandila.
3. Tagulamin o Amag – Kuskusin ng eskoba
ang damit sa bahaging may tagulamin o
amag. Labhan ito sa mainit na tubig at
ikula at lagyan ng katas ng kalamansi at
banlawan. Sabunin uli at labhan. O di kaya
ay ibilad sa araw ang mantsang nilagyan
ng katas ng kalamansi at asin. Ulitin ito
nang ilang beses hanggang matanggal
lahat ng mantsa.
4. Katas ng prutas, kape, tsaa –
Ibabad ang damit na
namantsahan sa mangkok na
may malamig na tubig. Banatin
ang bahaging may mantsa sa
ibabaw ng mangkok. Buhusan ito
ng kumukulong tubig.
5. Ihi – Sabunin sa tubig na may suka ang
damit na may ihi hanggang maalis ang
mantsa.
6. Pintura – Basain ng gaas o thinner ang
basahan at ikuskos ito sa damit na may
pintura. Buhusan ng mainit na tubig.
Banlawan, sabunin at labhan.
7.Syrup – Ibabad
sa mainit na tubig
ang damit na may
syrup. Sabunan ito
at labhan.
Panuto: Isulat ang Korek kung ang
ipinahahayag ng bawat pangungusap ay
wasto at Waley kung hindi. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
________ 1. Buhusan ng alkohol ang sariwang
mantsa ng mantika. Banlawan sa malamig na
tubig bago labhan at sabunin. Kung di pa
matanggal ang mantsa, maaaring lagyan ng
katas ng kalamansi at asin.
________ 2. Kuskusin ng likod ng eskoba ang
damit sa bahaging may tagulamin o amag.
Labhan ito sa malamig na tubig. Ikula at lagyan
ng katas ng kalamansi at banlawan.
________ 3. Lagyan ng katas ng kalamansi at
asin ang bahagi ng damit na may pintura,
kuskusin at ibilad ito sa araw. Ulitin nang ilang
beses kung kinakailangan hanggang maalis
ang mantsa.
________ 4. Sabunin sa tubig na may
suka ang damit na may ihi hanggang
maalis ang mantsa.
________ 5. Hiwain ng mapurol na
kutsilyo ang bahagi ng damit na may
kandila. Takpan ng tuyong pirasong
papel at plantsahin ang bahaging may
mantsa.
Kung sakaling may mantsa ng katas
ng prutas sa iyong damit sa anong
paraan mo ito matatanggal?
Bakit mahalaga na malaman muna
ang uri ng mantsa sa damit bago
ito labhan?
Piliin sa loob ng damit ang
mga karaniwang ginagamit
sa pagtanggal ng mantsa.
Isulat ang tamang sagot.
Gawin ito sa inyong
kwaderno.
QUARTER 3, WEEK 3, EPP LESSON/ PRESENTATION
EPP 5
QUARTER 3 WEEK 3
D
A
Y
3
Wastong Paraan ng
Pag-alis ng
Mantsa
Balik-aral :
Panuto: Piliin sa loob ng
damit ang mga karaniwang
ginagamit sa pagtanggal ng
mantsa. Isulat ang tamang
sagot. Gawin ito sa inyong
kwaderno.
QUARTER 3, WEEK 3, EPP LESSON/ PRESENTATION
Tingnan ang larawan
Ano ang
masasabi
mo sa
larawan?
Ang tamang pagkukusot
ay nakakatulong upang
matanggal ang mantsa o
dumi ng damit at
magkaroon ng malinis at
kaaya-ayang tingnan
kapag isusuot.
Ang pagsusuot ng malinis na
damit ay nakatutulong para
maging maaliwalas ang ating
pakiramdam. Mahalagang
mapangalagaan nang mabuti
ang mga kasuotan upang
mapanatili ang kaayusan nito.
Narito ang ilan sa mga tuntunin
sa tamang pamamaraan ng
pagtanggal ng mantsa sa mga
damit upang masigurado ang
kalinisan nito.
1. Kilalanin muna ang uri ng tela ng
damit bago ito tanggalan ng mantsa.
2. Bago simulan ang pagtanggal ng
mantsa, siguraduhin muna na
nakahanda ang lahat ng mga
kagamitan upang masigurado na
magiging maayos ang lahat.
3. Ilagay muna ng dahan-dahan ang
pang-alis ng mantsa at gawin ito sa
nakatagong bahagi upang malaman kung
ito ay may masamang epekto sa damit o
wala.
4. Gumamit ng malinis na puting tela,
sponge o medicine dropper sa paglalagay
ng pang-alis ng mantsa at gawin ito ng
mabilisan.
