SlideShare a Scribd company logo
D
EPED
C
O
PY
3
Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,
at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Art
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Yunit 1
D
EPED
C
O
PY
Music, Art, Physical Education and Health – Ikatlong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog
Unang Edisyon, 2014
ISBN: 978-621-402-032-4
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang
8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito
ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng
Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan
sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Rex Bookstore, Inc.
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address:	 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex
	 Meralco Avenue, Pasig City
	 Philippines 1600		
Telefax:	 (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address:	 imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Mga Manunulat: Music – Amelia M. Ilagan, Maria Elena D. Digo, Mary Grace V. Cinco, Fely A.
Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor, Fe V. Enguero, Josephine Chonie M.
Obseñares, Arthur M. Julian; Art – Cynthia T. Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro,
Vi-Cherry C. Ledesma, Larry Canor, Nelson Lasagas; P.E. – Voltair V. Asildo, Rhodora B.
Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G.
Crisostomo, Virginia T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr.; Health – Rizaldy R. Cristo, Minerva C.
David, Aidena Nuesca, Jennifer E. Quinto, Gezyl G. Ramos, Emerson O. Sabadlab
Mga Konsultant: Music – Myrna T. Parakikay; Art – Charo Defeo-Baquial; P.E. – Salve A. Favila,
PhD, Lordinio A. Vergara, Rachelle U. Peneyra
Mga Tagasuri: Music – Chita E. Mendoza, Victorina E. Mariano, Narcie Fe M. Solloso; Art – Rosel
Valenzuela, Juan Gepullano; P.E. – Francisco J. Gajilomo Jr., Sonny F. Meneses Jr.; Health
– Mark Kenneth S. Camiling
Mga Tagasalin: Music, Art, P.E. – Fe V. Enguero; Art – Arlina I. Lagrazon; P.E. – Rhodora B. Peña;
Health – Minerva David; Agnes G. Rolle (Lead Person)
Mga Tagaguhit: Fermin M. Fabella, Eric S. de Guia Gerardo G. Lacdao, Raemon C. Dela Peña
Mga Tagatala: Music – Phoebe Kay B. Dones; Art – Arvin Fernandez; P.E. – Bryan Simara, Leo
Simara; Health – Danica Nicole G. Baña			
Mga Tagapamahala: Marilyn D. Dimaano, PhD, Marilette R. Almayda, PhD Music – Maria Blesseda
Alfonso Cahapay; Art – Marilou Gerero-Vispo; P.E. – Jenny Jalandoni Bendal; Health –
Nerisa Marquez Beltran
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
iv		.			.			.	ntempanetre		.					.			.			.			.	
	 	 . 	
	 	 . 	
	 	 .	
ART
Yunit 1 – Pagguhit
Aralin 1	 :	 Uri ng Linya at ang Katangian Nito............ 	112
Aralin 2	 :	 Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan.......... 	116
Aralin 3	 :	 Ilusyon ng Espasyo....................................... 	119
Aralin 4	 :	 Teksturang Biswal.......................................... 	123
Aralin 5	 :	 Pagguhit ng Tanawin................................... 	127
Aralin 6	 :	 Tekstura at Hugis........................................... 	130
Aralin 7	 :	 Pagguhit Gamit ang Lapis
		 o Anumang Uring Panulat........................... 	133
Aralin 8	 :	 Pagguhit ng mga Makasaysayang
		 Bahay at Gusali............................................ 	137
Talaan ng Nilalaman
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
Yunit 1
Pagguhit
Art
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
112
ARALIN
1
Uri ng Linya
at ang Katangian Nito
Layunin
Nakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ng
paggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng
mga ito.
Pag-isipan Mo Ito
Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na
pinagkabit o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya, tuwid at
pakurba. Ang tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis,
at putol-putol. Ang pakurbang linya ay maaaring paalon-alon at
paikot. Ang isang linya ay maaaring makapal, manipis, malawak,
at makitid.
Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng hugis na
parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
113
Maging Malikhain
Gawain 1
Paggawa ng Pambalot ng Regalo
Mga Kagamitan:	 oslo paper, lapis, krayola, pastel colors, ruler
Pamamaraan:
1.	 Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing ito.
2.	 Umisip ng disenyo na maaaring gawing pambalot ng regalo.
3.	 Pagsama-samahin ang iba’t ibang uri ng mga linya para sa
iyong disenyo.
4.	 Kulayan ang iyong ginawa para ito’y maging kaakit-akit.
5.	 Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang sining.
Tandaan
Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at
makabuluhan ang kaniyang likhang sining gamit ang iba’t
ibang uri ng linya.
	
