SlideShare a Scribd company logo
1
3
Music, Art,
Physical Education and Health
Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na
inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
2
Music, Art, Physical Education and Health- Ikatlong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog
Unang Edisyon, 2014
ISBN:
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito
ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi
ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi
inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Dina S. Ocampo
Kawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino
Development Team of the MAPEH Learner’s Materials
Music
Reviewers: Myrna T. Parakikay, Chita E. Mendoza, Narcie Fe M. Solloso,
Victorina E. Mariano
Authors: Amelia M. Ilagan, Maria Elene D. Digo, Mary Grace V. Cinco, Fely A.
Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor,
Fe V. Enguero, Josephine Chonie M. Obsenares
Illustrators: Fermin M. Fabella, Eric S. de Guia
Scores notated by: Arthur M. Julian
Encoder: Phoebe Kay Doñes
Focal Person: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Art
Reviewers: Rosel Valenzuela, Juan Gepullano, Charo Defeo-Baquial
Authors: Cynthia T. Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro, Vi-Cherry
C. Ledesma, Larry Canor, Nelson Lasagas
Illustrator: Gerardo Lacdao
Encoders: Arvin Fernandez
Focal Person: Marilou Gerero-Vispo
3
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS)
Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Physical Education
Reviewers: Rachelle U. Peneyra, Francisco J. Gajilomo Jr., Salve A. Favila,
Lordinio A. Vergara, Sonny F. Meneses Jr.
Authors: Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena
Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G.
Crisostomo,
Virginia T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr.
Illustrator: Gerardo G. Lacdao
Encoders: Bryan Simara, Leo Simara
Proof reviewer: Prof. Teresita Evangelista
Focal Person: Jenny Jalandoni Bendal
Health
Reviewers: Mark Kenneth S. Camiling, Rhodora L. Formento, Evelina M.
Vicencio
Authors: Rizaldy R. Cristo, Minerva C. David, Aidena Nuesca, Jennifer E.
Quinto, Gezyl G. Ramos, Emerson O. Sabadlab
Illustrator: Eric S. de Guia, Fermin M. Fabella, Raemon C. Dela Peña
Encoders: Danica Nicole G. Baña
Proof reviewer: Salvacion C. Olinares
Focal Person: Nerisa Marquez Beltran
4
Talaan ng Nilalaman
Music
YUNIT 1
Aralin 1 Pulso ng Musika
Aralin 2 Paggalaw Ayon sa
Kumpas
Aralin 3 Ang Rhythm sa
Musika
Aralin 4 Gumalaw ayon sa
Rhythm
Aralin 5 Ostinato
Aralin 6 Paglikha ng Ostinato
YUNIT 2
Aralin 1 Tono
Aralin 2 Melodic Contour
Aralin 3 Tamang Tono
Aralin 4 Mga Anyo ng Musika
Aralin 5 Pag-uulit sa Musika
Aralin 6 Musical Lines
Aralin 7 Umawit nang may
Tiwala sa Sarili
Aralin 8 Umawit nang nasa
Tono
YUNIT 3
Aralin 1 Uri ng Tunog
Aralin 2 Ang Tinig ng Tao
Aralin 3 Pinanggagalingan
ng Tunog
5
Aralin 4 Dynamics Sa
Pamamagitan ng
Paggalaw
Aralin 5 Pagkakaiba ng
Dynamics
Aralin 6 Damdamin ng
Musika
Aralin 7 at 8 Paggamit ng
Dynamics
YUNIT 4
Aralin 1 Ang Kabilisan at
Kabagalan sa
Musika
Aralin 2 Mabagal,
Katamtaman, at
Mabilis na Tempo
Aralin 3 Pagkakaiba-iba ng
Tempo
Aralin 4 Two-Part Round
Aralin 5 Tambalang Awit
Aralin 6 Melodic Lines
Aralin 7 Tekstura sa Musika
Aralin 8 Multiple Melodic
Lines
6
Art
7
MUSIC
8
YUNIT 1
Aralin 1: Pulso ng Musika
Panimula
Gawain 1
Awitin ang “Leron Leron Sinta” at gumalaw ng ayon sa rhythm ng
awit.
Leron leron sinta, buko ng papaya,
Dala dala’y buslo, sisidlan ng bunga.
Pagdating sa dulo nabali ang sanga,
Kapos kapalaran humanap ng iba.
Sa musika, ang tagal o haba ng tunog at pahinga
ay mahalaga. Ang haba o tagal ng tunog at pahinga ay
may sinusunod na sukat o kumpas na madarama natin,
may tunog man o wala. Tayo ay pumapalakpak,
lumalakad, sumasayaw, nagmamartsa, at tumutugtog
ng instrumentong panritmo para maipakita ang rhythm
at pulso ng musika.
9
Ipalakpak mo ang rhythmic pattern na ito habang
inaawit ang “Leron Leron Sinta.”
Magbigay ng mga halimbawa ng mga tunog na naririnig mo sa
ating kapaligiran.
Anong kilos ang maaari mong gawin na hindi lilikha ng anumang
tunog?
Gawain 2
Kumilos ayon sa sumusunod na rhythmic patterns.
Iguhit ang mga stick notation sa ibaba ng mga larawan. Gawin ito
sa inyong sagutang papel.
10
Gawain 3
Isasagawa ng bawat pangkat ang rhythmic patterns gamit ang
mga kilos na iminungkahi ng guro habang umaawit.
1 - ipalakpak
2 - tapik-tapikin
3 - snap
4 - tugtugin sa kahit anong instrumentong
panritmo
11
Evaluation
Pagtataya
Lagyan ng tsek (  ) ang kahon na naglalarawan ng iyong
pagsasagawa ng sumusunod na kasanayan. Gawin ito sa sagutang
papel.
Kasanayan
Higit na
mahusay
Mahusay Kasiya-siya
Kailangan
pang
paunlarin
1. Nasasabi ang
pagkakaiba ng tunog
na naririnig at tunog
na di naririnig.