5. Agad na banlawan ang
bahaging tinanggalan ng
mantsa upang hindi ito maka
apekto sa iba pang bahagi
ng damit at agad na
patuyuin.
Gayahin ang guhin at isulat
ang mga uri ng mantsa na
maaring kumapit sa damit sa
ibaba. Sumulat ng sampung uri
ng mantsa. Gawin sa inyong
mga kwaderno.
QUARTER 3, WEEK 3, EPP LESSON/ PRESENTATION
Ano anong mga
kagamitan ang maari
mong gamitin sa pag-
alis ng mantsa?
Bakit kailangang
kilalanin muna ang uri ng
tela na may mantsa
bago ito gamitan ng
pantanggal ng mantsa?
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isult
ang Tama kung ang pangungusap ay
nagsasaad sa wastong paraan ng pag-alis
ng mantsa at Mali naman kung hindi.
___________1. Ang unang tuntunin sa
tamang pamamaraan ng pagtanggal ng
mantsa ay kilalanin muna ang uri ng tela
ng damit bago ito tanggalan ng mantsa.
____________2. Ang pagsisimula ng pagtanggal
ng mantsa ay dapat isagawa nang handa na
ang lahat ng kagamitan para sa maayos na
proseso.
____________3. Ang pang-alis ng mantsa ay
dapat ilagay ng mabagal at maingat sa
nakatagong bahagi ng damit upang makita
kung may masamang epekto ito.
___________4. Sa paglalagay ng pang-alis ng
mantsa, mas maganda ang gamitin na malinis
na puting tela, sponge, o medicine dropper at
ito ay dapat gawin ng mabilisan.
___________5. Pagkatapos tanggalin ang
mantsa, ang dapat gawin agad ay huwag
nang banlawan ang bahaging tinanggalan ng
mantsa at patuyuin ito para hindi maka-apekto
sa ibang bahagi ng damit.
EPP 5
QUARTER 3 WEEK 3
D
A
Y
4
Wastong Paraan ng
Pag-alis ng
Mantsa
Balik-aral:
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isult
ang Tama kung ang pangungusap ay
nagsasaad sa wastong paraan ng pag-alis
ng mantsa at Mali naman kung hindi.
___________1. Ang unang tuntunin sa
tamang pamamaraan ng pagtanggal ng
mantsa ay kilalanin muna ang uri ng tela
ng damit bago ito tanggalan ng mantsa.
____________2. Ang pagsisimula ng pagtanggal
ng mantsa ay dapat isagawa nang handa na
ang lahat ng kagamitan para sa maayos na
proseso.
____________3. Ang pang-alis ng mantsa ay
dapat ilagay ng mabagal at maingat sa
nakatagong bahagi ng damit upang makita
kung may masamang epekto ito.
___________4. Sa paglalagay ng pang-alis ng
mantsa, mas maganda ang gamitin na malinis
na puting tela, sponge, o medicine dropper at
ito ay dapat gawin ng mabilisan.
___________5. Pagkatapos tanggalin ang
mantsa, ang dapat gawin agad ay huwag
nang banlawan ang bahaging tinanggalan ng
mantsa at patuyuin ito para hindi maka-apekto
sa ibang bahagi ng damit.
Bakit mahalaga na
alamin kung anong
uri ng mantsa ang
damit?
Napag-aralan natin sa
nakaraang aralin ang
mga uri ng mantsa at
wastong paraan kung
paano ito maaalis.
Ang damit na may mantsa ay
hindi magandang tignan kaya
naman kinakailangan nap ag-
aralan natin ang mga paraan
kung paano natin matatanggal
ang mga ito.
Ano ang tawag sa proseso ng
pag-alis ng mantsa sa damit?
Sagot : Paglalaba
Ang paglalaba ay
nakakatulong na maging
kaaya-ayang tingnan ang
ating kasuotan sa tuwing
ito ay ating isusuot.
Panuto: Sagutin ang
bawat bilang at piliin
ang tamang sagot sa
loob ng kahon. Gawin
ito sa iyong kawaderno.
1. Ang mantsang ito ay tinatanggal sa
pamamagitan ng paglalagay ng katas
ng kalamansi at asin sa damit na
namantsahan.
2. Ang mantsang ito ay maaaring
tanggalin sa pamamagitan ng pagkuskos
ng yelo sa kabila ng damit na may mantsa
upang tumigas. Kaskasin lamang ang
tumigas na mantsa gamit ang kamay o
likod ng kutsilyo.
3. Madaling tanggalin ang mantsang ito sa
pamamagitan lamang ng pagbabad ng
damit sa mainit na tubig ng ilang minuto
hanggang sa lumamig ito. Kuskusin ng
sabon ang mantsa at labhan.
