SlideShare a Scribd company logo
DRAFT 
April 10, 2014 
1 
Kagawaran ng Edukasyon 
Republika ng Pilipinas
DRAFT 
April 10, 2014 
2 
Filipino 
Kagamitan ng Mag-aaral 
UNIT 1 
PAG-AARI NG PAMAHALAAN 
HINDI IPINAGBIBILI 
INILAAN PARA SA 
Distrito/Paaralan: ____________________________ 
Dibisyon: ____________________________________ 
Unang Taon ng Paggamit: ___________________ 
Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 
3 
Baitang 
Batang Pinoy Ako
DRAFT 
April 10, 2014 
3 
BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang 
Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral 
Unang Edisyon, 2014 
ISBN : 
Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa 
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng 
Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan 
o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning 
komersiyal. 
Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, 
seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, 
atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga 
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng 
mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. 
Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon 
Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC 
Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo 
Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: 
Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, 
Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace 
Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, 
Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. 
Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, 
Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David 
Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado 
Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth 
Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand 
Bergado. 
Inilimbag sa Pilipinas ng __________ 
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) 
Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. 
Meralco Avenue, Pasig City 
Philippines 1600 
Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
DRAFT 
April 10, 2014 
4 
PAUNANG SALITA 
Kumusta mga bata? 
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng 
Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng 
Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga 
kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa 
pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at 
pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay 
gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain 
ang mga panuto na mababasa dito upang maging 
matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. 
Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. 
- Pamilya Ko, Mamahalin Ko 
- Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko 
- Bansa Ko, Ikararangal Ko 
- Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko 
Ang bawat aralin naman ay may mga gawain 
tulad ng : 
Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at 
talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang 
lilinangin sa bawat aralin. 
Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan 
o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang 
ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. 
Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga 
pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
DRAFT 
April 10, 2014 
5 
ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang 
aralin. 
Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa 
mga natutuhan mo. 
Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging 
matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang 
hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. 
Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na 
Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at 
makakalikasan. 
Maligayang pag-aaral sa iyo! 
MGA MAY-AKDA
DRAFT 
April 10, 2014 
6 
TALAAN NG NILALAMAN 
Yunit I – Pamilya Ko Mamahalin Ko 
Aralin I – Ako Ito 7 
 Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay 
Aralin 2 – Pamilya Ko 12 
 Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay 
 Pagkilala sa Iba’t ibang Bahagi ng Aklat 
Aralin 3 – Pag-uugali Ko 14 
 Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay 
Aralin 4 – Libangan Ko 17 
 Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay 
 Paggamit ng Diksiyunaryo 
Aralin 5 – Pangarap Ko 20 
 Pagbibigay ng Tauhan, Tagpuan 
at Banghay ng Kuwento 
 Paggamit ng Panghalip 
(Ako, Ikaw, Siya) 
Aralin 6 – Kakayahan Ko 24 
 Paggamit ng Panghalip 
(Kami, Tayo, Kayo, Sila) 
 Pagbibigay-kahulugan sa Pictograph 
Aralin 7 – Paniniwala Ko 27 
 Pagbuo ng Bagong Salita 
 Paggamit ng Panghalip 
(Kami, Tayo, kayo, Sila) 
Aralin 8 – Karapatan Ko 31 
 Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento 
 Paggamit ng Panghalip Pamatlig 
(Ito, Iyan, Iyon) 
 Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat 
sa Pagkalap ng Impormasyon 
Aralin 9 – Tungkulin Ko 34 
 Paggamit ng Panghalip Pamatlig 
(Ito, Iyan, Iyon) 
 Paggamit ng mga Kasalungat na Salita 
Aralin 10 – Kaibigan Ko 38 
 Pagtukoy ng mga Bahagi ng Kuwento 
 Paggamit ng Panghalip Pamatlig 
(Ito, Iyan, Iyon)
DRAFT 
April 10, 2014 
7 
Nakapunta ka na ba sa isang pista? Ano-ano ang 
natatandaan mo rito? Babalik ka ba rito? Bakit? 
Basahin nang tahimik ang kuwento upang malaman kung 
bakit babalik ang ating bida sa pistang kaniyang napuntahan. 
Ang Pistang Babalikan Ko 
Araw ng Sabado noon. Isinama ako ni Nanay 
sa Lucban, Quezon upang dumalo sa Pahiyas Festival. Malugod 
kaming tinanggap ng aming mga kamag-anak. Maraming tao 
ang bumibisita sa kanilang lugar sa ganitong araw. Bigla akong 
napalabas ng bahay nang marinig ko ang sigawan. 
“Hayan na! Hayan na! Magsisimula na ang parada!” 
ang sigawan ng mga tao. Ang daming tao sa kalsada! Lahat sila 
gustong makapanood. Dahil ako ay maliit, wala akong 
masyadong makita. Natuwa ako sa isang dayuhan nang yayain 
niya akong lumipat sa kaniyang puwesto sa unahan. Agad akong 
nagpasalamat sa kaniya. 
Naging kapana-panabik sa bawat isa ang panonood 
ng parada ng makukulay na karosa na may palamuting 
mga produkto ng bayan. Bawat karosa ay talagang 
napakaganda. 
“Wow! Nakakatuwa talaga dito. Sana ay isama uli ako 
ni Nanay sa susunod na taon,” ang sabi ni Rodel. 
“Naku! Lalo kang malilibang kapag nakita mo 
ang maririkit nilang palamuti sa kanilang mga bahay. Talagang 
malikhain ang mga taga-Lucban,” sambit naman ni Nanay. 
Hinding- hindi ko malilimutan ang pistang ito. Babalik ako.
DRAFT 
April 10, 2014 
8 
Punan ng angkop na salita ang mga pangungusap ayon 
sa iyong sariling karanasan. Isulat ang sagot sa iyong notebook. 
1. Dumalo ako sa kaarawan ng aking kaklase. Marami akong 
kinain tulad ng______, ______, _______, at _______. Nagkaroon 
din ng mga palaro. 
2. Tuwing buwan ng ________, nagdiriwang ang aming baryo 
ng kapistahan. Dito masaya ang mga _____at _________. 
Maraming handang pagkain tulad ng ______, _______, at 
_______ sa halos lahat ng bahay. 
3. Tuwing araw ng Pasko, masaya kami sa aming________. 
Naghahanda ng aking ina ng masasarap na_______. Sabay-sabay 
kaming nagtutungo sa _______upang magpasalamat 
sa Dakilang Lumikha. Nagpupunta rin kami sa aming ______, 
______, _______, ______, ________, at _______ upang humalik sa 
kanilang kamay. 
Tingnan kung paano ginawa ng iyong guro ang isang kiping. 
Ngayon, ikaw naman ang gagawa nito . 
Matapos gawain ang iyong kiping, sipiin sa loob nito at 
kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap: 
Natutuhan ko sa araling ito na ______________________ 
_______________. Kaya _______________. 
Basahin ang kuwento. Kung tapos na, sumulat ng isang 
talata na may tatlong pangungusap tungkol sa katulad na 
karanasan. Isulat ang kuwento sa iyong notebook. 
Ang Pamamasyal sa Parke 
Tuwing araw ng Linggo pagkatapos magsimba, 
kaming magkakapatid ay ipinapasyal ng aming 
mga magulang sa parke. Masaya kaming naglalaro dito 
ng habulan, taguan, pagpapalipad ng saranggola, at kung ano-
DRAFT 
April 10, 2014 
9 
ano pang laro na aming maisip. Tapos, kakain kami 
ng masasarap na pagkaing niluto ni Nanay. Samantala si Tatay 
naman ay abala sa pagkuha sa amin ng mga larawan. 
Ano-anong paghahanda ang isinasagawa sa inyo bago 
ang araw ng kapistahan? Tingnan kung pareho ng ginagawa ng 
mag-anak sa ating kuwento. 
Pista sa Aming Bayan 
Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong sa 
paghahanda sa nalalapit na kapistahan. May kabataan 
na nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay 
ng mga banderitas . 
May ilang kababaihan naman ang nag-aayos 
ng bulaklak sa mga sasakyan na gagamitin sa prusisyon. 
Ang mga lalaki naman ay nag-aayos ng mga ilaw. 
Ang mga Nanay naman ay abala na sa paghahanda 
ng mga pagkain tulad ng suman, halaya, atsara at iba pang 
kakanin. Ang mga Tatay naman ay nag-aayos ng kanilang mga 
bakuran. 
Ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami 
ay katulong sa paglilinis ng aming bahay. 
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa binasa mong 
kuwento? Isulat ang mga ito ayon sa kanilang kategorya. Gawin 
ito sa isang malinis na papel.
DRAFT 
April 10, 2014 
10 
Batay sa iyong napag-aralan, kaya mo nang kumpletuhin 
ang pangungusap na: 
Ang pangngalan ay ________ ng ________, _________, 
________, __________ at ___________. 
Pumili ng isa o dalawang salita mula sa listahan. Gamitin 
ang mga ito sa sariling pangungusap na magsasabi ng iyong 
karanasan. 
bagyo bulaklak palengke pusa 
Gusto mo bang makaipon ng pera? Alkansiya ang 
kailangan mo. Kung may mga lumang botelya o lata 
sa inyong bahay, maaari mo itong gamitin. 
Tingnan natin sa kuwento kung paanong napakinggan 
ang alkansiya ng isang pamilya. 
Ang Aking Alkansiya 
Araw-araw, maagang akong gumigising upang ihanda ang 
sarili sa pagpasok. Naliligo. Nagbibihis ng damit pampaaralan. 
Araw-araw, paglabas ko sa aking silid, dumidiretso ako 
sa aming kusina. Sa hapag-kainan, doon ko makikita 
ang masarap na almusal na luto ng aking Nanay. 
Matapos kumain, sasabay na ako kay Tatay sa 
pagpasok sa paaralan. 
Isang araw, paglabas ko sa aming silid-kainan. 
Wala si Nanay. Wala ring masarap na almusal. Kaya’t hinanap ko 
si Nanay. 
Nakita ko siya sa kanilang silid-tulugan. 
Umiiyak. May sakit pala si Tatay at kailangang dalhin 
sa ospital. Bumalik ako sa aking kuwarto. Pinahid ko ang aking 
luha at kinuha ang aking alkansiya. 
Iniabot ko ito kay Nanay. At isang mahigpit na yakap ang 
kaniyang ibinigay sa akin.
DRAFT 
April 10, 2014 
11 
Kunin mo ang iyong notebook. Gawin ang sinasabi 
sa bawat panuto. 
1. Basahin ang talaan ng ngalan ng mga kaklase mo na 
ipakikita ng guro. 
Sipiin ang ngalan ng sampung kaklase na nais mong 
imbitahan sa iyong kaarawan. 
2. Narito naman ang talaan ng mga pagkain. Sipiin ang limang 
nais mong kainin. 
- cake candy pritong manok 
- atis bayabas lansones 
- karne isda itlog 
- cheese gatas tinapay 
- carrot kalabasa sibuya 
Kumpletuhin ang pangungusap. 
Sa pagsipi ng ngalan ng tao at lugar dapat tandaan 
na ito ay laging nagsisimula sa __________ o _________ letra. 
Sipiin ang mga salita ng ________ at ______ upang hindi 
magkamali sa pagbasa nito. 
Basahin mong muli ang kuwentong “Ang Alkansiya.” 
Sa iyong notebook, sipiin at ipangkat ayon sa kategorya 
ang mga pangngalan na ginamit dito.
DRAFT 
April 10, 2014 
12 
Paano kayo nagtutulungan sa inyong mag-anak? Katulad 
din ba ng mag-anak sa tula? 
Ang Aming Mag-anak 
(www.takdangaralin.com) 
Ang aming mag-anak ay laging masaya 
Maligaya kami nina Ate at Kuya. 
Mahal kaming lahat nina Ama’t Ina 
Mayroon ba kayong ganitong pamilya? 
Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan, 
Tulong ni Ama ay laging nakaabang. 
Suliranin ni Ate ay nalulunasan 
Sa tulong ni Inang laging nakalaan. 
Pag-aralan ang mga salita na mababasa sa Puno 
ng mga Salita na ginawa ng iyong guro. Pumili at gamitin sa 
pangungusap ang isang pares ng salitang magkatugma . 
Magkakatugma ang mga salita kung _____________. 
Mula sa mga binasa ng guro, sumipi ng isang maikling 
tugma. Bilugan ang mga salitang magkakatugma na ginamit 
dito.
DRAFT 
April 10, 2014 
13 
Natatandaan mo ba ang tula na “Ang Aming Mag-anak?” 
Basahin mo itong upang masagot ang mga tanong na ibibigay 
ng iyong guro. 
Pumili ng isang ngalan na binanggit sa tulang binasa. 
Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa napiling ngalan. 
Kumpletuhin ang pangungusap. 
Nagagamit ang _________ sa pagsasabi ng ngalan 
ng tao, lugar, at bagay. 
Pag-aralan ang larawang ipakikita ng guro. Sumulat 
ng dalawang pangungusap tungkol dito. Guhitan ang mga 
pangngalan na ginamit. 
Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? Ano ang tungkulin 
ng bawat isa? Tulad ng isang pamilya , ang aklat ay may kaniya 
ring bahagi. At ang bawat isa ay may ginagampanang tungkulin 
, tulad mo sa iyong sariling pamilya. 
Alamin natin sa tulang babasahin mo ang bawat bahagi ng 
aklat at ang ginagampanan ng bawat isa. 
Mga Bahagi ng Aklat 
ni RCJ 
Bahaging pabalat 
laman ay ngalan ng aklat 
Ang paunang salita 
mula sa may-akda.
DRAFT 
April 10, 2014 
14 
Ang talahuluganan 
nagbibigay ng kahulugan 
Talaan ng nilalaman 
pagkakasunod-sunod naman. 
Kung nais makita’y kabuuan 
sumangguni ka sa katawan 
At sa karapatang–ari naman 
malalaman limbag kung saan at kailan. 
Kumuha ng isang aklat. Sabihin at ipakita sa klase 
ang bawat bahagi nito. 
Ang mga bahagi ng aklat ay ________, ________________, 
________________, _______________ at _______________. 
Kunin ang gamit sa Art. Gumawa ng isang dummy 
ng aklat upang maipakita ang mga bahagi nito. Isulat ang 
ngalan ng bawat bahagi ng aklat. 
Ano-ano ang ginagawa mo tuwing araw ng Sabado? 
Katulad din ba ng kay Ian? Tingnan natin sa kuwento. 
Ang Sarap Talaga! 
Ako si Ian. Ang tawag nila sa akin ay Ian Masipag. 
Sa umaga, pagkagising ko agad kong inaayos ang aking higaan 
at mag-isa na akong maglilinis ng aking katawan.
DRAFT 
April 10, 2014 
15 
Habang naghihintay ako na maluto ang aming almusal, 
tinutulungan ko si Kuya sa pagdidilig ng mga halaman sa aming 
hardin. 
Kapag si Ate naman ay nakikita kong naglilinis sa loob 
ng aming bahay, tinutulungan ko siya sa pagpupunas ng mga 
mesa. 
Si Tatay naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain 
ng kaniyang mga alagang manok. 
Pagkatapos naming kumain ng almusal, ako lagi 
ang tagalinis ng mesa. 
Matapos kong tulungan ang aking pamilya, lalabas 
na ako ng aming munting bahay upang makipaglaro sa aking 
mga kaibigan. Ang sarap talaga kapag araw ng Sabado! 
Pumili at pumunta sa isang learning center na inihanda ng 
iyong guro. Gawin ang mga panuto na mababasa sa learning 
center. 
Natutuhan ko na mahalaga ang pagsunod sa nakasulat na 
panuto upang __________________________. 
Basahin at sundin ang mga nakasulat na panuto 
sa loob ng silid-aralan . 
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa kuwento ni Ian? 
Basahin muli ang kuwento niya upang makatiyak. 
Mula sa Kahon ng mga Larawan na inihanda ng iyong guro, 
kumuha ng isang larawan. Sabihin ang ngalan nito at 
magbigay ng isang pangungusap tungkol dito.
DRAFT 
April 10, 2014 
16 
Natutuhan ko sa araling ito na ginagamit ang _______ sa 
pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar, at bagay sa paligid. 
Hintayin ang hudyat ng iyong guro upang lumabas 
ng silid. Mula sa hardin, kumuha ng isang bagay na nakapukaw 
ng iyong pansin. Idikit ito sa iyong notebook at sumulat ng 
pangungusap tungkol dito. 
Basahin muli ang kuwento ni Ian. Tukuyin 
ang mga salitang ginamit dito na may dalawa at tatlong pantig. 
Sa iyong notebook sipiin ang parirala sa kuwentong 
“Ang Sarap Talaga” na sumasagot sa sumusunod na tanong. 
1. Ano ang ginagawa ni Ian pagkagising niya? 
2. Ano ang ginagawa niya habang naghihintay na maluto ang 
almusal? 
3. Paano niya tinutulungan ang kaniyang Ate? 
4. Ano ang ginagawa ni Ian at ng kaniyang Tatay? 
5. Saan pumupunta si Ian matapos ang kumain ng agahan? 
Sa pagsipi ng parirala, dapat kong tandaan na ________. 
Mula sa kuwentong “Ang Aking Alkansiya,” sipiin sa iyong 
notebook ang dalawang pariralang binubuo ng mga salitang 
may dalawa hanggang tatlong pantig.
DRAFT 
April 10, 2014 
17 
May alam ka bang laro ng lahi? Alamin ito sa tekstong 
babasahin. 
Tara na, Laro Tayo! 
Anong laro ang alam mo? Sigurado ako- tulad ko-ang 
nasa isip mo agad ay online games na lagi mong nilalaro sa 
harap ng computer. Tama? 
Pero alam mo ba marami pala tayong mga laro 
na sadyang sariling atin. Ang tawag dito ay laro ng lahi. 
Ito ang isa sa mga sumisimbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito rin 
ay tumutulong sa paghubog sa pagkakaisa natin, 
ang pagiging isport. Ginagawa din nitong alisto ang ating isip 
at malakas ang ating pangangatawan. Higit sa lahat binibigyan 
nito ng isang makulay na karanasan ang bawat batang Pilipino. 
Sino sa atin ang hindi nakakaalam ng Jack en Poy? 
Ito ay isa sa mga laro ng lahi na kinagigiliwan ng lahat, bata man 
o matanda. Nariyan din ang patintero na ang kailangan 
lamang ay pamato na puwede ang isang maliit na bato 
na nasa tabi-tabi lamang. Kung marami namang goma 
o rubber band, pagdugtung-dugtungin lamang ang mga ito. 
Tawagin ang mga kaibigan at lumukso habang umiikot 
nang pabilis nang pabilis ang nilubid na goma. Kapag nasabit 
ang paa mo, taya ka na. Ito ang luksong lubid. 
Kung maliwanag naman ang buwan, yakagin mo 
ang iyong mga kaibigan at kayo ay magtagu-taguan sa labas ng 
bahay. Mag-ingat lamang sa pagtatago at baka mahuli ka 
kaagad. Kung ayaw mo naman ng tagu-taguan, puwede rin 
naman na maglaro tayo ng bahay-bahayan sa loob o labas man 
ng bahay. 
Ito ay ilan lang sa mga laro ng ating lahi na talagang 
napakasayang laruin. Kung iisa-isahin natin lahat hindi tayo 
matatapos. Kaya, tara na, laro na tayo!
DRAFT 
April 10, 2014 
18 
Sumama sa iyong pangkat. Sagutin ang mga tanong 
na mababasa sa papel na ibibigay ng iyong guro. 
Upang masagot ko ang mga tanong sa tekstong aking 
binasa, kailangan kong _____________________________. 
Sa mga laro ng lahi na binanggit sa talata, ano ang nais 
mong laruin? Ipaliwanag kung bakit ito ang pinili mo. 
Habang binabasa ang “Tara na , Laro Tayo” subukang 
sagutin ang sumusunod na tanong: 
- Sino ang puwedeng maglaro ng bawat larong binanggit? 
- Kailan ito nilalaro? 
- Saan ito nilalaro? 
Kasama ang iyong pangkat, umisip ng isang bago 
at orihinal na laro. Isulat ang kagamitan para dito at kung paano 
ito lalaruin. Matapos ito, subuking ipalaro sa mga kaklase. 
Natutuhan ko na binubuo ang mga salita ng mga __________ 
at________. Mahalagang malaman ang tamang __________ ng 
isang salita upang mabasa o maisulat ito nang tama. 
Maghanda upang isalaysay sa klase ang isang laro 
na naibigan mo.
DRAFT 
April 10, 2014 
19 
Pag-aralan mo ang isang pahina na hinango sa isang 
diksiyunaryo. 
prototipo pukawin 
prototipo – orihinal; modelo; 
huwaran 
publiko – taong- bayan 
proyekto – binalak na 
gawain 
publisidad –anunsyo; 
pagsasabi sa madla 
prunes – pinatuyong uri 
ng ubas 
pukaw – hindi tulog 
prutera – lalagyan ng 
prutas 
pukawin – gisingin 
Gamit ang isang diksiyunaryo, ibigay ang kahulugan 
ng sumusunod na salita. 
1. bahaghari 4. sagisag 
2. haligi 5. sira 
3. parusa 
Natutuhan ko na sa paggamit ng diksiyunaryo, kailangan kong 
___________________________. 
Basahin muli ang “Tara na, Laro Tayo.” Sipiin sa diksiyunaryo 
ang kahulugan ng mga salitang hindi mo maunawaan 
sa talatang ito.
DRAFT 
April 10, 2014 
20 
Sino-sino ang iyong kaibigan? Ano ang pangarap ninyong 
magkakaibigan? Tingnan natin ang pangarap ng magkakaibigan 
sa kuwento at kung paano nila ito naabot. 
Pulang Watawat 
ni Maria Hazel J. Derla 
“Unahan tayo!” At sabay-sabay na nagtakbuhan ang 
magkakaibigan na sina Bobie, Anna, Jacko at Mark. Mag-uunahan 
silang makarating at makuha ang pulang watawat na 
nasa dulo ng kalsadang ginawa nilang laruan nang hapong iyon. 
Si Eva ang nagbabantay ng watawat na ito. 
“Sige, takbo. Bilisan niyo,” ang sigaw ni Eva sa kaniyang mga 
kaibigan. 
Nang biglang matapilok si Anna. Sinubukan niya muling 
tumakbo ngunit hindi na niya talaga makaya ang sakit. Tuluyan 
na siyang napaupo. Hindi na niya makukuha ang pulang 
watawat. Siya pa naman ang nangunguna sa kanilang 
takbuhan. Napaiyak si Anna, talo na siya. Ipinangako pa naman 
niya ito sa bunso niyang kapatid na si Celia. 
Walong kamay ang sa kaniya ay bumuhat. 
“Sama-sama nating kunin ang pulang watawat,” 
ang sabi ng kaniyang mga kaibigan. 
Mula sa usapang mababasa, tukuyin ang (1)tauhan, 
(2)tagpuan, at (3) mga pangyayari dito. 
Pangarap Ko 
Nagkuwentuhan na lamang ang magkakaibigan habang 
nagpapahinga si Anna sa kaniyang silid.
DRAFT 
April 10, 2014 
21 
Jacko : Wow! Ang galing mo naman. Samakatuwid 
gusto mong maging artista. Ikaw, Bobie, ano 
ang gusto mo paglaki? 
Bobie : Nais kong maging guro. Gusto kong turuan 
ang mga bata na magbasa, magsulat 
at magbilang tulad ni Tiya Liling. Siya 
ang naghikayat sa akin na maging guro balang 
araw. 
Maryan : Ako gusto kong maging doktor. Gusto kong 
tumulong sa mga maysakit lalo na 
ang mga walang pera sa pagpapagamot tulad 
ni Anna. 
Ang mga elemento ng kuwento ay _________, _________, at 
__________. 
Kumpletuhin ang hinihingi ng organizer matapos basahin 
ang kuwento. Gawin ito sa iyong notebook. 
Paglalakbay sa Baguio 
ni Maria Hazel J. Derla 
Isa si Ruth sa mga batang babaeng iskawt na napili upang 
magtungo sa Baguio. Natuwa siya nang payagan siyang 
sumama ng kaniyang mga magulang. 
Agad niyang inihanda ang kaniyang mga dadalhin. 
Naghanda na siya ng listahan kaya madali na niya itong 
matatapos. Ngunit nawawala ang kaniyang alampay. Hindi 
puwedeng wala ito. Hinanap niya ito sa kaniyang kabinet ngunit 
Pamagat ng 
Kuwento 
Tauhan 
Tagpuan 
Pangyayari
DRAFT 
April 10, 2014 
22 
talagang wala. Napaiyak si Ruth. Hindi na siya makakasama kung 
bakit ba naman iyong pinakaimportante ang nawawala. 
Pumasok ang kaniyang Nanay, dala-dala ang bagong 
plantsang alampay. Napalundag sa tuwa si Ruth na ipinagtaka 
ng kaniyang Nanay. 
Basahing muli ang usapan ng magkakaibigang sina Jacko 
sa pahina 17. Alamin kung ano-ano ang pangarap ng 
magkakaibigan. 
Sa iyong pangkat, pag-usapan ninyo ang pangarap 
ng bawat isa. Maghanda ng isang usapan na iparirinig sa klase 
gamit ang mga natutuhang panghalip panao. 
Ginagamit ang ako kapag ___________. 
Ginagamit ang ikaw naman kapag _________ samantalang 
ginagamita ang siya kapag _________. 
Sumulat ng isang script na nagpapakita ng usapan ninyong 
magkakaibigan tungkol sa inyong pangarap. Gamitin ang ako, 
ikaw at siya. 
Bawat isa sa atin ay may pangarap sa buhay. Ano nga ba 
ang ginagawa natin upang maabot ito? 
Pag-abot sa Pangarap 
Bawat bata ay may pangarap. Bawat bata ay may 
karapatang magkaroon ng edukasyon. Ibig sabihin dapat lahat
DRAFT 
April 10, 2014 
23 
ng mag-aaral ay nasa loob ng paaralan. Sa ganitong paraan, 
tiyak na maaabot nila ang kanilang pangarap sa buhay. 
May mga batang nais maging doktor, pulis, nars, o dili 
naman kaya ay guro. Pero tingnan mo ang upuan sa silid-aralan. 
Kumpleto ba kayo sa klase? 
Bakit may mga batang laging wala sa klase? May sakit ba? 
Tinatamad kaya? Ano ang dahilan? 
Ayon sa ilang mag-aaral, hindi sila pumapasok dahil hindi 
nila gusto ang kanilang pinag-aaralan. Minsan din naman ayaw 
nila sa kanilang teacher. Ang iba naman walang baon, pera man 
o pagkain, kaya hindi na lang sila pumapasok. Iyong iba 
naman, tinatanghali ng gising dahil sa napuyat sa 
paglalaro sa computer. 
Kung laging ganito paano nila maaabot ang kanilang 
pangarap? Paano na sila?? 
Sang-ayon ka ba sa sinabi ng talatang iyong nabasa? 
Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang 
pangungusap na sasagot dito. Isulat ito sa notebook. 
Dapat kong tandaan na sa pagsulat ng isang talata, 
kailangan kong gawin ang sumusunod: _____________________, 
_________________, ____________________ at _________________. 
Isulat muli ang talata. Isaalang-alang ang iyong 
mga sagot sa katanungan na ibinigay ng guro sa pagsusuri nito.
DRAFT 
April 10, 2014 
24 
Natatandaan mo ba ang kuwentong “Ang Aking 
Alkansiya?” Paano nakatulong sa kaniyang magulang 
ang batang bida sa kuwento? Gusto mo rin bang makaipon tulad 
niya? 
Pag-aralan kung paano makagagawa ng isang simpleng 
alkansiya. 
Paggawa ng Alkansiya 
Kagamitan: 
pandikit, gunting, makulay na magazine, basyo 
ng pulbos o alkohol 
Mga hakbang: 
1. Kumuha ng basyo ng polbos, alkohol o iba pang bagay 
na maaaring paglagyan ng pera. 
2. Butasan ang gitna gamit ang matulis na bagay,tulad 
ng kutsilyo ( Maaaring magpatulong sa nakatatanda.) 
3. Kunin ang iba’t ibang makukulay na magazine at gupitin 
ito sa nais na disenyo. Mas maraming kulay, 
mas maganda. 
4. Lagyan ng pandikit ang ginupit-gupit na magazine 
at idikit ito sa basyong binutasan. 
5. Patuyuin. 
Saan mo inilalagay ang iyong mga lapis, ballpen 
at krayola sa ibabaw ng mesa mo? Basahin kung paano 
gumawa ng isang penholder at sagutin ang mga tanong tungkol 
dito. 
1. Kumuha ng latang walang laman. 
2. Linisin ito. 
3. Gumupit ng diyaryo at idikit sa labas ng lata. 
4. Idikit ang mga ginupit na papel upang maging disenyo.
DRAFT 
April 10, 2014 
25 
Sagutin sa notebook ang sumusunod na tanong: 
1. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng penholder? 
2. Ano ang gagawin sa diyaryo? 
Upang masagot ang mga tanong tungkol sa binasa ko, 
kailangan kong ______________. 
Basahin ang nakapaskil na paraan sa paggawa ng isang 
pinwheel. Sagutan ang mga tanong tungkol dito. 
Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Bata, 
matanda, mahirap man o mayaman, kapag oras ng 
pangangailangan, lahat ay bukas-palad sa kapwa. Alamin natin 
kung paano nakatulong ang magkakaibigan sa paghahanda ng 
relief goods na dadalhin sa mga biktima ng kalamidad. 
Maliit Man ay Malaki Rin 
Nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa relief 
center upang tumulong sa pag-aayos ng mga damit 
at pagkain na dadalhin sa evacuation center. 
Janet : Magandang umaga po. Ako po si 
Janet at sila ang aking mga kaibigan. Tutulong 
po kami sa inyo. 
Bb. Luz : Naku, salamat naman. Sige doon kayo 
pumuwesto sa may bandang dulo sa kanan. 
Paki-ayos ang mga damit at mga pagkain. 
Lea : Jenny, tayo na lamang ang maglagay 
ng dalawang noodles sa lahat ng plastic bag. 
Rosa : Lino, Eldy. Kayo naman ang bahala sa pagkikilo 
ng sampung kilo ng bigas. Sila naman nina 
Ferdie at Fina ang bahala sa mga damit. 
Janet : E ako, ano ang gagawin ko? 
Myrna : Janet, tayo na lamang ang bahalang
DRAFT 
April 10, 2014 
26 
magtali ng mga supot na kanilang gagawin. 
Nang matapos ang kanilang gawain. 
Rosa : Bb. Luz, lalakad na po kami. Natapos na po 
naming iempake ang damit at pagkain na 
ibinigay po ninyo sa amin. 
Bb. Luz: Maraming salamat sa inyo ha. Maliliit man kayo 
ay malaking tulong naman ang ibinigay ninyo 
para mapadali ang aming gawain. 
Lino : Sige po. 
Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa 
ngalan ng tao sa bawat pangungusap. 
“Lahat (kami, tayo) ay maglilinis 
ng bahay,” wika ni Miguel. 
“Nautusan (kayong, kaming) magpunas 
ng sahig. 
“(Sila, Kayo) naman ang magtatanggal ng agiw 
sa kisame. 
“Kayo naman ang magpupunas ng kagamitan sa bahay 
samantalang ( sila, kami) ang magwawalis ng 
bakuran.” 
Ginagamit ang sila sa _____________________. 
Ang kayo naman ay para sa ________ at ang tayo ay sa _____. 
Kasama ang iyong pangkat, sumulat ng isang usapan 
tungkol sa pagtulong sa kapwa. Gamitin ang kami, tayo at sila.
DRAFT 
April 10, 2014 
27 
Pag-aralan ang graph na bubuuin mo kasama ang iyong 
mga kaklase at guro. 
Itanong sa mga kaklase kung ilan ang babae at lalaki 
sa kanilang pamilya. Gumawa ng isang graph upang ipakita ang 
impormasyong nakuha. 
Natutuhan ko sa aralin na ito na ang __________ 
ay ________________________________. 
Ipakita sa isang graph ang mga impormasyon na tungkol sa 
pangarap naming magkakaibigan. 
Sina Aian, Vans, at Ryan pangarap nilang maging artista. 
Sina Tina at Ryzel, ay nangangarap na maging doktor. 
Pangarap ni Rachelle na maging dentista. 
Ako at si Martin naman nais naming maging guro. 
Alamin sa kuwento kung paano ipinakita ng mag-anak 
ang kanilang pagkakaisa sa gitna ng suliranin. 
Huwag Mawalan ng Pag-asa 
ni Jenny-Lyn U. Trapane 
Isang araw, masayang nagkukuwentuhan ang mag-iina 
habang hinihintay nila si Mang Lando buhat sa kaniyang 
pinagtatrabahuhan. Maya-maya ay humahangos na dumating
DRAFT 
April 10, 2014 
28 
si Mang Ador. Ibinalita niya na si Mang Lando ay dinala sa 
ospital. 
Noon din ay nagtungo ang mag-iina sa ospital 
na pinagdalhan kay Mang Lando. Kasalukuyang nagpapahinga 
na siya nang dumating ang kaniyang pamilya. 
“Salamat sa Panginoon at buhay pa ako. Nag-alala ako 
masyado kasi naisip ko kayong lahat. Paano na tayo ngayon na 
wala na akong trabaho?” ang malungkot na sabi ni Mang Lando. 
“Huwag kang magsalita ng ganyan. Ang mahalaga 
ay ligtas ka na,” nakangiting wika ni Aling Elena. 
Halos magkakasunod namang nagsalita ang kanilang mga 
anak. “Opo nga, Itay.Hayaan po ninyo at lalo pa naming 
pagbubutihin ang aming pag-aaral. Magtitipid na rin po kami sa 
aming mga kagamitan.” 
“Salamat mga anak. Hayaan ninyo, kapag malakas 
na ako ay maghahanap agad ako ng bagong trabaho,” masigla 
nang sambit ni Mang Lando. 
“Alam kong hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Halina 
kayo. Sama-sama tayong magdasal. Huwag tayong mawalan ng 
pag-asa,” yaya ni Aling Elena. 
Naniniwala ang Pamilya Reyes na malalampasan nila 
ang anumang pagsubok sa kanilang pamilya basta’t sila 
ay sama-samang nanalig sa Panginoon. 
Palitan at dagdagan sa una o huling pantig ng mga 
nakalistang salita upang makabuo ng bagong salita. 
Isulat ang iyong sagot sa notebook. 
Pinalitan Dinagdagan 
laso 
lawa 
mali 
papaya
DRAFT 
April 10, 2014 
29 
Makabubuo ako ng mga bagong salita kung __________. 
Sa isang malinis na papel, sumulat ng isang salita na may 
tatlong pantig. Pumili ng isang kaklase na magdadagdag 
o magpapalit ng pantig ng naisulat mo upang makabuo 
ng bagong salita. 
Suriin ang mga pangungusap. Subuking ilagay 
ang angkop na panghalip sa bawat patlang. 
1. Si Marco, Gab at ako ay magsasanay sa badminton. 
_____ ay lalahok sa paligsahan sa badminton. 
2. Sina Peter, Gary, ikaw at ako ay nakakuha ng mataas na 
marka sa pagsusulit. 
_____ ay nag-aral na mabuti. 
3. Sina Mang Carding, Aling Perla at ikaw ay modelong 
hinahangaan ng karamihan. 
_____ ay tumutulong sa mga taong nangangailangan. 
4. Sina Carlos, Jenny at Edward ang nanalo sa palaro. 
_____ ay pinarangalan sa aming barangay. 
Sumulat ng pangungusap na gagamit ng sila, kayo, tayo at 
kami tungkol sa pagtutulungan sa pamilya. 
Ang ______________ ay inihahalili sa ngalan ng tao. 
_______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong 
nagsasalita at mga kasama. 
_______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong kausap 
at mga kasama. 
_______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong pinag-uusapan 
at mga kasama.
DRAFT 
April 10, 2014 
30 
_______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong 
nagsasalita at kaniyang mga kasama. 
Kasama ang iyong kapangkat, gumawa ng isang dula-dulaan 
na ipakikita sa buong klase. Gamitin ang mga panghalip 
na natutuhan sa aralin ngayon. 
Natatandaan mo ba kung paano gamitin 
ang diksiyunaryo? 
Balikan at pag-aralan mo ang pahina ng diksiyunaryo 
sa pahina 14. 
Gamit ang iyong diksiyunaryo, ibigay ang hinihingi 
ng talaan. 
Salita Kahulugan Dictionary Entry 
mabait 
mahalaga 
malinis 
mayaman 
Ang _______________ ay makatutulong sa akin upang 
mapadali ang paghahanap ng _________. 
Itala ang tatlong salitang hindi mo naunawaan sa mga 
nagdaang aralin. Isulat ang hinihingi ng talaan. 
Salita Kahulugan
DRAFT 
April 10, 2014 
31 
Bakit kaya excited si Flor? 
Limang Tulog 
ni Florenda B. Cardinoza 
Limang tulog na lang. Excited na ako. Mamamasyal kami 
sa Maynila. Naisip ko tuloy ang mga naglalakihang gusali. 
Ang maiingay na busina ng mga sasakyan at ang mga taong 
parang langgam sa dami at sa bilis ng lakad. 
Naisip ko rin ang mga bibilihin kong gamit sa paaralan. 
Kailangan ko ng ruler, lapis, notebook, bag, at sapatos. Hindi ko 
namalayan na nakatulog na pala ako. 
Kinabukasan maaga akong nagising . Ang sakit ng ulo ko. 
Giniginaw rin ako. Paano na ako makasasama sa Maynila? 
Pagpasok ni Nanay, may dala siyang isang basang bimpo at 
gamot. 
Kasama ang iyong pangkat, ipakita sa isang dula-dulaan 
ang maaaring maging wakas ng isang sitwasyon na mapipili ng 
inyong pangkat. 
1. May sakit si Celia. Dinala siya sa doktor. 
2. May pagsusulit sina Peachy. Napuyat siya dahil 
sa computer games. 
3. Maraming basura sa paligid ng bahay nina Kenneth. 
4. Sa umaga ay nagtitinda muna ng diyaryo si Jayson bago 
pumasok sa paaralan.
DRAFT 
April 10, 2014 
32 
Larawan ng batang babae 
na nakatingin sa kuya na 
may hawak na pencil case. 
Sa aralin ngayon, natutuhan ko na _________________. 
Sipiin ang isang sitwasyon at tapusin ito sa pamamagitan ng 
pagbibigay ng sariling wakas. 
1. Namasyal ang magkaibigang Rino at Lito. Nagpasya silang 
manood ng sine. Papasok na sila sa sinehan 
nang mapansin ni Lito na nawawala ang kaniyang pitaka. 
2. Sumama si Anna sa kanilang field trip sa Maynila. Nawili siya 
sa panonood ng iba’t ibang hayop. Hindi niya namalayan na 
napahiwalay na siya sa kaniyang grupo. 
3. Lahat ng barya ay inihuhulog ni Buboy sa kaniyang maliit na 
alkansiya. Minsan, kailangan niyang makabili ng gamit sa 
kaniyang proyekto at kulang ang ibinigay ng kaniyang Tatay. 
Ano ang sinasabi mo sa kapatid mo kung may nais kang 
hiramin sa kaniya? Tingnan natin sa usapan kung paano ito 
isinagawa ng ating bida. 
“Ate, puwede ko 
bang mahiram itong 
bag mo?” 
“Kuya,maaari ko ba 
iyang mahiram sa iyo?”
DRAFT 
April 10, 2014 
33 
Humanap ng kapareha. Gumawa ng usapan tungkol sa 
panghihiram ng gamit. 
Ang ito ay ginagamit kung _________________, ang iyon 
naman ay kung ____________ at ang iyan ay kung __________. 
Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid mo. 
Ituro ito sa klase gamit ang ito, iyon o iyan. 
Buksan ang Talaan ng Nilalaman ng Kagamitan ng Mag-aaral. 
Hanapin at isulat sa notebook ang pahina ng Aralin 8 - 
Karapatan Ko. 
Mula sa kuwentong “Limang Tulog,” sumipi ng dalawang 
salita na may tatlo o apat na pantig. Isulat ang kahulugan 
ng mga ito mula sa diksiyunaryo. 
“Salamat Ate. 
Salamat Kuya” 
“Iyon ang mga gamit 
na maaari mong 
hiramin.”
DRAFT 
April 10, 2014 
34 
Buksan ang Talaan ng Nilalaman. Sumipi ng dalawang aralin 
at ang pahina nito. 
Sumipi ng isang salita na nabasa mo sa mga nagdaang 
aralin. Isulat ang kahulugan nito mula sa diksiyunaryo. 
Sipiin ang isang pangalan ng sumulat ng aklat na ito. 