2. Nakikilala ang tunog
na di naririnig subalit
tumatanggap ng
bilang.
3. Naisasagawa nang
tama ang ibinigay
na rhythmic pattern
sa pamamagitan ng
pagpalakpak,
pagtapik, pag-
chant, at pag-snap.
Tandaan:
 Ang panandang guhit ( ) ay nagpapakita ng
pulso ng tunog.
 Ang rest ( ) ang inilalagay na simbolo upang
maipakita ang pahinga o walang tunog na
bahagi ng awit o tugtugin.
 Madarama natin ang pulso sa pamamagitan ng
pagpalakpak, pagtapik, paglakad, pag-chant, at
pagtugtog ng instrumentong pangritmo.
12
Kasanayan
Higit na
mahusay
Mahusay Kasiya-siya
Kailangan
pang
paunlarin
4. Lubos ang paglahok
sa mga pangkatang
gawain.
5. Nagpapakita ng
kabaitan at
paggalang sa sarili
at sa kapuwa sa
pamamagitan ng
matamang
pakikinig.
Aralin 2: Paggalaw Ayon sa Kumpas
Panimula
Gawain I
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns.
Ang pantay na daloy ng pulso sa musika ay
maaaring mabagal o mabilis. Maipahahayag
natin ito sa pamamagitan ng mga kilos o galaw
na lilinang sa ating kakayahan na maisaayos ang
ating mga pandama.
13
Awitin ang “Ang Alaga Kong Pusa” habang itinatapik ang pantay
na kumpas ng awit.
Gawain 2
1. Tingnan ang sumusunod na larawan.
Ano ang ginagawa ng tao sa bubong ng bahay?
Ano ang tawag natin sa taong nagkukumpuni ng bahay?
Ano ang kaniyang hanapbuhay?
Ano ang gawain ng isang karpintero?
Bukod sa paggawa ng bahay, ano ang iba pa niyang
ginagawa?
14
2. A. Ipalakpak/tapikin ang kumpas ng awit na “Mang Kiko.”
B. Gawin ang chant ng awit na “Mang Kiko.”
Mang Kiko (Chant)
15
Gawain 3
Ipalakpak/tapikin ang rhythmic pattern ng awiting “Colors at
School.”
16
Tugtugin ang sumusunod na rhythmic pattern gamit ang
instrumentong panritmo bilang pansaliw sa awit na “Colors at
School.”
Tambal na stick
Drum
Palakpak
Tambourine
17
Pagtataya
Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Kasanayan
Nangungu
na
May
kasana-
yan
May sapat
na
kakayahan
Nagsisimu-
la pa
lamang
1. Naipakikita ang steady
beats sa pamamagitan
ng mga kilos habang
umaawit.
2. Naisasagawa ang
steady beats gamit ang
mga instrumentong
panritmo.
3. Nakaaawit nang tama.
4. Lubusang nakikilahok sa
pangkatang gawain.
Tandaan:
Ang beat ay pulso na nadarama natin sa
musika. Maaari itong mabagal o mabilis subalit
pantay ang daloy. Ito ang tinatawag nating steady
beat.
Maaari tayong gumamit ng mga kilos tulad ng
pagmartsa, pagtapik, pagpalakpak, at pagtugtog
ng instrumentong panritmo upang maipakita ang
pulso ng musika.
18
Aralin 3: Ang Rhythm sa Musika
Panimula
Gawain 1
Echo clapping
a.
b.
c.
Ang rhythm ay daloy ng tunog. Lahat ng
bagay sa ating kapaligiran ay may rhythm tulad ng
pagsikat at paglubog ng araw, indayog ng mga
puno, hampas ng mga alon, at maging sa ating
pagsasalita.
19
Gawain 2
Araw at Buwan
Gamit ang awit sa itaas, isagawa ang mga sumusunod:
1. Ipalakpak ang steady beats ng awit.
2. Ipalakpak ang rhythmic pattern.
3. Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat:
Kung ikaw ay nabibilang sa Pangkat A, ipalakpak mo
ang steady beats samantala, kapag ikaw ay nasa
Pangkat B ay rhythmic pattern naman ang iyong
ipapalakpak.
Aling pangkat ang pumalakpak ng steady beats?
Ano ang napansin mo sa pagpalakpak ng Pangkat B sa rhythmic
pattern?
Batay sa isinagawang pagpalakpak ng dalawang pangkat, ano
ang iyong napansin sa nalikhang tunog?
20
Gawain 3
Gawin ang sumusunod:
Pangkat 1 – Awitin ang “Araw at Buwan.”
Pangkat 2 – 5 – Tugtugin ang rhythmic patterns gamit ang mga
instrumentong panritmo.
Ikalawang Pangkat Ikatlong Pangkat
Gamit ang kambal na kahoy Gamit ang drum
Ikaapat na Pangkat Ikalimang Pangkat
Papalakpak Gamit ang tambourine
Tandaan:
Ang rhythm ay tumutukoy sa daloy ng galaw ng tunog at
pahinga.
Ang rhythmic pattern ay kumbinasyon ng mahaba ( ) at
maikling ( ) tunog at pahinga.
21
Pagtataya
Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Kasanayan
Higit na
Mahusay
Mahusay
May sapat
na
kakayahan
Nagsisimula
pa lamang
1. Naipakikita ang
mahaba at
maikling tunog.
2. Naipapalakpak
ang rhythmic
patterns gamit
ang stick
notation.
3. Natutugtog ang
iba’t ibang
rhythmic patterns
gamit ang mga
instrumentong
panritmo.
4. Lubusan ang
pakikiisa sa mga
gawain.
22
Aralin 4: Gumalaw ayon sa Rhythm
Panimula
Gawain1
 Awitin ang “Soldiers’ March.”
 Pumalakpak/mag-chant/maglakad/tumugtog ng
instrumentong pangmusika habang umaawit.