4. Ang mantsang ito ay tinatanggal sa
pamamagitan ng paglalagay ng gaas o
thinner gamit ang basahan at ikuskos ito sa
damit na may mantsa. Buhusan ng mainit
na tubig, banlawan, sabunin at labhan ito.
5. Ang mantsang ito ay tinatanggal sa
pamamagitan ng pagkaskas ng barya o likod
ng kutsilyo sa bahagi ng damit na may mantsa
at takpan ng mamasa-masang pirasong papel
at plantsahin ang bahaging may mantsa nang
ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang
natunaw na mantsa.
Ano ang un among
gagawin bago mo
tanggalin ang mantsa
ng damit?
Bakit mahalaga na
malaman muna ang
uri ng mantsa sa damit
bago ito labhan?
QUARTER 3, WEEK 3, EPP LESSON/ PRESENTATION
EPP
QUARTER 3 WEEK 3
D
A
Y
5
Catch-Up Friday

More Related Content

PPT
Paglilinis at Pag-aayos ng Kagamitan - EPP 6
PPTX
Naisasagawa ang Wastong Paraan ng Paglalaba.pptx
PPTX
Pangangalaga sa Damit ....
PPTX
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN GRADE 5 QUARTER 2 WEEK 1.pptx
PPTX
3. GMRC-W 4.pptx FOR GRADE 2 LESSONS FOR
PPTX
G5QUARTER 1W1 PPT EPP-HOME ECONOMICS.pptx
PPTX
G5QUARTER1W1 PPT EPP-HOME ECONOMICS.pptx
PPTX
EPP 4_Q3_Week 2 (1).pptx 1. Naisasagawa ang mga paraan sa pag-aayos at pangan...
Paglilinis at Pag-aayos ng Kagamitan - EPP 6
Naisasagawa ang Wastong Paraan ng Paglalaba.pptx
Pangangalaga sa Damit ....
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN GRADE 5 QUARTER 2 WEEK 1.pptx
3. GMRC-W 4.pptx FOR GRADE 2 LESSONS FOR
G5QUARTER 1W1 PPT EPP-HOME ECONOMICS.pptx
G5QUARTER1W1 PPT EPP-HOME ECONOMICS.pptx
EPP 4_Q3_Week 2 (1).pptx 1. Naisasagawa ang mga paraan sa pag-aayos at pangan...

Similar to QUARTER 3, WEEK 3, EPP LESSON/ PRESENTATION (20)

PPTX
G5QUARTER1W2 PPT EPP - HOME ECONOMICS.pptx
PPTX
G5QUARTER1W2 PPT EPP - HOME ECONOMICS.pptx
PDF
Health gr. 1 learners material (q1&2)
PDF
powerpoint-for-classroom-observation-in-he-5_compress.pdf
PPTX
Q3-W4-EPP 5.pptx Batayan sa Tamang Pamamalantsa
PPTX
Hygiene ppt sample
PDF
PPTX
Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
PPTX
Q3-W1-EPP / TLE Lesson Powerpoint Presentation
PPTX
hand-washing before every laboratory activities.pptx
PPTX
Edukasyong Pangtahan at Pagnkabuhayan pangangalaga-ng-kasuotan.pptx
PDF
Health gr-1-learners-matls-q12
PPTX
EPP Q3W7 G-4.pptx.......................ppt
PPTX
QUARTER 3 Aralin 4-EPP 4 ICT MATATAG CURRICULUM LESSON FINAL [Autosaved].pptx
PPTX
1Q_ESP3_Pangangalaga sa sarile.pptx1Q_ESP3_Pangangalaga sa sarile.pptx
DOCX
DAILY LESSON LOG IN MATATAG _ESUKASYON SAPP 4 Q3 W2.docx
PDF
Tamang pag alaga at paglinis ng eyeglasses at contact lenses
DOCX
DLL WEEK 1-Q3 EPP.docx123123231231231231231
PPTX
pagiging malinis at maayos sa sarili
PPTX
QUARTER 3 Aralin 3-EPP 4 ICT MATATAG CURRICULUM LESSON FINAL.pptx
G5QUARTER1W2 PPT EPP - HOME ECONOMICS.pptx
G5QUARTER1W2 PPT EPP - HOME ECONOMICS.pptx
Health gr. 1 learners material (q1&2)
powerpoint-for-classroom-observation-in-he-5_compress.pdf
Q3-W4-EPP 5.pptx Batayan sa Tamang Pamamalantsa
Hygiene ppt sample
Mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng katawan
Q3-W1-EPP / TLE Lesson Powerpoint Presentation
hand-washing before every laboratory activities.pptx
Edukasyong Pangtahan at Pagnkabuhayan pangangalaga-ng-kasuotan.pptx
Health gr-1-learners-matls-q12
EPP Q3W7 G-4.pptx.......................ppt
