Ang materyal na ito ay inilaan upang gabayan ang mga guro sa pagtuturo at suportahan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng MATATAG K to 10 Kurikulum. Layunin nitong magsilbing batayan sa epektibong paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto na inaasahan sa bawat aralin.
Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa pakikipagtulungan sa Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. (FILCOLS), ay nagsisigurong alinsunod sa Republic Act No. 8047 ang pagbuo at paglilisensya ng mga kagamitang pampagkatuto para sa mga pampublikong paaralan. Ang FILCOLS, bilang opisyal na kinikilalang kolektibong organisasyong namamahala sa karapatang-ari para sa sektor ng teksto at larawan, ay nangangasiwa, naglilisensya, at nagpapatupad ng mga karapatan sa pagpaparami ng mga akda sa ngalan ng mga may-akda, tagapaglathala, at iba pang may hawak ng karapatang-ari.
Sa ilalim ng isang hindi eksklusibong kasunduan sa paglilisensya, ang FILCOLS ay nagkakaloob ng pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon na muling gamitin ang mga may copyright na akda sa pagbuo ng mga kagamitang pampagkatuto, na may kaukulang maliit na bayad. Napakahalaga ng pakikipagtulungang ito upang matiyak ang patuloy na akses ng mga mag-aaral sa mga kagamitan para sa pagkatuto, lalo na sa mga pagkakataong may pagkasira o pagkawala ng mga aklat dahil sa mga sakuna.
Tanging ang mga institusyon at entidad na may kasunduan sa FILCOLS ang may pahintulot na magparami ng mga materyal na ito. Ang sinumang hindi awtorisadong partido ay kailangang humingi ng direktang pahintulot mula sa mga may hawak ng karapatang-ari. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang www.filcols.org o magpadala ng email sa filcols@gmail.com.
Walang bahagi ng materyal na ito, kabilang ang orihinal at hiniram nitong nilalaman, ang maaaring kopyahin sa anumang anyo nang walang pasulat na pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon.
Sinikap na matiyak ang kawastuhan ng mga impormasyong nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaaring sumangguni sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numerong (02) 8634-1072 / 8631-6922 o pagpapadala ng email sa blr.od@deped.gov.ph.
Mula sa Kagawaran ng Edukasyon, isang taos-pusong pasasalamat sa United States Agency for International Development at RTI International sa pamamagitan ng ABC+ Project, pati na rin sa UNICEF, para sa kanilang suporta at pagbibigay ng teknikal na tulong sa pagbuo ng mga kagamitang pangpagkatuto para sa MATATAG Kurikulum