Natutuhan ko sa aralin na ito na _______________________ 
_____________________________________. 
Kunin muli ang ginawang dummy ng isang aklat 
sa naunang aralin. Isulat sa bawat bahagi nito ang mga 
makikitang impormasyon dito. 
Mahilig ka bang kumain ng tsokolate? Masama ba ito 
o mabuti sa iyong kalusugan? Basahin ang talata upang 
malaman ang kasagutan sa tanong na ito. 
Benepisyo ng Tsokolate 
http://www.philstar.com/para-malibang/2013/01/26/901204/benepisyo-ng-chocolAte 
Isa sa mga karapatan ko bilang isang bata ay mabigyan ng 
sapat at masusustansiyang pagkain. Tungkulin ko naman na 
panatilihing malusog ang aking pangangatawan. Kailangang 
piliin ko ang aking mga pagkain. Pero hindi naman ibig sabihin 
nito, hindi na ako kakain ng mga pagkaing talagang gusto ko 
tulad ng tsokolate. Sabi nila masama ito sa aking 
kalusugan lalo na sa aking mga ngipin.
DRAFT 
April 10, 2014 
35 
May nabasa ako na hindi naman pala sa lahat 
ng pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain 
sa ating katawan, lalo na ang mga matatamis gaya 
ng tsokolate. Sa totoo lang may ilang benepisyo rin ang nakukuha 
dito. Ilan sa mga ito ay: 
Nakakapayat – Tama ang pagkakabasa mo, 
nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala 
ng marami na ito ay nakakataba. Sa ginawang pag-aaral ng 
mga eksperto sa University of California, natuklasan na 
nakakapagpabilis ng metabolismo ang tsokolate. Dahil dito, 
agad na natutunaw sa ating katawan ang calories 
na nagiging sanhi ng pagtaba. 
Nakapagpapatalino – Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi 
muna kumain ng ilang bar ng tsokolate para mas gumana ang 
iyong IQ? Ang dark chocolAte ay mayaman sa kemikal 
na nakapagpapaalerto sa utak ng tao. Ito ay ang 
flavonoids. Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo na 
patungo sa utak. 
Nakapagpapalakas – Mahusay itong baunin kung ikaw 
ay namamasyal. Bakit? Tumutulong kasi ang theobromine 
na taglay nito para mas lalo kang lumakas. Ang kemikal na ito 
ay matatagpuan din sa kape at ilang energy drink. Maganda din 
itong pagkunan ng magnesium at chromium na kilala bilang 
energy producer. 
Nakakaalis ng kulubot sa mukha/balat – Kung ang mga prutas at 
gulay ay nagtataglay ng antioxidants, gayundin ang 
tsokolate na siyang nagbibigay ng makinis na mukha o kutis 
sa iyo. 
Sa isang talaan katulad ng nasa ibaba, isulat ang mga dati 
mong kaalaman tungkol sa pagkain ng tsokolate. Sa tapat nito, 
isulat naman ang bago mong nalaman tungkol 
sa pagkain na ito.
DRAFT 
April 10, 2014 
36 
Natutuhan ko sa araling ito na ___________________ 
__________________________. 
Ipakita sa pamamagitan ng paggawa ng isang poster ang 
natutuhan mo sa aralin ngayon. 
Suriin ang mga larawan. Ano kaya ang sinasabi ng bawat 
tauhan? Gumawa ng pangungusap gamit ang ito, iyon, at iyan. 
Tumayo at bumuo ng isang malaking bilog. Ipasa 
ang bola habang may tugtog. Kapag tumigil ang tugtog 
ang batang may hawak ng bola ang magbibigay ng isang 
pangungusap gamit ang ito, iyan, at iyon. 
Natutuhan ko sa araling ito na ang salitang ito, iyan, 
at iyon ay mga panghalip na ipinapalit o inihahalili 
sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. 
Noon Ngayon 
Masama sa katawan Mabuti sa katawan
DRAFT 
April 10, 2014 
37 
Ginagamit ang ______ kung hawak o malapit 
sa nagsasalita ang bagay na itinuturo. 
Ginagamit ang ______kung hawak o malapit 
sa kinakausap ang bagay na itinuturo. 
Ginagamit ang _______kung ang itinuturong bagay 
ay malayo sa nag-uusap. 
Gamit ang mga larawan, sumulat ng isang usapan gamit 
ang ito, iyon, at iyan. 
Balikan ang mga larawan sa naunang aralin. Sumulat 
ng isang pangungusap tungkol dito. 
Sa iyong sagutang papel, isulat nang wasto 
ang sumusunod na pangungusap. 
1. naku Maraming namatay sa lindol 
2. bakit ayaw niyang sumama 
3. nakita ko silang namamasyal sa luneta 
4. wow ang ganda nang babae na nanalo sa miss world. 
5. saan ka nakatira ngayon
DRAFT 
April 10, 2014 
38 
Ang mga malalaking letra ay ginagamit sa _________. 
Ang tuldok ay ginagamit sa ___________________. 
Ang tandang padamdam ay ginagamit sa ____________. 
Ang tandang pananong ay ginagamit sa _______________. 
Ang kuwit naman ay ginagamit sa ____________________. 
Isulat sa iyong notebook ang “Panatang Makabayan.” 
Alamin sa kuwento kung sino ang mga naging bagong 
kaibigan ng ating bida. 
Bagong Kaibigan 
ni Bernard G. Umali 
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may 
matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw 
na sumakay upang matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin 
dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy ng papel. 
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon 
ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang bintana at nakita ko doon 
ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya 
silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa 
likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka 
upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa 
dagat. Ah, alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay 
ako sa likod ng dolphin at doon, nakita ko ang iba’t ibang hayop
DRAFT 
April 10, 2014 
39 
at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na 
lamang ako sa amin. 
Gabi na nang makauwi ako. Mula sa aking silid ay may 
natanaw akong maliwanag sa langit. May isang bituin 
na ubod ng laki. Aha! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa 
lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. 
Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog 
at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. 
May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, 
mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap. Ang 
sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit 
wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking 
payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. 
Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila 
maintindihan kaya bumalik ako sa amin sakay-sakay ng isang 
elepante. Mayamaya ay kinalabit na ako ni Inay. 
“Gising na anak, may pasok ka ngayon.” 
“’Nay, nanaginiip ako na may makikilala akong bagong 
kaibigan!” 
“Oo. Meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka 
na at darating na ang school bus.” 
Basahin mo ang kuwento at ibigay ang hinihiling sa ibaba. 
Gawin ito sa iyong notebook. 
Ang Robot ni Elmer 
Malakas ang ulan kaya nawalan ng pasok. Naisip 
ng magkakaibigan na sina Elmer, Cire, at Dustin na maglaro na 
lamang sa loob ng bahay nina Elmer. 
Pagpasok sa bahay, nag-una-unahan sila sa pagkuha 
ng bagong robot na padala ng Tatay ni Elmer. Nang bigla itong 
bumagsak sa sahig. 
Natigilan ang lahat. Nang damputin ito ni Elmer, nakahinga 
siya nang maluwag nang makitang hindi naman pala ito nasira. 
Isulat sa notebook ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. 
1. Ano ang pamagat ng kuwento na iyong binasa? 
2. Sino-sino ang tauhan? 
3. Saan ito naganap?
DRAFT 
April 10, 2014 
40 
Pamagat 
Tagpuan 
Unang 
Pangyayari 
Gitnang 
Pangyayari 
Huling 
Pangyayari 
Tauhan 
4. Kailan ito naganap? 
5. Ano ang suliranin? 
6. Ano ang wakas ng kuwento? 
Ang isang kuwento ay may mga elemento tulad 
ng _________, ___________, at __________________. 
Matapos basahin ang isang kuwentong napili mo, 
kumpletuhin ang balangkas na ito. 
Iguhit si Bernard at ang isang bagay na nakita niya 
sa kaniyang panaginip. Sumulat ng isang pangungusap tungkol 
dito gamit ang ito, iyon, o iyan. 
Ano kaya ang sinasabi ng tauhan sa bawat larawan? 
Isulat ito sa iyong notebook.
DRAFT 
April 10, 2014 
41 
Ang ito ay ginagamit sa ___________. Ang iyon naman 
ay sa _____________ at ang iyan ay sa _________________. 
Gumawa ng isang komik istrip upang maipakita mo 
ang wastong gamit ng ito, iyan at iyon. 
Anong pangyayari ang iyong napakinggan? 
Ibahagi ito sa iyong mga kapangkat. 
Basahin at suriin ang naisulat na talata ng iyong pangkat. 
Isulat mo ito nang wasto sa iyong notebook. 
Sa pagsulat ng isang talata dapat kong tandaan 
na __________. 
Sumulat sa iyong notebook ng isang talata na may tatlo 
hanggang limang pangungusap tungkol sa isang pangyayaring 
iyong napakinggan.
DRAFT 
April 10, 2014 
1 
Kagawaran ng Edukasyon 
Republika ng Pilipinas
DRAFT 
April 10, 2014 
2 
Filipino 
Kagamitan ng Mag-aaral 
UNIT 2 
PAG-AARI NG PAMAHALAAN 
HINDI IPINAGBIBILI 
INILAAN PARA SA 
Distrito/Paaralan: ____________________________ 
Dibisyon: ____________________________________ 
Unang Taon ng Paggamit: ___________________ 
Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 
3 
Baitang 
Batang Pinoy Ako
DRAFT 
April 10, 2014 
3 
BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang 
Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral 
Unang Edisyon, 2014 
ISBN : 
Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa 
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng 
Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan 
o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning 
komersiyal. 
Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, 
seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, 
atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga 
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng 
mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. 
Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon 
Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC 
Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo 
Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: 
Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, 
Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace 
Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, 
Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. 
Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, 
Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David 
Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado 
Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth 
Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand 
Bergado. 
Inilimbag sa Pilipinas ng __________ 
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) 
Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. 
Meralco Avenue, Pasig City 
Philippines 1600 
Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
DRAFT 
April 10, 2014 
4 
PAUNANG SALITA 
Kumusta mga bata? 
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng 
Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng 
Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga 
kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa 
pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at 
pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay 
gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain 
ang mga panuto na mababasa dito upang maging 
matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. 
Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. 
- Pamilya Ko, Mamahalin Ko 
- Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko 
- Bansa Ko, Ikararangal Ko 
- Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko 
Ang bawat aralin naman ay may mga gawain 
tulad ng : 
Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at 
talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang 
lilinangin sa bawat aralin. 
Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan 
o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang 
ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. 
Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga 
pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
DRAFT 
April 10, 2014 
5 
ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang 
aralin. 
Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa 
mga natutuhan mo. 
Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging 
matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang 
hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. 
Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na 
Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at 
makakalikasan. 
Maligayang pag-aaral sa iyo! 
MGA MAY-AKDA
DRAFT 
April 10, 2014 
6 
TALAAN NG NILALAMAN 
Yunit II – Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko 
Aralin 11 – Magbakasyon Tayo 7 
 Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay 
Aralin 12 – Mamasyal Tayo 10 
 Pagtukoy sa Salitang Magkakatugma 
Aralin 13 – Alagaan Natin 12 
 Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay 
 Salitang may Klaster 
Aralin 14 – Magkaibigan Tayo! 17 
 Paggamit ng Iba’t ibang Bahagi ng Aklat 
Aralin 15 – Maglaro Tayo 20 
 Paglalarawan/Paghahambing 
ng mga Bahagi ng Kuwento 
 Paggamit ng Panghalip 
(Kami, Tayo, Kayo, Sila) 
Aralin 16 – Magsama-sama Tayo 23 
 Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita 
Aralin 17 – Magtulungan Tayo 27 
 Paggamit ng Panghalip 
(Kami, Tayo, Kayo, Sila) 
 Pagkukumpara ng mga Kuwento 
Batay sa Tauhan 
Aralin 18 – Damdamin, Igalang Natin 33 
 Pagbibigay ng Kasingkahulugan 
at Kasalungat 
 Paggamit ng Panghalip 
(Kami, Tayo, Kayo, Sila) 
Aralin 19 – Magkuwentuhan Tayo 38 
 Paggamit ng Panghalip Bilang Pamalit 
sa Pangngalan (Nito, Niyan, Noon, Niyon) 
 Pagbuo ng Bagong Salita 
Aralin 20 – Magmahalan Tayo 42 
 Salitang Iisa ang Baybay 
Ngunit Magkaiba ang Bigkas 
 Paggamit ng Nito, Niyan, Noon, Niyon
DRAFT 
April 10, 2014 
7 
Maraming nangyayari tuwing bakasyon. Isa rito 
ay ang paglipat ng tirahan na naranasan ng ating bida 
sa kuwento. Tingnan natin kung paano nabago 
ang pagtingin niya sa kaniyang bagong pamayanan. 
Maling Akala 
Bakasyon. Bagong lipat kami sa Barangay Asisan. Noong 
una, kinabahan ako. Baka wala akong maging kaibigan. Baka 
hindi mabait ang mga tao dito. 
Pagdating namin, binati na agad kami ng pinuno 
ng barangay, si Kapitan Joel. Mayamaya lang kasunod 
na niya agad si Konsehal Steve, na opisyal din ng 
barangay. May kasama siyang ilang kalalakihan upang tumulong 
sa aming paghahakot ng mga gamit. 
Oras na ng miryenda. Sinamahan ako ni Precy, 
ang aking bagong kaibigang bumili ng mainit na tinapay 
sa tindahan ng panaderong si Mang Elias. Sabi niya, 
siya raw ang pinakamasarap gumawa ng tinapay sa lugar. 
Dumaan din sa aming bahay si Mang Ruben, isang tubero, 
dala-dala ang kaniyang liyabe at tubo upang tiyakin na maayos 
na dadaloy ang tubig sa amin. 
At dahil sa maghapong pagtatrabaho, napagod 
si Nanay, sumakit ang kaniyang ulo. Agad namang pumunta si 
Doktor Hingan para tingnan kung ano ang 
kalagayan niya. Buti na lang okay siya. 
Salamat sa mababait naming bagong kaibigan. 
Mali pala lahat ng aking akala.
DRAFT 
April 10, 2014 
8 
Kunin ang kagamitan mo sa Art. Gumawa ng isang kard ng 
pasasalamat para sa katulong sa inyong pamayanan. 
Natutuhan ko sa aralin ngayon na __________________. 
Iguhit mo ang iyong sarili sampung taon mula ngayon bilang 
isa na ring katulong sa pamayanan. 
Basahin mo muli ang “Maling Akala.” Tukuyin ang mga 
pangngalan na ginamit dito. 
Sa unang hanay, isulat ang mga katulong 
sa pamayanan na binanggit sa kuwento. 
Sa ikalawang hanay, mag-isip at sumulat ng isang 
pangngalang pantangi para sa pangngalan sa unang hanay. 
Sa ikatlong hanay, sumulat ng dalawang pangungusap 
gamit ang mga isinulat sa dalawang hanay. 
Gawin mo ito sa iyong notebook. Sundan ang ibinigay na 
halimbawa. 
Pambalana Pantangi Pangungusap 
panadero Theo Si Theo ay isang panadero. 
Masarap siyang gumawa 
ng tinapay. 
Ang pangngalang pambalana ay _________. 
Ang pangngalang pantangi ay _________.
DRAFT 
April 10, 2014 
9 
Makipanayam sa isa sa mga katulong sa paaralan. Sumulat 
ng dalawang pangungusap tungkol sa mga gawain niya araw-araw 
sa paaralan. 
Balikan muli ang kuwento tungkol sa mga katulong 
sa pamayanan. Umisip ng isang salitang maglalarawan 
sa bawat isa. 
Balikan mo ang karanasan mo nang nagdaang bakasyon. 
Isipin mo ang mga nakilala mong katulong sa 
pamayanan. Sumulat ng dalawang salitang magkasalungat na 
maaaring gamitin para sa kanila. 
Magkasalungat ang mga salita kung ____________. 
Pakinggan ang kuwento nina Nerry at Trining 
na babasahin ng iyong guro. Iguhit ang magkaiba nilang mundo.
DRAFT 
April 10, 2014 
10 
Ang lalawigan ng Laguna sa Rehiyon IV-A ay isa 
sa magagandang lugar na maaari nating pasyalan. 
Ano nga kaya ang kagandahan ng lugar na ito? 
Biglaang Lakad 
Araw ng Sabado. Nakakainip sa bahay. 
“Magbihis kayo,” ang sabi ni Tatay. 
Kaya lahat kami ay simbilis ng kidlat na gumayak. 
“Brrrmm…. Brrmm” 
“Saan kaya tayo pupunta?” ang tanong ko kay Kuya. Pero 
umiling lang siya sa akin. 
“Maligayang Pagdating sa Bayan ng Laguna.” 
Hindi nagtagal, nakarating kami sa isang lugar na may 
kakaibang mga bahay at gusali. Akala ko tuloy wala na kami sa 
Pilipinas. Ang mga nakikita raw namin na mga bahay at gusali 
dito ay itinayo pa noong panahon ng mga Kastila. Matagal na 
iyon, hindi ba? Ang galing talaga ng mga Pilipino sa paggawa ng 
mga kahanga-hangang bagay na ito. May nakita rin kami na 
mga banga at palayok na nahukay sa Pinagbayanan noong 
1967. Makasaysayan pala ang bayan na ito ng Pila. 
Binisita rin namin ang mudspring sa Los Baños. 
Ayon sa kuwento ni Ate, ito raw ang pinakagitna ng bulkan 
na mas kilala natin ngayon na Bundok Makiling. Ibig sabihin, ito ay 
dating bulkan. 
Lumangoy rin kami sa isang hot spring sa Los Baños. Ang 
sarap! Ang init ng tubig! Maganda ito sa kalusugan. 
Gabi na kami nakauwi at dahil sa pagod wala 
nang maingay sa biyahe. Tanging sina Tatay at Nanay 
na lamang ang gising.
DRAFT 
April 10, 2014 
11 
Mamasyal sa Pilipinas sa pamamagitan 
ng mga larawan ng magagandang lugar na nakadikit 
sa loob ng silid-aralan. Hanapin sa bawat lugar ang isang pares 
ng magkatugmang salita na nakasulat dito. 
Magkatugma ang mga salita kung ___________________. 
Bumunot ng isang papel na may nakasulat na isang tugma. 
Basahin ito nang malakas sa klase at tukuyin ang 
mga salitang magkakatugma. 
Basahing muli ang kuwentong, “Biglaang Lakad.” Gusto mo 
rin bang makarating sa mga lugar na pinasyalan ng pamilya? 
Bakit? 
Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng isang patalastas 
kung bakit kailangang piliin ng ibang Pilipino na 
pumasyal sa isang magandang lugar sa Pilipinas na 
tutukuyin ninyo. 
Sa pagbibigay ng paliwanag, kailangang ________. 
Sumulat ng dalawang pangungusap upang maipahayag 
ang pagmamalaki sa pamayanang kinabibilangan.
DRAFT 
April 10, 2014 
12 
Muling basahin ang “Biglaang Lakad.” Sumipi ng dalawang 
pangungusap mula dito. 
Gawin ang sumusunod sa iyong notebook matapos basahin 
ang “Limang Tulog” sa p. 28. 
Sipiin ang mga ngalan ng tao. 
Sipiin ang ngalan ng araw. 
Sipiin ang tanong ni Ate. 
Sipiin ang sinabi ni Nanay. 
Sa pagsipi ng parirala at pangungusap, dapat kong 
tandaan na ___________. 
Alin-alin sa lugar na ito ang nais mong pasyalan? 
Sipiin mula sa talaan ang limang ngalan ng lugar sa iyong 
notebook. 
Bulkang Mayon Bulkan ng Taal 
Underground River Talon ng Pagsanjan 
Mines View Park Isangdaang Pulo 
Ayon sa kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan. 
At upang maging malusog tayo, kailangan naman natin ng isang 
malinis na pamayanan. Paano natin magiging kayamanan ang 
ating pamayanan?
DRAFT 
April 10, 2014 
13 
Ang Pamayanan ay Kayamanan 
Natasha B. Natividad 
Ako ay mahilig mamasyal 
Sa pamayanan na aking mahal 
Tuwing Sabado ako’y naglalaro 
Sa palaruan, kasama ang kalaro. 
Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita 
Aking kaibigan nag-iwan ng basura 
Mabilis ko siyang tinawag 
Kaibigan, huwag mong gawin ‘yan 
Dapat alagaan at ingatan 
Ang ating pamayanan 
Kung ito ay pababayaan 
Tayo rin ang mahihirapan. 
Huwag nating hintayin 
Kapaligiran ay dumumi 
Kumilos at isaisip 
Na ito ay pagyamanin. 
Sumama sa iyong pangkat sa paglalakbay sa isang 
pamayanan sa pamamagitan ng isang mapa. Gawin ang mga 
panutong mababasa sa kapaligiran. 
Upang makasunod ako nang maayos at wasto 
sa mga nakalimbag na panuto, kailangan kong __________. 
Ano ang gagawin mo? 
Nasa parke ka. Nagandahan ka sa isa sa mga bulaklak na 
nakatanim dito. Nais mo sanang makita rin ito ng iyong nanay
DRAFT 
April 10, 2014 
14 
pero may nakasulat na “Bawal Pumitas ng Bulaklak.” Ano ang 
gagawin mo? 
Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng pangungusap tungkol 
dito. 
Pumili ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. 
Pahulaan ito sa mga kaklase mo sa pamamagitan ng pagbibigay 
ng isang pangungusap tungkol dito. 
Ang pangngalan ay __________. 
Sumulat ng isang talata tungkol sa isang larawan 
na iyong napili. Bilugan ang ngalan ng tao. Guhitan ang ngalan 
ng bagay. Ikahon ang ngalan ng lugar. 
IMCS Image Bank
DRAFT 
April 10, 2014 
15 
Ano-ano ang ginagawa sa inyong barangay upang maging 
malinis ito? Katulad din ba ng ginagawa sa Purok 7? 
Purok 7 
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga mamamayan. 
Nagplano sila ng mga gagawin nila upang maging malinis ang 
kanilang kapaligiran. 
Ang mga babae ay mag-iipon ng mga plastik 
at mga diyaryo upang mai-recycle sa kanilang barangay center. 
Ang kalalakihan naman ay gagawa ng mga basurahan na 
may iba’t ibang kulay upang ilagay sa bawat tapat ng bahay sa 
kanilang lugar. 
Ang mga batang iskawt ay maglalagay ng mga paalala sa 
tabing kalsada tungkol sa pagpapanatiling malinis ng kanilang 
kapaligiran. 
Ang lahat ay nangako na maglalabas ng basura 
sa takdang oras para hakutin ng trak ng basura. At ibigay ang 
kanilang suporta sa mga proyekto at programa ng barangay. 
Kumpletuhin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng 
pagsulat ng mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. 
IMCS Image Bank
DRAFT 
April 10, 2014 
16 
1 2 3 4 5 
Ang mga salitang may klaster ay _________________. 
Isulat sa iyong notebook ang mga salitang may klaster na 
makikita sa loob ng kahon. 
1 2 
3 
4 
5 
p l o r e r a k t o r 
l a k t a w b o l a i 
a l a k d a n l u i s 
t a p r i t o i u b e 
o a l a m b r e w s s 
i s k w a t e r i t a 
p l a n e t a t i s e
DRAFT 
April 10, 2014 
17 
Paano dadami ang iyong kaibigan? 
Basahin ang tula ng tungkol sa mga tagubilin. Sigurado 
akong dadami ang iyong kaibigan kung susundin mo 
ang mga ito. 
Ang Bilin sa Akin 
Malou M. De Ramos 
Ang bilin sa akin nina Tatay at Nanay 
Maging magalang, sumunod sa magulang 
Ang batang ganito ay kinatutuwaan 
Ng lahat ng tao sa pamayanan. 
Ang bilin naman nina Lolo at Lola 
Ibigay ang kay Bunso, ang kina Ate at Kuya 
Huwag mag-aangkin ng pag-aari ng iba 
Sinoman at saanman ay katutuwaan ka. 
Ang guro kong mahal may bilin din sa akin 
Alituntunin sa paaralan dapat laging sundin 
Simbahan at anumang lugar ay igalang natin 
Ang pamayanan ay alagaan at mahalin. 
Ang bilin sa akin ay laging susundin 
Gagawin ang makakaya upang ito ay tuparin 
Ipamamalas kabutihan, kanino man at saan man 
Upang maging modelo ng mga mamamayan.
DRAFT 
April 10, 2014 
18 
Basahin ang mga salita sa loob ng kahon. 
Hintayin ang panuto ng guro sa susunod na gawain. 
Magkakatugma ang mga salita kung ___________. 
Pakinggan ang tulang babasahin ng guro. 
Itaas ang pulang watawat na hawak kung makaririnig 
ka ng pares ng mga salitang magkatugma. 
Ano- anong katangian ng isang kaibigan ang nais mo? 
Sumulat ng dalawang parirala bilang sagot dito. 
Gumupit ng isang puso. Sa loob nito, sumulat ng isang 
pangungusap kung paano ka magiging tunay na kaibigan. 
Sa pagsulat ng parirala at pangungusap, __________. 
kulay tulungan kuhanan ampalaya 
labanos hitsura gulay kanila 
kaharian kilos Pedro pareho 
sala kultura kaloob suklob
DRAFT 
April 10, 2014 
19 
Isulat ang pangalan ng tatlong kaibigan mo. 
Sa tapat nito, sumulat ng isang parirala o pangungusap tungkol 
sa kaniya. 
Ang aklat ay isa raw sa mga kaibigan natin. Sa bawat 
pagbuklat natin ng pahina nito, dinadala tayo sa iba’t ibang 
lugar at ipinakikilala tayo sa iba’t ibang tao. Kilalanin natin ang 
ating kaibigang ito. Basahing muli ang “ Mga Bahagi ng Aklat” sa 
p. 8. 
Kasama ang iyong pangkat, buklatin ang mga aklat na 
ibibigay ng guro. Pumili ng aklat na may paksa o 
kuwento tungkol sa magkaibigan. 
Tukuyin ang mga bahagi ng aklat na napili. 
Ang mga bahagi ng aklat ay _____________. 
Pumunta sa silid-aklatan. Humanap ng isang aklat 
na puwede mong basahin tungkol sa mga kaibigan natin sa 
bansang Asya.
DRAFT 
April 10, 2014 
20 
Ang larong taguan ay isang popular na larong pambata sa 
Pilipinas. Tingnan natin kung ano ang nangyari sa paglalaro nito 
ng mga bago nating kaibigan. 
Tagu-taguan 
Bilog ang buwan. Maliwanag ang paligid. Tapos nang 
maghapunan ang mag-anak. Tapos na rin ang mga takdang-aralin. 
“Von! Von! Magtaguan muna tayo sa labas,” yaya 
ni Aiah sa kaniyang nakababatang kapatid. Isinama na rin nila 
ang kanilang kambal na kapatid na sina Chacha at 
Cheche. 
Kasunod na rin nila ang kanilang kambal na pinsan 
na sina Theo at Sid. 
“Tagu-taguan. Maliwanag ang buwan. Isa, dalawa, tatlo,” si 
Aiah ang taya. 
“Pung, Cheche.” 
“Pung, Theo.” 
“Pung, Sid.” 
Isa na lang ang hindi niya talaga makita. 
“Ang galing talagang magtago ni Von!” 
Hanap dito. Hanap doon. Hindi siya talaga makita. 
“Von, anong ginagawa mo diyan sa itaas ng puno. Baka 
mahulog ka,” ang natatakot na sigaw ni Ate Nika. 
Tawanan ang lahat. 
Si Von naman ang taya.
DRAFT 
April 10, 2014 
21 
Pamagat 
Tauhan 
Tagpuan 
Banghay 
Balikan at basahin muli ang isang kuwento mula 
sa mga nagdaang aralin. Ibigay ang hinihingi ng story pie 
sa ibaba. Gawin ito sa iyong notebook. 
Ang isang kuwento ay may ________, _________, __________, 
at __________. 
Humanap ng kapareha. Ibahagi ang kuwentong binasa. 
Matapos ito, pakinggan mo naman ang kuwentong ibabahagi 
ng iyong kapareha. Paghambingin ang mga ito sa tulong ng 
balangkas na nasa ibaba. 
Kuwento 
Tagpuan Tauhan 
Banghay 
Kuwento 1
DRAFT 
April 10, 2014 
22 
Nais ninyong magkakaibigan na makipaglaro sa bago 
ninyong kaklase na kararating lamang sa inyong paaralan. Ano 
ang sasabihin mo upang ipakilala ang sarili at ang iyong mga 
kaibigan. 
Maghanda ng isang pangungusap gamit 
ang alinman sa sila, kayo, tayo, at sila. Hintayin ang hudyat ng 
guro kung ano ang susunod na gagawin. 
Ang ______ ay ginagamit kapag ______. 
Ang ______ ay ginagamit naman kung ________ 
Ang ________ sa ____________. 
Ipakilala ang sarili at ang mga kapatid mo 
at ang paborito nilang laro. Gamitin ang sila, kayo, tayo, 
at sila. 
Kuwento 
Tagpuan Tauhan 
Banghay 
Kuwento 2
DRAFT 
April 10, 2014 
23 
Sumulat ng isang pangungusap na sasagot 
sa sumusunod na tanong. 
Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka 
paglaruin sa inyong bahay? Sa paaralan? 
Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng talata na may 
dalawa hanggang tatlong pangungusap na sasagot sa tanong 
na : 
Bakit kailangang maglaro ang batang katulad mo? 
Sa pagsulat ng isang talata, _________________. 
Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na 
pangungusap na sumasagot sa tanong na ito: 
Ano ang laro na nais mong matutuhan? 
May bakanteng lote ba na malapit sa inyong bahay? 
Ano ang puwede nating gawin dito? Paano natin ito 
mapapakinabangan?
DRAFT 
April 10, 2014 
24 
Ang Mahika 
Tingnan mo nga naman ang dating bakante, mabato at 
damuhang lugar sa aming barangay ay isa nang magandang 
hardin. Hindi rin biro ang pinagdaanan naming magkakaibigan 
upang maging maganda ang lugar na ito. 
Una, inalam muna kung talaga bang mainam pagtaniman 
ang lugar na ito. Nang makasiguro kami, sinimulan na naming 
bungkalin ang lupa. Sumunod ay inalis na namin ang mga bato 
at lahat ng mga bagay na makasasagabal sa aming 
pagtatanim. Matapos ito, itinanim na namin ang mga buto ng 
petsay. 
At ngayon , ito ay isa nang magandang hardin. 
Sagutin ang mga tanong matapos basahin ang 
kuwento. 
Kakaibang Kaarawan 
Kaarawan ni Tatay. Pero sa halip na maghanda 
sa bahay, iba ang naisip niya. 
Pinagbihis niya kami nina Ate, Kuya at Nanay ng puting t-shirt. 
Binigyan din niya kami ng pare-parehong kulay 
ng sombrero. At kami ay lumakad na. 
Pagdating sa may labasan ng aming barangay. 
Ang daming tao at lahat kami ay pare-pareho ng t-shirt 
at sombrero. 
Binigyan kami ng pala, tree guard at punla ng puno. Tapos, 
sumunod kami sa lider ng aming pangkat sa lugar na 
pagtataniman namin. 
“Ito ang regalo ko sa inyo at sa mga magiging anak ninyo,” 
ang sabi ni Tatay. 
1. Saan nagpunta ang mag-anak? 
2. Bakit kakaiba ang pagdiriwang ni Tatay ng kaniyang 
kaarawan?
DRAFT 
April 10, 2014 
25 
Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasa kung 
______________. 
Basahin ang isa pang teksto upang masagot ang mga 
tanong tungkol dito. 
Ang Pamamasyal 
Isang araw ng Biyernes, kami ng aking mga kaklase 
ay namasyal sa isang Botanical Garden. Ito ay isang lugar na 
kung saan ang iba’t ibang klase ng halaman ay inaalagaan 
upang pag-aralan. Para itong silid-aklatan na ang nakalagay ay 
mga halaman. 
Dito namin natutuhan ang kahalagahan ng mga halaman 
sa ating kapaligiran at kung paano dapat pangalagaan at 
paramihin ang mga ito. 
Pagod man ang lahat sa maghapong pamamasyal , may 
ngiti pa rin sa aming mga labi dahil sa napakagandang 
karanasan. 
1. Saan nagpunta ang mga bata? 
2. Ano-ano ang ginawa nila dito? 
3. Bakit sinabing napakagandang karanasan ito ng mga 
bata? 
Halina at sama-sama tayong mamasyal sa bukid sa 
pamamagitan ng tula sa ibaba. Tuklasin natin ang kagandahan 
ng lugar na ito. 
Sa Bukid 
Ninanais ko’y simple lamang na buhay 
Hindi man napakayaman basta’t matiwasay
DRAFT 
April 10, 2014 
26 
Ibig kong tumira sa gitna ng bukid 
Na pook na tahimik at may luntiang paligid. 
Dito’y kay gandang pagmasdan ng palay 
Na tinutukoy na simbolo ng buhay 
Sariwang prutas iyong matitikman 
Sariwang gulay, hatid ay kalusugan. 
Malinis na tubig ang iyong makikita 
Asul ang kulay na lubhang kay ganda. 
Samyo ng hanging sariwa 
Walang amoy ng basura. 
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may 
salungguhit sa bawat pangungusap. 
1. Ang Barangay Silangan ay payapang lugar. 
Walang kaguluhang nagaganap dito dahil ang lahat 
ng tao ay magkakakilala at magkakasundo. 
2. Anumang gawain, ang lahat nagtutulungan 
kaya madali itong natatapos. 
3. Ang nakatiwangwang na lupa ay tinataniman 
ng gulay. 
Natutuhan ko ang kahulugan ng isang salita sa 
pamamagitan ng _________________. 
Basahin ang talata at pansinin ang mga salitang 
may salungguhit. Alamin ang kahulugan ng bawat isa batay sa 
pagkakagamit nito sa pangungusap. Sa iyong notebook, gawin 
ang talaan na nasa ibaba. 
Mula sa kaniyang kubo sa itaas ng burol, tinanaw 
ni Jannet ang mga nagsasayang kanayon na malapit sa
DRAFT 
April 10, 2014 
27 
dalampasigan. Walang ano-ano, nakita niya ang papalapit na 
mga dambuhalang alon sa dagat. Mabilis na kinuha ni Jannet 
ang sulo at sinilaban ang nakaimbak na mga pinatuyong palay. 
Nakita ng mga kanayon ni Jannet ang usok at apoy na 
mula sa lugar na imbakan ng kanilang palay. Dali-dali ang lahat 
na umakyat sa burol upang patayin ang sunog. Pagkaakyat ng 
kahuli-hulihang kanayon, nakita nila ang malalaking alon na 
tumangay sa lahat ng bahay, puno at hayop sa kanilang nayon. 
Sa halos lahat ng mesa ng pamilyang Pilipino, hindi 
mawawala ang pandesal. May nagtitinda ba nito sa inyong 
lugar? Alamin kung paano tinutulungan si Arnold 
ng kaniyang mga kabarangay sa pagtupad niya ng kaniyang 
pangarap sa buhay. 
Si Arnold na Magpapandesal 
Maaga pa lamang ay gising na si Arnold. 
Kinuha niya ang kaniyang bisikleta at ang maliit 
na bayong. Handa na siya! 
Salita Kahulugan
DRAFT 
April 10, 2014 
28 
Agad niyang tinungo ang tindahan ni Ate Mely. Iniabot niya 
ang kaniyang bayong. Pagbalik sa kaniya punong-puno ito ng 
mainit na pandesal. 
May bonus pa ito na pitong maliliit na pandesal para kay 
Arnold. 
Kailangang magmadali ni Arnold bago lumamig 
ang kaniyang paninda. Kaya nagsimula na siyang pumadyak sa 
kaniyang bisikleta. 
Sa hindi kalayuan, naghihintay na sa kaniya si Mang Jose na 
handa nang pumunta sa kaniyang palayan. Gayundin si Mang 
Iking na dala-dala na ang kaniyang martilyo, lagare at kahon ng 
mga pako. Hindi rin nagpahuli si Kuya Lino na naghahanda na ng 
kaniyang mga kagamitan upang mabantayan at magabayan 
ang mga batang patawid ng kalsada. 
Umabot din siya sa papaalis na si Mang Berting, sakay sa 
kaniyang jeep, handa na niyang sunduin ang mga bata sa kani-kanilang 
tahanan upang ihatid sa paaralan. 
At siyempre, may itinira siya para kay Gng. Derla 
na kaniyang guro. 
“O, Arnold, handa ka na ba sa eskuwela?” 
wika ni Gng. Derla. 
Hindi siya agad nakasagot. 
“Hoy, Arnold ! Gising na tatanghaliin ka sa pagdadala mo 
ng pandesal. Gising” 
“Hay salamat, panaginip lang pala. Naku! Tanghali 
na pala. Naghihintay na ang aking mga suki sa pandesal. 
Papasok pa ako sa paaralan. ” 
Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Alin sa mga ito ang 
angkop sa bawat pangungusap? Isulat ang letra ng sagot sa 
iyong sagutang papel. 
a. b. c.
DRAFT 
April 10, 2014 
29 
d. e. f. 
1. Nagtulungan ang magkakapitbahay sa pag-apula 
ng malalaking ______ ng apoy na puwedeng pagsimulan ng 
sunog sa kanilang barangay. 
2. Ang malinis na kapailigiran ay mabuti sa ating _____. 
3. Ang pamilya nina Mica ay sumama sa pagtatanim 
ng _____ sa tabing-ilog. 
4. Ang mga taga Water District ay naglalagay 
ng malalaking _____ upang maging maayos ang daloy ng 
tubig. 
5. Si Ruel, ang ____ ng kabataan, ay nanguna 
laban sa ipinagbabawal na gamot. 
Natutuhan ko na may mga salita na ________ 
ang baybay ngunit _________ ang bigkas at kahulugan. 
Kunin mo ang kagamitan mo sa Art. Gawin ang album na 
“Iisa ngunit Magkaiba.” Narito ang mga gagawin mo. 
1. Maglista ng limang pares ng mga salitang iisa 
ang bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan. 
2. Iguhit ang bawat pares upang maipakita 
ang kahulugan nito. 
Masarap maglaro ng saranggola lalo na kung malakas ang 
ihip ng hangin. Ang pagpapalipad nito ay isa sa 
mga karaniwang eksena na makikita natin sa tuwing bakasyon. 
Ito ay isang libangan na hindi mo magagawa nang 
walang kasama. Sa larong ito, kitang-kita
DRAFT 
April 10, 2014 
30 
ang pagtutulungan ng bawat isa, bata man o matanda, babae 
man o lalaki. 
Tingnan natin sa ating kuwento ang lihim 
ng magandang saranggola ni Winson. 
Ang Lihim sa Likod ng Saranggola 
Caloy : Ang ganda ng saranggola mo Winson. 
Sino ang gumawa niyan, ha? 
Winson : Kami nina Enchong, Lino at kuya ko ang 
gumawa nito. 
Tinuruan kami ni Kuya. Madali nga 
naming natapos ito, eh. 
Caloy : Aba! Magaling pala kayong gumawa ng 
saranggola. 
Makagawa kaya tayo nang ganyang 
kagandang saranggola? 
Winson : Oo, naman. Hihingi tayo ng tulong 
sa kuya ko. 
Hayun sila ng kapatid kong bunso, nagpapalipad 
ng saranggola. 
Gamit ang kayo, sila, kami o tayo, gumawa ng isang rap 
tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan sa anumang gawain. 
Gawin ito kasama ng iyong pangkat. 
Ang _______ ay ginagamit sa _________________. 
Ang _______ naman ay ginagamit sa ____________. 
Ang _______ ay ginagamit sa __________ at ang ______ 
naman ay para sa ________. 
Tingnan ang susunod na pahina. Ano ang sinasabi ng 
bawat tauhan sa larawan? Gamitin ang kayo, sila, kami o tayo.
DRAFT 
April 10, 2014 
31 
A B 
C 
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kuwento 
ni Arnold Magpapandesal sa kuwento ng saranggola 
ni Winson? 
Balikan at basahin muli ang dalawang kuwento upang 
masagot ang tanong. 
Pumili at bumasa ng dalawang kuwento. Gamit ang Venn 
Diagram paghambingin ang mga kuwento na iyong binasa. 
Gumuhit ng dalawang bilog na katulad ng nasa ibaba. 
Isulat sa tapat ng bawat isa ang pamagat ng iyong binasa. Isulat 
sa bahagi ng dalawang bilog ang pagkakaiba ng mga ito. Sa 
loob ng magkapatong na bahagi ng mga bilog, isulat ang 
pagkakatulad ng mga kuwento. Gawin ito sa iyong notebook.
DRAFT 
April 10, 2014 
32 
Gulong ng mga Kuwentong Aking Binasa 
Natutuhan ko na _____________________________. 
Humanap ng kapareha. Ibahagi sa kaniya ang isang 
kuwento na iyong nabasa. Matapos ang iyong pagkakataon, 
ikaw naman ang makikinig sa kaniyang ibabahagi sa iyo. 