QUARTER 3 Aralin 4-EPP 4 ICT MATATAG CURRICULUM LESSON FINAL [Autosaved].pptx
1Q_ESP3_Pangangalaga sa sarile.pptx1Q_ESP3_Pangangalaga sa sarile.pptx
DAILY LESSON LOG IN MATATAG _ESUKASYON SAPP 4 Q3 W2.docx
Tamang pag alaga at paglinis ng eyeglasses at contact lenses
DLL WEEK 1-Q3 EPP.docx123123231231231231231
pagiging malinis at maayos sa sarili
QUARTER 3 Aralin 3-EPP 4 ICT MATATAG CURRICULUM LESSON FINAL.pptx
Ad

More from MestizaRosane3 (20)

PPTX
Session 1-Undertsanding Phil-IRI-Reading.pptx
PPTX
PPT Technology and Livelihood Ed - ICT Q1 Week 2.pptx
PPTX
PPT TLE - HE Lesson for Grade 6Q1 Week 2.pptx
PPTX
Web_Conferencing (Lesson for Grade 6)_Grade6.pptx
PPTX
Quarter 4-Week 6-Araling Panlipunan-5.pptx
PPTX
Q4-W6-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan -5.pptx
PPTX
Q2-W7-Edukasyon sa Pagpapakatao lesson and ppt
PPTX
Q2-W6-Araling Panlipunan 5 lesson and ppt
PPTX
Q2-W8-EPP-Agrikultura-5.Lesson and Presentation
PPTX
Q3-W1-Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson/PPT
PPTX
Q3-W1-Araling Panlipunan Lesson/Presentation
PPTX
QUARTER 3, WEEK 3 , AP LESSON/PRESENTATION
PPTX
QUARTER 3, WEEK 3, LESSON/PRESENTATION - ESP
PPTX
QUARTER 3, WEEK 3, MAPEH LESSON/PRESENATION
PPTX
QUARTER 3, WEEK 3, MATH LESSON/PRESENTAY
PPTX
Quarter3-Week3-SCIENCE 5.PowerpointPresx
DOCX
Daily Lesson Log EPP-Agrikultura 5 W7-Q2.docx
PPTX
Q1-W1-SCIENCE-5(Quarter 1, Week 1)).pptx
PPTX
Forms of Energy and Energy Transpormations
PPTX
Kinds of Sentences according to its uses
Session 1-Undertsanding Phil-IRI-Reading.pptx
PPT Technology and Livelihood Ed - ICT Q1 Week 2.pptx
PPT TLE - HE Lesson for Grade 6Q1 Week 2.pptx
Web_Conferencing (Lesson for Grade 6)_Grade6.pptx
Quarter 4-Week 6-Araling Panlipunan-5.pptx
Q4-W6-Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan -5.pptx
Q2-W7-Edukasyon sa Pagpapakatao lesson and ppt
Q2-W6-Araling Panlipunan 5 lesson and ppt
Q2-W8-EPP-Agrikultura-5.Lesson and Presentation
Q3-W1-Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson/PPT
Q3-W1-Araling Panlipunan Lesson/Presentation
QUARTER 3, WEEK 3 , AP LESSON/PRESENTATION
QUARTER 3, WEEK 3, LESSON/PRESENTATION - ESP
QUARTER 3, WEEK 3, MAPEH LESSON/PRESENATION
QUARTER 3, WEEK 3, MATH LESSON/PRESENTAY
Quarter3-Week3-SCIENCE 5.PowerpointPresx
Daily Lesson Log EPP-Agrikultura 5 W7-Q2.docx
Q1-W1-SCIENCE-5(Quarter 1, Week 1)).pptx
Forms of Energy and Energy Transpormations
Kinds of Sentences according to its uses
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Malikhaing pagsulat sa filipino senior high
DOCX
DAILY LOG LESSON FILIPINO 8 QUARTR1WEEK5
DOCX
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PDF
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
PPTX
G6 - Lesson 1.3 Likas na Yaman ng Pilipinas
PPTX
Filipino 8 Unang Markahan Unang Linggo Panahon ng Himagsikan at Propaganda
PPTX
MAKABANSA-WEEK 1 DAY 1 QUARTER 1 2025-2026C(1).pptx
PPTX
AP8 Q1 Week 2-1 Kahulugan at Katangian ng Kabihasnan.pptx
PPTX
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
PPTX
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
PPTX
IDE Lesson plan notes. kasaysayan ng wikang kastila
PPTX
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
PPTX
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
PPTX
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
PPTX
Salitang_Magkatugma_PPT.pptx............
