SlideShare a Scribd company logo
DRAFT
April 10, 2014
1
3
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kagamitan ng Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
PAG-AARI NG PAMAHALAAN
HINDI IPINAGBIBILI
INILAAN PARA SA
Distrito/ Paaralan:
_____________________________________
Dibisyon:
______________________________________________
Unang Taon ng Paggamit:
_______________________________
Pinagkunan ng Pondo (pati
taon):________________________
DRAFT
April 10, 2014
2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: ___________
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng
Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Dina S. Ocampo
Kawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Consultants/Reviewers: Dr. Fe A. Hidalgo, Dr. Erico M. Habijan, Ms. Irene
C. De Robles
Content & Language Reviewers: Prof. Elanor O. Bayten, Dr. Corazon L.
Santos
Writers/Authors: Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang,
Rodel A. Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D.
Sajise,Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A.
Canlas, Leah D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Irene de
Robles, Dr. Erico M. Habijan,
Illustrator: Randy G. Mendoza
Encoder: Gabriel Paolo C. Ramos
Proofreader: Joselita B. Gulapa
Focal Person: Marilou D. Pandiño
DRAFT
April 10, 2014
3
Paunang Salita
Para sa katulad mong mag-aaral ang inihandang
Kagamitan ng Mag-aaral na ito na magagamit mo sa pag-
aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao sa Ikatlong Baitang.
Layunin ng kagamitang ito na mapatnubayan ka sa
paglinang ng iyong kakayahan gamit ang mga batayan at
kaugnay na pagpapahalaga na magpapaunlad sa iyong
pagkatao. Inaasahan na ang mga araling isinaayos at
iniayon sa apat na kwarter ng iyong pag-aaral ay iyong
kawiwilihan at tiyak na pinili ng mga manunulat ang iba’t
ibang gawain at pagsasanay na maging orihinal mula sa
karanasan sa tulong ng mga tula, awit, sanaysay, kwento, at
sitwasyong susuriin ayon sa iyong gulang , interes, at
pangangailangan sa kasalukuyang panahon.
Hinati sa apat na yunit ang kabuuan ng Kagamitan ng
Mag-aaral na magiging kaibigan mo araw-araw.
Yunit 1- Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
Yunit 2- Mahal Ko Kapwa Ko
Yunit 3- Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo
Yunit 4- Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
Katulad sa una at ikalawang baitang ginamit at
nasundan mo ang mga hakbang at proseso sa paggamit
ng Kagamitan ng Mag-aaral at paglinang ng
pagpapahalaga. Nakahanda ang iyong guro na gabayan
ka sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ng
mungkahing gawain na maaring pang- indibidwal o
pangkatan. Ginamit upang maging makahulugan ang
sumusunod na hakbang o gawain sa pagkatuto: Alamin
Natin, Isagawa Natin, Isapuso natin, Isabuhay Natin at
Subukin Natin.
DRAFT
April 10, 2014
4
Inaasahang sa pagtatapos mo ng ikatlong baitang ,
maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga gawaing
nagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos na
pamumuhay na may mapananagutang pagkilos at
pagpapasya para sa sarili, kapwa, bansa, at sa Diyos.
DRAFT
April 10, 2014
5
Talaan ng Nilalaman
Yunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin . . . .
Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 4 Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! . . . . . . . . .
Aralin 5 Malusog na Katawan, Damdamin, at Kaisipan:
Pangalagaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 6 Sama-sama…Kaligtasan, Panghawakan! . . .
Aralin 7 Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa . . . . . . .
Aralin 8 Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya .
Aralin 9 Ako , Ang Simula!. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Yunit II Mahal Ko, Kapwa Ko
Aralin 1 Mga May Karamdaman: Tulungan
at Alagaan! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 2 Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! . .
Aralin 3 Mga May Kapansanan: Mahalin
at Igalang! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 4 Kakayahan Mo, Pangangalagaan Ko! . . . . . .
Aralin 5 Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! . . . . . . .
Aralin 6 Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 7 Magkaiba Man Tayo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 8 Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa! . .
Aralin 9 Halina! Tayo’y Magkaisa . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Yunit III Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo
Aralin 1 Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin . . .
Aralin 2 Kalugod-lugod ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . .
Aralin 3 Sumunod Tayo sa Tuntunin . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 4 Ugaling Pilipino ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . .
Aralin 5 Kalinisan, Nagsisimula sa Tahanan . . . . . . . . . .
Aralin 6 Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating
Pamayanan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 7 Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran . . . . . . .
Aralin 8 Kaya Nating Sumunod! . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 9 Laging Handa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
DRAFT
April 10, 2014
6
Yunit IV Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
Aralin 1 Pananalig sa Diyos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 2 Paniniwala Mo, Iginagalang Ko . . . . . . . . . . . . .
Aralin 3 Pag-asa: Susi para sa Minimithing Pangarap. .
Aralin 4 Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Ko
sa Kapwa Ko . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 5 Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin. .
Aralin 6 Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 7 Manindigan Tayo Para sa Kabutihan . . . . . . . .
Aralin 8 Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko Sa Aking
Kapwa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 9 Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko
DRAFT
April 10, 2014
7
Yunit I
Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
DRAFT
April 10, 2014
8
Aralin 1
Kaya Ko, Sasali Ako!
Ang bawat tao ay may natatanging kakayahan.
Bilang batang mag-aaral, unti-unti mong natututuhan at
nalalaman ang mga kakayahang ito. Mahalaga na ito ay
iyong mapaunlad. Alamin kung papaano mo ito gagawin.
Gawain 1
Pagmasdan ang mga batang nakaguhit sa bawat
kahon.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
9
Nais kong tularan ang batang_____________________
_________________________________________________sapagkat
______________________________________________.
Gawain 2
Ngayon naman ay tingnan mo ang mga batang nasa
larawan. Ipinakikita rito ang kanilang mga natatanging
kakayahan.
DRAFT
April 10, 2014
10
Bigyang-pansin ang kahong walang nakaguhit na
bata kundi ang isang tandang pananong (?). Ito ay para sa
kakayahan mong hindi mo nakita sa mga kahon. Suriin mo
ang iyong sarili. Isipin mo ang iyong natatanging
kakayahan. Isulat o iguhit ito sa iyong kuwaderno. Lagyan ito
ng pamagat na “Ito Naman ang Aking Natatanging
Kakayahan!” o kung anong pamagat ang gusto mo.
?
Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!
DRAFT
April 10, 2014
11
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa mga
kakayahang iyong inilista o iginuhit:
1. Sa mga itinala mong kakayahan, alin sa mga ito ang
palagi mong ginagawa?
2. Masaya ka ba kapag naipapakita mo ang
kakayahang ito sa ibang tao? Bakit?
3. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo
kinakabahan ka pa sa pagpapakita ng iyong
kakayahan?
Gawain 1
“Ano-ano ang mga kaya kong gawin kahit na ako ay
nag-iisa?”
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga kaya kong gawin:
1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________
4. ________________________________________________
5. ________________________________________________
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
12
Gawain 2
Magplano kayo!
Alam na ninyo ang inyong mga kakayahan. Kaya na
ninyo ang magplano ng isang pagtatanghal o palabas
para maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan.
 Lahat ng mahuhusay sa pagguhit ay magsama-
sama upang mag-isip at gumawa ng mga likhang-
sining na maaaring maipaskil sa isang bahagi ng
dingding o pader ng silid-aralan.
 Ang mahuhusay umawit, sumayaw, tumula, at
umarte ay magsama-sama upang magplano
naman ng isang natatanging palabas o
pagtatanghal.
 Magsama-sama naman sa isang grupo kung ang
inyong mga kakayahan ay hindi nabanggit sa
dalawang naunang pangkat. Umisip ng isang
gawaing makapagpapakita ng natatanging
kakayahan para sa isang palabas o pagtatanghal.
Gawain 3
Ang Araw ng Pagtatanghal
Ipakita ninyo ang inyong napagkasunduang palabas o
pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na
tanong.
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga iginuhit ng
inyong kamag-aral? Bigyan sila ng kaukulang
pagsusuri.
DRAFT
April 10, 2014
13
2. Pansinin naman natin ang mga kumanta, tumula,
sumayaw, at nagdula-dulaan. Naipakita ba ng
inyong mga kamag-aral ang kanilang lakas ng loob
sa pagtatanghal? Patunayan.
3. Ano naman ang ipinakita ng ikatlong grupo? Suriin
naman ang kanilang pagpapakitang gilas.
4. Bakit kayo may lakas ng loob na ipakita ang inyong
mga natatanging kakayahan?
Punan ang kard sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na
papel.
Ako si ___________________________________.
Ako ay nasa____________________________________
(baitang)
ng _____________________________________________.
(paaralan)
Kaya kong____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing
may __________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Isapuso Natin
larawan
DRAFT
April 10, 2014
14
Tandaan Natin
Lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan. Ilan
sa mga ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte,
pagsasayaw, pagtula, pagsulat, pagguhit, isport, at iba
pa.
Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya
mula sa Diyos. Ito ay dapat nating gamitin at linangin
sapagkat nakapagbibigay ito sa atin ng sariling
pagkakakilanlan. Maraming sikat na tao ang nakilala
dahil sa kanilang kakayahan. Ilan sa mga halimbawa
ay sina Liza Macuja bilang sikat na mananayaw, Leah
Salonga bilang sikat na mang-aawit, Julian Felipe bilang
sikat na kompositor, si Manny Pacquio bilang sikat na
boksingero, at si Presidente Corazon Aquino bilang sikat
sa kaniyang demokratikong pamumuno.
Mahalagang malaman mo ang iyong mga
kakayahan bilang isang bata. Ang mga ito ay dapat na
patuloy na nililinang o pinauunlad para higit na
magkaroon ng tiwala sa sarili. Kailangan natin itong
gamitin hindi lamang para sa ating sariling kapakanan
kundi para din sa kapakanan at ikasisiya ng ibang tao.
Palagi mong tandaan na ang anumang
kakayahan na meron ka ay dapat ipinapakita upang ito
ay higit na malinang.
DRAFT
April 10, 2014
15
Pag-isipan mo ang tanong na ito.
“Paano ko mapauunlad at magagamit ang aking
angking kakayahan?”
Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na
ito o gumuhit ng isang katumbas ng talata.
A. Lagyan ng tsek () ang bilang ng mga kakayahang na
kaya mo nang gawin at ekis (X) kung hindi mo pa ito
kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang
sagot sa iyong papel.
1. Maglaro ng chess
2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit
3. Tumula sa palatuntunan
4. Sumali sa field demonstration
5. Sumali sa panayam/interview
6. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo
7. Umawit sa koro ng simbahan
8. Makilahok sa paggawa ng poster
9. Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan
10. Makilahok sa isang scrabble competition
11. Makilahok sa isang takbuhan
12. Maglaro ng sipa
13. Maglaro ng tumbang preso
14. Paglalahad sa paggawa ng myural
Subukin Natin
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
16
15. Umarte sa isang pang-entabladong
pagtatanghal
Kung wala ang iyong kakayahan sa mga nakasulat sa
itaas, isulat mo ito sa iyong kuwaderno.
Naipakita mo ang natatangi mong kakayahan.
Binabati kita. Isiping muli ang mga nagawa mo ukol sa
kakayahang itinala at naipakita. Isaalang-alang ang
kayang-kaya mong magawa nang nag-iisa. Patuloy mo
itong paunlarin. Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang
may tiwala sa sarili.
Sapagkat natapos mo nang may tiwala sa sarili ang
araling ito, maaari ka nang tumuloy sa susunod na leksyon.
DRAFT
April 10, 2014
17
Aralin 2
Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin
Mayroong mga gawaing iniaatang sa bawat kasapi
ng tahanan maging sa batang tulad mo. Kabilang dito ang
mga aksyong dapat isagawa sa loob ng iyong paaralan.
Ang pagkukusa ay isang napakahalagang pag-uugali
na dapat mong isakatuparan.
1. Isipin mo ang mga gawain na isinasakatuparan sa
inyong tahanan.
2. Gagabayan ka sa pagbuo ng isang Talahanayan
tungkol sa mga gawaing nakaatang sa iyo.
3. Sa ipapaskil ng guro na isang talahanayan, kukuha ka
ng hugis sa kahon at iyong ididikit sa tapat ng
tungkuling iniatang sa iyo sa tahanan.
Mga Gawain Mga Ilalagay na Hugis
Naghuhugas ng pinggan
Nagpapakain ng alagang
hayop
Nagpupunas ng mga
kasangkapan
Nagliligpit ng hinigaan
Nagtatapon ng basura
Nagsasauli ng gamit sa angkop
na lalagyan
Sagutin ang tanong:
Ano ang nais ipakahulugan ng Talahanayan?
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
18
Gawain 1
Basahin ang tula.
Kusa Kong Gagawin
Sa aming tahanan may mga tungkulin
Na dapat gampanan kasaping butihin
Magaa’t mabigat kusa kong gagawin
Tiwala at husay ay pananatilihin.
Paglilinis ng bahay pati ng bakuran
Paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman,
Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan
Kusang-loob na gagawin na may kasiyahan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula?
2. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin
ang tula?
3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano-
ano pang mga gawain ang maaaring ibigay sa iyo?
4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan ang
mga gawaing ibinigay sa iyo?
5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag
ginagawa mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo.
Gawain 2
Pangkatang Gawain – Paggawa ng Poster
Ngayon ay ipakikita natin ang mga gawain natin sa
paaralan sa pamamagitan ng poster.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
19
Ito ang mga panuntunan na dapat tandaan sa
paggawa.
1. Gumawa nang maayos at tahimik. Iwasan ang
pag-iingay.
2. Iwasan ang paglipat-lipat sa ibang pangkat.
3. Iwasan ang pag-aaksaya ng gamit.
4. Panatilihing malinis ang gawain.
5. Kapag tapos na ang gawain, iligpit ang mga
kagamitan at linisin ang lugar.
Aming Gawain sa Paaralan
Mga kailangang kagamitan:
Manila paper/cartolina gunting pambura
lumang magasin pangkulay
Pamamaraan:
1. Pag-usapan ang mga tungkuling isasaad sa
poster at kung paano ito isasagawa.
2. Paghanap ng larawan sa lumang magasin na
nagsasaad ng gawain sa paaralan.
3. Pagdikit ng ginupit o iginuhit na larawan
4. Pagpaskil ng natapos na poster.
Suriin ang mga poster na ipinaskil.
1. Isa-isahin ang mga tungkuling makikita sa poster.
2. Ano ang isinasaad ng mga poster?
3. Ano ang iyong mga nararamdaman habang
ginagawa ang mga ibinigay sa inyong gawain mula sa
inyong pamilya? Sa inyong paaralan? Ipaliwanag.
4. Dapat bang magkaroon ng tungkulin ang tulad
ninyong mga bata sa inyong sarili? tahanan? sa
paaralan? Pangatwiranan.
DRAFT
April 10, 2014
20
Ang Aking Pangako
Ako, si _______________ ay nangangakong
______________________________________________
______________________________________________
________________________________________.
____________
Lagda
Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing
ibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang pagganap sa
tungkulin.
Tandaan Natin
Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan,
simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang
biro sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang
responsibilidad at pananagutan.
Bilang isang kasapi, may mga gawaing
naiaatang sa iyo na dapat gawin at pahalagahan.
Dapat mong isapuso ang mga gawaing ibinigay sa
iyo tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan,
pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa.
Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay
na kapalit.
Ang mga naiatang na gawain sa iyo bilang
kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
21
ay nagpapakita ng malaking tiwala sa iyong
kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki
kanino man.
Gawain 1
Magpakita ng dula-dulaan ayon sa hinihingi sa bawat
pangkat.
Pangkat 1- Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
gawain sa tahanan: paglilinis, paghuhugas
ng pinggan, pagliligpit ng pinagbihisan,
pag-iigib, pagbili ng kakailanganin sa
pagluluto ng Nanay o Tatay, at iba pa na
inyong maiisip.
Pangkat 2 - Pagpapakita ng pagpapahalaga ng mga
gawain sa paaralan: pagtatama ng papel,
paglilista ng maingay sa klase, paglilinis sa
silid-paaralan, pagbubura ng sulat sa
pisara, pagtitinda sa kantina sa oras ng
rises, at iba pang maiisip ninyong gawin.
Pagkatapos ng palabas sagutin ang mga tanong:
 Ano ang ipinahihiwatig ng bawat dula-dulaan?
 Aling pangkat ang mas nagustuhan ninyo? Bakit?
Gumawa ng isang talaarawan sa iyong kuwaderno
tulad ng nasa ibaba. Hayaan ang isang kamag-aral na
Isabuhay Natin
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
22
nakakita ng iyong kilos na may pagkukusa ang siyang
magtala ng iyong ginawa. Punan ang talaarawan para sa
isang linggo at ipasa.
DRAFT
April 10, 2014
23
Aralin 3
Hawak Ko: Tatag ng Loob
“Sa isang batang katulad mo, katatagan ng loob ay
dapat na tangan mo!”
Bilang bata, ano-anong mga damdamin at
palatandaan ang makapagpapakita ng katatagan ng
iyong loob? Pag-aralan ang mga gawain sa araling ito
upang mas maging matatag ang iyong kalooban.
Pag-aralan mo ang sumusunod na larawan. Pumili ng
isa na maaari mong tularan. Ano kayang damdamin ang
maaaring nararamdam ng mga batang tulad mo sa
sandaling ito ay iyong ginagawa sa harapan ng maraming
tao?
Alamin Natin
A B
DRAFT
April 10, 2014
24
Isulat sa metacard ang iyong sagot. Pagkatapos,
ipaskil ito sa tapat ng pinalaking larawan na idinikit naman
sa pisara ng inyong guro. Ihanda ang sarili para ipaliwanag
kung bakit ito ang mga napili mong kasagutan.
Gawain 1
Suriin at sagutin mo ang sumusunod na sitwasyon gamit
ang mga pananda. Gawin ito sa inyong papel.
P- Palaging ginagawa
M- Madalas ginagawa
B- Bihirang ginagawa
H- Hindi ginagawa
1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti.
2. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit
na kung minsan ako ay natatalo.
3. Umiiwas ako sa pakikipag-away.
4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko
ng loob.
5. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapagagalitan.
Isagawa Natin
C D
DRAFT
April 10, 2014
25
6. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong
kasalanan.
7. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di-
mabuting udyok ng iba.
8. Tinatanggap ko ang mga puna ng aking mga kaibigan
nang maluwag sa aking puso.
9. Tinatanggap ko kung pinagagalitan ako ng mga
nakatatanda.
10. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para
mapaunlad ang aking kakayahan.
Markahan mo ang iyong sarili. Gamitin ang katumbas na
marka at pagsama-samahin ang mga ito.
P-5; M-3; B-2; H-0
Ibigay sa guro ang iyong papel, upang ito ay
mabigyan ng kahulugan.
Ang natapos na gawain ay isa lamang pagtuklas sa
iyong taglay na katatagan ng loob. Maaari ka nang
tumuloy sa susunod na gawain.
Gawain 2
Pangkatang Gawain
Pumili ng lider at tagasulat sa inyong pangkat.
Pag-aralan ninyo ang komik- istrip at talakayin ang
mga pangyayari. Pagkatapos sagutin ninyo ang sumusunod
na katanungan. Pumili ng isang miyembro na maglalahad
ng mga kasagutan ng inyong pangkat.
DRAFT
April 10, 2014
26
Isang tagpo sa paaralan ang nagaganap hinggil sa
pag-uusap nina Tom at Juan tungkol sa kanilang kamag-
aral na si Allan. Suriin ang kanilang palitan ng mga salita.
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa komik-istrip
na inyong binasa.
1.Ano ang paksa ng pag-uusap nina Tom at Juan?
2.Bakit nila pinag-uusapan si Allan?
3.Tama ba ang ginawa ni Allan sa kanila? Bakit?
4.Ano kaya ang pakiramdam nina Tom at Juan ukol sa
sitwasyon?
5.Sino sa kanila ang may matatag na kalooban? Bakit?
6.Kung kayo ang nasa kalagayan nina Tom at Juan, ano
ang inyong gagawin? Bakit?
7.Masasabi mo bang ang pagtitimpi ay palatandaan ng
katatagan ng loob?
DRAFT
April 10, 2014
27
Ano ang mga natutuhan natin sa komik-istrip? Sino-sino
sa mga bata ang may matatag na kalooban?
Gawain 1
Pag-usapan sa inyong grupo ang sagot sa mga
tanong. Isipin ninyo ang mga damdaming may kaugnayan
sa pagiging matatag ang loob. Isulat ito sa loob ng bilog.
Gawin ito sa inyong kuwaderno. Pumili ng mag-uulat sa
inyong grupo para ibahagi sa klase.
Gawain 2
Ngayon, gagawa kang mag-isa ng isang graphic
organizer sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang
kalagayan sa ibaba.
Kalagayan
Magkakaroon ng paligsahan sa pagbigkas
Isapuso Natin
Katatagan
ng
Loob
DRAFT
April 10, 2014
28
ng tula. Napili kang kinatawan ng iyong paaralan.
Ano-ano ang mga aksyon para maipakita mo na
matatag ang iyong kalooban?
Ilagay ang mga kasagutan sa graphic organizer sa
inyong kuwaderno.
***Maaari mong dagdagan ang kahon.
Tandaan Natin
May mga palatandaang nagpapakita ng pagiging
matatag ang loob. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng
lakas at tapang ng loob na harapin ang isang mabigat na
problema, tibay ng loob kapag naatasan na ipakita ang
anumang kakayahan, pag-iisip o pagninilay bago
gumawa ng aksyon, at pagkakaroon ng kontrol o
pagtitimpi sa kapwa.
Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng
pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong
kalooban upang patuloy kang makagawa ng mga
makabuluhang aksyon. Palaging isaisip na ang katatagan
ng loob ay isang uri ng pagpapahalaga na
kinakailangang isabuhay ng bawat tao. Isa sa mga tatak
nito ang pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon na
kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin. Maaari
Mga Damdamin na Nagpapamalas ng Katatagan ng Loob
DRAFT
April 10, 2014
29
namang humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.
Sa iyong palagay, taglay mo ba ang katatagan ng
kalooban?
Basahin ang kalagayan at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Kalagayan: Habang naglilinis sa silid-aralan ay
nasagi ni Rio ang paso ng halaman at
ito ay nabasag. Hinintay niya ang
kanilang guro at sinabi niya ang
nangyari.
1. Ano-ano kaya ang kanyang mga naramdaman bago
at pagkatapos niyang magsabi sa guro ng totoong
pangyayari?
2. Paano naipakita ni Rio na matatag ang kaniyang
kalooban?
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
30
Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Ano-ano ang mga damdaming ipinamamalas ng
isang batang may matatag na kalooban? Isulat sa loob ng
lobo sa sagutang papel ang iyong sagot.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
31
Aralin 4
Matatag Ako, Kaya Kong Gawin!
Ang katatagan ng loob ng isang batang tulad mo ay
maaaring ipakita sa iba’t ibang pagkakataon. Ngunit
paano mo naman tinatanggap ang puna ng ibang tao sa
mga pagkakamali mo o hindi magandang kilos, gawa, at
gawi? Sasama ba ang loob mo o itatama mo ang mga ito?
Gawain 1
Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa
sumusunod ang nangangailangan ng iyong katatagan.
Isulat sa papel ang iyong kasagutan.
1. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral.
2. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit.
3. Magwawalis ka ng bakuran.
4. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro.
5. Mag-aalaga ka ng halaman.
6. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba.
7. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan.
8. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang
katabi.
9. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa
paglahok sa isang patimpalak sa labas ng paaralan.
10. Makikipaglaro ka sa iyong mga kababata.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
32
Gawain 1
Basahin ang diyalogo.
Nagbago Dahil sa Tamang Puna
Oras ng rises, pinalabas na ng kanilang guro ang
mga mag-aaral sa ikatlong baitang pangkat Rosas.
Nakapila ang klase subalit si James at Robert ay hindi
pumila. Nag-uunahan silang tumakbo sa labas.
James: Dalian mo Robert! Mauunahan tayo ng iba
sa pilahan sa kantina!
Robert: Sige, sabay tayo! Baka tayo maubusan.
(At nag-uunahan silang tumakbo sa kantina.)
Robert: Ano ba ang bibilhin mo?
James: Ang gusto ko ay pansit at sago. Ikaw?
Robert: Banana cue at juice.
(Hindi nila napansin si Gng. Gonzales kaya nabunggo
nila ito. Agad silang pinigil ni Gng. Gonzales.)
Gng.
Gonzales:
Mga bata, tigil muna kayo. Hindi ba ninyo
nabasa ang nakasulat na paalaala na
nakapaskil sa pader?
Bawal tumakbo sa pasilyo ng mga gusali.
Baka kayo madulas at maaksidente.
Dapat ninyo itong sundin para maiwasan
ang anumang aksidente at makasakit ng
ibang tao.
James at
Robert:
(Hiyang-
hiya)
Sori po, Ma’am. Nagmamadali lang po
kami. Hinding-hindi na po kami uulit.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
33
Simula noon ay lagi nang pumipila ang dalawa
kapag lumalabas ng silid-aralan kasama ng kanilang
kamag-aral. At lahat ng tuntunin sa paaralan ay kanila
nang sinusunod.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang pumuna sa maling gawi nina Robert at
James?
2. Anong mga katangian ang ipinakita ng dalawang
bata na magpapatunay na matatag ang kanilang
kalooban lalo na nang kausapin sila ng guro?
3. Patunayan na ang puna na ibinigay ng guro sa
dalawang bata ay naging epektibo.
4. Bakit mahalaga ang pagtatama sa mga mali mong
asal at gawi?
5. Kung ikaw ang isa sa mga mag -aaral, ano ang
iyong mararamdaman kapag itinatama ka ng iyong
guro? Ipaliwanag.
DRAFT
April 10, 2014
34
Gawain 2
Bumuo ng pangkat na may anim hanggang walong
kasapi. Pumili kayo ng lider. Pag-aralan at talakayin ang
kalagayan.
May proyekto tungkol sa paggawa ng accessory gaya
ng kuwintas o pulseras ang mga bata. Gagamitin sa
proyekto ang mga kagamitang makikita sa kanilang
pamayanan. Kabilang dito ang kabibe, mga buto ng
prutas, o gulay. Nakasubaybay sa kanila si Gng. Magbuhat.
Nagbibigay siya ng puna at mga mungkahi. Sinunod ng
mga bata ang mga sinabi ng kanilang guro. Kahit na ito ay
mahirap gawin, hindi sila nagpakita ng sama ng loob o
pagtatampo sa kanilang guro, dahil alam nila na ito ay
tama. Alam din nila na ito ay para sa ikagaganda ng
kanilang proyekto. Pagkaalis ng guro, patuloy nilang sinunod
ang habilin. Natapos ang proyekto at nakakuha sila ng
mataas na marka.
DRAFT
April 10, 2014
35
Sagutin ang mga tanong.
1. Anong proyekto ang pinagagawa ni Gng. Magbuhat?
2. Bakit pinahahalagahan ng mga bata ang mga puna
at mungkahi ng kanilang guro?
3. Sa iyong palagay, ang pagtanggap ba sa mga puna
at pagsunod sa mga mungkahi ng mga nakatatanda
tulad ng guro ay nagpapamalas ng katatagan ng
loob? Ipaliwanag.
Basahin ninyo ang kalagayan. Magkaroon ng masusing
talakayan tungkol dito at pag-usapan ang nararapat
gawin.
Naiwang nakakalat ang mga laruan, at si Ana naman
ay nanood ng palabas sa telebisyon. Dumating ang
kaniyang kuya at pinagsabihan si Ana. Ipinaliwanag ng
Isapuso Natin
Kalagayan: Dumating ang mga kamag-aral ni Ana sa
bahay. Inilabas niya ang kahon ng laruan at naglaro sila.
Matapos maglaro ay umuwi na sila.
DRAFT
April 10, 2014
36
kaniyang kuya ang kaniyang dapat gawin kung sakaling
tapos na ang kanilang paglalaro.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit pinagsabihan ni Kuya si Ana?
2. Tama bang iwanan ni Ana at ng mga kalaro niya na
nakakalat ang mga laruan? Bakit?
3. Ano ang dapat ginawa ni Ana bago nanood ng
telebisyon?
Tandaan Natin
Nasusubok ang katatagan ng ating loob sa
pamamagitan ng:
 pagtanggap sa puna ng ibang tao at
pagtatama sa mga hindi magandang kilos,
gawa, at gawi bilang tao
 pagtatama sa mga maling nagawa at
pagsasakatuparan ng mga pagbabago mula sa
mga mungkahi upang lalo pa itong mapaganda
at mapabuti.
Isa sa kasabihan ng mga nakatatanda ay ito: “ang
pinakamagandang silid sa mundong ito ay ang silid ng
pagbabago at pag-unlad.” Ang katatagan ng ating
loob ay maipakikita ng isang tao sa pamamagitan ng
payapang pagtanggap ng mga puna at puri sa ating
buhay. Ang taong marunong tumanggap ng papuri ay
dapat na marunong ding tumanggap ng puna para
makamtan ang tunay na pagbabago.
DRAFT
April 10, 2014
37
Kaya mo na bang tanggapin ang puna ng ibang tao
sa maling kilos, gawa, o gawi na iyong ipinapakita? Kumuha
ka ng iyong kapareha at pag-usapan ang sumusunod na
kalagayan. Maaaring iguhit o isulat ang inyong gagawin
kung paano tatanggapin ang iba’t ibang puna. Gawin ito
sa inyong kuwaderno.
1. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi
mong kinukuha ang kanyang lapis nang hindi ka
nagpapaalam.
2. Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi
pagkatapos ng klase.
3. Pinagsabihan ka ng ate mo na dapat magpakita ng
paggalang habang nakikipag-usap sa mga
nakatatanda.
4. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat
palaging maligo bago pumasok sa paaralan.
5. Pinaalalahanan ka ng iyong Nanay dahil palagi
mong inaaksaya ang tubig na iniigib ng iyong Kuya.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
38
Sipiin sa inyong papel. Lagyan ng tsek ( ) ang
hanay ng iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
Ginagawa mo ba ang mga
ito?
Palagi Bihira Hindi
1. Tinatanggap nang
maluwag sa loob ang puna
ng ibang tao sa iyong mga
natapos na Gawain.
2. Tinatanggap nang
maluwag sa loob ang puna
sa iyong naging gawi.
3. Nagkakaroon nang
pagbabago sa gawa at
gawi dahil sa puna.
4. Binabago ang isang gawain
kapag napagsabihang
hindi ito nakasusunod sa
pamantayan.
5. Naghahangad na higit na
mapabuti ang anumang
gawa o gawi
Magaling mong naisagawa ang katatapos na aralin.
Tingnan mo naman ang susunod na aralin upang lalo pang
mapatibay ang iyong kaalaman at pagpapahalaga.
Sapagkat mahusay mong naisakatuparan ang araling
ito, subukin mo nang alamin at sagutin ang susunod na
aralin.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
39
Aralin 5
Malusog Na Katawan, Damdamin, at Kaisipan:
Pangalagaan
Mahalaga ang kalusugan sa bawat isa sa atin.
Matatamo ito kung maisasagawa ang iba’t ibang wastong
kilos at gawi upang mapanatili ang malusog at ligtas na
pangangatawan mula sa anumang karamdaman.
May kasabihan tayo na “Ang Kalusugan ay
Kayamanan.” Naniniwala ka ba rito? Naalala mo pa ba
ang iba’t ibang paraan na iyong ginawa para mapanatili
ang iyong kalusugan?
Awitin ang likhang-awit sa himig ng “Sitsiritsit
Alibangbang.” Pagkatapos ay basahin naman ito ng pa-
rap.
“Mga batang katulad ko
Kalusuga’y ingatan nyo
Kaligtasan ng isip ko
Wastong gawi ang alay ko.
Masustansiyang pagkain
Ehersisyo’y dapat gawin
Mapagpasensiyang damdamin
Ang hinahon ay kakamtin”
Sagutin ang tanong sa inyong kuwaderno.
1. Tungkol saan ang awit?
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
40
2. Ayon sa awit, ano-anong mga wastong kilos at gawi
ang nabanggit tungkol sa pangangalaga ng
kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang
karamdaman?
3. Ipaliwanag kung bakit ang pagiging
mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay may
kinalaman din sa pagpapanatili ng ating kalusugan.
4. May mga gawi ka ba na hindi nabanggit sa
awit/rap? Talakayin ang mga ito sa klase.
Gawain 1
Bumuo ng limang pangkat sa klase. Pumili ng inyong
lider na magkukunwaring isang sikat na “host”. (Halimbawa
si Mike Enriquez at Karen Davila o iba pa). Ang mga
natitirang kasapi ng pangkat ay uupo sa harapan at
iinterbyuhin ng inyong napiling host tungkol sa inyong mga
gawi sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng
katawan mula sa karamdaman. Pagkatapos ng panayam,
ang bawat host ay mag-uulat sa klase tungkol sa buod ng
napag-usapan.
Gumawa ka ng isang pangako sa loob ng isang
malaking puso tungkol sa pangangalaga ng iyong
kalusugan at kaligtasan ng katawan. Pagkatapos mo itong
gawin, makipagpalitan ka sa iyong mga kaklase at
Isagawa Natin
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
41
papirmahin mo sila sa loob ng puso tanda ng pagiging saksi
nila sa komitment na iyong isinulat.
May kilala ka bang tao o grupo na palagiang
tumutulong sa mga may sakit? Sa iyong palagay, bakit nila
ito ginagawa?
Sumulat ka sa tao o grupong ito ng Liham Pasasalamat
hinggil sa kanilang mga ginagawang pagtulong.
Tandaan Natin
Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang
kasabihang “Ang kalusugan ay Kayamanan” ay isang
makatotohanang kaisipan na dapat paniwalaan.
Ang isang batang malusog ay madaling
Isabuhay Natin
Ako si ______ ay nangangakong
________________________________
_________________________.
DRAFT
April 10, 2014
42
makagawa ng mga proyekto o gawain na may
kahusayan. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip ay
kahanga-hanga sapagkat nasasalamin sa kaniya ang
katalinuhan. Masasabi ring malusog ang isang bata
kung naipakikita niya nang wasto ang kaniyang
emosyon o damdamin.
Ang katawan ay maaaring maging ligtas mula sa
karamdaman kung nakagagawa ng mga wastong kilos
at gawi tulad ng pagpapanatiling malinis ng katawan,
tamang bilang at oras ng pagtulog, tamang pag-
eehersisyo, pagkakaroon ng positibong pagkilala sa
sarili, pagiging masayahin, at pagkain ng tama at
masusustansiyang pagkain sa tamang oras.
Isulat mo sa loob ng bawat
lobo ang natutuhang mga gawi
sa pangangalaga ng iyong
kalusugang pisikal, mental,
emosyonal. Gawin mo ito sa
isang malinis na papel.
Binabati kita! Maaari ka nang
magpatuloy sa susunod na aralin.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
43
Aralin 6
Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan!
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga wastong
kilos at gawi upang mapangalagaan ang iyong kalusugan
at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman. Sino-
sino ang ibig mong bahaginan at hikayatin upang hawak-
kamay kayong magtulungan tungo sa maayos na
kalusugan at pangangatawan?
Gawain 1
Awitin ang liriko sa ibaba sa himig ng “Hawak-Kamay.”
Hawak-Kamay
Para sa ating kalusugan
At ‘olrayt’ na kaligtasan,
Hawak-kamay,
Halina’t sumama
Sa paglalakbay.
Sagutin sa isang papel.
1.Ano ang pagkaunawa mo sa awit?
2.Sino-sino ang ibig mong hikayatin upang matamo
ang mabuting kalusugan at kaligtasan ng
katawan?
Gawain 2
Masdan mo ang larawan sa loob ng kahon.
Ipagpalagay mo na ikaw ay nasa gitna. Isulat mo sa ibabaw
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
44
ng larawan ang pangalan ng mga taong nais mong
hikayatin para matamo ang maayos na kalusugan at
kaligtasan ng katawan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino-sino ang mga taong nais mong isama tungo sa
pagtamo ng maayos na kalusugan?
2. Bakit mo sila hinihikayat? Ano-ano ang iyong mga
dahilan?
3. Paano ka manghihikayat? Itala ang mga paraang
naiisip mo.
DRAFT
April 10, 2014
45
Narito ang isang tseklis. Ibigay mo ito at pasagutan
sa mga napili mong hikayatin upang malaman mo kung
gaano nila kadalas ginagawa ang mga gawain. Lagyan
ito ng kaukulang tsek ().
Mga Gawain Madalas Bihira Hindi
1. Kumakain nang sapat
sa tamang oras
2. Nakikilahok sa mga laro
3. Nakikilahok sa mga
sayaw
4. Kumakain ng mga
gulay at prutas
5. Umiinom ng tubig na
hindi kukulangin sa
walong baso sa bawat
araw
6. Nag-iingat sa
paglalakad at
pagtawid sa daan
7. Inililigpit ang mga
kagamitang maaring
makadisgrasya
8. Nakikisalamuha sa mga
kaibigang may
mabubuting gawi at
katangian
9. Iniiwasang magpuyat
10. Nagdarasal bilang
pasasalamat sa mga
biyayang tinatanggap
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
46
Gawin ang sumusunod:
1. Itala mo at kunin ang bahagi ng bawat sagot sa
tseklis.
2. Ano ang iyong gagawin sa mga sumagot nang
bihira at hindi? Isulat ang inyong mga mungkahi sa
inyong kuwaderno.
1. ______________________________________________
2. ______________________________________________
3. ______________________________________________
3. Pag-usapan ang mga iminungkahi at papirmahin
sila sa kuwaderno bilang patunay ng pagsang-ayon.
4. Magkaroon ng pag-uulat hinggil sa
napagkasunduang mungkahi. Iulat ito sa harapan
ng klase.
May ideya ka ba kung ano ang networking?
Halika! Magnetworking tayo!
1. Bumuo ng limang pangkat. Mula sa mga sagot na
bihira at hindi, gumawa ng isang programa sa
pamamagitan ng networking.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
47
2. Pumili ng lider sa bawat pangkat. Kausapin ang mga
kasapi upang makahikayat ng ibang miyembro
hanggang sa lumawak ang adhikain upang
mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng
bawat tao laban sa sakit o anumang karamdaman.
(Halimbawa: Oplan Walong Basong Tubig Bawat
Araw)
3. Pag-usapan ninyo kung kailan kayo magkikita- kita
upang maiulat ang listahan ng mga taong kanilang
nahikayat at kung anong estratehiya ang ginawa nila
para makahikayat ng iba.
Tandaan Natin
Ang kaalaman sa mga wastong gawi sa
pagkakamit ng wastong kalusugan at kaligtasan mula
sa anumang karamdaman ay dapat ibahagi sa iba.
Isa sa mga magagawa ng mga batang katulad
mo ay ang sumali sa mga gawaing pambarangay o
pampamayanan. Gawin mong advocacy ang
pagpapanatili ng kalinisan sa inyong kapaligiran
upang maging ligtas ang tao sa anumang sakit na
dala ng hayop, maruming tubig at hangin. Maaari na
sa inyong kapitbahayan ay magsama-sama kayong
magkakalaro upang maglinis ng inyong kanal o estero
Mungkahi:
Sa pagpupulong, maari kayong mag-
anyaya ng mga resource speaker na
magsasalita tungkol sa kahalagahan ng
adhikaing inyong pinagkasunduan.
DRAFT
April 10, 2014
48
sa araw na walang pasok. Ang simpleng gawaing ito
ay makatutulong para mapanatili ang kalinisan sa
inyong lugar at maligtas sa anumang sakit na dulot ng
maruming pamayanan.
Nilalayon ng Kagawaran ng Edukasyon at ng
Kagawaran ng Kalusugan na ang bawat mag-aaral
ay maging bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman
tungkol sa kalinisan at kalusugan.
Sa Brigada Eskwela na ginagawa taon-taon,
makikita na ang dalawang ahensiya ay
nagtutulungan upang maging malinis at kaaya-aya
ang bawat silid sa paaralan para sa madali at
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
Magpaskil ng isang manila paper sa wall ng paaralan
na may islogan na “Kampanya… Kalusugan at Kaligtasan,
Halina… Sali Na! Kung nais ninyong sumama, isulat ang
inyong pangalan at pirma.”
Ang lahat ng susuporta sa kampanya ay pipirma at
maglalagay ng maikling pahayag, pangungusap o
komitment. Tatawagin mo silang mga tagapagtaguyod ng
mabuting kalusugan at kaligtasan.
Sa tulong ng inyong punong-guro, mga guro, at mag-
aaral sa inyong paaralan, magkakaroon kayo ng isang
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
49
pagpupulong kung saan ay pag-uusapan ninyo ang
gagawing proyekto para sa kalusugan at kaligtasan sa
inyong paaralan o pamayanan.
Umisip o tumukoy ng mga taong ang advocacy ay
tungkol sa kalusugan at kaligtasan ng katawan.
Sino siya? Isulat ang pangalan sa frame. Maaari mo
ring idikit ang larawan niya sa frame kung mayroon ka.
Lagyan mo ng isang maikling
paliwanag kung paano mo siya
naging inspirasyon. Ipakita/iulat
mo ito sa inyong klase.
Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Binabati kita sa
araling iyong natapos. Ngayon, maaari ka nang tumungo sa
susunod na aralin.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
50
Aralin 7
Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa
Kumusta na ang iyong kalusugan kaibigan?
Alam ko, ito ay ayos na ayos! Sa iyong mga natutuhan
tungkol sa wastong kalusugan, maglakbay ka at tuklasin ang
magagandang ibubunga sa pagkakaroon at pagpapatuloy
ng magandang gawi tungo sa pangangalaga ng iyong
sariling kalusugan.
Suriin at pag-aralan ang mga larawan. May paligsahan
ng A-1 Child sa paaralan.
Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.
1. Kung ikaw ang hurado, sino sa kanila ang pipiliin
mong sumali sa paligsahan?
Alamin Natin
A B
DRAFT
April 10, 2014
51
2. Bakit siya ang pinili mo?
3. Kung ikaw naman ang mapipiling kandidato sa A-1
Child, ano ang iyong mararamdaman? Bakit?
4. Ano-ano ang magagandang ibinubunga ng may
palagiang pangangalaga sa sariling kalusugan at
kaligtasan? Isa-isahin.
Gawain 1
Isagawa ang gawaing ibinigay sa inyong pangkat.
1. Kung kayo ay may angkop na gawi sa pangangalaga ng
inyong kalusugan at kaligtasan. Isagawa ito sa
pamamagitan ng:
 Jingle para sa Unang Pangkat
 Rap para sa Ikalawang Pangkat
 Pantomime para sa Ikatlong Pangkat
 Komiks-Iskrip para sa Ika-apat na Pangkat
2. Pagkatapos ng pagtatanghal, magbigay kayo ng mga
reaksiyon sa mga palabas na nakita.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
52
Gawain 2
“Word Search”
Bilugan ang mga salitang nagpapahayag ng
mabuting resulta sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan.
Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
L M A L U S O G M
I C D F G L I S A
S M A L I K S I S
T L L I G T A S A
O S B O L A M L Y
G M A S I G L A A
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano-anong salita ang nabuo mo? Isulat sa kuwaderno.
2. Makikita ba sa iyong katauhan ang mga salitang
nabuo mo?
3. Magbigay ng mga kayang gawin kapag ang isang
bata ay malusog.
Ang inyong paaralan ay nagplano ng Fun Run.
Ang lahat ay inaanyayahang lumahok sa nasabing
gawain. Papaano mo ipakikita ang iyong pakikiisa sa
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
53
nasabing gawain? Magtala ng isa hanggang limang
paraan paraan.
Tandaan Natin
Ang patuloy na pangangalaga sa sariling
kalusugan at kaligtasan ay makabubuti sa ating
katawan. Makabubuti rin ito sa ating aspektong
pandamdamin o emosyon.
Isa sa mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan para sa gawaing pangkalusugan ay ang
pagkakaroon ng Fun Run. Marami na sa ating bansa ang
gumagawa nito: sa Pamahalaang Lokal, sa Barangay, sa
Sangguniang Lokal, sa mga Samahang Pangkabataan at
kung ano-ano pa. Ang paglahok sa mga ganitong
gawain ay pagpapakita ng pakikiisa sa pamayanan at
higit sa lahat ang pagbibigay pansin sa pagpapanatili ng
sariling kalusugan at mabuting pangangatawan.
Time Out! Bumuo ng apat na pangkat sa klase at
umisip ng isang commercial o patalastas na may
kaugnayan sa kalusugan. Ipakita ito sa klase. Pagkatapos ng
bawat palabas, talakayin ang mga natututuhan sa palabas.
Tukuyin kung ito ay nagustuhan o hindi at ipaliwanag ang
mga kadahilanan.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
54
Fish Bowl Game
Pumili ka ng isang isda sa bowl. Basahin mo ang
nakasulat sa isdang ito. Sagutin at ipaliwanag kung bakit
nakatutulong sa kalusugan ng isang tao ang mga katagang
nakasulat sa isdang nakuha mo.
Mahusay mong nagawa ang araling ito. Kudos!
Ngayon ay maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
55
Aralin 8
Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya
Napakaganda ng tahanang masaya lalo na kung
nagkakaisa at nagkakasundo ang bawat kasapi ng
pamilya.
Basahin mo ang tula.
Tuloy Po Kayo
Halina, tuloy po kayo
Sa aming tahanan
Kahit na simple lang
Ay maayos naman!
Si Nanay, si Tatay
Kanilang mga utos
Sinusunod namin
May kusang-loob at lubos
Si Ate, si Kuya
Ako at si bunso
Ay nagmamahalan
Nang taos sa puso.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Maglista ng mga madalas na tagubilin ng inyong mga
magulang.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
56
3. Sinusunod mo ba ang mga utos at tagubilin ng iyong
mga magulang? Bakit?
4. Ano-anong sitwasyon ang nagpapakita ng
pagmamahal at pagkakasundo sa inyong pamilya?
5. Ano ang iyong nararamdaman kung ang iyong
pamilya ay nagkakasundo at nagmamahalan?
Gawain 1
Isulat mo sa metacard ang isang alituntunin o
patakaran sa inyong tahanan na iyong sinusunod. Idikit ito
sa paskilan.
Bakit ito ang iyong napiling patakaran sa lahat ng mga
alituntuning mayroon sa iyong tahanan?
Gawain 2
Pagkatapos magawa ang unang gawain.
Magpangkat-pangkat. Pumili ng lider. Sa pangunguna ng
inyong lider, pagsama-samahin ang mga nakapaskil na
metacards ayon sa nakasulat. Talakayin kung papaano at
bakit kailangan itong sundin.
Iulat ito sa klase.
Isagawa Natin
PATAKARAN TANDAAN
DRAFT
April 10, 2014
57
Kulayan ng berde ang arrow kung araw-araw mong
ginagawa ang nakasulat, dilaw kung bihira at pula kung
hindi. Gawin ito sa isang papel.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin?
2. Magiging masaya ba ang tahanan kung ang bawat
kasapi ng pamilya ay nagkakaisang sumunod sa
mga alituntuning itinakda? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.
Isapuso Natin
Mga Tagubilin sa Akin
Nagdadabog ako kapag inuutusan
Nagsasabi ako ng totoo.
Naisasagawa ko ang nakatakda kong
gawain sa bahay
Bumibili ako kung kailangan lamang
Malinis ako sa aking katawan
DRAFT
April 10, 2014
58
Tandaan Natin
Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng
lipunan. Ito ang nagpapasigla ng pamayanan lalo na
kung ang bawat kasapi nito ay nakatutupad sa
tungkuling iniaatas sa kaniya.
Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda
ng tahanan tungo sa masaya at maayos na samahan.
Ang mga tuntunin ay itinakda upang sundin ng
bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at
masayang pamumuhay.
Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya,
makabubuti ang iyong mga ginagawa ay dapat na
ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi itong
inspirasyon upang lalo pa nilang mapaganda ang
kinabukasan ng kanilang mga anak na tulad mo. Dahil
dito, mahalagang sinusunod mo ang mga alituntunin at
patakarang pinagkasunduan sa tahanan lalo na sa
disiplina at sa iyong pag-aaral.
Umisip ka ng isang pangyayari sa iyong buhay na may
kinalaman sa hindi mo pagsunod sa tagubilin ng iyong mga
magulang. Ano ang epektong naidulot nito sa iyo? Ano ang
aral na iyong natutuhan? Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Pangyayari: ______________________________________________
Epekto:___________________________________________________
Aral na natutuhan: ________________________________________
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
59
Pagmasdan ang nakaguhit na puno. Ipagpalagay mo
na ito ay ang iyong pamilya. Ang iyong mga magulang o
sinumang kasama sa bahay ay ang malalaking ugat. Ano-
anong mga tagubilin ang pinasusunod sa iyo ng iyong mga
magulang hanggang sa ikaw ay maging isang mabuting
bunga? Isulat ang mga tagubilin o iniuutos sa iyo ng iyong
mga magulang sa katawan ng puno at ang iyong
pangalan naman bilang bunga.
Pamilyang Nagkakaisa
Sa iyong ipinakitang kagalingan sa araling ito, binabati
kita! Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin.
Panatilihin mo ang pagsunod mo sa mga gawain.
Subukin Natin
Ako
bilang
bunga
Mga tagubilin ng
aking mga magulang
o sinumang kasama
sa pamilya.
Hal. Mag-aral ng
leksyon bago
manood ng TV
Ang aking
Ina/Ama o
sinumang
kasama sa
pamilya
Emily
DRAFT
April 10, 2014
60
Aralin 9
Ako, Ang Simula!
Ako ang Simula! Ano ang ibig sabihin ng mga
katagang ito? Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong
baitang, ano-ano ang mga kaya mong pamunuang gawin
tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, maayos, at masayang
pagsasama ng iyong pamilya? Kung ito ay kaya mo, Isigaw
mo, Ako ang Simula!
Ano-ano ang mga tungkuling isinasagawa mo sa
araw-araw sa inyong bahay na nakatutulong sa iyong
pamilya? Isulat mo ito sa mga bilog at ibahagi sa iyong
mga kaklase. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.
Ang Aking Kalendaryo ng Gawain
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
61
Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Ano-ano ang mga maaari mong tuparing gawain?
Isa-isahin.
2. Matapat mo bang isinasagawa ang iyong mga
tungkulin? Patunayan.
3. Patunayan kung gaano kahalaga ang naidudulot
mong kagalingan sa iyong pamilya.
4. Bakit may pagkakataong hindi mo naisasagawa
ang iyong mga tungkulin?
5. Makatutulong ba ang pagpaplano ng mga
gawain? Bakit?
Gawain 1
Ang pagpapaalaala ay gamot sa mga batang
nakalilimot. Mapatutunayan ito sa pangkatang gawain na
isasagawa.
Magkaroon ng apat na pangkat sa klase.
Pagtulungang buuin ang clock time organizer ng inyong
takdang oras para sa mga dapat at kayang gawin sa
inyong klase. Siguraduhing makatutulong ito sa inyong pag-
aaral at sa mga gawaing makapagpapagaan sa inyong
guro. Gawin ito sa inyong papel. Iulat ito sa klase.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
62
Sa bawat takdang oras, ano-ano ang inyong mga
napagkasunduang gawin?
9
1
2
5
4
3
6
7
12
11
8
10
DRAFT
April 10, 2014
63
Gawain 2
Narito ang malaking “Tandang Pananong” na may
kaukulang tanong. Sagutin mo ito nang buong katapatan.
Patunayan.
?
Maasahan ba ako
sa lahat ng oras?
Patunay:
Ako ba ay bumibili
ng mga kailangan
lamang?
Patunay:
Ipinapasa ko ba sa
iba ang mga
inuutos sa akin?
Patunay:
Ako ba ay
sumusunod sa
mga utos nang
may ngiti?
Patunay:
Ako ba ay hindi nag-aaksaya ng mga
gamit, tubig, at kuryente?
___________________________________
Patunay:
Maasahan ba ako
sa lahat ng oras?
Patunay:
Ako ba ay bumibili
ng mga kailangan
lamang?
Patunay:
Ipinapasa ko ba sa
iba ang mga
inuutos sa akin?
Patunay:
DRAFT
April 10, 2014
64
Sumulat ng Pick Up Line na galing sa iyong puso. Ito ay
dapat na nagbibigay kasiyahan sa iyong damdamin hinggil
sa mga naitutulong mo sa iyong pamilya at paaralan sa
loob ng 24 oras. Makipagpalitan ka ng iyong sagot sa iyong
kamag-aral.
Halimbawa:
Walis ka ba?
Bakit?
Kasi, winawalis mo ang pagod ng iyong Nanay
kapag tinutulungan mo siya sa mga gawaing
bahay.
Tandaan Natin
Tunay na ang isang masayang pamilya ay
nakikita sa pamamagitan ng maayos at mabuting
pagsasama. Ang mga magulang na may mga anak
na katulad mo ay natutuwa kung ikaw ay sumusunod
sa kanilang mga utos at patakaran. Halimbawa ay ang
sumusunod:
- Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral
at paggawa ng mga takdang-aralin
- Maging magalang sa lahat ng oras at
pagkakataon
- Tumulong sa mga gawaing-bahay sa mga
araw na walang pasok
- Magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at
iba pang bagay
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
65
Kung may pagsusunuran sa tahanan, makikita mo
ang tunay na pagmamahalan. Ang pagsunod nang
buong katapatan sa mga itinakdang tuntunin at
gawain ay magbubunga ng kapayapaan at kaayusan
sa samahan sa bawat kasapi ng isang pamilya.
Palagian mong hangarin na maging masaya ang
iyong mga magulang. Utos ng Diyos sa mga anak na
mahalin nila ang kanilang mga magulang.
Kinalulugdan ng Diyos ang mga anak na nagmamahal
sa kanilang mga magulang.
Gumawa ka ng isang pangako sa anyong patula o
pa-rap o pakanta. Itanghal ito sa klase.
Halimbawa:
1. Hingin ang tulong ng iyong mga magulang at
pasagutan sa kanila ang sipi ng “Ang Aking Anak” na
iyong isinulat sa kuwaderno.
Isabuhay Natin
Ang Aking Pangako
Kapag inutusan
O tinatawag ako
Agad, akong sasagot
At sa utos ay susunod.
DRAFT
April 10, 2014
66
Ang Aking Anak!
 Paano ginagampanan ng inyong anak ang
kanyang mga tungkulin sa tahanan?
Ang aking anak na si ______________________
ay tinutupad nang buong husay at tapat ang
kanyang mga tungkulin tulad ng __________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Lagda:______________________
Lagyan ng kaukulang tsek ang iyong pinaniniwalaan
Mga Gawain Totoo Hindi totoo
1. Hindi ako nagdadabog
kapag inuutusan ako ng
aking mga magulang.
2. Tumatakas ako sa paglilinis
ng aming silid-aralan kapag
uwian na.
3. Naghuhugas ako ng aming
pinagkainan sa aming
bahay.
4. Ginagawa ko kaagad ang
aking takdang-aralin bago
pumasok sa paaralan.
Magaling! Natapos mo ang mga gawain nang tama.
Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Pagbutihin
mo.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
67
Yunit II
Mahal Ko, Kapwa Ko
DRAFT
April 10, 2014
68
Aralin 1
Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan!
Maipadarama ang pagmamalasakit mo sa iyong
kapwa na may karamdaman sa simpleng paraan ng
pagtulong at pag-aalaga.
Gawain 1
Suriin ang sumusunod na larawan. Alin sa mga ito ang
iyo nang naisagawa bilang pagtulong at pag-aalaga sa
may mga karamdaman? Isulat ang titik ng iyong sagot sa
kuwaderno.
Alamin Natin
A
DRAFT
April 10, 2014
69
B
D
C
DRAFT
April 10, 2014
70
Gawain 2
Gamitin ang iyong imahinasyon.
Magtala ng iba pang paraan kung paano mo
matutulungan at maalagaan ang isang kakilala o kaibigan
o kamag-anak na maysakit. Kopyahin ang graphic organizer
sa kuwaderno at sagutin.
Iba Pang Mga
Paraan ng
Pagtulong at Pag-
aalaga sa tulad
mong bata na may
Karamdaman
E
DRAFT
April 10, 2014
71
Gawain 1
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sumulat ng
isang pangungusap kung ano ang dapat mong gawin
upang tulungan, alagaan, o damayan ang taong may
karamdaman. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Nabalitaan mo na ang iyong guro ay maysakit.
2. Ang nakababata mong kapatid ay may bulutong.
3. Nakita mo na di makatayo ang iyong kaibigan dahil sa
masakit ang kaniyang paa.
4. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng
kanyang ngipin.
5. Sa iyong pag-uwi ng bahay, nadatnan mo na ang
iyong kapatid ay giniginaw dahil mataas ang lagnat.
Gawain 2
Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot
ng nakabilot na papel na may nakasulat na sitwasyon.
Matapos na pag-usapan ito sa grupo ay isa-isa itong
isasadula sa harapan ng klase.
Ipasadula ang kalagayang nakuha ng bawat
pangkat.
Pangkat 1 - Madalas na sumasakit ang ulo ng iyong
kamag-aral na katabi mo sa upuan. Minsan
ay hindi na siya makausap dahil sa tindi ng
sakit ng kaniyang ulo.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
72
Pangkat 2 - Isang linggo nang hindi nakakapasok ang
isa ninyong kamag-aral. Nabalitaan ninyo
na mayroon siyang malubhang
karamdaman.
Pangkat 3 - Sumakit ang ngipin ng nakababata mong
kapatid o pinsan at kayo ang magkasama
sa mga panahong iyon.
Pangkat 4 - Pinuntahan ninyo ng mga kaibigan mo ang
isa pa ninyong kaibigan upang sumama sa
plano ninyong paglalaro sa inyong bahay.
Ngunit nadatnan ninyo siya sa kaniyang
tahanan na nakahiga sapagkat siya ay
nilalagnat.
May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda ng
ipakikitang dula-dulaan na ipalalabas sa loob ng tatlong
minuto lamang.
Gagamitin ang rubric sa pagtataya ng palabas.
Pamantayan 3 2 1
Husay ng
Pagkaganap
Lahat ng
kasapi sa
pangkat ay
nagpakita ng
kahusayan
sa
pagganap
1-2 kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita ng
kahusayan
sa
pagganap
3-4 na kasapi
ng pangkat
ay hindi
nagpakita ng
kahusayan sa
pagganap
Akma
/Tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos at
may tiwala
ang tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos
ngunit may
pag-
aalinlangan
ang tamang
saloobin sa
sitwasyon
Hindi
naipakita ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
DRAFT
April 10, 2014
73
Sumulat ng isang liham na humihingi ng paumanhin sa
magulang, kapatid, pinsan, kamag-aral, kaibigan, o kapwa
sa iyong pagkukulang noong sila ay maysakit. Gumawa ng
mga pangako kung paano maisasagawa ang pagtulong sa
kapwa sa oras ng kanilang karamdaman. Isulat ito sa isang
papel.
Isapuso Natin
Petsa _____________
Mahal Kong ___________,
_________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
________________________.
_________________,
_________________
Lagda
DRAFT
April 10, 2014
74
Tandaan Natin
Ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa maysakit
ay isa sa magagandang katangian nating mga Pilipino. Sa
pamamagitan nito, tayo ay natututong magpahalaga sa
ating sarili at kapuwa na siyang nagpapatibay ng ating
ugnayan.
Ang kaisipang, “Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili” ay kinikilala sa lahat ng
dako ng daigdig. Kristiyano man o Muslim ay naniniwala
sa kaisipang ito. Ito ang buod ng ikaapat hanggang
ikasampung Utos ng Diyos na naging batayan na ang
pagmamahal sa kapwa ay nagsisimula sa ating sarili.
Sapagkat ang taong tunay na nagmamahal sa kaniyang
sarili ay may kakayahan ding magmahal ng kaniyang
kapwa.
Isa sa mga paraan upang maipakita at maipadama
natin ang pagmamahal ay sa pamamagitan ng
pagbibigay halaga at pagtugon sa pangangailangan ng
maysakit. Ang simpleng pagpapapainom ng gamot, pag-
alalay sa pagpunta sa palikuran, pagpupunas ng pawis,
paghahanda at pagpapakain ng tamang pagkain at
pag-sasaalang-alang ng kanilang nararamandaman ay
malaking tulong upang mabawasan ang sakit na kanilang
nararamdaman. Bukod dito ay makatutulong din ang
pananalangin sa Diyos para sa mabilis na paggaling ng
taong maysakit.
Sa mga simpleng gawaing ito ay naipadarama natin
ang pagmamalasakit at pag-unawa sa kanilang
kalagayan na bunga ng ating pagmamahal sa ating
kapwa.
Lubos nating maipadarama sa mga taong may
DRAFT
April 10, 2014
75
karamdaman ang tunay nating pagmamalasakit sa
pamamagitan ng wastong pag-aalaga at pagtulong sa
kanilang mga pangangailangan.
Bumuo ng apat na pangkat at basahin ang teksto sa
ibaba. Sagutin at pag-usapan sa inyong pangkat ang
tanong na nakatalaga sa inyong pangkat.
May plano ang mga kaibigan ni Arby na
maglaro pagkatapos ng klase. Nang makauwi na sa
kanilang bahay, nagpaalam si Arby sa kaniyang ama
ngunit hindi siya pinayagang sumama. Ayaw ng
kaniyang ama na sumama siya sapagkat maysakit
ang kanyang ina.
Nais talagang sumama ni Arby ngunit pinili
niyang manatili sa bahay upang tulungan sa
gawaing bahay ang kaniyang ama. Tumulong din
siya sa pag-aasikaso sa kaniyang inang maysakit.
Mga Katanungan:
Pangkat 1 - Ano ang masasabi ninyo sa ginawa ni Arby?
Sumasang-ayon ba kayo sa kaniyang naging
desisyon? Ipaliwanag.
Pangkat 2 - Sa iyong palagay, ano ang mararamdaman ng
ina at ama ni Arby sa kaniyang naging desisyon?
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
76
Pangkat 3 - Ano ang magiging bunga ng pagtulong sa
maysakit at sa pagsunod sa magulang?
Pangkat 4 - Kung ikaw si Arby gagawin mo rin ba ang
kaniyang ginawa? Bakit?