Matapos ang mga unang gawain, paghambingin 
ang mga kuwentong inyong napag-usapan. Gamitin 
ang Paruparo ng mga Kuwento na sadyang inihanda 
para sa gawaing ito. 
Isulat sa dalawang pakpak ang pamagat 
at ang pagkakaiba ng mga kuwentong inyong napag-usapan. 
Sa gitna naman ng paruparo, isulat ang pagkakatulad ng mga 
ito. Gawin ito sa isang malinis na papel. 
Paruparo ng mga Kuwento
DRAFT 
April 10, 2014 
33 
Malulungkot ka ba kung may lakad kayo ng iyong pamilya 
ngunit hindi kayo natuloy? 
Ganito rin kaya ang mga bida natin sa ating kuwento? 
Alamin. 
Muntik nang Hindi Matuloy 
Masayang ang magkakapatid na sina 
Bryan, Glecy at Pritz. 
Mayamaya, dumating ang kanilang Tatay na si Mang 
Troy na isang . Sira pala ang kanilang 
kaya maagang umuwi ang kanilang ama para kumpunihin 
ito. Malulungkot na sana ang magkakapatid. Hindi yata sila 
matutuloy sa kanilang lakad. 
Pero napawi ang lungkot nila nang iabot ng Tatay 
ang isang supot na punong-puno ng . 
Dali-daling naghugas ng kamay ang magkakapatid 
at inilabas ang laman ng supot.
DRAFT 
April 10, 2014 
34 
“Wow! Matatamis at malalaking 
Talagang katakamtakam. Hindi na namalayan 
ng magkakapatid ang oras. Naputol ang kanilang kuwentuhan 
nang marinig nila ang kanilang Tatay na tumatawag. 
Yari na ang kanilang . 
Dali-dalin nilang ipinasok ang pinagkainan sa supot 
at nagtakbuhan sa loob ng bahay. 
“Brrmm…. Brrmmm…” Sakay na silang lahat. 
Dadanan na lang nila si Nanay Glenda sa 
kaniyang pinagtitindahan. 
Ano-ano ang nasa larawan? Alin kaya sa mga ito 
ang angkop sa bawat pangungusap? 
Isulat ang iyong sagot sa sariling notebook. 
1. Magdadala si Glecy ng _______ dahil malamig 
sa Tagaytay. 
2. Iniayos ni Bryan ang mga biniyak na prutas sa isang ______. 
3. Paborito ni Pritz ang _______ pero walang dala nito si Tatay.
DRAFT 
April 10, 2014 
35 
4. Dahil sa pamamadali, nasugatan ang _____ ni Mang Troy. 
5. Si Aling Glenda ay mahilig maglagay ng ____ sa buhok. 
Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat 
ng mga salitang may salungguhit. Gawin ito sa iyong notebook. 
Salita Kasing-kahulugan 
Kasalungat 
Maamo ang alagang pusa 
ni Mang Troy. 
Ipinaghanda ni Pritz 
ng mainit na sopas ang 
kanilang Tatay. 
Inakyat ni Bryan 
ang mataas na puno ng 
mangga upang kunin ang 
saranggola ng kaniyang 
kapatid. 
Mabango ang sampagita 
na binili ni Aling Glenda 
para sa kanilang dyip. 
Ang mga salitang may klaster ________________. 
Magkasingkahulugan ang mga salita kung __________ at 
magkasalungat naman kung _____________. 
Hanapin ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon. 
Isulat ang mga makikita mo sa iyong sagutang papel.
DRAFT 
April 10, 2014 
36 
Basahin ang mga pangungusap na maaaring naging usapan 
ng mag-anak sa “Muntik nang Hindi Matuloy.” Sino 
ang nagsabi ng bawat isa? 
“ Kumain na kayo habang kinukumpuni ko ang dyip.” 
“ Umaandar na itong dyip. Aalis na tayo. ” 
“Magbibihis lamang po kami.” 
“Malungkot sila kanina nang umuwi akong sira ang dyip.” 
Kumpletuhin ang usapan sa bawat larawan sa 
pamamagitan ng pagpuno ng kayo, kami,tayo, at sila 
sa bawat pangungusap. 
a f p e l i k u l d a 
b u l a k l a k a a p 
k w a d e r n o s h o 
c a n i j o i g o o l 
d e t r a k n h b n a 
p a s o k l i n y a r 
a l a p a i n a l o k 
i s a t i n a p a l y 
t u t u b i a g i w e 
k a n i n k w a g o s 
s i s a l a m i n x o
DRAFT 
April 10, 2014 
37 
Ang _____ ay pamalit sa ako at mga kasama. 
Ang _____ ay pamalit sa ikaw at mga kasama. 
Ang _____ ay pamalit sa akin at mga kasama. 
Ang ____ ay pamalit sa siya at mga kasama. 
Kasama ng iyong pangkat, maghanda ng isang dula-dulaan 
tungkol sa isang paksang mapipili. 
Gamitin ang kayo, kami, tayo, at sila. 
- Ang Paaralan 
- Ang Magkakapatid 
- Ang Alagang Hayop 
- Paboritong Pasyalan 
Lisa, saan ___ 
pupunta? 
Pupunta na 
____ kina Lolo. 
Sasama ka na 
ba? 
Mauna na 
___ . May 
tatapusin 
pa ako. 
A sige. 
Hihintayin ka 
namin doon. 
Sabay na 
tayo sa pag-uwi.
DRAFT 
April 10, 2014 
38 
Basahin ang sumusunod na salita. Ano ang ibig sabihin ng bawat 
isa? Iguhit ang mga ito. 
bacon carrot computer 
hotdog juice video 
Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin ng iyong 
guro. Isulat sa iyong notebook ang mga salitang hiram 
na binanggit sa kuwento. 
Ang mga salitang hiram ay binabaybay sa paraang 
____________. 
Umisip ng tatlong bagay sa inyong bahay 
na ang ngalan ay salitang hiram. Iguhit ang mga ito at isulat ang 
ngalan ng bawat isa. 
Laging sinasabi na may pera sa basura. Tingnan natin kung 
bakit para kay Sita ay kayamanan ang kaniyang kinokolekta at 
hindi mga basura.
DRAFT 
April 10, 2014 
39 
Hindi Basura 
“Bata! Bata! Bakit mo ba kinuha ang mga basurang iyan?” 
tanong ni Sita sa isang batang nagtutulak ng kariton. 
“Hindi ito basura. Mga pira-pirasong papel ito, 
mga bote at latang pipi,” sagot ng batang nagtutulak 
ng kariton. 
“Ano nga ang gagawin mo riyan?” tanong muli ni Sita. 
“Hindi mo ba alam? Ipagbibili ko ito. Tutunawin ito ng bibili. 
Gagawin nila uli itong papel, bote at lata.” 
Humanga si Sita sa bata. Kumikita siya. Nakatutulong pa siya 
sa pagtitipid sa likas na yaman ng bansa. 
(Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 2, Saint Mary’s Publishing Corporation) 
Ano-ano ang mga nakita mong ginawa ng ibang bata sa 
paaralan bago pa man magsimula ang klase? 
Ikuwento mo ito sa klase. 
Sa pagbabahagi ng isang pangyayaring 
naobserbahan ko, dapat kong tandaan na _______. 
Sa iyong notebook, sumulat ng isang maikling pag-uulat na 
may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa 
ginagawa ng iyong pamilya upang makatulong sa 
pagpapanatiling malinis ng inyong pamayanan. 
Ang buko pie ay isang popular na kakanin 
ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog na mura na inilagay 
sa ibabaw ng isang pie. Paano nga ba ito nagagawang 
masarap?
DRAFT 
April 10, 2014 
40 
Ren : Cindy, masarap kaya ang buko pie? 
Cindy : Oo, masarap iyon. Alam mo ba 
ang mga sangkap nito? 
Aling Tess : Naku, mga batang ire. Sa tagal ko nang 
gumagawa ng buko pie e masasabi kong 
pare-pareho lang ang lasa niyan. 
Pare-parehas lang kasi ang mga sangkap dito. 
Ang pinakasikreto upang maging masarap ito ay 
ang paraan ng pagluluto. 
Subukan nating bumuo ng mga bagong salita mula 
sa mga nasa listahan. Dagdagan lamang ng pantig ang mga ito, 
maaaring sa unahan, gitna o hulihan. 
awit dasal isip sayaw walis 
Ang ___, ____, at ____ ay panghalip na pamatlig. 
Ang ___ ay ginagamit kung ang pinag-uusapan 
ay malapit sa nagsasalita. 
Ang ______ naman ay kung ang pinag-uusapan 
ay malapit sa kinakausap. 
At ang _____ ay ginagamit kung ang pinag-uusapan ay 
malayo sa nag-uusap. 
Gamitin ang nito, niyan at niyon sa pagtuturo 
ng mga bagay sa loob ng silid-aralan. 
Ang balete ay isang uri ng tuwid at makinis na puno. 
Tumataas ito mula 13 hanggang 40 talampakan, at pakalat ang 
tubo ng mga ugat. Ngunit, maraming natatakot sa punong ito. 
Bakit kaya?
DRAFT 
April 10, 2014 
41 
Sino ang Takot sa Puno ng Balete? 
Ayaw na ayaw kong magbakasyon sa bahay ni Lola. 
Nakatatakot kasi roon. Luma ang bahay na gawa sa kahoy. 
Parang may mga multo, pero pinakanakatatakot ay ang puno 
ng balete. 
Malaki ang balete at maraming mala-galamay 
na baging. Parang sa octopus ang mga galamay ng balete! 
Sa gabi, kapag malakas ang hangin, parang gumagalaw ang 
mga galamay na ito. Katapat pa naman ng bintana ko ang 
balete. 
Isang araw, paggising ko, pinapunta agad ako ni Lola sa 
hardin. May sorpresa raw siya sa akin. Nagkabit sila ng duyan sa 
mga baging ng balete. Sabik na sabik akong sumakay sa duyan. 
Masarap palang sumakay sa mga galamay ng balete. 
Sabihin sa klase ang iyong naisip na wakas sa bawat 
sitwasyon na mababasa. 
1. Nakatira sa kabilang ibayo ng ilog si Isagani. 
Nang araw na iyon ay malakas ang ulan. Ngunit 
kailangan niyang pumasok. May pagsusulit kasi 
sila. Dalawa ang daan patungo sa paaralan. 
Ang pagtawid sa ilog ang malapit na daan 
at ang pagtawid sa tulay ay malayo. Lumakad 
na si Isagani. Kaya ___________. 
2. Matapat na bata si Evelyn.May nakaiwan 
ng pitaka sa upuan na malapit sa kaniya. 
Kilala niya kung sino ang may-ari.Kaya________. 
Sa pagbibigay ng wakas ng isang kuwento, kailangan kong 
_________.
DRAFT 
April 10, 2014 
42 
Basahin kung ano ang plano ni Bitoy sa ating kuwento. 
Bigyan mo ito ng sarili mong wakas. 
Ang Plano ni Bitoy 
Marami nang nakasabit na parol at makukulay na ilaw sa 
bintana. Naririnig na rin ang mga awiting pamasko. 
May plano si Bitoy at ang kaniyang mga kaibigan. Kumuha si 
Imo ng lata ng gatas na walang laman. Binutasan niya ito sa 
magkabilang dulo. Tinakpan niya ang butas gamit ang plastik na 
inunat at ipinirmi ng goma. 
Si Mario naman ay kumuha ng maraming tansan. Gamit ang 
malaking bato, pinipi niya ito. Binutasan niya sa gitna 
ang mga napiping tansan. Isinuot niya ang isang binilog na 
alambre sa mga tansan. 
Samantala, si Bitoy ay uminom ng mainit na salabat. Handa 
na ang magkakaibigan. 
Sino si Seli? Ano ang sili? Nakakatuwa! Halos pareho ng 
tunog ang mga salitang ito. Basahin ang ating tula, marami pa 
itong katulad.
DRAFT 
April 10, 2014 
43 
Sili ni Seli 
Florenda B. Cardinoza 
Ang aking inang si Seli 
Nagtanim sa bukid ng sili 
Tubig pandilig mula sa poso 
Kagalaka’y nadama ng puso. 
Ayaw ng kaibigan kong iwan 
Kaya sinabi ko sa kaniya’y ewan 
Sili ni Nanay dapat mabenta 
Isakay dapat ito sa vinta. 
Binalot ni Nanay sa tela 
Habang ang ulan ay tila 
Kabayaran ni Nanay na pera 
Pambaon sa eskwela ni Pira. 
Kasama ng iyong kapangkat, gumawa ng “Banderitas ng 
mga Salita.” 
Sa unang dalawang magkakulay na banderitas, sumulat ng 
isang pares ng mga salitang iisa ang baybay pero magkaiba 
naman ng bigkas. 
Pumili ng isang salita mula sa mga naisulat. 
Sa pangatlong banderitas, isulat ang bagong salita 
na mabubuo kung papalitan ang unang pantig nito. 
Sa ikaapat na banderitas naman, isulat ang bagong salita 
kung papalitan ang huling pantig ng napili pa ring salita. 
Makakabuo ng bagong salita sa pamamagitan 
ng _____________ mula sa isang salita. 
Gawin ang sumusunod sa iyong notebook. 
1. Umisip ng isang salita.
DRAFT 
April 10, 2014 
44 
2. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang 
huling pantig nito. 
3. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang 
unang pantig nito. 
4. Gamitin ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. 
5. Gamitin ang format na makikita sa susunod na pahina. 
Salita Unang 
Pantig 
Huling 
Pantig 
Pangungusap 
Nakapaglaro ka na ba ng bangkang papel kasama ang 
iyong mga kaibigan? Ano ang nangyari? Ganito rin ba? 
Bangkang Papel 
Matapos ang isang malakas na ulan, nagkayayaan ang 
tatlong magkakaibigan na maglaro ng bangkang papel. 
Yehey! Ang bilis talaga 
nitong aking bangka. 
Oo nga ano. Sana 
bumilis din ang 
aking bangka tulad 
niyan.
DRAFT 
April 10, 2014 
45 
Pumili ng isang magandang lugar sa Pilipinas mula 
sa mga larawang ipakikita ng iyong guro. 
Gumawa ng usapan gamit ang nito, niyan at niyon. 
Natutuhan ko na _________________________________. 
Gamit ang paksang iyong napili, gumawa ng sariling komik 
istrip upang maipakita ang wastong gamit ng nito, niyon, at 
niyan. 
Ano ba ang mainam gawin kung nasa bakasyon ka 
at naiinip ka na sa lugar na inyong pinuntahan? 
Nakababagot na Araw 
Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking mga pinsan. 
Noong una ay ayokong sumama dahil sila ay nakatira sa 
malayong baryo. Pero wala akong nagawa. 
Unang araw ko pa lamang ay inip na inip na ako 
dahil wala akong malaro. Hindi pinadala ang PSP ko. 
Tingnan ninyo o, 
mas magaganda 
ang kulay niyon 
kaya lang 
mabagal. Teka 
kanino iyon?
DRAFT 
April 10, 2014 
46 
Wala ring computer shop sa lugar na ito. Sana nadala ko ang 
laruan kong robot at kotseng de-remote. Nakababagot talaga. 
Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana, 
nakita ko ang aking mga pinsan at iba pa nilang kaibigan na 
masayang naghahabulan. Pero, nagtataka ako dahil nakita kong 
may latang pinatumba gamit ang tsinelas, bago sila 
nagtakbuhan. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha nila. 
Mayamaya, kumaway ang isa kong pinsan at pinalabas 
ako ng bahay. Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan at 
kulitan nila. Nalaman ko na tumbang preso pala ang tawag sa 
larong iyon. 
Isinali rin nila ako sa larong patintero, luksong-baka, pati na 
rin sa piko. Nawala sa isip ko ang computer games, pati na rin 
ang aking mga laruan. 
Pag-aralan ang graph na ito upang mabuo ang 
mga pangungusap. 
Mga Laro Bilang ng Naglalaro 
Luksong Tinik 
Patintero 
Piko 
1. Mas maraming babae ang naglalaro ng _____ 
kaysa sa mga lalaki. 
2. Kakaunting ______ ang naglalaro ng ______ 
kumpara sa mga ______.
DRAFT 
April 10, 2014 
47 
Ang pictograph ay ______________________. 
Sagutin ang mga tanong tungkol sa graph na ito. 
Mga Bote ni Patrick 
Mga araw Bilang ng bote 
Lunes 
Martes 
Miyerkules 
Huwebes 
Biyernes 
Legend: = 5 
1. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick noong Lunes? 
2. Ilang bote naman noong Biyernes? 
3. Anong araw ang may pinakamaraming bote 
na nakolekta? 
4. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick sa limang araw?
DRAFT 
April 10, 2014 
1 
Kagawaran ng Edukasyon 
Republika ng Pilipinas
DRAFT 
April 10, 2014 
2 
Filipino 
Kagamitan ng Mag-aaral 
UNIT 3 
PAG-AARI NG PAMAHALAAN 
HINDI IPINAGBIBILI 
INILAAN PARA SA 
Distrito/Paaralan: ____________________________ 
Dibisyon: ____________________________________ 
Unang Taon ng Paggamit: ___________________ 
Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 
Baitang 
Batang Pinoy Ako 
3
DRAFT 
April 10, 2014 
3 
BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang 
Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral 
Unang Edisyon, 2014 
ISBN : 
Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa 
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng 
Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan 
o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning 
komersiyal. 
Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, 
seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, 
atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga 
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng 
mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. 
Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon 
Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC 
Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo 
Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: 
Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, 
Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace 
Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, 
Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. 
Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, 
Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David 
Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado 
Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth 
Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand 
Bergado. 
Inilimbag sa Pilipinas ng __________ 
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) 
Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. 
Meralco Avenue, Pasig City 
Philippines 1600 
Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
DRAFT 
April 10, 2014 
4 
PAUNANG SALITA 
Kumusta mga bata? 
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng 
Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng 
Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga 
kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa 
pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at 
pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay 
gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain 
ang mga panuto na mababasa dito upang maging 
matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. 
Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. 
- Pamilya Ko, Mamahalin Ko 
- Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko 
- Bansa Ko, Ikararangal Ko 
- Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko 
Ang bawat aralin naman ay may mga gawain 
tulad ng : 
Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at 
talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang 
lilinangin sa bawat aralin. 
Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan 
o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang 
ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. 
Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga 
pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
DRAFT 
April 10, 2014 
5 
ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang 
aralin. 
Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa 
mga natutuhan mo. 
Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging 
matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang 
hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. 
Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na 
Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at 
makakalikasan. 
Maligayang pag-aaral sa iyo! 
MGA MAY-AKDA
DRAFT 
April 10, 2014 
6 
TALAAN NG NILALAMAN 
Yunit III – Bansa Ko, Ikararangal Ko 
Aralin 21 – Kilalanin Natin 8 
 Paggamit ng Angkop na Salita sa 
Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay, 
Lugar, at Pangyayari 
 Paggamit ng mga Salitang Kasingkahulugan 
at Kasalungat sa Pagbibigay Kahulugan sa Isang 
Salita 
Aralin 22 – Pangalagaan Natin 11 
 Paggamit ng Angkop na Pagtatanong 
Gamit ang Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano,Sino-sino 
 Pagsunod sa Panutong may 3-4 Hakbang 
Aralin 23 – Pagyamanin Natin 13 
 Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, at 
Lugar sa Pamayanan 
 Pagbibigay-Kahulugan sa Graph 
Aralin 24 – Tangkilikin Natin 15 
 Paglalarawan ng mga Bagay, Tao at 
Lugar sa Pamayanan 
 Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Binasang 
Teksto 
Aralin 25 – Ipagtatanggol Natin 19 
 Paggamit ng Tamang Salitang Kilos sa 
Pagsasalaysay ng mga Personal na 
Karanasan 
 Pagbibigay ng Paksa ng Kuwento o 
Sanaysay na Napakinggan 
Aralin 26 – Pahalagahan Natin 21 
 Paggamit ng Tamang Salitang Kilos 
(Pandiwa)sa Pagsasalaysay ng mga 
Personal na Karanasan 
 Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang 
Teksto 
Aralin 27 – Paunlarin Natin 25 
 Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na 
Naglalarawan ng Kilos o Gawi 
 Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari 
sa Kuwentong Napakinggan
DRAFT 
April 10, 2014 
7 
Aralin 28 – Mahalin Natin 29 
 Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na 
Naglalarawan ng Kilos o Gawi 
 Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang 
Teksto sa Tulong ng Timeline 
Aralin 29 – Ipagmalaki Natin 34 
 Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol na –Laban sa, 
-Ayon sa, at –Para sa 
 Pagbibigay ng Sariling Wakas sa 
napakinggang Kuwento 
 Pagbasa ng mga Salitang may Klaster at Diptonggo 
Aralin 30 – Ikarangal Natin 38 
 Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol 
 Pagbibigay ng Lagom ng Binasang Teksto 
 Pagsusulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay
DRAFT 
April 10, 2014 
8 
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging 
magalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Isa rin ito 
sa mga laging paalala ng ating mga magulang. 
Alamin sa tula kung ito rin ang bilin ng mga magulang 
ni Lino. 
Si Linong Pilipino 
Ako si Lino, 
Na isang Pilipino. 
Pagiging kayumanggi, 
Hindi ko itinatanggi. 
Laging bilin 
Ng aking magulang, 
Lahat ay igalang. 
Lahat ay mahalin. 
Saan man mapunta, 
Sino man ang makasama, 
Pagiging Pilipino, 
Laging isasapuso. 
Pumili ng isang salita sa binasang tula. 
Sumulat ng limang salitang katugma nito. 
Isulat sa loob ng ginuhit na b. hay ang iyong sagot.
DRAFT 
April 10, 2014 
9 
Ang mga salitang magkakatugma ay ___________. 
Gawin ang Bahaghari ng Magkakatugmang Salita. 
Sa iyong papel, gumuhit ng isang bahaghari. 
Gumupit ng limang metacard sa bawat kulay nito. 
Sumulat ng magkakatugmang salita sa bawat kulay 
ng papel. Idikit ito sa loob ng bahagharing ginawa. 
Sino-sino ang Pilipino? 
Pilipino Sila 
Natatangi at naiiba talaga ang mga Pilipino. Hindi lamang 
kilala sa magandang pag-uugali at kahanga-hangang kaayusan 
sa iba’t ibang gawain kundi maging sa makukulay nilang kultura. 
Isa sa mga tunay na maipagmamalaki ay ang mga 
pangkat-etniko na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa. 
Maaaring sila ay nasa kapatagan, tabing-dagat, o tabing-ilog. 
Ang iba naman ay nasa kabundukan at kagubatan. Sila ay may 
sariling wika, tradisyon, kaugalian, at paniniwala. 
Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat-etniko sa 
Pilipinas sa kasalukuyan. Sinusundan ito ng Bisaya. Pero hindi lang 
sila ang pangkat-etniko ng bansa. Nariyan ang mga Igorot, 
Kalinga, Kankanaey, Ibanag, Ifugao, Negrito at Aeta na 
makikita sa Luzon. Sa Mindanao naman makikita ang mga 
Manobo, T’boli, Higaonon at Tiruray. 
Anuman ang tawag sa kanila, ano man ang kanilang 
paniniwala, wika, kaugalian at tradisyon, sila ay mga Pilipino. 
Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.
DRAFT 
April 10, 2014 
10 
Sumulat ng tanong na nagsisimula sa ano, sino,at saan, 
tungkol sa binasang sanaysay. 
Ang ano, sino, saan, at kailan ay ginagamit 
sa pagtatanong. 
Ang ano ay para sa ngalan ng _____________. 
Ang sino ay para sa ngalan ng _____________. 
Ang saan ay para sa ngalan ng _____________. 
Ang kailan ay para sa ngalan ng _____________. 
Umisip ng isang taong nais mong makapanayam. Sumulat 
sa isang malinis na papel ng isang tanong na sasagutin niya. 
Sino nga ba ang mga pangkat-etniko? 
Muling basahin nang tahimik ang “Pilipino Sila” sa p. 88. 
Sipiin ang isang talata mula sa “Pilipino Sila” sa p. 88. 
Sa pagsipi ng talata,kailangan kong tandaan na, _____. 
Isulat muli ang talata na binigyang-puna ng iyong guro.
DRAFT 
April 10, 2014 
11 
Malaki ang epekto ng klima sa ating bansa lalo na 
sa pamumuhay ng bawat Pilipino na nasa iba’t ibang panig 
nito. Ano ang klima? 
Ang Klima at ang Aking Bansa 
May mga bansa sa mundo na nakararanas ng apat 
na klima hindi tulad ng ating bansa. Ang Pilipinas ay isang 
bansang tropikal. Ito ay nasa tropiko ng Kanser na makikita 
sa itaas ng ekuwador. 
Kapag nasa malapit sa ekwador ang bansa, mayroon 
lamang itong dalawang uri ng klima. Ito ay ang tag-araw 
o tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw samantalang 
mahalumigmig at malamig kung tag-ulan. 
Iguhit ang dalawang klima sa mga bansa na malapit 
sa ekwador. 
Natutuhan ko sa araling ito na ________________________. 
Sumulat ng ngalan ng apat na bansang makikita malapit 
sa ekwador.
DRAFT 
April 10, 2014 
12 
Muling basahin ang “Ang Klima at ang Aking Bansa” 
sa p.90. 
Sumulat ng isang tanong tungkol sa tekstong “Ang Klima at 
ang Aking Bansa.” 
Sa pagtatanong, gumagamit ng angkop na salita tulad ng 
__________________________________. 
Sumulat ng dalawang tanong na nais mong sagutin 
ng Presidente ng Pilipinas tungkol sa programa ng pamahalaan 
para sa pangangalaga ng kapaligiran. Isulat ang mga tanong sa 
iyong notebook. 
Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang 
pangalagaan ang kalikasan? 
Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. 
Pag-aralan at pumili ng isang larawan. 
Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na 
pangungusap tungkol dito.
DRAFT 
April 10, 2014 
13 
C 
Natutuhan ko sa aralin ngayon na ________________. 
Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro. 
Tayong mga Pilipino ay maraming tradisyon at kaugalian na 
dapat nating pagyamanin. Isa na rito ang masayang 
pagsalubong sa Bagong Taon. Paano nga ba natin ito dapat 
salubungin? Paano natin ito mapagyayaman? 
Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na - DOH 
ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) 
January 3, 2013 
Naniniwala si Health Secretary Enrique Ona na panahon na 
para seryosong ikonsidera ang pagpapalit ng kultura o tradisyunal
DRAFT 
April 10, 2014 
14 
na paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon 
dahil maaari namang lumikha ng iba’t ibang ingay sa ibang 
paraan para sa pagtataboy ng ‘evil’ at ‘bad luck.’ 
Sabi ni Ona, karamihang nabibiktima ng paputok ay 
kabataan kaya’t pinag-aaralan nilang i-ban ang kabataan sa 
pagbili nito. 
Inamin ng Kalihim na kahit pa masigasig ang Department of 
Health o ang pamahalaan sa kampanya kontra sa 
paputok, marami pa rin ang nabibiktima nito, at ang 
nakalulungkot ay mga bata pa ang kadalasang napuputulan ng 
daliri, kamay o maging paa kaya naman imumungkahi niya sa 
stakeholders meeting, kasama ang Philippine National Police at 
Bureau of Fire Protection na ibawal na sa kabataan ang 
pagbebenta ng mga paputok. 
Paano ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa inyong lugar? 
Ibahagi ito sa klase. 
Natutuhan ko na ___________________________________. 
Kunin ang kagamitan mo sa Art. 
Gumawa ng isang poster tungkol sa pag-iingat na dapat 
gawin sa pagdiriwang ng Bagong Taon. 
Muling basahin ang “Kultura sa Pagsalubong sa Bagong 
Taon Palitan Na – DOH.” Tukuyin ang mga salitang naglalarawan 
sa mga tao, lugar, bagay, o pangyayari dito.
DRAFT 
April 10, 2014 
15 
Sumulat ng pangungusap na naglalarawan ng tao, bagay, 
hayop, pook, o pangyayari na makikita sa larawan. Bilugan ang 
mga ginamit na pang-uri. 
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm 
Ang pang-uri ay ___________________. 
Makinig nang mabuti sa babasahing balita ng guro. Itala sa 
iyong notebook ang mga pang-uring napakinggan.
DRAFT 
April 10, 2014 
16 
Ano ang tatak ng suot mo ngayon? Saan ito gawa? 
Ano-ano ang produktong Pilipinong dapat nating tangkilikin? 
Tatak-Pinoy 
Gawa sa Pilipinas. Maraming bagay na gawa ng ating 
kapwa Pilipino ang puwede nating ipagmalaki. Bukod 
sa magaganda nitong disenyo, hindi rin pahuhuli ang tibay 
ng mga ito. Bawat produkto ay butil ng pawis at buhay 
ng bawat Pilipinong manggagawa. 
Ilan sa mga “Only in the Philippines” na talagang puwede 
nating ipagsabayan sa buong mundo ay ang mga makukulay at 
air-conditioned na dyip. Hari ng daan, samu’t sari ang gayak na 
talagang nakakaaliw. Ang mga matitibay na sapatos 
na gawa sa Marikina at sa Liliw, Laguna na talaga namang world 
class ang dating. Ang naggagandahang parol ng Pampanga na 
talagang nakadaragdag ng saya ng Pasko. Ang mga kakaibang 
disenyo ng mga barong na gawa sa Batangas. 
Pagdating din sa pagkain, hindi tayo pahuhuli. 
Ang napakasarap na mainit na kape na galing sa Batangas 
na sasabayan mo pa ng suman na galing sa Mindoro. 
Ang mga matatamis na pinya ng Davao at mangga na mula sa 
Guimaras ay tunay na hindi mo pagsasawaan. 
O halika na at ating libutin ang sarili nating bansa. 
Kung saan ang mga produkto ay subok na matibay, 
ang mga pagkain ay tunay na masarap. 
Basta’t sarap at tibay ang gusto, hanapin lamang 
ang tatak Pinoy. 
Gumupit sa lumang diyaryo o magasin ng isang bagay 
na dapat tangkilikin ng mga Pilipino. Sumulat ng isang 
pangungusap tungkol sa napiling bagay.
DRAFT 
April 10, 2014 
17 
Ang paksa ng isang talata ay ________________. 
Pumili at bumasa ng isang sanaysay o kuwento mula 
sa mga nagdaang aralin. Isulat ang pamagat at ang pahina nito. 
Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa paksa 
ng binasang sanaysay o kuwento. 
Basahin ang “Tatak-Pinoy” sa Alamin Natin, p.98. 
Tukuyin ang mga pang-uri na ginamit. 
Gamitin ang larawan na ginupit mo sa naunang gawain. 
Sumulat ng mga pang-uri tungkol sa larawang ito. 
Ang pang-uri ay ______________________. 
Pumili ng isang paborito mong bagay, o lugar. 
Gumawa ng isang flyer na naglalarawan nito at hihikayat sa 
ibang Pilipino o dayuhan na tangkilikin ito. 
Ang Child Friendly Barangay ay isang programa 
ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkilala 
ang mga barangay na may natatanging programa para sa 
karapatan ng kabataan sa kanilang nasasakupan. 
Sa paraang ito, mabibigyan din ng pagkakataon na 
makilala ang barangay at matangkilik ng ibang Pilipino ang mga 
produkto nito.
DRAFT 
April 10, 2014 
18 
Basahin natin ang isang liham na nagkukuwento 
kung ano-ano ang nangyari nang ang kanilang barangay 
ay tanghaling Child-Friendly Barangay. 
106 Purok 190 
Brgy. Malinis, Ginhawa 
Okt. 2, 2013 
Mahal kong Vans, 
Kumusta ka na? Bakit hindi ka nakarating noong nakaraang 
Sabado? Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal na iginawad sa 
aming barangay bilang Child-Friendly Barangay ng Reh. IV- A. 
Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang makiisa sa 
pagdiriwang. Nagsalita ang puno ng aming barangay na 
si Kapt. Joel at sinabi niya na sa wakas ay nagbunga rin 
ang aming mga pagsisikap at pagtutulungan. 
Dumating din si Kgg. Agnes na aming punong lungsod 
at si Cong. Abraham na talaga namang ikinatuwa ng lahat. 
Pagkatapos ng maikling palatuntunan, nagbigay 
ng libreng serbisyong medikal ang grupo ni Dra. Rey. 
Sina Bb. Badillo, G. at Gng. Derla naman ay nanguna 
sa pamimigay ng libreng miryenda para sa lahat. 
Ang saya talaga nang araw na iyon. Sana nakarating ka. 
Ang iyong kaibigan, 
Danika 
Sa isang malinis na papel, sipiin nang wasto ang liham 
na ipinadala ni Danika kay Vans. 
Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat, 
dapat kong tandaan na ____________. 
Isulat muli ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga sagot 
mo sa “Tama ba ang Pagkakasulat Ko?” na ipakikita ng iyong 
guro.
DRAFT 
April 10, 2014 
19 
Ang bawat batang Pilipino ay may karapatan. Tungkulin ng 
lahat ng Pilipino na masigurong natatamasa ang mga ito ng 
bawat bata saanmang sulok ng Pilipinas. Ang karapatang 
mabuhay at magkaroon ng pangalan ang isa sa mga 
pangunahing karapatan nila. 
Ang Batang may K 
Maagang naulila ang batang si Kristine. Namatay 
sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang. Kaya’t siya ay 
kinupkop ng Department of Social Welfare and Development. 
Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may mag-asawang 
dumating at nais na siya ay ampunin. Inayos kaagad 
ang kaniyang mga papel at hindi nagtagal siya ay nakauwi na 
sa bahay nina G. at Gng. Robles. 
Itinuring siyang tunay na anak. Inalagaan siya nang maayos. 
Pinapasok sa magandang eskwelahan. At higit sa lahat binigyan 
siya ng isang mapagmahal na pamilya at pangalang Kristine 
Robles. 
Sipiin ang mga pangungusap na sumusuporta sa 
pamaksang pangungusap na: Si Kristine sa bago niyang pamilya. 
Ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng isang 
talata ay __________________________.
DRAFT 
April 10, 2014 
20 
Sumulat ng dalawang pangungusap na sumusuporta sa 
kaisipang “pagtatanggol sa karapatan ng mga bata.” 
Muling basahin ang kuwentong “Ang Batang may K” nasa 
sa Alamin Natin, p.99. Tukuyin ang mga salitang kilos na ginamit 
dito. 
Pumili ng isang pandiwa sa binasang kuwento. 
Gamitin ito sa sariling pangungusap na nagsasalaysay 
ng sariling karanasan. 
Ang pandiwa ay ____________________. 
Makinig nang mabuti sa kuwentong ibabahagi ng iyong 
kamag-aral. Pumalakpak sa tuwing makakarinig ng pandiwa. 
Nagkasakit ka na ba? Ano ang ginawa ng iyong magulang 
o ng nag-aalaga sa iyo? 
Pag-aralan ang graph na nasa susunod na pahina at 
sagutin ang mga tanong tungkol dito.
DRAFT 
April 10, 2014 
21 
Karapatan sa Atensiyong Medikal 
Bilang ng Batang Babae at Lalaki 
Dinala sa 
ospital 
Hindi dinala sa 
ospital 
Dinala sa 
albularyo o 
manghihilot 
Ilan na kaya sa mga kaklase mo ang nadala na sa klinika? 
Sa ospital? O sa albularyo? Gamit ang naunang graph, alamin 
ang nangyari sa mga kasama mo sa pangkat. 
Ang graph ay _______________________. 
Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa natutuhan 
mo sa graph na unang ipinakita ng bawat pangkat. 
“Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.”
DRAFT 
April 10, 2014 
22 
Ito ang sinasabi sa ating pambansang awit. Ibig sabihin 
mayaman ang Pilipinas. Bakit kaya? 
Mayaman ang Pilipinas. Sa lawak ng kalupaan at 
katubigang nakapaligid sa bansa, napakaraming natural na 
yaman ang makikita rito. 
Maraming nakukuha sa lupa. Ilan sa mga maituturing 
na yaman ay mga halaman, puno, metal at hindi metal 
na makukuha sa kalupaan. 
Sa katubigan naman, makikita at makukuha ang iba’t ibang 
klaseng isda, halamang-dagat, perlas, at korales na ginagawang 
alahas. Sa tubig din natin kinukuha ang enerhiya at kuryente na 
pinakikinabangan ng maraming Pilipino sa iba’t ibang sulok ng 
bansa. 
Kayamanan ding maituturing ang mga mamamayan ng 
bansa. Sila ang mamamahala at magpapaunlad ng mga 
biyayang bigay ng Poong Maykapal. 
Tunay nga na mayaman ang Pilipinas. Mayaman ang mga 
Pilipino. Kailangan lamang na pahalagahan natin ang ating 
kapaligiran at ang ating kapwa Pilipino. 
Basahing muli ang sanaysay. 
Sa isang malinis na papel, isulat ang nais mong maging 
pamagat nito. 
Lagyan ng kulay at disenyo ang papel na pinagsulatan ng 
naisip na pamagat. 
Sa pagbibigay ng pamagat, kailangang _______________. 
Gumuhit ng isang poster tungkol sa pagpapahalaga mo sa 
yaman ng ating bansa. Lagyan ito ng pamagat.
DRAFT 
April 10, 2014 
23 
Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano mo 
pahahalagahan ang ating mga likas na yaman. 
Basahing muli ang mga pangungusap na nakasulat sa 
pisara. Pumili ng dalawang pandiwa mula dito. Gamitin 
sa sariling pangungusap at sabihin kung paano mo 
pahahalagahan ang likas na yaman ng bansa. 
Ang pandiwa ay may iba’t ibang kapanahunan tulad 
ng ____________, ___________, at _________________. 
Paano mo inaalagaan ang iyong mga tanim sa sariling 
bakuran? 
Isulat ang sagot sa anyong pangungusap sa loob 
ng talaan. Bilugan ang pandiwang ginamit. Gawin ito 
sa notebook. 
Ano ang ginawa 
mo nang 
nagdaang araw? 
Ano ang 
ginagawa mo 
ngayon? 
Ano ang 
gagawin mo 
bukas? 
Ang sama-samang paglilinis ng kapaligiran ay isang 
palatandaan na ang mga mamamayan dito ay nagpapahalaga 
sa likas na yamang taglay ng lugar na ginagalawan. 
Alamin kung paano ito ipinakita ng mga taga-Bataan?
DRAFT 
April 10, 2014 
24 
Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno 
Posted by Online Balita , April 23, 2013 
Armado ng walis tingting, inilunsad ng mga tauhan ng 
Bataan Police Provincial Office at mga miyembro ng Alpha Fire 
Brigade and Brotherhood Association-Manila ang maghapong 
paglilinis sa Bataan nitong Sabado, kaugnay ng pagdiriwang ng 
Earth Day kahapon. 
Ang paglilinis ay pinangunahan ng La Filipina Uygongco 
Corporation, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Mariveles 
Mayor Dr. Jesse Concepcion, na nanguna sa pagtatanim ng may 
400 puno ng niyog sa baybayin ng Barangay Townsite, Mariveles. 
Sinabi ni La Filipina General Manager Susan Romero na 
mahalagang pagtulung-tulungan ang paglilinis ng paligid upang 
malinis ang hanging ating nalalanghap at mapakinabangan pa 
ng susunod na henerasyon ang likas na yaman. 
Hinikayat din ng kumpanya ang mga miyembro ng 
Recycling129 sa Tondo na makibahagi sa paglilinis. 
Katulad din ba kayo ng mga taga-Bataan? Paano ninyo 
pinahahalagahan ang likas na yaman sa inyong lugar? 
Sumulat ng isang pag-uulat na may dalawa hanggang apat 
na pangungusap. 
Sa pagsulat ng talatang nag-uulat, kinakailangang 
___________________. 
Isulat muli ang pag-uulat na natapos. Isaalang-alang ang 
mga puna at mungkahi na ibinigay ng guro.
DRAFT 
April 10, 2014 
25 
Bawat tao ay may kaniya-kaniyang katangian 
at kakayahan. Ang mga ito ay kailangan nating paunlarin upang 
makatulong tayo sa pagpapaunlad ng ating pamilya, ng ating 
pamayanan, ng ating bansa at higit sa lahat ng ating mga sarili. 
Basahin natin ang isang kuwento, upang maunawaan natin 
kung gaano tayo kahalaga sa ating pamayanan. 
Doon na Lamang 
Gratcielo Chiara D. Badillo 
Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukan 
ang buhay sa siyudad. Para naman maiba. Baka doon 
magbabago ang buhay. Kinuha niya ang kaniyang maliit na 
lagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad. 
Hindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang na 
lugar. Madilim na noon kaya namangha si Dodi sa 
naggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil wala pa naman 
siyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isang 
maliit na upuan sa tabi ng kalsada. 
Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog ay bigla siyang 
nagising. Isang malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mga 
katulad niya na nagtatakbuhan at nag-aagawan sa pagkaing 
nakalagay sa isang malaking plastic bag. 
Maghahanap muna siya ng trabaho. Nakakita siya ng isang 
malaking gusali. Dito siya susubok. Pero kinailangan niyang 
makipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito. 
Nakakabinging busina ang narinig niya mula sa mga naiinis sa 
mga tsuper. 
Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nang 
papasukin siya ng guwardiya kahit wala siyang ID. Matapos 
makipag-usap sa isang kahon na nagsasalita, pinaakyat siya sa 
ikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin siya sa 
gumagalaw na hagdan.
DRAFT 
April 10, 2014 
26 
Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na pero 
wala pa siyang bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain. 
Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyang 
nasulyapan ang mundong kaniyang pinanggalingan. 
“Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. May 
pagkain.” 
Basahing muli ang kuwento ni Doding Daga upang 
makagawa ng isang timeline. 
Ang timeline ay isang paraan upang _______________. 
Basahin ang kuwento upang makagawa ng isang timeline. 
Kailangan Lima 
Angelika D. Jabines 
May limang magkakaibigan. Sina Rose, Tess, Luz, Dennis at 
Danilo. Bagamat magkakaibigan, magkakaiba naman sila ng 
ugali at kagustuhan.
DRAFT 
April 10, 2014 
27 
Isang araw sa kanilang pagbibisikleta, isang malaking kahoy 
ang nakaharang sa kanilang daraanan. 
Dahil sa pinakamalaki si Danilo, nanguna siya sa pagtanggal 
ng malaking kahoy. Pero hindi niya nakaya. Sumunod si Luz, mas 
maliit siya nang kaunti kay Danilo. Bahagyang gumalaw ang 
malaking kahoy. Buong tapang na sumubok si Dennis, ang 
pinakamataba sa lima. Pero hindi gumalaw ang malaking kahoy. 
Si Tess naman ang sumunod. Pero wala rin. Huling sumubok si 
Rose. Buong yabang na binuhat ang malaking kahoy. Umangat 
ito. 
“Aray!” ang sigaw niya. Ang malaking kahoy 
ay biglang bumagsak sa kaniyang maliit na paa. 
Sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan upang 
tulungan si Rose. 
“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Buhat!” At marahang 
naiangat ang malaking kahoy. 
Kailangan pala lima. Hindi isa. Hindi dalawa. Hindi tatlo. 
Hindi apat. Kailangan lima talaga! 
Muling basahin ang “Kailangan Lima” sa p. 108. 
Tukuyin ang mga pandiwa sa kuwento. 
Pumili ng isang pariralang may pang-abay sa kuwentong 
“Kailangan Lima.” Gamitin ito sa sariling pangungusap. 
Ang pang-abay ay ____________________________. 
Basahin ang “Doon na Lamang.” Pumili ng tatlong pandiwa 
na ginamit dito. Sumulat ng pangungusap na maglalarawan kung 
paano isinakilos ito sa kuwento.
DRAFT 
April 10, 2014 
28 
Ako si Bb. 
Luz. 
Ako naman 
si Dr. Danilo. 
Ako si Lt. 
Dennis 
Ako si Atty. 
Tess. 
Tingnan at kilalanin ang mga tauhan sa kuwentong 
“Kailangan Lima.” 
Piliin at daglatin ang mga salita mula sa pangungusap. 
1. Pinasaya ni Pangulong Aquino ang mga batang may sakit sa 
Ospital ng Maynila noong Biyernes. 
2. Sa darating na Oktubre magbibigay ng libreng pag-aaral 
para sa kababaihan si Ginang Javier. 
3. Ibinalik ni Heneral Tomas ang perang napulot niya sa may-ari 
nito kaya siya ay pinarangalan. 
4. Tayo ay humahanga sa mga taong mapagkakatiwalaan 
katulad ni Senador Domingo.
DRAFT 
April 10, 2014 
29 
5. Si Kongresman Manuel ay dumalo sa pagpupulong sa Cebu 
noong Pebrero. 
Sa pagsulat ng mga salitang dinaglat, _________________. 
Sino- sino ang kilala mong katulong sa pagpapaunlad 
ng inyong pamayanan? Isulat ang kanilang ngalan 
at katungkulan sa paraang padaglat. 
Paano mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa iyong 
pamayanan? Sa bansang iyong nakagisnan? 
Sino ka sa kuwentong ating babasahin? 
Si Maria kaya o si Rosa? 
Mariang Tilapya 
Maria Castillo-David 
Isang umaga, masayang naglalakad si Rosa sa tabing-ilog 
nang marinig niya ang isang munting tinig. 
“Rosa, tulungan mo ako.” Isang maliit na tinig mula 
sa tabing-ilog ang narinig niya. Hinanap niya ito at laking gulat 
niya nang makita ang isang tilapya na nagsasalita. 
“Bakit mo ako tinawag?” tanong ni Rosa sa isda.
DRAFT 
April 10, 2014 
30 
“Ako si Mariang Tilapya, at nais kong tulungan mo kaming 
mga nakatira dito sa ilog. Sobra na ang pang-aabuso ng mga 
tao,” wika ng isda. 
“Ano ba ang ginawa namin sa inyo?” tanong muli 
ni Rosa. 
“Lahat ng basura ay sa ilog ninyo itinatapon, pati mga 
patay na hayop ay dito rin inihahagis. Pati tuloy ang mga maliliit 
at maging mga itlog pa lang ay namamatay dahil sa 
labis na dumi,” mahabang himutok ni Mariang Tilapya. 
“Kung patuloy kayong mga tao sa masamang gawain 
ninyo, mawawala nang tuluyan ang likas na yamang tubig,” 
dagdag pa ng isda. 
“O sige, tutulungan kita,”pangako ni Rosa. 
Biglang nagising si Rosa dahil sa nakabibinging patak 
ng ulan sa kanilang bubong . Panaginip lang pala ang lahat. 
Pagdungaw niya sa kanilang bintana upang silipin ang ilog 
na malapit sa kanilang tahanan, nanlaki ang kaniyang 
mga mata. Mistulang dagat ang kanilang paligid. 
Matapos ang ilang araw, humupa na rin ang baha. Bawat 
isa sa kanilang baryo ay lumabas ng bahay na may dalang 
kagamitan sa paglilinis. 
Lihim na napangiti si Rosa sa nakita. Tiyak siya na matutuwa 
rin si Mariang Tilapya kahit siya ay isang panaginip lamang. 
Ibigay ang hinihingi ng diagram na ito buhat sa mababasa 
sa “Mariang Tilapya.” 
Mga Kilos na 
Naganap 
sa Kuwento 
Naging Bunga
DRAFT 
April 10, 2014 
31 
Ang sanhi ay _________________________________. 
Ang bunga ay ________________________________. 
Ibigay ang sanhi at bunga ng kilos sa bawat larawan. Isulat 
sa kaliwa ang sanhi at sa kanan naman ang bunga. 
Balikang muli ang kuwento ni Mariang Tilapya. Tukuyin 
ang mga pandiwa at pang-abay na ginamit.
DRAFT 
April 10, 2014 
32 
Gamit ang pariralang pang-abay, ilarawan kung paano 
ipinakita ng mga tauhan sa kuwentong “Mariang Tilapya” 
ang pagmamahal sa kanilang pamayanan. 
Ang pang-abay ay _________________________________. 
Ilarawan ang mga kilos na makikita sa bawat sitwasyon. 
Basahin ang “Doon na Lamang.” 
Itala ang mahahalagang impormasyon tungkol 
sa kuwentong ito.
DRAFT 
April 10, 2014 
33 
Punan ang bawat kahon ng hinihingi tungkol sa kuwentong “ 
Doon na Lamang.” 
Kahon ng Kuwento 
Natutuhan ko ____________________________________. 
Basahing muli ang “Kailangan Lima.” 
Ibigay ang hinihinging impormasyon. 
Pamagat May-akda 
Tagpuan 
Tauhan 
Simula 
Suliranin at 
Solusyon 
Wakas
DRAFT 
April 10, 2014 
34 
Ano-anong magagandang lugar sa Pilipinas ang iyong 
napasyalan? Halika at sumama sa paglalakbay. 
Sakay Na! 
Sakay na sa makulay na dyip na dito lamang sa Pilipinas 
matatagpuan! Sa ilang segundo, tayo ay aarangkada na! 
Isa... dalawa... tatlo... 
Una nating silipin ang Palawan Underground River. Itinanghal 
na isa sa mga pinakabagong magagandang tanawin sa buong 
mundo kaya naman hindi ito nauubusan ng turistang lokal at 
dayuhan. Ang kuwebang ito na may ilog sa loob ay sinasabing 
may habang 8.2 kilometro. Upang malakbay ang kahabaan nito, 
kailangan mong sumakay sa isang bangka upang masaksihan 
ang pambihirang iba’t ibang hugis ng bato na nililok sa 
pamamagitan ng patak ng tubig sa nakalipas na daanlibong 
taon. 
Kilalanin din natin ang tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas. Ito 
ay napaliligiran ng probinsiya ng Baguio at La Trinidad. Sa lugar 
Paksa 
Pamagat 
Problema 
Solusyon Natutuhan
DRAFT 
April 10, 2014 
35 
na ito makikita ang paglago ng strawberries sa bansa kaya 
tinawag din itong Strawberry Country bukod pa sa iba’t ibang uri 
ng prutas at gulay na nakatanim dito. Tara na sa lalawigan ng 
Benguet. 
Tinagong Dagat ang sunod nating destinasyon. 
Ito ay isang nakatagong lawa na matatagpuan sa talampas sa 
tuktok ng bundok na may sukat na humigit kumulang tatlong (3) 
ektarya at lalim na nasa otsenta (80) metro. Dito makikita ang 
iba't ibang isda.Napapaligiran din ito ng makapal na gubat kung 
saan gumagala ang ligaw na hayop at malago ang halaman. 
Tayo na sa Lambunao, Iloilo upang mapasyalan ito. 
Sa Mindanao naman, makikita ang Talon ng Maria Cristina 
sa dulo ng Ilog Agus. Ito ay kilala sa kagandahan na 
may taas na 320 talampakan bukod pa sa ito ang pangunahing 
pinagkukunan ng kuryente sa Iligan. 
Ilan lang ito sa puwede nating pasyalan sa ating bansa. 
Hanggang sa muling pagsakay sa ating pambihirang dyip. 
Sa binasa mong “Sakay Na,” pumili ng dalawang 
diptonggo at gamitin sa sariling pangungusap. Gawin din 
ito sa dalawang salitang may klaster. 
Sundan ang format na nasa susunod na pahina. 
Diptonggo ang mga salitang ____________. 
Ang mga salitang may klaster ay mga salitang __________. 
diptonggo 
Salita Salita 
Pangu-ngusap 
Pangu-ngusap 
klaster 
Salita Salita 
Pangu-ngusap 
Pangu-ngusap
DRAFT 
April 10, 2014 
36 
Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang 
pangungusap tungkol sa paraan na gagawin mo upang 
maipagmalaki ang bansang Pilipinas. Bilugan ang mga salitang 
may diptonggo at guhitan ang salitang may klaster. 
Puting Sobre 
Susan Formales. 
Sabik na sabik na binuksan ni Susan ang isang puting sobre 
na natanggap mula sa kaniyang kaibigan. Hindi maalis ang ngiti 
sa kaniyang mga labi sa mga bagong kuwento na kaniyang 
nabasa. 
Kaya’t hindi pa man nakapagbibihis ng kaniyang damit, 
agad niyang kinuha ang kaniyang ballpen at stationery. 
At nagsimulang magsulat. 
160 Maitim II East 
Silang, Cavite 
Pebrero 3, 2013 
Mahal kong Susan, 
Wow! Nakasama ka pala sa inyong lakbay-aral. Tiyak ako sa 
susunod nating pagkikita marami tayongpagkukuwentuhan. Sa 
susunod na buwan naman ang aming lakbay-aral. Sana payagan 
ako ni Tatay. 
Kanina sa klase, dumating ang isang tourist guide. Ipinakita 
sa amin ang iba’t ibang larawan at video tungkol sa 
magagandang lugar na malapit dito sa amin. Kululangin pala 
ang isang araw para sa pamamasyal. Ayon pa sa kaniya, kapag 
tagarito ang mamamasyal, libre daw. Kaya sa susunod 
na bakasyon, marami tayong papasyalan. 
Hanggang sa muli, best friend. 
Ang iyong kaibigan, 
Maricel
DRAFT 
April 10, 2014 
37 
Dagdagan ang nilalaman ng sulat ni Maricel 
sa pamamagitan ng pagsulat ng isang pangungusap gamit ang 
pang-ukol na natutuhan sa aralin. 
Ang pang-ukol ay _____________. 
Ang tungkol sa ay ginagamit sa _____________. 
Ang tungkol kay ay ginagamit sa ____________. 
Ang ayon sa ay ginagamit sa ___________. 
Ang ayon kay ay ginagamit sa __________. 
Gamit ang mga pang-ukol na natutuhan, isalaysay 
sa dalawang pangungusap ang mga natutuhan mo 
sa “Sakay Na!” 
Basahin muli ang “ Puting Sobre.” Tukuyin at suriin kung 
paano isinulat ang mga hiram na salita. 
Sipiin ang mga salitang hiram sa “Sakay Na” at gamitin ang 
mga ito sa sariling pangungusap. 
Sa pagsulat ng mga salitang hiram, ________________. 
Sumipi ng dalawang salitang hiram na mababasa 
dalawang kuwento na binasa sa araling ito. Iguhit sa tapat nito 
ang pagkakaunawa mo sa mga salitang ito.
DRAFT 
April 10, 2014 
38 
Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa likas na yaman 
kundi maging sa kaniyang kultura. Alamin kung ano-ano ito. 
Kayamanan sa Pagsulat 
May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino. 
Patunay rito ang napakaraming tulang nalikha noong unang 
panahon para sa iba’t ibang pangyayari sa buhay. 
Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang 
makapaghatid ng aral. Ginamit din nila ang tula upang maipasa 
ang mga sinaunang kaalaman. 
Hindi lang basta isinusulat ang mga tulang ito. Madalas ay 
binibigkas o hindi kaya ay inaawit ito sa mga pagtitipon. 
Maaaring tuwing kapistahan, kasalan, o kaya sa pag-alaala sa 
namatay binibigkas ang mga tula. 
Sa malakas na pagbigkas o pag-awit ng mga tula rin 
naipapasa ng matatanda ang kanilang paniniwala at kultura sa 
mga nakababata. 
Ang mga tula at awitin na binibigkas natin hanggang 
sa kasalukuyan ay patunay kung ano ang ating pinagmulan, 
kaugalian at mga paniniwala. 
Ito ay isang buhay na paalala ng ating sariling kultura 
na dapat nating pagyamanin at ikarangal. 
Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa natutuhan mo 
sa binasang sanaysay.
DRAFT 
April 10, 2014 
39 
Sa pagsulat ng buod, ________________. 
Pumili at basahin ang isang story book sa Filipino. 
Sumulat ng isang buod na may tatlo hanggang apat 
na pangungusap. 
Muling basahin ang “Kayamanan sa Pagsulat.” Tukuyin ang 
mga pangungusap na may pang-ukol. 
Ano-ano ang nalaman mo mula sa sanaysay na binasa? 
Isulat ito gamit ang pang-ukol na natutuhan. 
Ginagamit ang laban sa kung _________. 
Ginagamit ang ayon sa kung _________. 
Ginagamit ang para sa kung __________. 
Tapusin ang sumusunod na parirala. 
Ayon sa ______________________________. 
Para sa _______________________________. 
Laban sa _____________________________. 
Basahin muli ang “Kayamanan sa Pagsulat.”
DRAFT 
April 10, 2014 
40 
Gamit ang mga pantig sa loob ng malaking kahon, bumuo 
ng mga salitang may klaster. Gamitin ang mga mabubuong salita 
sa isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap. 
plu pri to 
som ma pla 
lan bre bra 
bro so ro 
no tsa tra 
Sa pagsulat ng talata, __________________. 
Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro 
at mga kaklase.
DRAFT 
April 10, 2014 
1 
Kagawaran ng Edukasyon 
Republika ng Pilipinas
DRAFT 
April 10, 2014 
2 
Filipino 
Kagamitan ng Mag-aaral 
UNIT 4 
PAG-AARI NG PAMAHALAAN 
HINDI IPINAGBIBILI 
INILAAN PARA SA 
Distrito/Paaralan: ____________________________ 
Dibisyon: ____________________________________ 
Unang Taon ng Paggamit: ___________________ 
Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 
3 
Baitang 
Batang Pinoy Ako
DRAFT 
April 10, 2014 
3 
BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang 
Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral 
Unang Edisyon, 2014 
ISBN : 
Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa 
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng 
Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan 
o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning 
komersiyal. 
Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, 
seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, 
atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga 
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng 
mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. 
Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon 
Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC 
Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo 
Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: 
Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, 
Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace 
Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, 
Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. 
Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, 
Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David 
Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado 
Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth 
Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand 
Bergado. 
Inilimbag sa Pilipinas ng __________ 
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) 
Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. 
Meralco Avenue, Pasig City 
Philippines 1600 
Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
DRAFT 
April 10, 2014 
4 
PAUNANG SALITA 
Kumusta mga bata? 
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng 
Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng 
Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga 
kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa 
pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at 
pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay 
gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain 
ang mga panuto na mababasa dito upang maging 
matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. 
Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. 
- Pamilya Ko, Mamahalin Ko 
- Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko 
- Bansa Ko, Ikararangal Ko 
- Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko 
Ang bawat aralin naman ay may mga gawain 
tulad ng : 
Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at 
talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang 
lilinangin sa bawat aralin. 
Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan 
o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang 
ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. 
Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga 
pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
DRAFT 
April 10, 2014 
5 
ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang 
aralin. 
Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa 
mga natutuhan mo. 
Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging 
matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang 
hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. 
Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na 
Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at 
makakalikasan. 
Maligayang pag-aaral sa iyo! 
MGA MAY-AKDA
DRAFT 
April 10, 2014 
6 
TALAAN NG NILALAMAN 
Yunit IV – Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko 
Aralin 31 – Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko 8 
 Paggamit ng Angkop na Pagtatanong 
Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari 
 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa 
Balitang Binasa 
Aralin 32 – Batang Pinoy ako, Matatag Ako 11 
 Paggamit ng Angkop na Pagtatanong 
Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari 
 Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano 
Aralin 33 – Pilipino Ako, May Mayamang Kultura 13 
 Paglalarawan ng mga Bagay, tao at 
Lugar sa Pamayanan 
 Pagbibigay ng Kahulugan ang Graph 
Aralin 34 – Bata Man Ako, Kaya Kong Maging Hero 16 
 Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, at 
Lugar sa Pamayanan 
 Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at 
mga Bantas sa Pagsulat ng mga Salitang Natutuhan 
Aralin 35 – Karapatan Mo, Karapatan Ko,Pantay Tayo 18 
 Paggamit ng mga Salitang Kilos sa 
Pag-uusap Tungkol sa Iba’t ibang Gawain 
sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan 
 Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa 
Kuwentong Napakinggan 
Aralin 36 – Pamilyang Pinoy, May Pananagutan 21 
 Paggamit ng mga Salitang Kilos sa 
Pag-uusap Tungkol sa Iba’t-ibang Gawain 
sa Tahanan, Paaralan, at Pamayanan 
 Pagsunod sa Panutong May 3-4 Hakbang 
 Pagbibigay ng Wakas ng Binasang Kuwento 
Aralin 37 – Kaligtasan Ko, Kaligtasan Mo, Atin Ito 23 
 Paggamit nang Wasto ng Pang-abay na 
Naglalarawan ng Kilos o Gawi 
 Pagbibigay ng Sariling Wakas sa 
Napakinggang Kuwento 
Aralin 38 – Ang Teknolohiya at Ako 25
DRAFT 
April 10, 2014 
7 
 Paggamit nang Wasto ng Pang-abay na 
Naglalarawan ng Kilos o Gawi 
 Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang 
Teksto sa Tulong ng Balangkas 
 Pagbibigay ng Mungkahing Solusyon sa Suliraning 
Nabasa sa Isang Teksto o 
Napanood 
Aralin 39 – Pagpapaunlad ng Bansa Ko, Kaisa Ako 30 
 Paggamit nang Wasto ng Pang-ukol 
 Naibibigay ang Buod o Lagom ng 
Tekstong Binasa 
 Pagbibigay-Kahulugan sa Graph 
Aralin 40 – Panatag na Buhay, Kayamanan Ko 35 
 Paggamit nang Wasto ng Pang-ukol 
 Pagsulat ng Liham Pangangalakal
DRAFT 
April 10, 2014 
8 
Ang mga Pilipino ay yaman ng bansa. Ang kanilang 
kagalingan at katalinuhan ay hindi matatawaran. 
Paano nga ba magagamit ang mga regalong ito upang 
makatulong sa kapwa? 
Natatanging Regalo 
Bawat isa sa atin, mayaman man o hindi, ay biniyayaan ng 
natatanging kakayahan. Ibinigay ito sa atin bilang regalo upang 
magamit sa pagtulong sa ating kapwa at sa pangangalaga ng 
ating kapaligiran. At dahil nga regalo ito sa atin, nararapat 
lamang na ito ay ibahagi rin natin nang libre sa ating kapwa lalo 
na sa mga nangangailangan. 
Ang paggamit ng ating kakayahan sa kabutihan ay hindi 
lamang magdadala sa atin ng tiyak na tagumpay kundi ng 
kagalakan sa ating kapwa. Tulad na lamang ng isang Pilipino na 
nakilala sa kaniyang “kariton klasrum.” 
Balewala sa kaniya ang hirap ng pagtutulak ng kaniyang 
kariton na punong-puno ng aklat, mapuntahan lamang at 
maturuan ang mga batang hindi makapag-aral dahil 
sa kahirapan. Hindi siya naging maramot sa kaalaman at 
katalinuhan na sa kaniya ay iniregalo ng Maykapal. 
Sana dumami ang Efren Reyes sa atin. Isang bayaning 
Pilipino na tunay na maipagmamalaki. Isang Pilipino na world 
class ang pangalan. 
Punan ang organizer sa pamamagitan ng pagsagot sa mga 
tanong na nakasulat.
DRAFT 
April 10, 2014 
9 
Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasang balita 
kung ___________. 
Sagutin ang mga inihandang katanungan matapos basahin 
ang balitang makikita sa napiling news room. 
Muling basahin ang teksto tungkol kay Efren Reyes. 
Subukang gumawa ng isang tanong tungkol dito. 
Sumulat ng isang tanong tungkol sa binasang teksto. 
Pamagat 
Sino ang 
bida sa 
kuwento? 
Ano ang 
nangyari sa 
kaniya? 
Bakit siya 
nakilala? 
Paano siya 
naging bayani?
DRAFT 
April 10, 2014 
10 
Sa pagtatanong, gumagamit ng mga salitang tulad 
ng ________________. 
Suriin ang mga larawan. Sa iyong notebook, sumulat ng 
isang tanong para sa bawat isa. 
Basahing muli ang “Natatanging Regalo.” Pansinin kung 
paano ito isinulat. 
Sa isang malinis na papel, sipiin ang isang talata sa 
“Natatanging Regalo” na nagustuhan mo. 
Sa pagsipi ng isang talata, ___________________. 
Gamit ang alin mang pangkalahatang sanggunian, sumipi 
ng isang talata tungkol sa isang natatanging Pilipino. Gawin ito sa 
notebook. Sundan ang format na ito. 
Sanggunian : ______________________ 
Pahina : ______________________ 
Talata :
DRAFT 
April 10, 2014 
11 
Bakit kaya naging inspirasyon si Kano? 
Ano ang katatagang ipinakita niya? 
Alamin sa ating kuwento. 
Kano 
Sa isang bayan sa Mindoro, may isang mag-aaral na ang 
pangalan ay Albastru Biglang-awa Razboinic. Tawagin na lang 
natin siyang Kano. Lumaki siyang hindi man lamang naramdaman 
ang pagmamahal ng isang tunay na magulang. Ang kaniyang 
ama na isang taga-Romania ay nasa piitan dahil sa 
pagkakasangkot sa isang krimen. Ang kaniya namang ina ay 
hindi na nagbalik mula nang ihatid siya galing sa Italya. Tanging 
ang kaniyang lola ang nagsilbing ina niya, si Lola Insyang. 
Tuwing gabi, pagkatapos ng mga gawain sa bahay at sa 
paaralan, agad siyang dudungaw sa kanilang bintana. Titingala 
sa kalangitan at hahanapin ang kaniyang bituin. Ito ang 
nagbibigay sa kaniya ng pag-asa na balang araw magkikita pa 
rin sila ng kaniyang mga magulang. 
Lagi niyang bukambibig, “Marami po akong natanggap na 
biyaya….teka po…nakalista po ….matulog nang busog…..teka 
po…sandali lang po….isa…hmm….mga tatlumpung beses na 
po…..nakipanood ng telebisyon sa kabilang bayan…..mga 
isa…..dalawa….sampu po!….naligo sa ilog….halos linggo-linggo…. 
kumain ng sorbetes….…isa…Ay!…isa..lang talaga….Ah 
heto….kumain ng hopya…..isang daang beses…yan po 
….nakasulat yan….pati po petsa….salamat po Titser Blu…” 
Isang araw, nagpaalam si Kano kay Titser Blu. Lilipat na sila sa 
kabilang bayan. Kinuha na ng tunay na may-ari ang lupang 
kinatitirikan ng kanilang munting dampa.
DRAFT 
April 10, 2014 
12 
“Paalam, Kano. Alam ko isang araw, magkikita pa rin tayo. 
Sa araw na iyon, alam kong ibang Kano na ang aking makikita. 
Salamat sa pagiging kaibigan ko. Salamat sa pagiging inspirasyon 
ko,” ang sabi ni Titser Blu. 
Kumpletuhin ang mga tanong batay sa kuwento ni Kano. 
1. Bakit _________________? 
2. Paano ________________? 
Ang bakit ay sinasagot ng __________________. 
Ang paano naman ay ____________________. 
Sino ang iyong inspirasyon? Iguhit kung bakit at paano siya 
naging inspirasyon mo. 
Gamit ang organizer, sumulat ng isang tanong bago, 
habang, at pagkatapos basahin ang kuwento ni Kano.
DRAFT 
April 10, 2014 
13 
Pumili ng tatlong kaklase na sasagot sa mga isinulat na 
katanungan. 
Kumpletuhin ang talaan sa iyong notebook. 
Ano ang isinasagot sa bawat tanong? 
Tanong Sagot 
Ano 
Sino 
Saan 
Ilan 
Kailan 
Ano-ano 
Sino-sino 
Magmasid sa iyong paligid. Sumulat ng dalawang tanong 
tungkol sa mga naobserbahan mo. Pasagutan ito sa isa mong 
kaklase. 
Kilala mo ba si Prinsipe Konstantino? Alam mo ba ang hitsura 
niya? Basahin at alamin kung bakit kakaiba ang Prinsipe 
Konstantino sa kuwentong ito.
DRAFT 
April 10, 2014 
14 
Kakaibang Prinsipe Konstantino 
Angelika D. Jabines 
Mayo 31. Ang araw na pinakahihintay ng lahat. 
Aiah : Wow! Ate, ang ganda mo talaga. 
Angela : Ikaw rin, ang ganda mo! 
Teka, nasaan ang pakpak mo? 
Aiah : Inaayos pa ni Ate Bobie. 
Angela : Si Kamille, bihis na ba? 
Aiah : Nagbibihis na rin. Sana paglaki ko 
maging Reyna Elena rin ako katulad mo. 
Angela : Hayaan mo, itatago ko ang aking korona 
para may magamit ka. 
Tara na, andiyan na si Nonong. Baka mahuli 
tayo. Tawagin mo na sila. 
Aiah : Nanay, Von, Ate Kamille, tayo na! 
Nanay : Von, akin na sabi iyang pakpak ng ate mo. 
Lalakad ka lang sa tabi ni Ate Angela mo. 
Hindi ka isang anghel. 
Nagsimula na ang prusisyon nang makarating ang lahat ng 
reyna. At si Prinsipe Konstantino na nakapakpak ay buong sayang 
lumakad kasama ang kaniyang Reyna Elena. 
Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan 
sa usapang binasa. 
Natutuhan ko sa araling ito ang____________________. 
Iguhit ang isang okasyon o pagdiriwang na hindi mo 
malilimutan. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. 
Basahin muli ang “Kakaibang Prinsipe Konstantino.” 
Ilista ang mga salitang naglalarawan.
DRAFT 
April 10, 2014 
15 
Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang 
pangungusap na maglalarawan ng nakikita dito. 
Ang pang-uri ay ____________________. 
Sa pamamagitan ng mga linya, hugis at kulay, ilarawan ang 
isang okasyon sa pamayanang kinabibilangan. Gawin ito sa isang 
malinis na papel. 
Basahin ang “Kakaibang Prinsipe Konstantino.” 
Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan? 
Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan 
sa pictograph na ginawa ng klase. 
Ang pictograph ay isang ___________________________.
DRAFT 
April 10, 2014 
16 
Sa pamamagitan ng isang pictograph, ipakita kung ilan sa 
pangkat ang nakasali na sa Santacruzan, Flores de Mayo 
o sa isang reynahan. 
Ang pagiging bayani ay pagtulong sa kapwa, at ang 
paggawa ng kabutihan kahit walang nakatingin. Ito ay ang 
pagiging handa na ibigay ang sarili para sa ibang tao. 
Handa ka ba sa ganitong kabayanihan? 
Kabayanihan 
Iba’t ibang uri ang kabayanihan, 
Tulad ng bulaklak, iba’t ibang kulay, 
May mga bayaning pinararangalan, 
Mayroong di-kilala’y bayani ring tunay. 
Mga kababayang nabuwal sa laban, 
Mga magigiting, mga matatapang, 
Nag-alay ng dugo at saka ng buhay, 
Upang mapalaya lupang minamahal. 
May mga bayani sa mga tauhan, 
Bayani sapagkat ulirang magulang, 
Ang turo sa anak, kabutihang-asal, 
Upang sa paglaki ay maging huwaran. 
May mga bayaning nasa paaralan, 
Batang masunurin, masikap, magalang, 
Batang malulusog, isip at katawan, 
Mga mamamayan ng kinabukasan.
DRAFT 
April 10, 2014 
17 
May mga bayaning utusan ng bayan, 
Hindi pinipili ang sinisilbihan, 
Sa mga sakuna ay maaasahan, 
Kapag may panganib ay matatawagan. 
Ang maging bayani ay hindi mahirap, 
Kung puso’y malinis, marunong lumingap, 
Kagalinga’t buti siyang tinatahak, 
Saan mang tungkulin ay karapat-dapat. 
Pumili at sumulat ng dalawang salitang magkatugma na 
buhat sa tula. Dagdagan ito ng dalawa pang salitang katugma. 
Magtanong sa dalawa pang kaklase upang makumpleto ang 
Tanikala ng mga Magkakatugmang Salita. 
Ang mga salita ay magkakatugma kung _________. 
Mula sa mga salita sa Tanikala ng Magkakatugmang Salita, 
pumili ng dalawa at gamitin ito sa pangungusap.
DRAFT 
April 10, 2014 
18 
Itala ang mga salitang naglalarawan na mababasa 
sa tulang “Kabayanihan.” 
Sino ang itinuturing mong bayani ng iyong buhay? 
Iguhit at ipakita kung paano siya naging bayani. Sumulat ng 
isang pangungusap na naglalarawan tungkol sa iyong 
iginuhit. Gawin ito sa isang malinis na papel. 
Ang pang-uri ay ____________________. 
Gamit ang mga pang-uri, isulat sa iyong notebook 
kung paano ka magiging bayani. 
Ano-ano ang karapatan mo? Alin kaya sa mga ito ang 
natamasa ni Chelly sa kaniyang kuwento. 
Si Chelly at ang mga Aklat 
Louiegrace G. Margallo 
Mataas ang patas ng aklat na binabasa ni Chelly 
sa kanilang aklatan. Basa siya nang basa na tila kalaro 
ang bawat pahina ng aklat, napapangiti, at kung minsan, may 
impit na tawa pa tuwing makakakita ng mga linyang 
nakakatuwa.
DRAFT 
April 10, 2014 
19 
Sinisimulan ni Chelly ang pagbasa sa pamamagitan 
ng pagtingin sa listahan ng mga aklat. Pagkatapos, lalapit siya sa 
librarianupang humiram ng aklat na gusto niyang basahin. Kapag 
wala sa shelf ang aklat, agad siyang hahanap ng bagong aklat 
na babasahin. 
Bitbit ang aklat, pupuntahan ni Chelly ang paborito 
niyang lugar sa aklatan at doon kumportableng uupo at 
magsisimulang magbasa. Agad niyang titingnan 
ang mga larawan at paliliparin ang isipan na tila kasali siya 
sa kuwentong kaniyang binabasa. 
Huli niyang gagawin ay ang pumikit habang marahang 
isinasara ang aklat na kaniyang binasa at nakangiti niya itong 
isasauli. 
Maghanda ng isang maikling pagsasalaysay tungkol 
sa kuwento ni Chelly. Gamitin ang balangkas na ginawa 
ng klase. 
Ang balangkas ay _________________________. 
Pumili at basahin ang isang kuwentong iyong mapipili. 
Gumawa ng balangkas nito sa iyong notebook. 
Muling basahin ang kuwento ni “Chelly at ang mga Aklat.” 
Kasama ang iyong kapangkat, gumawa ng isang patalastas 
tungkol sa pagbabasa.
DRAFT 
April 10, 2014 
20 
Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa nakita mo 
sa patalastas na ipinakita ng bawat pangkat. Guhitan 
ang pandiwa na ginamit. 
Ang pandiwa ay ____________________. 
Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa mga isang 
napanood o napakinggang patalastas. Guhitan ang mga 
pandiwang ginamit. Gawin ito sa iyong notebook. 
Basahin muli ang kuwento ni Chelly. May nais ka bang 
sabihin sa kaniya? 
Sa isang malinis na papel, sipiin ang nabuong liham ng klase 
para kay Chelly. 
Sa pagsipi ng liham, ___________. 
Muling isulat ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga 
puna na ibinigay ng guro.
DRAFT 
April 10, 2014 
21 
Alamin natin kung paanong magiging huwaran ang bawat 
pamilyang Pilipino. 
Huwarang Pamilya 
www.takdangaralin.com 
Sa aming tahanan 
Buo ang pamilya 
Lubos na kasiyahan 
Aming nadarama. 
Maaga pa lamang 
Iyong makikita 
Haligi ng tahanan 
Hayun na sa palayan. 
Ilaw ng tahanan 
Laging nariyan 
Tunay na mapagmahal 
Maasikaso talaga. 
Si Kuya, si Ate 
Maaasahan din 
Masipag, magalang 
Magaling sa eskwela. 
Itong aking pamilya 
Magandang huwaran 
Sa aking paglaki 
Sila ang tutularan.
DRAFT 
April 10, 2014 
22 
Pag-aralan ang sitwasyong ipinakikita ng bawat larawan. 
Sabihin ang magiging wakas ng bawat isa. 
Upang makapagbigay ako ng sarili kong wakas sa isang 
kuwento, kailangan kong ________. 
Iguhit sa isang malinis na papel ang posibleng mangyari sa 
isang pamayanan kung maraming bilang ng pamilya ang 
maituturing na huwaran. 
Basahing muli ang “Huwarang Pamilya.” 
Itala ang mga salitang nagpapakita ng kilos. 
Ano-ano ang ginagawa ninyo sa sariling tahanan? Sumulat 
ng dalawang pangungusap tungkol dito. 
Ikahon ang pandiwa na ginamit.
DRAFT 
April 10, 2014 
23 
Ang pandiwa ay _____________________. 
Sa iyong notebook, gumawa ng isang talaan ng mga 
gawain ng iyong pamilya sa buong araw. Sundan ang 
format.Dagdagan ng kahon kung kinakailangan. 
Ang pagiging handa sa pagdating ng anumang kalamidad 
ay pagiging ligtas natin sa kapahamakan. Paano ba magiging 
handa? 
Laging Handa 
“May paparating na bagyo...” 
Ito ang natatandaan ni Roy na narinig niya mula sa kanilang 
radyo na halos hindi na pinagpapahinga. 
Hindi nagtagal, nakita niya si Mang Kiko, ang kaniyang Tatay 
na may dalang lubid at martilyo. Umakyat ng bubong at 
siniguradong maayos ang kanilang bubungan.
DRAFT 
April 10, 2014 
24 
Si Aling Melna naman na kaniyang Nanay ay abala sa pag-aayos 
ng isang malaking bag. Pagsilip ni Roy sa loob nito, nakita 
niya ang iba’t ibang klase ng pagkain, damit, mga gamot, at 
isang flashlight. 
Si Kuya Romy naman ang naglinis at naghanda ng mga 
bote upang lagyan ng tubig. Pumunta naman si Ate Beth sa 
tindahan at bumili ng baterya ng radyo at flashlight. 
Dumating ang gabi. Lumalakas ang ihip ng hangin. 
Nakatulugan na ni Roy ang pakikinig sa malakas na patak ng 
ulan. 
Kinaumagahan, walang kuryente. Mataas ang tubig sa 
labas. Ngunit sa kanilang gripo, walang tubig. 
“ ’Buti na lang laging handa sina Tatay,” ang nasabi ni Roy 
sa kaniyang sarili. 
Pumili ng isang kuwento mula sa kagamitang ito. Basahin ito 
at ihambing sa “Laging Handa.”Sundan ang format 
sa iyong notebook. 
Kuwento 1 Kuwento 2 
Pagkakatulad 
Pagkakaiba
DRAFT 
April 10, 2014 
25 
Natutuhan ko sa aralin ngayon na ____________________. 
Humanap ng kapareha. Pag-usapan ang isang kuwentong 
nabasa ninyo. Paghambingin ang mga ito batay sa tsart na 
ginamit sa naunang gawain. 
Basahin muli ang “Laging Handa.” Tukuyin kung paano 
isinagawa ang mga kilos sa kuwento. 
Paano tayo magiging ligtas sa lahat ng lugar sa lahat ng 
pagkakataon? 
Sagutin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang paalala. 
Bilugan ang pang-abay na ginamit. Guhitan naman ang 
pandiwa. 
Ang pang-abay ay ____________. 
Isulat sa loob ng isang puso ang pangako mo upang 
matiyak ang kaligtasan mo at ng iyong kapwa. Bilugan ang 
pang-abay na ginamit. 
Aking 
kuwento... 
Sa kaklase 
Pagkakatulad ko…
DRAFT 
April 10, 2014 
26 
Malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa ating pang-araw- 
araw na pamumuhay. Pinadadali at pinabibilis nito ang 
mga gawain natin upang mas marami pang matapos sa loob ng 
isang araw. 
Ito rin kaya ang nangyari sa ating bida sa kuwento? 
Nakatulong nga Ba? 
Pagkagising ni Galileo, agad binuksan ang kanilang 
telebisyon. Oras na ng kaniyang paboritong cartoons. 
Lumamig na ang pagkain sa agahan. Hindi pa rin tapos ang 
kaniyang pinapanood. 
Oras na ng paliligo. Tinatamad pa rin siya. Hindi pa rin 
mapuknat ang mga mata sa kaniyang pinapanood. 
“Galileo, kumain ka na.” 
“Galileo, pumunta ka nga muna sa tindahan.” 
“Galileo, tulungan mo nga muna ako dito.” 
Hindi pa rin natitinag si Galileo sa kaniyang paboritong 
panghapong programa. 
“Bryan Concepcion, nag-uulat.” 
Sa wakas, nakapahinga na rin ang kanina pang nag-iinit na 
mainit na kahon. 
“Tak... tak...tak...” computer naman ang pinagana ni 
Galileo. Ito ang maririnig mula sa kaniyang silid-tulugan. 
Ilang saglit lang isang munting papel ang lumabas sa 
kaniyang printer. 
Hatinggabi na nang marinig, “Galileo Diza, nag-uulat.” 
Handa na siya sa kaniyang pag-uulat na gagawin 
sa klase. 
Sumulat ng isa hanggang dalawang pangungusap 
na magpapaalala kay Galileo ng mga dapat niyang tandaan sa 
paggamit ng teknolohiya. 
Natutuhan ko sa aralin ngayon na ______________.
DRAFT 
April 10, 2014 
27 
Tulungan si Galileo na makagawa ng kaniyang talaan 
ng mga gawain sa araw-araw. Sundan ang format sa iyong 
notebook. 
Isulat sa mga linya ang mga dapat niyang gawin sa oras na 
nakasulat sa loob ng kahon. Dagdagan ang kahon 
at mga linya kung kinakailangan. 
Muling basahin ang “Nakatulong nga Ba?” sa p. 144. 
Tukuyin ang mga kilos na isinagawa sa kuwento. 
