SlideShare a Scribd company logo
3
Most read
11
Most read
19
Most read
VALUES EDUCATION/ IKATLONG KUWARTER / BAITANG 7
NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN
A. Mga Pamantayang
Pangnilalaman
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa wastong paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang
kapuwa.
B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang
ang kapuwa upang malinang ang pagiging matipid.
C. Mga Kasanayan at Layuning
Pampagkatuto Naisasabuhay ang pagiging matipid sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa na pahalagahan
ang tubig at enerhiya sa lahat ng oras.
a. Nakapagbibigay ng mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang
kapuwa.
b. Nakakapagpahalaga sa wastong paggamit ng tubig atenerhiya katuwang ang kapwa.
c. Naisasakilos ang mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa.
D. Lilinanging Pagpapahalaga
(Values to be Developed)
Matipid (Thrifty)
E. Nilalaman Wastong Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa
a. Mga Wastong Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa Bilang Pagganap sa
Tungkulin ng Pangangalaga sa mga Ito
b. Pagsasakilos ng mga Hakbang sa Tamang Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang
Kapuwa
F. Integrasyon
• Environmental Stewardship
• Batas
• SDG# 6: Clean Water and Sanitation
• SDG# 7: Affordable and Clean Energy
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
Energy Department of Australia (2018). Filipino: Isang Patnubay sa Nangungupahan para sa Pagtitipid ng Enerhiya at Tubig.
Energy.gov.au. https://www.energy.gov.au/publications/filipino-isang-patnubay-sa-nangungupahan-para-sa-pagtitipid-ng-
enerhiyatubig
1
Energy Efficiency & Renewable Energy (w.p.). Energy Efficiency. Environmental and Energy Study Institute (EESI).
https://www.eesi.org/topics/energyefficiency/description#:~:text=Energy%20efficiency%20simply%20means%20using,household
%20and%20economy%2Dwide%20level. MCE Clean Energy (2021). Energy vs. Electricity: What's the Difference?
https://www.mcecleanenergy.org/tl/mce-news/energy-vselectricity-whats-the-difference/
Metropolitan Waterworks and Sewerage System (2020). Ang Wastong Paggamit ng Tubig ay Nagsisimula sa Nags Simula ating Lahat.
https://ro.mwss.gov.ph/ang-wastong-paggamit-ng-tubig-ay-nagsisimula-sa-sa-ating-lahat/
Villanueva, V. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa
Pagpapakatao, at Filipino). VMV Publishing House.
Staircase [Online image] (n.d). Clipart Library. https://clipart-library.com/clipart/rijGj9KjT.html
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO
2
A. Pagkuha ng
Dating
Kaalaman
UNANG ARAW
I. Maikling Balik-aral
MAG-ISIP, BAGO MAGSALITA
Ito ay isang gawaing lumilinang sa kakayahan ng mag-aaral na mag-
isip nang malalim hinggil sa isang paksa at pagkatapos ay
hihikayating ibahagi o pagsalitain sila upang higit na maipakita ang
kasanayan sa nasabing paksa. Hakbang sa Pagsasakatuparan:
1. Bumuo ng mga tanong at iba pang gawain na tiyak mapag-iisip at
mapagninilay ang mga mag-aaral.
2. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na sandaling tumahimik at
huminto sa lahat ng kanilang ginagawa.
3. Gumamit ng tunog ng anomang bagay sa kukuha sa atensiyon ng
mga-aaral at patunugin ito mula malakas papahina. Sa paghinto
nito ay maaaring tumawag ng mag-aaral na magpapahayag ng
kasagutan.
Mga halimbawa ng mga katanungan base sa naunang napag-aralan:
1. Ano ang paglilingkod sa kapuwa? Magbigay ng halimbawa.
2. Paano makapaglilingkod ng epektibo sa kapuwa gabay ang sariling
pananampalataya?
Ito ay isang modelong banghay-
aralin lamang. Maaaring baguhin ng
guro ang mga gawain na naaayon sa
kasanayan na dapat malinang, sa
kakayahan ng kaniyang mag-aaral,
at sa oras na nakalaan sa aralin.
MAG-ISIP, BAGO MAGSALITA
Mahalagang maiproseso ng guro ang
anomang kasagutan at
interpretasyon ng mga mag-aaral.
3. Ano ang pagkukusang gumawa ng kabutihan? Magbigay ng
halimbawa.
4. Ano ang mga paraan ng pagpapakita ng pagmamalakasit sa
kapuwa?
5. Ano ang mga nagawa mo sa iyong kapuwa na nasabi mong
nakapagsilbi ka rin sa Diyos?
Sa nakaraang aralin ay nakapagsasanay kayo sa pagiging
mapagmalasakit sa kapuwa sa pamamagitan ng paglilingkod sa
kapuwa batay sa inyong pananampalataya. Ngayong linggo ay ilalapat
naman ninyo ang pagpapahalaga ng pagmamalasakit sa kalikasan sa
pamamagitan ng pagtitipid sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng
tubig at kuryente.
3
B. Paglalahad ng
Layunin 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin HANAP,
USAP, KALAP
2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
Ipakita ang mga salita sa mag-aaral at tanungin sila tungkol sa
kanilang mga nalalaman o nauunawaan sa mga ito.
Gawain 1: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
HANAP, USAP, KALAP Hayaan ang
mga mag-aaral na hanapin ang
kanilang mga kapareha. Sa ganitong
paraan, nahahasa ang
ENERHIYA
1.__________________________________________________
____________________________________________________
PAGTITIPID
2.__________________________________________________
____________________________________________________
TUBIG
3.__________________________________________________
____________________________________________________
kanilang husay sa pagtatanong at
komunikasyon.
Sa bawat katanungan o kategorya,
bigyan ng pagkakataon ang mga
magaaral na malayang makapag-
usapusap sa loob ng kanilang
pangkat. Maaari pang magdagdag
ng mas maraming katanungan o
kategorya na naaayon sa paksang
tatalakayin.
Paghawan ng Bokabolaryo sa
Nilalaman ng Aralin
Tiyakin ng guro na mabubuo
ang ugnayan ng mga salita sa
Gawain para iugnay sa aralin.
Bokabolaryo
Enerhiya - Ang enerhiya ay ang
kakayahang gumawa ng trabaho at
4
maaaring umiral sa iba't ibang anyo
tulad ng mekanikal, ilaw, kemikal, at
elektrikal. Ito ay maaaring magmula
sa iba't ibang pinagmulan tulad ng
pagsusunog ng kahoy para sa init,
pagsusunog ng gasolina para sa
transportasyon, o pag-ikot ng mga
turbine para sa pagbuo ng kuryente.
Pagtitipid – ito ay ang gawain ng
wastong paggamit ng tubig at
enerhiya sa mga mapanagot na
paraan upang mabawasan ang
pagaaksaya at mapanatili ang sapat
na suplay.
Tubig - isang likas na yaman na
may malalim na koneksiyon sa
kalikasan at buhay ng tao.
Paglinang at
Pagpapalalim
Kaugnay na Paksa 1: Mga Wastong Paggamit ng Tubig at Enerhiya
Katuwang ang Kapuwa Bilang Pagganap sa Tungkulin ng Pangangalaga
sa mga Ito
I. Pagproseso ng Pag-unawa
Wastong Paggamit ng Tubig
Ang pagtitipid ng tubig ay naglalarawan ng isang mahalagang bahagi
ng pangangalaga sa ating kalikasan at pamumuhay. Sa gitna ng
patuloy na pag-unlad ng populasyon, urbanisasyon, at
industriyalisasyon, naging mas kritikal ang pangangailangan na
maunawaan at maisakatuparan ang mga hakbang tungo sa wastong
paggamit ng tubig. Sa pagsusuri sa mga aspekto ng pagtitipid ng
tubig, hindi lamang natin napapanatili ang kahalagahan ng likas na
yaman kundi pati na rin ang pangkalahatang kaginhawaan at
kasiglahan ng lipunan. Ayon sa Calbayog Water, ang wastong
paggamit ng tubig ay nagsisimula sa ating lahat. Maging responsable
at wais tayo sa paggamit ng tubig upang mapangalagaan at mapanatili
natin ang
Mahalagang paalala:
May mga salita o terminolohiya na
maaaring hindi pamilyar sa mga
magaaral. Siguraduhin ng guro na
mabigyan ng kahulugan at linaw ang
mga ito.
Link para sa mga karagdagang
kaalaman:
Save H2O with MWSS RO
https://www.facebook.com/media/se
t/?set=a.3149852635033343&type=3
Water Footprint Calculator:
https://www.watercalculator.org/
5
pagdaloy nito. “Water is not infinite; let’s do everything we can to
conserve it.”
Mga Paraan ng Pagtitipid ng Tubig
1. Piliin ang mainam gumamit ng tubig na kasangkapan.
Sa pagbili ng kasangkapan o kagamitan, tuklasin ang mga modelo
na matipid gumamit ng tubig. I-check ang grado ng Water Efficiency
Labelling and Standards (WELS).
2. Ayusin ang tumutulong gripo.
Ipaayos agad ang tumutulong gripo upang makatipid sa tubig.
Maglagay ng aerator para sa limitadong daloy ng tubig.
3. Palitan ang showerhead na malakas gumamit ng tubig.
Kung ang showerhead ay malakas kumunsumo ng tubig, palitan ito
ng modelong mainam gumamit ng tubig.
4. Gamitin ng tama ang dual-flush toilet.
Sa paggamit ng dual-flush toilet, pumili ng half-flush kung angkop.
