SlideShare a Scribd company logo
219
DEPED COPYYunit III
220
DEPED COPY
221
DEPED COPY
YUNIT III PAGSUSURI NG EKONOMIYA: MAKROEKONOMIKS
PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG
	 Ang makroekonomiks ay nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya. Kung
ang maykroekonomiks ay nakatuon sa desisyon ng bawat pamilya at bahay-kalakal,
ang makroekonomiks naman ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng pambansang
ekonomiya. Matututuhan mo sa makroekonomiks ang mga konseptong may kinalaman
sa implasyon, patakarang piskal, patakaran sa pananalapi, pambansang badyet, at
pagsulong ng ekonomiya. Naitanong mo ba sa sarili mo kung papaano gumagana ang
pambansang ekonomiya? Kung hindi pa samahan mo akong tuklasin kung papaanong
ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas
ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa.
	 Sa modyul na ito ay matutuklasan ang bumubuo sa pambansang ekonomiya,
mga suliraning pangkabuhayan, at ang pamamaraang ginagawa ng pamahalaan
upang malutas ang mga ito tungo sa pag-unlad. Handa ka na bang alamin ang
kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit tayong maglakbay
sa pambansang ekonomiya ng bansa, siyasatin natin kung papaano kumikilos ang
mga sektor na bumubuo dito.
	 Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pambansang
ekonomiya at kung papaano ito gumagana upang matugunan ang mga suliraning
pangkabuhayan sa pagtamo ng pambansang kaunlaran.
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-aaral
ang pag-unawa sa mga pangunahing
kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran.
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi
ng mga pamamaraan kung papaanong
ang pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
Aralin 1:
PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
•	 Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya
•	 Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
•	 Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
222
DEPED COPY
Aralin 2:
PAMBANSANG KITA
•	 Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National
Product-Gross Domestic Product) bilang panukat ng
kakayahan ng isang ekonomiya
•	 Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng
pambansang produkto
•	 Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita sa ekonomiya
•	 Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa
pambansang kita at pambansang produkto
Aralin 3:
UGNAYAN NG
PANGKALAHATANG
KITA, PAG-IIMPOK AT
PAGKONSUMO
•	 Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa
pagkonsumo at pag-iimpok
•	 Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings
sa pag-iimpok
Aralin 4:
IMPLASYON
•	 Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng implasyon
•	 Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng
implasyon
•	 Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon
•	 Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga
suliranin kaugnay ng implasyon
Aralin 5:
PATAKARANG PISKAL
•	 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal
•	 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng
pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na
ipinatutupad nito
•	 Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta
ng pamahalaan
•	 Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan
sa wastong pagbabayad ng buwis
•	 Naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa
katatagan ng pambansang ekonomiya
Aralin 6:
PATAKARANG
PANANALAPI
•	 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang
pananalapi
•	 Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan
at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
upang mapatatag ang halaga ng salapi
223
DEPED COPY
Grapikong pantulong sa gawain
MGA INAASAHANG KAKAYAHAN
	 Upang mapagtagumpayan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-
unawa, kinakailangang gawin at tandaan mo ang sumusunod:
1.	 pagkokompyut gamit ang kaalaman sa Matematika;
2.	 kritikal na pagsusuri at interpretasyon ng mga aktuwal na datos at tsart
mula sa mga ahensiya ng pamahalaan ukol sa Gross National Product/
Income at Gross Domestic Product;
3.	 pagpapahalaga sa kita, pagkonsumo, at pamumuhunan bilang mahalagang
salik sa paggana ng pambansang ekonomiya
4.	 pagpapaliwanag sa epekto ng implasyon sa buhay ng isang mamamayan
5.	 pagtukoy sa mga pamamaraan upang maiwasan ang suliraning dulot ng
implasyon
6.	 nakapagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan, gawain, o proyekto
sa paglahok sa mga gawain ng pambansang ekonomiya tungo sa
pambansang kaunlaran.
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel.
1.	 Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A.	 Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B.	 Kita at gastusin ng pamahalaan
C.	 Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D.	 Transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal
MAKROEKONOMIKS
PAIKOT NA
DALOY NG
EKONOMIYA
SULIRANING
PANGKABUHAYAN:
IMPLASYON
GROSS NATIONAL
PRODUCT /
INCOME
GROSS
DOMESTIC
PRODUCT
PATAKARANG
PISIKAL
PATAKARANG
PANANALAPI
(K)
224
DEPED COPY
2.	 Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A.	 Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho.
B.	 Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal.
C.	 Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa.
D.	 Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa.
3.	 Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa
Gross National Income?
A.	 Expenditure Approach
B.	 Economic Freedom Approach
C.	 Industrial Origin/Value Added Approach
D.	 Income Approach
4.	 Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang
kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan
para sa pag-iimpok?
A.	 Php1,000.00
B.	 Php2,000.00
C.	 Php3,000.00
D.	 Php4,000.00
5.	 Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa
ekonomiya?
A.	 deplasyon
B.	 implasyon
C.	 resesyon
D.	 depresyon
6.	 Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan
at bahay-kalakal?
A.	 Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B.	 Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa
mga bahay-kalakal.
C.	 Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo
ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D.	 Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
7.	 Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A.	 Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong
pampinansiyal
B.	 Dahilmagagamititoupangmakabuongmgapatakarangmagpapaangat
sa ekonomiya ng bansa
C.	 Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang
umani ng malaking boto sa eleksiyon
D.	 Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na
pamamalakad ng ekonomiya
(K)
(K)
(K)
(K)
(P)
(P)
225
DEPED COPY
8.	 Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
A.	 Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa
Gross National Income nito.
B.	 Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat
ng Gross National Income.
C.	 Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross
National Income.
D.	 Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama
sa Gross National Income.
9.	 Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic
Product ng bansa?
A.	 Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
B.	 Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
C.	 Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa
pamumuhunan.
D.	 Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
10.	 Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
A.	 Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
B.	 Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
C.	 Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
D.	 Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
11.	Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng isang
kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon
sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong karne ng manok?
A.	 Php95.00
B.	 Php100.00
C.	 Php105.00
D.	 Php110.00
12.	Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
A.	 Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang
output ng produksiyon.
B.	 Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay
na ekonomiya.
C.	 Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng
karagdagang paggasta.
D.	 Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta
sa ekonomiya.
13.	Ang dinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng
paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang
nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na
daloy?
A.	 Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
B.	 Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong
kapital sa negosyo.
C.	 Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang
(P)
(P)
(P)
(P)
(P)
(U)
226
DEPED COPY
paggastos ng tao.
D.	 Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng
mga bangko.
14.	Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri
sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang
pamahalaan upang mapataas ito?
A.	 Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
B.	 Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
C.	 Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa
ekonomiyang pandaigdigan.
D.	 Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.
15.	Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na
nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
A.	 Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito.
B.	 Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang
kita.
C.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kanyang kita.
D.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito
nagmula ang kanyang kita
16.	Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph?
PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT
At Current Prices, In Million Pesos
16,000,000
14,000,000 Legend:
12,000,000 Gross Domestic Product
10,000,000 Gross National Income
8,000,000
6,000,000
4,000,000
2,000,000
0
2012 2013
Pinagmulan: Philippine Statistics Authority
A.	 Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kompara sa Gross
National Income nito.
B.	 Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012 kompara sa
taong 2013.
C.	 Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong 2012
kompara sa taong 2013.
D.	 Mas Malaki ang Gross National Income kompara sa Gross Domestic
Product sa parehong taon.
(U)
(U)
(U)
227
DEPED COPY
17.	 Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin
kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A.	 Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang
salapi.
B.	 Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman
mahalaga.
C.	 Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D.	 Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari
kinabukasan.
18.	 Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakatamang paliwanag sa graph.
A.	 Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng
kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
B.	 Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng
produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili.
C.	 Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan
sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
D.	 Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto
sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo.
19.	Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa
implasyon?
A.	 Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B.	 Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C.	 Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
D.	 Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon
ng kakulangan.
20.	Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa
pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng
pansin?
A.	 Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki.
B.	 Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita
rin ng malaki.
C.	 Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas
ng presyo.
D.	 Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na
presyo.
(U)
(U)
(U)
(U)
P AS
Q
P 120
P 100
AD1
40 50
AD2
228
DEPED COPY
PANIMULA
Ayon sa Investopedia.com, ang makroekonomiks ay larangan ng ekonomiks
na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks
ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng
trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo.
May apat na pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang makroekonomiks:
•	 Una, binibigyang pansin ng makroekonomiks ang kabuuang antas ng presyo.
Ang pagtaas ng kabuuang presyo ay pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng
mga gumagawa ng batas o patakaran na nakaaapekto sa mga mamamayan
sa kabuuan.
•	 Pangalawa, ang makroekonomiks ay binibigyan-pansin ang kabuuang
produksiyon o ang bilang ng kalakal at paglilingkod na nagawa sa ekonomiya.
Ito rin ang nagiging batayan sa pagsukat sa kakayahan ng isang ekonomiya
kung papaano matutugunan ang pangangailangan ng lipunan at ng buong
bansa sa kabuuan.
•	 Pangatlo, binibigyang pansin ng makroekonomiks ang kabuuang empleyo.
Mahalaga ito para sa mga nagpaplano ng ekonomiya at bumubuo ng mga
patakarang pangkabuhayan upang matiyak na may mapagkukunan ng
ikabubuhay ang bawat pamilya sa lipunan.
•	 Pang-apat, at panghuli, tinitingnan din ang ibang bahagi ng mundo at
ang relasyon nito sa panloob na ekonomiya. Hindi maihihiwalay ang mga
pangyayaring pandaigdigan sa kalagayan ng ekonomiya sa loob ng bansa.
May malaking epekto ang kalagayang pang-ekonomiya ng ibang bansa sa
ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig.
ARALIN 1:
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
ALAMIN
Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga
paunang tanong sa mga aralin, ikaw ay magsisimula na sa iyong pagsusuri
sa pambansang ekonomiya. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtuklas
ng iyong mga nalalaman at maunawaan kung papaano gumagana ang
pambansang ekonomiya upang mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan
tungo sa pagtamo ng kaunlaran.
Simulan natin ang ating pagtuklas sa pamamagitan ng sumusunod na
gawain.
229
DEPED COPY
Gawain 1: HULA-LETRA
	 Isulat sa loob ng lobo ang tamang letra upang mabuo ang salita. Ang ilang
letra ay ibinigay na bilang gabay.
1.	 Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya
2.	 Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo
3.	 Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon
4.	 Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan
5.	 Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong sariling pagkaunawa sa makroekonomiks?
2. Papaano kaya naiba ang makroekonomiks sa maykroekonomiks?
Gawain 2: SMILE KA DIN KAHIT KAUNTI
Bilugan ang nakangiting mukha kung malawak na ang kaalaman sa paksa o
konsepto. Kung hindi naman, bilugan ang hindi nakangiting mukha.
1. Dayagram ng paikot na daloy
2. Ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal, at
pamahalaan
3. Buwis na binabayaran ng sambahayan at bahay
kalakal sa pamahalaan
W
M K S
B Y
P H A
X T
230
DEPED COPY
4. Ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan
5. Konsepto ng angkat at luwas
6. Transfer payments na ibinabayad ng pamahalaan
7. Paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy
8. Pagpasok (inflow) ng salapi sa paikot na daloy
9. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon
10. Pagbuo ng mga kalakal upang maging tapos na
produkto
Pamprosesong Tanong:
1.	 Matapos mong sagutan ang gawain, ilang konsepto ang alam mo na sa paksa?
Ilan naman ang konseptong hindi mo pa nalalaman?
2.	 Base sa iyong kasagutan sa bilang 1, ano ang mabubuo mong hinuha batay sa
lawak ng iyong kaalaman sa paksa?
Gawain 3: PAUNANG SAGOT
Ang gawaing ito ay susukat sa iyong paunang kaalaman tungkol sa paksa.
Isulat ang iyong sagot sa katanungan sa loob ng callout. Hindi kailangang tama ang
iyong sagot sa paunang gawaing ito.
	
Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang paunang sagot upang inisyal
na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Papaano gumagana ang
pambansang ekonomiya upang
mapabuti ang pamumuhay ng
mamamayan tungo sa pagtamo
ng pambansang kaunlaran?
231
DEPED COPYMGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA
UnangModelo.Angunangmodelongpambansangekonomiyaaynaglalarawan
ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing
aktor sa modelong ito. Ang sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang
ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay ang tagalikha ng produkto.
Sa unang modelo, ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng
produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag
kabilang na ito sa sambahayan.
Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang
pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang
mabuhay? Maaaring gumawa ka ng paraan upang matugunan ang sarili mong
pangangailangan dahil wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ang maghahanap
ng pagkain, gagawa ng sariling bahay, at bubuo ng sariling damit. Sa madaling salita,
ang sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang.
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang
takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng
pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang maitaas ng
kaukulang aktor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo.
	 Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa
paikot na daloy, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit
mong maunawaan ng mas malalim ang konsepto nito.
PAUNLARIN
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa
paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito
sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging
batayaan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito
ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto
tungkol sa pambansang ekonomiya. Inaasahang magagabayan ka ng mga
inihandang gawain at teksto upang masagot kung papaanong ang kaalaman
sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa?
Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang gawain na nasa
ibaba.
232
DEPED COPY
SIMPLENG EKONOMIYA: ANG SAMBAHAYAN AT BAHAY-KALAKAL SA
PAGGAMIT NG SALIK NG PRODUKSIYON (FACTOR MARKETS)
	
	 Ikalawang Modelo. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang
ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang
mga pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor. Sa puntong ito
masasabing magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal. Matutunghayan ang
ikalawang modelo ng pambansang ekonomiya sa pigura sa susunod na pahina.
	 May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang
uri ay ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito
ang pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay
pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity. Kilala ito bilang goods market o
commodity markets.
	 Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang
ekonomiya-ang sambahayan at bahay-kalakal.
	 Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang
lumikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito.
subalit bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa
ng mga salik ng produksiyon. At dahil tanging ang sambahayan ang may supply ng
mga salik ng produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa
pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksiyon.
	 Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes
ang bahay-kalakal, halimbawa sa paggamit ng lupa, magbabayad ang bahay-kalakal
ng renta o upa at sa paggamit ng paggawa, magbibigay ito ng pasahod. Dahil sa
sambahayan din nagmumula ang entreprenyur, may kita itong nakukuha mula sa
pagpapatakbo ng negosyo. At ang kita ng entreprenyur ay nabibilang na kita ng
sambahayan.
	 Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan. Kumikita ang sambahayan
sa interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at pasahod sa paggawa. Sa pananaw
naman ng bahay-kalakal, ang interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at mga
pasahod sa paggawa ay mga gastusin sa produksiyon.
BAHAY KALAKAL
SAMBAHAYAN
Kokonsumo ng mga produkto
Lilikha ng mga produkto
233
DEPED COPY
	 Matapos ang produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa
sambahayan sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod. Dito bibili ang sambahayan
ng produkto na pantugon sa pangangailangan o kagustuhan nito. Gagamitin ng
sambahayan ang natanggap na kita upang makabili ng produkto. Sa pananaw ng
sambahayan, ito ay gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos ang
sambahayan, doon kumikita ang bahay-kalakal. Mamamalas dito ang interdependence
ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang dalawang aktor ay umaasa sa isa’t isa upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
	 Mapapansin din na kumikita ang isang sektor sa bawat paggastos ng ibang
sektor. Dahil dito, may dalawang pagsukat sa kita ng pambansang ekonomiya. Ang
isa ay sa pamamagitan ng halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang
isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal.
Ang kabuuang kita ay naglalarawan din ng produksiyon ng pambansang ekonomiya.
	 Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng
produksiyon. Upang maitaas ang produksiyon, kailangang marami ang magagamit na
salik ng produksiyon. Bukod dito, kailangang maitaas din ang antas ng produktibidad
ng mga salik. Samakatuwid, kailangan ng paglago ng kapital. Kailangang dumami ang
oportunidad sa trabaho. Kailangang malinang ang produktibidad ng lupa. Kailangang
mapag-ibayo ng entreprenyur ang kanyang kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo.
Sa ganitong kalagayan, tataas ang mga kita ng sambahayan at bahay-kalakal.
PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO (GOODS OR COMMODITY MARKET)
BAHAY
KALAKAL
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
PAMILIHAN NG
SALIK NG
PRODUKSIYON
Lupa, paggawa,
at kapital
Input para sa
produksiyon
Pagbebenta ng kalakal
at paglilingkod
Pagbili ng kalakal
at paglilingkod
PaggastaKita
Sahod, upa, at
tubo Kita
SAMBAHA
YAN
BAHAY KALAKAL
SAMBAHAYAN
234
DEPED COPY
Ikatlong Modelo. Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang
pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang-alang ng
sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.
Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili. Hindi lang
pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Bukod sa pamimili at
paglikha ng produkto, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahahalagang
gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang
pinansiyal (financial market).
Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa salik
ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at para sa mga pinansiyal na kapital.
Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito
gagastusin ang isang bahagi ng natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi
ginastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ang inilalagak sa pamilihang pinansiyal.
Kabilang sa naturang pamilllihan ang mga bangko, kooperatiba, insurance company,
pawnshop, at stock market.
Samantala sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay-
kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa
o daigdig. Maaaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo.
Ngunit maaaring patuloy namang gaganda ang negosyo nito kung lalawak ang sakop
ng produksiyon.
Dahil dito, maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang pinansiyal
na kapital. Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng produksiyon. Hihiram
ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. Ang
paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na kabayaran. Babayaran nito ng interes
ang hiniram na puhunan. Sinisingil ang bahay-kalakal dahil may kapakinabangan
itong matatamo sa paghiram ng puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak
na ang negosyo nito.
Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging
kabayaran sa sambahayan. Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok.
Ito ay dahil nagagamit ang inilagak nitong ipon bilang puhunan ng mga bahay-kalakal.
Para sa sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal, ito ay mahalagang
gastusin.
Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga gawaing pang-
ekonomiya. Ang mga ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano para sa
hinaharap ang mga naturang aktor. Ito ang nagpapaliwanag sa broken lines na ginamit
sa dayagram. Kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor, walang pag-
iimpok at pamumuhunan.
Sa ikatlong modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng
235
DEPED COPY
kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Kasama na rito ang gastusin
sa pamumuhunan ng bahay-kalakal. Ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang
kita ng sambahayan at bahay-kalakal. Kabilang dito ang kita ng sambahayan sa pag-
iimpok.
Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng
produksiyon. Mahalagang punto rin sa ikatlong modelo ang mga nabanggit sa
ikalawang modelo. Ngunit may mga karagdagang dala ang pagsulpot ng mga gawain
na pag-iimpok at pamumuhunan. Ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay rin sa
paglaki ng pamumuhunan.
Upang maging matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang
sambahayan. Kailangan din na may sapat na dami ng bahay-kalakal na handang
mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang
produksiyon ng mga kapital na produkto. Inaasahan na darami rin ang mabubuksang
trabaho para sa paggawa. Sa ganitong modelo ng ekonomiya, mahalagang balanse
ang pag-iimpok at ang pamumuhunan.
PAMILIHANG PINANSIYAL:
PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS)
	
PAMILIHANG
PINANSIYAL
Pag-iimpokPamumuhunan
BAHAY KALAKAL
SAMBAHAYAN
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
PAMILIHAN
NG SALIK NG
PRODUKSIYON
Lupa, paggawa,
at kapital
Input para sa
produksiyon
Pagbebenta ng kalakal at
paglilingkod
Pagbili ng kalakal at
paglilingkod
PaggastaKita
Sahod, upa, at
tubo Kita
Pag-iimpok
236
DEPED COPY
Ikaapat na Modelo. Ang ikaapat na modelo ay tatalakayin sa susunod na
pahina. Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa
sistema ng pamilihan. Maaaring maliit at mabagal ang gampanin ng pamahalaan dito.
Maaari namang malaki rin at aktibo ang pamahalaan dito.
Kung ang unang gampanin ang pagbabatayan, ang pamahalaan ay kabilang
sa politikal na sektor. Labas ang pamahalaan sa usapin ng pamilihan. Ngunit kung
sa ikaapat na modelo ang pagbabatayan, papasok ang pamahalaan bilang ikatlong
sektor. Ang naunang dalawang sektor ay ang sambahayan at ang bahay-kalakal.
Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging
karagdagang gawain sa ekonomiya. Tulad din ng pag-iimpok at pamumuhunan,
broken lines ang ginamit sa pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng buwis ay hindi
takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan.
Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis
ay tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha
ng pampublikong paglilingkod. Ang mga pampublikong paglilingkod ay nauuri sa
pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-kalakal.
Sa ikaapat na modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng
kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Maitatakda rin
ang pambansang kita sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan, bahay-
kalakal, at pamahalaan.
Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong pinagbabatayan: una,
ang pagtaas ng produksiyon; ikalawa, ang produktibidad ng pamumuhunan; at ikatlo,
ang produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan.
Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang makalikha ng positibong
motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan. Mahalagang maihatid ang mga
pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis.
Hangad ng bawat sektor na makita ang kinahinatnan ng kanilang pagbabayad ng
buwis. Sa pagsingil ng buwis, mahalagang hindi mabawasan ang produktibidad ng
bawat sektor. Hindi maiiwasan na magtaas sa pagsingil ng buwis. Ngunit mahalaga
na hindi makaramdam ng paghihirap ang mga sektor sa pagtataguyod ng mga
pangangailangan at kagustuhan.
Sa aspekto ng gastusin ng pamahalaan, mahalagang mapag-ibayo ang mga
kaalaman at kakayahan ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang mga pampublikong
paglilingkod ay dapat maging produktibo. Hindi dapat maging palaasa ang mga tao
sa tulong na ibibigay ng pamahalaan. Hindi rin dapat makipagkompetensiya ang
pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay-kalakal. Sa oras na maganap ito,
marami ang magtatanggal ng puhunan sa bansa. Marami ang mawawalan ng trabaho
at kita. Ang buong ekonomiya ay aasa na lamang sa gawain ng pamahalaan.
237
DEPED COPY
ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSIYAL, SALIK NG
PRODUKSIYON, KALAKAL, AT PAGLILINGKOD
	
Ikalimang Modelo. Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya
ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang
ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo
ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik.
Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang
panlabas ang bukas na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan
ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.
May mga sambahayan at bahay-kalakal ang dayuhang ekonomiya. Pareho
rin sila na may pinagkukunang-yaman. Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami ng
mga ito. Maaaring kailangan nila ang ilan sa mga ito bilang salik ng produksiyon. Ang
pangangailangan sa pinagkukunang-yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan.
May mga pinagkukunang-yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon na
kailangan pang angkatin sa ibang bansa.
Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang
ekonomiya. Gayundin ang dayuhang ekonomiya. Maaaring magkapareho ang
kanilang produkto. Maaari rin namang magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang
ekonomiya ng produkto sa isa’t isa.
BAHAY-
KALAKAL
SAMBAHAYAN
N
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
PAMILIHAN NG
SALIK NG
PRODUKSIYON
Lupa,
Paggawa,
Kapital
Mamumuhuna
n
Bumibili ng
produktibong
resources
Pagbebenta ng kalakal
at paglilingkod
Pagbili ng kalakal
at paglilingkod
PaggastaKita
Sueldo, upa,
tubo o interes Kita
PAMILIHANG
PINANSIYAL Pag-iimpokPamumuhunan
PAMAHALAAN
Suweldo, tubo,
transfer
payments
BuwisPagbili ng kalakal
at paglilingkod
Buwis
PAGLILINGKOD
238
DEPED COPY
ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS
	
Halaw: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at
Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Gawain 4: FILL IT RIGHT
	 Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor at pamilihan sa paikot na
daloy ng ekonomiya.
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA
BAHAGING GINAGAMPANAN
1. Sambahayan
2. Bahay-kalakal
3. Pamahalaan
4. Panlabas na Sektor
MGA URI NG PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN
1. Product Market
2. Factor Market
3. Financial Market
4. World Market
BAHAY-
KALAKAL
SAMBAHAYAN
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
PAMILIHAN NG
SALIK NG
PRODUKSIYON
Lupa,
Paggawa,
Kapital
Mamumuhuna
n
Bumibili ng
produktibong
resources
Pagbebenta ng kalakal
at paglilingkod
Pagbili ng kalakal
at paglilingkod
PaggastaKita
Sueldo, upa,
tubo o interes
Kita
PAMILIHANG
PINANSIYAL Pag-iimpokPamumuhunan
PAMAHALAAN
Suweldo, tubo,
transfer
payments
BuwisPagbili ng kalakal
at paglilingkod
Buwis
PANLABAS NA
SEKTOR
Pagluluwas (export) Pag-aangkat (import)
239
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal? Ipaliwanag.
2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya?
3. Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor?
Gawain 5: SURIIN AT UNAWAIN
	 Upang higit na maunawaan ang binasang teksto, masdang mabuti ang mga
bagay na makikita sa dayagram sa kabilang pahina. Tukuyin at isulat sa loob ng kahon
kung anong sektor ang ipinapakita sa dayagram. Pagkatapos ng pagsasagawa ng
pagsusuri ay maaari mo nang sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa paikot na daloy?
2. Papaanong nagkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya?
Ipaliwanag.
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa paikot na daloy ng
ekonomiya, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo
ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito.
2.
____________
4
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
PAMILIHAN NG
SALIK NG
PRODUKSIYON
Lupa,
Paggawa,
Kapital
Mamumuhuna
n
Bumibili ng
produktibong
resources
Pagbebenta ng kalakal
at paglilingkod
Pagbili ng kalakal
at paglilingkod
PaggastaKita
Sueldo, upa,
tubo o interes
Kita
5.
___________ Pag-iimpokPamumuhunan
3.
____________
Suweldo, tubo,
transfer
payments
BuwisPagbili ng kalakal
at paglilingkod
Buwis
1. _____________
Pagluluwas (export) Pag-aangkat (import)
Suweldo,
PAGLILINGKOD
240
DEPED COPY
Gawain 6: IPANGKAT NATIN
	 Isulat sa unang hanay ang mga konsepto na may malawak ka nang kaalaman
at sa ikalawang hanay naman ang mga konseptong nangangailangan pa ng malawak
na kaalaman.
		paikot na daloy			paggasta
		pag-angkat at pagluwas		sambahayan
		bayaring nalilipat			 bahay kalakal
		buwis					subsidiya
		dibidendo 				upa
MALAWAK ANG KAALAMAN HINDI MALAWAK ANG KAALAMAN
Pamprosesong Tanong:
1.	 Matapos mong sagutan ang gawain, papaano mo bibigyan ng grado ang
iyong sarili base sa lawak ng iyong pagkaunawa sa paksa?
2.	 Papaano mo kaya higit na mauunawaan ang mga paksang hindi pa malalim
ang iyong kaalaman? Patunayan.
Gawain 7: NASA GRAPH ANG SAGOT
	 Kung malalim na ang pagkaunawa mo sa aralin, maaari mo nang masuri ang
pigura sa ibaba. Pagkatapos nito ay sagutan ang mga gabay na tanong.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto ng paikot na daloy
ng ekonomiya upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga
natutuhan.
Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on October 20, 2013
241
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa graph, ano ang kalagayan ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa
sa loob ng sampung taon?
2. Bakit hindi maiwasang lumahok sa pag-aangkat at pagluluwas ang
pambansang ekonomiya? Ipaliwanag.
Gawain 8: PAGGAWA NG COLLAGE
	 Gamit ang mga materyales na maaaring gamiting-muli (recyclable) o mga
materyales na indigenous sa inyong lugar, bumuo ng isang dayagram ng paikot na
daloy at idikit ito sa kalahating bahagi ng illustration board o cartolina. Maaaring
magtanghal ng isang mini exhibit sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE
MAGALING
(3)
KATAMTAMAN
(2)
NANGANGAI-
LANGAN NG
PAGSISIKAP
(1)
NAKUHANG
PUNTOS
NILALAMAN
Naipakita ang
lahat ng sektor
na bumubuo
sa paikot na
daloy at ang
tungkuling
ginagampanan
ng bawat isa.
Naipakita
ang ilan sa
mga sektor
na bumubuo
sa paikot na
daloy at ang
ilang tungkuling
ginagampanan
ng bawat isa.
Hindi naipakita
ang mga sektor
na bumubuo
sa paikot na
daloy at hindi
rin naipakita
ang tungkuling
ginagampanan
ng bawat isa.
KAANGKUPAN
NG KONSEPTO
Lubhang
angkop ang
konsepto at
maaaring
magamit sa
pang-araw-
araw na
pamumuhay.
Angkop ang
konsepto at
maaaring
magamit sa
pang-araw-araw
na pamumuhay.
Hindi angkop
ang konsepto
at hindi
maaaring
magamit sa
pang-araw-
araw na
pamumuhay.
242
DEPED COPY
KABUUANG
PRESEN-
TASYON
Ang kabuuang
presentasyon
ay maliwanag
at organisado
at may
kabuluhan
sa buhay ng
isang Pilipino.
Ang kabuuang
presentasyon
ay bahagyang
maliwanag at
organisado at
may bahagyang
kabuluhan sa
buhay ng isang
Pilipino.
Ang kabuuang
presentasyon
ay hindi
maliwanag,
hindi
organisado,
at walang
kabuluhan sa
buhay ng isang
Pilipino.
PAGKAMA-
LIKHAIN
Gumamit
ng tamang
kombinasyon
ng mga kulay
at recycled na
materyales
upang
ipahayag ang
nilalaman at
mensahe.
Gumamit ng
bahagyang
kombinasyon
ng mga kulay
at recycled na
materyales
upang ipahayag
ang nilalaman
at mensahe.
Hindi gumamit
ng tamang
kombinasyon
ng mga kulay
at hindi rin
gumamit ng
recycled na
materyales
upang
ipahayag ang
nilalaman at
mensahe.
KABUUANG PUNTOS
Gawain 9: PANG HULING KASAGUTAN
	 Pagkatapos ng mga babasahin at gawain ay muling sagutan ang katanungan
sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa loob ng callout. Inaasahang maipahayag mo ang
iyong nalaman at naunawaan sa paksang tinalakay.
	
Papaanong ang kaalaman sa
pambansang ekonomiya ay
makatutulong sa pagpapabuti
ng antas ng pamumuhay ng
mga mamamayan tungo sa
kaunlaran ng bansa?
TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN
	 Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya.
Ipinaliwanag rin ang ugnayang namamagitan sa bawat sektor ng ekonomiya. Ang
susunod na aralin naman ay tatalakay sa konsepto ng pambansang kita.
243
DEPED COPY
PANIMULA
Malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya
ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance nito. Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga economic indicators ay nasusukat ang kasiglahan
ng ekonomiya. Ito ay mga instrumento na maglalahad sa anumang narating na
pagsulong at pag-unlad ng isang ekonomiya. Ayon sa Philippine Statistics Authority,
ang Pilipinas ay gumagamit ng tinatawag na leading economic indicators. Ang ilan sa
mga ito ay ang Number of New Businesses, Terms of Trade Index, Consumer Price
Index, Hotel Occupancy Rate, Wholesale Price Index, Electric Energy Consumption,
Foreign Exchange Rate, Visitor Arrivals, Money Supply, Stock Price Index, at Total
Merchandise Imports.
	 Sa mga nabanggit na indicators, madalas na ginagamit ang kabuuang
pambansang kita o Gross National Income (GNI) sa pagsukat ng kalagayan
ng ekonomiya ng isang bansa. Ang paraan ng pagsukat sa pambansang kita sa
pamamagitan ng GNI ay tinatawag na National Income Accounting.
ARALIN 2:
PAMBANSANG KITA
Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN
	 Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng iyong makakaya. Matapos ang
pagsusuri, punan ang pahayag sa ibaba.
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay __________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
EKONOMIYA
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa
pambansang kita at kung bakit mahalagang masukat ang economic performance
ng isang bansa.
244
DEPED COPY
Pamprosesong tanong:
1. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap?
3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy ang
kalagayan ng ekonomiya?
Gawain 2: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG
	 May tatlong pahayag na nasa ibaba tungkol sa paksa. Isa sa mga pahayag na
ito ay walang katotohanan. Magsagawa ng brainstorming ang bawat pangkat upang
malaman kung alin sa mga pahayag ang may katotohanan at walang katotohanan.
Bawat isa ay magbabahagi ng kaniyang nalalaman upang makabuo ng mga kolektibong
pagsang-ayon ang buong pangkat. Iulat ang nabuong kasagutan sa harap ng klase.
1.	 Ginagamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product upang
masukat ang economic performance ng isang ekonomiya.
2.	 Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isinasama sa
pagkuwenta ng Gross National Income.
3.	 Ang halaga ng mga nabuong produkto ng mga dayuhang nagtatrabaho sa loob
ng Pilipinas ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross National Income ng
bansang kanilang pinanggalingan.
	 Lahat ng kasagutan ay tatanggapin ng inyong guro. Hahayaan kayong
magbigay ng sariling kaalaman tungkol sa paksa. Iwawasto lamang ito sa huling
bahagi ng aralin ukol sa pagsasabuhay.
Gawain 3: MAGBALIK-TANAW
	 Sagutan ang katanungan sa ibaba batay sa iyong sariling karanasan o opinyon.
Hindi kailangang wasto ang kasagutan sa gawaing ito. Muli mo itong sasagutan
pagkatapos ng mga gawain sa PAGLINANG at PAGNILAYAN upang makita ang pag-
unlad ng iyong kalaman sa aralin.
	 Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na
masukat ang iyong nalalaman tungkol sa pambansang kita.
Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng
isang bansa? _______________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
________________________________________________
	 Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa
pambansang kita, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng modyul
upang higit mong maunawaan ang mas malalim na konsepto nito.
245
DEPED COPY
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
	 Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics
Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa
pambansang kita ay ang sumusunod:
1.	 Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya
tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon
at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng
bansa.
2.	 Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,
masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at
malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.
3.	 Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging
gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran
at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at
makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
4.	 Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita,
haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan.
Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5.	 Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng ekonomiya.
GROSS NATIONAL INCOME
	 Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National
Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Kalimitang sinusukat ang
GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon. Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi
ng isang bansa. Para sa paghahambing, ginagamit na pamantayan ang dolyar ng US.
PAUNLARIN
	 Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/
kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda
upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng
bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya
o konsepto tungkol sa pambansang kita. Inaasahang magagabayan ka ng
mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung bakit mahalagang
masukat ang economic performance ng isang bansa? Halina’t umpisahan mo
sa pamamagitan ng unang gawain na nasa ibaba.
246
DEPED COPY
	 Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang
isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). Ang mga produktong ito
ay sumailalim na sa pagpoproseso para sa pagkonsumo. Sa pagkuwenta ng GNI,
hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon upang
maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Halimbawa, kung ang sinulid ay ibibilang
sa GNI at ibibilang din ang damit na gumamit ng sinulid bilang sangkap, nagpapakita
ito na dalawang beses ibinilang ang sinulid. Kaya naman para ito ay maiwasan,
hindi na ibinibilang ang halaga ng sinulid bilang tapos o nabuong produkto. Sa halip
isinasama na lamang ang halaga ng sinulid na kasama sa halaga ng damit.
	 Hindi rin isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI) ang mga
hindi pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa
nito. Isang halimbawa nito ang pagtatanim ng gulay sa bakuran na ginagamit sa
pagkonsumo ng pamilya.
Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground
economy tulad ng naglalako ng paninda sa kalsada, nagkukumpuni ng mga sirang
kasangkapan sa mga bahay bahay, at nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa
ay hindi rin ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross National Income. Ito ay dahil hindi
nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain
upang ang halaga ng kanilang produksiyon ay masukat.Ang mga produktong segunda-
mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na
ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.
PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC
PRODUCT (GDP)
	 Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob
ng itinakdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik
ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito ginawa. Ang Gross Domestic
Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos
na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang
bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang
produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan
sa loob ng bansa ay kasama dito. Halimbawa, ang kita ng mga dayuhang hinango
sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa
dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa. Hindi naman ibinibilang sa Gross National
Income ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dayuhan dahil hindi naman
sila mga mamamayan ng bansa. Sa kabilang banda, ang kinita ng mga dayuhang
ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng kanilang
bansa. Halimbawa, ang kinita ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho
sa Singapore ay ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross Domestic Income ng Singapore
ngunit hindi kabilang sa Gross National Income ng bansang ito. Sa halip, ang kinita
ng mga naturang OFW ay binibilang sa Gross National Income ng Pilipinas.
247
DEPED COPY
Gawain 4: GNI at GDP
Matapos basahin ang teksto, punan ng tamang datos ang Venn Diagram na
nasa ibaba. Itala ang pagkakaiba ng GNI at GDP. Pagkatapos ay isulat sa gitnang
bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa.
Pamprosesong mga Tanong:
1.	 Batay sa nabuong Venn diagram, papaano naiba ang Gross National Income sa
Gross Domestic Product?
2.	 Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang bansa?
3.	 Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP?
MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI
	 Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross
National Income: (1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach), (2)
pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon (income approach), at (3)
pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach).
1.	 Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach)
Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang
pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:
a.	 Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng
mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo
ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga
mamamayan ay kasama rito.
b.	 Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng
mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales
para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.
c.	 Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang mga gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba
pang gastusin nito.
248
DEPED COPY
d.	 Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) – makukuha ito kung
ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import.
e.	 Statistical discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan
sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap
sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng
datos o impormasyon.
f.	 Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net
Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga
mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa
loob ng bansa.
	Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay
sa paggasta o expenditure approach ay: GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA.
Pag-aralan at suriin ang talahanayan ng GNI at GDP ng ating bansa noong 2012-2013
na makikita sa ibaba. 		
GROSS NATIONAL INCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT
BY TYPE OF EXPENDITURE: Annual 2012 and 2013
AT CURRENT AND CONSTANT 2000 PRICES, IN MILLION PESOS
TYPE OF EXPENDITURE
At Current Prices At Constant Prices
2012 2013
Growth
Rate (%)
2012 2013
Growth
Rate (%)
1. Household Final
Consumption Expenditure
7,837,881 8,455,783 7.9 4,442,523 4,691,060 5.6
2. Government Final
Consumption Expenditure
1,112,586 1,243,113 11.7 653,067 709,109 8.6
             
3. Capital Formation 1,950,524 2,243,714 15.0 1,168,386 1,381,256 18.2
   A. Fixed Capital 2,047,957 2,332,663 13.9 1,280,042 1,430,348 11.7
      1. Construction 1,074,169 1,236,436 15.1 517,184 573,475 10.9
      2. Durable Equipment 751,133 874,079 16.4 630,084 720,598 14.4
      3. Breeding Stock &
          Orchard Dev’t
181,123 178,032 -1.7 100,069 98,536 -1.5
     4. Intellectual 
          Property Products 
41,531 44,116 6.2 32,705 37,739 15.4
   B. Changes in Inventories -97,433 -88,949   -111,656 -49,092
             
4. Exports 3,254,460 3,332,196 2.4 3,054,071 3,077,984 0.8
   A. Exports of Goods 2,120,180 2,124,279 0.2 2,426,493 2,428,474 0.1
   B. Exports of Services 1,134,279 1,207,917 6.5 627,578 649,510 3.5
             
5. Less: Imports 3,590,563 3,631,207 1.1 3,006,376 3,136,324 4.3
   A. Imports of Goods 2,875,855 2,877,476 0.1 2,415,218 2,510,593 3.9
   B. Imports of Services 714,708 753,731 5.5 591,158 625,731 5.8
             
6. Statistical Discrepancy 0 -97,495 0 40,682
             
GROSS DOMESTIC
PRODUCT
10,564,886 11,546,104 9.3 6,311,671 6,763,767 7.2
             
Net Primary Income 2,043,843 2,284,037 1,184,875 1,296,710
             
GROSS NATIONAL
INCOME
12,608,730 13,830,140 9.7 7,496,546 8,060,477 7.5
Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on January 5, 2015
249
DEPED COPY
2.	 Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/Value Added
Approach)
	 Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross
Domestic Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng
produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban
ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda,
kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income
sa kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng
bansa.
GROSS NATIONAL INCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT
BY INDUSTRY: Annual 2012 and 2013
AT CURRENT AND CONSTANT 2000 PRICES, IN MILLION PESOS
INDUSTRY/
INDUSTRY GROUP
At Current Prices At Constant Prices
2012 2013
Growth
Rate
(%)
2012 2013
Growth
Rate
(%)
Agriculture, Hunting,
Forestry and Fishing
1,250,616 1,297,903 3.8 698,937 706,647 1.1
Industry Sector 3,284,508 3,582,787 9.1 2,022,623 2,213,892 9.5
Service Sector 6,029,762 6,665,414 10.5 3,590,111 3,843,229 7.1
             
GROSS DOMESTIC
PRODUCT
10,564,886 11,546,104 9.3 6,311,671 6,763,767 7.2
Net Primary Income 2,043,843 2,284,037   1,184,875 1,296,710  
GROSS NATIONAL
INCOME
12,608,730 13,830,140 9.7 7,496,546 8,060,477 7.5
Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on January 5, 2015
3.	 Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
a.	 Sahodngmgamanggagawa-sahodnaibinabayadsasambahayanmula sa
mga bahay-kalakal at pamahalaan
b.	 Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyong pribado at
pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo
c.	 Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng
pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
d.	 Di-tuwirang buwis – Subsidya
1.	 Di-tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties,
lisensiya at iba pang di-tuwirang buwis.
2.	 Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan
nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. Isang
halimbawa nito ang pag-ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng
bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.
250
DEPED COPY
Gawain 5: PAANO ITO SINUSUKAT?
	 Bibigyan kayo ng guro ng mga papel na may nakasulat na impormasyon ukol sa
pambansang kita. Magtatanong ang guro ukol sa paraan ng pagsukat sa pambansang
kita at mag-uunahan kayong idikit ito sa dayagram na nakapaskil sa pisara. Ang
halimbawa ng pigura ay makikita sa ibaba. Pagkatapos ng gawain ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga paraan ng pagsukat sa pambansang kita?
2. Paano ito naiba sa isa’t isa?
3. Sa iyong palagay, bakit dapat na nasusukat ang pambansang kita?
CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES
GROSS NATIONAL PRODUCT
	
	 Tinalakay natin sa unang aralin kung papaano sinusukat ang pambansang
kita. Tandaan na ang pampamilihang halaga ng tapos na produkto at serbisyo ang
binibilang sa pambansang kita at hindi ang kabuuang dami nito. Paano kung nagkaroon
ng pagtaas o pagbaba sa presyo ngunit hindi naman nagbago ang kabuuang bilang
ng nabuong produkto sa ekonomiya? Kung ihahambing ang pambansang kita sa
taon na nagkaroon ng pagbabago sa presyo, hindi na magiging kapani-paniwala ang
paghahambing. Dito papasok ang kahalagahan ng pagsukat sa real/constant price na
pambansang kita.
Ang Gross National Income sa kasalukuyang presyo (current o nominal GNI)
ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong
nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo. Sa kabilang
banda naman, ang real o GNI at constant prices ay kumakatawan sa kabuuang halaga
ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon
batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o
base year.
	 Sa pagsukat ng kasalukuyan at totoong GNI, kailangan munang malaman ang
Price Index. Sinusukat ng Price Index ang average na pagbabago sa presyo ng mga
produkto at serbisyo. Malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga
VALUE ADDED
APPROACH/
INDUSTRIAL
ORIGIN
INCOME
APPROACH
EXPENDITURE
APPROACH
PARAAN
NG
PAGSUKAT SA
PAMBANSANG
KITA
251
DEPED COPY
produkto o serbisyo sa pamamagitan ng Price Index. Malalaman ang Price Index sa
pamamagitan ng formula sa ibaba:
Ang pagkuha sa price index ay makikita sa halimbawa sa ibaba. Ipagpalagay
na ang batayang taon ay 2006. Batay sa formula ng price index, sa pagitan ng taong
2006 at 2007, ang price index ay 109.5. Ipinapakita nito na nagkaroon ng 9.5% na
pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Samantala, 24 % ang itinaas ng presyo ng mga
bilihin noong 2007 hanggang 2008. Nagtala ng 35% na pagtaas ng presyo mula 2008
hanggang 2009. Pinakamalaki ang itinaas ng presyo noong 2009 patungong 2010 na
umabot hanggang sa 52%.
Taon Current/Nominal GNI Price Index Real/Constant Prices GNI
2006
2007
2008
2009
2010
7,883,088
8,634,132
9,776,185
10,652,466
11,996,077
100
109.5
124.0
135.1
152.2
7,883,088
7,885,052
7,884,020
7,884,874
7,881,785
	 Mahalagang malaman ang real/constant prices GNI dahil may pagkakataon
na tumataas ang presyo ng mga bilihin na maaaring makaapekto sa pagsukat sa
GNI. Dahil pampamilihang halaga ang ginagamit sa pagsukat ng GNI, lalabas na
mataas ito kung nagkaroon ng pagtaas sa presyo kahit walang pagbabago sa dami ng
produksiyon. Sa pagkakataong ito, mas mainam na gamitin ang real o constant prices
GNI. Ginagamit ang real/constant prices GNI upang masukat kung talagang may
pagbabago o paglago sa kabuuang produksiyon ng bansa nang hindi naaapektuhan
ng pagtaas ng presyo. Malalaman ito sa pamamagitan ng pormula sa ibaba upang
masukat ang real GNI.
	 Kung ating susuriin, mas mababa ang real/constant prices GNI kompara sa
nominal/current price GNI dahil gumamit ng batayang taon upang hindi maapektuhan
ng pagtaas ng presyo ang pagsukat sa Gross National Income ng bansa. Mas kapani-
paniwala ang ganitong pagsukat dahil ito ang tunay na kumakatawan sa kabuuang
produksiyon ng bansa na tinanggal ang insidente ng epekto ng pagtaas ng presyo.
	
Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa
pamamagitan ng growth rate. Gamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang growth
rate ng Gross National Income.
Presyo sa kasalukuyang taon
Presyo sa batayang taon
X 100Price Index =
Real GNP = Price Index base year
Price Index current year
x Current Price
252
DEPED COPY
Ang growth rate ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-
angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Kapag positibo ang growth rate
masasabi na may pag-angat sa ekonomiya ng bansa. Samantala, kapag negatibo ang
growth rate, ay masasabing walang naganap na pag-angat sa ekonomiya ng bansa
at maipalalagay na naging matamlay ito. Ang mahalagang datos na ito naman ang
gagamitin ng mga nagpaplano ng ekonomiya ng bansa upang gumawa at bumuo ng
mga patakaran upang matugunan ang mga suliraning may kinalaman sa pagbaba ng
economic performance ng bansa. Ang halimbawa sa ibaba ay nagpapakita ng pag-
angat ng gawaing pangkabuhayan ng bansa sa paglipas ng panahon.
Taon
Current/Nominal
GNI
Price
Index
Real/Constant
Prices GNI
Growth
Rate
2006
2007
2008
2009
2010
7,883,088
8,634,132
9,776,185
10,652,466
11,996,077
-
9.53%
13.28%
8.96%
12.61%
5,911,313
6,276,013
6,590,009
6,988,767
7,561,386
-
6.17%
5.00%
6.05%
8.19%
	 Samantala, sa pamamagitan ng income per capita ay masusukat kung hahatiin
ang Gross Domestic Product sa kabuuang populasyon ng bansa. Sinusukat nito ang
kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan. Tinataya rin ng income per capita
kung sasapat ang kabuuang halaga ng produksiyon ng bansa upang tustusan ang
pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kalimitan, ang maliit na populasyon
at malaking income per capita ay nangangahulugan ng malaking kakayahan ng
ekonomiya na matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kapag mas
mabilis ang paglaki ng populasyon kompara sa income per capita, magiging mahirap
para sa ekonomiya na tustusan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng
bansa. Isa itong batayan upang malaman ang kalagayang pangkabuhayan ng mga
mamamayan.
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA
	 Bagamat kayang sukatin ang pambansang kita ng bansa sa pamamagitan ng
pormula sa unang aralin, hindi pa rin ito perpektong batayan dahil may mga gawaing
pang-ekonomiya na hindi naibibilang sa pagsukat ng pambansang kita katulad ng
sumusunod:
Growth Rate =
GNI sa kasalukuyang taon–GNI sa nakaraang taon
GNI sa nakaraang taon
x 100
253
DEPED COPY
Hindi pampamilihang gawain
	 Sa pagsukat ng pambansang kita, hindi kabilang ang mga produkto at
serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan tulad ng pag-aalaga ng
anak, paghuhugas ng pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran.
Bagamat walang salaping nabubuo sa mga naturang gawain, ito naman ay nakabubuo
ng kapaki-pakinabang na resulta.
Impormal na sektor
	 Malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan tulad
ng transaksiyon sa black market, pamilihan ng ilegal na droga, nakaw na sasakyan
at kagamitan, ilegal na pasugalan, at maanomalyang transaksiyong binabayaran ng
ilang kompanya upang makakuha ng resultang pabor sa kanila. May mga legal na
transaksiyon na hindi rin naiuulat sa pamahalaan tulad ng pagbebenta ng kagamitang
segunda-mano, upa sa mga nagtatapon ng basura, at marami pang iba. Ang mga
nabanggit na gawain ay hindi naibibilang sa pambansang kita bagamat may mga
produkto at serbisyong nabuo at may kinitang salapi.
Externalities o epekto
	 Ang hindi sinasadyang epekto o externalities ay may halaga na kalimitang hindi
nakikita sa pagsukat ng pambansang kita. Halimbawa, ang gastos ng isang planta ng
koryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pagsukat ng
pambansang kita. Samantala ang halaga ng malinis na kapaligiran ay hindi binibilang
sa pambansang kita.
Kalidad ng buhay
	 Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang kita ay pagbuti rin ng
katayuan sa buhay ng mga tao. Dapat tandaan na ang karagdagang produkto at
serbisyong nabuo sa bansa ay hindi katiyakan ng kasiyahang natatamo ng isang
indibidwal. Sa katunayan, maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ng
pambansang kita ay nakatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng tao tulad ng malinis
na kapaligiran, mahabang oras ng pahinga, at malusog na pamumuhay. Sinusukat ng
pambansang kita ang kabuuang ekonomiya ngunit hindi ang kalidad ng buhay ng tao.
	 Ang lahat ng limitasyong ito ay magsasabing hindi mainam na sukatan ng
kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita. Gayumpaman, kahit may limitasyon
ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng
ekonomiya. Dahil dito, maraming bansa at pamahalaan sa buong mundo ang patuloy
pa ring ginagamit ang pambansang kita bilang batayan ng pagsukat sa isang malusog
na ekonomiya.
Gawain 6: MATH TALINO
	 Matapos basahin at unawain ang teksto ay susubukan ang iyong kaalaman
sa pagkuwenta. Ito ay upang malinang ang iyong kakayahan sa pagkompyut na
mabisang kasangkapan sa pag-aaral ng Ekonomiks. Sige na! Subukan mo na.
254
DEPED COPY
Kompyutin ang Price Index at Real GNP. Gamitin ang 2006 bilang batayang taon.
Taon Nominal GNP Price Index Real GNP
2006
2007
2008
2009
2010
10,500
11,208
12,223
13,505
14,622
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang sinusukat ng Price Index?
2.	 Bakit kalimitang mas malaki ang Nominal GNI kung ihahambing sa Real
GNI ng Pilipinas?
3.	 Ano ang kahihinatnan ng malaking populasyon ngunit maliit na GNI ng
bansa sa kontemporaryong panahon?
Gawain 7: MAGBALIK TANAW
	 Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong
natutuhan. Ilagay o isulat sa isang buong papel at ipunin sa inyong Portfolio ang
naging kasagutan para mabasa ng guro at mabigyan ng grado.
	
Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
____________________________________
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa pambansang kita,
maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong
sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa alokasyon. Kinakailangan ang mas
malalim na pagtalakay sa konsepto ng alokasyon upang maihanda ang iyong sarili
sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
255
DEPED COPY
Gawain 8: EKONOMIYA PAGNILAYAN
	 Basahin ang pahayag ng National Statistical Coordination Board (NSCB) batay
sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Matapos basahin, gumawa ng isang sanaysay
na may pamagat na “Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?” Gawing gabay ang
rubrik sa pagmamarka ng sanaysay.
Philippine Economy posts 7.0 percent GDP growth in Q3 2013
(Posted 28 November 2013) 
HIGHLIGHTS
99 The domestic economy grew by 7.0 percent in the third quarter of 2013 from
7.3 percent recorded the previous year boosting the 2013 first nine months
growth to 7.4 percent from 6.7 percent last year.  The third quarter growth
was driven by the Services sector with the robust performance of Real Estate,
Renting & Business Activities, Trade and Financial Intermediation sustained by
the accelerated growth of the Industry sector.
99 On the demand side, growth in the third quarter of 2013 came from increased
investments in Fixed Capital, reinforced by consumer and government
spending, and the robust growth in external trade.
99 With accelerated growth of the Net Primary Income (NPI) from the Rest of the
World in the third quarter of 2013 by 11.9 percent, the Gross National Income
(GNI) expanded by 7.8 percent in the third quarter of 2013 from 7.3 percent in
the third of 2012.
99 On a seasonally adjusted basis, GDP posted a positive growth of 1.1 percent
in the third quarter of 2013 but this was a deceleration from 1.6 percent in the
previous quarter while GNI accelerated by 1.8 percent in the third quarter of
2013 from 1.1 percent in the second quarter of 2013.  The entire Agriculture
sector rebounded its seasonally adjusted growth to 0.7 percent from a decline
of 0.7 percent in the previous quarter while Industry decelerated to 0.3 percent
from 1.4 percent. On the other hand, the Services sector recorded a 1.6 percent
growth for the third quarter of 2013 from 2.1 percent in the previous quarter
with the positive growth of all its subsectors.
99 With projected population growing by 1.6 percent to  level of 97.6 million, per
capita GDP grew by 5.2 percent, per capita GNI accelerated by 6.0 percent while
per capita Household Final Consumption Expenditures (HFCE) decelerated by
4.5 percent.
Pinagkunan: http://www.nscb.gov.ph/sna/2013/3rd2013/highlights.asp#sthash.xsCOJ7DL.dpuf retrieved on July 16,
2014
256
DEPED COPY
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY
Napakahusay
(3)
Mahusay
(2)
Hindi Mahusay
(1)
Nakuhang
Puntos
Nilalaman Nakapagpakita
ng higit sa
tatlong katibayan
ng pagsulong ng
ekonomiya ng
bansa.
Nakapagpakita
ng tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya ng
bansa.
Nakapagpakita
ng kulang sa
tatlong katibayan
ng pagsulong ng
ekonomiya ng
bansa.
Mensahe Maliwanag at
angkop ang
mensahe.
Di-gaanong
maliwanag ang
mensahe.
Di-angkop ang
mensahe
Oras/
Panahon
Nakasunod sa
tamang oras ng
paggawa
Lumagpas ng
isang minuto sa
paggawa
Lumagpas ng higit
sa isang minuto sa
paggawa.
Kabuuang Puntos
Gawain 9: KITA NG AKING BAYAN
	 Pumunta sa ingat-yaman ng inyong pamahalaang lungsod o munisipalidad.
Humingi ng sipi ng kita at gastusin sa loob ng limang taon. Suriin kung may paglago
sa ekonomiya ng inyong lokal na komunidad. Maaaring ilipat sa graph ang nakuhang
datos upang maging mas maliwanag ang pagsusuri. Isulat ang ginawang pagsusuri
sa isang buong papel at ipasa sa iyong guro.
Gawain 10: GRAPH AY SURIIN
	 Pumunta sa website ng National Statistical Coordination Board (NSCB) o iba
pang mapagkakatiwalaang website sa Internet. Magsaliksik ukol sa Gross National
Income at Gross Domestic Product ng Pilipinas mula taong 2008 hanggang 2013.
Gumawa ng vertical bar graph gamit ang Microsoft Excel o iba pang aplikasyon sa
kompyuter. I-print ang nabuong graph at ipasa ito sa iyong guro. Sagutan rin ng buong
katapatan ang checklist. Lagyan ng isang tsek (/) ang bawat aytem:
CHECKLIST O TALAAN SA NATUTUHAN
Aytem Natutuhan
Di-Gaanong
Natutuhan
Hindi
Natutuhan
1.	 Pagkakaiba ng GNI sa GDP.
2.	 Mga paraan ng pagsukat sa GNI at GDP.
3.	 Pagkompyut ng pambansang kita.
257
DEPED COPY
4.	 Kahalagahan ng pagsukat sa economic
performance ng bansa.
5.	 Naisabuhay at nagamit sa pang-araw-
araw na pamumuhay ang natutuhan sa
aralin.
Gawain 11: STATE OF THE COMMUNITY ADDRESS
	 Base sa nakalap na datos ukol sa kita at gastusin ng pamahalaang panlungsod
o munisipalidad na iyong tinitirhan, gumawa ng talumpati ukol sa kasalukuyang
kalagayan ng ekonomiya sa iyong komunidad. Pagtuunan ng pansin kung papaano
tinutugunan ang mga suliraning pangkabuhayan ng inyong pamahalaang lokal. Iparinig
ang talumpati sa loob ng silid-aralan. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka ng
talumpati.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG TALUMPATI
Napakahusay
(3)
Mahusay
(2)
Hindi
Mahusay
(1)
Nakuhang
Puntos
Nilalaman Nakapagpakita
ng higit
sa tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya
ng lungsod o
munisipalidad.
Nakapagpakita
ng tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya
ng lungsod o
munisipalidad.
Nakapagpakita
ng kulang
sa tatlong
katibayan ng
pagsulong ng
ekonomiya
ng lungsod o
munisipalidad
Pagsasalita Maliwanag at
nauunawaan
ang paraan ng
pagbigkas ng
talumpati.
Di-gaanong
maliwanag
ang paraan ng
pagbigkas ng
talumpati.
Hindi
maliwanag
ang paraan ng
pagbigkas ng
talumpati.
Oras/Panahon Nakasunod sa
tamang oras.
Lumagpas ng
isang minuto .
Lumagpas ng
higit sa isang
minuto.
Pagsasabuhay Makatotohanan
at magagamit
ang
impormasyon sa
pang-araw araw
na pamumuhay.
Di-gaanong
makatotohanan
at hindi
gaanong
magagamit
sa pang-
araw-araw na
pamumuhay.
Hindi
makatotohanan
at hindi
magagamit
sa pang-
araw-araw na
pamumuhay.
Kabuuang Puntos
258
DEPED COPY
Gawain 12: MAGBALIK-TANAW
	 Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong
natutuhan. Maaari mong balikan ang una at ikalawa mong kasagutan sa katanungang
ito at iwasto ang anumang pagkakamali, kung mayroon man.
Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng
isang bansa? ______________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_____________________
TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN
	 Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng pambansang kita. Ipinaliwanag
rin ang kahalagahan ng pagsukat nito. Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang
konsepto ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok.
259
DEPED COPY
PANIMULA
	 Ang kakayahang kumonsumo ng tao ay nakabatay sa salapi na maaari nitong
gastusin. Ang salapi namang maaaring iimpok ay nakabatay kung magkano ang
matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit sa pagkonsumo. Mauunawaan
sa araling ito ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo.
	 Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ikaw ay nakapagpapahayag ng
kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.
ARALIN 3:
UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA,
PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Gawain 1: LARAWANG HINDI KUPAS!
	 Suriin ang larawan at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Kung ikaw ay may trabaho at kita, saan mo iyon gagastusin?
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol
sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok at pagkonsumo at kung bakit
kailangang maunawaan ang kahalagahan ng ugnayan nito sa isa’t isa?
260
DEPED COPY
Gawain 2: KITA, GASTOS, IPON
	 Bigyan ng interpretasyon ang graph sa ibaba. Gamitin ang konsepto ng kita,
pag-iimpok at pagkonsumo sa interpretasyon.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang may pinakamataas at pinakamababang bar sa graph? Ano ang ibig
pahiwatig nito?
2.	 Kung ikaw ang tatanungin, ano ang dapat na pinaka mataas sa mga bar ng
graph? Bakit?
3.	 Batay sa kahalagahan, ayusin ang mga sumusunod: kumita, gumastos o
mag-ipon?
Gawain 3: BE A WISE SAVER
	 Punan ng matapat na kasagutan ang kahon. Muli mong sasagutan ng
katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na tatanggapin ng iyong guro
ang lahat ng iyong kasagutan sa bahaging ito.
Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang Gawain 3 upang inisyal na masukat
ang iyong nalalaman tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok at
pagkonsumo
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo?
ANG PAGKAKAALAM KO
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
	 Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa
ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo, ihanda ang iyong
sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ng mas malalim
ang konsepto nito.
KURYENTE TUBIG PAGKAINIPON
Kita 1
Kita 3
Kita 2
261
DEPED COPY
UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO, AT PAG-IIMPOK
Nakahawak ka na ba ng malaking halaga ng pera? Sabihin na nating isang
libong piso o higit pa. Paano mo iyon pinamahalaan? May mga tao na kapag
nakakahawak ng pera ay mag-iisip kung papaano ito palalaguin. Mayroon namang
impulse buyer, basta may pera bili lang nang bili hanggang sa maubos. At kung wala
nang pera, saka maaalala kung ano ang kaniyang pangangailangan. Ikaw, isa ka ba
sa kanila? Ano para sa iyo ang pera at paano ito dapat gamitin?
Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay maaaring maubos.
Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay
kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan
nang husto at walang nasasayang.
Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang
kita. Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang ibinibigay. Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap.
Ang kita ay maaaring gastusin sa pangangailangan at kagustuhan at iba pang bagay
na kinukonsumo. Subalit bukod sa paggastos ng pera, mayroon pang ibang bagay na
maaaring gawin dito. Maaari itong itabi o itago bilang savings o ipon.
Sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), sinabi niya na ang savings
ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton at Schug
(2008), ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa
pangangailangan. Ang ipon na ginamit upang kumita ay tinatawag na investment. Ang
economic investment ay paglalagak ng pera sa negosyo. Ang personal investment ay
paglalagay ng isang indibidwal ng kaniyang ipon sa mga financial asset katulad ng
stocks, bonds, o mutual funds.
PAUNLARIN
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/
kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda
upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng
bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya
o konsepto tungkol sa pamilihan. Inaasahang magagabayan ka ng mga
inihandang gawain at teksto upang masagot kung papaano nauugnay ang
kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng
unang gawain na nasa ibaba.
262
DEPED COPY
	 Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba ang halaga nito? Ang pera na iyong
naipon bilang savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng
mga bangko. Ang mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing
tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o
borrower ay maaaring gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset (pagmamay-
ari) na may ekonomikong halaga o gamitin ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera
na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o dibidendo.
Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi
ito kikita at maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Bukod dito, dahil sa
pagtatago mo at nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng
kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi
sa matatag na bangko o iba pang financial intermediaries upang muling bumalik sa
pamilihan ang salaping inimpok.
Suriin ang pigura sa ibaba.
		
	
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pakakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok?
2.	 Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries?
3.	 Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaaring pakinabang mo dito?
Financial
Intermediaries
Financial
Intermediaries
Commercial Banks
Savings and Loans
Credit Unions
Finance Companies
Life Insurance Companies
Mutual Funds
Pension Funds
Nag-iimpok Nangungutang
Naimpok (Savings) Utang (Loans)
Interes at Dibidendo
(Interest and Dividends)
Pag-aari (Assets)
263
DEPED COPY
7 HABITS OF A WISE SAVER
1. Kilalanin ang iyong bangko.
Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko – ang taong nasa likod at mga taong
namamamahala nito. Magsaliksik at magtanong tungkol sa katayuang pinansiyal
at ang kalakasan at kahinaan ng bangko. Ang Philippine Deposit Insurance
Corporation (PDIC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange
Commission (SEC), at ang website ng bangko, dyaryo, magasin, telebisyon, at
radyo ay makapagbibigay ng mga impormasyong kailangan mong malaman.
2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
Unawain kung saan mo inilalagay ang iyong perang iniimpok. Huwag malito sa
investment at regular na deposito. Basahin at unawain ang kopya ng term and
conditions, huwag mag-atubiling linawin sa mga tauhan ng bangko ang hindi
nauunawaan.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan
at itugma ito sa serbisyong iniaalok ng bangko. Alamin ang sinisingil at bayarin sa
iyong bangko.
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.
Ingatan ang iyong passbook, automated teller machine (ATM), certificate of time
deposit (CTD), checkbook at iba pang bank record sa lahat ng oras. Palaging
i-update ang iyong passbook at CTDs sa tuwing ikaw ay gagawa ng transaksiyon
sa bangko. Ipaalam sa bangko kung may pagbabago sa iyong contact details
upang maiwasang maipadala ang sensitibong impormasyon sa iba.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan
nito.
Huwag mag-alinlangang magtanong sa tauhan ng bangko na magpakita ng
identification card at palaging humingi ng katibayan ng iyong naging transaksiyon.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500,000 sa deposito ng bawat
depositor. Ang investment product, fraudulent account (dinayang account),
laundered money, at depositong produkto na nagmula sa hindi ligtas at unsound
banking practices ay hindi kabilang sa segurong (insurance) ibinibigay ng PDIC.
7. Maging maingat.
Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan. Sa pangkalahatan,
ang sobra-sobrang interes ay maaaring mapanganib. Basahin ang Circular 640 ng
Bangko Sentral para sa iba pang impormasyon tungkol dito.
Pinagkunan:http://www.pdic.gov.ph/index.php?saver=1 retrieved on November 17, 2014
264
DEPED COPY
Gawain 4: MAG KUWENTUHAN TAYO
	 Nasubukan mo na bang mag-ipon? Palagi ba na kulang ang perang ibinibigay
sa iyo kaya hindi ka makaipon? Kung nakaipon ka, ano ang ginawa mo sa perang
naipon mo? Kung malinaw para sa iyo ang gusto mong mabili o makamit ay hindi
malalayo na makakaipon ka kahit wala halos natitirang pera sa bulsa mo. Tunghayan
mo ang kwento.
KALAYAAN SA KAHIRAPAN
Kathang isip ni: Martiniano D. Buising
	 Si Jonas ay isang mag-aaral sa sekondarya. Mayroon siyang baon na
dalawampu’t limang piso (Php25) bawat araw. Ang kaniyang pamasahe ay Php10
papasok at Php10 rin pauwi. Samakatuwid, mayroon lamang siyang Php5 para sa
kaniyang pagkain at iba pang pangangailangan. Upang makatipid, gumigising siya ng
maaga at naghahanda ng kaniyang pagkaing babaunin sa pagpasok. Kung maaga
pa, naglalakad na lamang siya papasok sa paaralan. At sa uwian sa hapon, naglalakad
rin siya kung hindi naman umuulan o kung hindi nagmamadali. May mga pagkakataon
na hindi niya nagagastos ang kaniyang allowance, dahil may nanlilibre sa kanya ng
meryenda, at minsan naman ay ibinabayad na siya ng kaibigan ng pamasahe. Basta
may natirang pera, inilalagay niya iyon sa kaniyang savings.
	 Sa loob ng isang buwan, nakakaipon si Jonas ng Php100 hanggang sa
Php150 daang piso at idinideposito niya iyon sa bangko. Parang isang natural na
proseso lang para kay Jonas ang pag-iipon, bilhin ang kailangang bilhin, at wag bilhin
ang hindi kailangan, at ang matitira ay ilalagay sa savings. Sa tuwing may okasyon
at may nagbibigay sa kanya ng pera bilang regalo, hindi rin niya iyon ginagastos at
inilalagay rin niya sa kaniyang savings account. Hindi masasabing kuripot si Jonas,
dahil may mga pagkakataong gumagastos din siya mula sa kaniyang ipon upang ibili
ng pangangailangan sa paaralan at sa kanilang bahay.
	 Nakaipon si Jonas ng limang libong piso sa bangko at nagkataong mayroong
iniaalok na investment program ang bangko sa loob ng sampung (10) taon.
Sinamantala niya ang pagkakataon at sya ay nag-enrol sa nasabing programa kung
kaya’t ang kaniyang perang nakatabi bilang investment ay may kasiguruhang kikita ng
interes. Gayumpaman, nagpatuloy pa rin si Jonas sa pag-iipon at pagdedeposito sa
investment program sa tuwing siya ay makaipon ng limang libong piso, hanggang sa
siya ay makagraduate ng kolehiyo at makapagtrabaho. Ang lahat ng kaniyang bonus,
allowance, at iba pang pera na hindi nagmula sa kaniyang suweldo ay diretso niyang
inilalagay sa investment program. Dahil may sarili na siyang kita, natuto na rin siyang
ihiwalay ang 20% ng kaniyang kita para sa savings at ang natitira ay hahati-hatiin
niya sa kaniyang pangangailangan. Kung may sobra pang pera na hindi nagamit,
inilalagay niya pa rin sa kaniyang savings.
265
DEPED COPY
Makalipas ang sampung taon, ang perang naipon ni Jonas sa investment
program ay umabot na sa halos isang milyon. Muli niyang inilagak sa ibang investment
program ang kaniyang pera at kumita na ito ng humigit kumulang sa dalawampung
libong piso (Php20,000.00) sa loob ng isang buwan. Malaya na si Jonas sa kahirapan,
bukod sa kaniyang suweldo mula sa trabaho ay may inaasahan pa siyang kita ng
kaniyang investment buwan-buwan.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang katangiang ipinakita ni Jonas?
Bakit?
2.	 Anong aral na maaaring mapulot mula sa kuwento? Ipaliwanag
3.	 Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang naipon mong nang
sampung (10) taon?
Gawain 5: BABALIK KA RIN
	 Balikan mo ang aralin tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Hahatiin sa
dalawang pangkat ang klase. Magtatalaga ang inyong guro ng lider sa bawat pangkat.
Ang unang pangkat ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pagkonsumo. Ang
ikalawang pangkat naman ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pag-iimpok.
Matapos iulat ng bawat pangkat ang kanilang paksa, sagutin ang mga pamprosesong
tanong.
UNANG PANGKAT:
	 Batay sa modelo ng paikot na daloy, ang mga salik ng produksiyon; lupa,
paggawa, kapital, at kakayahang entrepreneurial ay nagmumula sa sambahayan.
Ang bahay-kalakal naman ay responsable upang pagsama-samahin ang mga salik
ng produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo. Sa ating dayagram sa
ibaba, makikita na ang halagang Php100,00 ay napunta sa sambahayan mula sa
bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon. Magsisilbi itong kita
ng sambahayan. Samantala magagamit ng sambahayan ang naturang halaga bilang
pagkonsumo. Ang Php100,000 ay mapupunta sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa
mga nabuong produkto at serbisyo. Ang gastos ng bahay-kalakal bilang kabayaran
sa mga salik ng produksiyon ay nagsisilbing kita ng sambahayan. Sa kabilang banda,
ang paggastos ng sambahayan bilang kabayaran sa nabuong produkto at serbisyo ay
nagsisilbing kita ng bahay-kalakal. Ipinapakita sa paikot na daloy ang pag-aasahang
nagaganap sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.
266
DEPED COPY
Sa panig ng Sambahayan (S):
Y = C
Php100,000 = Php100,000
Sa panig ng Bahay-Kalakal (B):
Y = C
Php100,000 = Php100,000
Kung saan:
Y = Kita
C = Pagkonsumo
	 Ang kalagayang ito ay tinatawag na makroekonomikong ekwilibriyo kung saan
ang kita (Y) sa panig ng sambahayan ay katumbas sa pagkonsumo (C) o kaya sa
panig ng bahay-kalakal, ang kita sa produksiyon (Y) ay katumbas ng pagkonsumo.
Pinagkunan: Balitao, B, Rillo, J. D, et.al. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City:
Vibal Publishing House, Inc.
PANGALAWANG PANGKAT:
	 Ipinapakita sa dayagram na hindi lahat ng kita ng sambahayan ay ginagamit sa
pagkonsumo. May bahagi ng kita ng sambahayan na hindi ginagasta. Ang salaping
hindi ginagastos ay tinatawag na impok (savings).Sa ating halimbawa ang kita ng
sambahayan na Php100,000 mula sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik
ng produksiyon ay hindi ginagasta lahat. Ang Php10,000 ay napupunta sa pag-iimpok
kaya ang kabuuang pagkonsumo ay aabot na lamang sa Php90,000. Mapapansin
na ang halagang Php10,000 bilang impok ay papalabas (outflow) sa paikot na daloy.
Ang halagang Php10,000 na inimpok ng sambahayan ay maaaring gamitin ng mga
institusyong pinansiyal bilang pautang sa bahay-kalakal bilang karagdagang puhunan.
Sa ganitong pagkakataon, ang pamumuhunan ay nagsisilbing dahilan upang muling
pumasok ang lumabas na salapi sa paikot na daloy.
267
DEPED COPY
Sa panig ng Sambahayan (S):
Y = C + S
Php100,000 = Php90,000 + Php10,000
Sa panig ng bahay-kalakal (B):
Y = C + I
Php100,000 = Php90,000 + php10,000
C + S = Y = C + I
Samakatwid, S = I
Lumalabas na kita (outflow) = Pumapasok na kita (inflow)
Kung saan:
S = Pag-iimpok
I = Pamumuhunan
Pinagkunan: Balitao, B, Rillo, J. D, et.al. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City:
Vibal Publishing House, Inc.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ipinakikita ng dayagram?
2.	 Paano nagkakaugnay ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok?
3.	 Ano ang naging resulta ng naturang ugnayan?
4.	 Bakit mahalaga na malaman ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok ng isang
bansa? Ipaliwanag.
Rubrik sa Pagmamarka ng Pag-uulat
Mga Kraytirya Natatangi
(5 puntos)
Mahusay
(4 puntos)
Di Gaanong
Mahusay
(3 puntos)
Hindi
Mahusay
(2 puntos)
1. Kaalaman at
pagkakaunawa sa paksa
2. Organisasyon/
Presentasyon
3. Kalidad ng impormasyon
o ebidensiya
KABUUANG PUNTOS
268
DEPED COPY
KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN SA PAG-UNLAD NG
EKONOMIYA NG BANSA
	 Ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko ay lumalago dahil sa
interes sa deposito. Ipinauutang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan na may
dagdag na kaukulang tubo. Ibig sabihin, habang lumalaki ang naidedeposito sa bangko,
lumalaki rin ang maaaring ipautang sa mga namumuhunan. Habang dumarami ang
namumuhunan, dumarami rin ang nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong sitwasyon
ay indikasyon ng masiglang gawaing pang-ekonomiya (economic activity) ng isang
lipunan.
	 Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas
ng pag-iimpok (savings rate) at kapital (capital formation). Ang ganitong pangyayari ay
nakapagpapasigla ng mga economic activities na indikasyon naman ng pagsulong ng
pambansang ekonomiya.
	 Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)ay ang ahensiya ng
pamahalaanngnagbibigayngproteksyonsamgadepositorsabangkosapamamagitan
ng pagbibigay seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang sa halagang
Php250,000* bawat depositor. Ang isang bansang may sistema ng deposit insurance
ay makapanghihikayat ng mga mamamayan na mag-impok sa bangko. Kapag
maraming nag-iimpok, lumalakas ang sektor ng pagbabangko at tumitibay ang tiwala
ng publiko sa katatagan ng pagbabangko.
* Sa kasalukuyan ang deposit insurance ay may kabuuang halagang Php500,000
bawat depositor.
Pinagkunan: Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV
(Ekonomiks). Pilipinas. Department of Education (DepED)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Mga Pamprosesong Tanong
1.	 Ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan?
2.	 Ano ang magiging epekto ng mataas na antas ng pag-iimpok at 		
pamumuhunan sa ekonomiya?
3.	 Ano ang kahihinatnan ng matatag na sistema ng pagbabangko sa bansa?
Gawain 6: BE A WISE SAVER
	 Muli mong sagutan ang katanungan sa ibaba. Ngayon ay inaasahang
maiwawasto mo ang iyong kasagutan gamit ang mga natutuhan mula sa mga gawain
at aralin.
269
DEPED COPY
Gawain 7: IDEKLARA IYONG YAMAN
	 Gagabayan ka ng iyong guro sa pagsagot sa Statement of Assets, Liabilities,
and Net Worth. Nakasaad sa
Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical
Standards for public officials and Employees Section 4
(h) Simple living. - Public officials and employees and
their families shall lead modest lives appropriate to their
positions and income. They shall not indulge in extravagant
or ostentatious display of wealth in any form. 
	 SALN (STATEMENT OF ASSETS, LIABILITIES AND NET WORTH) - Ito ay
deklarasyon ng lahat ng pag-aari (assets), pagkakautang (liabilities), negosyo, at iba
pang financial interest ng isang empleyado ng gobyerno, kasama ang kaniyang asawa
at mga anak na wala pang 18 taong gulang.
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa ugnayan ng
pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo ay maaari ka nang pumunta sa
susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na
pag-unawa ng konseptong ito.
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo?
ANG PAGKAKAALAM KO
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa ugnayan ng pangkalahatang kita,
pag-iimpok, at pagkonsumo. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa
konsepto upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga
natutuhan.
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo?
270
DEPED COPY
	 Gawin mo rin ito upang malaman mo ang iyong kalagayang pinansiyal. Dahil sa
maaaring kakaunti pa ang iyong pag-aari (asset), isama ang mga simpleng bagay na
mayroon ka katulad ng relo, damit, kuwintas, sapatos, singsing, at iba pang personal
na gamit na mayroon pang halaga.
	 Punan mo ng kunwariang datos ang SALN na nasa ibaba bilang pagpapakita
ng iyong pamumuhay. Sagutan rin ang mga pamprosesong tanong.
Pag-aari (Asset) Halaga
Php
Kabuuang halaga Php_____________
Pagkakautang (Liabilities) Halaga
Php
Kabuuang halaga Php_____________
Asset – Liabilities = Php_____________
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang gawain?
2.	 May natira ka bang asset matapos maibawas ang liability?
3.	 Ano ang ipinapahiwatig ng kalagayang ito sa iyong buhay bilang isang
mag-aaral?
4.	 Ano ang dapat mong gawin matapos mong malaman ang kasalukuyan
mong kalagayang pinansiyal?
Gawain 8: KITA AT GASTOS NG AMING PAMILYA
	 Alamin ang buwanang kita ng iyong pamilya. Kapanayamin ang iyong mga
magulang kung papaano ginagastos ang kita ng pamilya sa loob ng isang buwan.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba bilang gabay. Pagkatapos ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong sa susunod na pahina.
PINAGMUMULAN NG KITA BAWAT BUWAN HALAGA
1.	 Suweldo
2.	 Iba pang kita
KABUUANG KITA
271
DEPED COPY
GASTOS BAWAT BUWAN HALAGA
1.	 Pagkain
2.	 Koryente
3.	 Tubig
4.	 Matrikula/Baon sa paaralan
5.	 Upa sa bahay
6.	 Iba pang gastusin
KABUUANG GASTOS:
KABUUANG KITA – GASTOS BAWAT BUWAN
Pamprosesong Tanong:
1.	 Batay sa ginawa mong talahanayan, mas malaki ba ang kita ng iyong
pamilya kompara sa gastusin?
2.	 Kung mas malaki ang gastusin kaysa kita ng pamilya, paano ninyo ito
natutugunan?
3.	 Ano ang nararapat ninyong gawin upang hindi humantong sa mas malaking
gastos kompara sa kita?
4.	 Kung mas malaki naman ang kita kompara sa gastusin, may bahagi ba ng
natirang salapi na napupunta sa pag-iimpok? sa pamumuhunan? Idetalye
ang sagot.
Gawain 9: BE A WISE SAVER
	 Punan ng matapat na kasagutan ang kahon sa ibaba. Muli mong sasagutan
ang katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na tatanggapin ng iyong
guro ang lahat ng iyong kasagutan sa bahaging ito.
TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN
	 Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng ugnayan ng pangkalahatang
kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Ipinapaliwanag na may epekto ang pagkonsumo
at pag-iimpok sa pangkalahatang kita ng tao. Ang susunod na aralin ay tatalakay
sa konsepto ng implasyon na isa ring mahalagang paksa sa makroekonomiks.
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok
at pagkonsumo ?
ANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO AY
NAGKAKAUGNAY
______________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
________
Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at
pagkonsumo?
ANG KITA, PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO AY
NAGKAKAUGNAY
272
DEPED COPY
PANIMULA
Pangunahing isyu sa lahat ng tao ang suliranin sa patuloy na pagtaas ng
presyo. Maraming mamamayan, noon at ngayon, ang nahaharap sa hamon ng walang
tigil na pagbabago sa mga presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo. Dahil
dito, ang bawat isa ay napipilitang humanap ng mas matatag na hanapbuhay upang
matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Kaugnay nito, kinakailangang maisaayos ng pamahalaan ang pangkalahatang
presyo sa ekonomiya. Ito ay bilang pagsisiguro na ang mamamayan ay matutulungan
na maitawid ang kanilang mga pangangailangan upang mabuhay ng sapat. Sa
ganitong aspekto pumapasok ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan. Kung
kaya’t ang pangunahing pokus mula sa bahaging ito ng modyul ay ang mga patakaran
ng pamahalaan bilang instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya.
	 Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap
sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang
pupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman.
	 Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay nakapagsusuri ng konsepto
at palatandaan ng implasyon, natataya ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon at
aktibong nakalalahok sa paglutas ng implasyon.
ARALIN 4
IMPLASYON
Gawain 1: LARAWAN SURIIN!
Suriin at pag-aralan ang larawan sa susunod na pahina.Ibahagi ang iyong
opinyon tungkol dito.
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong paunang
kaalaman tungkol sa implasyon at kung ano ang mga palatandaan, epekto,
at mga paraan sa paglutas ng mga suliraning kaugnay nito.
273
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2.	 Ano ang basehan ng inyong naging obserbasyon?
3.	 Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging dahilan ng ganitong
sitwasyon?
Gawain 2: MAGBALIK-TANAW!
Tanungin sina lolo at lola, tatay at nanay, ang mga kuya at ate mo tungkol sa
presyo ng sumusunod na produkto. Ibahagi sa klase ang natipong impormasyon.
PRODUKTO
PRESYO NG PRODUKTO (noong 3rd
year high school sila)
Panahon
nina lolo at
lola
Panahon
nina tatay at
nanay
Panahon
nina kuya at
ate
Kasalukuyang
taon
1 kilong bigas
1 latang sardinas
25 gramong kape
1 kilong asukal
1 kilong galunggong
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang napansin mo sa presyo ng mga produkto ayon sa mga panahong
ibinigay?
2.	 Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga
produkto?
3.	 Paano naaapektuhan ang inyong pamilya at ang ibang tao sa pagbabago
sa presyo?
‘Ang Paglipad’ Iginuhit ni Gab Ferrera
274
DEPED COPY
Gawain 3: I-KONEK MO
Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaalaman
sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan mo ang Alam ko…upang masukat ang
inisyal na kasagutan sa katanungang itinuturo ng arrow. Ang Nais kong matutuhan…
ay sasagutan mo lamang pagkatapos ng bahagi ng paunlarin at ang Natutuhan ko…
ay pupunan mo lamang pagkatapos ng gawain sa pagnilayan. Maaari mong ilagay
sa portfolio o kuwaderno dahil ito ay kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng
modyul na ito.
Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na
masukat ang iyong nalalaman tungkol sa implasyon.
Paano ka makatutulong sa
paglutas ng mga suliraning
kaugnay ng implasyon?
	 Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa
implasyon, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong
maunawaan ang konsepto ng implasyon.
PAUNLARIN
	 Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa
aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong
ng mga teksto at mga gawaing inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo
bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa implasyon.
Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang
masagot kung paano ka makakatulong sa paglutas ng mga suliraning kaugnay
ng implasyon. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawaing nasa
susunod na pahina.
Alam ko
Nais kong
matutuhan
Natutuhan ko
275
DEPED COPY
ANG IMPLASYON
Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang
panahon ay pangkaraniwang nagaganap. Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng
pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong
epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon. Ayon sa The Economics
Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na
Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay pataas na paggalaw ng
presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Kaya sa tuwing
may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang
kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng
produkto na maaaring mabili ng mamimili.
Ang pagtaas ng presyo ay sinasabing kaakibat na ng ating buhay. Hindi na
bago sa mga bansa na makaranas ng implasyon, kahit noong Panahong Midyebal,
ang presyo ay tumaas ng apat na doble sa Europe.
	 Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang
presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany
noong dekada 1920. Maging sa Pilipinas ay naranasan ang ganitong sitwasyon sa
panahon ng pananakop ng Japan kung kailan ang salapi ay nawalan ng halaga. Dahil
sa napakataas na presyo ng bilihin at pagbagsak sa halaga ng pera, kakaunti na
lamang ang kayang mabili ng salapi noong panahon ng digmaan.
Kahit sa kasalukuyang panahon, ang implasyon ay isang suliraning hindi
mapigilan. Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal, manok, karne, isda
at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng presyo.
Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo
	 Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price
Index (CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang
pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of goods.
Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan
at pinagkakagastusan ng mamamayan.Tinitingnan ang halaga ng mga produktong ito
upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago sa presyo. Mula sa market basket, ang
price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago
ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang price index ay depende sa uri ng bilihin na
gustong suriin.
PInagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.
276
DEPED COPY
IBA’T IBANG URI NG PRICE INDEX
Dahil sa pabago-bago sa presyo ng mga produkto, nabuo ang isang
mekanismo upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo. Ilan sa mga panukat
ang sumusunod:
1.	 GNP Implicit Price Index o GNP Deflator. Ito ang average price index na
ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat
ang totoong GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo
ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang
taon.
2.	 Wholesale or Producer Price Index (PPI). Index ng mga presyong
binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli
nilang ibebenta sa mga mamimili.
3.	 Consumer Price Index (CPI). Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng
mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer. Batayan sa
pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang
kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market
basket. Ang market basket ay ginagamit din upang masukat ang antas ng
pamumuhay ng mga konsyumer.
Makikita sa talahanayan ang hypothetical na pangkat ng mga produktong
karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.
Weighted Price ng Pangkat ng mga Produktong
Kinokonsumo ng isang Pamilyang Pilipino (sa piso)
Aytem 2011 2012
Bigas 700 750
Asukal 120 130
Mantika 200 220
Isda 175 190
Karne ng baboy 250 300
Total Weighted Price 1,445 1,590
	 Upang makuha ang consumer price index, gamitin ang pormula sa ibaba.
Pagbatayan ang talahanayan sa itaas at gamitin ang taong 2011 bilang batayang
taon. Tandaang ang consumer price index ay sumusukat sa average na pagbabago
ng mga produktong karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.
	