Isulat ang mga kilos na ginawa ng mga kasama ni Galileo sa 
kanilang bahay, habang siya ay nanonood ng telebisyon. 
Ilarawan din ang bawat isang kilos na binanggit. Sundan ang 
format na ito sa notebook.
DRAFT 
April 10, 2014 
28 
Ang tatlong uri ng pang-abay ay ang mga _______. 
Ang _________ ay sumasagot sa tanong na paano. 
Ang _________ ay sumasagot sa tanong na saan o saan 
ginawa ang kilos. 
Ang _________ ay sumasagot sa tanong na kailan at 
nagsasaad ng oras o panahon na ginanap ang kilos. 
Obserbahan ang mga kilos ng isang kaklase. Sumulat ng 
isang pangungusap na maglalarawan nito. 
Basahing muli ang kuwento ni Galileo. Isulat ang mga 
tambalang salita na mababasa. 
Kilos 
Kilos 
Kilos 
Kilos 
Saan 
Saan 
Saan 
Saan 
Paano 
Paano 
Paano 
Paano 
Kailan 
Kailan 
Kailan 
Kailan
DRAFT 
April 10, 2014 
29 
Pumili ng dalawang larawan na maaaring pagsamahin 
upang maging tambalang salita. Gamitin ang dalawang 
mabubuo sa sariling pangungusap. 
Ang tambalang salita ay ____________. 
Isulat sa iyong notebook ang tambalang salita na mabubuo 
sa pamamagitan ng mga larawan sa bawat hanay. 
½
DRAFT 
April 10, 2014 
30 
Bata man o matanda, mayaman o mahirap, lahat tayo ay 
may mahalagang tungkulin na dapat gampanan sa ating kapwa 
at sa ating bayan. Lahat tayo ay katulong sa 
pagpapaunlad ng ating bayan. 
Ikaw, paano ka tumutulong sa pagpapaunlad ng iyong 
bayan? Sino ka sa ating kuwento?
DRAFT 
April 10, 2014 
31 
Tulay na Kahoy 
Dahil sa malakas na ulan, natanggal ang isang malaking 
kahoy na nagsisilbing tulay sa ilog na malapit sa bahay nina Pipoy 
Pagong. Hindi tuloy makapasok sa paaralan ang mga bata. Hindi 
makapasok sa kani-kanilang trabaho ang kaniyang mga kabaryo. 
Madilim-dilim pa inumpisahan na ni Pipoy na hilahin ang 
isang malaking kahoy na kaniyang nakita. Hanggang sa inabot 
na siya ng pagsikat ng araw at sa pagdating ni Kulas Kuneho. 
“Ano kaya ang gagawin na naman ni Pipoy?” 
Naupo siya sa tabi ng ilog at nangingising pinanood si Pipoy. 
Makalipas ang ilang oras, natapos din sa wakas si Pipoy sa 
pagkakatang ng mga bato sa isang dulo ng kahoy. Palangoy na 
si Pipoy sa kabilang dulo nang maisipan ni Kiko na maglaro. 
Parehong abala sa magkabilang dulo sina Pipoy at Kiko. 
Pagbalik ni Pipoy, napakamot ng ulo at takang-taka kung 
bakit nawala ang mga bato na kaniyang inilagay. Kaya 
pinagtiyagaan niya na gawin muli ito. 
Habang abala si Pipoy sa kabilang dulo, si Kiko naman ay 
abala na rin sa kabilang dulo ng tulay. At sa pagtulak niya ng 
isang malaking bato, kasama siyang nahulog sa malamig na 
tubig ng ilog. 
“Tulong! Tulong!” 
Hindi pala siya marunong lumangoy. 
Nakita ni Pipoy ang sinapit ni Kiko. Hindi nagdalawang-isip 
agad siyang lumangoy palapit kay Kiko. 
Pagmulat ng mga mata ni Kiko, nakaupo si Pipoy sa 
kaniyang tabi. 
“Kumusta ka na?” 
“Nilagyan kita ng kumot para hindi ka lamigin.” 
Napahiya si Kiko sa ginawa ni Pipoy. Agad siyang 
bumangon at nag-umpisang maghakot ng bato. Isa-isang 
inilagay ito sa kabilang dulo ng tulay na kahoy habang si Pipoy ay 
abala sa kabilang dulo. 
Madilim na rin nang matapos ang kanilang ginagawa. 
Masayang pinanood ng bagong magkaibigan ang kanilang mga 
kabaryo na masayang tumatawid sa bagong tulay na kahoy na 
kanilang ginawa.
DRAFT 
April 10, 2014 
32 
Sagutin ang mga tanong na nasa loob ng bawat kahon 
upang makasulat ng maikling buod ng kuwento nina Pipoy 
at Kiko. 
Ang buod ng talata ay _____________________. 
Pumili at bumasa ng isang kuwento. Gamitin ang format na 
nasa ibaba sa pagbuo at pagsulat ng buod nito. 
Si __________... 
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 
Nais niyang __________... 
Ano ang suliranin sa kuwento? 
Kaya __________... 
Ano ang ginawa niya upang malutas ito? 
Ngunit __________... 
Ano ang nangyari sa kaniyang naisip na solusyon? 
Kaya __________... 
Ano ang sumunod na nangyari? 
Sa wakas __________... 
Ano ang katapusan ng kuwento?
DRAFT 
April 10, 2014 
33 
Basahin muli ang kuwentong “Tulay na Kahoy” upang 
madugtungan nang wasto ang sumusunod na parirala. 
1. Ang kuwento ay tungkol sa __________________. 
2. Ang tulay ay para sa ________________. 
3. Ayon kay ____________________. 
Buhat sa kuwento ng magkaibigang Pipoy, sumulat 
ng dalawang pangungusap gamit ang mga pang-ukol 
na natutuhan. 
Ang pang-ukol ay ___________________. 
Ito ay ang sumusunod _______________________. 
Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang 
pangungusap tungkol sa isang nasaksihang pangyayari. Guhitan 
ang mga pang-ukol na ginamit. 
Pamagat 
Unang 
Detalye 
Pangalawang 
Detalye 
Pangatlong 
Detalye 
Paksa
DRAFT 
April 10, 2014 
34 
Basahin ang “Tulay na Kahoy.” Sino ka sa dalawang 
magkaibigan? 
Nasa susunod na pahina ang graph na nagpapakita 
ng iba’t ibang paraan kung paano tayo makatutulong 
sa pag-unlad ng bansa. Pag-aralan ito upang masagot 
ang mga tanong tungkol dito. 
Pagtulong sa Pagpapaunlad ng Bansa 
Mga Paraan Bilang ng mga Nagsipagsagot 
Pag-aaral 
nang mabuti 
Pagtitipid 
Pagtatanim ng 
puno 
Pangangalaga 
sa kalikasan 
Pagiging 
laging handa 
Pangangalaga 
sa kalusugan
DRAFT 
April 10, 2014 
35 
1. Anong paraan ang gagawin ng pinakamaraming babae? 
2. Anong paraan ang kakaunti ang lalaking gagawa? 
3. Aling paraan ang may pinakakaunti ang gagawa? 
4. Ilan ang magtatanim ng puno? 
5. Ilang babae ang mangangalaga sa kalikasan? 
6. Ilang lalaki at babae ang mag-aaral nang mabuti? 
Natutuhan ko na __________. 
Sumulat ng dalawa hanggang apat na pangungusap tungkol sa 
natutuhan mo sa graph na pinag-aralan. 
Ang pagkakaroon ng isang panatag na buhay ay 
pangarap ng bawat isa. Ang ating pag-aaral ay isa sa mga susi 
upang pagdating ng araw makapaghanapbuhay tayo at 
matugunan ang ating mga pangangailangan. 
Basahin natin ang liham ni Marisa na nagsasabi kung paano 
niya nais matupad ang mga pangarap niya sa buhay.
DRAFT 
April 10, 2014 
36 
Pebrero 3, 2013 
G. Nardo Cruz 
Personnel Officer 
FBC Publishing House 
243 Rosal St. Mandaluyong City 
Mahal na G. Cruz: 
Nabasa ko po sa bulletin board ng aming paaralan ang 
inyong panawagan sa mga nagnanais na maging scholar ng 
inyong kumpanya. 
Sumulat po ako upang ipahayag ang aking pagnanais na 
makapagpatuloy ng aking pag-aaral sa pamamagitan ng tulong 
pinansyal na ibibigay ninyo kung sakaling ako ay matanggap. 
Kalakip po nito ang aking bio data na nagsasaad 
ng aking mga kakayahan at katangian na hinahanap 
ng inyong kumpanya. 
Salamat po. 
Lubos na gumagalang, 
Marissa Santer 
Aplikante 
Gamitin ang organizer upang ihambing ang binasang liham 
sa isinulat ni Danika sa kaniyang kaibigan na si Vans. 
Pagkakaiba 
Pagkakatulad
DRAFT 
April 10, 2014 
37 
Natutuhan ko sa aralin na ______________________. 
Pumili at magbasa ng dalawang magkaibang kuwento. 
Paghambingin ang mga ito gamit ang organizer na ito. 
Basahin muli ang liham na ginawa ni Marisa. 
Sumulat ng pangungusap sa bawat kahon gamit ang mga 
pang-ukol na natutuhan. 
Kuwento 1: ________________________ 
Kuwento 2 : ________________________ 
Pagkakatulad Pagkakaiba
DRAFT 
April 10, 2014 
38 
Ang mga pang-ukol ay ______________________. 
Gumupit ng dalawang larawan na nagpapakita ng paraan 
kung paano magiging panatag ang iyong buhay. Sumulat ng 
isang pangungusap sa bawat larawan na idinikit sa notebook. 
Bilugan ang pang-ukol na ginamit. 
Basahin ang liham ni Marisa. Pansinin kung paano ito isinulat. 
Sumulat ng isang liham na katulad ng ginawa ni Marisa. 
Ang liham pangangalakal ay ______________________. 
Ito ay may mga bahagi tulad ng ________________________. 
Sa pagsulat nito, kailangang __________________________. 
Muling isulat ang liham na binigyang-puna ng iyong guro.

More Related Content

PDF
Filipino 3 Learner's Manual 1st Quarter
PDF
Grade 3 EsP Learners Module
PDF
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
PDF
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
DOC
Mt lm q1 tagalog
PDF
Module grade 1
DOC
Mt lm q3 tagalog
DOC
Mt lm q4 tagalog
Filipino 3 Learner's Manual 1st Quarter
Grade 3 EsP Learners Module
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Mt lm q1 tagalog
Module grade 1
Mt lm q3 tagalog
Mt lm q4 tagalog

What's hot (6)

PDF
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
DOC
Mt lm q 2 tagalog (1)
PDF
K to 12 Grade 3 DLL FILIPINO (Q1 – Q4)
PDF
Grade 3 Filipino Learners Module
DOCX
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)
PDF
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Mt lm q 2 tagalog (1)
K to 12 Grade 3 DLL FILIPINO (Q1 – Q4)
Grade 3 Filipino Learners Module
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Ad

Viewers also liked (11)

DOC
GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN
PDF
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
PDF
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
PDF
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT- FILIPINO GRADE 4
DOCX
Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino V
PPTX
Kaantasan ng pang uri
DOCX
Lessno Plan sa Filipino
DOCX
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
DOCX
Banghay aralin sa filipino 5
DOC
Detailed lesson plan in filipino
DOCX
Detailed Lesson Plan (ENGLISH, MATH, SCIENCE, FILIPINO)
GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT- FILIPINO GRADE 4
Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino V
Kaantasan ng pang uri
Lessno Plan sa Filipino
Detailed Lesson Plan in Filipino by Alkhima Macarompis
Banghay aralin sa filipino 5
Detailed lesson plan in filipino
Detailed Lesson Plan (ENGLISH, MATH, SCIENCE, FILIPINO)
Ad

Similar to Filipino 3 lm draft 4.10.2014 (20)

PDF
Filipino 3 lm draft complete
PDF
Filipino 140705062755-phpapp01
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
PDF
Filipino 140705062755-phpapp01
PDF
Filipino 140705062755-phpapp01
PDF
3 fil lm q1 copy
PDF
3 fil lm q1
PDF
3 fil lm q1
PDF
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
PDF
3 fil lm q3
DOCX
Fil.2 lm u3
PDF
3 fil lm q4
PDF
3 fil lm q2
PDF
Filipino 3 tg draft 4.10.2014
PDF
Filipino 3 tg draft complete
PDF
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
PDF
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
PDF
Grade 3 Filipino Teachers Guide
PDF
Mtb 140307115624-phpapp01
PDF
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
Filipino 3 lm draft complete
Filipino 140705062755-phpapp01
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
Filipino 140705062755-phpapp01
Filipino 140705062755-phpapp01
3 fil lm q1 copy
3 fil lm q1
3 fil lm q1
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
3 fil lm q3
Fil.2 lm u3
3 fil lm q4
3 fil lm q2
Filipino 3 tg draft 4.10.2014
Filipino 3 tg draft complete
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
Filipino 3 tg draft 4.10.2014 (1)
Grade 3 Filipino Teachers Guide
Mtb 140307115624-phpapp01
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module

Recently uploaded (20)

PPTX
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
PPTX
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
PPTX
Nobela mula sa Indonesia_Takipsilim sa Dyakartapptx
PPTX
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
PPTX
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
PPTX
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
PPTX
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
PPTX
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
PPTX
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
PPTX
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
PDF
Junior High School Phil IRI Manual powerpoint presentation
PPTX
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
PPTX
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
PPTX
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
PPTX
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
PPTX
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
PPTX
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
PPTX
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
Nobela mula sa Indonesia_Takipsilim sa Dyakartapptx
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
pagpapatupad ng sariling tungkulin bilang mamamayan
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
Junior High School Phil IRI Manual powerpoint presentation
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx

Filipino 3 lm draft 4.10.2014

  • 1. DRAFT April 10, 2014 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  • 2. DRAFT April 10, 2014 2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 1 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 3 Baitang Batang Pinoy Ako
  • 3. DRAFT April 10, 2014 3 BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
  • 4. DRAFT April 10, 2014 4 PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
  • 5. DRAFT April 10, 2014 5 ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  • 6. DRAFT April 10, 2014 6 TALAAN NG NILALAMAN Yunit I – Pamilya Ko Mamahalin Ko Aralin I – Ako Ito 7  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Aralin 2 – Pamilya Ko 12  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay  Pagkilala sa Iba’t ibang Bahagi ng Aklat Aralin 3 – Pag-uugali Ko 14  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Aralin 4 – Libangan Ko 17  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay  Paggamit ng Diksiyunaryo Aralin 5 – Pangarap Ko 20  Pagbibigay ng Tauhan, Tagpuan at Banghay ng Kuwento  Paggamit ng Panghalip (Ako, Ikaw, Siya) Aralin 6 – Kakayahan Ko 24  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila)  Pagbibigay-kahulugan sa Pictograph Aralin 7 – Paniniwala Ko 27  Pagbuo ng Bagong Salita  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, kayo, Sila) Aralin 8 – Karapatan Ko 31  Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento  Paggamit ng Panghalip Pamatlig (Ito, Iyan, Iyon)  Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat sa Pagkalap ng Impormasyon Aralin 9 – Tungkulin Ko 34  Paggamit ng Panghalip Pamatlig (Ito, Iyan, Iyon)  Paggamit ng mga Kasalungat na Salita Aralin 10 – Kaibigan Ko 38  Pagtukoy ng mga Bahagi ng Kuwento  Paggamit ng Panghalip Pamatlig (Ito, Iyan, Iyon)
  • 7. DRAFT April 10, 2014 7 Nakapunta ka na ba sa isang pista? Ano-ano ang natatandaan mo rito? Babalik ka ba rito? Bakit? Basahin nang tahimik ang kuwento upang malaman kung bakit babalik ang ating bida sa pistang kaniyang napuntahan. Ang Pistang Babalikan Ko Araw ng Sabado noon. Isinama ako ni Nanay sa Lucban, Quezon upang dumalo sa Pahiyas Festival. Malugod kaming tinanggap ng aming mga kamag-anak. Maraming tao ang bumibisita sa kanilang lugar sa ganitong araw. Bigla akong napalabas ng bahay nang marinig ko ang sigawan. “Hayan na! Hayan na! Magsisimula na ang parada!” ang sigawan ng mga tao. Ang daming tao sa kalsada! Lahat sila gustong makapanood. Dahil ako ay maliit, wala akong masyadong makita. Natuwa ako sa isang dayuhan nang yayain niya akong lumipat sa kaniyang puwesto sa unahan. Agad akong nagpasalamat sa kaniya. Naging kapana-panabik sa bawat isa ang panonood ng parada ng makukulay na karosa na may palamuting mga produkto ng bayan. Bawat karosa ay talagang napakaganda. “Wow! Nakakatuwa talaga dito. Sana ay isama uli ako ni Nanay sa susunod na taon,” ang sabi ni Rodel. “Naku! Lalo kang malilibang kapag nakita mo ang maririkit nilang palamuti sa kanilang mga bahay. Talagang malikhain ang mga taga-Lucban,” sambit naman ni Nanay. Hinding- hindi ko malilimutan ang pistang ito. Babalik ako.
  • 8. DRAFT April 10, 2014 8 Punan ng angkop na salita ang mga pangungusap ayon sa iyong sariling karanasan. Isulat ang sagot sa iyong notebook. 1. Dumalo ako sa kaarawan ng aking kaklase. Marami akong kinain tulad ng______, ______, _______, at _______. Nagkaroon din ng mga palaro. 2. Tuwing buwan ng ________, nagdiriwang ang aming baryo ng kapistahan. Dito masaya ang mga _____at _________. Maraming handang pagkain tulad ng ______, _______, at _______ sa halos lahat ng bahay. 3. Tuwing araw ng Pasko, masaya kami sa aming________. Naghahanda ng aking ina ng masasarap na_______. Sabay-sabay kaming nagtutungo sa _______upang magpasalamat sa Dakilang Lumikha. Nagpupunta rin kami sa aming ______, ______, _______, ______, ________, at _______ upang humalik sa kanilang kamay. Tingnan kung paano ginawa ng iyong guro ang isang kiping. Ngayon, ikaw naman ang gagawa nito . Matapos gawain ang iyong kiping, sipiin sa loob nito at kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap: Natutuhan ko sa araling ito na ______________________ _______________. Kaya _______________. Basahin ang kuwento. Kung tapos na, sumulat ng isang talata na may tatlong pangungusap tungkol sa katulad na karanasan. Isulat ang kuwento sa iyong notebook. Ang Pamamasyal sa Parke Tuwing araw ng Linggo pagkatapos magsimba, kaming magkakapatid ay ipinapasyal ng aming mga magulang sa parke. Masaya kaming naglalaro dito ng habulan, taguan, pagpapalipad ng saranggola, at kung ano-
  • 9. DRAFT April 10, 2014 9 ano pang laro na aming maisip. Tapos, kakain kami ng masasarap na pagkaing niluto ni Nanay. Samantala si Tatay naman ay abala sa pagkuha sa amin ng mga larawan. Ano-anong paghahanda ang isinasagawa sa inyo bago ang araw ng kapistahan? Tingnan kung pareho ng ginagawa ng mag-anak sa ating kuwento. Pista sa Aming Bayan Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan. May kabataan na nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay ng mga banderitas . May ilang kababaihan naman ang nag-aayos ng bulaklak sa mga sasakyan na gagamitin sa prusisyon. Ang mga lalaki naman ay nag-aayos ng mga ilaw. Ang mga Nanay naman ay abala na sa paghahanda ng mga pagkain tulad ng suman, halaya, atsara at iba pang kakanin. Ang mga Tatay naman ay nag-aayos ng kanilang mga bakuran. Ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay katulong sa paglilinis ng aming bahay. Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa binasa mong kuwento? Isulat ang mga ito ayon sa kanilang kategorya. Gawin ito sa isang malinis na papel.
  • 10. DRAFT April 10, 2014 10 Batay sa iyong napag-aralan, kaya mo nang kumpletuhin ang pangungusap na: Ang pangngalan ay ________ ng ________, _________, ________, __________ at ___________. Pumili ng isa o dalawang salita mula sa listahan. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap na magsasabi ng iyong karanasan. bagyo bulaklak palengke pusa Gusto mo bang makaipon ng pera? Alkansiya ang kailangan mo. Kung may mga lumang botelya o lata sa inyong bahay, maaari mo itong gamitin. Tingnan natin sa kuwento kung paanong napakinggan ang alkansiya ng isang pamilya. Ang Aking Alkansiya Araw-araw, maagang akong gumigising upang ihanda ang sarili sa pagpasok. Naliligo. Nagbibihis ng damit pampaaralan. Araw-araw, paglabas ko sa aking silid, dumidiretso ako sa aming kusina. Sa hapag-kainan, doon ko makikita ang masarap na almusal na luto ng aking Nanay. Matapos kumain, sasabay na ako kay Tatay sa pagpasok sa paaralan. Isang araw, paglabas ko sa aming silid-kainan. Wala si Nanay. Wala ring masarap na almusal. Kaya’t hinanap ko si Nanay. Nakita ko siya sa kanilang silid-tulugan. Umiiyak. May sakit pala si Tatay at kailangang dalhin sa ospital. Bumalik ako sa aking kuwarto. Pinahid ko ang aking luha at kinuha ang aking alkansiya. Iniabot ko ito kay Nanay. At isang mahigpit na yakap ang kaniyang ibinigay sa akin.
  • 11. DRAFT April 10, 2014 11 Kunin mo ang iyong notebook. Gawin ang sinasabi sa bawat panuto. 1. Basahin ang talaan ng ngalan ng mga kaklase mo na ipakikita ng guro. Sipiin ang ngalan ng sampung kaklase na nais mong imbitahan sa iyong kaarawan. 2. Narito naman ang talaan ng mga pagkain. Sipiin ang limang nais mong kainin. - cake candy pritong manok - atis bayabas lansones - karne isda itlog - cheese gatas tinapay - carrot kalabasa sibuya Kumpletuhin ang pangungusap. Sa pagsipi ng ngalan ng tao at lugar dapat tandaan na ito ay laging nagsisimula sa __________ o _________ letra. Sipiin ang mga salita ng ________ at ______ upang hindi magkamali sa pagbasa nito. Basahin mong muli ang kuwentong “Ang Alkansiya.” Sa iyong notebook, sipiin at ipangkat ayon sa kategorya ang mga pangngalan na ginamit dito.
  • 12. DRAFT April 10, 2014 12 Paano kayo nagtutulungan sa inyong mag-anak? Katulad din ba ng mag-anak sa tula? Ang Aming Mag-anak (www.takdangaralin.com) Ang aming mag-anak ay laging masaya Maligaya kami nina Ate at Kuya. Mahal kaming lahat nina Ama’t Ina Mayroon ba kayong ganitong pamilya? Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan, Tulong ni Ama ay laging nakaabang. Suliranin ni Ate ay nalulunasan Sa tulong ni Inang laging nakalaan. Pag-aralan ang mga salita na mababasa sa Puno ng mga Salita na ginawa ng iyong guro. Pumili at gamitin sa pangungusap ang isang pares ng salitang magkatugma . Magkakatugma ang mga salita kung _____________. Mula sa mga binasa ng guro, sumipi ng isang maikling tugma. Bilugan ang mga salitang magkakatugma na ginamit dito.
  • 13. DRAFT April 10, 2014 13 Natatandaan mo ba ang tula na “Ang Aming Mag-anak?” Basahin mo itong upang masagot ang mga tanong na ibibigay ng iyong guro. Pumili ng isang ngalan na binanggit sa tulang binasa. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa napiling ngalan. Kumpletuhin ang pangungusap. Nagagamit ang _________ sa pagsasabi ng ngalan ng tao, lugar, at bagay. Pag-aralan ang larawang ipakikita ng guro. Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol dito. Guhitan ang mga pangngalan na ginamit. Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? Ano ang tungkulin ng bawat isa? Tulad ng isang pamilya , ang aklat ay may kaniya ring bahagi. At ang bawat isa ay may ginagampanang tungkulin , tulad mo sa iyong sariling pamilya. Alamin natin sa tulang babasahin mo ang bawat bahagi ng aklat at ang ginagampanan ng bawat isa. Mga Bahagi ng Aklat ni RCJ Bahaging pabalat laman ay ngalan ng aklat Ang paunang salita mula sa may-akda.
  • 14. DRAFT April 10, 2014 14 Ang talahuluganan nagbibigay ng kahulugan Talaan ng nilalaman pagkakasunod-sunod naman. Kung nais makita’y kabuuan sumangguni ka sa katawan At sa karapatang–ari naman malalaman limbag kung saan at kailan. Kumuha ng isang aklat. Sabihin at ipakita sa klase ang bawat bahagi nito. Ang mga bahagi ng aklat ay ________, ________________, ________________, _______________ at _______________. Kunin ang gamit sa Art. Gumawa ng isang dummy ng aklat upang maipakita ang mga bahagi nito. Isulat ang ngalan ng bawat bahagi ng aklat. Ano-ano ang ginagawa mo tuwing araw ng Sabado? Katulad din ba ng kay Ian? Tingnan natin sa kuwento. Ang Sarap Talaga! Ako si Ian. Ang tawag nila sa akin ay Ian Masipag. Sa umaga, pagkagising ko agad kong inaayos ang aking higaan at mag-isa na akong maglilinis ng aking katawan.
  • 15. DRAFT April 10, 2014 15 Habang naghihintay ako na maluto ang aming almusal, tinutulungan ko si Kuya sa pagdidilig ng mga halaman sa aming hardin. Kapag si Ate naman ay nakikita kong naglilinis sa loob ng aming bahay, tinutulungan ko siya sa pagpupunas ng mga mesa. Si Tatay naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain ng kaniyang mga alagang manok. Pagkatapos naming kumain ng almusal, ako lagi ang tagalinis ng mesa. Matapos kong tulungan ang aking pamilya, lalabas na ako ng aming munting bahay upang makipaglaro sa aking mga kaibigan. Ang sarap talaga kapag araw ng Sabado! Pumili at pumunta sa isang learning center na inihanda ng iyong guro. Gawin ang mga panuto na mababasa sa learning center. Natutuhan ko na mahalaga ang pagsunod sa nakasulat na panuto upang __________________________. Basahin at sundin ang mga nakasulat na panuto sa loob ng silid-aralan . Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa kuwento ni Ian? Basahin muli ang kuwento niya upang makatiyak. Mula sa Kahon ng mga Larawan na inihanda ng iyong guro, kumuha ng isang larawan. Sabihin ang ngalan nito at magbigay ng isang pangungusap tungkol dito.
  • 16. DRAFT April 10, 2014 16 Natutuhan ko sa araling ito na ginagamit ang _______ sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar, at bagay sa paligid. Hintayin ang hudyat ng iyong guro upang lumabas ng silid. Mula sa hardin, kumuha ng isang bagay na nakapukaw ng iyong pansin. Idikit ito sa iyong notebook at sumulat ng pangungusap tungkol dito. Basahin muli ang kuwento ni Ian. Tukuyin ang mga salitang ginamit dito na may dalawa at tatlong pantig. Sa iyong notebook sipiin ang parirala sa kuwentong “Ang Sarap Talaga” na sumasagot sa sumusunod na tanong. 1. Ano ang ginagawa ni Ian pagkagising niya? 2. Ano ang ginagawa niya habang naghihintay na maluto ang almusal? 3. Paano niya tinutulungan ang kaniyang Ate? 4. Ano ang ginagawa ni Ian at ng kaniyang Tatay? 5. Saan pumupunta si Ian matapos ang kumain ng agahan? Sa pagsipi ng parirala, dapat kong tandaan na ________. Mula sa kuwentong “Ang Aking Alkansiya,” sipiin sa iyong notebook ang dalawang pariralang binubuo ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantig.
  • 17. DRAFT April 10, 2014 17 May alam ka bang laro ng lahi? Alamin ito sa tekstong babasahin. Tara na, Laro Tayo! Anong laro ang alam mo? Sigurado ako- tulad ko-ang nasa isip mo agad ay online games na lagi mong nilalaro sa harap ng computer. Tama? Pero alam mo ba marami pala tayong mga laro na sadyang sariling atin. Ang tawag dito ay laro ng lahi. Ito ang isa sa mga sumisimbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito rin ay tumutulong sa paghubog sa pagkakaisa natin, ang pagiging isport. Ginagawa din nitong alisto ang ating isip at malakas ang ating pangangatawan. Higit sa lahat binibigyan nito ng isang makulay na karanasan ang bawat batang Pilipino. Sino sa atin ang hindi nakakaalam ng Jack en Poy? Ito ay isa sa mga laro ng lahi na kinagigiliwan ng lahat, bata man o matanda. Nariyan din ang patintero na ang kailangan lamang ay pamato na puwede ang isang maliit na bato na nasa tabi-tabi lamang. Kung marami namang goma o rubber band, pagdugtung-dugtungin lamang ang mga ito. Tawagin ang mga kaibigan at lumukso habang umiikot nang pabilis nang pabilis ang nilubid na goma. Kapag nasabit ang paa mo, taya ka na. Ito ang luksong lubid. Kung maliwanag naman ang buwan, yakagin mo ang iyong mga kaibigan at kayo ay magtagu-taguan sa labas ng bahay. Mag-ingat lamang sa pagtatago at baka mahuli ka kaagad. Kung ayaw mo naman ng tagu-taguan, puwede rin naman na maglaro tayo ng bahay-bahayan sa loob o labas man ng bahay. Ito ay ilan lang sa mga laro ng ating lahi na talagang napakasayang laruin. Kung iisa-isahin natin lahat hindi tayo matatapos. Kaya, tara na, laro na tayo!
  • 18. DRAFT April 10, 2014 18 Sumama sa iyong pangkat. Sagutin ang mga tanong na mababasa sa papel na ibibigay ng iyong guro. Upang masagot ko ang mga tanong sa tekstong aking binasa, kailangan kong _____________________________. Sa mga laro ng lahi na binanggit sa talata, ano ang nais mong laruin? Ipaliwanag kung bakit ito ang pinili mo. Habang binabasa ang “Tara na , Laro Tayo” subukang sagutin ang sumusunod na tanong: - Sino ang puwedeng maglaro ng bawat larong binanggit? - Kailan ito nilalaro? - Saan ito nilalaro? Kasama ang iyong pangkat, umisip ng isang bago at orihinal na laro. Isulat ang kagamitan para dito at kung paano ito lalaruin. Matapos ito, subuking ipalaro sa mga kaklase. Natutuhan ko na binubuo ang mga salita ng mga __________ at________. Mahalagang malaman ang tamang __________ ng isang salita upang mabasa o maisulat ito nang tama. Maghanda upang isalaysay sa klase ang isang laro na naibigan mo.
  • 19. DRAFT April 10, 2014 19 Pag-aralan mo ang isang pahina na hinango sa isang diksiyunaryo. prototipo pukawin prototipo – orihinal; modelo; huwaran publiko – taong- bayan proyekto – binalak na gawain publisidad –anunsyo; pagsasabi sa madla prunes – pinatuyong uri ng ubas pukaw – hindi tulog prutera – lalagyan ng prutas pukawin – gisingin Gamit ang isang diksiyunaryo, ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. 1. bahaghari 4. sagisag 2. haligi 5. sira 3. parusa Natutuhan ko na sa paggamit ng diksiyunaryo, kailangan kong ___________________________. Basahin muli ang “Tara na, Laro Tayo.” Sipiin sa diksiyunaryo ang kahulugan ng mga salitang hindi mo maunawaan sa talatang ito.
  • 20. DRAFT April 10, 2014 20 Sino-sino ang iyong kaibigan? Ano ang pangarap ninyong magkakaibigan? Tingnan natin ang pangarap ng magkakaibigan sa kuwento at kung paano nila ito naabot. Pulang Watawat ni Maria Hazel J. Derla “Unahan tayo!” At sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan na sina Bobie, Anna, Jacko at Mark. Mag-uunahan silang makarating at makuha ang pulang watawat na nasa dulo ng kalsadang ginawa nilang laruan nang hapong iyon. Si Eva ang nagbabantay ng watawat na ito. “Sige, takbo. Bilisan niyo,” ang sigaw ni Eva sa kaniyang mga kaibigan. Nang biglang matapilok si Anna. Sinubukan niya muling tumakbo ngunit hindi na niya talaga makaya ang sakit. Tuluyan na siyang napaupo. Hindi na niya makukuha ang pulang watawat. Siya pa naman ang nangunguna sa kanilang takbuhan. Napaiyak si Anna, talo na siya. Ipinangako pa naman niya ito sa bunso niyang kapatid na si Celia. Walong kamay ang sa kaniya ay bumuhat. “Sama-sama nating kunin ang pulang watawat,” ang sabi ng kaniyang mga kaibigan. Mula sa usapang mababasa, tukuyin ang (1)tauhan, (2)tagpuan, at (3) mga pangyayari dito. Pangarap Ko Nagkuwentuhan na lamang ang magkakaibigan habang nagpapahinga si Anna sa kaniyang silid.
  • 21. DRAFT April 10, 2014 21 Jacko : Wow! Ang galing mo naman. Samakatuwid gusto mong maging artista. Ikaw, Bobie, ano ang gusto mo paglaki? Bobie : Nais kong maging guro. Gusto kong turuan ang mga bata na magbasa, magsulat at magbilang tulad ni Tiya Liling. Siya ang naghikayat sa akin na maging guro balang araw. Maryan : Ako gusto kong maging doktor. Gusto kong tumulong sa mga maysakit lalo na ang mga walang pera sa pagpapagamot tulad ni Anna. Ang mga elemento ng kuwento ay _________, _________, at __________. Kumpletuhin ang hinihingi ng organizer matapos basahin ang kuwento. Gawin ito sa iyong notebook. Paglalakbay sa Baguio ni Maria Hazel J. Derla Isa si Ruth sa mga batang babaeng iskawt na napili upang magtungo sa Baguio. Natuwa siya nang payagan siyang sumama ng kaniyang mga magulang. Agad niyang inihanda ang kaniyang mga dadalhin. Naghanda na siya ng listahan kaya madali na niya itong matatapos. Ngunit nawawala ang kaniyang alampay. Hindi puwedeng wala ito. Hinanap niya ito sa kaniyang kabinet ngunit Pamagat ng Kuwento Tauhan Tagpuan Pangyayari
  • 22. DRAFT April 10, 2014 22 talagang wala. Napaiyak si Ruth. Hindi na siya makakasama kung bakit ba naman iyong pinakaimportante ang nawawala. Pumasok ang kaniyang Nanay, dala-dala ang bagong plantsang alampay. Napalundag sa tuwa si Ruth na ipinagtaka ng kaniyang Nanay. Basahing muli ang usapan ng magkakaibigang sina Jacko sa pahina 17. Alamin kung ano-ano ang pangarap ng magkakaibigan. Sa iyong pangkat, pag-usapan ninyo ang pangarap ng bawat isa. Maghanda ng isang usapan na iparirinig sa klase gamit ang mga natutuhang panghalip panao. Ginagamit ang ako kapag ___________. Ginagamit ang ikaw naman kapag _________ samantalang ginagamita ang siya kapag _________. Sumulat ng isang script na nagpapakita ng usapan ninyong magkakaibigan tungkol sa inyong pangarap. Gamitin ang ako, ikaw at siya. Bawat isa sa atin ay may pangarap sa buhay. Ano nga ba ang ginagawa natin upang maabot ito? Pag-abot sa Pangarap Bawat bata ay may pangarap. Bawat bata ay may karapatang magkaroon ng edukasyon. Ibig sabihin dapat lahat
  • 23. DRAFT April 10, 2014 23 ng mag-aaral ay nasa loob ng paaralan. Sa ganitong paraan, tiyak na maaabot nila ang kanilang pangarap sa buhay. May mga batang nais maging doktor, pulis, nars, o dili naman kaya ay guro. Pero tingnan mo ang upuan sa silid-aralan. Kumpleto ba kayo sa klase? Bakit may mga batang laging wala sa klase? May sakit ba? Tinatamad kaya? Ano ang dahilan? Ayon sa ilang mag-aaral, hindi sila pumapasok dahil hindi nila gusto ang kanilang pinag-aaralan. Minsan din naman ayaw nila sa kanilang teacher. Ang iba naman walang baon, pera man o pagkain, kaya hindi na lang sila pumapasok. Iyong iba naman, tinatanghali ng gising dahil sa napuyat sa paglalaro sa computer. Kung laging ganito paano nila maaabot ang kanilang pangarap? Paano na sila?? Sang-ayon ka ba sa sinabi ng talatang iyong nabasa? Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap na sasagot dito. Isulat ito sa notebook. Dapat kong tandaan na sa pagsulat ng isang talata, kailangan kong gawin ang sumusunod: _____________________, _________________, ____________________ at _________________. Isulat muli ang talata. Isaalang-alang ang iyong mga sagot sa katanungan na ibinigay ng guro sa pagsusuri nito.
  • 24. DRAFT April 10, 2014 24 Natatandaan mo ba ang kuwentong “Ang Aking Alkansiya?” Paano nakatulong sa kaniyang magulang ang batang bida sa kuwento? Gusto mo rin bang makaipon tulad niya? Pag-aralan kung paano makagagawa ng isang simpleng alkansiya. Paggawa ng Alkansiya Kagamitan: pandikit, gunting, makulay na magazine, basyo ng pulbos o alkohol Mga hakbang: 1. Kumuha ng basyo ng polbos, alkohol o iba pang bagay na maaaring paglagyan ng pera. 2. Butasan ang gitna gamit ang matulis na bagay,tulad ng kutsilyo ( Maaaring magpatulong sa nakatatanda.) 3. Kunin ang iba’t ibang makukulay na magazine at gupitin ito sa nais na disenyo. Mas maraming kulay, mas maganda. 4. Lagyan ng pandikit ang ginupit-gupit na magazine at idikit ito sa basyong binutasan. 5. Patuyuin. Saan mo inilalagay ang iyong mga lapis, ballpen at krayola sa ibabaw ng mesa mo? Basahin kung paano gumawa ng isang penholder at sagutin ang mga tanong tungkol dito. 1. Kumuha ng latang walang laman. 2. Linisin ito. 3. Gumupit ng diyaryo at idikit sa labas ng lata. 4. Idikit ang mga ginupit na papel upang maging disenyo.
  • 25. DRAFT April 10, 2014 25 Sagutin sa notebook ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng penholder? 2. Ano ang gagawin sa diyaryo? Upang masagot ang mga tanong tungkol sa binasa ko, kailangan kong ______________. Basahin ang nakapaskil na paraan sa paggawa ng isang pinwheel. Sagutan ang mga tanong tungkol dito. Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Bata, matanda, mahirap man o mayaman, kapag oras ng pangangailangan, lahat ay bukas-palad sa kapwa. Alamin natin kung paano nakatulong ang magkakaibigan sa paghahanda ng relief goods na dadalhin sa mga biktima ng kalamidad. Maliit Man ay Malaki Rin Nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa relief center upang tumulong sa pag-aayos ng mga damit at pagkain na dadalhin sa evacuation center. Janet : Magandang umaga po. Ako po si Janet at sila ang aking mga kaibigan. Tutulong po kami sa inyo. Bb. Luz : Naku, salamat naman. Sige doon kayo pumuwesto sa may bandang dulo sa kanan. Paki-ayos ang mga damit at mga pagkain. Lea : Jenny, tayo na lamang ang maglagay ng dalawang noodles sa lahat ng plastic bag. Rosa : Lino, Eldy. Kayo naman ang bahala sa pagkikilo ng sampung kilo ng bigas. Sila naman nina Ferdie at Fina ang bahala sa mga damit. Janet : E ako, ano ang gagawin ko? Myrna : Janet, tayo na lamang ang bahalang
  • 26. DRAFT April 10, 2014 26 magtali ng mga supot na kanilang gagawin. Nang matapos ang kanilang gawain. Rosa : Bb. Luz, lalakad na po kami. Natapos na po naming iempake ang damit at pagkain na ibinigay po ninyo sa amin. Bb. Luz: Maraming salamat sa inyo ha. Maliliit man kayo ay malaking tulong naman ang ibinigay ninyo para mapadali ang aming gawain. Lino : Sige po. Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa bawat pangungusap. “Lahat (kami, tayo) ay maglilinis ng bahay,” wika ni Miguel. “Nautusan (kayong, kaming) magpunas ng sahig. “(Sila, Kayo) naman ang magtatanggal ng agiw sa kisame. “Kayo naman ang magpupunas ng kagamitan sa bahay samantalang ( sila, kami) ang magwawalis ng bakuran.” Ginagamit ang sila sa _____________________. Ang kayo naman ay para sa ________ at ang tayo ay sa _____. Kasama ang iyong pangkat, sumulat ng isang usapan tungkol sa pagtulong sa kapwa. Gamitin ang kami, tayo at sila.