Kung single-flush toilet, pag-isipang magpalit sa dual-flush model
dahil ito ay makapagtitipid ng 55 litro kada tao araw-araw o
paglagay ng water displacement device (pamalit-tubig) o maglagay
ng isang plastik na bote na puno ng tubig sa cistern upang
mabawasan ang kapasidad na tubig nito.
5. Bawasan ang paggamit ng tubig sa hardin.
Ang tradisyonal na berdeng damuhan sa hardin ay nakakagamit ng
hanggang 90% ng tubig. Para mabawasan ito, i-set ang mower na
magtabas ng 4 na sentimetro o mas mataas. Pababain din ang
paggamit ng tubig sa hardin sa pamamagitan ng maayos na
pagdidilig at pagpili ng mga produktong mainam gumamit ng tubig.
Mahusay na Paggamit ng Enerhiya
Ang energy efficiency o mahusay na paggamit ng enerhiya ay
simpleng nangangahulugang paggamit ng mas kaunting enerhiya
upang gawin ang parehong gawain - ibig sabihin, pagpigil ng pag-
aaksaya ng enerhiya. Ang energy efficiency ay nagdadala ng iba't
ibang mga
SDG#6: Clean Water and Sanitation
https://www.un.org/sustainabledevel
opment/water-and-sanitation/
RA 9275 – The Philippine Clean Water Act
of 2004
https://r12.emb.gov.ph/ra-9275-
thephilippine-clean-wateract/
#:~:text=The%20Philippine%20Cl ean
%20Water%20Act%20of%202004
%20(Republic%20Act%20No,and%20c
ommunity%2Fhousehold%20activities
).
6
7
benepisyo tulad ng pagbawas ng emisyon ng greenhouse gases,
pagbaba ng pangangailangan para sa importasyon ng enerhiya, at
pagpapababa ng gastos sa kabahayan at sa buong ekonomiya.
Bagamat ang mga teknolohiyang renewable energy ay nakakatulong
din sa pagtatamo ng mga layuning ito, ang pagpapabuti ng energy
efficiency ay ang pinakamura at kadalasang pinakamabilis na paraan
upang mabawasan ang paggamit ng fossil fuels. May malalaking
pagkakataon para sa mga pagpapabuti ng paggamit sa bawat sektor
ng ekonomiya, maging ito sa mga gusali, transportasyon, industriya, o
sa mga pinagmumulan ng enerhiya. Narito ang ilang mga ideya sa
wastong pagtitipid ng enerhiya.
1. Mga Kasangkapan na Mainam Gumamit ng Enerhiya
Pumili ng mga kasangkapan na may mainam na paggamit ng
enerhiya, dahil ang mga ito ang nagreresulta sa hanggang 30% ng
total na enerhiyang ginagamit sa bahay. Ang pagpili ng tamang klase
at paggamit ng mga kasangkapan ay makakatulong sa malaking
pagtitipid sa enerhiya at mas mababang bayarin. Kapag bumibili ng
bagong kasangkapan, tuklasin ang Energy Rating Label para malaman
kung gaano ito kahusay sa paggamit ng enerhiya – mas mataas ang
bilang ng stars, mas malaki ang matitipid na enerhiya at pera.
2. Pagkontrol ng Temperatura
Kahit ang simpleng pag-adjust ng thermostat ng kahit isang degree
pataas o pababa ay maaaring magresulta sa 5-10% na pagbawas sa
enerhiyang ginagamit. Kapag gumagamit ng air conditioner o heater,
siguruhing isara ang mga kuwartong hindi ginagamit sa pamamagitan
ng pagsasara ng mga pintuan at bintana sa bahay.
3. Pagbabara ng Puwang at Bitak
Ang draught-proofing ng tahanan, o pagpapabara sa paglabas ng
hangin sa mga puwang at bitak ay maaaring magdulot ng pagbawas
ng singil sa enerhiya ng hanggang 25%. Ito ay maaaring gawin sa
pamamagitan ng paggamit ng draught stopper na puno ng buhangin
sa ilalim ng pintuan at paggamit ng weather seal sa iba't ibang bahagi
ng bahay, tulad ng
SDG#7: Affordable and Clean Energy
https://www.un.org/sustainabledevel
opment/energy/
RA 11285 - The Energy Efficiency and
Conservation Act
https://pinoybuilders.ph/
explainingra-11285-what-is-the-
energyefficiency-and-conservation-act/
Karagdagang impormasyon kung
paano makatipid sa kuryente
https://ph.theasianparent.com/paan
o-makatipid-sa-kuryente
8
bintana, sahig, skirting board, skylight, at cornice. Maigi ang
makipagalam sa inyong kasero bago maglagay ng anomang weather
seal.
4. Paggamit ng Bintana
Iwasan ang pagkawala ng init sa pamamagitan ng paghahakab ng mga
kurtina at blind sa tabi ng bintana upang pigilan ang di kumikilos na
hangin. Maaari ring buksan ang mga kurtina sa taglamig upang
makapasok ang sikat ng araw, at isara bago magdilim. Sa tag-init,
maganda rin na isara ang mga kurtina sa pinakamainit na oras ng
araw. 5. Paggamit ng Bentilador
Ang mga bentilador sa kisame at pedestal ay cost-effective sa halagang
isang sentimo kada oras ng operasyon at mas kaunting greenhouse
gas emissions kumpara sa mga air-conditioner. Ang mga bentilador ay
nagbibigay ng epekto sa pagpapalabas ng hangin at maaaring
mapakinabangan sa pampalamig ng hangin at sa pagpapaikot ng
mainit na hangin na nagdadala ng mga benepisyo lalo na sa taglamig.
6. Pagpapalit sa Ilaw
Mga 12% ng enerhiyang ginagamit sa tahanan ay napupunta sa
pagiilaw. Sa pagpapalit sa mga energy-efficient na ilaw at tamang
paggamit nito, maaaring makamit ang kalahati ng pagbawas sa gastos
sa pagiilaw. Ang pag-switch mula sa lumang incandescent bulbs
papunta sa compact fluorescent lamps (CFL) o light emitting diode (LED)
ay epektibong paraan ng pagtitipid sa enerhiya. Ang CFL ay
gumagamit ng 20% lamang ng enerhiya ng incandescent bulb at may
mas mahaba pang itinatagal, mula 4 hanggang 10 beses.
7. Standby Power
Maraming kasangkapan at aparato, tulad ng phone charger, game
console, microwave oven, at stereo, ay patuloy na gumagamit ng
enerhiya kahit hindi ginagamit. Ang standby power na ito ay
nagreresulta sa 10% ng kabuoang kuryente na ginagamit sa bahay.
Ang pagpatay ng switch pagkatapos gamitin ay makatutulong sa
pagbawas ng paggamit ng
9
enerhiya at sa iyong singil sa kuryente, lalo na kung mayroon itong
maliit na standby na ilaw o orasan.
8. Mga Fridge at Freezer
Ang optimal na temperatura para sa fridge ay 3 hanggang 5°C,
samantalang para sa freezer ay minus 15 hanggang minus 18°C. Ang
bawat degree na pagbaba ay nangangailangan ng karagdagang 5% na
enerhiya. Pabutihin ang kahusayan ng fridge at freezer sa
pamamagitan ng pagtanggal ng anomang frost sa freezer at pag-iwan
ng puwang na 58 sentimetro para sa bentilasyon. Kung may
pangalawang fridge para sa pag-aaliw, paandarin lamang ito kapag
kinakailangan.
9. Paglalaba at Pagpapatuyo ng Damit
Sa paglalaba gamit ang makina, magtipid ng enerhiya sa pamamagitan
ng paggamit ng malamig na tubig, pinakamaikling cycle, pag-aakma ng
taas ng tubig sa dami ng nilalabhan, at paghihintay ng sapat na dami
ng damit para sa isang labahan. Magpatuyo ng mga damit sa
sampayan kaysa sa de-kuryenteng pangtuyo — ito ay mas cost-
effective.
2. Pinatnubayang Pagsasanay
PAGTITIPID NGAYON, MASAGANANG BUKAS ANG LAYON
3. Paglalapat at Pag-uugnay Proyektong
Pangkomunidad
IKALAWANG ARAW
Kaugnay na Paksa 2: Pagsasakilos ng mga Hakbang sa Tamang
Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa
I. Pagproseso ng Pag-unawa
Ang tamang paggamit ng tubig at enerhiya, katuwang ang kapuwa, ay
hindi lamang isang kilos na naglalabas ng prinsipyo ng responsibilidad
at pangangalaga sa kalikasan, kundi isang pagganap sa tungkulin na
may malalim na implikasyon sa kabuoang kaayusan ng ating lipunan
Gawain 2: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
Gawain 3: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
Proyektong Pangkomunidad
Inaasahang magiging malikhain
ang mag-aaral sa pagbabahagi ng
kanilang awtput.
Maaari itong gawin na takdang-aralin
kung kakapusin sa oras.
10
at ekosistema at kapaligiran. May kaugnayan ito sa perspektibo ng
environmental stewardship. Ito ay isang konsepto na naglalayong
pangalagaan at pangasiwaan ang kalikasan at ang mga likas na
yaman
11
para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon. Sa
pagtutok nito sa pagtitipid ng tubig at enerhiya, maaari itong
maisakatuparan sa pamamagitan ng mga sumusunod na
hakbang:
1. Responsibilidad at Pangangalaga
Ito ay isang aktibong pagsanib ng pagmamalasakit sa kapuwa
at kalikasan. Ang pagtitipid sa tubig at mahusay na paggamit
ng enerhiya ay hindi lamang para sa sariling interes kundi
para sa kapakanan ng lahat. Sa pagiging responsable sa
paggamit ng likas na yaman, ipinapakita natin ang ating pag-
unawa sa limitadong mapagkukunan or scarce resource ng
kalikasan at ang pangangailangan ngayon na mapanatili ito
para sa mga susunod na henerasyon.