	
	 Batay sa naturang pormula ang consumer price index ay
				CPI = 	 1,590 x 100
					1,445
				 =	 110.03
	 CPI = Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon x 100
	 Total Weighted Price ng Basehang Taon
277
DEPED COPY
Upang makompyut ang antas ng implasyon, gamitin ang pormulang:
		 Antas ng implasyon = 	110.03 - 100 x 100
					 100
				 =	 10.03%
	 Batay sa pormula, ang antas ng implasyon ay 10.03%. Ibig sabihin, nagkaroon
ng 10.03% na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa pagitan ng taong 2011 at 2012.
Nangangahulugang mas mahal ang bilihin ngayong 2012 kompara noong nakaraang
taon (2011) dahil sa implasyon.
	 Sa pamamagitan ng CPI, maaari nang makuha ang kakayahan ng piso bilang
gamit sa pagbili o purchasing power ng piso, gamitin ang pormulang ito:
		 Purchasing Power = 100 x 100
				 110.03
				 = 0.9088
	 Ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili sa taong 2012 ay 0.9088. Ibig
sabihin, ang piso sa taong 2012 ay makabibili na lamang ng halagang .91 sentimos
batay sa presyo noong taong 2011 dahil sa implasyon. Mahalagang malaman na lumiliit
ang halaga ng piso habang tumataas ang CPI. Mapapansin na habang tumataas ang
CPI ay bumababa naman ang kakayahang bumili ng piso.
Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Crvantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga
Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Gawain 4: IKAW NAMAN ANG MAGKOMPYUT
Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Gamitin ang 2008 bilang batayang
taon sa pagkompyut.
Taon
Total Weighted
Price
C P I
Antas ng
Implasyon
Purchasing
Power
2008 1,300 - -
2009 1,500
2010 1,660
2011 1,985
2012 2,000
2013 2,300
Antas ng implasyon = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaan Taon x 100
CPI ng Nagdaang Taon
Purchasing Power = CPI ng Batayang Taon x 100
CPI ng Kasalukuyang Taon
278
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Mula sa talahanayan, ano ang may pinakamataas na CPI?
2.	 Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng pagtaas sa
pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang sa
basket of goods?
3.	 Ano ang kahalagahan sa iyo, bilang miyembro ng pamilya ninyo, na
matukoy ang tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag.
4.	 Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng iyong mga magulang
sa tuwing may pagtataas ng presyo sa mga bilihin? Pangatwiranan.
DAHILAN NG IMPLASYON
•	 Demand-pull. Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng
paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas
na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng
paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa
pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas. Ayon sa pananaw ng mga
monetarist sa pangunguna ni Milton Friedman, isang ekonomista na ginawaran
ng Gawad Nobel noong 1976, ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi sa
sirkulasyon ang isang dahilan kung bakit tumataas ang demand. Dahil sobra
ang salapi, malaki ang pagkakataon na patuloy na bibili ng maraming produkto
ang mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo.
•	 Cost-push. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi
ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon,
halimbawa ay lakas paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari
itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa.
Maipapasa ng mga prodyuser ang pagtaas sa halaga ng lakas paggawa sa
mga mamimili. Kaya madalas na maririnig sa mga negosyante ang pag-iwas
sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa dahil sa epekto nito sa kabuuang
presyo ng produksiyon. Gayundin ang maaaring mangyari kung tataas ang
presyo ng mga inputs o hilaw na materyales o sangkap sa produksiyon. Ang
karagdagang gastos sa mga ito ay makapagpapataas sa kabuuang presyo
ng mga produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin ang bigat ng
pagbabago sa presyo ng produksiyon.
Kabuuang dami ng gastusin ng
sambahayan, bahay kalakal,
pamahalaan at dayuhang sektor
Dami ng produkto na gagawin at
ipamamahagi ng bahay kalakal
IMPLASYON
MATAAS NA PRESYO
Dagdag na sahod, inputs, o hilaw na
materyales o sangkap
279
DEPED COPY
DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON
	 Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan
sa pagkakaroon ng implasyon.
DAHILAN NG IMPLASYON BUNGA NG IMPLASYON
PAGTAAS NG SUPLAY
NG SALAPI
PAGDEPENDE SA
IMPORTASYON PARA SA
HILAW NA SANGKAP
PAGTAAS NG PALITAN
NG PISO SA DOLYAR
KALAGAYAN NG
PAGLULUWAS (EXPORT
MONOPOLYO O
KARTEL
Tataas ang demand o ang paggasta kaya
mahahatak ang presyo paitaas
Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar,
o kaya tumaas ang presyo ng materyales na
inaangkat, ang mga produktong umaasa sa
importasyon para sa mga hilaw na sangkap
ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo
Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar,
bumababa ang halaga ng piso. Nagbubunga
ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Kapag kulang ang supply sa lokal na
pamilihan dahil ang produkto ay iniluluwas,
magiging dahilan ito upang tumaas ang
presyo ng produkto. Kapag mas mataas ang
demand kaysa sa produkto, ito ay magdudulot
ng pagtaas sa presyo
Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito.
Kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto,
malaki ang posibilidad na maging mataas ang
presyo
280
DEPED COPY
Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga
Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Gawain 5: DAHILAN O BUNGA
	 Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan
ng implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI sa kuwaderno.
1.	 Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang.
2.	 Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
3.	 Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan.
4.	 Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga
magulang.
5.	 Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.
6.	 Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon.
7.	 Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN
Mga Nakikinabang sa
implasyon
Halimbawa
Mga umuutang
Ang mga umutang ay may 10% interes sa kanilang
hiniram na pera. Ang ibinayad ng nangutang kasama ang
interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon,
ang halaga ng buong ibinayad ay Php935 lamang kaya
siya ay nakinabang.
Mga negosyante/
may-ari ng kompanya
Retailer ng gasolina ang isang tao at marami siyang imbak
nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang
kaniyang kita nang hindi inaasahan.
Mga speculator at mga
negosyanteng may
malakas ang loob na
mamuhunan.
Mga real estate broker, nagtitinda ng mga alahas ,at iba
pa na nag-speculate na tataas ang presyo sa hinaharap.
Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi
ng pambansang badyet, ito ay napupunta lamang
sa pagbabayad ng utang.
PAMBAYAD-UTANG
281
DEPED COPY
Mga Taong Nalulugi Halimbawa
Mga taong may tiyak na
kita
Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk, nars, at
iba pang tumatanggap ng tiyak na kita bawat buwan ay
matinding naaapektuhan sa pagtataas ng presyo. Ang
dating dami na kanilang nabibili ay nababawasan dahil
bumababa ang tunay na halaga ng salapi.
Ang mga taong
nagpapautang
Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng 10% interes
sa kaniyang pinahiram na pera.Ang ibinayad ng nangutang
kasama ang interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng
implasyon, ang halaga ng kaniyang tinanggap ay Php935
lamang kaya siya ay nalugi.
Mga taong nag-iimpok Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang inimpok sa
bangko ay mas maliit kompara sa antas ng implasyon. Ang
real value o tunay na halaga ng salaping nasa bangko ay
bumababa bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa
interes.
Kung may Php10,000 na nakadeposito ang isang tao at
may 15% interes sa loob ng isang taon, ang kaniyang
pera ay magiging Php11,500. Ngunit kapag nasabay ito sa
panahon na may 20% ang antas ng implasyon, ang tunay
na halaga na lamang ng kaniyang pera ay Php9,500, mas
mababa sa dating halaga nito na Php10,000.
Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City:
DECS., Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at
Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Gawain 6: LARAWAN–SURI
Suriin ang mga larawan. Ibahagi ang pananaw na nabuo mula dito.
Pinagkunan: http://www.imagestock.com/directory/i/industrial_rmarket.asp,http://www.imagestock.com/
directorywelga _asp, http://www.imagestock.com/ibon _asp. Retrieved on July 14, 2014
282
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Paano maiuugnay ang mga larawan sa konsepto ng implasyon?
2.	 Ano ang maaaring ibunga ng sumusunod na larawan?
3.	 Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong imungkahi bilang iyong
ambag sa pagharap at pagtugon sa epekto ng implasyon sa ekonomiya?
Paraan ng Paglutas sa Implasyon
	“Sa bawat problema ay may solusyon”. Ito ang madalas na pahayag sa
tuwing tayo ay nahaharap sa mga suliranin. Kaugnay sa suliranin ng implasyon, ang
pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisiya upang masiguro na
mapangasiwaan ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Ito ay paraan din upang
hindi ganap na maapektuhan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya at maging ang
bawat mamamayan.Ang mga patakarang pananalapi at piskal ang mga instrumentong
ginagamit ng pamahalaan upang matiyak ang katatagang pang-ekonomiya ng bansa.
Gawain 7: I-KONEK MO
	 Sa puntong ito, maaari nang pasagutan ang ikalawang kahon ng Nais kong
Matutuhan… subalit ang ikatlong kahon na Natutuhan ko…ay hahayaan lamang na
walang laman sapagkat maaari lamang itong sagutan sa pagtatapos ng bahagi ng
pagnilayan. Tandaan na dapat itong masagutan at maisama sa portfolio o kuwaderno.
	
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa implasyon, maaari ka
nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa
mas malalim na pag-unawa ng implasyon.
Paano ka makakatulong sa
paglutas sa suliranin kaugnay
ng implasyon?
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo
bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa implasyon.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa aralin upang maihanda
ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
Alam ko
Nais kong
matutuhan
Natutuhan ko
283
DEPED COPY
Gawain 8: MAKIBALITA TAYO
Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin
By dzmm.com.ph | 09:37 PM 06/18/2014
	 Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin
ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod sa una nang
napabalitang pagtaas ng presyo ng bawang, luya, bigas at asukal, tumaas na
rin ang presyo ng manok at baboy habang nagbabadya naman ang pagtaas
ng ilang brand ng gatas at produktong de lata. 
	 Dahil dito, nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price Coordinating
Council (NPCC) para talakayin ang sunod-sunod na pagtaas na ito ng presyo
ng mga pangunahing bilihin. Sa kaso ng bawang, sinabi ni NPCC Chairman
at Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa panayam ng DZMM na
nagkaroon lang ng temporary shortage.
	 Aniya, 30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa lokal na supplier
habang ang nalalabing 70% ay nagmumula na sa importasyon. Naipit lang
aniya ang ibang suplay sa mga port at inaasahang babalik na sa normal ang
presyo sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan.
	 Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na nagbebenta
ng mga murang bawang. Sa pagtaas naman ng commercial na bigas, tutugunan
ito ng National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng pagdodoble ng
inilalabas nilang bulto ng bigas. 
	 Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok, ipinaliwanag ng broiler
groups na bumagal ang paglaki ng mga manok dahil sa labis na init na panahon
na naranasan nitong mga nakalipas na buwan. 
	 Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa mga
susunod na linggo. Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng presyo ng gatas
dahil sa pagtaas ng world price nito. 
	 May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at bagama’t
hindi pa ito inaaprubahan, sinabi ni Domingo na karaniwan naman nilang
pinapayagan ang pagtaas basta’t malapit sa antas ng inflation. “Kailangan
talaga every year may ine-expect ka na pag-akyat kahit konti,” sabi pa ng
kalihim. With a report from Alvin Elchico, ABS-CBN News 
Pinagkunan: Elchico, A (2014). News Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin. ABS-CBN:Philippines - http://dzmm.
abs-cbnnews.com/news/National/Presyo_ng_iba_pang_pangunahing_bilihin,_tumaas_na_rin.html retrieved on July 15, 2014
284
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pangunahing impormasyon na ipinahahatid ng balita?
2.	 Ano ang iyong reaksyon matapos mong basahin ang balita?
3.	 Bilang isang mag-aaral, paano ka at ang iyong pamilya ay naapektuhan ng
isyung tinalakay? Patunayan.
Gawain 9: MAG-SURVEY TAYO
	 Magsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon tungkol sa mga
posibleng maiaambag ng isang mag-aaral upang makontrol/mapangasiwaan ang
pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Gamit ang mga sitwasyon na nakalista sa ibaba,
sasabihan ang mga mag-aaral na pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa kanilang
pananaw at paniniwala mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli. Isulat ang bilang
na 1 bilang una na susundan ng 2, 3 hanggang sa pinakahuling bilang.Gumawa ng
ulat tungkol sa nakalap na impormasyon.
_____pag-iimpok sa natirang baon
_____pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit
_____pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at sa tahanan
_____iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa tahanan maging sa paaralan
_____matutong magbadyet
_____pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng produkto
_____pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos
_____pagbili ng mga produktong gawang Pilipino
_____paglalaan ng tamang oras sa paggamit ng kompyuter at iba pang gadyet
_____pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng maraming dayuhang salapi
_____maayos na paggamit sa mga pampublikong pasilidad
iba pa____________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging pangkalahatang resulta ng nakalap na impormasyon?
2.	 Batay sa nakuhang impormasyon, masasabi mo bang bukas ang isipan
ng mga mag-aaral na makatulong sa paglutas ng suliranin ng implasyon?
Pangatwiranan.
3.	 Paano tinanggap ng mga mag-aaral ang mga mungkahing paraan upang
makatulong at makapag-ambag sa paglutas ng suliranin ng implasyon?
GAWAIN 10: SAMA-SAMA TAYO
	 Matapos ang masusing pagtalakay sa implasyon, inaasahang naunawaan mo
kung paano ito nakaaapekto sa buhay ng tao. Bawat isa ay may responsibilidad na
makapag-ambag upang mapamahalaan ang pagtaas ng presyo. Gumawa ng isang
komitment bilang isang mag-aaral kung paano makapag-aambag na mapamahalaan
ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Maging malikhain sa pag-post ng inyong mga
komitment sa Facebook at iba pang social media. Para sa mga paaralan na walang
access sa Internet, maaaring ipaskil sa loob ng paaralan ang mga output upang
maipabatid sa mga kamag-aral ang komitment na ginawa.
285
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pangunahing nilalaman ng iyong komitment?
2.	 Paano mo matitiyak na ang isinagawang komitment ay makapag-aambag
sa kabutihan ng bayan?
3.	 Ano ang iyong mga isinaalang-alang sa paggawa ng komitment?
Ipaliwanag.
Gawain 11: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA
	 Sa puntong ito, maaari mo nang sagutan ang huling kahong Natutuhan ko…
Tandaan na dapat mong sagutan sa iyong portfolio o kuwaderno ang iyong tsart
sapagkat ito ay maaaring proyektong itinakda ng iyong guro.
Paano ka makakatulong sa
paglutas sa suliranin kaugnay
ng implasyon?
Transisyon sa susunod na aralin:
	 Inaasahang naunawaan mo kung ano ang implasyon at ang mga dahilan
at epekto nito sa bawat mamamayan. Hinimay natin ang mahahalagang
impormasyon upang maunawaan ang dahilan ng isa sa mga suliraning binabalikat
ng bawat pamilya.
	 Kaugnay nito, tatalakayin natin sa susunod na aralin ang isang mahalagang
konsepto sa makroekonomiks, ang patakarang piskal. Ito ang isa sa mga paraang
ginagamit ng pamahalaan upang maiwasan ang epektong dulot ng implasyon.
Makikita at mauunawaan mo ang mga estratehiya ng pamahalaan upang
masiguro na ang pagbibigay serbisyo publiko ay hindi makadaragdag sa suliranin
na kaakibat ng implasyon. Bagkus, ang mga paraang ito ay makatutulong na
maiwasto ang daloy ng presyo at ng pananalapi sa bansa.
Alam ko
Nais kong
matutuhan
Natutuhan ko
286
DEPED COPY
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang implasyon. Malinaw nating sinuri
ang malaking pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang
panahon.Itoayisangkatotohananngbuhaynahindimagagawangmatakasanninuman.
Bagamat isang malaking suliranin ang implasyon sa pambansang ekonomiya, ang
kaalaman tungkol dito ay makatutulong para maiwasan ang paglala nito.
Kaugnay ng suliraning dulot ng implasyon, ating tatalakayin ang isang
pamamaraan ng pamahalaan upang matutugunan ang negatibong epekto ng
implasyon. Sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga gastusin ng pamahalaan,
inaasahang matatamo ang katatagan ng ekonomiya. Sama-sama nating unawain ang
maaaring impluwensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng patakarang piskal.
Kaya muli kitang iniimbitahan sa pagtalakay ng bagong aralin upang iyong
maunawaan ang kahalagahan ng paglikom ng pondo ng pamahalaan at upang
matustusan ang mga programa at proyektong pangkaunlaran nito.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag sa
mga layunin ng patakarang piskal, nakapagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng
pamahalaankaugnayngmgapatakarangpiskalnaipinapatupadnito,nakapagsusuring
badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan, nakababalikat ng pananagutan
bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis, at naiuugnay ang mga epekto
ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya.
ARALIN 5
PATAKARANG PISKAL
Gawain 1: LARAWAN-SURI
	 Suriinangmgalarawansasusunodnapahinaatsagutinangmgapamprosesong
tanong.
ALAMIN
Ang mga panimulang gawain sa araling ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa patakarang piskal ng bansa at kung paano mo maaaring gamitin ang
iyong personal na karanasan o kaalaman bilang batayan sa pagsagot sa mga
gawain. Halina at simulan natin ang Alamin.
287
DEPED COPY
Pinagkunan: http://www.imagestock.com/taxed-receipt/asp,http://www.imagestock.com/road-repair/asp retrieved on
July 15, 2014 http://www.imagestock.com/bridge-road/asp retrieved on July 15, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ilarawan ang nakikita mo sa mga larawan.
2.	 Anong mensahe ang mabubuo mo mula sa mga larawan? Ipaliwanag.
Gawain 2: TALASALITAAN
	 Tukuyin ang angkop na konsepto ng mga kahulugang nasa ibaba ng kahon.
Piliin lamang ang mga sagot mula sa loob ng kahon.
1.	 pagbawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtataas ng singil sa buwis
upang maiwasan ang implasyon
2.	 nagaganap kung mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kompara sa
kita
3.	 pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at pagbaba ng singil sa buwis
upang tumaas ang kabuuang demand na magiging daan upang sumigla
ang ekonomiya
4.	 pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis
at paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya
BUWIS
SIN TAX
PATAKARANG PISKAL
BUDGET DEFICIT
EXPANSIONARY FISCAL POLICY
CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
288
DEPED COPY
5.	 sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang serbisyong
pambayan.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Naging madali ba sa iyo na tukuyin ang kahulugan ng mga konsepto/
termino? Bakit?
2.	 Saan maaaring mabasa o marinig ang mga salitang ito?
3.	 Sa iyong palagay, kailangan bang maunawaan ang kahulugan ng mga
konseptong nasa kahon? Ipaliwanag.
Gawain 3: I-KONEK MO
Buuin ang hindi tapos na pahayag na Alam ko na … at sa Nais Malaman…
Simulan sa simple hanggang sa mahirap na antas ang maaari mong maging
katanungan. Isulat sa patlang sa ibaba ang inyong mga kasagutan o katanungang
tungkol sa paksa.
Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na
masukat ang iyong nalalaman tungkol sa patakarang piskal.
Alam ko na ang patakarang piskal ay _________________________________
_______________________________________________________________
Nais kong malaman _______________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________
PAUNLARIN
	 Matapos mong malaman ang mga pangunang impormasyon tungkol
sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong
ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan
mo bilang mag-aaral ang mahahalagang konsepto tungkol sa patakarang
piskal. Inaasahang magagabayan ka ng inihandang gawain at teksto upang
masagot kung paano naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa
katatagan ng pambansang ekonomiya.
	 Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa
patakarang piskal, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang
higit mong maunawaan ang konsepto ng patakarang piskal.
289
DEPED COPY
KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
	 Mula sa aklat nina Case, Fair, at Oster (2012), ang patakarang piskal ay
tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng
pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tungkol sa polisiya sa pagbabadyet. Ito rin
ang isinasaad sa aklat nina Balitao et. al (2014), kung saan ang patakarang ito ay
“tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago
ang galaw ng ekonomiya”.Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan ay
may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya.
Simula pa noong Great Depression, nabuo ang paniniwalang ang pamahalaan ay
may kakayahan na mapanatiling ligtas ang ekonomiya tulad ng banta ng kawalan ng
trabaho. Kaya ang interbensiyon ng pamahalaan, sa isang banda, ay may malaking
kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang ekonomiya. Ang paggasta
ng pamahalaan ayon kay Keynes halimbawa, ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa
pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources ayon sa pinakamataas na matatamo
mula sa mga ito na makapagdudulot ng full employment. Sa kabilang banda, ang
pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga polisiya sa paggasta at
pagbubuwis ay makapagpapababa o makapagpapataas naman ng kabuuang output
higit sa panahon ng recession o depression.
	 May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang
piskal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa
ekonomiya ng bansa.
•	 Expansionary Fiscal Policy. Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa
ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
Ipinapakita sa kondisyong ito na ang kabuuang output ay mababa ng higit
sa inaasahan. Kaakibat ng mababang output ay mataas na gastos dahil hindi
episyenteng nagagamit ang lahat ng resources. Karaniwan ding mababa
ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga
mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon. Magdudulot ang
ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para
sa pamahalaan. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan
ay karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay
na ekonomiya. Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga
proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo sa panahong ang
pribadong sektor ay mahina o may bantang hihina ang paggasta. Dahil dito,
ang mamamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at mangangahulugan
ng mas malaking kita. Sa bahagi ng bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang
kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkakaroon ng panggastos ang mamamayan at
ang bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya. Sa bawat gastos ng
pamahalaan, nagdudulot ito ng mas malaking paggasta sa buong ekonomiya
kung kaya’t maaasahan ang mas malaking kabuuang kita para sa bansa. Ganito
rin ang epektong pagbaba ng buwis. Higit na magiging malaki ang panggastos ng
mga sambahayan dahil sa nadagdag na kita mula sa bumabang buwis kaya
asahang tataas ang kabuuang demand sa pagkonsumo.
290
DEPED COPY
•	 Contractionary Fiscal Policy. Ang paraang ito naman ay ipinatutupad ng
pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa
ekonomiya. Karaniwang nagaganap ito kapag lubhang masigla ang ekonomiya
na maaaring magdulot ng overheated economy na mayroong mataas na
pangkalahatang output at employment. Ang ganitong kondisyon ay hihila
pataas sa pangkalahatang demand sa sambahayan at insentibo naman sa
mamumuhunan na patuloy na magdagdag ng produksiyon. Magdudulot ang
sitwasyon na ito ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin o implasyon. Sa ganitong
pagkakataon, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin nito
upang mahila pababa ang kabuuang demand. Inaasahang sa pagbagsak ng
demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan ng insentibo ang bahay
kalakal na gumawa ng maraming produkto. Magdudulot ito ng pagbagal ng
ekonomiya, liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo
ng mga bilihin at makokontrol ang implasyon. Ganito rin ang sitwasyon na
maaaring mangyari kapag nagtaas ang pamahalaan ng buwis. Mapipilitan ang
mga manggagawa na magbawas ng kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil
bahagi ng kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan na
makaaapekto sa kabuuang demand sa pamilihan. Ito ang dalawang paraan
sa ilalim ng patakarang piskal ng pamahalaan upang maibalik sa normal na
direksiyon ang ekonomiya.
Gawain 4: ALIN ANG MAGKASAMA
	 Tukuyin kung expansionary o contractionary fiscal ang mga patakaran na
nasa loob ng kahon. Ihanay ang mga ito ayon sa dalawang polisiya sa ibaba ng
kahon. Talakayin ang naging gawain.
•	 Pagbaba ng singil sa buwis		
•	 Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan
•	 Pagtaas ng kabuuang demand
•	 Pagbaba ng kabuuang demand
•	 Pagtaas ng singil ng buwis
•	 Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan
•	 Pagdaragdag ng supply ng salapi
EXPANSIONARY
FISCAL POLICY
CONTRACTIONARY
FISCAL POLICY
291
DEPED COPY
Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng Pamahalaan kaugnay ng mga
Patakarang Piskal na Ipinatutupad nito
Batay sa paniniwala na ang pamahalaan ay isang mahalagang kabahagi sa
pagsasaayos at pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya, ang papel ng pamahalaan
ay magtakda ng mga patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad
at matiwasay na ekonomiya. Karaniwang nagsasagawa at nagpapatupad ng ilang
paraan ang pamahalaan kung may pangangailangan na maiayos ang pamamalakad
sa ilang problemang pang ekonomiya.
	 Ang mataas na paggastos ng pamahalaan ay nakapagpapasigla sa matamlay
na ekonomiya. Magdudulot ito ng pagtaas sa pangkalahatang demand sa pamilihan
para sa mga produkto at serbisyo. Ang pagpapababa sa buwis na ipinapataw sa mga
mamamayan ay nangangahulugan naman ng mas maraming maiuuwing kita ng mga
nagtatrabaho. Kapag naabot ng ekonomiya ang pinakamataas na antas ng empleyo
(overheated economy), karaniwang ipinatutupad ng pamahalaan ang mababang
paggasta upang bumagal ang ekonomiya.
Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan
Ang pambansang badyet ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan
ng pamahalaan sa loob ng isang taon. Ito rin ang nagpapakita kung magkano ang
inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya. Kung ang revenue
o kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito sa isang taon, masasabing balanse
ang badyet. Ibig sabihin, ang salaping pumapasok sa kaban ng bayan ay kaparehong
halaga ng ginastos ng pamahalaan. Samantala, nagkakaroon ng depisit sa badyet
(budget deficit) kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo nito.
Nangangahulugan na mas malaking halaga ng salapi ang lumalabas kaysa pumapasok
sa kaban ng bayan. Kung mas maliit naman ang paggasta kaysa sa pondo ng
pamahalaan, nagkakaroon ng surplus sa badyet (budget surplus). Nangangahulugan
ito na mas malaking halaga ng salapi ang pumapasok sa kaban ng bayan kaysa sa
lumalabas.
DAPAT TANDAAN
Paghahanda ng Pambansang Badyet
	 Ang paraan ng paghahanda ng badyet ay may sinusunod na hakbang:
1.	 Nagpapalabas ng budget call ang Department of Budget and Management
(DBM) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaang pambansa. Isinasaad sa
Budget Call ang mga hangganan ng pambansang badyet kabilang ang
kabuuang paggasta, ang tamang dapat gugugulin ng badyet, at ang
inaasahang malilikom na buwis at iba pang kita upang tustusan ang
paggasta. Ang mga hangganang ito ay batay sa pagtaya ng Development
Budget Coordination Committee.
292
DEPED COPY
2.	 Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba
pang stakeholder sa pagbuo ng badyet ng mga ahensiya ng pambansang
pamahalaan. Ito ang tinutukoy na participatory o bottom-up budgeting.
3.	 Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa
DBM. Pag-aaralan ng DBM ang mga mungkahing badyet at maghahain
ng kaukulang rekomendasyon.
4.	 Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review
board na binubuo ng kalihim ng DBM at mga nakatataas na opisyal ng
pamahalaan.
5.	 Bubuuin ng DBM ang National Expenditure Program (NEP) bilang
panukalang pambansang badyet ayon sa napagkasunduan ng executive
review board.
6.	 Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin.
7.	 Titipunin ng DBP ang mga dokumentong bubuo sa President’s Budget,
kabilang na rito ang NEP, at ito ay isusumite sa Kongreso bilang General
Appropriations Bill (GAB) upang aprubahan bilang isang ganap na batas.
Pinagkunan: Department of Budget and Management halaw mula sa aklat na Pambansang Ekonomiya at Pag-
unlad nina Balitao et. al. 2014.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon?
2.	 Ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng badyet?
3.	 Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang inihandang pambansang
badyet na mararamdaman ang epekto para sa sumusunod:
•	 mga taong nakatira sa squatter’s area
•	 mga nakatira sa Tawi-Tawi
•	 mga naapektuhan ng bagyong Yolanda
•	 mga taga Forbes’ Park
•	 ibang pamilyang kapareho ng pamilya mo
Ang Badyet ng Pamahalaan
Ang badyet ng bansa ay inihahanda ayon sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang
pagbibigay ng serbisyo ang pangunahing pinaglalaanan ng pamahalaan ng pondo
tulad ng edukasyon, pangkalusugan, social welfare, at iba pa. ang pagbabadyet ay
maaaring ayon sa sumusunod:
•	 badyet ayon sa sektor
•	 badyet ayon sa expense class
293
DEPED COPY
•	 badyet ayon sa mga rehiyon
•	 badyet ayon sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan at special purpose
fund
Alokasyon ng Badyet ayon sa Sektor sa Taong 2012
Makikita sa pigura sa itaas ang alokasyon ng badyet para sa taong 2012 at
nahahati batay sa sektor. Sa naturang badyet, pinakamalaking bahagdan ang napunta
sa Social Services na may 31.3%. Napapaloob dito ang gastusin para sa edukasyon,
kalusugan, pabahay,at iba pa. Pumapangalawa naman ang Economic Services na may
24.2% na tumutukoy naman sa mga gastusin para sa Repormang Agraryo, kalakalan
at industriya, pagpapaunlad ng imprastraktura, agrikultura, at iba pa.19.6% naman
ng badyet ang inilalaan sa Debt Services at Interest Payment na kinapapalooban ng
gastusin para sa pambayad utang sa loob at labas ng bansa. Pang-apat ang General
Public Services na may 18.6%. Kabilang sa mga gastusin dito ay para sa maayos na
pagpapatakbo ng gawain ng pamahalaan, at 6.3% naman ang inilalaan sa gastusin sa
pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan sa bansa o Defense.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano-ano ang pinaglalaanan ng badyet ng ating pamahalaan?
2.	 Batay sa pigura, ano ang nagtamo ng pinakamalaking badyet noong taong
2012?
3.	 Sa iyong palagay makatarungan bang paglaanan ito ng malaking badyet?
Bakit?
Pinagkunan: http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/ retrieved 13 January 2015
294
DEPED COPY
Paggasta ng Pamahalaan ayon sa Expenditure Program
	 Hindi maisasakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong tungkulin kung
walang perang gagastusin. Upang lubos na maipagkaloob ng pamahalaan ang mga
programa at proyektong makatutulong sa lahat, kinakailangang maayos na maipamahagi
ang perang gagastusin sa mahahalagang aspekto ng pamamahala.
	 Ipinapakita sa talahanayan sa ibaba ang expenditure program ng pamahalaan
mula 2010 hanggang 2012. Ang expenditure program ay tumutukoy sa ceiling o
pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang mga pananagutan o
obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang taon. Ang nasabing ceiling ay suportado
ng mga tinatayang pinagkukunang pinansiyal. Nahahati ito sa tatlo:
1.	 Current Operating Expenditures - nakalaang halaga para sa pagbili ng
mga produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang mga gawaing
pampamahalaan sa loob ng isang taon. Kabilang dito ang Personal
Services at ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).
Sa Personal Services nakapaloob ang mga kabayaran para sa sahod,
suweldo at iba pang mga compensation gaya ng mga dagdag sahod at cost
of living allowance ng mga permanente, pansamantala, kontraktuwal at
casual na empleyado ng gobyerno. Samantala, ang mga gastusin kaugnay
ng pagpapatakbo ng mga ahensiya ng gobyerno gaya ng supplies, mga
kagamitan, transportasyon, utilities (tubig at koryente), kumpunihin, at iba
pa ay nakapaloob sa MOOE.
2.	 Capital Outlays - panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo
kung saan ang kapakinabangang makukuha mula rito ay maaaring magamit
sa loob ng maraming taon at maaaring makadagdag sa mga asset ng
gobyerno. Kabilang dito ang mga pamumuhunan sa capital stock ng mga
GOCCs at mga subsidiyaryo nito.
3.	 Net Lending - paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito.
Kabilang dito ang mga utang na nalikom mula sa mga programang kaugnay
ng mga korporasyong pagmamay- ari ng gobyerno.
	 Makikita mula sa talahanayan sa ibaba ang mga naging gastos ng pamahalaan
ayon sa expense class. Mula 2010 tungong 2012, ang lahat ng aspekto ay nagpapakita
ng papataas na paggasta upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng
mamamayan at ng buong bansa. Makikita rin ang positibong pagtugon ng pamahalaan
sa mga obligasyon nito tulad ng pagbabayad sa mga utang nito.
295
DEPED COPY
Table B.1
EXPENDITURE PROGRAM, BY OBJECT, CY 2010-2012 (In Thousand Pesos)
Expense Class
2010
(Actual)
2011
(Adjusted)
2012
(Proposed)
I. Current Operating Expenditures
A. PERSONAL SERVICES
I. Civilian Personnel
Total Compensation, Civilian
Personnel 310,270,253 386,089,165 434,796,464
II. Military / Uniformed Personnel
Total Compensation, Military/
Uniformed Personnel 101,652,570 100,643,292 104,030,249
Total Other Personal Services 45,637,320 53,424,539 54,466,696
TOTAL PERSONAL SERVICES 457,560,143 540,156,996 593,293,409
B. Maintenance and Other
Operating Expenses
TOTAL MAINTENANCE AND
OTHER OPERATING EXPENSES 812,994,064 897,123,465 942,416,703
TOTAL CURRENT OPERATING
EXPENDITURES 1,270,554,207 1,437,280,461 1,535,710,112
II. CAPITAL OUTLAYS
TOTAL CAPITAL OUTLAYS 193,165,222 192,719,539 257,289,888
III. NET LENDING
TOTAL NET LENDING 9,258,000 15,000,000 23,000,000
TOTAL OBLIGATIONS OF THE
NATIONAL GOVERNMENT 1,472,977,429 1,645,000,000 1,816,000,000
Pinagkunan: http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/BESF/BESF2012/B/B1.pdf retrieved November 10, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Batay sa talahanayan, ano ang nagtamo ng pinakamalaking
pinagkagastusan sa mga nagdaang taon ?
2.	 Kung ikaw ang tatanungin, makatarungan bang paglaanan ito ng malaking
halaga? Bakit?
3.	 Kung ikaw ang magiging Presidente ng bansa, ano ang paglalaanan mo ng
mas malaking badyet? Pangatwiranan.
296
DEPED COPY
Gawain 5: PAGTALUNAN NATIN ITO
	 Pangkatin ang klase sa tatlo. Bumuo ng dalawang pangkat na may limang
kasapi na magiging kalahok sa isang impormal na debate at ang natitirang pangkat
ang magiging hurado. Mayroong isang minuto ang bawat miyembro ng pangkat na
kasali sa debate upang ipagtanggol ang kanilang panig kung sang-ayon o salungat
sa:
Paksa: 	 Malaking bahagi ng badyet (19.6% noong 2012) ang pambayad
sa utang ng pamahalaan. Huwag nang magbayad ng utang upang
gastusin sa mas mahalagang proyekto ng pamahalaan.
	