Ang rhythm ay isa sa pinakamahalagang
sangkap ng musika. Nagpapakita ito ng kaayusan
ng galaw o kilos sa mga kumpas na nasa 2s, 3s, at
4s.
23
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns.
2
Left, right, left, right here we go.
March-ing, march-ing in a row.
If you’re strong and brave and true,
You may - be a sol-dier too.
Pangkatang Gawain:
Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay
may tutugtuging instrumentong pangmusika gaya ng clapper, drum,
tambourine, habang inaawit ang “Soldiers’ March.”
24
Gawain 2
Awitin ang “Rocky Mountain.” Tugtugin ang pulso ng awit gamit ang
instrumentong panritmo.
Tandaan:
Ang mga tunog ay maaaring pangkatin sa 2s, 3s,
at 4s at ito’y maipakikita sa iba’t ibang kilos at galaw
ng katawan.
25
Panimula
Gawain 1
Awitin ang “See-Saw” habang ipinapalakpak ang rhythmic pattern
nito.
Nasa tonong pag-awit.
Maaari nating pagsamahin ang pag-awit,
paggalaw, at pagtugtog ng instrumentong
pangmusika upang maipakita ang kumpas ng musika.
Ang pagsayaw ng balse ang pinakamainam na kilos
upang maipakita ang tatluhang kumpas.
26
Awitin ang “Bahay-Kubo.”
27
Pangkatang Gawain:
a. Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Ang unang
pangkat ay aawit ng “Bahay Kubo” samantalang ang ikalawang
pangkat ay sasayaw ng balse.
b. Paawitin ng “Bahay Kubo” ang mga mag-aaral habang
tumutugtog ng instrumentong panritmo.
Gawain 2
Pumili ng instrumentong panritmo sa loob ng silid-aralan upang
tugtugin habang inaawit ang “Tiririt ng Maya”.
Tandaan:
Sumasayaw tayo ng balse upang ipakita ang
pulso ng awit sa tatluhang kumpas.
28
Panimula
Gawain 1
Awitin natin ang “Ten Little Indians”. Gumawa ng mga kilos tulad ng
pagtapik, pagpalakpak, at pagmartsa.
Ang kumpas na apatan (4s) ang malimit
gamitin sa mga awit. Upang maging higit na
kawili-wili ang mga awit, maaaring saliwan ito ng
payak na akompanamiyento.
29
Kilalanin ang sumusunod na instrumentong pangmusika na
kalimitang ginagamit upang ipakita ang kumpas ng isang awit.
Ano ang huling binanggit na instrumento sa itaas? Nakakita ka na
ba nito?
30
Awitin ang “Come and Play”.
Pagsusuri ng awit:
Gawin ang sumusunod:
 Mag-echo clap ng pulso at rhythm ng awit.
 Gawin ang pagpalakpak at pagmartsa sa kinatatayuan
habang binibigkas ang titik ng awit ayon sa kumpas nito.
 Paawitin ang mga bata habang ginagaya ang kilos ng
tumutugtog ng trumpeta.
Paano pinangkat ang tunog sa awiting “Come and Play”?
Paano mo naipakita ang kumpas ng awit?
31
Gawain 2
Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral.
Aawitin ang “Come and Play” at “Ten Little Indians” habang
tinutugtog ang mga instrumentong panritmo.
Bawat pinuno ng pangkat ay pipili kung aling awit ang isasagawa
ng kanilang pangkat.
Pagtataya
Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Kasanayan Pinakamahusay Mas
Mahusay
Mahusay
1. Naisasagawa
nang tama
ang mga
rhythm sa lahat
ng awit.
2. Nasasabi ang
mga kumpas
gamit ang
mga kilos ng
katawan.
Tandaan:
Maaari tayong pumalakpak, tumapik, mag-
chant, maglakad, at tumugtog ng instrumentong
pangmusika upang ipakita ang mga awit na nasa
apating (4s) kumpas.
32
3. Nakaaawit
nang may
tamang tono
habang
nagsasagawa
ng pagkilos.
4. Nakatutugtog
nang nasa
tamang
kumpas gamit
ang mga
instrumentong
panritmo.
5. Lubusan ang
pakikiisa sa
pangkatang
gawain.
33
Aralin 5: Ostinato
Panimula
Gawain 1
a. Isagawa ang pagtapik at pagpalakpak ng chant
b. Basahin ang chant
c. Basahin ang chant habang isinasagawa ang pagtapik ng
rhythmic pattern nito.
Isagawa ang pagtapik para sa sumusunod na rhythmic patterns.
Pag-
aralan ang larawan.
Ang rhythmic ostinato ay paulit–ulit na rhythmic
patterns na ginagamit na pansaliw sa mga awit.
Kalimitan ay tinutugtog ito gamit ang mga
instrumentong panritmo tulad ng drums, wood blocks,
castanets, triangles, at rhythmic sticks.
4
34
Ano ang masasabi mo sa larawan?
Awitin ang“See-Saw” habang ipinapalakpak ang steady beat.
Pag-aralan ang hulwaran sa ibaba:
o
a. Paulit-ulit na ipalakpak ang rhythmic pattern hanggang
makasanayan ng mga bata.
b. Awitin ang “See-Saw” habang ipinapalakpak/
itinatapik/inilalakad ang rhythmic pattern.
c. Gumamit ng kahit anong instrumentong panritmo
upang tugtugin ang rhythmic pattern habang
umaawit.
Gawain 2
Pangkat A – Awitin ang “Mga Alaga Kong Hayop”
Pangkat B – Isagawa ang ostinato pattern
Pangkat C – Gawin ang ostinato pattern gamit ang mga
instrumentong panritmo.
35
2. Tumakbo, tumakbo ang pusa, ang pusa, ang pusa
tumakbo, tumakbo, ang pusa sa loob ng bahay
3. Tumalon, tumalon ang aso, ang aso, ang aso
Tumalon, tumalon ang aso sa mataas na bakod
Tandaan:
Ang rhythmic ostinato ay paulit-ulit na
rhythmic pattern na ginagamit na pansaliw sa awit.