2. Pakikipagtulungan at Pakikilahok
Ito ay isang anyo ng pakikipagtulungan at pakikilahok. Sa
pamamagitan ng kolektibong pagsusumikap na magkaroon ng
tamang paggamit ng tubig at enerhiya, masasabi nating
nagiging bahagi tayo ng isang komunidad na may iisang
layunin. Ang pagtutulungan at pakikilahok sa pagtitipid ay
nagbubukas ng pintuan para sa mas malawakang pagunlad
at pagbabago sa kabuoang sistema ng pamamahagi ng likas
na yaman.
3. Edukasyon at Kamalayan
Ito ay nagbibigay-daan sa edukasyon at kamalayan. Sa
pagpapahalaga sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya,
isinusulong natin ang kahalagahan ng edukasyon tungkol sa
pangangalaga sa kalikasan. Ang pagbibigay ng impormasyon
sa kapuwa ay nagiging daan upang maging mas maalam at
makialam sa isyu ng epekto ng tao sa kalikasan.
4. Pakikibahagi sa Kabuoang Layunin
Ang tamang paggamit ng tubig at enerhiya, katuwang ang
kapuwa, ay pagtanaw sa pangangalaga ng likas na yaman
bilang bahagi ng ating kabuoang layunin. Hindi lang ito isang
Mga link para sa karagdagang kaalaman:
Environmental Stewarship:
https://resiliencei.com/blog/thebenefits-of-
environmentalstewardship
To Be a Christian Steward
A Summary of the U.S. Bishops' Pastoral Letter on
Stewardship https://www.usccb.org/committees/
evangelizationcatechesis/stewardship#:~:text=As
%2 0Christian%20stewards%2C%20we%
20receive,with%20increase%20to%20 the%20Lord.
SDG#6: Clean Water and Sanitation
https://www.un.org/sustainabledevel
opment/water-and-sanitation/
RA 9275 – The Philippine Clean Water Act of 2004
https://r12.emb.gov.ph/ra-9275-thephilippine-
clean-wateract/#:~:text=The%20Philippine%20Cl
ean%20Water%20Act%20of%202004
%20(Republic%20Act%20No,and%20c ommunity
%2Fhousehold%20activities
).
SDG#7: Affordable and Clean Energy
12
teknikal na gawain, kundi isang pagtalima sa
pangangailangan ng panahon na maging maalam at makialam
sa mga isyung naglalabas ng pag-unlad at pagsasakripisyo
para sa ikabubuti ng lahat. Sa harap ng mas mataas na
pangangailangan sa enerhiya at ang lumalalang epekto ng climate
change, ang pagpapahalaga sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya
ay naging kritikal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi lamang
ito nagbubunga ng pangmatagalang benepisyo sa kalikasan kundi
naglalayong bumuo ng masinop na pamamahala sa ating likas na
yaman. Ang pagbabahagi ng responsibilidad at pagsasakilos ng bawat
isa para sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya ay naglalayong
palakasin ang pagkakaisa sa komunidad, nagbibigay-halaga sa
kapuwa, at nagtataguyod ng pangangalaga sa kinabukasan ng ating
planeta. 5. Pamumuhunan sa Epektibong Sistemang Tubig at
Enerhiya Maglaan ng pondo para sa pag-unlad at pagpapabuti ng
mga sistema ng suplay ng tubig at enerhiya. Kabilang dito ang
pagpapalit ng mga lumang kagamitan na mas mababa sa enerhiya at
tubig ang kinakailangan.
6. Paggamit ng Teknolohiya para sa Pagtitipid
Gumamit ng mga teknolohiyang nakakatulong sa pagtitipid ng tubig at
enerhiya. Halimbawa nito ang smart meters para sa mas mabisa at
masusing pag-monitor ng paggamit ng tubig at kuryente.
7. Pagpapaunlad ng mga Green Spaces
Itaguyod ang pagtatanim ng mga puno at pagpapaganda ng mga green
spaces. Ang mga puno ay makakatulong sa natural na pagmumulan
ng hangin at pagkakaroon ng malamig na lugar na nagbibigay-daan
upang mabawasan ang pangangailangan sa enerhiya para sa air
conditioning.
8. Pagsusulong ng Water Recycling at Rainwater Harvesting
Magkaroon ng mga sistema ng recycling ng tubig at rainwater
harvesting. Ang ganitong mga sistema ay maaaring makatulong sa
https://www.un.org/sustainabledevel
opment/energy/
RA 11285 - The Energy Efficiency and
Conservation Act
https://pinoybuilders.ph/
explainingra-11285-what-is-the-
energyefficiency-and-conservation-act/
Gawain 4: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
Gawain 5: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
Gawain 6: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
13
pagtitipid ng tubig sa pang-araw-araw na gawain at pag-aani ng tubig
mula sa ulan para sa irigasyon at iba pang pangangailangan.
9. Pagtutok sa Sustainable Practices
14
Itaguyod ang mga sustainable practices sa paggamit ng enerhiya, tulad ng
paggamit ng solar at wind power, at paghikayat sa mga komunidad na
pumili ng mga environmentally-friendly na appliances at kagamitan. Sa
pagpapatupad ng mga hakbang na ito, ang konsepto ng environmental
stewardship ay maipapakita sa pang-araw-araw na buhay ng komunidad,
na may layuning mapanatili at mapalago ang kalikasan para sa mga
hinaharap na henerasyon.
10. Pagtaguyod sa mga Batas/Panukala na Nangangalaga sa mga Likas
na Yaman o Pinagkukunan ng Enerhiya at Tamang Paggamit ng mga
Ito
Ang pagtaguyod sa mga batas o panukala na may kaugnayan sa pagtitipid
ng tubig at enerhiya ay naglalayong pagtibayin ang pundasyon ng isang
mas sustenable, maunlad, at ligtas na lipunan. Ito'y hindi lamang para sa
kasalukuyan kundi maging para sa mas maganda at mas mapayapang
hinaharap. Upang maisakilos ang mga hakbang para sa tamang paggamit
ng tubig at enerhiya, maaaring bigyang-pansin ang sumusunod na
hakbang:
1. Pagsasagawa ng Konsultasyon sa Komunidad
• Mag-organisa ng pulong o konsultasyon sa komunidad upang
malaman ang mga pangangailangan at isyu ng mga tao hinggil sa tubig
at enerhiya.
• Makinig sa kanilang mga opinyon at suhestiyon upang makuha ang
kanilang suporta.
2. Pagbuo ng Layunin at mga Plano
• Kasama ang komunidad, bumuo ng mga layunin at plano para sa
wastong paggamit ng tubig at enerhiya.
• Magkaroon ng mga proyektong pangkalahatan na makatutulong sa
pagpapabuti ng paggamit ng mga ito.
3. Pamumuno at Pagbibigay-Halimbawa
• Manguna sa pagpapakita ng magandang halimbawa sa pamamagitan
ng personal na pagtutok sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya.
• Maging inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng responsableng paggamit
ng mga ito.
15
4. Edukasyon sa Komunidad
• Maglaan ng mga edukasyonal na aktibidad, tulad ng seminar at
workshop, upang magbigay ng kaalaman sa komunidad hinggil sa
tamang paggamit ng tubig at enerhiya.
• Gamitin ang mga simpleng termino at halimbawa para madaling
maunawaan ng lahat.
5. Pagbuo ng Kampanya
• Itaguyod ang kampanya sa pamamagitan ng iba't ibang paraan
tulad ng pagpapaskil, pagdaraos ng advocacy events, o paggamit ng
social media.
• Gumamit ng mga slogan at mensahe na pupukaw sa damdamin ng
mga tao upang mahikayat sila na maging responsable sa paggamit
ng tubig at enerhiya.
6. Pagtutok sa mga Proyekto
• Pagtuunan ng pansin ang mga proyektong naglalayong mapabuti
ang paggamit ng tubig at enerhiya sa komunidad.
• Isama ang mga miyembro ng komunidad sa pagpaplano at
implementasyon ng mga proyektong ito.
7. Pakikipagtulungan sa mga Eksperto
• Makipagtulungan sa mga eksperto sa larangan ng tubig at enerhiya
upang makakuha ng masusing gabay at suporta.
• Ang pakikipagtulungan ay makatutulong sa mas maayos na
pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga hakbang.
8. Pagbibigay Incentives
• Magbigay ng mga insentibo o premyo para sa mga indibidwal o
grupo sa komunidad na nakakamit ang mga layunin ng tamang
paggamit ng tubig at enerhiya.
• Ang mga incentives ay maaaring magbigay inspirasyon at
motibasyon sa iba pang kasapi ng komunidad.
9. Regular na Pagsubaybaybay at Ebalwasyon
• Magkaroon ng sistema ng regular na pagmomonitor at pagsusuri
upang matukoy ang progreso at mga aspekto na maaaring
mapabuti.
• Itakda ang mga bagong layunin kung kinakailangan para sa mas
16
mahusay na implementasyon.