	 Ang pangkat na naging hurado ay pipili ng pinakamahusay na pangkat na
naipagtanggol ang kanilang panig. Gamitin pamantayan sa pagpili ang rubrik.
Rubrik sa Pagmamarka ng Impormal na Debate
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Paksa
Maliwanag na sumunod sa
paksang tatalakayin.
4
Argumentasyon
Nagpakita ng ebidensiya
upang suportahan ang
argumento.
10
Pagpapahayag
Malinaw na naipahayag at
maayos ang pananalita ng
mga kasapi.
6
Kabuuang Puntos 20
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang isinaalang-alang mo sa mga naging argumento sa
pakikipagdebate?
2.	 Ano sa palagay mo ang pinakaimportanteng ideya sa naging debate?
3.	 Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang pipiliin mong panig?
Pangatwiranan.
297
DEPED COPY
Gawain 6: GAWA TAYO NG TINA-PIE
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabalangkas ang pambansang
badyet, paano mo ito hahati-hatiin? Ano ang bibigyan mo ng prayoridad? Bakit?
Gumawa ng ilustrasyong naka-pie graph sa isang maikling bond paper.
Humanda sa pagbabahagi sa klase.
•	 Tanggulang bansa
•	 Social Services
•	 Kalusugan
•	 Agrikultura
•	 Repormang Agraryo
•	 Edukasyon
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mga naging basehan mo sa binalangkas na pambansang badyet?
2.	 Ikompara ang iyong prayoridad sa ginawang pagbabadyet sa prayoridad
ng pamahalaan.
3.	 Paano mo mapangangatwiranan ang isinagawang alokasyon?
Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan
	 Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang
napakarami nitong gawain. Ang pamahalaan ay nakalilikom ng salapi sa pamamagitan
ng buwis at iba pang pinagkukunan nito tulad ng kita mula sa interes ng salaping
nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mga kaloob at tulong mula sa mga
dayuhang gobyerno at mga pribadong institusyon, at mga kinita mula sa pagbebenta ng
ari-arian ng pamahalaan at mga kompanyang pag-aari at kontrolado ng pamahalaan.
Ang tinatanggap na kita ng pamahalaan ay tinatawag na revenue. Kung walang pondo
ang pamahalaan, hindi ito makapagbibigay ng produkto at serbisyong kinakailangan
ng taumbayan. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan ang
pagpapagawangmgaimprastruktura,librengedukasyon,pagpapanatilingkapayapaan
at kaayusan, at pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan. Kaya mahalaga para sa
pamahalaan na makalikom ng pondo upang makatugon sa mga pangangailangan nito
at ng mamamayan.
Makikita sa talahanayan na 81% ng kabuuang kita ng pamahalaan ay mula
sa buwis na personal na kita at kitang pangnegosyo, pag-aari, sa mga produkto at
serbisyo (VAT), sa mga pandaigdigang produkto at serbisyo (taripa) at iba pang buwis.
Samantala, 19% ay nagmumula sa kita ng pamahalaan mula sa mga korporasyong
pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, sa pagbibigay ng mga lisensya at sertipiko, at
sa interes sa pagpapautang.
298
DEPED COPY
National Government Revenue 2008-2013 (In Million Pesos)
Particulars 2000 2009 2010 2011 2012 2013
Revenues 1,202,905 1,123,211 1,207,926 1,359,942 1,534,932 1,716,093
Tax Revenues 1,049,189 981,631 1,093,643 1,202,066 1,361,081 1,535,698
Bureau of Internal Revenue 779,581, 750,287 822,623 924,146 1,057,916 1,216,661
Domestic - Based 777,912 749,010 822,560 924,146 1,057,916 1,216,661
Net Income & Profits 402,240 435,072 489,221 571,947 642,512 710,211
Excise Tax 61,416 60,548 67,207 68,026 72,346 118,906
Sales Taxes and
Licenses
181,132 211,130 217,788 230,060 282,328 311,114
Other Domestic Taxes 53,116 42,760 48,352 54,113 60,730 68,430
e.g. Doc Stamp Tax 8,996 6,717 7,270 7,702 5,797 4,011
Tax Expenditures 7,669 23,086 7,957 16,423 24,797 16,596
Travel Tax 669 477 55 0 0 0
Bureau of Customs 260,248 220,307 259,241 265,108 289,866 304,925
Tax Expenditures 42,048 22,145 31,736 9,408 7,484 2,406
Other Offices 10,360 11,037 11,779 12,812 13,299 14,112
BFP - Fire Code Tax 478 467 730 841 966 1,018
BID 46 39 59 61 64 69
CHED/NCCA 1,109 1,366 1,456 1,660 1,709 1,885
DENR - Forest Charges 147 132 239 150 204 132
LTO - Motor Vehicle Tax 8,580 9,033 9,295 10,100 10,356 11,008
Non-tax Revenues 153,591 141,389 113,877 157,621 173,752 180,074
BTR Income 63,681 69,912 54,315 75,236 84,080 81,013
Fees & Other Charges 16,409 19,253 22,820 26,048 27,793 30,541
Privatisation 31,289 1,390 914 930 8,348 2,936
CARP - - - - - -
Others 42,212 50,834 35,828 55,407 53,531 65,584
Marcos Wealth - - - - - -
Grants 125 191 406 255 99 321
Pinagmulan: Bureau of Treasury
Ang buwis na pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan, ay
tumutukoy sa sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan. Ito
ay isang paraan upang makalikom ng salapi ang pamahalaan na gagamitin nito
sa pagpapalakad ng mga gawaing pampamahalaan. Kung walang pagbubuwis,
mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ang layunin tulad ng distribusyon ng kita,
pagpapatatag ng ekonomiya, at pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya.
299
DEPED COPY
IBA’T IBANG URI NG BUWIS
URI DEPINISYON HALIMBAWA
Ayon sa Layunin
Para kumita
(revenue
generation)
Pangunahing layunin ng
pamahalaan na ipataw ang
mga buwis na may ganitong uri
upang makalikom ng pondo para
magamit sa operasyon nito.
Sales tax, income tax
Para
magregularisa
(regulatory)
Ipinapataw ang ganitong uri ng
buwis upang mabawasan ang
kalabisan ng isang gawain o
negosyo.
Excise Tax
Para
magsilbing
proteksiyon
(protection)
Ipinapataw upang mapangalagaan
ang interes ng sektor na
nangangailangan ng proteksiyon
mula sa pamahalaan o
proteksiyon para sa lokal na
ekonomiya laban sa dayuhang
kompetisyon.
Taripa
Ayon sa Kung Sino ang Apektado
Tuwiran (direct)
Buwis na tuwirang ipinapataw sa
mga indibidwal o bahay-kalakal.
Withholding tax
Hindi tuwiran
(indirect)
Buwis na ipinapataw sa mga
kalakal at paglilingkod kaya hindi
tuwirang ipinapataw sa mga
indibidwal.
Value-added tax
Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw
Proporsiyonal
(proportional)
Pare-pareho ang porsiyentong
ipinapataw anuman ang estado sa
buhay.
Halimbawa ang pagpapataw
ng 10% buwis sa mga
mamamayan, magkakaiba
man ang halaga ng kanilang
kinikita.
Progresibo
(progressive)
Tumataas ang halaga ng buwis
na binabayaran habang tumataas
ang kita ng isang indibidwal o
korporasyon. Isinasaad sa 1987
Saligang Batas na progresibo
ang sistema ng pagbubuwis ng
pamahalaan.
Sa Pilipinas, 5% lamang
ang kinakaltas sa mga
kumikita nang mas mababa
sa Php10,000 bawat buwan.
Maaring umabot sa 34% ang
kaltas sa kumikita ng higit sa
Php500,000 bawat buwan.
Regresibo
(regressive)
Bumababa ang antas ng buwis
kasabay ng paglaki ng kita.
Ang ad valorem (ayon sa
halaga) ay regresibo dahil
habang lumalaki ang kita ng
isang indibidwal, maliit na
bahagi lamang ng kaniyang
kita ang napupunta sa
buwis.
Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon.
Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
300
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Anong taon nagtala ng pinakamalaki at pinakamababang koleksiyon ng
buwis?
2.	 Anong uri ng buwis ang naiaambag mo bilang mag-aaral sa pondo na
ginagamit ng pamahalaan?
3.	 Bilang mag-aaral, paano ka makapag-aambag ng buwis na makatutulong
para sa iyong komunidad? Ipaliwanag.
Gawain 7: IKONEK MO
Muling balikan ang Gawain 3 sa ALAMIN at iwasto ang maling mga kasagutan.
Gawain 8: MAGANDANG BALITA
Basahin ang sipi sa susunod na pahina at sagutan ang pamprosesong tanong:
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa patakarang piskal,
maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong
sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng tinatalakay na konsepto.
Natuklasan ko na ang patakarang piskal ay ____________________________
_______________________________________________________________
________________________________________________
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa patakarang piskal. Kinakailangan
ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang piskal upang maihanda ang iyong
sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
301
DEPED COPY	
Pinagkunan:Bureau of Internal Revenue. (2014).BIR Weekender Briefs – http://www.bir.gov.ph/images/bir_files/
old_files/pdf/v5n15.pdf retrieved on September 8, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang tax evasion?
2.	 Bakit itinuturing itong labag sa batas?
3.	 Sa iyong palagay, ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang
masigurong mahuhuli ang mga tax evader? Pangatwiranan.
Gawain 9: AWITIN NATIN ‘TO
	 Gumawa ng jingle campaign para sa tema ng BIR 2013 tax campaign“ I love
Philippines, I pay taxes correctly”.
BIR campaigns
	 Bureau of Internal Revenue (BIR) office across the country campaign for the
early filing of Income Tax Return (ITR) and correct payment of taxes, as expressed in
the Bureaus 2013 tax campaign theme “I love Philippines, I pay taxes correctly.”
Pinagkunan: BIR Monitor Vol 15 No.2
Run After Tax Evaders Program
	 Commissioner Kim S. Jacinto-Henares, together with DCIR EstelaV. Sales
and DOJ representative, Atty. Michael John Humarang, engages members of
tri-media in the discussion on the three (3) tax cases filed by the BIR during the
regular Run After Tax Evaders (RATE) Press Briefing conducted last August 14
at the DOJ Executive Lounge. DIOSDADO T. SISON, a civil sanitary engineer
contractor by profession engaged in the business of buying, selling, renting/leasing
and operation of dwellings, was slapped with P18.95 million tax evasion suit for
substantially under-declaring his income/sales for taxable year 2010 by 2,778.66%
or P21.61 Million. SISON has received income payments amounting to P22.39
Million from BJS DEVELOPMENT but reported a gross income of only P777,714.00
in his Income Tax Return (ITR) for 2010. Likewise charged was independent CPA
DANILO M. LINCOD who certified the Financial Statements of SISON for taxable
year 2010 despite the essential misstatement of facts therein, as well as the clear
omission with respect to the latter’s actual taxable income, in violation of Section
257 of the Tax Code. Two (2) more delinquent individual taxpayers from Revenue
Region (RR) No. 7-Quezon City were charged with “Willful Failure to Pay Taxes.”
PERSEUS COMMODITY TRADING sole proprietor, MANUEL NUGUID NIETO and
MILLENIUM GAZ MARKETING sole proprietress, AGNES M. DAYAO were charged
for their failure to pay long overdue deficiency taxes amounting to P86.46 Million
(2007) and P30.15 Million (2006), respectively. The filing of the three (3) cases
brought to two hundred and seventy-eight (278) the total number of cases already
filed by the BIR under its RATE program during the administration of Commissioner
Henares.
302
DEPED COPY
	 Aawitin ng bawat pangkat ang kanilang orihinal na komposisyon ayon sa
sumusunod na pamantayan:
Rubrik sa Pagmamarka ng Jingle Campaign
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nakuhang
Puntos
Kaangkupan ng
nilalaman
Angkop at makabuluhan ang
mensaheng nakapaloob sa jingle
campaign sa wastong pagbabayad ng
buwis
10
Kahusayan sa
pag-awit
Mahusay na pagsasaayos ng liriko at
tono 5
Kahusayan sa
pagtatanghal
Mapanghikayat at makapukaw-pansin
ang ginawang jingle campaign
Nagpakita ng malikhaing pagtatanghal
5
Kabuuang Puntos 20
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging batayan o inspirasyon ninyo sa paggawa ng jingle?
2.	 Paano mahihikayat ang mamamayan sa mga ginawang jingle upang sila
ay maging matapat sa pagbabayad ng buwis?
3.	 Kailan nagiging epektibo ang isang jingle na maimpluwensiyahan ang mga
mamamayan upang maging matapat sa bayan? Patunayan.
Gawain 10: I-DRAWING NATIN ‘TO
	 Gumawa ng poster para sa tema ng BIR 2013 tax campaign “I love Philippines,
I pay taxes correctly”.
Rubrik sa Pagmamarka ng Poster Campaign
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nakuhang
Puntos
Kaangkupan ng
Nilalaman
Angkop at makabuluhan ang mensahe
10
Kahusayan sa
paggawa
Mapanghikayat at makapukaw-pansin
ang ginawa
5
Kahusayan sa
paggawa
Mapanghikayat at makapukaw-pansin
ang ginawa
5
Kabuuang Puntos 20
303
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mensahe na nais mong maalala at maunawaan ng mga
mamamayan na nasa drawing mo?
2.	 Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang iyong ginawang drawing
upang makahikayat sa mamamayan na maging responsableng taxpayer?
Patunayan.
Gawain 11: MAG-REFLECT TAYO
	 Gumawa ng reflection paper na nagsusuri sa isyu ng PDAF. I-post sa iyong
facebook account ang iyong ginawa. Hikayatin ang iyong mga kaibigan na magbigay
ng kanilang komento. Matapos ang tatlong araw, bilangin ang kabuuang tanong. I-print
ang resulta sa bond paper.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang karaniwang tanong o komento ng mga nakabasa?
2.	 Ano ang nakaantig sa kanila upang magtanong o magkomento?
3.	 Paano mahihikayat ang isang reflection paper upang magbahagi ng
niloloob ang ibang tao na makababasa nito?
Gawain 12: I-KONEK MO
Muling balikan ang Gawain 7 sa PAUNLARIN at iwasto ang maling mga
kasagutan.Naunawaan ko na ang patakarang piskal ay ____________________________
_______________________________________________________________
________________________________________________
TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN
Ang patakarang piskal ay isang mahalagang estratehiya ng pamahalaan
upang masiguro ang katatagan ng ekonomiya ng bansa. Isa ito sa mahahalagang
aspekto ng ekonomiya na kinakailangan ang matalinong pagdedesisyon at
pagpaplano ng pamahalaan. Ginagawa ito upang matiyak na ang ekonomiya ay
nasa tamang daan tungo sa pagkakamit ng kaunlaran.
Kaugnay nito, isa pang mahalagang patakaran ang ating tatalakayin sa
susunod na aralin – ang patakarang pananalapi. Isa rin ito sa mga importanteng
kasangkapan ng pamahalaan upang matiyak na ang bansa ay magiging matatag
at may sapat na kakayahan upang mapanatili sa normal na antas ang kalagayang
pang-ekonomiya ng bansa at matamo ang tunay na pagseserbisyo sa mamamayan.
304
DEPED COPY
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang patakarang piskal. Natunghayan natin
ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang ang ekonomiya ay
maging ganap na maayos at matatag. Maaaring maimpluwensiyahan at makontrol ng
pamahalaan ang buong ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastang
nababatay sa badyet. Samantala sa bahaging ito, isa pang mahalagang patakaran ang
maaring gamitin ng pamahalaan upang mapaunlad ang ekonomiya, ang patakaran sa
pananalapi.
Kaya’t muli kitang iniimbitahan na patuloy na makiisa upang ating unawain ang
pangangasiwa ng pamahalaan sa dami ng salapi sa ekonomiya.
	 Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag sa
layunin ng patakarang pananalapi, nakapagpapahayag ng kahalagahan ng pag-
iimpok at pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya, nakapagtataya sa bumubuo ng
sektor ng pananalapi, nakapagsusuri sa patakarang pang-ekonomiya, at natitimbang
ang epekto ng patakarang pang-ekonomiya sa patakarang panlabas ng bansa sa
buhay ng nakararaming Pilipino.
ARALIN 6:
PATAKARANG PANANALAPI
Gawain 1: MONEY KO YAN
Suriin ang larawan. Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bumuo ng pamagat
ayon sa nakikita sa larawan.
ALAMIN
	 Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol
sa patakarang pananalapi at kung paano nakaiimpluwensiya ang supply ng
salapi sa kabuuang produksiyon, empleyo, antas ng interes, at presyo?
Mahalagang maiugnay mo ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin upang
ganap na maunawaan ang paksang tatalakayin.
Pinagkunan:http://www.imagestock.com/money-pull/asp
305
DEPED COPY
Bigyan ng dalawang piraso ng parihabang kartolina ang bawat pangkat. Pumili
ng isang pamagat na katanggap-tanggap, isulat sa kartolina at ipaliwanag ang dahilan
sa naging pagpili. Ipaskil sa pisara at iulat sa klase.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Alin sa mga pamagat ang pumukaw sa iyong pansin? Bakit?
2.	 Tumutugma ba ito sa inilalahad ng larawan?
3.	 Ano ang iyong batayan sa pagbuo ng pamagat? Ipaliwanag.
Gawain 2: BALITA NGA!
	 Pag-aralan ang titulo ng balita at sagutan ang pamprosesong tanong.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mensahe na unang pumasok sa iyong isipan ng mabasa ang
titulo?
2.	 Sa iyong palagay, sino ang higit na makikinabang sa kaalaman na
matatamo ng mag-aaral tungkol sa impormasyon na ipinababatid ng titulo?
Patunayan.
Gawain 3: IKONEK MO
	 Isulat sa unang kahon kung ano lamang ang iyong nalalaman sa ating paksa.
Isulat naman sa ikalawang kahon ang mga bagay at konsepto na nais mo pang
matutuhan. Ang huling kahon naman ay sasagutin mo lamang kung tapos na ang
pagtalakay sa paksa.
Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na
masukat ang iyong nalalaman tungkol sa patakarang pananalapi.
	 Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa
patakarang pananalapi, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin
upang higit mong maunawaan ang konsepto ng patakarang pananalapi.
Usapin tungkol sa Pananalapi at Pagpapalago ng pera,
Dapat na Ituro raw sa mga Kabataan
December 25, 2012 6:46pm
Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa-pananalapi-at-
pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015
Ang alam ko___________
Ang aking natutuhan_____
Nais kong malaman_____
306
DEPED COPY
KONSEPTO NG PERA
Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o
serbisyo. Kung nais mong kumain ng tinapay, halimbawa, mangangailangan ka ng
salapi upang mabili ito. Sa gayon, ang pera ay instrumento na tanggap ng nagbibili
at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo. Maliban sa gamit sa pagbili, ito rin
ay itinuturing bilang isang unit of account. Ang halaga ng tinapay ay naitatakda dahil
na rin sa salaping ginagamit bilang panukat sa presyo ng isang produkto. Ang isang
piraso halimbawa ng pandesal ay masasabing piso (Php1) dahil sa pagtatakda dito ng
nagbibili na tinanggap naman ng mamimili. Kaya sa sampung piso (Php10), mayroong
10 piraso ng pandesal na maaaring mabili. At ang panghuli, ang salapi ay mayroong
store of value na maaaring gamitin sa ibang panahon. Ang ilang bahagi ng kinita mula
sa pagtatrabaho ay maaaring itabi at gamitin sa ibang pagkakataon dahil ang halaga
nito ay hindi nagbabago maliban sa epekto ng implasyon sa mga presyo ng bilihin
(Case and Fair, 2012).
Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao ngunit ang pangangasiwa
rito ay isang malaking hamon sa lahat ng bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon ay
maaaring magdulot ng kasaganahan o suliranin sa mga mamamayan. Dahil dito, ang
pag-iingat at matalinong pamamahala ay kinakailangan upang masiguro na ang bilang
ng salapi sa ekonomiya ay magiging kasangkapan upang mapanatili ang kaayusan.
Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi
Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay
nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit
ang pangkalahatang presyo. Ito ay bilang katiyakan na ang mamamayan ay patuloy na
magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga pangangailangan gamit
ang kanilang kinita mula sa pagtatrabaho. Ito ay isang pagkakataon na maisulong
ang kalagayang pang-ekonomiya at makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa
mamamayan bunsod ng matatag na pamamahala sa pananalapi ng bansa.
PAUNLARIN
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa
aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong
ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo
bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa patakarang
pananalapi. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at
teksto upang masagot kung paano nakaaapekto ang patakarang pananalapi
sa buhay ng nakararaming Pilipino. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan
ng gawain na nasa ibaba.
307
DEPED COPY
Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang
makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring
magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy.
	 Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na
palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary
money policy. Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas
maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa
kanilang mga negosyo. Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang
magkakaroon ng kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas
ng kabuuang demand para sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kalagayang ito ay
isang indikasyon na masigla ang ekonomiya.
	 Subalit, kapag ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa sa produksiyon,
tataas ang presyo. Kapag tumaas na ang presyo, ang mga manggagawa at
mga empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng pagtaas
ng presyo ng mga salik ng produksiyon. Kapag ang pagtataas sa presyo ng mga
bilihin at ng mga salik sa produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas ang presyo
at magpapatuloy ang mga pangyayaring unang nabanggit. Upang maiwasan ang
kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP
upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa
pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon. Kasabay rin nito ang
pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o demand
ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa
pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang
mapababa ang implasyon.
Gawain 4: KOMPLETUHIN ANG DAYAGRAM
	 Gawing batayan ang sipi sa pagbuo ng dayagram. Tukuyin kung kailan
isinasagawa ang bawat patakaran.
	
	
PATAKARANG
PANANALAPI
Expansionary
money policy
Contractionary
money policy
308
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang patakarang pananalapi?
2.	 Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary
money policy?
3.	 Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang sumusunod na
patakaran?
Gawain 5: PAGYAMANIN ANG KASANAYAN
Iguhit ang kung kailangan ipatupad ang expansionary money policy at
naman kung contractionary money policy.
1.	 Maraming nagsarang mga kompanya bunga ng pagkalugi at mababang
benta.
2.	 Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers (OFW)
ang umuwing walang naipong pera.
3.	 Tumanggap ng Christmas bonus at 13th
month pay ang karamihan sa mga
manggagawa.
4.	 Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga OFW.
5.	 Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang krisis
pang-ekonomiya.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang naging daan upang masagot mo ang mga sitwasyon?
2.	 Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan na maunawaan ang mga sitwasyon
na inilalarawan sa gawain na ito? Ipaliwanag.
Ang mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan ay paraan upang
mapangasiwaan nang wasto ang kakayahang pinansiyal ng bansa. Kung babalikan
ang paikot na daloy, maaalala na ang salapi ay umiikot sa loob ng ekonomiya. May
pagkakataong lumalabas mula sa sirkulasyon ang ilan sa mga ito subalit muli itong
bumabalik.Ang isang paraan ay mula sa pag-iimpok at pamumuhunan ng sambahayan
at bahay-kalakal.
PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN
Sa aspekto ng pag-iimpok at pamumuhunan ayon sa modelo ng paikot na
daloy, ang pag-iimpok ay kitang lumalabas sa ekonomiya. Samantalang ang
pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot na daloy (Case, Fair at Oster, 2012).
Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta
ay kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon at iba
pa. Pangkaraniwan na ang mga mamumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o
puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi.
309
DEPED COPY
Ang perang hiniram upang gamiting puhunan ay karaniwang nagmumula sa inimpok o
idineposito sa mga institusyon sa pananalapi tulad ng bangko o kooperatiba. Sa kaso
ng bangko, ang perang ipinapautang ay nagmula sa idineposito ng mamamayan.
Kung kaya ang perang lumabas sa sirkulasyon sa anyo ng inimpok sa bangko, ay
muling bumabalik dahil ipinahihiram ang mga ito sa mga negosyante upang gamitin sa
pamumuhunan tulad ng pagbili ng mga bagong kagamitan, sangkap sa produksiyon
at kabayaran sa mga manggagawa. Ipinakikita nito ang ugnayan ng bangko at iba
pang institusyon sa pananalapi bilang mga daanan sa pagdaloy ng pera sa loob ng
ekonomiya. Ang kagalingan ng pamahalaan na magpatupad ng mga patakaran sa
pananalapi ang nagsisilbing gabay sa kung gaano karami ang nararapat na salapi sa
sirkulasyon o kung hanggang saan ang sigla ng ekonomiya na hindi magiging daan
sa pagsisimula ng implasyon.
Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya.
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ahensiya ng pamahalaan
na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas. Ayon sa kanila, kapag
maraming mamamayan ay natutong mag-impok, maraming bansa ang mahihikayat
na mamuhunan sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa ang mataas na
antas ng pag-iimpok.
Samantala, ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa.
Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang
ipinakikita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas maraming
negosyo, mas maraming trabaho, mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng
kakayahang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay hindi malayong
magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran.
	 Ang salapi sa loob at labas ng ekonomiya ay marapat na mapangasiwaan
nang maayos upang masiguro na magiging matatag at malusog ang takbo ng
patakarang pananalapi ng bansa. Bunga nito, kinakailangan ang pagkakaroon ng
mga institusyon na makapag-iingat at makapagpapatakbo ng mga wastong proseso
sa loob ng ekonomiya patungkol sa paghawak ng salapi. Ito ay paraan upang maging
maayos ang daloy ng pananalapi ng bansa.
MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG PANANALAPI
A.	 Mga Institusyong Bangko
	 Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,
korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes
o tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay lumalago. Sa
kabilang dako naman, ang mga depositong nalikom ay ipinauutang sa mga
nangangailangan na may kakayahang magbayad nito sa takdang panahon.
Kabilang sa mga pinauutang ay ang mga negosyanteng nangangailangan ng
puhunan upang mapalago ang kanilang negosyo at maging dahilan naman ng
paglago ng ekonomiya.
310
DEPED COPY
Uri ng mga Bangko
1.	 Commercial Banks
Ito ang malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital,
ang commercial banks ay pinapayagang makapagbukas ng mga sangay
saanmang panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga
bangko. Nakapangangalap sila ng deposito sa higit na maraming tao. Dahil
dito, may kakayahan silang magpahiram ng malaking halaga ng puhunan
sa mga mangangalakal o malalaking negosyante. Nakapagpapahiram
din sila sa mga indibidwal na tao para sa iba pang mga pangangailangan
tulad ng pabahay, pakotse, at iba pa. Ang commercial banks ay maaari
ding tumanggap at magbigay ng letter of credit at iba pang instrumento
ng kredito na malaki ang naitutulong sa patuloy na pag-unlad ng mga
negosyo. Ang letter of credit ay isang dokumentong iniisyu ng bangko na
nagpapahintulot sa may-ari na tanggapin ang salapi na mula sa kanilang
bangko sa ibang bansa.
2.	 Thrift Banks
Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante. Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay
ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos
ng mga ito sa kanilang mga negosyo. Ang thrift banks ay pinapayagan ding
magpautang sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito
ng mga government securities.
3.	 Rural Banks
Ang rural banks o mga bangko na kalimitan ay natatagpuan sa
mga lalawigang malayo sa kalakhang Maynila ay tumutulong sa mga
magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa
kanayunan sa pamamagitan ng pagpapautang upang ang mga ito ay
magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
4.	 Specialized Government Banks
Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon
sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
a.	 Land Bank of the Philippines (LBP)
Itinatag sa pamamagitan ng RepublicAct No. 3844 na sinusugan
ng Republic Act No. 7907, layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo
sa mga programang pansakahan. Tinutulungan din nito ang iba pang
negosyante sa kanilang pangangailangan sa puhunan.
b.	 Development Bank of the Philippines (DBP)
Unang natatag noong 1946 upang matugunan ang
pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa mapanirang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pangunahing layunin ng DBP
311
DEPED COPY
ay ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor
ng agrikultura at industriya. Prayoridad ng DBP ang mga small and
medium scale industry. Malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ang
nakadeposito sa bangkong ito.
c.	 Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-
Amanah)
Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong
ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan
at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang Al-Amanah ay may walong
(8) sangay. Lahat ng sangay ng nasabing bangko ay matatagpuan sa
Mindanao. Ang head office nito ay matatagpuan sa Zamboanga City
samantalang ang pitong (7) sangay nito ay matatagpuan sa lungsod
ng Cagayan de Oro, Davao, General Santos, Marawi, Iligan at
Cotabato; at sa isla ng Jolo. May executive office din ang Al-Amanah
na matatagpuan sa lungsod ng Makati.
B.	 Mga Institusyong Di-Bangko
	 Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga
ito sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago
ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay
mapakinabangan.
1.	 Kooperatiba
Ang kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi
na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin. Para
maging ganap na lehitimo ang isang kooperatiba, kailangan itong irehistro
sa Cooperative Development Authority (CDA). Ang mga kasapi sa
isang kooperatiba ay nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo,
pananagutan, at iba pang benepisyong mula sa kita ng kooperatiba. Ang
puhunang nakalap ay ipinauutang sa mga kasapi ng kooperatiba at sa
takdang panahon, ang kinita ng kooperatiba ay pinaghahati-hatian ng mga
kasapi. Iba-iba ang kita ng mga kasapi at ito ay base sa laki ng naiambag ng
kasapi sa puhunan. May malaking kaibahan ang bangko at ang kooperatiba.
Ang kooperatiba ay pag-aari at kontrolado ng mga kasapi nito. Ang mga
patakaran ng kooperatiba at ang paraan ng pagpapatupad nito ay binubuo
at pinagkakasunduan ng mga kasapi. Ang perang inambag ng mga kasapi
ay kumakatawan sa shares at tumatayong pondo ng kooperatiba. Bukod
sa shares, tumatanggap din ang kooperatiba ng salaping impok ng mga
kasapi nito bilang deposito na binabayaran naman ng kaukulang tubo o
interes. Ang pautang at ang iba pang serbisyong ginagawa ng kooperatiba
ay para lamang sa mga kasapi nito. Ang tubo sa pautang ay maliit,
kompara sa tubo ng bangko. May taunang dibidendo ang mga kasapi ng
kooperatiba. Ang dibidendo ay nakabatay sa pangkalahatang kinita ng
pondo ng kooperatiba.
312
DEPED COPY
2.	 Pawnshop o Bahay-Sanglaan
Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas
mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa
mga bangko. Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng
mahahalagang ari-arian tulad ng alahas at kasangkapan (tinatawag na
kolateral) kapalit ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang
interes. Sa sandaling hindi mabayaran o matubos sa takdang panahon
ang alahas o kasangkapang ginawang kolateral, nireremata ang mga
ito ng bahay-sanglaan at ipinagbibili upang mabawi ang salaping
ipinautang.
3.	 Pension Funds
a.	 Government Service Insurance System (GSIS)
Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro (life insurance) sa
mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na
pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno,
at mga guro sa mga pampublikong paaralan. Ang buwanang
kontribusyon ng mga kasapi ng GSIS ay pinagsasama-sama at ang
pondong nalikom ay inilalagay sa investment para kumita. Ang paraan
ng pagbabayad ng mga kasapi ay sa pamamagitan ng pagkakaltas
sa suweldo (salary deduction). Sa pamamagitan ng pondong nalikom,
ang GSIS ay nagbibigay ng iba’t-ibang uri ng pautang para sa mga
kasapi nito, tulad ng pabahay o housing loan, salary loan, policy
loan, pension loan, at iba pa. Sa kinita mula sa investment kinukuha
ang pambayad ng mga benepisyong seguro (insurance benefits) at
pensiyong pinagkakaloob sa mga retirado. Tumatanggap din ang mga
kasapi ng GSIS ng dibidendo.
b.	 Social Security System (SSS)
Ang SSS ay ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro
sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras
ng pangangailangan katulad ng kaniyang pagkakasakit, pagkabalda,
pagretiro, pagkamatay, at pagdadalang-tao kung ang kawani ay
babae. Ang segurong ito ay ibinibigay ng estado upang maiwasang
maging pasanin ng lipunan ang kawaning nawalan ng hanapbuhay.
Sa paraang ito, mapapanatili ang dignidad ng kasapi. Itinakda sa
Social Security Law o Republic Act 8282 (dating R.A. 1611) na lahat
ng pribadong kawani ay nararapat na irehistro bilang kasapi ng SSS.
Kapag ang isang kawani ay may amo o employer, kahit siya ay nag-
iisang manggagawa, kailangan siyang irehistro, kaltasan, at ipagbayad
ng buwanang kontribusyon ng kaniyang amo sa SSS. Kasama na rito
ang mga manggagawa sa bahay katulad ng pampamilyang drayber,
kasambahay, cook, at iba pa. Ang mga self-employed katulad ng
doktor, abogado, sales agent, watch-your-car boys, may-ari ng sari-sari
store, at iba pa ay kailangan ding magmiyembro sa SSS. Sa paraan
313
DEPED COPY
ng paglilikom ng pondo, ang SSS ay katulad din ng GSIS, kung saan
ang mga kasapi nito ay may buwanang kontribusyon. Ito ay maaaring
pagkaltas (salary deduction) ng amo o employer ng kasapi, o personal
na kontribusyon para sa mga self-employed. Ang mga kontribusyon
ay pinagsasama-sama at ang pondong malilikom ay inilalagay sa
investment para kumita. Mula sa pondo, ang SSS ay nagbibigay ng
iba’t ibang uri ng pautang sa mga kasapi nito, tulad ng salary loan,
calamity loan, housing loan at business loan. Ang kita sa investment ang
pinagkukunan ng ibinibigay na mga benepisyo. Ang operasyon ng SSS
ay tulad din ng sa GSIS. Ang malaking kaibahan ng dalawang ahensya
ay ang kanilang mga kasapi. Mga kawani ng pribadong korporasyon
at selfe-mployed ang kasapi sa SSS, samantalang mga kawani ng
pamahalaan, lokal na pamahalaan at mga korporasyon na pag-aari ng
gobyerno ang kasapi ng GSIS. May nakatakdang bahagi ng pondo ng
SSS ang inilalagay sa investment at ang kita nito ay idinadagdag na
pambayad sa kasalukuyang benepisyo ng mga miyembro. Ang isang
bahagi naman ng pinagsamang kontribusyon ay iniipon o itinatabi bilang
reserve fund na siyang pinagkukunan ng pambayad ng benepisyo sa
hinaharap. Mapapansin sa buwanang tala ng kontribusyon na higit na
malaki ang ibinabayad ng miyembro na may mas mataas na kita kaysa
sa miyembrong mababa ang kita. Ito ay dahil sa prinsipyong cross-
subsidy na sinusunod ng SSS kung saan ang mas nakakaluwag ang
siyang sumusuporta sa mas mahirap, ang malulusog ang sumusuporta
sa may sakit o baldado, ang bata sa matanda, at ang buhay sa mga
naiiwang kapamilya ng mga yumaong kasapi.
c.	 Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at
Gobyerno (Pag-IBIG Fund)
Ang Pag-IBIG Fund ay itinatag upang matulungan ang mga
kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa
pabahay. Ang mga empleyado sa pamahalaan man o pribadong sektor
ay kinakailangang maging kasapi rito. Ang mga taong may sariling
negosyo at mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay maaaring maging
boluntaryong kasapi. Tulad ng mga kasapi ng GSIS at SSS, ang kasapi
ng Pag- IBIG Fund ay may buwanang kontribusyon. Ito ay maaaring
sa pamamagitan ng pagkaltas (salary deduction) para sa mga kawani
ng pamahalaan at pribadong sektor o personal na kontribusyon kung
self-employed o OFWs. Ang pangunahing produkto ng Pag-IBIG Fund
para sa mga kasapi nito ay ang pautang sa pabahay (housing loan).
Bukod dito, ang Pag-IBIG ay nagbibigay ng iba’t ibang uri ng pautang
para sa mga kasapi nito, tulad ng calamity loan at short-term loan. Ang
ahensyang ito ay tumutulong din sa mga pribadong developers ng mga
proyektong pabahay sa pamamagitan ng pagpapautang ng pondo sa
kanila.
314
DEPED COPY
4.	 Registered Companies
Ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay
yaong mga kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan
(Securities and Exchange Commisssion o SEC) matapos magsumite ng
basic at additional documetary requirements, at magbayad ng filing fee.
Magkaibaangbasic,additionalrequirements,atfilingfeesapagpaparehistro
ng stock at non-stock corporations, at partnership.
5.	 Pre-Need
Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o establisimyento
na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na
mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans.
Maaaring magbenta ang isang pre-need company ng “single plan” (isang
uri lamang ng pre-need plan) o “multi-plan” (lampas sa isang uri ng pre-
need plan). Ang Pre-Need Plans ay mga kontrata ng pagkakaloob ng mga
karampatang serbisyo sa takdang panahon o ang pagbibigay ng naaayong
halaga ng pera sa takdang panahon ng pangangailangan.
Ang mga kontratang nabanggit ay matatamo sa pagbabayad ng
katumbas sa perang halaga na napagkasunduan o nakasaad sa kontrata.
Maaari itong bayaran ng buo o di kaya ay hulugan. Ang mga halimbawa ng
mga naturang plano ay ang sumusunod: serbisyo sa burol at paglilibing,
pensiyon (pag-ipon ng perang panglaan sa pagreretiro sa trabaho), o sa
pag-aaral sa napiling unibersidad o paaralan.
	 Paglilinaw at Paalala:
• Ang mga pre-need companies ay hindi nagbebenta ng sumusunod
na seguro (insurance): seguro sa buhay (life insurance), seguro sa
napipintong aksidente (accident insurance), seguro para sa sakit (health
insurance), seguro para sa sunog (fire), seguro para sa sasakyan
(vehicle insurance) at mga kahintulad na seguro.
• Ang mga seguro naman para sa sakit o mga health maintenance
organizations (HMO) ay nasa ilalim ng regulasyon ng Kagawaran ng
Kalusugan (Department of Health).
6.	 Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)
Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon
sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance
Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.
C.	 Mga Regulator
1.	 Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay
itinalaga bilang central monetary authority ng bansa. Ito ang pangunahing
institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin
315
DEPED COPY
at ng ating pananalapi. Ang mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa
pananalapi, pagbabangko at pagpapautang ay nagmumula sa BSP.
Nakaatang din sa BSP ang tanging kapangyarihang maglimbag ng pera
sa bansa at nagsisilbi ito bilang opisyal na bangko ng pamahalaan. Ito rin
ang naatasang tumingin sa pagpapatakbo ng mga bangko at naglalayong
mapanatiling matatag ang pagpapatakbo sa mga ito.
2.	 Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
Nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ang PDIC ang sangay
ng pamahalaan na naatasang magbigay-proteksiyon sa mga depositor at
tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa.
Maraming layunin ang PDIC. Ito ay ang sumusunod:
a.	 Bilang tagaseguro ng deposito (Deposit Insurer)
1.	 Pagbabayad ng nakasegurong deposito
Sakaling magsara ang isang bangko, dagliang sinusuri
ng PDIC ang mga rekord patungkol sa mga deposito pati na rin
ang mga rekord ukol sa assets ng bangko upang maihanda ang
listahan ng mga insured deposits sa nagsarang bangko. Ang PDIC
ang nagbabayad ng claim for insured deposits na hindi hihigit sa
Php500,000 bawat depositor.
2.	 Assessment at Collection
Ang assessment ay ang halagang binabayaran ng mga
bangko upang maseguro ang kanilang deposit liabilities. Ibinibigay
ng PDIC ang assessment na dapat bayaran ng bangko. Ang PDIC
din ang nangongolekta ng assessment mula sa mga bangko. Ang
halaga ng assessment na kinokolekta ng PDIC ay katumbas sa 1/5
ng 1% ng kabuuang deposit liabilities ng bangko.
3.	 Risk Management
Ang PDIC ay may kapangyarihan na suriin ang mga bangko
sa pahintulot ng Monetary Board (MB) ng BSP. Isinasagawa ng PDIC
ang ganitong pagsusuri upang matiyak ang kalagayan ng bangko at
makapagmungkahi ng karampatang lunas kung kinakailangan. Sa
ganitong paraan, maiiwasan na lumala ang suliranin ng bangko. May
dalawang paraan sa pagsusuri ng bangko: maaaring magsagawa
ang PDIC ng onsite examination kung saan pumupunta ang mga
kinatawan nito sa mga bangko upang doon isagawa ang pagsusuri.
Ang ikalawa ay ang offsite monitoring kung saan sinusuri ng PDIC
ang bangko base sa kanilang isinumiteng financial reports.
b.	 Bilang Receiver at Liquidator ng Nagsarang Bangko
1.	 Namamahala ng Nagsarang Bangko
Ang PDIC ang itinalaga ng batas na maging receiver at
316
DEPED COPY
liquidator ng nagsarang bangko. Gawain ng PDIC bilang receiver
na pamahalaan ang lahat ng transaksiyon at mga rekord ng bangko
sa pamamagitan ng pisikal na pag-take-over sa isinarang bangko,
sa bisa ng isang MB Resolution na siyang nag-uutos sa pagsasara
ng isang bangko. Bilang receiver, kinakailangang magdesisyon ang
PDIC nang hindi hihigit sa 90 araw kung ang nagsarang bangko ay
maaari pang mabuksan muli o ilikida na lamang ang mga natira
nitong ari-arian.
2.	 Pagbebenta ng Ari-arian ng Nagsarang Bangko (Liquidation of
assets of closed bank).
Ang pagbebenta ng mga natirang ari-arian ng
nagsarang bangko ay isinasagawa upang mabayaran ang mga
pinagkakautangan (creditor) nito ayon sa pagkakasunod-sunod
(preference of credit) na isinasaad sa Civil Code.
c.	 Bilang Imbestigador
Sa ilalim ng Republic Act 9302 na sumusog sa Republic Act
3591, binigyan ng kapangyarihan ang PDIC na mag-imbestiga sa
mga anomalya sa bangko patungkol sa unsafe and unsound banking
practices at magpataw ng karampatang multa batay sa tuntuning
nakasaad sa batas. Maaari ding kasuhan ang mga opisyal at empleyado
ng bangkong sangkot sa anomalya.
3.	 Securities and Exchange Commission (SEC)
Nasa ilalim ng DOF, ang SEC ang nagtatala o nagrerehistro sa mga
kompanya sa bansa. Nagbibigay ito ng mga impormasyon ukol sa pagbili ng
mga panagot at bono. Nag-aatas din ito sa mga kompanya na magsumite
ng kanilang taunang ulat. Nagbibigay din ang SEC ng mga impormasyon
upang maging gabay sa matalinong desisyon sa pamumuhunan.
4.	 Insurance Commission (IC).
Sa bisa ng Presidential Decree No. 63 na ipinatupad noong
Nobyembre 20, 1972, ang IC ay itinatag bilang ahensiya na mangangasiwa
at mamamatnubay sa negosyo ng pagseseguro (insurance business)
ayon sa itinalaga ng Insurance Code. Ang ahensya ay nasa ilalim ng
pamamahala ng DOF. Layunin ng IC na panatilihing matatag ang mga
kompanyang nagseseguro ng buhay ng tao, kalusugan, mga ari-arian,
kalikasan at iba pa upang mabigyan ng sapat na proteksiyon ang publiko
(insuring public) sa pamamagitan ng mabilisang pagtugon at pagbabayad
ng kaukulang benepisyo at insurance claims ng mga ito.Ang mga nabanggit
na institusyon ng pananalapi ay kabalikat ng bansa sa layunin nitong
panatilihing matatag at maayos ang takbo ng ekonomiya. Mahalaga ang
papel na ginagampanan ng mga institusyong pananalapi sa ekonomiya.
Lumilikom ang mga ito ng malaking pondo upang matustusan ang mga
317
DEPED COPY
mamumuhunan. Nagpapautang ang mga ito ng salapi sa mga tao upang
patuloy na may makabili ng mga kalakal at serbisyo. Nagsisilbi rin sila bilang
tagapamagitan sa mga nais mamuhunan at namumuhunan. Tumutulong
din ang mga institusyong ito sa pagtustos at pagsasaayos ng pananalapi.
Sa ganitong sistema parehong nakikinabang ang mga namumuhunan at
mga nag-iimpok.
Pinagkunan: Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). Pilipinas.
Department of Education (DepED)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Gawain 6: LOGO…LOGO
	 Tukuyin ang ginagampanan at tungkulin ng sumusunod na institusyong
pananalaping kinatawan ng mga logo sa ibaba. Piliin ang kabilang sa bangko at hindi
bangko.
Pinagkunan:y,http://www.imagestock.com/bank-centralbank/asp,http://www.imagestock.com/bank-pbcom/asp, http://www.imagestock.
com/bank-metrobank/asp, http://www.imagestock.com/-gsis/asp, http://www.imagestock.com/ -sss/asp, http://www.imagestock.com/
pag-ibig,http://www.imagestock.com/ cooperative, retrieved on August 11, 2014
Pamprosesong Tanong:
1.	 Paano nagkakaiba ang bangko at di-bangko bilang institusyong pananalapi?
2.	 Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyon
ng pananalapi sa lipunan?
3.	 Ano sa mga institusyon na ito ang pinupuntahan ng inyong inyong pamilya
upang makipagtransaksiyon? Ipaliwanag.
4.	 Gaano kalaki ang naitutulong sa iyo at sa iba pang mamamayan ng mga
institusyon na ito? Pangatwiranan.
BANGKO HINDI BANGKO
318
DEPED COPY
Gawain 7: SAGUTIN MO ‘TO
	 Hanapin sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa hanay A. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.
A B
1.	 Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito
ay nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng
pabahay at iba pa.
2.	 Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na
hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-impok.
3.	 Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang
pangkabuhayan sa kanayunan.
4.	 Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng pondo ang
programang pansakahan ng pamahalaan.	
5.	 Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang sektor ng
agrikultura at industriya, lalo na sa mga programang
makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
a.	 bangkong pagtitipid
b.	 Land Bank of the
Philippines
c.	 bangkong
komersyal
d.	 Development Bank
of the Philippines
e.	 bangkong rural
Pinagkunan: www.bsp.gov.ph/banking/2012 retrieved on July 15, 2014
BSP Supervised/Regulated Financial Institutions
(2012)
TYPE OF FINANCIAL INSTITUTION NUMBER
I.BANKS
A. Universal and Commercial Banks
Expanded Commercial Banks
Private Domestic Banks
Government Banks
Branches of Foreign Banks
Non-Expanded Commercial Banks
Domestic Banks
Subsidiaries of Foreign Banks
Branches of Foreign Banks
B.Thrift Banks
C.Rural and Cooperative Banks
Rural Banks
Cooperative Banks
II. Non-Bank Financial Institutions
With Quasi-Banking Functions
Without Quasi-BankingFunctions
Non-Stock Savings and Loan
Association
Pawnshops
Others
III.Offshore Banking Units
TOTAL NUMBER
4,231
3,766
448
17
584
76
13
1,545
2,570
167
39
174
16,936
59
5
C. Rural and Cooperative Banks
Rural Banks
Cooperative Banks
319
DEPED COPY
Gawain 8: MAGKUWENTA TAYO
	 Suriin at pag-aralan ang talaan sa itaas. Matapos ito, kuwentahin ang kabuuang
bilang ng mga uri ng institusyong pinansiyal. Gumamit ng pie graph upang madaling
matukoy ang bilang o bahagdan.
	 Hayaang pagkomparahin ang mga uri ng A, B, at C ayon sa katangian ng mga
ito. Bumuo ng sariling kongklusyon ayon sa nakalap na impormasyon.
A.	 Banks
B.	 Non-Bank
C.	 Offshore Banking Unit
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi ayon sa talaan?
2.	 Ano ang nagtala ng may pinakamataas na bilang sa mga institusyon ng
pananalapi?
3.	 Ano ang naging batayan sa mga nabuong kongklusyon? Pangatwiranan.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas
	 Bilang tagapangasiwa ng salapi, pautang, at pagbabangko, ang Bangko
Sentral ng Pilipinas ay itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya
ng bansa. Nagpapatupad ito ng mga estratehiya na magsisiguro upang iwasan ang
mga suliraning pang-ekonomiya. Ang mga pamamaraan na ginagamit ng BSP upang
mapangasiwaan ang suplay ng salapi sa sirkulasyon ay ang sumusunod:
Estratehiya Paraan
Open Market
Operation
Ginagamit ng BSP ang securities upang pangasiwaan ang
dami ng salapi sa sirkulasyon. Bibili ang BSP kapag nais nito
na magdagdag ng salapi sa sirkulasyon at magbebenta naman
kapag nais magbawas ng supply sa ekonomiya. Ang securities
ay papel na kumakatawan sa mga asset ng bansa at nagsisilbing
garantiya sa transaksiyon na ito.
Pagtatakda ng
Kinakailangang
Reserba
Bahagi ng operasyon ng mga bangko ang pagtatabi sa bahagi ng
idinepositong pera sa kanila at ang nalabing bahagi ay maaaring
ipautang upang lumago at kumita. Ang BSP ang nagtatakda ng
reserbang itinatabi ng bangko na ginagamit upang makontrol ang
dami ng perang lalabas at maaaring ipautang ng mga bangko.
Kung ang layunin ng BSP ay magdagdag ng pera sa sirkulasyon,
ibababa nito ang kinakailangang reserba ng mga bangko upang
mas marami ang ipautang. Ang multiplier effect ay inaasahang
makagpapasigla sa ekonomiya. Ngunit kung kinakailangan
naman na bawasan ang sobrang dami ng salapi at maiwasan ang
implasyon, itinataas ng BSP ang mga kinakailangang reserba ng
mga bangko.
320
DEPED COPY
Estratehiya Paraan
Rediscounting
Function
Ang mga bangko ay nakahihiram din ng pera sa BSP bilang
pandagdag sa kanilang reserba. Discount rate ang tawag sa
interes na ipinapataw sa pag-utang ng mga bangko sa BSP.
Kapag nais ng BSP na mabawasan ang salapi sa sirkulasyon,
itinataas nito ang discount rate. Sa ganitong sitwasyon, iiwas
ang mga bangko na manghiram sa BSP at magtago ng mas
malaking reserba na lamang kaya hindi madaragdagan ng salapi
sa ekonomiya. Ngunit kung nais ng BSP na maging masigla ang
ekonomiya, ibinababa nito ang interes ng pagpapautang sa mga
bangko.
Moral Suasion Sa paraang ito, hinihikayat ng BSP ang mga bangko na gumawa at
kumilos ayon sa layunin ng BSP. Ginagawa ito upang mapatatag
ang kalagayang pananalapi ng bansa nang hindi gumagamit ng
anumang patakaran.
Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at
Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Gawain 9: I-KONEK MO
Muling balikan ang Gawain 3 para sagutan ang ikatlong kahon.
Nalaman ko ang patakarang pananalapi ay _________
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa patakarang
pananalapi, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo
ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa nang patakarang pananalapi.
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang
mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa patakarang pananalapi.
Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang pananalapi upang
maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
321
DEPED COPY
Gawain10: PAKAISIPIN MO ITO!
	 Basahin ang balita sa ibaba. Suriin at sagutin ang mga pamprosesong tanong.
Usapin tungkol sa pananalapi at pagpapalago ng pera,
dapat na ituro sa mga kabataan.
Panahon na umano para bigyan ng edukasyon ang mga kabataan tungkol sa
usaping pinansiyal at pagpapalago ng kabuhayan, ayon sa isang kongresista.
Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny”
Angara, na hindi sapat na matuto lamang ang mga mag-aaral at kabataan sa pagbibilang.
Sa aspeto ng pananalapi, makabubuti umano kung matuturuan din sila kung papaano ito
mapapalago.
“Mostly, Filipinos grow up without knowledge on how to handle their resources.
They know how to count their money, but rarely know how to make it grow,” puna ni
Angara, chairman ng House committee on higher and technical education.
Dahil dito, inihain ni Angara ang House Bill (HB) No. 490 o ang Financial Literacy
Act of 2012, na naglalayong isulong ang financial literacy programs sa mga pampubliko at
pribadong paaralan.
Ayon sa mambabatas, panahon na para suportahan ang mga kabataan sa usapin
ng pananalapi batay na rin sa pinakabagong ulat ng “Fin-Q Survey,” na ang “financial
quotient” ng Pinoy ay nagtala ng all-time high na 52.6 points noong 2011.
Pagpapakita umano ito na dumadami ang mga Pilipino na nag-iimpok ng pera,
namumuhunan at may magandang credit management.
“The results of the Fin-Q survey in the Philippines are very encouraging. Of course,
there’s still more to cover but we can improve our financial quotient as a country by
teaching more of our people how to take charge of their finances and become responsible
users of credit,” paliwanag ng kongresista tungkol sa nasabing pag-aaral ng international
financial services firm na Citi.
Sa mga nagdaang survey, ang Pilipinas umano ay nasa below average sa Asia at
malayo sa ibang bansa sa ASEAN. Sa pinakahuling ulat lamang umano nakapagtala ng
mataas na marka ang mga Pinoy.
“Financial literacy is a must in today’s world if Filipinos would really want to
have financial freedom,” ani Angara. “Unfortunately, our school system does not teach
our students and youth about money and personal finance. Our schools teach students
numerous subjects but they don’t teach them how to handle their own money wisely.”
Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaloob ang DepEd ng award grants na hindi
hihigit sa Php1 milyon sa mga magpapatupad ng programa tungkol financial literacy
courses o components para sa mga mag-aaral.
Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa-pananalapi-at-pagpapalago-
ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015
322
DEPED COPY
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang nilalaman ng balita?
2.	 Sumasang-ayon ka ba sa isinasaad ng balita? Bakit?
3.	 Sa iyong palagay, kailan ang tamang panahon upang matutuhan ang
konseptong tinatalakay sa balita? Pangatwiranan.
Gawain 11: QUIET TIME
Sa pagkakataong ito sumulat ka ng isang repleksiyon sa patakarang pananalapi
bilang isang instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya. Isulat ang repleksiyon sa
iyong portfolio.
Pamprosesong Tanong:
1.	 Ano ang pinakamahalagang aral ang naitala mo sa iyong repleksiyon?
2.	 Ano ang dahilan at ito ang aral na higit mong naunawaan?
3.	 Sa iyong palagay, dapat bang matutuhan din ito ng iba pang kabataan at
mamamayan? Bakit oo o hindi? Patunayan.
	