  • 27. DRAFT April 10, 2014 27 Pag-aralan ang graph na bubuuin mo kasama ang iyong mga kaklase at guro. Itanong sa mga kaklase kung ilan ang babae at lalaki sa kanilang pamilya. Gumawa ng isang graph upang ipakita ang impormasyong nakuha. Natutuhan ko sa aralin na ito na ang __________ ay ________________________________. Ipakita sa isang graph ang mga impormasyon na tungkol sa pangarap naming magkakaibigan. Sina Aian, Vans, at Ryan pangarap nilang maging artista. Sina Tina at Ryzel, ay nangangarap na maging doktor. Pangarap ni Rachelle na maging dentista. Ako at si Martin naman nais naming maging guro. Alamin sa kuwento kung paano ipinakita ng mag-anak ang kanilang pagkakaisa sa gitna ng suliranin. Huwag Mawalan ng Pag-asa ni Jenny-Lyn U. Trapane Isang araw, masayang nagkukuwentuhan ang mag-iina habang hinihintay nila si Mang Lando buhat sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Maya-maya ay humahangos na dumating
  • 28. DRAFT April 10, 2014 28 si Mang Ador. Ibinalita niya na si Mang Lando ay dinala sa ospital. Noon din ay nagtungo ang mag-iina sa ospital na pinagdalhan kay Mang Lando. Kasalukuyang nagpapahinga na siya nang dumating ang kaniyang pamilya. “Salamat sa Panginoon at buhay pa ako. Nag-alala ako masyado kasi naisip ko kayong lahat. Paano na tayo ngayon na wala na akong trabaho?” ang malungkot na sabi ni Mang Lando. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Ang mahalaga ay ligtas ka na,” nakangiting wika ni Aling Elena. Halos magkakasunod namang nagsalita ang kanilang mga anak. “Opo nga, Itay.Hayaan po ninyo at lalo pa naming pagbubutihin ang aming pag-aaral. Magtitipid na rin po kami sa aming mga kagamitan.” “Salamat mga anak. Hayaan ninyo, kapag malakas na ako ay maghahanap agad ako ng bagong trabaho,” masigla nang sambit ni Mang Lando. “Alam kong hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Halina kayo. Sama-sama tayong magdasal. Huwag tayong mawalan ng pag-asa,” yaya ni Aling Elena. Naniniwala ang Pamilya Reyes na malalampasan nila ang anumang pagsubok sa kanilang pamilya basta’t sila ay sama-samang nanalig sa Panginoon. Palitan at dagdagan sa una o huling pantig ng mga nakalistang salita upang makabuo ng bagong salita. Isulat ang iyong sagot sa notebook. Pinalitan Dinagdagan laso lawa mali papaya
  • 29. DRAFT April 10, 2014 29 Makabubuo ako ng mga bagong salita kung __________. Sa isang malinis na papel, sumulat ng isang salita na may tatlong pantig. Pumili ng isang kaklase na magdadagdag o magpapalit ng pantig ng naisulat mo upang makabuo ng bagong salita. Suriin ang mga pangungusap. Subuking ilagay ang angkop na panghalip sa bawat patlang. 1. Si Marco, Gab at ako ay magsasanay sa badminton. _____ ay lalahok sa paligsahan sa badminton. 2. Sina Peter, Gary, ikaw at ako ay nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit. _____ ay nag-aral na mabuti. 3. Sina Mang Carding, Aling Perla at ikaw ay modelong hinahangaan ng karamihan. _____ ay tumutulong sa mga taong nangangailangan. 4. Sina Carlos, Jenny at Edward ang nanalo sa palaro. _____ ay pinarangalan sa aming barangay. Sumulat ng pangungusap na gagamit ng sila, kayo, tayo at kami tungkol sa pagtutulungan sa pamilya. Ang ______________ ay inihahalili sa ngalan ng tao. _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong nagsasalita at mga kasama. _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong kausap at mga kasama. _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong pinag-uusapan at mga kasama.
  • 30. DRAFT April 10, 2014 30 _______ ang ginagamit sa halip na ngalan ng taong nagsasalita at kaniyang mga kasama. Kasama ang iyong kapangkat, gumawa ng isang dula-dulaan na ipakikita sa buong klase. Gamitin ang mga panghalip na natutuhan sa aralin ngayon. Natatandaan mo ba kung paano gamitin ang diksiyunaryo? Balikan at pag-aralan mo ang pahina ng diksiyunaryo sa pahina 14. Gamit ang iyong diksiyunaryo, ibigay ang hinihingi ng talaan. Salita Kahulugan Dictionary Entry mabait mahalaga malinis mayaman Ang _______________ ay makatutulong sa akin upang mapadali ang paghahanap ng _________. Itala ang tatlong salitang hindi mo naunawaan sa mga nagdaang aralin. Isulat ang hinihingi ng talaan. Salita Kahulugan
  • 31. DRAFT April 10, 2014 31 Bakit kaya excited si Flor? Limang Tulog ni Florenda B. Cardinoza Limang tulog na lang. Excited na ako. Mamamasyal kami sa Maynila. Naisip ko tuloy ang mga naglalakihang gusali. Ang maiingay na busina ng mga sasakyan at ang mga taong parang langgam sa dami at sa bilis ng lakad. Naisip ko rin ang mga bibilihin kong gamit sa paaralan. Kailangan ko ng ruler, lapis, notebook, bag, at sapatos. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan maaga akong nagising . Ang sakit ng ulo ko. Giniginaw rin ako. Paano na ako makasasama sa Maynila? Pagpasok ni Nanay, may dala siyang isang basang bimpo at gamot. Kasama ang iyong pangkat, ipakita sa isang dula-dulaan ang maaaring maging wakas ng isang sitwasyon na mapipili ng inyong pangkat. 1. May sakit si Celia. Dinala siya sa doktor. 2. May pagsusulit sina Peachy. Napuyat siya dahil sa computer games. 3. Maraming basura sa paligid ng bahay nina Kenneth. 4. Sa umaga ay nagtitinda muna ng diyaryo si Jayson bago pumasok sa paaralan.
  • 32. DRAFT April 10, 2014 32 Larawan ng batang babae na nakatingin sa kuya na may hawak na pencil case. Sa aralin ngayon, natutuhan ko na _________________. Sipiin ang isang sitwasyon at tapusin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling wakas. 1. Namasyal ang magkaibigang Rino at Lito. Nagpasya silang manood ng sine. Papasok na sila sa sinehan nang mapansin ni Lito na nawawala ang kaniyang pitaka. 2. Sumama si Anna sa kanilang field trip sa Maynila. Nawili siya sa panonood ng iba’t ibang hayop. Hindi niya namalayan na napahiwalay na siya sa kaniyang grupo. 3. Lahat ng barya ay inihuhulog ni Buboy sa kaniyang maliit na alkansiya. Minsan, kailangan niyang makabili ng gamit sa kaniyang proyekto at kulang ang ibinigay ng kaniyang Tatay. Ano ang sinasabi mo sa kapatid mo kung may nais kang hiramin sa kaniya? Tingnan natin sa usapan kung paano ito isinagawa ng ating bida. “Ate, puwede ko bang mahiram itong bag mo?” “Kuya,maaari ko ba iyang mahiram sa iyo?”
  • 33. DRAFT April 10, 2014 33 Humanap ng kapareha. Gumawa ng usapan tungkol sa panghihiram ng gamit. Ang ito ay ginagamit kung _________________, ang iyon naman ay kung ____________ at ang iyan ay kung __________. Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid mo. Ituro ito sa klase gamit ang ito, iyon o iyan. Buksan ang Talaan ng Nilalaman ng Kagamitan ng Mag-aaral. Hanapin at isulat sa notebook ang pahina ng Aralin 8 - Karapatan Ko. Mula sa kuwentong “Limang Tulog,” sumipi ng dalawang salita na may tatlo o apat na pantig. Isulat ang kahulugan ng mga ito mula sa diksiyunaryo. “Salamat Ate. Salamat Kuya” “Iyon ang mga gamit na maaari mong hiramin.”
  • 34. DRAFT April 10, 2014 34 Buksan ang Talaan ng Nilalaman. Sumipi ng dalawang aralin at ang pahina nito. Sumipi ng isang salita na nabasa mo sa mga nagdaang aralin. Isulat ang kahulugan nito mula sa diksiyunaryo. Sipiin ang isang pangalan ng sumulat ng aklat na ito. Natutuhan ko sa aralin na ito na _______________________ _____________________________________. Kunin muli ang ginawang dummy ng isang aklat sa naunang aralin. Isulat sa bawat bahagi nito ang mga makikitang impormasyon dito. Mahilig ka bang kumain ng tsokolate? Masama ba ito o mabuti sa iyong kalusugan? Basahin ang talata upang malaman ang kasagutan sa tanong na ito. Benepisyo ng Tsokolate http://www.philstar.com/para-malibang/2013/01/26/901204/benepisyo-ng-chocolAte Isa sa mga karapatan ko bilang isang bata ay mabigyan ng sapat at masusustansiyang pagkain. Tungkulin ko naman na panatilihing malusog ang aking pangangatawan. Kailangang piliin ko ang aking mga pagkain. Pero hindi naman ibig sabihin nito, hindi na ako kakain ng mga pagkaing talagang gusto ko tulad ng tsokolate. Sabi nila masama ito sa aking kalusugan lalo na sa aking mga ngipin.
  • 35. DRAFT April 10, 2014 35 May nabasa ako na hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain sa ating katawan, lalo na ang mga matatamis gaya ng tsokolate. Sa totoo lang may ilang benepisyo rin ang nakukuha dito. Ilan sa mga ito ay: Nakakapayat – Tama ang pagkakabasa mo, nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. Sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa University of California, natuklasan na nakakapagpabilis ng metabolismo ang tsokolate. Dahil dito, agad na natutunaw sa ating katawan ang calories na nagiging sanhi ng pagtaba. Nakapagpapatalino – Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi muna kumain ng ilang bar ng tsokolate para mas gumana ang iyong IQ? Ang dark chocolAte ay mayaman sa kemikal na nakapagpapaalerto sa utak ng tao. Ito ay ang flavonoids. Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo na patungo sa utak. Nakapagpapalakas – Mahusay itong baunin kung ikaw ay namamasyal. Bakit? Tumutulong kasi ang theobromine na taglay nito para mas lalo kang lumakas. Ang kemikal na ito ay matatagpuan din sa kape at ilang energy drink. Maganda din itong pagkunan ng magnesium at chromium na kilala bilang energy producer. Nakakaalis ng kulubot sa mukha/balat – Kung ang mga prutas at gulay ay nagtataglay ng antioxidants, gayundin ang tsokolate na siyang nagbibigay ng makinis na mukha o kutis sa iyo. Sa isang talaan katulad ng nasa ibaba, isulat ang mga dati mong kaalaman tungkol sa pagkain ng tsokolate. Sa tapat nito, isulat naman ang bago mong nalaman tungkol sa pagkain na ito.
  • 36. DRAFT April 10, 2014 36 Natutuhan ko sa araling ito na ___________________ __________________________. Ipakita sa pamamagitan ng paggawa ng isang poster ang natutuhan mo sa aralin ngayon. Suriin ang mga larawan. Ano kaya ang sinasabi ng bawat tauhan? Gumawa ng pangungusap gamit ang ito, iyon, at iyan. Tumayo at bumuo ng isang malaking bilog. Ipasa ang bola habang may tugtog. Kapag tumigil ang tugtog ang batang may hawak ng bola ang magbibigay ng isang pangungusap gamit ang ito, iyan, at iyon. Natutuhan ko sa araling ito na ang salitang ito, iyan, at iyon ay mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Noon Ngayon Masama sa katawan Mabuti sa katawan
  • 37. DRAFT April 10, 2014 37 Ginagamit ang ______ kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo. Ginagamit ang ______kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo. Ginagamit ang _______kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap. Gamit ang mga larawan, sumulat ng isang usapan gamit ang ito, iyon, at iyan. Balikan ang mga larawan sa naunang aralin. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. Sa iyong sagutang papel, isulat nang wasto ang sumusunod na pangungusap. 1. naku Maraming namatay sa lindol 2. bakit ayaw niyang sumama 3. nakita ko silang namamasyal sa luneta 4. wow ang ganda nang babae na nanalo sa miss world. 5. saan ka nakatira ngayon
  • 38. DRAFT April 10, 2014 38 Ang mga malalaking letra ay ginagamit sa _________. Ang tuldok ay ginagamit sa ___________________. Ang tandang padamdam ay ginagamit sa ____________. Ang tandang pananong ay ginagamit sa _______________. Ang kuwit naman ay ginagamit sa ____________________. Isulat sa iyong notebook ang “Panatang Makabayan.” Alamin sa kuwento kung sino ang mga naging bagong kaibigan ng ating bida. Bagong Kaibigan ni Bernard G. Umali May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw na sumakay upang matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy ng papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang bintana at nakita ko doon ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah, alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon, nakita ko ang iba’t ibang hayop
  • 39. DRAFT April 10, 2014 39 at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na nang makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw akong maliwanag sa langit. May isang bituin na ubod ng laki. Aha! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap. Ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Mayamaya ay kinalabit na ako ni Inay. “Gising na anak, may pasok ka ngayon.” “’Nay, nanaginiip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!” “Oo. Meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang school bus.” Basahin mo ang kuwento at ibigay ang hinihiling sa ibaba. Gawin ito sa iyong notebook. Ang Robot ni Elmer Malakas ang ulan kaya nawalan ng pasok. Naisip ng magkakaibigan na sina Elmer, Cire, at Dustin na maglaro na lamang sa loob ng bahay nina Elmer. Pagpasok sa bahay, nag-una-unahan sila sa pagkuha ng bagong robot na padala ng Tatay ni Elmer. Nang bigla itong bumagsak sa sahig. Natigilan ang lahat. Nang damputin ito ni Elmer, nakahinga siya nang maluwag nang makitang hindi naman pala ito nasira. Isulat sa notebook ang iyong sagot sa sumusunod na tanong. 1. Ano ang pamagat ng kuwento na iyong binasa? 2. Sino-sino ang tauhan? 3. Saan ito naganap?
  • 40. DRAFT April 10, 2014 40 Pamagat Tagpuan Unang Pangyayari Gitnang Pangyayari Huling Pangyayari Tauhan 4. Kailan ito naganap? 5. Ano ang suliranin? 6. Ano ang wakas ng kuwento? Ang isang kuwento ay may mga elemento tulad ng _________, ___________, at __________________. Matapos basahin ang isang kuwentong napili mo, kumpletuhin ang balangkas na ito. Iguhit si Bernard at ang isang bagay na nakita niya sa kaniyang panaginip. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito gamit ang ito, iyon, o iyan. Ano kaya ang sinasabi ng tauhan sa bawat larawan? Isulat ito sa iyong notebook.
  • 41. DRAFT April 10, 2014 41 Ang ito ay ginagamit sa ___________. Ang iyon naman ay sa _____________ at ang iyan ay sa _________________. Gumawa ng isang komik istrip upang maipakita mo ang wastong gamit ng ito, iyan at iyon. Anong pangyayari ang iyong napakinggan? Ibahagi ito sa iyong mga kapangkat. Basahin at suriin ang naisulat na talata ng iyong pangkat. Isulat mo ito nang wasto sa iyong notebook. Sa pagsulat ng isang talata dapat kong tandaan na __________. Sumulat sa iyong notebook ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa isang pangyayaring iyong napakinggan.
  • 42. DRAFT April 10, 2014 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  • 43. DRAFT April 10, 2014 2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 2 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 3 Baitang Batang Pinoy Ako
  • 44. DRAFT April 10, 2014 3 BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
  • 45. DRAFT April 10, 2014 4 PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
  • 46. DRAFT April 10, 2014 5 ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  • 47. DRAFT April 10, 2014 6 TALAAN NG NILALAMAN Yunit II – Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko Aralin 11 – Magbakasyon Tayo 7  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Aralin 12 – Mamasyal Tayo 10  Pagtukoy sa Salitang Magkakatugma Aralin 13 – Alagaan Natin 12  Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay  Salitang may Klaster Aralin 14 – Magkaibigan Tayo! 17  Paggamit ng Iba’t ibang Bahagi ng Aklat Aralin 15 – Maglaro Tayo 20  Paglalarawan/Paghahambing ng mga Bahagi ng Kuwento  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila) Aralin 16 – Magsama-sama Tayo 23  Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita Aralin 17 – Magtulungan Tayo 27  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila)  Pagkukumpara ng mga Kuwento Batay sa Tauhan Aralin 18 – Damdamin, Igalang Natin 33  Pagbibigay ng Kasingkahulugan at Kasalungat  Paggamit ng Panghalip (Kami, Tayo, Kayo, Sila) Aralin 19 – Magkuwentuhan Tayo 38  Paggamit ng Panghalip Bilang Pamalit sa Pangngalan (Nito, Niyan, Noon, Niyon)  Pagbuo ng Bagong Salita Aralin 20 – Magmahalan Tayo 42  Salitang Iisa ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Bigkas  Paggamit ng Nito, Niyan, Noon, Niyon
  • 48. DRAFT April 10, 2014 7 Maraming nangyayari tuwing bakasyon. Isa rito ay ang paglipat ng tirahan na naranasan ng ating bida sa kuwento. Tingnan natin kung paano nabago ang pagtingin niya sa kaniyang bagong pamayanan. Maling Akala Bakasyon. Bagong lipat kami sa Barangay Asisan. Noong una, kinabahan ako. Baka wala akong maging kaibigan. Baka hindi mabait ang mga tao dito. Pagdating namin, binati na agad kami ng pinuno ng barangay, si Kapitan Joel. Mayamaya lang kasunod na niya agad si Konsehal Steve, na opisyal din ng barangay. May kasama siyang ilang kalalakihan upang tumulong sa aming paghahakot ng mga gamit. Oras na ng miryenda. Sinamahan ako ni Precy, ang aking bagong kaibigang bumili ng mainit na tinapay sa tindahan ng panaderong si Mang Elias. Sabi niya, siya raw ang pinakamasarap gumawa ng tinapay sa lugar. Dumaan din sa aming bahay si Mang Ruben, isang tubero, dala-dala ang kaniyang liyabe at tubo upang tiyakin na maayos na dadaloy ang tubig sa amin. At dahil sa maghapong pagtatrabaho, napagod si Nanay, sumakit ang kaniyang ulo. Agad namang pumunta si Doktor Hingan para tingnan kung ano ang kalagayan niya. Buti na lang okay siya. Salamat sa mababait naming bagong kaibigan. Mali pala lahat ng aking akala.
  • 49. DRAFT April 10, 2014 8 Kunin ang kagamitan mo sa Art. Gumawa ng isang kard ng pasasalamat para sa katulong sa inyong pamayanan. Natutuhan ko sa aralin ngayon na __________________. Iguhit mo ang iyong sarili sampung taon mula ngayon bilang isa na ring katulong sa pamayanan. Basahin mo muli ang “Maling Akala.” Tukuyin ang mga pangngalan na ginamit dito. Sa unang hanay, isulat ang mga katulong sa pamayanan na binanggit sa kuwento. Sa ikalawang hanay, mag-isip at sumulat ng isang pangngalang pantangi para sa pangngalan sa unang hanay. Sa ikatlong hanay, sumulat ng dalawang pangungusap gamit ang mga isinulat sa dalawang hanay. Gawin mo ito sa iyong notebook. Sundan ang ibinigay na halimbawa. Pambalana Pantangi Pangungusap panadero Theo Si Theo ay isang panadero. Masarap siyang gumawa ng tinapay. Ang pangngalang pambalana ay _________. Ang pangngalang pantangi ay _________.
  • 50. DRAFT April 10, 2014 9 Makipanayam sa isa sa mga katulong sa paaralan. Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa mga gawain niya araw-araw sa paaralan. Balikan muli ang kuwento tungkol sa mga katulong sa pamayanan. Umisip ng isang salitang maglalarawan sa bawat isa. Balikan mo ang karanasan mo nang nagdaang bakasyon. Isipin mo ang mga nakilala mong katulong sa pamayanan. Sumulat ng dalawang salitang magkasalungat na maaaring gamitin para sa kanila. Magkasalungat ang mga salita kung ____________. Pakinggan ang kuwento nina Nerry at Trining na babasahin ng iyong guro. Iguhit ang magkaiba nilang mundo.
  • 51. DRAFT April 10, 2014 10 Ang lalawigan ng Laguna sa Rehiyon IV-A ay isa sa magagandang lugar na maaari nating pasyalan. Ano nga kaya ang kagandahan ng lugar na ito? Biglaang Lakad Araw ng Sabado. Nakakainip sa bahay. “Magbihis kayo,” ang sabi ni Tatay. Kaya lahat kami ay simbilis ng kidlat na gumayak. “Brrrmm…. Brrmm” “Saan kaya tayo pupunta?” ang tanong ko kay Kuya. Pero umiling lang siya sa akin. “Maligayang Pagdating sa Bayan ng Laguna.” Hindi nagtagal, nakarating kami sa isang lugar na may kakaibang mga bahay at gusali. Akala ko tuloy wala na kami sa Pilipinas. Ang mga nakikita raw namin na mga bahay at gusali dito ay itinayo pa noong panahon ng mga Kastila. Matagal na iyon, hindi ba? Ang galing talaga ng mga Pilipino sa paggawa ng mga kahanga-hangang bagay na ito. May nakita rin kami na mga banga at palayok na nahukay sa Pinagbayanan noong 1967. Makasaysayan pala ang bayan na ito ng Pila. Binisita rin namin ang mudspring sa Los Baños. Ayon sa kuwento ni Ate, ito raw ang pinakagitna ng bulkan na mas kilala natin ngayon na Bundok Makiling. Ibig sabihin, ito ay dating bulkan. Lumangoy rin kami sa isang hot spring sa Los Baños. Ang sarap! Ang init ng tubig! Maganda ito sa kalusugan. Gabi na kami nakauwi at dahil sa pagod wala nang maingay sa biyahe. Tanging sina Tatay at Nanay na lamang ang gising.
  • 52. DRAFT April 10, 2014 11 Mamasyal sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga larawan ng magagandang lugar na nakadikit sa loob ng silid-aralan. Hanapin sa bawat lugar ang isang pares ng magkatugmang salita na nakasulat dito. Magkatugma ang mga salita kung ___________________. Bumunot ng isang papel na may nakasulat na isang tugma. Basahin ito nang malakas sa klase at tukuyin ang mga salitang magkakatugma. Basahing muli ang kuwentong, “Biglaang Lakad.” Gusto mo rin bang makarating sa mga lugar na pinasyalan ng pamilya? Bakit? Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng isang patalastas kung bakit kailangang piliin ng ibang Pilipino na pumasyal sa isang magandang lugar sa Pilipinas na tutukuyin ninyo. Sa pagbibigay ng paliwanag, kailangang ________. Sumulat ng dalawang pangungusap upang maipahayag ang pagmamalaki sa pamayanang kinabibilangan.
  • 53. DRAFT April 10, 2014 12 Muling basahin ang “Biglaang Lakad.” Sumipi ng dalawang pangungusap mula dito. Gawin ang sumusunod sa iyong notebook matapos basahin ang “Limang Tulog” sa p. 28. Sipiin ang mga ngalan ng tao. Sipiin ang ngalan ng araw. Sipiin ang tanong ni Ate. Sipiin ang sinabi ni Nanay. Sa pagsipi ng parirala at pangungusap, dapat kong tandaan na ___________. Alin-alin sa lugar na ito ang nais mong pasyalan? Sipiin mula sa talaan ang limang ngalan ng lugar sa iyong notebook. Bulkang Mayon Bulkan ng Taal Underground River Talon ng Pagsanjan Mines View Park Isangdaang Pulo Ayon sa kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan. At upang maging malusog tayo, kailangan naman natin ng isang malinis na pamayanan. Paano natin magiging kayamanan ang ating pamayanan?
  • 54. DRAFT April 10, 2014 13 Ang Pamayanan ay Kayamanan Natasha B. Natividad Ako ay mahilig mamasyal Sa pamayanan na aking mahal Tuwing Sabado ako’y naglalaro Sa palaruan, kasama ang kalaro. Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita Aking kaibigan nag-iwan ng basura Mabilis ko siyang tinawag Kaibigan, huwag mong gawin ‘yan Dapat alagaan at ingatan Ang ating pamayanan Kung ito ay pababayaan Tayo rin ang mahihirapan. Huwag nating hintayin Kapaligiran ay dumumi Kumilos at isaisip Na ito ay pagyamanin. Sumama sa iyong pangkat sa paglalakbay sa isang pamayanan sa pamamagitan ng isang mapa. Gawin ang mga panutong mababasa sa kapaligiran. Upang makasunod ako nang maayos at wasto sa mga nakalimbag na panuto, kailangan kong __________. Ano ang gagawin mo? Nasa parke ka. Nagandahan ka sa isa sa mga bulaklak na nakatanim dito. Nais mo sanang makita rin ito ng iyong nanay
  • 55. DRAFT April 10, 2014 14 pero may nakasulat na “Bawal Pumitas ng Bulaklak.” Ano ang gagawin mo? Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng pangungusap tungkol dito. Pumili ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Pahulaan ito sa mga kaklase mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pangungusap tungkol dito. Ang pangngalan ay __________. Sumulat ng isang talata tungkol sa isang larawan na iyong napili. Bilugan ang ngalan ng tao. Guhitan ang ngalan ng bagay. Ikahon ang ngalan ng lugar. IMCS Image Bank
  • 56. DRAFT April 10, 2014 15 Ano-ano ang ginagawa sa inyong barangay upang maging malinis ito? Katulad din ba ng ginagawa sa Purok 7? Purok 7 Nagkaroon ng pagpupulong ang mga mamamayan. Nagplano sila ng mga gagawin nila upang maging malinis ang kanilang kapaligiran. Ang mga babae ay mag-iipon ng mga plastik at mga diyaryo upang mai-recycle sa kanilang barangay center. Ang kalalakihan naman ay gagawa ng mga basurahan na may iba’t ibang kulay upang ilagay sa bawat tapat ng bahay sa kanilang lugar. Ang mga batang iskawt ay maglalagay ng mga paalala sa tabing kalsada tungkol sa pagpapanatiling malinis ng kanilang kapaligiran. Ang lahat ay nangako na maglalabas ng basura sa takdang oras para hakutin ng trak ng basura. At ibigay ang kanilang suporta sa mga proyekto at programa ng barangay. Kumpletuhin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. IMCS Image Bank
  • 57. DRAFT April 10, 2014 16 1 2 3 4 5 Ang mga salitang may klaster ay _________________. Isulat sa iyong notebook ang mga salitang may klaster na makikita sa loob ng kahon. 1 2 3 4 5 p l o r e r a k t o r l a k t a w b o l a i a l a k d a n l u i s t a p r i t o i u b e o a l a m b r e w s s i s k w a t e r i t a p l a n e t a t i s e
  • 58. DRAFT April 10, 2014 17 Paano dadami ang iyong kaibigan? Basahin ang tula ng tungkol sa mga tagubilin. Sigurado akong dadami ang iyong kaibigan kung susundin mo ang mga ito. Ang Bilin sa Akin Malou M. De Ramos Ang bilin sa akin nina Tatay at Nanay Maging magalang, sumunod sa magulang Ang batang ganito ay kinatutuwaan Ng lahat ng tao sa pamayanan. Ang bilin naman nina Lolo at Lola Ibigay ang kay Bunso, ang kina Ate at Kuya Huwag mag-aangkin ng pag-aari ng iba Sinoman at saanman ay katutuwaan ka. Ang guro kong mahal may bilin din sa akin Alituntunin sa paaralan dapat laging sundin Simbahan at anumang lugar ay igalang natin Ang pamayanan ay alagaan at mahalin. Ang bilin sa akin ay laging susundin Gagawin ang makakaya upang ito ay tuparin Ipamamalas kabutihan, kanino man at saan man Upang maging modelo ng mga mamamayan.
  • 59. DRAFT April 10, 2014 18 Basahin ang mga salita sa loob ng kahon. Hintayin ang panuto ng guro sa susunod na gawain. Magkakatugma ang mga salita kung ___________. Pakinggan ang tulang babasahin ng guro. Itaas ang pulang watawat na hawak kung makaririnig ka ng pares ng mga salitang magkatugma. Ano- anong katangian ng isang kaibigan ang nais mo? Sumulat ng dalawang parirala bilang sagot dito. Gumupit ng isang puso. Sa loob nito, sumulat ng isang pangungusap kung paano ka magiging tunay na kaibigan. Sa pagsulat ng parirala at pangungusap, __________. kulay tulungan kuhanan ampalaya labanos hitsura gulay kanila kaharian kilos Pedro pareho sala kultura kaloob suklob
  • 60. DRAFT April 10, 2014 19 Isulat ang pangalan ng tatlong kaibigan mo. Sa tapat nito, sumulat ng isang parirala o pangungusap tungkol sa kaniya. Ang aklat ay isa raw sa mga kaibigan natin. Sa bawat pagbuklat natin ng pahina nito, dinadala tayo sa iba’t ibang lugar at ipinakikilala tayo sa iba’t ibang tao. Kilalanin natin ang ating kaibigang ito. Basahing muli ang “ Mga Bahagi ng Aklat” sa p. 8. Kasama ang iyong pangkat, buklatin ang mga aklat na ibibigay ng guro. Pumili ng aklat na may paksa o kuwento tungkol sa magkaibigan. Tukuyin ang mga bahagi ng aklat na napili. Ang mga bahagi ng aklat ay _____________. Pumunta sa silid-aklatan. Humanap ng isang aklat na puwede mong basahin tungkol sa mga kaibigan natin sa bansang Asya.
  • 61. DRAFT April 10, 2014 20 Ang larong taguan ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas. Tingnan natin kung ano ang nangyari sa paglalaro nito ng mga bago nating kaibigan. Tagu-taguan Bilog ang buwan. Maliwanag ang paligid. Tapos nang maghapunan ang mag-anak. Tapos na rin ang mga takdang-aralin. “Von! Von! Magtaguan muna tayo sa labas,” yaya ni Aiah sa kaniyang nakababatang kapatid. Isinama na rin nila ang kanilang kambal na kapatid na sina Chacha at Cheche. Kasunod na rin nila ang kanilang kambal na pinsan na sina Theo at Sid. “Tagu-taguan. Maliwanag ang buwan. Isa, dalawa, tatlo,” si Aiah ang taya. “Pung, Cheche.” “Pung, Theo.” “Pung, Sid.” Isa na lang ang hindi niya talaga makita. “Ang galing talagang magtago ni Von!” Hanap dito. Hanap doon. Hindi siya talaga makita. “Von, anong ginagawa mo diyan sa itaas ng puno. Baka mahulog ka,” ang natatakot na sigaw ni Ate Nika. Tawanan ang lahat. Si Von naman ang taya.
  • 62. DRAFT April 10, 2014 21 Pamagat Tauhan Tagpuan Banghay Balikan at basahin muli ang isang kuwento mula sa mga nagdaang aralin. Ibigay ang hinihingi ng story pie sa ibaba. Gawin ito sa iyong notebook. Ang isang kuwento ay may ________, _________, __________, at __________. Humanap ng kapareha. Ibahagi ang kuwentong binasa. Matapos ito, pakinggan mo naman ang kuwentong ibabahagi ng iyong kapareha. Paghambingin ang mga ito sa tulong ng balangkas na nasa ibaba. Kuwento Tagpuan Tauhan Banghay Kuwento 1
  • 63. DRAFT April 10, 2014 22 Nais ninyong magkakaibigan na makipaglaro sa bago ninyong kaklase na kararating lamang sa inyong paaralan. Ano ang sasabihin mo upang ipakilala ang sarili at ang iyong mga kaibigan. Maghanda ng isang pangungusap gamit ang alinman sa sila, kayo, tayo, at sila. Hintayin ang hudyat ng guro kung ano ang susunod na gagawin. Ang ______ ay ginagamit kapag ______. Ang ______ ay ginagamit naman kung ________ Ang ________ sa ____________. Ipakilala ang sarili at ang mga kapatid mo at ang paborito nilang laro. Gamitin ang sila, kayo, tayo, at sila. Kuwento Tagpuan Tauhan Banghay Kuwento 2
  • 64. DRAFT April 10, 2014 23 Sumulat ng isang pangungusap na sasagot sa sumusunod na tanong. Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa inyong bahay? Sa paaralan? Kasama ang iyong pangkat, gumawa ng talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap na sasagot sa tanong na : Bakit kailangang maglaro ang batang katulad mo? Sa pagsulat ng isang talata, _________________. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap na sumasagot sa tanong na ito: Ano ang laro na nais mong matutuhan? May bakanteng lote ba na malapit sa inyong bahay? Ano ang puwede nating gawin dito? Paano natin ito mapapakinabangan?
  • 65. DRAFT April 10, 2014 24 Ang Mahika Tingnan mo nga naman ang dating bakante, mabato at damuhang lugar sa aming barangay ay isa nang magandang hardin. Hindi rin biro ang pinagdaanan naming magkakaibigan upang maging maganda ang lugar na ito. Una, inalam muna kung talaga bang mainam pagtaniman ang lugar na ito. Nang makasiguro kami, sinimulan na naming bungkalin ang lupa. Sumunod ay inalis na namin ang mga bato at lahat ng mga bagay na makasasagabal sa aming pagtatanim. Matapos ito, itinanim na namin ang mga buto ng petsay. At ngayon , ito ay isa nang magandang hardin. Sagutin ang mga tanong matapos basahin ang kuwento. Kakaibang Kaarawan Kaarawan ni Tatay. Pero sa halip na maghanda sa bahay, iba ang naisip niya. Pinagbihis niya kami nina Ate, Kuya at Nanay ng puting t-shirt. Binigyan din niya kami ng pare-parehong kulay ng sombrero. At kami ay lumakad na. Pagdating sa may labasan ng aming barangay. Ang daming tao at lahat kami ay pare-pareho ng t-shirt at sombrero. Binigyan kami ng pala, tree guard at punla ng puno. Tapos, sumunod kami sa lider ng aming pangkat sa lugar na pagtataniman namin. “Ito ang regalo ko sa inyo at sa mga magiging anak ninyo,” ang sabi ni Tatay. 1. Saan nagpunta ang mag-anak? 2. Bakit kakaiba ang pagdiriwang ni Tatay ng kaniyang kaarawan?
  • 66. DRAFT April 10, 2014 25 Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasa kung ______________. Basahin ang isa pang teksto upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Ang Pamamasyal Isang araw ng Biyernes, kami ng aking mga kaklase ay namasyal sa isang Botanical Garden. Ito ay isang lugar na kung saan ang iba’t ibang klase ng halaman ay inaalagaan upang pag-aralan. Para itong silid-aklatan na ang nakalagay ay mga halaman. Dito namin natutuhan ang kahalagahan ng mga halaman sa ating kapaligiran at kung paano dapat pangalagaan at paramihin ang mga ito. Pagod man ang lahat sa maghapong pamamasyal , may ngiti pa rin sa aming mga labi dahil sa napakagandang karanasan. 1. Saan nagpunta ang mga bata? 2. Ano-ano ang ginawa nila dito? 3. Bakit sinabing napakagandang karanasan ito ng mga bata? Halina at sama-sama tayong mamasyal sa bukid sa pamamagitan ng tula sa ibaba. Tuklasin natin ang kagandahan ng lugar na ito. Sa Bukid Ninanais ko’y simple lamang na buhay Hindi man napakayaman basta’t matiwasay
  • 67. DRAFT April 10, 2014 26 Ibig kong tumira sa gitna ng bukid Na pook na tahimik at may luntiang paligid. Dito’y kay gandang pagmasdan ng palay Na tinutukoy na simbolo ng buhay Sariwang prutas iyong matitikman Sariwang gulay, hatid ay kalusugan. Malinis na tubig ang iyong makikita Asul ang kulay na lubhang kay ganda. Samyo ng hanging sariwa Walang amoy ng basura. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1. Ang Barangay Silangan ay payapang lugar. Walang kaguluhang nagaganap dito dahil ang lahat ng tao ay magkakakilala at magkakasundo. 2. Anumang gawain, ang lahat nagtutulungan kaya madali itong natatapos. 3. Ang nakatiwangwang na lupa ay tinataniman ng gulay. Natutuhan ko ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng _________________. Basahin ang talata at pansinin ang mga salitang may salungguhit. Alamin ang kahulugan ng bawat isa batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Sa iyong notebook, gawin ang talaan na nasa ibaba. Mula sa kaniyang kubo sa itaas ng burol, tinanaw ni Jannet ang mga nagsasayang kanayon na malapit sa
  • 68. DRAFT April 10, 2014 27 dalampasigan. Walang ano-ano, nakita niya ang papalapit na mga dambuhalang alon sa dagat. Mabilis na kinuha ni Jannet ang sulo at sinilaban ang nakaimbak na mga pinatuyong palay. Nakita ng mga kanayon ni Jannet ang usok at apoy na mula sa lugar na imbakan ng kanilang palay. Dali-dali ang lahat na umakyat sa burol upang patayin ang sunog. Pagkaakyat ng kahuli-hulihang kanayon, nakita nila ang malalaking alon na tumangay sa lahat ng bahay, puno at hayop sa kanilang nayon. Sa halos lahat ng mesa ng pamilyang Pilipino, hindi mawawala ang pandesal. May nagtitinda ba nito sa inyong lugar? Alamin kung paano tinutulungan si Arnold ng kaniyang mga kabarangay sa pagtupad niya ng kaniyang pangarap sa buhay. Si Arnold na Magpapandesal Maaga pa lamang ay gising na si Arnold. Kinuha niya ang kaniyang bisikleta at ang maliit na bayong. Handa na siya! Salita Kahulugan
  • 69. DRAFT April 10, 2014 28 Agad niyang tinungo ang tindahan ni Ate Mely. Iniabot niya ang kaniyang bayong. Pagbalik sa kaniya punong-puno ito ng mainit na pandesal. May bonus pa ito na pitong maliliit na pandesal para kay Arnold. Kailangang magmadali ni Arnold bago lumamig ang kaniyang paninda. Kaya nagsimula na siyang pumadyak sa kaniyang bisikleta. Sa hindi kalayuan, naghihintay na sa kaniya si Mang Jose na handa nang pumunta sa kaniyang palayan. Gayundin si Mang Iking na dala-dala na ang kaniyang martilyo, lagare at kahon ng mga pako. Hindi rin nagpahuli si Kuya Lino na naghahanda na ng kaniyang mga kagamitan upang mabantayan at magabayan ang mga batang patawid ng kalsada. Umabot din siya sa papaalis na si Mang Berting, sakay sa kaniyang jeep, handa na niyang sunduin ang mga bata sa kani-kanilang tahanan upang ihatid sa paaralan. At siyempre, may itinira siya para kay Gng. Derla na kaniyang guro. “O, Arnold, handa ka na ba sa eskuwela?” wika ni Gng. Derla. Hindi siya agad nakasagot. “Hoy, Arnold ! Gising na tatanghaliin ka sa pagdadala mo ng pandesal. Gising” “Hay salamat, panaginip lang pala. Naku! Tanghali na pala. Naghihintay na ang aking mga suki sa pandesal. Papasok pa ako sa paaralan. ” Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Alin sa mga ito ang angkop sa bawat pangungusap? Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel. a. b. c.
  • 70. DRAFT April 10, 2014 29 d. e. f. 1. Nagtulungan ang magkakapitbahay sa pag-apula ng malalaking ______ ng apoy na puwedeng pagsimulan ng sunog sa kanilang barangay. 2. Ang malinis na kapailigiran ay mabuti sa ating _____. 3. Ang pamilya nina Mica ay sumama sa pagtatanim ng _____ sa tabing-ilog. 4. Ang mga taga Water District ay naglalagay ng malalaking _____ upang maging maayos ang daloy ng tubig. 5. Si Ruel, ang ____ ng kabataan, ay nanguna laban sa ipinagbabawal na gamot. Natutuhan ko na may mga salita na ________ ang baybay ngunit _________ ang bigkas at kahulugan. Kunin mo ang kagamitan mo sa Art. Gawin ang album na “Iisa ngunit Magkaiba.” Narito ang mga gagawin mo. 1. Maglista ng limang pares ng mga salitang iisa ang bigkas ngunit magkaiba ang kahulugan. 2. Iguhit ang bawat pares upang maipakita ang kahulugan nito. Masarap maglaro ng saranggola lalo na kung malakas ang ihip ng hangin. Ang pagpapalipad nito ay isa sa mga karaniwang eksena na makikita natin sa tuwing bakasyon. Ito ay isang libangan na hindi mo magagawa nang walang kasama. Sa larong ito, kitang-kita
  • 71. DRAFT April 10, 2014 30 ang pagtutulungan ng bawat isa, bata man o matanda, babae man o lalaki. Tingnan natin sa ating kuwento ang lihim ng magandang saranggola ni Winson. Ang Lihim sa Likod ng Saranggola Caloy : Ang ganda ng saranggola mo Winson. Sino ang gumawa niyan, ha? Winson : Kami nina Enchong, Lino at kuya ko ang gumawa nito. Tinuruan kami ni Kuya. Madali nga naming natapos ito, eh. Caloy : Aba! Magaling pala kayong gumawa ng saranggola. Makagawa kaya tayo nang ganyang kagandang saranggola? Winson : Oo, naman. Hihingi tayo ng tulong sa kuya ko. Hayun sila ng kapatid kong bunso, nagpapalipad ng saranggola. Gamit ang kayo, sila, kami o tayo, gumawa ng isang rap tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan sa anumang gawain. Gawin ito kasama ng iyong pangkat. Ang _______ ay ginagamit sa _________________. Ang _______ naman ay ginagamit sa ____________. Ang _______ ay ginagamit sa __________ at ang ______ naman ay para sa ________. Tingnan ang susunod na pahina. Ano ang sinasabi ng bawat tauhan sa larawan? Gamitin ang kayo, sila, kami o tayo.