Dapat nating pasalamatan ang ating magulang sa
pag-aasikaso sa atin tuwing tayo ay maysakit. Ipahayag
natin ang ating pasasalamat sa kanila sa pamamagitan ng
isang thank you card. Gumawa nito para sa sa bawat
miyembro ng pamilya na nagpakita o nagpadama ng
kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa atin lalo na tuwing
tayo ay may karamdaman.
Iguhit ang masayang mukha sa Hanay A kung
nagawa mo na sa isang taong maysakit ang nakasaad na
kilos sa bawat bilang at malungkot na mukha naman
kung hindi pa. Isipin kung ilang beses mo na itong nagawa
at isulat sa Hanay B. Sa tapat ng malungkot na mukha, isulat
ang dahilan bakit hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
A B Dahilan Kung
Bakit Di Pa
Nagagawa
1. Paglalagay ng bulsa de
yelo sa noo ng isang
nilalagnat na
kasambahay.
3
beses
2. Pagbabantay sa ospital
sa isang taong may
lubhang karamdaman.
0
Sapagkat wala
pa ako sa
tamang edad
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
77
3. Pagpapainom ng gamot
sa kapatid at magulang
na maysakit.
4. Pagtulong sa pagdadala
ng gamit ng kamag-aral
na nilalagnat.
5. Pagdalaw sa tahanan ng
kaibigan, kamag-aral, o
guro na may sakit.
6. Pagbili ng gamot na dala
ang reseta ng doktor sa
tindahan para sa kasapi
ng pamilya na may sakit.
7. Pag-akay sa mga
maysakit sa pagsakay sa
dyip o tricycle.
Maligayang bati! Hinahangaan kita dahil maTiyaga
mong natapos ang araling ito. Napatunayan mo na isa
kang mabuting mag-aaral. Nawa’y maging handa ka sa
susunod na aralin para patuloy mong maipakita ang
pagmamalasakit sa may karamdaman.
DRAFT
April 10, 2014
78
Aralin 2
Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin!
Ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman ay
maipadarama mo sa pamamagitan din ng pagbibigay ng
panahon tulad ng pagdalaw, pag-aliw, at pagbibigay ng
pagkain o anumang bagay na kanilang kailangan.
Ano sa iyong palagay ang dapat mong gawin kung
nalaman mong maysakit ang iyong kaibigan o kamag-aral
o kung sino man na iyong kakilala? Ano naman ang maaari
mong dalhin o ihandog sa taong maysakit? Ibigay ang mga
dahilan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng bilog. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
79
Gawain 1
Maliban sa mga pagkain o materyal na bagay, maaari
ka ring maghandog ng isang kard na naglalaman ng tula,
awit, likhang-sining, at iba pa para sa taong iyong
dinadalaw. Subukin mong gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain 2
Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot
ng nakabilot na papel na naglalaman ng sitwasyon. Ito ay
ipapakita ng bawat grupo sa paraang dula-dulaan.
Pangkat 1- Masayang pag-aliw o pagpapasaya sa may
karamdaman sa pamamagitan ng awit
Pangkat 2- Masayang pag-aliw o pagpapasaya sa may
karamdaman sa pamamagitan ng
pagkukuwento
Pangkat 3- Taos-pusong pagbibigay ng tamang pagkain
o anumang gamit para sa maysakit na
kapitbahay na kaibigan
Pangkat 4
-
Taos-pusong pakikiisa sa pagsasagawa ng
“pray over” sa may karamdaman
May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda ng
ipakikitang pantomina na ipalalabas sa loob ng tatlong
minuto lamang.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
80
Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagtataya ng palabas.
Pamantayan 3 2 1
Husay ng
Pagkakagawa
Lahat ng
kasapi sa
pangkat ay
nagpakita
ng
kahusayan
sa
paggawa
1-2 kasapi
ng pangkat
ay hindi
nagpakita
ng
kahusayan
sa sa
paggawa
3-4 na
kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita
ng
kahusayan
sa
paggawa
Tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos at
may tiwala
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos
ngunit may
pag-
aalinlangan
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Hindi
naipakita
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Sumulat ng isang maikling dasal o “sambit” para sa
mabilis na paggaling ng isang taong may karamdaman na
iyong kakilala. Maaaring siya’y isang magulang, kapatid,
kasambahay, kaibigan, kaklase, guro na iyong kakilala o
napanood sa telebisyon, at nabasa sa pahayagan. Ibahagi
ito sa harap ng klase. Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
81
Tandaan Natin
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagpapakita ng
mabuting pakikipagkapwa: sa mga magulang, kapatid,
kasambahay, kaibigan, kaklase, o guro man sa lahat ng
oras at pagkakataon.
Likas sa tao ang maunawaan at madama ang
damdamin ng ating kapwa. Gayundin ang kabutihan na
nagbubunga ng paglilingkod sa kanila na ipinapakita natin
sa pamamagitan ng pagmamalasakit.
Sinisimulan nating magpakita ng malasakit sa bawat
miyembro ng ating pamilya lalo na sa may karamdaman.
Karaniwan nating inaaliw ang ating magulang, kapatid, o
kung sino mang miyembro ng ating pamilya na may
karamdaman.
Maaari naman nating maipakita ang
pagmamalasakit sa ating kapwa na may karamdaman sa
pamamagitan ng pagbibigay ng panahon upang sila ay
dalawin, aliwin, bigyan ng tamang pagkain, o anumang
bagay na kailangan nila at higit sa lahat ang
paghahandog ng isang panalangin para sa maaga nilang
paggaling. Ang mga simpleng gawain na ito ay mga
tanda ng pagdamay o pagsuporta sa kapwa natin. Sa
pagkakataong ito, nakatutulong tayo upang mapanatag
ang kalooban ng isang tao.
DRAFT
April 10, 2014
82
Iguhit ang puso kung gaano mo kadalas
ginagawa ang sumusunod na pangyayari tungkol sa
pagdalaw at pag-aaliw sa may karamdaman. Isulat ito sa
kuwaderno.
Mga Tuntunin Palagi Paminsan
-minsan
Hindi
1. Nakikipag-usap o
nakikipagkuwentuhan
ako sa may karamdaman
upang kumustahin ang
kanyang kalagayan
2. Ibinibigay ko ang
pangangailangan ng
may karamdamang
kapamilya at kaibigan
3. Sumasama ako sa Nanay
ko para dumalaw sa may
karamdaman sa
pagamutan o ospital
4. Dinadalhan ko ng
sariwang prutas ang may
karamdaman
5. Naglalaaan ako ng oras
sa pagdarasal sa may
karamdaman para sa
mabilis niyang paggaling
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
83
A. Lagyan ng tsek () kung ang sumusunod na pahayag
ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamamagitan
ng pagdalaw at pag-aliw sa may karamdaman at (X)
naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Paghahandog ng isang masayang awitin sa Lolo na
may karamdaman.
2. Pagbibigay ng get-well soon card sa kaibigang
may karamdaman.
3. Pagkukuwento ng mga malungkot na pangyayari
sa paaralan sa kaklaseng may karamdaman.
4. Pagdadala ng sariwang prutas sa kapitbahay na
may karamdaman.
5. Paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga may
karamdaman.
B. Maliban sa mga pagkain o materyal na bagay, maaari
ka ring maghandog ng isang kard na naglalaman ng
maikling tula o awit, likhang-sining, o komiks para sa
taong iyong dadalawin. Subukin mong gawin ito sa isang
mas magandang papel at lagyan ng karagdagan
dekorasyon. Matapos ay ipagkaloob ito sa isang kakilala
na may karamdaman. Pagmasdang mabuti ang
magiging reaksyon ng taong pinaghandugan.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
84
C. Buuin ang diwa ng talata ayon sa isang karanasan.
Gawin ito sa isang kuwaderno.
Ang aking hinandugan ng _________ (tula, awit…)
ay si _______________________________________. Siya ay
____________________ (kaugnayan sa tao). Nakita kong
siya ay __________________________________ sa aking
inihandog. Labis akong______________________________
_____________________________________________sa aking
napagmasdan. Ngayon, natutuhan kong____________
____ ______, kung kaya’t aking gagawin ng___________
________________________________________.
Binabati kitang muli sa matagumpay mong
pagtatapos sa araling ito. Naniniwala akong higit mong
naunawaan ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa mga
may karamdaman. Nawa’y ipagpatuloy mo ang gawaing
ito upang maging mas makabuluhan ang paglilingkod sa
iyong kapuwa.
DRAFT
April 10, 2014
85
Aralin 3
Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang!
Higit mong maipakikita ang malasakit sa mga may
kapansanan sa pamamagitan ng simpleng pagtugon sa
kanilang pangangailangan.
Basahin ang kuwento.
Ang Batang May Malasakit
Lunes ng umaga, maagang pumasok si Rodel sa
paaralan. Masaya siyang naglalakad papunta sa
terminal ng sasakyan. Pagdating niya doon ay
nakita niya si Juan, ang batang may kapansanan.
“Magandang
umaga sa iyo
Rodel” ang bati ni
Juan. “Magandang
umaga rin naman”
ang tugon
ni Rodel.
Nang dumating na ang dyip na kanilang sasakyan
patungong paaralan ay inalalayan ni Rodel si Juan sa
pagsakay hanggang sa pag-upo sa loob ng sasakyan.
“Maraming salamat sa iyo Rodel”, sabay sabi ni Juan.
“Walang anuman”, tugon naman ni Rodel.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
86
Nang dumating na sila sa tapat ng kanilang paaralan,
inalalayan pa rin niya si Juan sa pagbaba ng dyip, sa
pagpasok sa loob ng paaralan at maging sa pagpasok sa
silid-aralan. Lubos na nagpasalamat si Juan kay Rodel dahil
sa ipinakitang malasakit at kabaitan sa kanya.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Paano nagpakita ng malasakit si Rodel sa kaniyang
kapuwa?
2. Tama ba ang kaniyang ginawang pagmamalasakit?
3. Kaya mo rin bang magmalasakit gaya ng ginawa ni
Rodel sa isang taong may kapansanan?
Gawain 1
Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang
dapat mong gawin upang maipakita ang iyong malasakit
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
87
sa may kapansanan? Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.
1. Pumunta ka sa tindahan at naabutan mong bumibili rin
ang kapitbahay mong pipi. Hindi maintindihan ng
tindera kung ano ang kaniyang binibili. Nagkataong
marunong ka ng sign language. Ano ang dapat mong
gawin?
2. Magkasama kayo ng Nanay mo sa pagtawid sa
kalsada. Hinihintay ninyo na maging kulay berde ang
ilaw trapiko para kayo ay makatawid. Nakita mong
papatawid din ang isang batang pilay. Ano ang
dapat mong gawin?
3. Kaarawan ng iyong kaklase at ikaw ay dumalo sa
kaniyang handaan. Nakita mo doon si Tina ang
batang bulag na iyong kababata. Narinig mo na
gusto niyang uminom ng juice ngunit hindi siya
pinapansin ng may hawak nito. Ano ang dapat mong
gawin?
Gawain 2
Ang bawat pangkat ay makatatanggap ng isang
metacard kung saan nakasulat ang sitwasyon na pag-
uusapan at gawain.
Pangkat 1 - Magsadula ng isang eksenang nagpapakita ng
pagmamalasakit sa isang bulag.
Pangkat 2 - Iguhit sa loob ng isang malinis na papel ang nais
mong ipakita at ipadama sa may mga
kapansanan.
Pangkat 3 - Lumikha ng isang saknong ng tula na may apat
na linya na tumutukoy sa pagmamalasakit sa
may mga kapansanan.
DRAFT
April 10, 2014
88
Pangkat 4 - Magbigay ng tatlong kilala ninyong tao na
nagpakita ng pagmamalasakit sa mga taong
may kapansanan. Sabihin kung paano niya ito
ginawa.
May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda sa
nabunot na sitwasyon o gawain. Ipapakita ng bawat
pangkat ang inihanda sa loob ng dalawa hanggang
tatlong minuto lamang.
Ang rubric na gagamitin sa pagTataya ng kakayahan
ng mga bata.
Mga Pamantayan 3 2 1
Husay ng
pagkaganap ng
bawat kasapi
Lahat ng
kasapi sa
pangkat ay
nagpakita
ng husay sa
pagganap
1-2 kasapi
ng pangkat
ay hindi
nagpakita
ng husay sa
pagganap
3-4 na
kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita
ng husay sa
pagganap
Tamang saloobin
sa sitwasyon
Naipakita
nang
maayos at
may tiwala
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos
ngunit may
pag-
aalinlangan
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Hindi
naipakita
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
DRAFT
April 10, 2014
89
Iguhit sa loob ng tatlong puso ang iyong sagot sa
sumusunod na tanong. Gawin ito sa kuwaderno.
1. Ano ang iyong nararamdaman
tuwing nagpapakita ka ng
pagmamalasakit sa mga may
kapansanan?
2. Ano ang iyong nararamdaman
kapag may nakikita kang batang
may kapansanan na
pinagtatawanan? Bakit?
3. Kung ikaw naman ang
nakakatanggap ng
pagmamalasakit mula sa iyong
kapuwa, ano ang nararamdaman
mo?
Tandaan Natin
Ang pag-unawa sa damdamin at sitwasyon ng iba
ay isang paraan ng pagpapakita ng kabutihan. Ang
kabutihan ng ng isang aksyon ay nagsisimula sa
kabutihan ng hangarin. Ang mga hangaring ito ay
dapat na may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng
iba at maging sa sarili. Maipakikita ito sa salita at gawa.
Kailangang meron itong katapatan at
komplementaryong gawain na nagbibigay ng
kahalagahan sa isang wagas na naisin at layunin.
Ang pagmamalasakit sa isang taong may
kapansanan ay isang paraang nagpapakita ng
kabutihan ng hangarin. Ang Batas Republika 7277 ay
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
90
higit na kilala sa taguring Magna Carta para sa mga
Taong May Kapansanan (Magna Carta for Persons with
Disability), ay legal na basehan upang isulong ang mga
karapatan ng mga mamamayang may kapansanan.
Kasama ang mga susog na ginawa ng Batas Republika
9442 at mga takda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
437. TiniTiyak ng batas na ito ang pagpapatupad ng
mga hakbang kaugnay ng rehabilitasyon at pagTiyak sa
pansariling pag-unlad ng mga taong may kapansanan
upang manatili sila bilang produktibong mga kasapi ng
lipunan. TiniTiyak ng Batas Republika 7277 ang mga
karapatan ng mga taong may kapansanan kaugnay ng
pagkakaempleyo, pagkakaroon ng edukasyon,
serbisyong medikal, karagdagang pantulong na
paglilingkod, at iba pa.
Sa pagkakataong ito, maipakikita natin ang
pagmamalasakit sa mga may kapansanan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng lubos na
pagmamahal, pag-unawa, at paggalang upang
maramdaman nila na sila ay mahalaga rin tulad natin.
Ang paglalaan ng upuan, pag-aalay sa pagtawid sa
kalsada, at paglalakad ay mumunting paraan ng
pagpaparamdam sa kanila na sila ay mahalaga bilang
tao at kabahagi ng lipunan.
Mayroon kayong kapitbahay, kaibigan, kasambahay,
kamag-anak, o kaklase na may kapansanan.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
91
Sumulat ng limang pangungusap kung paano mo sila
tutulungan. Ibahagi ito sa klase.
1. _________________________________________________.
2. _________________________________________________.
3. _________________________________________________.
4. _________________________________________________.
5. _________________________________________________.
Lagyan ng tsek () kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan
at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Akayin sa paglakad ang kamag-aral na bulag.
2. Pagtawanan ang kaklaseng may bingot.
3. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan.
4. Bigyan ng upuan ang batang pilay.
5. Tuksuhin ang kalaro o mga batang duling.
Muli, natapos mo na naman ang isang aralin kaya’t
binabati kita sa matagumpay mong gawain. Hinahangaan
kita sa ipinakita mong pagmamahal at paggalang sa mga
may kapansanan. Hangad kong pahalagahan mo ang
kanilang mga kakayahan na iyong matututuhan sa susunod
na aralin. Ipagpatuloy ito!
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
92
Aralin 4
Kakayahan Mo, Pahahalagahan Ko!
Ang pagmamalasakit sa may mga kapansanan ay
maipakikita mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkakataon at suporta sa sandaling maipamalas nila ang
kanilang natatanging kakayahan sa larangan ng laro at iba
pang programang pampaaralan.
Basahin ang tula.
Tanging Yaman, Ating Kakayahan
Natatanging kakayaha’y biyaya ng
Maykapal
Ito’y pagyamanin, paunlarin at
ikarangal
Anumang kakulangan paglaanan
ng aral
Ito’y pagpapakita ng magandang
asal.
Sa programa sa iskul bigyang
puwang ang talino
Nang sa angking talento’y tunay
kang maging bibo
Lubos na pagtitiwala sa sarili’y ialisto
Kakayahan ng sinuman ay hindi
masisino.
Sa larangan ng pagguhit, pagpipinta’t pag-awit
Gayundin sa palakasan kahit kulang ay susungkit
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
93
Ng medalya na sa iyo’y kukumpleto’t magsusulit
Kapintasan, kakulangan hindi ka nga magagalit.
Kapansanan ng mga tao hindi dapat pagtawanan
Bagkus sila’y dapat tulungan at pahalagahan
Ang bawat isa’y kailangan ituring na kaibigan
Pagkat sila’y may halaga at bahagi ng lipunan.
-rbc-
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano-ano ang mga kakayahang nabanggit sa tula?
2. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang
ipinagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal?
3. Ano ang katangian ng isang bata ang ipinahihiwatig
sa tula?
4. Paano ipinakita ang pagmamalasakit sa kapuwa na
may kapansanan?
5. Sa iyong palagay, dapat bang pagmalasakitan ang
mga batang may kapansanan? Bakit?
Gawain 1
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng
nararapat mong gawin upang maipakita ang
pagmamalasakit at paggalang sa mga may kapansanan.
Gawin ito sa inyong kuwaderno.
1. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa
bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang
iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may
unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng
upuan. Ano ang dapat mong gawin?
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
94
A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay
walang upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang
aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko
na lang siyang nakatayo hanggang sa matapos
ang palatuntunan.
2. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase
mong may bingot. Hindi ninyo masyadong
naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot
upang maunawaan ng iba kong kaklase.
C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
3. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special
education children sa inyong paaralan. Unang
nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang
hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na
siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan
ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga
manonood, ano ang dapat mong gawin?
A. Tatawanan ko si Jano.
B. Tatawagin ko na siya para umupo na.
C. Tahimik akong mananalangin na sana ay
maalala niya ang nalimutang linya.
4. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase
mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at
naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan
ko siya.
DRAFT
April 10, 2014
95
B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.
C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang
gamit.
5. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at
nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may
kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na
huwag pansinin ang mga batang nangungutya.
B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya
upang pagsabihan.
C. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang
may kapansanan.
Gawain 2
1. Maghanap ng mga larawang nagpapakita ng
pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Idikit sa bond
paper ang mga larawang ginupit.
2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang saknong ng
tula, awit, o yell tungkol sa larawang napili.
3. Ipapakita ng bawat pangkat ang ginawang tula, awit, o
yell ayon sa larawang idinikit sa loob ng tatlong minuto
lamang.
Gamitin ang rubric sa pagtataya ng ginawang tula, awit,
o yell.
Mga
Pamantayan
3 2 1
Husay ng
pagkakadikit ng
mga larawan
Lahat ng
kasapi sa
pangkat ay
nagpakita
ng
kahusayan
1-2 kasapi
ng pangkat
ay hindi
nagpakita
ng
kahusayan
3-4 na
kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita
ng
DRAFT
April 10, 2014
96
sa
pagtulong
sa pagbuo
ng gawain
sa
pagtulong
sa pagbuo
ng gawain
kahusayan
sa pagbuo
ng gawain
Tamang saloobin
sa pagpapakita
ng pagganap
Naipakita
nang
maayos at
may tiwala
ang tamang
saloobin sa
pagganap
Naipakita
nang
maayos
ngunit may
pag-
aalinlangan
ang
tamang
saloobin sa
pagganap
Hindi
naipakita
ang
tamang
saloobin sa
pagganap
Gumawa ng tsart sa iyong kuwaderno tulad ng nasa
ibaba. Lagyan ng tsek () kung ang sinasabi ng
pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga
may kapansanan at ekis (x) naman kung hindi.
1. Pinupuri ko ang gawain ng mga may kapansanan na
kapaki-pakinabang.
2. Tumutulong ako sa inilulunsad na mga proyekto ng
mga may kapansanan.
3. Bumibili ako ng mga produktong ginawa ng mga may
kapansanan.
4. Nakikipaglaro ako sa kapuwa ko bata kahit na siya ay
may kapansanan.
5. Ipinagtatanggol ko sa simpleng paraan ang mga
batang may kapansanan.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
97
Tandaan Natin
Ang pagpapahalaga sa kakayahan ng mga may
kapansanan ay pagpapakita ng pagmamahal na sila ay
mahalagang bahagi ng lipunan tulad natin.
May kasabihan tayong mga Pilipino na “ang
kahirapan at kapansanan ay hindi sagabal o hadlang
upang magtagumpay.” Ang kasabihang ito ay
nagpapahiwatig sa atin na ang tibay at tatag ng loob ay
lubhang kailangan upang makamit ang tagumpay anu-
man ang kalagayan at katayuan natin sa buhay. Kagaya
ni Apolinario Mabini, hindi naging hadlang ang kaniyang
kapansanan upang siya ay hirangin bilang bayani.
Nawa’y siya ay magsilbing inspirasyon sa pagkamit ng
tagumpay.
Ang pagmamalasakit na may paggalang sa may
mga kapansanan ay maipakikita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa sandaling
maipamamalas nila ang kanilang natatanging kakayahan
sa larangan ng laro at iba pang programang
pampaaralan. Dapat tayong magpakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa mga taong may
kapansanan sa lahat ng pagkakataon. Ito’y tanda ng
pagbibigay ng kahalagahan sa kanilang pagkatao at
kakayanan.
Ipakita ang natutuhan sa pagpapahalaga sa mga
may kapansanan sa inyong lugar. Maglaan ng oras sa
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
98
pagbisita at pagbibigay-aliw sa kapwa bata na alam mong
may kapansanan sa inyong pamayanan. Gawin ito
pagkatapos ng klase. Ikuwento o ibahagi sa buong klase
ang kinalabasan ng iyong pagbisita.
Lagyan ng tsek() kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong may
kapansanan at ekis (x ) kung ito ay hindi. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.
1. Niyaya ni Roy ang piping kamag-aral na sumali sa
paligsahan ng pagsasayaw.
2. Pinahinto ng Ama sa pag-aaral ang anak dahil
siya’y lumpo.
3. Isinama ng buong pamilya ang anak na may
kapansanan sa kanilang paglalakbay.
4. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang
kapitbahay sa batang may kapansanan.
5. Ipinaampon ng mag-asawa ang kanilang anak na
may kapansanan.
Binabati kita! Muli mo na namang natapos ang isang
aralin. Naniniwala akong ang pagpapahalaga mo sa
kakayahan ng isang may kapansanan ay kahanga-
hangang gawain. Hangad kong ipagpapatuloy mo ito sa
lahat ng oras at pagkakataon. Handa ka na ba sa susunod
na aralin? Ipagpatuloy mo ang mabuting hangaring ikaw ay
matuto!
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
99
Aralin 5
Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang!
Pagmamalasakit na may paggalang sa may
kapansanan ang binibigyang-diin sa araling ito. Sa
pamamagitan ng pagbibigay natin ng pagkakataon sa
kanila, nagiging kabahagi sila ng pamayanan na walang
itinatangi at sinisino.
Basahin ang diyalogo.
Natatanging Kaibigan!
Sabado ng umaga. Sakay ng bisikleta si Bibo ng
makasalubong niya si Gina, ang batang may kapansanan
subalit mahusay naman siyang umawit.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
100
Gina: Hello, Bibo! Balita ko eh may paligsahan sa pag-awit
sa darating na pista dito sa ating barangay? Sa
palagay mo, maaari kaya akong sumali?
Bibo: Aba, oo naman Gina! Kaya nga pupunta ako sa
bahay ninyo para ipaalam sa’yo at tanungin kung
gusto mong sumali. Alam mo bang malaki ang mga
papremyong ipamimigay sa mga mananalo?
Gina: Talaga? Maraming salamat sa’yo Bibo! Kanino ba
nagpapalista ang gustong sumali sa paligsahang
iyon?
Bibo: Ayon sa nabasa kong patalastas na nakapaskil, eh,
kay Kuya Gerwin daw, ang Hermano Mayor ng pista
sa taong ito.
Gina: Wala talaga akong masabi sa’yo Bibo! Saludo ako
sa iyo dahil alam na alam mo ang buong detalye
ng paligsahan. Puwede bang samahan mo ako
ngayon para magpalista na kay Kuya Gerwin?
Bibo: Sige, tayo na!
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1.Ano ang natatanging kakayahan ni Gina?
2.Bakit pupunta si Bibo sa bahay ni Gina?
3.Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa diyalogo?
4.Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit na
ginawa ni Bibo kay Gina? Bakit?
5.Kung ikaw si Bibo/Gina, ano ang iyong
mararamdaman kapag ikaw ang pinahahalagahan o
nagbibigay importansya sa iba? Patunayan.
DRAFT
April 10, 2014
101
Gawain 1
Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong
dapat gawin? Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
Mga Sitwasyon Ang dapat kong gawin ay….
1. Kasama ka ng Nanay
mong pumunta sa
palengke at noon mo
nalaman na bingi pala
ang batang
namamalimos.
2. May paligsahan sa pag-
awit sa iyong barangay
at nais sumali ng iyong
kababatang pilay.
3. Sa iyong paglalakad,
nakita mo ang iyong
kapitbahay na bulag
na malapit na sa may
kanal.
4. Marami kang laruan sa
inyong bahay na hindi
mo naman ginagamit.
Nakita mo na sira na
ang laruan ng
kapitbahay mong pipi.
5. Nakita mo ang isang
batang putol ang
kamay na hindi kayang
dalhin ang kaniyang
gamit.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
102
Gawain 2
Ang bawat pangkat ay makatatanggap ng isang
activity card kung saan nakasulat ang dapat nilang gawin.
Pangkat 1 – Lagyan ng piring ang mata ng bawat bata sa
inyong pangkat. Magkaisa sa isang salita na
magsisilbing clue word ninyo upang mahanap
ang iyong kasamahan.
Pangkat 2 – May isang bagay kayo na hinahanap sa inyong
silid-aralan. Ipakita kung paano ninyo ito
mahahanap nang hindi kayo nagsasalita.
Pangkat 3 - May gusto kayong abuting gamit sa mataas na
kabinet ngunit kayo ay pilay.
Pangkat 4 – May gusto kang sabihin sa iyong kaklase ngunit
mahina ang kaniyang pandinig. Paano mo ito
gagawin?
Naranasan ninyo ang maging bulag, pipi, pilay, at
bingi sa ating gawain. Paano mo maipakikita ang
pagmamalasakit sa may kapansanang tulad nila? Pag-
usapan sa bawat pangkat kung ano ang dapat gawin.
Ibahagi ito sa klase.
Ang rubric na gagamitin sa pagtataya ng kakayahan
ng mga bata.
Mga Pamantayan 3 2 1
Husay ng
pagkaganap
Lahat ng
kasapi sa
pangkat ay
nagpakita
1-2 kasapi
ng pangkat
ay hindi
nagpakita
3-4 na
kasapi ng
pangkat ay
hindi
DRAFT
April 10, 2014
103
ng
kahusayan
sa
pagganap
ng
kahusayan
sa
pagganap
nagpakita
ng
kahusayan
sa
pagganap
Tamang saloobin
sa sitwasyon
Naipakita
nang
maayos at
may tiwala
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos
ngunit may
pag-
aalinlangan
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Hindi
naipakita
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Sumulat ng sariling pangako hinggil sa pagpapakita ng
pagmamalasakit na may paggalang sa mga may
kapansanan.
Simula sa araw na ito, ako ay nangangako na
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________________________.
Iulat sa klase kung natupad ang pangako.
Tandaan Natin
Ang pantay-pantay na pagtingin ay pagpapakita rin
ng paggalang sa kapuwa. Ito ay nagpapaalala sa atin na
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
104
walang mayaman o walang mahirap sa lipunang ating
ginagalawan. Nararapat nating pahalagahan ang taglay
na mga kakayahan ng bawat isa may kapansanan man o
wala. Wala tayong karapatan upang husgahan ang ating
kapwa sa panlabas na kaanyuan.
Ipinahihiwatig sa awiting “Bulag, Pipi, at Bingi” ni
Freddie Aguilar na ang kapansanan ay hindi hadlang
upang maipakita ang ating natatanging kakayanan o
talento. Lagi nating itanim sa ating isipan na walang
sinumang perpekto sa ibabaw ng mundo. Bawat isa ay may
kani-kaniyang lakas at kakulangan.
Sa bisa pa rin ng Batas Republika 9442 na sumusog sa
Batas Republika 7277, ipinagbabawal na rin ngayon ang
panunuya sa mga taong may kapansanan, maging sa
pamamaraang pasulat, pasalita, o sa pamamagitan ng
mga kilos. Pinagtibay din ang mga susog na ito upang
pigilan ang pagbaba ng tingin sa mga taong may
kapansanan.
Kaya’t ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan
ay dapat nating gawin sa lahat ng pagkakataon. Ito ay
pagpapakita rin ng paggalang upang maramdaman nilang
bahagi rin sila ng lipunan.
DRAFT
April 10, 2014
105
Magkaroon ng isang proyekto “Kapuwa ko, Mahal ko”
na gagamitin sa outreach program para sa mga may
kapansanan.
Magdala ng isang malaking kahong babalutan ng
used gift wrapper. Ilagay ito sa sulok ng silid-aralan upang
dito ilagak ng mga bata ang mga dadalhin nilang regalo:
damit, laruan, de lata, at iba pa para sa mga batang may
kapansanan.
Gagawin ito sa loob ng isang buwan. Ang lahat ng
mga naipong gamit o anupaman ay ipapamigay sa mga
batang may kapasanan.
Isabuhay Natin
“Handog Ko
sa Kapuwa Ko”
DRAFT
April 10, 2014
106
Lagyan ng tsek() kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagmamalasakit na may pagalang sa
may kapansanan at ekis (X) kung ito ay hindi. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.
1. Tinatawag ko ang aking kapuwa na may
kapansanan sa kanilang tunay na pangalan o
palayaw.
2. Tinatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang
kapulaan.
3. Ginagaya ko ang may kapansanan sa kanilang
paglalakad at pagsasalita.
4. Nakikipaglaro lang ako sa kapwa ko rin na may
kapansanan.
5. Tinutulungan ko ang mga may kapansanan sa abot
ng aking makakaya.
Binabati kita sapagkat maluwalhati mong natapos ang
araling ito. Hinahamon kita na sana ang tunay na
pagmamalasakit sa may kapansanan ay maipakita mo
nang may respeto o paggalang sa lahat ng pagkakataon.
Mahusay!
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
107
Aralin 6
Kapwa Ko, Nauunawaan Ko!
Hindi lahat ng bata ay magkakatulad ang katayuan sa
buhay. May magagawa ka para sa iba.
Pagmasdan ang mga larawan at dugtungan ang
pariralang katabi nito. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Kapag lumalapit sila sa akin at
nanghihingi ng pera, ako ay
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_________________________________.
Kung makikita ko ang batang ito, ako
ay__________________________________
____________________________________
____________________________________
___________________________________.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
108
Kung makikita kong ganito lagi ang
suot ng bata ako ay _______________
___________________________________
__________________________________.
Sagutin ang mga tanong.
1. Nakasalamuha mo na ba ang mga batang nasa
larawan?
2. Ano ang nararamdaman mo kapag nakikita o
nakakasama mo sila?
3. Paano mo isinasaalang-alang ang kanilang
katayuan o kalagayan sa buhay? Bakit?
4. Sino-sino pa ang mga batang nakakasama o
nakakasalamuha mo na nangangailangan ng
tulong? Bakit?
5. Naipakita mo ba sa kanila ang pagsasaalang-alang
sa kanilang kalagayan sa buhay?
Bawat pangkat ay magsasadula kung paano ninyo
isinasaalang-alang ang kalalagyan sa buhay ng iyong
kapuwa bata batay sa sitwasyong ibibigay ng guro.
Pangkat 1 - sa mga batang nakaranas ng
kalamidad
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
109
Pangkat 2 - sa isang payat na kamag-aaral na
namumutla habang nagkaklase
Pangkat 3 - sa kaklase mong maikling-maikli na ang
lapis
Pangkat 4 - sa isang batang lalaking putol ang isang
kamay pero gustong sumali sa inyong
larong basketbol
Pangkat 5 - sa isang batang nakita mo sa isang
bahay-ampunan
Magnilay. Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na
at nangailangan ng iyong tulong, pagkalinga, o malasakit.
Isulat ito sa speech balloon. Natugunan mo ba ang kanilang
pangangailangan sa oras na iyon? Isulat sa kaliwang bilog
ang ginawa mong pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Kung mangyayari itong muli, ano naman ang gagawin mo?
Isulat naman ito sa kanang bilog. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
110
Tandaan Natin
Lahat ng bata ay may iba’t ibang kalalagyan sa
buhay. Mayroong mayaman at mayroon din namang
mahirap. Mayroong nangangailangan ng tulong at
mayroon din namang may kakayahang magbahagi.
Hindi tama na husgahan o pakitaan ng masama
ang ating kapuwa kung iba ang kalalagayan nila sa
buhay. Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi
natin maiiwasang makasalamuha ang iba’t ibang uri ng
bata kung kaya’t nararapat na alam natin kung paano
sila igalang, irespeto, at pakitunguhan nang tama.
Marapat na isaalang-alang natin ang kalagayan
ng ating kapwa bata. Pakitunguhan natin sila nang
maayos at ibigay ang nararapat na tulong para sa
kanila. Ayon nga sa ating Panginoon, tandaan natin,
ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa
kung ikaw ay may kakayahang ito ay magawa, gawin
mo ito nang mahusay at tama.
Paano mo ipapakita ang pagsasaalang-alang sa
katayuan/ kalagayan ng kapwa bata? Isulat ang dapat
gawin sa bawat sitwasyon.
Mga Sitwasyon Dapat Gawin
1. May batas na
nagbabawal sa
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
111
pamamalimos.
Nang pumunta ka sa
palengke, may nakita
kang batang
namamalimos.
2. Nakita mo ang isang
batang nanghihina sa
gutom.
3. May batang kumakatok
sa bintana ng inyong
sasakyan at halos kasing-
edad mo lamang. Nag-
aalok siya ng sampaguita
sa iyong ama.
4. Nakita mo ang isang
batang nakatingin sa iyo
habang kumakain kayo sa
restawran.
5. Nakita mong naglalaro
ang batang punit-punit
ang kasuotan.
Iguhit ang masayang mukha kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng pagsasaaalang-alang
sa katayuan o kalagayan ng iyong kapuwa bata at
malungkot na mukha naman kung hindi.
1. Binibigyan ng pagkain ang batang nagugutom.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
112
2. Pinasasaya ang bata sa lansangan sa pamamagitan
ng pagbigay ng mga pangangailangan tuwing may
okasyon.
3. Sinasarili ang panonood ng telebisyon sa bahay upang
inggitin ang mga kalaro.
4. Hinahatian ng baon ang isang kalaro na walang
makain at nagugutom.
5. Sumasali sa mga outreach program ng barangay,
nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga
batang nasa malalayong lugar.
Binabati kita! Kahanga-hanga ka dahil matiyaga mong
natapos ang araling ito. Nawa’y maging handa ka sa
susunod na aralin para patuloy mong maisaalang-alang
ang katayuan at kalagayan ng kapuwa mo bata.
DRAFT
April 10, 2014
113
Aralin 7
Magkaiba Man Tayo
Hindi natin maiiwasan na may mga kapuwa bata
tayong makakasama o makakasalamuha na kabilang sa
mga pangkat-etniko. Paano natin isasaalang-alang ito?
Basahin ang kuwento:
Ang Matulunging Bata
Sa loob ng silid-aralan, tahimik na gumagawa ang
mga bata ng kanilang pagsasanay sa Filipino. Napansin ni
Lita si Lawaan, ang bago nilang kaklaseng Aeta na hindi
mapakali sa upuan. Wala siyang lapis at papel na
gagamitin.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
114
Dali-daling kinuha ni Lita ang iba
pa niyang lapis at papel sa
kaniyang bag at ibinigay kay
Lawaan. Laking gulat at
pasasalamat ng bata kay Lita.
Masaya niyang tinanggap ang
tulong ni Lita at sila ay naging
mabuting magkaibigan.
Pag-usapan natin.
1. Ano ang kaibahan ni Lawaan kay Lita?
2. Bakit hindi mapakali si Lawaan sa kaniyang upuan?
3. Paano ipinakita ni Lita ang pagmamalasakit sa bago
niyang kaklase?
4. Kung sa iyo ito nangyari, ano ang gagawin mo? Bakit?
5. Nakaranas ka na ba ng pangyayari na katulad ng kay
Lita? Ano ang iyong ginawa?
DRAFT
April 10, 2014
115
Gawain 1
Kilala ba ninyo sila?
Hanapin ang mga pangkat etniko na nakasulat sa
loob ng word hunt.
B E M T Y D G M I C
I T A I L U C A B E
S A S B T H R N A B
A U T A G A L O G U
Y S M L O K L B O A
A U M O R O T O B N
R G K Y E H A D O O
B I K O L A N O T Y
Gawain 2
1. Gumuhit ng puno sa isang papel. Lagyan ito ng mga
bungang puso. Pumili ng isang pangkat-etniko na
nakasama mo na o gusto mong makasama. Isulat ito
sa katawan ng puno na iyong ginawa. Sa mga bunga
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
116
ng puno, isulat naman ang nais mong ibahagi sa kanila
upang maipakita ang pagsasaalang-alang sa kanila.
A. Sabihin kung nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa
pangkat-etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata ang
mga sitwasyon. Ipaliwanag ang iyong sagot.
1.
Isapuso Natin
Pinapahiram ni Ben sa kaklaseng Ita ang lapis
at pambura niya.
DRAFT
April 10, 2014
117
2.
3.
B. Gumawa ng isang liham pangkaibigan para sa isang
batang kabilang sa isang pangkat etniko na kaiba sa
inyo. Ipakita sa liham kung paano mo isinasaalang-
alang ang kaniyang kaibahan sa inyo.
Tandaan natin
Lahat ng tao ay pantay-pantay anuman ang pangkat-
etnikong ating kinabibilangan. Kung kaya dapat nating
isaalang-alang ito sa pakikitungo sa ating kapuwa bata.
Nasasaad sa Deklarasyon ng United Nations sa
Karapatan ng mga Katutubo na ang mga katutubo ay
kapantay ng lahat ng tao, bagama’t kinikilala ang
karapatan na pagkakaiba ng lahat ng tao, pagsasaalang-
alang sa pagkakaiba, at paggalang sa kakanyahan.
Magkakaiba man tayo ng pangkat-etnikong kinabibilangan,
lahat tayo ay nakapag-ambag sa kasaysayan at kultura ng
ating bayan. May iba-iba man tayong paniniwala,
panuntunan, kinagawian, relihiyon, at kultura, tayo ay iisa pa
rin.
Matagal nang panahon na hindi pantay ang pagtrato
natin sa iba nating kapwa bata. Panahon na para baguhin
natin ito. Ating isaalang-alang ang kinabibilangan nilang
pangkat-etniko. Magkaiba man tayo, dapat natin silang
Ibinahagi ni Mariel ang ilan sa mga paborito
niyang laruan at sapatos sa mga batang Tausug.
Masayang sumasama sina Jerome at Miguel
sa mga proyekto at gawain ng paaralan para
makapaglibang at makarating sa ibang lugar.
DRAFT
April 10, 2014
118
pakitunguhan nang maayos at tulungan kung
kinakailangan.
Sa tulong ng inyong gurong tagapayo, magsagawa
ng isang outreach program para makatulong sa mga
pangkat etniko. Maaaring ito ay:
a. Paghahanap ng batang mula sa isang pangkat-
etniko na malapit sa inyong paaralan para bigyan
sila ng mga gamit, pagkain, at simpleng
pangangailangan.
b. Paghahanap sa inyong paaralan ng mag-aaral na
maaaring kabilang sa isang pangkat-etniko.
Anyayahan ang kanilang pamilya na bisitahin ang
inyong paaralan at bigyan sila ng natatanging
palatuntunan. Isabay na rin dito ang pagbibigay ng
mga simpleng regalo na magagamit nila sa
kanilang tahanan.
c.Pagsusulat ng isang artikulo na mailalathala sa
pahayagan ng inyong paaralan hinggil sa
kahalagahan ng kultura ng mga pangkat-etniko.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
119
Sa gitnang bilog, iguhit o isulat ang isang pangkat-
etniko. Sa maliliit na bilog na nakapalibot, iguhit o isulat
naman ang mga paraan kung paano mo
mapapahalagahan ang pangkat-etnikong kinabibilangan
niya. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
120
Aralin 8
Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa!
Naipapakita nang may kasiyahan ang pakikibagay at
pakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro,
pagsali sa programa sa paaralan, at paligsahan.
A. Gumawa ng balak tungkol sa pagsasagawa ng isang
maikling palatuntunan. Ito ay lalahukan ng mga bata
bilang pagdiriwang sa Children’s Month Celebration.
B. Itala ang mga programa, palatuntunan, paligsahan at
pagdiriwang na isinasagawa sa inyong paaralan sa tsart
katulad ng nasa ibaba. Lagyan ng tsek ang ikalawang
kolum kung nilahukan mo ito at ekis naman kung hindi.
Sa ikatlong kolum, iguhit ang iyong naramdaman ng
isagawa ito. Masayang mukha kung nasiyahan ka at
malungkot na mukha naman kung hindi. Sa huling
kolum, isulat kung bakit ito ang iyong naramdaman.
Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Halimbawa:
Programa/
Palatuntunan/
Paligsahan
Pakikilahok Naramdaman Bakit?
Nutrition
Month Parade 
Ako ang
“A-1
Child”
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
121
Pangkatin ang inyong klase sa lima. Bawat pangkat ay
magpapakita ng palabas kung paano isinasagawa ang
sumusunod na programa/ palatuntunan/paligsahan sa
paaralan. Magsagawa ng pagpaplano sa loob ng 10
minuto at ipakita ito sa loob ng tatlong minuto.
Pangkat 1– Buwan ng Wika (sa paraang Balagtasan)
Pangkat 2 – Quiz Bee (sa paraang rap)
Pangkat 3 – Scouting Month (sa paraang chant)
Pangkat 4 – Paligsahan sa Pag-awit
Pangkat 5 – Paglalaro
Gamitin ang pamantayan sa ibaba upang maipakita
nang maayos ang gagawin ninyong palabas.
Pamantayan
Kasiyahang
ipinakita sa
gawain
Lahat ng
kasapi ng
pangkat ay
nagpakita ng
kasiyahan sa
pakikilahok sa
gawain
Isa o
dalawang
kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita ng
kasiyahan sa
pakikilahok sa
gawain
Tatlo o
mahigit pang
kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita ng
kasiyahan sa
pakikilahok sa
gawain
Pakikiisa Lahat ng
kasapi ng
pangkat ay
nakiisa sa
gawain
Isa o
dalawang
kasapi ng
pangkat ay
hindi nakiisa
sa gawain
Tatlo o
mahigit pang
kasapi ng
pangkat ay
hindi nakiisa
sa gawain
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
122
Maging mapanuri sa panonood ng palabas ng bawat
pangkat sapagkat bawat isa ang magiging hurado. Bawat
isa ay may show me board na itataas kung saan nakalagay
ang bilang ng bituin.
Gawain 1
Isulat ang iyong nadarama kung kasali ka sa
sumusunod na larawan. Ibahagi kung bakit.
1.
_____________________ ako dahil_______________________
_____________________________________________________
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
123
2.
_____________________ ako dahil_______________________
______________________________________________________
3.
________________________ako dahil____________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
DRAFT
April 10, 2014
124
Gawain 2
Piliin sa kahon ang mga gawain sa paaralan na
nadarama mo ang kasiyahan kung ikaw ay nakikiisa at
lagyan ng arrow patungo sa masayang mukha .
Kung hindi ka naman nasisiyahan, lagyan ng arrow
patungo sa malungkot na mukha . Kung nasa
malungkot na mukha, gumuhit ka ng isang malaking puso.
Ilagay sa loob ng puso ang iyong gagawin upang makiisa
ka sa mga gawain nang may kasiyahan. Gawin ito sa
inyong kuwaderno.
DRAFT
April 10, 2014
125
Tandaan Natin
Marami sa mga gawaing pampaaralan ang
nangangailangan ng pakikiisa ng mga bata upang
maging matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga paglalaro,
paligsahan, pagdiriwang, at iba pa.
Sa pakikiisa natin sa mga gawaing pampaaralan
nararapat nating gawin ito nang may kasiyahan. Makiisa
tayo nang bukal sa kalooban at hindi napipilitan lang.
Ang pagpapakita ng tunay na nararamdaman ay
nangangahulugang tapat ka sa iyong sarili gayundin sa
iyong kapuwa.
May mga pagkakataong hindi mo nagugustuhan
ang kinalalabasan ng mga pangyayari kabilang dito
ang pagkatalo sa paligsahan, pagkakamali sa
pagsasayaw, at iba pa. Hindi tayo dapat malungkot dito
sa halip ay ipakita natin ang kasiyahan para sa kanila
gayundin para sa ating sarili sapagkat naipakita natin na
kaya natin ang mga gawaing ito.
Alalahanin ang mga gawaing pampaaralan na
sinalihan mo noong nakaraang isang linggo. Pumili ng lima
at isulat ito sa isang diary. Ilahad kung ano ang ginawa mo
sa kaliwang pahina at sa kanan naman ay ilagay mo ang
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
126
aral na iyong natutunan sa gawain. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Sa isang sulatang papel, ipakita kung paano ka
nakikiisa sa mga gawaing pambata nang may kasiyahan.
Maaari itong ipakita sa pamamagitan ng pagsulat,
pagpinta, o anumang paraang nais mo.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
127
Aralin 9
Halina! Tayo ay Magkaisa
Ang pakikiisa sa kasayahan ay nagpapakita ng
magandang kaugalian. Tulad mo, nais mo ding ipakita ang
mga ngiti at maipadama ang pagiging maligaya sa
kapuwa. Ito ay halimbawa ng positibong pag-uugali.
Basahin ang kuwento.
Ang Kaarawan ni Luis
Araw ng Sabado, maagang gumising si Luis sapagkat
ito ang kaniyang ikawalong taong kaarawan. Agad niyang
inihanda ang kaniyang sarili para sa pagsimba. Sinamahan
siya ng kaniyang kapatid na si Rosa na pumunta sa
simbahan upang magpasalamat sa biyaya ng buhay na
kaloob ng Poong Lumikha.
Agad silang umuwi ng bahay. Tinulungan nila ang
kanilang ina sa paghahanda ng mga pagkaing ihahain sa
kaniyang kaklase sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
Hindi nagtagal ay unti-unti nang dumating ang mga bisita ni
Luis sa kanilang bahay. Nang makita ng kaniyang
panganay na kapatid na si Rizza na halos lahat ng mga
bisita ay dumating na ay pinasimulan na ang palatuntunan.
Bilang pasimula nagdasal muna sila sa Diyos para
magpasalamat at pagkatapos ay sabay-sabay na umawit
ang lahat ng Happy Birthday.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
128
Masayang-masaya si Luis sapagkat nakiisa ang
kaniyang mga kaklase, kaibigan, at kalaro sa bawat
isinagawang palaro tulad ng balloon relay, egg catching,
paper dance, at stop dance.
Ngunit ang pinakamasaya at hindi makakalimutang
palaro na bring me sapagkat nanalo ang grupo ni Luis sa
palarong ito. Ang bawat kasapi ng pangkat ay nakiisa at
nagtulungan sa pagdadala ng mga hinihinging bagay.
Nang napagod na at makaramdam na rin ng gutom, ay
isinagawa na ang konting salo-salo sa kaniyang kaarawan.
Umuwi nang may ngiti sa mga labi ang dumalo sa
kaarawan.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1.Ano ang okasyon at maagang gumising si Luis?
2.Bakit masaya si Luis sa kaniyang kaarawan?
3.Saan pumunta sina Luis at Rizza? Bakit?
4.Dapat ba tayong magpasalamat sa Poong
Maykapal sa kaloob na biyaya ng buhay? Bakit?
DRAFT
April 10, 2014
129
5.Sa inyong palagay, ano ang sekreto o dahilan at nanalo
ang grupo ni Luis sa palaro?
Gawain 1
Suriin ang sumusunod na scrambled letters.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Ang mabubuong salita ay tungkol sa pagdiriwang ng
pista. Maaaring ito ay pagkain, laro, at iba pang makikitang
may kaugnayan sa pista. Isulat ang nabuong salita sa
Isagawa Natin
a d n a b
s e b o p a l a
i n k a p a g
s i s p r u y o n
s a m i
y a b a n g i n
DRAFT
April 10, 2014
130
bawat piraso ng banderitas. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.
Gawain 2
Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot
o makatatanggap ng isang sitwasyon na nakasulat sa
kapirasong papel o metacards. Pag-usapan ang inyong
gagawin.
Pangkat 1
Habang naglalaro kayo sa iyong bakuran ng iyong
mga kaibigan ng taguan, nakita mo na tahimik lang na
nanonood sa labas si Margo. Napagkasunduan ninyo siyang
yayaing makipaglaro sa inyo. Gumawa ng usapan o forum
tungkol sa sitwasyon para maipakita ang pagkakaisa sa
napagkasunduan.
Pangkat 2
DRAFT
April 10, 2014
131
Hinding-hindi ninyo makalilimutan ang ganda ng isang
pasyalan o parke sa inyong lugar. Ano ang dapat ninyong
gawin para mapanatili ang kalinisan, kagandahan, at
kaligtasan sa panganib? Gumawa ng poster para
maipakita ang pagkakaisa sa gawain.
Pangkat 3
Magkakaroon ng paligsahan ng Munting Ginoo at
Binibini sa inyong lugar o barangay sa susunod na buwan.
Gumawa ng anunsyo para maipakita ang pagsuporta sa
paligsahan.
Pangkat 4
Magkakaroon ng Summer Basketball League sa inyong
barangay sa susunod na buwan. Bumuo ng isang
masiglang sayaw o “cheer dance” para maipakita ang
pakikiisa sa gawaing ito.
May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda sa
nabunot na sitwasyon o gawain.
Ipakikita ng bawat pangkat ang inihandang gawain sa
loob ng dalawa hanggang tatlong minuto lamang.
Gagamitin ang rubric sa pagtataya ng palabas.
Mga
Pamantayan
3 2 1
Husay ng
Pagkaganap
Lahat ng
kasapi sa
pangkat ay
nagpakita
ng husay sa
pagganap
1-2 kasapi
ng pangkat
ay hindi
nagpakita
ng husay sa
pagganap
3-4 na
kasapi ng
pangkat ay
hindi
nagpakita
ng husay sa
pagganap
DRAFT
April 10, 2014
132
Akma/
Tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos at
may tiwala
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Naipakita
nang
maayos
ngunit may
pag-
aalinlangan
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Hindi
naipakita
ang
tamang
saloobin sa
sitwasyon
Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa bata
at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Pagtulong sa mga gawaing bahay na may ngiti sa
mga labi habang ginagawa ito.
2. Pagsali ng bukal sa kalooban sa mga paligsahan sa
barangay.
3. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan sa
kaibigan.
4. Palakaibigan sa mga bagong lipat na kapitbahay.
5. Pamimintas sa mga palabas sa palatuntunan sa
pamayanan.
6. Pagtulong sa mga kaklase sa paggawa ng takdang-
aralin.
7. Pagkukulong sa loob ng bahay dahil sa mga kalarong
batang madungis.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
133
8. Pakikipag-away sa mga kalaro kapag siya ay natalo sa
laro.
9. Pagbabahagi ng mga natutuhang aralin o leksyon sa
lumiban na kamag-aral.
10. Kusang-loob na nakikiisa sa pagtatanim ng mga
halaman sa paaralan o barangay.
Tandaan Natin
Ang kabutihan ay kagandahan ng kalooban. Ang
kagandahang-loob ay katangiang dapat na ibang tao ang
nagsasabi at hindi ang sarili. Upang masabi nila ito, nakikita
nila ito sa kilos at pag-uugali ng tao.
Ang kagandahang-loob ay isang konseptong may
kinalaman sa katauhang angkin ng isang tao. Ito rin ang susi
kung ano ang uri ng pakikipagkapwa ang maipapamalas
ng tao.
Ang bawat bata ay may kani-kaniyang katauhan at
katangian. Lubos na kasiya-siya kung maipakikita nang taos-
puso ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa ating kapwa sa
pamayanan at hindi naghihintay ng anumang kapalit.
DRAFT
April 10, 2014
134
Lagyan ng tsek () ang kolum ng inyong sagot. Isulat ito
sa kuwaderno.
Mga Sitwasyon Opo Minsan po Hindi po
1. Sumasali ka ba sa mga
larong pambata nang
may kasiyahan?
2. Sumasali ka ba sa
paligsahan upang
maipakita ang iyong
natatanging
kakayahan?
3. Nagtatago ka ba sa
iyong Nanay kapag
ikaw ay inuutusan sa
mga gawaing bahay?
4. Inanyayahan mo ba
ang kapuwa mo bata
sa inyong lugar sa
paglalaro?
5. Ipinagyayabang mo
ba ang iyong
natatanging
kakayahan sa inyong
mga kalaro, kaibigan,
o kapitbahay?
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
135
Iguhit ang bituin ( ) kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng tamang pakikiisa sa kapuwa sa mga
programang pambata. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Niyaya ni Jessa ang bagong lipat na kapitbahay na
galing sa Batanes sa paglalaro ng patintero.
2. Kalilipat lang ng pamilya nila Noel sa Manila. Dahil dito
nahihirapan siyang makipag-usap sa mga bagong
kaibigan kaya hindi siya isinama sa paglalaro.
3. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa
patimpalak na sayaw sa kanilang barangay.
4. Ikinagalit ng lider ng pangkat ang pagsali ni Baron sa
kanilang pagsayaw dahil sa kaniyang suot na lumang
damit.
5. Dumadalo ako sa pag-eensayo ng aming grupo para
sa darating na Summer Basketball League.
Natapos mo na naman ang isang aralin. Hinangaan kita
sa iyong pagtiTiyaga. Pinatunayan mong isa kang batang
may mabuting kalooban. Maligayang bati!
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
136
Yunit III
Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo
DRAFT
April 10, 2014
137
Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Kaakibat sa pag-unlad ng bayan ang pagbabago.
Dapat mong panatilihin, mahalin, at ipagmalaki ang iyong
mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino sa kabila ng mga
pagbabagong nagaganap sa lipunan at daigdig.
Gumupit o gumuhit ng bituin. Masdan ang mga
kahong nasa ibaba. Bawat kahon ay may mga aksyon na
maaari mong ginagawa o sinasalita. Lagyan ng bituin ang
kahon kung ito ay iyong ginagawa o sinasalita.
1
“Maaari po bang
magtanong?”
2
“Magandang
gabi po, G. ____.”
4 5
“Ate, aalis na po
ako.”
Nagmamano sa
mga
nakatatanda.
nakatatanda
3
Gumagamit ng
po at opo sa
pakikipag-usap.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
138
Tulungan mo ang iyong guro na bilangin kung ilang
bituin ang inilagay ng inyong klase sa bawat kahon. Sumali
sa talakayan sa pagsagot sa sumusunod na tanong.
 Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na nasa
kahon?
 Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?
 Sa iyong palagay, nararapat ba ninyo itong
gamitin? Bakit?
Sa limang pangkat na nabuo ng inyong klase, bawat
pangkat ay bibigyan ng sitwasyon upang pag-usapan kung
paano maipakikita ang magandang kaugaliang Pilipino.
Pagkatapos itong pag-usapan, isadula ito sa klase. Gamitin
ang pamantayan na nasa ibaba.
Sitwasyon 1 Isang gabi, dumating sa inyong bahay
ang mga kaibigan ng inyong Nanay na
sina Aling Cora, Aling Belen, at Aling
Mila. Kilala ninyo sila, subalit kayo pa
lang magkakapatid ang naroon. Hindi
pa dumarating mula sa trabaho ang
inyong Nanay at Tatay. Ano ang inyong
dapat gawin?
Sitwasyon 2 Isinama kayo ng inyong Tatay sa isang
piyesta sa kalapit baranggay. Marami
kayong gustong malaman tungkol sa
pagdiriwang na ito. Ano ang gagawin
ninyo at papaano ninyo ito sasabihin?
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
139
Sitwasyon 3 Sabado ng hapon. Naglalaro kayong
magkakaibigan. Dumaan ang inyong
guro sa inyong harapan. Ano ang
dapat ninyong gawin?
Sitwasyon 4 May hinahanap na lugar ang isang
matandang babae. Nagtanong siya sa
inyo. Ano ang inyong sasabihin at
gagawin?
Sitwasyon 5 Nagkaroon ng family reunion ang
inyong pamilya. Dumating ang inyong
mga Tiyo at Tiya. Ano ang inyong
gagawin?
Pamantayan 3 2 1
1. Pagpapakita
o
pagpapahayag
ng mga
kaugaliang
Pilipino
Naipakita o
naipahayag
nang tama
ang
kaugaliang
Pilipino
Isang beses
na hindi
naipakita o
naipahayag
nang tama
ang
kaugaliang
Pilipino
Dalawang
beses o higit
pa na hindi
naipakita o
naipahayag
nang tama
ang
kaugaliang
Pilipino
2. Pakikilahok
ng mga kasapi
ng bawat
grupo
Lahat ng
kasapi ng
grupo ay
nakilahok
Isa sa mga
kasapi ng
grupo ang
hindi
nakilahok
Dalawa o
higit pang
kasapi ng
grupo ang
hindi
nakilahok
DRAFT
April 10, 2014
140
Isulat sa metacards kung saan at kanino mo ginagawa
o sinasalita ang sumusunod na kaugaliang Pilipino. Ilagay
sa tsart ang inyong mga kasagutan.
Halimbawa:
pagmamano, pagsasabi ng po at opo, at iba
pang magagalang na salita
Isapuso Natin
Kaugaliang Pilipino
Hal. 1. Pagmamano
Saan/kailan kanino
a. tuwing aalis at
darating ng
bahay
a. magulang
b. Lola at
Lolo
DRAFT
April 10, 2014
141
Tandaan Natin
Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating mahalin
at panatilihin ay ang pagmamano, paggamit ng “po” at
“opo”, at paggamit ng iba pang magagalang na salita.
Ang paggamit ng “po” at “opo” at iba pang
magagalang na pananalita tulad ng pagtawag ng ate,
kuya, diko, ditse, manong, manang at iba pa sa ating
mga nakatatandang kapatid ay likas din sa ating mga
Pilipino. Wala itong katumbas na salita sa ibang wika.
May mga bayan sa ating bansa na hindi gumagamit ng
mga salitang ito ngunit hindi ibig sabihin ay hindi sila
magalang.
Mahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang sa
kapuwa. Bawat tao ay ating iginagalang anuman ang
katayuan niya sa buhay.
Iba’t iba ang paraan ng pagpapakita ng
paggalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Ang
pagmamano ay isang pagpapakita ng paggalang na
tanging sa mga Pilipino lamang natin makikita. Dapat
natin itong panatilihin at huwag iwaksi sa ating buhay.
Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino gaya
ng mga nabanggit ay sadyang napakasarap pakinggan
at nagpapakita ng respeto sa bawat isa.
DRAFT
April 10, 2014
142
Gawain 1
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng
magagandang pag-uugali. Alin sa mga ito ang kaugaliang
Pilipino? Bakit?
C D
A B
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
143
Gawain 2
Magkaroon ng isang telesuri. Suriin ang isang programa sa
telebisyon sa loob ng isang buwan. Itala ang mga
kaugaliang Pilipino na ipinakita sa programa.
Isang Telesuri sa Programang ______________________
Petsa Kaugaliang
Pilipino
Paraan ng
pagpapakita nito
Tama ba
ang Paraan
Kung hindi,
paano ito
dapat
ipakita
Pagkaraan ng isang buwan, sumulat ang buong klase
ng isang pagsusuri batay sa inyong itinala sa tele-suri.
Ipadala ito sa estasyon ng telebisyon o radyo gamit ang
e-mail.
E F
DRAFT
April 10, 2014
144
Magpasalamat sa istasyon ng radyo at telebisyon kung
ito ay mabibigyan ng pansin ng mga kinauukulan. Kung
hindi naman ay ituring ito na isang magandang karanasan.
Isulat sa sagutang papel kung tama o mali ang ipinakita
sa bawat sitwasyon.
1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na
bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano.
2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong
Nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano
ka at siya ay iyong pinatuloy.
3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo
para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang
pintuan, at sinabing “Magandang tanghali po Lolo.
Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.”
4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana.
Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan,
ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling
Susan nang pasigaw na parang galit.
5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay
galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa
kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil mag-
aaral pa siya ng kaniyang mga aralin.
Mahusay! Matagumpay mong natapos ang araling ito.
Maaari mo nang gawin ang susunod na aralin.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
145
Aralin 2
Kalugod-lugod Ang Pagsunod
Sa araw-araw mong pamumuhay, ang mga tagubilin
ng mga nakatatanda ay isa sa mga dapat na isaalang-
alang upang maging maayos ang iyong buhay. Ang mga
tagubilin na ito ay may kaugnayan sa pagiging magalang,
matapat, pagkamaagap, at iba pa.
Alamin Natin
Natatandaan mo ba ang mga paalala ng mga
nakatatanda? Isulat mo ito sa isang papel at idikit sa
caterpillar na iyong iguguhit sa kuwaderno. Idikit mo sa
kurbang malapit sa ulo ang pinakamadalas mong sinusunod
at sa may buntot naman ang minsan mo namang
sinusunod.
Ano ang dapat mong gawin sa mga tagubilin ng
nakatatanda? Bakit?
DRAFT
April 10, 2014
146
Isagawa Natin
Ang bawat pangkat na nabuo sa klase ay bibigyan ng
mga sitwasyon na may mga tagubilin ng nakatatanda.