DOCX
nabdhjahdbajbdjkabadaaadaddadaasdsadsadada
PPTX
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
DOCX
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
PPTX
491976170-Tiyo-Simon.pptx dskfkksfjcskca
PPTX
Batayang-Simulain-sa-Panunuring-Pampanitikan.pptx
Malikhaing pagsulat sa filipino senior high
DAILY LOG LESSON FILIPINO 8 QUARTR1WEEK5
Pagsusulit Filipino 8 - Unang Markahan - Panahon ng Himagsikan at Propaganda
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
G6 - Lesson 1.3 Likas na Yaman ng Pilipinas
Filipino 8 Unang Markahan Unang Linggo Panahon ng Himagsikan at Propaganda
MAKABANSA-WEEK 1 DAY 1 QUARTER 1 2025-2026C(1).pptx
AP8 Q1 Week 2-1 Kahulugan at Katangian ng Kabihasnan.pptx
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pptx
Leksikon_at_Sintaksis_Presentasyon.pptxhhh
IDE Lesson plan notes. kasaysayan ng wikang kastila
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
Salitang_Magkatugma_PPT.pptx............
nabdhjahdbajbdjkabadaaadaddadaasdsadsadada
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
491976170-Tiyo-Simon.pptx dskfkksfjcskca
Batayang-Simulain-sa-Panunuring-Pampanitikan.pptx

QUARTER 3, WEEK 3, EPP LESSON/ PRESENTATION

  • 1. EPP 5 QUARTER 3 WEEK 3 D A Y 1 Wastong Paraan ng Pag-alis ng Mantsa
  • 2. Balik-aral: Suriin ang mga pahayag kung nagpapakita ng wastong paraan ng paglalaba. Isulat ang Tama kung ito ay nasa watong paraan ng paglalaba at Mali naman kung hindi. 1. Ang unang hakbang sa paglalaba ay ang paghahanda ng lahat ng kagamitan. 2. Ang mga puting damit ay maaaring ihalo sa mga de-kolor habang nilalabhan.
  • 3. 3. Hindi kinakailangang suriin ang bawat damit kung may mantsa o sira bago ito labhan. 4. Ang pagsabon ng mga puting damit ay maaaring gawin sa anumang bahagi nito nang sabay-sabay. 5. Ang fabric conditioner ay idinadagdag sa unang banlaw ng mga damit sa washing machine.
  • 4. Suriin ang larawan sa ibaba; Ano ang masasabi niyo sa larawan?
  • 5. Nasubukan niyo na bang maglaba ng damit na may mantsa? Anong ginawa niyo para matanggal ito?
  • 6. Ang Paglalaba sa Paraan ng Pagkilala at Pag –aalis ng Mantsa sa Damit Sa paglalaba ay tinatanggal natin ang mga dumi na kumapit sa damit, lalong lalo na ang mantsa. Ang mantsa na kumapit sa damit ay hindi magandang tingnan.
  • 7. Ang hindi pag–alis ng mantsa sa damit ay nagpapakita ng kapabayaan ng nagsusuot nito. Dapat tanggalin ang mantsa habang sariwa pa. Mahirap kasing alisin ang mantsa kapag ito ay tuyo na. Ang paglalaba ay isang gawain na dapat matutunan ng bawat kasapi ng mag–anak. Pag–aralan ang mga sumusunod na paraan at pagkilala sa pagtanggal ng mantsa.
  • 8. Mga Uri ng Mantsa at Wastong Paraan ng Pag – alis ng mga Mantsa 1. Dugo - Ibabad ang damit na may dugo sa palangganang may tubig at kuskusin nang mabuti. Sabunin ng sabong panligo upang madaling makuha ang mantsa.
  • 9. Banlawang mabuti. Kung may bahid pa ng mantsa, sabunin ulit at ibilad ito sa init ng araw upang lubusang matanggal ang mantsa.
  • 10. 2. Tsokolate - Ibabad ang damit na may tsokolate sa mainit na tubig ng ilang minuto hanggang sa lumamig ito. Kuskusin ng sabon ang mantsa at labhan. Kung hindi matanggal ang mantsa, gamitan ng katas ng kalamansi at asin.
  • 11. 3. Tinta – Buhusan ng alkohol ang sariwang mantsa ng tinta. Banlawan sa malamig na tubig bago labhan at sabunin. Kung di pa matanggal ang mantsa, maaaring lagyan ng katas ng kalamansi at asin.
  • 12. 4. Chewing gum – Kuskusin ng yelo ang kabila ng damit na may chewing gum upang tumigas. Kaskasin ang tumitigas na chewing gum ng mga kamay o likod ng kutsilyo. Kung may naninikit pa kuskusin ang mantsa ng bulak na may gaas upang maalis ang paninikit.