	
	 Pumunta sa tanggapan ng inyong lungsod at humingi ng kopya ng badyet
ng inyong lungsod o bayan. Kapanayamin din ang pinuno ng lungsod kung paano
inihahanda ang badyet at para sa bawat taon. Pag-aralan ang kita, pag-iimpok,
pamumuhunan, at implasyon sa nakalipas na limang taon.Maging malikhain sa pag-
uulat ng nakalap na impormasyon sa klase.
ISABUHAY
	 Matagumpay mong natapos at naisakatuparan ang lahat ng gawain
para sa patakarang pananalapi. Ngayon ay mayroon ka ng sariling pamantayan
sa nagaganap sa ating ekonomiya. Tayo na sa huling bahagi ng ating aralin.
323
DEPED COPY
Rubrik sa Pagmamarka ng Panayam
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman
Wasto ang lahat ng datos na binanggit
sa panayam.Gumamit ng mahigit sa
limang sanggunian upang maging
makatotohanan at katanggap-tanggap
ang mga impormasyon.
6
Pagsusuri
Naipakita ang pagsusuri sa opinyon at
ideya ng kinakapanayam
5
Mga Tanong
Maayos at makabuluhan ang mga
tanong.May kaugnayan ang tanong sa
bawat isa.
5
Pagkamalikhain
Gumamit ng mga visual o video
presentation.
4
Kabuuang Puntos 20
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging resulta ng iyong naging survey?
2. Nasiyahan ka ba sa naging resulta?
3. Ano ang iyong naging obserbasyon sa mga naging reaksiyon ng kapwa mo
mag-aaral?
MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain!
Transisyon sa susunod na Modyul
	 Ang patakaran sa pananalapi ay may layuning kontrolin ang suplay ng salapi
sa sirkulasyon at ang antas ng interes upang mapanatiling matatag ang presyo. Sa
pangunguna ng BSP, ang sistema sa pananalapi at pagbabangko ay maisasaayos
para sa katuparan ng layuning mapanatili ang katatagan ng halaga ng piso at
presyo.
	 Natapos mo ang talakayan sa makroekonomiks. Sana ay naging malalim ang
iyong naging pag-unawa sa mga konseptong nakapaloob dito dahil magagamit mo
ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa ekonomiya ng ating bansa.
Ang pangkalahatang aksiyon at reaksiyon ng mamamayan, mamumuhunan at
pamahalaan, gayundin ng mundo ay nakapagdudulot ng malaking epekto sa takbo
ng presyo at produkto sa ating bansa. Mauunawaan mo ang mga bagay na ito kung
napag-ugnay-ugnay mo ang mga paksang tinalakay sa loob ng yunit na ito. Kung
gayon, masisiguro ko na handa ka ng harapin ang huling yugto ng asignaturang
ito na tumatalakay sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Kinakailangan muli ang
iyong pag-unawa, pagsusuri, at angking pasensya upang lubos na makilala ang
ekonomiya ng bansa.
	 Kaya tayo na!
324
DEPED COPY
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel.
1.	 Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A.	 ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B.	 kita at gastusin ng pamahalaan
C.	 kalakalan sa loob at labas ng bansa
D.	 transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal
2.	 Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A.	 kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
B.	 kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
C.	 kapag may pag-angat sa gross domestic product ng bansa
D.	 kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
3.	 Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa
Gross National Income?
A.	 Expenditure Approach
B.	 Economic Freedom Approach
C.	 Industrial Origin/Value Added Approach
D.	 Income Approach
4.	 Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang
kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan
para sa pag-iimpok?
A.	 Php1,000.00
B.	 Php2,000.00
C.	 Php3,000.00
D.	 Php4,000.00
5.	 Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa
ekonomiya?
A.	 deplasyon
B.	 implasyon
C.	 resesyon
D.	 depresyon
(K)
(K)
(K)
(K)
(K)
325
DEPED COPY
6.	 Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan
at bahay-kalakal?
A.	 Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B.	 Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa
mga bahay-kalakal.
C.	 Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo
ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D.	 Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
7.	 Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A.	 Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong
pampinansiyal.
B.	 Dahilmagagamititoupangmakabuongmgapatakarangmagpapaangat
sa ekonomiya ng bansa.
C.	 Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang
umani ng malaking boto sa eleksiyon.
D.	 Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na
pamamalakad ng ekonomiya.
8.	 Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
A.	 Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa
Gross National Income nito.
B.	 Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat
ng Gross National Income.
C.	 Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross
National Income.
D.	 Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama
sa Gross National Income.
9.	 Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product
ng bansa?
A.	 Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
B.	 Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
C.	 Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa
pamumuhunan.
D.	 Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
(P)
(P)
(P)
(P)
326
DEPED COPY
10.	Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
A.	 Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
B.	 Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
C.	 Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
D.	 Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
11.	Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng isang
kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon
sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong karne ng manok?
A.	 Php 95.00
B.	 Php100.00
C.	 Php105.00
D.	 Php110.00
12.	Sa papaanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?
A.	 pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang
output ng produksiyon
B.	 pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay
na ekonomiya
C.	 pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng
karagdagang paggasta
D.	 pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na
paggasta sa ekonomiya
13.	Ang dinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita
ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang
nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na
daloy?
A.	 Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
B.	 Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong
kapital sa negosyo.
C.	 Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang
paggastos ng tao.
D.	 Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng
mga bangko.
14.	Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri
sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang
pamahalaan upang mapataas ito?
A.	 Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
B.	 Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
C.	 Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa
ekonomiyang pandaigdigan.
D.	 Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.
(U)
(U)
(P)
(P)
(P)
327
DEPED COPY
15.	Si Mr. Chen, isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na
nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
A.	 Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito.
B.	 Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang
kita.
C.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang
kanyang kita.
D.	 Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito
nagmula ang kanyang kita
16.	Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph?
PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT
At Current Prices, In Million Pesos
16,000,000
14,000,000 Legend:
12,000,000 Gross Domestic Product
10,000,000 Gross National Income
8,000,000
6,000,000
4,000,000
2,000,000
0
2012 2013
Pinagmulan: Philippine Statistics Authority
A.	 Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kompara sa Gross
National Income nito.
B.	 Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012 kompara sa
taong 2013.
C.	 Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong 2012
kompara sa taong 2013.
D.	 Mas malaki ang Gross National Income kompara sa Gross Domestic
Product sa parehong taon.
17.	Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung
maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A.	 Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang
salapi.
B.	 Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman
mahalaga.
C.	 Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D.	 Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari
kinabukasan.
(U)
(U)
(U)
328
DEPED COPY
18.	Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph.
A.	 Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng
kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
B.	 Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng
produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili.
C.	 Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan
sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
D.	 Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto
sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo.
19.	Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin
sa implasyon?
A.	 Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B.	 Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C.	 Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang
presyo.
D.	 Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon
ng kakulangan.
20.	Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa
pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng
pansin?
A.	 Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki.
B.	 Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita
rin ng malaki.
C.	 Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas
ng presyo.
D.	 Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na
presyo.
(U)
(U)
(U)
P AS
Q
Php 120
Php 100
AD1
40 50
AD2

More Related Content

PPTX
Ang Pambansang Kita.pptx
PPTX
PAMBANSANG KITA.pptx
PPTX
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
PDF
Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1
PPTX
MACROEKONOMIKS (1).pptx
PPTX
Patakarang Piskal.pptx
PPTX
ANG PAIKOT NA DALOY NG PRODUKTO AT SERBISYO EKONOMIKS IV
PDF
Ekonomiks tg part 5 (2)
Ang Pambansang Kita.pptx
PAMBANSANG KITA.pptx
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Ekonomiks 9 yunit 1 aralin 1
MACROEKONOMIKS (1).pptx
Patakarang Piskal.pptx
ANG PAIKOT NA DALOY NG PRODUKTO AT SERBISYO EKONOMIKS IV
Ekonomiks tg part 5 (2)

What's hot (20)

PPTX
Ppt aralin-2-modelo-ng-paikot-na-daloy
PPTX
Araling Panlipunan 9 Q3 W2.pptx
PPT
Implasyon - Economics
PPTX
Implasyon
PPTX
Aralin 3 Sektor ng Industriya
PPT
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaan
PPTX
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
PPTX
Salik na nakaaapekto sa demand
PPTX
PATAKARANG PISKAL
PPTX
Patakarang pananalapi
PPTX
Pagkilala sa Gross National Product (GNP)
PPTX
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
PDF
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
PDF
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
PPTX
Ang pambansang ekonomiya
PPTX
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
PPTX
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9
PDF
Aralin 5 - Pagkonsumo
PPTX
Aralin 4: Implasyon
PPTX
Saklaw ng ekonomiks
Ppt aralin-2-modelo-ng-paikot-na-daloy
Araling Panlipunan 9 Q3 W2.pptx
Implasyon - Economics
Implasyon
Aralin 3 Sektor ng Industriya
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaan
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Salik na nakaaapekto sa demand
PATAKARANG PISKAL
Patakarang pananalapi
Pagkilala sa Gross National Product (GNP)
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
MELC_Aralin 20-Sektor ng Industriya
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
Ang pambansang ekonomiya
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9
Aralin 5 - Pagkonsumo
Aralin 4: Implasyon
Saklaw ng ekonomiks
Ad

Viewers also liked (20)

PPTX
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
PPTX
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
PPTX
Kabanata 12 aralin 26 powerpoint in aral.pan
PPTX
Paikot na daloy ng ekonomiya
PPTX
Aralin 2 Pambansang Kita
PDF
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
PPTX
Ikatlong modelo
PPTX
Aralin17 AP 10
PPTX
GDP & GNP
PPTX
Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
PPTX
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-Activity
PDF
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
PDF
Ekonomiks 10 teachers guide
PDF
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
PPTX
Ang Pamamahagi ng Pambansang Kita
PPTX
K-10 Araling Panlipunan Unit 3
PPTX
Aralin 18 AP 10
PPTX
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
PPTX
Aralin 18 pagsusuri ng economic performance ng bansa
PPTX
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pagiimpok
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at pag-iimpok
Kabanata 12 aralin 26 powerpoint in aral.pan
Paikot na daloy ng ekonomiya
Aralin 2 Pambansang Kita
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ikatlong modelo
Aralin17 AP 10
GDP & GNP
Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Paikot na Daloy ng Ekonomiya-Modelo ng Pambansang Ekonomiya-Activity
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
Ekonomiks 10 teachers guide
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ang Pamamahagi ng Pambansang Kita
K-10 Araling Panlipunan Unit 3
Aralin 18 AP 10
Aralin 1 Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Aralin 18 pagsusuri ng economic performance ng bansa
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pagiimpok
Ad

Similar to Ekonomiks lm yunit 3 (2) (20)

PDF
Ekonomiks Teaching Guide Part 5
PPTX
SUMMATIVE G9 3RD.pptx
PPTX
AP9-IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN
PPTX
AP9 Summative Examination Grade 9 3rd Quater
PPTX
Araling Panlipunan Grade 9 Summative Examination #rd Quarter
PPTX
PPTX
Y3-A6-Alamin.pptx
PPTX
AP 9: Kwarter 3_Modyul 1_Paikot na Daloy ng Ekonomiya.pptx
PPTX
AP 9 PATAKARANG PISIKAL ARALING PANLIPUNAN
PPTX
ARALING-PANLIPUNAN-IX-QUARTER THREE.pptx
PPTX
PART 6 NAT.pptx ARALING PANLIPUNAN GRADE
DOCX
Araling panlipunan grade 9. -notes.docx
PPTX
Araling Panlipunan 9- Q1-W2.pptxquarter 1
DOCX
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
PPTX
AP9MAKIIIa-1.power point presentation in Araling Panlipunan
PDF
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
PDF
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
DOCX
ap g9.docx
PPTX
Modyul-1-Paikot-na-daloy-ng-Ekonomiya.pptx
PPTX
Ppt pambansang-kita new-version
Ekonomiks Teaching Guide Part 5
SUMMATIVE G9 3RD.pptx
AP9-IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN
AP9 Summative Examination Grade 9 3rd Quater
Araling Panlipunan Grade 9 Summative Examination #rd Quarter
Y3-A6-Alamin.pptx
AP 9: Kwarter 3_Modyul 1_Paikot na Daloy ng Ekonomiya.pptx
AP 9 PATAKARANG PISIKAL ARALING PANLIPUNAN
ARALING-PANLIPUNAN-IX-QUARTER THREE.pptx
PART 6 NAT.pptx ARALING PANLIPUNAN GRADE
Araling panlipunan grade 9. -notes.docx
Araling Panlipunan 9- Q1-W2.pptxquarter 1
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
AP9MAKIIIa-1.power point presentation in Araling Panlipunan
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
ap g9.docx
Modyul-1-Paikot-na-daloy-ng-Ekonomiya.pptx
Ppt pambansang-kita new-version

More from Jared Ram Juezan (20)

PPTX
PPTX
PPTX
Mga hamong pangkapaligiran
PPTX
Mga uri ng empleyado
PPTX
9 types of students
PPTX
Strengthening research to improve schooling outcomes
PPTX
Rank of skills
PPTX
Learner information system
PPTX
Adoption of the basic education research agenda
PPTX
10 klase ng titser kapag may inset o seminar
PPT
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnel
PPT
Tips on passing the licensure
PPTX
Yunit 3, aralin 3 pagkamulat
PPTX
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
PPTX
The role of social media in learning
PPT
Klima ng asya
PPTX
Ang mga vegetation cover ng asya
PPTX
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
DOCX
Budget of work 3 (1)
DOCX
Budget of work 2 (1)
Mga hamong pangkapaligiran
Mga uri ng empleyado
9 types of students
Strengthening research to improve schooling outcomes
Rank of skills
Learner information system
Adoption of the basic education research agenda
10 klase ng titser kapag may inset o seminar
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnel
Tips on passing the licensure
Yunit 3, aralin 3 pagkamulat
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
The role of social media in learning
Klima ng asya
Ang mga vegetation cover ng asya
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Budget of work 3 (1)
Budget of work 2 (1)

Recently uploaded (20)

PPTX
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
PPTX
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
PPTX
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
PDF
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
PPTX
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
PPTX
Edukasyon sa PP 5 ICT Quarter 1 WEEK 7 DAY 2
PPTX
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
PPTX
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
PPTX
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PPTX
payak na pamumuhay power point presentation in values 8
PPTX
Tatlong Uri ng Pangngalang Pambalana - Tahas, Basal at Lansakan
PPTX
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
PPTX
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
PPTX
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
DOCX
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
PPTX
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx
PPTX
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
PPTX
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
PPTX
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx
PAGSULAT NG TALUMPATI presentations.pptx
G5Q1W7 PPT FILIPINO (MATATAG)@Sir Ims.pptx
Q1-WEEK 03 Pag-aangkop sa kabuhayang pangkomunidad ng mga Pilipino (1).pptx
Buwan ng Wika 2025 HeadDress Part 1 - 4.pdf
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
Edukasyon sa PP 5 ICT Quarter 1 WEEK 7 DAY 2
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
payak na pamumuhay power point presentation in values 8
Tatlong Uri ng Pangngalang Pambalana - Tahas, Basal at Lansakan
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
MAIKLING KUWENTO_ANG KUWINTAS MULA SA FRANCE.pptx
Digmaang_Pilipino-Amerikano_Grade6_Timeline.pptx
RADIO BROADCASTING SCRIPT - Filipino.docx
FILipino 7_Quarter 1_Week 8 123ewdfgb.pptx
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
GMRC-4-W5-MATATAG-PPT.pptx grade 4 week 5
CBDRRM_4Yugto_Presentation by msotano.pptx

Ekonomiks lm yunit 3 (2)