Magtulungan kayong magdesisyon kung dapat bang sundin
ang kanilang mga tagubilin. Isulat ito sa loob ng tsart
katulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Suliranin
Tagubilin
Mga Pamimiliang Desisyon
Opsyon 1
______________________
______________________
______________________
Opsyon 2
______________________
______________________
______________________
Mabuting
Epekto
Hindi
mabuting
epekto
Mabuting
Epekto
Hindi
mabuting
epekto
1.
2.
3.
1.
2.
3.
Desisyon:
Sitwasyon 1 Tagubilin ng iyong mga magulang na huwag
sasali sa usapan ng matatanda. Isang araw,
nag-uusap ang Nanay mo at ang kaniyang
kaibigan. Narinig mong pinag-uusapan ang
isang pangyayari sa inyong paaralan na iyong
nasaksihan. Subalit may maling impormasyon
silang nabanggit. Ano ang dapat mong
DRAFT
April 10, 2014
147
gawin?
Sitwasyon 2 Ang sabi ng iyong ina, kailangang umuwi agad
sa bahay pagkagaling sa paaralan. Nang
araw na iyon, may mahalagang proyekto
kayong gagawin at kailangang matapos ito.
Ano ang dapat mong gawin?
Sitwasyon 3 Ang bilin sa iyo ng mga nakatatanda ay
magpasalamat sa mga biyayang ibinibigay sa
iyo. Isang araw, gustong-gusto mong
magkaroon ng magandang manika. Dumating
ang iyong Tiyo na may dalang pasalubong
para sa inyong magkapatid. Binigyan ka ng
magandang bag at ang kapatid mo naman
ay binigyan ng isang magandang manika na
gustong-gusto mo. Ano ang dapat mong
gawin?
Isapuso Natin
Gawain 1
Magbalik-tanaw. Mag-isip ng isang tagubilin ng
nakatatanda na hindi mo nasunod. Gumawa ng isang card
na nagsasaad ng pagsuway mo noon sa isang tagubilin,
ang naging epekto nito sa iyo at kung ano ang gagawin mo
mula ngayon. Ibigay ito sa taong nagbigay sa iyo ng
tagubilin.
Gawain 2
Magtanong sa inyong mga magulang at mga kasambahay
na nakatatanda kung ano-ano ang kanilang mga tagubilin.
Igawa ito ng talaan. Dalhin at iulat ito sa klase kinabukasan.
DRAFT
April 10, 2014
148
Tandaan Natin:
Ang mabuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ng
pagsunod sa tamang tagubilin o paalaala ng mga
nakatatanda ay hindi natin dapat kalimutan. Atin itong
isabuhay at pahalagahan.
Isa sa maipagmamalaki natin bilang Pilipino ay ang
pagiging masunurin. Iminulat tayo sa kaisipang dapat
nating sundin ang mga tagubilin o paalala ng mga
nakatatanda sa atin sapagkat sila ay may higit na
karanasan sa atin na nagsisilbing karagdagan sa kanilang
kaalaman. Ang mga pangyayaring nararanasan natin ay
maaari na nilang napagdaanan kung kaya’t mayroon na
silang sapat na kaalaman sa kung ano ang higit na
tamang desisyon. Ang pagsunod natin sa kanila ay tanda
ng paggalang sa mga nakatatanda.
Subalit may mga pagkakataong labag sa atin ang
pagsunod o ayaw nating sundin ang kanilang utos. Ngunit
hindi tayo dapat magdabog sa halip sabihin natin ang
tamang dahilan nang maayos.
Dapat nating matutuhang timbangin ang mga
tagubiling ibinibigay sa atin. Lagi nating isaisip na ang
magiging desisyon natin ay magdudulot ng kabutihan sa
lahat.
DRAFT
April 10, 2014
149
Isabuhay Natin
Gamit ang talaan ng mga tagubilin na ibinigay ng
mga nakatatanda, suriin kung tama ang kanilang mga
tagubilin.
Gumawa ng talaan tulad ng nasa ibaba. Kulayan ng
pula ang tapat ng tagubilin kung ito ay nasunod mo.
Obserbahan ang iyong sarili sa loob ng isang buwan. Sa
isang araw na may nagawa kang pagsunod, palagyan ito
ng lagda sa ilalim ng talaan bawat araw.
Talaan ng mga Tamang Tagubilin ng mga Nakatatanda
Buwan ng _______________________
Mga Tagubilin/ Bilang ng
araw
1 2 3 4 5 6 7
Lagda ng
Magulang/Guardian
DRAFT
April 10, 2014
150
Subukin Natin
Punan ang graphic organizer. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel.
Naisagawa mo nang maayos ang mga gawain sa
araling ito. Binabati kita. Maaari mo nang gawin ang
susunod na aralin.
Ang bilin ng mga
magulang ko ay
________________________
________________________.
Kaya dapat ko itong
_____________________
dahil _______________
____________________
Upang
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
DRAFT
April 10, 2014
151
Aralin 3
Sumunod Tayo sa Tuntunin
Bilang bahagi ng lipunan, may mga tuntunin
ang pamayanan na dapat mong sinusunod. Ito ay tanda
ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino.
Sa dalawang pangkat na nabuo ng klase, hulaan kung
anong tuntunin ng pamayanan ang ipinakikita ng isang
pangkat sa paraang pantomina. Ang makapagsasabi ng
mensahe nang ipinakitang pantomina ang siyang
magkakaroon ng puntos.
 Ano-ano ang mga tuntunin ng pamayanan na
pinahulaan sa inyong gawain?
 Tama ba ang pagkaganap ng mga nagpapahula sa
pagsunod sa tuntunin ng pamayanan?
 Ano ang iyong naramdaman sa gawaing ito?
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
152
 Paano mo maipahahayag na ang pagsunod sa
tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting
pag-uugali ng isang Pilipino?
Isagawa Natin
A. Ang paaralan ay isang uri ng munting pamayanan na
binubuo ng mga guro at mag-aaral. May mga tuntuning
pinaiiral sa loob ng paaralan at inaasahan na ang bawat
kasapi nito ay susunod. Ang bawat pangkat ay
magsasagawa ng pagbabalita ukol sa sumusunod na
tuntunin na mayroon sa paaralan. Ito ay gagawin ng
bawat pangkat matapos makapangalap ng sapat na
impormasyon at mga larawan na nagsisilbing patunay ng
inyong ulat.
A. Tuntunin ng pamayanan
Pangkat 1 – sa main gate ng paaralan
Pangkat 2 – sa silid-aklatan
Pangkat 3 – sa silid-aralan
Pangkat 4 – sa kantina
Pangkat 5 – sa palikuran
B. Paano sinusunod ang tuntunin sa bawat bahagi ng
inyong paaralan? Maaari kayong magpakita ng mga
larawan o isinagawang panayam/interbyu bilang
patunay na sinusunod ang tuntunin.
C. Ano ang hakbang/programa na ginagawa ng inyong
paaralan upang masunod ang mga tuntunin nito?
D. Ano ang magagawa ninyo bilang mag-aaral upang
masunod ang mga tuntunin?
DRAFT
April 10, 2014
153
Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarka
ng pangkatang gawain.
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman ng
ulat
Naipahayag nang lubos ang
ulat hinggil sa tuntunin ng
paaralan; kung paano ito
sinusunod, mga programang
ginagawa at kung ano ang
magagawa bilang bata
10
Lawak ng
impormasyong
nakalap
May sapat na impormasyong
nakalap ng pangkat
5
Patunay sa
impormasyong
nakalap
Nakapagpakita ng mga
patunay sa impormasyong
nakalap
5
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang mga tuntunin na ipinakita ng bawat
pangkat?
2. Ano ang naramdaman mo nang isinasagawa na
ninyo ang gawain?
3. Ano ang tumimo sa iyong puso habang isinasagawa
ang gawain? Bakit?
Isapuso Natin
Pumili ng isang tuntunin ng paaralan na hindi mo
madalas sinusunod. Sumulat sa isang sagutang papel ng
DRAFT
April 10, 2014
154
isang pangako na tumutukoy sa iyong mga gagawin upang
makasunod sa tuntuning ito. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
Tandaan Natin
Kahit tayo ay bata pa lang, may magagawa tayong
paraan upang makapagpahayag na ang pagsunod sa
tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-
uugali ng isang Pilipino.
Ang paaralan ay isang pamayanang kinabibilangan
natin. Dito natin madalas ginugugol ang ating oras sa
maghapon. Dito rin tayo tinuturuan ng tamang pagsunod sa
mga tuntunin ng ating pamayanan.
Sa ating paaralan at tahanan, may mga tuntuning
ipinasusunod sa atin. Ang mga ito ay pinag-isipang mabuti
ng mga nanunungkulan at namamahala ng ating mga
Sa aking mga kapwa mag-
aaral,
Ako ay nangangako na
______________________________________
______________________________________
____________________________.
___________
(Lagda)
DRAFT
April 10, 2014
155
paaralan upang maging maayos ang takbo ng ating
paaralan at tahanan. Ito rin ang magsisilbing praktis natin
upang masunod din natin nang maayos ang mga tuntuning
ipatutupad naman ng ating bayan at bansa.
Huwag nating balewalain ang mga simpleng
tuntuning ito.
Isabuhay Natin
Punan ng kasagutan ang sumusunod na pick-up lines
na naglalaman ng iyong ginagawang pagsunod sa mga
tuntunin.
Hal. Hangin ka ba? Bakit?
Kasi, pag nasa simbahan wala kang kaingay-ingay.
1. Batas trapiko ka ba? Bakit?
Kasi ______________________________________
2. Hardinero ka ba? Bakit?
Kasi ______________________________________
3. Janitor ka ba? Bakit?
Kasi ______________________________________
DRAFT
April 10, 2014
156
Subukin Natin
Sagutan ang sumusunod na tanong sa inyong kuwaderno.
Ano ang dapat mong gawin kung…
1. nakita mong hindi nakahanay ang iyong kaklase sa
pagbili sa kantina?
2. ang iyong kaibigan ay gumagamit ng radyo sa loob
ng silid-aklatan?
3. pinipitas ng isang mag-aaral ang bulaklak sa hardin ng
paaralan?
4. nagtapon ng tissue paper ang iyong kapatid sa toilet
bowl ng palikuran?
5. umaakyat ang isang bata sa bakod ng paaaralan
upang makapasok?
Mahusay ang iyong ginawa. Lubos mo nang
naunawaan ang aralin. Binabati kita. Maaari mo nang
gawin ang susunod na aralin.
DRAFT
April 10, 2014
157
Aralin 4
Ugaling Pilipino ang Pagsunod
Natatandaan mo pa ba ang mga tuntunin sa iyong
pamayanan? sa paaralan? sa simbahan? sa parke at
pamahalaan?
Alamin Natin
Naglalaman ng mga tuntunin sa ating pamayanan
ang bola sa ibaba. Hanapin ang mga ito sa tulong ng
picture clues.
Gamit ang kulay na nakasaad sa ilalim ng bawat
picture clues, kulayan ang mga salitang bubuo sa bawat
DRAFT
April 10, 2014
158
alituntunin. Nararapat na magkakarugtong ang mga
salitang bubuuin. Gawin ito sa sagutang papel.
Sagutin ang mga tanong.
 Ano-ano ang mga tuntunin na nakita mo sa
gawain?
 Palagi mo bang naisasagawa ito?
 Ano ang nararamdaman mo kung may nakita kang
lumalabag sa mga tuntunin ng pamayanan? Bakit?
A. Dilaw B. Kahel
D. AsulC. Berde
DRAFT
April 10, 2014
159
Isagawa Natin
Kung oobserbahan natin ang mga pangyayari sa ating
paligid, may mga tao pa ring hindi nakasusunod sa mga
tuntunin at patakaran sa ating pamayanan. Bilang bata,
kaya mong makatulong sa pagpapahayag na ang
pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay tanda ng
mabuting pag-uugali ng isang Pilipino.
Advocacy Program
Magplano ng isang advocacy program na
magpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng
pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng
isang Pilipino lalo na ng batang tulad ninyo.
Ipapakita ito ng bawat pangkat sa pamamagitan ng
sumusunod na paraan.
Pangkat 1: Paggawa ng tugma/tula
Pangkat 2: Pag-awit
Pangkat 3: Pagguhit/Poster-making
Pangkat 4: Pagsasadula/Debate
Pangkat 5: Pagsasayaw /Interpretative Dance
Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarka
ng inyong gawain.
3 2 1
Nilalaman ng
pahayag
Naipahayag
nang lubos
ang nais
ipaabot
tungkol sa
pagsunod sa
Hindi lubos
na
naipahayag
ang tungkol
sa pagsunod
sa tuntunin
Walang
naipahayag
na tungkol
sa pagsunod
sa tuntunin
ng
DRAFT
April 10, 2014
160
tuntunin ng
pamayanan
ng
pamayanan
pamayanan
Paraan ng
pagpapahayag
Naipakita
nang
maayos ang
nais ipaalam
sa nakikinig/
nanonood
Hindi lubos
na naipakita
ang nais
ipaalam sa
nakikinig/
nanonood
Hindi
nakapagpa-
kita ng nais
ipaalam sa
nakikinig/
nanonood
Pakikiisa ng
mga kasapi
Lahat nang
kasapi ng
pangkat ay
nakiisa
Isa o
dalawang
kasapi ng
pangkat ay
hindi nakiisa
Tatlo o higit
pang kasapi
ng pangkat
ay hindi
nakiisa
Maganda at maayos ang ipinakita ng bawat pangkat.
Ano ang naramdaman ninyo sa inyong ipinakitang palabas
at gawain.
Isapuso Natin
Sumulat ng maikling talata na tumutukoy kung paano
mo maipapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng
pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng
Pilipino.
Tandaan Natin
Layunin ng ating pamahalaan na maging maayos at
maunlad ang ating bansa kung kaya gumawa sila ng
tuntunin o alituntunin na dapat sundin.
Nasasaad sa Philippine Agenda 21 Tipan ng Bayan
Tungo sa Likas-Kayang Pag-unlad na ang tao ang siyang
nararapat na nasa buod ng mga gawaing
DRAFT
April 10, 2014
161
pangkaunlaran. Dapat tayong manindigan sa ating
karapatang pantao tungo sa isang ligtas, matahimik, at
mapayapang pamumuhay.
Bilang isang batang Pilipino, dapat nating isipin at
ipahayag kung paano natin sinusunod ang mga tuntunin
sa ating pamayanan. Malaki ang maitutulong natin sa
pag-unlad ng ating bayan kung susunod tayo sa mga
tuntunin. Sa pagsunod para sa mabuting layunin ay
maipakikita natin ang mabuting pag-uugali ng isang
Pilipino.
Isabuhay Natin
Ano ang dapat mong sabihin kung ikaw ang nasa
larawan? Isulat ito sa iyong sagutang papel.
DRAFT
April 10, 2014
162
DRAFT
April 10, 2014
163
Subukin Natin
Sumulat sa isang papel ng isang islogan na
nagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng
pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng
isang Pilipino.
Naisagawa mo nang maayos ang mga gawain sa
araling ito. Lalo mo pang paigtingin ang iyong kaalaman sa
susunod na gawain.
DRAFT
April 10, 2014
164
Aralin 5
Kalinisan, Nagsisimula sa Tahanan
Ang pagpapanatili ng malinis na tahanan ay
makakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat
kasapi ng pamilya. Ang pakikiisa ay makatutulong nang
lubos upang mapagaan ang gawain ng isa’t isa.
Suriin ang mga larawan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Alin sa dalawang larawan ang gusto mo? Bakit mo ito
nagustuhan?
2. Nagpapakita ba ang napili mong larawan ng pakikiisa
at pagiging malinis na tahanan?
3. Bilang miyembro ng pamilya, ano ang magagawa mo
upang mapanatiling malinis ang inyong tahanan? Isa-
isahin ang mga ito.
4. Ano ang iyong naramdaman kapag nakikita mong
malinis o marumi ang inyong bahay? Pangatwiranan.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
165
Gawain 1
Gumuhit ng isang larawang nagpapakita na ikaw ay
nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
inyong tahanan. Ipaliwanag sa klase ang iginuhit mo at
lagyan ito ng pamagat.
Gawain 2
1. Bumuo ng limang pangkat. Tingnan ang larawang
nagpapakita ng bahagi ng bahay. Pumili ng parte ng
bahay at isulat kung paano mapananatiling malinis
ang mga bahaging ito.
2. Ipaliwanag sa harap ng klase ang inyong ginawa.Ano
ang iyong naramdaman nang makita mong malinis at
maayos ang inyong bahay?
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
166
Lagyan ng tsek () ang hanay na nagsasaad kung
gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na gawain at
isulat ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa.
Mga Gawain Madalas Minsan Dahilan
1. Ako ay responsable sa
gawaing bahay dahil
pinapahalagahan ko
ang magandang turo
ng aking mga
magulang.
2. Tumutulong ako sa
aking pamilya sa
paglilinis upang
maging maayos ang
aming tirahan at
kaaya-ayang
pagmasdan.
3. Nakikiisa ako sa
paglilinis ng aming
barangay para
maiwasan ang mga
sakit.
4. Ginagawa ko nang
buong puso ang
pagtulong sa aking mga
magulang upang
mapagaang ang
kanilang trabaho.
5. Nakatutulong ako sa
aming barangay sa
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
167
pagtatanggal ng
nakaimbak na tubig sa
gulong, lata, bote, at iba
pa upang hindi
mapamahayan ng
lamok na nagdadala ng
dengue.
Tandaan Natin
Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kalinisan sa
loob at labas ng tahanan ay nakasalalay sa ating pag-iisip
at disiplina. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamilya sa pagpapanatili at pangangalaga sa kalusugan
ng bawat kasapi nito. Maisasagawa ito sa pamamagitan
ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga gawaing
pangkalinisan at pangkalusugan sa tahanan. Sa pagiging
malinis ng tahanan kasama nito ang pansariling kalinisan
at kalusugan ng katawan, isipan, at damdamin ng bawat
kasapi. Isa ring pinagtutulungan ang maayos na
pangangasiwa sa kapaligiran kung saan bahagi nito ang
simpleng halimbawa ng maayos at maingat na
pagtatapon ng basura.
Ang pagkakaroon ng disiplina ng lahat ng mag-anak
para sa kalinisan ng tahanan ay malaki ang epekto sa
buong pamayanan at papalawak sa iba pang
pamayanan. Inaasahang maisasauhay ng bawat mag-
anak nang may pagkakaisa para sa kabutihan ng lahat.
DRAFT
April 10, 2014
168
A. Gumawa ng talaan ng iyong gawain sa tahanan na
nagpapakita ng iyong pakikiisa sa pagpapanatili sa
kalinisan. Lagyan ng tsek ang bawat araw kung ito ay
iyong nagawa. Maging tapat sa paglalagay ng marka.
Tularan ang talaan sa ibaba.
Sa talaang nagawa sa loob ng isang linggo ukol sa
pagpapanatili ng kalinisan ng iyong tahanan, punan mo
ang bawat pangungusap ng wastong salita na bubuo sa
diwa nito.
1. Batay sa talaan, masasabi kong ako ay ____________
2. Mahusay kong nagagampanan ang _______________
3. Batay sa talaan, bihira kong ________________________
4. Dahil sa aking natuklasan, sisikapin kong ____________
5. Matapos ang araling ito, susubukin kong ____________
Naisakatuparan mo nang maayos ang mga gawain sa
araling ito. Maaari ka nang maghanda sa susunod na aralin.
Gawain Mga Araw
Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado
1.
2.
3.
4.
Lagda________________
Isabuhay Natin
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
169
Aralin 6
Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating Pamayanan
Ang pagpapanatili ng malinis na pamayanan ay
makakamit sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng
basura. Disiplina ang kailangan upang mapaganda ang
ating kapaligiran.
Gawain 1 - Awitin ang tula sa paraang rap.
Kalinisan sa Aming Paaralan
Dito sa aming masayang paaralan,
Binibigyang-diin itong kalinisan.
Pagtapon ng basura
kung saan-saan,
Hindi nararapat kaya
Dapat ‘di tularan.
Guro’t mag-aaral ay
nagtutulungan,
Sa linis at ayos ng
paaralan.
Dulot nito’y ganda sa
ating kalusugan,
Siguradong sakit ay
maiiwasan.
Ang mga basura’y
pinaghihiwalay,
Bulok at di-bulok tama ang pagkalagay.
Ito’y disiplina na siya naming taglay.
Mithiin sa kalinisan ay siyang laging pakay.
Alamin Natin
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
170
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Anong klaseng paaralan ang tinutukoy sa tula?
2. Saan dapat nakalagay ang mga nabubulok at di-
nabubulok na basura?
3. Bakit kailangang magtulungan ang mga guro at mag-
aaral para sa kalinisan?
4. Ano ang naidudulot ng kalinisan sa buhay ng
mamamayan?
Gawain 2
Sagutan ang crossword puzzle. Ang mga kasagutan
dito ay may kaugnayan sa nakaraang Gawain.
.
Gabay sa paglalaro ng puzzle.
1. Ito’y kailangan upang bayan ay sumulong sa
kaunlaran.
2. Dito inilalagay ang mga basura.
3. Ang mga halaman ay dapat __________ upang
di mamatay.
4. Lugar kung saan kabilang/kasama ang kapitan.
5. Tumutukoy sa maayos at __________ na pamumuhay.
2.B
5.L 4.B
1. D
3.
N
S
DRAFT
April 10, 2014
171
Gawain 1
Gumuhit ng isang larawang nagpapakita na ikaw ay
nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
inyong paaralan. Ipaliwanag sa klase ang iginuhit mo.
Gawain 2
Bumuo ng limang pangkat. Pumili sa mga ginawang
larawan sa Gawain 1 at pagsama-samahin ito at ilagay
gaya ng porma sa ibaba. Lagyan ito ng pamagat at
pangungusap. Ipaliwanag sa harap ng klase ang inyong
ginawa.
Isagawa Natin
Kalinisan
at
Kaayusan
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
DRAFT
April 10, 2014
172
Batay sa mga larawang ipinakita sa nakaraang
gawain, may mga gawaing maaaring gampanan ng isang
mag-aaral na tulad mo. Pumili ng pangungusap na nais
mong buuin ayon sa gawaing nais mong tanggapin upang
mapanatili ang kalinisan sa inyong pamayanan.
1. Nagtatapon ako ng basura
sa wastong lalagyan
sapagkat __________________
_______________________________.
1. Hindi ako ang dapat
magtapon ng basura
sapagkat_______________
_______________________.
2.Ginagamit kong muli ang
mga basurang
pakikinabangan pa
dahil_______________________
_________________________.
2. Hindi ko na lang
gagamitin ang mga
basurang
pakikinabangan pa
dahil__________________
______________________.
3. Hinihiwalay ko ang
nabubulok at di-nabubulok
na basura dahil____________
__________________________.
3. Nasanay na akong
pagsamahin ang bulok
at di-nabubulok na
basura dahil____________
______________________.
4.Itinatapon ko nang maayos
ang mga dahon at basura sa
tamang lalagyan___________
__________________________.
4. Susunugin ko ang mga
dahong nalalaglag sa
mgapuno______________
______________________.
5. Susunod ako sa babala na
itapon ang basura sa inilaang
tapunan___________________.
5.Itatapon ko ang basura
sa ilog, kanal, at
estero_________________.
Isapuso Natin
Ipinakita sa
nakaraang
DRAFT
April 10, 2014
173
Tandaan Natin
Ang kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan
ay nagiging isang magandang tanawin at nagpapakita
ng ligtas na lipunan.
Bawat isa sa atin ay dapat maging responsable at
pairalin ang disiplina sa kalinisan upang makamit natin ang
kaaya-ayang tirahan at bayan.
Ayon sa Metro Manila Development Authority
(MMDA), ang lahat ng mamamayan ay dapat na
magkatuwang sa paggawa ng solusyon sa mga
problemang may kinalaman sa ating kapaligiran. Mapalad
po ang ating barangay sa tulong ng ating pamahalaan
sapagkat may katuwang tayo sa pagpapanatili ng
kaayusan at kalinisan ng ating lugar. Ang paghihiwalay ng
mga bulok at hindi nabubulok na basura at paraan ng
pagtatabi at pagtatapon nito ay palagian nating
ipinaaalala sa ating mga kabarangay. Ang waste
management o tamang pamamahala ng mga basura ay
dapat isagawa ng bawat mamamayang tulad mo na may
malasakit sa ating kapaligiran.
Ang pakikiisa sa iba’t ibang programang
pampaaralan para sa pagpapanatili ng kalinisan ay
pagmamalasakit sa kapaligiran ng ating pamayanan at
lipunang ginagalawan.
DRAFT
April 10, 2014
174
Gawin ang sumusunod:
1. Lumabas ng silid aralan sa pamumuno ng guro at
sama-samang magmasid sa mga tauhan ng paaralan
na nangangasiwa sa basura ng buong paaralan. Itala
ang nakitang proseso ng maayos na pagtatapon ng
basura.
2. Pag-usapan kung ang mga namasid ay naisasabuhay
na sa kani-kanilang tahanan at pamayanan.
3. Gumawa ng schedule ng palitang pagbibisita sa
pinakamalapit na barangay upang makita ang uri ng
tapunan ng basura.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
 Ano ang naobserbahan ninyo sa paraan ng
pagtatapon ng basura sa inyong paaralan?
 Sa inyong palagay, makakatulong ba ang mga
prosesong ito upang mapanatiling malinis ang ating
kapaligiran?
 Bilang isang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano pa
ang maitutulong mo maliban sa waste
management para mas maging maayos at maayos
ang inyong pamayanan?
A. Bilang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan ng ating pamayanan, gumawa ng isang
gawaing tumutugon dito gaya ng pagbubukod-bukod
Isabuhay Natin
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
175
ng mga basura. Maaaring tumulong sa tauhan ng
paaralang pinuntahan sa katatapos na gawain o
kaya naman ay gawin ito mismo sa loob ng inyong
silid-aralan. Magagamit ang mga pamantayan sa
ibaba sa pamamagitan ng paglagay ng sa hanay
ng Oo o Hindi.
Batayan Oo Hindi
1.Nakapagbukod bukod ka
ba ng basura ?
2.Nailagay mo ba sa tamang
lalagyan ang ang mga
basura?
3.Isinaalang mo ba ang mga
namasid na prosesong
ginawa ng mga tuhan ng
paaralan?
4.Nakaramdam ka ba ng
kasiyahan habang
gumagawa?
5.Nasiyahan ka ba na
naging bahagi ng
pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan?
B. Bilang patunay na kayo ay tagapangalaga ng
kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan, isagawa
ang pagbubukod-bukod ng mga basura sa inyong
paaralan at tahanan. Maaari ninyo itong kunan ng
litrato kung meron kayong kamera at ipaskil sa bulletin
board sa inyong silid-aralan.
Sapagkat magaling ka sa araling ito o sa katatapos
na aralin, isunod mo na ang hamon ng susunod na aralin.
DRAFT
April 10, 2014
176
Aralin 7
Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran
Kaaya-ayang pagmasdan ang malinis at maayos na
pamayanan na nangangalaga sa kapaligiran. Binigyan ka
ng Maykapal ng biyaya tulad ng magandang kapaligiran
kung kayat inaatasan ka na maging tagapangalaga ng
mga ito.
Isang survey sa klase.
 Sa mga survey, alin ang may pinakamaraming
nagustuhan/napiling gawain?
 Ipaliwanag mo ang iyong naranasan kapag pinag-
usapan ang patuloy na paglilinis at pagpapanatili
nang maayos ng pamayanan/paaralan/kapaligiran.
Mga Tanong Oo Hindi
1. Nakikilahok ka ba sa pagtatanim
sa paaralan?
2. Nakiisa ka ba sa proyekto ng
barangay ukol sa pangangalaga
sa kalikasan?
3. Natutuwa ka ba kapag pinuputol
ang mga punongkahoy?
4. Masaya ba ang iyong damdamin
kung ikaw ay nagtanim ng mga
halamang gulay?
5. Kailangan bang makibahagi at
makatulong ang mga batang
katulad mo sa gawaing
pambarangay tulad ng
pagrerecycle ng basura?
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
177
Gawain 1
Gumawa ng islogan ukol sa wastong pangangalaga sa
kapaligiran.
Gawain 2
Gumawa ng poster tungkol sa pangarap ninyong pakikiiisa
sa mamamayan para sa ligtas na kapaligiran. Ikonek sa
napanood na video clip.
Umisip ng isang gawain o proyekto sa inyong paaralan
na:
 Kayang-kaya kong gawin
 Kaya kong gawin
 Medyo kaya kong gawin
 Parang di ko kayang gawin
Ipaliwanag ang proyekto na inyong sagot sa bawat
antas.
Tandaan Natin
Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng
kailinisan ng kaisipan at kalooban para sa maayos na
pamumuhay.
Ayon sa Department of Environment at Natural
Resources (DENR) Administrative Order No. 37 series of
Isagawa Natin
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
178
1996, ito ang batas para maabot ang pantay at
balanseng sosyo-ekonomikong paglago at proteksyon sa
pamamagitan ng paggamit, pagbuo, pamamahala,
pagbabago ng likas na yaman ng bansa.
Kalakip nito ang proteksyon at paghubog sa
magandang kalidad ng ating kapaligiran, hindi lang
para sa kasalukuyang henerasyon kundi para sa mga
darating pa.
Mapapanatiling maayos at ligtas ang pamayanan sa
pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga
proyekto ng pamayanan para sa pangangalaga sa
kalinisan.
May ipinatutupad na mga batas sa pangangalaga
ng kapaligiran. Kabilang dito ang inilaang panahon sa
tamang pangangaso; pagputol ng punongkahoy kung
matanda na; pangingisda gamit ang lambat na may
malalaki ring butas para hindi mahuli ang maliliit na isda;
pagbibigay ng timing sa panghuhuli ng isda; panghuhuli
sa mga sasakyang nagbibigay ng maruming usok; at
marami pang mga tagubilin na isinasagawa upang
maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran.
A. Sumulat ng buong pusong pangako sa pakikilahok
sa proyekto ng pamayanan para sa malinis at ligtas
na kapaligiran.
B.Gumawa ng isang simpleng panalangin para sa
pagmumulat ng kaisipan sa kahalagahan ng
pangangalaga sa kalikasan. Magpangkat sa apat sa
paggawa.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
179
Ilagay sa dingding ng silid-aralan ang natapos na
panalangin. Hayaang makita ang mga ito ng lahat ng
pangkat. Magdesisyon kung alin sa apat na nagawang
panalangin ang magagamit sa flag ceremony tuwing Lunes.
A. Suriin ang mga larawan. Ayusin ang mga ito ayon sa
iyong pagkakaunawa ng posibleng epekto ng kawalang-
galang at pag-abuso sa kapaligiran. Bumuo ng maikling
kuwento ayon dito. Pagkatapos ay sagutin ang
katanungan sa ibaba nito.
1. Bakit ito nangyayari sa ating kapaligiran?
2. Bilang mabuting tagapangalaga ng kapaligiran,ano
ang kaya mong gawin?
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
180
B. Basahin ang sumusunod na gawain. Isulat sa
kuwaderno ang Mahusay kung ito ay nagpapakita
ng pakikilahok sa proyekto ng kalinisan at kaayusan ng
pamayanan at Di- Mahusay kung hindi.
1. Pakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa paaralan at
barangay.
2. Pagsuporta sa pagputol ng puno ng illegal loggers.
3. Pakikipagtulungan sa Clean and Green Project ng
barangay at bayan.
4. Pagtulong sa pagwawalis sa paligid ng paaralan at
di pagsusunog ng basura sa kalsada.
5. Paglalagay ng mga plakard ng kalinisan at ligtas na
pag-aalaga sa kalikasan at bayan.
Ang galing! Ngayon ay ihanda mo na ang iyong sarili
sa susunod na aralin.
Aralin 8
DRAFT
April 10, 2014
181
Kaya Nating Sumunod
Natutuhan na natin kung paano mapananatili ang
kaayusan at kalinisan ng tahanan, paaralan, at
pamayanan. Kaugnay nito ang layuning maging ligtas at
maayos ang mga tao sa kapaligirang kanyang
ginagalawan. Dahil dito, may mga alituntunin at mga batas
na dapat nating sundin para na rin sa kaligtasan ng bawat
isa. Natatandaan mo ba ang mga tuntunin ng iyong mag-
anak? Ng iyong paaralan? Ng inyong pamayanan? Isang
pamaraan ito upang maiwasan ang kapahamakan o
disgrasya sa ating buhay. Kaya nating sumunod… disiplina
ang ating kailangan.
Tingnan ang mga larawan. Ano ang mga dapat
mong gawin kapag may mga ganitong alituntunin,
babala, patalastas, o panawagan.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
182
Sagutin ang sumusunod na tanong.
DRAFT
April 10, 2014
183
1. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay makakakita ng
ganitong babala?
2. Bakit mahalaga ang babalang ito? Naranasan mo na
ba ang mga babalang ito?
3. Ano kaya ang mangyayari kung hindi ka susunod sa
mga babalang ito?
4. Isulat ang iyong nararamdaman kapag nakakabasa at
nakakakita ka ng babala sa kalye, sa paaralan, at sa
pamayanan?
5. Bilang mag-aaral, paano mo gaganyakin ang ibang
tao upang maligtas sa kapahamakan?
Gawain
1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng isa sa mga
tuntunin o babala na karaniwang sinusunod sa inyong
komunidad. Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkol
dito. Ipalabas ito sa harap ng klase.
Gawain 1
Ibigay ang iyong sariling pakahulugan sa patalastas ng
Metro Manila Development Authority ( MMDA ) na madalas
niyang makita sa kalsada.
Isagawa Natin
Isapuso Natin
METRO GWAPO
GGWAPOGWA
POO GWAPOI
DITO ANG BABAAN!
WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY
DRAFT
April 10, 2014
184
Gawain 2
Sa loob ng kahon, itala ang mga mabuting naidudulot
ng pagsunod at kinalabasan ng hindi pagsunod sa mga
batas ng lipunan at bansa.
Magandang
naidudulot
______________________
______________________
_____________________
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Hindi Pagsunod
______________________
______________________
____________________
Aral sa Pagsunod sa Batas
HARAP KO LINIS KO TAWIRAN NG TAO
DRAFT
April 10, 2014
185
Tandaan Natin
Ang pagsunod sa mga alitununtunin ng paaralan at
pamayanan ay makatutulong para sa ating kaligtasan.
Ayon sa Road Safety Education Modules ng DepEd-
Fundacion-MAPFRE (2010), ang pagkakaroon ng kaalaman,
saloobin, at pagsasapuso kung paano ang tamang
pagtawid at pagpapasya kung saan dapat ay
makapagbibigay katiyakan ng ating kaligtasan sa daan.
Ang pagsunod nang kusa sa mga batas pantrapiko ay
nagpapakita ng displinang pansarili at pagiging
responsableng mamamayan. Mahalagang sumunod sa
mga batas pantrapiko upang makaiwas sa mga sakuna at
aksidente. Ito ay isa ring pagtulong sa pamahalaan sa
pagpapatupad ng batas.
Ang tamang pagsunod (sa anumang alutintunin at
patakaran) ay malaking tulong sa pamahalaan para sa
kaligtasang pampamayanan at maging sa pambansa o
pandaigdigang pagkakaisa.
Pag-aralan ang larawan sa susunod na pahina.
 Ano-ano ang makikita ninyo rito?
 Alin sa mga nakalarawan dito ang tama at dapat
mong tahakin upang ikaw ay maging ligtas?
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
186
Kumpletuhin ang nasa kahon bilang patunay sa mga
bagay na dapat ninyong gawin o sundin bilang isang
mabuting anak at mag-aaral.
Magdesisyon Ka, Ngayon!
Nakapagdesisyon na ako! Ang pipiliin kong daan ay
ang_______________________________________________________
__________________________________________dahil ako’y
naniniwala na ___________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________.
Gabayan nawa ako ng Maykapal.
_____________________
Pangalan at Lagda
_________________________
DRAFT
April 10, 2014
187
Gawain 1
Gaano mo kadalas gawin ang sumusunod. Lagyan ng
kung palagi, kung paminsan-minsan at Hindi.
Palagi Paminsan-
minsan
Hindi
1. Bumababa ako sa tamang
babaan ng sasakyan.
2. Tumatawid ako sa tamang
tawiran.
3. Iniintindi at sinusunod ko ang
mga senyas ng pulis trapiko
kung ako ay patawid ng
kalsada. Nakahinto ako
kapag pula ang nakaharap
sa mga tatawid.
4.Ginagamit ko ang
footbridge na nakalaang
tawiran.
5.Umiiwas ako sa paglakad sa
mga kalsadang may
malaking butas na may
babalang Danger
Gawain 2
Sa loob ng isang buwan, gumawa ng isang journal
tungkol sa mga pang- araw-araw na gawaing sinusunod mo
na may kaugnayan sa babala at tuntunin sa paaralan, sa
parke, at sa simbahan.
Nagtagumpay ka sa mga gawain ng katatapos na
aralin, ngayon ay humanda ka na sa susunod na aralin.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
188
Aralin 9
Laging Handa
Marami na tayong karanasan sa mga kalamidad na
dumaan sa ating bansa. Ang pagiging handa ay
makatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas at
makaligtas sa iba’t ibang uri ng kapahamakan. Maging
mapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan
lalo na sa ating mga kalikasan.
Tulungan nating maging handa sina Cielo at Tikoy sa mga
sakuna at kalamidad. Ayusin ang mga letra para makabuo
ng salita.
Narito ang mga gabay na salita sa paglalaro ng Halo Letra.
1. Malakas na pagyanig ng lupa.
2. Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak ng tubig na
natatakpan ang lupa.
Alamin NatinAlamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
189
3. Namumuong sama ng panahon na nagdudulot ng
kalamidad sa ating bansa.
4. Mabilis na pagkalat ng apoy.
5. Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at
kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan ng lupa.
Gawain 1
Bumuo ng anim na pangkat.
Gumawa ng Disaster Presentation na kung saan ay darating
ang mga Disaster Rangers na tutulong para maging handa
sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Disaster Rangers Red – panahon ng baha
Disaster Rangers Blue – panahon ng landslide
Disaster Rangers Yellow– panahon ng tsunami
Disaster Rangers Green – panahon ng lindol
Disaster Rangers Black – panahon ng bagyo
Disaster Rangers White – panahon ng sunog
 Paano ka makatutulong para maging handa sa
panahon ng kalamidad at sakuna?
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
190
Gawain 1
Basahin ang kuwento sa ibaba.
Isang umaga, narinig ni Mikkel sa radyo ang babalang
malaki ang pagkakataong magkaroon ng malalim na baha
sa kanilang lugar. Agad niyang kinuha ang kanyang bag
upang ilagay ang mahahalagang gamit. Alin sa sumusunod
ang dapat niyang ilagay sa loob ng bag?
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
191
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-ano ang mga dapat ilagay ni Mikkel sa loob ng
bag?
2. Makatutulong ba ito sa oras ng kanyang
pangangailangan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Dapat mo bang tularan si Mikkel sa kanyang
ginawa? Bakit?
4. Kung ikaw si Mikkel maghahanda ka rin ba sa oras ng
kalamidad? Paano mo ito ihahanda?
Gawain 2
Pagnilayan ang kabutihang magagawa ng pagiging laging
handa sa panahon ng sakuna o kalamidad. Isulat ito sa
bawat puso. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Kabataan
Lipunan
Mithiin Para sa Kaligtasan
_______________________________________________________
_______________________________________________________
____________________________________________________
Bansa
DRAFT
April 10, 2014
192
Tandaan Natin
Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o
kalamidad ay makatutulong upang maligtas ang ating
buhay. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa sarili, sa
pamahalaan, at sa bansa.
Binigyang-diin ng National Disaster Risk Reduction
and Management Council (NDRRMC) ang isang
matinding kampanya sa impormasyon para malaman
ng mga pamilya ang kahalagahan ng planong
paghahanda sa oras ng sakuna. Ang pagtuturo sa lahat
ng komunidad kung paano ang dapat gawin sa
panahon ng sakuna ay makatutulong ng malaki para sa
ligtas na pamumuhay.
Maging handa tayo sa darating na sakuna para
hindi tayo mabigla. Ang pagiging kalmado sa oras ng
sakuna ay makakatulong din upang alam natin kung
saan tayo tutungo sa panahon ng kalamidad. Laging
handa, iyan ang dapat nating isaisip, isapuso at
isagawa para maiwasan ang kapahamakan.
Sa mga nangyayaring sakuna at kalamidad sa ating
mga kapaligiran, gaya ng nangyari noong bagyong
Yolanda, nagkaroon tayo ng pagsusuri sa mga nagawa
nating paghahanda. Kung sakali kayang magkaroon muli
ng balita na may darating na delubyo na kasinlakas ng
Yolanda paano ka maghahanda bago ito dumating?
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
193
Sumulat ng isang panuntunan sa pagiging handa sa
isang uri ng sakuna o kalamidad.
Pangako sa Pagiging Handa
Nangangako ako na magiging handa at maglalaan
ako ng panahon bago pa man dumating ang oras ng
sakuna/kalamidad tulad ng __________ _____________, para
________________.
Naniniwala ako na magiging ligtas ako kung
_________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________.
______________________
Lagda ng Mag-aaral
Petsa:________________
Lagyan ng ang hanay na naglalahad kung gaano
ka kahanda sa panahon ng sakuna o kalamidad.
Mga Pamamaraan
Laging
Handa Handa
Hindi
Handa
1. Pagdadala ng payong
para hindi ako mabasa ng
ulan.
2. May emergency bag na
may lamang gamit sa oras
ng pangangailangan.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
194
3. Ang mga gamot, pagkain
de lata, tubig na malinis ay
madali kong naiimbak sa
tamang lalagyan.
4. Kung sakaling may
sunog, alam ko ang daan
papuntang Fire Exit o ligtas
na daan.
5. Alam ko ang lugar na
dapat puntahan kapag
may lindol.
Tatlong palakpak sa batang mahusay! Tulad mo,
handang handa ka sa susunod na aralin.
DRAFT
April 10, 2014
195
Yunit IV
Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
DRAFT
April 10, 2014
196
Aralin 1
Pananalig sa Diyos
Tuwing aking pinagmamasdan
ang mga bituin sa kalangitan,
ang buwan na Inyong inilagak sa Tiyak nitong
kinalalagyan,
hindi kayang mapagtanto nitong aking isipan
na ang isang tulad kong tuldok lang sa kalawakan,
Iyong nilalang, binigyan ng kabuluhan.
-prs-
Lubhang kamangha-mangha ang kapangyarihan ng
Diyos. Pansinin mo ang pagkakaayos at galaw ng mga
planeta sa kalawakan. Hindi ito bunga ng pagkakataon o
maaring gawin ng sinumang tao. Isa ito sa mga patunay na
mayroong Diyos na lumalang nito.
Sa araling ito ay ilalarawan natin ang mga paraan na
nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ang kabutihang
dulot nito sa ating buhay.
DRAFT
April 10, 2014
197
Basahin mo ang maikling salaysay ng isang taong
nakamit ang kanyang pangarap. Sagutin ang mga
kaugnay na tanong.
Lumaki ako sa mahirap na pamilya. Sa hapag-
kainan, laging eksakto ang hatian. Hindi na ‘ko
puwedeng humingi ng dagdag na ulam kahit gutom pa
‘ko dahil kailangang pagkasyahin ni Nanay ang ulam
para sa lahat.
Naglalakad lang ako papunta sa paaralan kahit
medyo malayo ito. Sa singkuwenta sentimos na baon,
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
198
hindi na ako makakakain kapag nagtricycle pa ako.
Isang araw, may ipinagawa sa amin si Gng.
Mijares. Sabi niya, ipikit daw namin ang aming mga mata
at isipin ang mga pangarap namin- ang gusto naming
propesyon o trabaho paglaki namin, ang mga lugar na
gusto naming puntahan. Tapos, ilarawan daw namin sa
aming isipan na kami ay matagumpay, na nakamit
namin ang aming pangarap.
Pagkatapos, pinadilat na niya kami at tinanong
kami ng ganito: “Mga bata, nananalig ba kayo na
magkakatotoo ang mga pangarap ninyo?”
DRAFT
April 10, 2014
199
“Opo”, ang naging sagot naming lahat.
Tinanong niya ulit kami. Kung nananalig daw kami,
ano ang maari naming gawin para matupad ang
pangarap namin. Sumagot naman kami. Sabi ko, “Kahit
ano ang mangyari, sisikapin kong makatapos sa pag-
aaral.” Hindi ko na matandaan ang sinagot ng iba kong
kaklase.
Sabi niya matutupad daw ang aming pangarap
kung kami ay mag-aaral nang mabuti at magtitiwala sa
Diyos na tutulungan kami na maabot ang aming mga
pangarap.
Anumang kaharapan natin sa buhay, manalig tayo
na nariyan ang Diyos upang tayo ay gabayan at
tulungan sa pagtupad ng ating pangarap habang
ginagawa natin ang matuwid at nararapat.
Natupad ba ang mga pangrap ko? Heto, sinusulat
ko ang kuwento ng buhay ko para sa iyo. Tama ka. Guro
na nga ako. Gawin mo ang makakaya mo at manalig ka
lang sa Diyos. Sigurado ako, matutupad ang naisin ng
puso mo.
Photo owned by the writer
DRAFT
April 10, 2014
200
Ikaw? Ano ang pangarap mo?
Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap
na pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos anuman ang
kaharapin natin sa ating buhay. Habang ginagawa natin
ang ating makakaya, dapat patuloy na pagdarasal na
may pananalig sa Diyos ang kailangan.
Paano ipinakita ng may-akda ng salaysay ang
pananalig sa Diyos sa araw-araw?
Narinig mo na ba ang kasabihang Nasa Diyos ang
awa, nasa tao ang gawa? Ano kaya ang kahulugan nito?
Gawain I
A. Basahin ang sumusunod na sitwasyon at isulat kung ano
ang maaring gawin ng mga tauhan.
1. Ipinagdarasal ni Marco na
makatapos siya sa pag-
aaral.
2. Ipinagdarasal ni Belen na
palagi silang maging
malusog.
3. Nananalig si Iking na hindi
na bumaha pa sa
kanilang lugar.
Kung minsan kahit tayo ay nananalig sa Diyos ay di
nangyayari ang mga bagay na ating inaaasahan. May
maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang mga
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
201
karanasang tulad nito ay makatutulong upang palakasin pa
natin ang ating pananalig sa Kanya.
B. Buuin ang sumusunod upang makabuo ng panalangin.
1. Panginoon, tinatanggap ko po na hindi ako nanalo sa
kompetisyon sa pag-awit. Di bale po, sa
susunod____________________________________________________.
2. Hindi po ako makakasama sa field trip sa isang linggo.
Wala po kasing pera ang Tatay at Nanay ko.
Kailangan ding bumili ng gamot para sa bunso kong
kapatid na maysakit. Okey lang po sa akin ___________
__________________________________________________.
Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos
ay ang pananalangin sa Kanya. Suriin mo ang iyong
kapaligiran.
Sagutin ang tanong at isagawa ang gawain.
DRAFT
April 10, 2014
202
Ano-anong mga suliranin ang kinakaharap ng ating
bansa?
1. Pumili ng isa sa mga suliraning inyong naisulat at
bumuo ng isang panalangin ukol dito katulong ang
lahat ng miyembro ng iyong pangkat.
2. Banggitin sa panalangin ang maaari ninyong gawin
upang mabawasan ang bigat ng suliranin. Maaari
ninyong magamit ang halimbawa ng panalangin na
nasa susunod na pahina o kaya ay gumawa kayo ng
sariling panalangin.
Halimbawa:
Panginoong Diyos, Kayo po ang bukal ng aming pag-
asa. Nagtitiwala po kami sa Inyong kapangyarihan.
Panginoon, nais po naming idulog sa inyo ang
________________________. Sa suliraning ito makakaasa
po kayo na kami ay tutulong sa pamamagitan
ng________________________________. Idinadalangin po
namin ang kanilang kalagayan _______________________
_____________________________________________________.
3. Matapos na mabuo ang panalangin, isulat ito sa isang
lumang folder.
4. Maghanda ang inyong pangkat para sa pagbigkas o
pag-awit ng inyong ginawang panalangin.
5. Pagkatapos ng pagtatanghal, idikit ang nagawang
panalangin sa manila paper o cartolina na inihanda
ng guro.
6. Ipaskil ang mga ginawang panalangin sa labas ng
silid-aralan upang mabasa ng ibang mag-aaral.
DRAFT
April 10, 2014
203
Kung minsan, may mga pagkakataong hindi
natutupad ang gusto natin o hinihiling natin sa ating
panalangin. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at
mawalan ng loob. Maaring may gustong ituro sa atin ang
Diyos. Maaring hindi pa ito ang tamang panahon o may
ibang mas magandang plano ang Diyos sa buhay natin.
Ang mahalaga ay patuloy tayong manalig sa Kanya
habang ginagawa rin natin ang makakaya natin upang
matupad ang ating mga mithiin.
Gawain
1. Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at ipagpalagay
mong nais mo silang ipanalangin. Isulat ang nabuo
mong panalangin sa iyong kuwaderno.
a. Mangingibang bansa ang ama ni Cora upang
maghanapbuhay. Alam niyang malulungkot ang
kanyang ama kapag umalis ito.
b. Tag-ulan na naman. Nag-aalala ang buong
barangay dahil maaaring bumaha na naman sa
kanilang lugar.
c. Malayo pa ang kaarawan ni Hannah ngunit
naghahanda na ang kanilang mag-anak para sa
kaunting salo-salo. Ibabahagi nila ito sa mga bata
sa bahay-ampunan. Nais niyang makapagpasaya
ng mga bata sa kanyang kaarawan.
d. Isa si Lumay sa mga batang hindi makapasok sa
paaralan. Hindi pa kasi tapos ang gulo sa pagitan
ng pamahalaan at mga taong nagagalit sa mga
namumuno rito.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
204
2. Pagkatapos gumawa ng panalangin, basahin ang
Tandaan Natin.
Tandaan Natin
Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap
na pagtitiwala sa Diyos anuman ang ating kaharapin
sa buhay. Habang ginagawa natin ang makakaya
natin upang maging maayos at mabuti ang ating
buhay, nagtitiwala din tayong gagabayan at
tutulungan tayo ng Diyos.
Kahit ikaw ay bata pa, marami ka na ring naging
karanasan sa araw-araw. Ang mga karanasang ito ay
maaaring nakapagbigay ng saya o lungkot sa iyo. Ang
iyong mga karanasan din ang maaring magpatibay sa
iyong pananalig sa Diyos. Maiging palakasin pa ang
pananalig sa Diyos sapagkat ito ang gagabay sa iyo
upang ikaw ay maging mabuting tao.
Isipin mo ang kalagayan mo tatlong taon (3) mula
ngayon.
Ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay?
Ano ang iyong mga pangarap?
Ano ang magagawa mo upang ito ay matupad?
Bakit nananalig kang tutulungan ka ng Diyos na
matupad ang mga ito?
Sa tulong ng iyong guro, gagawa ka ng faith goal o
mithiing may pananalig na matutupad ito.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
205
Mga Panuto:
1. Sa isang papel, ilista ang iyong mga mithiin sa buhay o
mga nais mong makamit.
Halimbawa: Tatlong (3) taon mula ngayon, ako ay
makakatapos na ng Grade 6 o
elementarya.
2. Maaari mo ring iguhit ang mga mithiing ito at lagyan
ng tiyak na panahon ng katuparan nito.
3. Kung hindi gaanong sanay sa pagguhit, maaring
gumupit ng mga larawan sa mga hindi na ginagamit
na magasin o mga lumang kalendaryo.
4. Idikit ang mga naiguhit o ginupit na larawan sa isang
lumang folder o karton.
5. Lagyan ito ng pamagat na gusto mo.
6. Ipaskil ito sa isang lugar sa inyong tahanan na lagi
mong makikita upang laging magpaalala sa iyo ng
mga mithiin mo.
7. Paggising mo sa umaga, laging isaisip at isapuso ang
mga mithiing iyong ipinaskil. Siguraduhin na ang lahat
ng gagawin mo ay para sa katuparan ng mga ito.
Idinadalangin ko ang katuparan ng iyong mga mithiin.
Tandaan mo, mahal ka ng Diyos at kaligayahan Niya ang
makita kang matagumpay.
A. Isulat kung tama o mali ang sumusunod na
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
206
2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang
patimpalak sa pagbigkas. Sa halip na siya ay mag-
ensayo kasama ang kanyang guro ay lumiliban siya
upang maglaro ng computer games.
3. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga
ipinapanalangin sa Diyos kahit wala tayong gawin
upang ito ay mangyari.
4. Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa ating
pagdarasal.
5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa
Diyos kahit minsan ay di nagkakaroon ng katuparan
ang ating mga hinihiling sa Kanya.
B. Ano-ano ang maaaring gawin sa sumusunod na
sitwasyon upang magkaroon ng kasagutan ang ating
pananalig sa Diyos? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Nananalig si Marta na maging matagumpay ang
kanilang gawain sa Agham.
2. Hinihiling ni Patricia na magkaayos na sila ni Mila.
Nagkaroon kasi sila ng hindi pagkakaunawaan
habang naglalaro sila kahapon.
3. Naniniwala si Bert na patatawarin siya ng Diyos
matapos na ilihim niya sa kanyang ate na siya ang
nakabasag ng bago nitong salamin.
C. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano-ano ang iyong ginawagawa upang maipakita
mo na ikaw ay tunay na nananalig sa Diyos?
2. Ano-ano ang iyong ginagawa upang magkaroon
ng katuparan ang mga hinihiling mo sa Diyos?
DRAFT
April 10, 2014
207
Aralin 2
Paniniwala Mo, Iginagalang Ko
Masdan ang larawan sa itaas. Sa iyong palagay, ano
ang nais ipahayag ng larawan?
Maipakikita natin ang iba’t ibang paraan ng
pagpapakita ng paggalang sa paniniwala o relihiyon ng
iba. Kung ang bawat tao ay marunong gumalang sa
pagkakaiba-iba ng lahat, ano sa palagay mo ang
mabuting maidudulot nito?
DRAFT
April 10, 2014
208
Bumuo ng isang triad/trayad na siyang gaganap sa
usapan sa ibaba. Bigyang buhay ang bawat karakter
upang higit na maunawaan ang mensahe ng usapan.
Linggo ng umaga…
Maja at Berting: Magandang umaga, Clarita.
Clarita: Magandang umaga, Maja.
Magandang umaga, Berting.
Maja: Saan ka pupunta?
Clarita: Magsisimba ako. Nandoon na ang
Tatay at Nanay sa parokya.
Berting: Ah, ganoon ba? Kami naman ay
sumamba noong Biyernes sa aming
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
209
Masjid.
Maja: Noong Huwebes naman kami
sumamba ng aming pamilya.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pinag-uusapan ng mga bata?
2. Bakit kaya iba- iba ang araw ng kanilang pagpunta
sa kanilang lugar sambahan?
Bilang isang kasapi ng isang pangkat na naniniwala sa
Diyos, ano kaya ang maaari mong gawin upang ipakita na
ikaw ay may paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa
Diyos?
Pag-aralan ang bawat larawan. Paano ipinakikita ng
bawat bata ang paggalang sa paniniwala ng iba?
Ako si Miguel. Isa akong
Sabadista. Kapag may misa
sa simbahang malapit sa
aming bahay ay hindi ako
nag-iingay.
DRAFT
April 10, 2014
210
Ako si Rashid. Nakikinig ako
nang may paggalang kapag
aming tinatalakay sa klase ang
mga paniniwala ng iba’t ibang
relihiyon.
Ako naman si Estella.
Sinasabihan ko ang aking
nakababatang kapatid na
huwag paglaruan ang
rosaryo ng aming pinsan na
isang Katoliko.
DRAFT
April 10, 2014
211
Kaibigan ko si Rashid. Hindi ko
siya pinagtatawanan kapag
nagdarasal siya. Ako nga
pala si Kathy.
Hindi kami nanghuhusga sa mga paniniwala ng
iba tungkol sa Diyos. May iba’t ibang paraan ang mga
tao tungkol sa kanilang paniniwala. Iginagalang namin
ang mga ito. Alam naming gayon din ang iyong
ginagawa. Maaari bang ibahagi mo sa klase kung
paano mo ipinakikita ang iyong paggalang sa
paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
DRAFT
April 10, 2014
212
Gawain I
Paano natin maipakikita ang paggalang sa paniniwala
ng iba tungkol sa Diyos sa sumusunod na sitwasyon?
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno at
Ibahagi ito sa iyong klase.
1. Nagulat ang iyong pinsan sa malakas na tunog ng
tambol. May prusisyon pala para sa pagdiriwang ng
kanilang patron na si San Isidro Labrador na
pinaniniwalaan nilang patron ng masaganang ani.
Sinabi niya sa iyo na siya ay naiinis sa ginagawang
ito ng mga Katoliko. Ano ang iyong gagawin?
2. Sinasabi ng iyong kamag-aral na higit na mabuting
maging kasapi ng kanilang relihiyon. Pinipilit ka
niyang sumama at makinig sa kanilang pag-aaral sa
salita ng Diyos. Ano ang iyong gagawin?
3. Ikaw at ang iyong nakababatang kapatid ay
inanyayahan ng iyong kaibigang Muslim sa kanyang
kaarawan. Dahil paborito ng iyong kapatid ang
inihaw na baboy ay nagtanong siya sa iyo nang
palihim kung may ganoon silang handa. Ano ang
iyong sasabihin sa iyong kapatid?
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
213
Gawain 2
Gamitin ang tsart sa ibaba para sa bahaginang
isasagawa sa inyong pangkat. Magtalaga ng tagapagsalita
na magbabahagi sa buong klase ng inyong mga naging
sagot.
A. Iyong pagnilayan ang sumusunod na tanong:
 Naranasan mo na ba na ikaw ay pinagtawanan o
kinutya dahil sa iyong paniniwala? Ano ang iyong
naramdaman?
 May pagkakataon din ba na napagtawanan mo
ang iba dahil sa kanilang paniniwala? Ano sa
palagay mo ang kanilang naramdaman?
 Paano mo maipakikita ang paggalang sa
paniniwala ng iba?
Isapuso Natin
Relihiyon ko o
paniniwala
Paraan ng
pagsamba o
pagdarasal
Mga kaugnay
na kaugalian
DRAFT
April 10, 2014
214
Tandaan Natin
May iba’t ibang relihiyon o paniniwala ang mga tao
tungkol sa Diyos. Magkakaiba man ang ating paraan ng
pagsamba, nagkakaisa tayo sa pag-asang sa
pamamagitan ng mga paraang ito, maipararating natin
ang ating pagsamba at papuri sa Diyos.
Nararapat lamang na igalang natin ang paniniwala ng
iba tungkol sa Diyos. Hindi sila dapat pagtawanan o kutyain
sapagkat sila ay tulad din nating may mga damdaming
nasasaktan.
“Kung ano ang nais mong gawin sa iyo ng iyong kapwa,
iyon din ang gawin mo sa kanya.” Naalala mo pa ba ang
kasabihang ito? Hindi ba’t angkop ito sa ating aralin? Tama.
Kung nais mong igalang ng iyong kapuwa ang iyong
paniniwala, nararapat lamang na igalang mo rin ang
kanyang paniniwala.
1. Sa tulong ng iyong guro, isagawa o ipagdiwang ang
Araw ng Pananampalataya kung saan magtatanghal
kayo ng isang maikling palatuntunan. Maaaring
anyayahan ang mga guro, magulang, mga kawani, at
mag-aaral sa paaralan upang maibahagi ng mga
panauhing tagapagsalita na katulad mong mga bata
rin ang kani-kanilang paniniwala, awit ng pagsamba,
at kaugnay na kaugalian.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
215
2. Sa simula ng palatuntunan, mangyaring magkaroon ng
panimulang panalangin. Inyo ring pasalamatan ang
mga taong pinaunlakan ang inyong imbitasyon.
3. Tapusin ang inyong maikling palatuntunan sa
panalangin na pangungunahan ng mga bata,
magulang, at guro mula sa iba’t ibang
pananampalataya.
4. Bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa
pagdiriwang, bibigyan ang bawat bisita ng isang hugis
dahong papel kung saan isusulat niya ang kanyang
mensahe at pangalan.
5. Lahat ng mga dahon na may nakasulat na mensahe
ay ididikit sa isang puno na gawa sa karton. Ang
punong ito ay tatawaging Puno ng Nagkakaisang Iba’t
Ibang Paniniwala.
I. Piliin ang mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa inyong kuwaderno.
a. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.
b. Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bata
na huwag paglaruan ang krus.
c. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang
Muslim habang pinag-uusapan ang mga gawain ng
Katoliko.
d. Batang Muslim na pinasasalamatan ng isang bata
dahil dumalo ito sa kanyang kaarawan.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
216
II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat
gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa kuwaderno.
1. Nakita mong pinupunit ng iyong kamag-aral ang
mga pahina ng isang banal na aklat.
a. Kukunin ko ang Koran mula sa kanya upang di
na niya ito tuluyang mapunit.
b. Hahayaan ko lamang siya sa kaniyang
ginagawa.
c. Sasabihan ko na huwag niyang punitin ang
mga pahina ng banal na aklat.
2. Malakas ang tunog ng radyo habang nakikinig ang
iyong Tatay ng balita.Narinig mong nagdarasal ang
mag-anak na Muslim na inyong kapitbahay.
a. Magpapaalam ako sa aking Tatay na hihinaan
ko ang radyo dahil nagdarasal ang aming
kapitbahay.
b. Tatahimik na lamang ako habang sila ay
nagdarasal.
c. Hihintayin ko ang aking Tatay na sabihan
akong hinaan ang radyo.
3. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong
kapatid sa inyong bahay sa araw ng piyesta.
a. Sasabihin ko sa kanya ang mga handa
naming walang sahog na baboy at maaari
niyang kainin.
b. Sasabihin ko sa aking Nanay na puro lutong
may karne ng baboy ang dapat naming
ihanda.
DRAFT
April 10, 2014
217
c. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang
siyang papuntahin.
4. Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kanyang
matalik na kaibigan. Isa siyang kasapi ng Iglesia ni
Cristo at ikaw naman ay Methodist.
a. Maayos ko siyang kakausapin matapos akong
maipakilala sa kaniya.
b. Makikipagkaibigan ako sa kanya kahit iba ang
aming paniniwala tungkol sa Diyos.
c. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang
gawin.
5. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang
mga bata.
a. Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi
ako sasali sa kanilang paglalaro upang hindi na
makadagdag sa ingay.
b. Pagsasabihan ko silang maglaro na lamang sa
palaruan.
c. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang
lumabas ng kapilya.
III. Mag-isip ng iba pang paraan kung paano mo
maipakikita ang iyong paggalang sa paniniwala ng iba
tungkol sa Diyos. Iguhit mo ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.
Mabuhay ka batang may paggalang! Natapos mo
na naman ang isang aralin na may kinalaman sa ating
pagmamahal sa Diyos.
DRAFT
April 10, 2014
218
Aralin 3
Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap
Ano kaya ang nararamdaman ng isang batang
lumalaban sa isang paligsahan tulad ng nasa larawan?
Maliban dito, ano rin kaya ang mararamdaman ng:
 isang mag-aaral na mang-aawit na pilit na
inaabot ang napakataas na tono.
 Isang batang kasali sa quiz bee.
 Isang batang nakaranas ng lindol, baha, o
landslide.
Sa araling ito, hinahangad na maisapuso mo ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at maisabuhay
ito upang maging lakas sa pagbuo ng iyong mga pangarap
para makamit ang tagumpay.
DRAFT
April 10, 2014
219
Tunghayan ang mga larawang tagpo sa ibaba at
bigyan ng pagsusuri.
“Hmm…. Kaya ko
ito. Kaya ko ito.”
“Diyos ko, sana po
ay gumaling na
ako. Gusto ko na
pong bumalik sa
paaralan.”
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
220
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang problema ng bawat bata sa larawan?
“Sana ay magkaroon
na rin kami ng malinis
na tubig.”
“Umaasa ako na
malapit ng matapos
ang gulo sa aming
lugar.”
DRAFT
April 10, 2014
221
2. Papaano kaya nila tinatanggap ang mga problemang
ito?
3. Isa-isahin ang iyong mga naging damdamin habang
ito ay iyong binabasa at sinusuri at ibahagi ang iyong
mga kasagutan sa klase.
Bilang mag-aaral, naramdaman mo na ba ang mga
ganitong pangyayari sa iyong buhay? Ano ang iyong mga
ginawa? Papaano mo pinanatili ang pag-asa para makamit
mo ang iyong gusto bilang mag-aaral?
Ang isang batang tulad mo ay maraming pangarap.
Ang pagkakaroon ng pag-asa ay makatutulong upang ang
mga pangarap na ito ay iyong makamit.
Gawain I
May mga pagkakataong sinusubukan ang ating
kakayahan at pagtitiwala natin sa ating sarili. Ang
pagkakaroon natin ng pag-asa at positibong pananaw ay
makatutulong upang makamit natin ang ating minimithi.
1. Buuin ang tsart tungkol sa isang pangarap na nais
mong mangyari sa iyong buhay.
Ang aking mga gagawin
habang ako ay nasa
ikatlong baitang:
Ang aking mga
gagawin pagkatapos ko
ng ikaanim na baitang:
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
222
Gawain 2
A. Pumili ng isa sa mga nakasulat na sitwasyon at sagutin
ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng pamahalaan at
pangkat na di sang-ayon dito, napilitang lumikas ang
mga mamamayan sa ligtas na lugar. Isa sa mga
batang ito ay si Rowena.
2. Nakatanggap ng sulat si Lelet na hindi siya pinalad
na makasama sa mga magiging iskolar sa susunod
na pasukan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Kung ikaw ang batang nasa sitwasyon na inyong
pinili, paano ninyo maipakikita ang pagkakaroon
ng pag-asa?
2. Paano ninyo masasabing mahalaga ang
pagkakaroon ng pag-asa?
B. Bumuo ng limang pangkat. Pagmasdan ang bawat
batang nasa larawan at suriin ang kanilang sinasabi.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nasa ibaba
ng mga larawan. Isulat ang napagkasunduang sagot ng
inyong grupo sa isang malinis na papel na ilalathala ng
lider ng bawat grupo.
DRAFT
April 10, 2014
223
“Ako si Bulit. Isa akong Ayta.
Umaasa ako na maayos akong
pakikitunguhan ng aking mga
kamag-aral. Magiging mabuti
akong kaibigan sa kanila.”
“Ako si Maita.
Nagsisisi ako na hindi
ako nag-aral nang
mabuti. Umaasa ako
na_______________
“____________________
_.”
DRAFT
April 10, 2014
224
Ako si Korin. Ito naman ang
aking kapatid. Ako ay
nananalig na _____.”
______________________.
“Ako naman si Rufo.
Umaasa ako na__________.”
DRAFT
April 10, 2014
225
Mga tanong:
 Sa inyong palagay, ano ang minimithi ng bawat
bata sa larawan?
 Ano rin kaya ang kanilang gagawin upang
magkaroon ng katuparan ang kanilang minimithi?
Paano natin mailalarawan ang salitang pag-asa?
Pumili ka ng isa mula sa mga mungkahing gawain sa
ibaba at gawin ito. Maghandang ibahagi ito sa klase
pagkatapos.
1. Kung ang pag-asa ay isang lutuin, gumawa ng recipe
para dito. Isipin mo ang mga kakailanganin upang ang
isang tao ay magkaroon ng pag-asa. Halimbawa,
lakas ng loob. Ilang kutsara nito ang kakailanganin?
Bigyan ito ng pamagat na Recipe ng Pag-asa.
2. Gumawa ng maze o mapa tungkol sa pag-asa. Kung
ang pag-asa ay isang lugar, ano-ano ang mga
madaraanan mo upang marating ang lugar na ito?
Ano-ano rin ang mga bagay na dapat mong baunin o
dalhin sa iyong paglalakbay?
Tandaan Natin
Mahalagang magkaroon ng pag-asa ang
bawat batang tulad mo. Ganunpaman, hindi sapat
ang pagkakaroon lamang ng pag-asa. Kailangan
mong magsumikap at gawin ang kinakailangan
upang makamit ang iyong minimithi.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
226
Pag-asa ang siyang nagiging gabay natin sa
pagbuo ng ating mga pangarap at pagsusumikap
na makamit ito. Kung minsan ay hindi nangyayari
ang ating inaasahan ngunit hindi tayo dapat
mawalan ng pag-asa. Nararapat lamang na
tanggapin mo ito nang maluwag sa puso.
Kung minsan naman may mga bagay na gusto
mong mangyari pero hindi agad natutupad. Dahil
ikaw ay nananalig, nagtitiwala, at nagdarasal sa
Diyos, unti-unti mo itong makakamit at matutupad.
Lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat.
Mahal ka ng Diyos at masaya siya kapag nakita ka
Niya na masaya o maligaya. Patuloy kang
manalangin sa Diyos. Sabihin mo sa kanya ang
nadarama ng iyong puso. Huwag kang mawawalan
ng pag-asa. Kung hindi man matupad ang iyong
minimithi, may inilaan Siyang higit na makabubuti
para sa iyo.
Kahit ikaw ay bata pa, may hinaharap ka ring
pagsubok o suliranin sa araw-araw.
Gawain 1
1. Bago ka matulog ay itala mo sa iyong kuwaderno
kung paano mo hinarap ang isang pagsubok gaya
ng hindi pagpasa sa pagsusulit, hindi napiling
lumahok sa isang paligsahan, at iba pa.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
227
2. Ipaliwanag mo kung paano naging mahalaga ang
pagkakaroon ng pag-asa sa pagkakataong iyon.
3. Ibahagi mo ito sa iyong mga kamag-aral sa
susunod na araw.
Gawain 2
Katulong ang iyong pangkat, punan ninyo ang tsart sa
ibaba ng inyong mga sagot. Ibahagi ito sa klase
pagkatapos.
Mga pangyayaring
nahirapan ako bilang isang
mag-aaral
Naipakita ko ang pag-asa sa
pamamagitan ng …
A. Piliin ang mga pangungusap na nagpapakita ng
pagkakaroon ng pag-asa. Ipaliwanag ang iyong sagot
kung bakit mo ito pinili. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. “Kaya natin ito.”
2. “Matatalo na ako. Mukhang magagaling ang aking
mga katunggali.”
3. “Magtatapos ako ng pag-aaral para balang araw
ay makatulong ako kay Nanay at Tatay. “
4. “Sana ay makauwi na ang aming Nanay mula sa
Hong Kong. Palagi ko itong ipagdarasal.”
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
228
5. “Mga ilang taon pa at magbubunga na ang mga
punong ito. Kailangan natin itong alagaan.”
B. Sumulat ng isang pangungusap na nagpapakita ng
pagkakaroon ng pag-asa sa sumusunod na pagsubok:
1. Nasalanta ang inyong bayan ng isang malakas na
bagyo.
Pangungusap na may pag-asa: __________________
2. Di ako pumasa sa isang pagsusulit/quiz
Pangungusap na may pag-asa: ___________________
3. Di napili sa palatuntunan sa pagsayaw
Pangungusap na may pag-asa: __________________
4. Nadamay sa mga napagalitan ng guro
Pangungusap na may pag-asa:____________________
DRAFT
April 10, 2014
229
Aralin 4
Ang Pag-asang Mayroon Ako,
Ibinabahagi ko sa Kapwa ko
Kung ikaw ang manlalaro sa larawan, ano kaya ang
iyong mararamdaman kung makikita mo ang iyong mga
kaibigan na nagbibigay suporta sa iyo?
May mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan. Sila
ang iyong pamilya, mga guro, at kaibigan. Binibigyan ka nila
ng lakas ng loob kung ikaw ay may pagsubok o problemang
hinaharap. Ikaw, paano ka nakapagbibigay pag-asa sa
kanila?
Sa araling ito ay tatatalakayin natin kung paano tayo
maaring makapagbigay ng pag-asa sa iba.
DRAFT
April 10, 2014
230
Sa nakaraang aralin ay natutuhan natin kung gaano
kahalaga ang pagkakaroon ng pag-asa upang makamit
ang ating pangarap. Upang makapagbigay tayo ng pag-
asa sa ibang tao, nararapat na tayo mismo ay mayroon
nito.
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang
mga kaugnay na tanong.
Natatandaan mo pa ba si Pag-asa? Bukod kay Pag-
asa ay may bago ka pang makikilala. Siya si Liwanag.
“Ang pag-asa ay
makatutulong upang
makamit ko ang mga mithiin
ko sa buhay. “
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
231
“Magandang araw sa iyo. Ako si
Liwanag. Kahit tayo ay bata pa ay
kaya rin nating makapagbigay ng
pag-asa sa iba. Ikaw, kaya mo rin
bang magbigay ng pag-asa sa iba?”
“Huwag ka nang
malungkot. Gagaling
na rin si Timmy. “
DRAFT
April 10, 2014
232
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Liwanag sa
iba’t ibang sitwasyon sa comic strip?
“Hindi ko talaga
maintindihan ang aralin
natin sa Matematika.”
“Kaya mo iyan.
Halika pag-aralan
natin.”
“Salamat sa inyong
pagdalaw.”
“Masaya kami at
malapit ka nang
lumabas ng
pagamutan.”
DRAFT
April 10, 2014
233
2. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na rin tulad
ni Liwanag?
3. Gusto mo bang maging katulad ni Liwanag?
Ipaliwanag ang inyong sagot.
4. Sa iyong paraan, paano mo ibabahagi ang
pagkakaroon ng pag-asa sa iyong mga kaibigan,
kamag-aral, at mga kasama sa bahay?
Gawain I
Katulad ka rin ba ni Liwanag? Mag-isip ng isang
karanasan kung saan ay nakapagbigay ka ng pag-asa sa
iba. Ibahagi ito sa iyong kamag-aral.
Gawain 2
Katulong ang iyong pangkat, magpakita ng maikling
dula-dulaan na nagpapakita ng pagbibigay pag-asa sa
iba.
1. Gumuhit ng isang super hero. Tawagin natin siyang
Pag-asa.
2. Sa palibot ng nabuo mong imahe, isulat ang kanyang
mga katangian. Maghandang ibahagi ito sa klase.
Tandaan Natin
May kasabihang “Hindi mo maibibigay ang
isang bagay na wala ka.” Upang makapagbigay ka
ng pag-asa ay nararapat na magkaroon ka muna
Isapuso Natin
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
234
nito.
Nakapagbibigay tayo ng pag-asa sa iba sa
pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lakas ng
loob, suporta, o tulong.
Ang pag-asa ay maaaring maipakita o
maipadama sa kapuwa sa iba’t ibang pagkakataon.
Sa paaralan, maipadarama o maipakikita mo sa
iyong kamag-aral na puwedeng pumasok sa
paaralan kahit walang baong pera, na puwedeng
pumasok sa paaralan kahit luma ang damit basta
malinis ito, at dapat magsumikap palagi sa pag-aaral
para matuto sa pagbasa, pagkuwenta, at iba pa. Sa
tahanan naman, puwede mong ipadama ang pag-
asa kung may miyembro ng pamilya na maysakit,
kung naghihirap, kayo sa buhay, o kung nawalan
kayo ng bahay dahil sa malakas na bagyo.
Ang patuloy na pagpapakita at pagpapadama
ng pag-asa ay kinalulugdan ng Diyos. Ito ay isang
biyaya na dapat patuloy na ibinabahagi sa kapuwa.
Gawain 1
Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay mabuting ugali.
Pinalalakas ng pag-asa ang loob ng taong nabibigyan nito.
Ito rin ay makapagbibigay sa iyo ng saya.
A. Magmasid at alamin kung sino ang kaklase o kaibigan
na maaari mong iparamdam na may pag-asa.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
235
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo ang
iyong sagot sa kuwaderno.
1. Sino sa mga taong nasa paligid ang gusto mong tulungan
na magkaroon ng pag-asa?
2. Ano ang iyong dahilan bakit pinili mo siya?
3. Paano mo sisimulan ang pagtulong?
4. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng iyong
kaklase o kaibigan sa pagpili mo sa kanya?
5. Magiging masaya ka ba kung ang napili mong kaibigan o
kaklase ay makakaramdam ng pag-asa? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
Gawain 2
Buuin mo ang liham na nagpapadama ng pag-asa
para sa isang kaibigan na nasa evacuation center.
November 20, 2013
Mahal kong _________,
Kumusta ka na? Sana ay ____________________
sa evacuation center. Ang sabi ng Tita Irene ay hindi
_________________________________________________
Marami pa raw nakaharang sa daan papunta sa
inyong lugar. Huwag ka _________________________
_______________ magdasal. Huwag kang mawalan ng
________. Baka sa susunod na Sabado ay__________
______________________ sa aking Nanay upang
Mabisita kita.
Ang iyong kaibigan,
Liwanag
DRAFT
April 10, 2014
236
Kahit bata pa tayo, makapagbibigay din tayo ng pag-
asa sa iba. Nararapat na totoo sa ating kalooban kung atin
itong ibinibigay.
I. Sabihin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ang pag-asa ay nakapagpapalakas ng loob.
2. Maaari kang makapagbigay ng pag-asa kahit wala
ka nito.
3. Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay
makapagpapasaya sa taong nagbibigay nito.
4. Kahit ikaw ay bata pa ay kaya mo ring
makapagbigay ng pag-asa.
5. Ang pagbibigay ng pag-asa ay nararapat lamang
na totoo sa iyong kalooban.
II. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong
sasabihin o gagawin na makapagbibigay ng pag-asa.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Kinakabahan ang iyong kapatid na kukuha ng
markahang pagsusulit.
2. Nakita mong malungkot ang iyong Tatay dahil sa
nasalanta ng bagyo ang inyong pananim.
3.Matatagalan pa bago makalakad ang iyong kaibigan
matapos siyang madulas sa hagdan.
4. Hindi nanalo ang iyong mga kamag-aral sa paligsahan
sa pagsasayaw.
5. Gusto nang tumigil sa pag-aaral ng iyong kamag-aral
dahil sa layo ng inyong paaralan.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
237
Aralin 5
Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin
“Hindi ko hiningi ngunit kusang ibinigay. Hindi ko hinanap
ngunit aking natagpuan. Hindi ko hiniling ngunit
ipinagkaloob sa akin. Hindi pa man nasasambit ng aking
mga labi, mga panalangin ko ay agad na dinidinig.
Kapag nagkamali laging handang ako ay patawarin.
Naligaw man ng landas, sa isang pagtawag ko agad
ako’y sasaklolohan. Kahit sa paningin ko hindi ako
karapat-dapat, biyaya at pagmamahal laging higit sa
sapat.
O Diyos na dakila, sino pa ba ang hihigit sa Inyo?
Taglay Ninyong kapangyarihan tunay na walang
hanggan. Pag-ibig Ninyo sa amin ay walang katapusan!
Dahil sa dakilang pag-ibig Ninyo sa akin, buhay ko
ngayon ay may kabuluhan.”
-prs-
DRAFT
April 10, 2014
238
Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Ano kaya ang
mensahe ng taong gumuhit nito?
Gawain 1
Basahin ang tanong sa ibaba. Iguhit o isulat mo ang
sagot sa isang malinis na papel at ipaskil ito sa pisara
pagkatapos. Maaari mo ring kulayan ang iyong iginuhit
kung kinakailangan.
Tanong:
Kung mailalarawan mo ang pagmamahal ng Diyos,
saan mo ito maihahambing?
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang nararamdaman ninyo habang iginuguhit o
isinusulat ang inyong sagot sa papel?
2. Pagmasdan ninyo ang mga nakapaskil na sagot sa
pisara. Maliban sa mga nakapaskil na sagot may iba
pa ba kayong naisip kung paano mailalarawan ang
pagmamahal ng Diyos sa atin? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Ang pagmamahal ng Diyos ay wagas at hindi
nagbabago kailanman at kanino man. Mula sa ating
pagkasilang hanggang sa tayo ay bawian ng buhay, hindi
tayo iniiwan ng Diyos, maging sa panahon ng kalungkutan o
mga suliranin.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
239
Isipin mong mabuti. Kapag ikaw ay nagkamali,
pinagsasabihan ka ng iyong mga magulang. Bakit nila ito
ginagawa? Itinatama lamang nila ang iyong maling kilos at
gawi. Ipinauunawa nila sa iyo ito upang hindi ka na ulit
magkamali.
Gayundin naman, kapag ikaw ay nagpakumbaba,
inamin mo ang iyong pagkakamali at humingi ka ng
kapatawaran, lagi ka nilang binibigyan ng pagkakataong
magbago.
Patunay ang mga ito ng pagmamahal nila sa iyo. Kung
ang ating mga magulang na tulad nating mga tao ay
kayang magmahal sa atin nang ganito, paano pa kaya ang
Diyos nating Ama na siyang lumalang sa buong
sangkatauhan? Hindi lang mapagmahal ang Diyos
sapagkat ang Diyos mismo ay pag-ibig.
Gawain 2
Pagmasdan ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.
DRAFT
April 10, 2014
240
Mga Tanong:
 Sa inyong palagay, ano kaya ang ipinapanalangin ng
mga bata?
 Palagi rin ba kayong nananalangin ng pasasalamat sa
Diyos sa lahat ng kanyang biyaya? Ipaliwanag ang
inyong sagot.
 Bilang isang bata, paano mo ipinakikita ang iyong
pasasalamat sa mga taong nagpalaki sa iyo?
Ang panalangin ay isang paraan ng pakikipag-
ugnayan sa Diyos. Ito ay gawaing kalugod-lugod sa Diyos
sapagkat nagpapakita ito na mahalaga Siya sa ating buhay
at nais nating makipag-ugnayan sa Kanya. Dapat din nating
isama sa ating panalangin ang kalagayan ng ibang tao o
ng ating bansa.
Idinadalangin kong maranasan mo ang pag-ibig ng
Diyos at maibahagi ang kanyang kabutihan at
pagmamahal sa pakikipag-ugnayan mo sa kapuwa.
DRAFT
April 10, 2014
241
Gawain 1
A. Balikan natin ang tula na nasa unang pahina. Isipin mo
ang mga pagkakataong naging totoo sa iyo ang mga
binabanggit nitong biyayang nakamit sa Diyos.
Kumpletuhin ang mga pangungusap. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.
1. Hindi ko hiningi ngunit kusa Niyang ibinigay sa akin ang
______________________________________________________
_______________________________________________.
2. May mga araw na nakakalimot akong magdasal
subalit palagi Niya pa rin akong ______________________
______________________________________________.
3. Dati akong nakikipag-away sa klase ngunit hindi na
ngayon. Marami na akong kaibigan. Alam kong
pinatawad ako ng Diyos sa___________________________
______________________________________________.
4. Kahit minsan pakiramdam ko ay hindi ako karapat-
dapat mahalin, ang Diyos ay_________________________
_________________________________________________.
5. Alam kong mahal ako ng Diyos sapagkat_____________
_________________________________________________.
B. Ibahagi ang iyong mga sagot sa iyong katabi.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
242
Gawain 2
May alam ka bang awitin ukol sa pag-ibig ng Diyos?
Ang awitin sa ibaba ay isang halimbawa ng
paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos na karaniwang inaawit
sa misa ng mga Katoliko. Alam mo ba ang awiting ito?
Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at
pag-asa
Pag-ibig ang siyang buklod natin, di mapapawi kailan
pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang kahit na tayo’y magkawalay.
Koro:
Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng Pag-ibig
Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo ay huwag limutin
na may Diyos tayong nagmamahal
Diyos ay pag-ibig…
Diyos ay pag-ibig….
Paano mo ilalarawan ang pag-ibig ng Diyos? Sa tulong
ng iba pang kasapi ng iyong pangkat, lumikha kayo ng
isang awiting na naglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa
Kanyang mga nilalang. Lapatan ito ng pamagat. Maaring
lumikha ng sariling himig o maaring ibatay ang himig ng
likhang-awit sa isang awiting alam ng lahat ng kasapi.
Maghandang itanghal ito sa klase. Sabihin kung paano
inilalarawan ng awitin ang pag-ibig ng Diyos.
DRAFT
April 10, 2014
243
Gawain
1. Sa isang malinis na papel o lumang folder, gumawa ng
isang maikling panalangin ng pasasalamat sa pag-ibig
ng Diyos na iyong nararanasan. Isipin mo ang mga
kabutihang nagawa ng paniniwala o pananalig sa
Diyos sa iyong buhay.
2. Pagkatapos, lumahok sa panalanging
pangungunahan ng guro at sambitin ang panalanging
nagawa. Idikit ang iyong panalangin sa manila paper
na nasa pisara kasama ng iba pang panalangin na
ginawa ng iyong mga kamag-aral.
Tandaan Natin
Ang pag-ibig o pagmamahal ng Diyos sa atin ay
walang kaparis, hindi nagbabago, at walang katapusan.
Kung ang Diyos ang lumikha sa atin, ang kanyang
katangiang ito ay tiyak na taglay din natin. Ito ang dahilan
kung bakit minamahal natin ang ating kapuwa, kung bakit
tayo ay may pusong likas na matulungin, at mapagmahal.
Pansinin natin ang paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos
sa sumusunod na pahayag:
 Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan.
 Ang pag-ibig ng Diyos ay nadarama ng mga taong
ganap ang pagtitiwala sa Kanya.
 Ang pag-ibig ng Diyos ay nararanasan nang lubos
kapag ipinagkatiwala natin sa Kanya ang ating
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
244
buhay. Ibig sabihin nito ay isinasabuhay natin ang
Kanyang mga tagubilin.
 Ang pag-ibig ng Diyos ay mauunawaan at
madarama natin sa pakikipag-ugnayan sa Kanya sa
pamamagitan ng pananalangin at pagbabasa ng
Kanyang mga salita.
 Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay
mapagmahal at matulungin sa kapuwa.
 Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay
may paggalang at pagkalinga sa lahat ng Kanyang
ginawa.
A. Pagmasdan ang larawan.
Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya si Arriza Ann
Nocum. Ang kanyang ina ay isang Muslim samantalang ang
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
245
kanyang ama naman ay Katoliko. Naranasan ni Arriza ang
pagmamahal ng Diyos, unang-una sa kanilang masayang
tahanan. Nangarap si Arriza na balang araw maibabahagi
rin niya ang pagmamahal na nararanasan mula sa Diyos sa
mga batang Kristiyano at Muslim sa Mindanao. Sa tulong ng
kanyang mga magulang, kaibigan, at mga taong may
pusong mapagkawanggawa, nakapagpatayo siya ng mga
silid-aklatan. Tinawag niya itong KRIS Peace Library.
Sa ngayon, bukod sa apat na silid-aklatan, may mga
pinag-aaral ding mga bata ang samahan. Ang
pagmamahal ng Diyos na naranasan ni Arriza ang siyang
naging susi sa pag-unawa, pagmamahal, at pagtulong niya
sa kapuwa. Hindi madali ang ginawa ni Arriza ngunit
nagtiwala siya sa Diyos na tutulungan siya sa kanyang
mabuting adhikain at hindi siya nabigo.
Sagutin ang mga tanong:
1. Gusto mo rin bang maging katulad ni Arriza Ann
Nocum?
2. Bilang isang mag-aaral ng ikatlong baitang, paano mo
ipakikita sa iyong kapuwa na puwede kang maging
daluyan ng pagmamahal ng Diyos?
3. Ibahagi ang inyong sagot sa klase.
B. Gumawa ng isang badge, larawan, maikling liham, o
tula para sa dalawa taong masasabi mong naging
daan upang maranasan mo ang pag-ibig ng Diyos.
Ibigay ito sa kanila.
DRAFT
April 10, 2014
246
I. Paano natin mailalarawan ang pag-ibig ng Diyos sa
atin? Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang katunog
ng sinalungguhitang salita.
1. Panginoon, ikaw ang daluyan ng lahat ng
pagpapala,
ang lahat ng biyaya sa Inyo po __ __ g_ __ __ __ __
__ __.
2. Mapagpatawad at maawain Diyos,
Siya ang minamahal ___ ___ t ___ ___ tunay.
3. Buhay ko ay iaalay
Sa inyo o Diyos ayokong ___ ___ ___ ___ ___ ___ y.
4. Sa panahon ng kalungkutan ikaw ang aking pag-
asa.
Lahat ay makakaya pagkat Kayo ay aking k __ __ __
__ __.
5. Gumawa ng sarili mong pahayag ukol sa
pagmamahal ng Diyos
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
247
II. Paano naman natin ipinadarama sa iba ang ating
pagmamahal sa Diyos?
Gayahin ang graphic organizer sa ibaba sa iyong
kuwaderno at punan ang bawat kolum ng dalawang
halimbawa.
Sa Tahanan Sa Paaralan Sa Pakikitungo
sa Kapuwa
Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon
ay handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Dalangin
kong maisapuso mo na ang pagmamahal ng Diyos sa iyo at
kailanman ay hindi magbabago.
DRAFT
April 10, 2014
248
Aralin 6
Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko
Ang isang kaibigan ay laging nagmamahal. Paano
natin maipakikita ang ating pagmamahal sa ating mga
kaibigan? Halina at tuklasin natin sa araling ito.
Tingnan ang larawan sa ibaba.
Nakasali ka na ba sa isang paligsahan katulad ng mga
batang ito na nanalo sa isang kompetisyon sa kanilang
paaralan?
Paano kaya sila tinulungan ng kanilang mga kaibigan
sa pagkakataong iyon? Ipinagdasal kaya ng kanilang mga
kaibigan ang kanilang tagumpay?
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
249
Nanonood ka ba ng basketbol? Marahil ay
natatandaan mo ang pagkapanalo ng koponan ng Pilipinas
para sa FIBA, isang pandaigdigang kompetisyon sa
larangan ng basketbol. Alam mo ba na walang pagsidlan
ang kasiyahan ng mga manonood nang sila ay manalo?
Dahil kinakatawan nila ang Pilipinas, lahat halos ng mga
Pilipino ay nagdasal at nagpakita ng suporta sa kanila.
Basahin mo ang maikling tula at sagutin ang mga
kaugnay na tanong sa ibaba.
Palagi siyang may nakahandang ngiti
Pagod ko at pagkabagot ay kanyang pinapawi
Karamay ko siya sa aking pagpupunyagi
Matiyagang umaalalay sa akin palagi.
At nang dumating na itong oras ng paligsahan
Ngumiti siya at sinabing “Kaya mo yan!”
Nakita ko siya na yumuko nang marahan
Taimtim na nanalangin sa Diyos Amang
makapangyarihan.
At nang tinawag na itong aking pangalan,
Kagalakan niya, aba’y walang pagsidlan!
Kay taas ng kanyang talon dahil sa kasiyahan
Aking tagumpay, kanyang kagalakan!
Ako ay nagwagi dahil sa tulong mo
Karangalang ito ay utang ko sa iyo
At kung sakali mang hindi ako nanalo
Sa panahon ng pagkabigo, ikaw ay sandigan ko.
Salamat sa isang tunay na kaibigan
Walang kaparis ang iyong kabaitan
Hindi kita malilimutan kailanman
DRAFT
April 10, 2014
250
Pagpalain ka ng Diyos sa iyong kabutihan.
-prs-
Mga kaugnay na tanong:
 Kung tatanungin ang iyong puso’t damdamin, ano
ang nababagay na pamagat para sa tula?
 Paano ipinakita sa tula ang pagmamahal at
pagmamalasakit ng isang kaibigan?
 Kung ikaw ang kaibigan na binabanggit sa tula, ano
ang mararamdaman mo? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Gawain 1
1. Kung may kaibigan kang sumali sa isang paligsahan,
paano mo ipakikita ang pagmamalasakit mo sa
kanya? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
2. Ibahagi sa iyong katabi ang iyong naiguhit na
kalagayan.
Gawain 2
1. Bumuo ng limang pangkat. Muling balikan ang tula na
nasa Alamin. Katulong ang iyong pangkat, bigkasin
ang saknong na nabunot ninyo nang pa-rap. Lapatan
din ito ng akmang galaw o kilos. Magtanghal kapag
tinawag na ang inyong pangkat.
Sagutin ang tanong.
 Paano natin maipadarama ang ating
pagmamahal sa ating kaibigan sa panahon ng
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
251
kanilang kasiyahan at sa panahon ng
kalungkutan?
1. Pag-aralan ang maikling salaysay tungkol sa dalawang
magkaibigan.
Kilala mo ba si Ferdinand Blumentritt? Siya ang matalik na
kaibigan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Alam mo bang isang beses lamang silang nagkita ngunit
ang kanilang pagkakaibigan ay tumagal nang halos
sampung taon? Napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan
sa pamamagitan ng pagpapalitan ng liham. Sinasabing isa
si Blumentritt sa ginawan ni Rizal ng liham pamamaalam.
Labis na ikinalungkot ni Blumentritt ang nangyari sa kaibigan.
Sagutin ang sumusunod:
1. Kung uso ang pick up line noong panahon ni Rizal, ano
kaya ang itinanong nila sa bawat isa?
Isapuso Natin
http://en.wikipedia.org/wiki/File:J
ose_rizal_01.jpg
http://www.philstar.com/good-
news/487848/rizal-blumentritt-documents-
found-czech-museum
DRAFT
April 10, 2014
252
2. Lumikha ng isang pick-up line na naglalarawan ng
isang mabuting kaibigan. Isulat ito sa iyong sagutang
kuwaderno at ipasagot ito sa iyong katabi.
Mga Halimbawa:
Saklay ka ba?
Kasi lagi mo ‘kong inaalalayan.
Papel ka ba?
Kasi gusto kitang sulatan ng liham
pasasalamat para ipadala ko sa aking
kaibigan.
Tandaan Natin
 Ang isang mapagmahal na kaibigan ay laging
maaasahan.
 Sa panahon ng kalungkutan, nariyan siya para
damayan ka. Lagi siyang handang tumulong sa
abot ng kanyang makakaya.
 Hindi siya nananaghili o naiinggit sa iyong mga
natamo.
 Kasiyahan niya ang makita kang masaya at
matagumpay.
 Ang pagiging mabuting kaibigan ay
pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
Gawain
1. Gumawa ng isang kard ng pasasalamat para sa iyong
kaibigan. Sa unang pahina, iguhit mo siya o idikit mo ang
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
253
kanyang tunay na larawan. Ilagay ang kanyang
pangalan sa itaas nito. Sa palibot nito ay isulat mo ang
kanyang magagandang katangian.
2. Sa loob ng kard ay gumawa ng maikling liham ng
pasasalamat para sa lahat ng kabutihan niya sa iyo.
A. Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.
Mga Katangian ng
Isang Mabuting
Kaibigan
Mga Paraan ng
Pagpapakita ng
Pagmamalasakit o
Pagmamahal sa Isang
Kaibigan
1.
2.
3.
4.
5.
Binabati kita mabuting kaibigan dahil matagumpay
mong natapos ang araling ito! Tiyak na mas kagigiliwan ka
ng mga kaibigan mo.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
254
Aralin 7
Manindigan Tayo Para Sa Kabutihan
Nakakita ka na ba ng batang pinuri at pinarangalan?
Ano ang iyong naramdaman? Paano naman kung ang
bata ay tinutukso, pinagtatawanan, o sinasaktan? Ano rin
ang iyong naramdaman? Tunghayan mo ang araling ito
para sa paninidigan sa kabutihan.
Kapag tinanggalan mo ng balahibo ang manok,
maibabalik mo pa ba ito? Tama ka, hindi mo na ito
maibabalik pa sa kanyang katawan kailanman. Ganito rin
ang sitwasyon kapag nagsalita tayo nang masakit sa ating
kapuwa. Oo, maari tayong humingi ng tawad ngunit
anumang masakit na salitang binitiwan natin ay hindi na
natin mababawi pa. Nakasakit na tayo ng damdamin ng
iba.
Ang pangungutya/panunukso, masakit na pananalita, o
pananakit sa kapuwa ay mga gawaing di-mabuti at hindi
natin dapat hayaang mangyari. Upang mapangalagaan
ang kaligtasan at kapayapaan ng bawat isa, kailangan
nating manindigan para sa katwiran at kabutihan.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
255
Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sabihin kung alin
dito ang mabuti at hindi mabuting gawin.
Kapag may nakita kang kinukutya o pinagtatawanan,
hinahayaan mo na lamang ba ito o gumagawa ka ng
hakbang upang matigil ito? Kung ginagawa mo ang
matuwid, ikaw ay isang batang may paninindigan para sa
kabutihan.
Maraming paraan ng pagpapakita ng paninidigan.
Halimbawa, may ginawa ka bang desisyon na ayaw sundin
o paniwalaan ng mga kaibigan mo ngunit alam na alam
mo na ito ang tama at matuwid? Kung ipinagpatuloy mo
DRAFT
April 10, 2014
256
ito, ikaw ay may paninindigan para sa katuwiran at
kabutihan.
Gawain 1
Sino-sino sa sumusunod ang nagpakita ng
paninidigan?
Gumuhit ng masayang mukha sa patlang sa
bawat bilang kung ang tauhang nabanggit ay kinakitaan
ng paninindigan at malungkot na mukha kung hindi.
1. Karamihan ng mga kaklase ni Edwin ay nagkopyahan
sa kanilang takdang-aralin sapagkat mahirap ito.
Gayunpaman, hindi nangopya si Edwin sa mga
kaklase. Pinagsumikapan niyang sagutin ito.
2. Napansin mong maraming kalat sa paligid.
Napagkasunduan ng inyong klase na gumawa ng
bukas na liham para sa lahat ng mag-aaral upang
bigyan sila ng babala sa mga masamang idudulot ng
pagkakalat sa kapaligiran.
3. Narinig mong pinag-uusapan ng iyong mga kaklase
ang bagong lipat na si Eman. Natatawa sila dahil siya
ay may punto sa pagsasalita at di-gaanong marunong
magsalita ng Tagalog. Alam mong mali ang kanilang
ginagawa ngunit tumahimik ka lamang.
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
257
4. Hindi sinasadyang dumulas sa iyong kamay ang hawak
mong baso at nabasag ito. Pagdating ng inyong
Nanay, agad mo itong sinabi at humingi ka ng tawad.
5. Nakita mong pinatid ng isang malaking bata ang
kaklase mong malabo ang mga mata. Agad mong
tinulungan ang iyong kaklase. Sinamahan mo siya sa
inyong guro upang sabihin ang nangyari.
Gawain 2
Ang pangugutya o pang-aapi ng kapuwa ay isang
masamang gawaing hindi dapat payagan.
1. Pumili ng isang larawan na nasa Alamin Natin.
2. Pag-usapan sa inyong pangkat ang maaring magawa
upang masugpo ang maling gawaing ito.
3. Ilista ang inyong mga sagot sa sagutang papel. Bukod
sa mga nasa larawan, magbigay pa ng halimbawa ng
mga maling gawaing hindi dapat tularan at payagan.
4. Iulat ang inyong sagot sa klase.
Pag-isipan mo. Ang paninidigan para sa kabutihan ay
pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Nagagalak ang
Diyos kapag nakikita Niya tayong susmusunod sa Kanyang
tagubilin.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
258
Bilang isang bata, maari mong ipakita ang iyong
paninidigan sa kabutihan sa pamamagitan ng paggawa ng
mabuti at hindi pagpayag sa gawaing masama.
Gawain
1. Bumunot ka ng isang nakarolyong papel na may
nakasulat na pangalan ng iyong kamag-aral.
2. Pagnilayan mo kung paano ipinakita ng kamag-aral
na nabunot mo ang kabutihan at isulat mo ito sa isang
malinis na papel. Maaari mo ring ilista ang iba pang
mabubuting katangian o mabubuting salita tungkol sa
kanya na sa palagay mo ay ikatutuwa niyang mabasa
o marinig.
3. Iabot mo sa taong iyong nabunot ang papel na may
sulat.
Sagutin ang mga tanong:
 Ano ang iyong naramdaman habang iniaabot mo
o habang tinatanggap mo ang papel?
 Ano naman ang naramdaman mo pagkatapos
mong mabasa ang papel na ibinigay sa yo?
Tandaan Natin
Ang paninidigan para sa kabutihan ay pagpapakita ng
pagmamahal sa Diyos sapagkat nangangahulugan ito ng
pagsunod sa kanyang mga tagubilin. Ang pagtutol o hindi
pagpayag sa mga gawaing masama ay isang anyo rin ng
paninidigan para sa katuwiran at kabutihan.
DRAFT
April 10, 2014
259
Maraming paraan kung paano ipinakikita ang paninidigan.
Sa tuwing may pagsusulit, dapat tayong maging tapat. Iwasan
ang pananakit ng kapuwa maging sa pananalita na
nakasasakit ng damdamin. Ilang halimbawa ng mga ito ang
sumusunod:
 Dapat tayong manindigan sa katapatan.
Halimbawa: Hindi natin dapat payagan ang iba na
magkopyahan.
 Dapat tayong manindigan para sa pagkakapantay-
pantay ng bawat isa.
Halimbawa: Ang mga batang mula sa ibang pangkat-
etniko iba ang relihiyon o paniniwala ay hindi
dapat pagtawanan, iwasan o apihin.
 Anumang anyo ng pananakit sa kapuwa ay hindi natin
dapat gawin at payagan.
Halimbawa: Ang masasakit na biro sa kapuwa.
Alam mo ba na sa pamamagitan ng iyong mabubuting
pananalita, nahihikayat din natin ang ating kapuwa na
gumawa ng mabuti?Ang isang batang may pagmamahal sa
Diyos ay mabuti sa kanyang kapuwa. Hindi siya nananakit ng
kapuwa kundi isa siyang huwaran ng kabutihan. Tiyak na
magagalak ang Diyos sa kanya at kagigiliwan siya nino man.
DRAFT
April 10, 2014
260
Gawain
Manindigan tayo para sa kabutihan.
1. Sa patnubay ng guro, gagawa kayo ng “pader” laban
sa maling pakikitungo sa kapuwa. Gawin ang
sumusunod.
 Kumuha ka ng isang puting papel o
pinaglumaang folder. Kulayan mo ang mga
gilid nito.
 Isulat sa loob nito ang iyong paninidigan para sa
kabutihan at pagwawaksi ng masamang
gawain.
Halimbawa: Hindi ako mamimintas ng
aking kapuwa.
 Idikit ang iyong gawa sa isang buong manila
paper kasama ang gawa ng iba mo pang
kaklase.
 Ipaskil ang inyong nagawang pader sa labas
ng silid-aralan upang mabasa ng iba at
mabigyan ng pansin.
 Maglagay ng espasyo o lugar kung saan
puwedeng lumagda ang mga mag-aaral bilang
pagpapakita ng pagsang-ayon nila rito.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
261
Halimbawa ng mga may paninidigan.
1. Gumawa nang tama; maging mabait sa kapuwa.
2. Walang karapatan ang sinuman na pagtawanan
ang iba dahil sa kanilang pisikal na anyo, relihiyon,
antas sa buhay, o kasarian.
3. Huwag kang pasaway.
4. Mahal ko ang Diyos kaya hindi ako nang-aapi ng
aking kapuwa.
5. Kung may makita kang batang sinanasaktan,
ipagbigay-alam agad sa kinauukulan.
Suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa kuwadernong
sagutan.
1. Nagkamali ang kaklase mo sa pagbigkas ng isang
salita habang pinababasa ng iyong guro. Napansin
mong lihim siyang pinagtawanan ng iyong katabi. Ano
ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa aking kaklaseng nagkamali na
pinagtawanan siya ng aking katabi.
b. Sasawayin ko ang aking katabi sa pamamagitan ng
senyas at kakausapin pagkatapos ng klase.
c. Pagsasabihan ko siya nang malakas para malaman
ng lahat ang ginawa niya.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
262
d. Hindi ko na lamang siya papansinin.
2. Napansin mong nag-iisa at hindi kasali sa inyong laro
ang bago ninyong kaklase.
a. Aayaw na ako sa laro at sasamahan ko na lamang
ang aking bagong kaklase.
b. Pagsasabihan ko siyang pumunta na lamang sa silid-
aklatan dahil wala siyang kausap.
c. Yayayain ko siyang sumali sa aming laro.
d. Itatanong ko muna sa mga kalaro ko kung gusto
nilang kasali siya sa laro.
3. Nakita mong pinagagalitan at kinukurot ng iyong
kaibigan ang kapatid niyang maliit.
a. Sasabihin kong kausapin niya nang mahinahon ang
kanyang kapatid at huwag itong saktan.
b. Tatanungin ko siya kung ano ang ginawa ng
kanyang kapatid.
c. Imumungkahi kong isumbong na lang niya sa Nanay
nila ang kanyang kapatid.
d. Kakausapin ko ang kanyang kapatid.
4. Dalawang beses mo nang napansin na sinadyang
patirin ng kaklase mong pinakamalaki ang kaklase
mong pinakamaliit. Pinagsabihan mo na siya noong
unang makita mong ginawa niya ito. Humingi siya ng
paumanhin at sinabing hindi ito sinasadya pero
nahalata mong hindi siya tapat sa kanyang sinabi.
Ngayon ay inulit na naman niya ito.
a. Tatahimik na lang ako dahil baka ako ang kanyang
pagbalingan.
b. Sasabihan ko ang iba ko pang kamag-aral na
patirin din namin siya.
DRAFT
April 10, 2014
263
c. Pagagalitan ko ang kaklase kong pinatid niya dahil
hindi siya lumalaban.
d. Isusumbong ko siya sa aking guro upang matigil na
siya sa kanyang ginagawa.
5. May kaibigan ka na kinasanayan mo nang tawaging
pagong dahil nababagalan ka sa kanyang kilos. Kahit
binansagan mo siya nito, itinuturing ka pa rin niyang
kaibigan kahit alam mong hindi lang niya
ipinahahalatang nasasaktan din siya. Isang araw,
napansin mong pati ang iba mong kaklase ay
tinatawag siyang pagong.
a. Sasawayin ko sila at sasabihing ako lang ang
puwedeng tumawag sa kanya ng ganoon dahil
magkaibigan kami.
b. Sasawayain ko sila at ipakikita ko sa kanila ang
paghingi ko ng paumanhin sa aking kaibigan sa
pagkakamali kong nagawa.
c. Hahamunin ko sila ng away upang maipakita na
handa akong ipagtanggol ang aking kaibigan.
d. Makikisali na rin ako sa panunukso sa kaibigan ko.
Muli kitang binabati dahil natapos mo ang aralin nang
matagumpay. Ipagpatuloy mo ang pagiging mabuti sa
iyong mga kaibigan at ikaw ay kalulugdan ng Diyos.
DRAFT
April 10, 2014
264
Aralin 8
Pagmamahal ng Diyos
Ibinabahagi Ko sa Aking Kapuwa
Kapag nakakita ka ng mga maysakit, mga kapus-
palad, mga nalulungkot, o mga taong nahihirapan, ano
ang nararamdaman mo? Nararamdaman mo rin ba ang
kanilang kalagayan? Nais mo ba silang tulungan?
Ipinagdarasal mo ba sila?
Likas sa atin ang magmahal ng kapuwa dahil tayo ay
nilikha ng Diyos na puno ng pag-ibig para sa Kanyang mga
nilalang.
Sa paanong paraan mo ipinakikita ang pagmamahal
mo sa Diyos? Gaano man ito kaliit o kalaki, tiyak na
nagagalak ang Diyos na makitang tayo ay nagmamahal sa
ating kapuwa. Tunay ngang tanda ito ng pagmamahal
natin sa Kanya.
May ipakikilala ako sa iyo. Kilala mo ba ang batang
nasa larawan? Siya si Kesz Valdez.
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
265
Magandang araw kaibigan! Ako si Kesz, labintatlong
taong gulang. Dati akong nakatira sa tambakan ng basura.
Para mabuhay, naghahalungkat ako ng basurang puwede
pang ibenta. Namamalimos din ako sa palengke. Sa
sementeryo o kaya sa tapat ng mga Convenience Store ako
kadalasang natutulog. Noong limang taong gulang ako,
nagkaroon ako ng malalang sugat dulot ng pagkasunog.
Nakita ako ni Kuya Bonn na itinuturing ko nang Tatay ko
ngayon at ni Kuya Efren. Nilinis nila ang aking mga sugat.
Inalagaan nila ako. Naramdaman kong mahal nila ako.
Simula noon, sumasama na ako kay Kuya Efren sa
kanyang eskwela sa kariton. Tinuturuan ko ang mga batang
ingatan ang kanilang kalusugan. Noong pitong taon na ako,
naisip kong itatag ang samahang C3 o Championing
Community Children sa tulong ng aking mga kaibigan.
Nagbebenta kami ng kandila upang makalikom ng pondo
para matulungan ang mga batang lansangan.
Naniniwala akong kaya nating pagandahin ang
mundo. Masaya ako sa ginagawa ko. Naniniwala ako na
tulad ko, kaya mo ring tulungan at mahalin ang ating
kapuwa.
Sagutin ang mga kaugnay na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Sino si Kesz Valdez?
2. Paano niya ipinakita ang kanyang pagmamahal sa
kapuwa?
3. May mga ahensya ng pamahalaan ka bang alam ba
tumutulong sa mga batang lansangan? Ano-ano ito?
4. Sa iyong palagay, ano ang maaring mangyari sa mga
batang lansangan kung walang kumakalinga o
tumutulong sa kanila?
5. Kung ikaw si Kesz, paano mo tutulungan ang mga
batang lansangan?
DRAFT
April 10, 2014
266
Gawain 1 (Indibidwal na Gawain)
Sino o ano ang nais mong ipanalangin? Sumulat ng
isang maikling panalangin ukol sa kanila. Maaring isulat ito
sa iyong sariling dayalekto.
Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
Katulong ang iyong pangkat, lapatan ng kilos ang tula
at maghandang bigkasin ito sa harap ng klase. Ipaliwanag
ang mensahe ng tula sa isang pangungusap.
Dakilang Diyos, mapagmahal na Ama
Kahit saan man kami maparoon,
Ang Iyong pag-ibig na sa amin ay pabaon
Gabay at sandalan namin, anuman ang panahon.
Walang katulad na pag-ibig ipinadama sa amin
Pagmamahal mo di namin kayang sukatin
Kaya ang aming kapuwa mamahalin din namin
Biyayang kapaligiran, iingatan namin.
-prs-
Isagawa Natin
DRAFT
April 10, 2014
267
Gawain 1
1. Suriin ang iyong sarili. Gaano mo ipinakikita ang iyong
pagmamahal sa kapuwa? Sagutin nang tapat ang tseklis.
Lagyan ng tsek ang hanay na tumutugma sa iyong sagot
gamit ang batayan sa ibaba. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.
3 – Palagi kong ginagawa
2 – Ginagawa ko minsan
1 – Hindi ko ginagawa
Mga Paraan ng Pagpapakita ng
Pagmamahal sa kapuwa 1 2 3
1. Tinutulungan ko ang aking kamag-aral
kapag nakita kong may mabigat siyang
dala.
2. Lagi akong may handang ngiti sa lahat.
Magiliw ako sa pakikitungo sa iba.
3. Kapag narinig ko o nakita ko ang aking
kamag-aral o kalaro na may
pinagtatawanan o kinukutyang iba dahil sa
kanilang anyo, salita, o kilos ay sinasaway ko
sila.
4. Kapag nakabalita ako ng mga nabiktima
ng kalamidad, ipinapanalangin ko sila kung
hindi ko man sila tuwirang matulungan.
5. Sumasali ako sa mga proyektong
tumutulong sa iba o sa kapaligiran
(Hal., paglilinis ng paligid, pagbibigay ng
tulong sa mga nasalanta.
Isapuso Natin
DRAFT
April 10, 2014
268
2. Gagabayan ka ng iyong guro upang makuha mo ang
tamang iskor sa ginawang gawain. Pagkatapos mong
bilangin ang nakuha mong iskor maaari mong tingnan
ang katumbas na pakahulugan nito na nasa ibaba.
Pagkatapos sagutin ang tseklis, tuusin ang puntos na nakuha
mo. Bilangin kung ilan ang sinagutan mo ng 1. I-multiply ito
sa 1. Ganoon din ang gawin sa iba pang bilang.
Halimabawa:
Bilang ng sinagutan ng 1 ay 2 kaya 1 x 2 = 2
Bilang ng sinagutan ng 2 ay 2 kaya 2 x 2 = 4
Bilang ng sinagutan ng 3 ay 2 kaya 3 x 2 = 6
Sumahin ang kabuuang puntos (2=4=6 = 12) at alamin ang
kahulugan nito.
11-15 Magaling! Ipinakikita ng pagmamahal mo sa
kapuwa na mahal mo ang Diyos.
6 –10 May pagmamalasakit ka sa iyong kapuwa ngunit
dapat mo pang pagbutihin ito.
1 – 5 Sikapin pang lalong mapabuti ang pakikitungo sa
iyong kapuwa.
Tandaan Natin
Likas sa atin ang magmahal sa kapuwa sapagkat tayo
ay nilalang ng isang Diyos na mapagmahal.
Naipakikita natin ang pagmamahal natin sa Diyos sa
pang-araw-araw na pakikitungo natin sa ating kapuwa.
DRAFT
April 10, 2014
269
Humingi tayo ng tulong sa Diyos na maipadama natin
ang tunay na pagmamahal sa kapuwa. Siya ang magbibigay
sa atin ng lakas upang magawa ito.
Dahil mahal tayo ng Diyos, binigyan Niya tayo ng
kakayahang magmahal at maranasan din natin ang
kasiyahang naidudulot nito sa ating damdamin.
Alam mo bang kaya mo ring maging katulad ni Kesz?
Sa patnubay ng iyong guro, makibahagi sa isang
proyektong makatutulong sa iyong kapuwa tulad ng nasa
ibaba.
1. Pamagat ng Proyekto: Regalo ng Pag-asa Para sa
Kabataan
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
270
Layunin:
Makapagbigay-saya sa mga batang lansangan o
kinakalinga ng ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD o
kaya ay simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
laruan, tsinelas, o mga gamit pangkalusugan na
kokolektahin mula sa mga mapagkawanggawa.
Mga Dapat Gawin o Ihanda:
 Sa tulong ng inyong guro kayo ay gagawa ng
liham para makahingi ng donasyong tulad ng
mga aklat na hindi mo na binabasa, lumang
laruan, at damit sa ibang mga bata o kanilang
magulang upang maidagdag sa mga nakolekta
mula sa inyong klase.
 Magtatakda kayo ng araw kung saan kayo ay
magpaparada at bibisita sa bawat klase upang
kunin ang kanilang mga donasyon na ilalagay sa
isang malaking kahon na parang isang regalo.
 Ibibigay ang mga nakolektang laruan at mga
gamit sa isang samahang nangangalaga sa mga
batang lansangan, maysakit, o ulila.
Pagkatapos isagawa ang proyekto, isulat sa
kuwaderno o iguhit ang naramdaman mo habang
isinasagawa ang proyekto. Maaari mo rin itong iguhit kung
gusto mo.
DRAFT
April 10, 2014
271
Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa kapuwa sa
sumusunod na sitwasyon? Isulat ang iyong gagawin o
sasabihin sa kuwaderno.
1. Narinig mo ang iyong mga kalaro na pinagtatawanan
ang batang dumaan sa tapat ninyo dahil siya ay
nadapa.
2. Napanood mo sa telebisyon o narinig sa radyo na
maraming nasalanta ng bagyo sa inyong probinsya.
3. Umiiyak ang kaklase mo dahil naiwan niya sa kanilang
bahay ang kanyang aklat.
4. Sasali sa isang paligsahan sa paaralan ang iyong mga
kaklase.
5. Nakita mo ang iyong guro na maraming dala habang
papunta sa klase ninyo.
Subukin Natin
DRAFT
April 10, 2014
272
Aralin 9
Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko
Photo taken by MDP
“Diyos na mapagmahal, bukal ng pagpapala, kami
po ay namamangha sa regalo Ninyong biyaya sa
amin. Ang aming mga puso ay puno ng pasasalamat
sa tuwing mamamasdan namin ang kagandahan ng
mundong inilaan Ninyo para sa amin. Tulungan Ninyo
po kaming maging maingat na tagapangalaga ng
biyayang ito. Sapagkat ang mabuting pangangasiwa
ng kalikasan ay tanda rin naman ng aming pag-ibig sa
Inyo. Una Ninyo kaming minahal kaya’t nagagawa
naming mahalin rin ang aming kapuwa at ang iba pa
Ninyong nilikha.”
-prs-
Nakatanggap ka na ba ng regalo? Sino ang nagbigay
nito sa iyo? Bakit ka niya binigyan? Paano mo ito
pinahahalagahan? Sa araling ito, mas maunawaan mo ang
DRAFT
April 10, 2014
273
kahalagahan ng ating kalikasan at maisapuso mo ang
pagpapahalaga sa iba pang nilikha ng Diyos.
Ang kalikasan ay biyaya o regalo ng Diyos sa atin kaya
dapat natin itong pangalagaan. Ano ang iyong
mararamdaman kung ang regalong ibinigay mo ay hindi
pinahalagahan o iningatan ng pinagbigyan mo?
Damhin mo ang sikat ng araw, ang simoy ng hangin.
Dinggin mo ang huni ng mga ibon. Pagmasdan mo ang
mga isdang iba-iba ang hugis at kulay na masiglang
lumalangoy sa mga karagatan. Tingnan mo ang mga
kabundukang hitik sa mga puno. Ang lahat ng mga ito ay
nagpapatunay ng di masusukat na pagmamahal ng Diyos
sa atin. Nais Niyang maging sagana at mapayapa ang
ating pamumuhay o pamamalagi dito sa daigdig.
Paano mo pinangangalagaan ang mga biyayang
kaloob ng ating Diyos?
Gawain 1(Indibidwal na Gawain)
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbago ang
dating kaaya-ayang kapaligiran. Ang maling paggamit at
pag-abuso sa ating kalikasan ay nagdulot ng matinding
Isagawa Natin
Alamin Natin
DRAFT
April 10, 2014
274
suliranin sa ating kapaligiran. Gaano ka kamulat sa mga
suliraning ito?
Tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiran ang
ipinakikita ng bawat larawan. Isulat ang napiling sagot sa
sagutang kuwaderno.
1. Pagkamatay ng mga isda sanhi ng pagkalason
dahil sa maruming tubig o kawalan ng oxygen na
kailangan nila.
2. Pagkaubos ng mga puno sa kagubatan dahil sa
bawal na pagtotroso o pagkakaingin ng mga tao.
DRAFT
April 10, 2014
275
3. Pagbaha bunga ng tuloy-tuloy na pag-ulan o
pagdating ng mas malalakas na bagyo dahil sa
pagbabago ng klima sa mundo.
4. Pagkamatay ng mga ilog o sapa dahil sa walang
tigil na pagtatapon ng basura sa mga katubigan.
DRAFT
April 10, 2014
276
Sagutin ang sumusunod na tanong:
 Tungkol saan ang mga larawan?
 Ano-ano ang mga sanhi ng mga suliraning ito?
 Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy
ang ganitong kalagayan ng ating kapaligiran?
 Ano ang iyong magagawa upang
mapangalagaan ang ating kalikasan?
Gawain 2 (Pangkatang gawain)
1. Pumili ng isang suliraning pangkalikasan.
2. Pag-usapan ito ayon sa sanhi at bunga.
3. Magmungkahi ng mga paraan ng paglutas sa
suliranin.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
 Tungkol saan ang suliraning pangkalikasan?
 Ano-ano ang mga sanhi ng mga suliraning ito?
 Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy ang
ganitong kalagayan ng ating kapaligiran?
 Ano ang inyong magagawa upang mapangalagaan
ang ating kalikasan?
la niña fish kill climate change
global warming el niño deforestation
illegal logging oil spill water pollution
DRAFT
April 10, 2014
277
Iulat ang inyong sagot gamit ang graphic organizer.
Alam mo ba na may isang kumpol ng basura sa Pacific
Ocean ang patuloy na lumalaki at nanganganib na maging
sanhi ng pagkamatay ng lahat ng mga yamang dagat at
hayop na matatagpuan roon?
Ang ibong albatross na nasa larawan ay natagpuan sa
baybaying malapit sa Karagatang Pasipiko. Ang ibong ito,
Isapuso Natin
Suliranin
Sanhi
Bunga
Solusyon
DRAFT
April 10, 2014
278
tulad natin ay nilalang at mahal din ng Diyos. Dahil sa
kapabayaan ng tao, ang iba pang nilalang, halaman, at
hayop ay nanganganib na ring maubos at mawala.
Suriin ang iyong sarili.
Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamalasakit sa
mga biyayang bigay ng Diyos?
Sagutan ang tseklis nang tapat. Lagyan ng tsek ang
kolum na tumutugma sa iyong sagot gamit ang sumusunod
na batayan. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
3 – Palagi kong ginagawa
2 – Paminsan-minsan kong ginagawa
1 – Bihira kong ginagawa
Mga Paraan ng Pagpapakita ng
Pagmamahal sa Kalikasan
1 2 3
1. Kung kumain ako ng kendi at wala akong
makitang basurahan sa paligid, itinatago
DRAFT
April 10, 2014
279
ko muna ang balat nito sa aking bag.
Hindi ko basta itinatapon ang
pinagbalatan nito kahit saan.
2. Kapag nagpunta kami sa dagat o saan
mang pook-pasyalan, iniipon ko ang
aking kalat sa isang lalagyan at
itinatapon sa basurahan. Hindi ako
nagkakalat.
3. Kung may makita akong aso o pusa o
anomang hayop sa paligid, hinahayaan
ko lamang sila. Hindi ko sila binabato o
sinasaktan.
4. Kung ang aming pangkat ang
nakatakdang maglinis ng silid-aralan,
buong sipag at kagalakan kong
ginagampanan ang aking tungkulin.
5. Pinaaalalahan ko ang aking kapatid,
kaklase, at kaibigan na itapon ang
kanilang basura sa tamang lalagyan.
Pagkatapos sagutin ang tseklis, tuusin ang puntos na
nakuha mo. Bilangin kung ilan ang sinagutan mo ng 1 at i-
multiply ito sa 1. Ganoon din ang gawin sa iba pang bilang1.
Halimbawa:
Bilang ng tsek sa kolum 1 ay 2 kaya 1 X 2 = 2
Bilang ng tsek sa kolum 2 ay 2 kaya 2 X 2 = 4
Bilang ng tsek sa kolum 3 ay 2 kaya 3 X 2 = 6
DRAFT
April 10, 2014
280
Sumahin ang kabuuang puntos ( 2 +4+6 =12) at alamin
ang kahulugan nito.
11-15 - Magaling! Ang pagmamalasakit mo sa
kalikasan ay nagpapakita ng pagmamahal mo
sa Diyos.
6 –10 - May pagmamalasaki ngunit hindi sapat. Dapat
ugaliin ang pagmamalasakit sa ating
kapaligiran pagkat ito ay biyaya sa atin ng
Diyos.
1 –5 Nakalulungkot ngunit hindi ito ang dapat mong
ugaliin. Huwag mong hintaying ang iyong
kawalan ng malasakit sa kalikasan ay
magbunga ng kapahamakan sa sarili at sa iba.
Sikaping magbago.
Tandaan Natin
Ang ating kalikasan—kalupaan, katubigan, mga
hayop at halaman ay regalong biyaya ng Diyos sa atin.
Mahal tayo ng Diyos kaya sa pamamagitan ng biyaya ng
kalikasan, nais Niyang maging masagana at kaaya-aya ang
buhay natin sa daigdig.
Marami sa mga suliraning pangkalikasang
nararanasan natin ngayon ay bunga ng pang-aabuso ng
tao sa kalikasan. Oras na para matuto ang mga tao na
pahalagahan ang ating kalikasan upang maiwasan na ang
mga mapinsalang pangyayari.
Kaya bilang batang tagapangalaga ng ating
kapaligiran, himukin mo ang iyong kapuwa bata na
magtanim sa kanilang bakuran o paaralan at matutong
DRAFT
April 10, 2014
281
magmasid sa kapaligiran upang higit na mabantayan ang
biyayang kalikasan mula sa Diyos.
Isipin mo na maipakikita natin ang ating
pasasalamat at pagmamahal sa ating Diyos sa
pamamagitan ng pag-iingat at pangangalaga sa ating
kalikasan.
Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawain.
1. Sa isang malinis na papel o lumang folder, katulong
ang iyong pangkat, magtala kayo ng tatlong
hakbang na gagawin ninyo upang maipakita ang
pangangalaga at pag-iingat sa kalikasan.
2. Ilagay ang inyong mga pangalan sa ibaba ng talaan
at pirmahan ninyo ito.