Subukin Mo
Gawain 2
Malikhaing Paggawa ng Bag na Papel
Mga Kagamitan:	 papel na may kulay, glue, pambalot ng regalo,
glitters, pangkulay, mga pananda
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
114
Pamamaraan:
1.	 Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na 9.5 x
15 pulgada.
2.	 Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi.
	 (Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.)
3.	 Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid
pababa.
4.	 Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2
pulgada at muli itong itupi nang patusok.
5.	 Ituping muli ang dalawang gilid paloob upang lumikha ng
isang akordiyon.
6.	 Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito.
7.	 Gawin ang magkabilang hawakan.
8.	 Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na bag.
9.	 Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang.
10.	 Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang glitters,
pangkulay, at iba pang pananda.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
115
Ipagmalaki Mo
Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang malaman ang
kakayahan mo sa paglikha ng paper bag. Lagyan ng tsek (4)
ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan
ISKOR
Kitang-
kita
5
Kita
3
Hindi
Kita
1
1.	 Ang aking likhang sining ay kakaiba
at malikhain.
2.	 Ang mga uri ng linya at katangian
nito ay nagamit ko sa aking ginawa.
3.	 Ang mga disenyong geometric ay
ginamit ko rin sa aking sining.
4.	 Natapos ko ang aking ginawa nang
tama sa oras.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
116
ARALIN
2
Iba’t Ibang Laki
ng Tao sa Larawan
Layunin
Nakikita ang pagkakaiba-iba ng laki ng mga tao sa larawan
upang malaman ang distansiya nito sa tumitingin
Pag-isipan Mo Ito
Sa larawan, ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita
nito ang distansiya ng tumitingin. Maliit tingnan kung ito ay
malayo sa tumitingin at malaki naman kung ito ay malapit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
117
Tandaan
Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay
iginuguhit nang malaki at maliit naman kung ito ay malayo.
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Iba’t Ibang Tao sa Larawan
Mga Kagamitan:	 lapis, bond paper, krayola
Pamamaraan:
1.	 Umisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa sakahan o
taniman.
2.	 Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang laki
ayon sa layo o distansiya ng tumitingin.
3.	 Kulayan ang iyong iginuhit.
4.	 Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na
likhang-sining.
5.	 Ipakita mo ito sa iyong mga kaklase at isalaysay ang tungkol
sa iyong iginuhit na larawan.
Pamagat
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
118
Ipagmalaki Mo
Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) kung ito ay iyong
nagawa at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang
papel.
Pamantayan /
1.	 Nakagawa ako ng iba’t ibang laki ng tao sa
komposisyon ayon sa distansiya o layo nito sa
tumitingin.
2.	 Nakagawa ako nang maayos at malinis.
3.	 Nalagyan ko ng angkop na pamagat ang
aking ginawa.
4.	 Nakaramdam ako ng pagmamalaki at
kasiyahan habang ginagawa ko ito.	
5.	 Nakatapos ako nang tama sa oras.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
119
ARALIN
3 Ilusyon ng Espasyo
Layunin
Naipakikita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga
bagay at mga tao na may iba’t ibang laki o sukat
Pag-isipan Mo Ito
Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o
teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya, lalim, at
lawak sa kaniyang likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin
ang isang bagay, maliit itong tingnan. Malaki naman kung ito’y
malapit sa tumitingin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
120
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Isang Pamayanan
Mga Kagamitan:	 lapis, bond paper, krayola
Pamamaraan:
1.	 Lumabas ng silid-aralan at humanap ng isang lugar na
makikita ang palibot ng iyong paaralan.
2.	 Ihanda ang mga kagamitan.
3.	 Gumuhit ng pahigang linya sa bond paper.
4.	 Maglagay ng tuldok sa gitna, kaliwa, o kanang bahagi ng
papel.
5.	 Mula sa tuldok, gumuhit ng dalawang pahilis na linya pababa
upang lumikha ng isang daan ng pamayanan.
6.	 Gumuhit muli ng dalawang pahilis na linya sa ibabaw ng
guhit-tagpuan upang maging gabay sa pagguhit ng mga
tao at iba pang bagay na matatagpuan sa paaralan.
7.	 Tiyaking maiguhit nang mas malaki ang mga bagay na
malapit sa tumitingin kaysa sa mga bagay na malayo sa
tumitingin.
8.	 Kulayan at lagyan ng angkop na pamagat ang iyong
ginawa.
9.	 Maging malikhain sa paggawa ng iyong sining.
Tandaan
Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan
upang maging makahulugan ang isang likhang sining.
Sa pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga
bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman kung ang
mga ito ay malayo sa tumitingin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
121
Subukin Mo
Gawain 2
Pamamaraan:
Lagyan ng tsek (4) ang patlang sa bawat bilang kung ang
larawan ay nagpapakita ng ilusyon ng espasyo. Gawin ito sa
sagutang papel.
1.	_____	 2.	_____
3.	_____	 4.	_____
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
122
Ipagmalaki Mo
Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga
tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng ( ) bituin kung
ikaw ay nakagawa nang maayos at ( ) bilog kung hindi.
Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan
1.	 Naiguhit ko ba ang mga bagay na
matatagpuan sa aming pamayanan?
2.	 Naiguhit ko ba nang tama at maayos ang
mga bagay ayon sa layo o distansiya ng
tumitingin upang maipakita ang ilusyon ng
espasyo?
3.	 Nakagamit ba ako ng tamang kulay upang
maging kaakit-akit ang aking likhang sining?
4.	 Nagawa ko ba ang aking likhang sining nang
malinis at tama sa takdang oras?
5.	 Nakadama ba ako ng kasiyahan sa aking
pagguhit?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
123
ARALIN
4 Teksturang Biswal
Layunin
Napahahalagahan na ang isang pintor ay nakalilikha ng
teksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok, at kulay upang
bigyang buhay ang kaniyang likhang sining
Pag-isipan Mo Ito
Ang still life drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita
ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang
buhay. Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal
gamit ang cross hatch lines at pointillism upang maging
makatotohanan ang tekstura ng kaniyang likhang sining. Ang
cross hatch lines ay tanda ng dalawa o higit pang intersecting
parallel lines. Ang pointillism naman ay ang paglalagay ng maliliit
na tuldok upang makabuo ng larawan.
Ang mga mata natin ang tanging nakaaalam ng teksturang
biswal sapagkat hindi ito maaaring hipuin o maramdaman.
Nakikita natin ang kaibahan ng tekstura ng isang bagay sa
larawan sa pamamagitan nang masusing pagtingin dito.
Cross Hatching and Pointillism
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
124
Maging Malikhain
Gawain 1
Still Life Drawing na Ginagamitan ng
Cross Hatch Lines at Pointillism
Mga Kagamitan:	 lapis, colored pencils, bond paper
Pamamaraan:
1.	 Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.
2.	 Ayusin ang mga bagay na iguguhit (hal. iba’t ibang uri ng
prutas, mga bote, atbp.) sa tamang pagkakahanay upang
gamiting modelo.
3.	 Gumamit ng lapis sa pagguhit.
4.	 Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin, cross
hatch lines o pointillism, para makita ang tekstura ng mga
bagay na iguguhit. Gumamit ng isang teknik lamang.
5.	 Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.
6.	 Lagyan ng pamagat ang iyong natapos na likhang sining.
Pamagat
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
125
Ang teksturang biswal ay mapapansin lamang sa
pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay.
Hindi ito nahihipo o nararamdaman.
Tandaan
Subukin Mo
Pamamaraan:	
Umisip ng isang hayop na lumilipad o lumalangoy. Iguhit ito
at gamitan ng mga cross hatch lines at pointillism para makita
ang teksturang biswal. Gamitin mo ang iyong imahinasyon sa
pagguhit. Gawin ito sa bond paper.
Ipagmalaki Mo
Lagyan ng bituin ( ) ang bilog kung ang iyong sagot ay oo
at buwan ( ) kung hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito
sa sagutang papel.
1.	 Gumamit ba ako ng cross hatch lines at
pointillism sa aking iginuhit?
		