Maaari itong tugtugin gamit ang instrumentong
panritmo at iba pang maaaring panggalingan ng
mga tunog.
36
Pagtataya
Iguhit ang bituin ( ) kung pinakamahusay, bilog ( ) kung mas
mahusay, at tatsulok ( ) kung mahusay ang pagsasagawa. Gawin
ito sa sagutang papel.
Kasanayan Pinaka
mahusay
Mas
Mahusay
Mahus
ay
1.Nakikilala ang mga instrumentong
panritmo at iba pang pinanggaga-
lingan ng tunog.
2. Nakagagamit ng mga payak na
ostinato pattern bilang pansaliw sa
awit.
3. Naipakikita ang pagkamalikhain sa
paggamit ng mga bagay na
pinanggagalingan ng tunog.
4. Umaawit habang tumutugtog ng
payak na ostinato pattern.
5. Lubusang nakikiisa sa mga
pangkatang gawain.
37
Aralin 6: Paglikha ng Ostinato
Panimula
Gawain I
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns gamit ang mga
sumusunod na rhythm syllables.
Padiktang ritmo. Ipapalakpak ng guro ang ilang rhythmic patterns
sa 2s, 3s, at 4s at isusulat ng mga bata ang narinig na rhythmic
patterns sa pamamagitan ng stick notation.
Isang kawili-wiling gawain ang paglikha ng
payak na ostinato patterns. Sa araling ito ay
magkakaroon ka ng higit na kaalaman at bagong
karanasan sa musika sa paglikha ng mga rhythmic
patterns gamit ang mga instrumentong panritmo at
pagpapatunog ng iba’t ibang bahagi ng
katawan.
38
Gawain 2
Mahal mo ba ang iyong bansa? Bakit?
Gawin ang sumusunod:
a. Basahin/ipalakpak ang mga hulwaran gamit ang rhythmic
syllables. (ta - ti ti)
39
b. Anong rhythmic syllables ang ginamit sa rhythmic pattern?
c. Gumawa ng payak na ostinato para sa awit.
d. Tugtugin ang rhythmic pattern habang inaawit ang “Bayang
Sinta”.
Gawain 3
Hatiin ang klase sa apat (4) na pangkat. Bawat pangkat ay lilikha ng
ostinato pattern. Gawin ang ostinato patterns sa pamamagitan ng
katawan habang umaawit.
Tandaan:
Ang ostinato pattern ay maaaring tugtugin gamit
ang instrumentong panritmo at iba pang
pinanggagalingan ng tunog. Ang rhythmic patterns
ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng kilos o
galaw ng katawan.
40
Pagtataya:
Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon.
Kasanayan
Nangu
nguna
May
Kasanayan
May sapat
na
kakayahan
Nagsisimula
pa lamang
1. Naipakikita ang
pagkamalikhain sa
pagsulat ng ostinato
2. Naisasagawa ang
rhythmic pattern sa
pamamagitan ng
pagpalakpak,
pagtapik,
pag-chant, pag-
snap, at pagtugtog
ng instrumentong
pangmusika/
panritmo.
3. Naisasagawa nang
tama ang rhythmic
patterns bilang
ritmong pansaliw sa
awit.
4. Lubusang nakikilahok
sa pangkatang
gawain.
5. Naipakikita ang
pakikiisa sa
pangkatang gawain.

More Related Content

DOCX
K-Worksheet-Q1_W8.docx
PDF
Grade 3 Music LM Tagalog
PDF
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3
DOC
Mt lm q 2 tagalog (1)
PDF
Grade 3 Music Learners Module
PDF
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
PDF
Art 3 lm tagalog yunit 1
K-Worksheet-Q1_W8.docx
Grade 3 Music LM Tagalog
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3
Mt lm q 2 tagalog (1)
Grade 3 Music Learners Module
Gr.2 Mother Tongue-Based Multilingual Education - Learning Module
Art 3 lm tagalog yunit 1

What's hot (20)

PDF
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
PDF
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st Quarter
PDF
Music gr-1-teachers-guide-q12
DOCX
ESP3 Q2 LAS docs.docx
PPTX
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
PDF
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
PPTX
Pagsunod sa Panuto
PPTX
Music Grade 4 1st Quarter Lesson 1
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN MUSIC
PDF
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MOTHER TONGUE-BASED (Q1-Q4)
PPTX
Nagagamit ang angkop na pagtatanong
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
PDF
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
DOCX
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
PDF
Grade 3 Music Teachers Guide
PDF
Grade 3 EsP Learners Module
PPTX
Epp he aralin 5
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 1st Quarter
Music gr-1-teachers-guide-q12
ESP3 Q2 LAS docs.docx
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
Pagsunod sa Panuto
Music Grade 4 1st Quarter Lesson 1
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN MUSIC
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MUSIKA (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MOTHER TONGUE-BASED (Q1-Q4)
Nagagamit ang angkop na pagtatanong
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
K TO 12 GRADE 3 LEARNING MATERIAL IN ARTS
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Grade 3 Music Teachers Guide
Grade 3 EsP Learners Module
Epp he aralin 5
Ad

Similar to Music gr.3 tagalog q1 (20)

DOC
1 music lm u2
PDF
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEH
PDF
Music grade 4 lm yunit 1
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)
PPTX
Music 2 (week 1-4).pptx
DOCX
DLL_MAPEH 4_Q1_W4.docx
PDF
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
PPTX
Q3 MAPEH WEEK5 - for Education jkjgkgkgh
DOCX
Music june 6
PDF
Music4Q4F.pdf
DOCX
Music june 4
PDF
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
DOCX
LEARNING PLAN SA MUSIKA 5.docx
DOCX
MAPEH 5_DLL_WEEK 3_Q4.docx Kahalagahan ng musika sa pamumuhay ng mga sinaunan...