3. Ipaskil ang mga ito sa isang bahagi ng silid-aralan.
4. Tuwing Lunes, lagyan ninyo ng masayang mukha ang
talaan kung natupad ninyo ang mga ito. Ang may
pinakamaraming masayang mukhang nailagay o
naiguhit sa pagtatapos ng taon ang siyang
itatanghal na mga bayani ng kalikasan.
Isabuhay Natin
DRAFT
April 10, 2014
282
5. Maaring gamitin ang tsart sa ibaba bilang gabay sa
gagawin. Mag-isip din ng iba pang paraan para sa
pagtatala ng mga gawain.
Kami ang simula!
Porsch
Ces
Edna
Tutulong kami sa
paglilinis ng silid-
aralan sa araw-
araw. Itatapon
naming ang
mga basura
sa tamang
lalagyan.
Aming
didiligan ang
mga halaman
sa tapat ng
aming silid-
aralan.
DRAFT
April 10, 2014
283
A. Ano ang iyong dapat gawin para sa sumusunod na
sitwasyon? Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
1. Pagkamatay ng mga isda sa karagatan
2. Luntiang paligid
3. Matinding pagbaha dulot ng bagyong Yolanda
4. Patuloy na pagdami ng basura na ikinakalat ng
mga tao
5. Kaunting puno sa kapaligiran
Binabati kita magaling na mag-aaral! Ngayon natapos
mo na ang lahat ng aralin sa ikaapat na markahan,
inaasahang maisasabuhay mo ang lahat ng kaalamang
iyong natutuhan sa buong taon. Nawa’y magsilbi kang
isang magandang halimbawa sa iyong kapwa. Mabuhay
ka!
Subukin Natin

More Related Content

PPTX
fil-week 2 ppt.pptx
PDF
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
PDF
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
DOC
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siya
PDF
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
PDF
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
PPTX
659963914-FILIPINO-7-QUARTER-4-WEEK-4-Paggamit-ng-mga-Salitang-Kilos-sa-Pag-u...
PDF
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
fil-week 2 ppt.pptx
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siya
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
659963914-FILIPINO-7-QUARTER-4-WEEK-4-Paggamit-ng-mga-Salitang-Kilos-sa-Pag-u...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...

What's hot (20)

PPTX
PAGGAWA NG SMART ART
PDF
Grade 2 english lm (unit 2)
PDF
English 3 lm quarter 3
DOCX
Lesson Plan - Aralin 5 Paraan ng Pamamahala ng mga Espanyol sa Bansa
PPTX
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...
PDF
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
PDF
Paggalang sa damdamin_ng_iba
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
PPTX
Araling Panlipunan 3 Yunit I Aralin 3 Populasyon ng Aing Pamayanan
PPTX
Mga Panandang Pantukoy
PPTX
Pagiging mahinahon
PDF
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
PDF
Grade 3 MTB Teachers Guide
PPTX
FILIPINO 3 PPT.pptx
PPTX
AP Q3 Week 4 Mga Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran.pptx
PDF
Grade 3 MTB Learners Module
DOCX
EPP4_q1_mod-13_Paggawa-ng-Plano-ng-Pagpaparami-ng-Alagang-Hayop-Upang-Kumita_...
PPTX
FILIPINO Grade 3 power point presentation
PDF
english grade 3 learners manual quarter 2
PAGGAWA NG SMART ART
Grade 2 english lm (unit 2)
English 3 lm quarter 3
Lesson Plan - Aralin 5 Paraan ng Pamamahala ng mga Espanyol sa Bansa
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...
Math3 q1 mod1_visualizing-numbers-up-to-10-000_v308092020
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
Paggalang sa damdamin_ng_iba
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
Araling Panlipunan 3 Yunit I Aralin 3 Populasyon ng Aing Pamayanan
Mga Panandang Pantukoy
Pagiging mahinahon
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
Grade 3 MTB Teachers Guide
FILIPINO 3 PPT.pptx
AP Q3 Week 4 Mga Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran.pptx
Grade 3 MTB Learners Module
EPP4_q1_mod-13_Paggawa-ng-Plano-ng-Pagpaparami-ng-Alagang-Hayop-Upang-Kumita_...
FILIPINO Grade 3 power point presentation
english grade 3 learners manual quarter 2

Viewers also liked (20)

DOCX
Unit Plan I - Grade Five
DOCX
PPTX
Motions of the earth presentation (1)
DOCX
banghay aralin sa APIII... unang trimvirate
DOCX
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade IX- Aralin 5 Yunit III- K...
PPTX
5 e lesson plan format
PPTX
Bodies of Water in the Philippines by Group 2
PPTX
Pamaraang Pangkabuhayan ng mga Unang Pilipino
DOCX
Lesson plan earth
DOCX
lesson plan for grade 6
PDF
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide grade 1 10
PPTX
Water forms of the philippines
PPTX
Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
DOCX
Detailed lesson plan
PDF
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q4)
DOCX
Detailed lesson plan in science vi
PDF
Grade 10 esp lm yunit 2
PDF
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS
Unit Plan I - Grade Five
Motions of the earth presentation (1)
banghay aralin sa APIII... unang trimvirate
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade IX- Aralin 5 Yunit III- K...
5 e lesson plan format
Bodies of Water in the Philippines by Group 2
Pamaraang Pangkabuhayan ng mga Unang Pilipino
Lesson plan earth
lesson plan for grade 6
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide grade 1 10
Water forms of the philippines
Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Detailed lesson plan
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q4)
Detailed lesson plan in science vi
Grade 10 esp lm yunit 2
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS

Similar to Esp 140705070733-phpapp01 (20)

DOCX
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
DOC
Gr. 3 tagalog es p q1
DOC
Gr. 3 tagalog es p q1
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
PDF
aralingpanlipunan-170425070746.pdf
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
PDF
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
PDF
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
PDF
Filipino 3 lm full
PDF
Filipino 3 lm draft 4.10.2014
PDF
Filipino 3 lm draft 4.10.2014
DOCX
Lesson plan 8
PDF
3 es p lm q1 v1.0
PDF
fil9_Q1_Mod2.2_fvggf HGTV hgggvyggyyffff
PDF
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
DOCX
ESPdfggfhdhdfafsgdgsfsgdzgsg Q1 - W1.docx
PDF
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
PDF
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
aralingpanlipunan-170425070746.pdf
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
Filipino 3 lm full
Filipino 3 lm draft 4.10.2014
Filipino 3 lm draft 4.10.2014
Lesson plan 8
3 es p lm q1 v1.0
fil9_Q1_Mod2.2_fvggf HGTV hgggvyggyyffff
Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
ESPdfggfhdhdfafsgdgsfsgdzgsg Q1 - W1.docx
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf

More from jennifer Tuazon (12)

DOCX
PDF
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
PDF
Filipino 140705062755-phpapp01
PDF
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
PDF
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02
PDF
Art 3 lm tagalog yunit 1
PDF
Art 3-tg-draft-4-22-2014
PDF
Ap 3-tg-draft-4-10-2014
PDF
Science 3-tg-draft-4-10-2014
PDF
Lm science3
PDF
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
PDF
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
Filipino 140705062755-phpapp01
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02
Art 3 lm tagalog yunit 1
Art 3-tg-draft-4-22-2014
Ap 3-tg-draft-4-10-2014
Science 3-tg-draft-4-10-2014
Lm science3
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02

Recently uploaded (20)

PPTX
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
PPTX
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
PPTX
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
PPTX
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
PPTX
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
PPTX
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
PPTX
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
PPTX
Q1-BAITANG 4_PANGNGALAN AT KAYARIAN NITO.pptx
PPTX
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
PPTX
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
PPTX
FILIPINO8 Q1 2( d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto.pptx
PPTX
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
PPTX
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
PPTX
estrakturang panlipunan ng varna caste AP8
PPTX
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
PPTX
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
PPTX
Edukasyon sa PP 5 ICT Quarter 1 WEEK 7 DAY 2
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
Q1-BAITANG 4_PANGNGALAN AT KAYARIAN NITO.pptx
Tekstong Biswal Filipino 8 powerpointcdnjncj
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
FILIPINO8 Q1 2( d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto.pptx
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
estrakturang panlipunan ng varna caste AP8
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
Edukasyon sa PP 5 ICT Quarter 1 WEEK 7 DAY 2

Esp 140705070733-phpapp01

  • 1. DRAFT April 10, 2014 1 3 Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/ Paaralan: _____________________________________ Dibisyon: ______________________________________________ Unang Taon ng Paggamit: _______________________________ Pinagkunan ng Pondo (pati taon):________________________
  • 2. DRAFT April 10, 2014 2 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2013 ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Dina S. Ocampo Kawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino Inilimbag sa Pilipinas ng ____________ Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultants/Reviewers: Dr. Fe A. Hidalgo, Dr. Erico M. Habijan, Ms. Irene C. De Robles Content & Language Reviewers: Prof. Elanor O. Bayten, Dr. Corazon L. Santos Writers/Authors: Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang, Rodel A. Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D. Sajise,Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A. Canlas, Leah D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Irene de Robles, Dr. Erico M. Habijan, Illustrator: Randy G. Mendoza Encoder: Gabriel Paolo C. Ramos Proofreader: Joselita B. Gulapa Focal Person: Marilou D. Pandiño
  • 3. DRAFT April 10, 2014 3 Paunang Salita Para sa katulad mong mag-aaral ang inihandang Kagamitan ng Mag-aaral na ito na magagamit mo sa pag- aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao sa Ikatlong Baitang. Layunin ng kagamitang ito na mapatnubayan ka sa paglinang ng iyong kakayahan gamit ang mga batayan at kaugnay na pagpapahalaga na magpapaunlad sa iyong pagkatao. Inaasahan na ang mga araling isinaayos at iniayon sa apat na kwarter ng iyong pag-aaral ay iyong kawiwilihan at tiyak na pinili ng mga manunulat ang iba’t ibang gawain at pagsasanay na maging orihinal mula sa karanasan sa tulong ng mga tula, awit, sanaysay, kwento, at sitwasyong susuriin ayon sa iyong gulang , interes, at pangangailangan sa kasalukuyang panahon. Hinati sa apat na yunit ang kabuuan ng Kagamitan ng Mag-aaral na magiging kaibigan mo araw-araw. Yunit 1- Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya Yunit 2- Mahal Ko Kapwa Ko Yunit 3- Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo Yunit 4- Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos Katulad sa una at ikalawang baitang ginamit at nasundan mo ang mga hakbang at proseso sa paggamit ng Kagamitan ng Mag-aaral at paglinang ng pagpapahalaga. Nakahanda ang iyong guro na gabayan ka sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ng mungkahing gawain na maaring pang- indibidwal o pangkatan. Ginamit upang maging makahulugan ang sumusunod na hakbang o gawain sa pagkatuto: Alamin Natin, Isagawa Natin, Isapuso natin, Isabuhay Natin at Subukin Natin.
  • 4. DRAFT April 10, 2014 4 Inaasahang sa pagtatapos mo ng ikatlong baitang , maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos na pamumuhay na may mapananagutang pagkilos at pagpapasya para sa sarili, kapwa, bansa, at sa Diyos.
  • 5. DRAFT April 10, 2014 5 Talaan ng Nilalaman Yunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin . . . . Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 4 Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! . . . . . . . . . Aralin 5 Malusog na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 6 Sama-sama…Kaligtasan, Panghawakan! . . . Aralin 7 Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa . . . . . . . Aralin 8 Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya . Aralin 9 Ako , Ang Simula!. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Yunit II Mahal Ko, Kapwa Ko Aralin 1 Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 2 Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! . . Aralin 3 Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 4 Kakayahan Mo, Pangangalagaan Ko! . . . . . . Aralin 5 Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! . . . . . . . Aralin 6 Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! . . . . . . . . . . . . . . Aralin 7 Magkaiba Man Tayo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 8 Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa! . . Aralin 9 Halina! Tayo’y Magkaisa . . . . . . . . . . . . . . . . . . Yunit III Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo Aralin 1 Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin . . . Aralin 2 Kalugod-lugod ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . Aralin 3 Sumunod Tayo sa Tuntunin . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 4 Ugaling Pilipino ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . Aralin 5 Kalinisan, Nagsisimula sa Tahanan . . . . . . . . . . Aralin 6 Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating Pamayanan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 7 Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran . . . . . . . Aralin 8 Kaya Nating Sumunod! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 9 Laging Handa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
  • 6. DRAFT April 10, 2014 6 Yunit IV Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos Aralin 1 Pananalig sa Diyos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 2 Paniniwala Mo, Iginagalang Ko . . . . . . . . . . . . . Aralin 3 Pag-asa: Susi para sa Minimithing Pangarap. . Aralin 4 Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Ko sa Kapwa Ko . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 5 Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin. . Aralin 6 Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 7 Manindigan Tayo Para sa Kabutihan . . . . . . . . Aralin 8 Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko Sa Aking Kapwa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 9 Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko
  • 7. DRAFT April 10, 2014 7 Yunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
  • 8. DRAFT April 10, 2014 8 Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! Ang bawat tao ay may natatanging kakayahan. Bilang batang mag-aaral, unti-unti mong natututuhan at nalalaman ang mga kakayahang ito. Mahalaga na ito ay iyong mapaunlad. Alamin kung papaano mo ito gagawin. Gawain 1 Pagmasdan ang mga batang nakaguhit sa bawat kahon. Alamin Natin
  • 9. DRAFT April 10, 2014 9 Nais kong tularan ang batang_____________________ _________________________________________________sapagkat ______________________________________________. Gawain 2 Ngayon naman ay tingnan mo ang mga batang nasa larawan. Ipinakikita rito ang kanilang mga natatanging kakayahan.
  • 10. DRAFT April 10, 2014 10 Bigyang-pansin ang kahong walang nakaguhit na bata kundi ang isang tandang pananong (?). Ito ay para sa kakayahan mong hindi mo nakita sa mga kahon. Suriin mo ang iyong sarili. Isipin mo ang iyong natatanging kakayahan. Isulat o iguhit ito sa iyong kuwaderno. Lagyan ito ng pamagat na “Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!” o kung anong pamagat ang gusto mo. ? Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!
  • 11. DRAFT April 10, 2014 11 Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa mga kakayahang iyong inilista o iginuhit: 1. Sa mga itinala mong kakayahan, alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa? 2. Masaya ka ba kapag naipapakita mo ang kakayahang ito sa ibang tao? Bakit? 3. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita ng iyong kakayahan? Gawain 1 “Ano-ano ang mga kaya kong gawin kahit na ako ay nag-iisa?” Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mga kaya kong gawin: 1. ________________________________________________ 2. ________________________________________________ 3. ________________________________________________ 4. ________________________________________________ 5. ________________________________________________ Isagawa Natin
  • 12. DRAFT April 10, 2014 12 Gawain 2 Magplano kayo! Alam na ninyo ang inyong mga kakayahan. Kaya na ninyo ang magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan.  Lahat ng mahuhusay sa pagguhit ay magsama- sama upang mag-isip at gumawa ng mga likhang- sining na maaaring maipaskil sa isang bahagi ng dingding o pader ng silid-aralan.  Ang mahuhusay umawit, sumayaw, tumula, at umarte ay magsama-sama upang magplano naman ng isang natatanging palabas o pagtatanghal.  Magsama-sama naman sa isang grupo kung ang inyong mga kakayahan ay hindi nabanggit sa dalawang naunang pangkat. Umisip ng isang gawaing makapagpapakita ng natatanging kakayahan para sa isang palabas o pagtatanghal. Gawain 3 Ang Araw ng Pagtatanghal Ipakita ninyo ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga iginuhit ng inyong kamag-aral? Bigyan sila ng kaukulang pagsusuri.
  • 13. DRAFT April 10, 2014 13 2. Pansinin naman natin ang mga kumanta, tumula, sumayaw, at nagdula-dulaan. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang kanilang lakas ng loob sa pagtatanghal? Patunayan. 3. Ano naman ang ipinakita ng ikatlong grupo? Suriin naman ang kanilang pagpapakitang gilas. 4. Bakit kayo may lakas ng loob na ipakita ang inyong mga natatanging kakayahan? Punan ang kard sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na papel. Ako si ___________________________________. Ako ay nasa____________________________________ (baitang) ng _____________________________________________. (paaralan) Kaya kong____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing may __________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ Isapuso Natin larawan
  • 14. DRAFT April 10, 2014 14 Tandaan Natin Lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan. Ilan sa mga ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw, pagtula, pagsulat, pagguhit, isport, at iba pa. Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya mula sa Diyos. Ito ay dapat nating gamitin at linangin sapagkat nakapagbibigay ito sa atin ng sariling pagkakakilanlan. Maraming sikat na tao ang nakilala dahil sa kanilang kakayahan. Ilan sa mga halimbawa ay sina Liza Macuja bilang sikat na mananayaw, Leah Salonga bilang sikat na mang-aawit, Julian Felipe bilang sikat na kompositor, si Manny Pacquio bilang sikat na boksingero, at si Presidente Corazon Aquino bilang sikat sa kaniyang demokratikong pamumuno. Mahalagang malaman mo ang iyong mga kakayahan bilang isang bata. Ang mga ito ay dapat na patuloy na nililinang o pinauunlad para higit na magkaroon ng tiwala sa sarili. Kailangan natin itong gamitin hindi lamang para sa ating sariling kapakanan kundi para din sa kapakanan at ikasisiya ng ibang tao. Palagi mong tandaan na ang anumang kakayahan na meron ka ay dapat ipinapakita upang ito ay higit na malinang.
  • 15. DRAFT April 10, 2014 15 Pag-isipan mo ang tanong na ito. “Paano ko mapauunlad at magagamit ang aking angking kakayahan?” Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na ito o gumuhit ng isang katumbas ng talata. A. Lagyan ng tsek () ang bilang ng mga kakayahang na kaya mo nang gawin at ekis (X) kung hindi mo pa ito kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang sagot sa iyong papel. 1. Maglaro ng chess 2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit 3. Tumula sa palatuntunan 4. Sumali sa field demonstration 5. Sumali sa panayam/interview 6. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo 7. Umawit sa koro ng simbahan 8. Makilahok sa paggawa ng poster 9. Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan 10. Makilahok sa isang scrabble competition 11. Makilahok sa isang takbuhan 12. Maglaro ng sipa 13. Maglaro ng tumbang preso 14. Paglalahad sa paggawa ng myural Subukin Natin Isabuhay Natin
  • 16. DRAFT April 10, 2014 16 15. Umarte sa isang pang-entabladong pagtatanghal Kung wala ang iyong kakayahan sa mga nakasulat sa itaas, isulat mo ito sa iyong kuwaderno. Naipakita mo ang natatangi mong kakayahan. Binabati kita. Isiping muli ang mga nagawa mo ukol sa kakayahang itinala at naipakita. Isaalang-alang ang kayang-kaya mong magawa nang nag-iisa. Patuloy mo itong paunlarin. Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may tiwala sa sarili. Sapagkat natapos mo nang may tiwala sa sarili ang araling ito, maaari ka nang tumuloy sa susunod na leksyon.
  • 17. DRAFT April 10, 2014 17 Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin Mayroong mga gawaing iniaatang sa bawat kasapi ng tahanan maging sa batang tulad mo. Kabilang dito ang mga aksyong dapat isagawa sa loob ng iyong paaralan. Ang pagkukusa ay isang napakahalagang pag-uugali na dapat mong isakatuparan. 1. Isipin mo ang mga gawain na isinasakatuparan sa inyong tahanan. 2. Gagabayan ka sa pagbuo ng isang Talahanayan tungkol sa mga gawaing nakaatang sa iyo. 3. Sa ipapaskil ng guro na isang talahanayan, kukuha ka ng hugis sa kahon at iyong ididikit sa tapat ng tungkuling iniatang sa iyo sa tahanan. Mga Gawain Mga Ilalagay na Hugis Naghuhugas ng pinggan Nagpapakain ng alagang hayop Nagpupunas ng mga kasangkapan Nagliligpit ng hinigaan Nagtatapon ng basura Nagsasauli ng gamit sa angkop na lalagyan Sagutin ang tanong: Ano ang nais ipakahulugan ng Talahanayan? Alamin Natin
  • 18. DRAFT April 10, 2014 18 Gawain 1 Basahin ang tula. Kusa Kong Gagawin Sa aming tahanan may mga tungkulin Na dapat gampanan kasaping butihin Magaa’t mabigat kusa kong gagawin Tiwala at husay ay pananatilihin. Paglilinis ng bahay pati ng bakuran Paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan Kusang-loob na gagawin na may kasiyahan. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula? 2. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang tula? 3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano- ano pang mga gawain ang maaaring ibigay sa iyo? 4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan ang mga gawaing ibinigay sa iyo? 5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. Gawain 2 Pangkatang Gawain – Paggawa ng Poster Ngayon ay ipakikita natin ang mga gawain natin sa paaralan sa pamamagitan ng poster. Isagawa Natin
  • 19. DRAFT April 10, 2014 19 Ito ang mga panuntunan na dapat tandaan sa paggawa. 1. Gumawa nang maayos at tahimik. Iwasan ang pag-iingay. 2. Iwasan ang paglipat-lipat sa ibang pangkat. 3. Iwasan ang pag-aaksaya ng gamit. 4. Panatilihing malinis ang gawain. 5. Kapag tapos na ang gawain, iligpit ang mga kagamitan at linisin ang lugar. Aming Gawain sa Paaralan Mga kailangang kagamitan: Manila paper/cartolina gunting pambura lumang magasin pangkulay Pamamaraan: 1. Pag-usapan ang mga tungkuling isasaad sa poster at kung paano ito isasagawa. 2. Paghanap ng larawan sa lumang magasin na nagsasaad ng gawain sa paaralan. 3. Pagdikit ng ginupit o iginuhit na larawan 4. Pagpaskil ng natapos na poster. Suriin ang mga poster na ipinaskil. 1. Isa-isahin ang mga tungkuling makikita sa poster. 2. Ano ang isinasaad ng mga poster? 3. Ano ang iyong mga nararamdaman habang ginagawa ang mga ibinigay sa inyong gawain mula sa inyong pamilya? Sa inyong paaralan? Ipaliwanag. 4. Dapat bang magkaroon ng tungkulin ang tulad ninyong mga bata sa inyong sarili? tahanan? sa paaralan? Pangatwiranan.
  • 20. DRAFT April 10, 2014 20 Ang Aking Pangako Ako, si _______________ ay nangangakong ______________________________________________ ______________________________________________ ________________________________________. ____________ Lagda Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing ibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang pagganap sa tungkulin. Tandaan Natin Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan, simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang biro sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang responsibilidad at pananagutan. Bilang isang kasapi, may mga gawaing naiaatang sa iyo na dapat gawin at pahalagahan. Dapat mong isapuso ang mga gawaing ibinigay sa iyo tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa. Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay na kapalit. Ang mga naiatang na gawain sa iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan Isapuso Natin
  • 21. DRAFT April 10, 2014 21 ay nagpapakita ng malaking tiwala sa iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki kanino man. Gawain 1 Magpakita ng dula-dulaan ayon sa hinihingi sa bawat pangkat. Pangkat 1- Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawain sa tahanan: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagliligpit ng pinagbihisan, pag-iigib, pagbili ng kakailanganin sa pagluluto ng Nanay o Tatay, at iba pa na inyong maiisip. Pangkat 2 - Pagpapakita ng pagpapahalaga ng mga gawain sa paaralan: pagtatama ng papel, paglilista ng maingay sa klase, paglilinis sa silid-paaralan, pagbubura ng sulat sa pisara, pagtitinda sa kantina sa oras ng rises, at iba pang maiisip ninyong gawin. Pagkatapos ng palabas sagutin ang mga tanong:  Ano ang ipinahihiwatig ng bawat dula-dulaan?  Aling pangkat ang mas nagustuhan ninyo? Bakit? Gumawa ng isang talaarawan sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba. Hayaan ang isang kamag-aral na Isabuhay Natin Subukin Natin
  • 22. DRAFT April 10, 2014 22 nakakita ng iyong kilos na may pagkukusa ang siyang magtala ng iyong ginawa. Punan ang talaarawan para sa isang linggo at ipasa.
  • 23. DRAFT April 10, 2014 23 Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob “Sa isang batang katulad mo, katatagan ng loob ay dapat na tangan mo!” Bilang bata, ano-anong mga damdamin at palatandaan ang makapagpapakita ng katatagan ng iyong loob? Pag-aralan ang mga gawain sa araling ito upang mas maging matatag ang iyong kalooban. Pag-aralan mo ang sumusunod na larawan. Pumili ng isa na maaari mong tularan. Ano kayang damdamin ang maaaring nararamdam ng mga batang tulad mo sa sandaling ito ay iyong ginagawa sa harapan ng maraming tao? Alamin Natin A B
  • 24. DRAFT April 10, 2014 24 Isulat sa metacard ang iyong sagot. Pagkatapos, ipaskil ito sa tapat ng pinalaking larawan na idinikit naman sa pisara ng inyong guro. Ihanda ang sarili para ipaliwanag kung bakit ito ang mga napili mong kasagutan. Gawain 1 Suriin at sagutin mo ang sumusunod na sitwasyon gamit ang mga pananda. Gawin ito sa inyong papel. P- Palaging ginagawa M- Madalas ginagawa B- Bihirang ginagawa H- Hindi ginagawa 1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti. 2. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit na kung minsan ako ay natatalo. 3. Umiiwas ako sa pakikipag-away. 4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko ng loob. 5. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapagagalitan. Isagawa Natin C D
  • 25. DRAFT April 10, 2014 25 6. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong kasalanan. 7. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di- mabuting udyok ng iba. 8. Tinatanggap ko ang mga puna ng aking mga kaibigan nang maluwag sa aking puso. 9. Tinatanggap ko kung pinagagalitan ako ng mga nakatatanda. 10. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para mapaunlad ang aking kakayahan. Markahan mo ang iyong sarili. Gamitin ang katumbas na marka at pagsama-samahin ang mga ito. P-5; M-3; B-2; H-0 Ibigay sa guro ang iyong papel, upang ito ay mabigyan ng kahulugan. Ang natapos na gawain ay isa lamang pagtuklas sa iyong taglay na katatagan ng loob. Maaari ka nang tumuloy sa susunod na gawain. Gawain 2 Pangkatang Gawain Pumili ng lider at tagasulat sa inyong pangkat. Pag-aralan ninyo ang komik- istrip at talakayin ang mga pangyayari. Pagkatapos sagutin ninyo ang sumusunod na katanungan. Pumili ng isang miyembro na maglalahad ng mga kasagutan ng inyong pangkat.
  • 26. DRAFT April 10, 2014 26 Isang tagpo sa paaralan ang nagaganap hinggil sa pag-uusap nina Tom at Juan tungkol sa kanilang kamag- aral na si Allan. Suriin ang kanilang palitan ng mga salita. Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa komik-istrip na inyong binasa. 1.Ano ang paksa ng pag-uusap nina Tom at Juan? 2.Bakit nila pinag-uusapan si Allan? 3.Tama ba ang ginawa ni Allan sa kanila? Bakit? 4.Ano kaya ang pakiramdam nina Tom at Juan ukol sa sitwasyon? 5.Sino sa kanila ang may matatag na kalooban? Bakit? 6.Kung kayo ang nasa kalagayan nina Tom at Juan, ano ang inyong gagawin? Bakit? 7.Masasabi mo bang ang pagtitimpi ay palatandaan ng katatagan ng loob?
  • 27. DRAFT April 10, 2014 27 Ano ang mga natutuhan natin sa komik-istrip? Sino-sino sa mga bata ang may matatag na kalooban? Gawain 1 Pag-usapan sa inyong grupo ang sagot sa mga tanong. Isipin ninyo ang mga damdaming may kaugnayan sa pagiging matatag ang loob. Isulat ito sa loob ng bilog. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Pumili ng mag-uulat sa inyong grupo para ibahagi sa klase. Gawain 2 Ngayon, gagawa kang mag-isa ng isang graphic organizer sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang kalagayan sa ibaba. Kalagayan Magkakaroon ng paligsahan sa pagbigkas Isapuso Natin Katatagan ng Loob
  • 28. DRAFT April 10, 2014 28 ng tula. Napili kang kinatawan ng iyong paaralan. Ano-ano ang mga aksyon para maipakita mo na matatag ang iyong kalooban? Ilagay ang mga kasagutan sa graphic organizer sa inyong kuwaderno. ***Maaari mong dagdagan ang kahon. Tandaan Natin May mga palatandaang nagpapakita ng pagiging matatag ang loob. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng lakas at tapang ng loob na harapin ang isang mabigat na problema, tibay ng loob kapag naatasan na ipakita ang anumang kakayahan, pag-iisip o pagninilay bago gumawa ng aksyon, at pagkakaroon ng kontrol o pagtitimpi sa kapwa. Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong kalooban upang patuloy kang makagawa ng mga makabuluhang aksyon. Palaging isaisip na ang katatagan ng loob ay isang uri ng pagpapahalaga na kinakailangang isabuhay ng bawat tao. Isa sa mga tatak nito ang pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon na kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin. Maaari Mga Damdamin na Nagpapamalas ng Katatagan ng Loob
  • 29. DRAFT April 10, 2014 29 namang humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan. Sa iyong palagay, taglay mo ba ang katatagan ng kalooban? Basahin ang kalagayan at isulat ang sagot sa sagutang papel. Kalagayan: Habang naglilinis sa silid-aralan ay nasagi ni Rio ang paso ng halaman at ito ay nabasag. Hinintay niya ang kanilang guro at sinabi niya ang nangyari. 1. Ano-ano kaya ang kanyang mga naramdaman bago at pagkatapos niyang magsabi sa guro ng totoong pangyayari? 2. Paano naipakita ni Rio na matatag ang kaniyang kalooban? Isabuhay Natin
  • 30. DRAFT April 10, 2014 30 Sagutin ang sumusunod na katanungan. Ano-ano ang mga damdaming ipinamamalas ng isang batang may matatag na kalooban? Isulat sa loob ng lobo sa sagutang papel ang iyong sagot. Subukin Natin
  • 31. DRAFT April 10, 2014 31 Aralin 4 Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! Ang katatagan ng loob ng isang batang tulad mo ay maaaring ipakita sa iba’t ibang pagkakataon. Ngunit paano mo naman tinatanggap ang puna ng ibang tao sa mga pagkakamali mo o hindi magandang kilos, gawa, at gawi? Sasama ba ang loob mo o itatama mo ang mga ito? Gawain 1 Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa sumusunod ang nangangailangan ng iyong katatagan. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. 1. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral. 2. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit. 3. Magwawalis ka ng bakuran. 4. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro. 5. Mag-aalaga ka ng halaman. 6. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba. 7. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan. 8. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi. 9. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa paglahok sa isang patimpalak sa labas ng paaralan. 10. Makikipaglaro ka sa iyong mga kababata. Alamin Natin
  • 32. DRAFT April 10, 2014 32 Gawain 1 Basahin ang diyalogo. Nagbago Dahil sa Tamang Puna Oras ng rises, pinalabas na ng kanilang guro ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang pangkat Rosas. Nakapila ang klase subalit si James at Robert ay hindi pumila. Nag-uunahan silang tumakbo sa labas. James: Dalian mo Robert! Mauunahan tayo ng iba sa pilahan sa kantina! Robert: Sige, sabay tayo! Baka tayo maubusan. (At nag-uunahan silang tumakbo sa kantina.) Robert: Ano ba ang bibilhin mo? James: Ang gusto ko ay pansit at sago. Ikaw? Robert: Banana cue at juice. (Hindi nila napansin si Gng. Gonzales kaya nabunggo nila ito. Agad silang pinigil ni Gng. Gonzales.) Gng. Gonzales: Mga bata, tigil muna kayo. Hindi ba ninyo nabasa ang nakasulat na paalaala na nakapaskil sa pader? Bawal tumakbo sa pasilyo ng mga gusali. Baka kayo madulas at maaksidente. Dapat ninyo itong sundin para maiwasan ang anumang aksidente at makasakit ng ibang tao. James at Robert: (Hiyang- hiya) Sori po, Ma’am. Nagmamadali lang po kami. Hinding-hindi na po kami uulit. Isagawa Natin
  • 33. DRAFT April 10, 2014 33 Simula noon ay lagi nang pumipila ang dalawa kapag lumalabas ng silid-aralan kasama ng kanilang kamag-aral. At lahat ng tuntunin sa paaralan ay kanila nang sinusunod. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang pumuna sa maling gawi nina Robert at James? 2. Anong mga katangian ang ipinakita ng dalawang bata na magpapatunay na matatag ang kanilang kalooban lalo na nang kausapin sila ng guro? 3. Patunayan na ang puna na ibinigay ng guro sa dalawang bata ay naging epektibo. 4. Bakit mahalaga ang pagtatama sa mga mali mong asal at gawi? 5. Kung ikaw ang isa sa mga mag -aaral, ano ang iyong mararamdaman kapag itinatama ka ng iyong guro? Ipaliwanag.
  • 34. DRAFT April 10, 2014 34 Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may anim hanggang walong kasapi. Pumili kayo ng lider. Pag-aralan at talakayin ang kalagayan. May proyekto tungkol sa paggawa ng accessory gaya ng kuwintas o pulseras ang mga bata. Gagamitin sa proyekto ang mga kagamitang makikita sa kanilang pamayanan. Kabilang dito ang kabibe, mga buto ng prutas, o gulay. Nakasubaybay sa kanila si Gng. Magbuhat. Nagbibigay siya ng puna at mga mungkahi. Sinunod ng mga bata ang mga sinabi ng kanilang guro. Kahit na ito ay mahirap gawin, hindi sila nagpakita ng sama ng loob o pagtatampo sa kanilang guro, dahil alam nila na ito ay tama. Alam din nila na ito ay para sa ikagaganda ng kanilang proyekto. Pagkaalis ng guro, patuloy nilang sinunod ang habilin. Natapos ang proyekto at nakakuha sila ng mataas na marka.
  • 35. DRAFT April 10, 2014 35 Sagutin ang mga tanong. 1. Anong proyekto ang pinagagawa ni Gng. Magbuhat? 2. Bakit pinahahalagahan ng mga bata ang mga puna at mungkahi ng kanilang guro? 3. Sa iyong palagay, ang pagtanggap ba sa mga puna at pagsunod sa mga mungkahi ng mga nakatatanda tulad ng guro ay nagpapamalas ng katatagan ng loob? Ipaliwanag. Basahin ninyo ang kalagayan. Magkaroon ng masusing talakayan tungkol dito at pag-usapan ang nararapat gawin. Naiwang nakakalat ang mga laruan, at si Ana naman ay nanood ng palabas sa telebisyon. Dumating ang kaniyang kuya at pinagsabihan si Ana. Ipinaliwanag ng Isapuso Natin Kalagayan: Dumating ang mga kamag-aral ni Ana sa bahay. Inilabas niya ang kahon ng laruan at naglaro sila. Matapos maglaro ay umuwi na sila.
  • 36. DRAFT April 10, 2014 36 kaniyang kuya ang kaniyang dapat gawin kung sakaling tapos na ang kanilang paglalaro. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bakit pinagsabihan ni Kuya si Ana? 2. Tama bang iwanan ni Ana at ng mga kalaro niya na nakakalat ang mga laruan? Bakit? 3. Ano ang dapat ginawa ni Ana bago nanood ng telebisyon? Tandaan Natin Nasusubok ang katatagan ng ating loob sa pamamagitan ng:  pagtanggap sa puna ng ibang tao at pagtatama sa mga hindi magandang kilos, gawa, at gawi bilang tao  pagtatama sa mga maling nagawa at pagsasakatuparan ng mga pagbabago mula sa mga mungkahi upang lalo pa itong mapaganda at mapabuti. Isa sa kasabihan ng mga nakatatanda ay ito: “ang pinakamagandang silid sa mundong ito ay ang silid ng pagbabago at pag-unlad.” Ang katatagan ng ating loob ay maipakikita ng isang tao sa pamamagitan ng payapang pagtanggap ng mga puna at puri sa ating buhay. Ang taong marunong tumanggap ng papuri ay dapat na marunong ding tumanggap ng puna para makamtan ang tunay na pagbabago.
  • 37. DRAFT April 10, 2014 37 Kaya mo na bang tanggapin ang puna ng ibang tao sa maling kilos, gawa, o gawi na iyong ipinapakita? Kumuha ka ng iyong kapareha at pag-usapan ang sumusunod na kalagayan. Maaaring iguhit o isulat ang inyong gagawin kung paano tatanggapin ang iba’t ibang puna. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi mong kinukuha ang kanyang lapis nang hindi ka nagpapaalam. 2. Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi pagkatapos ng klase. 3. Pinagsabihan ka ng ate mo na dapat magpakita ng paggalang habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda. 4. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat palaging maligo bago pumasok sa paaralan. 5. Pinaalalahanan ka ng iyong Nanay dahil palagi mong inaaksaya ang tubig na iniigib ng iyong Kuya. Isabuhay Natin
  • 38. DRAFT April 10, 2014 38 Sipiin sa inyong papel. Lagyan ng tsek ( ) ang hanay ng iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel. Ginagawa mo ba ang mga ito? Palagi Bihira Hindi 1. Tinatanggap nang maluwag sa loob ang puna ng ibang tao sa iyong mga natapos na Gawain. 2. Tinatanggap nang maluwag sa loob ang puna sa iyong naging gawi. 3. Nagkakaroon nang pagbabago sa gawa at gawi dahil sa puna. 4. Binabago ang isang gawain kapag napagsabihang hindi ito nakasusunod sa pamantayan. 5. Naghahangad na higit na mapabuti ang anumang gawa o gawi Magaling mong naisagawa ang katatapos na aralin. Tingnan mo naman ang susunod na aralin upang lalo pang mapatibay ang iyong kaalaman at pagpapahalaga. Sapagkat mahusay mong naisakatuparan ang araling ito, subukin mo nang alamin at sagutin ang susunod na aralin. Subukin Natin
  • 39. DRAFT April 10, 2014 39 Aralin 5 Malusog Na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan Mahalaga ang kalusugan sa bawat isa sa atin. Matatamo ito kung maisasagawa ang iba’t ibang wastong kilos at gawi upang mapanatili ang malusog at ligtas na pangangatawan mula sa anumang karamdaman. May kasabihan tayo na “Ang Kalusugan ay Kayamanan.” Naniniwala ka ba rito? Naalala mo pa ba ang iba’t ibang paraan na iyong ginawa para mapanatili ang iyong kalusugan? Awitin ang likhang-awit sa himig ng “Sitsiritsit Alibangbang.” Pagkatapos ay basahin naman ito ng pa- rap. “Mga batang katulad ko Kalusuga’y ingatan nyo Kaligtasan ng isip ko Wastong gawi ang alay ko. Masustansiyang pagkain Ehersisyo’y dapat gawin Mapagpasensiyang damdamin Ang hinahon ay kakamtin” Sagutin ang tanong sa inyong kuwaderno. 1. Tungkol saan ang awit? Alamin Natin
  • 40. DRAFT April 10, 2014 40 2. Ayon sa awit, ano-anong mga wastong kilos at gawi ang nabanggit tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman? 3. Ipaliwanag kung bakit ang pagiging mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay may kinalaman din sa pagpapanatili ng ating kalusugan. 4. May mga gawi ka ba na hindi nabanggit sa awit/rap? Talakayin ang mga ito sa klase. Gawain 1 Bumuo ng limang pangkat sa klase. Pumili ng inyong lider na magkukunwaring isang sikat na “host”. (Halimbawa si Mike Enriquez at Karen Davila o iba pa). Ang mga natitirang kasapi ng pangkat ay uupo sa harapan at iinterbyuhin ng inyong napiling host tungkol sa inyong mga gawi sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan mula sa karamdaman. Pagkatapos ng panayam, ang bawat host ay mag-uulat sa klase tungkol sa buod ng napag-usapan. Gumawa ka ng isang pangako sa loob ng isang malaking puso tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan at kaligtasan ng katawan. Pagkatapos mo itong gawin, makipagpalitan ka sa iyong mga kaklase at Isagawa Natin Isapuso Natin
  • 41. DRAFT April 10, 2014 41 papirmahin mo sila sa loob ng puso tanda ng pagiging saksi nila sa komitment na iyong isinulat. May kilala ka bang tao o grupo na palagiang tumutulong sa mga may sakit? Sa iyong palagay, bakit nila ito ginagawa? Sumulat ka sa tao o grupong ito ng Liham Pasasalamat hinggil sa kanilang mga ginagawang pagtulong. Tandaan Natin Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kasabihang “Ang kalusugan ay Kayamanan” ay isang makatotohanang kaisipan na dapat paniwalaan. Ang isang batang malusog ay madaling Isabuhay Natin Ako si ______ ay nangangakong ________________________________ _________________________.
  • 42. DRAFT April 10, 2014 42 makagawa ng mga proyekto o gawain na may kahusayan. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip ay kahanga-hanga sapagkat nasasalamin sa kaniya ang katalinuhan. Masasabi ring malusog ang isang bata kung naipakikita niya nang wasto ang kaniyang emosyon o damdamin. Ang katawan ay maaaring maging ligtas mula sa karamdaman kung nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi tulad ng pagpapanatiling malinis ng katawan, tamang bilang at oras ng pagtulog, tamang pag- eehersisyo, pagkakaroon ng positibong pagkilala sa sarili, pagiging masayahin, at pagkain ng tama at masusustansiyang pagkain sa tamang oras. Isulat mo sa loob ng bawat lobo ang natutuhang mga gawi sa pangangalaga ng iyong kalusugang pisikal, mental, emosyonal. Gawin mo ito sa isang malinis na papel. Binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. Subukin Natin
  • 43. DRAFT April 10, 2014 43 Aralin 6 Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan! Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga wastong kilos at gawi upang mapangalagaan ang iyong kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman. Sino- sino ang ibig mong bahaginan at hikayatin upang hawak- kamay kayong magtulungan tungo sa maayos na kalusugan at pangangatawan? Gawain 1 Awitin ang liriko sa ibaba sa himig ng “Hawak-Kamay.” Hawak-Kamay Para sa ating kalusugan At ‘olrayt’ na kaligtasan, Hawak-kamay, Halina’t sumama Sa paglalakbay. Sagutin sa isang papel. 1.Ano ang pagkaunawa mo sa awit? 2.Sino-sino ang ibig mong hikayatin upang matamo ang mabuting kalusugan at kaligtasan ng katawan? Gawain 2 Masdan mo ang larawan sa loob ng kahon. Ipagpalagay mo na ikaw ay nasa gitna. Isulat mo sa ibabaw Alamin Natin
  • 44. DRAFT April 10, 2014 44 ng larawan ang pangalan ng mga taong nais mong hikayatin para matamo ang maayos na kalusugan at kaligtasan ng katawan. Sagutin ang mga tanong: 1. Sino-sino ang mga taong nais mong isama tungo sa pagtamo ng maayos na kalusugan? 2. Bakit mo sila hinihikayat? Ano-ano ang iyong mga dahilan? 3. Paano ka manghihikayat? Itala ang mga paraang naiisip mo.
  • 45. DRAFT April 10, 2014 45 Narito ang isang tseklis. Ibigay mo ito at pasagutan sa mga napili mong hikayatin upang malaman mo kung gaano nila kadalas ginagawa ang mga gawain. Lagyan ito ng kaukulang tsek (). Mga Gawain Madalas Bihira Hindi 1. Kumakain nang sapat sa tamang oras 2. Nakikilahok sa mga laro 3. Nakikilahok sa mga sayaw 4. Kumakain ng mga gulay at prutas 5. Umiinom ng tubig na hindi kukulangin sa walong baso sa bawat araw 6. Nag-iingat sa paglalakad at pagtawid sa daan 7. Inililigpit ang mga kagamitang maaring makadisgrasya 8. Nakikisalamuha sa mga kaibigang may mabubuting gawi at katangian 9. Iniiwasang magpuyat 10. Nagdarasal bilang pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap Isagawa Natin
  • 46. DRAFT April 10, 2014 46 Gawin ang sumusunod: 1. Itala mo at kunin ang bahagi ng bawat sagot sa tseklis. 2. Ano ang iyong gagawin sa mga sumagot nang bihira at hindi? Isulat ang inyong mga mungkahi sa inyong kuwaderno. 1. ______________________________________________ 2. ______________________________________________ 3. ______________________________________________ 3. Pag-usapan ang mga iminungkahi at papirmahin sila sa kuwaderno bilang patunay ng pagsang-ayon. 4. Magkaroon ng pag-uulat hinggil sa napagkasunduang mungkahi. Iulat ito sa harapan ng klase. May ideya ka ba kung ano ang networking? Halika! Magnetworking tayo! 1. Bumuo ng limang pangkat. Mula sa mga sagot na bihira at hindi, gumawa ng isang programa sa pamamagitan ng networking. Isapuso Natin
  • 47. DRAFT April 10, 2014 47 2. Pumili ng lider sa bawat pangkat. Kausapin ang mga kasapi upang makahikayat ng ibang miyembro hanggang sa lumawak ang adhikain upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat tao laban sa sakit o anumang karamdaman. (Halimbawa: Oplan Walong Basong Tubig Bawat Araw) 3. Pag-usapan ninyo kung kailan kayo magkikita- kita upang maiulat ang listahan ng mga taong kanilang nahikayat at kung anong estratehiya ang ginawa nila para makahikayat ng iba. Tandaan Natin Ang kaalaman sa mga wastong gawi sa pagkakamit ng wastong kalusugan at kaligtasan mula sa anumang karamdaman ay dapat ibahagi sa iba. Isa sa mga magagawa ng mga batang katulad mo ay ang sumali sa mga gawaing pambarangay o pampamayanan. Gawin mong advocacy ang pagpapanatili ng kalinisan sa inyong kapaligiran upang maging ligtas ang tao sa anumang sakit na dala ng hayop, maruming tubig at hangin. Maaari na sa inyong kapitbahayan ay magsama-sama kayong magkakalaro upang maglinis ng inyong kanal o estero Mungkahi: Sa pagpupulong, maari kayong mag- anyaya ng mga resource speaker na magsasalita tungkol sa kahalagahan ng adhikaing inyong pinagkasunduan.
  • 48. DRAFT April 10, 2014 48 sa araw na walang pasok. Ang simpleng gawaing ito ay makatutulong para mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at maligtas sa anumang sakit na dulot ng maruming pamayanan. Nilalayon ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Kagawaran ng Kalusugan na ang bawat mag-aaral ay maging bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kalinisan at kalusugan. Sa Brigada Eskwela na ginagawa taon-taon, makikita na ang dalawang ahensiya ay nagtutulungan upang maging malinis at kaaya-aya ang bawat silid sa paaralan para sa madali at epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Magpaskil ng isang manila paper sa wall ng paaralan na may islogan na “Kampanya… Kalusugan at Kaligtasan, Halina… Sali Na! Kung nais ninyong sumama, isulat ang inyong pangalan at pirma.” Ang lahat ng susuporta sa kampanya ay pipirma at maglalagay ng maikling pahayag, pangungusap o komitment. Tatawagin mo silang mga tagapagtaguyod ng mabuting kalusugan at kaligtasan. Sa tulong ng inyong punong-guro, mga guro, at mag- aaral sa inyong paaralan, magkakaroon kayo ng isang Isabuhay Natin
  • 49. DRAFT April 10, 2014 49 pagpupulong kung saan ay pag-uusapan ninyo ang gagawing proyekto para sa kalusugan at kaligtasan sa inyong paaralan o pamayanan. Umisip o tumukoy ng mga taong ang advocacy ay tungkol sa kalusugan at kaligtasan ng katawan. Sino siya? Isulat ang pangalan sa frame. Maaari mo ring idikit ang larawan niya sa frame kung mayroon ka. Lagyan mo ng isang maikling paliwanag kung paano mo siya naging inspirasyon. Ipakita/iulat mo ito sa inyong klase. Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Binabati kita sa araling iyong natapos. Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. Subukin Natin
  • 50. DRAFT April 10, 2014 50 Aralin 7 Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa Kumusta na ang iyong kalusugan kaibigan? Alam ko, ito ay ayos na ayos! Sa iyong mga natutuhan tungkol sa wastong kalusugan, maglakbay ka at tuklasin ang magagandang ibubunga sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng magandang gawi tungo sa pangangalaga ng iyong sariling kalusugan. Suriin at pag-aralan ang mga larawan. May paligsahan ng A-1 Child sa paaralan. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno. 1. Kung ikaw ang hurado, sino sa kanila ang pipiliin mong sumali sa paligsahan? Alamin Natin A B
  • 51. DRAFT April 10, 2014 51 2. Bakit siya ang pinili mo? 3. Kung ikaw naman ang mapipiling kandidato sa A-1 Child, ano ang iyong mararamdaman? Bakit? 4. Ano-ano ang magagandang ibinubunga ng may palagiang pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan? Isa-isahin. Gawain 1 Isagawa ang gawaing ibinigay sa inyong pangkat. 1. Kung kayo ay may angkop na gawi sa pangangalaga ng inyong kalusugan at kaligtasan. Isagawa ito sa pamamagitan ng:  Jingle para sa Unang Pangkat  Rap para sa Ikalawang Pangkat  Pantomime para sa Ikatlong Pangkat  Komiks-Iskrip para sa Ika-apat na Pangkat 2. Pagkatapos ng pagtatanghal, magbigay kayo ng mga reaksiyon sa mga palabas na nakita. Isagawa Natin
  • 52. DRAFT April 10, 2014 52 Gawain 2 “Word Search” Bilugan ang mga salitang nagpapahayag ng mabuting resulta sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. L M A L U S O G M I C D F G L I S A S M A L I K S I S T L L I G T A S A O S B O L A M L Y G M A S I G L A A Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano-anong salita ang nabuo mo? Isulat sa kuwaderno. 2. Makikita ba sa iyong katauhan ang mga salitang nabuo mo? 3. Magbigay ng mga kayang gawin kapag ang isang bata ay malusog. Ang inyong paaralan ay nagplano ng Fun Run. Ang lahat ay inaanyayahang lumahok sa nasabing gawain. Papaano mo ipakikita ang iyong pakikiisa sa Isapuso Natin
  • 53. DRAFT April 10, 2014 53 nasabing gawain? Magtala ng isa hanggang limang paraan paraan. Tandaan Natin Ang patuloy na pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ay makabubuti sa ating katawan. Makabubuti rin ito sa ating aspektong pandamdamin o emosyon. Isa sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan para sa gawaing pangkalusugan ay ang pagkakaroon ng Fun Run. Marami na sa ating bansa ang gumagawa nito: sa Pamahalaang Lokal, sa Barangay, sa Sangguniang Lokal, sa mga Samahang Pangkabataan at kung ano-ano pa. Ang paglahok sa mga ganitong gawain ay pagpapakita ng pakikiisa sa pamayanan at higit sa lahat ang pagbibigay pansin sa pagpapanatili ng sariling kalusugan at mabuting pangangatawan. Time Out! Bumuo ng apat na pangkat sa klase at umisip ng isang commercial o patalastas na may kaugnayan sa kalusugan. Ipakita ito sa klase. Pagkatapos ng bawat palabas, talakayin ang mga natututuhan sa palabas. Tukuyin kung ito ay nagustuhan o hindi at ipaliwanag ang mga kadahilanan. Isabuhay Natin
  • 54. DRAFT April 10, 2014 54 Fish Bowl Game Pumili ka ng isang isda sa bowl. Basahin mo ang nakasulat sa isdang ito. Sagutin at ipaliwanag kung bakit nakatutulong sa kalusugan ng isang tao ang mga katagang nakasulat sa isdang nakuha mo. Mahusay mong nagawa ang araling ito. Kudos! Ngayon ay maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Subukin Natin
  • 55. DRAFT April 10, 2014 55 Aralin 8 Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya Napakaganda ng tahanang masaya lalo na kung nagkakaisa at nagkakasundo ang bawat kasapi ng pamilya. Basahin mo ang tula. Tuloy Po Kayo Halina, tuloy po kayo Sa aming tahanan Kahit na simple lang Ay maayos naman! Si Nanay, si Tatay Kanilang mga utos Sinusunod namin May kusang-loob at lubos Si Ate, si Kuya Ako at si bunso Ay nagmamahalan Nang taos sa puso. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Maglista ng mga madalas na tagubilin ng inyong mga magulang. Alamin Natin
  • 56. DRAFT April 10, 2014 56 3. Sinusunod mo ba ang mga utos at tagubilin ng iyong mga magulang? Bakit? 4. Ano-anong sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal at pagkakasundo sa inyong pamilya? 5. Ano ang iyong nararamdaman kung ang iyong pamilya ay nagkakasundo at nagmamahalan? Gawain 1 Isulat mo sa metacard ang isang alituntunin o patakaran sa inyong tahanan na iyong sinusunod. Idikit ito sa paskilan. Bakit ito ang iyong napiling patakaran sa lahat ng mga alituntuning mayroon sa iyong tahanan? Gawain 2 Pagkatapos magawa ang unang gawain. Magpangkat-pangkat. Pumili ng lider. Sa pangunguna ng inyong lider, pagsama-samahin ang mga nakapaskil na metacards ayon sa nakasulat. Talakayin kung papaano at bakit kailangan itong sundin. Iulat ito sa klase. Isagawa Natin PATAKARAN TANDAAN
  • 57. DRAFT April 10, 2014 57 Kulayan ng berde ang arrow kung araw-araw mong ginagawa ang nakasulat, dilaw kung bihira at pula kung hindi. Gawin ito sa isang papel. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin? 2. Magiging masaya ba ang tahanan kung ang bawat kasapi ng pamilya ay nagkakaisang sumunod sa mga alituntuning itinakda? Ipaliwanag ang iyong kasagutan. Isapuso Natin Mga Tagubilin sa Akin Nagdadabog ako kapag inuutusan Nagsasabi ako ng totoo. Naisasagawa ko ang nakatakda kong gawain sa bahay Bumibili ako kung kailangan lamang Malinis ako sa aking katawan
  • 58. DRAFT April 10, 2014 58 Tandaan Natin Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang nagpapasigla ng pamayanan lalo na kung ang bawat kasapi nito ay nakatutupad sa tungkuling iniaatas sa kaniya. Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda ng tahanan tungo sa masaya at maayos na samahan. Ang mga tuntunin ay itinakda upang sundin ng bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at masayang pamumuhay. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti ang iyong mga ginagawa ay dapat na ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi itong inspirasyon upang lalo pa nilang mapaganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak na tulad mo. Dahil dito, mahalagang sinusunod mo ang mga alituntunin at patakarang pinagkasunduan sa tahanan lalo na sa disiplina at sa iyong pag-aaral. Umisip ka ng isang pangyayari sa iyong buhay na may kinalaman sa hindi mo pagsunod sa tagubilin ng iyong mga magulang. Ano ang epektong naidulot nito sa iyo? Ano ang aral na iyong natutuhan? Gawin ito sa iyong kuwaderno. Pangyayari: ______________________________________________ Epekto:___________________________________________________ Aral na natutuhan: ________________________________________ Isabuhay Natin
  • 59. DRAFT April 10, 2014 59 Pagmasdan ang nakaguhit na puno. Ipagpalagay mo na ito ay ang iyong pamilya. Ang iyong mga magulang o sinumang kasama sa bahay ay ang malalaking ugat. Ano- anong mga tagubilin ang pinasusunod sa iyo ng iyong mga magulang hanggang sa ikaw ay maging isang mabuting bunga? Isulat ang mga tagubilin o iniuutos sa iyo ng iyong mga magulang sa katawan ng puno at ang iyong pangalan naman bilang bunga. Pamilyang Nagkakaisa Sa iyong ipinakitang kagalingan sa araling ito, binabati kita! Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Panatilihin mo ang pagsunod mo sa mga gawain. Subukin Natin Ako bilang bunga Mga tagubilin ng aking mga magulang o sinumang kasama sa pamilya. Hal. Mag-aral ng leksyon bago manood ng TV Ang aking Ina/Ama o sinumang kasama sa pamilya Emily
  • 60. DRAFT April 10, 2014 60 Aralin 9 Ako, Ang Simula! Ako ang Simula! Ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito? Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano-ano ang mga kaya mong pamunuang gawin tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, maayos, at masayang pagsasama ng iyong pamilya? Kung ito ay kaya mo, Isigaw mo, Ako ang Simula! Ano-ano ang mga tungkuling isinasagawa mo sa araw-araw sa inyong bahay na nakatutulong sa iyong pamilya? Isulat mo ito sa mga bilog at ibahagi sa iyong mga kaklase. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno. Ang Aking Kalendaryo ng Gawain Alamin Natin
  • 61. DRAFT April 10, 2014 61 Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga maaari mong tuparing gawain? Isa-isahin. 2. Matapat mo bang isinasagawa ang iyong mga tungkulin? Patunayan. 3. Patunayan kung gaano kahalaga ang naidudulot mong kagalingan sa iyong pamilya. 4. Bakit may pagkakataong hindi mo naisasagawa ang iyong mga tungkulin? 5. Makatutulong ba ang pagpaplano ng mga gawain? Bakit? Gawain 1 Ang pagpapaalaala ay gamot sa mga batang nakalilimot. Mapatutunayan ito sa pangkatang gawain na isasagawa. Magkaroon ng apat na pangkat sa klase. Pagtulungang buuin ang clock time organizer ng inyong takdang oras para sa mga dapat at kayang gawin sa inyong klase. Siguraduhing makatutulong ito sa inyong pag- aaral at sa mga gawaing makapagpapagaan sa inyong guro. Gawin ito sa inyong papel. Iulat ito sa klase. Isagawa Natin
  • 62. DRAFT April 10, 2014 62 Sa bawat takdang oras, ano-ano ang inyong mga napagkasunduang gawin? 9 1 2 5 4 3 6 7 12 11 8 10
  • 63. DRAFT April 10, 2014 63 Gawain 2 Narito ang malaking “Tandang Pananong” na may kaukulang tanong. Sagutin mo ito nang buong katapatan. Patunayan. ? Maasahan ba ako sa lahat ng oras? Patunay: Ako ba ay bumibili ng mga kailangan lamang? Patunay: Ipinapasa ko ba sa iba ang mga inuutos sa akin? Patunay: Ako ba ay sumusunod sa mga utos nang may ngiti? Patunay: Ako ba ay hindi nag-aaksaya ng mga gamit, tubig, at kuryente? ___________________________________ Patunay: Maasahan ba ako sa lahat ng oras? Patunay: Ako ba ay bumibili ng mga kailangan lamang? Patunay: Ipinapasa ko ba sa iba ang mga inuutos sa akin? Patunay:
  • 64. DRAFT April 10, 2014 64 Sumulat ng Pick Up Line na galing sa iyong puso. Ito ay dapat na nagbibigay kasiyahan sa iyong damdamin hinggil sa mga naitutulong mo sa iyong pamilya at paaralan sa loob ng 24 oras. Makipagpalitan ka ng iyong sagot sa iyong kamag-aral. Halimbawa: Walis ka ba? Bakit? Kasi, winawalis mo ang pagod ng iyong Nanay kapag tinutulungan mo siya sa mga gawaing bahay. Tandaan Natin Tunay na ang isang masayang pamilya ay nakikita sa pamamagitan ng maayos at mabuting pagsasama. Ang mga magulang na may mga anak na katulad mo ay natutuwa kung ikaw ay sumusunod sa kanilang mga utos at patakaran. Halimbawa ay ang sumusunod: - Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral at paggawa ng mga takdang-aralin - Maging magalang sa lahat ng oras at pagkakataon - Tumulong sa mga gawaing-bahay sa mga araw na walang pasok - Magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pang bagay Isapuso Natin
  • 65. DRAFT April 10, 2014 65 Kung may pagsusunuran sa tahanan, makikita mo ang tunay na pagmamahalan. Ang pagsunod nang buong katapatan sa mga itinakdang tuntunin at gawain ay magbubunga ng kapayapaan at kaayusan sa samahan sa bawat kasapi ng isang pamilya. Palagian mong hangarin na maging masaya ang iyong mga magulang. Utos ng Diyos sa mga anak na mahalin nila ang kanilang mga magulang. Kinalulugdan ng Diyos ang mga anak na nagmamahal sa kanilang mga magulang. Gumawa ka ng isang pangako sa anyong patula o pa-rap o pakanta. Itanghal ito sa klase. Halimbawa: 1. Hingin ang tulong ng iyong mga magulang at pasagutan sa kanila ang sipi ng “Ang Aking Anak” na iyong isinulat sa kuwaderno. Isabuhay Natin Ang Aking Pangako Kapag inutusan O tinatawag ako Agad, akong sasagot At sa utos ay susunod.