  • 13. 5. Putik – Kuskusin ang putik sa damit gamit ang eskoba bago ito sabunin at labhan.
  • 14. 6. Kalawang – Lagyan ng katas ng kalamansi at asin ang damit na namantsahan, kuskusin at ibilad ito sa araw. Ulitin nang ilang beses kung kinakailangan hanggang maalis ang mantsa.
  • 15. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang mga titik ng tamang sagot. Ano ang kahalagahan ng pagtanggal ng mantsa sa damit? A. Upang madaling masira ang mga damit at kaaya–aya itong tingnan. B. Maging malinis ang kasuotan.
  • 16. C. Ipagmalaki mo na ang iyong mga damit ay malinis at magandang tingnan. D. Upang tumagal ang buhay ng mga damit. E. Pabaya sa mga kasuotan. F. Maging pamantayan o pamarisan sa iba kung ikaw ay mayroong malinis na damit.
  • 17. Ano ang iyong gagawin kung ang damit mo ay nalagyan ng mantsa gaya ng dugo? Bakit mahalaga ang pagtanggal ng mantsa sa damit?
  • 18. Panuto: Kilalanin ang tamang paraan ng pag- aalis ng mantsa sa damit. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Para sa mantsang may dugo, ano ang unang hakbang na dapat gawin? A. Sabunin ng sabon panligo B. Ibabad sa mainit na tubig C. Banlawan ng mabuti
  • 19. 2. Ano ang gagawin sa damit na may mantsang tsokolate? A. Ibilad sa init ng araw B. Ibabad sa mainit na tubig, kuskusin ng sabon, at labhan C. Gamitan ng katas ng kalamansi at asin
  • 20. 3. Paano aalisin ang mantsa ng tinta sa damit? A. Ibabad sa mainit na tubig at kuskusin ng sabon B. Buhusan ng alkohol, banlawan, at sabunin C. Kuskusin ng yelo at kaskasin ng kutsilyo
  • 21. 4. Ano ang tamang paraan para alisin ang chewing gum sa damit? A. Ibabad sa mainit na tubig B. Kuskusin ng yelo at kaskasin ng kutsilyo C. Sabunin agad ng sabon panligo
  • 22. 5. Paano aalisin ang mantsa ng kalawang sa damit? A. Lagyan ng katas ng kalamansi at asin, kuskusin, at ibilad sa araw B. Ibabad sa mainit na tubig C. Kuskusin ng yelo at kaskasin ng kutsilyo
  • 23. EPP 5 QUARTER 3 WEEK 3 D A Y 2 Wastong Paraan ng Pag-alis ng Mantsa
  • 24. Balik-aral: Ano anong uri ng mantsa ang napag-aralan natin kahapon? Paano ito aalisin?
  • 25. Suriin ang larawan sa ibaba; Ano ang masasabi mo sa larawan?
  • 26. Isang paraan upang madaling matanggal ang mantsa ay ang paggamit ng sabon upang mapanatili ang kalinisan ng damit.
  • 27. Ang ating mga kasuotan ay mahalagang mapanatili ang kalinisan at higit sa lahat walang bahid ng anumang mantsa upang ito ay kaaya- ayang tingnan at maginhawa sa pakiramdam.
  • 28. Para sa mga karagdagang impormasyon at lalong mas mapalawak ang iyong kaalaman ukol sa tamang paglalaba at pagtanggal ng mga mantsa sa damit, kilalanin pa natin ang iba pang mga uri ng mantsa at wastong paraan ng pag-alis ng mga mantsa.
  • 29. Iba pang mga Uri ng Mantsa at Wastong Paraan ng Pag – alis ng mga Mantsa 1. Mantika o langis – Labhan ang damit na may mantika o langis sa maligamgam na tubig na may sabon. Wisikan ito ng pulbos ang bahaging may mantsa ng mantika o langis. Ipagpag ito. Ulitin ng ilang beses kung kinakailangan. Ipitan ang mantsa sa pagitan ng blotting paper at diinan ng plantsa.
  • 30. 2. Kandila – Kaskasin ng likod ng kutsilyo o barya ang bahagi ng damit na may kandila. Takpan ng mamasa- masang pirasong papel at plantsahin ang bahaging may mantsa nang ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang natunaw na kandila.
  • 31. 3. Tagulamin o Amag – Kuskusin ng eskoba ang damit sa bahaging may tagulamin o amag. Labhan ito sa mainit na tubig at ikula at lagyan ng katas ng kalamansi at banlawan. Sabunin uli at labhan. O di kaya ay ibilad sa araw ang mantsang nilagyan ng katas ng kalamansi at asin. Ulitin ito nang ilang beses hanggang matanggal lahat ng mantsa.