Bakit?_______________________________________
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
126
2.	 Naging malikhain ba ako sa paggawa ng
aking likhang sining?
Paano?_____________________________________
3.	 Gumamit ba ako ng mga linya at kulay para
makalikha ng teksturang biswal sa aking
iginuhit?
Paano?_____________________________________
4.	 Napahahalagahan ko ba ang aking
ginawang sining at gawa ng iba?
Paano?_____________________________________
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
127
ARALIN
5 Pagguhit ng Tanawin
Layunin
Nasasabi na sa isang larawan ng tanawin, ang harapang
bahagi ang pinakamalapit; ang mga bagay na kasunod
nito ang gitnang bahagi, at ang bahaging likuran ang
pinakamalayo
Pag-isipan Mo Ito
Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay sa
larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin.
Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin ay
malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang dahil
malayo ito sa lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga bagay ay
nasa pagitan ng harapan at likuran.
Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng
harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
128
Maging Malikhain
Pagguhit ng Tanawin
1.	 Umisip ng magandang tanawin sa inyong lugar na gusto
mong iguhit.
2.	 Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa
iguguhit.
3.	 Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng sumusunod:
harapan, gitna, at likuran.
4.	 Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang
balance sa kaayusan ng larawan.
5.	 Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat.
Tandaan
Mayroong balance sa kaayusan ng larawan kapag
may harapan, gitna, at likurang bahagi.
Subukin Mo
Ituro ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng sumusunod
na larawan.
1.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
129
2.
Ipagmalaki Mo
Lagyan ng masayang mukha () kung oo ang iyong
kasagutan at malungkot na mukha () kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.
1.	 Naiguhit ko ba ang harapan, gitna, at likurang
bahagi ng larawan upang maipakita ang
timbang?
2.	 Naiguhit ko ba ang tanawing matatagpuan sa
aming rehiyon?
3.	 Naipagmamalaki ko ba ang aking naiguhit na
tanawin sa pamamagitan ng pagpapakita nito
sa iba?
4.	 Natapos ko ba sa oras ang aking likhang sining?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
130
ARALIN
6 Tekstura at Hugis
Layunin
Nakaguguhit ng halaman, bulaklak, o puno na nagpapakita
ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit ang
lapis o itim na krayola o bolpen
Pag-isipan Mo Ito
Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na
iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang
simple ngunit maganda. Samantalang ang pagpipinta o drawing
ay kalimitang tapos at nagpapakita ng buong larawan ng isang
tagpo o paksa at nangangailangan ng maraming biswal na
detalye.
Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay
mahalaga. Ang tekstura ay isang elemento ng sining na
naglalarawan ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang
pisikal. Ang hugis naman ay naglalarawan sa pisikal na porma ng
isang bagay.
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Halaman, Bulaklak, o Puno
Mga Kagamitan:	 bond paper, itim na krayola, lapis, recycled na
karton
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
131
Pamamaraan:
1.	 Humanap ng isang halaman, bulaklak, o puno na gusto
mong iguhit.
2.	 Iguhit at ipinta ang mga detalye nito.
3.	 Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch lines.
4.	 Kulayan ito at pagandahin pa.
5.	 Ipakita mo ang iyong ginawa sa klase at ibahagi ang iyong
naramdaman habang ginagawa mo ang iyong likhang
sining.
Tandaan
Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa
ng mga sketches. Ang sketch ay hindi kongkretong
likhang sining. Kulang ito sa detalye at kulay. Ito ay
nagsisilbing gabay ng isang pintor para makabuo ng isang
kongkretong likhang-sining.
Subukin Mo
Pamamaraan:
Gumawa ng sketch ng isang bagay na makikita sa loob ng
silid-aralan.
			