  • 66. DRAFT April 10, 2014 66 Ang Aking Anak!  Paano ginagampanan ng inyong anak ang kanyang mga tungkulin sa tahanan? Ang aking anak na si ______________________ ay tinutupad nang buong husay at tapat ang kanyang mga tungkulin tulad ng __________________ __________________________________________________ __________________________________________________ Lagda:______________________ Lagyan ng kaukulang tsek ang iyong pinaniniwalaan Mga Gawain Totoo Hindi totoo 1. Hindi ako nagdadabog kapag inuutusan ako ng aking mga magulang. 2. Tumatakas ako sa paglilinis ng aming silid-aralan kapag uwian na. 3. Naghuhugas ako ng aming pinagkainan sa aming bahay. 4. Ginagawa ko kaagad ang aking takdang-aralin bago pumasok sa paaralan. Magaling! Natapos mo ang mga gawain nang tama. Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Pagbutihin mo. Subukin Natin
  • 67. DRAFT April 10, 2014 67 Yunit II Mahal Ko, Kapwa Ko
  • 68. DRAFT April 10, 2014 68 Aralin 1 Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! Maipadarama ang pagmamalasakit mo sa iyong kapwa na may karamdaman sa simpleng paraan ng pagtulong at pag-aalaga. Gawain 1 Suriin ang sumusunod na larawan. Alin sa mga ito ang iyo nang naisagawa bilang pagtulong at pag-aalaga sa may mga karamdaman? Isulat ang titik ng iyong sagot sa kuwaderno. Alamin Natin A
  • 70. DRAFT April 10, 2014 70 Gawain 2 Gamitin ang iyong imahinasyon. Magtala ng iba pang paraan kung paano mo matutulungan at maalagaan ang isang kakilala o kaibigan o kamag-anak na maysakit. Kopyahin ang graphic organizer sa kuwaderno at sagutin. Iba Pang Mga Paraan ng Pagtulong at Pag- aalaga sa tulad mong bata na may Karamdaman E
  • 71. DRAFT April 10, 2014 71 Gawain 1 Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong gawin upang tulungan, alagaan, o damayan ang taong may karamdaman. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Nabalitaan mo na ang iyong guro ay maysakit. 2. Ang nakababata mong kapatid ay may bulutong. 3. Nakita mo na di makatayo ang iyong kaibigan dahil sa masakit ang kaniyang paa. 4. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. 5. Sa iyong pag-uwi ng bahay, nadatnan mo na ang iyong kapatid ay giniginaw dahil mataas ang lagnat. Gawain 2 Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot ng nakabilot na papel na may nakasulat na sitwasyon. Matapos na pag-usapan ito sa grupo ay isa-isa itong isasadula sa harapan ng klase. Ipasadula ang kalagayang nakuha ng bawat pangkat. Pangkat 1 - Madalas na sumasakit ang ulo ng iyong kamag-aral na katabi mo sa upuan. Minsan ay hindi na siya makausap dahil sa tindi ng sakit ng kaniyang ulo. Isagawa Natin
  • 72. DRAFT April 10, 2014 72 Pangkat 2 - Isang linggo nang hindi nakakapasok ang isa ninyong kamag-aral. Nabalitaan ninyo na mayroon siyang malubhang karamdaman. Pangkat 3 - Sumakit ang ngipin ng nakababata mong kapatid o pinsan at kayo ang magkasama sa mga panahong iyon. Pangkat 4 - Pinuntahan ninyo ng mga kaibigan mo ang isa pa ninyong kaibigan upang sumama sa plano ninyong paglalaro sa inyong bahay. Ngunit nadatnan ninyo siya sa kaniyang tahanan na nakahiga sapagkat siya ay nilalagnat. May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda ng ipakikitang dula-dulaan na ipalalabas sa loob ng tatlong minuto lamang. Gagamitin ang rubric sa pagtataya ng palabas. Pamantayan 3 2 1 Husay ng Pagkaganap Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng kahusayan sa pagganap 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa pagganap Akma /Tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos ngunit may pag- aalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon
  • 73. DRAFT April 10, 2014 73 Sumulat ng isang liham na humihingi ng paumanhin sa magulang, kapatid, pinsan, kamag-aral, kaibigan, o kapwa sa iyong pagkukulang noong sila ay maysakit. Gumawa ng mga pangako kung paano maisasagawa ang pagtulong sa kapwa sa oras ng kanilang karamdaman. Isulat ito sa isang papel. Isapuso Natin Petsa _____________ Mahal Kong ___________, _________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ________________________. _________________, _________________ Lagda
  • 74. DRAFT April 10, 2014 74 Tandaan Natin Ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa maysakit ay isa sa magagandang katangian nating mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, tayo ay natututong magpahalaga sa ating sarili at kapuwa na siyang nagpapatibay ng ating ugnayan. Ang kaisipang, “Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” ay kinikilala sa lahat ng dako ng daigdig. Kristiyano man o Muslim ay naniniwala sa kaisipang ito. Ito ang buod ng ikaapat hanggang ikasampung Utos ng Diyos na naging batayan na ang pagmamahal sa kapwa ay nagsisimula sa ating sarili. Sapagkat ang taong tunay na nagmamahal sa kaniyang sarili ay may kakayahan ding magmahal ng kaniyang kapwa. Isa sa mga paraan upang maipakita at maipadama natin ang pagmamahal ay sa pamamagitan ng pagbibigay halaga at pagtugon sa pangangailangan ng maysakit. Ang simpleng pagpapapainom ng gamot, pag- alalay sa pagpunta sa palikuran, pagpupunas ng pawis, paghahanda at pagpapakain ng tamang pagkain at pag-sasaalang-alang ng kanilang nararamandaman ay malaking tulong upang mabawasan ang sakit na kanilang nararamdaman. Bukod dito ay makatutulong din ang pananalangin sa Diyos para sa mabilis na paggaling ng taong maysakit. Sa mga simpleng gawaing ito ay naipadarama natin ang pagmamalasakit at pag-unawa sa kanilang kalagayan na bunga ng ating pagmamahal sa ating kapwa. Lubos nating maipadarama sa mga taong may
  • 75. DRAFT April 10, 2014 75 karamdaman ang tunay nating pagmamalasakit sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga at pagtulong sa kanilang mga pangangailangan. Bumuo ng apat na pangkat at basahin ang teksto sa ibaba. Sagutin at pag-usapan sa inyong pangkat ang tanong na nakatalaga sa inyong pangkat. May plano ang mga kaibigan ni Arby na maglaro pagkatapos ng klase. Nang makauwi na sa kanilang bahay, nagpaalam si Arby sa kaniyang ama ngunit hindi siya pinayagang sumama. Ayaw ng kaniyang ama na sumama siya sapagkat maysakit ang kanyang ina. Nais talagang sumama ni Arby ngunit pinili niyang manatili sa bahay upang tulungan sa gawaing bahay ang kaniyang ama. Tumulong din siya sa pag-aasikaso sa kaniyang inang maysakit. Mga Katanungan: Pangkat 1 - Ano ang masasabi ninyo sa ginawa ni Arby? Sumasang-ayon ba kayo sa kaniyang naging desisyon? Ipaliwanag. Pangkat 2 - Sa iyong palagay, ano ang mararamdaman ng ina at ama ni Arby sa kaniyang naging desisyon? Isabuhay Natin
  • 76. DRAFT April 10, 2014 76 Pangkat 3 - Ano ang magiging bunga ng pagtulong sa maysakit at sa pagsunod sa magulang? Pangkat 4 - Kung ikaw si Arby gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? Dapat nating pasalamatan ang ating magulang sa pag-aasikaso sa atin tuwing tayo ay maysakit. Ipahayag natin ang ating pasasalamat sa kanila sa pamamagitan ng isang thank you card. Gumawa nito para sa sa bawat miyembro ng pamilya na nagpakita o nagpadama ng kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa atin lalo na tuwing tayo ay may karamdaman. Iguhit ang masayang mukha sa Hanay A kung nagawa mo na sa isang taong maysakit ang nakasaad na kilos sa bawat bilang at malungkot na mukha naman kung hindi pa. Isipin kung ilang beses mo na itong nagawa at isulat sa Hanay B. Sa tapat ng malungkot na mukha, isulat ang dahilan bakit hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. A B Dahilan Kung Bakit Di Pa Nagagawa 1. Paglalagay ng bulsa de yelo sa noo ng isang nilalagnat na kasambahay. 3 beses 2. Pagbabantay sa ospital sa isang taong may lubhang karamdaman. 0 Sapagkat wala pa ako sa tamang edad Subukin Natin
  • 77. DRAFT April 10, 2014 77 3. Pagpapainom ng gamot sa kapatid at magulang na maysakit. 4. Pagtulong sa pagdadala ng gamit ng kamag-aral na nilalagnat. 5. Pagdalaw sa tahanan ng kaibigan, kamag-aral, o guro na may sakit. 6. Pagbili ng gamot na dala ang reseta ng doktor sa tindahan para sa kasapi ng pamilya na may sakit. 7. Pag-akay sa mga maysakit sa pagsakay sa dyip o tricycle. Maligayang bati! Hinahangaan kita dahil maTiyaga mong natapos ang araling ito. Napatunayan mo na isa kang mabuting mag-aaral. Nawa’y maging handa ka sa susunod na aralin para patuloy mong maipakita ang pagmamalasakit sa may karamdaman.
  • 78. DRAFT April 10, 2014 78 Aralin 2 Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! Ang pagmamalasakit sa mga may karamdaman ay maipadarama mo sa pamamagitan din ng pagbibigay ng panahon tulad ng pagdalaw, pag-aliw, at pagbibigay ng pagkain o anumang bagay na kanilang kailangan. Ano sa iyong palagay ang dapat mong gawin kung nalaman mong maysakit ang iyong kaibigan o kamag-aral o kung sino man na iyong kakilala? Ano naman ang maaari mong dalhin o ihandog sa taong maysakit? Ibigay ang mga dahilan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng bilog. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Alamin Natin
  • 79. DRAFT April 10, 2014 79 Gawain 1 Maliban sa mga pagkain o materyal na bagay, maaari ka ring maghandog ng isang kard na naglalaman ng tula, awit, likhang-sining, at iba pa para sa taong iyong dinadalaw. Subukin mong gawin ito sa iyong kuwaderno. Gawain 2 Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot ng nakabilot na papel na naglalaman ng sitwasyon. Ito ay ipapakita ng bawat grupo sa paraang dula-dulaan. Pangkat 1- Masayang pag-aliw o pagpapasaya sa may karamdaman sa pamamagitan ng awit Pangkat 2- Masayang pag-aliw o pagpapasaya sa may karamdaman sa pamamagitan ng pagkukuwento Pangkat 3- Taos-pusong pagbibigay ng tamang pagkain o anumang gamit para sa maysakit na kapitbahay na kaibigan Pangkat 4 - Taos-pusong pakikiisa sa pagsasagawa ng “pray over” sa may karamdaman May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda ng ipakikitang pantomina na ipalalabas sa loob ng tatlong minuto lamang. Isagawa Natin
  • 80. DRAFT April 10, 2014 80 Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagtataya ng palabas. Pamantayan 3 2 1 Husay ng Pagkakagawa Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng kahusayan sa paggawa 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa sa paggawa 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan sa paggawa Tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos ngunit may pag- aalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon Sumulat ng isang maikling dasal o “sambit” para sa mabilis na paggaling ng isang taong may karamdaman na iyong kakilala. Maaaring siya’y isang magulang, kapatid, kasambahay, kaibigan, kaklase, guro na iyong kakilala o napanood sa telebisyon, at nabasa sa pahayagan. Ibahagi ito sa harap ng klase. Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot. Isapuso Natin
  • 81. DRAFT April 10, 2014 81 Tandaan Natin Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagpapakita ng mabuting pakikipagkapwa: sa mga magulang, kapatid, kasambahay, kaibigan, kaklase, o guro man sa lahat ng oras at pagkakataon. Likas sa tao ang maunawaan at madama ang damdamin ng ating kapwa. Gayundin ang kabutihan na nagbubunga ng paglilingkod sa kanila na ipinapakita natin sa pamamagitan ng pagmamalasakit. Sinisimulan nating magpakita ng malasakit sa bawat miyembro ng ating pamilya lalo na sa may karamdaman. Karaniwan nating inaaliw ang ating magulang, kapatid, o kung sino mang miyembro ng ating pamilya na may karamdaman. Maaari naman nating maipakita ang pagmamalasakit sa ating kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng panahon upang sila ay dalawin, aliwin, bigyan ng tamang pagkain, o anumang bagay na kailangan nila at higit sa lahat ang paghahandog ng isang panalangin para sa maaga nilang paggaling. Ang mga simpleng gawain na ito ay mga tanda ng pagdamay o pagsuporta sa kapwa natin. Sa pagkakataong ito, nakatutulong tayo upang mapanatag ang kalooban ng isang tao.
  • 82. DRAFT April 10, 2014 82 Iguhit ang puso kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na pangyayari tungkol sa pagdalaw at pag-aaliw sa may karamdaman. Isulat ito sa kuwaderno. Mga Tuntunin Palagi Paminsan -minsan Hindi 1. Nakikipag-usap o nakikipagkuwentuhan ako sa may karamdaman upang kumustahin ang kanyang kalagayan 2. Ibinibigay ko ang pangangailangan ng may karamdamang kapamilya at kaibigan 3. Sumasama ako sa Nanay ko para dumalaw sa may karamdaman sa pagamutan o ospital 4. Dinadalhan ko ng sariwang prutas ang may karamdaman 5. Naglalaaan ako ng oras sa pagdarasal sa may karamdaman para sa mabilis niyang paggaling Isabuhay Natin
  • 83. DRAFT April 10, 2014 83 A. Lagyan ng tsek () kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagdalaw at pag-aliw sa may karamdaman at (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Paghahandog ng isang masayang awitin sa Lolo na may karamdaman. 2. Pagbibigay ng get-well soon card sa kaibigang may karamdaman. 3. Pagkukuwento ng mga malungkot na pangyayari sa paaralan sa kaklaseng may karamdaman. 4. Pagdadala ng sariwang prutas sa kapitbahay na may karamdaman. 5. Paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga may karamdaman. B. Maliban sa mga pagkain o materyal na bagay, maaari ka ring maghandog ng isang kard na naglalaman ng maikling tula o awit, likhang-sining, o komiks para sa taong iyong dadalawin. Subukin mong gawin ito sa isang mas magandang papel at lagyan ng karagdagan dekorasyon. Matapos ay ipagkaloob ito sa isang kakilala na may karamdaman. Pagmasdang mabuti ang magiging reaksyon ng taong pinaghandugan. Subukin Natin
  • 84. DRAFT April 10, 2014 84 C. Buuin ang diwa ng talata ayon sa isang karanasan. Gawin ito sa isang kuwaderno. Ang aking hinandugan ng _________ (tula, awit…) ay si _______________________________________. Siya ay ____________________ (kaugnayan sa tao). Nakita kong siya ay __________________________________ sa aking inihandog. Labis akong______________________________ _____________________________________________sa aking napagmasdan. Ngayon, natutuhan kong____________ ____ ______, kung kaya’t aking gagawin ng___________ ________________________________________. Binabati kitang muli sa matagumpay mong pagtatapos sa araling ito. Naniniwala akong higit mong naunawaan ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa mga may karamdaman. Nawa’y ipagpatuloy mo ang gawaing ito upang maging mas makabuluhan ang paglilingkod sa iyong kapuwa.
  • 85. DRAFT April 10, 2014 85 Aralin 3 Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang! Higit mong maipakikita ang malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng simpleng pagtugon sa kanilang pangangailangan. Basahin ang kuwento. Ang Batang May Malasakit Lunes ng umaga, maagang pumasok si Rodel sa paaralan. Masaya siyang naglalakad papunta sa terminal ng sasakyan. Pagdating niya doon ay nakita niya si Juan, ang batang may kapansanan. “Magandang umaga sa iyo Rodel” ang bati ni Juan. “Magandang umaga rin naman” ang tugon ni Rodel. Nang dumating na ang dyip na kanilang sasakyan patungong paaralan ay inalalayan ni Rodel si Juan sa pagsakay hanggang sa pag-upo sa loob ng sasakyan. “Maraming salamat sa iyo Rodel”, sabay sabi ni Juan. “Walang anuman”, tugon naman ni Rodel. Alamin Natin
  • 86. DRAFT April 10, 2014 86 Nang dumating na sila sa tapat ng kanilang paaralan, inalalayan pa rin niya si Juan sa pagbaba ng dyip, sa pagpasok sa loob ng paaralan at maging sa pagpasok sa silid-aralan. Lubos na nagpasalamat si Juan kay Rodel dahil sa ipinakitang malasakit at kabaitan sa kanya. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Paano nagpakita ng malasakit si Rodel sa kaniyang kapuwa? 2. Tama ba ang kaniyang ginawang pagmamalasakit? 3. Kaya mo rin bang magmalasakit gaya ng ginawa ni Rodel sa isang taong may kapansanan? Gawain 1 Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang iyong malasakit Isagawa Natin
  • 87. DRAFT April 10, 2014 87 sa may kapansanan? Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. 1. Pumunta ka sa tindahan at naabutan mong bumibili rin ang kapitbahay mong pipi. Hindi maintindihan ng tindera kung ano ang kaniyang binibili. Nagkataong marunong ka ng sign language. Ano ang dapat mong gawin? 2. Magkasama kayo ng Nanay mo sa pagtawid sa kalsada. Hinihintay ninyo na maging kulay berde ang ilaw trapiko para kayo ay makatawid. Nakita mong papatawid din ang isang batang pilay. Ano ang dapat mong gawin? 3. Kaarawan ng iyong kaklase at ikaw ay dumalo sa kaniyang handaan. Nakita mo doon si Tina ang batang bulag na iyong kababata. Narinig mo na gusto niyang uminom ng juice ngunit hindi siya pinapansin ng may hawak nito. Ano ang dapat mong gawin? Gawain 2 Ang bawat pangkat ay makatatanggap ng isang metacard kung saan nakasulat ang sitwasyon na pag- uusapan at gawain. Pangkat 1 - Magsadula ng isang eksenang nagpapakita ng pagmamalasakit sa isang bulag. Pangkat 2 - Iguhit sa loob ng isang malinis na papel ang nais mong ipakita at ipadama sa may mga kapansanan. Pangkat 3 - Lumikha ng isang saknong ng tula na may apat na linya na tumutukoy sa pagmamalasakit sa may mga kapansanan.
  • 88. DRAFT April 10, 2014 88 Pangkat 4 - Magbigay ng tatlong kilala ninyong tao na nagpakita ng pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan. Sabihin kung paano niya ito ginawa. May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda sa nabunot na sitwasyon o gawain. Ipapakita ng bawat pangkat ang inihanda sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto lamang. Ang rubric na gagamitin sa pagTataya ng kakayahan ng mga bata. Mga Pamantayan 3 2 1 Husay ng pagkaganap ng bawat kasapi Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng husay sa pagganap 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap Tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos ngunit may pag- aalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon
  • 89. DRAFT April 10, 2014 89 Iguhit sa loob ng tatlong puso ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. Gawin ito sa kuwaderno. 1. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan? 2. Ano ang iyong nararamdaman kapag may nakikita kang batang may kapansanan na pinagtatawanan? Bakit? 3. Kung ikaw naman ang nakakatanggap ng pagmamalasakit mula sa iyong kapuwa, ano ang nararamdaman mo? Tandaan Natin Ang pag-unawa sa damdamin at sitwasyon ng iba ay isang paraan ng pagpapakita ng kabutihan. Ang kabutihan ng ng isang aksyon ay nagsisimula sa kabutihan ng hangarin. Ang mga hangaring ito ay dapat na may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba at maging sa sarili. Maipakikita ito sa salita at gawa. Kailangang meron itong katapatan at komplementaryong gawain na nagbibigay ng kahalagahan sa isang wagas na naisin at layunin. Ang pagmamalasakit sa isang taong may kapansanan ay isang paraang nagpapakita ng kabutihan ng hangarin. Ang Batas Republika 7277 ay Isapuso Natin
  • 90. DRAFT April 10, 2014 90 higit na kilala sa taguring Magna Carta para sa mga Taong May Kapansanan (Magna Carta for Persons with Disability), ay legal na basehan upang isulong ang mga karapatan ng mga mamamayang may kapansanan. Kasama ang mga susog na ginawa ng Batas Republika 9442 at mga takda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 437. TiniTiyak ng batas na ito ang pagpapatupad ng mga hakbang kaugnay ng rehabilitasyon at pagTiyak sa pansariling pag-unlad ng mga taong may kapansanan upang manatili sila bilang produktibong mga kasapi ng lipunan. TiniTiyak ng Batas Republika 7277 ang mga karapatan ng mga taong may kapansanan kaugnay ng pagkakaempleyo, pagkakaroon ng edukasyon, serbisyong medikal, karagdagang pantulong na paglilingkod, at iba pa. Sa pagkakataong ito, maipakikita natin ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lubos na pagmamahal, pag-unawa, at paggalang upang maramdaman nila na sila ay mahalaga rin tulad natin. Ang paglalaan ng upuan, pag-aalay sa pagtawid sa kalsada, at paglalakad ay mumunting paraan ng pagpaparamdam sa kanila na sila ay mahalaga bilang tao at kabahagi ng lipunan. Mayroon kayong kapitbahay, kaibigan, kasambahay, kamag-anak, o kaklase na may kapansanan. Isabuhay Natin
  • 91. DRAFT April 10, 2014 91 Sumulat ng limang pangungusap kung paano mo sila tutulungan. Ibahagi ito sa klase. 1. _________________________________________________. 2. _________________________________________________. 3. _________________________________________________. 4. _________________________________________________. 5. _________________________________________________. Lagyan ng tsek () kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Akayin sa paglakad ang kamag-aral na bulag. 2. Pagtawanan ang kaklaseng may bingot. 3. Makipagkaibigan sa taong may kapansanan. 4. Bigyan ng upuan ang batang pilay. 5. Tuksuhin ang kalaro o mga batang duling. Muli, natapos mo na naman ang isang aralin kaya’t binabati kita sa matagumpay mong gawain. Hinahangaan kita sa ipinakita mong pagmamahal at paggalang sa mga may kapansanan. Hangad kong pahalagahan mo ang kanilang mga kakayahan na iyong matututuhan sa susunod na aralin. Ipagpatuloy ito! Subukin Natin
  • 92. DRAFT April 10, 2014 92 Aralin 4 Kakayahan Mo, Pahahalagahan Ko! Ang pagmamalasakit sa may mga kapansanan ay maipakikita mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa sandaling maipamalas nila ang kanilang natatanging kakayahan sa larangan ng laro at iba pang programang pampaaralan. Basahin ang tula. Tanging Yaman, Ating Kakayahan Natatanging kakayaha’y biyaya ng Maykapal Ito’y pagyamanin, paunlarin at ikarangal Anumang kakulangan paglaanan ng aral Ito’y pagpapakita ng magandang asal. Sa programa sa iskul bigyang puwang ang talino Nang sa angking talento’y tunay kang maging bibo Lubos na pagtitiwala sa sarili’y ialisto Kakayahan ng sinuman ay hindi masisino. Sa larangan ng pagguhit, pagpipinta’t pag-awit Gayundin sa palakasan kahit kulang ay susungkit Alamin Natin
  • 93. DRAFT April 10, 2014 93 Ng medalya na sa iyo’y kukumpleto’t magsusulit Kapintasan, kakulangan hindi ka nga magagalit. Kapansanan ng mga tao hindi dapat pagtawanan Bagkus sila’y dapat tulungan at pahalagahan Ang bawat isa’y kailangan ituring na kaibigan Pagkat sila’y may halaga at bahagi ng lipunan. -rbc- Sagutin ang mga tanong: 1. Ano-ano ang mga kakayahang nabanggit sa tula? 2. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal? 3. Ano ang katangian ng isang bata ang ipinahihiwatig sa tula? 4. Paano ipinakita ang pagmamalasakit sa kapuwa na may kapansanan? 5. Sa iyong palagay, dapat bang pagmalasakitan ang mga batang may kapansanan? Bakit? Gawain 1 Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng nararapat mong gawin upang maipakita ang pagmamalasakit at paggalang sa mga may kapansanan. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin? Isagawa Natin
  • 94. DRAFT April 10, 2014 94 A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan. B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan. C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo hanggang sa matapos ang palatuntunan. 2. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin? A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko. B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase. C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot. 3. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat mong gawin? A. Tatawanan ko si Jano. B. Tatawagin ko na siya para umupo na. C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya. 4. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin? A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya.
  • 95. DRAFT April 10, 2014 95 B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita. C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit. 5. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin? A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na huwag pansinin ang mga batang nangungutya. B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan. C. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan. Gawain 2 1. Maghanap ng mga larawang nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan. Idikit sa bond paper ang mga larawang ginupit. 2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang saknong ng tula, awit, o yell tungkol sa larawang napili. 3. Ipapakita ng bawat pangkat ang ginawang tula, awit, o yell ayon sa larawang idinikit sa loob ng tatlong minuto lamang. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng ginawang tula, awit, o yell. Mga Pamantayan 3 2 1 Husay ng pagkakadikit ng mga larawan Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng kahusayan 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kahusayan 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng
  • 96. DRAFT April 10, 2014 96 sa pagtulong sa pagbuo ng gawain sa pagtulong sa pagbuo ng gawain kahusayan sa pagbuo ng gawain Tamang saloobin sa pagpapakita ng pagganap Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa pagganap Naipakita nang maayos ngunit may pag- aalinlangan ang tamang saloobin sa pagganap Hindi naipakita ang tamang saloobin sa pagganap Gumawa ng tsart sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba. Lagyan ng tsek () kung ang sinasabi ng pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan at ekis (x) naman kung hindi. 1. Pinupuri ko ang gawain ng mga may kapansanan na kapaki-pakinabang. 2. Tumutulong ako sa inilulunsad na mga proyekto ng mga may kapansanan. 3. Bumibili ako ng mga produktong ginawa ng mga may kapansanan. 4. Nakikipaglaro ako sa kapuwa ko bata kahit na siya ay may kapansanan. 5. Ipinagtatanggol ko sa simpleng paraan ang mga batang may kapansanan. Isapuso Natin
  • 97. DRAFT April 10, 2014 97 Tandaan Natin Ang pagpapahalaga sa kakayahan ng mga may kapansanan ay pagpapakita ng pagmamahal na sila ay mahalagang bahagi ng lipunan tulad natin. May kasabihan tayong mga Pilipino na “ang kahirapan at kapansanan ay hindi sagabal o hadlang upang magtagumpay.” Ang kasabihang ito ay nagpapahiwatig sa atin na ang tibay at tatag ng loob ay lubhang kailangan upang makamit ang tagumpay anu- man ang kalagayan at katayuan natin sa buhay. Kagaya ni Apolinario Mabini, hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan upang siya ay hirangin bilang bayani. Nawa’y siya ay magsilbing inspirasyon sa pagkamit ng tagumpay. Ang pagmamalasakit na may paggalang sa may mga kapansanan ay maipakikita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa sandaling maipamamalas nila ang kanilang natatanging kakayahan sa larangan ng laro at iba pang programang pampaaralan. Dapat tayong magpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa mga taong may kapansanan sa lahat ng pagkakataon. Ito’y tanda ng pagbibigay ng kahalagahan sa kanilang pagkatao at kakayanan. Ipakita ang natutuhan sa pagpapahalaga sa mga may kapansanan sa inyong lugar. Maglaan ng oras sa Isabuhay Natin
  • 98. DRAFT April 10, 2014 98 pagbisita at pagbibigay-aliw sa kapwa bata na alam mong may kapansanan sa inyong pamayanan. Gawin ito pagkatapos ng klase. Ikuwento o ibahagi sa buong klase ang kinalabasan ng iyong pagbisita. Lagyan ng tsek() kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan at ekis (x ) kung ito ay hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Niyaya ni Roy ang piping kamag-aral na sumali sa paligsahan ng pagsasayaw. 2. Pinahinto ng Ama sa pag-aaral ang anak dahil siya’y lumpo. 3. Isinama ng buong pamilya ang anak na may kapansanan sa kanilang paglalakbay. 4. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang kapitbahay sa batang may kapansanan. 5. Ipinaampon ng mag-asawa ang kanilang anak na may kapansanan. Binabati kita! Muli mo na namang natapos ang isang aralin. Naniniwala akong ang pagpapahalaga mo sa kakayahan ng isang may kapansanan ay kahanga- hangang gawain. Hangad kong ipagpapatuloy mo ito sa lahat ng oras at pagkakataon. Handa ka na ba sa susunod na aralin? Ipagpatuloy mo ang mabuting hangaring ikaw ay matuto! Subukin Natin
  • 99. DRAFT April 10, 2014 99 Aralin 5 Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! Pagmamalasakit na may paggalang sa may kapansanan ang binibigyang-diin sa araling ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng pagkakataon sa kanila, nagiging kabahagi sila ng pamayanan na walang itinatangi at sinisino. Basahin ang diyalogo. Natatanging Kaibigan! Sabado ng umaga. Sakay ng bisikleta si Bibo ng makasalubong niya si Gina, ang batang may kapansanan subalit mahusay naman siyang umawit. Alamin Natin
  • 100. DRAFT April 10, 2014 100 Gina: Hello, Bibo! Balita ko eh may paligsahan sa pag-awit sa darating na pista dito sa ating barangay? Sa palagay mo, maaari kaya akong sumali? Bibo: Aba, oo naman Gina! Kaya nga pupunta ako sa bahay ninyo para ipaalam sa’yo at tanungin kung gusto mong sumali. Alam mo bang malaki ang mga papremyong ipamimigay sa mga mananalo? Gina: Talaga? Maraming salamat sa’yo Bibo! Kanino ba nagpapalista ang gustong sumali sa paligsahang iyon? Bibo: Ayon sa nabasa kong patalastas na nakapaskil, eh, kay Kuya Gerwin daw, ang Hermano Mayor ng pista sa taong ito. Gina: Wala talaga akong masabi sa’yo Bibo! Saludo ako sa iyo dahil alam na alam mo ang buong detalye ng paligsahan. Puwede bang samahan mo ako ngayon para magpalista na kay Kuya Gerwin? Bibo: Sige, tayo na! Sagutin ang sumusunod na tanong: 1.Ano ang natatanging kakayahan ni Gina? 2.Bakit pupunta si Bibo sa bahay ni Gina? 3.Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa diyalogo? 4.Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit na ginawa ni Bibo kay Gina? Bakit? 5.Kung ikaw si Bibo/Gina, ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ang pinahahalagahan o nagbibigay importansya sa iba? Patunayan.
  • 101. DRAFT April 10, 2014 101 Gawain 1 Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong dapat gawin? Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. Mga Sitwasyon Ang dapat kong gawin ay…. 1. Kasama ka ng Nanay mong pumunta sa palengke at noon mo nalaman na bingi pala ang batang namamalimos. 2. May paligsahan sa pag- awit sa iyong barangay at nais sumali ng iyong kababatang pilay. 3. Sa iyong paglalakad, nakita mo ang iyong kapitbahay na bulag na malapit na sa may kanal. 4. Marami kang laruan sa inyong bahay na hindi mo naman ginagamit. Nakita mo na sira na ang laruan ng kapitbahay mong pipi. 5. Nakita mo ang isang batang putol ang kamay na hindi kayang dalhin ang kaniyang gamit. Isagawa Natin
  • 102. DRAFT April 10, 2014 102 Gawain 2 Ang bawat pangkat ay makatatanggap ng isang activity card kung saan nakasulat ang dapat nilang gawin. Pangkat 1 – Lagyan ng piring ang mata ng bawat bata sa inyong pangkat. Magkaisa sa isang salita na magsisilbing clue word ninyo upang mahanap ang iyong kasamahan. Pangkat 2 – May isang bagay kayo na hinahanap sa inyong silid-aralan. Ipakita kung paano ninyo ito mahahanap nang hindi kayo nagsasalita. Pangkat 3 - May gusto kayong abuting gamit sa mataas na kabinet ngunit kayo ay pilay. Pangkat 4 – May gusto kang sabihin sa iyong kaklase ngunit mahina ang kaniyang pandinig. Paano mo ito gagawin? Naranasan ninyo ang maging bulag, pipi, pilay, at bingi sa ating gawain. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa may kapansanang tulad nila? Pag- usapan sa bawat pangkat kung ano ang dapat gawin. Ibahagi ito sa klase. Ang rubric na gagamitin sa pagtataya ng kakayahan ng mga bata. Mga Pamantayan 3 2 1 Husay ng pagkaganap Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi
  • 103. DRAFT April 10, 2014 103 ng kahusayan sa pagganap ng kahusayan sa pagganap nagpakita ng kahusayan sa pagganap Tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos ngunit may pag- aalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon Sumulat ng sariling pangako hinggil sa pagpapakita ng pagmamalasakit na may paggalang sa mga may kapansanan. Simula sa araw na ito, ako ay nangangako na ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _____________________________________________________. Iulat sa klase kung natupad ang pangako. Tandaan Natin Ang pantay-pantay na pagtingin ay pagpapakita rin ng paggalang sa kapuwa. Ito ay nagpapaalala sa atin na Isapuso Natin
  • 104. DRAFT April 10, 2014 104 walang mayaman o walang mahirap sa lipunang ating ginagalawan. Nararapat nating pahalagahan ang taglay na mga kakayahan ng bawat isa may kapansanan man o wala. Wala tayong karapatan upang husgahan ang ating kapwa sa panlabas na kaanyuan. Ipinahihiwatig sa awiting “Bulag, Pipi, at Bingi” ni Freddie Aguilar na ang kapansanan ay hindi hadlang upang maipakita ang ating natatanging kakayanan o talento. Lagi nating itanim sa ating isipan na walang sinumang perpekto sa ibabaw ng mundo. Bawat isa ay may kani-kaniyang lakas at kakulangan. Sa bisa pa rin ng Batas Republika 9442 na sumusog sa Batas Republika 7277, ipinagbabawal na rin ngayon ang panunuya sa mga taong may kapansanan, maging sa pamamaraang pasulat, pasalita, o sa pamamagitan ng mga kilos. Pinagtibay din ang mga susog na ito upang pigilan ang pagbaba ng tingin sa mga taong may kapansanan. Kaya’t ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan ay dapat nating gawin sa lahat ng pagkakataon. Ito ay pagpapakita rin ng paggalang upang maramdaman nilang bahagi rin sila ng lipunan.
  • 105. DRAFT April 10, 2014 105 Magkaroon ng isang proyekto “Kapuwa ko, Mahal ko” na gagamitin sa outreach program para sa mga may kapansanan. Magdala ng isang malaking kahong babalutan ng used gift wrapper. Ilagay ito sa sulok ng silid-aralan upang dito ilagak ng mga bata ang mga dadalhin nilang regalo: damit, laruan, de lata, at iba pa para sa mga batang may kapansanan. Gagawin ito sa loob ng isang buwan. Ang lahat ng mga naipong gamit o anupaman ay ipapamigay sa mga batang may kapasanan. Isabuhay Natin “Handog Ko sa Kapuwa Ko”
  • 106. DRAFT April 10, 2014 106 Lagyan ng tsek() kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit na may pagalang sa may kapansanan at ekis (X) kung ito ay hindi. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Tinatawag ko ang aking kapuwa na may kapansanan sa kanilang tunay na pangalan o palayaw. 2. Tinatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang kapulaan. 3. Ginagaya ko ang may kapansanan sa kanilang paglalakad at pagsasalita. 4. Nakikipaglaro lang ako sa kapwa ko rin na may kapansanan. 5. Tinutulungan ko ang mga may kapansanan sa abot ng aking makakaya. Binabati kita sapagkat maluwalhati mong natapos ang araling ito. Hinahamon kita na sana ang tunay na pagmamalasakit sa may kapansanan ay maipakita mo nang may respeto o paggalang sa lahat ng pagkakataon. Mahusay! Subukin Natin
  • 107. DRAFT April 10, 2014 107 Aralin 6 Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! Hindi lahat ng bata ay magkakatulad ang katayuan sa buhay. May magagawa ka para sa iba. Pagmasdan ang mga larawan at dugtungan ang pariralang katabi nito. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Kapag lumalapit sila sa akin at nanghihingi ng pera, ako ay __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________________________________. Kung makikita ko ang batang ito, ako ay__________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ___________________________________. Alamin Natin
  • 108. DRAFT April 10, 2014 108 Kung makikita kong ganito lagi ang suot ng bata ako ay _______________ ___________________________________ __________________________________. Sagutin ang mga tanong. 1. Nakasalamuha mo na ba ang mga batang nasa larawan? 2. Ano ang nararamdaman mo kapag nakikita o nakakasama mo sila? 3. Paano mo isinasaalang-alang ang kanilang katayuan o kalagayan sa buhay? Bakit? 4. Sino-sino pa ang mga batang nakakasama o nakakasalamuha mo na nangangailangan ng tulong? Bakit? 5. Naipakita mo ba sa kanila ang pagsasaalang-alang sa kanilang kalagayan sa buhay? Bawat pangkat ay magsasadula kung paano ninyo isinasaalang-alang ang kalalagyan sa buhay ng iyong kapuwa bata batay sa sitwasyong ibibigay ng guro. Pangkat 1 - sa mga batang nakaranas ng kalamidad Isagawa Natin
  • 109. DRAFT April 10, 2014 109 Pangkat 2 - sa isang payat na kamag-aaral na namumutla habang nagkaklase Pangkat 3 - sa kaklase mong maikling-maikli na ang lapis Pangkat 4 - sa isang batang lalaking putol ang isang kamay pero gustong sumali sa inyong larong basketbol Pangkat 5 - sa isang batang nakita mo sa isang bahay-ampunan Magnilay. Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na at nangailangan ng iyong tulong, pagkalinga, o malasakit. Isulat ito sa speech balloon. Natugunan mo ba ang kanilang pangangailangan sa oras na iyon? Isulat sa kaliwang bilog ang ginawa mong pagtugon sa kanilang pangangailangan. Kung mangyayari itong muli, ano naman ang gagawin mo? Isulat naman ito sa kanang bilog. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Isapuso Natin
  • 110. DRAFT April 10, 2014 110 Tandaan Natin Lahat ng bata ay may iba’t ibang kalalagyan sa buhay. Mayroong mayaman at mayroon din namang mahirap. Mayroong nangangailangan ng tulong at mayroon din namang may kakayahang magbahagi. Hindi tama na husgahan o pakitaan ng masama ang ating kapuwa kung iba ang kalalagayan nila sa buhay. Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi natin maiiwasang makasalamuha ang iba’t ibang uri ng bata kung kaya’t nararapat na alam natin kung paano sila igalang, irespeto, at pakitunguhan nang tama. Marapat na isaalang-alang natin ang kalagayan ng ating kapwa bata. Pakitunguhan natin sila nang maayos at ibigay ang nararapat na tulong para sa kanila. Ayon nga sa ating Panginoon, tandaan natin, ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa kung ikaw ay may kakayahang ito ay magawa, gawin mo ito nang mahusay at tama. Paano mo ipapakita ang pagsasaalang-alang sa katayuan/ kalagayan ng kapwa bata? Isulat ang dapat gawin sa bawat sitwasyon. Mga Sitwasyon Dapat Gawin 1. May batas na nagbabawal sa Isabuhay Natin
  • 111. DRAFT April 10, 2014 111 pamamalimos. Nang pumunta ka sa palengke, may nakita kang batang namamalimos. 2. Nakita mo ang isang batang nanghihina sa gutom. 3. May batang kumakatok sa bintana ng inyong sasakyan at halos kasing- edad mo lamang. Nag- aalok siya ng sampaguita sa iyong ama. 4. Nakita mo ang isang batang nakatingin sa iyo habang kumakain kayo sa restawran. 5. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punit ang kasuotan. Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagsasaaalang-alang sa katayuan o kalagayan ng iyong kapuwa bata at malungkot na mukha naman kung hindi. 1. Binibigyan ng pagkain ang batang nagugutom. Subukin Natin
  • 112. DRAFT April 10, 2014 112 2. Pinasasaya ang bata sa lansangan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga pangangailangan tuwing may okasyon. 3. Sinasarili ang panonood ng telebisyon sa bahay upang inggitin ang mga kalaro. 4. Hinahatian ng baon ang isang kalaro na walang makain at nagugutom. 5. Sumasali sa mga outreach program ng barangay, nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga batang nasa malalayong lugar. Binabati kita! Kahanga-hanga ka dahil matiyaga mong natapos ang araling ito. Nawa’y maging handa ka sa susunod na aralin para patuloy mong maisaalang-alang ang katayuan at kalagayan ng kapuwa mo bata.
  • 113. DRAFT April 10, 2014 113 Aralin 7 Magkaiba Man Tayo Hindi natin maiiwasan na may mga kapuwa bata tayong makakasama o makakasalamuha na kabilang sa mga pangkat-etniko. Paano natin isasaalang-alang ito? Basahin ang kuwento: Ang Matulunging Bata Sa loob ng silid-aralan, tahimik na gumagawa ang mga bata ng kanilang pagsasanay sa Filipino. Napansin ni Lita si Lawaan, ang bago nilang kaklaseng Aeta na hindi mapakali sa upuan. Wala siyang lapis at papel na gagamitin. Alamin Natin
  • 114. DRAFT April 10, 2014 114 Dali-daling kinuha ni Lita ang iba pa niyang lapis at papel sa kaniyang bag at ibinigay kay Lawaan. Laking gulat at pasasalamat ng bata kay Lita. Masaya niyang tinanggap ang tulong ni Lita at sila ay naging mabuting magkaibigan. Pag-usapan natin. 1. Ano ang kaibahan ni Lawaan kay Lita? 2. Bakit hindi mapakali si Lawaan sa kaniyang upuan? 3. Paano ipinakita ni Lita ang pagmamalasakit sa bago niyang kaklase? 4. Kung sa iyo ito nangyari, ano ang gagawin mo? Bakit? 5. Nakaranas ka na ba ng pangyayari na katulad ng kay Lita? Ano ang iyong ginawa?
  • 115. DRAFT April 10, 2014 115 Gawain 1 Kilala ba ninyo sila? Hanapin ang mga pangkat etniko na nakasulat sa loob ng word hunt. B E M T Y D G M I C I T A I L U C A B E S A S B T H R N A B A U T A G A L O G U Y S M L O K L B O A A U M O R O T O B N R G K Y E H A D O O B I K O L A N O T Y Gawain 2 1. Gumuhit ng puno sa isang papel. Lagyan ito ng mga bungang puso. Pumili ng isang pangkat-etniko na nakasama mo na o gusto mong makasama. Isulat ito sa katawan ng puno na iyong ginawa. Sa mga bunga Isagawa Natin
  • 116. DRAFT April 10, 2014 116 ng puno, isulat naman ang nais mong ibahagi sa kanila upang maipakita ang pagsasaalang-alang sa kanila. A. Sabihin kung nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa pangkat-etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata ang mga sitwasyon. Ipaliwanag ang iyong sagot. 1. Isapuso Natin Pinapahiram ni Ben sa kaklaseng Ita ang lapis at pambura niya.
  • 117. DRAFT April 10, 2014 117 2. 3. B. Gumawa ng isang liham pangkaibigan para sa isang batang kabilang sa isang pangkat etniko na kaiba sa inyo. Ipakita sa liham kung paano mo isinasaalang- alang ang kaniyang kaibahan sa inyo. Tandaan natin Lahat ng tao ay pantay-pantay anuman ang pangkat- etnikong ating kinabibilangan. Kung kaya dapat nating isaalang-alang ito sa pakikitungo sa ating kapuwa bata. Nasasaad sa Deklarasyon ng United Nations sa Karapatan ng mga Katutubo na ang mga katutubo ay kapantay ng lahat ng tao, bagama’t kinikilala ang karapatan na pagkakaiba ng lahat ng tao, pagsasaalang- alang sa pagkakaiba, at paggalang sa kakanyahan. Magkakaiba man tayo ng pangkat-etnikong kinabibilangan, lahat tayo ay nakapag-ambag sa kasaysayan at kultura ng ating bayan. May iba-iba man tayong paniniwala, panuntunan, kinagawian, relihiyon, at kultura, tayo ay iisa pa rin. Matagal nang panahon na hindi pantay ang pagtrato natin sa iba nating kapwa bata. Panahon na para baguhin natin ito. Ating isaalang-alang ang kinabibilangan nilang pangkat-etniko. Magkaiba man tayo, dapat natin silang Ibinahagi ni Mariel ang ilan sa mga paborito niyang laruan at sapatos sa mga batang Tausug. Masayang sumasama sina Jerome at Miguel sa mga proyekto at gawain ng paaralan para makapaglibang at makarating sa ibang lugar.
  • 118. DRAFT April 10, 2014 118 pakitunguhan nang maayos at tulungan kung kinakailangan. Sa tulong ng inyong gurong tagapayo, magsagawa ng isang outreach program para makatulong sa mga pangkat etniko. Maaaring ito ay: a. Paghahanap ng batang mula sa isang pangkat- etniko na malapit sa inyong paaralan para bigyan sila ng mga gamit, pagkain, at simpleng pangangailangan. b. Paghahanap sa inyong paaralan ng mag-aaral na maaaring kabilang sa isang pangkat-etniko. Anyayahan ang kanilang pamilya na bisitahin ang inyong paaralan at bigyan sila ng natatanging palatuntunan. Isabay na rin dito ang pagbibigay ng mga simpleng regalo na magagamit nila sa kanilang tahanan. c.Pagsusulat ng isang artikulo na mailalathala sa pahayagan ng inyong paaralan hinggil sa kahalagahan ng kultura ng mga pangkat-etniko. Isabuhay Natin
  • 119. DRAFT April 10, 2014 119 Sa gitnang bilog, iguhit o isulat ang isang pangkat- etniko. Sa maliliit na bilog na nakapalibot, iguhit o isulat naman ang mga paraan kung paano mo mapapahalagahan ang pangkat-etnikong kinabibilangan niya. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Subukin Natin
  • 120. DRAFT April 10, 2014 120 Aralin 8 Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa! Naipapakita nang may kasiyahan ang pakikibagay at pakikiisa sa mga gawaing pambata tulad ng paglalaro, pagsali sa programa sa paaralan, at paligsahan. A. Gumawa ng balak tungkol sa pagsasagawa ng isang maikling palatuntunan. Ito ay lalahukan ng mga bata bilang pagdiriwang sa Children’s Month Celebration. B. Itala ang mga programa, palatuntunan, paligsahan at pagdiriwang na isinasagawa sa inyong paaralan sa tsart katulad ng nasa ibaba. Lagyan ng tsek ang ikalawang kolum kung nilahukan mo ito at ekis naman kung hindi. Sa ikatlong kolum, iguhit ang iyong naramdaman ng isagawa ito. Masayang mukha kung nasiyahan ka at malungkot na mukha naman kung hindi. Sa huling kolum, isulat kung bakit ito ang iyong naramdaman. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Halimbawa: Programa/ Palatuntunan/ Paligsahan Pakikilahok Naramdaman Bakit? Nutrition Month Parade  Ako ang “A-1 Child” Alamin Natin
  • 121. DRAFT April 10, 2014 121 Pangkatin ang inyong klase sa lima. Bawat pangkat ay magpapakita ng palabas kung paano isinasagawa ang sumusunod na programa/ palatuntunan/paligsahan sa paaralan. Magsagawa ng pagpaplano sa loob ng 10 minuto at ipakita ito sa loob ng tatlong minuto. Pangkat 1– Buwan ng Wika (sa paraang Balagtasan) Pangkat 2 – Quiz Bee (sa paraang rap) Pangkat 3 – Scouting Month (sa paraang chant) Pangkat 4 – Paligsahan sa Pag-awit Pangkat 5 – Paglalaro Gamitin ang pamantayan sa ibaba upang maipakita nang maayos ang gagawin ninyong palabas. Pamantayan Kasiyahang ipinakita sa gawain Lahat ng kasapi ng pangkat ay nagpakita ng kasiyahan sa pakikilahok sa gawain Isa o dalawang kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kasiyahan sa pakikilahok sa gawain Tatlo o mahigit pang kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng kasiyahan sa pakikilahok sa gawain Pakikiisa Lahat ng kasapi ng pangkat ay nakiisa sa gawain Isa o dalawang kasapi ng pangkat ay hindi nakiisa sa gawain Tatlo o mahigit pang kasapi ng pangkat ay hindi nakiisa sa gawain Isagawa Natin
  • 122. DRAFT April 10, 2014 122 Maging mapanuri sa panonood ng palabas ng bawat pangkat sapagkat bawat isa ang magiging hurado. Bawat isa ay may show me board na itataas kung saan nakalagay ang bilang ng bituin. Gawain 1 Isulat ang iyong nadarama kung kasali ka sa sumusunod na larawan. Ibahagi kung bakit. 1. _____________________ ako dahil_______________________ _____________________________________________________ Isapuso Natin
  • 123. DRAFT April 10, 2014 123 2. _____________________ ako dahil_______________________ ______________________________________________________ 3. ________________________ako dahil____________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________
  • 124. DRAFT April 10, 2014 124 Gawain 2 Piliin sa kahon ang mga gawain sa paaralan na nadarama mo ang kasiyahan kung ikaw ay nakikiisa at lagyan ng arrow patungo sa masayang mukha . Kung hindi ka naman nasisiyahan, lagyan ng arrow patungo sa malungkot na mukha . Kung nasa malungkot na mukha, gumuhit ka ng isang malaking puso. Ilagay sa loob ng puso ang iyong gagawin upang makiisa ka sa mga gawain nang may kasiyahan. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
  • 125. DRAFT April 10, 2014 125 Tandaan Natin Marami sa mga gawaing pampaaralan ang nangangailangan ng pakikiisa ng mga bata upang maging matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga paglalaro, paligsahan, pagdiriwang, at iba pa. Sa pakikiisa natin sa mga gawaing pampaaralan nararapat nating gawin ito nang may kasiyahan. Makiisa tayo nang bukal sa kalooban at hindi napipilitan lang. Ang pagpapakita ng tunay na nararamdaman ay nangangahulugang tapat ka sa iyong sarili gayundin sa iyong kapuwa. May mga pagkakataong hindi mo nagugustuhan ang kinalalabasan ng mga pangyayari kabilang dito ang pagkatalo sa paligsahan, pagkakamali sa pagsasayaw, at iba pa. Hindi tayo dapat malungkot dito sa halip ay ipakita natin ang kasiyahan para sa kanila gayundin para sa ating sarili sapagkat naipakita natin na kaya natin ang mga gawaing ito. Alalahanin ang mga gawaing pampaaralan na sinalihan mo noong nakaraang isang linggo. Pumili ng lima at isulat ito sa isang diary. Ilahad kung ano ang ginawa mo sa kaliwang pahina at sa kanan naman ay ilagay mo ang Isabuhay Natin
  • 126. DRAFT April 10, 2014 126 aral na iyong natutunan sa gawain. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Sa isang sulatang papel, ipakita kung paano ka nakikiisa sa mga gawaing pambata nang may kasiyahan. Maaari itong ipakita sa pamamagitan ng pagsulat, pagpinta, o anumang paraang nais mo. Subukin Natin
  • 127. DRAFT April 10, 2014 127 Aralin 9 Halina! Tayo ay Magkaisa Ang pakikiisa sa kasayahan ay nagpapakita ng magandang kaugalian. Tulad mo, nais mo ding ipakita ang mga ngiti at maipadama ang pagiging maligaya sa kapuwa. Ito ay halimbawa ng positibong pag-uugali. Basahin ang kuwento. Ang Kaarawan ni Luis Araw ng Sabado, maagang gumising si Luis sapagkat ito ang kaniyang ikawalong taong kaarawan. Agad niyang inihanda ang kaniyang sarili para sa pagsimba. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Rosa na pumunta sa simbahan upang magpasalamat sa biyaya ng buhay na kaloob ng Poong Lumikha. Agad silang umuwi ng bahay. Tinulungan nila ang kanilang ina sa paghahanda ng mga pagkaing ihahain sa kaniyang kaklase sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Hindi nagtagal ay unti-unti nang dumating ang mga bisita ni Luis sa kanilang bahay. Nang makita ng kaniyang panganay na kapatid na si Rizza na halos lahat ng mga bisita ay dumating na ay pinasimulan na ang palatuntunan. Bilang pasimula nagdasal muna sila sa Diyos para magpasalamat at pagkatapos ay sabay-sabay na umawit ang lahat ng Happy Birthday. Alamin Natin
  • 128. DRAFT April 10, 2014 128 Masayang-masaya si Luis sapagkat nakiisa ang kaniyang mga kaklase, kaibigan, at kalaro sa bawat isinagawang palaro tulad ng balloon relay, egg catching, paper dance, at stop dance. Ngunit ang pinakamasaya at hindi makakalimutang palaro na bring me sapagkat nanalo ang grupo ni Luis sa palarong ito. Ang bawat kasapi ng pangkat ay nakiisa at nagtulungan sa pagdadala ng mga hinihinging bagay. Nang napagod na at makaramdam na rin ng gutom, ay isinagawa na ang konting salo-salo sa kaniyang kaarawan. Umuwi nang may ngiti sa mga labi ang dumalo sa kaarawan. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1.Ano ang okasyon at maagang gumising si Luis? 2.Bakit masaya si Luis sa kaniyang kaarawan? 3.Saan pumunta sina Luis at Rizza? Bakit? 4.Dapat ba tayong magpasalamat sa Poong Maykapal sa kaloob na biyaya ng buhay? Bakit?
  • 129. DRAFT April 10, 2014 129 5.Sa inyong palagay, ano ang sekreto o dahilan at nanalo ang grupo ni Luis sa palaro? Gawain 1 Suriin ang sumusunod na scrambled letters. 1. 2. 3. 4. 5. 6. Ang mabubuong salita ay tungkol sa pagdiriwang ng pista. Maaaring ito ay pagkain, laro, at iba pang makikitang may kaugnayan sa pista. Isulat ang nabuong salita sa Isagawa Natin a d n a b s e b o p a l a i n k a p a g s i s p r u y o n s a m i y a b a n g i n
  • 130. DRAFT April 10, 2014 130 bawat piraso ng banderitas. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Gawain 2 Mula sa inyong guro, ang bawat pangkat ay bubunot o makatatanggap ng isang sitwasyon na nakasulat sa kapirasong papel o metacards. Pag-usapan ang inyong gagawin. Pangkat 1 Habang naglalaro kayo sa iyong bakuran ng iyong mga kaibigan ng taguan, nakita mo na tahimik lang na nanonood sa labas si Margo. Napagkasunduan ninyo siyang yayaing makipaglaro sa inyo. Gumawa ng usapan o forum tungkol sa sitwasyon para maipakita ang pagkakaisa sa napagkasunduan. Pangkat 2
  • 131. DRAFT April 10, 2014 131 Hinding-hindi ninyo makalilimutan ang ganda ng isang pasyalan o parke sa inyong lugar. Ano ang dapat ninyong gawin para mapanatili ang kalinisan, kagandahan, at kaligtasan sa panganib? Gumawa ng poster para maipakita ang pagkakaisa sa gawain. Pangkat 3 Magkakaroon ng paligsahan ng Munting Ginoo at Binibini sa inyong lugar o barangay sa susunod na buwan. Gumawa ng anunsyo para maipakita ang pagsuporta sa paligsahan. Pangkat 4 Magkakaroon ng Summer Basketball League sa inyong barangay sa susunod na buwan. Bumuo ng isang masiglang sayaw o “cheer dance” para maipakita ang pakikiisa sa gawaing ito. May nakalaang 10 minuto para sa paghahanda sa nabunot na sitwasyon o gawain. Ipakikita ng bawat pangkat ang inihandang gawain sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto lamang. Gagamitin ang rubric sa pagtataya ng palabas. Mga Pamantayan 3 2 1 Husay ng Pagkaganap Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng husay sa pagganap 1-2 kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagganap
  • 132. DRAFT April 10, 2014 132 Akma/ Tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa sitwasyon Naipakita nang maayos ngunit may pag- aalinlangan ang tamang saloobin sa sitwasyon Hindi naipakita ang tamang saloobin sa sitwasyon Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa bata at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Pagtulong sa mga gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito. 2. Pagsali ng bukal sa kalooban sa mga paligsahan sa barangay. 3. Ipinagyayabang ang natatanging kakayahan sa kaibigan. 4. Palakaibigan sa mga bagong lipat na kapitbahay. 5. Pamimintas sa mga palabas sa palatuntunan sa pamayanan. 6. Pagtulong sa mga kaklase sa paggawa ng takdang- aralin. 7. Pagkukulong sa loob ng bahay dahil sa mga kalarong batang madungis. Isapuso Natin
  • 133. DRAFT April 10, 2014 133 8. Pakikipag-away sa mga kalaro kapag siya ay natalo sa laro. 9. Pagbabahagi ng mga natutuhang aralin o leksyon sa lumiban na kamag-aral. 10. Kusang-loob na nakikiisa sa pagtatanim ng mga halaman sa paaralan o barangay. Tandaan Natin Ang kabutihan ay kagandahan ng kalooban. Ang kagandahang-loob ay katangiang dapat na ibang tao ang nagsasabi at hindi ang sarili. Upang masabi nila ito, nakikita nila ito sa kilos at pag-uugali ng tao. Ang kagandahang-loob ay isang konseptong may kinalaman sa katauhang angkin ng isang tao. Ito rin ang susi kung ano ang uri ng pakikipagkapwa ang maipapamalas ng tao. Ang bawat bata ay may kani-kaniyang katauhan at katangian. Lubos na kasiya-siya kung maipakikita nang taos- puso ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa ating kapwa sa pamayanan at hindi naghihintay ng anumang kapalit.
  • 134. DRAFT April 10, 2014 134 Lagyan ng tsek () ang kolum ng inyong sagot. Isulat ito sa kuwaderno. Mga Sitwasyon Opo Minsan po Hindi po 1. Sumasali ka ba sa mga larong pambata nang may kasiyahan? 2. Sumasali ka ba sa paligsahan upang maipakita ang iyong natatanging kakayahan? 3. Nagtatago ka ba sa iyong Nanay kapag ikaw ay inuutusan sa mga gawaing bahay? 4. Inanyayahan mo ba ang kapuwa mo bata sa inyong lugar sa paglalaro? 5. Ipinagyayabang mo ba ang iyong natatanging kakayahan sa inyong mga kalaro, kaibigan, o kapitbahay? Isabuhay Natin
  • 135. DRAFT April 10, 2014 135 Iguhit ang bituin ( ) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang pakikiisa sa kapuwa sa mga programang pambata. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Niyaya ni Jessa ang bagong lipat na kapitbahay na galing sa Batanes sa paglalaro ng patintero. 2. Kalilipat lang ng pamilya nila Noel sa Manila. Dahil dito nahihirapan siyang makipag-usap sa mga bagong kaibigan kaya hindi siya isinama sa paglalaro. 3. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak na sayaw sa kanilang barangay. 4. Ikinagalit ng lider ng pangkat ang pagsali ni Baron sa kanilang pagsayaw dahil sa kaniyang suot na lumang damit. 5. Dumadalo ako sa pag-eensayo ng aming grupo para sa darating na Summer Basketball League. Natapos mo na naman ang isang aralin. Hinangaan kita sa iyong pagtiTiyaga. Pinatunayan mong isa kang batang may mabuting kalooban. Maligayang bati! Subukin Natin
  • 136. DRAFT April 10, 2014 136 Yunit III Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo
  • 137. DRAFT April 10, 2014 137 Aralin 1 Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin Kaakibat sa pag-unlad ng bayan ang pagbabago. Dapat mong panatilihin, mahalin, at ipagmalaki ang iyong mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino sa kabila ng mga pagbabagong nagaganap sa lipunan at daigdig. Gumupit o gumuhit ng bituin. Masdan ang mga kahong nasa ibaba. Bawat kahon ay may mga aksyon na maaari mong ginagawa o sinasalita. Lagyan ng bituin ang kahon kung ito ay iyong ginagawa o sinasalita. 1 “Maaari po bang magtanong?” 2 “Magandang gabi po, G. ____.” 4 5 “Ate, aalis na po ako.” Nagmamano sa mga nakatatanda. nakatatanda 3 Gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap. Alamin Natin
  • 138. DRAFT April 10, 2014 138 Tulungan mo ang iyong guro na bilangin kung ilang bituin ang inilagay ng inyong klase sa bawat kahon. Sumali sa talakayan sa pagsagot sa sumusunod na tanong.  Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na nasa kahon?  Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?  Sa iyong palagay, nararapat ba ninyo itong gamitin? Bakit? Sa limang pangkat na nabuo ng inyong klase, bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon upang pag-usapan kung paano maipakikita ang magandang kaugaliang Pilipino. Pagkatapos itong pag-usapan, isadula ito sa klase. Gamitin ang pamantayan na nasa ibaba. Sitwasyon 1 Isang gabi, dumating sa inyong bahay ang mga kaibigan ng inyong Nanay na sina Aling Cora, Aling Belen, at Aling Mila. Kilala ninyo sila, subalit kayo pa lang magkakapatid ang naroon. Hindi pa dumarating mula sa trabaho ang inyong Nanay at Tatay. Ano ang inyong dapat gawin? Sitwasyon 2 Isinama kayo ng inyong Tatay sa isang piyesta sa kalapit baranggay. Marami kayong gustong malaman tungkol sa pagdiriwang na ito. Ano ang gagawin ninyo at papaano ninyo ito sasabihin? Isagawa Natin
  • 139. DRAFT April 10, 2014 139 Sitwasyon 3 Sabado ng hapon. Naglalaro kayong magkakaibigan. Dumaan ang inyong guro sa inyong harapan. Ano ang dapat ninyong gawin? Sitwasyon 4 May hinahanap na lugar ang isang matandang babae. Nagtanong siya sa inyo. Ano ang inyong sasabihin at gagawin? Sitwasyon 5 Nagkaroon ng family reunion ang inyong pamilya. Dumating ang inyong mga Tiyo at Tiya. Ano ang inyong gagawin? Pamantayan 3 2 1 1. Pagpapakita o pagpapahayag ng mga kaugaliang Pilipino Naipakita o naipahayag nang tama ang kaugaliang Pilipino Isang beses na hindi naipakita o naipahayag nang tama ang kaugaliang Pilipino Dalawang beses o higit pa na hindi naipakita o naipahayag nang tama ang kaugaliang Pilipino 2. Pakikilahok ng mga kasapi ng bawat grupo Lahat ng kasapi ng grupo ay nakilahok Isa sa mga kasapi ng grupo ang hindi nakilahok Dalawa o higit pang kasapi ng grupo ang hindi nakilahok
  • 140. DRAFT April 10, 2014 140 Isulat sa metacards kung saan at kanino mo ginagawa o sinasalita ang sumusunod na kaugaliang Pilipino. Ilagay sa tsart ang inyong mga kasagutan. Halimbawa: pagmamano, pagsasabi ng po at opo, at iba pang magagalang na salita Isapuso Natin Kaugaliang Pilipino Hal. 1. Pagmamano Saan/kailan kanino a. tuwing aalis at darating ng bahay a. magulang b. Lola at Lolo
  • 141. DRAFT April 10, 2014 141 Tandaan Natin Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating mahalin at panatilihin ay ang pagmamano, paggamit ng “po” at “opo”, at paggamit ng iba pang magagalang na salita. Ang paggamit ng “po” at “opo” at iba pang magagalang na pananalita tulad ng pagtawag ng ate, kuya, diko, ditse, manong, manang at iba pa sa ating mga nakatatandang kapatid ay likas din sa ating mga Pilipino. Wala itong katumbas na salita sa ibang wika. May mga bayan sa ating bansa na hindi gumagamit ng mga salitang ito ngunit hindi ibig sabihin ay hindi sila magalang. Mahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang sa kapuwa. Bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay. Iba’t iba ang paraan ng pagpapakita ng paggalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Ang pagmamano ay isang pagpapakita ng paggalang na tanging sa mga Pilipino lamang natin makikita. Dapat natin itong panatilihin at huwag iwaksi sa ating buhay. Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino gaya ng mga nabanggit ay sadyang napakasarap pakinggan at nagpapakita ng respeto sa bawat isa.