  • 3. 221 DEPED COPY YUNIT III PAGSUSURI NG EKONOMIYA: MAKROEKONOMIKS PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG Ang makroekonomiks ay nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya. Kung ang maykroekonomiks ay nakatuon sa desisyon ng bawat pamilya at bahay-kalakal, ang makroekonomiks naman ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng pambansang ekonomiya. Matututuhan mo sa makroekonomiks ang mga konseptong may kinalaman sa implasyon, patakarang piskal, patakaran sa pananalapi, pambansang badyet, at pagsulong ng ekonomiya. Naitanong mo ba sa sarili mo kung papaano gumagana ang pambansang ekonomiya? Kung hindi pa samahan mo akong tuklasin kung papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa. Sa modyul na ito ay matutuklasan ang bumubuo sa pambansang ekonomiya, mga suliraning pangkabuhayan, at ang pamamaraang ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang mga ito tungo sa pag-unlad. Handa ka na bang alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit tayong maglakbay sa pambansang ekonomiya ng bansa, siyasatin natin kung papaano kumikilos ang mga sektor na bumubuo dito. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pambansang ekonomiya at kung papaano ito gumagana upang matugunan ang mga suliraning pangkabuhayan sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung papaanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod: Aralin 1: PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA • Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya • Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya • Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
  • 4. 222 DEPED COPY Aralin 2: PAMBANSANG KITA • Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya • Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto • Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya • Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang produkto Aralin 3: UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO • Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok • Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok Aralin 4: IMPLASYON • Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng implasyon • Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon • Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon • Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon Aralin 5: PATAKARANG PISKAL • Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal • Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito • Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan • Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis • Naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya Aralin 6: PATAKARANG PANANALAPI • Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi • Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi
  • 5. 223 DEPED COPY Grapikong pantulong sa gawain MGA INAASAHANG KAKAYAHAN Upang mapagtagumpayan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag- unawa, kinakailangang gawin at tandaan mo ang sumusunod: 1. pagkokompyut gamit ang kaalaman sa Matematika; 2. kritikal na pagsusuri at interpretasyon ng mga aktuwal na datos at tsart mula sa mga ahensiya ng pamahalaan ukol sa Gross National Product/ Income at Gross Domestic Product; 3. pagpapahalaga sa kita, pagkonsumo, at pamumuhunan bilang mahalagang salik sa paggana ng pambansang ekonomiya 4. pagpapaliwanag sa epekto ng implasyon sa buhay ng isang mamamayan 5. pagtukoy sa mga pamamaraan upang maiwasan ang suliraning dulot ng implasyon 6. nakapagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan, gawain, o proyekto sa paglahok sa mga gawain ng pambansang ekonomiya tungo sa pambansang kaunlaran. PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya B. Kita at gastusin ng pamahalaan C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa D. Transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal MAKROEKONOMIKS PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA SULIRANING PANGKABUHAYAN: IMPLASYON GROSS NATIONAL PRODUCT / INCOME GROSS DOMESTIC PRODUCT PATAKARANG PISIKAL PATAKARANG PANANALAPI (K)
  • 6. 224 DEPED COPY 2. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa? A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho. B. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal. C. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa. D. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa. 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income? A. Expenditure Approach B. Economic Freedom Approach C. Industrial Origin/Value Added Approach D. Income Approach 4. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok? A. Php1,000.00 B. Php2,000.00 C. Php3,000.00 D. Php4,000.00 5. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya? A. deplasyon B. implasyon C. resesyon D. depresyon 6. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal? A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal. B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal. C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal. D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal. 7. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa? A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal B. Dahilmagagamititoupangmakabuongmgapatakarangmagpapaangat sa ekonomiya ng bansa C. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya (K) (K) (K) (K) (P) (P)
  • 7. 225 DEPED COPY 8. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto. A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito. B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income. 9. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa? A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers. B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo. C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan. D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa. 10. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao? A. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo. B. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo. C. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa. D. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap. 11. Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong karne ng manok? A. Php95.00 B. Php100.00 C. Php105.00 D. Php110.00 12. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation? A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon. B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. C. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta. D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya. 13. Ang dinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy? A. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok. B. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong kapital sa negosyo. C. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang (P) (P) (P) (P) (P) (U)
  • 8. 226 DEPED COPY paggastos ng tao. D. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko. 14. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito? A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig. B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin. C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan. D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. 15. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita? A. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito. B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita. C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita. D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita 16. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph? PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT At Current Prices, In Million Pesos 16,000,000 14,000,000 Legend: 12,000,000 Gross Domestic Product 10,000,000 Gross National Income 8,000,000 6,000,000 4,000,000 2,000,000 0 2012 2013 Pinagmulan: Philippine Statistics Authority A. Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kompara sa Gross National Income nito. B. Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012 kompara sa taong 2013. C. Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong 2012 kompara sa taong 2013. D. Mas Malaki ang Gross National Income kompara sa Gross Domestic Product sa parehong taon. (U) (U) (U)
  • 9. 227 DEPED COPY 17. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang? A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi. B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga. C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon. D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan. 18. Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakatamang paliwanag sa graph. A. Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. B. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili. C. Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. D. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo. 19. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon? A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo. D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan. 20. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin? A. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki. B. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki. C. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo. D. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo. (U) (U) (U) (U) P AS Q P 120 P 100 AD1 40 50 AD2
  • 10. 228 DEPED COPY PANIMULA Ayon sa Investopedia.com, ang makroekonomiks ay larangan ng ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo. May apat na pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang makroekonomiks: • Una, binibigyang pansin ng makroekonomiks ang kabuuang antas ng presyo. Ang pagtaas ng kabuuang presyo ay pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng mga gumagawa ng batas o patakaran na nakaaapekto sa mga mamamayan sa kabuuan. • Pangalawa, ang makroekonomiks ay binibigyan-pansin ang kabuuang produksiyon o ang bilang ng kalakal at paglilingkod na nagawa sa ekonomiya. Ito rin ang nagiging batayan sa pagsukat sa kakayahan ng isang ekonomiya kung papaano matutugunan ang pangangailangan ng lipunan at ng buong bansa sa kabuuan. • Pangatlo, binibigyang pansin ng makroekonomiks ang kabuuang empleyo. Mahalaga ito para sa mga nagpaplano ng ekonomiya at bumubuo ng mga patakarang pangkabuhayan upang matiyak na may mapagkukunan ng ikabubuhay ang bawat pamilya sa lipunan. • Pang-apat, at panghuli, tinitingnan din ang ibang bahagi ng mundo at ang relasyon nito sa panloob na ekonomiya. Hindi maihihiwalay ang mga pangyayaring pandaigdigan sa kalagayan ng ekonomiya sa loob ng bansa. May malaking epekto ang kalagayang pang-ekonomiya ng ibang bansa sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig. ARALIN 1: PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA ALAMIN Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin, ikaw ay magsisimula na sa iyong pagsusuri sa pambansang ekonomiya. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtuklas ng iyong mga nalalaman at maunawaan kung papaano gumagana ang pambansang ekonomiya upang mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan tungo sa pagtamo ng kaunlaran. Simulan natin ang ating pagtuklas sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.
  • 11. 229 DEPED COPY Gawain 1: HULA-LETRA Isulat sa loob ng lobo ang tamang letra upang mabuo ang salita. Ang ilang letra ay ibinigay na bilang gabay. 1. Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya 2. Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo 3. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon 4. Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan 5. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong sariling pagkaunawa sa makroekonomiks? 2. Papaano kaya naiba ang makroekonomiks sa maykroekonomiks? Gawain 2: SMILE KA DIN KAHIT KAUNTI Bilugan ang nakangiting mukha kung malawak na ang kaalaman sa paksa o konsepto. Kung hindi naman, bilugan ang hindi nakangiting mukha. 1. Dayagram ng paikot na daloy 2. Ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal, at pamahalaan 3. Buwis na binabayaran ng sambahayan at bahay kalakal sa pamahalaan W M K S B Y P H A X T
  • 12. 230 DEPED COPY 4. Ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan 5. Konsepto ng angkat at luwas 6. Transfer payments na ibinabayad ng pamahalaan 7. Paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy 8. Pagpasok (inflow) ng salapi sa paikot na daloy 9. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon 10. Pagbuo ng mga kalakal upang maging tapos na produkto Pamprosesong Tanong: 1. Matapos mong sagutan ang gawain, ilang konsepto ang alam mo na sa paksa? Ilan naman ang konseptong hindi mo pa nalalaman? 2. Base sa iyong kasagutan sa bilang 1, ano ang mabubuo mong hinuha batay sa lawak ng iyong kaalaman sa paksa? Gawain 3: PAUNANG SAGOT Ang gawaing ito ay susukat sa iyong paunang kaalaman tungkol sa paksa. Isulat ang iyong sagot sa katanungan sa loob ng callout. Hindi kailangang tama ang iyong sagot sa paunang gawaing ito. Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang paunang sagot upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Papaano gumagana ang pambansang ekonomiya upang mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran?
  • 13. 231 DEPED COPYMGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA UnangModelo.Angunangmodelongpambansangekonomiyaaynaglalarawan ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing aktor sa modelong ito. Ang sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay ang tagalikha ng produkto. Sa unang modelo, ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan. Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang mabuhay? Maaaring gumawa ka ng paraan upang matugunan ang sarili mong pangangailangan dahil wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ang maghahanap ng pagkain, gagawa ng sariling bahay, at bubuo ng sariling damit. Sa madaling salita, ang sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang. Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo. Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa paikot na daloy, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ng mas malalim ang konsepto nito. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging batayaan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang ekonomiya. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa? Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang gawain na nasa ibaba.
  • 14. 232 DEPED COPY SIMPLENG EKONOMIYA: ANG SAMBAHAYAN AT BAHAY-KALAKAL SA PAGGAMIT NG SALIK NG PRODUKSIYON (FACTOR MARKETS) Ikalawang Modelo. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor. Sa puntong ito masasabing magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal. Matutunghayan ang ikalawang modelo ng pambansang ekonomiya sa pigura sa susunod na pahina. May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito ang pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity. Kilala ito bilang goods market o commodity markets. Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito. subalit bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon. At dahil tanging ang sambahayan ang may supply ng mga salik ng produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksiyon. Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes ang bahay-kalakal, halimbawa sa paggamit ng lupa, magbabayad ang bahay-kalakal ng renta o upa at sa paggamit ng paggawa, magbibigay ito ng pasahod. Dahil sa sambahayan din nagmumula ang entreprenyur, may kita itong nakukuha mula sa pagpapatakbo ng negosyo. At ang kita ng entreprenyur ay nabibilang na kita ng sambahayan. Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan. Kumikita ang sambahayan sa interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at pasahod sa paggawa. Sa pananaw naman ng bahay-kalakal, ang interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at mga pasahod sa paggawa ay mga gastusin sa produksiyon. BAHAY KALAKAL SAMBAHAYAN Kokonsumo ng mga produkto Lilikha ng mga produkto
  • 15. 233 DEPED COPY Matapos ang produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod. Dito bibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa pangangailangan o kagustuhan nito. Gagamitin ng sambahayan ang natanggap na kita upang makabili ng produkto. Sa pananaw ng sambahayan, ito ay gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos ang sambahayan, doon kumikita ang bahay-kalakal. Mamamalas dito ang interdependence ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang dalawang aktor ay umaasa sa isa’t isa upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Mapapansin din na kumikita ang isang sektor sa bawat paggastos ng ibang sektor. Dahil dito, may dalawang pagsukat sa kita ng pambansang ekonomiya. Ang isa ay sa pamamagitan ng halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang kabuuang kita ay naglalarawan din ng produksiyon ng pambansang ekonomiya. Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Upang maitaas ang produksiyon, kailangang marami ang magagamit na salik ng produksiyon. Bukod dito, kailangang maitaas din ang antas ng produktibidad ng mga salik. Samakatuwid, kailangan ng paglago ng kapital. Kailangang dumami ang oportunidad sa trabaho. Kailangang malinang ang produktibidad ng lupa. Kailangang mapag-ibayo ng entreprenyur ang kanyang kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa ganitong kalagayan, tataas ang mga kita ng sambahayan at bahay-kalakal. PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO (GOODS OR COMMODITY MARKET) BAHAY KALAKAL PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSIYON Lupa, paggawa, at kapital Input para sa produksiyon Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod Pagbili ng kalakal at paglilingkod PaggastaKita Sahod, upa, at tubo Kita SAMBAHA YAN BAHAY KALAKAL SAMBAHAYAN
  • 16. 234 DEPED COPY Ikatlong Modelo. Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili. Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahahalagang gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang pinansiyal (financial market). Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa salik ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at para sa mga pinansiyal na kapital. Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi ng natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ang inilalagak sa pamilihang pinansiyal. Kabilang sa naturang pamilllihan ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market. Samantala sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay- kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa o daigdig. Maaaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit maaaring patuloy namang gaganda ang negosyo nito kung lalawak ang sakop ng produksiyon. Dahil dito, maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang pinansiyal na kapital. Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng produksiyon. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. Ang paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na kabayaran. Babayaran nito ng interes ang hiniram na puhunan. Sinisingil ang bahay-kalakal dahil may kapakinabangan itong matatamo sa paghiram ng puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak na ang negosyo nito. Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran sa sambahayan. Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok. Ito ay dahil nagagamit ang inilagak nitong ipon bilang puhunan ng mga bahay-kalakal. Para sa sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal, ito ay mahalagang gastusin. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga gawaing pang- ekonomiya. Ang mga ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano para sa hinaharap ang mga naturang aktor. Ito ang nagpapaliwanag sa broken lines na ginamit sa dayagram. Kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor, walang pag- iimpok at pamumuhunan. Sa ikatlong modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng
  • 17. 235 DEPED COPY kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Kasama na rito ang gastusin sa pamumuhunan ng bahay-kalakal. Ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal. Kabilang dito ang kita ng sambahayan sa pag- iimpok. Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Mahalagang punto rin sa ikatlong modelo ang mga nabanggit sa ikalawang modelo. Ngunit may mga karagdagang dala ang pagsulpot ng mga gawain na pag-iimpok at pamumuhunan. Ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay rin sa paglaki ng pamumuhunan. Upang maging matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang sambahayan. Kailangan din na may sapat na dami ng bahay-kalakal na handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang produksiyon ng mga kapital na produkto. Inaasahan na darami rin ang mabubuksang trabaho para sa paggawa. Sa ganitong modelo ng ekonomiya, mahalagang balanse ang pag-iimpok at ang pamumuhunan. PAMILIHANG PINANSIYAL: PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS) PAMILIHANG PINANSIYAL Pag-iimpokPamumuhunan BAHAY KALAKAL SAMBAHAYAN PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSIYON Lupa, paggawa, at kapital Input para sa produksiyon Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod Pagbili ng kalakal at paglilingkod PaggastaKita Sahod, upa, at tubo Kita Pag-iimpok
  • 18. 236 DEPED COPY Ikaapat na Modelo. Ang ikaapat na modelo ay tatalakayin sa susunod na pahina. Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring maliit at mabagal ang gampanin ng pamahalaan dito. Maaari namang malaki rin at aktibo ang pamahalaan dito. Kung ang unang gampanin ang pagbabatayan, ang pamahalaan ay kabilang sa politikal na sektor. Labas ang pamahalaan sa usapin ng pamilihan. Ngunit kung sa ikaapat na modelo ang pagbabatayan, papasok ang pamahalaan bilang ikatlong sektor. Ang naunang dalawang sektor ay ang sambahayan at ang bahay-kalakal. Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging karagdagang gawain sa ekonomiya. Tulad din ng pag-iimpok at pamumuhunan, broken lines ang ginamit sa pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng buwis ay hindi takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. Ang mga pampublikong paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-kalakal. Sa ikaapat na modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Maitatakda rin ang pambansang kita sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan, bahay- kalakal, at pamahalaan. Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong pinagbabatayan: una, ang pagtaas ng produksiyon; ikalawa, ang produktibidad ng pamumuhunan; at ikatlo, ang produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan. Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang makalikha ng positibong motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan. Mahalagang maihatid ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis. Hangad ng bawat sektor na makita ang kinahinatnan ng kanilang pagbabayad ng buwis. Sa pagsingil ng buwis, mahalagang hindi mabawasan ang produktibidad ng bawat sektor. Hindi maiiwasan na magtaas sa pagsingil ng buwis. Ngunit mahalaga na hindi makaramdam ng paghihirap ang mga sektor sa pagtataguyod ng mga pangangailangan at kagustuhan. Sa aspekto ng gastusin ng pamahalaan, mahalagang mapag-ibayo ang mga kaalaman at kakayahan ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang mga pampublikong paglilingkod ay dapat maging produktibo. Hindi dapat maging palaasa ang mga tao sa tulong na ibibigay ng pamahalaan. Hindi rin dapat makipagkompetensiya ang pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay-kalakal. Sa oras na maganap ito, marami ang magtatanggal ng puhunan sa bansa. Marami ang mawawalan ng trabaho at kita. Ang buong ekonomiya ay aasa na lamang sa gawain ng pamahalaan.
  • 19. 237 DEPED COPY ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSIYAL, SALIK NG PRODUKSIYON, KALAKAL, AT PAGLILINGKOD Ikalimang Modelo. Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik. Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. May mga sambahayan at bahay-kalakal ang dayuhang ekonomiya. Pareho rin sila na may pinagkukunang-yaman. Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami ng mga ito. Maaaring kailangan nila ang ilan sa mga ito bilang salik ng produksiyon. Ang pangangailangan sa pinagkukunang-yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan. May mga pinagkukunang-yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon na kailangan pang angkatin sa ibang bansa. Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang ekonomiya. Gayundin ang dayuhang ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto. Maaari rin namang magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng produkto sa isa’t isa. BAHAY- KALAKAL SAMBAHAYAN N PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSIYON Lupa, Paggawa, Kapital Mamumuhuna n Bumibili ng produktibong resources Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod Pagbili ng kalakal at paglilingkod PaggastaKita Sueldo, upa, tubo o interes Kita PAMILIHANG PINANSIYAL Pag-iimpokPamumuhunan PAMAHALAAN Suweldo, tubo, transfer payments BuwisPagbili ng kalakal at paglilingkod Buwis PAGLILINGKOD
  • 20. 238 DEPED COPY ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS Halaw: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Gawain 4: FILL IT RIGHT Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor at pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya. MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA BAHAGING GINAGAMPANAN 1. Sambahayan 2. Bahay-kalakal 3. Pamahalaan 4. Panlabas na Sektor MGA URI NG PAMILIHAN BAHAGING GINAGAMPANAN 1. Product Market 2. Factor Market 3. Financial Market 4. World Market BAHAY- KALAKAL SAMBAHAYAN PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSIYON Lupa, Paggawa, Kapital Mamumuhuna n Bumibili ng produktibong resources Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod Pagbili ng kalakal at paglilingkod PaggastaKita Sueldo, upa, tubo o interes Kita PAMILIHANG PINANSIYAL Pag-iimpokPamumuhunan PAMAHALAAN Suweldo, tubo, transfer payments BuwisPagbili ng kalakal at paglilingkod Buwis PANLABAS NA SEKTOR Pagluluwas (export) Pag-aangkat (import)
  • 21. 239 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1.Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal? Ipaliwanag. 2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya? 3. Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor? Gawain 5: SURIIN AT UNAWAIN Upang higit na maunawaan ang binasang teksto, masdang mabuti ang mga bagay na makikita sa dayagram sa kabilang pahina. Tukuyin at isulat sa loob ng kahon kung anong sektor ang ipinapakita sa dayagram. Pagkatapos ng pagsasagawa ng pagsusuri ay maaari mo nang sagutan ang mga pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinapakita sa paikot na daloy? 2. Papaanong nagkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya? Ipaliwanag. Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa paikot na daloy ng ekonomiya, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito. 2. ____________ 4 PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSIYON Lupa, Paggawa, Kapital Mamumuhuna n Bumibili ng produktibong resources Pagbebenta ng kalakal at paglilingkod Pagbili ng kalakal at paglilingkod PaggastaKita Sueldo, upa, tubo o interes Kita 5. ___________ Pag-iimpokPamumuhunan 3. ____________ Suweldo, tubo, transfer payments BuwisPagbili ng kalakal at paglilingkod Buwis 1. _____________ Pagluluwas (export) Pag-aangkat (import) Suweldo, PAGLILINGKOD
  • 22. 240 DEPED COPY Gawain 6: IPANGKAT NATIN Isulat sa unang hanay ang mga konsepto na may malawak ka nang kaalaman at sa ikalawang hanay naman ang mga konseptong nangangailangan pa ng malawak na kaalaman. paikot na daloy paggasta pag-angkat at pagluwas sambahayan bayaring nalilipat bahay kalakal buwis subsidiya dibidendo upa MALAWAK ANG KAALAMAN HINDI MALAWAK ANG KAALAMAN Pamprosesong Tanong: 1. Matapos mong sagutan ang gawain, papaano mo bibigyan ng grado ang iyong sarili base sa lawak ng iyong pagkaunawa sa paksa? 2. Papaano mo kaya higit na mauunawaan ang mga paksang hindi pa malalim ang iyong kaalaman? Patunayan. Gawain 7: NASA GRAPH ANG SAGOT Kung malalim na ang pagkaunawa mo sa aralin, maaari mo nang masuri ang pigura sa ibaba. Pagkatapos nito ay sagutan ang mga gabay na tanong. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag- aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan. Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on October 20, 2013
  • 23. 241 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa graph, ano ang kalagayan ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa loob ng sampung taon? 2. Bakit hindi maiwasang lumahok sa pag-aangkat at pagluluwas ang pambansang ekonomiya? Ipaliwanag. Gawain 8: PAGGAWA NG COLLAGE Gamit ang mga materyales na maaaring gamiting-muli (recyclable) o mga materyales na indigenous sa inyong lugar, bumuo ng isang dayagram ng paikot na daloy at idikit ito sa kalahating bahagi ng illustration board o cartolina. Maaaring magtanghal ng isang mini exhibit sa isang bahagi ng inyong silid-aralan. RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE MAGALING (3) KATAMTAMAN (2) NANGANGAI- LANGAN NG PAGSISIKAP (1) NAKUHANG PUNTOS NILALAMAN Naipakita ang lahat ng sektor na bumubuo sa paikot na daloy at ang tungkuling ginagampanan ng bawat isa. Naipakita ang ilan sa mga sektor na bumubuo sa paikot na daloy at ang ilang tungkuling ginagampanan ng bawat isa. Hindi naipakita ang mga sektor na bumubuo sa paikot na daloy at hindi rin naipakita ang tungkuling ginagampanan ng bawat isa. KAANGKUPAN NG KONSEPTO Lubhang angkop ang konsepto at maaaring magamit sa pang-araw- araw na pamumuhay. Angkop ang konsepto at maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi angkop ang konsepto at hindi maaaring magamit sa pang-araw- araw na pamumuhay.
  • 24. 242 DEPED COPY KABUUANG PRESEN- TASYON Ang kabuuang presentasyon ay maliwanag at organisado at may kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino. Ang kabuuang presentasyon ay bahagyang maliwanag at organisado at may bahagyang kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino. Ang kabuuang presentasyon ay hindi maliwanag, hindi organisado, at walang kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino. PAGKAMA- LIKHAIN Gumamit ng tamang kombinasyon ng mga kulay at recycled na materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe. Gumamit ng bahagyang kombinasyon ng mga kulay at recycled na materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe. Hindi gumamit ng tamang kombinasyon ng mga kulay at hindi rin gumamit ng recycled na materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe. KABUUANG PUNTOS Gawain 9: PANG HULING KASAGUTAN Pagkatapos ng mga babasahin at gawain ay muling sagutan ang katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa loob ng callout. Inaasahang maipahayag mo ang iyong nalaman at naunawaan sa paksang tinalakay. Papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa? TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya. Ipinaliwanag rin ang ugnayang namamagitan sa bawat sektor ng ekonomiya. Ang susunod na aralin naman ay tatalakay sa konsepto ng pambansang kita.
  • 25. 243 DEPED COPY PANIMULA Malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance nito. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga economic indicators ay nasusukat ang kasiglahan ng ekonomiya. Ito ay mga instrumento na maglalahad sa anumang narating na pagsulong at pag-unlad ng isang ekonomiya. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang Pilipinas ay gumagamit ng tinatawag na leading economic indicators. Ang ilan sa mga ito ay ang Number of New Businesses, Terms of Trade Index, Consumer Price Index, Hotel Occupancy Rate, Wholesale Price Index, Electric Energy Consumption, Foreign Exchange Rate, Visitor Arrivals, Money Supply, Stock Price Index, at Total Merchandise Imports. Sa mga nabanggit na indicators, madalas na ginagamit ang kabuuang pambansang kita o Gross National Income (GNI) sa pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa. Ang paraan ng pagsukat sa pambansang kita sa pamamagitan ng GNI ay tinatawag na National Income Accounting. ARALIN 2: PAMBANSANG KITA Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng iyong makakaya. Matapos ang pagsusuri, punan ang pahayag sa ibaba. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay __________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ EKONOMIYA ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa pambansang kita at kung bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa.
  • 26. 244 DEPED COPY Pamprosesong tanong: 1. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap? 3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy ang kalagayan ng ekonomiya? Gawain 2: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG May tatlong pahayag na nasa ibaba tungkol sa paksa. Isa sa mga pahayag na ito ay walang katotohanan. Magsagawa ng brainstorming ang bawat pangkat upang malaman kung alin sa mga pahayag ang may katotohanan at walang katotohanan. Bawat isa ay magbabahagi ng kaniyang nalalaman upang makabuo ng mga kolektibong pagsang-ayon ang buong pangkat. Iulat ang nabuong kasagutan sa harap ng klase. 1. Ginagamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product upang masukat ang economic performance ng isang ekonomiya. 2. Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income. 3. Ang halaga ng mga nabuong produkto ng mga dayuhang nagtatrabaho sa loob ng Pilipinas ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross National Income ng bansang kanilang pinanggalingan. Lahat ng kasagutan ay tatanggapin ng inyong guro. Hahayaan kayong magbigay ng sariling kaalaman tungkol sa paksa. Iwawasto lamang ito sa huling bahagi ng aralin ukol sa pagsasabuhay. Gawain 3: MAGBALIK-TANAW Sagutan ang katanungan sa ibaba batay sa iyong sariling karanasan o opinyon. Hindi kailangang wasto ang kasagutan sa gawaing ito. Muli mo itong sasagutan pagkatapos ng mga gawain sa PAGLINANG at PAGNILAYAN upang makita ang pag- unlad ng iyong kalaman sa aralin. Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa pambansang kita. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? _______________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ ________________________________________________ Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa pambansang kita, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng modyul upang higit mong maunawaan ang mas malalim na konsepto nito.
  • 27. 245 DEPED COPY KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang sumusunod: 1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. 2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa. 3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa. 4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala. 5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya. GROSS NATIONAL INCOME Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon. Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa. Para sa paghahambing, ginagamit na pamantayan ang dolyar ng US. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/ kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang kita. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang gawain na nasa ibaba.
  • 28. 246 DEPED COPY Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). Ang mga produktong ito ay sumailalim na sa pagpoproseso para sa pagkonsumo. Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Halimbawa, kung ang sinulid ay ibibilang sa GNI at ibibilang din ang damit na gumamit ng sinulid bilang sangkap, nagpapakita ito na dalawang beses ibinilang ang sinulid. Kaya naman para ito ay maiwasan, hindi na ibinibilang ang halaga ng sinulid bilang tapos o nabuong produkto. Sa halip isinasama na lamang ang halaga ng sinulid na kasama sa halaga ng damit. Hindi rin isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI) ang mga hindi pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito. Isang halimbawa nito ang pagtatanim ng gulay sa bakuran na ginagamit sa pagkonsumo ng pamilya. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground economy tulad ng naglalako ng paninda sa kalsada, nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa mga bahay bahay, at nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa ay hindi rin ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross National Income. Ito ay dahil hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang halaga ng kanilang produksiyon ay masukat.Ang mga produktong segunda- mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang. PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito ginawa. Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito. Halimbawa, ang kita ng mga dayuhang hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa. Hindi naman ibinibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dayuhan dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa. Sa kabilang banda, ang kinita ng mga dayuhang ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng kanilang bansa. Halimbawa, ang kinita ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Singapore ay ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross Domestic Income ng Singapore ngunit hindi kabilang sa Gross National Income ng bansang ito. Sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay binibilang sa Gross National Income ng Pilipinas.
  • 29. 247 DEPED COPY Gawain 4: GNI at GDP Matapos basahin ang teksto, punan ng tamang datos ang Venn Diagram na nasa ibaba. Itala ang pagkakaiba ng GNI at GDP. Pagkatapos ay isulat sa gitnang bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa. Pamprosesong mga Tanong: 1. Batay sa nabuong Venn diagram, papaano naiba ang Gross National Income sa Gross Domestic Product? 2. Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang bansa? 3. Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP? MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National Income: (1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach), (2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon (income approach), at (3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach). 1. Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach) Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod: a. Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito. b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa. c. Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.
  • 30. 248 DEPED COPY d. Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) – makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import. e. Statistical discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon. f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa. Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o expenditure approach ay: GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA. Pag-aralan at suriin ang talahanayan ng GNI at GDP ng ating bansa noong 2012-2013 na makikita sa ibaba. GROSS NATIONAL INCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT BY TYPE OF EXPENDITURE: Annual 2012 and 2013 AT CURRENT AND CONSTANT 2000 PRICES, IN MILLION PESOS TYPE OF EXPENDITURE At Current Prices At Constant Prices 2012 2013 Growth Rate (%) 2012 2013 Growth Rate (%) 1. Household Final Consumption Expenditure 7,837,881 8,455,783 7.9 4,442,523 4,691,060 5.6 2. Government Final Consumption Expenditure 1,112,586 1,243,113 11.7 653,067 709,109 8.6               3. Capital Formation 1,950,524 2,243,714 15.0 1,168,386 1,381,256 18.2    A. Fixed Capital 2,047,957 2,332,663 13.9 1,280,042 1,430,348 11.7       1. Construction 1,074,169 1,236,436 15.1 517,184 573,475 10.9       2. Durable Equipment 751,133 874,079 16.4 630,084 720,598 14.4       3. Breeding Stock &           Orchard Dev’t 181,123 178,032 -1.7 100,069 98,536 -1.5      4. Intellectual            Property Products  41,531 44,116 6.2 32,705 37,739 15.4    B. Changes in Inventories -97,433 -88,949   -111,656 -49,092               4. Exports 3,254,460 3,332,196 2.4 3,054,071 3,077,984 0.8    A. Exports of Goods 2,120,180 2,124,279 0.2 2,426,493 2,428,474 0.1    B. Exports of Services 1,134,279 1,207,917 6.5 627,578 649,510 3.5               5. Less: Imports 3,590,563 3,631,207 1.1 3,006,376 3,136,324 4.3    A. Imports of Goods 2,875,855 2,877,476 0.1 2,415,218 2,510,593 3.9    B. Imports of Services 714,708 753,731 5.5 591,158 625,731 5.8               6. Statistical Discrepancy 0 -97,495 0 40,682               GROSS DOMESTIC PRODUCT 10,564,886 11,546,104 9.3 6,311,671 6,763,767 7.2               Net Primary Income 2,043,843 2,284,037 1,184,875 1,296,710               GROSS NATIONAL INCOME 12,608,730 13,830,140 9.7 7,496,546 8,060,477 7.5 Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on January 5, 2015
  • 31. 249 DEPED COPY 2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/Value Added Approach) Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross Domestic Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng bansa. GROSS NATIONAL INCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT BY INDUSTRY: Annual 2012 and 2013 AT CURRENT AND CONSTANT 2000 PRICES, IN MILLION PESOS INDUSTRY/ INDUSTRY GROUP At Current Prices At Constant Prices 2012 2013 Growth Rate (%) 2012 2013 Growth Rate (%) Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing 1,250,616 1,297,903 3.8 698,937 706,647 1.1 Industry Sector 3,284,508 3,582,787 9.1 2,022,623 2,213,892 9.5 Service Sector 6,029,762 6,665,414 10.5 3,590,111 3,843,229 7.1               GROSS DOMESTIC PRODUCT 10,564,886 11,546,104 9.3 6,311,671 6,763,767 7.2 Net Primary Income 2,043,843 2,284,037   1,184,875 1,296,710   GROSS NATIONAL INCOME 12,608,730 13,830,140 9.7 7,496,546 8,060,477 7.5 Pinagkunan: www.nscb.gov.ph retrieved on January 5, 2015 3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach) a. Sahodngmgamanggagawa-sahodnaibinabayadsasambahayanmula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan b. Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo c. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon. d. Di-tuwirang buwis – Subsidya 1. Di-tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties, lisensiya at iba pang di-tuwirang buwis. 2. Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito ang pag-ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.
  • 32. 250 DEPED COPY Gawain 5: PAANO ITO SINUSUKAT? Bibigyan kayo ng guro ng mga papel na may nakasulat na impormasyon ukol sa pambansang kita. Magtatanong ang guro ukol sa paraan ng pagsukat sa pambansang kita at mag-uunahan kayong idikit ito sa dayagram na nakapaskil sa pisara. Ang halimbawa ng pigura ay makikita sa ibaba. Pagkatapos ng gawain ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba: Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga paraan ng pagsukat sa pambansang kita? 2. Paano ito naiba sa isa’t isa? 3. Sa iyong palagay, bakit dapat na nasusukat ang pambansang kita? CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES GROSS NATIONAL PRODUCT Tinalakay natin sa unang aralin kung papaano sinusukat ang pambansang kita. Tandaan na ang pampamilihang halaga ng tapos na produkto at serbisyo ang binibilang sa pambansang kita at hindi ang kabuuang dami nito. Paano kung nagkaroon ng pagtaas o pagbaba sa presyo ngunit hindi naman nagbago ang kabuuang bilang ng nabuong produkto sa ekonomiya? Kung ihahambing ang pambansang kita sa taon na nagkaroon ng pagbabago sa presyo, hindi na magiging kapani-paniwala ang paghahambing. Dito papasok ang kahalagahan ng pagsukat sa real/constant price na pambansang kita. Ang Gross National Income sa kasalukuyang presyo (current o nominal GNI) ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo. Sa kabilang banda naman, ang real o GNI at constant prices ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year. Sa pagsukat ng kasalukuyan at totoong GNI, kailangan munang malaman ang Price Index. Sinusukat ng Price Index ang average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo. Malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga VALUE ADDED APPROACH/ INDUSTRIAL ORIGIN INCOME APPROACH EXPENDITURE APPROACH PARAAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
  • 33. 251 DEPED COPY produkto o serbisyo sa pamamagitan ng Price Index. Malalaman ang Price Index sa pamamagitan ng formula sa ibaba: Ang pagkuha sa price index ay makikita sa halimbawa sa ibaba. Ipagpalagay na ang batayang taon ay 2006. Batay sa formula ng price index, sa pagitan ng taong 2006 at 2007, ang price index ay 109.5. Ipinapakita nito na nagkaroon ng 9.5% na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Samantala, 24 % ang itinaas ng presyo ng mga bilihin noong 2007 hanggang 2008. Nagtala ng 35% na pagtaas ng presyo mula 2008 hanggang 2009. Pinakamalaki ang itinaas ng presyo noong 2009 patungong 2010 na umabot hanggang sa 52%. Taon Current/Nominal GNI Price Index Real/Constant Prices GNI 2006 2007 2008 2009 2010 7,883,088 8,634,132 9,776,185 10,652,466 11,996,077 100 109.5 124.0 135.1 152.2 7,883,088 7,885,052 7,884,020 7,884,874 7,881,785 Mahalagang malaman ang real/constant prices GNI dahil may pagkakataon na tumataas ang presyo ng mga bilihin na maaaring makaapekto sa pagsukat sa GNI. Dahil pampamilihang halaga ang ginagamit sa pagsukat ng GNI, lalabas na mataas ito kung nagkaroon ng pagtaas sa presyo kahit walang pagbabago sa dami ng produksiyon. Sa pagkakataong ito, mas mainam na gamitin ang real o constant prices GNI. Ginagamit ang real/constant prices GNI upang masukat kung talagang may pagbabago o paglago sa kabuuang produksiyon ng bansa nang hindi naaapektuhan ng pagtaas ng presyo. Malalaman ito sa pamamagitan ng pormula sa ibaba upang masukat ang real GNI. Kung ating susuriin, mas mababa ang real/constant prices GNI kompara sa nominal/current price GNI dahil gumamit ng batayang taon upang hindi maapektuhan ng pagtaas ng presyo ang pagsukat sa Gross National Income ng bansa. Mas kapani- paniwala ang ganitong pagsukat dahil ito ang tunay na kumakatawan sa kabuuang produksiyon ng bansa na tinanggal ang insidente ng epekto ng pagtaas ng presyo. Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng growth rate. Gamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang growth rate ng Gross National Income. Presyo sa kasalukuyang taon Presyo sa batayang taon X 100Price Index = Real GNP = Price Index base year Price Index current year x Current Price
  • 34. 252 DEPED COPY Ang growth rate ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag- angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Kapag positibo ang growth rate masasabi na may pag-angat sa ekonomiya ng bansa. Samantala, kapag negatibo ang growth rate, ay masasabing walang naganap na pag-angat sa ekonomiya ng bansa at maipalalagay na naging matamlay ito. Ang mahalagang datos na ito naman ang gagamitin ng mga nagpaplano ng ekonomiya ng bansa upang gumawa at bumuo ng mga patakaran upang matugunan ang mga suliraning may kinalaman sa pagbaba ng economic performance ng bansa. Ang halimbawa sa ibaba ay nagpapakita ng pag- angat ng gawaing pangkabuhayan ng bansa sa paglipas ng panahon. Taon Current/Nominal GNI Price Index Real/Constant Prices GNI Growth Rate 2006 2007 2008 2009 2010 7,883,088 8,634,132 9,776,185 10,652,466 11,996,077 - 9.53% 13.28% 8.96% 12.61% 5,911,313 6,276,013 6,590,009 6,988,767 7,561,386 - 6.17% 5.00% 6.05% 8.19% Samantala, sa pamamagitan ng income per capita ay masusukat kung hahatiin ang Gross Domestic Product sa kabuuang populasyon ng bansa. Sinusukat nito ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan. Tinataya rin ng income per capita kung sasapat ang kabuuang halaga ng produksiyon ng bansa upang tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kalimitan, ang maliit na populasyon at malaking income per capita ay nangangahulugan ng malaking kakayahan ng ekonomiya na matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kapag mas mabilis ang paglaki ng populasyon kompara sa income per capita, magiging mahirap para sa ekonomiya na tustusan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng bansa. Isa itong batayan upang malaman ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan. LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA Bagamat kayang sukatin ang pambansang kita ng bansa sa pamamagitan ng pormula sa unang aralin, hindi pa rin ito perpektong batayan dahil may mga gawaing pang-ekonomiya na hindi naibibilang sa pagsukat ng pambansang kita katulad ng sumusunod: Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon–GNI sa nakaraang taon GNI sa nakaraang taon x 100
  • 35. 253 DEPED COPY Hindi pampamilihang gawain Sa pagsukat ng pambansang kita, hindi kabilang ang mga produkto at serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan tulad ng pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran. Bagamat walang salaping nabubuo sa mga naturang gawain, ito naman ay nakabubuo ng kapaki-pakinabang na resulta. Impormal na sektor Malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan tulad ng transaksiyon sa black market, pamilihan ng ilegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal na pasugalan, at maanomalyang transaksiyong binabayaran ng ilang kompanya upang makakuha ng resultang pabor sa kanila. May mga legal na transaksiyon na hindi rin naiuulat sa pamahalaan tulad ng pagbebenta ng kagamitang segunda-mano, upa sa mga nagtatapon ng basura, at marami pang iba. Ang mga nabanggit na gawain ay hindi naibibilang sa pambansang kita bagamat may mga produkto at serbisyong nabuo at may kinitang salapi. Externalities o epekto Ang hindi sinasadyang epekto o externalities ay may halaga na kalimitang hindi nakikita sa pagsukat ng pambansang kita. Halimbawa, ang gastos ng isang planta ng koryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita. Samantala ang halaga ng malinis na kapaligiran ay hindi binibilang sa pambansang kita. Kalidad ng buhay Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang kita ay pagbuti rin ng katayuan sa buhay ng mga tao. Dapat tandaan na ang karagdagang produkto at serbisyong nabuo sa bansa ay hindi katiyakan ng kasiyahang natatamo ng isang indibidwal. Sa katunayan, maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ng pambansang kita ay nakatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng tao tulad ng malinis na kapaligiran, mahabang oras ng pahinga, at malusog na pamumuhay. Sinusukat ng pambansang kita ang kabuuang ekonomiya ngunit hindi ang kalidad ng buhay ng tao. Ang lahat ng limitasyong ito ay magsasabing hindi mainam na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita. Gayumpaman, kahit may limitasyon ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng ekonomiya. Dahil dito, maraming bansa at pamahalaan sa buong mundo ang patuloy pa ring ginagamit ang pambansang kita bilang batayan ng pagsukat sa isang malusog na ekonomiya. Gawain 6: MATH TALINO Matapos basahin at unawain ang teksto ay susubukan ang iyong kaalaman sa pagkuwenta. Ito ay upang malinang ang iyong kakayahan sa pagkompyut na mabisang kasangkapan sa pag-aaral ng Ekonomiks. Sige na! Subukan mo na.
  • 36. 254 DEPED COPY Kompyutin ang Price Index at Real GNP. Gamitin ang 2006 bilang batayang taon. Taon Nominal GNP Price Index Real GNP 2006 2007 2008 2009 2010 10,500 11,208 12,223 13,505 14,622 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang sinusukat ng Price Index? 2. Bakit kalimitang mas malaki ang Nominal GNI kung ihahambing sa Real GNI ng Pilipinas? 3. Ano ang kahihinatnan ng malaking populasyon ngunit maliit na GNI ng bansa sa kontemporaryong panahon? Gawain 7: MAGBALIK TANAW Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan. Ilagay o isulat sa isang buong papel at ipunin sa inyong Portfolio ang naging kasagutan para mabasa ng guro at mabigyan ng grado. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ____________________________________ Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa pambansang kita, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag- aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa alokasyon. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto ng alokasyon upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
  • 37. 255 DEPED COPY Gawain 8: EKONOMIYA PAGNILAYAN Basahin ang pahayag ng National Statistical Coordination Board (NSCB) batay sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Matapos basahin, gumawa ng isang sanaysay na may pamagat na “Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?” Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka ng sanaysay. Philippine Economy posts 7.0 percent GDP growth in Q3 2013 (Posted 28 November 2013)  HIGHLIGHTS 99 The domestic economy grew by 7.0 percent in the third quarter of 2013 from 7.3 percent recorded the previous year boosting the 2013 first nine months growth to 7.4 percent from 6.7 percent last year.  The third quarter growth was driven by the Services sector with the robust performance of Real Estate, Renting & Business Activities, Trade and Financial Intermediation sustained by the accelerated growth of the Industry sector. 99 On the demand side, growth in the third quarter of 2013 came from increased investments in Fixed Capital, reinforced by consumer and government spending, and the robust growth in external trade. 99 With accelerated growth of the Net Primary Income (NPI) from the Rest of the World in the third quarter of 2013 by 11.9 percent, the Gross National Income (GNI) expanded by 7.8 percent in the third quarter of 2013 from 7.3 percent in the third of 2012. 99 On a seasonally adjusted basis, GDP posted a positive growth of 1.1 percent in the third quarter of 2013 but this was a deceleration from 1.6 percent in the previous quarter while GNI accelerated by 1.8 percent in the third quarter of 2013 from 1.1 percent in the second quarter of 2013.  The entire Agriculture sector rebounded its seasonally adjusted growth to 0.7 percent from a decline of 0.7 percent in the previous quarter while Industry decelerated to 0.3 percent from 1.4 percent. On the other hand, the Services sector recorded a 1.6 percent growth for the third quarter of 2013 from 2.1 percent in the previous quarter with the positive growth of all its subsectors. 99 With projected population growing by 1.6 percent to  level of 97.6 million, per capita GDP grew by 5.2 percent, per capita GNI accelerated by 6.0 percent while per capita Household Final Consumption Expenditures (HFCE) decelerated by 4.5 percent. Pinagkunan: http://www.nscb.gov.ph/sna/2013/3rd2013/highlights.asp#sthash.xsCOJ7DL.dpuf retrieved on July 16, 2014
  • 38. 256 DEPED COPY RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY Napakahusay (3) Mahusay (2) Hindi Mahusay (1) Nakuhang Puntos Nilalaman Nakapagpakita ng higit sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Nakapagpakita ng tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Nakapagpakita ng kulang sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Mensahe Maliwanag at angkop ang mensahe. Di-gaanong maliwanag ang mensahe. Di-angkop ang mensahe Oras/ Panahon Nakasunod sa tamang oras ng paggawa Lumagpas ng isang minuto sa paggawa Lumagpas ng higit sa isang minuto sa paggawa. Kabuuang Puntos Gawain 9: KITA NG AKING BAYAN Pumunta sa ingat-yaman ng inyong pamahalaang lungsod o munisipalidad. Humingi ng sipi ng kita at gastusin sa loob ng limang taon. Suriin kung may paglago sa ekonomiya ng inyong lokal na komunidad. Maaaring ilipat sa graph ang nakuhang datos upang maging mas maliwanag ang pagsusuri. Isulat ang ginawang pagsusuri sa isang buong papel at ipasa sa iyong guro. Gawain 10: GRAPH AY SURIIN Pumunta sa website ng National Statistical Coordination Board (NSCB) o iba pang mapagkakatiwalaang website sa Internet. Magsaliksik ukol sa Gross National Income at Gross Domestic Product ng Pilipinas mula taong 2008 hanggang 2013. Gumawa ng vertical bar graph gamit ang Microsoft Excel o iba pang aplikasyon sa kompyuter. I-print ang nabuong graph at ipasa ito sa iyong guro. Sagutan rin ng buong katapatan ang checklist. Lagyan ng isang tsek (/) ang bawat aytem: CHECKLIST O TALAAN SA NATUTUHAN Aytem Natutuhan Di-Gaanong Natutuhan Hindi Natutuhan 1. Pagkakaiba ng GNI sa GDP. 2. Mga paraan ng pagsukat sa GNI at GDP. 3. Pagkompyut ng pambansang kita.
  • 39. 257 DEPED COPY 4. Kahalagahan ng pagsukat sa economic performance ng bansa. 5. Naisabuhay at nagamit sa pang-araw- araw na pamumuhay ang natutuhan sa aralin. Gawain 11: STATE OF THE COMMUNITY ADDRESS Base sa nakalap na datos ukol sa kita at gastusin ng pamahalaang panlungsod o munisipalidad na iyong tinitirhan, gumawa ng talumpati ukol sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya sa iyong komunidad. Pagtuunan ng pansin kung papaano tinutugunan ang mga suliraning pangkabuhayan ng inyong pamahalaang lokal. Iparinig ang talumpati sa loob ng silid-aralan. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka ng talumpati. RUBRIK SA PAGMAMARKA NG TALUMPATI Napakahusay (3) Mahusay (2) Hindi Mahusay (1) Nakuhang Puntos Nilalaman Nakapagpakita ng higit sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng lungsod o munisipalidad. Nakapagpakita ng tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng lungsod o munisipalidad. Nakapagpakita ng kulang sa tatlong katibayan ng pagsulong ng ekonomiya ng lungsod o munisipalidad Pagsasalita Maliwanag at nauunawaan ang paraan ng pagbigkas ng talumpati. Di-gaanong maliwanag ang paraan ng pagbigkas ng talumpati. Hindi maliwanag ang paraan ng pagbigkas ng talumpati. Oras/Panahon Nakasunod sa tamang oras. Lumagpas ng isang minuto . Lumagpas ng higit sa isang minuto. Pagsasabuhay Makatotohanan at magagamit ang impormasyon sa pang-araw araw na pamumuhay. Di-gaanong makatotohanan at hindi gaanong magagamit sa pang- araw-araw na pamumuhay. Hindi makatotohanan at hindi magagamit sa pang- araw-araw na pamumuhay. Kabuuang Puntos
  • 40. 258 DEPED COPY Gawain 12: MAGBALIK-TANAW Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan. Maaari mong balikan ang una at ikalawa mong kasagutan sa katanungang ito at iwasto ang anumang pagkakamali, kung mayroon man. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? ______________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _____________________ TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng pambansang kita. Ipinaliwanag rin ang kahalagahan ng pagsukat nito. Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang konsepto ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok.
  • 41. 259 DEPED COPY PANIMULA Ang kakayahang kumonsumo ng tao ay nakabatay sa salapi na maaari nitong gastusin. Ang salapi namang maaaring iimpok ay nakabatay kung magkano ang matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit sa pagkonsumo. Mauunawaan sa araling ito ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ikaw ay nakapagpapahayag ng kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok. ARALIN 3: UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO Gawain 1: LARAWANG HINDI KUPAS! Suriin ang larawan at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Kung ikaw ay may trabaho at kita, saan mo iyon gagastusin? ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok at pagkonsumo at kung bakit kailangang maunawaan ang kahalagahan ng ugnayan nito sa isa’t isa?