PDF
MAPEH Grade 3 Q1.pdf
PPTX
Presentation 1.pptx
DOCX
detailed lesson plan in MAPEH 3 quarter 1
DOCX
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
DOCX
Q3-MAPEH-WEEK-1.docx periodical test for
DOCX
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docx
1 music lm u2
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEH
Music grade 4 lm yunit 1
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)
Music 2 (week 1-4).pptx
DLL_MAPEH 4_Q1_W4.docx
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
Q3 MAPEH WEEK5 - for Education jkjgkgkgh
Music june 6
Music4Q4F.pdf
Music june 4
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC and ART (Q1-Q4)
LEARNING PLAN SA MUSIKA 5.docx
MAPEH 5_DLL_WEEK 3_Q4.docx Kahalagahan ng musika sa pamumuhay ng mga sinaunan...
MAPEH Grade 3 Q1.pdf
Presentation 1.pptx
detailed lesson plan in MAPEH 3 quarter 1
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
Q3-MAPEH-WEEK-1.docx periodical test for
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docx
Ad

More from EDITHA HONRADEZ (20)

PPTX
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
PPTX
Epp he aralin 20
PPTX
Mapeh quarter 2 [autosaved]
PPTX
Health quarter 2 aralin 1
PPTX
Epp he aralin 20
PPTX
Epp he aralin 19
PPTX
Epp he aralin 15
PPTX
Epp he aralin 13
PPTX
Epp he aralin 12
PPTX
Epp he aralin 10
PPTX
Epp he aralin 9
PPTX
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
PPTX
Epp he aralin 6
PPTX
Epp he aralin 4
PPTX
Epp he aralin 3
PPTX
EPP HE ARALIN 2
PPTX
Ap aralin 6
PPTX
Ap yunit iii aralin 2
PPTX
Ap yunit iii aralin 1
PPTX
Esp yunit 4 aralin 3
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Epp he aralin 20
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Health quarter 2 aralin 1
Epp he aralin 20
Epp he aralin 19
Epp he aralin 15
Epp he aralin 13
Epp he aralin 12
Epp he aralin 10
Epp he aralin 9
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 6
Epp he aralin 4
Epp he aralin 3
EPP HE ARALIN 2
Ap aralin 6
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 1
Esp yunit 4 aralin 3

Recently uploaded (20)

PPTX
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
PPTX
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
PPTX
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
PPTX
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PDF
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
PPTX
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
DOCX
GMRC 5 Q111111111111111111111111111111111
PPTX
Q1-Araling PANlipunan grade 5-WEEK6.pptx
PPTX
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
PPTX
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
PPTX
grade5bhjkQ1 FILIPINO 5 WEEK 5 DAY 1.pptx
PPTX
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
PPTX
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
PPTX
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
PPTX
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
PPTX
Grade 7- Awiting Bayan-Manag Biday at iba pang awit
PPTX
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
PPTX
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
GMRC 5 Q111111111111111111111111111111111
Q1-Araling PANlipunan grade 5-WEEK6.pptx
G5Q1W7 PPT EPP-ICT (MATATAG)@Sir Ims.pptx
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
grade5bhjkQ1 FILIPINO 5 WEEK 5 DAY 1.pptx
Positibong Pananaw Gabay ang Pamilya.pptx
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
WEEK 4-Q1-AP-Sinaunang Kabihasnan sa Mediterrano.pptx
Grade 7- Awiting Bayan-Manag Biday at iba pang awit
kasaysayanngwikangpambansa-171112183006.pptx
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx

Music gr.3 tagalog q1

  • 1. 1 3 Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
  • 2. 2 Music, Art, Physical Education and Health- Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog Unang Edisyon, 2014 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Dina S. Ocampo Kawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino Development Team of the MAPEH Learner’s Materials Music Reviewers: Myrna T. Parakikay, Chita E. Mendoza, Narcie Fe M. Solloso, Victorina E. Mariano Authors: Amelia M. Ilagan, Maria Elene D. Digo, Mary Grace V. Cinco, Fely A. Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor, Fe V. Enguero, Josephine Chonie M. Obsenares Illustrators: Fermin M. Fabella, Eric S. de Guia Scores notated by: Arthur M. Julian Encoder: Phoebe Kay Doñes Focal Person: Maria Blesseda Alfonso Cahapay Art Reviewers: Rosel Valenzuela, Juan Gepullano, Charo Defeo-Baquial Authors: Cynthia T. Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro, Vi-Cherry C. Ledesma, Larry Canor, Nelson Lasagas Illustrator: Gerardo Lacdao Encoders: Arvin Fernandez Focal Person: Marilou Gerero-Vispo
  • 3. 3 Inilimbag sa Pilipinas ng ____________ Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd- IMCS) Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Physical Education Reviewers: Rachelle U. Peneyra, Francisco J. Gajilomo Jr., Salve A. Favila, Lordinio A. Vergara, Sonny F. Meneses Jr. Authors: Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G. Crisostomo, Virginia T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr. Illustrator: Gerardo G. Lacdao Encoders: Bryan Simara, Leo Simara Proof reviewer: Prof. Teresita Evangelista Focal Person: Jenny Jalandoni Bendal Health Reviewers: Mark Kenneth S. Camiling, Rhodora L. Formento, Evelina M. Vicencio Authors: Rizaldy R. Cristo, Minerva C. David, Aidena Nuesca, Jennifer E. Quinto, Gezyl G. Ramos, Emerson O. Sabadlab Illustrator: Eric S. de Guia, Fermin M. Fabella, Raemon C. Dela Peña Encoders: Danica Nicole G. Baña Proof reviewer: Salvacion C. Olinares Focal Person: Nerisa Marquez Beltran