  • 142. DRAFT April 10, 2014 142 Gawain 1 Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng magagandang pag-uugali. Alin sa mga ito ang kaugaliang Pilipino? Bakit? C D A B Isabuhay Natin
  • 143. DRAFT April 10, 2014 143 Gawain 2 Magkaroon ng isang telesuri. Suriin ang isang programa sa telebisyon sa loob ng isang buwan. Itala ang mga kaugaliang Pilipino na ipinakita sa programa. Isang Telesuri sa Programang ______________________ Petsa Kaugaliang Pilipino Paraan ng pagpapakita nito Tama ba ang Paraan Kung hindi, paano ito dapat ipakita Pagkaraan ng isang buwan, sumulat ang buong klase ng isang pagsusuri batay sa inyong itinala sa tele-suri. Ipadala ito sa estasyon ng telebisyon o radyo gamit ang e-mail. E F
  • 144. DRAFT April 10, 2014 144 Magpasalamat sa istasyon ng radyo at telebisyon kung ito ay mabibigyan ng pansin ng mga kinauukulan. Kung hindi naman ay ituring ito na isang magandang karanasan. Isulat sa sagutang papel kung tama o mali ang ipinakita sa bawat sitwasyon. 1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano. 2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong Nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano ka at siya ay iyong pinatuloy. 3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang pintuan, at sinabing “Magandang tanghali po Lolo. Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.” 4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan, ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan nang pasigaw na parang galit. 5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil mag- aaral pa siya ng kaniyang mga aralin. Mahusay! Matagumpay mong natapos ang araling ito. Maaari mo nang gawin ang susunod na aralin. Subukin Natin
  • 145. DRAFT April 10, 2014 145 Aralin 2 Kalugod-lugod Ang Pagsunod Sa araw-araw mong pamumuhay, ang mga tagubilin ng mga nakatatanda ay isa sa mga dapat na isaalang- alang upang maging maayos ang iyong buhay. Ang mga tagubilin na ito ay may kaugnayan sa pagiging magalang, matapat, pagkamaagap, at iba pa. Alamin Natin Natatandaan mo ba ang mga paalala ng mga nakatatanda? Isulat mo ito sa isang papel at idikit sa caterpillar na iyong iguguhit sa kuwaderno. Idikit mo sa kurbang malapit sa ulo ang pinakamadalas mong sinusunod at sa may buntot naman ang minsan mo namang sinusunod. Ano ang dapat mong gawin sa mga tagubilin ng nakatatanda? Bakit?
  • 146. DRAFT April 10, 2014 146 Isagawa Natin Ang bawat pangkat na nabuo sa klase ay bibigyan ng mga sitwasyon na may mga tagubilin ng nakatatanda. Magtulungan kayong magdesisyon kung dapat bang sundin ang kanilang mga tagubilin. Isulat ito sa loob ng tsart katulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Suliranin Tagubilin Mga Pamimiliang Desisyon Opsyon 1 ______________________ ______________________ ______________________ Opsyon 2 ______________________ ______________________ ______________________ Mabuting Epekto Hindi mabuting epekto Mabuting Epekto Hindi mabuting epekto 1. 2. 3. 1. 2. 3. Desisyon: Sitwasyon 1 Tagubilin ng iyong mga magulang na huwag sasali sa usapan ng matatanda. Isang araw, nag-uusap ang Nanay mo at ang kaniyang kaibigan. Narinig mong pinag-uusapan ang isang pangyayari sa inyong paaralan na iyong nasaksihan. Subalit may maling impormasyon silang nabanggit. Ano ang dapat mong
  • 147. DRAFT April 10, 2014 147 gawin? Sitwasyon 2 Ang sabi ng iyong ina, kailangang umuwi agad sa bahay pagkagaling sa paaralan. Nang araw na iyon, may mahalagang proyekto kayong gagawin at kailangang matapos ito. Ano ang dapat mong gawin? Sitwasyon 3 Ang bilin sa iyo ng mga nakatatanda ay magpasalamat sa mga biyayang ibinibigay sa iyo. Isang araw, gustong-gusto mong magkaroon ng magandang manika. Dumating ang iyong Tiyo na may dalang pasalubong para sa inyong magkapatid. Binigyan ka ng magandang bag at ang kapatid mo naman ay binigyan ng isang magandang manika na gustong-gusto mo. Ano ang dapat mong gawin? Isapuso Natin Gawain 1 Magbalik-tanaw. Mag-isip ng isang tagubilin ng nakatatanda na hindi mo nasunod. Gumawa ng isang card na nagsasaad ng pagsuway mo noon sa isang tagubilin, ang naging epekto nito sa iyo at kung ano ang gagawin mo mula ngayon. Ibigay ito sa taong nagbigay sa iyo ng tagubilin. Gawain 2 Magtanong sa inyong mga magulang at mga kasambahay na nakatatanda kung ano-ano ang kanilang mga tagubilin. Igawa ito ng talaan. Dalhin at iulat ito sa klase kinabukasan.
  • 148. DRAFT April 10, 2014 148 Tandaan Natin: Ang mabuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin o paalaala ng mga nakatatanda ay hindi natin dapat kalimutan. Atin itong isabuhay at pahalagahan. Isa sa maipagmamalaki natin bilang Pilipino ay ang pagiging masunurin. Iminulat tayo sa kaisipang dapat nating sundin ang mga tagubilin o paalala ng mga nakatatanda sa atin sapagkat sila ay may higit na karanasan sa atin na nagsisilbing karagdagan sa kanilang kaalaman. Ang mga pangyayaring nararanasan natin ay maaari na nilang napagdaanan kung kaya’t mayroon na silang sapat na kaalaman sa kung ano ang higit na tamang desisyon. Ang pagsunod natin sa kanila ay tanda ng paggalang sa mga nakatatanda. Subalit may mga pagkakataong labag sa atin ang pagsunod o ayaw nating sundin ang kanilang utos. Ngunit hindi tayo dapat magdabog sa halip sabihin natin ang tamang dahilan nang maayos. Dapat nating matutuhang timbangin ang mga tagubiling ibinibigay sa atin. Lagi nating isaisip na ang magiging desisyon natin ay magdudulot ng kabutihan sa lahat.
  • 149. DRAFT April 10, 2014 149 Isabuhay Natin Gamit ang talaan ng mga tagubilin na ibinigay ng mga nakatatanda, suriin kung tama ang kanilang mga tagubilin. Gumawa ng talaan tulad ng nasa ibaba. Kulayan ng pula ang tapat ng tagubilin kung ito ay nasunod mo. Obserbahan ang iyong sarili sa loob ng isang buwan. Sa isang araw na may nagawa kang pagsunod, palagyan ito ng lagda sa ilalim ng talaan bawat araw. Talaan ng mga Tamang Tagubilin ng mga Nakatatanda Buwan ng _______________________ Mga Tagubilin/ Bilang ng araw 1 2 3 4 5 6 7 Lagda ng Magulang/Guardian
  • 150. DRAFT April 10, 2014 150 Subukin Natin Punan ang graphic organizer. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. Naisagawa mo nang maayos ang mga gawain sa araling ito. Binabati kita. Maaari mo nang gawin ang susunod na aralin. Ang bilin ng mga magulang ko ay ________________________ ________________________. Kaya dapat ko itong _____________________ dahil _______________ ____________________ Upang ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________
  • 151. DRAFT April 10, 2014 151 Aralin 3 Sumunod Tayo sa Tuntunin Bilang bahagi ng lipunan, may mga tuntunin ang pamayanan na dapat mong sinusunod. Ito ay tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Sa dalawang pangkat na nabuo ng klase, hulaan kung anong tuntunin ng pamayanan ang ipinakikita ng isang pangkat sa paraang pantomina. Ang makapagsasabi ng mensahe nang ipinakitang pantomina ang siyang magkakaroon ng puntos.  Ano-ano ang mga tuntunin ng pamayanan na pinahulaan sa inyong gawain?  Tama ba ang pagkaganap ng mga nagpapahula sa pagsunod sa tuntunin ng pamayanan?  Ano ang iyong naramdaman sa gawaing ito? Alamin Natin
  • 152. DRAFT April 10, 2014 152  Paano mo maipahahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino? Isagawa Natin A. Ang paaralan ay isang uri ng munting pamayanan na binubuo ng mga guro at mag-aaral. May mga tuntuning pinaiiral sa loob ng paaralan at inaasahan na ang bawat kasapi nito ay susunod. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng pagbabalita ukol sa sumusunod na tuntunin na mayroon sa paaralan. Ito ay gagawin ng bawat pangkat matapos makapangalap ng sapat na impormasyon at mga larawan na nagsisilbing patunay ng inyong ulat. A. Tuntunin ng pamayanan Pangkat 1 – sa main gate ng paaralan Pangkat 2 – sa silid-aklatan Pangkat 3 – sa silid-aralan Pangkat 4 – sa kantina Pangkat 5 – sa palikuran B. Paano sinusunod ang tuntunin sa bawat bahagi ng inyong paaralan? Maaari kayong magpakita ng mga larawan o isinagawang panayam/interbyu bilang patunay na sinusunod ang tuntunin. C. Ano ang hakbang/programa na ginagawa ng inyong paaralan upang masunod ang mga tuntunin nito? D. Ano ang magagawa ninyo bilang mag-aaral upang masunod ang mga tuntunin?
  • 153. DRAFT April 10, 2014 153 Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarka ng pangkatang gawain. Pamantayan Deskripsyon Puntos Nilalaman ng ulat Naipahayag nang lubos ang ulat hinggil sa tuntunin ng paaralan; kung paano ito sinusunod, mga programang ginagawa at kung ano ang magagawa bilang bata 10 Lawak ng impormasyong nakalap May sapat na impormasyong nakalap ng pangkat 5 Patunay sa impormasyong nakalap Nakapagpakita ng mga patunay sa impormasyong nakalap 5 Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang mga tuntunin na ipinakita ng bawat pangkat? 2. Ano ang naramdaman mo nang isinasagawa na ninyo ang gawain? 3. Ano ang tumimo sa iyong puso habang isinasagawa ang gawain? Bakit? Isapuso Natin Pumili ng isang tuntunin ng paaralan na hindi mo madalas sinusunod. Sumulat sa isang sagutang papel ng
  • 154. DRAFT April 10, 2014 154 isang pangako na tumutukoy sa iyong mga gagawin upang makasunod sa tuntuning ito. Isulat ito sa inyong kuwaderno. Tandaan Natin Kahit tayo ay bata pa lang, may magagawa tayong paraan upang makapagpahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag- uugali ng isang Pilipino. Ang paaralan ay isang pamayanang kinabibilangan natin. Dito natin madalas ginugugol ang ating oras sa maghapon. Dito rin tayo tinuturuan ng tamang pagsunod sa mga tuntunin ng ating pamayanan. Sa ating paaralan at tahanan, may mga tuntuning ipinasusunod sa atin. Ang mga ito ay pinag-isipang mabuti ng mga nanunungkulan at namamahala ng ating mga Sa aking mga kapwa mag- aaral, Ako ay nangangako na ______________________________________ ______________________________________ ____________________________. ___________ (Lagda)
  • 155. DRAFT April 10, 2014 155 paaralan upang maging maayos ang takbo ng ating paaralan at tahanan. Ito rin ang magsisilbing praktis natin upang masunod din natin nang maayos ang mga tuntuning ipatutupad naman ng ating bayan at bansa. Huwag nating balewalain ang mga simpleng tuntuning ito. Isabuhay Natin Punan ng kasagutan ang sumusunod na pick-up lines na naglalaman ng iyong ginagawang pagsunod sa mga tuntunin. Hal. Hangin ka ba? Bakit? Kasi, pag nasa simbahan wala kang kaingay-ingay. 1. Batas trapiko ka ba? Bakit? Kasi ______________________________________ 2. Hardinero ka ba? Bakit? Kasi ______________________________________ 3. Janitor ka ba? Bakit? Kasi ______________________________________
  • 156. DRAFT April 10, 2014 156 Subukin Natin Sagutan ang sumusunod na tanong sa inyong kuwaderno. Ano ang dapat mong gawin kung… 1. nakita mong hindi nakahanay ang iyong kaklase sa pagbili sa kantina? 2. ang iyong kaibigan ay gumagamit ng radyo sa loob ng silid-aklatan? 3. pinipitas ng isang mag-aaral ang bulaklak sa hardin ng paaralan? 4. nagtapon ng tissue paper ang iyong kapatid sa toilet bowl ng palikuran? 5. umaakyat ang isang bata sa bakod ng paaaralan upang makapasok? Mahusay ang iyong ginawa. Lubos mo nang naunawaan ang aralin. Binabati kita. Maaari mo nang gawin ang susunod na aralin.
  • 157. DRAFT April 10, 2014 157 Aralin 4 Ugaling Pilipino ang Pagsunod Natatandaan mo pa ba ang mga tuntunin sa iyong pamayanan? sa paaralan? sa simbahan? sa parke at pamahalaan? Alamin Natin Naglalaman ng mga tuntunin sa ating pamayanan ang bola sa ibaba. Hanapin ang mga ito sa tulong ng picture clues. Gamit ang kulay na nakasaad sa ilalim ng bawat picture clues, kulayan ang mga salitang bubuo sa bawat
  • 158. DRAFT April 10, 2014 158 alituntunin. Nararapat na magkakarugtong ang mga salitang bubuuin. Gawin ito sa sagutang papel. Sagutin ang mga tanong.  Ano-ano ang mga tuntunin na nakita mo sa gawain?  Palagi mo bang naisasagawa ito?  Ano ang nararamdaman mo kung may nakita kang lumalabag sa mga tuntunin ng pamayanan? Bakit? A. Dilaw B. Kahel D. AsulC. Berde
  • 159. DRAFT April 10, 2014 159 Isagawa Natin Kung oobserbahan natin ang mga pangyayari sa ating paligid, may mga tao pa ring hindi nakasusunod sa mga tuntunin at patakaran sa ating pamayanan. Bilang bata, kaya mong makatulong sa pagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Advocacy Program Magplano ng isang advocacy program na magpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino lalo na ng batang tulad ninyo. Ipapakita ito ng bawat pangkat sa pamamagitan ng sumusunod na paraan. Pangkat 1: Paggawa ng tugma/tula Pangkat 2: Pag-awit Pangkat 3: Pagguhit/Poster-making Pangkat 4: Pagsasadula/Debate Pangkat 5: Pagsasayaw /Interpretative Dance Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarka ng inyong gawain. 3 2 1 Nilalaman ng pahayag Naipahayag nang lubos ang nais ipaabot tungkol sa pagsunod sa Hindi lubos na naipahayag ang tungkol sa pagsunod sa tuntunin Walang naipahayag na tungkol sa pagsunod sa tuntunin ng
  • 160. DRAFT April 10, 2014 160 tuntunin ng pamayanan ng pamayanan pamayanan Paraan ng pagpapahayag Naipakita nang maayos ang nais ipaalam sa nakikinig/ nanonood Hindi lubos na naipakita ang nais ipaalam sa nakikinig/ nanonood Hindi nakapagpa- kita ng nais ipaalam sa nakikinig/ nanonood Pakikiisa ng mga kasapi Lahat nang kasapi ng pangkat ay nakiisa Isa o dalawang kasapi ng pangkat ay hindi nakiisa Tatlo o higit pang kasapi ng pangkat ay hindi nakiisa Maganda at maayos ang ipinakita ng bawat pangkat. Ano ang naramdaman ninyo sa inyong ipinakitang palabas at gawain. Isapuso Natin Sumulat ng maikling talata na tumutukoy kung paano mo maipapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino. Tandaan Natin Layunin ng ating pamahalaan na maging maayos at maunlad ang ating bansa kung kaya gumawa sila ng tuntunin o alituntunin na dapat sundin. Nasasaad sa Philippine Agenda 21 Tipan ng Bayan Tungo sa Likas-Kayang Pag-unlad na ang tao ang siyang nararapat na nasa buod ng mga gawaing
  • 161. DRAFT April 10, 2014 161 pangkaunlaran. Dapat tayong manindigan sa ating karapatang pantao tungo sa isang ligtas, matahimik, at mapayapang pamumuhay. Bilang isang batang Pilipino, dapat nating isipin at ipahayag kung paano natin sinusunod ang mga tuntunin sa ating pamayanan. Malaki ang maitutulong natin sa pag-unlad ng ating bayan kung susunod tayo sa mga tuntunin. Sa pagsunod para sa mabuting layunin ay maipakikita natin ang mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Isabuhay Natin Ano ang dapat mong sabihin kung ikaw ang nasa larawan? Isulat ito sa iyong sagutang papel.
  • 163. DRAFT April 10, 2014 163 Subukin Natin Sumulat sa isang papel ng isang islogan na nagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino. Naisagawa mo nang maayos ang mga gawain sa araling ito. Lalo mo pang paigtingin ang iyong kaalaman sa susunod na gawain.
  • 164. DRAFT April 10, 2014 164 Aralin 5 Kalinisan, Nagsisimula sa Tahanan Ang pagpapanatili ng malinis na tahanan ay makakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat kasapi ng pamilya. Ang pakikiisa ay makatutulong nang lubos upang mapagaan ang gawain ng isa’t isa. Suriin ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong. 1. Alin sa dalawang larawan ang gusto mo? Bakit mo ito nagustuhan? 2. Nagpapakita ba ang napili mong larawan ng pakikiisa at pagiging malinis na tahanan? 3. Bilang miyembro ng pamilya, ano ang magagawa mo upang mapanatiling malinis ang inyong tahanan? Isa- isahin ang mga ito. 4. Ano ang iyong naramdaman kapag nakikita mong malinis o marumi ang inyong bahay? Pangatwiranan. Alamin Natin
  • 165. DRAFT April 10, 2014 165 Gawain 1 Gumuhit ng isang larawang nagpapakita na ikaw ay nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng inyong tahanan. Ipaliwanag sa klase ang iginuhit mo at lagyan ito ng pamagat. Gawain 2 1. Bumuo ng limang pangkat. Tingnan ang larawang nagpapakita ng bahagi ng bahay. Pumili ng parte ng bahay at isulat kung paano mapananatiling malinis ang mga bahaging ito. 2. Ipaliwanag sa harap ng klase ang inyong ginawa.Ano ang iyong naramdaman nang makita mong malinis at maayos ang inyong bahay? Isagawa Natin
  • 166. DRAFT April 10, 2014 166 Lagyan ng tsek () ang hanay na nagsasaad kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na gawain at isulat ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa. Mga Gawain Madalas Minsan Dahilan 1. Ako ay responsable sa gawaing bahay dahil pinapahalagahan ko ang magandang turo ng aking mga magulang. 2. Tumutulong ako sa aking pamilya sa paglilinis upang maging maayos ang aming tirahan at kaaya-ayang pagmasdan. 3. Nakikiisa ako sa paglilinis ng aming barangay para maiwasan ang mga sakit. 4. Ginagawa ko nang buong puso ang pagtulong sa aking mga magulang upang mapagaang ang kanilang trabaho. 5. Nakatutulong ako sa aming barangay sa Isapuso Natin
  • 167. DRAFT April 10, 2014 167 pagtatanggal ng nakaimbak na tubig sa gulong, lata, bote, at iba pa upang hindi mapamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue. Tandaan Natin Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kalinisan sa loob at labas ng tahanan ay nakasalalay sa ating pag-iisip at disiplina. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamilya sa pagpapanatili at pangangalaga sa kalusugan ng bawat kasapi nito. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga gawaing pangkalinisan at pangkalusugan sa tahanan. Sa pagiging malinis ng tahanan kasama nito ang pansariling kalinisan at kalusugan ng katawan, isipan, at damdamin ng bawat kasapi. Isa ring pinagtutulungan ang maayos na pangangasiwa sa kapaligiran kung saan bahagi nito ang simpleng halimbawa ng maayos at maingat na pagtatapon ng basura. Ang pagkakaroon ng disiplina ng lahat ng mag-anak para sa kalinisan ng tahanan ay malaki ang epekto sa buong pamayanan at papalawak sa iba pang pamayanan. Inaasahang maisasauhay ng bawat mag- anak nang may pagkakaisa para sa kabutihan ng lahat.
  • 168. DRAFT April 10, 2014 168 A. Gumawa ng talaan ng iyong gawain sa tahanan na nagpapakita ng iyong pakikiisa sa pagpapanatili sa kalinisan. Lagyan ng tsek ang bawat araw kung ito ay iyong nagawa. Maging tapat sa paglalagay ng marka. Tularan ang talaan sa ibaba. Sa talaang nagawa sa loob ng isang linggo ukol sa pagpapanatili ng kalinisan ng iyong tahanan, punan mo ang bawat pangungusap ng wastong salita na bubuo sa diwa nito. 1. Batay sa talaan, masasabi kong ako ay ____________ 2. Mahusay kong nagagampanan ang _______________ 3. Batay sa talaan, bihira kong ________________________ 4. Dahil sa aking natuklasan, sisikapin kong ____________ 5. Matapos ang araling ito, susubukin kong ____________ Naisakatuparan mo nang maayos ang mga gawain sa araling ito. Maaari ka nang maghanda sa susunod na aralin. Gawain Mga Araw Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado 1. 2. 3. 4. Lagda________________ Isabuhay Natin Subukin Natin
  • 169. DRAFT April 10, 2014 169 Aralin 6 Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating Pamayanan Ang pagpapanatili ng malinis na pamayanan ay makakamit sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura. Disiplina ang kailangan upang mapaganda ang ating kapaligiran. Gawain 1 - Awitin ang tula sa paraang rap. Kalinisan sa Aming Paaralan Dito sa aming masayang paaralan, Binibigyang-diin itong kalinisan. Pagtapon ng basura kung saan-saan, Hindi nararapat kaya Dapat ‘di tularan. Guro’t mag-aaral ay nagtutulungan, Sa linis at ayos ng paaralan. Dulot nito’y ganda sa ating kalusugan, Siguradong sakit ay maiiwasan. Ang mga basura’y pinaghihiwalay, Bulok at di-bulok tama ang pagkalagay. Ito’y disiplina na siya naming taglay. Mithiin sa kalinisan ay siyang laging pakay. Alamin Natin Alamin Natin
  • 170. DRAFT April 10, 2014 170 Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Anong klaseng paaralan ang tinutukoy sa tula? 2. Saan dapat nakalagay ang mga nabubulok at di- nabubulok na basura? 3. Bakit kailangang magtulungan ang mga guro at mag- aaral para sa kalinisan? 4. Ano ang naidudulot ng kalinisan sa buhay ng mamamayan? Gawain 2 Sagutan ang crossword puzzle. Ang mga kasagutan dito ay may kaugnayan sa nakaraang Gawain. . Gabay sa paglalaro ng puzzle. 1. Ito’y kailangan upang bayan ay sumulong sa kaunlaran. 2. Dito inilalagay ang mga basura. 3. Ang mga halaman ay dapat __________ upang di mamatay. 4. Lugar kung saan kabilang/kasama ang kapitan. 5. Tumutukoy sa maayos at __________ na pamumuhay. 2.B 5.L 4.B 1. D 3. N S
  • 171. DRAFT April 10, 2014 171 Gawain 1 Gumuhit ng isang larawang nagpapakita na ikaw ay nakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng inyong paaralan. Ipaliwanag sa klase ang iginuhit mo. Gawain 2 Bumuo ng limang pangkat. Pumili sa mga ginawang larawan sa Gawain 1 at pagsama-samahin ito at ilagay gaya ng porma sa ibaba. Lagyan ito ng pamagat at pangungusap. Ipaliwanag sa harap ng klase ang inyong ginawa. Isagawa Natin Kalinisan at Kaayusan _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _____________________________________________________________.
  • 172. DRAFT April 10, 2014 172 Batay sa mga larawang ipinakita sa nakaraang gawain, may mga gawaing maaaring gampanan ng isang mag-aaral na tulad mo. Pumili ng pangungusap na nais mong buuin ayon sa gawaing nais mong tanggapin upang mapanatili ang kalinisan sa inyong pamayanan. 1. Nagtatapon ako ng basura sa wastong lalagyan sapagkat __________________ _______________________________. 1. Hindi ako ang dapat magtapon ng basura sapagkat_______________ _______________________. 2.Ginagamit kong muli ang mga basurang pakikinabangan pa dahil_______________________ _________________________. 2. Hindi ko na lang gagamitin ang mga basurang pakikinabangan pa dahil__________________ ______________________. 3. Hinihiwalay ko ang nabubulok at di-nabubulok na basura dahil____________ __________________________. 3. Nasanay na akong pagsamahin ang bulok at di-nabubulok na basura dahil____________ ______________________. 4.Itinatapon ko nang maayos ang mga dahon at basura sa tamang lalagyan___________ __________________________. 4. Susunugin ko ang mga dahong nalalaglag sa mgapuno______________ ______________________. 5. Susunod ako sa babala na itapon ang basura sa inilaang tapunan___________________. 5.Itatapon ko ang basura sa ilog, kanal, at estero_________________. Isapuso Natin Ipinakita sa nakaraang
  • 173. DRAFT April 10, 2014 173 Tandaan Natin Ang kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan ay nagiging isang magandang tanawin at nagpapakita ng ligtas na lipunan. Bawat isa sa atin ay dapat maging responsable at pairalin ang disiplina sa kalinisan upang makamit natin ang kaaya-ayang tirahan at bayan. Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ang lahat ng mamamayan ay dapat na magkatuwang sa paggawa ng solusyon sa mga problemang may kinalaman sa ating kapaligiran. Mapalad po ang ating barangay sa tulong ng ating pamahalaan sapagkat may katuwang tayo sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating lugar. Ang paghihiwalay ng mga bulok at hindi nabubulok na basura at paraan ng pagtatabi at pagtatapon nito ay palagian nating ipinaaalala sa ating mga kabarangay. Ang waste management o tamang pamamahala ng mga basura ay dapat isagawa ng bawat mamamayang tulad mo na may malasakit sa ating kapaligiran. Ang pakikiisa sa iba’t ibang programang pampaaralan para sa pagpapanatili ng kalinisan ay pagmamalasakit sa kapaligiran ng ating pamayanan at lipunang ginagalawan.
  • 174. DRAFT April 10, 2014 174 Gawin ang sumusunod: 1. Lumabas ng silid aralan sa pamumuno ng guro at sama-samang magmasid sa mga tauhan ng paaralan na nangangasiwa sa basura ng buong paaralan. Itala ang nakitang proseso ng maayos na pagtatapon ng basura. 2. Pag-usapan kung ang mga namasid ay naisasabuhay na sa kani-kanilang tahanan at pamayanan. 3. Gumawa ng schedule ng palitang pagbibisita sa pinakamalapit na barangay upang makita ang uri ng tapunan ng basura. Sagutin ang sumusunod na tanong:  Ano ang naobserbahan ninyo sa paraan ng pagtatapon ng basura sa inyong paaralan?  Sa inyong palagay, makakatulong ba ang mga prosesong ito upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran?  Bilang isang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano pa ang maitutulong mo maliban sa waste management para mas maging maayos at maayos ang inyong pamayanan? A. Bilang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan, gumawa ng isang gawaing tumutugon dito gaya ng pagbubukod-bukod Isabuhay Natin Subukin Natin
  • 175. DRAFT April 10, 2014 175 ng mga basura. Maaaring tumulong sa tauhan ng paaralang pinuntahan sa katatapos na gawain o kaya naman ay gawin ito mismo sa loob ng inyong silid-aralan. Magagamit ang mga pamantayan sa ibaba sa pamamagitan ng paglagay ng sa hanay ng Oo o Hindi. Batayan Oo Hindi 1.Nakapagbukod bukod ka ba ng basura ? 2.Nailagay mo ba sa tamang lalagyan ang ang mga basura? 3.Isinaalang mo ba ang mga namasid na prosesong ginawa ng mga tuhan ng paaralan? 4.Nakaramdam ka ba ng kasiyahan habang gumagawa? 5.Nasiyahan ka ba na naging bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan? B. Bilang patunay na kayo ay tagapangalaga ng kalinisan at kaayusan ng ating pamayanan, isagawa ang pagbubukod-bukod ng mga basura sa inyong paaralan at tahanan. Maaari ninyo itong kunan ng litrato kung meron kayong kamera at ipaskil sa bulletin board sa inyong silid-aralan. Sapagkat magaling ka sa araling ito o sa katatapos na aralin, isunod mo na ang hamon ng susunod na aralin.
  • 176. DRAFT April 10, 2014 176 Aralin 7 Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran Kaaya-ayang pagmasdan ang malinis at maayos na pamayanan na nangangalaga sa kapaligiran. Binigyan ka ng Maykapal ng biyaya tulad ng magandang kapaligiran kung kayat inaatasan ka na maging tagapangalaga ng mga ito. Isang survey sa klase.  Sa mga survey, alin ang may pinakamaraming nagustuhan/napiling gawain?  Ipaliwanag mo ang iyong naranasan kapag pinag- usapan ang patuloy na paglilinis at pagpapanatili nang maayos ng pamayanan/paaralan/kapaligiran. Mga Tanong Oo Hindi 1. Nakikilahok ka ba sa pagtatanim sa paaralan? 2. Nakiisa ka ba sa proyekto ng barangay ukol sa pangangalaga sa kalikasan? 3. Natutuwa ka ba kapag pinuputol ang mga punongkahoy? 4. Masaya ba ang iyong damdamin kung ikaw ay nagtanim ng mga halamang gulay? 5. Kailangan bang makibahagi at makatulong ang mga batang katulad mo sa gawaing pambarangay tulad ng pagrerecycle ng basura? Alamin Natin
  • 177. DRAFT April 10, 2014 177 Gawain 1 Gumawa ng islogan ukol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran. Gawain 2 Gumawa ng poster tungkol sa pangarap ninyong pakikiiisa sa mamamayan para sa ligtas na kapaligiran. Ikonek sa napanood na video clip. Umisip ng isang gawain o proyekto sa inyong paaralan na:  Kayang-kaya kong gawin  Kaya kong gawin  Medyo kaya kong gawin  Parang di ko kayang gawin Ipaliwanag ang proyekto na inyong sagot sa bawat antas. Tandaan Natin Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng kailinisan ng kaisipan at kalooban para sa maayos na pamumuhay. Ayon sa Department of Environment at Natural Resources (DENR) Administrative Order No. 37 series of Isagawa Natin Isapuso Natin
  • 178. DRAFT April 10, 2014 178 1996, ito ang batas para maabot ang pantay at balanseng sosyo-ekonomikong paglago at proteksyon sa pamamagitan ng paggamit, pagbuo, pamamahala, pagbabago ng likas na yaman ng bansa. Kalakip nito ang proteksyon at paghubog sa magandang kalidad ng ating kapaligiran, hindi lang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para sa mga darating pa. Mapapanatiling maayos at ligtas ang pamayanan sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga proyekto ng pamayanan para sa pangangalaga sa kalinisan. May ipinatutupad na mga batas sa pangangalaga ng kapaligiran. Kabilang dito ang inilaang panahon sa tamang pangangaso; pagputol ng punongkahoy kung matanda na; pangingisda gamit ang lambat na may malalaki ring butas para hindi mahuli ang maliliit na isda; pagbibigay ng timing sa panghuhuli ng isda; panghuhuli sa mga sasakyang nagbibigay ng maruming usok; at marami pang mga tagubilin na isinasagawa upang maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran. A. Sumulat ng buong pusong pangako sa pakikilahok sa proyekto ng pamayanan para sa malinis at ligtas na kapaligiran. B.Gumawa ng isang simpleng panalangin para sa pagmumulat ng kaisipan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Magpangkat sa apat sa paggawa. Isabuhay Natin
  • 179. DRAFT April 10, 2014 179 Ilagay sa dingding ng silid-aralan ang natapos na panalangin. Hayaang makita ang mga ito ng lahat ng pangkat. Magdesisyon kung alin sa apat na nagawang panalangin ang magagamit sa flag ceremony tuwing Lunes. A. Suriin ang mga larawan. Ayusin ang mga ito ayon sa iyong pagkakaunawa ng posibleng epekto ng kawalang- galang at pag-abuso sa kapaligiran. Bumuo ng maikling kuwento ayon dito. Pagkatapos ay sagutin ang katanungan sa ibaba nito. 1. Bakit ito nangyayari sa ating kapaligiran? 2. Bilang mabuting tagapangalaga ng kapaligiran,ano ang kaya mong gawin? Subukin Natin
  • 180. DRAFT April 10, 2014 180 B. Basahin ang sumusunod na gawain. Isulat sa kuwaderno ang Mahusay kung ito ay nagpapakita ng pakikilahok sa proyekto ng kalinisan at kaayusan ng pamayanan at Di- Mahusay kung hindi. 1. Pakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa paaralan at barangay. 2. Pagsuporta sa pagputol ng puno ng illegal loggers. 3. Pakikipagtulungan sa Clean and Green Project ng barangay at bayan. 4. Pagtulong sa pagwawalis sa paligid ng paaralan at di pagsusunog ng basura sa kalsada. 5. Paglalagay ng mga plakard ng kalinisan at ligtas na pag-aalaga sa kalikasan at bayan. Ang galing! Ngayon ay ihanda mo na ang iyong sarili sa susunod na aralin. Aralin 8
  • 181. DRAFT April 10, 2014 181 Kaya Nating Sumunod Natutuhan na natin kung paano mapananatili ang kaayusan at kalinisan ng tahanan, paaralan, at pamayanan. Kaugnay nito ang layuning maging ligtas at maayos ang mga tao sa kapaligirang kanyang ginagalawan. Dahil dito, may mga alituntunin at mga batas na dapat nating sundin para na rin sa kaligtasan ng bawat isa. Natatandaan mo ba ang mga tuntunin ng iyong mag- anak? Ng iyong paaralan? Ng inyong pamayanan? Isang pamaraan ito upang maiwasan ang kapahamakan o disgrasya sa ating buhay. Kaya nating sumunod… disiplina ang ating kailangan. Tingnan ang mga larawan. Ano ang mga dapat mong gawin kapag may mga ganitong alituntunin, babala, patalastas, o panawagan. Alamin Natin
  • 182. DRAFT April 10, 2014 182 Sagutin ang sumusunod na tanong.
  • 183. DRAFT April 10, 2014 183 1. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay makakakita ng ganitong babala? 2. Bakit mahalaga ang babalang ito? Naranasan mo na ba ang mga babalang ito? 3. Ano kaya ang mangyayari kung hindi ka susunod sa mga babalang ito? 4. Isulat ang iyong nararamdaman kapag nakakabasa at nakakakita ka ng babala sa kalye, sa paaralan, at sa pamayanan? 5. Bilang mag-aaral, paano mo gaganyakin ang ibang tao upang maligtas sa kapahamakan? Gawain 1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng isa sa mga tuntunin o babala na karaniwang sinusunod sa inyong komunidad. Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkol dito. Ipalabas ito sa harap ng klase. Gawain 1 Ibigay ang iyong sariling pakahulugan sa patalastas ng Metro Manila Development Authority ( MMDA ) na madalas niyang makita sa kalsada. Isagawa Natin Isapuso Natin METRO GWAPO GGWAPOGWA POO GWAPOI DITO ANG BABAAN! WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY
  • 184. DRAFT April 10, 2014 184 Gawain 2 Sa loob ng kahon, itala ang mga mabuting naidudulot ng pagsunod at kinalabasan ng hindi pagsunod sa mga batas ng lipunan at bansa. Magandang naidudulot ______________________ ______________________ _____________________ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Hindi Pagsunod ______________________ ______________________ ____________________ Aral sa Pagsunod sa Batas HARAP KO LINIS KO TAWIRAN NG TAO
  • 185. DRAFT April 10, 2014 185 Tandaan Natin Ang pagsunod sa mga alitununtunin ng paaralan at pamayanan ay makatutulong para sa ating kaligtasan. Ayon sa Road Safety Education Modules ng DepEd- Fundacion-MAPFRE (2010), ang pagkakaroon ng kaalaman, saloobin, at pagsasapuso kung paano ang tamang pagtawid at pagpapasya kung saan dapat ay makapagbibigay katiyakan ng ating kaligtasan sa daan. Ang pagsunod nang kusa sa mga batas pantrapiko ay nagpapakita ng displinang pansarili at pagiging responsableng mamamayan. Mahalagang sumunod sa mga batas pantrapiko upang makaiwas sa mga sakuna at aksidente. Ito ay isa ring pagtulong sa pamahalaan sa pagpapatupad ng batas. Ang tamang pagsunod (sa anumang alutintunin at patakaran) ay malaking tulong sa pamahalaan para sa kaligtasang pampamayanan at maging sa pambansa o pandaigdigang pagkakaisa. Pag-aralan ang larawan sa susunod na pahina.  Ano-ano ang makikita ninyo rito?  Alin sa mga nakalarawan dito ang tama at dapat mong tahakin upang ikaw ay maging ligtas? Isabuhay Natin
  • 186. DRAFT April 10, 2014 186 Kumpletuhin ang nasa kahon bilang patunay sa mga bagay na dapat ninyong gawin o sundin bilang isang mabuting anak at mag-aaral. Magdesisyon Ka, Ngayon! Nakapagdesisyon na ako! Ang pipiliin kong daan ay ang_______________________________________________________ __________________________________________dahil ako’y naniniwala na ___________________________________________ ___________________________________________________________ ________________________________________________________. Gabayan nawa ako ng Maykapal. _____________________ Pangalan at Lagda _________________________
  • 187. DRAFT April 10, 2014 187 Gawain 1 Gaano mo kadalas gawin ang sumusunod. Lagyan ng kung palagi, kung paminsan-minsan at Hindi. Palagi Paminsan- minsan Hindi 1. Bumababa ako sa tamang babaan ng sasakyan. 2. Tumatawid ako sa tamang tawiran. 3. Iniintindi at sinusunod ko ang mga senyas ng pulis trapiko kung ako ay patawid ng kalsada. Nakahinto ako kapag pula ang nakaharap sa mga tatawid. 4.Ginagamit ko ang footbridge na nakalaang tawiran. 5.Umiiwas ako sa paglakad sa mga kalsadang may malaking butas na may babalang Danger Gawain 2 Sa loob ng isang buwan, gumawa ng isang journal tungkol sa mga pang- araw-araw na gawaing sinusunod mo na may kaugnayan sa babala at tuntunin sa paaralan, sa parke, at sa simbahan. Nagtagumpay ka sa mga gawain ng katatapos na aralin, ngayon ay humanda ka na sa susunod na aralin. Subukin Natin
  • 188. DRAFT April 10, 2014 188 Aralin 9 Laging Handa Marami na tayong karanasan sa mga kalamidad na dumaan sa ating bansa. Ang pagiging handa ay makatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas at makaligtas sa iba’t ibang uri ng kapahamakan. Maging mapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo na sa ating mga kalikasan. Tulungan nating maging handa sina Cielo at Tikoy sa mga sakuna at kalamidad. Ayusin ang mga letra para makabuo ng salita. Narito ang mga gabay na salita sa paglalaro ng Halo Letra. 1. Malakas na pagyanig ng lupa. 2. Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa. Alamin NatinAlamin Natin
  • 189. DRAFT April 10, 2014 189 3. Namumuong sama ng panahon na nagdudulot ng kalamidad sa ating bansa. 4. Mabilis na pagkalat ng apoy. 5. Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan ng lupa. Gawain 1 Bumuo ng anim na pangkat. Gumawa ng Disaster Presentation na kung saan ay darating ang mga Disaster Rangers na tutulong para maging handa sa panahon ng kalamidad at sakuna. Disaster Rangers Red – panahon ng baha Disaster Rangers Blue – panahon ng landslide Disaster Rangers Yellow– panahon ng tsunami Disaster Rangers Green – panahon ng lindol Disaster Rangers Black – panahon ng bagyo Disaster Rangers White – panahon ng sunog  Paano ka makatutulong para maging handa sa panahon ng kalamidad at sakuna? Isagawa Natin
  • 190. DRAFT April 10, 2014 190 Gawain 1 Basahin ang kuwento sa ibaba. Isang umaga, narinig ni Mikkel sa radyo ang babalang malaki ang pagkakataong magkaroon ng malalim na baha sa kanilang lugar. Agad niyang kinuha ang kanyang bag upang ilagay ang mahahalagang gamit. Alin sa sumusunod ang dapat niyang ilagay sa loob ng bag? Isapuso Natin
  • 191. DRAFT April 10, 2014 191 Sagutin ang mga tanong. 1. Ano-ano ang mga dapat ilagay ni Mikkel sa loob ng bag? 2. Makatutulong ba ito sa oras ng kanyang pangangailangan? Ipaliwanag ang sagot. 3. Dapat mo bang tularan si Mikkel sa kanyang ginawa? Bakit? 4. Kung ikaw si Mikkel maghahanda ka rin ba sa oras ng kalamidad? Paano mo ito ihahanda? Gawain 2 Pagnilayan ang kabutihang magagawa ng pagiging laging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad. Isulat ito sa bawat puso. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Kabataan Lipunan Mithiin Para sa Kaligtasan _______________________________________________________ _______________________________________________________ ____________________________________________________ Bansa
  • 192. DRAFT April 10, 2014 192 Tandaan Natin Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad ay makatutulong upang maligtas ang ating buhay. Isa rin itong paraan ng pagtulong sa sarili, sa pamahalaan, at sa bansa. Binigyang-diin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang isang matinding kampanya sa impormasyon para malaman ng mga pamilya ang kahalagahan ng planong paghahanda sa oras ng sakuna. Ang pagtuturo sa lahat ng komunidad kung paano ang dapat gawin sa panahon ng sakuna ay makatutulong ng malaki para sa ligtas na pamumuhay. Maging handa tayo sa darating na sakuna para hindi tayo mabigla. Ang pagiging kalmado sa oras ng sakuna ay makakatulong din upang alam natin kung saan tayo tutungo sa panahon ng kalamidad. Laging handa, iyan ang dapat nating isaisip, isapuso at isagawa para maiwasan ang kapahamakan. Sa mga nangyayaring sakuna at kalamidad sa ating mga kapaligiran, gaya ng nangyari noong bagyong Yolanda, nagkaroon tayo ng pagsusuri sa mga nagawa nating paghahanda. Kung sakali kayang magkaroon muli ng balita na may darating na delubyo na kasinlakas ng Yolanda paano ka maghahanda bago ito dumating? Isabuhay Natin
  • 193. DRAFT April 10, 2014 193 Sumulat ng isang panuntunan sa pagiging handa sa isang uri ng sakuna o kalamidad. Pangako sa Pagiging Handa Nangangako ako na magiging handa at maglalaan ako ng panahon bago pa man dumating ang oras ng sakuna/kalamidad tulad ng __________ _____________, para ________________. Naniniwala ako na magiging ligtas ako kung _________________________________________________________ _________________________________________________________ ___________________. ______________________ Lagda ng Mag-aaral Petsa:________________ Lagyan ng ang hanay na naglalahad kung gaano ka kahanda sa panahon ng sakuna o kalamidad. Mga Pamamaraan Laging Handa Handa Hindi Handa 1. Pagdadala ng payong para hindi ako mabasa ng ulan. 2. May emergency bag na may lamang gamit sa oras ng pangangailangan. Subukin Natin
  • 194. DRAFT April 10, 2014 194 3. Ang mga gamot, pagkain de lata, tubig na malinis ay madali kong naiimbak sa tamang lalagyan. 4. Kung sakaling may sunog, alam ko ang daan papuntang Fire Exit o ligtas na daan. 5. Alam ko ang lugar na dapat puntahan kapag may lindol. Tatlong palakpak sa batang mahusay! Tulad mo, handang handa ka sa susunod na aralin.
  • 195. DRAFT April 10, 2014 195 Yunit IV Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
  • 196. DRAFT April 10, 2014 196 Aralin 1 Pananalig sa Diyos Tuwing aking pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan, ang buwan na Inyong inilagak sa Tiyak nitong kinalalagyan, hindi kayang mapagtanto nitong aking isipan na ang isang tulad kong tuldok lang sa kalawakan, Iyong nilalang, binigyan ng kabuluhan. -prs- Lubhang kamangha-mangha ang kapangyarihan ng Diyos. Pansinin mo ang pagkakaayos at galaw ng mga planeta sa kalawakan. Hindi ito bunga ng pagkakataon o maaring gawin ng sinumang tao. Isa ito sa mga patunay na mayroong Diyos na lumalang nito. Sa araling ito ay ilalarawan natin ang mga paraan na nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ang kabutihang dulot nito sa ating buhay.
  • 197. DRAFT April 10, 2014 197 Basahin mo ang maikling salaysay ng isang taong nakamit ang kanyang pangarap. Sagutin ang mga kaugnay na tanong. Lumaki ako sa mahirap na pamilya. Sa hapag- kainan, laging eksakto ang hatian. Hindi na ‘ko puwedeng humingi ng dagdag na ulam kahit gutom pa ‘ko dahil kailangang pagkasyahin ni Nanay ang ulam para sa lahat. Naglalakad lang ako papunta sa paaralan kahit medyo malayo ito. Sa singkuwenta sentimos na baon, Alamin Natin
  • 198. DRAFT April 10, 2014 198 hindi na ako makakakain kapag nagtricycle pa ako. Isang araw, may ipinagawa sa amin si Gng. Mijares. Sabi niya, ipikit daw namin ang aming mga mata at isipin ang mga pangarap namin- ang gusto naming propesyon o trabaho paglaki namin, ang mga lugar na gusto naming puntahan. Tapos, ilarawan daw namin sa aming isipan na kami ay matagumpay, na nakamit namin ang aming pangarap. Pagkatapos, pinadilat na niya kami at tinanong kami ng ganito: “Mga bata, nananalig ba kayo na magkakatotoo ang mga pangarap ninyo?”
  • 199. DRAFT April 10, 2014 199 “Opo”, ang naging sagot naming lahat. Tinanong niya ulit kami. Kung nananalig daw kami, ano ang maari naming gawin para matupad ang pangarap namin. Sumagot naman kami. Sabi ko, “Kahit ano ang mangyari, sisikapin kong makatapos sa pag- aaral.” Hindi ko na matandaan ang sinagot ng iba kong kaklase. Sabi niya matutupad daw ang aming pangarap kung kami ay mag-aaral nang mabuti at magtitiwala sa Diyos na tutulungan kami na maabot ang aming mga pangarap. Anumang kaharapan natin sa buhay, manalig tayo na nariyan ang Diyos upang tayo ay gabayan at tulungan sa pagtupad ng ating pangarap habang ginagawa natin ang matuwid at nararapat. Natupad ba ang mga pangrap ko? Heto, sinusulat ko ang kuwento ng buhay ko para sa iyo. Tama ka. Guro na nga ako. Gawin mo ang makakaya mo at manalig ka lang sa Diyos. Sigurado ako, matutupad ang naisin ng puso mo. Photo owned by the writer
  • 200. DRAFT April 10, 2014 200 Ikaw? Ano ang pangarap mo? Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap na pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos anuman ang kaharapin natin sa ating buhay. Habang ginagawa natin ang ating makakaya, dapat patuloy na pagdarasal na may pananalig sa Diyos ang kailangan. Paano ipinakita ng may-akda ng salaysay ang pananalig sa Diyos sa araw-araw? Narinig mo na ba ang kasabihang Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa? Ano kaya ang kahulugan nito? Gawain I A. Basahin ang sumusunod na sitwasyon at isulat kung ano ang maaring gawin ng mga tauhan. 1. Ipinagdarasal ni Marco na makatapos siya sa pag- aaral. 2. Ipinagdarasal ni Belen na palagi silang maging malusog. 3. Nananalig si Iking na hindi na bumaha pa sa kanilang lugar. Kung minsan kahit tayo ay nananalig sa Diyos ay di nangyayari ang mga bagay na ating inaaasahan. May maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang mga Isagawa Natin
  • 201. DRAFT April 10, 2014 201 karanasang tulad nito ay makatutulong upang palakasin pa natin ang ating pananalig sa Kanya. B. Buuin ang sumusunod upang makabuo ng panalangin. 1. Panginoon, tinatanggap ko po na hindi ako nanalo sa kompetisyon sa pag-awit. Di bale po, sa susunod____________________________________________________. 2. Hindi po ako makakasama sa field trip sa isang linggo. Wala po kasing pera ang Tatay at Nanay ko. Kailangan ding bumili ng gamot para sa bunso kong kapatid na maysakit. Okey lang po sa akin ___________ __________________________________________________. Gawain 2 (Pangkatang Gawain) Isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos ay ang pananalangin sa Kanya. Suriin mo ang iyong kapaligiran. Sagutin ang tanong at isagawa ang gawain.
  • 202. DRAFT April 10, 2014 202 Ano-anong mga suliranin ang kinakaharap ng ating bansa? 1. Pumili ng isa sa mga suliraning inyong naisulat at bumuo ng isang panalangin ukol dito katulong ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat. 2. Banggitin sa panalangin ang maaari ninyong gawin upang mabawasan ang bigat ng suliranin. Maaari ninyong magamit ang halimbawa ng panalangin na nasa susunod na pahina o kaya ay gumawa kayo ng sariling panalangin. Halimbawa: Panginoong Diyos, Kayo po ang bukal ng aming pag- asa. Nagtitiwala po kami sa Inyong kapangyarihan. Panginoon, nais po naming idulog sa inyo ang ________________________. Sa suliraning ito makakaasa po kayo na kami ay tutulong sa pamamagitan ng________________________________. Idinadalangin po namin ang kanilang kalagayan _______________________ _____________________________________________________. 3. Matapos na mabuo ang panalangin, isulat ito sa isang lumang folder. 4. Maghanda ang inyong pangkat para sa pagbigkas o pag-awit ng inyong ginawang panalangin. 5. Pagkatapos ng pagtatanghal, idikit ang nagawang panalangin sa manila paper o cartolina na inihanda ng guro. 6. Ipaskil ang mga ginawang panalangin sa labas ng silid-aralan upang mabasa ng ibang mag-aaral.
  • 203. DRAFT April 10, 2014 203 Kung minsan, may mga pagkakataong hindi natutupad ang gusto natin o hinihiling natin sa ating panalangin. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at mawalan ng loob. Maaring may gustong ituro sa atin ang Diyos. Maaring hindi pa ito ang tamang panahon o may ibang mas magandang plano ang Diyos sa buhay natin. Ang mahalaga ay patuloy tayong manalig sa Kanya habang ginagawa rin natin ang makakaya natin upang matupad ang ating mga mithiin. Gawain 1. Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at ipagpalagay mong nais mo silang ipanalangin. Isulat ang nabuo mong panalangin sa iyong kuwaderno. a. Mangingibang bansa ang ama ni Cora upang maghanapbuhay. Alam niyang malulungkot ang kanyang ama kapag umalis ito. b. Tag-ulan na naman. Nag-aalala ang buong barangay dahil maaaring bumaha na naman sa kanilang lugar. c. Malayo pa ang kaarawan ni Hannah ngunit naghahanda na ang kanilang mag-anak para sa kaunting salo-salo. Ibabahagi nila ito sa mga bata sa bahay-ampunan. Nais niyang makapagpasaya ng mga bata sa kanyang kaarawan. d. Isa si Lumay sa mga batang hindi makapasok sa paaralan. Hindi pa kasi tapos ang gulo sa pagitan ng pamahalaan at mga taong nagagalit sa mga namumuno rito. Isapuso Natin
  • 204. DRAFT April 10, 2014 204 2. Pagkatapos gumawa ng panalangin, basahin ang Tandaan Natin. Tandaan Natin Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap na pagtitiwala sa Diyos anuman ang ating kaharapin sa buhay. Habang ginagawa natin ang makakaya natin upang maging maayos at mabuti ang ating buhay, nagtitiwala din tayong gagabayan at tutulungan tayo ng Diyos. Kahit ikaw ay bata pa, marami ka na ring naging karanasan sa araw-araw. Ang mga karanasang ito ay maaaring nakapagbigay ng saya o lungkot sa iyo. Ang iyong mga karanasan din ang maaring magpatibay sa iyong pananalig sa Diyos. Maiging palakasin pa ang pananalig sa Diyos sapagkat ito ang gagabay sa iyo upang ikaw ay maging mabuting tao. Isipin mo ang kalagayan mo tatlong taon (3) mula ngayon. Ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay? Ano ang iyong mga pangarap? Ano ang magagawa mo upang ito ay matupad? Bakit nananalig kang tutulungan ka ng Diyos na matupad ang mga ito? Sa tulong ng iyong guro, gagawa ka ng faith goal o mithiing may pananalig na matutupad ito. Isabuhay Natin
  • 205. DRAFT April 10, 2014 205 Mga Panuto: 1. Sa isang papel, ilista ang iyong mga mithiin sa buhay o mga nais mong makamit. Halimbawa: Tatlong (3) taon mula ngayon, ako ay makakatapos na ng Grade 6 o elementarya. 2. Maaari mo ring iguhit ang mga mithiing ito at lagyan ng tiyak na panahon ng katuparan nito. 3. Kung hindi gaanong sanay sa pagguhit, maaring gumupit ng mga larawan sa mga hindi na ginagamit na magasin o mga lumang kalendaryo. 4. Idikit ang mga naiguhit o ginupit na larawan sa isang lumang folder o karton. 5. Lagyan ito ng pamagat na gusto mo. 6. Ipaskil ito sa isang lugar sa inyong tahanan na lagi mong makikita upang laging magpaalala sa iyo ng mga mithiin mo. 7. Paggising mo sa umaga, laging isaisip at isapuso ang mga mithiing iyong ipinaskil. Siguraduhin na ang lahat ng gagawin mo ay para sa katuparan ng mga ito. Idinadalangin ko ang katuparan ng iyong mga mithiin. Tandaan mo, mahal ka ng Diyos at kaligayahan Niya ang makita kang matagumpay. A. Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali. Subukin Natin
  • 206. DRAFT April 10, 2014 206 2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang patimpalak sa pagbigkas. Sa halip na siya ay mag- ensayo kasama ang kanyang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng computer games. 3. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin sa Diyos kahit wala tayong gawin upang ito ay mangyari. 4. Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa ating pagdarasal. 5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos kahit minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang ating mga hinihiling sa Kanya. B. Ano-ano ang maaaring gawin sa sumusunod na sitwasyon upang magkaroon ng kasagutan ang ating pananalig sa Diyos? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Nananalig si Marta na maging matagumpay ang kanilang gawain sa Agham. 2. Hinihiling ni Patricia na magkaayos na sila ni Mila. Nagkaroon kasi sila ng hindi pagkakaunawaan habang naglalaro sila kahapon. 3. Naniniwala si Bert na patatawarin siya ng Diyos matapos na ilihim niya sa kanyang ate na siya ang nakabasag ng bago nitong salamin. C. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang iyong ginawagawa upang maipakita mo na ikaw ay tunay na nananalig sa Diyos? 2. Ano-ano ang iyong ginagawa upang magkaroon ng katuparan ang mga hinihiling mo sa Diyos?
  • 207. DRAFT April 10, 2014 207 Aralin 2 Paniniwala Mo, Iginagalang Ko Masdan ang larawan sa itaas. Sa iyong palagay, ano ang nais ipahayag ng larawan? Maipakikita natin ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa paniniwala o relihiyon ng iba. Kung ang bawat tao ay marunong gumalang sa pagkakaiba-iba ng lahat, ano sa palagay mo ang mabuting maidudulot nito?
  • 208. DRAFT April 10, 2014 208 Bumuo ng isang triad/trayad na siyang gaganap sa usapan sa ibaba. Bigyang buhay ang bawat karakter upang higit na maunawaan ang mensahe ng usapan. Linggo ng umaga… Maja at Berting: Magandang umaga, Clarita. Clarita: Magandang umaga, Maja. Magandang umaga, Berting. Maja: Saan ka pupunta? Clarita: Magsisimba ako. Nandoon na ang Tatay at Nanay sa parokya. Berting: Ah, ganoon ba? Kami naman ay sumamba noong Biyernes sa aming Alamin Natin
  • 209. DRAFT April 10, 2014 209 Masjid. Maja: Noong Huwebes naman kami sumamba ng aming pamilya. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang pinag-uusapan ng mga bata? 2. Bakit kaya iba- iba ang araw ng kanilang pagpunta sa kanilang lugar sambahan? Bilang isang kasapi ng isang pangkat na naniniwala sa Diyos, ano kaya ang maaari mong gawin upang ipakita na ikaw ay may paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos? Pag-aralan ang bawat larawan. Paano ipinakikita ng bawat bata ang paggalang sa paniniwala ng iba? Ako si Miguel. Isa akong Sabadista. Kapag may misa sa simbahang malapit sa aming bahay ay hindi ako nag-iingay.
  • 210. DRAFT April 10, 2014 210 Ako si Rashid. Nakikinig ako nang may paggalang kapag aming tinatalakay sa klase ang mga paniniwala ng iba’t ibang relihiyon. Ako naman si Estella. Sinasabihan ko ang aking nakababatang kapatid na huwag paglaruan ang rosaryo ng aming pinsan na isang Katoliko.
  • 211. DRAFT April 10, 2014 211 Kaibigan ko si Rashid. Hindi ko siya pinagtatawanan kapag nagdarasal siya. Ako nga pala si Kathy. Hindi kami nanghuhusga sa mga paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. May iba’t ibang paraan ang mga tao tungkol sa kanilang paniniwala. Iginagalang namin ang mga ito. Alam naming gayon din ang iyong ginagawa. Maaari bang ibahagi mo sa klase kung paano mo ipinakikita ang iyong paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
  • 212. DRAFT April 10, 2014 212 Gawain I Paano natin maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos sa sumusunod na sitwasyon? Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno at Ibahagi ito sa iyong klase. 1. Nagulat ang iyong pinsan sa malakas na tunog ng tambol. May prusisyon pala para sa pagdiriwang ng kanilang patron na si San Isidro Labrador na pinaniniwalaan nilang patron ng masaganang ani. Sinabi niya sa iyo na siya ay naiinis sa ginagawang ito ng mga Katoliko. Ano ang iyong gagawin? 2. Sinasabi ng iyong kamag-aral na higit na mabuting maging kasapi ng kanilang relihiyon. Pinipilit ka niyang sumama at makinig sa kanilang pag-aaral sa salita ng Diyos. Ano ang iyong gagawin? 3. Ikaw at ang iyong nakababatang kapatid ay inanyayahan ng iyong kaibigang Muslim sa kanyang kaarawan. Dahil paborito ng iyong kapatid ang inihaw na baboy ay nagtanong siya sa iyo nang palihim kung may ganoon silang handa. Ano ang iyong sasabihin sa iyong kapatid? Isagawa Natin
  • 213. DRAFT April 10, 2014 213 Gawain 2 Gamitin ang tsart sa ibaba para sa bahaginang isasagawa sa inyong pangkat. Magtalaga ng tagapagsalita na magbabahagi sa buong klase ng inyong mga naging sagot. A. Iyong pagnilayan ang sumusunod na tanong:  Naranasan mo na ba na ikaw ay pinagtawanan o kinutya dahil sa iyong paniniwala? Ano ang iyong naramdaman?  May pagkakataon din ba na napagtawanan mo ang iba dahil sa kanilang paniniwala? Ano sa palagay mo ang kanilang naramdaman?  Paano mo maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba? Isapuso Natin Relihiyon ko o paniniwala Paraan ng pagsamba o pagdarasal Mga kaugnay na kaugalian
  • 214. DRAFT April 10, 2014 214 Tandaan Natin May iba’t ibang relihiyon o paniniwala ang mga tao tungkol sa Diyos. Magkakaiba man ang ating paraan ng pagsamba, nagkakaisa tayo sa pag-asang sa pamamagitan ng mga paraang ito, maipararating natin ang ating pagsamba at papuri sa Diyos. Nararapat lamang na igalang natin ang paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Hindi sila dapat pagtawanan o kutyain sapagkat sila ay tulad din nating may mga damdaming nasasaktan. “Kung ano ang nais mong gawin sa iyo ng iyong kapwa, iyon din ang gawin mo sa kanya.” Naalala mo pa ba ang kasabihang ito? Hindi ba’t angkop ito sa ating aralin? Tama. Kung nais mong igalang ng iyong kapuwa ang iyong paniniwala, nararapat lamang na igalang mo rin ang kanyang paniniwala. 1. Sa tulong ng iyong guro, isagawa o ipagdiwang ang Araw ng Pananampalataya kung saan magtatanghal kayo ng isang maikling palatuntunan. Maaaring anyayahan ang mga guro, magulang, mga kawani, at mag-aaral sa paaralan upang maibahagi ng mga panauhing tagapagsalita na katulad mong mga bata rin ang kani-kanilang paniniwala, awit ng pagsamba, at kaugnay na kaugalian. Isabuhay Natin
  • 215. DRAFT April 10, 2014 215 2. Sa simula ng palatuntunan, mangyaring magkaroon ng panimulang panalangin. Inyo ring pasalamatan ang mga taong pinaunlakan ang inyong imbitasyon. 3. Tapusin ang inyong maikling palatuntunan sa panalangin na pangungunahan ng mga bata, magulang, at guro mula sa iba’t ibang pananampalataya. 4. Bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa pagdiriwang, bibigyan ang bawat bisita ng isang hugis dahong papel kung saan isusulat niya ang kanyang mensahe at pangalan. 5. Lahat ng mga dahon na may nakasulat na mensahe ay ididikit sa isang puno na gawa sa karton. Ang punong ito ay tatawaging Puno ng Nagkakaisang Iba’t Ibang Paniniwala. I. Piliin ang mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Isulat ang letra ng iyong sagot sa inyong kuwaderno. a. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran. b. Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bata na huwag paglaruan ang krus. c. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang Muslim habang pinag-uusapan ang mga gawain ng Katoliko. d. Batang Muslim na pinasasalamatan ng isang bata dahil dumalo ito sa kanyang kaarawan. Subukin Natin
  • 216. DRAFT April 10, 2014 216 II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kuwaderno. 1. Nakita mong pinupunit ng iyong kamag-aral ang mga pahina ng isang banal na aklat. a. Kukunin ko ang Koran mula sa kanya upang di na niya ito tuluyang mapunit. b. Hahayaan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa. c. Sasabihan ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat. 2. Malakas ang tunog ng radyo habang nakikinig ang iyong Tatay ng balita.Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong kapitbahay. a. Magpapaalam ako sa aking Tatay na hihinaan ko ang radyo dahil nagdarasal ang aming kapitbahay. b. Tatahimik na lamang ako habang sila ay nagdarasal. c. Hihintayin ko ang aking Tatay na sabihan akong hinaan ang radyo. 3. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay sa araw ng piyesta. a. Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog na baboy at maaari niyang kainin. b. Sasabihin ko sa aking Nanay na puro lutong may karne ng baboy ang dapat naming ihanda.