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
132
Ipagmalaki Mo
Bigyan ng marka ang iyong ginawa batay sa pamantayan sa
ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan
ISKOR
3
Kitang-
kita
2
Kita
1
Hindi kita
1.	 Gumuhit ako ng isang likas
na bagay na makikita sa
labas ng silid-aralan.
2.	 Gumawa ako ng sketch
ng isang bagay upang
matapos ko ang aking
likhang sining.
3.	 Ang tekstura at hugis ay
ginamit ko sa aking drawing.
4.	 Ibinahagi ko sa aking
mga kaklase ang aking
nadarama habang ako’y
gumagawa.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
133
ARALIN
7
Pagguhit Gamit ang Lapis
o Anumang Uring Panulat
Layunin
Gamit ang lapis o anumang uri ng panulat, lumikha ng isang
larawan na magpapakita ng mga hanapbuhay sa isang
probinsiya o rehiyon sa pamamagitan ng kanilang pang-
araw-araw na gawain. Ilarawan ang pamumuhay ng mga
tao sa isang pamayanan
Pag-isipan Mo Ito
Ang trabaho o hanapbuhay ay mahalaga upang ang
bawat mamamayan ay kumita ng pera para sa ikabubuhay ng
kaniyang sarili at pamilya.
Ang bawat probinsiya o rehiyon sa ating bansa ay may
natatanging hanapbuhay o trabaho na angkop sa uri ng klima,
topograpiya, at kultura ng isang lugar.
Narito ang ilang uri ng trabaho o hanapbuhay sa Pilipinas.
	 Paglililok sa Paete, Laguna	 Paglalala sa Aklan
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
134
	 Paggawa ng Banga sa Ilocos	 Pagpipinta sa Angono, Rizal
(Source: En.wikipedia.org; stella-arnaldo.blogspot.com; rizalprovince.ph)
Maging Malikhain
Gawain 1
Pangkatang Gawain
Mga Kagamitan:	 lapis o pen, krayola o iba pang pangkulay,
manila paper
Pamamaraan:
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng activity card at
pagkatapos ng limang minutong talakayan at paghahanda,
ipakikita ng mga miyembro ng bawat pangkat ang kanilang
ginawa.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
135
Alamin ng bawat
miyembro ang mga
gawain o hanapbuhay
ng mga tao sa kanilang
lugar.
Pag-usapan ang mga
gawain o trabaho na
ginagawa sa kanilang
lugar.
Ipaliliwanag ng lider sa
klase ang kanilang
ginawang mga larawan.
Sumulat ng maikling
awitin na may
kaugnayan sa
hanapbuhay o trabaho
at lapatan ng tono mula
sa alinmang awitin.
Pumili ng tatlong
hanapbuhay na gusto
ninyong ipinta.
Pumili ng lider na
magpapakita ng output
sa klase.
Ipakita sa harap ng klase
ang nabuong awit na
nilapatan ng kilos.
Ang bawat miyembro
ng pangkat ay
magtutulong-tulong
upang maiguhit nang
maganda at malagyan
ng kaakit-akit na kulay
ang mga ito.
Pangkat 2
Pangkat 1
Gawain 2
Gumuhit ng isang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa
iyong probinsiya o rehiyon. Gawin ito sa bond paper gamit ang
lapis o anumang panulat.
Tandaan
Ang paglililok, paglalala, pagpipinta, paggawa ng
banga at mga basket, pag-aanluwage, at iba pa ay mga
uri ng trabaho o hanapbuhay sa ating bansa na dapat
kilalanin at ipagmalaki. Malaking bahagi ng ikinabubuhay
ng tao ay galing dito.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
136
Ipagmalaki Mo
Pamamaraan:
Bigyan mo ng iskor ang iyong pangkat gamit ang
pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan
ISKOR
Kitang-
kita
3
Kita
2
Hindi kita
1
1.	 Nagbahagi ng kaalaman
ang bawat miyembro ng
aming pangkat.
2.	 Napanatili naming malinis at
maayos ang lugar na aming
pinaggawaan.
3.	 Nakabuo kami ng larawan
ng mga hanapbuhay sa
aming lugar gamit ang lapis
at iba pang panulat.
4.	 Nakinig kami at nagbigay
respeto sa ideya at gawa ng
iba.
5.	 Ipinagmamalaki namin ang
mga hanapbuhay sa aming
rehiyon o lugar.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
137
ARALIN
8
Pagguhit ng mga Makasay-
sayang Bahay at Gusali
Layunin
Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o gusali
gamit ang foreground, middle ground at background
Pag-isipan Mo Ito
Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis
sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan
ang paggamit ng foreground, middle ground, at background.
Ang foreground ay ang unahang bahagi ng larawan. Malapit
ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay
mukhang malaki. Ang background naman ay ang bahaging
likuran ng isang larawan. Ang middle ground ay makikita sa
pagitan ng foreground at background ng tanawin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
138
Maging Malikhain
Gawain 1
Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali
Mga Kagamitan:	 krayola, lapis, bond paper
Pamamaraan:
1.	 Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali sa inyong
probinsiya o lugar.
2.	 Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali gamit ang
iba’t ibang uri ng linya at hugis.
3.	 Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo.
4.	 Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa foreground,
middle ground, at background.
5.	 Lagyan ito ng kulay at ipaskil sa pisara.
Subukin Mo
Tukuyin kung foreground, middle ground, o background ang
itinuturo sa larawan. Isulat sa patlang ang sagot.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D
EPED
C
O
PY
139
Tandaan
Makaguguhit tayo ng isang larawan ng
makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang
linya at hugis na may foreground, middle ground, at
background upang higit na maging maganda ang ating
iginuhit na larawan.
Ipagmalaki Mo
Pagmasdan muli ang natapos mong sining. Sagutin ang mga
tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng puso ( ) kung Oo
at tatsulok ( ) kung hindi.
Gawin ito sa sagutang papel.
1.	 Napanatili ko ba ang balanse sa aking sining
sa paglalagay ng foreground, middle ground,
at background?
2.	 Naiangkop ko ba ang paggamit ng mga
hugis, linya, at kulay sa aking ginawa?
3.	 Nagawa ko ba itong kakaiba at maganda?
4.	 Napanatili ko ba itong malinis at maayos?
5.	 Nakaramdam ba ako ng kasiyahan o
pagmamalaki sa aking ginawa?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

More Related Content

PDF
Nat examiner's handbook grade 6 2015
PDF
Program for investiture 2016 tagalog version
PDF
3 arts lm q1
PDF
ENGLISH 3 QUARTER 4 LM
PPTX
Properties of Matter
PDF
Grade 3 Filipino Teachers Guide
PPTX
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
PDF
English 3 lm quarter 1
Nat examiner's handbook grade 6 2015
Program for investiture 2016 tagalog version
3 arts lm q1
ENGLISH 3 QUARTER 4 LM
Properties of Matter
Grade 3 Filipino Teachers Guide
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
English 3 lm quarter 1

What's hot (20)

PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
PDF
Agriculture EPP5
PDF
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)
PDF
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
PPTX
Pictograph Filipino 3
PDF
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
DOCX
Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan
PDF
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
PPTX
Science Grade 3 1st Quarter Week 1 Lesson 1
PDF
Grade 3 EsP Learners Module
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN PE
PPTX
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
PDF
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
PDF
Grade 3 Music LM Tagalog
PDF
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
PDF
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS
PDF
Grade 3 Filipino Learners Module
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
Agriculture EPP5
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
Pictograph Filipino 3
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
Science Grade 3 1st Quarter Week 1 Lesson 1
Grade 3 EsP Learners Module
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN PE
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
Grade 3 Music LM Tagalog
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS
Grade 3 Filipino Learners Module
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS
Ad

Viewers also liked (20)

PDF
Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
PDF
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
PDF
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
DOCX
Music gr.3 tagalog q1
PPTX
Land forms
PDF
MAPEH P.E. 3 Learner's Manual
PDF
Ekonomiks Teaching Guide Part 1
PDF
Bec pelc sining
PPTX
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)
PPT
Fil 2112
PDF
Ekonomiks 10 (Unit Two)
PPTX
Anyong lupa
PDF
AP curriculum guide (as of january 2012)
PPTX
Aralin Panlipunan 6 - Produksyon
PPTX
Mga anyong lupa
PPT
English year 1
PPTX
elemento ng sining
PPTX
Elastisidad ng Suplay
PPTX
Mga kagamitan sa pananahi
PPTX
Mga organisasyon ng negosyo
Aralingpanlipunan 140307121114-phpapp02
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Music gr.3 tagalog q1
Land forms
MAPEH P.E. 3 Learner's Manual
Ekonomiks Teaching Guide Part 1
Bec pelc sining
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)
Fil 2112
Ekonomiks 10 (Unit Two)
Anyong lupa
AP curriculum guide (as of january 2012)
Aralin Panlipunan 6 - Produksyon
Mga anyong lupa
English year 1
elemento ng sining
Elastisidad ng Suplay
Mga kagamitan sa pananahi
Mga organisasyon ng negosyo
Ad