  • 72. DRAFT April 10, 2014 31 A B C Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kuwento ni Arnold Magpapandesal sa kuwento ng saranggola ni Winson? Balikan at basahin muli ang dalawang kuwento upang masagot ang tanong. Pumili at bumasa ng dalawang kuwento. Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang mga kuwento na iyong binasa. Gumuhit ng dalawang bilog na katulad ng nasa ibaba. Isulat sa tapat ng bawat isa ang pamagat ng iyong binasa. Isulat sa bahagi ng dalawang bilog ang pagkakaiba ng mga ito. Sa loob ng magkapatong na bahagi ng mga bilog, isulat ang pagkakatulad ng mga kuwento. Gawin ito sa iyong notebook.
  • 73. DRAFT April 10, 2014 32 Gulong ng mga Kuwentong Aking Binasa Natutuhan ko na _____________________________. Humanap ng kapareha. Ibahagi sa kaniya ang isang kuwento na iyong nabasa. Matapos ang iyong pagkakataon, ikaw naman ang makikinig sa kaniyang ibabahagi sa iyo. Matapos ang mga unang gawain, paghambingin ang mga kuwentong inyong napag-usapan. Gamitin ang Paruparo ng mga Kuwento na sadyang inihanda para sa gawaing ito. Isulat sa dalawang pakpak ang pamagat at ang pagkakaiba ng mga kuwentong inyong napag-usapan. Sa gitna naman ng paruparo, isulat ang pagkakatulad ng mga ito. Gawin ito sa isang malinis na papel. Paruparo ng mga Kuwento
  • 74. DRAFT April 10, 2014 33 Malulungkot ka ba kung may lakad kayo ng iyong pamilya ngunit hindi kayo natuloy? Ganito rin kaya ang mga bida natin sa ating kuwento? Alamin. Muntik nang Hindi Matuloy Masayang ang magkakapatid na sina Bryan, Glecy at Pritz. Mayamaya, dumating ang kanilang Tatay na si Mang Troy na isang . Sira pala ang kanilang kaya maagang umuwi ang kanilang ama para kumpunihin ito. Malulungkot na sana ang magkakapatid. Hindi yata sila matutuloy sa kanilang lakad. Pero napawi ang lungkot nila nang iabot ng Tatay ang isang supot na punong-puno ng . Dali-daling naghugas ng kamay ang magkakapatid at inilabas ang laman ng supot.
  • 75. DRAFT April 10, 2014 34 “Wow! Matatamis at malalaking Talagang katakamtakam. Hindi na namalayan ng magkakapatid ang oras. Naputol ang kanilang kuwentuhan nang marinig nila ang kanilang Tatay na tumatawag. Yari na ang kanilang . Dali-dalin nilang ipinasok ang pinagkainan sa supot at nagtakbuhan sa loob ng bahay. “Brrmm…. Brrmmm…” Sakay na silang lahat. Dadanan na lang nila si Nanay Glenda sa kaniyang pinagtitindahan. Ano-ano ang nasa larawan? Alin kaya sa mga ito ang angkop sa bawat pangungusap? Isulat ang iyong sagot sa sariling notebook. 1. Magdadala si Glecy ng _______ dahil malamig sa Tagaytay. 2. Iniayos ni Bryan ang mga biniyak na prutas sa isang ______. 3. Paborito ni Pritz ang _______ pero walang dala nito si Tatay.
  • 76. DRAFT April 10, 2014 35 4. Dahil sa pamamadali, nasugatan ang _____ ni Mang Troy. 5. Si Aling Glenda ay mahilig maglagay ng ____ sa buhok. Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang may salungguhit. Gawin ito sa iyong notebook. Salita Kasing-kahulugan Kasalungat Maamo ang alagang pusa ni Mang Troy. Ipinaghanda ni Pritz ng mainit na sopas ang kanilang Tatay. Inakyat ni Bryan ang mataas na puno ng mangga upang kunin ang saranggola ng kaniyang kapatid. Mabango ang sampagita na binili ni Aling Glenda para sa kanilang dyip. Ang mga salitang may klaster ________________. Magkasingkahulugan ang mga salita kung __________ at magkasalungat naman kung _____________. Hanapin ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon. Isulat ang mga makikita mo sa iyong sagutang papel.
  • 77. DRAFT April 10, 2014 36 Basahin ang mga pangungusap na maaaring naging usapan ng mag-anak sa “Muntik nang Hindi Matuloy.” Sino ang nagsabi ng bawat isa? “ Kumain na kayo habang kinukumpuni ko ang dyip.” “ Umaandar na itong dyip. Aalis na tayo. ” “Magbibihis lamang po kami.” “Malungkot sila kanina nang umuwi akong sira ang dyip.” Kumpletuhin ang usapan sa bawat larawan sa pamamagitan ng pagpuno ng kayo, kami,tayo, at sila sa bawat pangungusap. a f p e l i k u l d a b u l a k l a k a a p k w a d e r n o s h o c a n i j o i g o o l d e t r a k n h b n a p a s o k l i n y a r a l a p a i n a l o k i s a t i n a p a l y t u t u b i a g i w e k a n i n k w a g o s s i s a l a m i n x o
  • 78. DRAFT April 10, 2014 37 Ang _____ ay pamalit sa ako at mga kasama. Ang _____ ay pamalit sa ikaw at mga kasama. Ang _____ ay pamalit sa akin at mga kasama. Ang ____ ay pamalit sa siya at mga kasama. Kasama ng iyong pangkat, maghanda ng isang dula-dulaan tungkol sa isang paksang mapipili. Gamitin ang kayo, kami, tayo, at sila. - Ang Paaralan - Ang Magkakapatid - Ang Alagang Hayop - Paboritong Pasyalan Lisa, saan ___ pupunta? Pupunta na ____ kina Lolo. Sasama ka na ba? Mauna na ___ . May tatapusin pa ako. A sige. Hihintayin ka namin doon. Sabay na tayo sa pag-uwi.
  • 79. DRAFT April 10, 2014 38 Basahin ang sumusunod na salita. Ano ang ibig sabihin ng bawat isa? Iguhit ang mga ito. bacon carrot computer hotdog juice video Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin ng iyong guro. Isulat sa iyong notebook ang mga salitang hiram na binanggit sa kuwento. Ang mga salitang hiram ay binabaybay sa paraang ____________. Umisip ng tatlong bagay sa inyong bahay na ang ngalan ay salitang hiram. Iguhit ang mga ito at isulat ang ngalan ng bawat isa. Laging sinasabi na may pera sa basura. Tingnan natin kung bakit para kay Sita ay kayamanan ang kaniyang kinokolekta at hindi mga basura.
  • 80. DRAFT April 10, 2014 39 Hindi Basura “Bata! Bata! Bakit mo ba kinuha ang mga basurang iyan?” tanong ni Sita sa isang batang nagtutulak ng kariton. “Hindi ito basura. Mga pira-pirasong papel ito, mga bote at latang pipi,” sagot ng batang nagtutulak ng kariton. “Ano nga ang gagawin mo riyan?” tanong muli ni Sita. “Hindi mo ba alam? Ipagbibili ko ito. Tutunawin ito ng bibili. Gagawin nila uli itong papel, bote at lata.” Humanga si Sita sa bata. Kumikita siya. Nakatutulong pa siya sa pagtitipid sa likas na yaman ng bansa. (Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 2, Saint Mary’s Publishing Corporation) Ano-ano ang mga nakita mong ginawa ng ibang bata sa paaralan bago pa man magsimula ang klase? Ikuwento mo ito sa klase. Sa pagbabahagi ng isang pangyayaring naobserbahan ko, dapat kong tandaan na _______. Sa iyong notebook, sumulat ng isang maikling pag-uulat na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa ginagawa ng iyong pamilya upang makatulong sa pagpapanatiling malinis ng inyong pamayanan. Ang buko pie ay isang popular na kakanin ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog na mura na inilagay sa ibabaw ng isang pie. Paano nga ba ito nagagawang masarap?
  • 81. DRAFT April 10, 2014 40 Ren : Cindy, masarap kaya ang buko pie? Cindy : Oo, masarap iyon. Alam mo ba ang mga sangkap nito? Aling Tess : Naku, mga batang ire. Sa tagal ko nang gumagawa ng buko pie e masasabi kong pare-pareho lang ang lasa niyan. Pare-parehas lang kasi ang mga sangkap dito. Ang pinakasikreto upang maging masarap ito ay ang paraan ng pagluluto. Subukan nating bumuo ng mga bagong salita mula sa mga nasa listahan. Dagdagan lamang ng pantig ang mga ito, maaaring sa unahan, gitna o hulihan. awit dasal isip sayaw walis Ang ___, ____, at ____ ay panghalip na pamatlig. Ang ___ ay ginagamit kung ang pinag-uusapan ay malapit sa nagsasalita. Ang ______ naman ay kung ang pinag-uusapan ay malapit sa kinakausap. At ang _____ ay ginagamit kung ang pinag-uusapan ay malayo sa nag-uusap. Gamitin ang nito, niyan at niyon sa pagtuturo ng mga bagay sa loob ng silid-aralan. Ang balete ay isang uri ng tuwid at makinis na puno. Tumataas ito mula 13 hanggang 40 talampakan, at pakalat ang tubo ng mga ugat. Ngunit, maraming natatakot sa punong ito. Bakit kaya?
  • 82. DRAFT April 10, 2014 41 Sino ang Takot sa Puno ng Balete? Ayaw na ayaw kong magbakasyon sa bahay ni Lola. Nakatatakot kasi roon. Luma ang bahay na gawa sa kahoy. Parang may mga multo, pero pinakanakatatakot ay ang puno ng balete. Malaki ang balete at maraming mala-galamay na baging. Parang sa octopus ang mga galamay ng balete! Sa gabi, kapag malakas ang hangin, parang gumagalaw ang mga galamay na ito. Katapat pa naman ng bintana ko ang balete. Isang araw, paggising ko, pinapunta agad ako ni Lola sa hardin. May sorpresa raw siya sa akin. Nagkabit sila ng duyan sa mga baging ng balete. Sabik na sabik akong sumakay sa duyan. Masarap palang sumakay sa mga galamay ng balete. Sabihin sa klase ang iyong naisip na wakas sa bawat sitwasyon na mababasa. 1. Nakatira sa kabilang ibayo ng ilog si Isagani. Nang araw na iyon ay malakas ang ulan. Ngunit kailangan niyang pumasok. May pagsusulit kasi sila. Dalawa ang daan patungo sa paaralan. Ang pagtawid sa ilog ang malapit na daan at ang pagtawid sa tulay ay malayo. Lumakad na si Isagani. Kaya ___________. 2. Matapat na bata si Evelyn.May nakaiwan ng pitaka sa upuan na malapit sa kaniya. Kilala niya kung sino ang may-ari.Kaya________. Sa pagbibigay ng wakas ng isang kuwento, kailangan kong _________.
  • 83. DRAFT April 10, 2014 42 Basahin kung ano ang plano ni Bitoy sa ating kuwento. Bigyan mo ito ng sarili mong wakas. Ang Plano ni Bitoy Marami nang nakasabit na parol at makukulay na ilaw sa bintana. Naririnig na rin ang mga awiting pamasko. May plano si Bitoy at ang kaniyang mga kaibigan. Kumuha si Imo ng lata ng gatas na walang laman. Binutasan niya ito sa magkabilang dulo. Tinakpan niya ang butas gamit ang plastik na inunat at ipinirmi ng goma. Si Mario naman ay kumuha ng maraming tansan. Gamit ang malaking bato, pinipi niya ito. Binutasan niya sa gitna ang mga napiping tansan. Isinuot niya ang isang binilog na alambre sa mga tansan. Samantala, si Bitoy ay uminom ng mainit na salabat. Handa na ang magkakaibigan. Sino si Seli? Ano ang sili? Nakakatuwa! Halos pareho ng tunog ang mga salitang ito. Basahin ang ating tula, marami pa itong katulad.
  • 84. DRAFT April 10, 2014 43 Sili ni Seli Florenda B. Cardinoza Ang aking inang si Seli Nagtanim sa bukid ng sili Tubig pandilig mula sa poso Kagalaka’y nadama ng puso. Ayaw ng kaibigan kong iwan Kaya sinabi ko sa kaniya’y ewan Sili ni Nanay dapat mabenta Isakay dapat ito sa vinta. Binalot ni Nanay sa tela Habang ang ulan ay tila Kabayaran ni Nanay na pera Pambaon sa eskwela ni Pira. Kasama ng iyong kapangkat, gumawa ng “Banderitas ng mga Salita.” Sa unang dalawang magkakulay na banderitas, sumulat ng isang pares ng mga salitang iisa ang baybay pero magkaiba naman ng bigkas. Pumili ng isang salita mula sa mga naisulat. Sa pangatlong banderitas, isulat ang bagong salita na mabubuo kung papalitan ang unang pantig nito. Sa ikaapat na banderitas naman, isulat ang bagong salita kung papalitan ang huling pantig ng napili pa ring salita. Makakabuo ng bagong salita sa pamamagitan ng _____________ mula sa isang salita. Gawin ang sumusunod sa iyong notebook. 1. Umisip ng isang salita.
  • 85. DRAFT April 10, 2014 44 2. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang huling pantig nito. 3. Isulat ang bagong salita na mabubuo kung pinalitan ang unang pantig nito. 4. Gamitin ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. 5. Gamitin ang format na makikita sa susunod na pahina. Salita Unang Pantig Huling Pantig Pangungusap Nakapaglaro ka na ba ng bangkang papel kasama ang iyong mga kaibigan? Ano ang nangyari? Ganito rin ba? Bangkang Papel Matapos ang isang malakas na ulan, nagkayayaan ang tatlong magkakaibigan na maglaro ng bangkang papel. Yehey! Ang bilis talaga nitong aking bangka. Oo nga ano. Sana bumilis din ang aking bangka tulad niyan.
  • 86. DRAFT April 10, 2014 45 Pumili ng isang magandang lugar sa Pilipinas mula sa mga larawang ipakikita ng iyong guro. Gumawa ng usapan gamit ang nito, niyan at niyon. Natutuhan ko na _________________________________. Gamit ang paksang iyong napili, gumawa ng sariling komik istrip upang maipakita ang wastong gamit ng nito, niyon, at niyan. Ano ba ang mainam gawin kung nasa bakasyon ka at naiinip ka na sa lugar na inyong pinuntahan? Nakababagot na Araw Isinama ako ni Tatay Luis sa bahay ng aking mga pinsan. Noong una ay ayokong sumama dahil sila ay nakatira sa malayong baryo. Pero wala akong nagawa. Unang araw ko pa lamang ay inip na inip na ako dahil wala akong malaro. Hindi pinadala ang PSP ko. Tingnan ninyo o, mas magaganda ang kulay niyon kaya lang mabagal. Teka kanino iyon?
  • 87. DRAFT April 10, 2014 46 Wala ring computer shop sa lugar na ito. Sana nadala ko ang laruan kong robot at kotseng de-remote. Nakababagot talaga. Kinahapunan, habang nakadungaw ako sa bintana, nakita ko ang aking mga pinsan at iba pa nilang kaibigan na masayang naghahabulan. Pero, nagtataka ako dahil nakita kong may latang pinatumba gamit ang tsinelas, bago sila nagtakbuhan. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha nila. Mayamaya, kumaway ang isa kong pinsan at pinalabas ako ng bahay. Hindi nagtagal, kasali na rin ako sa tawanan at kulitan nila. Nalaman ko na tumbang preso pala ang tawag sa larong iyon. Isinali rin nila ako sa larong patintero, luksong-baka, pati na rin sa piko. Nawala sa isip ko ang computer games, pati na rin ang aking mga laruan. Pag-aralan ang graph na ito upang mabuo ang mga pangungusap. Mga Laro Bilang ng Naglalaro Luksong Tinik Patintero Piko 1. Mas maraming babae ang naglalaro ng _____ kaysa sa mga lalaki. 2. Kakaunting ______ ang naglalaro ng ______ kumpara sa mga ______.
  • 88. DRAFT April 10, 2014 47 Ang pictograph ay ______________________. Sagutin ang mga tanong tungkol sa graph na ito. Mga Bote ni Patrick Mga araw Bilang ng bote Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Legend: = 5 1. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick noong Lunes? 2. Ilang bote naman noong Biyernes? 3. Anong araw ang may pinakamaraming bote na nakolekta? 4. Ilang bote ang nakolekta ni Patrick sa limang araw?
  • 89. DRAFT April 10, 2014 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  • 90. DRAFT April 10, 2014 2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 3 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ Baitang Batang Pinoy Ako 3
  • 91. DRAFT April 10, 2014 3 BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
  • 92. DRAFT April 10, 2014 4 PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
  • 93. DRAFT April 10, 2014 5 ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  • 94. DRAFT April 10, 2014 6 TALAAN NG NILALAMAN Yunit III – Bansa Ko, Ikararangal Ko Aralin 21 – Kilalanin Natin 8  Paggamit ng Angkop na Salita sa Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar, at Pangyayari  Paggamit ng mga Salitang Kasingkahulugan at Kasalungat sa Pagbibigay Kahulugan sa Isang Salita Aralin 22 – Pangalagaan Natin 11  Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Gamit ang Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano,Sino-sino  Pagsunod sa Panutong may 3-4 Hakbang Aralin 23 – Pagyamanin Natin 13  Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, at Lugar sa Pamayanan  Pagbibigay-Kahulugan sa Graph Aralin 24 – Tangkilikin Natin 15  Paglalarawan ng mga Bagay, Tao at Lugar sa Pamayanan  Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Binasang Teksto Aralin 25 – Ipagtatanggol Natin 19  Paggamit ng Tamang Salitang Kilos sa Pagsasalaysay ng mga Personal na Karanasan  Pagbibigay ng Paksa ng Kuwento o Sanaysay na Napakinggan Aralin 26 – Pahalagahan Natin 21  Paggamit ng Tamang Salitang Kilos (Pandiwa)sa Pagsasalaysay ng mga Personal na Karanasan  Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Teksto Aralin 27 – Paunlarin Natin 25  Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwentong Napakinggan
  • 95. DRAFT April 10, 2014 7 Aralin 28 – Mahalin Natin 29  Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto sa Tulong ng Timeline Aralin 29 – Ipagmalaki Natin 34  Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol na –Laban sa, -Ayon sa, at –Para sa  Pagbibigay ng Sariling Wakas sa napakinggang Kuwento  Pagbasa ng mga Salitang may Klaster at Diptonggo Aralin 30 – Ikarangal Natin 38  Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol  Pagbibigay ng Lagom ng Binasang Teksto  Pagsusulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay
  • 96. DRAFT April 10, 2014 8 Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Isa rin ito sa mga laging paalala ng ating mga magulang. Alamin sa tula kung ito rin ang bilin ng mga magulang ni Lino. Si Linong Pilipino Ako si Lino, Na isang Pilipino. Pagiging kayumanggi, Hindi ko itinatanggi. Laging bilin Ng aking magulang, Lahat ay igalang. Lahat ay mahalin. Saan man mapunta, Sino man ang makasama, Pagiging Pilipino, Laging isasapuso. Pumili ng isang salita sa binasang tula. Sumulat ng limang salitang katugma nito. Isulat sa loob ng ginuhit na b. hay ang iyong sagot.
  • 97. DRAFT April 10, 2014 9 Ang mga salitang magkakatugma ay ___________. Gawin ang Bahaghari ng Magkakatugmang Salita. Sa iyong papel, gumuhit ng isang bahaghari. Gumupit ng limang metacard sa bawat kulay nito. Sumulat ng magkakatugmang salita sa bawat kulay ng papel. Idikit ito sa loob ng bahagharing ginawa. Sino-sino ang Pilipino? Pilipino Sila Natatangi at naiiba talaga ang mga Pilipino. Hindi lamang kilala sa magandang pag-uugali at kahanga-hangang kaayusan sa iba’t ibang gawain kundi maging sa makukulay nilang kultura. Isa sa mga tunay na maipagmamalaki ay ang mga pangkat-etniko na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa. Maaaring sila ay nasa kapatagan, tabing-dagat, o tabing-ilog. Ang iba naman ay nasa kabundukan at kagubatan. Sila ay may sariling wika, tradisyon, kaugalian, at paniniwala. Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas sa kasalukuyan. Sinusundan ito ng Bisaya. Pero hindi lang sila ang pangkat-etniko ng bansa. Nariyan ang mga Igorot, Kalinga, Kankanaey, Ibanag, Ifugao, Negrito at Aeta na makikita sa Luzon. Sa Mindanao naman makikita ang mga Manobo, T’boli, Higaonon at Tiruray. Anuman ang tawag sa kanila, ano man ang kanilang paniniwala, wika, kaugalian at tradisyon, sila ay mga Pilipino. Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.
  • 98. DRAFT April 10, 2014 10 Sumulat ng tanong na nagsisimula sa ano, sino,at saan, tungkol sa binasang sanaysay. Ang ano, sino, saan, at kailan ay ginagamit sa pagtatanong. Ang ano ay para sa ngalan ng _____________. Ang sino ay para sa ngalan ng _____________. Ang saan ay para sa ngalan ng _____________. Ang kailan ay para sa ngalan ng _____________. Umisip ng isang taong nais mong makapanayam. Sumulat sa isang malinis na papel ng isang tanong na sasagutin niya. Sino nga ba ang mga pangkat-etniko? Muling basahin nang tahimik ang “Pilipino Sila” sa p. 88. Sipiin ang isang talata mula sa “Pilipino Sila” sa p. 88. Sa pagsipi ng talata,kailangan kong tandaan na, _____. Isulat muli ang talata na binigyang-puna ng iyong guro.
  • 99. DRAFT April 10, 2014 11 Malaki ang epekto ng klima sa ating bansa lalo na sa pamumuhay ng bawat Pilipino na nasa iba’t ibang panig nito. Ano ang klima? Ang Klima at ang Aking Bansa May mga bansa sa mundo na nakararanas ng apat na klima hindi tulad ng ating bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. Ito ay nasa tropiko ng Kanser na makikita sa itaas ng ekuwador. Kapag nasa malapit sa ekwador ang bansa, mayroon lamang itong dalawang uri ng klima. Ito ay ang tag-araw o tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw samantalang mahalumigmig at malamig kung tag-ulan. Iguhit ang dalawang klima sa mga bansa na malapit sa ekwador. Natutuhan ko sa araling ito na ________________________. Sumulat ng ngalan ng apat na bansang makikita malapit sa ekwador.
  • 100. DRAFT April 10, 2014 12 Muling basahin ang “Ang Klima at ang Aking Bansa” sa p.90. Sumulat ng isang tanong tungkol sa tekstong “Ang Klima at ang Aking Bansa.” Sa pagtatanong, gumagamit ng angkop na salita tulad ng __________________________________. Sumulat ng dalawang tanong na nais mong sagutin ng Presidente ng Pilipinas tungkol sa programa ng pamahalaan para sa pangangalaga ng kapaligiran. Isulat ang mga tanong sa iyong notebook. Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang pangalagaan ang kalikasan? Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. Pag-aralan at pumili ng isang larawan. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap tungkol dito.
  • 101. DRAFT April 10, 2014 13 C Natutuhan ko sa aralin ngayon na ________________. Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro. Tayong mga Pilipino ay maraming tradisyon at kaugalian na dapat nating pagyamanin. Isa na rito ang masayang pagsalubong sa Bagong Taon. Paano nga ba natin ito dapat salubungin? Paano natin ito mapagyayaman? Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na - DOH ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) January 3, 2013 Naniniwala si Health Secretary Enrique Ona na panahon na para seryosong ikonsidera ang pagpapalit ng kultura o tradisyunal
  • 102. DRAFT April 10, 2014 14 na paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil maaari namang lumikha ng iba’t ibang ingay sa ibang paraan para sa pagtataboy ng ‘evil’ at ‘bad luck.’ Sabi ni Ona, karamihang nabibiktima ng paputok ay kabataan kaya’t pinag-aaralan nilang i-ban ang kabataan sa pagbili nito. Inamin ng Kalihim na kahit pa masigasig ang Department of Health o ang pamahalaan sa kampanya kontra sa paputok, marami pa rin ang nabibiktima nito, at ang nakalulungkot ay mga bata pa ang kadalasang napuputulan ng daliri, kamay o maging paa kaya naman imumungkahi niya sa stakeholders meeting, kasama ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na ibawal na sa kabataan ang pagbebenta ng mga paputok. Paano ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa inyong lugar? Ibahagi ito sa klase. Natutuhan ko na ___________________________________. Kunin ang kagamitan mo sa Art. Gumawa ng isang poster tungkol sa pag-iingat na dapat gawin sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Muling basahin ang “Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na – DOH.” Tukuyin ang mga salitang naglalarawan sa mga tao, lugar, bagay, o pangyayari dito.
  • 103. DRAFT April 10, 2014 15 Sumulat ng pangungusap na naglalarawan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari na makikita sa larawan. Bilugan ang mga ginamit na pang-uri. http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm Ang pang-uri ay ___________________. Makinig nang mabuti sa babasahing balita ng guro. Itala sa iyong notebook ang mga pang-uring napakinggan.
  • 104. DRAFT April 10, 2014 16 Ano ang tatak ng suot mo ngayon? Saan ito gawa? Ano-ano ang produktong Pilipinong dapat nating tangkilikin? Tatak-Pinoy Gawa sa Pilipinas. Maraming bagay na gawa ng ating kapwa Pilipino ang puwede nating ipagmalaki. Bukod sa magaganda nitong disenyo, hindi rin pahuhuli ang tibay ng mga ito. Bawat produkto ay butil ng pawis at buhay ng bawat Pilipinong manggagawa. Ilan sa mga “Only in the Philippines” na talagang puwede nating ipagsabayan sa buong mundo ay ang mga makukulay at air-conditioned na dyip. Hari ng daan, samu’t sari ang gayak na talagang nakakaaliw. Ang mga matitibay na sapatos na gawa sa Marikina at sa Liliw, Laguna na talaga namang world class ang dating. Ang naggagandahang parol ng Pampanga na talagang nakadaragdag ng saya ng Pasko. Ang mga kakaibang disenyo ng mga barong na gawa sa Batangas. Pagdating din sa pagkain, hindi tayo pahuhuli. Ang napakasarap na mainit na kape na galing sa Batangas na sasabayan mo pa ng suman na galing sa Mindoro. Ang mga matatamis na pinya ng Davao at mangga na mula sa Guimaras ay tunay na hindi mo pagsasawaan. O halika na at ating libutin ang sarili nating bansa. Kung saan ang mga produkto ay subok na matibay, ang mga pagkain ay tunay na masarap. Basta’t sarap at tibay ang gusto, hanapin lamang ang tatak Pinoy. Gumupit sa lumang diyaryo o magasin ng isang bagay na dapat tangkilikin ng mga Pilipino. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa napiling bagay.
  • 105. DRAFT April 10, 2014 17 Ang paksa ng isang talata ay ________________. Pumili at bumasa ng isang sanaysay o kuwento mula sa mga nagdaang aralin. Isulat ang pamagat at ang pahina nito. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa paksa ng binasang sanaysay o kuwento. Basahin ang “Tatak-Pinoy” sa Alamin Natin, p.98. Tukuyin ang mga pang-uri na ginamit. Gamitin ang larawan na ginupit mo sa naunang gawain. Sumulat ng mga pang-uri tungkol sa larawang ito. Ang pang-uri ay ______________________. Pumili ng isang paborito mong bagay, o lugar. Gumawa ng isang flyer na naglalarawan nito at hihikayat sa ibang Pilipino o dayuhan na tangkilikin ito. Ang Child Friendly Barangay ay isang programa ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkilala ang mga barangay na may natatanging programa para sa karapatan ng kabataan sa kanilang nasasakupan. Sa paraang ito, mabibigyan din ng pagkakataon na makilala ang barangay at matangkilik ng ibang Pilipino ang mga produkto nito.
  • 106. DRAFT April 10, 2014 18 Basahin natin ang isang liham na nagkukuwento kung ano-ano ang nangyari nang ang kanilang barangay ay tanghaling Child-Friendly Barangay. 106 Purok 190 Brgy. Malinis, Ginhawa Okt. 2, 2013 Mahal kong Vans, Kumusta ka na? Bakit hindi ka nakarating noong nakaraang Sabado? Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal na iginawad sa aming barangay bilang Child-Friendly Barangay ng Reh. IV- A. Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang makiisa sa pagdiriwang. Nagsalita ang puno ng aming barangay na si Kapt. Joel at sinabi niya na sa wakas ay nagbunga rin ang aming mga pagsisikap at pagtutulungan. Dumating din si Kgg. Agnes na aming punong lungsod at si Cong. Abraham na talaga namang ikinatuwa ng lahat. Pagkatapos ng maikling palatuntunan, nagbigay ng libreng serbisyong medikal ang grupo ni Dra. Rey. Sina Bb. Badillo, G. at Gng. Derla naman ay nanguna sa pamimigay ng libreng miryenda para sa lahat. Ang saya talaga nang araw na iyon. Sana nakarating ka. Ang iyong kaibigan, Danika Sa isang malinis na papel, sipiin nang wasto ang liham na ipinadala ni Danika kay Vans. Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat, dapat kong tandaan na ____________. Isulat muli ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga sagot mo sa “Tama ba ang Pagkakasulat Ko?” na ipakikita ng iyong guro.
  • 107. DRAFT April 10, 2014 19 Ang bawat batang Pilipino ay may karapatan. Tungkulin ng lahat ng Pilipino na masigurong natatamasa ang mga ito ng bawat bata saanmang sulok ng Pilipinas. Ang karapatang mabuhay at magkaroon ng pangalan ang isa sa mga pangunahing karapatan nila. Ang Batang may K Maagang naulila ang batang si Kristine. Namatay sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang. Kaya’t siya ay kinupkop ng Department of Social Welfare and Development. Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may mag-asawang dumating at nais na siya ay ampunin. Inayos kaagad ang kaniyang mga papel at hindi nagtagal siya ay nakauwi na sa bahay nina G. at Gng. Robles. Itinuring siyang tunay na anak. Inalagaan siya nang maayos. Pinapasok sa magandang eskwelahan. At higit sa lahat binigyan siya ng isang mapagmahal na pamilya at pangalang Kristine Robles. Sipiin ang mga pangungusap na sumusuporta sa pamaksang pangungusap na: Si Kristine sa bago niyang pamilya. Ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng isang talata ay __________________________.
  • 108. DRAFT April 10, 2014 20 Sumulat ng dalawang pangungusap na sumusuporta sa kaisipang “pagtatanggol sa karapatan ng mga bata.” Muling basahin ang kuwentong “Ang Batang may K” nasa sa Alamin Natin, p.99. Tukuyin ang mga salitang kilos na ginamit dito. Pumili ng isang pandiwa sa binasang kuwento. Gamitin ito sa sariling pangungusap na nagsasalaysay ng sariling karanasan. Ang pandiwa ay ____________________. Makinig nang mabuti sa kuwentong ibabahagi ng iyong kamag-aral. Pumalakpak sa tuwing makakarinig ng pandiwa. Nagkasakit ka na ba? Ano ang ginawa ng iyong magulang o ng nag-aalaga sa iyo? Pag-aralan ang graph na nasa susunod na pahina at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
  • 109. DRAFT April 10, 2014 21 Karapatan sa Atensiyong Medikal Bilang ng Batang Babae at Lalaki Dinala sa ospital Hindi dinala sa ospital Dinala sa albularyo o manghihilot Ilan na kaya sa mga kaklase mo ang nadala na sa klinika? Sa ospital? O sa albularyo? Gamit ang naunang graph, alamin ang nangyari sa mga kasama mo sa pangkat. Ang graph ay _______________________. Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa natutuhan mo sa graph na unang ipinakita ng bawat pangkat. “Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.”
  • 110. DRAFT April 10, 2014 22 Ito ang sinasabi sa ating pambansang awit. Ibig sabihin mayaman ang Pilipinas. Bakit kaya? Mayaman ang Pilipinas. Sa lawak ng kalupaan at katubigang nakapaligid sa bansa, napakaraming natural na yaman ang makikita rito. Maraming nakukuha sa lupa. Ilan sa mga maituturing na yaman ay mga halaman, puno, metal at hindi metal na makukuha sa kalupaan. Sa katubigan naman, makikita at makukuha ang iba’t ibang klaseng isda, halamang-dagat, perlas, at korales na ginagawang alahas. Sa tubig din natin kinukuha ang enerhiya at kuryente na pinakikinabangan ng maraming Pilipino sa iba’t ibang sulok ng bansa. Kayamanan ding maituturing ang mga mamamayan ng bansa. Sila ang mamamahala at magpapaunlad ng mga biyayang bigay ng Poong Maykapal. Tunay nga na mayaman ang Pilipinas. Mayaman ang mga Pilipino. Kailangan lamang na pahalagahan natin ang ating kapaligiran at ang ating kapwa Pilipino. Basahing muli ang sanaysay. Sa isang malinis na papel, isulat ang nais mong maging pamagat nito. Lagyan ng kulay at disenyo ang papel na pinagsulatan ng naisip na pamagat. Sa pagbibigay ng pamagat, kailangang _______________. Gumuhit ng isang poster tungkol sa pagpapahalaga mo sa yaman ng ating bansa. Lagyan ito ng pamagat.
  • 111. DRAFT April 10, 2014 23 Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano mo pahahalagahan ang ating mga likas na yaman. Basahing muli ang mga pangungusap na nakasulat sa pisara. Pumili ng dalawang pandiwa mula dito. Gamitin sa sariling pangungusap at sabihin kung paano mo pahahalagahan ang likas na yaman ng bansa. Ang pandiwa ay may iba’t ibang kapanahunan tulad ng ____________, ___________, at _________________. Paano mo inaalagaan ang iyong mga tanim sa sariling bakuran? Isulat ang sagot sa anyong pangungusap sa loob ng talaan. Bilugan ang pandiwang ginamit. Gawin ito sa notebook. Ano ang ginawa mo nang nagdaang araw? Ano ang ginagawa mo ngayon? Ano ang gagawin mo bukas? Ang sama-samang paglilinis ng kapaligiran ay isang palatandaan na ang mga mamamayan dito ay nagpapahalaga sa likas na yamang taglay ng lugar na ginagalawan. Alamin kung paano ito ipinakita ng mga taga-Bataan?
  • 112. DRAFT April 10, 2014 24 Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno Posted by Online Balita , April 23, 2013 Armado ng walis tingting, inilunsad ng mga tauhan ng Bataan Police Provincial Office at mga miyembro ng Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association-Manila ang maghapong paglilinis sa Bataan nitong Sabado, kaugnay ng pagdiriwang ng Earth Day kahapon. Ang paglilinis ay pinangunahan ng La Filipina Uygongco Corporation, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Mariveles Mayor Dr. Jesse Concepcion, na nanguna sa pagtatanim ng may 400 puno ng niyog sa baybayin ng Barangay Townsite, Mariveles. Sinabi ni La Filipina General Manager Susan Romero na mahalagang pagtulung-tulungan ang paglilinis ng paligid upang malinis ang hanging ating nalalanghap at mapakinabangan pa ng susunod na henerasyon ang likas na yaman. Hinikayat din ng kumpanya ang mga miyembro ng Recycling129 sa Tondo na makibahagi sa paglilinis. Katulad din ba kayo ng mga taga-Bataan? Paano ninyo pinahahalagahan ang likas na yaman sa inyong lugar? Sumulat ng isang pag-uulat na may dalawa hanggang apat na pangungusap. Sa pagsulat ng talatang nag-uulat, kinakailangang ___________________. Isulat muli ang pag-uulat na natapos. Isaalang-alang ang mga puna at mungkahi na ibinigay ng guro.
  • 113. DRAFT April 10, 2014 25 Bawat tao ay may kaniya-kaniyang katangian at kakayahan. Ang mga ito ay kailangan nating paunlarin upang makatulong tayo sa pagpapaunlad ng ating pamilya, ng ating pamayanan, ng ating bansa at higit sa lahat ng ating mga sarili. Basahin natin ang isang kuwento, upang maunawaan natin kung gaano tayo kahalaga sa ating pamayanan. Doon na Lamang Gratcielo Chiara D. Badillo Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukan ang buhay sa siyudad. Para naman maiba. Baka doon magbabago ang buhay. Kinuha niya ang kaniyang maliit na lagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad. Hindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang na lugar. Madilim na noon kaya namangha si Dodi sa naggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil wala pa naman siyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isang maliit na upuan sa tabi ng kalsada. Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog ay bigla siyang nagising. Isang malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mga katulad niya na nagtatakbuhan at nag-aagawan sa pagkaing nakalagay sa isang malaking plastic bag. Maghahanap muna siya ng trabaho. Nakakita siya ng isang malaking gusali. Dito siya susubok. Pero kinailangan niyang makipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito. Nakakabinging busina ang narinig niya mula sa mga naiinis sa mga tsuper. Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nang papasukin siya ng guwardiya kahit wala siyang ID. Matapos makipag-usap sa isang kahon na nagsasalita, pinaakyat siya sa ikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin siya sa gumagalaw na hagdan.
  • 114. DRAFT April 10, 2014 26 Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na pero wala pa siyang bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain. Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyang nasulyapan ang mundong kaniyang pinanggalingan. “Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. May pagkain.” Basahing muli ang kuwento ni Doding Daga upang makagawa ng isang timeline. Ang timeline ay isang paraan upang _______________. Basahin ang kuwento upang makagawa ng isang timeline. Kailangan Lima Angelika D. Jabines May limang magkakaibigan. Sina Rose, Tess, Luz, Dennis at Danilo. Bagamat magkakaibigan, magkakaiba naman sila ng ugali at kagustuhan.
  • 115. DRAFT April 10, 2014 27 Isang araw sa kanilang pagbibisikleta, isang malaking kahoy ang nakaharang sa kanilang daraanan. Dahil sa pinakamalaki si Danilo, nanguna siya sa pagtanggal ng malaking kahoy. Pero hindi niya nakaya. Sumunod si Luz, mas maliit siya nang kaunti kay Danilo. Bahagyang gumalaw ang malaking kahoy. Buong tapang na sumubok si Dennis, ang pinakamataba sa lima. Pero hindi gumalaw ang malaking kahoy. Si Tess naman ang sumunod. Pero wala rin. Huling sumubok si Rose. Buong yabang na binuhat ang malaking kahoy. Umangat ito. “Aray!” ang sigaw niya. Ang malaking kahoy ay biglang bumagsak sa kaniyang maliit na paa. Sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan upang tulungan si Rose. “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Buhat!” At marahang naiangat ang malaking kahoy. Kailangan pala lima. Hindi isa. Hindi dalawa. Hindi tatlo. Hindi apat. Kailangan lima talaga! Muling basahin ang “Kailangan Lima” sa p. 108. Tukuyin ang mga pandiwa sa kuwento. Pumili ng isang pariralang may pang-abay sa kuwentong “Kailangan Lima.” Gamitin ito sa sariling pangungusap. Ang pang-abay ay ____________________________. Basahin ang “Doon na Lamang.” Pumili ng tatlong pandiwa na ginamit dito. Sumulat ng pangungusap na maglalarawan kung paano isinakilos ito sa kuwento.
  • 116. DRAFT April 10, 2014 28 Ako si Bb. Luz. Ako naman si Dr. Danilo. Ako si Lt. Dennis Ako si Atty. Tess. Tingnan at kilalanin ang mga tauhan sa kuwentong “Kailangan Lima.” Piliin at daglatin ang mga salita mula sa pangungusap. 1. Pinasaya ni Pangulong Aquino ang mga batang may sakit sa Ospital ng Maynila noong Biyernes. 2. Sa darating na Oktubre magbibigay ng libreng pag-aaral para sa kababaihan si Ginang Javier. 3. Ibinalik ni Heneral Tomas ang perang napulot niya sa may-ari nito kaya siya ay pinarangalan. 4. Tayo ay humahanga sa mga taong mapagkakatiwalaan katulad ni Senador Domingo.