  • 4. 4 Talaan ng Nilalaman Music YUNIT 1 Aralin 1 Pulso ng Musika Aralin 2 Paggalaw Ayon sa Kumpas Aralin 3 Ang Rhythm sa Musika Aralin 4 Gumalaw ayon sa Rhythm Aralin 5 Ostinato Aralin 6 Paglikha ng Ostinato YUNIT 2 Aralin 1 Tono Aralin 2 Melodic Contour Aralin 3 Tamang Tono Aralin 4 Mga Anyo ng Musika Aralin 5 Pag-uulit sa Musika Aralin 6 Musical Lines Aralin 7 Umawit nang may Tiwala sa Sarili Aralin 8 Umawit nang nasa Tono YUNIT 3 Aralin 1 Uri ng Tunog Aralin 2 Ang Tinig ng Tao Aralin 3 Pinanggagalingan ng Tunog
  • 5. 5 Aralin 4 Dynamics Sa Pamamagitan ng Paggalaw Aralin 5 Pagkakaiba ng Dynamics Aralin 6 Damdamin ng Musika Aralin 7 at 8 Paggamit ng Dynamics YUNIT 4 Aralin 1 Ang Kabilisan at Kabagalan sa Musika Aralin 2 Mabagal, Katamtaman, at Mabilis na Tempo Aralin 3 Pagkakaiba-iba ng Tempo Aralin 4 Two-Part Round Aralin 5 Tambalang Awit Aralin 6 Melodic Lines Aralin 7 Tekstura sa Musika Aralin 8 Multiple Melodic Lines
  • 8. 8 YUNIT 1 Aralin 1: Pulso ng Musika Panimula Gawain 1 Awitin ang “Leron Leron Sinta” at gumalaw ng ayon sa rhythm ng awit. Leron leron sinta, buko ng papaya, Dala dala’y buslo, sisidlan ng bunga. Pagdating sa dulo nabali ang sanga, Kapos kapalaran humanap ng iba. Sa musika, ang tagal o haba ng tunog at pahinga ay mahalaga. Ang haba o tagal ng tunog at pahinga ay may sinusunod na sukat o kumpas na madarama natin, may tunog man o wala. Tayo ay pumapalakpak, lumalakad, sumasayaw, nagmamartsa, at tumutugtog ng instrumentong panritmo para maipakita ang rhythm at pulso ng musika.
  • 9. 9 Ipalakpak mo ang rhythmic pattern na ito habang inaawit ang “Leron Leron Sinta.” Magbigay ng mga halimbawa ng mga tunog na naririnig mo sa ating kapaligiran. Anong kilos ang maaari mong gawin na hindi lilikha ng anumang tunog? Gawain 2 Kumilos ayon sa sumusunod na rhythmic patterns. Iguhit ang mga stick notation sa ibaba ng mga larawan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
  • 10. 10 Gawain 3 Isasagawa ng bawat pangkat ang rhythmic patterns gamit ang mga kilos na iminungkahi ng guro habang umaawit. 1 - ipalakpak 2 - tapik-tapikin 3 - snap 4 - tugtugin sa kahit anong instrumentong panritmo
  • 11. 11 Evaluation Pagtataya Lagyan ng tsek (  ) ang kahon na naglalarawan ng iyong pagsasagawa ng sumusunod na kasanayan. Gawin ito sa sagutang papel. Kasanayan Higit na mahusay Mahusay Kasiya-siya Kailangan pang paunlarin 1. Nasasabi ang pagkakaiba ng tunog na naririnig at tunog na di naririnig. 2. Nakikilala ang tunog na di naririnig subalit tumatanggap ng bilang. 3. Naisasagawa nang tama ang ibinigay na rhythmic pattern sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik, pag- chant, at pag-snap. Tandaan:  Ang panandang guhit ( ) ay nagpapakita ng pulso ng tunog.  Ang rest ( ) ang inilalagay na simbolo upang maipakita ang pahinga o walang tunog na bahagi ng awit o tugtugin.  Madarama natin ang pulso sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik, paglakad, pag-chant, at pagtugtog ng instrumentong pangritmo.
  • 12. 12 Kasanayan Higit na mahusay Mahusay Kasiya-siya Kailangan pang paunlarin 4. Lubos ang paglahok sa mga pangkatang gawain. 5. Nagpapakita ng kabaitan at paggalang sa sarili at sa kapuwa sa pamamagitan ng matamang pakikinig. Aralin 2: Paggalaw Ayon sa Kumpas Panimula Gawain I Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns. Ang pantay na daloy ng pulso sa musika ay maaaring mabagal o mabilis. Maipahahayag natin ito sa pamamagitan ng mga kilos o galaw na lilinang sa ating kakayahan na maisaayos ang ating mga pandama.
  • 13. 13 Awitin ang “Ang Alaga Kong Pusa” habang itinatapik ang pantay na kumpas ng awit. Gawain 2 1. Tingnan ang sumusunod na larawan. Ano ang ginagawa ng tao sa bubong ng bahay? Ano ang tawag natin sa taong nagkukumpuni ng bahay? Ano ang kaniyang hanapbuhay? Ano ang gawain ng isang karpintero? Bukod sa paggawa ng bahay, ano ang iba pa niyang ginagawa?
  • 14. 14 2. A. Ipalakpak/tapikin ang kumpas ng awit na “Mang Kiko.” B. Gawin ang chant ng awit na “Mang Kiko.” Mang Kiko (Chant)
  • 15. 15 Gawain 3 Ipalakpak/tapikin ang rhythmic pattern ng awiting “Colors at School.”
  • 16. 16 Tugtugin ang sumusunod na rhythmic pattern gamit ang instrumentong panritmo bilang pansaliw sa awit na “Colors at School.” Tambal na stick Drum Palakpak Tambourine
  • 17. 17 Pagtataya Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel. Kasanayan Nangungu na May kasana- yan May sapat na kakayahan Nagsisimu- la pa lamang 1. Naipakikita ang steady beats sa pamamagitan ng mga kilos habang umaawit. 2. Naisasagawa ang steady beats gamit ang mga instrumentong panritmo. 3. Nakaaawit nang tama. 4. Lubusang nakikilahok sa pangkatang gawain. Tandaan: Ang beat ay pulso na nadarama natin sa musika. Maaari itong mabagal o mabilis subalit pantay ang daloy. Ito ang tinatawag nating steady beat. Maaari tayong gumamit ng mga kilos tulad ng pagmartsa, pagtapik, pagpalakpak, at pagtugtog ng instrumentong panritmo upang maipakita ang pulso ng musika.