IKATLONG ARAW
II. Pinatnubayang Pagsasanay Pinagkaisang Puwersa
IKAAPAT NA ARAW
III. Paglalapat at Pag-uugnay
Kampanya para sa Pagtitipid ng Tubig at
Enerhiya Mga link para sa karagdagang kaalaman:
Engaging Communities in Climate Action
https://www.tpximpact.com/knowledge-hub/our-work/
engagingcommunities-in-climate-action/
The Importance of Community Engagement in Water Solutions for
Disasters
https://energy5.com/the-importance-of-community-engagement-
inwater-solutions-for-disasters
Gawing takdang-aralin kung wala ng sapat na oras para gawin pa ito.
Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto
PAAKYAT SA KARUNUNGAN
2. Pagninilay sa Pagkatuto
Personal Pledge: Pangako Tungo sa Pagtitipid sa Tubig at Enerhiya
Gawain 7: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
Gawain 8: Tingnan ang worksheet
para sa aktibidad na gagawin ng
mga mag-aaral
IV. EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO
17
A. Pagtataya Pagsusulit
Tama o Mali: Bilugan ang "T" kung Tama ang pahayag at "M" kung Mali. (1
puntos bawat tanong)
1. [T/M] Ang pangangalaga sa tubig ay hindi na kailangan dahil marami pa ito.
2. [T/M] Ang wastong paggamit ng tubig ay walang kaugnayan sa
pangkalahatang kaginhawaan at kasiglahan ng lipunan.
3. [T/M] Ang Water Efficiency Labelling and Standards (WELS) ay dapat
ikonsidera sa pagbili ng kasangkapan.
4. [T/M] Ang pagpapalit ng malakas na kumukonsumong showerhead ay
makakatipid ng tubig.
Sagot:
1. M
2. M
3. T 4. T
5. T
6. M 7. M 8. M
9. M
5. [T/M] Ang pagtitipid ng enerhiya ay nagdudulot ng pagbawas ng greenhouse
gases at pagpapababa ng gastos.
6. [T/M] Ang Energy Rating Label ay hindi mahalaga sa pagbili ng
kasangkapan.
7. [T/M] Ang pag-switch mula sa incandescent bulbs papunta sa CFL o LED ay
hindi epektibong paraan ng pagtitipid sa enerhiya.
8. [T/M] Ang paglalaba at pagpapatuyo ng damit sa de-kuryenteng pangtuyo ay
mas cost-effective kaysa sa pagpatuyo sa sampayan.
9. [T/M] Ang pagtitipid sa tubig at mahusay na paggamit ng enerhiya ay
nagpapakita lamang ng interes ng bawat isa para sa sariling
kapakinabangan.
10.[T/M] Ang responsibilidad sa paggamit ng likas na yaman ay ipinapakita
lamang sa sariling pangangailangan at minsan sa kapakanan din ng iba.
11.[T/M] Ang edukasyon tungkol sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya ay
nagbibigay-daan sa mas maalam na lipunan.
12.[T/M] Ang pag-organisa ng pulong sa komunidad ay nagbibigay-daan para sa
partisipasyon at suporta ng mga tao sa programa.
13.[T/M] Ang pagtuon sa mga kapakipakinabang na proyekto ay nagpapakita ng
kongkretong hakbang para sa pagpapabuti ng paggamit ng tubig at enerhiya.
14.[T/M] Ang pagbibigay ng insentibo ay hindi dapat kailanman gawing
motibasyon sa pagtupad ng mga proyekto.
15.[T/M] Ang regular na pagmomonitor at pagsusuri ay mahalaga para sa
10. M
11. T 12. T
13.T
14.M
15.T
18
pagpapahalaga at pagpaplano ng mga hakbang.
Pagtatala: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan sa sumusunod na mga aytem.
1 – 5. Paraan ng Pagtitipid ng Tubig
6-10. Wastong Pagtitipid ng Enerhiya
Sanaysay:
Bakit mahalaga ang magtipid ng tubig at enerhiya? Ano ang dulot nito sa
personal na pag-unlad, sa pamilya, sa paaralan, at sa komunidad?
Pamantayan Napakahusa
y (10
puntos)
Mahusay (8
puntos)
Katamtaman
ang Husay (6
puntos)
Nangangailangan
ng Pagsasanay o
Papaunlad (4
puntos)
Pagkabuo o
Organisasyon
Napakahusa
y na nabuo
ang
Mahusay na
nabuo ang
sanaysay na
Nakabuo ng
sanaysay
subalit
Nangangailangan
ng kasanayan sa
Maaaring ikonsidera ang
mga praktikal na
kasaguutan ng mga mag-
aaral.
19
sanaysay na
nakikitaan ng
kumpletong
bahagi nito.
nakikitaan ng
kumpletong
bahagi nito.
kulang ang
mga bahagi
nito.
pagbuo ng
sanaysay.
Nilalaman Nakitaan ng
kumpletong
datos o
impormasyo
n tungkol sa
paksa mula sa
mga
mapagkakati
walaang
sanggunian.
Nakitaan ng
datos o
impormasyo n
tungkol sa
paksa
mula sa iilang
mapagkakat
iwalaang
sanggunian.
Nakitaan ng
datos o
impormasyon
tungkol sa
paksa subalit
kulang sa
mapagkakati
walaang
sanggunian.
Nangangailangan
ng kasanayan sa
paglalahad ng
kompletong datos o
impormasyon
tungkol sa paksa.
Pagpapahay
a
g
Buong husay
ang
pagpapahaya g
ng sanaysay.
Mahusay ang
pagpapahay ag
ng sanaysay.
Naipahayag
ang sanaysay.
Nangangailangan
ng kasanayan sa
pagpapahayag ng
sanaysay.
Teknikal/
Gra matikal
na Aspekto
Napakahusa
y na nasunod
at
naisaalangalan
g ang mga
teknikal/gra
matikal na
aspekto sa
pagpapahaya g
ng sanaysay.
Mahusay na
nasunod at
naisaalangalan
g ang mga
teknikal/gr
amatikal na
aspekto sa
pagpapahay
ag ng
sanaysay.
Nasunod at
naisaalangalan
g ang mga
teknikal/gra
matikal na
aspekto sa
pagpapahaya g
ng sanaysay.
Nangangailangan
ng kasanayan sa
pagsunod at
pagsaalang-alang
ng mga
teknikal/gramatika
l na aspekto sa
pagpapahayag ng
sanaysay.
Takdang-Aralin
TIPID-TIPS
Rubrik para sa sanaysay
https://www.scribd.com/docu
ment/610806814/RUBRICS-
SANAYSAY-O-ESSAY
20
Humingi ng tipid tips sa mga miyembro ng iyong pamilya patungkol sa kanilang
pamamaraan ng pagtitipid ng tubig at enerhiya. Isulat ang tipid tips sa isang malinis na
papel.
B. Pagbuo ng
Anotasyon
Itala ang naobserhan sa
pagtuturo sa alinmang
sumusunod na bahagi.
Epektibong Pamamaraan
Problemang Naranasan at
Iba pang Usapin
Estratehiya
Kagamitan
Pakikilahok ng mga
Magaaral
At iba pa
C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay:
▪ Prinsipyo sa pagtuturo
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit
dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa?
▪ Mag-aaral
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin?
Ano at paano natuto ang mga mag-aaral?
▪ Pagtanaw sa Inaasahan
Ano ang aking nagawang kakaiba?
Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod?
21

More Related Content

PPTX
ESP 10 Quarter 1 Module 1.pptx
PDF
ESP MELCs Grade 10.pdf
DOCX
Esp 8 lesson plan
PPTX
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
DOCX
Activity sheet in esp 8
DOCX
Sample Semi-Detailed LP EsP 7
PDF
ESP-MELCs-Grade-8.pdf
PPTX
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
ESP 10 Quarter 1 Module 1.pptx
ESP MELCs Grade 10.pdf
Esp 8 lesson plan
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
Activity sheet in esp 8
Sample Semi-Detailed LP EsP 7
ESP-MELCs-Grade-8.pdf
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWA

What's hot (20)

PPTX
Esp 8 pamilya modyul 1
DOCX
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
PPTX
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
PPTX
Emosyon esp 8
PPTX
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
DOCX
DLL in ESP 10
PPTX
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
PPTX
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
PDF
ESP-8-SECOND-QUARTER-WEEK5.pdf
DOCX
exam esp 8 2nd gp With key answer.docx
PDF
Edukasyon sa Pagpapakatao MELCs.pdf
PPTX
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
DOCX
Ikatlong markahang pagsusulit ESP 10
PDF
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
DOCX
ESP 9 Modyul 2 (Session 2)
PPT
Anim na pamantayan
PPTX
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10
PDF
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)
PPTX
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
PDF
Es p grade 9 3rd quarter
Esp 8 pamilya modyul 1
AralPan-JHS-and-Peace-Educ-for-Catch-up-Fridays.docx
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
Emosyon esp 8
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
DLL in ESP 10
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
Es p 8 modyul 7 (Pagpapalalim A)
ESP-8-SECOND-QUARTER-WEEK5.pdf
exam esp 8 2nd gp With key answer.docx
Edukasyon sa Pagpapakatao MELCs.pdf
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
Ikatlong markahang pagsusulit ESP 10
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
ESP 9 Modyul 2 (Session 2)
Anim na pamantayan
Edukasyon sa pagpapakatao grade 10
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
Es p grade 9 3rd quarter
Ad

Similar to quarter 3 values ed lesson exemplar week6-7 (20)

PPTX
GMRC4_PPT_Q2_Week 6 .pptx...............