Similar to Art 3 lm tagalog yunit 1 (20)

PDF
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
PDF
Filipino lm yunit 2
PDF
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
PDF
AP-Q1.pdf
PDF
Araling Panlipun 6 K-12 Teacher's Guide Q1
PDF
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
PDF
Arts 5_Q3_Mod4_Paglilimbag-Gamit-ang-Ibat-Ibang-Kulay.pdf
PDF
Arts5 q1-lc2 (angat district)
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
PDF
ESP 6 K-12 Teacher's Guide (Quarter 1)
PDF
Filipino 10 Unit 2 LM
PDF
Gr. 2 es p lm
PDF
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN EPP (Q1-Q4)
DOCX
MAPEH5-Q3W3 FINAL.docx
PDF
Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 -3rd Quarter.pdf
DOCX
weekly lesson plan
PDF
Filipino 10 learning material
PDF
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
PDF
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891
PDF
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Grade 10 Filipino Learners Material (Unit 2)
Filipino lm yunit 2
Filipino 2 Tagalog Unit 1 Learner's Material.pdf
AP-Q1.pdf
Araling Panlipun 6 K-12 Teacher's Guide Q1
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
Arts 5_Q3_Mod4_Paglilimbag-Gamit-ang-Ibat-Ibang-Kulay.pdf
Arts5 q1-lc2 (angat district)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
ESP 6 K-12 Teacher's Guide (Quarter 1)
Filipino 10 Unit 2 LM
Gr. 2 es p lm
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN EPP (Q1-Q4)
MAPEH5-Q3W3 FINAL.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 -3rd Quarter.pdf
weekly lesson plan
Filipino 10 learning material
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892

More from jennifer Tuazon (13)

DOCX
PDF
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
PDF
Filipino 140705062755-phpapp01
PDF
Esp 140705070733-phpapp01
PDF
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
PDF
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
PDF
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02
PDF
Art 3-tg-draft-4-22-2014
PDF
Ap 3-tg-draft-4-10-2014
PDF
Science 3-tg-draft-4-10-2014
PDF
Lm science3
PDF
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
PDF
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02
Filipino 3-tg-draft-4-10-2014
Filipino 140705062755-phpapp01
Esp 140705070733-phpapp01
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02
Art 3-tg-draft-4-22-2014
Ap 3-tg-draft-4-10-2014
Science 3-tg-draft-4-10-2014
Lm science3
English3tgquarter1 140526103047-phpapp02
English3lmquarter1 140527185728-phpapp02

Recently uploaded (20)

PPTX
APTek 10-Yunit 1-Aralin 5 cbdrrm ppt.pptx
PPTX
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
PPTX
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
Kabihasnang Aztec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
PPTX
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
PPTX
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
PPTX
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
PPTX
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
PPTX
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
PPTX
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
PPTX
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8
PPTX
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx
PPTX
Aral Pan 6 Kasunduan sa Biak na Bato.pptx
PPTX
FILIPINO8 Q1 3(b) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng sanaysay.pptx
PPTX
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
PPTX
ANG PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT IN VALUES 8
PPTX
Q1-BAITANG 4_PANGNGALAN AT KAYARIAN NITO.pptx
DOCX
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
PPTX
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
APTek 10-Yunit 1-Aralin 5 cbdrrm ppt.pptx
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
Kabihasnang Aztec Credits to Maam Eve PPT
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT PRESENTATION IN VALUES EDUCATION 8
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx
Aral Pan 6 Kasunduan sa Biak na Bato.pptx
FILIPINO8 Q1 3(b) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng sanaysay.pptx
FILIPINO8 Q1 3 (d) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika .pptx
ANG PAYAK NA PAMUMUHAY POWER POINT IN VALUES 8
Q1-BAITANG 4_PANGNGALAN AT KAYARIAN NITO.pptx
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx

Art 3 lm tagalog yunit 1

  • 1. D EPED C O PY 3 Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Art All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. Yunit 1
  • 2. D EPED C O PY Music, Art, Physical Education and Health – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-621-402-032-4 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Rex Bookstore, Inc. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Manunulat: Music – Amelia M. Ilagan, Maria Elena D. Digo, Mary Grace V. Cinco, Fely A. Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor, Fe V. Enguero, Josephine Chonie M. Obseñares, Arthur M. Julian; Art – Cynthia T. Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro, Vi-Cherry C. Ledesma, Larry Canor, Nelson Lasagas; P.E. – Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G. Crisostomo, Virginia T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr.; Health – Rizaldy R. Cristo, Minerva C. David, Aidena Nuesca, Jennifer E. Quinto, Gezyl G. Ramos, Emerson O. Sabadlab Mga Konsultant: Music – Myrna T. Parakikay; Art – Charo Defeo-Baquial; P.E. – Salve A. Favila, PhD, Lordinio A. Vergara, Rachelle U. Peneyra Mga Tagasuri: Music – Chita E. Mendoza, Victorina E. Mariano, Narcie Fe M. Solloso; Art – Rosel Valenzuela, Juan Gepullano; P.E. – Francisco J. Gajilomo Jr., Sonny F. Meneses Jr.; Health – Mark Kenneth S. Camiling Mga Tagasalin: Music, Art, P.E. – Fe V. Enguero; Art – Arlina I. Lagrazon; P.E. – Rhodora B. Peña; Health – Minerva David; Agnes G. Rolle (Lead Person) Mga Tagaguhit: Fermin M. Fabella, Eric S. de Guia Gerardo G. Lacdao, Raemon C. Dela Peña Mga Tagatala: Music – Phoebe Kay B. Dones; Art – Arvin Fernandez; P.E. – Bryan Simara, Leo Simara; Health – Danica Nicole G. Baña Mga Tagapamahala: Marilyn D. Dimaano, PhD, Marilette R. Almayda, PhD Music – Maria Blesseda Alfonso Cahapay; Art – Marilou Gerero-Vispo; P.E. – Jenny Jalandoni Bendal; Health – Nerisa Marquez Beltran All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 3. D EPED C O PY iv . . . ntempanetre . . . . . . . . ART Yunit 1 – Pagguhit Aralin 1 : Uri ng Linya at ang Katangian Nito............ 112 Aralin 2 : Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan.......... 116 Aralin 3 : Ilusyon ng Espasyo....................................... 119 Aralin 4 : Teksturang Biswal.......................................... 123 Aralin 5 : Pagguhit ng Tanawin................................... 127 Aralin 6 : Tekstura at Hugis........................................... 130 Aralin 7 : Pagguhit Gamit ang Lapis o Anumang Uring Panulat........................... 133 Aralin 8 : Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali............................................ 137 Talaan ng Nilalaman All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 4. D EPED C O PY Yunit 1 Pagguhit Art All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 5. D EPED C O PY 112 ARALIN 1 Uri ng Linya at ang Katangian Nito Layunin Nakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng mga ito. Pag-isipan Mo Ito Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na pinagkabit o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya, tuwid at pakurba. Ang tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis, at putol-putol. Ang pakurbang linya ay maaaring paalon-alon at paikot. Ang isang linya ay maaaring makapal, manipis, malawak, at makitid. Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng hugis na parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 6. D EPED C O PY 113 Maging Malikhain Gawain 1 Paggawa ng Pambalot ng Regalo Mga Kagamitan: oslo paper, lapis, krayola, pastel colors, ruler Pamamaraan: 1. Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing ito. 2. Umisip ng disenyo na maaaring gawing pambalot ng regalo. 3. Pagsama-samahin ang iba’t ibang uri ng mga linya para sa iyong disenyo. 4. Kulayan ang iyong ginawa para ito’y maging kaakit-akit. 5. Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang sining. Tandaan Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at makabuluhan ang kaniyang likhang sining gamit ang iba’t ibang uri ng linya. Subukin Mo Gawain 2 Malikhaing Paggawa ng Bag na Papel Mga Kagamitan: papel na may kulay, glue, pambalot ng regalo, glitters, pangkulay, mga pananda All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 7. D EPED C O PY 114 Pamamaraan: 1. Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na 9.5 x 15 pulgada. 2. Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi. (Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.) 3. Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid pababa. 4. Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2 pulgada at muli itong itupi nang patusok. 5. Ituping muli ang dalawang gilid paloob upang lumikha ng isang akordiyon. 6. Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito. 7. Gawin ang magkabilang hawakan. 8. Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na bag. 9. Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang. 10. Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang glitters, pangkulay, at iba pang pananda. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 8. D EPED C O PY 115 Ipagmalaki Mo Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang malaman ang kakayahan mo sa paglikha ng paper bag. Lagyan ng tsek (4) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan ISKOR Kitang- kita 5 Kita 3 Hindi Kita 1 1. Ang aking likhang sining ay kakaiba at malikhain. 2. Ang mga uri ng linya at katangian nito ay nagamit ko sa aking ginawa. 3. Ang mga disenyong geometric ay ginamit ko rin sa aking sining. 4. Natapos ko ang aking ginawa nang tama sa oras. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 9. D EPED C O PY 116 ARALIN 2 Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan Layunin Nakikita ang pagkakaiba-iba ng laki ng mga tao sa larawan upang malaman ang distansiya nito sa tumitingin Pag-isipan Mo Ito Sa larawan, ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita nito ang distansiya ng tumitingin. Maliit tingnan kung ito ay malayo sa tumitingin at malaki naman kung ito ay malapit. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 10. D EPED C O PY 117 Tandaan Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay iginuguhit nang malaki at maliit naman kung ito ay malayo. Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Iba’t Ibang Tao sa Larawan Mga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola Pamamaraan: 1. Umisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa sakahan o taniman. 2. Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang laki ayon sa layo o distansiya ng tumitingin. 3. Kulayan ang iyong iginuhit. 4. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na likhang-sining. 5. Ipakita mo ito sa iyong mga kaklase at isalaysay ang tungkol sa iyong iginuhit na larawan. Pamagat All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 11. D EPED C O PY 118 Ipagmalaki Mo Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) kung ito ay iyong nagawa at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan / 1. Nakagawa ako ng iba’t ibang laki ng tao sa komposisyon ayon sa distansiya o layo nito sa tumitingin. 2. Nakagawa ako nang maayos at malinis. 3. Nalagyan ko ng angkop na pamagat ang aking ginawa. 4. Nakaramdam ako ng pagmamalaki at kasiyahan habang ginagawa ko ito. 5. Nakatapos ako nang tama sa oras. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 12. D EPED C O PY 119 ARALIN 3 Ilusyon ng Espasyo Layunin Naipakikita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay at mga tao na may iba’t ibang laki o sukat Pag-isipan Mo Ito Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya, lalim, at lawak sa kaniyang likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin ang isang bagay, maliit itong tingnan. Malaki naman kung ito’y malapit sa tumitingin. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 13. D EPED C O PY 120 Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Isang Pamayanan Mga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola Pamamaraan: 1. Lumabas ng silid-aralan at humanap ng isang lugar na makikita ang palibot ng iyong paaralan. 2. Ihanda ang mga kagamitan. 3. Gumuhit ng pahigang linya sa bond paper. 4. Maglagay ng tuldok sa gitna, kaliwa, o kanang bahagi ng papel. 5. Mula sa tuldok, gumuhit ng dalawang pahilis na linya pababa upang lumikha ng isang daan ng pamayanan. 6. Gumuhit muli ng dalawang pahilis na linya sa ibabaw ng guhit-tagpuan upang maging gabay sa pagguhit ng mga tao at iba pang bagay na matatagpuan sa paaralan. 7. Tiyaking maiguhit nang mas malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin kaysa sa mga bagay na malayo sa tumitingin. 8. Kulayan at lagyan ng angkop na pamagat ang iyong ginawa. 9. Maging malikhain sa paggawa ng iyong sining. Tandaan Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan upang maging makahulugan ang isang likhang sining. Sa pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman kung ang mga ito ay malayo sa tumitingin. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 14. D EPED C O PY 121 Subukin Mo Gawain 2 Pamamaraan: Lagyan ng tsek (4) ang patlang sa bawat bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng ilusyon ng espasyo. Gawin ito sa sagutang papel. 1. _____ 2. _____ 3. _____ 4. _____ All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 15. D EPED C O PY 122 Ipagmalaki Mo Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng ( ) bituin kung ikaw ay nakagawa nang maayos at ( ) bilog kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan 1. Naiguhit ko ba ang mga bagay na matatagpuan sa aming pamayanan? 2. Naiguhit ko ba nang tama at maayos ang mga bagay ayon sa layo o distansiya ng tumitingin upang maipakita ang ilusyon ng espasyo? 3. Nakagamit ba ako ng tamang kulay upang maging kaakit-akit ang aking likhang sining? 4. Nagawa ko ba ang aking likhang sining nang malinis at tama sa takdang oras? 5. Nakadama ba ako ng kasiyahan sa aking pagguhit? All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 16. D EPED C O PY 123 ARALIN 4 Teksturang Biswal Layunin Napahahalagahan na ang isang pintor ay nakalilikha ng teksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok, at kulay upang bigyang buhay ang kaniyang likhang sining Pag-isipan Mo Ito Ang still life drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay. Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal gamit ang cross hatch lines at pointillism upang maging makatotohanan ang tekstura ng kaniyang likhang sining. Ang cross hatch lines ay tanda ng dalawa o higit pang intersecting parallel lines. Ang pointillism naman ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang makabuo ng larawan. Ang mga mata natin ang tanging nakaaalam ng teksturang biswal sapagkat hindi ito maaaring hipuin o maramdaman. Nakikita natin ang kaibahan ng tekstura ng isang bagay sa larawan sa pamamagitan nang masusing pagtingin dito. Cross Hatching and Pointillism All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 17. D EPED C O PY 124 Maging Malikhain Gawain 1 Still Life Drawing na Ginagamitan ng Cross Hatch Lines at Pointillism Mga Kagamitan: lapis, colored pencils, bond paper Pamamaraan: 1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit. 2. Ayusin ang mga bagay na iguguhit (hal. iba’t ibang uri ng prutas, mga bote, atbp.) sa tamang pagkakahanay upang gamiting modelo. 3. Gumamit ng lapis sa pagguhit. 4. Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin, cross hatch lines o pointillism, para makita ang tekstura ng mga bagay na iguguhit. Gumamit ng isang teknik lamang. 5. Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan. 6. Lagyan ng pamagat ang iyong natapos na likhang sining. Pamagat All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 18. D EPED C O PY 125 Ang teksturang biswal ay mapapansin lamang sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Hindi ito nahihipo o nararamdaman. Tandaan Subukin Mo Pamamaraan: Umisip ng isang hayop na lumilipad o lumalangoy. Iguhit ito at gamitan ng mga cross hatch lines at pointillism para makita ang teksturang biswal. Gamitin mo ang iyong imahinasyon sa pagguhit. Gawin ito sa bond paper. Ipagmalaki Mo Lagyan ng bituin ( ) ang bilog kung ang iyong sagot ay oo at buwan ( ) kung hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Gumamit ba ako ng cross hatch lines at pointillism sa aking iginuhit? Bakit?_______________________________________ All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 19. D EPED C O PY 126 2. Naging malikhain ba ako sa paggawa ng aking likhang sining? Paano?_____________________________________ 3. Gumamit ba ako ng mga linya at kulay para makalikha ng teksturang biswal sa aking iginuhit? Paano?_____________________________________ 4. Napahahalagahan ko ba ang aking ginawang sining at gawa ng iba? Paano?_____________________________________ All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 20. D EPED C O PY 127 ARALIN 5 Pagguhit ng Tanawin Layunin Nasasabi na sa isang larawan ng tanawin, ang harapang bahagi ang pinakamalapit; ang mga bagay na kasunod nito ang gitnang bahagi, at ang bahaging likuran ang pinakamalayo Pag-isipan Mo Ito Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay sa larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin. Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin ay malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang dahil malayo ito sa lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga bagay ay nasa pagitan ng harapan at likuran. Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 21. D EPED C O PY 128 Maging Malikhain Pagguhit ng Tanawin 1. Umisip ng magandang tanawin sa inyong lugar na gusto mong iguhit. 2. Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa iguguhit. 3. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng sumusunod: harapan, gitna, at likuran. 4. Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang balance sa kaayusan ng larawan. 5. Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat. Tandaan Mayroong balance sa kaayusan ng larawan kapag may harapan, gitna, at likurang bahagi. Subukin Mo Ituro ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng sumusunod na larawan. 1. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 22. D EPED C O PY 129 2. Ipagmalaki Mo Lagyan ng masayang mukha () kung oo ang iyong kasagutan at malungkot na mukha () kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Naiguhit ko ba ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng larawan upang maipakita ang timbang? 2. Naiguhit ko ba ang tanawing matatagpuan sa aming rehiyon? 