  • 32. 4. Katas ng prutas, kape, tsaa – Ibabad ang damit na namantsahan sa mangkok na may malamig na tubig. Banatin ang bahaging may mantsa sa ibabaw ng mangkok. Buhusan ito ng kumukulong tubig.
  • 33. 5. Ihi – Sabunin sa tubig na may suka ang damit na may ihi hanggang maalis ang mantsa. 6. Pintura – Basain ng gaas o thinner ang basahan at ikuskos ito sa damit na may pintura. Buhusan ng mainit na tubig. Banlawan, sabunin at labhan.
  • 34. 7.Syrup – Ibabad sa mainit na tubig ang damit na may syrup. Sabunan ito at labhan.
  • 35. Panuto: Isulat ang Korek kung ang ipinahahayag ng bawat pangungusap ay wasto at Waley kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. ________ 1. Buhusan ng alkohol ang sariwang mantsa ng mantika. Banlawan sa malamig na tubig bago labhan at sabunin. Kung di pa matanggal ang mantsa, maaaring lagyan ng katas ng kalamansi at asin.
  • 36. ________ 2. Kuskusin ng likod ng eskoba ang damit sa bahaging may tagulamin o amag. Labhan ito sa malamig na tubig. Ikula at lagyan ng katas ng kalamansi at banlawan. ________ 3. Lagyan ng katas ng kalamansi at asin ang bahagi ng damit na may pintura, kuskusin at ibilad ito sa araw. Ulitin nang ilang beses kung kinakailangan hanggang maalis ang mantsa.
  • 37. ________ 4. Sabunin sa tubig na may suka ang damit na may ihi hanggang maalis ang mantsa. ________ 5. Hiwain ng mapurol na kutsilyo ang bahagi ng damit na may kandila. Takpan ng tuyong pirasong papel at plantsahin ang bahaging may mantsa.
  • 38. Kung sakaling may mantsa ng katas ng prutas sa iyong damit sa anong paraan mo ito matatanggal? Bakit mahalaga na malaman muna ang uri ng mantsa sa damit bago ito labhan?
  • 39. Piliin sa loob ng damit ang mga karaniwang ginagamit sa pagtanggal ng mantsa. Isulat ang tamang sagot. Gawin ito sa inyong kwaderno.
  • 41. EPP 5 QUARTER 3 WEEK 3 D A Y 3 Wastong Paraan ng Pag-alis ng Mantsa
  • 42. Balik-aral : Panuto: Piliin sa loob ng damit ang mga karaniwang ginagamit sa pagtanggal ng mantsa. Isulat ang tamang sagot. Gawin ito sa inyong kwaderno.
  • 44. Tingnan ang larawan Ano ang masasabi mo sa larawan?
  • 45. Ang tamang pagkukusot ay nakakatulong upang matanggal ang mantsa o dumi ng damit at magkaroon ng malinis at kaaya-ayang tingnan kapag isusuot.
  • 46. Ang pagsusuot ng malinis na damit ay nakatutulong para maging maaliwalas ang ating pakiramdam. Mahalagang mapangalagaan nang mabuti ang mga kasuotan upang mapanatili ang kaayusan nito.
  • 47. Narito ang ilan sa mga tuntunin sa tamang pamamaraan ng pagtanggal ng mantsa sa mga damit upang masigurado ang kalinisan nito.
  • 48. 1. Kilalanin muna ang uri ng tela ng damit bago ito tanggalan ng mantsa. 2. Bago simulan ang pagtanggal ng mantsa, siguraduhin muna na nakahanda ang lahat ng mga kagamitan upang masigurado na magiging maayos ang lahat.
  • 49. 3. Ilagay muna ng dahan-dahan ang pang-alis ng mantsa at gawin ito sa nakatagong bahagi upang malaman kung ito ay may masamang epekto sa damit o wala. 4. Gumamit ng malinis na puting tela, sponge o medicine dropper sa paglalagay ng pang-alis ng mantsa at gawin ito ng mabilisan.
  • 50. 5. Agad na banlawan ang bahaging tinanggalan ng mantsa upang hindi ito maka apekto sa iba pang bahagi ng damit at agad na patuyuin.
  • 51. Gayahin ang guhin at isulat ang mga uri ng mantsa na maaring kumapit sa damit sa ibaba. Sumulat ng sampung uri ng mantsa. Gawin sa inyong mga kwaderno.
  • 53. Ano anong mga kagamitan ang maari mong gamitin sa pag- alis ng mantsa?
  • 54. Bakit kailangang kilalanin muna ang uri ng tela na may mantsa bago ito gamitan ng pantanggal ng mantsa?