DOCX
DLL_GMRC 4_Q2 Week 6666666666666666.docx
PDF
Q1_LE_GMRC 6_Lesson 6_Week 7.pdf lesson exemplar
PDF
Wk1_Q4_EsP10.pdf
DOCX
Daily Lesson Log_ESP 6_Quarter 3_W2.docx
PPTX
Kahalagahan ng Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko.pptx
PDF
Araling Panlipunan7_q1_mod4_kalagayang ekolohiko ng asya_v5.pdf
DOCX
DLL_AP2_Q3_W3.docx
PPTX
Wastong paggamit ng likas na yaman
PPTX
Wastong paggamit ng likas na yaman
DOC
Araling Panlipunan7_q1_mod4_kalagayang ekolohiko ng asya_v5.doc
PDF
LE_GMRC-1_Q1_Week-7_v.2.pdf for Grade 1.
DOCX
LESSON PLAN IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
PPTX
KURYENTE(demo)-SIR-ARIF-OKEY-KEEYOW.pptx
PDF
LE_GMRC 1_Q4_Week6lllllllllkkkkkkk_v.2.pdf
PDF
Q2_LE_Araling Panlipunan 4_Lesson 5_Week 5.pdf
DOC
bbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbb
PDF
Q2 epp he
PPTX
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx
DOCX
DLL_ESP 3_Q3_W7.docx
GMRC4_PPT_Q2_Week 6 .pptx...............
DLL_GMRC 4_Q2 Week 6666666666666666.docx
Q1_LE_GMRC 6_Lesson 6_Week 7.pdf lesson exemplar
Wk1_Q4_EsP10.pdf
Daily Lesson Log_ESP 6_Quarter 3_W2.docx
Kahalagahan ng Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko.pptx
Araling Panlipunan7_q1_mod4_kalagayang ekolohiko ng asya_v5.pdf
DLL_AP2_Q3_W3.docx
Wastong paggamit ng likas na yaman
Wastong paggamit ng likas na yaman
Araling Panlipunan7_q1_mod4_kalagayang ekolohiko ng asya_v5.doc
LE_GMRC-1_Q1_Week-7_v.2.pdf for Grade 1.
LESSON PLAN IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
KURYENTE(demo)-SIR-ARIF-OKEY-KEEYOW.pptx
LE_GMRC 1_Q4_Week6lllllllllkkkkkkk_v.2.pdf
Q2_LE_Araling Panlipunan 4_Lesson 5_Week 5.pdf
bbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbb
Q2 epp he
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx
DLL_ESP 3_Q3_W7.docx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
PPTX
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
PPTX
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
PPTX
Grade 7- Awiting Bayan-Manag Biday at iba pang awit
PPTX
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
PPTX
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
PPTX
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
PPTX
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
PPTX
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
PPTX
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
PPTX
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
PPTX
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
PPTX
Q1 Edukasyon sa PP ICT 5 WEEK 7 DAY 5.pptx
PPTX
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
PDF
Junior High School Phil IRI Manual powerpoint presentation
PPTX
Kabihasnang Aztec Credits to Maam Eve PPT
PPTX
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
PPTX
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx
SIGLO SA PAGBABAGO: Pilipinas Sa Timog-Silangang Asya
Kabihasnag Olmec Credits to Maam Eve PPT
Mga Barayti ng Wika ppt presentations.pptx
week-5Paniniwala-at-Pananampalataya-buhay-at-sa-kabilang-buhay.pptx
Grade 7- Awiting Bayan-Manag Biday at iba pang awit
FILipino7_Q1_Week7 unang markahangd.pptx
G5Q1W7 Powerpoint ARALING PANLIPUNAN.pptx
KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA (KP - IKALAWANG GRUPO).pptx
WEEK6-Q1-Sanaysay sa panahin ng Propaganda at Himagsikan.pptx
WEEK6-Q1-Lipunang Sumerian At Egyptian.pptx
COT-FILIPINO 3 Q 1 W8 -.pptxjncjbmasdbjsadbjkbd
Epiko mula sa Mesopotamia_Epiko ni Gilgameshpptx
WEEK 5-Q1-updated-Tekstong persweysib.pptx
BUWAN-NG-WIKA-QUIZ-BEE. for august 2025pptx
Q1 Edukasyon sa PP ICT 5 WEEK 7 DAY 5.pptx
Grade 5 Quarter 1 Week 6 PowerPT in GMRC
Junior High School Phil IRI Manual powerpoint presentation
Kabihasnang Aztec Credits to Maam Eve PPT
Pagtitipid_PowerPoint Presentation in values education 8
panahon-ng-amerikano-220203235805 (1).pptx

quarter 3 values ed lesson exemplar week6-7

  • 1. VALUES EDUCATION/ IKATLONG KUWARTER / BAITANG 7 NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa wastong paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa upang malinang ang pagiging matipid. C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto Naisasabuhay ang pagiging matipid sa pamamagitan ng panghihikayat sa kapuwa na pahalagahan ang tubig at enerhiya sa lahat ng oras. a. Nakapagbibigay ng mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa. b. Nakakapagpahalaga sa wastong paggamit ng tubig atenerhiya katuwang ang kapwa. c. Naisasakilos ang mga wastong paraan ng paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa. D. Lilinanging Pagpapahalaga (Values to be Developed) Matipid (Thrifty) E. Nilalaman Wastong Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa a. Mga Wastong Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa Bilang Pagganap sa Tungkulin ng Pangangalaga sa mga Ito b. Pagsasakilos ng mga Hakbang sa Tamang Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa F. Integrasyon • Environmental Stewardship • Batas • SDG# 6: Clean Water and Sanitation • SDG# 7: Affordable and Clean Energy II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Energy Department of Australia (2018). Filipino: Isang Patnubay sa Nangungupahan para sa Pagtitipid ng Enerhiya at Tubig. Energy.gov.au. https://www.energy.gov.au/publications/filipino-isang-patnubay-sa-nangungupahan-para-sa-pagtitipid-ng- enerhiyatubig 1
  • 2. Energy Efficiency & Renewable Energy (w.p.). Energy Efficiency. Environmental and Energy Study Institute (EESI). https://www.eesi.org/topics/energyefficiency/description#:~:text=Energy%20efficiency%20simply%20means%20using,household %20and%20economy%2Dwide%20level. MCE Clean Energy (2021). Energy vs. Electricity: What's the Difference? https://www.mcecleanenergy.org/tl/mce-news/energy-vselectricity-whats-the-difference/ Metropolitan Waterworks and Sewerage System (2020). Ang Wastong Paggamit ng Tubig ay Nagsisimula sa Nags Simula ating Lahat. https://ro.mwss.gov.ph/ang-wastong-paggamit-ng-tubig-ay-nagsisimula-sa-sa-ating-lahat/ Villanueva, V. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino). VMV Publishing House. Staircase [Online image] (n.d). Clipart Library. https://clipart-library.com/clipart/rijGj9KjT.html III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO 2
  • 3. A. Pagkuha ng Dating Kaalaman UNANG ARAW I. Maikling Balik-aral MAG-ISIP, BAGO MAGSALITA Ito ay isang gawaing lumilinang sa kakayahan ng mag-aaral na mag- isip nang malalim hinggil sa isang paksa at pagkatapos ay hihikayating ibahagi o pagsalitain sila upang higit na maipakita ang kasanayan sa nasabing paksa. Hakbang sa Pagsasakatuparan: 1. Bumuo ng mga tanong at iba pang gawain na tiyak mapag-iisip at mapagninilay ang mga mag-aaral. 2. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na sandaling tumahimik at huminto sa lahat ng kanilang ginagawa. 3. Gumamit ng tunog ng anomang bagay sa kukuha sa atensiyon ng mga-aaral at patunugin ito mula malakas papahina. Sa paghinto nito ay maaaring tumawag ng mag-aaral na magpapahayag ng kasagutan. Mga halimbawa ng mga katanungan base sa naunang napag-aralan: 1. Ano ang paglilingkod sa kapuwa? Magbigay ng halimbawa. 2. Paano makapaglilingkod ng epektibo sa kapuwa gabay ang sariling pananampalataya? Ito ay isang modelong banghay- aralin lamang. Maaaring baguhin ng guro ang mga gawain na naaayon sa kasanayan na dapat malinang, sa kakayahan ng kaniyang mag-aaral, at sa oras na nakalaan sa aralin. MAG-ISIP, BAGO MAGSALITA Mahalagang maiproseso ng guro ang anomang kasagutan at interpretasyon ng mga mag-aaral. 3. Ano ang pagkukusang gumawa ng kabutihan? Magbigay ng halimbawa. 4. Ano ang mga paraan ng pagpapakita ng pagmamalakasit sa kapuwa? 5. Ano ang mga nagawa mo sa iyong kapuwa na nasabi mong nakapagsilbi ka rin sa Diyos? Sa nakaraang aralin ay nakapagsasanay kayo sa pagiging mapagmalasakit sa kapuwa sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa batay sa inyong pananampalataya. Ngayong linggo ay ilalapat naman ninyo ang pagpapahalaga ng pagmamalasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtitipid sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng tubig at kuryente. 3