  • 42. 260 DEPED COPY Gawain 2: KITA, GASTOS, IPON Bigyan ng interpretasyon ang graph sa ibaba. Gamitin ang konsepto ng kita, pag-iimpok at pagkonsumo sa interpretasyon. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang may pinakamataas at pinakamababang bar sa graph? Ano ang ibig pahiwatig nito? 2. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang dapat na pinaka mataas sa mga bar ng graph? Bakit? 3. Batay sa kahalagahan, ayusin ang mga sumusunod: kumita, gumastos o mag-ipon? Gawain 3: BE A WISE SAVER Punan ng matapat na kasagutan ang kahon. Muli mong sasagutan ng katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na tatanggapin ng iyong guro ang lahat ng iyong kasagutan sa bahaging ito. Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang Gawain 3 upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok at pagkonsumo Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo? ANG PAGKAKAALAM KO _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ng mas malalim ang konsepto nito. KURYENTE TUBIG PAGKAINIPON Kita 1 Kita 3 Kita 2
  • 43. 261 DEPED COPY UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO, AT PAG-IIMPOK Nakahawak ka na ba ng malaking halaga ng pera? Sabihin na nating isang libong piso o higit pa. Paano mo iyon pinamahalaan? May mga tao na kapag nakakahawak ng pera ay mag-iisip kung papaano ito palalaguin. Mayroon namang impulse buyer, basta may pera bili lang nang bili hanggang sa maubos. At kung wala nang pera, saka maaalala kung ano ang kaniyang pangangailangan. Ikaw, isa ka ba sa kanila? Ano para sa iyo ang pera at paano ito dapat gamitin? Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay maaaring maubos. Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang. Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang kita. Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap. Ang kita ay maaaring gastusin sa pangangailangan at kagustuhan at iba pang bagay na kinukonsumo. Subalit bukod sa paggastos ng pera, mayroon pang ibang bagay na maaaring gawin dito. Maaari itong itabi o itago bilang savings o ipon. Sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), sinabi niya na ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton at Schug (2008), ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan. Ang ipon na ginamit upang kumita ay tinatawag na investment. Ang economic investment ay paglalagak ng pera sa negosyo. Ang personal investment ay paglalagay ng isang indibidwal ng kaniyang ipon sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/ kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pamilihan. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung papaano nauugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang gawain na nasa ibaba.
  • 44. 262 DEPED COPY Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba ang halaga nito? Ang pera na iyong naipon bilang savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset (pagmamay- ari) na may ekonomikong halaga o gamitin ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o dibidendo. Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Bukod dito, dahil sa pagtatago mo at nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan. Makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko o iba pang financial intermediaries upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok. Suriin ang pigura sa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pakakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok? 2. Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries? 3. Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaaring pakinabang mo dito? Financial Intermediaries Financial Intermediaries Commercial Banks Savings and Loans Credit Unions Finance Companies Life Insurance Companies Mutual Funds Pension Funds Nag-iimpok Nangungutang Naimpok (Savings) Utang (Loans) Interes at Dibidendo (Interest and Dividends) Pag-aari (Assets)
  • 45. 263 DEPED COPY 7 HABITS OF A WISE SAVER 1. Kilalanin ang iyong bangko. Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko – ang taong nasa likod at mga taong namamamahala nito. Magsaliksik at magtanong tungkol sa katayuang pinansiyal at ang kalakasan at kahinaan ng bangko. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), at ang website ng bangko, dyaryo, magasin, telebisyon, at radyo ay makapagbibigay ng mga impormasyong kailangan mong malaman. 2. Alamin ang produkto ng iyong bangko. Unawain kung saan mo inilalagay ang iyong perang iniimpok. Huwag malito sa investment at regular na deposito. Basahin at unawain ang kopya ng term and conditions, huwag mag-atubiling linawin sa mga tauhan ng bangko ang hindi nauunawaan. 3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko. Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan at itugma ito sa serbisyong iniaalok ng bangko. Alamin ang sinisingil at bayarin sa iyong bangko. 4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date. Ingatan ang iyong passbook, automated teller machine (ATM), certificate of time deposit (CTD), checkbook at iba pang bank record sa lahat ng oras. Palaging i-update ang iyong passbook at CTDs sa tuwing ikaw ay gagawa ng transaksiyon sa bangko. Ipaalam sa bangko kung may pagbabago sa iyong contact details upang maiwasang maipadala ang sensitibong impormasyon sa iba. 5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan nito. Huwag mag-alinlangang magtanong sa tauhan ng bangko na magpakita ng identification card at palaging humingi ng katibayan ng iyong naging transaksiyon. 6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance. Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500,000 sa deposito ng bawat depositor. Ang investment product, fraudulent account (dinayang account), laundered money, at depositong produkto na nagmula sa hindi ligtas at unsound banking practices ay hindi kabilang sa segurong (insurance) ibinibigay ng PDIC. 7. Maging maingat. Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan. Sa pangkalahatan, ang sobra-sobrang interes ay maaaring mapanganib. Basahin ang Circular 640 ng Bangko Sentral para sa iba pang impormasyon tungkol dito. Pinagkunan:http://www.pdic.gov.ph/index.php?saver=1 retrieved on November 17, 2014
  • 46. 264 DEPED COPY Gawain 4: MAG KUWENTUHAN TAYO Nasubukan mo na bang mag-ipon? Palagi ba na kulang ang perang ibinibigay sa iyo kaya hindi ka makaipon? Kung nakaipon ka, ano ang ginawa mo sa perang naipon mo? Kung malinaw para sa iyo ang gusto mong mabili o makamit ay hindi malalayo na makakaipon ka kahit wala halos natitirang pera sa bulsa mo. Tunghayan mo ang kwento. KALAYAAN SA KAHIRAPAN Kathang isip ni: Martiniano D. Buising Si Jonas ay isang mag-aaral sa sekondarya. Mayroon siyang baon na dalawampu’t limang piso (Php25) bawat araw. Ang kaniyang pamasahe ay Php10 papasok at Php10 rin pauwi. Samakatuwid, mayroon lamang siyang Php5 para sa kaniyang pagkain at iba pang pangangailangan. Upang makatipid, gumigising siya ng maaga at naghahanda ng kaniyang pagkaing babaunin sa pagpasok. Kung maaga pa, naglalakad na lamang siya papasok sa paaralan. At sa uwian sa hapon, naglalakad rin siya kung hindi naman umuulan o kung hindi nagmamadali. May mga pagkakataon na hindi niya nagagastos ang kaniyang allowance, dahil may nanlilibre sa kanya ng meryenda, at minsan naman ay ibinabayad na siya ng kaibigan ng pamasahe. Basta may natirang pera, inilalagay niya iyon sa kaniyang savings. Sa loob ng isang buwan, nakakaipon si Jonas ng Php100 hanggang sa Php150 daang piso at idinideposito niya iyon sa bangko. Parang isang natural na proseso lang para kay Jonas ang pag-iipon, bilhin ang kailangang bilhin, at wag bilhin ang hindi kailangan, at ang matitira ay ilalagay sa savings. Sa tuwing may okasyon at may nagbibigay sa kanya ng pera bilang regalo, hindi rin niya iyon ginagastos at inilalagay rin niya sa kaniyang savings account. Hindi masasabing kuripot si Jonas, dahil may mga pagkakataong gumagastos din siya mula sa kaniyang ipon upang ibili ng pangangailangan sa paaralan at sa kanilang bahay. Nakaipon si Jonas ng limang libong piso sa bangko at nagkataong mayroong iniaalok na investment program ang bangko sa loob ng sampung (10) taon. Sinamantala niya ang pagkakataon at sya ay nag-enrol sa nasabing programa kung kaya’t ang kaniyang perang nakatabi bilang investment ay may kasiguruhang kikita ng interes. Gayumpaman, nagpatuloy pa rin si Jonas sa pag-iipon at pagdedeposito sa investment program sa tuwing siya ay makaipon ng limang libong piso, hanggang sa siya ay makagraduate ng kolehiyo at makapagtrabaho. Ang lahat ng kaniyang bonus, allowance, at iba pang pera na hindi nagmula sa kaniyang suweldo ay diretso niyang inilalagay sa investment program. Dahil may sarili na siyang kita, natuto na rin siyang ihiwalay ang 20% ng kaniyang kita para sa savings at ang natitira ay hahati-hatiin niya sa kaniyang pangangailangan. Kung may sobra pang pera na hindi nagamit, inilalagay niya pa rin sa kaniyang savings.
  • 47. 265 DEPED COPY Makalipas ang sampung taon, ang perang naipon ni Jonas sa investment program ay umabot na sa halos isang milyon. Muli niyang inilagak sa ibang investment program ang kaniyang pera at kumita na ito ng humigit kumulang sa dalawampung libong piso (Php20,000.00) sa loob ng isang buwan. Malaya na si Jonas sa kahirapan, bukod sa kaniyang suweldo mula sa trabaho ay may inaasahan pa siyang kita ng kaniyang investment buwan-buwan. Pamprosesong Tanong: 1. Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang katangiang ipinakita ni Jonas? Bakit? 2. Anong aral na maaaring mapulot mula sa kuwento? Ipaliwanag 3. Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang naipon mong nang sampung (10) taon? Gawain 5: BABALIK KA RIN Balikan mo ang aralin tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya. Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Magtatalaga ang inyong guro ng lider sa bawat pangkat. Ang unang pangkat ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pagkonsumo. Ang ikalawang pangkat naman ay tatalakay sa konsepto at ugnayan ng kita at pag-iimpok. Matapos iulat ng bawat pangkat ang kanilang paksa, sagutin ang mga pamprosesong tanong. UNANG PANGKAT: Batay sa modelo ng paikot na daloy, ang mga salik ng produksiyon; lupa, paggawa, kapital, at kakayahang entrepreneurial ay nagmumula sa sambahayan. Ang bahay-kalakal naman ay responsable upang pagsama-samahin ang mga salik ng produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo. Sa ating dayagram sa ibaba, makikita na ang halagang Php100,00 ay napunta sa sambahayan mula sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon. Magsisilbi itong kita ng sambahayan. Samantala magagamit ng sambahayan ang naturang halaga bilang pagkonsumo. Ang Php100,000 ay mapupunta sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga nabuong produkto at serbisyo. Ang gastos ng bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon ay nagsisilbing kita ng sambahayan. Sa kabilang banda, ang paggastos ng sambahayan bilang kabayaran sa nabuong produkto at serbisyo ay nagsisilbing kita ng bahay-kalakal. Ipinapakita sa paikot na daloy ang pag-aasahang nagaganap sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.
  • 48. 266 DEPED COPY Sa panig ng Sambahayan (S): Y = C Php100,000 = Php100,000 Sa panig ng Bahay-Kalakal (B): Y = C Php100,000 = Php100,000 Kung saan: Y = Kita C = Pagkonsumo Ang kalagayang ito ay tinatawag na makroekonomikong ekwilibriyo kung saan ang kita (Y) sa panig ng sambahayan ay katumbas sa pagkonsumo (C) o kaya sa panig ng bahay-kalakal, ang kita sa produksiyon (Y) ay katumbas ng pagkonsumo. Pinagkunan: Balitao, B, Rillo, J. D, et.al. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. PANGALAWANG PANGKAT: Ipinapakita sa dayagram na hindi lahat ng kita ng sambahayan ay ginagamit sa pagkonsumo. May bahagi ng kita ng sambahayan na hindi ginagasta. Ang salaping hindi ginagastos ay tinatawag na impok (savings).Sa ating halimbawa ang kita ng sambahayan na Php100,000 mula sa bahay-kalakal bilang kabayaran sa mga salik ng produksiyon ay hindi ginagasta lahat. Ang Php10,000 ay napupunta sa pag-iimpok kaya ang kabuuang pagkonsumo ay aabot na lamang sa Php90,000. Mapapansin na ang halagang Php10,000 bilang impok ay papalabas (outflow) sa paikot na daloy. Ang halagang Php10,000 na inimpok ng sambahayan ay maaaring gamitin ng mga institusyong pinansiyal bilang pautang sa bahay-kalakal bilang karagdagang puhunan. Sa ganitong pagkakataon, ang pamumuhunan ay nagsisilbing dahilan upang muling pumasok ang lumabas na salapi sa paikot na daloy.
  • 49. 267 DEPED COPY Sa panig ng Sambahayan (S): Y = C + S Php100,000 = Php90,000 + Php10,000 Sa panig ng bahay-kalakal (B): Y = C + I Php100,000 = Php90,000 + php10,000 C + S = Y = C + I Samakatwid, S = I Lumalabas na kita (outflow) = Pumapasok na kita (inflow) Kung saan: S = Pag-iimpok I = Pamumuhunan Pinagkunan: Balitao, B, Rillo, J. D, et.al. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinakikita ng dayagram? 2. Paano nagkakaugnay ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok? 3. Ano ang naging resulta ng naturang ugnayan? 4. Bakit mahalaga na malaman ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok ng isang bansa? Ipaliwanag. Rubrik sa Pagmamarka ng Pag-uulat Mga Kraytirya Natatangi (5 puntos) Mahusay (4 puntos) Di Gaanong Mahusay (3 puntos) Hindi Mahusay (2 puntos) 1. Kaalaman at pagkakaunawa sa paksa 2. Organisasyon/ Presentasyon 3. Kalidad ng impormasyon o ebidensiya KABUUANG PUNTOS
  • 50. 268 DEPED COPY KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA NG BANSA Ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko ay lumalago dahil sa interes sa deposito. Ipinauutang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan na may dagdag na kaukulang tubo. Ibig sabihin, habang lumalaki ang naidedeposito sa bangko, lumalaki rin ang maaaring ipautang sa mga namumuhunan. Habang dumarami ang namumuhunan, dumarami rin ang nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong sitwasyon ay indikasyon ng masiglang gawaing pang-ekonomiya (economic activity) ng isang lipunan. Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas ng pag-iimpok (savings rate) at kapital (capital formation). Ang ganitong pangyayari ay nakapagpapasigla ng mga economic activities na indikasyon naman ng pagsulong ng pambansang ekonomiya. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)ay ang ahensiya ng pamahalaanngnagbibigayngproteksyonsamgadepositorsabangkosapamamagitan ng pagbibigay seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang sa halagang Php250,000* bawat depositor. Ang isang bansang may sistema ng deposit insurance ay makapanghihikayat ng mga mamamayan na mag-impok sa bangko. Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang sektor ng pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng publiko sa katatagan ng pagbabangko. * Sa kasalukuyan ang deposit insurance ay may kabuuang halagang Php500,000 bawat depositor. Pinagkunan: Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). Pilipinas. Department of Education (DepED)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC). Mga Pamprosesong Tanong 1. Ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan? 2. Ano ang magiging epekto ng mataas na antas ng pag-iimpok at pamumuhunan sa ekonomiya? 3. Ano ang kahihinatnan ng matatag na sistema ng pagbabangko sa bansa? Gawain 6: BE A WISE SAVER Muli mong sagutan ang katanungan sa ibaba. Ngayon ay inaasahang maiwawasto mo ang iyong kasagutan gamit ang mga natutuhan mula sa mga gawain at aralin.
  • 51. 269 DEPED COPY Gawain 7: IDEKLARA IYONG YAMAN Gagabayan ka ng iyong guro sa pagsagot sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Nakasaad sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and Employees Section 4 (h) Simple living. - Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.  SALN (STATEMENT OF ASSETS, LIABILITIES AND NET WORTH) - Ito ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari (assets), pagkakautang (liabilities), negosyo, at iba pang financial interest ng isang empleyado ng gobyerno, kasama ang kaniyang asawa at mga anak na wala pang 18 taong gulang. Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo ay maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito. Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo? ANG PAGKAKAALAM KO _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag- aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan. Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo?
  • 52. 270 DEPED COPY Gawin mo rin ito upang malaman mo ang iyong kalagayang pinansiyal. Dahil sa maaaring kakaunti pa ang iyong pag-aari (asset), isama ang mga simpleng bagay na mayroon ka katulad ng relo, damit, kuwintas, sapatos, singsing, at iba pang personal na gamit na mayroon pang halaga. Punan mo ng kunwariang datos ang SALN na nasa ibaba bilang pagpapakita ng iyong pamumuhay. Sagutan rin ang mga pamprosesong tanong. Pag-aari (Asset) Halaga Php Kabuuang halaga Php_____________ Pagkakautang (Liabilities) Halaga Php Kabuuang halaga Php_____________ Asset – Liabilities = Php_____________ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang gawain? 2. May natira ka bang asset matapos maibawas ang liability? 3. Ano ang ipinapahiwatig ng kalagayang ito sa iyong buhay bilang isang mag-aaral? 4. Ano ang dapat mong gawin matapos mong malaman ang kasalukuyan mong kalagayang pinansiyal? Gawain 8: KITA AT GASTOS NG AMING PAMILYA Alamin ang buwanang kita ng iyong pamilya. Kapanayamin ang iyong mga magulang kung papaano ginagastos ang kita ng pamilya sa loob ng isang buwan. Gamitin ang talahanayan sa ibaba bilang gabay. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa susunod na pahina. PINAGMUMULAN NG KITA BAWAT BUWAN HALAGA 1. Suweldo 2. Iba pang kita KABUUANG KITA
  • 53. 271 DEPED COPY GASTOS BAWAT BUWAN HALAGA 1. Pagkain 2. Koryente 3. Tubig 4. Matrikula/Baon sa paaralan 5. Upa sa bahay 6. Iba pang gastusin KABUUANG GASTOS: KABUUANG KITA – GASTOS BAWAT BUWAN Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa ginawa mong talahanayan, mas malaki ba ang kita ng iyong pamilya kompara sa gastusin? 2. Kung mas malaki ang gastusin kaysa kita ng pamilya, paano ninyo ito natutugunan? 3. Ano ang nararapat ninyong gawin upang hindi humantong sa mas malaking gastos kompara sa kita? 4. Kung mas malaki naman ang kita kompara sa gastusin, may bahagi ba ng natirang salapi na napupunta sa pag-iimpok? sa pamumuhunan? Idetalye ang sagot. Gawain 9: BE A WISE SAVER Punan ng matapat na kasagutan ang kahon sa ibaba. Muli mong sasagutan ang katanungang ito matapos ang PAUNLARIN. Tandaan na tatanggapin ng iyong guro ang lahat ng iyong kasagutan sa bahaging ito. TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo. Ipinapaliwanag na may epekto ang pagkonsumo at pag-iimpok sa pangkalahatang kita ng tao. Ang susunod na aralin ay tatalakay sa konsepto ng implasyon na isa ring mahalagang paksa sa makroekonomiks. Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at pagkonsumo ? ANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO AY NAGKAKAUGNAY ______________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ________ Papaano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo? ANG KITA, PAG-IIMPOK, AT PAGKONSUMO AY NAGKAKAUGNAY
  • 54. 272 DEPED COPY PANIMULA Pangunahing isyu sa lahat ng tao ang suliranin sa patuloy na pagtaas ng presyo. Maraming mamamayan, noon at ngayon, ang nahaharap sa hamon ng walang tigil na pagbabago sa mga presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo. Dahil dito, ang bawat isa ay napipilitang humanap ng mas matatag na hanapbuhay upang matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kaugnay nito, kinakailangang maisaayos ng pamahalaan ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Ito ay bilang pagsisiguro na ang mamamayan ay matutulungan na maitawid ang kanilang mga pangangailangan upang mabuhay ng sapat. Sa ganitong aspekto pumapasok ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan. Kung kaya’t ang pangunahing pokus mula sa bahaging ito ng modyul ay ang mga patakaran ng pamahalaan bilang instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya. Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay nakapagsusuri ng konsepto at palatandaan ng implasyon, natataya ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon at aktibong nakalalahok sa paglutas ng implasyon. ARALIN 4 IMPLASYON Gawain 1: LARAWAN SURIIN! Suriin at pag-aralan ang larawan sa susunod na pahina.Ibahagi ang iyong opinyon tungkol dito. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong paunang kaalaman tungkol sa implasyon at kung ano ang mga palatandaan, epekto, at mga paraan sa paglutas ng mga suliraning kaugnay nito.
  • 55. 273 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Ano ang basehan ng inyong naging obserbasyon? 3. Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging dahilan ng ganitong sitwasyon? Gawain 2: MAGBALIK-TANAW! Tanungin sina lolo at lola, tatay at nanay, ang mga kuya at ate mo tungkol sa presyo ng sumusunod na produkto. Ibahagi sa klase ang natipong impormasyon. PRODUKTO PRESYO NG PRODUKTO (noong 3rd year high school sila) Panahon nina lolo at lola Panahon nina tatay at nanay Panahon nina kuya at ate Kasalukuyang taon 1 kilong bigas 1 latang sardinas 25 gramong kape 1 kilong asukal 1 kilong galunggong Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin mo sa presyo ng mga produkto ayon sa mga panahong ibinigay? 2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga produkto? 3. Paano naaapektuhan ang inyong pamilya at ang ibang tao sa pagbabago sa presyo? ‘Ang Paglipad’ Iginuhit ni Gab Ferrera
  • 56. 274 DEPED COPY Gawain 3: I-KONEK MO Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaalaman sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan mo ang Alam ko…upang masukat ang inisyal na kasagutan sa katanungang itinuturo ng arrow. Ang Nais kong matutuhan… ay sasagutan mo lamang pagkatapos ng bahagi ng paunlarin at ang Natutuhan ko… ay pupunan mo lamang pagkatapos ng gawain sa pagnilayan. Maaari mong ilagay sa portfolio o kuwaderno dahil ito ay kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito. Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa implasyon. Paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon? Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa implasyon, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng implasyon. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawaing inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa implasyon. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano ka makakatulong sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawaing nasa susunod na pahina. Alam ko Nais kong matutuhan Natutuhan ko
  • 57. 275 DEPED COPY ANG IMPLASYON Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon ay pangkaraniwang nagaganap. Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon. Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili. Ang pagtaas ng presyo ay sinasabing kaakibat na ng ating buhay. Hindi na bago sa mga bansa na makaranas ng implasyon, kahit noong Panahong Midyebal, ang presyo ay tumaas ng apat na doble sa Europe. Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany noong dekada 1920. Maging sa Pilipinas ay naranasan ang ganitong sitwasyon sa panahon ng pananakop ng Japan kung kailan ang salapi ay nawalan ng halaga. Dahil sa napakataas na presyo ng bilihin at pagbagsak sa halaga ng pera, kakaunti na lamang ang kayang mabili ng salapi noong panahon ng digmaan. Kahit sa kasalukuyang panahon, ang implasyon ay isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng presyo. Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index (CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of goods. Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan.Tinitingnan ang halaga ng mga produktong ito upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago sa presyo. Mula sa market basket, ang price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang price index ay depende sa uri ng bilihin na gustong suriin. PInagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.
  • 58. 276 DEPED COPY IBA’T IBANG URI NG PRICE INDEX Dahil sa pabago-bago sa presyo ng mga produkto, nabuo ang isang mekanismo upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo. Ilan sa mga panukat ang sumusunod: 1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator. Ito ang average price index na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon. 2. Wholesale or Producer Price Index (PPI). Index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili. 3. Consumer Price Index (CPI). Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer. Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket. Ang market basket ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer. Makikita sa talahanayan ang hypothetical na pangkat ng mga produktong karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Pilipino. Weighted Price ng Pangkat ng mga Produktong Kinokonsumo ng isang Pamilyang Pilipino (sa piso) Aytem 2011 2012 Bigas 700 750 Asukal 120 130 Mantika 200 220 Isda 175 190 Karne ng baboy 250 300 Total Weighted Price 1,445 1,590 Upang makuha ang consumer price index, gamitin ang pormula sa ibaba. Pagbatayan ang talahanayan sa itaas at gamitin ang taong 2011 bilang batayang taon. Tandaang ang consumer price index ay sumusukat sa average na pagbabago ng mga produktong karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Pilipino. Batay sa naturang pormula ang consumer price index ay CPI = 1,590 x 100 1,445 = 110.03 CPI = Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon x 100 Total Weighted Price ng Basehang Taon
  • 59. 277 DEPED COPY Upang makompyut ang antas ng implasyon, gamitin ang pormulang: Antas ng implasyon = 110.03 - 100 x 100 100 = 10.03% Batay sa pormula, ang antas ng implasyon ay 10.03%. Ibig sabihin, nagkaroon ng 10.03% na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa pagitan ng taong 2011 at 2012. Nangangahulugang mas mahal ang bilihin ngayong 2012 kompara noong nakaraang taon (2011) dahil sa implasyon. Sa pamamagitan ng CPI, maaari nang makuha ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili o purchasing power ng piso, gamitin ang pormulang ito: Purchasing Power = 100 x 100 110.03 = 0.9088 Ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili sa taong 2012 ay 0.9088. Ibig sabihin, ang piso sa taong 2012 ay makabibili na lamang ng halagang .91 sentimos batay sa presyo noong taong 2011 dahil sa implasyon. Mahalagang malaman na lumiliit ang halaga ng piso habang tumataas ang CPI. Mapapansin na habang tumataas ang CPI ay bumababa naman ang kakayahang bumili ng piso. Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Crvantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Gawain 4: IKAW NAMAN ANG MAGKOMPYUT Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Gamitin ang 2008 bilang batayang taon sa pagkompyut. Taon Total Weighted Price C P I Antas ng Implasyon Purchasing Power 2008 1,300 - - 2009 1,500 2010 1,660 2011 1,985 2012 2,000 2013 2,300 Antas ng implasyon = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaan Taon x 100 CPI ng Nagdaang Taon Purchasing Power = CPI ng Batayang Taon x 100 CPI ng Kasalukuyang Taon
  • 60. 278 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Mula sa talahanayan, ano ang may pinakamataas na CPI? 2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang sa basket of goods? 3. Ano ang kahalagahan sa iyo, bilang miyembro ng pamilya ninyo, na matukoy ang tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag. 4. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng iyong mga magulang sa tuwing may pagtataas ng presyo sa mga bilihin? Pangatwiranan. DAHILAN NG IMPLASYON • Demand-pull. Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas. Ayon sa pananaw ng mga monetarist sa pangunguna ni Milton Friedman, isang ekonomista na ginawaran ng Gawad Nobel noong 1976, ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi sa sirkulasyon ang isang dahilan kung bakit tumataas ang demand. Dahil sobra ang salapi, malaki ang pagkakataon na patuloy na bibili ng maraming produkto ang mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo. • Cost-push. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon, halimbawa ay lakas paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong ginagawa. Maipapasa ng mga prodyuser ang pagtaas sa halaga ng lakas paggawa sa mga mamimili. Kaya madalas na maririnig sa mga negosyante ang pag-iwas sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa dahil sa epekto nito sa kabuuang presyo ng produksiyon. Gayundin ang maaaring mangyari kung tataas ang presyo ng mga inputs o hilaw na materyales o sangkap sa produksiyon. Ang karagdagang gastos sa mga ito ay makapagpapataas sa kabuuang presyo ng mga produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin ang bigat ng pagbabago sa presyo ng produksiyon. Kabuuang dami ng gastusin ng sambahayan, bahay kalakal, pamahalaan at dayuhang sektor Dami ng produkto na gagawin at ipamamahagi ng bahay kalakal IMPLASYON MATAAS NA PRESYO Dagdag na sahod, inputs, o hilaw na materyales o sangkap
  • 61. 279 DEPED COPY DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan sa pagkakaroon ng implasyon. DAHILAN NG IMPLASYON BUNGA NG IMPLASYON PAGTAAS NG SUPLAY NG SALAPI PAGDEPENDE SA IMPORTASYON PARA SA HILAW NA SANGKAP PAGTAAS NG PALITAN NG PISO SA DOLYAR KALAGAYAN NG PAGLULUWAS (EXPORT MONOPOLYO O KARTEL Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa sa importasyon para sa mga hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto. Kapag kulang ang supply sa lokal na pamilihan dahil ang produkto ay iniluluwas, magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo ng produkto. Kapag mas mataas ang demand kaysa sa produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas sa presyo Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito. Kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto, malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo
  • 62. 280 DEPED COPY Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Gawain 5: DAHILAN O BUNGA Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan ng implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI sa kuwaderno. 1. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang. 2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura. 3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan. 4. Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang. 5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa. 6. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon. 7. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang. EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN Mga Nakikinabang sa implasyon Halimbawa Mga umuutang Ang mga umutang ay may 10% interes sa kanilang hiniram na pera. Ang ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng buong ibinayad ay Php935 lamang kaya siya ay nakinabang. Mga negosyante/ may-ari ng kompanya Retailer ng gasolina ang isang tao at marami siyang imbak nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang kaniyang kita nang hindi inaasahan. Mga speculator at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan. Mga real estate broker, nagtitinda ng mga alahas ,at iba pa na nag-speculate na tataas ang presyo sa hinaharap. Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng pambansang badyet, ito ay napupunta lamang sa pagbabayad ng utang. PAMBAYAD-UTANG
  • 63. 281 DEPED COPY Mga Taong Nalulugi Halimbawa Mga taong may tiyak na kita Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk, nars, at iba pang tumatanggap ng tiyak na kita bawat buwan ay matinding naaapektuhan sa pagtataas ng presyo. Ang dating dami na kanilang nabibili ay nababawasan dahil bumababa ang tunay na halaga ng salapi. Ang mga taong nagpapautang Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng 10% interes sa kaniyang pinahiram na pera.Ang ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng kaniyang tinanggap ay Php935 lamang kaya siya ay nalugi. Mga taong nag-iimpok Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang inimpok sa bangko ay mas maliit kompara sa antas ng implasyon. Ang real value o tunay na halaga ng salaping nasa bangko ay bumababa bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa interes. Kung may Php10,000 na nakadeposito ang isang tao at may 15% interes sa loob ng isang taon, ang kaniyang pera ay magiging Php11,500. Ngunit kapag nasabay ito sa panahon na may 20% ang antas ng implasyon, ang tunay na halaga na lamang ng kaniyang pera ay Php9,500, mas mababa sa dating halaga nito na Php10,000. Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS., Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Gawain 6: LARAWAN–SURI Suriin ang mga larawan. Ibahagi ang pananaw na nabuo mula dito. Pinagkunan: http://www.imagestock.com/directory/i/industrial_rmarket.asp,http://www.imagestock.com/ directorywelga _asp, http://www.imagestock.com/ibon _asp. Retrieved on July 14, 2014
  • 64. 282 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Paano maiuugnay ang mga larawan sa konsepto ng implasyon? 2. Ano ang maaaring ibunga ng sumusunod na larawan? 3. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong imungkahi bilang iyong ambag sa pagharap at pagtugon sa epekto ng implasyon sa ekonomiya? Paraan ng Paglutas sa Implasyon “Sa bawat problema ay may solusyon”. Ito ang madalas na pahayag sa tuwing tayo ay nahaharap sa mga suliranin. Kaugnay sa suliranin ng implasyon, ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisiya upang masiguro na mapangasiwaan ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Ito ay paraan din upang hindi ganap na maapektuhan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya at maging ang bawat mamamayan.Ang mga patakarang pananalapi at piskal ang mga instrumentong ginagamit ng pamahalaan upang matiyak ang katatagang pang-ekonomiya ng bansa. Gawain 7: I-KONEK MO Sa puntong ito, maaari nang pasagutan ang ikalawang kahon ng Nais kong Matutuhan… subalit ang ikatlong kahon na Natutuhan ko…ay hahayaan lamang na walang laman sapagkat maaari lamang itong sagutan sa pagtatapos ng bahagi ng pagnilayan. Tandaan na dapat itong masagutan at maisama sa portfolio o kuwaderno. Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa implasyon, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng implasyon. Paano ka makakatulong sa paglutas sa suliranin kaugnay ng implasyon? PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa implasyon. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa aralin upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan. Alam ko Nais kong matutuhan Natutuhan ko
  • 65. 283 DEPED COPY Gawain 8: MAKIBALITA TAYO Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin By dzmm.com.ph | 09:37 PM 06/18/2014 Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod sa una nang napabalitang pagtaas ng presyo ng bawang, luya, bigas at asukal, tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy habang nagbabadya naman ang pagtaas ng ilang brand ng gatas at produktong de lata.  Dahil dito, nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price Coordinating Council (NPCC) para talakayin ang sunod-sunod na pagtaas na ito ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa kaso ng bawang, sinabi ni NPCC Chairman at Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa panayam ng DZMM na nagkaroon lang ng temporary shortage. Aniya, 30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa lokal na supplier habang ang nalalabing 70% ay nagmumula na sa importasyon. Naipit lang aniya ang ibang suplay sa mga port at inaasahang babalik na sa normal ang presyo sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan. Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na nagbebenta ng mga murang bawang. Sa pagtaas naman ng commercial na bigas, tutugunan ito ng National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng pagdodoble ng inilalabas nilang bulto ng bigas.  Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok, ipinaliwanag ng broiler groups na bumagal ang paglaki ng mga manok dahil sa labis na init na panahon na naranasan nitong mga nakalipas na buwan.  Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa mga susunod na linggo. Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng presyo ng gatas dahil sa pagtaas ng world price nito.  May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at bagama’t hindi pa ito inaaprubahan, sinabi ni Domingo na karaniwan naman nilang pinapayagan ang pagtaas basta’t malapit sa antas ng inflation. “Kailangan talaga every year may ine-expect ka na pag-akyat kahit konti,” sabi pa ng kalihim. With a report from Alvin Elchico, ABS-CBN News  Pinagkunan: Elchico, A (2014). News Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin. ABS-CBN:Philippines - http://dzmm. abs-cbnnews.com/news/National/Presyo_ng_iba_pang_pangunahing_bilihin,_tumaas_na_rin.html retrieved on July 15, 2014
  • 66. 284 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing impormasyon na ipinahahatid ng balita? 2. Ano ang iyong reaksyon matapos mong basahin ang balita? 3. Bilang isang mag-aaral, paano ka at ang iyong pamilya ay naapektuhan ng isyung tinalakay? Patunayan. Gawain 9: MAG-SURVEY TAYO Magsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon tungkol sa mga posibleng maiaambag ng isang mag-aaral upang makontrol/mapangasiwaan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Gamit ang mga sitwasyon na nakalista sa ibaba, sasabihan ang mga mag-aaral na pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa kanilang pananaw at paniniwala mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli. Isulat ang bilang na 1 bilang una na susundan ng 2, 3 hanggang sa pinakahuling bilang.Gumawa ng ulat tungkol sa nakalap na impormasyon. _____pag-iimpok sa natirang baon _____pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit _____pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at sa tahanan _____iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa tahanan maging sa paaralan _____matutong magbadyet _____pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng produkto _____pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos _____pagbili ng mga produktong gawang Pilipino _____paglalaan ng tamang oras sa paggamit ng kompyuter at iba pang gadyet _____pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng maraming dayuhang salapi _____maayos na paggamit sa mga pampublikong pasilidad iba pa____________________________________________________ Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging pangkalahatang resulta ng nakalap na impormasyon? 2. Batay sa nakuhang impormasyon, masasabi mo bang bukas ang isipan ng mga mag-aaral na makatulong sa paglutas ng suliranin ng implasyon? Pangatwiranan. 3. Paano tinanggap ng mga mag-aaral ang mga mungkahing paraan upang makatulong at makapag-ambag sa paglutas ng suliranin ng implasyon? GAWAIN 10: SAMA-SAMA TAYO Matapos ang masusing pagtalakay sa implasyon, inaasahang naunawaan mo kung paano ito nakaaapekto sa buhay ng tao. Bawat isa ay may responsibilidad na makapag-ambag upang mapamahalaan ang pagtaas ng presyo. Gumawa ng isang komitment bilang isang mag-aaral kung paano makapag-aambag na mapamahalaan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Maging malikhain sa pag-post ng inyong mga komitment sa Facebook at iba pang social media. Para sa mga paaralan na walang access sa Internet, maaaring ipaskil sa loob ng paaralan ang mga output upang maipabatid sa mga kamag-aral ang komitment na ginawa.
  • 67. 285 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing nilalaman ng iyong komitment? 2. Paano mo matitiyak na ang isinagawang komitment ay makapag-aambag sa kabutihan ng bayan? 3. Ano ang iyong mga isinaalang-alang sa paggawa ng komitment? Ipaliwanag. Gawain 11: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA Sa puntong ito, maaari mo nang sagutan ang huling kahong Natutuhan ko… Tandaan na dapat mong sagutan sa iyong portfolio o kuwaderno ang iyong tsart sapagkat ito ay maaaring proyektong itinakda ng iyong guro. Paano ka makakatulong sa paglutas sa suliranin kaugnay ng implasyon? Transisyon sa susunod na aralin: Inaasahang naunawaan mo kung ano ang implasyon at ang mga dahilan at epekto nito sa bawat mamamayan. Hinimay natin ang mahahalagang impormasyon upang maunawaan ang dahilan ng isa sa mga suliraning binabalikat ng bawat pamilya. Kaugnay nito, tatalakayin natin sa susunod na aralin ang isang mahalagang konsepto sa makroekonomiks, ang patakarang piskal. Ito ang isa sa mga paraang ginagamit ng pamahalaan upang maiwasan ang epektong dulot ng implasyon. Makikita at mauunawaan mo ang mga estratehiya ng pamahalaan upang masiguro na ang pagbibigay serbisyo publiko ay hindi makadaragdag sa suliranin na kaakibat ng implasyon. Bagkus, ang mga paraang ito ay makatutulong na maiwasto ang daloy ng presyo at ng pananalapi sa bansa. Alam ko Nais kong matutuhan Natutuhan ko
  • 68. 286 DEPED COPY PANIMULA Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang implasyon. Malinaw nating sinuri ang malaking pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa mga nagdaang panahon.Itoayisangkatotohananngbuhaynahindimagagawangmatakasanninuman. Bagamat isang malaking suliranin ang implasyon sa pambansang ekonomiya, ang kaalaman tungkol dito ay makatutulong para maiwasan ang paglala nito. Kaugnay ng suliraning dulot ng implasyon, ating tatalakayin ang isang pamamaraan ng pamahalaan upang matutugunan ang negatibong epekto ng implasyon. Sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga gastusin ng pamahalaan, inaasahang matatamo ang katatagan ng ekonomiya. Sama-sama nating unawain ang maaaring impluwensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng patakarang piskal. Kaya muli kitang iniimbitahan sa pagtalakay ng bagong aralin upang iyong maunawaan ang kahalagahan ng paglikom ng pondo ng pamahalaan at upang matustusan ang mga programa at proyektong pangkaunlaran nito. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag sa mga layunin ng patakarang piskal, nakapagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng pamahalaankaugnayngmgapatakarangpiskalnaipinapatupadnito,nakapagsusuring badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan, nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis, at naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya. ARALIN 5 PATAKARANG PISKAL Gawain 1: LARAWAN-SURI Suriinangmgalarawansasusunodnapahinaatsagutinangmgapamprosesong tanong. ALAMIN Ang mga panimulang gawain sa araling ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa patakarang piskal ng bansa at kung paano mo maaaring gamitin ang iyong personal na karanasan o kaalaman bilang batayan sa pagsagot sa mga gawain. Halina at simulan natin ang Alamin.
  • 69. 287 DEPED COPY Pinagkunan: http://www.imagestock.com/taxed-receipt/asp,http://www.imagestock.com/road-repair/asp retrieved on July 15, 2014 http://www.imagestock.com/bridge-road/asp retrieved on July 15, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ilarawan ang nakikita mo sa mga larawan. 2. Anong mensahe ang mabubuo mo mula sa mga larawan? Ipaliwanag. Gawain 2: TALASALITAAN Tukuyin ang angkop na konsepto ng mga kahulugang nasa ibaba ng kahon. Piliin lamang ang mga sagot mula sa loob ng kahon. 1. pagbawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtataas ng singil sa buwis upang maiwasan ang implasyon 2. nagaganap kung mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kompara sa kita 3. pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at pagbaba ng singil sa buwis upang tumaas ang kabuuang demand na magiging daan upang sumigla ang ekonomiya 4. pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya BUWIS SIN TAX PATAKARANG PISKAL BUDGET DEFICIT EXPANSIONARY FISCAL POLICY CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
  • 70. 288 DEPED COPY 5. sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang serbisyong pambayan. Pamprosesong Tanong: 1. Naging madali ba sa iyo na tukuyin ang kahulugan ng mga konsepto/ termino? Bakit? 2. Saan maaaring mabasa o marinig ang mga salitang ito? 3. Sa iyong palagay, kailangan bang maunawaan ang kahulugan ng mga konseptong nasa kahon? Ipaliwanag. Gawain 3: I-KONEK MO Buuin ang hindi tapos na pahayag na Alam ko na … at sa Nais Malaman… Simulan sa simple hanggang sa mahirap na antas ang maaari mong maging katanungan. Isulat sa patlang sa ibaba ang inyong mga kasagutan o katanungang tungkol sa paksa. Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa patakarang piskal. Alam ko na ang patakarang piskal ay _________________________________ _______________________________________________________________ Nais kong malaman _______________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________ PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga pangunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang konsepto tungkol sa patakarang piskal. Inaasahang magagabayan ka ng inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano naiuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya. Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa patakarang piskal, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng patakarang piskal.
  • 71. 289 DEPED COPY KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL Mula sa aklat nina Case, Fair, at Oster (2012), ang patakarang piskal ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tungkol sa polisiya sa pagbabadyet. Ito rin ang isinasaad sa aklat nina Balitao et. al (2014), kung saan ang patakarang ito ay “tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya”.Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya. Simula pa noong Great Depression, nabuo ang paniniwalang ang pamahalaan ay may kakayahan na mapanatiling ligtas ang ekonomiya tulad ng banta ng kawalan ng trabaho. Kaya ang interbensiyon ng pamahalaan, sa isang banda, ay may malaking kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang ekonomiya. Ang paggasta ng pamahalaan ayon kay Keynes halimbawa, ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources ayon sa pinakamataas na matatamo mula sa mga ito na makapagdudulot ng full employment. Sa kabilang banda, ang pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga polisiya sa paggasta at pagbubuwis ay makapagpapababa o makapagpapataas naman ng kabuuang output higit sa panahon ng recession o depression. May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa. • Expansionary Fiscal Policy. Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. Ipinapakita sa kondisyong ito na ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan. Kaakibat ng mababang output ay mataas na gastos dahil hindi episyenteng nagagamit ang lahat ng resources. Karaniwan ding mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon. Magdudulot ang ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para sa pamahalaan. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo sa panahong ang pribadong sektor ay mahina o may bantang hihina ang paggasta. Dahil dito, ang mamamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at mangangahulugan ng mas malaking kita. Sa bahagi ng bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkakaroon ng panggastos ang mamamayan at ang bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya. Sa bawat gastos ng pamahalaan, nagdudulot ito ng mas malaking paggasta sa buong ekonomiya kung kaya’t maaasahan ang mas malaking kabuuang kita para sa bansa. Ganito rin ang epektong pagbaba ng buwis. Higit na magiging malaki ang panggastos ng mga sambahayan dahil sa nadagdag na kita mula sa bumabang buwis kaya asahang tataas ang kabuuang demand sa pagkonsumo.
  • 72. 290 DEPED COPY • Contractionary Fiscal Policy. Ang paraang ito naman ay ipinatutupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Karaniwang nagaganap ito kapag lubhang masigla ang ekonomiya na maaaring magdulot ng overheated economy na mayroong mataas na pangkalahatang output at employment. Ang ganitong kondisyon ay hihila pataas sa pangkalahatang demand sa sambahayan at insentibo naman sa mamumuhunan na patuloy na magdagdag ng produksiyon. Magdudulot ang sitwasyon na ito ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin o implasyon. Sa ganitong pagkakataon, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin nito upang mahila pababa ang kabuuang demand. Inaasahang sa pagbagsak ng demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan ng insentibo ang bahay kalakal na gumawa ng maraming produkto. Magdudulot ito ng pagbagal ng ekonomiya, liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at makokontrol ang implasyon. Ganito rin ang sitwasyon na maaaring mangyari kapag nagtaas ang pamahalaan ng buwis. Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil bahagi ng kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan na makaaapekto sa kabuuang demand sa pamilihan. Ito ang dalawang paraan sa ilalim ng patakarang piskal ng pamahalaan upang maibalik sa normal na direksiyon ang ekonomiya. Gawain 4: ALIN ANG MAGKASAMA Tukuyin kung expansionary o contractionary fiscal ang mga patakaran na nasa loob ng kahon. Ihanay ang mga ito ayon sa dalawang polisiya sa ibaba ng kahon. Talakayin ang naging gawain. • Pagbaba ng singil sa buwis • Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan • Pagtaas ng kabuuang demand • Pagbaba ng kabuuang demand • Pagtaas ng singil ng buwis • Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan • Pagdaragdag ng supply ng salapi EXPANSIONARY FISCAL POLICY CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
  • 73. 291 DEPED COPY Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng Pamahalaan kaugnay ng mga Patakarang Piskal na Ipinatutupad nito Batay sa paniniwala na ang pamahalaan ay isang mahalagang kabahagi sa pagsasaayos at pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya, ang papel ng pamahalaan ay magtakda ng mga patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at matiwasay na ekonomiya. Karaniwang nagsasagawa at nagpapatupad ng ilang paraan ang pamahalaan kung may pangangailangan na maiayos ang pamamalakad sa ilang problemang pang ekonomiya. Ang mataas na paggastos ng pamahalaan ay nakapagpapasigla sa matamlay na ekonomiya. Magdudulot ito ng pagtaas sa pangkalahatang demand sa pamilihan para sa mga produkto at serbisyo. Ang pagpapababa sa buwis na ipinapataw sa mga mamamayan ay nangangahulugan naman ng mas maraming maiuuwing kita ng mga nagtatrabaho. Kapag naabot ng ekonomiya ang pinakamataas na antas ng empleyo (overheated economy), karaniwang ipinatutupad ng pamahalaan ang mababang paggasta upang bumagal ang ekonomiya. Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan Ang pambansang badyet ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon. Ito rin ang nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya. Kung ang revenue o kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito sa isang taon, masasabing balanse ang badyet. Ibig sabihin, ang salaping pumapasok sa kaban ng bayan ay kaparehong halaga ng ginastos ng pamahalaan. Samantala, nagkakaroon ng depisit sa badyet (budget deficit) kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo nito. Nangangahulugan na mas malaking halaga ng salapi ang lumalabas kaysa pumapasok sa kaban ng bayan. Kung mas maliit naman ang paggasta kaysa sa pondo ng pamahalaan, nagkakaroon ng surplus sa badyet (budget surplus). Nangangahulugan ito na mas malaking halaga ng salapi ang pumapasok sa kaban ng bayan kaysa sa lumalabas. DAPAT TANDAAN Paghahanda ng Pambansang Badyet Ang paraan ng paghahanda ng badyet ay may sinusunod na hakbang: 1. Nagpapalabas ng budget call ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaang pambansa. Isinasaad sa Budget Call ang mga hangganan ng pambansang badyet kabilang ang kabuuang paggasta, ang tamang dapat gugugulin ng badyet, at ang inaasahang malilikom na buwis at iba pang kita upang tustusan ang paggasta. Ang mga hangganang ito ay batay sa pagtaya ng Development Budget Coordination Committee.
  • 74. 292 DEPED COPY 2. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba pang stakeholder sa pagbuo ng badyet ng mga ahensiya ng pambansang pamahalaan. Ito ang tinutukoy na participatory o bottom-up budgeting. 3. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM. Pag-aaralan ng DBM ang mga mungkahing badyet at maghahain ng kaukulang rekomendasyon. 4. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review board na binubuo ng kalihim ng DBM at mga nakatataas na opisyal ng pamahalaan. 5. Bubuuin ng DBM ang National Expenditure Program (NEP) bilang panukalang pambansang badyet ayon sa napagkasunduan ng executive review board. 6. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin. 7. Titipunin ng DBP ang mga dokumentong bubuo sa President’s Budget, kabilang na rito ang NEP, at ito ay isusumite sa Kongreso bilang General Appropriations Bill (GAB) upang aprubahan bilang isang ganap na batas. Pinagkunan: Department of Budget and Management halaw mula sa aklat na Pambansang Ekonomiya at Pag- unlad nina Balitao et. al. 2014. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon? 2. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng badyet? 3. Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang inihandang pambansang badyet na mararamdaman ang epekto para sa sumusunod: • mga taong nakatira sa squatter’s area • mga nakatira sa Tawi-Tawi • mga naapektuhan ng bagyong Yolanda • mga taga Forbes’ Park • ibang pamilyang kapareho ng pamilya mo Ang Badyet ng Pamahalaan Ang badyet ng bansa ay inihahanda ayon sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang pagbibigay ng serbisyo ang pangunahing pinaglalaanan ng pamahalaan ng pondo tulad ng edukasyon, pangkalusugan, social welfare, at iba pa. ang pagbabadyet ay maaaring ayon sa sumusunod: • badyet ayon sa sektor • badyet ayon sa expense class
  • 75. 293 DEPED COPY • badyet ayon sa mga rehiyon • badyet ayon sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan at special purpose fund Alokasyon ng Badyet ayon sa Sektor sa Taong 2012 Makikita sa pigura sa itaas ang alokasyon ng badyet para sa taong 2012 at nahahati batay sa sektor. Sa naturang badyet, pinakamalaking bahagdan ang napunta sa Social Services na may 31.3%. Napapaloob dito ang gastusin para sa edukasyon, kalusugan, pabahay,at iba pa. Pumapangalawa naman ang Economic Services na may 24.2% na tumutukoy naman sa mga gastusin para sa Repormang Agraryo, kalakalan at industriya, pagpapaunlad ng imprastraktura, agrikultura, at iba pa.19.6% naman ng badyet ang inilalaan sa Debt Services at Interest Payment na kinapapalooban ng gastusin para sa pambayad utang sa loob at labas ng bansa. Pang-apat ang General Public Services na may 18.6%. Kabilang sa mga gastusin dito ay para sa maayos na pagpapatakbo ng gawain ng pamahalaan, at 6.3% naman ang inilalaan sa gastusin sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan sa bansa o Defense. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang pinaglalaanan ng badyet ng ating pamahalaan? 2. Batay sa pigura, ano ang nagtamo ng pinakamalaking badyet noong taong 2012? 3. Sa iyong palagay makatarungan bang paglaanan ito ng malaking badyet? Bakit? Pinagkunan: http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/ retrieved 13 January 2015
  • 76. 294 DEPED COPY Paggasta ng Pamahalaan ayon sa Expenditure Program Hindi maisasakatuparan ng pamahalaan ang napakarami nitong tungkulin kung walang perang gagastusin. Upang lubos na maipagkaloob ng pamahalaan ang mga programa at proyektong makatutulong sa lahat, kinakailangang maayos na maipamahagi ang perang gagastusin sa mahahalagang aspekto ng pamamahala. Ipinapakita sa talahanayan sa ibaba ang expenditure program ng pamahalaan mula 2010 hanggang 2012. Ang expenditure program ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang mga pananagutan o obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang taon. Ang nasabing ceiling ay suportado ng mga tinatayang pinagkukunang pinansiyal. Nahahati ito sa tatlo: 1. Current Operating Expenditures - nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang mga gawaing pampamahalaan sa loob ng isang taon. Kabilang dito ang Personal Services at ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). Sa Personal Services nakapaloob ang mga kabayaran para sa sahod, suweldo at iba pang mga compensation gaya ng mga dagdag sahod at cost of living allowance ng mga permanente, pansamantala, kontraktuwal at casual na empleyado ng gobyerno. Samantala, ang mga gastusin kaugnay ng pagpapatakbo ng mga ahensiya ng gobyerno gaya ng supplies, mga kagamitan, transportasyon, utilities (tubig at koryente), kumpunihin, at iba pa ay nakapaloob sa MOOE. 2. Capital Outlays - panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo kung saan ang kapakinabangang makukuha mula rito ay maaaring magamit sa loob ng maraming taon at maaaring makadagdag sa mga asset ng gobyerno. Kabilang dito ang mga pamumuhunan sa capital stock ng mga GOCCs at mga subsidiyaryo nito. 3. Net Lending - paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito. Kabilang dito ang mga utang na nalikom mula sa mga programang kaugnay ng mga korporasyong pagmamay- ari ng gobyerno. Makikita mula sa talahanayan sa ibaba ang mga naging gastos ng pamahalaan ayon sa expense class. Mula 2010 tungong 2012, ang lahat ng aspekto ay nagpapakita ng papataas na paggasta upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mamamayan at ng buong bansa. Makikita rin ang positibong pagtugon ng pamahalaan sa mga obligasyon nito tulad ng pagbabayad sa mga utang nito.
  • 77. 295 DEPED COPY Table B.1 EXPENDITURE PROGRAM, BY OBJECT, CY 2010-2012 (In Thousand Pesos) Expense Class 2010 (Actual) 2011 (Adjusted) 2012 (Proposed) I. Current Operating Expenditures A. PERSONAL SERVICES I. Civilian Personnel Total Compensation, Civilian Personnel 310,270,253 386,089,165 434,796,464 II. Military / Uniformed Personnel Total Compensation, Military/ Uniformed Personnel 101,652,570 100,643,292 104,030,249 Total Other Personal Services 45,637,320 53,424,539 54,466,696 TOTAL PERSONAL SERVICES 457,560,143 540,156,996 593,293,409 B. Maintenance and Other Operating Expenses TOTAL MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES 812,994,064 897,123,465 942,416,703 TOTAL CURRENT OPERATING EXPENDITURES 1,270,554,207 1,437,280,461 1,535,710,112 II. CAPITAL OUTLAYS TOTAL CAPITAL OUTLAYS 193,165,222 192,719,539 257,289,888 III. NET LENDING TOTAL NET LENDING 9,258,000 15,000,000 23,000,000 TOTAL OBLIGATIONS OF THE NATIONAL GOVERNMENT 1,472,977,429 1,645,000,000 1,816,000,000 Pinagkunan: http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/BESF/BESF2012/B/B1.pdf retrieved November 10, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa talahanayan, ano ang nagtamo ng pinakamalaking pinagkagastusan sa mga nagdaang taon ? 2. Kung ikaw ang tatanungin, makatarungan bang paglaanan ito ng malaking halaga? Bakit? 3. Kung ikaw ang magiging Presidente ng bansa, ano ang paglalaanan mo ng mas malaking badyet? Pangatwiranan.