  • 18. 18 Aralin 3: Ang Rhythm sa Musika Panimula Gawain 1 Echo clapping a. b. c. Ang rhythm ay daloy ng tunog. Lahat ng bagay sa ating kapaligiran ay may rhythm tulad ng pagsikat at paglubog ng araw, indayog ng mga puno, hampas ng mga alon, at maging sa ating pagsasalita.
  • 19. 19 Gawain 2 Araw at Buwan Gamit ang awit sa itaas, isagawa ang mga sumusunod: 1. Ipalakpak ang steady beats ng awit. 2. Ipalakpak ang rhythmic pattern. 3. Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat: Kung ikaw ay nabibilang sa Pangkat A, ipalakpak mo ang steady beats samantala, kapag ikaw ay nasa Pangkat B ay rhythmic pattern naman ang iyong ipapalakpak. Aling pangkat ang pumalakpak ng steady beats? Ano ang napansin mo sa pagpalakpak ng Pangkat B sa rhythmic pattern? Batay sa isinagawang pagpalakpak ng dalawang pangkat, ano ang iyong napansin sa nalikhang tunog?
  • 20. 20 Gawain 3 Gawin ang sumusunod: Pangkat 1 – Awitin ang “Araw at Buwan.” Pangkat 2 – 5 – Tugtugin ang rhythmic patterns gamit ang mga instrumentong panritmo. Ikalawang Pangkat Ikatlong Pangkat Gamit ang kambal na kahoy Gamit ang drum Ikaapat na Pangkat Ikalimang Pangkat Papalakpak Gamit ang tambourine Tandaan: Ang rhythm ay tumutukoy sa daloy ng galaw ng tunog at pahinga. Ang rhythmic pattern ay kumbinasyon ng mahaba ( ) at maikling ( ) tunog at pahinga.
  • 21. 21 Pagtataya Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel. Kasanayan Higit na Mahusay Mahusay May sapat na kakayahan Nagsisimula pa lamang 1. Naipakikita ang mahaba at maikling tunog. 2. Naipapalakpak ang rhythmic patterns gamit ang stick notation. 3. Natutugtog ang iba’t ibang rhythmic patterns gamit ang mga instrumentong panritmo. 4. Lubusan ang pakikiisa sa mga gawain.
  • 22. 22 Aralin 4: Gumalaw ayon sa Rhythm Panimula Gawain1  Awitin ang “Soldiers’ March.”  Pumalakpak/mag-chant/maglakad/tumugtog ng instrumentong pangmusika habang umaawit. Ang rhythm ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng musika. Nagpapakita ito ng kaayusan ng galaw o kilos sa mga kumpas na nasa 2s, 3s, at 4s.
  • 23. 23 Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns. 2 Left, right, left, right here we go. March-ing, march-ing in a row. If you’re strong and brave and true, You may - be a sol-dier too. Pangkatang Gawain: Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may tutugtuging instrumentong pangmusika gaya ng clapper, drum, tambourine, habang inaawit ang “Soldiers’ March.”
  • 24. 24 Gawain 2 Awitin ang “Rocky Mountain.” Tugtugin ang pulso ng awit gamit ang instrumentong panritmo. Tandaan: Ang mga tunog ay maaaring pangkatin sa 2s, 3s, at 4s at ito’y maipakikita sa iba’t ibang kilos at galaw ng katawan.
  • 25. 25 Panimula Gawain 1 Awitin ang “See-Saw” habang ipinapalakpak ang rhythmic pattern nito. Nasa tonong pag-awit. Maaari nating pagsamahin ang pag-awit, paggalaw, at pagtugtog ng instrumentong pangmusika upang maipakita ang kumpas ng musika. Ang pagsayaw ng balse ang pinakamainam na kilos upang maipakita ang tatluhang kumpas.
  • 27. 27 Pangkatang Gawain: a. Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Ang unang pangkat ay aawit ng “Bahay Kubo” samantalang ang ikalawang pangkat ay sasayaw ng balse. b. Paawitin ng “Bahay Kubo” ang mga mag-aaral habang tumutugtog ng instrumentong panritmo. Gawain 2 Pumili ng instrumentong panritmo sa loob ng silid-aralan upang tugtugin habang inaawit ang “Tiririt ng Maya”. Tandaan: Sumasayaw tayo ng balse upang ipakita ang pulso ng awit sa tatluhang kumpas.
  • 28. 28 Panimula Gawain 1 Awitin natin ang “Ten Little Indians”. Gumawa ng mga kilos tulad ng pagtapik, pagpalakpak, at pagmartsa. Ang kumpas na apatan (4s) ang malimit gamitin sa mga awit. Upang maging higit na kawili-wili ang mga awit, maaaring saliwan ito ng payak na akompanamiyento.
  • 29. 29 Kilalanin ang sumusunod na instrumentong pangmusika na kalimitang ginagamit upang ipakita ang kumpas ng isang awit. Ano ang huling binanggit na instrumento sa itaas? Nakakita ka na ba nito?
  • 30. 30 Awitin ang “Come and Play”. Pagsusuri ng awit: Gawin ang sumusunod:  Mag-echo clap ng pulso at rhythm ng awit.  Gawin ang pagpalakpak at pagmartsa sa kinatatayuan habang binibigkas ang titik ng awit ayon sa kumpas nito.  Paawitin ang mga bata habang ginagaya ang kilos ng tumutugtog ng trumpeta. Paano pinangkat ang tunog sa awiting “Come and Play”? Paano mo naipakita ang kumpas ng awit?