  • 4. B. Paglalahad ng Layunin 1. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin HANAP, USAP, KALAP 2. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Ipakita ang mga salita sa mag-aaral at tanungin sila tungkol sa kanilang mga nalalaman o nauunawaan sa mga ito. Gawain 1: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral HANAP, USAP, KALAP Hayaan ang mga mag-aaral na hanapin ang kanilang mga kapareha. Sa ganitong paraan, nahahasa ang ENERHIYA 1.__________________________________________________ ____________________________________________________ PAGTITIPID 2.__________________________________________________ ____________________________________________________ TUBIG 3.__________________________________________________ ____________________________________________________ kanilang husay sa pagtatanong at komunikasyon. Sa bawat katanungan o kategorya, bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na malayang makapag- usapusap sa loob ng kanilang pangkat. Maaari pang magdagdag ng mas maraming katanungan o kategorya na naaayon sa paksang tatalakayin. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Tiyakin ng guro na mabubuo ang ugnayan ng mga salita sa Gawain para iugnay sa aralin. Bokabolaryo Enerhiya - Ang enerhiya ay ang kakayahang gumawa ng trabaho at 4
  • 5. maaaring umiral sa iba't ibang anyo tulad ng mekanikal, ilaw, kemikal, at elektrikal. Ito ay maaaring magmula sa iba't ibang pinagmulan tulad ng pagsusunog ng kahoy para sa init, pagsusunog ng gasolina para sa transportasyon, o pag-ikot ng mga turbine para sa pagbuo ng kuryente. Pagtitipid – ito ay ang gawain ng wastong paggamit ng tubig at enerhiya sa mga mapanagot na paraan upang mabawasan ang pagaaksaya at mapanatili ang sapat na suplay. Tubig - isang likas na yaman na may malalim na koneksiyon sa kalikasan at buhay ng tao. Paglinang at Pagpapalalim Kaugnay na Paksa 1: Mga Wastong Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa Bilang Pagganap sa Tungkulin ng Pangangalaga sa mga Ito I. Pagproseso ng Pag-unawa Wastong Paggamit ng Tubig Ang pagtitipid ng tubig ay naglalarawan ng isang mahalagang bahagi ng pangangalaga sa ating kalikasan at pamumuhay. Sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng populasyon, urbanisasyon, at industriyalisasyon, naging mas kritikal ang pangangailangan na maunawaan at maisakatuparan ang mga hakbang tungo sa wastong paggamit ng tubig. Sa pagsusuri sa mga aspekto ng pagtitipid ng tubig, hindi lamang natin napapanatili ang kahalagahan ng likas na yaman kundi pati na rin ang pangkalahatang kaginhawaan at kasiglahan ng lipunan. Ayon sa Calbayog Water, ang wastong paggamit ng tubig ay nagsisimula sa ating lahat. Maging responsable at wais tayo sa paggamit ng tubig upang mapangalagaan at mapanatili natin ang Mahalagang paalala: May mga salita o terminolohiya na maaaring hindi pamilyar sa mga magaaral. Siguraduhin ng guro na mabigyan ng kahulugan at linaw ang mga ito. Link para sa mga karagdagang kaalaman: Save H2O with MWSS RO https://www.facebook.com/media/se t/?set=a.3149852635033343&type=3 Water Footprint Calculator: https://www.watercalculator.org/ 5
  • 6. pagdaloy nito. “Water is not infinite; let’s do everything we can to conserve it.” Mga Paraan ng Pagtitipid ng Tubig 1. Piliin ang mainam gumamit ng tubig na kasangkapan. Sa pagbili ng kasangkapan o kagamitan, tuklasin ang mga modelo na matipid gumamit ng tubig. I-check ang grado ng Water Efficiency Labelling and Standards (WELS). 2. Ayusin ang tumutulong gripo. Ipaayos agad ang tumutulong gripo upang makatipid sa tubig. Maglagay ng aerator para sa limitadong daloy ng tubig. 3. Palitan ang showerhead na malakas gumamit ng tubig. Kung ang showerhead ay malakas kumunsumo ng tubig, palitan ito ng modelong mainam gumamit ng tubig. 4. Gamitin ng tama ang dual-flush toilet. Sa paggamit ng dual-flush toilet, pumili ng half-flush kung angkop. Kung single-flush toilet, pag-isipang magpalit sa dual-flush model dahil ito ay makapagtitipid ng 55 litro kada tao araw-araw o paglagay ng water displacement device (pamalit-tubig) o maglagay ng isang plastik na bote na puno ng tubig sa cistern upang mabawasan ang kapasidad na tubig nito. 5. Bawasan ang paggamit ng tubig sa hardin. Ang tradisyonal na berdeng damuhan sa hardin ay nakakagamit ng hanggang 90% ng tubig. Para mabawasan ito, i-set ang mower na magtabas ng 4 na sentimetro o mas mataas. Pababain din ang paggamit ng tubig sa hardin sa pamamagitan ng maayos na pagdidilig at pagpili ng mga produktong mainam gumamit ng tubig. Mahusay na Paggamit ng Enerhiya Ang energy efficiency o mahusay na paggamit ng enerhiya ay simpleng nangangahulugang paggamit ng mas kaunting enerhiya upang gawin ang parehong gawain - ibig sabihin, pagpigil ng pag- aaksaya ng enerhiya. Ang energy efficiency ay nagdadala ng iba't ibang mga SDG#6: Clean Water and Sanitation https://www.un.org/sustainabledevel opment/water-and-sanitation/ RA 9275 – The Philippine Clean Water Act of 2004 https://r12.emb.gov.ph/ra-9275- thephilippine-clean-wateract/ #:~:text=The%20Philippine%20Cl ean %20Water%20Act%20of%202004 %20(Republic%20Act%20No,and%20c ommunity%2Fhousehold%20activities ). 6
  • 7. 7
  • 8. benepisyo tulad ng pagbawas ng emisyon ng greenhouse gases, pagbaba ng pangangailangan para sa importasyon ng enerhiya, at pagpapababa ng gastos sa kabahayan at sa buong ekonomiya. Bagamat ang mga teknolohiyang renewable energy ay nakakatulong din sa pagtatamo ng mga layuning ito, ang pagpapabuti ng energy efficiency ay ang pinakamura at kadalasang pinakamabilis na paraan upang mabawasan ang paggamit ng fossil fuels. May malalaking pagkakataon para sa mga pagpapabuti ng paggamit sa bawat sektor ng ekonomiya, maging ito sa mga gusali, transportasyon, industriya, o sa mga pinagmumulan ng enerhiya. Narito ang ilang mga ideya sa wastong pagtitipid ng enerhiya. 1. Mga Kasangkapan na Mainam Gumamit ng Enerhiya Pumili ng mga kasangkapan na may mainam na paggamit ng enerhiya, dahil ang mga ito ang nagreresulta sa hanggang 30% ng total na enerhiyang ginagamit sa bahay. Ang pagpili ng tamang klase at paggamit ng mga kasangkapan ay makakatulong sa malaking pagtitipid sa enerhiya at mas mababang bayarin. Kapag bumibili ng bagong kasangkapan, tuklasin ang Energy Rating Label para malaman kung gaano ito kahusay sa paggamit ng enerhiya – mas mataas ang bilang ng stars, mas malaki ang matitipid na enerhiya at pera. 2. Pagkontrol ng Temperatura Kahit ang simpleng pag-adjust ng thermostat ng kahit isang degree pataas o pababa ay maaaring magresulta sa 5-10% na pagbawas sa enerhiyang ginagamit. Kapag gumagamit ng air conditioner o heater, siguruhing isara ang mga kuwartong hindi ginagamit sa pamamagitan ng pagsasara ng mga pintuan at bintana sa bahay. 3. Pagbabara ng Puwang at Bitak Ang draught-proofing ng tahanan, o pagpapabara sa paglabas ng hangin sa mga puwang at bitak ay maaaring magdulot ng pagbawas ng singil sa enerhiya ng hanggang 25%. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng draught stopper na puno ng buhangin sa ilalim ng pintuan at paggamit ng weather seal sa iba't ibang bahagi ng bahay, tulad ng SDG#7: Affordable and Clean Energy https://www.un.org/sustainabledevel opment/energy/ RA 11285 - The Energy Efficiency and Conservation Act https://pinoybuilders.ph/ explainingra-11285-what-is-the- energyefficiency-and-conservation-act/ Karagdagang impormasyon kung paano makatipid sa kuryente https://ph.theasianparent.com/paan o-makatipid-sa-kuryente 8
  • 9. bintana, sahig, skirting board, skylight, at cornice. Maigi ang makipagalam sa inyong kasero bago maglagay ng anomang weather seal. 4. Paggamit ng Bintana Iwasan ang pagkawala ng init sa pamamagitan ng paghahakab ng mga kurtina at blind sa tabi ng bintana upang pigilan ang di kumikilos na hangin. Maaari ring buksan ang mga kurtina sa taglamig upang makapasok ang sikat ng araw, at isara bago magdilim. Sa tag-init, maganda rin na isara ang mga kurtina sa pinakamainit na oras ng araw. 5. Paggamit ng Bentilador Ang mga bentilador sa kisame at pedestal ay cost-effective sa halagang isang sentimo kada oras ng operasyon at mas kaunting greenhouse gas emissions kumpara sa mga air-conditioner. Ang mga bentilador ay nagbibigay ng epekto sa pagpapalabas ng hangin at maaaring mapakinabangan sa pampalamig ng hangin at sa pagpapaikot ng mainit na hangin na nagdadala ng mga benepisyo lalo na sa taglamig. 6. Pagpapalit sa Ilaw Mga 12% ng enerhiyang ginagamit sa tahanan ay napupunta sa pagiilaw. Sa pagpapalit sa mga energy-efficient na ilaw at tamang paggamit nito, maaaring makamit ang kalahati ng pagbawas sa gastos sa pagiilaw. Ang pag-switch mula sa lumang incandescent bulbs papunta sa compact fluorescent lamps (CFL) o light emitting diode (LED) ay epektibong paraan ng pagtitipid sa enerhiya. Ang CFL ay gumagamit ng 20% lamang ng enerhiya ng incandescent bulb at may mas mahaba pang itinatagal, mula 4 hanggang 10 beses. 7. Standby Power Maraming kasangkapan at aparato, tulad ng phone charger, game console, microwave oven, at stereo, ay patuloy na gumagamit ng enerhiya kahit hindi ginagamit. Ang standby power na ito ay nagreresulta sa 10% ng kabuoang kuryente na ginagamit sa bahay. Ang pagpatay ng switch pagkatapos gamitin ay makatutulong sa pagbawas ng paggamit ng 9