3. Naipagmamalaki ko ba ang aking naiguhit na tanawin sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa iba? 4. Natapos ko ba sa oras ang aking likhang sining? All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 23. D EPED C O PY 130 ARALIN 6 Tekstura at Hugis Layunin Nakaguguhit ng halaman, bulaklak, o puno na nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit ang lapis o itim na krayola o bolpen Pag-isipan Mo Ito Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple ngunit maganda. Samantalang ang pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at nangangailangan ng maraming biswal na detalye. Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay mahalaga. Ang tekstura ay isang elemento ng sining na naglalarawan ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal. Ang hugis naman ay naglalarawan sa pisikal na porma ng isang bagay. Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Halaman, Bulaklak, o Puno Mga Kagamitan: bond paper, itim na krayola, lapis, recycled na karton All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 24. D EPED C O PY 131 Pamamaraan: 1. Humanap ng isang halaman, bulaklak, o puno na gusto mong iguhit. 2. Iguhit at ipinta ang mga detalye nito. 3. Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch lines. 4. Kulayan ito at pagandahin pa. 5. Ipakita mo ang iyong ginawa sa klase at ibahagi ang iyong naramdaman habang ginagawa mo ang iyong likhang sining. Tandaan Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga sketches. Ang sketch ay hindi kongkretong likhang sining. Kulang ito sa detalye at kulay. Ito ay nagsisilbing gabay ng isang pintor para makabuo ng isang kongkretong likhang-sining. Subukin Mo Pamamaraan: Gumawa ng sketch ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 25. D EPED C O PY 132 Ipagmalaki Mo Bigyan ng marka ang iyong ginawa batay sa pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan ISKOR 3 Kitang- kita 2 Kita 1 Hindi kita 1. Gumuhit ako ng isang likas na bagay na makikita sa labas ng silid-aralan. 2. Gumawa ako ng sketch ng isang bagay upang matapos ko ang aking likhang sining. 3. Ang tekstura at hugis ay ginamit ko sa aking drawing. 4. Ibinahagi ko sa aking mga kaklase ang aking nadarama habang ako’y gumagawa. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 26. D EPED C O PY 133 ARALIN 7 Pagguhit Gamit ang Lapis o Anumang Uring Panulat Layunin Gamit ang lapis o anumang uri ng panulat, lumikha ng isang larawan na magpapakita ng mga hanapbuhay sa isang probinsiya o rehiyon sa pamamagitan ng kanilang pang- araw-araw na gawain. Ilarawan ang pamumuhay ng mga tao sa isang pamayanan Pag-isipan Mo Ito Ang trabaho o hanapbuhay ay mahalaga upang ang bawat mamamayan ay kumita ng pera para sa ikabubuhay ng kaniyang sarili at pamilya. Ang bawat probinsiya o rehiyon sa ating bansa ay may natatanging hanapbuhay o trabaho na angkop sa uri ng klima, topograpiya, at kultura ng isang lugar. Narito ang ilang uri ng trabaho o hanapbuhay sa Pilipinas. Paglililok sa Paete, Laguna Paglalala sa Aklan All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 27. D EPED C O PY 134 Paggawa ng Banga sa Ilocos Pagpipinta sa Angono, Rizal (Source: En.wikipedia.org; stella-arnaldo.blogspot.com; rizalprovince.ph) Maging Malikhain Gawain 1 Pangkatang Gawain Mga Kagamitan: lapis o pen, krayola o iba pang pangkulay, manila paper Pamamaraan: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng activity card at pagkatapos ng limang minutong talakayan at paghahanda, ipakikita ng mga miyembro ng bawat pangkat ang kanilang ginawa. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 28. D EPED C O PY 135 Alamin ng bawat miyembro ang mga gawain o hanapbuhay ng mga tao sa kanilang lugar. Pag-usapan ang mga gawain o trabaho na ginagawa sa kanilang lugar. Ipaliliwanag ng lider sa klase ang kanilang ginawang mga larawan. Sumulat ng maikling awitin na may kaugnayan sa hanapbuhay o trabaho at lapatan ng tono mula sa alinmang awitin. Pumili ng tatlong hanapbuhay na gusto ninyong ipinta. Pumili ng lider na magpapakita ng output sa klase. Ipakita sa harap ng klase ang nabuong awit na nilapatan ng kilos. Ang bawat miyembro ng pangkat ay magtutulong-tulong upang maiguhit nang maganda at malagyan ng kaakit-akit na kulay ang mga ito. Pangkat 2 Pangkat 1 Gawain 2 Gumuhit ng isang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa iyong probinsiya o rehiyon. Gawin ito sa bond paper gamit ang lapis o anumang panulat. Tandaan Ang paglililok, paglalala, pagpipinta, paggawa ng banga at mga basket, pag-aanluwage, at iba pa ay mga uri ng trabaho o hanapbuhay sa ating bansa na dapat kilalanin at ipagmalaki. Malaking bahagi ng ikinabubuhay ng tao ay galing dito. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 29. D EPED C O PY 136 Ipagmalaki Mo Pamamaraan: Bigyan mo ng iskor ang iyong pangkat gamit ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. Pamantayan ISKOR Kitang- kita 3 Kita 2 Hindi kita 1 1. Nagbahagi ng kaalaman ang bawat miyembro ng aming pangkat. 2. Napanatili naming malinis at maayos ang lugar na aming pinaggawaan. 3. Nakabuo kami ng larawan ng mga hanapbuhay sa aming lugar gamit ang lapis at iba pang panulat. 4. Nakinig kami at nagbigay respeto sa ideya at gawa ng iba. 5. Ipinagmamalaki namin ang mga hanapbuhay sa aming rehiyon o lugar. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 30. D EPED C O PY 137 ARALIN 8 Pagguhit ng mga Makasay- sayang Bahay at Gusali Layunin Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang foreground, middle ground at background Pag-isipan Mo Ito Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan ang paggamit ng foreground, middle ground, at background. Ang foreground ay ang unahang bahagi ng larawan. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay mukhang malaki. Ang background naman ay ang bahaging likuran ng isang larawan. Ang middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground at background ng tanawin. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 31. D EPED C O PY 138 Maging Malikhain Gawain 1 Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali Mga Kagamitan: krayola, lapis, bond paper Pamamaraan: 1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali sa inyong probinsiya o lugar. 2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang uri ng linya at hugis. 3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo. 4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa foreground, middle ground, at background. 5. Lagyan ito ng kulay at ipaskil sa pisara. Subukin Mo Tukuyin kung foreground, middle ground, o background ang itinuturo sa larawan. Isulat sa patlang ang sagot. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  • 32. D EPED C O PY 139 Tandaan Makaguguhit tayo ng isang larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang linya at hugis na may foreground, middle ground, at background upang higit na maging maganda ang ating iginuhit na larawan. Ipagmalaki Mo Pagmasdan muli ang natapos mong sining. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng puso ( ) kung Oo at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Napanatili ko ba ang balanse sa aking sining sa paglalagay ng foreground, middle ground, at background? 2. Naiangkop ko ba ang paggamit ng mga hugis, linya, at kulay sa aking ginawa? 3. Nagawa ko ba itong kakaiba at maganda? 4. Napanatili ko ba itong malinis at maayos? 5. Nakaramdam ba ako ng kasiyahan o pagmamalaki sa aking ginawa? All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.