  • 55. Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isult ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad sa wastong paraan ng pag-alis ng mantsa at Mali naman kung hindi. ___________1. Ang unang tuntunin sa tamang pamamaraan ng pagtanggal ng mantsa ay kilalanin muna ang uri ng tela ng damit bago ito tanggalan ng mantsa.
  • 56. ____________2. Ang pagsisimula ng pagtanggal ng mantsa ay dapat isagawa nang handa na ang lahat ng kagamitan para sa maayos na proseso. ____________3. Ang pang-alis ng mantsa ay dapat ilagay ng mabagal at maingat sa nakatagong bahagi ng damit upang makita kung may masamang epekto ito.
  • 57. ___________4. Sa paglalagay ng pang-alis ng mantsa, mas maganda ang gamitin na malinis na puting tela, sponge, o medicine dropper at ito ay dapat gawin ng mabilisan. ___________5. Pagkatapos tanggalin ang mantsa, ang dapat gawin agad ay huwag nang banlawan ang bahaging tinanggalan ng mantsa at patuyuin ito para hindi maka-apekto sa ibang bahagi ng damit.
  • 58. EPP 5 QUARTER 3 WEEK 3 D A Y 4 Wastong Paraan ng Pag-alis ng Mantsa
  • 59. Balik-aral: Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isult ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad sa wastong paraan ng pag-alis ng mantsa at Mali naman kung hindi. ___________1. Ang unang tuntunin sa tamang pamamaraan ng pagtanggal ng mantsa ay kilalanin muna ang uri ng tela ng damit bago ito tanggalan ng mantsa.
  • 60. ____________2. Ang pagsisimula ng pagtanggal ng mantsa ay dapat isagawa nang handa na ang lahat ng kagamitan para sa maayos na proseso. ____________3. Ang pang-alis ng mantsa ay dapat ilagay ng mabagal at maingat sa nakatagong bahagi ng damit upang makita kung may masamang epekto ito.
  • 61. ___________4. Sa paglalagay ng pang-alis ng mantsa, mas maganda ang gamitin na malinis na puting tela, sponge, o medicine dropper at ito ay dapat gawin ng mabilisan. ___________5. Pagkatapos tanggalin ang mantsa, ang dapat gawin agad ay huwag nang banlawan ang bahaging tinanggalan ng mantsa at patuyuin ito para hindi maka-apekto sa ibang bahagi ng damit.
  • 62. Bakit mahalaga na alamin kung anong uri ng mantsa ang damit?
  • 63. Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang mga uri ng mantsa at wastong paraan kung paano ito maaalis.
  • 64. Ang damit na may mantsa ay hindi magandang tignan kaya naman kinakailangan nap ag- aralan natin ang mga paraan kung paano natin matatanggal ang mga ito.
  • 65. Ano ang tawag sa proseso ng pag-alis ng mantsa sa damit? Sagot : Paglalaba
  • 66. Ang paglalaba ay nakakatulong na maging kaaya-ayang tingnan ang ating kasuotan sa tuwing ito ay ating isusuot.
  • 67. Panuto: Sagutin ang bawat bilang at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kawaderno.
  • 68. 1. Ang mantsang ito ay tinatanggal sa pamamagitan ng paglalagay ng katas ng kalamansi at asin sa damit na namantsahan.
  • 69. 2. Ang mantsang ito ay maaaring tanggalin sa pamamagitan ng pagkuskos ng yelo sa kabila ng damit na may mantsa upang tumigas. Kaskasin lamang ang tumigas na mantsa gamit ang kamay o likod ng kutsilyo.
  • 70. 3. Madaling tanggalin ang mantsang ito sa pamamagitan lamang ng pagbabad ng damit sa mainit na tubig ng ilang minuto hanggang sa lumamig ito. Kuskusin ng sabon ang mantsa at labhan.
  • 71. 4. Ang mantsang ito ay tinatanggal sa pamamagitan ng paglalagay ng gaas o thinner gamit ang basahan at ikuskos ito sa damit na may mantsa. Buhusan ng mainit na tubig, banlawan, sabunin at labhan ito.
  • 72. 5. Ang mantsang ito ay tinatanggal sa pamamagitan ng pagkaskas ng barya o likod ng kutsilyo sa bahagi ng damit na may mantsa at takpan ng mamasa-masang pirasong papel at plantsahin ang bahaging may mantsa nang ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang natunaw na mantsa.
  • 73. Ano ang un among gagawin bago mo tanggalin ang mantsa ng damit?
  • 74. Bakit mahalaga na malaman muna ang uri ng mantsa sa damit bago ito labhan?
  • 76. EPP QUARTER 3 WEEK 3 D A Y 5 Catch-Up Friday