  • 10. enerhiya at sa iyong singil sa kuryente, lalo na kung mayroon itong maliit na standby na ilaw o orasan. 8. Mga Fridge at Freezer Ang optimal na temperatura para sa fridge ay 3 hanggang 5°C, samantalang para sa freezer ay minus 15 hanggang minus 18°C. Ang bawat degree na pagbaba ay nangangailangan ng karagdagang 5% na enerhiya. Pabutihin ang kahusayan ng fridge at freezer sa pamamagitan ng pagtanggal ng anomang frost sa freezer at pag-iwan ng puwang na 58 sentimetro para sa bentilasyon. Kung may pangalawang fridge para sa pag-aaliw, paandarin lamang ito kapag kinakailangan. 9. Paglalaba at Pagpapatuyo ng Damit Sa paglalaba gamit ang makina, magtipid ng enerhiya sa pamamagitan ng paggamit ng malamig na tubig, pinakamaikling cycle, pag-aakma ng taas ng tubig sa dami ng nilalabhan, at paghihintay ng sapat na dami ng damit para sa isang labahan. Magpatuyo ng mga damit sa sampayan kaysa sa de-kuryenteng pangtuyo — ito ay mas cost- effective. 2. Pinatnubayang Pagsasanay PAGTITIPID NGAYON, MASAGANANG BUKAS ANG LAYON 3. Paglalapat at Pag-uugnay Proyektong Pangkomunidad IKALAWANG ARAW Kaugnay na Paksa 2: Pagsasakilos ng mga Hakbang sa Tamang Paggamit ng Tubig at Enerhiya Katuwang ang Kapuwa I. Pagproseso ng Pag-unawa Ang tamang paggamit ng tubig at enerhiya, katuwang ang kapuwa, ay hindi lamang isang kilos na naglalabas ng prinsipyo ng responsibilidad at pangangalaga sa kalikasan, kundi isang pagganap sa tungkulin na may malalim na implikasyon sa kabuoang kaayusan ng ating lipunan Gawain 2: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Gawain 3: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Proyektong Pangkomunidad Inaasahang magiging malikhain ang mag-aaral sa pagbabahagi ng kanilang awtput. Maaari itong gawin na takdang-aralin kung kakapusin sa oras. 10
  • 11. at ekosistema at kapaligiran. May kaugnayan ito sa perspektibo ng environmental stewardship. Ito ay isang konsepto na naglalayong pangalagaan at pangasiwaan ang kalikasan at ang mga likas na yaman 11
  • 12. para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon. Sa pagtutok nito sa pagtitipid ng tubig at enerhiya, maaari itong maisakatuparan sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang: 1. Responsibilidad at Pangangalaga Ito ay isang aktibong pagsanib ng pagmamalasakit sa kapuwa at kalikasan. Ang pagtitipid sa tubig at mahusay na paggamit ng enerhiya ay hindi lamang para sa sariling interes kundi para sa kapakanan ng lahat. Sa pagiging responsable sa paggamit ng likas na yaman, ipinapakita natin ang ating pag- unawa sa limitadong mapagkukunan or scarce resource ng kalikasan at ang pangangailangan ngayon na mapanatili ito para sa mga susunod na henerasyon. 2. Pakikipagtulungan at Pakikilahok Ito ay isang anyo ng pakikipagtulungan at pakikilahok. Sa pamamagitan ng kolektibong pagsusumikap na magkaroon ng tamang paggamit ng tubig at enerhiya, masasabi nating nagiging bahagi tayo ng isang komunidad na may iisang layunin. Ang pagtutulungan at pakikilahok sa pagtitipid ay nagbubukas ng pintuan para sa mas malawakang pagunlad at pagbabago sa kabuoang sistema ng pamamahagi ng likas na yaman. 3. Edukasyon at Kamalayan Ito ay nagbibigay-daan sa edukasyon at kamalayan. Sa pagpapahalaga sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya, isinusulong natin ang kahalagahan ng edukasyon tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Ang pagbibigay ng impormasyon sa kapuwa ay nagiging daan upang maging mas maalam at makialam sa isyu ng epekto ng tao sa kalikasan. 4. Pakikibahagi sa Kabuoang Layunin Ang tamang paggamit ng tubig at enerhiya, katuwang ang kapuwa, ay pagtanaw sa pangangalaga ng likas na yaman bilang bahagi ng ating kabuoang layunin. Hindi lang ito isang Mga link para sa karagdagang kaalaman: Environmental Stewarship: https://resiliencei.com/blog/thebenefits-of- environmentalstewardship To Be a Christian Steward A Summary of the U.S. Bishops' Pastoral Letter on Stewardship https://www.usccb.org/committees/ evangelizationcatechesis/stewardship#:~:text=As %2 0Christian%20stewards%2C%20we% 20receive,with%20increase%20to%20 the%20Lord. SDG#6: Clean Water and Sanitation https://www.un.org/sustainabledevel opment/water-and-sanitation/ RA 9275 – The Philippine Clean Water Act of 2004 https://r12.emb.gov.ph/ra-9275-thephilippine- clean-wateract/#:~:text=The%20Philippine%20Cl ean%20Water%20Act%20of%202004 %20(Republic%20Act%20No,and%20c ommunity %2Fhousehold%20activities ). SDG#7: Affordable and Clean Energy 12
  • 13. teknikal na gawain, kundi isang pagtalima sa pangangailangan ng panahon na maging maalam at makialam sa mga isyung naglalabas ng pag-unlad at pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. Sa harap ng mas mataas na pangangailangan sa enerhiya at ang lumalalang epekto ng climate change, ang pagpapahalaga sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya ay naging kritikal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi lamang ito nagbubunga ng pangmatagalang benepisyo sa kalikasan kundi naglalayong bumuo ng masinop na pamamahala sa ating likas na yaman. Ang pagbabahagi ng responsibilidad at pagsasakilos ng bawat isa para sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya ay naglalayong palakasin ang pagkakaisa sa komunidad, nagbibigay-halaga sa kapuwa, at nagtataguyod ng pangangalaga sa kinabukasan ng ating planeta. 5. Pamumuhunan sa Epektibong Sistemang Tubig at Enerhiya Maglaan ng pondo para sa pag-unlad at pagpapabuti ng mga sistema ng suplay ng tubig at enerhiya. Kabilang dito ang pagpapalit ng mga lumang kagamitan na mas mababa sa enerhiya at tubig ang kinakailangan. 6. Paggamit ng Teknolohiya para sa Pagtitipid Gumamit ng mga teknolohiyang nakakatulong sa pagtitipid ng tubig at enerhiya. Halimbawa nito ang smart meters para sa mas mabisa at masusing pag-monitor ng paggamit ng tubig at kuryente. 7. Pagpapaunlad ng mga Green Spaces Itaguyod ang pagtatanim ng mga puno at pagpapaganda ng mga green spaces. Ang mga puno ay makakatulong sa natural na pagmumulan ng hangin at pagkakaroon ng malamig na lugar na nagbibigay-daan upang mabawasan ang pangangailangan sa enerhiya para sa air conditioning. 8. Pagsusulong ng Water Recycling at Rainwater Harvesting Magkaroon ng mga sistema ng recycling ng tubig at rainwater harvesting. Ang ganitong mga sistema ay maaaring makatulong sa https://www.un.org/sustainabledevel opment/energy/ RA 11285 - The Energy Efficiency and Conservation Act https://pinoybuilders.ph/ explainingra-11285-what-is-the- energyefficiency-and-conservation-act/ Gawain 4: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Gawain 5: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Gawain 6: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral 13
  • 14. pagtitipid ng tubig sa pang-araw-araw na gawain at pag-aani ng tubig mula sa ulan para sa irigasyon at iba pang pangangailangan. 9. Pagtutok sa Sustainable Practices 14