  • 217. DRAFT April 10, 2014 217 c. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin. 4. Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kanyang matalik na kaibigan. Isa siyang kasapi ng Iglesia ni Cristo at ikaw naman ay Methodist. a. Maayos ko siyang kakausapin matapos akong maipakilala sa kaniya. b. Makikipagkaibigan ako sa kanya kahit iba ang aming paniniwala tungkol sa Diyos. c. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin. 5. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata. a. Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali sa kanilang paglalaro upang hindi na makadagdag sa ingay. b. Pagsasabihan ko silang maglaro na lamang sa palaruan. c. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang lumabas ng kapilya. III. Mag-isip ng iba pang paraan kung paano mo maipakikita ang iyong paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Iguhit mo ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. Mabuhay ka batang may paggalang! Natapos mo na naman ang isang aralin na may kinalaman sa ating pagmamahal sa Diyos.
  • 218. DRAFT April 10, 2014 218 Aralin 3 Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap Ano kaya ang nararamdaman ng isang batang lumalaban sa isang paligsahan tulad ng nasa larawan? Maliban dito, ano rin kaya ang mararamdaman ng:  isang mag-aaral na mang-aawit na pilit na inaabot ang napakataas na tono.  Isang batang kasali sa quiz bee.  Isang batang nakaranas ng lindol, baha, o landslide. Sa araling ito, hinahangad na maisapuso mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at maisabuhay ito upang maging lakas sa pagbuo ng iyong mga pangarap para makamit ang tagumpay.
  • 219. DRAFT April 10, 2014 219 Tunghayan ang mga larawang tagpo sa ibaba at bigyan ng pagsusuri. “Hmm…. Kaya ko ito. Kaya ko ito.” “Diyos ko, sana po ay gumaling na ako. Gusto ko na pong bumalik sa paaralan.” Alamin Natin
  • 220. DRAFT April 10, 2014 220 Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang problema ng bawat bata sa larawan? “Sana ay magkaroon na rin kami ng malinis na tubig.” “Umaasa ako na malapit ng matapos ang gulo sa aming lugar.”
  • 221. DRAFT April 10, 2014 221 2. Papaano kaya nila tinatanggap ang mga problemang ito? 3. Isa-isahin ang iyong mga naging damdamin habang ito ay iyong binabasa at sinusuri at ibahagi ang iyong mga kasagutan sa klase. Bilang mag-aaral, naramdaman mo na ba ang mga ganitong pangyayari sa iyong buhay? Ano ang iyong mga ginawa? Papaano mo pinanatili ang pag-asa para makamit mo ang iyong gusto bilang mag-aaral? Ang isang batang tulad mo ay maraming pangarap. Ang pagkakaroon ng pag-asa ay makatutulong upang ang mga pangarap na ito ay iyong makamit. Gawain I May mga pagkakataong sinusubukan ang ating kakayahan at pagtitiwala natin sa ating sarili. Ang pagkakaroon natin ng pag-asa at positibong pananaw ay makatutulong upang makamit natin ang ating minimithi. 1. Buuin ang tsart tungkol sa isang pangarap na nais mong mangyari sa iyong buhay. Ang aking mga gagawin habang ako ay nasa ikatlong baitang: Ang aking mga gagawin pagkatapos ko ng ikaanim na baitang: Isagawa Natin
  • 222. DRAFT April 10, 2014 222 Gawain 2 A. Pumili ng isa sa mga nakasulat na sitwasyon at sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng pamahalaan at pangkat na di sang-ayon dito, napilitang lumikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Isa sa mga batang ito ay si Rowena. 2. Nakatanggap ng sulat si Lelet na hindi siya pinalad na makasama sa mga magiging iskolar sa susunod na pasukan. Sagutin ang mga tanong: 1. Kung ikaw ang batang nasa sitwasyon na inyong pinili, paano ninyo maipakikita ang pagkakaroon ng pag-asa? 2. Paano ninyo masasabing mahalaga ang pagkakaroon ng pag-asa? B. Bumuo ng limang pangkat. Pagmasdan ang bawat batang nasa larawan at suriin ang kanilang sinasabi. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nasa ibaba ng mga larawan. Isulat ang napagkasunduang sagot ng inyong grupo sa isang malinis na papel na ilalathala ng lider ng bawat grupo.
  • 223. DRAFT April 10, 2014 223 “Ako si Bulit. Isa akong Ayta. Umaasa ako na maayos akong pakikitunguhan ng aking mga kamag-aral. Magiging mabuti akong kaibigan sa kanila.” “Ako si Maita. Nagsisisi ako na hindi ako nag-aral nang mabuti. Umaasa ako na_______________ “____________________ _.”
  • 224. DRAFT April 10, 2014 224 Ako si Korin. Ito naman ang aking kapatid. Ako ay nananalig na _____.” ______________________. “Ako naman si Rufo. Umaasa ako na__________.”
  • 225. DRAFT April 10, 2014 225 Mga tanong:  Sa inyong palagay, ano ang minimithi ng bawat bata sa larawan?  Ano rin kaya ang kanilang gagawin upang magkaroon ng katuparan ang kanilang minimithi? Paano natin mailalarawan ang salitang pag-asa? Pumili ka ng isa mula sa mga mungkahing gawain sa ibaba at gawin ito. Maghandang ibahagi ito sa klase pagkatapos. 1. Kung ang pag-asa ay isang lutuin, gumawa ng recipe para dito. Isipin mo ang mga kakailanganin upang ang isang tao ay magkaroon ng pag-asa. Halimbawa, lakas ng loob. Ilang kutsara nito ang kakailanganin? Bigyan ito ng pamagat na Recipe ng Pag-asa. 2. Gumawa ng maze o mapa tungkol sa pag-asa. Kung ang pag-asa ay isang lugar, ano-ano ang mga madaraanan mo upang marating ang lugar na ito? Ano-ano rin ang mga bagay na dapat mong baunin o dalhin sa iyong paglalakbay? Tandaan Natin Mahalagang magkaroon ng pag-asa ang bawat batang tulad mo. Ganunpaman, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng pag-asa. Kailangan mong magsumikap at gawin ang kinakailangan upang makamit ang iyong minimithi. Isapuso Natin
  • 226. DRAFT April 10, 2014 226 Pag-asa ang siyang nagiging gabay natin sa pagbuo ng ating mga pangarap at pagsusumikap na makamit ito. Kung minsan ay hindi nangyayari ang ating inaasahan ngunit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Nararapat lamang na tanggapin mo ito nang maluwag sa puso. Kung minsan naman may mga bagay na gusto mong mangyari pero hindi agad natutupad. Dahil ikaw ay nananalig, nagtitiwala, at nagdarasal sa Diyos, unti-unti mo itong makakamit at matutupad. Lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Mahal ka ng Diyos at masaya siya kapag nakita ka Niya na masaya o maligaya. Patuloy kang manalangin sa Diyos. Sabihin mo sa kanya ang nadarama ng iyong puso. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung hindi man matupad ang iyong minimithi, may inilaan Siyang higit na makabubuti para sa iyo. Kahit ikaw ay bata pa, may hinaharap ka ring pagsubok o suliranin sa araw-araw. Gawain 1 1. Bago ka matulog ay itala mo sa iyong kuwaderno kung paano mo hinarap ang isang pagsubok gaya ng hindi pagpasa sa pagsusulit, hindi napiling lumahok sa isang paligsahan, at iba pa. Isabuhay Natin
  • 227. DRAFT April 10, 2014 227 2. Ipaliwanag mo kung paano naging mahalaga ang pagkakaroon ng pag-asa sa pagkakataong iyon. 3. Ibahagi mo ito sa iyong mga kamag-aral sa susunod na araw. Gawain 2 Katulong ang iyong pangkat, punan ninyo ang tsart sa ibaba ng inyong mga sagot. Ibahagi ito sa klase pagkatapos. Mga pangyayaring nahirapan ako bilang isang mag-aaral Naipakita ko ang pag-asa sa pamamagitan ng … A. Piliin ang mga pangungusap na nagpapakita ng pagkakaroon ng pag-asa. Ipaliwanag ang iyong sagot kung bakit mo ito pinili. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. “Kaya natin ito.” 2. “Matatalo na ako. Mukhang magagaling ang aking mga katunggali.” 3. “Magtatapos ako ng pag-aaral para balang araw ay makatulong ako kay Nanay at Tatay. “ 4. “Sana ay makauwi na ang aming Nanay mula sa Hong Kong. Palagi ko itong ipagdarasal.” Subukin Natin
  • 228. DRAFT April 10, 2014 228 5. “Mga ilang taon pa at magbubunga na ang mga punong ito. Kailangan natin itong alagaan.” B. Sumulat ng isang pangungusap na nagpapakita ng pagkakaroon ng pag-asa sa sumusunod na pagsubok: 1. Nasalanta ang inyong bayan ng isang malakas na bagyo. Pangungusap na may pag-asa: __________________ 2. Di ako pumasa sa isang pagsusulit/quiz Pangungusap na may pag-asa: ___________________ 3. Di napili sa palatuntunan sa pagsayaw Pangungusap na may pag-asa: __________________ 4. Nadamay sa mga napagalitan ng guro Pangungusap na may pag-asa:____________________
  • 229. DRAFT April 10, 2014 229 Aralin 4 Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi ko sa Kapwa ko Kung ikaw ang manlalaro sa larawan, ano kaya ang iyong mararamdaman kung makikita mo ang iyong mga kaibigan na nagbibigay suporta sa iyo? May mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan. Sila ang iyong pamilya, mga guro, at kaibigan. Binibigyan ka nila ng lakas ng loob kung ikaw ay may pagsubok o problemang hinaharap. Ikaw, paano ka nakapagbibigay pag-asa sa kanila? Sa araling ito ay tatatalakayin natin kung paano tayo maaring makapagbigay ng pag-asa sa iba.
  • 230. DRAFT April 10, 2014 230 Sa nakaraang aralin ay natutuhan natin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pag-asa upang makamit ang ating pangarap. Upang makapagbigay tayo ng pag- asa sa ibang tao, nararapat na tayo mismo ay mayroon nito. Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga kaugnay na tanong. Natatandaan mo pa ba si Pag-asa? Bukod kay Pag- asa ay may bago ka pang makikilala. Siya si Liwanag. “Ang pag-asa ay makatutulong upang makamit ko ang mga mithiin ko sa buhay. “ Alamin Natin
  • 231. DRAFT April 10, 2014 231 “Magandang araw sa iyo. Ako si Liwanag. Kahit tayo ay bata pa ay kaya rin nating makapagbigay ng pag-asa sa iba. Ikaw, kaya mo rin bang magbigay ng pag-asa sa iba?” “Huwag ka nang malungkot. Gagaling na rin si Timmy. “
  • 232. DRAFT April 10, 2014 232 Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Liwanag sa iba’t ibang sitwasyon sa comic strip? “Hindi ko talaga maintindihan ang aralin natin sa Matematika.” “Kaya mo iyan. Halika pag-aralan natin.” “Salamat sa inyong pagdalaw.” “Masaya kami at malapit ka nang lumabas ng pagamutan.”
  • 233. DRAFT April 10, 2014 233 2. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na rin tulad ni Liwanag? 3. Gusto mo bang maging katulad ni Liwanag? Ipaliwanag ang inyong sagot. 4. Sa iyong paraan, paano mo ibabahagi ang pagkakaroon ng pag-asa sa iyong mga kaibigan, kamag-aral, at mga kasama sa bahay? Gawain I Katulad ka rin ba ni Liwanag? Mag-isip ng isang karanasan kung saan ay nakapagbigay ka ng pag-asa sa iba. Ibahagi ito sa iyong kamag-aral. Gawain 2 Katulong ang iyong pangkat, magpakita ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng pagbibigay pag-asa sa iba. 1. Gumuhit ng isang super hero. Tawagin natin siyang Pag-asa. 2. Sa palibot ng nabuo mong imahe, isulat ang kanyang mga katangian. Maghandang ibahagi ito sa klase. Tandaan Natin May kasabihang “Hindi mo maibibigay ang isang bagay na wala ka.” Upang makapagbigay ka ng pag-asa ay nararapat na magkaroon ka muna Isapuso Natin Isagawa Natin
  • 234. DRAFT April 10, 2014 234 nito. Nakapagbibigay tayo ng pag-asa sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lakas ng loob, suporta, o tulong. Ang pag-asa ay maaaring maipakita o maipadama sa kapuwa sa iba’t ibang pagkakataon. Sa paaralan, maipadarama o maipakikita mo sa iyong kamag-aral na puwedeng pumasok sa paaralan kahit walang baong pera, na puwedeng pumasok sa paaralan kahit luma ang damit basta malinis ito, at dapat magsumikap palagi sa pag-aaral para matuto sa pagbasa, pagkuwenta, at iba pa. Sa tahanan naman, puwede mong ipadama ang pag- asa kung may miyembro ng pamilya na maysakit, kung naghihirap, kayo sa buhay, o kung nawalan kayo ng bahay dahil sa malakas na bagyo. Ang patuloy na pagpapakita at pagpapadama ng pag-asa ay kinalulugdan ng Diyos. Ito ay isang biyaya na dapat patuloy na ibinabahagi sa kapuwa. Gawain 1 Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay mabuting ugali. Pinalalakas ng pag-asa ang loob ng taong nabibigyan nito. Ito rin ay makapagbibigay sa iyo ng saya. A. Magmasid at alamin kung sino ang kaklase o kaibigan na maaari mong iparamdam na may pag-asa. Isabuhay Natin
  • 235. DRAFT April 10, 2014 235 Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Sino sa mga taong nasa paligid ang gusto mong tulungan na magkaroon ng pag-asa? 2. Ano ang iyong dahilan bakit pinili mo siya? 3. Paano mo sisimulan ang pagtulong? 4. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng iyong kaklase o kaibigan sa pagpili mo sa kanya? 5. Magiging masaya ka ba kung ang napili mong kaibigan o kaklase ay makakaramdam ng pag-asa? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawain 2 Buuin mo ang liham na nagpapadama ng pag-asa para sa isang kaibigan na nasa evacuation center. November 20, 2013 Mahal kong _________, Kumusta ka na? Sana ay ____________________ sa evacuation center. Ang sabi ng Tita Irene ay hindi _________________________________________________ Marami pa raw nakaharang sa daan papunta sa inyong lugar. Huwag ka _________________________ _______________ magdasal. Huwag kang mawalan ng ________. Baka sa susunod na Sabado ay__________ ______________________ sa aking Nanay upang Mabisita kita. Ang iyong kaibigan, Liwanag
  • 236. DRAFT April 10, 2014 236 Kahit bata pa tayo, makapagbibigay din tayo ng pag- asa sa iba. Nararapat na totoo sa ating kalooban kung atin itong ibinibigay. I. Sabihin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Ang pag-asa ay nakapagpapalakas ng loob. 2. Maaari kang makapagbigay ng pag-asa kahit wala ka nito. 3. Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay makapagpapasaya sa taong nagbibigay nito. 4. Kahit ikaw ay bata pa ay kaya mo ring makapagbigay ng pag-asa. 5. Ang pagbibigay ng pag-asa ay nararapat lamang na totoo sa iyong kalooban. II. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong sasabihin o gagawin na makapagbibigay ng pag-asa. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Kinakabahan ang iyong kapatid na kukuha ng markahang pagsusulit. 2. Nakita mong malungkot ang iyong Tatay dahil sa nasalanta ng bagyo ang inyong pananim. 3.Matatagalan pa bago makalakad ang iyong kaibigan matapos siyang madulas sa hagdan. 4. Hindi nanalo ang iyong mga kamag-aral sa paligsahan sa pagsasayaw. 5. Gusto nang tumigil sa pag-aaral ng iyong kamag-aral dahil sa layo ng inyong paaralan. Subukin Natin
  • 237. DRAFT April 10, 2014 237 Aralin 5 Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin “Hindi ko hiningi ngunit kusang ibinigay. Hindi ko hinanap ngunit aking natagpuan. Hindi ko hiniling ngunit ipinagkaloob sa akin. Hindi pa man nasasambit ng aking mga labi, mga panalangin ko ay agad na dinidinig. Kapag nagkamali laging handang ako ay patawarin. Naligaw man ng landas, sa isang pagtawag ko agad ako’y sasaklolohan. Kahit sa paningin ko hindi ako karapat-dapat, biyaya at pagmamahal laging higit sa sapat. O Diyos na dakila, sino pa ba ang hihigit sa Inyo? Taglay Ninyong kapangyarihan tunay na walang hanggan. Pag-ibig Ninyo sa amin ay walang katapusan! Dahil sa dakilang pag-ibig Ninyo sa akin, buhay ko ngayon ay may kabuluhan.” -prs-
  • 238. DRAFT April 10, 2014 238 Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Ano kaya ang mensahe ng taong gumuhit nito? Gawain 1 Basahin ang tanong sa ibaba. Iguhit o isulat mo ang sagot sa isang malinis na papel at ipaskil ito sa pisara pagkatapos. Maaari mo ring kulayan ang iyong iginuhit kung kinakailangan. Tanong: Kung mailalarawan mo ang pagmamahal ng Diyos, saan mo ito maihahambing? Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang nararamdaman ninyo habang iginuguhit o isinusulat ang inyong sagot sa papel? 2. Pagmasdan ninyo ang mga nakapaskil na sagot sa pisara. Maliban sa mga nakapaskil na sagot may iba pa ba kayong naisip kung paano mailalarawan ang pagmamahal ng Diyos sa atin? Ipaliwanag ang iyong sagot. Ang pagmamahal ng Diyos ay wagas at hindi nagbabago kailanman at kanino man. Mula sa ating pagkasilang hanggang sa tayo ay bawian ng buhay, hindi tayo iniiwan ng Diyos, maging sa panahon ng kalungkutan o mga suliranin. Alamin Natin
  • 239. DRAFT April 10, 2014 239 Isipin mong mabuti. Kapag ikaw ay nagkamali, pinagsasabihan ka ng iyong mga magulang. Bakit nila ito ginagawa? Itinatama lamang nila ang iyong maling kilos at gawi. Ipinauunawa nila sa iyo ito upang hindi ka na ulit magkamali. Gayundin naman, kapag ikaw ay nagpakumbaba, inamin mo ang iyong pagkakamali at humingi ka ng kapatawaran, lagi ka nilang binibigyan ng pagkakataong magbago. Patunay ang mga ito ng pagmamahal nila sa iyo. Kung ang ating mga magulang na tulad nating mga tao ay kayang magmahal sa atin nang ganito, paano pa kaya ang Diyos nating Ama na siyang lumalang sa buong sangkatauhan? Hindi lang mapagmahal ang Diyos sapagkat ang Diyos mismo ay pag-ibig. Gawain 2 Pagmasdan ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
  • 240. DRAFT April 10, 2014 240 Mga Tanong:  Sa inyong palagay, ano kaya ang ipinapanalangin ng mga bata?  Palagi rin ba kayong nananalangin ng pasasalamat sa Diyos sa lahat ng kanyang biyaya? Ipaliwanag ang inyong sagot.  Bilang isang bata, paano mo ipinakikita ang iyong pasasalamat sa mga taong nagpalaki sa iyo? Ang panalangin ay isang paraan ng pakikipag- ugnayan sa Diyos. Ito ay gawaing kalugod-lugod sa Diyos sapagkat nagpapakita ito na mahalaga Siya sa ating buhay at nais nating makipag-ugnayan sa Kanya. Dapat din nating isama sa ating panalangin ang kalagayan ng ibang tao o ng ating bansa. Idinadalangin kong maranasan mo ang pag-ibig ng Diyos at maibahagi ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa pakikipag-ugnayan mo sa kapuwa.
  • 241. DRAFT April 10, 2014 241 Gawain 1 A. Balikan natin ang tula na nasa unang pahina. Isipin mo ang mga pagkakataong naging totoo sa iyo ang mga binabanggit nitong biyayang nakamit sa Diyos. Kumpletuhin ang mga pangungusap. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Hindi ko hiningi ngunit kusa Niyang ibinigay sa akin ang ______________________________________________________ _______________________________________________. 2. May mga araw na nakakalimot akong magdasal subalit palagi Niya pa rin akong ______________________ ______________________________________________. 3. Dati akong nakikipag-away sa klase ngunit hindi na ngayon. Marami na akong kaibigan. Alam kong pinatawad ako ng Diyos sa___________________________ ______________________________________________. 4. Kahit minsan pakiramdam ko ay hindi ako karapat- dapat mahalin, ang Diyos ay_________________________ _________________________________________________. 5. Alam kong mahal ako ng Diyos sapagkat_____________ _________________________________________________. B. Ibahagi ang iyong mga sagot sa iyong katabi. Isagawa Natin
  • 242. DRAFT April 10, 2014 242 Gawain 2 May alam ka bang awitin ukol sa pag-ibig ng Diyos? Ang awitin sa ibaba ay isang halimbawa ng paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos na karaniwang inaawit sa misa ng mga Katoliko. Alam mo ba ang awiting ito? Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kaluluwa Ang siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa Pag-ibig ang siyang buklod natin, di mapapawi kailan pa man Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang kahit na tayo’y magkawalay. Koro: Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng Pag-ibig Magmahalan tayo’t magtulungan At kung tayo’y bigo ay huwag limutin na may Diyos tayong nagmamahal Diyos ay pag-ibig… Diyos ay pag-ibig…. Paano mo ilalarawan ang pag-ibig ng Diyos? Sa tulong ng iba pang kasapi ng iyong pangkat, lumikha kayo ng isang awiting na naglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa Kanyang mga nilalang. Lapatan ito ng pamagat. Maaring lumikha ng sariling himig o maaring ibatay ang himig ng likhang-awit sa isang awiting alam ng lahat ng kasapi. Maghandang itanghal ito sa klase. Sabihin kung paano inilalarawan ng awitin ang pag-ibig ng Diyos.
  • 243. DRAFT April 10, 2014 243 Gawain 1. Sa isang malinis na papel o lumang folder, gumawa ng isang maikling panalangin ng pasasalamat sa pag-ibig ng Diyos na iyong nararanasan. Isipin mo ang mga kabutihang nagawa ng paniniwala o pananalig sa Diyos sa iyong buhay. 2. Pagkatapos, lumahok sa panalanging pangungunahan ng guro at sambitin ang panalanging nagawa. Idikit ang iyong panalangin sa manila paper na nasa pisara kasama ng iba pang panalangin na ginawa ng iyong mga kamag-aral. Tandaan Natin Ang pag-ibig o pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang kaparis, hindi nagbabago, at walang katapusan. Kung ang Diyos ang lumikha sa atin, ang kanyang katangiang ito ay tiyak na taglay din natin. Ito ang dahilan kung bakit minamahal natin ang ating kapuwa, kung bakit tayo ay may pusong likas na matulungin, at mapagmahal. Pansinin natin ang paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa sumusunod na pahayag:  Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan.  Ang pag-ibig ng Diyos ay nadarama ng mga taong ganap ang pagtitiwala sa Kanya.  Ang pag-ibig ng Diyos ay nararanasan nang lubos kapag ipinagkatiwala natin sa Kanya ang ating Isapuso Natin
  • 244. DRAFT April 10, 2014 244 buhay. Ibig sabihin nito ay isinasabuhay natin ang Kanyang mga tagubilin.  Ang pag-ibig ng Diyos ay mauunawaan at madarama natin sa pakikipag-ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabasa ng Kanyang mga salita.  Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay mapagmahal at matulungin sa kapuwa.  Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay may paggalang at pagkalinga sa lahat ng Kanyang ginawa. A. Pagmasdan ang larawan. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya si Arriza Ann Nocum. Ang kanyang ina ay isang Muslim samantalang ang Isabuhay Natin
  • 245. DRAFT April 10, 2014 245 kanyang ama naman ay Katoliko. Naranasan ni Arriza ang pagmamahal ng Diyos, unang-una sa kanilang masayang tahanan. Nangarap si Arriza na balang araw maibabahagi rin niya ang pagmamahal na nararanasan mula sa Diyos sa mga batang Kristiyano at Muslim sa Mindanao. Sa tulong ng kanyang mga magulang, kaibigan, at mga taong may pusong mapagkawanggawa, nakapagpatayo siya ng mga silid-aklatan. Tinawag niya itong KRIS Peace Library. Sa ngayon, bukod sa apat na silid-aklatan, may mga pinag-aaral ding mga bata ang samahan. Ang pagmamahal ng Diyos na naranasan ni Arriza ang siyang naging susi sa pag-unawa, pagmamahal, at pagtulong niya sa kapuwa. Hindi madali ang ginawa ni Arriza ngunit nagtiwala siya sa Diyos na tutulungan siya sa kanyang mabuting adhikain at hindi siya nabigo. Sagutin ang mga tanong: 1. Gusto mo rin bang maging katulad ni Arriza Ann Nocum? 2. Bilang isang mag-aaral ng ikatlong baitang, paano mo ipakikita sa iyong kapuwa na puwede kang maging daluyan ng pagmamahal ng Diyos? 3. Ibahagi ang inyong sagot sa klase. B. Gumawa ng isang badge, larawan, maikling liham, o tula para sa dalawa taong masasabi mong naging daan upang maranasan mo ang pag-ibig ng Diyos. Ibigay ito sa kanila.
  • 246. DRAFT April 10, 2014 246 I. Paano natin mailalarawan ang pag-ibig ng Diyos sa atin? Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang katunog ng sinalungguhitang salita. 1. Panginoon, ikaw ang daluyan ng lahat ng pagpapala, ang lahat ng biyaya sa Inyo po __ __ g_ __ __ __ __ __ __. 2. Mapagpatawad at maawain Diyos, Siya ang minamahal ___ ___ t ___ ___ tunay. 3. Buhay ko ay iaalay Sa inyo o Diyos ayokong ___ ___ ___ ___ ___ ___ y. 4. Sa panahon ng kalungkutan ikaw ang aking pag- asa. Lahat ay makakaya pagkat Kayo ay aking k __ __ __ __ __. 5. Gumawa ng sarili mong pahayag ukol sa pagmamahal ng Diyos Subukin Natin
  • 247. DRAFT April 10, 2014 247 II. Paano naman natin ipinadarama sa iba ang ating pagmamahal sa Diyos? Gayahin ang graphic organizer sa ibaba sa iyong kuwaderno at punan ang bawat kolum ng dalawang halimbawa. Sa Tahanan Sa Paaralan Sa Pakikitungo sa Kapuwa Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ay handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Dalangin kong maisapuso mo na ang pagmamahal ng Diyos sa iyo at kailanman ay hindi magbabago.
  • 248. DRAFT April 10, 2014 248 Aralin 6 Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko Ang isang kaibigan ay laging nagmamahal. Paano natin maipakikita ang ating pagmamahal sa ating mga kaibigan? Halina at tuklasin natin sa araling ito. Tingnan ang larawan sa ibaba. Nakasali ka na ba sa isang paligsahan katulad ng mga batang ito na nanalo sa isang kompetisyon sa kanilang paaralan? Paano kaya sila tinulungan ng kanilang mga kaibigan sa pagkakataong iyon? Ipinagdasal kaya ng kanilang mga kaibigan ang kanilang tagumpay? Alamin Natin
  • 249. DRAFT April 10, 2014 249 Nanonood ka ba ng basketbol? Marahil ay natatandaan mo ang pagkapanalo ng koponan ng Pilipinas para sa FIBA, isang pandaigdigang kompetisyon sa larangan ng basketbol. Alam mo ba na walang pagsidlan ang kasiyahan ng mga manonood nang sila ay manalo? Dahil kinakatawan nila ang Pilipinas, lahat halos ng mga Pilipino ay nagdasal at nagpakita ng suporta sa kanila. Basahin mo ang maikling tula at sagutin ang mga kaugnay na tanong sa ibaba. Palagi siyang may nakahandang ngiti Pagod ko at pagkabagot ay kanyang pinapawi Karamay ko siya sa aking pagpupunyagi Matiyagang umaalalay sa akin palagi. At nang dumating na itong oras ng paligsahan Ngumiti siya at sinabing “Kaya mo yan!” Nakita ko siya na yumuko nang marahan Taimtim na nanalangin sa Diyos Amang makapangyarihan. At nang tinawag na itong aking pangalan, Kagalakan niya, aba’y walang pagsidlan! Kay taas ng kanyang talon dahil sa kasiyahan Aking tagumpay, kanyang kagalakan! Ako ay nagwagi dahil sa tulong mo Karangalang ito ay utang ko sa iyo At kung sakali mang hindi ako nanalo Sa panahon ng pagkabigo, ikaw ay sandigan ko. Salamat sa isang tunay na kaibigan Walang kaparis ang iyong kabaitan Hindi kita malilimutan kailanman
  • 250. DRAFT April 10, 2014 250 Pagpalain ka ng Diyos sa iyong kabutihan. -prs- Mga kaugnay na tanong:  Kung tatanungin ang iyong puso’t damdamin, ano ang nababagay na pamagat para sa tula?  Paano ipinakita sa tula ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang kaibigan?  Kung ikaw ang kaibigan na binabanggit sa tula, ano ang mararamdaman mo? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawain 1 1. Kung may kaibigan kang sumali sa isang paligsahan, paano mo ipakikita ang pagmamalasakit mo sa kanya? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 2. Ibahagi sa iyong katabi ang iyong naiguhit na kalagayan. Gawain 2 1. Bumuo ng limang pangkat. Muling balikan ang tula na nasa Alamin. Katulong ang iyong pangkat, bigkasin ang saknong na nabunot ninyo nang pa-rap. Lapatan din ito ng akmang galaw o kilos. Magtanghal kapag tinawag na ang inyong pangkat. Sagutin ang tanong.  Paano natin maipadarama ang ating pagmamahal sa ating kaibigan sa panahon ng Isagawa Natin
  • 251. DRAFT April 10, 2014 251 kanilang kasiyahan at sa panahon ng kalungkutan? 1. Pag-aralan ang maikling salaysay tungkol sa dalawang magkaibigan. Kilala mo ba si Ferdinand Blumentritt? Siya ang matalik na kaibigan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Alam mo bang isang beses lamang silang nagkita ngunit ang kanilang pagkakaibigan ay tumagal nang halos sampung taon? Napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng liham. Sinasabing isa si Blumentritt sa ginawan ni Rizal ng liham pamamaalam. Labis na ikinalungkot ni Blumentritt ang nangyari sa kaibigan. Sagutin ang sumusunod: 1. Kung uso ang pick up line noong panahon ni Rizal, ano kaya ang itinanong nila sa bawat isa? Isapuso Natin http://en.wikipedia.org/wiki/File:J ose_rizal_01.jpg http://www.philstar.com/good- news/487848/rizal-blumentritt-documents- found-czech-museum
  • 252. DRAFT April 10, 2014 252 2. Lumikha ng isang pick-up line na naglalarawan ng isang mabuting kaibigan. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno at ipasagot ito sa iyong katabi. Mga Halimbawa: Saklay ka ba? Kasi lagi mo ‘kong inaalalayan. Papel ka ba? Kasi gusto kitang sulatan ng liham pasasalamat para ipadala ko sa aking kaibigan. Tandaan Natin  Ang isang mapagmahal na kaibigan ay laging maaasahan.  Sa panahon ng kalungkutan, nariyan siya para damayan ka. Lagi siyang handang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.  Hindi siya nananaghili o naiinggit sa iyong mga natamo.  Kasiyahan niya ang makita kang masaya at matagumpay.  Ang pagiging mabuting kaibigan ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Gawain 1. Gumawa ng isang kard ng pasasalamat para sa iyong kaibigan. Sa unang pahina, iguhit mo siya o idikit mo ang Isabuhay Natin
  • 253. DRAFT April 10, 2014 253 kanyang tunay na larawan. Ilagay ang kanyang pangalan sa itaas nito. Sa palibot nito ay isulat mo ang kanyang magagandang katangian. 2. Sa loob ng kard ay gumawa ng maikling liham ng pasasalamat para sa lahat ng kabutihan niya sa iyo. A. Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Mga Katangian ng Isang Mabuting Kaibigan Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamalasakit o Pagmamahal sa Isang Kaibigan 1. 2. 3. 4. 5. Binabati kita mabuting kaibigan dahil matagumpay mong natapos ang araling ito! Tiyak na mas kagigiliwan ka ng mga kaibigan mo. Subukin Natin
  • 254. DRAFT April 10, 2014 254 Aralin 7 Manindigan Tayo Para Sa Kabutihan Nakakita ka na ba ng batang pinuri at pinarangalan? Ano ang iyong naramdaman? Paano naman kung ang bata ay tinutukso, pinagtatawanan, o sinasaktan? Ano rin ang iyong naramdaman? Tunghayan mo ang araling ito para sa paninidigan sa kabutihan. Kapag tinanggalan mo ng balahibo ang manok, maibabalik mo pa ba ito? Tama ka, hindi mo na ito maibabalik pa sa kanyang katawan kailanman. Ganito rin ang sitwasyon kapag nagsalita tayo nang masakit sa ating kapuwa. Oo, maari tayong humingi ng tawad ngunit anumang masakit na salitang binitiwan natin ay hindi na natin mababawi pa. Nakasakit na tayo ng damdamin ng iba. Ang pangungutya/panunukso, masakit na pananalita, o pananakit sa kapuwa ay mga gawaing di-mabuti at hindi natin dapat hayaang mangyari. Upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapayapaan ng bawat isa, kailangan nating manindigan para sa katwiran at kabutihan. Alamin Natin
  • 255. DRAFT April 10, 2014 255 Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sabihin kung alin dito ang mabuti at hindi mabuting gawin. Kapag may nakita kang kinukutya o pinagtatawanan, hinahayaan mo na lamang ba ito o gumagawa ka ng hakbang upang matigil ito? Kung ginagawa mo ang matuwid, ikaw ay isang batang may paninindigan para sa kabutihan. Maraming paraan ng pagpapakita ng paninidigan. Halimbawa, may ginawa ka bang desisyon na ayaw sundin o paniwalaan ng mga kaibigan mo ngunit alam na alam mo na ito ang tama at matuwid? Kung ipinagpatuloy mo
  • 256. DRAFT April 10, 2014 256 ito, ikaw ay may paninindigan para sa katuwiran at kabutihan. Gawain 1 Sino-sino sa sumusunod ang nagpakita ng paninidigan? Gumuhit ng masayang mukha sa patlang sa bawat bilang kung ang tauhang nabanggit ay kinakitaan ng paninindigan at malungkot na mukha kung hindi. 1. Karamihan ng mga kaklase ni Edwin ay nagkopyahan sa kanilang takdang-aralin sapagkat mahirap ito. Gayunpaman, hindi nangopya si Edwin sa mga kaklase. Pinagsumikapan niyang sagutin ito. 2. Napansin mong maraming kalat sa paligid. Napagkasunduan ng inyong klase na gumawa ng bukas na liham para sa lahat ng mag-aaral upang bigyan sila ng babala sa mga masamang idudulot ng pagkakalat sa kapaligiran. 3. Narinig mong pinag-uusapan ng iyong mga kaklase ang bagong lipat na si Eman. Natatawa sila dahil siya ay may punto sa pagsasalita at di-gaanong marunong magsalita ng Tagalog. Alam mong mali ang kanilang ginagawa ngunit tumahimik ka lamang. Isagawa Natin
  • 257. DRAFT April 10, 2014 257 4. Hindi sinasadyang dumulas sa iyong kamay ang hawak mong baso at nabasag ito. Pagdating ng inyong Nanay, agad mo itong sinabi at humingi ka ng tawad. 5. Nakita mong pinatid ng isang malaking bata ang kaklase mong malabo ang mga mata. Agad mong tinulungan ang iyong kaklase. Sinamahan mo siya sa inyong guro upang sabihin ang nangyari. Gawain 2 Ang pangugutya o pang-aapi ng kapuwa ay isang masamang gawaing hindi dapat payagan. 1. Pumili ng isang larawan na nasa Alamin Natin. 2. Pag-usapan sa inyong pangkat ang maaring magawa upang masugpo ang maling gawaing ito. 3. Ilista ang inyong mga sagot sa sagutang papel. Bukod sa mga nasa larawan, magbigay pa ng halimbawa ng mga maling gawaing hindi dapat tularan at payagan. 4. Iulat ang inyong sagot sa klase. Pag-isipan mo. Ang paninidigan para sa kabutihan ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Nagagalak ang Diyos kapag nakikita Niya tayong susmusunod sa Kanyang tagubilin. Isapuso Natin
  • 258. DRAFT April 10, 2014 258 Bilang isang bata, maari mong ipakita ang iyong paninidigan sa kabutihan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at hindi pagpayag sa gawaing masama. Gawain 1. Bumunot ka ng isang nakarolyong papel na may nakasulat na pangalan ng iyong kamag-aral. 2. Pagnilayan mo kung paano ipinakita ng kamag-aral na nabunot mo ang kabutihan at isulat mo ito sa isang malinis na papel. Maaari mo ring ilista ang iba pang mabubuting katangian o mabubuting salita tungkol sa kanya na sa palagay mo ay ikatutuwa niyang mabasa o marinig. 3. Iabot mo sa taong iyong nabunot ang papel na may sulat. Sagutin ang mga tanong:  Ano ang iyong naramdaman habang iniaabot mo o habang tinatanggap mo ang papel?  Ano naman ang naramdaman mo pagkatapos mong mabasa ang papel na ibinigay sa yo? Tandaan Natin Ang paninidigan para sa kabutihan ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos sapagkat nangangahulugan ito ng pagsunod sa kanyang mga tagubilin. Ang pagtutol o hindi pagpayag sa mga gawaing masama ay isang anyo rin ng paninidigan para sa katuwiran at kabutihan.
  • 259. DRAFT April 10, 2014 259 Maraming paraan kung paano ipinakikita ang paninidigan. Sa tuwing may pagsusulit, dapat tayong maging tapat. Iwasan ang pananakit ng kapuwa maging sa pananalita na nakasasakit ng damdamin. Ilang halimbawa ng mga ito ang sumusunod:  Dapat tayong manindigan sa katapatan. Halimbawa: Hindi natin dapat payagan ang iba na magkopyahan.  Dapat tayong manindigan para sa pagkakapantay- pantay ng bawat isa. Halimbawa: Ang mga batang mula sa ibang pangkat- etniko iba ang relihiyon o paniniwala ay hindi dapat pagtawanan, iwasan o apihin.  Anumang anyo ng pananakit sa kapuwa ay hindi natin dapat gawin at payagan. Halimbawa: Ang masasakit na biro sa kapuwa. Alam mo ba na sa pamamagitan ng iyong mabubuting pananalita, nahihikayat din natin ang ating kapuwa na gumawa ng mabuti?Ang isang batang may pagmamahal sa Diyos ay mabuti sa kanyang kapuwa. Hindi siya nananakit ng kapuwa kundi isa siyang huwaran ng kabutihan. Tiyak na magagalak ang Diyos sa kanya at kagigiliwan siya nino man.
  • 260. DRAFT April 10, 2014 260 Gawain Manindigan tayo para sa kabutihan. 1. Sa patnubay ng guro, gagawa kayo ng “pader” laban sa maling pakikitungo sa kapuwa. Gawin ang sumusunod.  Kumuha ka ng isang puting papel o pinaglumaang folder. Kulayan mo ang mga gilid nito.  Isulat sa loob nito ang iyong paninidigan para sa kabutihan at pagwawaksi ng masamang gawain. Halimbawa: Hindi ako mamimintas ng aking kapuwa.  Idikit ang iyong gawa sa isang buong manila paper kasama ang gawa ng iba mo pang kaklase.  Ipaskil ang inyong nagawang pader sa labas ng silid-aralan upang mabasa ng iba at mabigyan ng pansin.  Maglagay ng espasyo o lugar kung saan puwedeng lumagda ang mga mag-aaral bilang pagpapakita ng pagsang-ayon nila rito. Isabuhay Natin
  • 261. DRAFT April 10, 2014 261 Halimbawa ng mga may paninidigan. 1. Gumawa nang tama; maging mabait sa kapuwa. 2. Walang karapatan ang sinuman na pagtawanan ang iba dahil sa kanilang pisikal na anyo, relihiyon, antas sa buhay, o kasarian. 3. Huwag kang pasaway. 4. Mahal ko ang Diyos kaya hindi ako nang-aapi ng aking kapuwa. 5. Kung may makita kang batang sinanasaktan, ipagbigay-alam agad sa kinauukulan. Suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Nagkamali ang kaklase mo sa pagbigkas ng isang salita habang pinababasa ng iyong guro. Napansin mong lihim siyang pinagtawanan ng iyong katabi. Ano ang iyong gagawin? a. Sasabihin ko sa aking kaklaseng nagkamali na pinagtawanan siya ng aking katabi. b. Sasawayin ko ang aking katabi sa pamamagitan ng senyas at kakausapin pagkatapos ng klase. c. Pagsasabihan ko siya nang malakas para malaman ng lahat ang ginawa niya. Subukin Natin
  • 262. DRAFT April 10, 2014 262 d. Hindi ko na lamang siya papansinin. 2. Napansin mong nag-iisa at hindi kasali sa inyong laro ang bago ninyong kaklase. a. Aayaw na ako sa laro at sasamahan ko na lamang ang aking bagong kaklase. b. Pagsasabihan ko siyang pumunta na lamang sa silid- aklatan dahil wala siyang kausap. c. Yayayain ko siyang sumali sa aming laro. d. Itatanong ko muna sa mga kalaro ko kung gusto nilang kasali siya sa laro. 3. Nakita mong pinagagalitan at kinukurot ng iyong kaibigan ang kapatid niyang maliit. a. Sasabihin kong kausapin niya nang mahinahon ang kanyang kapatid at huwag itong saktan. b. Tatanungin ko siya kung ano ang ginawa ng kanyang kapatid. c. Imumungkahi kong isumbong na lang niya sa Nanay nila ang kanyang kapatid. d. Kakausapin ko ang kanyang kapatid. 4. Dalawang beses mo nang napansin na sinadyang patirin ng kaklase mong pinakamalaki ang kaklase mong pinakamaliit. Pinagsabihan mo na siya noong unang makita mong ginawa niya ito. Humingi siya ng paumanhin at sinabing hindi ito sinasadya pero nahalata mong hindi siya tapat sa kanyang sinabi. Ngayon ay inulit na naman niya ito. a. Tatahimik na lang ako dahil baka ako ang kanyang pagbalingan. b. Sasabihan ko ang iba ko pang kamag-aral na patirin din namin siya.
  • 263. DRAFT April 10, 2014 263 c. Pagagalitan ko ang kaklase kong pinatid niya dahil hindi siya lumalaban. d. Isusumbong ko siya sa aking guro upang matigil na siya sa kanyang ginagawa. 5. May kaibigan ka na kinasanayan mo nang tawaging pagong dahil nababagalan ka sa kanyang kilos. Kahit binansagan mo siya nito, itinuturing ka pa rin niyang kaibigan kahit alam mong hindi lang niya ipinahahalatang nasasaktan din siya. Isang araw, napansin mong pati ang iba mong kaklase ay tinatawag siyang pagong. a. Sasawayin ko sila at sasabihing ako lang ang puwedeng tumawag sa kanya ng ganoon dahil magkaibigan kami. b. Sasawayain ko sila at ipakikita ko sa kanila ang paghingi ko ng paumanhin sa aking kaibigan sa pagkakamali kong nagawa. c. Hahamunin ko sila ng away upang maipakita na handa akong ipagtanggol ang aking kaibigan. d. Makikisali na rin ako sa panunukso sa kaibigan ko. Muli kitang binabati dahil natapos mo ang aralin nang matagumpay. Ipagpatuloy mo ang pagiging mabuti sa iyong mga kaibigan at ikaw ay kalulugdan ng Diyos.
  • 264. DRAFT April 10, 2014 264 Aralin 8 Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko sa Aking Kapuwa Kapag nakakita ka ng mga maysakit, mga kapus- palad, mga nalulungkot, o mga taong nahihirapan, ano ang nararamdaman mo? Nararamdaman mo rin ba ang kanilang kalagayan? Nais mo ba silang tulungan? Ipinagdarasal mo ba sila? Likas sa atin ang magmahal ng kapuwa dahil tayo ay nilikha ng Diyos na puno ng pag-ibig para sa Kanyang mga nilalang. Sa paanong paraan mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? Gaano man ito kaliit o kalaki, tiyak na nagagalak ang Diyos na makitang tayo ay nagmamahal sa ating kapuwa. Tunay ngang tanda ito ng pagmamahal natin sa Kanya. May ipakikilala ako sa iyo. Kilala mo ba ang batang nasa larawan? Siya si Kesz Valdez. Alamin Natin
  • 265. DRAFT April 10, 2014 265 Magandang araw kaibigan! Ako si Kesz, labintatlong taong gulang. Dati akong nakatira sa tambakan ng basura. Para mabuhay, naghahalungkat ako ng basurang puwede pang ibenta. Namamalimos din ako sa palengke. Sa sementeryo o kaya sa tapat ng mga Convenience Store ako kadalasang natutulog. Noong limang taong gulang ako, nagkaroon ako ng malalang sugat dulot ng pagkasunog. Nakita ako ni Kuya Bonn na itinuturing ko nang Tatay ko ngayon at ni Kuya Efren. Nilinis nila ang aking mga sugat. Inalagaan nila ako. Naramdaman kong mahal nila ako. Simula noon, sumasama na ako kay Kuya Efren sa kanyang eskwela sa kariton. Tinuturuan ko ang mga batang ingatan ang kanilang kalusugan. Noong pitong taon na ako, naisip kong itatag ang samahang C3 o Championing Community Children sa tulong ng aking mga kaibigan. Nagbebenta kami ng kandila upang makalikom ng pondo para matulungan ang mga batang lansangan. Naniniwala akong kaya nating pagandahin ang mundo. Masaya ako sa ginagawa ko. Naniniwala ako na tulad ko, kaya mo ring tulungan at mahalin ang ating kapuwa. Sagutin ang mga kaugnay na tanong sa iyong kuwaderno. 1. Sino si Kesz Valdez? 2. Paano niya ipinakita ang kanyang pagmamahal sa kapuwa? 3. May mga ahensya ng pamahalaan ka bang alam ba tumutulong sa mga batang lansangan? Ano-ano ito? 4. Sa iyong palagay, ano ang maaring mangyari sa mga batang lansangan kung walang kumakalinga o tumutulong sa kanila? 5. Kung ikaw si Kesz, paano mo tutulungan ang mga batang lansangan?
  • 266. DRAFT April 10, 2014 266 Gawain 1 (Indibidwal na Gawain) Sino o ano ang nais mong ipanalangin? Sumulat ng isang maikling panalangin ukol sa kanila. Maaring isulat ito sa iyong sariling dayalekto. Gawain 2 (Pangkatang Gawain) Katulong ang iyong pangkat, lapatan ng kilos ang tula at maghandang bigkasin ito sa harap ng klase. Ipaliwanag ang mensahe ng tula sa isang pangungusap. Dakilang Diyos, mapagmahal na Ama Kahit saan man kami maparoon, Ang Iyong pag-ibig na sa amin ay pabaon Gabay at sandalan namin, anuman ang panahon. Walang katulad na pag-ibig ipinadama sa amin Pagmamahal mo di namin kayang sukatin Kaya ang aming kapuwa mamahalin din namin Biyayang kapaligiran, iingatan namin. -prs- Isagawa Natin
  • 267. DRAFT April 10, 2014 267 Gawain 1 1. Suriin ang iyong sarili. Gaano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa kapuwa? Sagutin nang tapat ang tseklis. Lagyan ng tsek ang hanay na tumutugma sa iyong sagot gamit ang batayan sa ibaba. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 3 – Palagi kong ginagawa 2 – Ginagawa ko minsan 1 – Hindi ko ginagawa Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa kapuwa 1 2 3 1. Tinutulungan ko ang aking kamag-aral kapag nakita kong may mabigat siyang dala. 2. Lagi akong may handang ngiti sa lahat. Magiliw ako sa pakikitungo sa iba. 3. Kapag narinig ko o nakita ko ang aking kamag-aral o kalaro na may pinagtatawanan o kinukutyang iba dahil sa kanilang anyo, salita, o kilos ay sinasaway ko sila. 4. Kapag nakabalita ako ng mga nabiktima ng kalamidad, ipinapanalangin ko sila kung hindi ko man sila tuwirang matulungan. 5. Sumasali ako sa mga proyektong tumutulong sa iba o sa kapaligiran (Hal., paglilinis ng paligid, pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta. Isapuso Natin
  • 268. DRAFT April 10, 2014 268 2. Gagabayan ka ng iyong guro upang makuha mo ang tamang iskor sa ginawang gawain. Pagkatapos mong bilangin ang nakuha mong iskor maaari mong tingnan ang katumbas na pakahulugan nito na nasa ibaba. Pagkatapos sagutin ang tseklis, tuusin ang puntos na nakuha mo. Bilangin kung ilan ang sinagutan mo ng 1. I-multiply ito sa 1. Ganoon din ang gawin sa iba pang bilang. Halimabawa: Bilang ng sinagutan ng 1 ay 2 kaya 1 x 2 = 2 Bilang ng sinagutan ng 2 ay 2 kaya 2 x 2 = 4 Bilang ng sinagutan ng 3 ay 2 kaya 3 x 2 = 6 Sumahin ang kabuuang puntos (2=4=6 = 12) at alamin ang kahulugan nito. 11-15 Magaling! Ipinakikita ng pagmamahal mo sa kapuwa na mahal mo ang Diyos. 6 –10 May pagmamalasakit ka sa iyong kapuwa ngunit dapat mo pang pagbutihin ito. 1 – 5 Sikapin pang lalong mapabuti ang pakikitungo sa iyong kapuwa. Tandaan Natin Likas sa atin ang magmahal sa kapuwa sapagkat tayo ay nilalang ng isang Diyos na mapagmahal. Naipakikita natin ang pagmamahal natin sa Diyos sa pang-araw-araw na pakikitungo natin sa ating kapuwa.
  • 269. DRAFT April 10, 2014 269 Humingi tayo ng tulong sa Diyos na maipadama natin ang tunay na pagmamahal sa kapuwa. Siya ang magbibigay sa atin ng lakas upang magawa ito. Dahil mahal tayo ng Diyos, binigyan Niya tayo ng kakayahang magmahal at maranasan din natin ang kasiyahang naidudulot nito sa ating damdamin. Alam mo bang kaya mo ring maging katulad ni Kesz? Sa patnubay ng iyong guro, makibahagi sa isang proyektong makatutulong sa iyong kapuwa tulad ng nasa ibaba. 1. Pamagat ng Proyekto: Regalo ng Pag-asa Para sa Kabataan Isabuhay Natin
  • 270. DRAFT April 10, 2014 270 Layunin: Makapagbigay-saya sa mga batang lansangan o kinakalinga ng ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD o kaya ay simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga laruan, tsinelas, o mga gamit pangkalusugan na kokolektahin mula sa mga mapagkawanggawa. Mga Dapat Gawin o Ihanda:  Sa tulong ng inyong guro kayo ay gagawa ng liham para makahingi ng donasyong tulad ng mga aklat na hindi mo na binabasa, lumang laruan, at damit sa ibang mga bata o kanilang magulang upang maidagdag sa mga nakolekta mula sa inyong klase.  Magtatakda kayo ng araw kung saan kayo ay magpaparada at bibisita sa bawat klase upang kunin ang kanilang mga donasyon na ilalagay sa isang malaking kahon na parang isang regalo.  Ibibigay ang mga nakolektang laruan at mga gamit sa isang samahang nangangalaga sa mga batang lansangan, maysakit, o ulila. Pagkatapos isagawa ang proyekto, isulat sa kuwaderno o iguhit ang naramdaman mo habang isinasagawa ang proyekto. Maaari mo rin itong iguhit kung gusto mo.
  • 271. DRAFT April 10, 2014 271 Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa kapuwa sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang iyong gagawin o sasabihin sa kuwaderno. 1. Narinig mo ang iyong mga kalaro na pinagtatawanan ang batang dumaan sa tapat ninyo dahil siya ay nadapa. 2. Napanood mo sa telebisyon o narinig sa radyo na maraming nasalanta ng bagyo sa inyong probinsya. 3. Umiiyak ang kaklase mo dahil naiwan niya sa kanilang bahay ang kanyang aklat. 4. Sasali sa isang paligsahan sa paaralan ang iyong mga kaklase. 5. Nakita mo ang iyong guro na maraming dala habang papunta sa klase ninyo. Subukin Natin
  • 272. DRAFT April 10, 2014 272 Aralin 9 Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko Photo taken by MDP “Diyos na mapagmahal, bukal ng pagpapala, kami po ay namamangha sa regalo Ninyong biyaya sa amin. Ang aming mga puso ay puno ng pasasalamat sa tuwing mamamasdan namin ang kagandahan ng mundong inilaan Ninyo para sa amin. Tulungan Ninyo po kaming maging maingat na tagapangalaga ng biyayang ito. Sapagkat ang mabuting pangangasiwa ng kalikasan ay tanda rin naman ng aming pag-ibig sa Inyo. Una Ninyo kaming minahal kaya’t nagagawa naming mahalin rin ang aming kapuwa at ang iba pa Ninyong nilikha.” -prs- Nakatanggap ka na ba ng regalo? Sino ang nagbigay nito sa iyo? Bakit ka niya binigyan? Paano mo ito pinahahalagahan? Sa araling ito, mas maunawaan mo ang
  • 273. DRAFT April 10, 2014 273 kahalagahan ng ating kalikasan at maisapuso mo ang pagpapahalaga sa iba pang nilikha ng Diyos. Ang kalikasan ay biyaya o regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Ano ang iyong mararamdaman kung ang regalong ibinigay mo ay hindi pinahalagahan o iningatan ng pinagbigyan mo? Damhin mo ang sikat ng araw, ang simoy ng hangin. Dinggin mo ang huni ng mga ibon. Pagmasdan mo ang mga isdang iba-iba ang hugis at kulay na masiglang lumalangoy sa mga karagatan. Tingnan mo ang mga kabundukang hitik sa mga puno. Ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay ng di masusukat na pagmamahal ng Diyos sa atin. Nais Niyang maging sagana at mapayapa ang ating pamumuhay o pamamalagi dito sa daigdig. Paano mo pinangangalagaan ang mga biyayang kaloob ng ating Diyos? Gawain 1(Indibidwal na Gawain) Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbago ang dating kaaya-ayang kapaligiran. Ang maling paggamit at pag-abuso sa ating kalikasan ay nagdulot ng matinding Isagawa Natin Alamin Natin
  • 274. DRAFT April 10, 2014 274 suliranin sa ating kapaligiran. Gaano ka kamulat sa mga suliraning ito? Tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiran ang ipinakikita ng bawat larawan. Isulat ang napiling sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Pagkamatay ng mga isda sanhi ng pagkalason dahil sa maruming tubig o kawalan ng oxygen na kailangan nila. 2. Pagkaubos ng mga puno sa kagubatan dahil sa bawal na pagtotroso o pagkakaingin ng mga tao.
  • 275. DRAFT April 10, 2014 275 3. Pagbaha bunga ng tuloy-tuloy na pag-ulan o pagdating ng mas malalakas na bagyo dahil sa pagbabago ng klima sa mundo. 4. Pagkamatay ng mga ilog o sapa dahil sa walang tigil na pagtatapon ng basura sa mga katubigan.
  • 276. DRAFT April 10, 2014 276 Sagutin ang sumusunod na tanong:  Tungkol saan ang mga larawan?  Ano-ano ang mga sanhi ng mga suliraning ito?  Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan ng ating kapaligiran?  Ano ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang ating kalikasan? Gawain 2 (Pangkatang gawain) 1. Pumili ng isang suliraning pangkalikasan. 2. Pag-usapan ito ayon sa sanhi at bunga. 3. Magmungkahi ng mga paraan ng paglutas sa suliranin. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.  Tungkol saan ang suliraning pangkalikasan?  Ano-ano ang mga sanhi ng mga suliraning ito?  Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan ng ating kapaligiran?  Ano ang inyong magagawa upang mapangalagaan ang ating kalikasan? la niña fish kill climate change global warming el niño deforestation illegal logging oil spill water pollution
  • 277. DRAFT April 10, 2014 277 Iulat ang inyong sagot gamit ang graphic organizer. Alam mo ba na may isang kumpol ng basura sa Pacific Ocean ang patuloy na lumalaki at nanganganib na maging sanhi ng pagkamatay ng lahat ng mga yamang dagat at hayop na matatagpuan roon? Ang ibong albatross na nasa larawan ay natagpuan sa baybaying malapit sa Karagatang Pasipiko. Ang ibong ito, Isapuso Natin Suliranin Sanhi Bunga Solusyon
  • 278. DRAFT April 10, 2014 278 tulad natin ay nilalang at mahal din ng Diyos. Dahil sa kapabayaan ng tao, ang iba pang nilalang, halaman, at hayop ay nanganganib na ring maubos at mawala. Suriin ang iyong sarili. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamalasakit sa mga biyayang bigay ng Diyos? Sagutan ang tseklis nang tapat. Lagyan ng tsek ang kolum na tumutugma sa iyong sagot gamit ang sumusunod na batayan. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 3 – Palagi kong ginagawa 2 – Paminsan-minsan kong ginagawa 1 – Bihira kong ginagawa Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa Kalikasan 1 2 3 1. Kung kumain ako ng kendi at wala akong makitang basurahan sa paligid, itinatago
  • 279. DRAFT April 10, 2014 279 ko muna ang balat nito sa aking bag. Hindi ko basta itinatapon ang pinagbalatan nito kahit saan. 2. Kapag nagpunta kami sa dagat o saan mang pook-pasyalan, iniipon ko ang aking kalat sa isang lalagyan at itinatapon sa basurahan. Hindi ako nagkakalat. 3. Kung may makita akong aso o pusa o anomang hayop sa paligid, hinahayaan ko lamang sila. Hindi ko sila binabato o sinasaktan. 4. Kung ang aming pangkat ang nakatakdang maglinis ng silid-aralan, buong sipag at kagalakan kong ginagampanan ang aking tungkulin. 5. Pinaaalalahan ko ang aking kapatid, kaklase, at kaibigan na itapon ang kanilang basura sa tamang lalagyan. Pagkatapos sagutin ang tseklis, tuusin ang puntos na nakuha mo. Bilangin kung ilan ang sinagutan mo ng 1 at i- multiply ito sa 1. Ganoon din ang gawin sa iba pang bilang1. Halimbawa: Bilang ng tsek sa kolum 1 ay 2 kaya 1 X 2 = 2 Bilang ng tsek sa kolum 2 ay 2 kaya 2 X 2 = 4 Bilang ng tsek sa kolum 3 ay 2 kaya 3 X 2 = 6
  • 280. DRAFT April 10, 2014 280 Sumahin ang kabuuang puntos ( 2 +4+6 =12) at alamin ang kahulugan nito. 11-15 - Magaling! Ang pagmamalasakit mo sa kalikasan ay nagpapakita ng pagmamahal mo sa Diyos. 6 –10 - May pagmamalasaki ngunit hindi sapat. Dapat ugaliin ang pagmamalasakit sa ating kapaligiran pagkat ito ay biyaya sa atin ng Diyos. 1 –5 Nakalulungkot ngunit hindi ito ang dapat mong ugaliin. Huwag mong hintaying ang iyong kawalan ng malasakit sa kalikasan ay magbunga ng kapahamakan sa sarili at sa iba. Sikaping magbago. Tandaan Natin Ang ating kalikasan—kalupaan, katubigan, mga hayop at halaman ay regalong biyaya ng Diyos sa atin. Mahal tayo ng Diyos kaya sa pamamagitan ng biyaya ng kalikasan, nais Niyang maging masagana at kaaya-aya ang buhay natin sa daigdig. Marami sa mga suliraning pangkalikasang nararanasan natin ngayon ay bunga ng pang-aabuso ng tao sa kalikasan. Oras na para matuto ang mga tao na pahalagahan ang ating kalikasan upang maiwasan na ang mga mapinsalang pangyayari. Kaya bilang batang tagapangalaga ng ating kapaligiran, himukin mo ang iyong kapuwa bata na magtanim sa kanilang bakuran o paaralan at matutong
  • 281. DRAFT April 10, 2014 281 magmasid sa kapaligiran upang higit na mabantayan ang biyayang kalikasan mula sa Diyos. Isipin mo na maipakikita natin ang ating pasasalamat at pagmamahal sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-iingat at pangangalaga sa ating kalikasan. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawain. 1. Sa isang malinis na papel o lumang folder, katulong ang iyong pangkat, magtala kayo ng tatlong hakbang na gagawin ninyo upang maipakita ang pangangalaga at pag-iingat sa kalikasan. 2. Ilagay ang inyong mga pangalan sa ibaba ng talaan at pirmahan ninyo ito. 3. Ipaskil ang mga ito sa isang bahagi ng silid-aralan. 4. Tuwing Lunes, lagyan ninyo ng masayang mukha ang talaan kung natupad ninyo ang mga ito. Ang may pinakamaraming masayang mukhang nailagay o naiguhit sa pagtatapos ng taon ang siyang itatanghal na mga bayani ng kalikasan. Isabuhay Natin
  • 282. DRAFT April 10, 2014 282 5. Maaring gamitin ang tsart sa ibaba bilang gabay sa gagawin. Mag-isip din ng iba pang paraan para sa pagtatala ng mga gawain. Kami ang simula! Porsch Ces Edna Tutulong kami sa paglilinis ng silid- aralan sa araw- araw. Itatapon naming ang mga basura sa tamang lalagyan. Aming didiligan ang mga halaman sa tapat ng aming silid- aralan.
  • 283. DRAFT April 10, 2014 283 A. Ano ang iyong dapat gawin para sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno. 1. Pagkamatay ng mga isda sa karagatan 2. Luntiang paligid 3. Matinding pagbaha dulot ng bagyong Yolanda 4. Patuloy na pagdami ng basura na ikinakalat ng mga tao 5. Kaunting puno sa kapaligiran Binabati kita magaling na mag-aaral! Ngayon natapos mo na ang lahat ng aralin sa ikaapat na markahan, inaasahang maisasabuhay mo ang lahat ng kaalamang iyong natutuhan sa buong taon. Nawa’y magsilbi kang isang magandang halimbawa sa iyong kapwa. Mabuhay ka! Subukin Natin