  • 31. 31 Gawain 2 Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Aawitin ang “Come and Play” at “Ten Little Indians” habang tinutugtog ang mga instrumentong panritmo. Bawat pinuno ng pangkat ay pipili kung aling awit ang isasagawa ng kanilang pangkat. Pagtataya Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel. Kasanayan Pinakamahusay Mas Mahusay Mahusay 1. Naisasagawa nang tama ang mga rhythm sa lahat ng awit. 2. Nasasabi ang mga kumpas gamit ang mga kilos ng katawan. Tandaan: Maaari tayong pumalakpak, tumapik, mag- chant, maglakad, at tumugtog ng instrumentong pangmusika upang ipakita ang mga awit na nasa apating (4s) kumpas.
  • 32. 32 3. Nakaaawit nang may tamang tono habang nagsasagawa ng pagkilos. 4. Nakatutugtog nang nasa tamang kumpas gamit ang mga instrumentong panritmo. 5. Lubusan ang pakikiisa sa pangkatang gawain.
  • 33. 33 Aralin 5: Ostinato Panimula Gawain 1 a. Isagawa ang pagtapik at pagpalakpak ng chant b. Basahin ang chant c. Basahin ang chant habang isinasagawa ang pagtapik ng rhythmic pattern nito. Isagawa ang pagtapik para sa sumusunod na rhythmic patterns. Pag- aralan ang larawan. Ang rhythmic ostinato ay paulit–ulit na rhythmic patterns na ginagamit na pansaliw sa mga awit. Kalimitan ay tinutugtog ito gamit ang mga instrumentong panritmo tulad ng drums, wood blocks, castanets, triangles, at rhythmic sticks. 4
  • 34. 34 Ano ang masasabi mo sa larawan? Awitin ang“See-Saw” habang ipinapalakpak ang steady beat. Pag-aralan ang hulwaran sa ibaba: o a. Paulit-ulit na ipalakpak ang rhythmic pattern hanggang makasanayan ng mga bata. b. Awitin ang “See-Saw” habang ipinapalakpak/ itinatapik/inilalakad ang rhythmic pattern. c. Gumamit ng kahit anong instrumentong panritmo upang tugtugin ang rhythmic pattern habang umaawit. Gawain 2 Pangkat A – Awitin ang “Mga Alaga Kong Hayop” Pangkat B – Isagawa ang ostinato pattern Pangkat C – Gawin ang ostinato pattern gamit ang mga instrumentong panritmo.
  • 35. 35 2. Tumakbo, tumakbo ang pusa, ang pusa, ang pusa tumakbo, tumakbo, ang pusa sa loob ng bahay 3. Tumalon, tumalon ang aso, ang aso, ang aso Tumalon, tumalon ang aso sa mataas na bakod Tandaan: Ang rhythmic ostinato ay paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit na pansaliw sa awit. Maaari itong tugtugin gamit ang instrumentong panritmo at iba pang maaaring panggalingan ng mga tunog.
  • 36. 36 Pagtataya Iguhit ang bituin ( ) kung pinakamahusay, bilog ( ) kung mas mahusay, at tatsulok ( ) kung mahusay ang pagsasagawa. Gawin ito sa sagutang papel. Kasanayan Pinaka mahusay Mas Mahusay Mahus ay 1.Nakikilala ang mga instrumentong panritmo at iba pang pinanggaga- lingan ng tunog. 2. Nakagagamit ng mga payak na ostinato pattern bilang pansaliw sa awit. 3. Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggamit ng mga bagay na pinanggagalingan ng tunog. 4. Umaawit habang tumutugtog ng payak na ostinato pattern. 5. Lubusang nakikiisa sa mga pangkatang gawain.
  • 37. 37 Aralin 6: Paglikha ng Ostinato Panimula Gawain I Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns gamit ang mga sumusunod na rhythm syllables. Padiktang ritmo. Ipapalakpak ng guro ang ilang rhythmic patterns sa 2s, 3s, at 4s at isusulat ng mga bata ang narinig na rhythmic patterns sa pamamagitan ng stick notation. Isang kawili-wiling gawain ang paglikha ng payak na ostinato patterns. Sa araling ito ay magkakaroon ka ng higit na kaalaman at bagong karanasan sa musika sa paglikha ng mga rhythmic patterns gamit ang mga instrumentong panritmo at pagpapatunog ng iba’t ibang bahagi ng katawan.
  • 38. 38 Gawain 2 Mahal mo ba ang iyong bansa? Bakit? Gawin ang sumusunod: a. Basahin/ipalakpak ang mga hulwaran gamit ang rhythmic syllables. (ta - ti ti)
  • 39. 39 b. Anong rhythmic syllables ang ginamit sa rhythmic pattern? c. Gumawa ng payak na ostinato para sa awit. d. Tugtugin ang rhythmic pattern habang inaawit ang “Bayang Sinta”. Gawain 3 Hatiin ang klase sa apat (4) na pangkat. Bawat pangkat ay lilikha ng ostinato pattern. Gawin ang ostinato patterns sa pamamagitan ng katawan habang umaawit. Tandaan: Ang ostinato pattern ay maaaring tugtugin gamit ang instrumentong panritmo at iba pang pinanggagalingan ng tunog. Ang rhythmic patterns ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.
  • 40. 40 Pagtataya: Lagyan ng tsek (  ) ang angkop na kahon. Kasanayan Nangu nguna May Kasanayan May sapat na kakayahan Nagsisimula pa lamang 1. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng ostinato 2. Naisasagawa ang rhythmic pattern sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik, pag-chant, pag- snap, at pagtugtog ng instrumentong pangmusika/ panritmo. 3. Naisasagawa nang tama ang rhythmic patterns bilang ritmong pansaliw sa awit. 4. Lubusang nakikilahok sa pangkatang gawain. 5. Naipakikita ang pakikiisa sa pangkatang gawain.