  • 15. Itaguyod ang mga sustainable practices sa paggamit ng enerhiya, tulad ng paggamit ng solar at wind power, at paghikayat sa mga komunidad na pumili ng mga environmentally-friendly na appliances at kagamitan. Sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito, ang konsepto ng environmental stewardship ay maipapakita sa pang-araw-araw na buhay ng komunidad, na may layuning mapanatili at mapalago ang kalikasan para sa mga hinaharap na henerasyon. 10. Pagtaguyod sa mga Batas/Panukala na Nangangalaga sa mga Likas na Yaman o Pinagkukunan ng Enerhiya at Tamang Paggamit ng mga Ito Ang pagtaguyod sa mga batas o panukala na may kaugnayan sa pagtitipid ng tubig at enerhiya ay naglalayong pagtibayin ang pundasyon ng isang mas sustenable, maunlad, at ligtas na lipunan. Ito'y hindi lamang para sa kasalukuyan kundi maging para sa mas maganda at mas mapayapang hinaharap. Upang maisakilos ang mga hakbang para sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya, maaaring bigyang-pansin ang sumusunod na hakbang: 1. Pagsasagawa ng Konsultasyon sa Komunidad • Mag-organisa ng pulong o konsultasyon sa komunidad upang malaman ang mga pangangailangan at isyu ng mga tao hinggil sa tubig at enerhiya. • Makinig sa kanilang mga opinyon at suhestiyon upang makuha ang kanilang suporta. 2. Pagbuo ng Layunin at mga Plano • Kasama ang komunidad, bumuo ng mga layunin at plano para sa wastong paggamit ng tubig at enerhiya. • Magkaroon ng mga proyektong pangkalahatan na makatutulong sa pagpapabuti ng paggamit ng mga ito. 3. Pamumuno at Pagbibigay-Halimbawa • Manguna sa pagpapakita ng magandang halimbawa sa pamamagitan ng personal na pagtutok sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya. • Maging inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga ito. 15
  • 16. 4. Edukasyon sa Komunidad • Maglaan ng mga edukasyonal na aktibidad, tulad ng seminar at workshop, upang magbigay ng kaalaman sa komunidad hinggil sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya. • Gamitin ang mga simpleng termino at halimbawa para madaling maunawaan ng lahat. 5. Pagbuo ng Kampanya • Itaguyod ang kampanya sa pamamagitan ng iba't ibang paraan tulad ng pagpapaskil, pagdaraos ng advocacy events, o paggamit ng social media. • Gumamit ng mga slogan at mensahe na pupukaw sa damdamin ng mga tao upang mahikayat sila na maging responsable sa paggamit ng tubig at enerhiya. 6. Pagtutok sa mga Proyekto • Pagtuunan ng pansin ang mga proyektong naglalayong mapabuti ang paggamit ng tubig at enerhiya sa komunidad. • Isama ang mga miyembro ng komunidad sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyektong ito. 7. Pakikipagtulungan sa mga Eksperto • Makipagtulungan sa mga eksperto sa larangan ng tubig at enerhiya upang makakuha ng masusing gabay at suporta. • Ang pakikipagtulungan ay makatutulong sa mas maayos na pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga hakbang. 8. Pagbibigay Incentives • Magbigay ng mga insentibo o premyo para sa mga indibidwal o grupo sa komunidad na nakakamit ang mga layunin ng tamang paggamit ng tubig at enerhiya. • Ang mga incentives ay maaaring magbigay inspirasyon at motibasyon sa iba pang kasapi ng komunidad. 9. Regular na Pagsubaybaybay at Ebalwasyon • Magkaroon ng sistema ng regular na pagmomonitor at pagsusuri upang matukoy ang progreso at mga aspekto na maaaring mapabuti. • Itakda ang mga bagong layunin kung kinakailangan para sa mas 16
  • 17. mahusay na implementasyon. IKATLONG ARAW II. Pinatnubayang Pagsasanay Pinagkaisang Puwersa IKAAPAT NA ARAW III. Paglalapat at Pag-uugnay Kampanya para sa Pagtitipid ng Tubig at Enerhiya Mga link para sa karagdagang kaalaman: Engaging Communities in Climate Action https://www.tpximpact.com/knowledge-hub/our-work/ engagingcommunities-in-climate-action/ The Importance of Community Engagement in Water Solutions for Disasters https://energy5.com/the-importance-of-community-engagement- inwater-solutions-for-disasters Gawing takdang-aralin kung wala ng sapat na oras para gawin pa ito. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto PAAKYAT SA KARUNUNGAN 2. Pagninilay sa Pagkatuto Personal Pledge: Pangako Tungo sa Pagtitipid sa Tubig at Enerhiya Gawain 7: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Gawain 8: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral IV. EBALWASYON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO 17
  • 18. A. Pagtataya Pagsusulit Tama o Mali: Bilugan ang "T" kung Tama ang pahayag at "M" kung Mali. (1 puntos bawat tanong) 1. [T/M] Ang pangangalaga sa tubig ay hindi na kailangan dahil marami pa ito. 2. [T/M] Ang wastong paggamit ng tubig ay walang kaugnayan sa pangkalahatang kaginhawaan at kasiglahan ng lipunan. 3. [T/M] Ang Water Efficiency Labelling and Standards (WELS) ay dapat ikonsidera sa pagbili ng kasangkapan. 4. [T/M] Ang pagpapalit ng malakas na kumukonsumong showerhead ay makakatipid ng tubig. Sagot: 1. M 2. M 3. T 4. T 5. T 6. M 7. M 8. M 9. M 5. [T/M] Ang pagtitipid ng enerhiya ay nagdudulot ng pagbawas ng greenhouse gases at pagpapababa ng gastos. 6. [T/M] Ang Energy Rating Label ay hindi mahalaga sa pagbili ng kasangkapan. 7. [T/M] Ang pag-switch mula sa incandescent bulbs papunta sa CFL o LED ay hindi epektibong paraan ng pagtitipid sa enerhiya. 8. [T/M] Ang paglalaba at pagpapatuyo ng damit sa de-kuryenteng pangtuyo ay mas cost-effective kaysa sa pagpatuyo sa sampayan. 9. [T/M] Ang pagtitipid sa tubig at mahusay na paggamit ng enerhiya ay nagpapakita lamang ng interes ng bawat isa para sa sariling kapakinabangan. 10.[T/M] Ang responsibilidad sa paggamit ng likas na yaman ay ipinapakita lamang sa sariling pangangailangan at minsan sa kapakanan din ng iba. 11.[T/M] Ang edukasyon tungkol sa tamang paggamit ng tubig at enerhiya ay nagbibigay-daan sa mas maalam na lipunan. 12.[T/M] Ang pag-organisa ng pulong sa komunidad ay nagbibigay-daan para sa partisipasyon at suporta ng mga tao sa programa. 13.[T/M] Ang pagtuon sa mga kapakipakinabang na proyekto ay nagpapakita ng kongkretong hakbang para sa pagpapabuti ng paggamit ng tubig at enerhiya. 14.[T/M] Ang pagbibigay ng insentibo ay hindi dapat kailanman gawing motibasyon sa pagtupad ng mga proyekto. 15.[T/M] Ang regular na pagmomonitor at pagsusuri ay mahalaga para sa 10. M 11. T 12. T 13.T 14.M 15.T 18
  • 19. pagpapahalaga at pagpaplano ng mga hakbang. Pagtatala: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan sa sumusunod na mga aytem. 1 – 5. Paraan ng Pagtitipid ng Tubig 6-10. Wastong Pagtitipid ng Enerhiya Sanaysay: Bakit mahalaga ang magtipid ng tubig at enerhiya? Ano ang dulot nito sa personal na pag-unlad, sa pamilya, sa paaralan, at sa komunidad? Pamantayan Napakahusa y (10 puntos) Mahusay (8 puntos) Katamtaman ang Husay (6 puntos) Nangangailangan ng Pagsasanay o Papaunlad (4 puntos) Pagkabuo o Organisasyon Napakahusa y na nabuo ang Mahusay na nabuo ang sanaysay na Nakabuo ng sanaysay subalit Nangangailangan ng kasanayan sa Maaaring ikonsidera ang mga praktikal na kasaguutan ng mga mag- aaral. 19
  • 20. sanaysay na nakikitaan ng kumpletong bahagi nito. nakikitaan ng kumpletong bahagi nito. kulang ang mga bahagi nito. pagbuo ng sanaysay. Nilalaman Nakitaan ng kumpletong datos o impormasyo n tungkol sa paksa mula sa mga mapagkakati walaang sanggunian. Nakitaan ng datos o impormasyo n tungkol sa paksa mula sa iilang mapagkakat iwalaang sanggunian. Nakitaan ng datos o impormasyon tungkol sa paksa subalit kulang sa mapagkakati walaang sanggunian. Nangangailangan ng kasanayan sa paglalahad ng kompletong datos o impormasyon tungkol sa paksa. Pagpapahay a g Buong husay ang pagpapahaya g ng sanaysay. Mahusay ang pagpapahay ag ng sanaysay. Naipahayag ang sanaysay. Nangangailangan ng kasanayan sa pagpapahayag ng sanaysay. Teknikal/ Gra matikal na Aspekto Napakahusa y na nasunod at naisaalangalan g ang mga teknikal/gra matikal na aspekto sa pagpapahaya g ng sanaysay. Mahusay na nasunod at naisaalangalan g ang mga teknikal/gr amatikal na aspekto sa pagpapahay ag ng sanaysay. Nasunod at naisaalangalan g ang mga teknikal/gra matikal na aspekto sa pagpapahaya g ng sanaysay. Nangangailangan ng kasanayan sa pagsunod at pagsaalang-alang ng mga teknikal/gramatika l na aspekto sa pagpapahayag ng sanaysay. Takdang-Aralin TIPID-TIPS Rubrik para sa sanaysay https://www.scribd.com/docu ment/610806814/RUBRICS- SANAYSAY-O-ESSAY 20
  • 21. Humingi ng tipid tips sa mga miyembro ng iyong pamilya patungkol sa kanilang pamamaraan ng pagtitipid ng tubig at enerhiya. Isulat ang tipid tips sa isang malinis na papel. B. Pagbuo ng Anotasyon Itala ang naobserhan sa pagtuturo sa alinmang sumusunod na bahagi. Epektibong Pamamaraan Problemang Naranasan at Iba pang Usapin Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Magaaral At iba pa C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? 21