  • 78. 296 DEPED COPY Gawain 5: PAGTALUNAN NATIN ITO Pangkatin ang klase sa tatlo. Bumuo ng dalawang pangkat na may limang kasapi na magiging kalahok sa isang impormal na debate at ang natitirang pangkat ang magiging hurado. Mayroong isang minuto ang bawat miyembro ng pangkat na kasali sa debate upang ipagtanggol ang kanilang panig kung sang-ayon o salungat sa: Paksa: Malaking bahagi ng badyet (19.6% noong 2012) ang pambayad sa utang ng pamahalaan. Huwag nang magbayad ng utang upang gastusin sa mas mahalagang proyekto ng pamahalaan. Ang pangkat na naging hurado ay pipili ng pinakamahusay na pangkat na naipagtanggol ang kanilang panig. Gamitin pamantayan sa pagpili ang rubrik. Rubrik sa Pagmamarka ng Impormal na Debate Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Paksa Maliwanag na sumunod sa paksang tatalakayin. 4 Argumentasyon Nagpakita ng ebidensiya upang suportahan ang argumento. 10 Pagpapahayag Malinaw na naipahayag at maayos ang pananalita ng mga kasapi. 6 Kabuuang Puntos 20 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang isinaalang-alang mo sa mga naging argumento sa pakikipagdebate? 2. Ano sa palagay mo ang pinakaimportanteng ideya sa naging debate? 3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang pipiliin mong panig? Pangatwiranan.
  • 79. 297 DEPED COPY Gawain 6: GAWA TAYO NG TINA-PIE Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabalangkas ang pambansang badyet, paano mo ito hahati-hatiin? Ano ang bibigyan mo ng prayoridad? Bakit? Gumawa ng ilustrasyong naka-pie graph sa isang maikling bond paper. Humanda sa pagbabahagi sa klase. • Tanggulang bansa • Social Services • Kalusugan • Agrikultura • Repormang Agraryo • Edukasyon Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga naging basehan mo sa binalangkas na pambansang badyet? 2. Ikompara ang iyong prayoridad sa ginawang pagbabadyet sa prayoridad ng pamahalaan. 3. Paano mo mapangangatwiranan ang isinagawang alokasyon? Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang napakarami nitong gawain. Ang pamahalaan ay nakalilikom ng salapi sa pamamagitan ng buwis at iba pang pinagkukunan nito tulad ng kita mula sa interes ng salaping nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mga kaloob at tulong mula sa mga dayuhang gobyerno at mga pribadong institusyon, at mga kinita mula sa pagbebenta ng ari-arian ng pamahalaan at mga kompanyang pag-aari at kontrolado ng pamahalaan. Ang tinatanggap na kita ng pamahalaan ay tinatawag na revenue. Kung walang pondo ang pamahalaan, hindi ito makapagbibigay ng produkto at serbisyong kinakailangan ng taumbayan. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan ang pagpapagawangmgaimprastruktura,librengedukasyon,pagpapanatilingkapayapaan at kaayusan, at pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan. Kaya mahalaga para sa pamahalaan na makalikom ng pondo upang makatugon sa mga pangangailangan nito at ng mamamayan. Makikita sa talahanayan na 81% ng kabuuang kita ng pamahalaan ay mula sa buwis na personal na kita at kitang pangnegosyo, pag-aari, sa mga produkto at serbisyo (VAT), sa mga pandaigdigang produkto at serbisyo (taripa) at iba pang buwis. Samantala, 19% ay nagmumula sa kita ng pamahalaan mula sa mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, sa pagbibigay ng mga lisensya at sertipiko, at sa interes sa pagpapautang.
  • 80. 298 DEPED COPY National Government Revenue 2008-2013 (In Million Pesos) Particulars 2000 2009 2010 2011 2012 2013 Revenues 1,202,905 1,123,211 1,207,926 1,359,942 1,534,932 1,716,093 Tax Revenues 1,049,189 981,631 1,093,643 1,202,066 1,361,081 1,535,698 Bureau of Internal Revenue 779,581, 750,287 822,623 924,146 1,057,916 1,216,661 Domestic - Based 777,912 749,010 822,560 924,146 1,057,916 1,216,661 Net Income & Profits 402,240 435,072 489,221 571,947 642,512 710,211 Excise Tax 61,416 60,548 67,207 68,026 72,346 118,906 Sales Taxes and Licenses 181,132 211,130 217,788 230,060 282,328 311,114 Other Domestic Taxes 53,116 42,760 48,352 54,113 60,730 68,430 e.g. Doc Stamp Tax 8,996 6,717 7,270 7,702 5,797 4,011 Tax Expenditures 7,669 23,086 7,957 16,423 24,797 16,596 Travel Tax 669 477 55 0 0 0 Bureau of Customs 260,248 220,307 259,241 265,108 289,866 304,925 Tax Expenditures 42,048 22,145 31,736 9,408 7,484 2,406 Other Offices 10,360 11,037 11,779 12,812 13,299 14,112 BFP - Fire Code Tax 478 467 730 841 966 1,018 BID 46 39 59 61 64 69 CHED/NCCA 1,109 1,366 1,456 1,660 1,709 1,885 DENR - Forest Charges 147 132 239 150 204 132 LTO - Motor Vehicle Tax 8,580 9,033 9,295 10,100 10,356 11,008 Non-tax Revenues 153,591 141,389 113,877 157,621 173,752 180,074 BTR Income 63,681 69,912 54,315 75,236 84,080 81,013 Fees & Other Charges 16,409 19,253 22,820 26,048 27,793 30,541 Privatisation 31,289 1,390 914 930 8,348 2,936 CARP - - - - - - Others 42,212 50,834 35,828 55,407 53,531 65,584 Marcos Wealth - - - - - - Grants 125 191 406 255 99 321 Pinagmulan: Bureau of Treasury Ang buwis na pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan, ay tumutukoy sa sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan. Ito ay isang paraan upang makalikom ng salapi ang pamahalaan na gagamitin nito sa pagpapalakad ng mga gawaing pampamahalaan. Kung walang pagbubuwis, mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ang layunin tulad ng distribusyon ng kita, pagpapatatag ng ekonomiya, at pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya.
  • 81. 299 DEPED COPY IBA’T IBANG URI NG BUWIS URI DEPINISYON HALIMBAWA Ayon sa Layunin Para kumita (revenue generation) Pangunahing layunin ng pamahalaan na ipataw ang mga buwis na may ganitong uri upang makalikom ng pondo para magamit sa operasyon nito. Sales tax, income tax Para magregularisa (regulatory) Ipinapataw ang ganitong uri ng buwis upang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o negosyo. Excise Tax Para magsilbing proteksiyon (protection) Ipinapataw upang mapangalagaan ang interes ng sektor na nangangailangan ng proteksiyon mula sa pamahalaan o proteksiyon para sa lokal na ekonomiya laban sa dayuhang kompetisyon. Taripa Ayon sa Kung Sino ang Apektado Tuwiran (direct) Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal. Withholding tax Hindi tuwiran (indirect) Buwis na ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal. Value-added tax Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw Proporsiyonal (proportional) Pare-pareho ang porsiyentong ipinapataw anuman ang estado sa buhay. Halimbawa ang pagpapataw ng 10% buwis sa mga mamamayan, magkakaiba man ang halaga ng kanilang kinikita. Progresibo (progressive) Tumataas ang halaga ng buwis na binabayaran habang tumataas ang kita ng isang indibidwal o korporasyon. Isinasaad sa 1987 Saligang Batas na progresibo ang sistema ng pagbubuwis ng pamahalaan. Sa Pilipinas, 5% lamang ang kinakaltas sa mga kumikita nang mas mababa sa Php10,000 bawat buwan. Maaring umabot sa 34% ang kaltas sa kumikita ng higit sa Php500,000 bawat buwan. Regresibo (regressive) Bumababa ang antas ng buwis kasabay ng paglaki ng kita. Ang ad valorem (ayon sa halaga) ay regresibo dahil habang lumalaki ang kita ng isang indibidwal, maliit na bahagi lamang ng kaniyang kita ang napupunta sa buwis. Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
  • 82. 300 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Anong taon nagtala ng pinakamalaki at pinakamababang koleksiyon ng buwis? 2. Anong uri ng buwis ang naiaambag mo bilang mag-aaral sa pondo na ginagamit ng pamahalaan? 3. Bilang mag-aaral, paano ka makapag-aambag ng buwis na makatutulong para sa iyong komunidad? Ipaliwanag. Gawain 7: IKONEK MO Muling balikan ang Gawain 3 sa ALAMIN at iwasto ang maling mga kasagutan. Gawain 8: MAGANDANG BALITA Basahin ang sipi sa susunod na pahina at sagutan ang pamprosesong tanong: Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa patakarang piskal, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng tinatalakay na konsepto. Natuklasan ko na ang patakarang piskal ay ____________________________ _______________________________________________________________ ________________________________________________ PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag- aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa patakarang piskal. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang piskal upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
  • 83. 301 DEPED COPY Pinagkunan:Bureau of Internal Revenue. (2014).BIR Weekender Briefs – http://www.bir.gov.ph/images/bir_files/ old_files/pdf/v5n15.pdf retrieved on September 8, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang tax evasion? 2. Bakit itinuturing itong labag sa batas? 3. Sa iyong palagay, ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang masigurong mahuhuli ang mga tax evader? Pangatwiranan. Gawain 9: AWITIN NATIN ‘TO Gumawa ng jingle campaign para sa tema ng BIR 2013 tax campaign“ I love Philippines, I pay taxes correctly”. BIR campaigns Bureau of Internal Revenue (BIR) office across the country campaign for the early filing of Income Tax Return (ITR) and correct payment of taxes, as expressed in the Bureaus 2013 tax campaign theme “I love Philippines, I pay taxes correctly.” Pinagkunan: BIR Monitor Vol 15 No.2 Run After Tax Evaders Program Commissioner Kim S. Jacinto-Henares, together with DCIR EstelaV. Sales and DOJ representative, Atty. Michael John Humarang, engages members of tri-media in the discussion on the three (3) tax cases filed by the BIR during the regular Run After Tax Evaders (RATE) Press Briefing conducted last August 14 at the DOJ Executive Lounge. DIOSDADO T. SISON, a civil sanitary engineer contractor by profession engaged in the business of buying, selling, renting/leasing and operation of dwellings, was slapped with P18.95 million tax evasion suit for substantially under-declaring his income/sales for taxable year 2010 by 2,778.66% or P21.61 Million. SISON has received income payments amounting to P22.39 Million from BJS DEVELOPMENT but reported a gross income of only P777,714.00 in his Income Tax Return (ITR) for 2010. Likewise charged was independent CPA DANILO M. LINCOD who certified the Financial Statements of SISON for taxable year 2010 despite the essential misstatement of facts therein, as well as the clear omission with respect to the latter’s actual taxable income, in violation of Section 257 of the Tax Code. Two (2) more delinquent individual taxpayers from Revenue Region (RR) No. 7-Quezon City were charged with “Willful Failure to Pay Taxes.” PERSEUS COMMODITY TRADING sole proprietor, MANUEL NUGUID NIETO and MILLENIUM GAZ MARKETING sole proprietress, AGNES M. DAYAO were charged for their failure to pay long overdue deficiency taxes amounting to P86.46 Million (2007) and P30.15 Million (2006), respectively. The filing of the three (3) cases brought to two hundred and seventy-eight (278) the total number of cases already filed by the BIR under its RATE program during the administration of Commissioner Henares.
  • 84. 302 DEPED COPY Aawitin ng bawat pangkat ang kanilang orihinal na komposisyon ayon sa sumusunod na pamantayan: Rubrik sa Pagmamarka ng Jingle Campaign Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Kaangkupan ng nilalaman Angkop at makabuluhan ang mensaheng nakapaloob sa jingle campaign sa wastong pagbabayad ng buwis 10 Kahusayan sa pag-awit Mahusay na pagsasaayos ng liriko at tono 5 Kahusayan sa pagtatanghal Mapanghikayat at makapukaw-pansin ang ginawang jingle campaign Nagpakita ng malikhaing pagtatanghal 5 Kabuuang Puntos 20 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging batayan o inspirasyon ninyo sa paggawa ng jingle? 2. Paano mahihikayat ang mamamayan sa mga ginawang jingle upang sila ay maging matapat sa pagbabayad ng buwis? 3. Kailan nagiging epektibo ang isang jingle na maimpluwensiyahan ang mga mamamayan upang maging matapat sa bayan? Patunayan. Gawain 10: I-DRAWING NATIN ‘TO Gumawa ng poster para sa tema ng BIR 2013 tax campaign “I love Philippines, I pay taxes correctly”. Rubrik sa Pagmamarka ng Poster Campaign Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Kaangkupan ng Nilalaman Angkop at makabuluhan ang mensahe 10 Kahusayan sa paggawa Mapanghikayat at makapukaw-pansin ang ginawa 5 Kahusayan sa paggawa Mapanghikayat at makapukaw-pansin ang ginawa 5 Kabuuang Puntos 20
  • 85. 303 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mensahe na nais mong maalala at maunawaan ng mga mamamayan na nasa drawing mo? 2. Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang iyong ginawang drawing upang makahikayat sa mamamayan na maging responsableng taxpayer? Patunayan. Gawain 11: MAG-REFLECT TAYO Gumawa ng reflection paper na nagsusuri sa isyu ng PDAF. I-post sa iyong facebook account ang iyong ginawa. Hikayatin ang iyong mga kaibigan na magbigay ng kanilang komento. Matapos ang tatlong araw, bilangin ang kabuuang tanong. I-print ang resulta sa bond paper. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang karaniwang tanong o komento ng mga nakabasa? 2. Ano ang nakaantig sa kanila upang magtanong o magkomento? 3. Paano mahihikayat ang isang reflection paper upang magbahagi ng niloloob ang ibang tao na makababasa nito? Gawain 12: I-KONEK MO Muling balikan ang Gawain 7 sa PAUNLARIN at iwasto ang maling mga kasagutan.Naunawaan ko na ang patakarang piskal ay ____________________________ _______________________________________________________________ ________________________________________________ TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN Ang patakarang piskal ay isang mahalagang estratehiya ng pamahalaan upang masiguro ang katatagan ng ekonomiya ng bansa. Isa ito sa mahahalagang aspekto ng ekonomiya na kinakailangan ang matalinong pagdedesisyon at pagpaplano ng pamahalaan. Ginagawa ito upang matiyak na ang ekonomiya ay nasa tamang daan tungo sa pagkakamit ng kaunlaran. Kaugnay nito, isa pang mahalagang patakaran ang ating tatalakayin sa susunod na aralin – ang patakarang pananalapi. Isa rin ito sa mga importanteng kasangkapan ng pamahalaan upang matiyak na ang bansa ay magiging matatag at may sapat na kakayahan upang mapanatili sa normal na antas ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa at matamo ang tunay na pagseserbisyo sa mamamayan.
  • 86. 304 DEPED COPY PANIMULA Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang patakarang piskal. Natunghayan natin ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang ang ekonomiya ay maging ganap na maayos at matatag. Maaaring maimpluwensiyahan at makontrol ng pamahalaan ang buong ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastang nababatay sa badyet. Samantala sa bahaging ito, isa pang mahalagang patakaran ang maaring gamitin ng pamahalaan upang mapaunlad ang ekonomiya, ang patakaran sa pananalapi. Kaya’t muli kitang iniimbitahan na patuloy na makiisa upang ating unawain ang pangangasiwa ng pamahalaan sa dami ng salapi sa ekonomiya. Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag sa layunin ng patakarang pananalapi, nakapagpapahayag ng kahalagahan ng pag- iimpok at pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya, nakapagtataya sa bumubuo ng sektor ng pananalapi, nakapagsusuri sa patakarang pang-ekonomiya, at natitimbang ang epekto ng patakarang pang-ekonomiya sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino. ARALIN 6: PATAKARANG PANANALAPI Gawain 1: MONEY KO YAN Suriin ang larawan. Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bumuo ng pamagat ayon sa nakikita sa larawan. ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa patakarang pananalapi at kung paano nakaiimpluwensiya ang supply ng salapi sa kabuuang produksiyon, empleyo, antas ng interes, at presyo? Mahalagang maiugnay mo ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin upang ganap na maunawaan ang paksang tatalakayin. Pinagkunan:http://www.imagestock.com/money-pull/asp
  • 87. 305 DEPED COPY Bigyan ng dalawang piraso ng parihabang kartolina ang bawat pangkat. Pumili ng isang pamagat na katanggap-tanggap, isulat sa kartolina at ipaliwanag ang dahilan sa naging pagpili. Ipaskil sa pisara at iulat sa klase. Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga pamagat ang pumukaw sa iyong pansin? Bakit? 2. Tumutugma ba ito sa inilalahad ng larawan? 3. Ano ang iyong batayan sa pagbuo ng pamagat? Ipaliwanag. Gawain 2: BALITA NGA! Pag-aralan ang titulo ng balita at sagutan ang pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mensahe na unang pumasok sa iyong isipan ng mabasa ang titulo? 2. Sa iyong palagay, sino ang higit na makikinabang sa kaalaman na matatamo ng mag-aaral tungkol sa impormasyon na ipinababatid ng titulo? Patunayan. Gawain 3: IKONEK MO Isulat sa unang kahon kung ano lamang ang iyong nalalaman sa ating paksa. Isulat naman sa ikalawang kahon ang mga bagay at konsepto na nais mo pang matutuhan. Ang huling kahon naman ay sasagutin mo lamang kung tapos na ang pagtalakay sa paksa. Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa patakarang pananalapi. Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa patakarang pananalapi, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng patakarang pananalapi. Usapin tungkol sa Pananalapi at Pagpapalago ng pera, Dapat na Ituro raw sa mga Kabataan December 25, 2012 6:46pm Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa-pananalapi-at- pagpapalago-ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015 Ang alam ko___________ Ang aking natutuhan_____ Nais kong malaman_____
  • 88. 306 DEPED COPY KONSEPTO NG PERA Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo. Kung nais mong kumain ng tinapay, halimbawa, mangangailangan ka ng salapi upang mabili ito. Sa gayon, ang pera ay instrumento na tanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo. Maliban sa gamit sa pagbili, ito rin ay itinuturing bilang isang unit of account. Ang halaga ng tinapay ay naitatakda dahil na rin sa salaping ginagamit bilang panukat sa presyo ng isang produkto. Ang isang piraso halimbawa ng pandesal ay masasabing piso (Php1) dahil sa pagtatakda dito ng nagbibili na tinanggap naman ng mamimili. Kaya sa sampung piso (Php10), mayroong 10 piraso ng pandesal na maaaring mabili. At ang panghuli, ang salapi ay mayroong store of value na maaaring gamitin sa ibang panahon. Ang ilang bahagi ng kinita mula sa pagtatrabaho ay maaaring itabi at gamitin sa ibang pagkakataon dahil ang halaga nito ay hindi nagbabago maliban sa epekto ng implasyon sa mga presyo ng bilihin (Case and Fair, 2012). Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao ngunit ang pangangasiwa rito ay isang malaking hamon sa lahat ng bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon ay maaaring magdulot ng kasaganahan o suliranin sa mga mamamayan. Dahil dito, ang pag-iingat at matalinong pamamahala ay kinakailangan upang masiguro na ang bilang ng salapi sa ekonomiya ay magiging kasangkapan upang mapanatili ang kaayusan. Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit ang pangkalahatang presyo. Ito ay bilang katiyakan na ang mamamayan ay patuloy na magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga pangangailangan gamit ang kanilang kinita mula sa pagtatrabaho. Ito ay isang pagkakataon na maisulong ang kalagayang pang-ekonomiya at makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mamamayan bunsod ng matatag na pamamahala sa pananalapi ng bansa. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa patakarang pananalapi. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung paano nakaaapekto ang patakarang pananalapi sa buhay ng nakararaming Pilipino. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba.
  • 89. 307 DEPED COPY Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy. Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary money policy. Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang mga negosyo. Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang magkakaroon ng kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas ng kabuuang demand para sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kalagayang ito ay isang indikasyon na masigla ang ekonomiya. Subalit, kapag ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa sa produksiyon, tataas ang presyo. Kapag tumaas na ang presyo, ang mga manggagawa at mga empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. Kapag ang pagtataas sa presyo ng mga bilihin at ng mga salik sa produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas ang presyo at magpapatuloy ang mga pangyayaring unang nabanggit. Upang maiwasan ang kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon. Kasabay rin nito ang pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o demand ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang implasyon. Gawain 4: KOMPLETUHIN ANG DAYAGRAM Gawing batayan ang sipi sa pagbuo ng dayagram. Tukuyin kung kailan isinasagawa ang bawat patakaran. PATAKARANG PANANALAPI Expansionary money policy Contractionary money policy
  • 90. 308 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang patakarang pananalapi? 2. Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary money policy? 3. Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang sumusunod na patakaran? Gawain 5: PAGYAMANIN ANG KASANAYAN Iguhit ang kung kailangan ipatupad ang expansionary money policy at naman kung contractionary money policy. 1. Maraming nagsarang mga kompanya bunga ng pagkalugi at mababang benta. 2. Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers (OFW) ang umuwing walang naipong pera. 3. Tumanggap ng Christmas bonus at 13th month pay ang karamihan sa mga manggagawa. 4. Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga OFW. 5. Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging daan upang masagot mo ang mga sitwasyon? 2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan na maunawaan ang mga sitwasyon na inilalarawan sa gawain na ito? Ipaliwanag. Ang mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan ay paraan upang mapangasiwaan nang wasto ang kakayahang pinansiyal ng bansa. Kung babalikan ang paikot na daloy, maaalala na ang salapi ay umiikot sa loob ng ekonomiya. May pagkakataong lumalabas mula sa sirkulasyon ang ilan sa mga ito subalit muli itong bumabalik.Ang isang paraan ay mula sa pag-iimpok at pamumuhunan ng sambahayan at bahay-kalakal. PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN Sa aspekto ng pag-iimpok at pamumuhunan ayon sa modelo ng paikot na daloy, ang pag-iimpok ay kitang lumalabas sa ekonomiya. Samantalang ang pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot na daloy (Case, Fair at Oster, 2012). Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta ay kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon at iba pa. Pangkaraniwan na ang mga mamumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi.
  • 91. 309 DEPED COPY Ang perang hiniram upang gamiting puhunan ay karaniwang nagmumula sa inimpok o idineposito sa mga institusyon sa pananalapi tulad ng bangko o kooperatiba. Sa kaso ng bangko, ang perang ipinapautang ay nagmula sa idineposito ng mamamayan. Kung kaya ang perang lumabas sa sirkulasyon sa anyo ng inimpok sa bangko, ay muling bumabalik dahil ipinahihiram ang mga ito sa mga negosyante upang gamitin sa pamumuhunan tulad ng pagbili ng mga bagong kagamitan, sangkap sa produksiyon at kabayaran sa mga manggagawa. Ipinakikita nito ang ugnayan ng bangko at iba pang institusyon sa pananalapi bilang mga daanan sa pagdaloy ng pera sa loob ng ekonomiya. Ang kagalingan ng pamahalaan na magpatupad ng mga patakaran sa pananalapi ang nagsisilbing gabay sa kung gaano karami ang nararapat na salapi sa sirkulasyon o kung hanggang saan ang sigla ng ekonomiya na hindi magiging daan sa pagsisimula ng implasyon. Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas. Ayon sa kanila, kapag maraming mamamayan ay natutong mag-impok, maraming bansa ang mahihikayat na mamuhunan sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok. Samantala, ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas maraming negosyo, mas maraming trabaho, mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng kakayahang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay hindi malayong magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran. Ang salapi sa loob at labas ng ekonomiya ay marapat na mapangasiwaan nang maayos upang masiguro na magiging matatag at malusog ang takbo ng patakarang pananalapi ng bansa. Bunga nito, kinakailangan ang pagkakaroon ng mga institusyon na makapag-iingat at makapagpapatakbo ng mga wastong proseso sa loob ng ekonomiya patungkol sa paghawak ng salapi. Ito ay paraan upang maging maayos ang daloy ng pananalapi ng bansa. MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG PANANALAPI A. Mga Institusyong Bangko Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes o tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay lumalago. Sa kabilang dako naman, ang mga depositong nalikom ay ipinauutang sa mga nangangailangan na may kakayahang magbayad nito sa takdang panahon. Kabilang sa mga pinauutang ay ang mga negosyanteng nangangailangan ng puhunan upang mapalago ang kanilang negosyo at maging dahilan naman ng paglago ng ekonomiya.
  • 92. 310 DEPED COPY Uri ng mga Bangko 1. Commercial Banks Ito ang malalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital, ang commercial banks ay pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saanmang panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga bangko. Nakapangangalap sila ng deposito sa higit na maraming tao. Dahil dito, may kakayahan silang magpahiram ng malaking halaga ng puhunan sa mga mangangalakal o malalaking negosyante. Nakapagpapahiram din sila sa mga indibidwal na tao para sa iba pang mga pangangailangan tulad ng pabahay, pakotse, at iba pa. Ang commercial banks ay maaari ding tumanggap at magbigay ng letter of credit at iba pang instrumento ng kredito na malaki ang naitutulong sa patuloy na pag-unlad ng mga negosyo. Ang letter of credit ay isang dokumentong iniisyu ng bangko na nagpapahintulot sa may-ari na tanggapin ang salapi na mula sa kanilang bangko sa ibang bansa. 2. Thrift Banks Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na negosyante. Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga ito sa kanilang mga negosyo. Ang thrift banks ay pinapayagan ding magpautang sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito ng mga government securities. 3. Rural Banks Ang rural banks o mga bangko na kalimitan ay natatagpuan sa mga lalawigang malayo sa kalakhang Maynila ay tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagpapautang upang ang mga ito ay magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. 4. Specialized Government Banks Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan. a. Land Bank of the Philippines (LBP) Itinatag sa pamamagitan ng RepublicAct No. 3844 na sinusugan ng Republic Act No. 7907, layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan. Tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa kanilang pangangailangan sa puhunan. b. Development Bank of the Philippines (DBP) Unang natatag noong 1946 upang matugunan ang pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa mapanirang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pangunahing layunin ng DBP
  • 93. 311 DEPED COPY ay ang tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya. Prayoridad ng DBP ang mga small and medium scale industry. Malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa bangkong ito. c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al- Amanah) Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848, layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang Al-Amanah ay may walong (8) sangay. Lahat ng sangay ng nasabing bangko ay matatagpuan sa Mindanao. Ang head office nito ay matatagpuan sa Zamboanga City samantalang ang pitong (7) sangay nito ay matatagpuan sa lungsod ng Cagayan de Oro, Davao, General Santos, Marawi, Iligan at Cotabato; at sa isla ng Jolo. May executive office din ang Al-Amanah na matatagpuan sa lungsod ng Makati. B. Mga Institusyong Di-Bangko Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay mapakinabangan. 1. Kooperatiba Ang kooperatiba ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin. Para maging ganap na lehitimo ang isang kooperatiba, kailangan itong irehistro sa Cooperative Development Authority (CDA). Ang mga kasapi sa isang kooperatiba ay nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan, at iba pang benepisyong mula sa kita ng kooperatiba. Ang puhunang nakalap ay ipinauutang sa mga kasapi ng kooperatiba at sa takdang panahon, ang kinita ng kooperatiba ay pinaghahati-hatian ng mga kasapi. Iba-iba ang kita ng mga kasapi at ito ay base sa laki ng naiambag ng kasapi sa puhunan. May malaking kaibahan ang bangko at ang kooperatiba. Ang kooperatiba ay pag-aari at kontrolado ng mga kasapi nito. Ang mga patakaran ng kooperatiba at ang paraan ng pagpapatupad nito ay binubuo at pinagkakasunduan ng mga kasapi. Ang perang inambag ng mga kasapi ay kumakatawan sa shares at tumatayong pondo ng kooperatiba. Bukod sa shares, tumatanggap din ang kooperatiba ng salaping impok ng mga kasapi nito bilang deposito na binabayaran naman ng kaukulang tubo o interes. Ang pautang at ang iba pang serbisyong ginagawa ng kooperatiba ay para lamang sa mga kasapi nito. Ang tubo sa pautang ay maliit, kompara sa tubo ng bangko. May taunang dibidendo ang mga kasapi ng kooperatiba. Ang dibidendo ay nakabatay sa pangkalahatang kinita ng pondo ng kooperatiba.
  • 94. 312 DEPED COPY 2. Pawnshop o Bahay-Sanglaan Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko. Ang mga indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mahahalagang ari-arian tulad ng alahas at kasangkapan (tinatawag na kolateral) kapalit ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang interes. Sa sandaling hindi mabayaran o matubos sa takdang panahon ang alahas o kasangkapang ginawang kolateral, nireremata ang mga ito ng bahay-sanglaan at ipinagbibili upang mabawi ang salaping ipinautang. 3. Pension Funds a. Government Service Insurance System (GSIS) Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, at mga guro sa mga pampublikong paaralan. Ang buwanang kontribusyon ng mga kasapi ng GSIS ay pinagsasama-sama at ang pondong nalikom ay inilalagay sa investment para kumita. Ang paraan ng pagbabayad ng mga kasapi ay sa pamamagitan ng pagkakaltas sa suweldo (salary deduction). Sa pamamagitan ng pondong nalikom, ang GSIS ay nagbibigay ng iba’t-ibang uri ng pautang para sa mga kasapi nito, tulad ng pabahay o housing loan, salary loan, policy loan, pension loan, at iba pa. Sa kinita mula sa investment kinukuha ang pambayad ng mga benepisyong seguro (insurance benefits) at pensiyong pinagkakaloob sa mga retirado. Tumatanggap din ang mga kasapi ng GSIS ng dibidendo. b. Social Security System (SSS) Ang SSS ay ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan katulad ng kaniyang pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro, pagkamatay, at pagdadalang-tao kung ang kawani ay babae. Ang segurong ito ay ibinibigay ng estado upang maiwasang maging pasanin ng lipunan ang kawaning nawalan ng hanapbuhay. Sa paraang ito, mapapanatili ang dignidad ng kasapi. Itinakda sa Social Security Law o Republic Act 8282 (dating R.A. 1611) na lahat ng pribadong kawani ay nararapat na irehistro bilang kasapi ng SSS. Kapag ang isang kawani ay may amo o employer, kahit siya ay nag- iisang manggagawa, kailangan siyang irehistro, kaltasan, at ipagbayad ng buwanang kontribusyon ng kaniyang amo sa SSS. Kasama na rito ang mga manggagawa sa bahay katulad ng pampamilyang drayber, kasambahay, cook, at iba pa. Ang mga self-employed katulad ng doktor, abogado, sales agent, watch-your-car boys, may-ari ng sari-sari store, at iba pa ay kailangan ding magmiyembro sa SSS. Sa paraan
  • 95. 313 DEPED COPY ng paglilikom ng pondo, ang SSS ay katulad din ng GSIS, kung saan ang mga kasapi nito ay may buwanang kontribusyon. Ito ay maaaring pagkaltas (salary deduction) ng amo o employer ng kasapi, o personal na kontribusyon para sa mga self-employed. Ang mga kontribusyon ay pinagsasama-sama at ang pondong malilikom ay inilalagay sa investment para kumita. Mula sa pondo, ang SSS ay nagbibigay ng iba’t ibang uri ng pautang sa mga kasapi nito, tulad ng salary loan, calamity loan, housing loan at business loan. Ang kita sa investment ang pinagkukunan ng ibinibigay na mga benepisyo. Ang operasyon ng SSS ay tulad din ng sa GSIS. Ang malaking kaibahan ng dalawang ahensya ay ang kanilang mga kasapi. Mga kawani ng pribadong korporasyon at selfe-mployed ang kasapi sa SSS, samantalang mga kawani ng pamahalaan, lokal na pamahalaan at mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno ang kasapi ng GSIS. May nakatakdang bahagi ng pondo ng SSS ang inilalagay sa investment at ang kita nito ay idinadagdag na pambayad sa kasalukuyang benepisyo ng mga miyembro. Ang isang bahagi naman ng pinagsamang kontribusyon ay iniipon o itinatabi bilang reserve fund na siyang pinagkukunan ng pambayad ng benepisyo sa hinaharap. Mapapansin sa buwanang tala ng kontribusyon na higit na malaki ang ibinabayad ng miyembro na may mas mataas na kita kaysa sa miyembrong mababa ang kita. Ito ay dahil sa prinsipyong cross- subsidy na sinusunod ng SSS kung saan ang mas nakakaluwag ang siyang sumusuporta sa mas mahirap, ang malulusog ang sumusuporta sa may sakit o baldado, ang bata sa matanda, at ang buhay sa mga naiiwang kapamilya ng mga yumaong kasapi. c. Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno (Pag-IBIG Fund) Ang Pag-IBIG Fund ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay. Ang mga empleyado sa pamahalaan man o pribadong sektor ay kinakailangang maging kasapi rito. Ang mga taong may sariling negosyo at mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay maaaring maging boluntaryong kasapi. Tulad ng mga kasapi ng GSIS at SSS, ang kasapi ng Pag- IBIG Fund ay may buwanang kontribusyon. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagkaltas (salary deduction) para sa mga kawani ng pamahalaan at pribadong sektor o personal na kontribusyon kung self-employed o OFWs. Ang pangunahing produkto ng Pag-IBIG Fund para sa mga kasapi nito ay ang pautang sa pabahay (housing loan). Bukod dito, ang Pag-IBIG ay nagbibigay ng iba’t ibang uri ng pautang para sa mga kasapi nito, tulad ng calamity loan at short-term loan. Ang ahensyang ito ay tumutulong din sa mga pribadong developers ng mga proyektong pabahay sa pamamagitan ng pagpapautang ng pondo sa kanila.
  • 96. 314 DEPED COPY 4. Registered Companies Ang mga rehistradong kompanya (registered companies) ay yaong mga kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at Palitan (Securities and Exchange Commisssion o SEC) matapos magsumite ng basic at additional documetary requirements, at magbayad ng filing fee. Magkaibaangbasic,additionalrequirements,atfilingfeesapagpaparehistro ng stock at non-stock corporations, at partnership. 5. Pre-Need Ang Pre-Need Companies ay mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng preneed o pre-need plans. Maaaring magbenta ang isang pre-need company ng “single plan” (isang uri lamang ng pre-need plan) o “multi-plan” (lampas sa isang uri ng pre- need plan). Ang Pre-Need Plans ay mga kontrata ng pagkakaloob ng mga karampatang serbisyo sa takdang panahon o ang pagbibigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang panahon ng pangangailangan. Ang mga kontratang nabanggit ay matatamo sa pagbabayad ng katumbas sa perang halaga na napagkasunduan o nakasaad sa kontrata. Maaari itong bayaran ng buo o di kaya ay hulugan. Ang mga halimbawa ng mga naturang plano ay ang sumusunod: serbisyo sa burol at paglilibing, pensiyon (pag-ipon ng perang panglaan sa pagreretiro sa trabaho), o sa pag-aaral sa napiling unibersidad o paaralan. Paglilinaw at Paalala: • Ang mga pre-need companies ay hindi nagbebenta ng sumusunod na seguro (insurance): seguro sa buhay (life insurance), seguro sa napipintong aksidente (accident insurance), seguro para sa sakit (health insurance), seguro para sa sunog (fire), seguro para sa sasakyan (vehicle insurance) at mga kahintulad na seguro. • Ang mga seguro naman para sa sakit o mga health maintenance organizations (HMO) ay nasa ilalim ng regulasyon ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health). 6. Insurance Companies (Kompanya ng Seguro) Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas. C. Mga Regulator 1. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 7653, ang BSP ay itinalaga bilang central monetary authority ng bansa. Ito ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin
  • 97. 315 DEPED COPY at ng ating pananalapi. Ang mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa pananalapi, pagbabangko at pagpapautang ay nagmumula sa BSP. Nakaatang din sa BSP ang tanging kapangyarihang maglimbag ng pera sa bansa at nagsisilbi ito bilang opisyal na bangko ng pamahalaan. Ito rin ang naatasang tumingin sa pagpapatakbo ng mga bangko at naglalayong mapanatiling matatag ang pagpapatakbo sa mga ito. 2. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) Nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ang PDIC ang sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay-proteksiyon sa mga depositor at tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa. Maraming layunin ang PDIC. Ito ay ang sumusunod: a. Bilang tagaseguro ng deposito (Deposit Insurer) 1. Pagbabayad ng nakasegurong deposito Sakaling magsara ang isang bangko, dagliang sinusuri ng PDIC ang mga rekord patungkol sa mga deposito pati na rin ang mga rekord ukol sa assets ng bangko upang maihanda ang listahan ng mga insured deposits sa nagsarang bangko. Ang PDIC ang nagbabayad ng claim for insured deposits na hindi hihigit sa Php500,000 bawat depositor. 2. Assessment at Collection Ang assessment ay ang halagang binabayaran ng mga bangko upang maseguro ang kanilang deposit liabilities. Ibinibigay ng PDIC ang assessment na dapat bayaran ng bangko. Ang PDIC din ang nangongolekta ng assessment mula sa mga bangko. Ang halaga ng assessment na kinokolekta ng PDIC ay katumbas sa 1/5 ng 1% ng kabuuang deposit liabilities ng bangko. 3. Risk Management Ang PDIC ay may kapangyarihan na suriin ang mga bangko sa pahintulot ng Monetary Board (MB) ng BSP. Isinasagawa ng PDIC ang ganitong pagsusuri upang matiyak ang kalagayan ng bangko at makapagmungkahi ng karampatang lunas kung kinakailangan. Sa ganitong paraan, maiiwasan na lumala ang suliranin ng bangko. May dalawang paraan sa pagsusuri ng bangko: maaaring magsagawa ang PDIC ng onsite examination kung saan pumupunta ang mga kinatawan nito sa mga bangko upang doon isagawa ang pagsusuri. Ang ikalawa ay ang offsite monitoring kung saan sinusuri ng PDIC ang bangko base sa kanilang isinumiteng financial reports. b. Bilang Receiver at Liquidator ng Nagsarang Bangko 1. Namamahala ng Nagsarang Bangko Ang PDIC ang itinalaga ng batas na maging receiver at
  • 98. 316 DEPED COPY liquidator ng nagsarang bangko. Gawain ng PDIC bilang receiver na pamahalaan ang lahat ng transaksiyon at mga rekord ng bangko sa pamamagitan ng pisikal na pag-take-over sa isinarang bangko, sa bisa ng isang MB Resolution na siyang nag-uutos sa pagsasara ng isang bangko. Bilang receiver, kinakailangang magdesisyon ang PDIC nang hindi hihigit sa 90 araw kung ang nagsarang bangko ay maaari pang mabuksan muli o ilikida na lamang ang mga natira nitong ari-arian. 2. Pagbebenta ng Ari-arian ng Nagsarang Bangko (Liquidation of assets of closed bank). Ang pagbebenta ng mga natirang ari-arian ng nagsarang bangko ay isinasagawa upang mabayaran ang mga pinagkakautangan (creditor) nito ayon sa pagkakasunod-sunod (preference of credit) na isinasaad sa Civil Code. c. Bilang Imbestigador Sa ilalim ng Republic Act 9302 na sumusog sa Republic Act 3591, binigyan ng kapangyarihan ang PDIC na mag-imbestiga sa mga anomalya sa bangko patungkol sa unsafe and unsound banking practices at magpataw ng karampatang multa batay sa tuntuning nakasaad sa batas. Maaari ding kasuhan ang mga opisyal at empleyado ng bangkong sangkot sa anomalya. 3. Securities and Exchange Commission (SEC) Nasa ilalim ng DOF, ang SEC ang nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa. Nagbibigay ito ng mga impormasyon ukol sa pagbili ng mga panagot at bono. Nag-aatas din ito sa mga kompanya na magsumite ng kanilang taunang ulat. Nagbibigay din ang SEC ng mga impormasyon upang maging gabay sa matalinong desisyon sa pamumuhunan. 4. Insurance Commission (IC). Sa bisa ng Presidential Decree No. 63 na ipinatupad noong Nobyembre 20, 1972, ang IC ay itinatag bilang ahensiya na mangangasiwa at mamamatnubay sa negosyo ng pagseseguro (insurance business) ayon sa itinalaga ng Insurance Code. Ang ahensya ay nasa ilalim ng pamamahala ng DOF. Layunin ng IC na panatilihing matatag ang mga kompanyang nagseseguro ng buhay ng tao, kalusugan, mga ari-arian, kalikasan at iba pa upang mabigyan ng sapat na proteksiyon ang publiko (insuring public) sa pamamagitan ng mabilisang pagtugon at pagbabayad ng kaukulang benepisyo at insurance claims ng mga ito.Ang mga nabanggit na institusyon ng pananalapi ay kabalikat ng bansa sa layunin nitong panatilihing matatag at maayos ang takbo ng ekonomiya. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyong pananalapi sa ekonomiya. Lumilikom ang mga ito ng malaking pondo upang matustusan ang mga
  • 99. 317 DEPED COPY mamumuhunan. Nagpapautang ang mga ito ng salapi sa mga tao upang patuloy na may makabili ng mga kalakal at serbisyo. Nagsisilbi rin sila bilang tagapamagitan sa mga nais mamuhunan at namumuhunan. Tumutulong din ang mga institusyong ito sa pagtustos at pagsasaayos ng pananalapi. Sa ganitong sistema parehong nakikinabang ang mga namumuhunan at mga nag-iimpok. Pinagkunan: Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). Pilipinas. Department of Education (DepED)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC). Gawain 6: LOGO…LOGO Tukuyin ang ginagampanan at tungkulin ng sumusunod na institusyong pananalaping kinatawan ng mga logo sa ibaba. Piliin ang kabilang sa bangko at hindi bangko. Pinagkunan:y,http://www.imagestock.com/bank-centralbank/asp,http://www.imagestock.com/bank-pbcom/asp, http://www.imagestock. com/bank-metrobank/asp, http://www.imagestock.com/-gsis/asp, http://www.imagestock.com/ -sss/asp, http://www.imagestock.com/ pag-ibig,http://www.imagestock.com/ cooperative, retrieved on August 11, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Paano nagkakaiba ang bangko at di-bangko bilang institusyong pananalapi? 2. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyon ng pananalapi sa lipunan? 3. Ano sa mga institusyon na ito ang pinupuntahan ng inyong inyong pamilya upang makipagtransaksiyon? Ipaliwanag. 4. Gaano kalaki ang naitutulong sa iyo at sa iba pang mamamayan ng mga institusyon na ito? Pangatwiranan. BANGKO HINDI BANGKO
  • 100. 318 DEPED COPY Gawain 7: SAGUTIN MO ‘TO Hanapin sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa hanay A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. A B 1. Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito ay nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng pabahay at iba pa. 2. Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-impok. 3. Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan sa kanayunan. 4. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan. 5. Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang sektor ng agrikultura at industriya, lalo na sa mga programang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya. a. bangkong pagtitipid b. Land Bank of the Philippines c. bangkong komersyal d. Development Bank of the Philippines e. bangkong rural Pinagkunan: www.bsp.gov.ph/banking/2012 retrieved on July 15, 2014 BSP Supervised/Regulated Financial Institutions (2012) TYPE OF FINANCIAL INSTITUTION NUMBER I.BANKS A. Universal and Commercial Banks Expanded Commercial Banks Private Domestic Banks Government Banks Branches of Foreign Banks Non-Expanded Commercial Banks Domestic Banks Subsidiaries of Foreign Banks Branches of Foreign Banks B.Thrift Banks C.Rural and Cooperative Banks Rural Banks Cooperative Banks II. Non-Bank Financial Institutions With Quasi-Banking Functions Without Quasi-BankingFunctions Non-Stock Savings and Loan Association Pawnshops Others III.Offshore Banking Units TOTAL NUMBER 4,231 3,766 448 17 584 76 13 1,545 2,570 167 39 174 16,936 59 5 C. Rural and Cooperative Banks Rural Banks Cooperative Banks
  • 101. 319 DEPED COPY Gawain 8: MAGKUWENTA TAYO Suriin at pag-aralan ang talaan sa itaas. Matapos ito, kuwentahin ang kabuuang bilang ng mga uri ng institusyong pinansiyal. Gumamit ng pie graph upang madaling matukoy ang bilang o bahagdan. Hayaang pagkomparahin ang mga uri ng A, B, at C ayon sa katangian ng mga ito. Bumuo ng sariling kongklusyon ayon sa nakalap na impormasyon. A. Banks B. Non-Bank C. Offshore Banking Unit Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mga uri ng institusyon ng pananalapi ayon sa talaan? 2. Ano ang nagtala ng may pinakamataas na bilang sa mga institusyon ng pananalapi? 3. Ano ang naging batayan sa mga nabuong kongklusyon? Pangatwiranan. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas Bilang tagapangasiwa ng salapi, pautang, at pagbabangko, ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa. Nagpapatupad ito ng mga estratehiya na magsisiguro upang iwasan ang mga suliraning pang-ekonomiya. Ang mga pamamaraan na ginagamit ng BSP upang mapangasiwaan ang suplay ng salapi sa sirkulasyon ay ang sumusunod: Estratehiya Paraan Open Market Operation Ginagamit ng BSP ang securities upang pangasiwaan ang dami ng salapi sa sirkulasyon. Bibili ang BSP kapag nais nito na magdagdag ng salapi sa sirkulasyon at magbebenta naman kapag nais magbawas ng supply sa ekonomiya. Ang securities ay papel na kumakatawan sa mga asset ng bansa at nagsisilbing garantiya sa transaksiyon na ito. Pagtatakda ng Kinakailangang Reserba Bahagi ng operasyon ng mga bangko ang pagtatabi sa bahagi ng idinepositong pera sa kanila at ang nalabing bahagi ay maaaring ipautang upang lumago at kumita. Ang BSP ang nagtatakda ng reserbang itinatabi ng bangko na ginagamit upang makontrol ang dami ng perang lalabas at maaaring ipautang ng mga bangko. Kung ang layunin ng BSP ay magdagdag ng pera sa sirkulasyon, ibababa nito ang kinakailangang reserba ng mga bangko upang mas marami ang ipautang. Ang multiplier effect ay inaasahang makagpapasigla sa ekonomiya. Ngunit kung kinakailangan naman na bawasan ang sobrang dami ng salapi at maiwasan ang implasyon, itinataas ng BSP ang mga kinakailangang reserba ng mga bangko.
  • 102. 320 DEPED COPY Estratehiya Paraan Rediscounting Function Ang mga bangko ay nakahihiram din ng pera sa BSP bilang pandagdag sa kanilang reserba. Discount rate ang tawag sa interes na ipinapataw sa pag-utang ng mga bangko sa BSP. Kapag nais ng BSP na mabawasan ang salapi sa sirkulasyon, itinataas nito ang discount rate. Sa ganitong sitwasyon, iiwas ang mga bangko na manghiram sa BSP at magtago ng mas malaking reserba na lamang kaya hindi madaragdagan ng salapi sa ekonomiya. Ngunit kung nais ng BSP na maging masigla ang ekonomiya, ibinababa nito ang interes ng pagpapautang sa mga bangko. Moral Suasion Sa paraang ito, hinihikayat ng BSP ang mga bangko na gumawa at kumilos ayon sa layunin ng BSP. Ginagawa ito upang mapatatag ang kalagayang pananalapi ng bansa nang hindi gumagamit ng anumang patakaran. Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Gawain 9: I-KONEK MO Muling balikan ang Gawain 3 para sagutan ang ikatlong kahon. Nalaman ko ang patakarang pananalapi ay _________ Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa patakarang pananalapi, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa nang patakarang pananalapi. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa patakarang pananalapi. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa patakarang pananalapi upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.
  • 103. 321 DEPED COPY Gawain10: PAKAISIPIN MO ITO! Basahin ang balita sa ibaba. Suriin at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Usapin tungkol sa pananalapi at pagpapalago ng pera, dapat na ituro sa mga kabataan. Panahon na umano para bigyan ng edukasyon ang mga kabataan tungkol sa usaping pinansiyal at pagpapalago ng kabuhayan, ayon sa isang kongresista. Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara, na hindi sapat na matuto lamang ang mga mag-aaral at kabataan sa pagbibilang. Sa aspeto ng pananalapi, makabubuti umano kung matuturuan din sila kung papaano ito mapapalago. “Mostly, Filipinos grow up without knowledge on how to handle their resources. They know how to count their money, but rarely know how to make it grow,” puna ni Angara, chairman ng House committee on higher and technical education. Dahil dito, inihain ni Angara ang House Bill (HB) No. 490 o ang Financial Literacy Act of 2012, na naglalayong isulong ang financial literacy programs sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ayon sa mambabatas, panahon na para suportahan ang mga kabataan sa usapin ng pananalapi batay na rin sa pinakabagong ulat ng “Fin-Q Survey,” na ang “financial quotient” ng Pinoy ay nagtala ng all-time high na 52.6 points noong 2011. Pagpapakita umano ito na dumadami ang mga Pilipino na nag-iimpok ng pera, namumuhunan at may magandang credit management. “The results of the Fin-Q survey in the Philippines are very encouraging. Of course, there’s still more to cover but we can improve our financial quotient as a country by teaching more of our people how to take charge of their finances and become responsible users of credit,” paliwanag ng kongresista tungkol sa nasabing pag-aaral ng international financial services firm na Citi. Sa mga nagdaang survey, ang Pilipinas umano ay nasa below average sa Asia at malayo sa ibang bansa sa ASEAN. Sa pinakahuling ulat lamang umano nakapagtala ng mataas na marka ang mga Pinoy. “Financial literacy is a must in today’s world if Filipinos would really want to have financial freedom,” ani Angara. “Unfortunately, our school system does not teach our students and youth about money and personal finance. Our schools teach students numerous subjects but they don’t teach them how to handle their own money wisely.” Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaloob ang DepEd ng award grants na hindi hihigit sa Php1 milyon sa mga magpapatupad ng programa tungkol financial literacy courses o components para sa mga mag-aaral. Pinagkunan:http://www.gmanetwork.com/news/story/287676/ulatfilipino/balitangpinoy/usapin-tungkol-sa-pananalapi-at-pagpapalago- ng-pera-dapat-na-ituro-raw-sa-mga-kabataan retrieved on January 14, 2015
  • 104. 322 DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nilalaman ng balita? 2. Sumasang-ayon ka ba sa isinasaad ng balita? Bakit? 3. Sa iyong palagay, kailan ang tamang panahon upang matutuhan ang konseptong tinatalakay sa balita? Pangatwiranan. Gawain 11: QUIET TIME Sa pagkakataong ito sumulat ka ng isang repleksiyon sa patakarang pananalapi bilang isang instrumento sa pagpapatatag ng ekonomiya. Isulat ang repleksiyon sa iyong portfolio. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pinakamahalagang aral ang naitala mo sa iyong repleksiyon? 2. Ano ang dahilan at ito ang aral na higit mong naunawaan? 3. Sa iyong palagay, dapat bang matutuhan din ito ng iba pang kabataan at mamamayan? Bakit oo o hindi? Patunayan. Pumunta sa tanggapan ng inyong lungsod at humingi ng kopya ng badyet ng inyong lungsod o bayan. Kapanayamin din ang pinuno ng lungsod kung paano inihahanda ang badyet at para sa bawat taon. Pag-aralan ang kita, pag-iimpok, pamumuhunan, at implasyon sa nakalipas na limang taon.Maging malikhain sa pag- uulat ng nakalap na impormasyon sa klase. ISABUHAY Matagumpay mong natapos at naisakatuparan ang lahat ng gawain para sa patakarang pananalapi. Ngayon ay mayroon ka ng sariling pamantayan sa nagaganap sa ating ekonomiya. Tayo na sa huling bahagi ng ating aralin.
  • 105. 323 DEPED COPY Rubrik sa Pagmamarka ng Panayam Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Wasto ang lahat ng datos na binanggit sa panayam.Gumamit ng mahigit sa limang sanggunian upang maging makatotohanan at katanggap-tanggap ang mga impormasyon. 6 Pagsusuri Naipakita ang pagsusuri sa opinyon at ideya ng kinakapanayam 5 Mga Tanong Maayos at makabuluhan ang mga tanong.May kaugnayan ang tanong sa bawat isa. 5 Pagkamalikhain Gumamit ng mga visual o video presentation. 4 Kabuuang Puntos 20 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging resulta ng iyong naging survey? 2. Nasiyahan ka ba sa naging resulta? 3. Ano ang iyong naging obserbasyon sa mga naging reaksiyon ng kapwa mo mag-aaral? MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain! Transisyon sa susunod na Modyul Ang patakaran sa pananalapi ay may layuning kontrolin ang suplay ng salapi sa sirkulasyon at ang antas ng interes upang mapanatiling matatag ang presyo. Sa pangunguna ng BSP, ang sistema sa pananalapi at pagbabangko ay maisasaayos para sa katuparan ng layuning mapanatili ang katatagan ng halaga ng piso at presyo. Natapos mo ang talakayan sa makroekonomiks. Sana ay naging malalim ang iyong naging pag-unawa sa mga konseptong nakapaloob dito dahil magagamit mo ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa ekonomiya ng ating bansa. Ang pangkalahatang aksiyon at reaksiyon ng mamamayan, mamumuhunan at pamahalaan, gayundin ng mundo ay nakapagdudulot ng malaking epekto sa takbo ng presyo at produkto sa ating bansa. Mauunawaan mo ang mga bagay na ito kung napag-ugnay-ugnay mo ang mga paksang tinalakay sa loob ng yunit na ito. Kung gayon, masisiguro ko na handa ka ng harapin ang huling yugto ng asignaturang ito na tumatalakay sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Kinakailangan muli ang iyong pag-unawa, pagsusuri, at angking pasensya upang lubos na makilala ang ekonomiya ng bansa. Kaya tayo na!
  • 106. 324 DEPED COPY PANGWAKAS NA PAGTATAYA Piliin ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya B. kita at gastusin ng pamahalaan C. kalakalan sa loob at labas ng bansa D. transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal 2. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa? A. kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho B. kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal C. kapag may pag-angat sa gross domestic product ng bansa D. kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income? A. Expenditure Approach B. Economic Freedom Approach C. Industrial Origin/Value Added Approach D. Income Approach 4. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok? A. Php1,000.00 B. Php2,000.00 C. Php3,000.00 D. Php4,000.00 5. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya? A. deplasyon B. implasyon C. resesyon D. depresyon (K) (K) (K) (K) (K)
  • 107. 325 DEPED COPY 6. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal? A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal. B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal. C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal. D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal. 7. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa? A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal. B. Dahilmagagamititoupangmakabuongmgapatakarangmagpapaangat sa ekonomiya ng bansa. C. Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon. D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. 8. Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto. A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito. B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income. D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income. 9. Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa? A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers. B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo. C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan. D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa. (P) (P) (P) (P)
  • 108. 326 DEPED COPY 10. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao? A. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo. B. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo. C. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa. D. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap. 11. Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong karne ng manok? A. Php 95.00 B. Php100.00 C. Php105.00 D. Php110.00 12. Sa papaanong paraan malulutas ang demand-pull inflation? A. pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon B. pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya C. pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta D. pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya 13. Ang dinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy? A. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok. B. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong kapital sa negosyo. C. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao. D. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko. 14. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito? A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig. B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin. C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan. D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. (U) (U) (P) (P) (P)
  • 109. 327 DEPED COPY 15. Si Mr. Chen, isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita? A. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito. B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita. C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita. D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita 16. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph? PHILIPPINE GROSS NATIONAL INCOME & GROSS DOMESTIC PRODUCT At Current Prices, In Million Pesos 16,000,000 14,000,000 Legend: 12,000,000 Gross Domestic Product 10,000,000 Gross National Income 8,000,000 6,000,000 4,000,000 2,000,000 0 2012 2013 Pinagmulan: Philippine Statistics Authority A. Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kompara sa Gross National Income nito. B. Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012 kompara sa taong 2013. C. Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong 2012 kompara sa taong 2013. D. Mas malaki ang Gross National Income kompara sa Gross Domestic Product sa parehong taon. 17. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang? A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi. B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga. C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon. D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan. (U) (U) (U)
  • 110. 328 DEPED COPY 18. Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph. A. Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. B. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili. C. Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo. D. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo. 19. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon? A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo. D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan. 20. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin? A. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki. B. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki. C. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo. D. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo. (U) (U) (U) P AS Q Php 120 Php 100 AD1 40 50 AD2