  • 117. DRAFT April 10, 2014 29 5. Si Kongresman Manuel ay dumalo sa pagpupulong sa Cebu noong Pebrero. Sa pagsulat ng mga salitang dinaglat, _________________. Sino- sino ang kilala mong katulong sa pagpapaunlad ng inyong pamayanan? Isulat ang kanilang ngalan at katungkulan sa paraang padaglat. Paano mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa iyong pamayanan? Sa bansang iyong nakagisnan? Sino ka sa kuwentong ating babasahin? Si Maria kaya o si Rosa? Mariang Tilapya Maria Castillo-David Isang umaga, masayang naglalakad si Rosa sa tabing-ilog nang marinig niya ang isang munting tinig. “Rosa, tulungan mo ako.” Isang maliit na tinig mula sa tabing-ilog ang narinig niya. Hinanap niya ito at laking gulat niya nang makita ang isang tilapya na nagsasalita. “Bakit mo ako tinawag?” tanong ni Rosa sa isda.
  • 118. DRAFT April 10, 2014 30 “Ako si Mariang Tilapya, at nais kong tulungan mo kaming mga nakatira dito sa ilog. Sobra na ang pang-aabuso ng mga tao,” wika ng isda. “Ano ba ang ginawa namin sa inyo?” tanong muli ni Rosa. “Lahat ng basura ay sa ilog ninyo itinatapon, pati mga patay na hayop ay dito rin inihahagis. Pati tuloy ang mga maliliit at maging mga itlog pa lang ay namamatay dahil sa labis na dumi,” mahabang himutok ni Mariang Tilapya. “Kung patuloy kayong mga tao sa masamang gawain ninyo, mawawala nang tuluyan ang likas na yamang tubig,” dagdag pa ng isda. “O sige, tutulungan kita,”pangako ni Rosa. Biglang nagising si Rosa dahil sa nakabibinging patak ng ulan sa kanilang bubong . Panaginip lang pala ang lahat. Pagdungaw niya sa kanilang bintana upang silipin ang ilog na malapit sa kanilang tahanan, nanlaki ang kaniyang mga mata. Mistulang dagat ang kanilang paligid. Matapos ang ilang araw, humupa na rin ang baha. Bawat isa sa kanilang baryo ay lumabas ng bahay na may dalang kagamitan sa paglilinis. Lihim na napangiti si Rosa sa nakita. Tiyak siya na matutuwa rin si Mariang Tilapya kahit siya ay isang panaginip lamang. Ibigay ang hinihingi ng diagram na ito buhat sa mababasa sa “Mariang Tilapya.” Mga Kilos na Naganap sa Kuwento Naging Bunga
  • 119. DRAFT April 10, 2014 31 Ang sanhi ay _________________________________. Ang bunga ay ________________________________. Ibigay ang sanhi at bunga ng kilos sa bawat larawan. Isulat sa kaliwa ang sanhi at sa kanan naman ang bunga. Balikang muli ang kuwento ni Mariang Tilapya. Tukuyin ang mga pandiwa at pang-abay na ginamit.
  • 120. DRAFT April 10, 2014 32 Gamit ang pariralang pang-abay, ilarawan kung paano ipinakita ng mga tauhan sa kuwentong “Mariang Tilapya” ang pagmamahal sa kanilang pamayanan. Ang pang-abay ay _________________________________. Ilarawan ang mga kilos na makikita sa bawat sitwasyon. Basahin ang “Doon na Lamang.” Itala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kuwentong ito.
  • 121. DRAFT April 10, 2014 33 Punan ang bawat kahon ng hinihingi tungkol sa kuwentong “ Doon na Lamang.” Kahon ng Kuwento Natutuhan ko ____________________________________. Basahing muli ang “Kailangan Lima.” Ibigay ang hinihinging impormasyon. Pamagat May-akda Tagpuan Tauhan Simula Suliranin at Solusyon Wakas
  • 122. DRAFT April 10, 2014 34 Ano-anong magagandang lugar sa Pilipinas ang iyong napasyalan? Halika at sumama sa paglalakbay. Sakay Na! Sakay na sa makulay na dyip na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan! Sa ilang segundo, tayo ay aarangkada na! Isa... dalawa... tatlo... Una nating silipin ang Palawan Underground River. Itinanghal na isa sa mga pinakabagong magagandang tanawin sa buong mundo kaya naman hindi ito nauubusan ng turistang lokal at dayuhan. Ang kuwebang ito na may ilog sa loob ay sinasabing may habang 8.2 kilometro. Upang malakbay ang kahabaan nito, kailangan mong sumakay sa isang bangka upang masaksihan ang pambihirang iba’t ibang hugis ng bato na nililok sa pamamagitan ng patak ng tubig sa nakalipas na daanlibong taon. Kilalanin din natin ang tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas. Ito ay napaliligiran ng probinsiya ng Baguio at La Trinidad. Sa lugar Paksa Pamagat Problema Solusyon Natutuhan
  • 123. DRAFT April 10, 2014 35 na ito makikita ang paglago ng strawberries sa bansa kaya tinawag din itong Strawberry Country bukod pa sa iba’t ibang uri ng prutas at gulay na nakatanim dito. Tara na sa lalawigan ng Benguet. Tinagong Dagat ang sunod nating destinasyon. Ito ay isang nakatagong lawa na matatagpuan sa talampas sa tuktok ng bundok na may sukat na humigit kumulang tatlong (3) ektarya at lalim na nasa otsenta (80) metro. Dito makikita ang iba't ibang isda.Napapaligiran din ito ng makapal na gubat kung saan gumagala ang ligaw na hayop at malago ang halaman. Tayo na sa Lambunao, Iloilo upang mapasyalan ito. Sa Mindanao naman, makikita ang Talon ng Maria Cristina sa dulo ng Ilog Agus. Ito ay kilala sa kagandahan na may taas na 320 talampakan bukod pa sa ito ang pangunahing pinagkukunan ng kuryente sa Iligan. Ilan lang ito sa puwede nating pasyalan sa ating bansa. Hanggang sa muling pagsakay sa ating pambihirang dyip. Sa binasa mong “Sakay Na,” pumili ng dalawang diptonggo at gamitin sa sariling pangungusap. Gawin din ito sa dalawang salitang may klaster. Sundan ang format na nasa susunod na pahina. Diptonggo ang mga salitang ____________. Ang mga salitang may klaster ay mga salitang __________. diptonggo Salita Salita Pangu-ngusap Pangu-ngusap klaster Salita Salita Pangu-ngusap Pangu-ngusap
  • 124. DRAFT April 10, 2014 36 Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa paraan na gagawin mo upang maipagmalaki ang bansang Pilipinas. Bilugan ang mga salitang may diptonggo at guhitan ang salitang may klaster. Puting Sobre Susan Formales. Sabik na sabik na binuksan ni Susan ang isang puting sobre na natanggap mula sa kaniyang kaibigan. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi sa mga bagong kuwento na kaniyang nabasa. Kaya’t hindi pa man nakapagbibihis ng kaniyang damit, agad niyang kinuha ang kaniyang ballpen at stationery. At nagsimulang magsulat. 160 Maitim II East Silang, Cavite Pebrero 3, 2013 Mahal kong Susan, Wow! Nakasama ka pala sa inyong lakbay-aral. Tiyak ako sa susunod nating pagkikita marami tayongpagkukuwentuhan. Sa susunod na buwan naman ang aming lakbay-aral. Sana payagan ako ni Tatay. Kanina sa klase, dumating ang isang tourist guide. Ipinakita sa amin ang iba’t ibang larawan at video tungkol sa magagandang lugar na malapit dito sa amin. Kululangin pala ang isang araw para sa pamamasyal. Ayon pa sa kaniya, kapag tagarito ang mamamasyal, libre daw. Kaya sa susunod na bakasyon, marami tayong papasyalan. Hanggang sa muli, best friend. Ang iyong kaibigan, Maricel
  • 125. DRAFT April 10, 2014 37 Dagdagan ang nilalaman ng sulat ni Maricel sa pamamagitan ng pagsulat ng isang pangungusap gamit ang pang-ukol na natutuhan sa aralin. Ang pang-ukol ay _____________. Ang tungkol sa ay ginagamit sa _____________. Ang tungkol kay ay ginagamit sa ____________. Ang ayon sa ay ginagamit sa ___________. Ang ayon kay ay ginagamit sa __________. Gamit ang mga pang-ukol na natutuhan, isalaysay sa dalawang pangungusap ang mga natutuhan mo sa “Sakay Na!” Basahin muli ang “ Puting Sobre.” Tukuyin at suriin kung paano isinulat ang mga hiram na salita. Sipiin ang mga salitang hiram sa “Sakay Na” at gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap. Sa pagsulat ng mga salitang hiram, ________________. Sumipi ng dalawang salitang hiram na mababasa dalawang kuwento na binasa sa araling ito. Iguhit sa tapat nito ang pagkakaunawa mo sa mga salitang ito.
  • 126. DRAFT April 10, 2014 38 Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa likas na yaman kundi maging sa kaniyang kultura. Alamin kung ano-ano ito. Kayamanan sa Pagsulat May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino. Patunay rito ang napakaraming tulang nalikha noong unang panahon para sa iba’t ibang pangyayari sa buhay. Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang makapaghatid ng aral. Ginamit din nila ang tula upang maipasa ang mga sinaunang kaalaman. Hindi lang basta isinusulat ang mga tulang ito. Madalas ay binibigkas o hindi kaya ay inaawit ito sa mga pagtitipon. Maaaring tuwing kapistahan, kasalan, o kaya sa pag-alaala sa namatay binibigkas ang mga tula. Sa malakas na pagbigkas o pag-awit ng mga tula rin naipapasa ng matatanda ang kanilang paniniwala at kultura sa mga nakababata. Ang mga tula at awitin na binibigkas natin hanggang sa kasalukuyan ay patunay kung ano ang ating pinagmulan, kaugalian at mga paniniwala. Ito ay isang buhay na paalala ng ating sariling kultura na dapat nating pagyamanin at ikarangal. Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa natutuhan mo sa binasang sanaysay.
  • 127. DRAFT April 10, 2014 39 Sa pagsulat ng buod, ________________. Pumili at basahin ang isang story book sa Filipino. Sumulat ng isang buod na may tatlo hanggang apat na pangungusap. Muling basahin ang “Kayamanan sa Pagsulat.” Tukuyin ang mga pangungusap na may pang-ukol. Ano-ano ang nalaman mo mula sa sanaysay na binasa? Isulat ito gamit ang pang-ukol na natutuhan. Ginagamit ang laban sa kung _________. Ginagamit ang ayon sa kung _________. Ginagamit ang para sa kung __________. Tapusin ang sumusunod na parirala. Ayon sa ______________________________. Para sa _______________________________. Laban sa _____________________________. Basahin muli ang “Kayamanan sa Pagsulat.”
  • 128. DRAFT April 10, 2014 40 Gamit ang mga pantig sa loob ng malaking kahon, bumuo ng mga salitang may klaster. Gamitin ang mga mabubuong salita sa isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap. plu pri to som ma pla lan bre bra bro so ro no tsa tra Sa pagsulat ng talata, __________________. Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro at mga kaklase.
  • 129. DRAFT April 10, 2014 1 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  • 130. DRAFT April 10, 2014 2 Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 4 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________ 3 Baitang Batang Pinoy Ako
  • 131. DRAFT April 10, 2014 3 BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
  • 132. DRAFT April 10, 2014 4 PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo at ng iyong mga kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga
  • 133. DRAFT April 10, 2014 5 ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  • 134. DRAFT April 10, 2014 6 TALAAN NG NILALAMAN Yunit IV – Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Aralin 31 – Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko 8  Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari  Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Balitang Binasa Aralin 32 – Batang Pinoy ako, Matatag Ako 11  Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari  Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano Aralin 33 – Pilipino Ako, May Mayamang Kultura 13  Paglalarawan ng mga Bagay, tao at Lugar sa Pamayanan  Pagbibigay ng Kahulugan ang Graph Aralin 34 – Bata Man Ako, Kaya Kong Maging Hero 16  Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, at Lugar sa Pamayanan  Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga Bantas sa Pagsulat ng mga Salitang Natutuhan Aralin 35 – Karapatan Mo, Karapatan Ko,Pantay Tayo 18  Paggamit ng mga Salitang Kilos sa Pag-uusap Tungkol sa Iba’t ibang Gawain sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan  Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwentong Napakinggan Aralin 36 – Pamilyang Pinoy, May Pananagutan 21  Paggamit ng mga Salitang Kilos sa Pag-uusap Tungkol sa Iba’t-ibang Gawain sa Tahanan, Paaralan, at Pamayanan  Pagsunod sa Panutong May 3-4 Hakbang  Pagbibigay ng Wakas ng Binasang Kuwento Aralin 37 – Kaligtasan Ko, Kaligtasan Mo, Atin Ito 23  Paggamit nang Wasto ng Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagbibigay ng Sariling Wakas sa Napakinggang Kuwento Aralin 38 – Ang Teknolohiya at Ako 25
  • 135. DRAFT April 10, 2014 7  Paggamit nang Wasto ng Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto sa Tulong ng Balangkas  Pagbibigay ng Mungkahing Solusyon sa Suliraning Nabasa sa Isang Teksto o Napanood Aralin 39 – Pagpapaunlad ng Bansa Ko, Kaisa Ako 30  Paggamit nang Wasto ng Pang-ukol  Naibibigay ang Buod o Lagom ng Tekstong Binasa  Pagbibigay-Kahulugan sa Graph Aralin 40 – Panatag na Buhay, Kayamanan Ko 35  Paggamit nang Wasto ng Pang-ukol  Pagsulat ng Liham Pangangalakal
  • 136. DRAFT April 10, 2014 8 Ang mga Pilipino ay yaman ng bansa. Ang kanilang kagalingan at katalinuhan ay hindi matatawaran. Paano nga ba magagamit ang mga regalong ito upang makatulong sa kapwa? Natatanging Regalo Bawat isa sa atin, mayaman man o hindi, ay biniyayaan ng natatanging kakayahan. Ibinigay ito sa atin bilang regalo upang magamit sa pagtulong sa ating kapwa at sa pangangalaga ng ating kapaligiran. At dahil nga regalo ito sa atin, nararapat lamang na ito ay ibahagi rin natin nang libre sa ating kapwa lalo na sa mga nangangailangan. Ang paggamit ng ating kakayahan sa kabutihan ay hindi lamang magdadala sa atin ng tiyak na tagumpay kundi ng kagalakan sa ating kapwa. Tulad na lamang ng isang Pilipino na nakilala sa kaniyang “kariton klasrum.” Balewala sa kaniya ang hirap ng pagtutulak ng kaniyang kariton na punong-puno ng aklat, mapuntahan lamang at maturuan ang mga batang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan. Hindi siya naging maramot sa kaalaman at katalinuhan na sa kaniya ay iniregalo ng Maykapal. Sana dumami ang Efren Reyes sa atin. Isang bayaning Pilipino na tunay na maipagmamalaki. Isang Pilipino na world class ang pangalan. Punan ang organizer sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakasulat.
  • 137. DRAFT April 10, 2014 9 Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasang balita kung ___________. Sagutin ang mga inihandang katanungan matapos basahin ang balitang makikita sa napiling news room. Muling basahin ang teksto tungkol kay Efren Reyes. Subukang gumawa ng isang tanong tungkol dito. Sumulat ng isang tanong tungkol sa binasang teksto. Pamagat Sino ang bida sa kuwento? Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nakilala? Paano siya naging bayani?
  • 138. DRAFT April 10, 2014 10 Sa pagtatanong, gumagamit ng mga salitang tulad ng ________________. Suriin ang mga larawan. Sa iyong notebook, sumulat ng isang tanong para sa bawat isa. Basahing muli ang “Natatanging Regalo.” Pansinin kung paano ito isinulat. Sa isang malinis na papel, sipiin ang isang talata sa “Natatanging Regalo” na nagustuhan mo. Sa pagsipi ng isang talata, ___________________. Gamit ang alin mang pangkalahatang sanggunian, sumipi ng isang talata tungkol sa isang natatanging Pilipino. Gawin ito sa notebook. Sundan ang format na ito. Sanggunian : ______________________ Pahina : ______________________ Talata :
  • 139. DRAFT April 10, 2014 11 Bakit kaya naging inspirasyon si Kano? Ano ang katatagang ipinakita niya? Alamin sa ating kuwento. Kano Sa isang bayan sa Mindoro, may isang mag-aaral na ang pangalan ay Albastru Biglang-awa Razboinic. Tawagin na lang natin siyang Kano. Lumaki siyang hindi man lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na magulang. Ang kaniyang ama na isang taga-Romania ay nasa piitan dahil sa pagkakasangkot sa isang krimen. Ang kaniya namang ina ay hindi na nagbalik mula nang ihatid siya galing sa Italya. Tanging ang kaniyang lola ang nagsilbing ina niya, si Lola Insyang. Tuwing gabi, pagkatapos ng mga gawain sa bahay at sa paaralan, agad siyang dudungaw sa kanilang bintana. Titingala sa kalangitan at hahanapin ang kaniyang bituin. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng pag-asa na balang araw magkikita pa rin sila ng kaniyang mga magulang. Lagi niyang bukambibig, “Marami po akong natanggap na biyaya….teka po…nakalista po ….matulog nang busog…..teka po…sandali lang po….isa…hmm….mga tatlumpung beses na po…..nakipanood ng telebisyon sa kabilang bayan…..mga isa…..dalawa….sampu po!….naligo sa ilog….halos linggo-linggo…. kumain ng sorbetes….…isa…Ay!…isa..lang talaga….Ah heto….kumain ng hopya…..isang daang beses…yan po ….nakasulat yan….pati po petsa….salamat po Titser Blu…” Isang araw, nagpaalam si Kano kay Titser Blu. Lilipat na sila sa kabilang bayan. Kinuha na ng tunay na may-ari ang lupang kinatitirikan ng kanilang munting dampa.
  • 140. DRAFT April 10, 2014 12 “Paalam, Kano. Alam ko isang araw, magkikita pa rin tayo. Sa araw na iyon, alam kong ibang Kano na ang aking makikita. Salamat sa pagiging kaibigan ko. Salamat sa pagiging inspirasyon ko,” ang sabi ni Titser Blu. Kumpletuhin ang mga tanong batay sa kuwento ni Kano. 1. Bakit _________________? 2. Paano ________________? Ang bakit ay sinasagot ng __________________. Ang paano naman ay ____________________. Sino ang iyong inspirasyon? Iguhit kung bakit at paano siya naging inspirasyon mo. Gamit ang organizer, sumulat ng isang tanong bago, habang, at pagkatapos basahin ang kuwento ni Kano.
  • 141. DRAFT April 10, 2014 13 Pumili ng tatlong kaklase na sasagot sa mga isinulat na katanungan. Kumpletuhin ang talaan sa iyong notebook. Ano ang isinasagot sa bawat tanong? Tanong Sagot Ano Sino Saan Ilan Kailan Ano-ano Sino-sino Magmasid sa iyong paligid. Sumulat ng dalawang tanong tungkol sa mga naobserbahan mo. Pasagutan ito sa isa mong kaklase. Kilala mo ba si Prinsipe Konstantino? Alam mo ba ang hitsura niya? Basahin at alamin kung bakit kakaiba ang Prinsipe Konstantino sa kuwentong ito.
  • 142. DRAFT April 10, 2014 14 Kakaibang Prinsipe Konstantino Angelika D. Jabines Mayo 31. Ang araw na pinakahihintay ng lahat. Aiah : Wow! Ate, ang ganda mo talaga. Angela : Ikaw rin, ang ganda mo! Teka, nasaan ang pakpak mo? Aiah : Inaayos pa ni Ate Bobie. Angela : Si Kamille, bihis na ba? Aiah : Nagbibihis na rin. Sana paglaki ko maging Reyna Elena rin ako katulad mo. Angela : Hayaan mo, itatago ko ang aking korona para may magamit ka. Tara na, andiyan na si Nonong. Baka mahuli tayo. Tawagin mo na sila. Aiah : Nanay, Von, Ate Kamille, tayo na! Nanay : Von, akin na sabi iyang pakpak ng ate mo. Lalakad ka lang sa tabi ni Ate Angela mo. Hindi ka isang anghel. Nagsimula na ang prusisyon nang makarating ang lahat ng reyna. At si Prinsipe Konstantino na nakapakpak ay buong sayang lumakad kasama ang kaniyang Reyna Elena. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan sa usapang binasa. Natutuhan ko sa araling ito ang____________________. Iguhit ang isang okasyon o pagdiriwang na hindi mo malilimutan. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito. Basahin muli ang “Kakaibang Prinsipe Konstantino.” Ilista ang mga salitang naglalarawan.
  • 143. DRAFT April 10, 2014 15 Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang pangungusap na maglalarawan ng nakikita dito. Ang pang-uri ay ____________________. Sa pamamagitan ng mga linya, hugis at kulay, ilarawan ang isang okasyon sa pamayanang kinabibilangan. Gawin ito sa isang malinis na papel. Basahin ang “Kakaibang Prinsipe Konstantino.” Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan? Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan sa pictograph na ginawa ng klase. Ang pictograph ay isang ___________________________.
  • 144. DRAFT April 10, 2014 16 Sa pamamagitan ng isang pictograph, ipakita kung ilan sa pangkat ang nakasali na sa Santacruzan, Flores de Mayo o sa isang reynahan. Ang pagiging bayani ay pagtulong sa kapwa, at ang paggawa ng kabutihan kahit walang nakatingin. Ito ay ang pagiging handa na ibigay ang sarili para sa ibang tao. Handa ka ba sa ganitong kabayanihan? Kabayanihan Iba’t ibang uri ang kabayanihan, Tulad ng bulaklak, iba’t ibang kulay, May mga bayaning pinararangalan, Mayroong di-kilala’y bayani ring tunay. Mga kababayang nabuwal sa laban, Mga magigiting, mga matatapang, Nag-alay ng dugo at saka ng buhay, Upang mapalaya lupang minamahal. May mga bayani sa mga tauhan, Bayani sapagkat ulirang magulang, Ang turo sa anak, kabutihang-asal, Upang sa paglaki ay maging huwaran. May mga bayaning nasa paaralan, Batang masunurin, masikap, magalang, Batang malulusog, isip at katawan, Mga mamamayan ng kinabukasan.
  • 145. DRAFT April 10, 2014 17 May mga bayaning utusan ng bayan, Hindi pinipili ang sinisilbihan, Sa mga sakuna ay maaasahan, Kapag may panganib ay matatawagan. Ang maging bayani ay hindi mahirap, Kung puso’y malinis, marunong lumingap, Kagalinga’t buti siyang tinatahak, Saan mang tungkulin ay karapat-dapat. Pumili at sumulat ng dalawang salitang magkatugma na buhat sa tula. Dagdagan ito ng dalawa pang salitang katugma. Magtanong sa dalawa pang kaklase upang makumpleto ang Tanikala ng mga Magkakatugmang Salita. Ang mga salita ay magkakatugma kung _________. Mula sa mga salita sa Tanikala ng Magkakatugmang Salita, pumili ng dalawa at gamitin ito sa pangungusap.
  • 146. DRAFT April 10, 2014 18 Itala ang mga salitang naglalarawan na mababasa sa tulang “Kabayanihan.” Sino ang itinuturing mong bayani ng iyong buhay? Iguhit at ipakita kung paano siya naging bayani. Sumulat ng isang pangungusap na naglalarawan tungkol sa iyong iginuhit. Gawin ito sa isang malinis na papel. Ang pang-uri ay ____________________. Gamit ang mga pang-uri, isulat sa iyong notebook kung paano ka magiging bayani. Ano-ano ang karapatan mo? Alin kaya sa mga ito ang natamasa ni Chelly sa kaniyang kuwento. Si Chelly at ang mga Aklat Louiegrace G. Margallo Mataas ang patas ng aklat na binabasa ni Chelly sa kanilang aklatan. Basa siya nang basa na tila kalaro ang bawat pahina ng aklat, napapangiti, at kung minsan, may impit na tawa pa tuwing makakakita ng mga linyang nakakatuwa.
  • 147. DRAFT April 10, 2014 19 Sinisimulan ni Chelly ang pagbasa sa pamamagitan ng pagtingin sa listahan ng mga aklat. Pagkatapos, lalapit siya sa librarianupang humiram ng aklat na gusto niyang basahin. Kapag wala sa shelf ang aklat, agad siyang hahanap ng bagong aklat na babasahin. Bitbit ang aklat, pupuntahan ni Chelly ang paborito niyang lugar sa aklatan at doon kumportableng uupo at magsisimulang magbasa. Agad niyang titingnan ang mga larawan at paliliparin ang isipan na tila kasali siya sa kuwentong kaniyang binabasa. Huli niyang gagawin ay ang pumikit habang marahang isinasara ang aklat na kaniyang binasa at nakangiti niya itong isasauli. Maghanda ng isang maikling pagsasalaysay tungkol sa kuwento ni Chelly. Gamitin ang balangkas na ginawa ng klase. Ang balangkas ay _________________________. Pumili at basahin ang isang kuwentong iyong mapipili. Gumawa ng balangkas nito sa iyong notebook. Muling basahin ang kuwento ni “Chelly at ang mga Aklat.” Kasama ang iyong kapangkat, gumawa ng isang patalastas tungkol sa pagbabasa.
  • 148. DRAFT April 10, 2014 20 Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa nakita mo sa patalastas na ipinakita ng bawat pangkat. Guhitan ang pandiwa na ginamit. Ang pandiwa ay ____________________. Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa mga isang napanood o napakinggang patalastas. Guhitan ang mga pandiwang ginamit. Gawin ito sa iyong notebook. Basahin muli ang kuwento ni Chelly. May nais ka bang sabihin sa kaniya? Sa isang malinis na papel, sipiin ang nabuong liham ng klase para kay Chelly. Sa pagsipi ng liham, ___________. Muling isulat ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga puna na ibinigay ng guro.
  • 149. DRAFT April 10, 2014 21 Alamin natin kung paanong magiging huwaran ang bawat pamilyang Pilipino. Huwarang Pamilya www.takdangaralin.com Sa aming tahanan Buo ang pamilya Lubos na kasiyahan Aming nadarama. Maaga pa lamang Iyong makikita Haligi ng tahanan Hayun na sa palayan. Ilaw ng tahanan Laging nariyan Tunay na mapagmahal Maasikaso talaga. Si Kuya, si Ate Maaasahan din Masipag, magalang Magaling sa eskwela. Itong aking pamilya Magandang huwaran Sa aking paglaki Sila ang tutularan.
  • 150. DRAFT April 10, 2014 22 Pag-aralan ang sitwasyong ipinakikita ng bawat larawan. Sabihin ang magiging wakas ng bawat isa. Upang makapagbigay ako ng sarili kong wakas sa isang kuwento, kailangan kong ________. Iguhit sa isang malinis na papel ang posibleng mangyari sa isang pamayanan kung maraming bilang ng pamilya ang maituturing na huwaran. Basahing muli ang “Huwarang Pamilya.” Itala ang mga salitang nagpapakita ng kilos. Ano-ano ang ginagawa ninyo sa sariling tahanan? Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol dito. Ikahon ang pandiwa na ginamit.
  • 151. DRAFT April 10, 2014 23 Ang pandiwa ay _____________________. Sa iyong notebook, gumawa ng isang talaan ng mga gawain ng iyong pamilya sa buong araw. Sundan ang format.Dagdagan ng kahon kung kinakailangan. Ang pagiging handa sa pagdating ng anumang kalamidad ay pagiging ligtas natin sa kapahamakan. Paano ba magiging handa? Laging Handa “May paparating na bagyo...” Ito ang natatandaan ni Roy na narinig niya mula sa kanilang radyo na halos hindi na pinagpapahinga. Hindi nagtagal, nakita niya si Mang Kiko, ang kaniyang Tatay na may dalang lubid at martilyo. Umakyat ng bubong at siniguradong maayos ang kanilang bubungan.
  • 152. DRAFT April 10, 2014 24 Si Aling Melna naman na kaniyang Nanay ay abala sa pag-aayos ng isang malaking bag. Pagsilip ni Roy sa loob nito, nakita niya ang iba’t ibang klase ng pagkain, damit, mga gamot, at isang flashlight. Si Kuya Romy naman ang naglinis at naghanda ng mga bote upang lagyan ng tubig. Pumunta naman si Ate Beth sa tindahan at bumili ng baterya ng radyo at flashlight. Dumating ang gabi. Lumalakas ang ihip ng hangin. Nakatulugan na ni Roy ang pakikinig sa malakas na patak ng ulan. Kinaumagahan, walang kuryente. Mataas ang tubig sa labas. Ngunit sa kanilang gripo, walang tubig. “ ’Buti na lang laging handa sina Tatay,” ang nasabi ni Roy sa kaniyang sarili. Pumili ng isang kuwento mula sa kagamitang ito. Basahin ito at ihambing sa “Laging Handa.”Sundan ang format sa iyong notebook. Kuwento 1 Kuwento 2 Pagkakatulad Pagkakaiba
  • 153. DRAFT April 10, 2014 25 Natutuhan ko sa aralin ngayon na ____________________. Humanap ng kapareha. Pag-usapan ang isang kuwentong nabasa ninyo. Paghambingin ang mga ito batay sa tsart na ginamit sa naunang gawain. Basahin muli ang “Laging Handa.” Tukuyin kung paano isinagawa ang mga kilos sa kuwento. Paano tayo magiging ligtas sa lahat ng lugar sa lahat ng pagkakataon? Sagutin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang paalala. Bilugan ang pang-abay na ginamit. Guhitan naman ang pandiwa. Ang pang-abay ay ____________. Isulat sa loob ng isang puso ang pangako mo upang matiyak ang kaligtasan mo at ng iyong kapwa. Bilugan ang pang-abay na ginamit. Aking kuwento... Sa kaklase Pagkakatulad ko…
  • 154. DRAFT April 10, 2014 26 Malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa ating pang-araw- araw na pamumuhay. Pinadadali at pinabibilis nito ang mga gawain natin upang mas marami pang matapos sa loob ng isang araw. Ito rin kaya ang nangyari sa ating bida sa kuwento? Nakatulong nga Ba? Pagkagising ni Galileo, agad binuksan ang kanilang telebisyon. Oras na ng kaniyang paboritong cartoons. Lumamig na ang pagkain sa agahan. Hindi pa rin tapos ang kaniyang pinapanood. Oras na ng paliligo. Tinatamad pa rin siya. Hindi pa rin mapuknat ang mga mata sa kaniyang pinapanood. “Galileo, kumain ka na.” “Galileo, pumunta ka nga muna sa tindahan.” “Galileo, tulungan mo nga muna ako dito.” Hindi pa rin natitinag si Galileo sa kaniyang paboritong panghapong programa. “Bryan Concepcion, nag-uulat.” Sa wakas, nakapahinga na rin ang kanina pang nag-iinit na mainit na kahon. “Tak... tak...tak...” computer naman ang pinagana ni Galileo. Ito ang maririnig mula sa kaniyang silid-tulugan. Ilang saglit lang isang munting papel ang lumabas sa kaniyang printer. Hatinggabi na nang marinig, “Galileo Diza, nag-uulat.” Handa na siya sa kaniyang pag-uulat na gagawin sa klase. Sumulat ng isa hanggang dalawang pangungusap na magpapaalala kay Galileo ng mga dapat niyang tandaan sa paggamit ng teknolohiya. Natutuhan ko sa aralin ngayon na ______________.
  • 155. DRAFT April 10, 2014 27 Tulungan si Galileo na makagawa ng kaniyang talaan ng mga gawain sa araw-araw. Sundan ang format sa iyong notebook. Isulat sa mga linya ang mga dapat niyang gawin sa oras na nakasulat sa loob ng kahon. Dagdagan ang kahon at mga linya kung kinakailangan. Muling basahin ang “Nakatulong nga Ba?” sa p. 144. Tukuyin ang mga kilos na isinagawa sa kuwento. Isulat ang mga kilos na ginawa ng mga kasama ni Galileo sa kanilang bahay, habang siya ay nanonood ng telebisyon. Ilarawan din ang bawat isang kilos na binanggit. Sundan ang format na ito sa notebook.
  • 156. DRAFT April 10, 2014 28 Ang tatlong uri ng pang-abay ay ang mga _______. Ang _________ ay sumasagot sa tanong na paano. Ang _________ ay sumasagot sa tanong na saan o saan ginawa ang kilos. Ang _________ ay sumasagot sa tanong na kailan at nagsasaad ng oras o panahon na ginanap ang kilos. Obserbahan ang mga kilos ng isang kaklase. Sumulat ng isang pangungusap na maglalarawan nito. Basahing muli ang kuwento ni Galileo. Isulat ang mga tambalang salita na mababasa. Kilos Kilos Kilos Kilos Saan Saan Saan Saan Paano Paano Paano Paano Kailan Kailan Kailan Kailan
  • 157. DRAFT April 10, 2014 29 Pumili ng dalawang larawan na maaaring pagsamahin upang maging tambalang salita. Gamitin ang dalawang mabubuo sa sariling pangungusap. Ang tambalang salita ay ____________. Isulat sa iyong notebook ang tambalang salita na mabubuo sa pamamagitan ng mga larawan sa bawat hanay. ½
  • 158. DRAFT April 10, 2014 30 Bata man o matanda, mayaman o mahirap, lahat tayo ay may mahalagang tungkulin na dapat gampanan sa ating kapwa at sa ating bayan. Lahat tayo ay katulong sa pagpapaunlad ng ating bayan. Ikaw, paano ka tumutulong sa pagpapaunlad ng iyong bayan? Sino ka sa ating kuwento?
  • 159. DRAFT April 10, 2014 31 Tulay na Kahoy Dahil sa malakas na ulan, natanggal ang isang malaking kahoy na nagsisilbing tulay sa ilog na malapit sa bahay nina Pipoy Pagong. Hindi tuloy makapasok sa paaralan ang mga bata. Hindi makapasok sa kani-kanilang trabaho ang kaniyang mga kabaryo. Madilim-dilim pa inumpisahan na ni Pipoy na hilahin ang isang malaking kahoy na kaniyang nakita. Hanggang sa inabot na siya ng pagsikat ng araw at sa pagdating ni Kulas Kuneho. “Ano kaya ang gagawin na naman ni Pipoy?” Naupo siya sa tabi ng ilog at nangingising pinanood si Pipoy. Makalipas ang ilang oras, natapos din sa wakas si Pipoy sa pagkakatang ng mga bato sa isang dulo ng kahoy. Palangoy na si Pipoy sa kabilang dulo nang maisipan ni Kiko na maglaro. Parehong abala sa magkabilang dulo sina Pipoy at Kiko. Pagbalik ni Pipoy, napakamot ng ulo at takang-taka kung bakit nawala ang mga bato na kaniyang inilagay. Kaya pinagtiyagaan niya na gawin muli ito. Habang abala si Pipoy sa kabilang dulo, si Kiko naman ay abala na rin sa kabilang dulo ng tulay. At sa pagtulak niya ng isang malaking bato, kasama siyang nahulog sa malamig na tubig ng ilog. “Tulong! Tulong!” Hindi pala siya marunong lumangoy. Nakita ni Pipoy ang sinapit ni Kiko. Hindi nagdalawang-isip agad siyang lumangoy palapit kay Kiko. Pagmulat ng mga mata ni Kiko, nakaupo si Pipoy sa kaniyang tabi. “Kumusta ka na?” “Nilagyan kita ng kumot para hindi ka lamigin.” Napahiya si Kiko sa ginawa ni Pipoy. Agad siyang bumangon at nag-umpisang maghakot ng bato. Isa-isang inilagay ito sa kabilang dulo ng tulay na kahoy habang si Pipoy ay abala sa kabilang dulo. Madilim na rin nang matapos ang kanilang ginagawa. Masayang pinanood ng bagong magkaibigan ang kanilang mga kabaryo na masayang tumatawid sa bagong tulay na kahoy na kanilang ginawa.
  • 160. DRAFT April 10, 2014 32 Sagutin ang mga tanong na nasa loob ng bawat kahon upang makasulat ng maikling buod ng kuwento nina Pipoy at Kiko. Ang buod ng talata ay _____________________. Pumili at bumasa ng isang kuwento. Gamitin ang format na nasa ibaba sa pagbuo at pagsulat ng buod nito. Si __________... Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Nais niyang __________... Ano ang suliranin sa kuwento? Kaya __________... Ano ang ginawa niya upang malutas ito? Ngunit __________... Ano ang nangyari sa kaniyang naisip na solusyon? Kaya __________... Ano ang sumunod na nangyari? Sa wakas __________... Ano ang katapusan ng kuwento?
  • 161. DRAFT April 10, 2014 33 Basahin muli ang kuwentong “Tulay na Kahoy” upang madugtungan nang wasto ang sumusunod na parirala. 1. Ang kuwento ay tungkol sa __________________. 2. Ang tulay ay para sa ________________. 3. Ayon kay ____________________. Buhat sa kuwento ng magkaibigang Pipoy, sumulat ng dalawang pangungusap gamit ang mga pang-ukol na natutuhan. Ang pang-ukol ay ___________________. Ito ay ang sumusunod _______________________. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa isang nasaksihang pangyayari. Guhitan ang mga pang-ukol na ginamit. Pamagat Unang Detalye Pangalawang Detalye Pangatlong Detalye Paksa
  • 162. DRAFT April 10, 2014 34 Basahin ang “Tulay na Kahoy.” Sino ka sa dalawang magkaibigan? Nasa susunod na pahina ang graph na nagpapakita ng iba’t ibang paraan kung paano tayo makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Pag-aralan ito upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Pagtulong sa Pagpapaunlad ng Bansa Mga Paraan Bilang ng mga Nagsipagsagot Pag-aaral nang mabuti Pagtitipid Pagtatanim ng puno Pangangalaga sa kalikasan Pagiging laging handa Pangangalaga sa kalusugan
  • 163. DRAFT April 10, 2014 35 1. Anong paraan ang gagawin ng pinakamaraming babae? 2. Anong paraan ang kakaunti ang lalaking gagawa? 3. Aling paraan ang may pinakakaunti ang gagawa? 4. Ilan ang magtatanim ng puno? 5. Ilang babae ang mangangalaga sa kalikasan? 6. Ilang lalaki at babae ang mag-aaral nang mabuti? Natutuhan ko na __________. Sumulat ng dalawa hanggang apat na pangungusap tungkol sa natutuhan mo sa graph na pinag-aralan. Ang pagkakaroon ng isang panatag na buhay ay pangarap ng bawat isa. Ang ating pag-aaral ay isa sa mga susi upang pagdating ng araw makapaghanapbuhay tayo at matugunan ang ating mga pangangailangan. Basahin natin ang liham ni Marisa na nagsasabi kung paano niya nais matupad ang mga pangarap niya sa buhay.
  • 164. DRAFT April 10, 2014 36 Pebrero 3, 2013 G. Nardo Cruz Personnel Officer FBC Publishing House 243 Rosal St. Mandaluyong City Mahal na G. Cruz: Nabasa ko po sa bulletin board ng aming paaralan ang inyong panawagan sa mga nagnanais na maging scholar ng inyong kumpanya. Sumulat po ako upang ipahayag ang aking pagnanais na makapagpatuloy ng aking pag-aaral sa pamamagitan ng tulong pinansyal na ibibigay ninyo kung sakaling ako ay matanggap. Kalakip po nito ang aking bio data na nagsasaad ng aking mga kakayahan at katangian na hinahanap ng inyong kumpanya. Salamat po. Lubos na gumagalang, Marissa Santer Aplikante Gamitin ang organizer upang ihambing ang binasang liham sa isinulat ni Danika sa kaniyang kaibigan na si Vans. Pagkakaiba Pagkakatulad
  • 165. DRAFT April 10, 2014 37 Natutuhan ko sa aralin na ______________________. Pumili at magbasa ng dalawang magkaibang kuwento. Paghambingin ang mga ito gamit ang organizer na ito. Basahin muli ang liham na ginawa ni Marisa. Sumulat ng pangungusap sa bawat kahon gamit ang mga pang-ukol na natutuhan. Kuwento 1: ________________________ Kuwento 2 : ________________________ Pagkakatulad Pagkakaiba
  • 166. DRAFT April 10, 2014 38 Ang mga pang-ukol ay ______________________. Gumupit ng dalawang larawan na nagpapakita ng paraan kung paano magiging panatag ang iyong buhay. Sumulat ng isang pangungusap sa bawat larawan na idinikit sa notebook. Bilugan ang pang-ukol na ginamit. Basahin ang liham ni Marisa. Pansinin kung paano ito isinulat. Sumulat ng isang liham na katulad ng ginawa ni Marisa. Ang liham pangangalakal ay ______________________. Ito ay may mga bahagi tulad ng ________________________. Sa pagsulat nito, kailangang __________________________. Muling isulat ang liham na binigyang-puna ng iyong guro.